Press Briefing

Public Briefing #Laging Handa PH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Usec. Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas at pagpupugay sa lahat ng ating mga kababayan na nasa iba’t ibang panig ng mundo, gayundin sa lahat ng mga nakasubaybay ngayon sa kani-kanilang mga telebisyon, radyo at sa ating online streaming.

Ngayong araw ng Martes ay muli nating sasagutin at sisikapin na bigyang linaw ang mga katanungan ng ating mga kababayan tungkol sa COVID-19 sa pamamagitan po ng ating mga resource persons na nagmula pa sa mga ahensiya ng ating gobyerno at iba pang sektor.

Sa ngalan po ng People’s Television Network, Philippine Information Agency, Philippine Broadcasting Service at Radyo Pilipinas network nationwide, crisis communications platform na Laging Handa, Radio Television-Malacañang at sa pangunguna ng Presidential Communications Operations Office, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Mula rin po sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio. Dito po ay magkakaroon ng pagkakataon ang ating mga kababayan na ilahad ang kanilang mga saloobin pagdating sa health crisis na kasalukuyan po nating nararanasan hindi lamang po sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo.

SEC. ANDANAR: Basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Kaya naman mga kababayan, halina at samahan ninyo kami dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Kumusta ang gising mo, Rocky?

USEC. IGNACIO: Mabuti naman, Secretary. Ikaw din, ang tagal na rin nating hindi nagkikita ng personal. Pero tama naman, talagang kailangang umiwas at sumunod tayo sa mga sinasabi ng pamahalaan para maiwasan talaga ang pagkalat pa ng COVID-19.

Samantala, Secretary, ngayon naman po ay puntahan natin ang iba nating kasama na magbibigay balita mula sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa. Sina Dennis Principe mula sa Philippine Broadcasting Service – Radyo Pilipinas, si Rachel Garcia mula sa PTV Cordillera, Jay Lagang mula sa PTV Davao, John Aroa mula sa PTV Cebu. Kasama rin po natin mamaya si Allan Francisco mula sa PTV Manila. Magandang umaga sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR: Ngayong araw din na ito, Usec. Rocky, ay makakasama natin sina Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire, ang tagapagsalita ng Department of Health; Secretary Leonor Briones ng Department of Education; Undersecretary Annalyn Sevilla at Undersecretary Nepomuceno Malaluan mula rin po sa Department of Education. Kasama rin po natin ngayong umaga si Brigadier General Edgard Arevalo, ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines at Assistant J7; at si Ambassador Jaime Victor Ledda ng Embassy of the Philippines sa The Hague, The Netherlands. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Para naman po sa mga karagdagang balita: Dating Senador na si Heherson Alvarez pumanaw na po matapos ang pakikipaglaban sa COVID-19. Tuluyan na nga pong namayapa ang dating Senador na si Heherson Alvarez bago mag-ala una ng tanghali kahapon sa edad po na walumpung taon. Ayon ito sa kaniyang anak na si Xilca Alvarez-Protacio. Higit sa sampung taon po na nagsilbi ang dating Senador bilang Senate Committee on Environment. Matapos din ang dalawang termino sa Senado, siya rin po ay naging congressman ng 4th District ng kaniyang probinsiya na Isabela mula 1998 hanggang 2001.

Taus-puso po kaming nakikiramay sa mga naiwang pamilya at kaanak ng dating Senador Heherson Alvarez.

SEC. ANDANAR: Samantala, Senador Bong Go nagpaalala na maging responsable sa paggamit ng ayuda mula sa Social Amelioration Program. Ito ay matapos mahuli ang isang lalake mula sa Cavite na bumili ng shabu sa halagang 6,500 mula sa ayudang kaniyang natanggap. Bukod pa dito, may ilang mga residente pa ang nagsagawa ng sabong ng mga manok kahit pa mahigpit na ipinatutupad ang Enhanced Community Quarantine.

Binalaan ni Senador Bong Go na hindi na muling makakatanggap ng ayuda ang sinumang magiging iresponsable sa paggamit ng financial assistance.

Kaugnay naman niyan, suportado rin ni Senador Bong Go ang panukalang i-extend ang Enhanced Community Quarantine. Ayon sa Senador ay dapat higpitan pa ang implementation ng ECQ para tuluyan nang masugpo ang krisis na ito.

Nanawagan din siya ng suporta mula sa pribadong sektor higit lalo ngayon na nasa mababang antas ang lagay ng ekonomiya ng bansa.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary Martin, alamin naman natin ang pinakahuling bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa as of 4 P.M. ng April 20, 2020. Ayon po sa tala ng Department of Health ay mayroon ng 6,459 cases ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. 613 ang naka-recover na mula sa sakit, at 428 naman po ang pumanaw.

