Press Briefing

Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque

Event Press Briefing
Location New Executive Bldg., Malacañang

SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas.

Hindi na tayo nagulat nang sinabi ng Chinese Foreign Ministry na ang July 2016 Arbitral award ay, I quote, “A piece of paper.” Kung inyong matatandaan, may binanggit si Presidente Rodrigo Roa Duterte noong May 5, 2021. Now, basahin po natin ang transcript ‘no, sabi, “Tapos sabi nila itong papel na sa kaso nanalo tayo, i-pursue mo. Pinursue ko, walang nangyari. Sabi actually sa usapang bugoy, sabi ko sa iyo ibigay mo sa akin, sabihin ko siya papel lang iyan.”

Now, pero kung inyong matatandaan, pinagdiinan ng Pangulo sa 75th General Session ng United Nations General Assembly noong September 2020 na patuloy na ina-affirm ng Pilipinas ang commitment sa South China Sea in accordance with UNCLOS and the 2016 Arbitral award. The President said, and I quote, “The Award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish, or abandon. We firmly reject attempts to undermine it.”

So bilang sagot sa sinabi ng Spokesperson ng Chinese Ministry of Foreign Affairs, ang tingin po natin, ang award ay kabahagi na ng international law, iyan po ay sang-ayon sa Article 38 ng ICJ Statute ay subsidiary means of finding out the applicable norm of customary international law, at iyan po ay under Article 38 of ICJ Statute, writings of the most qualified publicists on the UN Convention on the Law of the Sea.

Samantala, sinaksihan po ng inyong lingkod ang bakunahang nangyayari sa Hope Christian High School sa Tondo, Manila. Hindi lang po sila ngayon nagsimula ng pagbabakuna. Sa katunayan po, ang federation po ay ang kauna-unahang pribadong sektor na nakatanggap po ng bakuna na binili sang-ayon po sa isang tripartite agreement. So ito po ang nangunguna or the first na pribadong sektor ang Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry po, the first na pumasok at na-deliver sa pamamagitan ng tripartite. Ito po ang ilan sa mga larawan na nangyari kaninang umaga.

Usaping bakuna po tayo:

  • Nasa 13,817,358 total doses na po ang na-administer as of July 13, 2021, ayon sa National Task Force COVID-19 vaccination. Iyan po siyempre ay mga COVID-19 vaccines.
  • Umakyat sa 375,059 ang ating daily jabs as of yesterday, ito ang pinakamataas na daily jab. Umabot tayo sa bilang na ito bagama’t nagkakaroon ng kakulangan sa supply sa mga nakalipas na araw; inaasahan nating aabot pa ng labinlimang milyon this week.
  • Patuloy naman po tayong nagpapabakuna lalo na kung kayo po ay mayroon nang schedule ‘no.
  • Sama-sama, tulung-tulong tayo para sa ating pamilya, mahal sa buhay at komunidad lalo na nagsimula na ang pagdating ng mga iba’t ibang bakuna.

Dumating kaninang umaga ang isang milyong doses ng Sinovac at inaasahan naman na bukas, July 15, ay darating ang 250,800 doses ng Moderna vaccine – 194,400 doses ay para sa pamahalaan ng Pilipinas at 56,400 naman po ay para sa pribadong sektor. Tara na po at magpabakuna, libre po ang first dose at second dose. Makukuha lamang ito ng full protection kung nakadalawang dose na po tayo.

Balitang IATF: Inaprubahan ng inyong IATF ang extension ng travel restriction sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang katapusan ng buwan or July 31, 2021. Inatasan din ng IATF Technical Working Group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekomendasyon sa nararapat na testing at quarantine protocols para sa mga biyahero ng mga nasabing bansa at iba pang mga lugar na matutukoy na high-risk.

COVID-19 update naman po tayo. Ito ang ranking ng Pilipinas sa buong mundo ayon po sa Johns Hopkins:

Number 23 pa rin po tayo pagdating sa total cases
Twenty-nine, bumaba po tayo ‘no, pagdating sa active cases
One hundred thirty po tayo sa cases per 100,000 population
At Number 87 po tayo sa case fatality rate na bahagyang umakyat po ng 1.8%

Mayroon tayong 3,604 na mga bagong kaso ayon sa July 13, 2021 datos ng DOH, samantalang nasa 95.1% ang ating recovery rate kaya naman po nagpapasalamat tayong muli sa ating mga medical frontliners. Nasa 1,408,634 na po ang bilang ng mga naka-recover, samantalang malungkot naming binabalita na nasa 26,092 na po ang binawian ng buhay. Nakikiramay po kami sa lahat ng mga naulila. Nasa 1.76% po ang ating fatality rate.

Tingnan naman po natin ang ating two-week growth rate, average daily attack rate, healthcare utilization rate at ICU utilization sa buong bansa. Nakikita na nasa low-risk na po ang buong Pilipinas.

Okay, ang ating total active cases po ay masyadong maliit, hindi ko po mabasa. Ito naman po ang confirmed cases by report date sa Metro Manila: Makikita ninyo po sa graph na ito na patuloy pong bumababa ang mga kaso hanggang sa mag-plateau na ito. Mula sa peak na 5,534 noong March 29 to April 4, ito ay naging 750 average daily reported cases noong June 13 to 19 hanggang sa naging 660 noong July 4 to 10.