Samantala, tingnan muli natin ang bilang ng COVID-19 cases sa iba’t ibang lugar sa ating bansa. Sa mga probinsiya po, nangunguna pa rin ang Rizal na may 317 na kumpirmadong kaso ng COVID-19; pangalawa pa rin po ang Laguna with 283 confirmed COVID-19 cases; pangatlo po ang Cavite na may 215; pang-apat na po ang Cebu na may [unclear] na kumpirmadong kaso ng COVID-19; panglima po ang Bulacan na may 102 na confirmed COVID-19 cases.

SEC. ANDANAR: Dito naman sa Kamaynilaan ay mayroon na pong 4,096 na total COVID-19 cases kung saan nangunguna pa rin sa hanay ang Quezon City na may 1,063 confirmed COVID-19 cases; pangalawa ang Lungsod ng Maynila with 539 confirmed COVID-19 cases; at pangatlo ang Parañaque City na may 372 confirmed COVID-19 cases.

Uulitin lang po namin, Quezon City ang pinakamalaking siyudad sa National Capital Region at ito rin po ang may pinakamalaking populasyon na tinatayang nasa 2,938,000, ayon sa Census noong taong 2015, kaya naman hindi maipagkakailang ito ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Kamaynilaan.

USEC. IGNACIO: Samantala, mula po sa bilang na 428 na pumanaw dahil sa COVID-19, karamihan po sa mga ito ay nasa edad na 65 to 69; sinusundan ito ng may edad na 60 to 64, at edad na 70 to 74. Kapansin-pansin naman po sa datos na maliit lamang na bilang ng pumanaw ang naitatala mula sa edad na zero hanggang edad na 39.

Pagdating naman po sa recoveries, mas marami na ang mga gumagaling sa mula sa edad na 50 to 54, 30 to 34 at (garbled) to 49. At sa 210 confirmed cases na may edad 80 pataas, 56 o 27% sa mga ito ay pumapanaw po at pito or 3% naman po ang nakaka-recover. Samantala, ang 147 o 70% ay nananatili namang positibo sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: At kung atin naman susuriin ang bilang ng recoveries at deaths sa nakalipas na isang linggo ay consistent na mas mataas ang bilang ng recoveries kung ihahambing sa bilang ng pumapanaw. On average, umaabot po sa 53 katao ang gumagaling sa COVID-19 at labing-anim naman ang pumapanaw kada araw sa nakalipas na isang linggo.

Magtulungan po tayo higit pang mapataas ang bilang ng recoveries. Panatilihin ang social distancing, ugaliin ang paghuhugas ng kamay at manatili po sa ating mga tahanan. Sa pamamagitan po nito, malaki ang ating maitutulong para tuluyan nang matapos ang krisis na ito.

USEC. IGNACIO: As of April 19, 2020, mayroon na pong labingpitong licensed COVID-19 testing laboratories sa buong Pilipinas. Naka-flash po sa inyong mga TV screen, tingnan ninyo ang listahan ng mga certified COVID-19 testing center at laboratories na maaari ninyo pong puntahan at bisitahin.

SEC. ANDANAR: Bayan, hinggil po naman sa inyong mga katanungan at concerns tungkol po sa COVID-19 ay tumawag lang po kayo sa 02-89426843; para naman sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscriber, mangyaring i-dial po ang 1555. Maaari din po ninyong tawagan ang hotline numbers ng iba’t-ibang ahensiya ng ating pamahalaan na makikita po ninyo sa inyong mga TV screens. At upang maging updated sa mga hakbangin ng pamahalaan kontra COVID-19 ay magtungo po sa COVID-19 portal na www.covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Samantala, Secretary, simulan na natin ang public briefing. Unahin na po natin si Secretary Leonor Briones, kasama sina Undersecretary Annalyn Sevilla at Usec. Nepomuceno Malaluan ng DepEd – magandang umaga po sa inyong tatlo.

SEC. BRIONES: Magandang umaga sa lahat ng nanunood sa programang ito. Ito ay ang Team Laban galing sa Department of Education.

SEC. ANDANAR: Sec. Liling, maayong buntag nimo. Kumusta na ang kalagayan ninyo Ma’am?

SEC. BRIONES: Okay naman since March pa symptomatic naman ako at saka sinusunod namin lahat ng payo ng Department of Health hinggil sa pag-avoid, pag-cover, pang-strengthen ng immune system. Lahat-lahat ng advise ng Department of Health, sinusunod naman namin.

Pero una sa lahat, Martin, gusto ko sanang pasalamatan ang more than 3 million katao na nag-express ng concern noong nabalitaan nila na ako ay nag-positive sa COVD-19 sa pangalawa kong test. At ako talaga ay taus-pusong nagpapasalamat sa pamilya ko, sa pamilya ko sa DepEd, ang aking mga kasamahan sa pananampalataya at lahat ng Kristiyano, Muslim, Buddhist – lahat sila nagdadasalan at maski iyong mga critical sa akin, sila din ay nagpaabot ng kanilang well wishes. So, maraming salamat sa ating pagkakaisa.

Ngayon, ang gusto lang namin bigyang-diin ay ang primary concern ng Department of Education ay health and safety – iyon ang number one – ng aming mga learners, lalo na 29 million na kabataan ang nasa aming responsibilidad, halos isang milyon na mga teachers at saka non-teaching staff – so, malaking bahagi iyan ng ating populasyon. Pero at the same time gusto naman nating magpatuloy ang learning process, kasi ilang crisis na ang nadaanan ng ating bansa – may giyera, may mga epidemics, may mga rebellions, pero nagpapatuloy pa rin ang edukasyon.

Pero iyong aming mga desisyon, gusto kong bigyang-diin ang resulta, hindi lamang sabi ni Secretary o sabi ng Undersecretaries – kung hindi ito ay data based policies, may mga consultations. Ang mahalaga, tayo ay magkakaisa hindi lamang sa DepEd, kung hindi sa buong bansa. Makikinig tayo sa payo na para sa ating lahat. Ang gusto kong bigyang-diin in the first place, dahil napakaraming tanong, hindi lang siguro iyong tanong sa akin kung kailan ba magbubukas ang school, iyong academic calendar natin.

Nagkaroon kami ng konsultasyon, hindi lamang sa ating mga top officials, hindi lamang sa ating mga consultants, sa mga advisers at business sector, lahat-lahat, mga teachers – tinatanong namin kung ano sa palagay nila ang tamang panahon na magbukas ng eskuwelahan. Right now ang lumabas sa ating mga consultations, karamihan nagsasabi, para may panahon tayo na maghanda sa pagbabago ng edukasyon, pagbabago ng pamamaraan ng pagtuturo at saka kailangang masigurado natin na malinis at safe iyong ating kabataan, karamihan sa nagre-respond ay para sa August.

Ngayon Martin, mayroon din kaming ongoing survey, matatapos mamayang alas-singko ng hapon, umabot na ng more than 700,000 ang nagre-respond, tinatanong din namin sa ibang mga bagay. Halimbawa, payag ba sila na iyong mga bata nila physical na babalik sa eskuwelahan, ano ang tingin nila sa online na pamamaraan ng pagtuturo at ibang mga tanong. Kaya data base kami at saka very consultative ang ginagawa namin.

In the meantime also, Martin, dahil alam naman natin na ang IATF, pinag-aralan ng husto ang kabuuang sitwasyon sa ating bansa hinggil sa ECQ, kaya kung anuman ang rekomendasyon ng IATF at ng desisyon ng Presidente, dahil ang Presidente ang magdedesisyon nito, may influence ito kung kailan magbukas ang klase.

In the meantime naman, pinagpatuloy namin, dahil may dalawang extra months, dahil normally ang sabi ng batas first week of June dapat ang enrollment, between first week of June and last day of August, so iyon ang window for school opening. So, may dalawang buwan kung hindi tayo matutuloy sa June. Ito, hindi natin ito sasayangin kasi gagamitin natin ito para sa tinatawag nating continuing learning, continuing program natin, ng curriculum. At dapat ipagpatuloy na baguhin.

At saka iyong ating mga infrastructure matugunan natin, i-monitor natin ng husto ang ating facilities, learning materials, lahat-lahat na. At saka iyong kabataan, dahil hindi sila papasok ng dalawang buwan kung hindi matutuloy ang opening, sila ay ini-encourage natin na pumunta sa mga website natin. Ito, ang pinaka-popular ay ang tinatawag nating DepEd commons na pinupuntahan ng mga teachers at saka mga learners na umabot ng 4.2 million ang nag-a-access nitong website na ito, itong facility na ito, at nandoon iyong leksiyon, nandoon iyong mga test na very, very interesting. Hindi na kagaya noong dating mga practice siguro sa panahon ko.

So, hindi ibig sabihin na kung sabihin, we say na August ang pagbukas na eskuwelahan walang gagawin ang mga bata, walang gagawin ang teachers.

SEC. ANDANAR: Ano po ba iyong website, ano po ba iyong web address?

SEC. BRIONES: Ipapalabas namin ito later, DepEd commons, may link ito na puwedeng i-access ng mga teachers at mga estudyante, mga learners at saka sinabi ko na, na bago iyong pamamaraan ng pagturo sa mga bata at para sa mga teachers. At ang subscription nito umabot na ng 4.2 million at nag-negotiate kami sa mga servers na kung puwede hindi pabayarin iyong mga teachers na gagamit nitong site na ito. Ipapadala namin sa inyo para ma-post ninyo itong website na ito. Pero malaking bahagi din ay ang pagbabago talaga ng curriculum.