Ito naman po ang kalagayan ng ating mga ospital sa buong Pilipinas:

56% utilized ang ating ICU beds
46% utilized ang ating isolation beds
42% utilized ang ating ward beds
At 37% utilized ang ating ventilators

Sa NCR:

43% utilized ang ating ICU beds
37% utilized ang ating isolation beds
32% utilized ang ating ward beds
33% utilized ang ating ventilators

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama po natin ngayon para bigyan-linaw po doon sa mga reports na diumano ay hindi na naman daw po makapangisda ang ating mga kababayan diyan sa Scarborough, walang iba po kung hindi si Philippine Coast Guard Commander Armand Balilo at Mayor Arsenia Lim ng Masinloc, Zambales.

Unahin po muna natin siguro si Mayor Arsenia Lim. Madam, kayo po ang Mayor ng Masinloc na nakakasakop sa Scarborough, mayroon ba hong katuturan itong sinasabi na naman sa balita na hindi raw pinapayagang maghanapbuhay muli ang mga mangingisda ng Masinloc diyan sa Scarborough? Kayo na po ang magsabi dahil regular po ang consultations ninyo sa inyong mga mangingisda ‘no. The floor is yours, Mayor Senyang Lim.

MASINLOC MAYOR LIM: Magandang umaga po, Secretary. Iyan po ay walang katotohanan dahil po sa ngayon po ay lagi pong naka-monitor ang LGU lalo sa ating mga mangingisda dahil binigyan po natin sila ng sarili po nilang lantsa.

At sa ngayon po, kasama ko rito ang mga may-ari ng lantsa para kahit papaano ay makapagsalita na rin nang konti na pagpapatunay na sila po ay nakakapaghanapbuhay nang maayos.

SEC. ROQUE: Sige po.

MASINLOC MAYOR LIM: Iyong isyung iyan na pinupukol sa atin ay 2018 pa, inilabas iyan noong 2019 election. Ngayon, mag-ieleksyon na naman, niri-refresh lang nila iyong dating isyu na 2018 pa po iyan. Sana naman po huwag po silang manira dahil ang suporta po ng national government ay binibigay po sa mga mangingisda dito sa aming lugar. Huwag naman po silang gumawa ng salita na nakakasira sa atin dahil kapag sila po ay gumagawa ng hindi makatotohanan na bintang na sila ay hindi nakakapangisda ay maaapektuhan naman po itong mga may-ari ng mga lantsa dito na parang gumagawa po sila ng salita.

MASINLOC MAYOR LIM: [CONT] Kaya po dinala ko sila rito para makausap ninyo mismo, Mr. Secretary, na sila po ay lumalampas pa doon sa Scarborough. At pagpapatunay na marami pong isda sa ngayon, kung gusto ninyo po bisitahin ninyo po ang bayan ng Masinloc, maraming isda na sariwa ngayon sa aming bayan. At makikita ninyo po na wala naman pong namimerhuwisyo at humaharang sa kanila sa ngayon.

SEC. ROQUE: Oo. Ma’am, ito po from Virma Rivera. Ito po ang sabi niya: “Hi, Secretary. You mentioned yesterday about fisherfolks not reporting the truth on their experience.” Tapos pinadala niya iyong documentary. “We interviewed at least two fishermen and said that they’re still not allowed to fish inside the shoal. Our team was also with them for a week in Scarborough. Could we get your comment on this, please?” O, kayo na po magkomento. Hindi raw po sila pinangingisda sa Scarborough. Address ninyo po siya, Virma po ang pangalan niya.

MASINLOC MAYOR LIM: Okay. Madam Virma, iyan po ay walang katotohanan dahil iyong in-interview ninyo po nandito po ang kapatid niya katabi ko. Pinatawag ko po kung iyan ay totoo. Iyong isyung binubuhay ninyo po ay 2018 pa po. Kaya tinawag ko na rin iyong mismong may-ari ng lantsa kung saan sila nagtatrabaho kung talaga po sila ay piniperhuwisyo. Iyan po ay walang katotohanan. Kung gusto ninyo pong makausap, Mr. Secretary, ay ihaharap ko po sila sa inyo. Nandito po sila.

SEC. ROQUE: Sige po, iharap ninyo po nang marinig ni Virma.

MASINLOC MAYOR LIM: Nandito po si [unclear], nandito rin si Madam Jean (?), iyong lantsa na apat. Ito si [unclear], sa iyo ‘yung lantsa. Sir, dito kayo, sir.

SEC. ROQUE: Ma’am, sabi po ni Virma Rivera, hindi raw po kayo nakapangingisda sa Scarborough. Oo, pakisabi nga po anong katotohanan. Go ahead po. Kayo po iyong kapatid na na-interview ni Virma. Eh bakit ba sinabi ng kapatid ninyo na hindi raw siya nakapangingisda sa Scarborough at ano ba ho ang katotohanan?

MASINLOC MAYOR LIM: Sir, ito po ‘yung may-ari ng lantsa mismo. Tauhan niya iyong nagsalita.

SEC. ROQUE: Okay. Oo, bakit naman po nagsalita ang tauhan ninyo na hindi raw sila nakapangingisda sa Scarborough at ano ba ho ang katotohanan, bilang may-ari noong lantsa mismo?

Q: Wala pong katotohanan iyon, sir, at saka wala pong nababalitaan na may harassment po doon sa Scarborough, sir. Iyan po ang katotohanan diyan.