Alam mo, Martin palagi nating sinasabi na pagkatapos na nito babalik na tayo sa dati nating bahay, pagkatapos nito mag-party na tayo uli, magyapusan, mag-shaking hands and all that. Pero alam natin na una, hindi natin alam kung kailan. Pangalawa, alam natin na talagang magbabago na iyong buhay natin.

So, sa edukasyon, tinitingnan natin talaga ang inyong tinatawag na alternative deliberate modes. Meaning hindi lamang iyong sinasabi natin, kung sa joke namin ay hindi lahat face to face, kung hindi mayroong gagawin ang mga bata sa kanilang tahanan, mayroon silang ibang mga learning activities para matupad naman ang requirement ng law na we have certain number days to devote to schooling.

So, ang message natin dito ay patuloy ang edukasyon, maski anumang nangyari, nagkaroon na tayo, nahila tayo noon sa world war, nagkaroon na tayo ng ilang sets of imperialist, nagkaroon na tayo ng bagyo, ng mga epidemics, rebellion, pero patuloy ang edukasyon. Kaya patuloy pa rin ang edukasyon sa tulong, lalo nang communication system natin sa pamahalaan. Kasi this is the best way na ma-reach natin ang public, patuloy pa rin ang ating education system maski sa anong paraan at hindi natin ito pababayaan – ang safety ng ating mga kabataan at ng ating mga teachers.

SEC. ANDANAR: All right. Ma’am Liling, speaking of technology, so we really need to work with the DICT para mapabilis pa iyong internet natin.

Anyway for Usec. Sevilla, Ma’am ano po ba ang guidelines na inilabas ng DepEd patungkol doon sa mga request ng LGUs na gawing quarantine facility ang ilang mga paaralan?

USEC. SEVILLA: Good morning, Secretary Andanar at sa atin pong mga nakikinig at nanonood.

Ang atin pong Secretary ay nag-issue na po ng maraming mga guidelines. Ang pinakahuli po rito ay iyong checklist lamang kung ano po iyong dapat na mayroon iyong ating paaralan. Unang-una po siyempre, dapat last resort [garbled] mayroon pong ginawa na pagsu-survey kung may iba pang mas angkop na lugar para dito. Halimbawa mga other medical or other places or venue na maaari or angkop para sa maging quarantine.

Kung ang desisyon po ay ito na iyong last resort, ay makikipag-ugnayan lamang po ang ating LGU head sa atin pong Superintendent sa DepEd at mayroon na ho tayo ritong pagtutulungan. Ibig sabihin po ay checklist with DILG and DOH para lamang po masiguro natin na bago, habang ginagamit at pagkatapos gamitin ay iyong atin pong eskuwelahan ay magiging angkop sa mga gagamit dito.

At nandito na nga po, madali na ho dahil marami ho sa mga nag-request sa atin ay ginawan na po ng paraan at nabigyan po nang tamang paghahanda. At ito po Secretary ay very understandable na at ayos na po between the local government heads, the DOH and the DepEd.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po kay Usec. Malaluan, Usec. Sevilla. Natutuwa po kami sa maayos na pagkalatag ng inyong mga programa para hindi po makompromiso ang edukasyon, ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. So, ano naman po iyong ibibigay ninyong assistance sa mga guro at school workers na naapektuhan po ng COVID crisis sa kinakaharap na rin natin ngayon? Usec. Malaluan po…

USEC. MALALUAN: Usec. Ann, ikaw siguro iyan… financial assistance.

USEC. SEVILLA: Yes, sige. Usec. Rocky, oo, kasi I handle finance so we have already [garbled] and released all the salaries. Iyon pong March and April, we were able to release it in advance at iyon pong May ay processing na rin po ngayon. Iyong clothing allowance na P6,000 per employee ay nakuha na rin po ng lahat ng ating mga empleyado. Amin na rin pong inaasikaso iyong kanilang Performance Based Bonus at may mga regions na po na nakatanggap dito. Ang atin pong 13th month pay ay atin na rin pong pinoproseso at ready na rin po for release by May 15.

At lahat po ito ay ginagawa natin even po iyong loan moratorium; ibig sabihin lahat po automatic na dini-deduct na mga ibinabawas sa suweldo ng ating mga empleyado particularly iyong atin pong mga guro na umaabot na po halos isang milyon ngayon, ay atin pong pinoproseso na hindi i-remit ang loan payment. At mangyayari po ay dadagdagan natin iyong loan term, hindi po sila mag-aalala na kailangang bayaran kaagad dahil kami na po ang mag-a-adjust. Ang inyo pong loan ay naka-encode sa aming database, sa ating salary at payroll database, ay kami po mag-e-extend nang loan term nito at nakausap na po natin lahat ng private lending institution at government financial institution na nakasama po o naka-accredit sa ating payroll database.

SEC. ANDANAR: All right. Nag-launch po kayo nitong DepEd Commons, free online learning platform with millions of subscribers. Available na po ba ito sa publiko at papaano ninyo po ia-address iyong issue sa pag-access nito. Maybe Usec. Malaluan, can you answer this?

USEC. MALALUAN: Yes. Itong DepEd Commons – ibibigay namin iyong link diyan – ay in effect parang ito ay pagsasanay… ang mga magulang, guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang modality ng mga pag-aaral lalung-lalo na pagpasok nitong bagong school year dahil nakikita natin na patuloy pa rin iyong magiging disruption ng ating conduct of incoming school year because of COVID. So when we say we are opening the school year probably in August as mentioned by the Secretary, it does not necessarily mean na ang mga bata ay pupunta sa paaralan, depende iyan sa kung ano ang napagdesisyunan ng [garbled] level.

So itong DepEd Commons ay isa sa pamamaraan through an online system na maaring makapag-access ang mga bata at mga magulang ng [garbled] resources at magagamit nila para mag-aral kahit nasa bahay. Tama ang nabanggit mo Secretary Martin, [garbled] to be able to expand the coverage at it should not just be internet-based pero ang [garbled] ay ita-tap natin [garbled] or we watch our learning [garbled]…

USEC. IGNACIO: For Secretary Briones, bilang panghuli na lang po. Ano po iyong mensahe natin sa ating mga frontliners, ‘di lamang po sa DepEd, sa lahat po ng sektor laban po sa COVID-19. Secretary Briones…

SEC. BRIONES: Ang ating mensahe ay tayo sa DepEd at hindi lamang sa DepEd kundi sa buong bansa, ang health saka safety ng bawat Pilipino lalo na ang kabataan, maski na iyong may mga edad at lahat ng Pilipino ay health and safety, iyon ang priority – me-edukasyon, ma-DPWH, ma-DOTC or Trade… Pero kasi ang DepEd ay pinakamalaking bureaucracy, that is 7 million na bata at 1 million na teachers, tapos may mga staff pa. Iyon ang pinakaimportante, we really care and want to protect for our part, our learners and our teachers and staff.

But at the same time, iniisip ko nga, tinatanong ko iyong aking mga bata na mga executives, how will you keep your… kung halimbawa 6 years old o 8 years old ang anak, how will you keep your child busy inside the home for two months without going out? How will you keep your 17, 18, 19 year olds, kasi nga hanggang 20 years old iyong aming mga learners para sa mga may teenagers na mga anak. So importante na learning has to continue. Health and safety una, pangalawa the learning process has to continue whether they are at home or whether they go to school, kailangan tuloy iyong learning process dahil pananagutan natin iyan, nasa Konstitusyon iyan na kailangan bigyan ng edukasyon ang ating mga bata.

At mga desisyon natin, hindi lamang na galing sa pag-iisip o reflection ng ating mga top officials sa DepEd, pero ang pinagbabasehan niyan ay nationwide consultation. At hanggang 5 o’clock mamaya, kung sino po ang gustong magbigay ng payo sa DepEd maging sa mga issue na ito, puwede silang makipag-contact.

At lastly and this is for PCOO, kami ay talagang nagpapasalamat sa tulong ninyo kasi this is the most effective way na ma-reach namin, hindi lamang kasi kung mag-o-order kami, teacher ang naka-address, students ang naka-address o schools ang naka-address. Pero ang PCOO ang ina-address iyong buong bansa at iyong komunidad lalo na iyong mga parents. Humihingi kami ng cooperation ng parents, iyong mga nag-aalaga ng mga bata na sana makikisama sila sa advice ng Department of Health na binibigay naman ng PCOO.

So maraming salamat sa PCOO at partner natin talaga. Kami ay nagpapasalamat, saludo kami sa inyo dahil iyong programa natin sa DepEd ay nakakaabot hindi lamang sa teachers, sa learners, hindi lang sa mga memorandum, mga circular pero talagang direct to the homes of our learners and teachers. Maraming salamat.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, Ma’am – Secretary Leonor “Liling” Briones, Undersecretary Annalyn Sevilla at Undersecretary Nepo Malaluan ng Department of Education.

Ang kailangan natin dito, Rocky, ay pabilisin natin iyong ating internet o siguro next time, i-invite naman natin si Secretary Greg Honasan, Rocky…

USEC. IGNACIO: Opo.

SEC. ANDANAR: Ngayon naman ay makakapanayam natin si Brigadier General Edgard Arevalo, ang spokesperson ng Armed Forces of the Philippines at Assistant J7. Magandang umaga po sa inyo, General!