SEC. ROQUE: Para nga pong binubuhay nila iyong nakaraan pero iyong nakaraan naman po sa ibang administrasyon ho iyon ‘di ba ho?

Q: Iyon na nga po ‘yun, sir.

SEC. ROQUE: Oo. Ano po kaya ang motibo nila bakit nila nilalabas itong mga issue na ito ngayon?

Q: Hindi ko na po alam iyan, sir. Siguro gusto lang manira, ganoon, sir.

SEC. ROQUE: Oo. Paki-address nga po si Virma Rivera kasi siya po iyong nagtatanong ng reaksiyon sa akin na pinaaalis daw po iyong mga mangingisda ninyo.

Q: Ma’am, ako po ‘yung may-ari ng ‘Henaida’. Wala pong katotohanan iyong sinasabi ninyo, Ma’am. Opo, ako iyong may-ari ng bangkang Henaida.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat po. Sino pa po ang kasama ninyo diyan? Kasi kinakailangan eh ilabas natin ang katotohanan ‘no dahil maraming nanlilinlang ‘no. Go ahead po. Sino pa po ang nandiyan?

Q: Hello po, sir. Ako po si Genevie (?) po, sir. Good afternoon po.

SEC. ROQUE: Good afternoon. Ano po kayo?

GENEVIE: Mayroon po kaming lantsa, umaabot po kami ng Scarborough Shoal. Lumalagpas pa po kami, actually umaabot kami ng 160 nautical miles. Wala pong katotohanan na may nangha-harass kasi malaya po kaming nakakapamalakaya doon at nakakapangisda. Wala naman pong harassment. Hindi po totoo iyong tsismis po na sinasabi nila.

SEC. ROQUE: Okay. So, bakit po kaya may mga ganitong mga bali-balita at tsismis na sinasabi ninyo?

GENEVIE: Iyon nga po eh. Kasi actually po ilang buwan na po iyang tinatawag sa akin, tinatanong po ako kung totoo. Actually po, talaga nakakapamalakaya kami, wala po talagang gulo eh, wala pong nanghaharang, wala pong nagbabawal. Ganoon po iyon. Nagtataka nga po kami bakit may issue.

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Ma’am, ‘no. Maraming salamat, Mayor Senyang Lim.

Puntahan naman po natin ang Philippine Coast Guard kung ayaw ninyong maniwala sa mga nagmamay-ari ng lantsa mismo at kapatid ng na-interview ‘di umano ‘no, ay puntahan natin ang Philippine Coast Guard. Sir?

PCG COMMODORE BALILO: Magandang tanghali, Secretary.

SEC. ROQUE: Yes, oo. Commodore, ano ba ho ito? Eh sabi ng isang telebisyon mayroon daw reports, mayroon daw silang na-interview, hindi raw sila pinangingisda sa Scarborough. Mayroon ba tayong natatanggap na ganiyang report? Dahil ito po ngayon ay ikalimang taon ng anibersaryo noong panalo natin sa Tsina kung saan sinabi ng arbitral tribunal lahat ng mangingisda – Pilipino, Vietnamese at Tsino ay pupuwedeng mangisda diyan sa Scarborough dahil traditional fishing rights (grounds) iyan. Kayo na po magsabi, mayroon ba kayong na-report na harassment itong mga nakalipas na araw at linggo?

PCG COMMODORE BALILO: Tama po kayo diyan, Secretary. Hindi ko alam kung kailangan ko pa hong magsalita kasi nagbigay na po ng statement iyong mga mangingisda na sila ang involved dito po sa pangingisda sa Bajo de Masinloc. Kami naman po ay nagpa-patrol diyan sa area, in fact may apat na barko pong nagpapalit-palitan diyan at nakakausap din namin iyong mga mangingisda doon sa area. In fact, mayroon pa kaming program na ‘Bayanihan sa Karagatan’ na binibigyan namin ng tulong iyong mga fishermen na nakikita ng mga tropa na nangingisda po diyan.

At nagtataka lang po ako kasi wala rin naman kaming report na natatanggap na hindi puwedeng mangisda doon sa area. In fact, habang nag-uusap tayo sa mga oras na ito, may report po sa amin na mayroon pong isang bangka/fishing boat na nasa loob mismo ng Bajo de Masinloc. So iyon po, wala naman kaming report na hindi po pinapayagan lalo na po doon sa mga gilid-gilid ng Bajo de Masinloc at ang isa pang sinabi sa akin po ng mga people on the ground ay payao season na ngayon, talagang pinipili rin ng mga mangingisda na majority sa kanila ay nag-i-stay po doon sa kanilang mga payao na medyo malayo po doon sa Bajo de Masinloc.

SEC. ROQUE: Oo. Well, nag-text pong muli si Virma. Virma, tumawag ka nang matanong mo naman si Mayor, iyong mga may-ari ng lantsa at saka ang PCG kasi tinawag iyong report ninyo ng isang may-ari ng lantsa na tsismis ‘no. In fairness to you, tumawag ka ngayon, I will link you up with them para naman malinawan kung ano iyang report mo.

But in fairness, ito ang text ni Virma Rivera: “Mayroon daw pong mga mangingisda galing Masinloc at dalawa galing sa Bolinao.” Tawagan natin ang Mayor ng Bolinao ngayon kasi kinakailangan malinawan ito ‘no. Kasi 5th anniversary noong award, eh baka gumagawa nga lang ng istorya para mapalala iyong relasyon ng dalawang bansa ‘no.