Parang hindi ko marinig si General… General, ito po iyong aking—Sige, ayusin muna natin ang ating audio kay General

USEC. IGNACIO: Secretary may nais pong magpaabot ng pasasalamat dito sa programang Laging Handa, iyong mga taga-Pandi, Bulacan daw po lagi silang nakatutok at kinukumusta po kayo. Nagpapasalamat po tayo sa kanila. At iyon daw pong mga frontliners sa Mandaluyong City, talaga naman daw po na kumukuha sila ng oras na mapanood itong Laging Handa para daw po nagiging updated din sila sa mga nangyayari sa bansa ngayon. Salamat daw po…

SEC. ANDANAR: Pati, Rocky, si Leo Malicdem. Sabi niya batiin daw natin si Pareng Weng Dela Peña na nagbi-birthday ngayon, si Pareng Weng na taga-DZBB. Happy birthday sa iyo Pareng Weng, may you have more birthdays to come!

USEC. IGNACIO: Happy birthday po! Samantala, makibalita muna tayo sa kasamahan natin sa Philippine Broadcasting Service. Dennis, go ahead.

[NEWS REPORT BY PBS CORRESPONDENT DENNIS PRINCIPE & BIEMA MINOZA]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Dennis Principe. At binabati ko rin si former Congressman Thelma Almario ng Davao Oriental. Happy 87th birthday sa inyo, Ma’am. At kay sir Jojo Digao, hindi niya birthday ngayon pero magandang umaga sa iyo, sir Jojo.

Okay. Balikan natin ngayon si Brigadier General Edgard Arevalo, ang spokesperson ng Armed Forces of the Philippines at Assistant J7!

USEC. IGNACIO: Sir, nakakalungkot po iyong balita: 33 AFP personnel ang nagpositibo po sa COVID-19. Kumusta na po iyong lagay nila ngayon?

BGEN. AREVALO: Sa mga balita, idagdag natin out of what we already mentioned last time, sa ngayon po ang natitira na lamang po na mga naka-c0nfined natin sa ating ospital ay sampu na lang. There are 23 of them na mga nagpositibo, lahat ito ay magaling na, fully recovered at nakabalik na sa kani-kanilang trabaho.

SEC. ANDANAR: General, mainit pong usapin ngayon iyong leaked memo ng posibleng implementasyon ng Extensive Enhanced Community Quarantine na Martial Law type ‘di umano – ano po ang paliwanag ninyo dito?

BGEN. AREVALO: Well, binanggit po natin, Sec. Martin, na totoo po na nagkaroon ng ganiyang radio message. Hindi naman po iyan dapat lumabas sa publiko but be that as it may, na nakalabas na po iyan, ang tanging layunin lamang naman po ng radio message na iyan ay alertuhin at bigyang gabay ang mga miyembro ng Philippine Air Force na maghanda

Sapagkat mayroon na pong sinabi ang ating Pangulo sa isang nationally broadcasted na address sa mga tao na sinasabi niya kung hindi ika nga maglalagay sa ayos iyong mga pasaway nating mga kababayan ay mapipilitan siya na i-deploy ang AFP at PNP upang panumbalikin ang disiplina at kaayusan sa mga pamayanan sa panahon lalo ngayon na umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

So narinig po natin iyan, nagmo-monitor naman po tayo every time na may address ang ating Pangulo. So ang ginawa po natin and its but natural sa Armed Forces of the Philippines as an institution na magkaroon na po tayo ng kaukulang paghahanda sapagkat hindi naman po maaari na kung kailan sasabihin ng President na go ahead deploy, kung kailan pagpaplano.

And even that radio message, Sec. Martin, sinasabi po diyan kung mapapansin natin sa bandang dulo, sinasabi po riyan na dapat ay alamin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa ating kasamahan sa Philippine National Police kung ano ang mga umiiral na mga batas at kautusan hinggil sa kaayusan, para sa kaligtasan, para sa mga motorist at para sa pedestrian at makikipag-ugnayan din po tayo kung ano ang rules of engagement. So, ibig sabihin niyan, ang inyo pong AFP is bound to observe the law and uphold the law sa kanyang gagawing pagpapatupad ng strict implementation ng Enhanced Community Quarantine.

SEC. IGNACIO: General, kung sakali nga pong matuloy ang sinasabing extensive Enhanced Community Quarantine, mayroon po bang mga pangangailangan para sa dagdag AFP personnel para dito?