Pero ito na po ang Mayor ng Masinloc, hahanapin ko po iyong Mayor ng Bolinao at ito po ang PCG na nagsasabing walang pagbabawal sa mga mangingisda. If you care to call us, Virma Rivera, please do so. We will link you up with them nang malaman natin kung sino talaga ang nagsasabi ng katotohanan. Okay?

So, our lines are open. Anong linya ng ating Zoom line for Virma Rivera, please? Anong linya ang tatawagan niya? Sige na, anong linya ang tatawagan niya? Virma, please call… anong number? 0917-397-7005. Again, Virma, please call habang nandito pa iyong ating mga panauhin nang maisatuwid natin kung ano talaga ang mga pangyayari diyan – 0917-397-7005 – dahil tayo naman po ay naninindigan lamang sa katotohanan at pawang katotohanan lamang. Please call and we will link you up with the Mayor of Masinloc and with the Philippine Coast Guard.

Baka naman kasi mayroong instance na hindi na-report ‘no at hindi ko naman alam kung paano mo nalaman at hindi nalaman ng Philippine Coast Guard at mga lokal na pamahalaan. Pakitawagan din iyong mayor po ng Bolinao ‘no. Please call itong si—if I’m not mistaken—sino ba iyong mayor ng Bolinao? Alam ko, nanggaling din ako diyan dahil iyong mga dati kong kliyenteng mangingisda nandiyan eh. Mayor Celeste – tawagan si Mayor Celeste. Here is my phone para makausap din ni Mayor Celeste itong si Virma Rivera dahil mga mangingisda daw ng Bolinao ‘di umano ang hindi pinayagang mangisda. Virma, let’s get to the truth as far as this matter is concerned.

Okay. Pumunta na po tayo sa ating open forum at babalikan po natin itong isyung ito habang tinatawag din natin ang Mayor ng Bolinao and habang hinihintay natin ang tawag ni Virma Rivera. Okay. Yes, Usec. Rocky, go ahead.

USEC. IGNACIO: Yes. Good afternoon Secretary Roque at sa ating mga bisita.

From Kris Jose of Remate: Reaksiyon sa lumabas na Pulse Asia survey na nanguna po ang mag-amang Davao City Mayor Sara Duterte Carpio at Pangulong Duterte para sa posibleng kandidato sa pagkapangulo at vice president.

Sa survey po ng Pulse Asia, nakakuha ang presidential daughter ng 28%, sa pagka-bise naman po nakuha ni President Duterte ay 18%. Dahil dito, mababago po kaya ang posisyon ng Pangulo sa sinabi niya na panakot lang ang posibleng pagtakbo niya bilang Bise Presidente at ang pahayag niyang ayaw niya talagang patakbuhin ang kaniyang anak na si Mayor Sara sa pagka-pangulo sa 2022 elections?

SEC. ROQUE: Nagpapasalamat po kami sa tiwala ng taumbayan na ibinigay kay Presidente at kay Mayor Sara Duterte. Iyan po ay nagpapakita na kahit ano pa ang ipukol ng mga kritiko ni Presidente laban sa kaniya ay patuloy pa rin pong nagtitiwala at naniniwala ang sambayanang Pilipino sa liderato po ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Ano ang masasabi ninyo sa sinabi ni dating Senator Trillanes, I quote, “Isang observation lang, parang bangag eh. Parang high kung magsalita, parang wala sa hulog. It’s unfortunate.” na ang tinutukoy po niya ay si Pangulong Duterte sa kamakailan lamang na public address nito? At tugon na rin sa sinabi ng Pangulo kay Trillanes na mayroon siyang rude mouth eh ang Pangulo naman daw po ay palaging nagmumura.

SEC. ROQUE: Well, hindi po iyan galing sa tao na dapat sinasagot. Wala pong kuwenta iyong tao na pinag-aral ng taumbayan na hindi po nirirespeto ang opisina ng Presidente. Puwede po tayong magdebate sa issue pero kung ganiyan lang naman po, hindi na po pinapansin iyan. That’s gutter talk and we will not respond to it.

USEC. IGNACIO: Third question niya: Tutol ang ilan sa mga miyembro ng ruling party na PDP Laban sa plano ni Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-Bise Presidente sa 2022 national elections. Sakaling ituloy ang plano, posibleng mapatalsik si Pangulong Duterte sa PDP Laban dahil iligal umano ang resolusyon na humihimok sa Pangulo na tumakbo bilang Vice President.

SEC. ROQUE: Eh bahala po sila kung anong gagawin nila. ‘Pag nagdesisyon ang Presidenteng tumakbo ng Bise Presidente kahit anong partido pa, kahit walang partido tatak po iyan. Eh alam naman po natin halos wala naman miyembro po ng PDP Laban bago naging Presidente si Pangulong Duterte ‘no so hindi ko po alam kung saan nanggagaling iyang ganiyang salita ng PDP Laban. Ulitin ko po, isang jeepney lang po ang PDP Laban bago po sumali diyan si Presidente Duterte. Kung aalisin ninyo po si Presidente sa PDP Laban, balik kayo sa isang jeepney.

USEC. IGNACIO: Ang fourth question niya: Ano po ang reaksiyon ng Malacañang sa mungkahi ni Senator Imee na one-year temporary freeze ng 12% VAT sa oil products?