B/GEN. AREVALO: Well, alam ninyo sa totoo, Usec. Rocky, wala po tayong natanggap na order buhat sa ating Pangulo. But sabi ko na rin doon sa nakaraan kong statement na ang mga ilang pinuno ng mga Local Government Units partikular ang Lungsod ng Quezon, ang Lungsod ng Paranaque, ng Mandaluyong at ang munisipalidad ng Pateros ay nagre-request na po sila sa Armed Forces of the Philippines. At sabi nga po natin, kung ang pagbabasehan natin ay request ng mga barangay captain, aba ay halos lahat po ng barangay sa Kalakhang Maynila ay humihingi na po ng tulong sa Armed Forces upang tulungan na sila na mag-enforce nitong mga probisyon ng Enhanced Community Quarantine. So, sa ngayon po nagsagawa na po ng pagde-deploy ng ilang mga sundalo natin, una, may mga reservist tayo na idineploy, they were around 500 of them na dineploy natin, ang 300 po diyan ay dito sa bahagi ng Quezon City at Maynila—sorry, 500 sa Manila at Quezon City, 300 sa Paranaque, Pasay at [garbled] for a total of 800 reservist. Ang purpose po niyan, sila po ay nagbo-volunteer na tumulong sa kani-kanilang mga local na pamahalaan sa pag-ayuda sa Local Government Units sa paghahatid ng mga tulong sa mga constituents nila. At the same time, kung kinakailangan, tutulong sila sa pagre-restore ng discipline and order. They will be in complete military uniform and they will be under the command of regular members of Armed Forces.

Gayundin, Usec. Rocky, magdagdag tayo ng 15 pang sasakyan ng military na gagamitin natin sa tinatawag na loud speaker operations. These vehicles will be loaded loud speaker na ang tanging layunin po aside from makikita ng mga tao mas maraming sasakyan ang AFP na nagpapatrolya sa ating mga lansangan, hindi lamang sa mga major roads kung hindi maging sa secondary roads at sa mga lansangan sa mga komunidad at bukod sa pagpapatrolyang vehicular naka-jive natin dito iyong ating tinatawag na mga loud speakers na ang layunin magbigay sila ng paalala sa ating mga kababayan lalo iyong mga nakalilimot ng physical distancing, oras na dapat sila ay nasa kanilang tahanan na, kung malapit na ang curfew, they will be reminded and then kung anu-ano pa ang mga protocol na dapat nila i-observe, iyan ay ia-announce sa mga loud speakers na naka-board sa ating sasakyan na umiikot dito sa mga siyudad at bayan dito sa Maynila.

So, ito ay ilan lamang sa mga hakbangin na ginagawa ng Armed Forces upang magkaroon ng binabanggit natin na enhanced visibility at increased visibility ng inyong mga sundalo at amin na itong pagtulong sa mga kasamahan natin sa Philippine National Police apart from the functions that we are doing sa mga quarantine checkpoints.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon Brigadier General Edgar Arevalo, ang Spokesperson ng Armed Forces of the Philippines at Assistant J7. Mabuhay po kayo, General.

Ngayon ay tumungo naman tayo ngayon kay Ambassador Jaime Victor B. Ledda ng Embassy of the Republic of the Philippines to the Hague, the Netherlands. Magandang umaga po sa inyo, Ambassador, kumusta na po kayo.

AMB. LEDDA: Magandang umaga po, Secretary and good morning rin po kay Usec Rocky. Sana maayos po ang lahat sa inyo at ligtas po sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: Yes, sir, ganundin po sa inyo. Kumusta po ang lagay ng mga Pilipino, mga kababayan natin diyan sa the Netherlands, Ambassador?

AMB. LEDDA: Sa awa ng diyos ay wala po tayong masyadong maraming kaso, in fact, very few ang mga balita na natanggap or report na natanggap ng embassy tungkol sa mga naapektuhan ng COVID-19. Pero kahit papano eh ito ay seryoso pa rin kahit kaunti lang ang naapektuhan. We continue to operate, working from home po tayo at kami ay nagbubukas kapag may mga emergencies or appointment ang mga kababayan natin kung kailangan nila ng serbisyo mula sa embassy.

Tayo po ay nakikipag-ugnayan rin po sa ating mga Honorary Consul Generals lalo na sa Rotterdam po, kung saan marami po tayong mga seafarers at mga nagtatrabaho po sa mga barko, ganundin din po ang ating Honorary Consul General sa Amsterdam na marami po tayong Pilipino na nakatira sa Amsterdam, umaabot halos ng 2,000 at ganun po din sa ating community sa Dutch Caribbean, sakop din po natin ang Dutch Caribbean sa Aruba na napakaraming Pilipino na nagtatrabaho sa travel and hotel industry at sila ay apektado rin po, dahil nga naitigil ng tourism visits diyan sa Dutch Caribbean.

So, ang mga ginagawa po natin aside from the regular consular services, nakikipag-ugnayan din po tayo sa Dutch government tungkol sa ilang concerns ng ating mga kababayan katulad sa mga naapektuhan sa mga pagtigil ng ilang flights o sa limitations po ng pagbiyahe, may mga iba na naapektuhan dahil either kailangan silang mag-extend ng visa o dahil dito sa mga latest measures ng Dutch government, nag-over stay sila.