SEC. ROQUE: Well, unang-una po ‘no, alam ninyo po iyong pagpi-fix ng taripa, iyan po talaga’y katungkulan ng Lehislatibo; iyan ay primary jurisdiction po ng Congress. So kung mayroon pong sapat na numero, the Palace will respect that. Iyong kapangyarihan naman po ng Presidente to fix tariff, iyan po ay delegated lamang but the primary jurisdiction is with Congress. So we leave it to Congress po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Trish Terada, please. Thank you.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi! Good afternoon, Spox Harry. Sir, first question: What does the Palace think of reports na iyong Chinese vessels have been dumping human waste and sewage in our reefs and that these concerns anchored Chinese ships?

SEC. ROQUE: The responsible answer is we’re verifying first. We will react if it’s been verified.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, is the government convinced over the Chinese Embassy’s explanation na it was an old photo taken in Australia?

SEC. ROQUE: We have to accord our neighbors and our friends the presumption of good faith when they say something about an issue of fact. So we accord that statement the presumption of good faith.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, what do you think of iyong sentiments na the administration is being very careful about not hurting China when it comes to statements, when it comes to reacting to situations like this na kumbaga kung iba iyong gagawa nito sa atin, magagalit tayo?

SEC. ROQUE: Hindi po. Responsable lang po tayo kasi dapat i-verify muna bago magputak. Noong na-verify naman po natin na nag-export ng basura ang Canada sa atin, pinabalik natin ang basura natin sa Canada – no ifs, no buts. So matagal na po tayong naninindigan na hindi basurahan at siyempre hindi kubeta ang Pilipinas. Eh tingnan muna natin kung mayroong katotohanan dahil kung wala naman eh ‘di tayo mapapahiya.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, kanina po nabanggit ninyo with regard to the reports po tungkol doon sa mga fishermen na umano’y hindi nakakapaglayag po doon sa West Philippine Sea ‘no. You mentioned phrase lang na bakit nila nilalabas iyang issue na iyan. It’s sounded like kasalanan po ng media that these issues are coming up. Doesn’t the Palace statement bare merit to what these fishermen no matter how few they are, are saying? Kasi, sir, these things didn’t come from the media – it came straight from the fishermen’s mouth.

SEC. ROQUE: Well, ito po ang sinasabi ng mga liderato roon, ito po ang sinasabi noong may-ari ng mga bangka – ‘hindi po sila pinipigilan mangisda sa Scarborough’ dahil iyan po ay kabahagi noong desisyon ng arbitral tribunal. So hindi ko po alam kung anong sinasabi nila na pinipigilan ‘di umano sila. Walang report sa PCG, walang alam ang lokal na pamahalaan na nakakasakop sa Masinloc. At alam ninyo kilala ko iyang si Mayor Arsenia Lim, tingnan ninyo naman ang asta niyan kung hindi matakot diyan ang Tsina, ewan ko na ‘no.

Huwag po kayong mag-alala, pagdating sa Scarborough, I don’t think that Chinese will dare meddle with the likes of Mayor Senyang Lim ‘no. So ang akin lang po, katotohanan lang po.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, on another topic, sa community quarantine status. I think it will expire, at least iyong for NCR Plus, tomorrow. May balita na po ba kung ano iyong magiging quarantine status after July 15?

SEC. ROQUE: Mayroon na po but the LGUs are given until today to appeal. So I am not at liberty to announce the final quarantine classification dahil kinakailangan the IATF will meet pa po to discuss the pending appeals.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Can we expect, sir, further easing of restrictions in Metro Manila?

SEC. ROQUE: Let’s just say that we will follow the established criteria of looking at the attack rates and the healthcare utilization rate.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, one last. Tungkol lang po doon sa travel ban. Wala po ba—phoned in question from Tristan Nodalo: Wala po bang plan na gawing monthly na lang daw iyong desisyon on travel ban rather than every 15 days kasi daw po may mga OFW na hirap magpa-rebook ng kanilang mga ticket?

SEC. ROQUE: I’ll bring it up with the IATF kung pupuwedeng monthly instead of biweekly.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Thank you very much, Spox.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. Balik tayo kay Usec. Rocky.

So, is Virma Rivera on the line already? Wala pa? Virma, please call us dahil nandito ang Coast Guard kung gusto mong magsumbong. Nandito rin iyong Mayor ng Masinloc na sila po ang may sakop sa Scarborough para ipagbigay-alam. Baka naman mayroon kang alam na hindi nila alam ‘no, mabuti nang malaman natin ang katotohanan diyan.

Yes. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque. From Cresilyn Catarong of SMNI: Nanawagan daw po si Vice President Leni Robredo sa administrasyon ni Pangulong Duterte na magpakita nang kahit konting tapang laban sa Beijing. Ito’y makaraang sabihin ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhao Lijian na ang tagumpay ng Pilipinas sa arbitral court laban sa claims ng China sa halos buong South China Sea ay maituturing na waste paper. Sabi po ni VP, unnecessary at unfortunate ang tono ng naturang pahayag.

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam kung anong gusto niyang tapang ipakita. Pero nagsalita na po ang Presidente – malinaw, matapang sa UN General Assembly. The arbitral ruling is already part of international law, kung hindi iyon matapang ewan ko po kung ano ang matapang.

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Reaksiyon na naghain si Senator Leila De Lima ng resolusyon upang paimbestigahan sa Senado ang aniya’y mga naging significant gains, shortcomings at accountabilities ng administrasyong Duterte sa controversial na anti-drug campaign nito.

SEC. ROQUE: Okay lang po ‘yan nang hindi nasasayang ang suweldo niya. Sana maka-attend siya pero hindi naman siya makaka-attend.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Maraming salamat po. Punta naman tayo kay Ivan Mayrina, please.

IVAN MAYRINA/GMA7: Magandang tanghali po, Secretary. Natanong na ni Trish iyong tungkol sa tanong ko sana sa magiging bagong quarantine classifications. Idagdag ko po, may desisyon na ba ang IATF tungkol sa mga mungkahing magpatupad din ng travel ban sa Indonesia?

SEC. ROQUE: Mayroon na po kaming rekomendasyon pero iyan po ay magiging desisyon ni Presidente kasi ito po ay kauna-unahang pagkakataon kung magkakaroon po ng travel ban. So antayin na lang po natin ang desisyon ng Presidente.

IVAN MAYRINA/GMA7: Nag-report ng two-week growth rate uptick o pagtaas po ng mga kaso diyan po sa pitong NCR cities? Kahapon din po sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research Group na ang pagpasok daw po ng Delta variant sa ating bansa ay a question of when, not a question of if? What’s the plan, Sec, kung may ganito nga pong posibilidad o actually parang eventuality na mangyayari sa atin?

SEC. ROQUE: Patuloy po ang paghanda natin, kung papasok po iyang Delta variant na iyan, patuloy po ang pag-increase ng ating healthcare capacity, patuloy po tayong gumagawa ng mga additional ICU beds, at saka mga isolation beds at saka mga temporary treatment and monitoring facilities. At bukod pa po dito ay pinapaigting pa rin natin ang border patrols natin para nga po hindi makapasok iyang Delta variant na iyan. Pero kagaya ng sinasabi ng mga eksperto na it’s an issue of when rather than an issue of whether or not papasok siya, eh alam na po natin ang gagawin natin – mas papaigtingin po natin ang paghahanda natin, lalung-lalo na pagdating po sa mask, iwas, hugas at bakuna at saka iyong pagpapalakas ng prevention, detection, isolation and treatment protocols natin.

IVAN MAYRINA/GMA7: So, we are in a better position to handle it, in case?

SEC. ROQUE: Well, kung nakita po ninyo iyong aking ipinakita kanina sa hospital care utilization rate, napakababa po ngayon ng ating hospitalization utilization rate, dahil pinadami nga po natin ang ating mga kama.

IVAN MAYRINA/GMA7: Sir, one last point on the July 17 assembly ng PDP-Laban? Tinanong po ninyo si Pangulong Duterte noong Lunes, noong magpulong kayo, kung ano iyong puwedeng sabihin? What can you share with us, kung ano po ang mai-expect natin na outcome dito sa mangyayaring ito? Kasi may call po si Senator Koko Pimentel for the members to ignore the assembly? Isn’t the President’s presence going to drive a wedge even deeper at magmukhang kumiling pa siya doon sa tinatawag ni Senator Pimentel na nagpasimuno ng power grab?

SEC. ROQUE: Well, hindi ko po lam kung ano ang kasagutan diyan. If PDP-Laban really wants to ignore the President, so be it! Pero kagaya ng sinabi ko po, isang jeep lang ang PDP-Laban, bago naman pumasok diyan ang Presidente. Kung nais nilang umalis ang Presidente diyan, nasa sa kanila ang desisyon. But we will see what will happen, kasi sa lahat naman ng organisasyon, mayroon po diyang demokrasya, pinakikinggan ang mga miyembro. Tingnan na lang po natin kung ano ang magiging desisyon ng karamihan ng miyembro ng PDP-Laban.

IVAN MAYRINA/GMA7: Sec, panghuli na lang po, kulang na lang ay deklarasyon sa tambalang Lacson at Sotto? Palace reaction please?

SEC. ROQUE: We wish them the very best. Because in a democracy, kinakailangan mayroong pagpipilian ang taumbayan.

IVAN MAYRINA/GMA7: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay, nandito na po ang Mayor ng Bolinao. Nasa labas po siya, pero mayroon po siyang phone, sige po, Mayor. Is this Mayor Celeste? Mayor?

BOLINAO MAYOR CELESTE: Opo.

SEC. ROQUE: Yes, Mayor Celeste. Mayroon pong report itong isang mamamahayag, Verma Rivera, mayroon daw mga mangingisda galing Bolinao na hindi nakapangisda sa Boro. May natatanggap ba kayong ganitong reports?

BOLINAO MAYOR CELESTE: Mahina, sir. Hindi po marinig.

SEC. ROQUE: Okay. Ito po, mayroon pong report ang isang mamamahayag na Verma Rivera na mayroon daw mga dalawang mangingisda from Bolinao na hindi po na nakapangingisda at pinaalis daw sa Boro. Mayroon ba kayong ganiyang report o mayroon ba kayong ganiyang nalalaman na insidente, Mayor Celeste ng Bolinao?

BOLINAO MAYOR CELESTE: Sa pagkaalam ko po, sir, wala naman pong ganiyang report sa amin sa ngayon.

SEC. ROQUE: Okay. Well anyway, kung wala po ay, can we ask Verma Rivera to go to you, kasi naninindigan po siya mayroon daw po siyang nakausap na mga mangingisda na iyon ang sinabi.