So humingi po tayo ng leniency mula sa Dutch government para pagbigyan po itong ilang mga kababayan natin na nangangailangan ng kaunting security or safety or free from worry na sila ay maapektuhan ng ganitong klaseng regulasyon. Kasi pinaliwanag din po natin sa Dutch government na ganoon din sa Pilipinas na kapag may mga foreigners na naapektuhan din dahil sa limitation of movement ay sila rin po ay pagbigyan po.

And then ang pangatlo, is we work together with the Philippine Overseas Labor Office na nasa Berlin para maabot po natin ang one time financial assistance under the DOLE AKAP program. So nag-uumpisa po kaming mag-release ng information at mag-address ng ilang mga tanong, para iyong mga interesado o mangangailangan ng tulong ay puwede pong ma-avail itong latest assistance from the Philippine government.

USEC. IGNACIO: Opo, Ambassador nabanggit na rin po ninyo iyang DOLE-AKAP program para sa mga OFWs. Mga ilan po ba iyong apektadong Filipino community na kailangan ng programang ito na maipaabot na tulong kaagad sa kanila?

AMB. LEDDA: Alam po ninyo, many of those… mga kababayan na apektado dito ay siguro iyong mga nagtatrabaho sa mga bahay, dahil nga, because of the social distancing at saka mga limitations nga on movement ay hindi rin nga po sila makakapagtrabaho. So, these are the people that we think will be availing of the… mga request. So far, we received request from mga heads ng mga organizations ng FilCom and I’m still waiting for the information kung ilan ang nangangailangan ng ganitong klaseng tulong.

Right now, we are also monitoring din po iyong situation ng mga ilang seafarers, hopefully—they called our attention, dahil nga sila nag-aalala dahil sa kanilang situation. So ang importante po, dahil ang makakapunta lang po sa hospital dito sa the Netherlands ay iyong mga critical na. But fortunately, although they have some symptoms hindi pa naman nati-test sila ‘no. So, they advised to stay put and to rest and engage in self-quarantine. So, hopefully they will be able to be relieved from this situation po.

SEC. ANDANAR: Nabalitaan po namin na hindi ini-encourage ang government officials diyan ang paggamit ng face mask. Ano po kaya ang alternative dito, Ambassador?

AMBASSADOR LEDDA: Totoo po iyan. That is actually one of the concerns din po kasi sa ibang bansa dito sa Europe, sila ay nagre-require ng facemask. Ang importante rin po dito is people are observing the self-quarantine rule na they stay at home, hindi po sila lalabas unless talagang kailangan katulad ng pagbibili ng mga groceries or kung may mga emergency sila. But ang ginagawa po talaga dito ay inu-observe po iyong social distancing; hindi tumatanggap ng bisita; kapag nasa labas sila, hindi sila lumalabas bilang isang grupo; dapat at least may 1.5 meters distance. At siyempre, iyong mga iba na may precaution, nag-e-exercise ng precaution. Kasi ang position po ng Dutch government is iyong masks dahil scarce ang masks dito, pina-prioritize po ang mga medical workers po.

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Ambassador Jaime Viktor Leda ng Embassy of the Philippines diyan po sa The Hague, The Netherlands. Mabuhay po kayo, Ambassador!

Makibalita naman tayo ngayon sa Baguio City kasama si Rachel Garcia.

[NEWS REPORTING BY RACHEL GARCIA]

SEC. ANDANAR: Thank you, Rachel. Mula naman sa Cebu City, makakasama po natin si John Aroa – maayong buntag nimo, John.

[NEWS REPORTING BY JOHN AROA]

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang sitwasyon ng Davao. Live na magbabalita si Jay Lagang. Maayong buntag sa inyong tanan, Jay.

[NEWS REPORTING BY JAY LAGANG]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Jay Lagang. Makibalita na rin tayo kay Allan Francisco patungkol sa second day ng mass screening sa Cainta, Rizal – Allan, go ahead!

[NEWS REPORTING BY ALLAN FRANCISCO]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyo, Allan. At salamat din sa lahat ng mga kawani natin na nakasama po natin ngayon sa programa natin. Dito po nagtatapos ang ating programa ngayong araw!

Ugaliing maging updated sa mga balita hinggil sa COVID-19 sa bansa, gayundin sa mga hakbangin ng ating pamahalaan upang masugpo ito. Patuloy po lamang na tumangkilik, sumubaybay at makinig sa mga lehitimong news sites. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Higit sa lahat, huwag tayo basta-basta maniniwala sa ilan pong nababasa online; maging maalam at maingat po tayo sa paghaharap sa suliraning ito. Mula pa rin sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Laging tandaan, basta’t laging handa at sama-sama, kaya natin ito. Hanggang bukas, Gary Pacifico, muli po dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)