BOLINAO MAYOR CELESTE: Opo.

SEC. ROQUE: Okay, maraming salamat, Mayor Celeste from Bolinao. So, Verma, I hope you heard that, wala po siyang naririnig din na insidente. They ought to know naman as mayors, pero baka naman hindi lang nakarating pa sa kanila, so please coordinate with Mayor Celeste of Bolinao. Okay, Usec. Rocky, go ahead please.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary from Llanesca Panti of GMA News online: Why is the President got his second dose of Sinopharm two months after the first dose? When WHO recommended interval for Sinopharm doses is only three to four weeks?

SEC. ROQUE: Noong tinurukan po si Presidente, presente po o present po iyong kaniyang personal physician. Hindi po nagpakita sa camera, pero he was present, so that’s a decision po of his attending physician. Although it was Secretary Duque who administered the shot. So iyan po ay isang bagay na between the President and his attending physician.

USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya ay nasagot na ninyo about Mayor Sara and President Duterte for 2022 elections. Third question: Reaction sa 4.2 families ang nagugutom [ayon] sa survey. How will the administration address this?

SEC. ROQUE: Well, talagang nalulungkot po kami at talagang iyan po talaga ang trahedya dahil dito sa pandemyang ito, ‘no. Kaya nga po patuloy na lang po ang ating pakiusap – mask, hugas, iwas at bakuna. Dahil habang hindi po tayo nababakunahan, hindi natin tuluyang mabubuksan ang ekonomiya at habang hindi natin bubuksan ang ating ekonomiya, talagang marami pong hanay sa atin ang magugutom. So, magtiwala naman po kayo na ginagawa ng lahat ng ating Presidente Duterte para mabakunahan tayo sa lalong mabilis na panahon nang tayo po ay makapagbukas na ng ekonomiya at mabawasan nga po ang hanay ng nagugutom. Napakalungkot po.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Yes, punta naman tayo kay Melo Acuña.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Mr. Secretary and nice to see you. Maitanong ko lang, ano po iyong SOP ng IATF kung mayroong isang kumpaniya na nagkaroon ng mga manggagawa na may COVID-19? Ano po ang paraan, dahilan sa mayroong ilang mga LGU na lahat ng kawani ay pinapa-contact trace na obligasyon naman ng LGU? Can the IATF do something about this? Come up with a clear-cut policy for companies na nagkaroon ng kawani na nagka-COVID? Para makapag-operate ng maluwag?

SEC. ROQUE: Hindi naman po nagbabago iyan, eh. Talaga pong kinakailangang na magkaroon ng isolation immediately doon sa nagpositibo at doon sa mga naging close contact. At talaga naman po talagang dapat i-contact trace iyong mga naging close contact din ng mga nagkaroon ng close contact doon sa nagpositibo ‘no. So that’s an existing protocol po, wala pong pagbabago diyan. It’s just so happened na nangyari po iyon sa kumpaniya. But the company also has to resort to the same protocols.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yeah, okay at least maliwanag po iyon. Can I go to Commodore Balilo, please?

SEC. ROQUE: Go ahead please. Commodore?

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon, Commodore?

COAST GUARD COMMODORE BALILO: Melo, magandang tanghali.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Yaman din lamang at bini-verify pa ninyo kung mayroon ngang nagtapon ng dumi sa karagatan mula sa mga barko? Mayroon po bang kakayahan ang Philippine Coast Guard sa ilalim ng inyong Marine Environmental Protection Command to address whatever na mayroong naitapon nga, kung may naitapon ngang dumi dito sa karagatan?

COAST GUARD COMMODORE BALILO: Kung sa high seas po, medyo mahihirapan tayo. Ang Philippine Coast Guard po ay kung coastal areas po makakatugon po tayo, pero pagdating po sa high seas, magiging challenge po sa atin ito, sapagkat iyong mga barko po natin na sa kasalukuyan na mayroon tayo ay designed for patrol ang majority at ilan lang po iyong para sa Marine Environmental Protection.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: I see. Mayroon po kayong koordinasyon sa iba’t ibang tanggapan? Maaari po kayang pakinabangan iyong inyong pakikipagkaibigan sa kanila para malaman kung ano ang larawan sa pamamagitan ng satellites?

COASTGUARD COMMODORE BALILO: Ganoon na po ang ginagawa natin at kasama po kami doon sa nagtsi-check kung totoo po iyong mga larawan na naiprisinta po sa media.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Okay. Mayroon po kayong timeline para matapos iyon?

COASTGUARD COMMODORE BALILO: Wala naman po, we are just checking kung ano iyong available at ang importante dito maging credible kung sakali pong mayroong ma-find out doon sa pag-inquire.

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Maraming salamat po, Commodore. Thank you very much, Secretary Harry. Good afternoon.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Melo. At we go back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary. From Joseph Morong of GMA News: Disregard the photo of the ship allegedly dumping human waste on the West Philippine Sea, but focus instead on the satellite images. A company said, some 200 Chinese ships are dumping human waste in the West Philippine Sea. What are we going to do about this? Similar question with Pia Gutierrez of ABS-CBN.

SEC. ROQUE: Already answered. We need to verify first, because that is just a report.

USEC. IGNACIO: Second question po: China has called the arbitral award a piece of waste paper. Do you agree? Similar question with Tina Mendez of Philippine Star.

SEC. ROQUE: Already answered. The President and the UN said, it forms part of international law and no one can diminish that.

USEC. IGNACIO: From Tina Mendez of Philippine Star: What is the Palace response to Bayan Secretary General Renato Reyes’ call to Malacañang to summon the Chinese Ambassador to Manila to protest saying Zhao’s remarks were akin to a spit in the face of Filipinos?

SEC. ROQUE: Naku, puwede ba pakitanong na lang si Secretary Locsin. Si Secretary Locsin na lang ang magkukomento dahil mukhang gusto yatang maging secretary of foreign affairs nitong si Renato Reyes. Please ask Secretary Locsin.

USEC. IGNACIO: From Pia Gutierrez of ABS-CBN: San Juan Representative Zamora zero antibodies even after completing his doses of Sinopharm, sabi ng kaniyang anak na si San Juan Mayor Francis Zamora. Hindi ba nangangamba ang Malacañang dito lalo na at Sinopharm din ang itinurok sa Pangulo like Representative Zamora? Is the President also looking to get booster shots to ensure his protection against COVID-19?

SEC. ROQUE: Hindi po. Dahil sa isang Talk to the People, sabi naman ni Presidente, kinuha ang kaniyang antibodies at napakataas ng kaniyang antibody count.

USEC. IGNACIO: Question from Kyle Atienza ng Business World: At least 12 senators daw po filed a resolution seeking to investigate reports that public funds were being used to boost the operations of state backed troll farms that spread fake information on social media. The reso was filed after state auditors flagged the hiring of 375 contract workers in 2020 by the Presidential Communications Operations Office. Sweden-based digital forensic group Qurium Media Foundation has also reported that the website of local alternative media organizations AlterMidya and Bulatlat had been under a series of cyber-attacks involving digital infrastructure linked to the military and science and technology department. May we get the Palace reaction po sa resolution? Does the government recognize that trolls are running rampant in the country? Is the Palace confident that the Duterte government is not involved in the proliferation of social media trolls?

SEC. ROQUE: Well, we welcome po iyong imbestigasyon na gagawin ng Senado. Alam ninyo naman po independiyenteng sangay iyan ng gobyerno at hindi namin madidiktahan. So they can investigate all they want.

Paki-imbestiga rin po iyong mga bumabanat sa akin na mga trolls dahil according to a study, ako po iyong pinakamatinding binabanatan ng mga trolls. At naniniwala po ako na organized din iyang mga pagbanat sa akin. So pakitingin na rin po iyong banat sa Presidential Spokesperson.

USEC. IGNACIO: From Ace Romero: The daily number of new cases in seven cities in Metro Manila is increasing, will this lead to stricter quarantine classification for NCR?

SEC. ROQUE: Tinitingnan po natin ang daily attack rate for the entire Metropolitan Manila as a geographical unit.

USEC. IGNACIO: Opo. From Karen Lema ng Reuters: Mayroon pong letter/statement issued by Bigkis ng Mangingisda saying na hindi po sila nakakapangisda sa Scarborough Shoal. Can we also get his reaction?

SEC. ROQUE: Well, ayan na po iyong Mayor ng Masinloc. Narinig ninyo na po iyong Mayor ng Bolinao. Narinig ninyo na po ang PCG, eh bahala na kayo kung sino ang paniniwalaan ninyo. Hindi ko po alam kung anong grupong mangingisda iyan; ngayon ko pa lang po narinig iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula po sila sa Masinloc. From Celerina Monte—

SEC. ROQUE: Mayor? Mayor Lim, mayroon daw Bigkis ng Mangingisda galing sa Masinloc, hindi raw sila nakakapangisda. Ano po ang reaksiyon ninyo, Mayor?

MASINLOC MAYOR LIM: Hindi po totoo iyan. Kasi lahat po ng mga activities ng mga mangingisda ay laging nakabantay po tayo. Dahil hindi naman po natin papayagan na maapi ang ating mga kababayan. Lalo na ako, napakalapit po natin sa inyo, alangan naman hindi ako magsusumbong sa inyo kung sakaling may harassment na nangyayari sa bayan ko. Iyan po ay walang katotohanan. Humahanap lang sila ng mga bagay na puwedeng ipukol sa administrasyon ni Presidente Duterte.

SEC. ROQUE: Alam mo, kung ako’y isang Tsino na Coast Guard, takot ko lang kay Mayor Arsenia Lim.

USEC. IGNACIO: Opo. May question from Celerina Monte, follow up po, Secretary: What could be the recommendation of IATF to President Duterte regarding Indonesia? Did IATF recommend to impose also travel restrictions?

SEC. ROQUE: That’s a decision to be made by the President.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Roque.

SEC. ROQUE: Okay, wala na po tayong mga katanungan. Maraming salamat po sa ating mga naging panauhin – si Mayor Arsenia Lim, si Commodore Armando Balilo. Maraming salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat sa ating mga kasama sa Malacañang Press Corps.

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox na nagsasabing: Mga Pilipino, hinding-hindi po tayo mamimigay ng teritoryo gaya nang ginawa noong dating Secretary of Foreign Affairs na si Albert del Rosario, at paninindigan po natin ang karapatan ng ating mga mangingisda. Iyan po ay pangako ng ating Presidente.

Magandang hapon sa inyong lahat.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center