Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by PCOO Undersecretary Rocky Ignacio and Aljo Bendijo

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Tuluy-tuloy pa rin po ang aming paghahatid ng mga balita’t impormasyon na mahalagang malaman ng bawat Pilipino ngayong araw po ng Huwebes. Good morning, Aljo.

ALJO BENDIJO: Maayong buntag, Usec. Rocky. Kasama pa rin ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, pakikinggan natin ang mga programang inilatag nila kontra COVID-19 at ang kanilang panig sa mga napapanahong isyu ng bayan; ako po si Aljo Bendijo.

USEC. IGNACIO: Mula po sa PCOO at sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky, at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

At upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lamang ay makakasama natin sa programa sina Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar; at POEA Administrator Usec. Bernard Olalia.

ALJO BENDIJO: Samantala, kung mayroon po kayong katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

USEC. IGNACIO: At para sa ating unang balita: Nilagdaan na po ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batas para maipagpatuloy ang mga serbisyong pampubliko sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act; at Senator Bong Go nanawagan sa mga ahensiya ng pamahalaan na siguruhing makakarating ang mga serbisyong ito sa mga mamamayang nangangailangan. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, upang sagutin ang mga maiinit po na isyung kinakaharap ng Department of Public Works and Highways sa mga oras na ito, muli po nating makakasama sa programa si DPWH Secretary Mark Villar. Magandang araw po, Secretary.

DPWH SEC. VILLAR: Magandang araw po.

USEC. IGNACIO: Pinapa-relieve po ni Pangulong Duterte ang ilang District Engineers na hinihinalang sangkot sa anomalya sa DPWH. Ano na po ang update sa imbestigasyon dito, Secretary?

DPWH SEC. VILLAR: Actually, iyong binanggit po ni Presidente ay na-relieve na at tuluy-tuloy naman ang imbestigasyon namin sa lahat ng mga nagsa-submit ng mga reports. At malapit na po, magkakaroon din po kami ng rigodon sa loob ng department and maraming magiging pagbabago at kami naman po ay tuluy-tuloy naman ang aming laban against corruption.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, gaano po karami iyong District Engineers at empleyado po na naalis o iyong maaalis pa sa trabaho; at may naghihintay po bang parusa sa kanila?

DPWH SEC. VILLAR: Iyong iba, mayroong na-relieve na sa trabaho – mga labing-apat na ang na-relieve. And mayroon kaming ongoing naman, mayroon din kaming mga complaints sa aming task force against corruption so iyon ang ginagawa din namin ngayon. At humihingi din kami ng tulong sa mga ibang ahensiya para magkaroon ng case build up sa mga complaints.

So, tuluy-tuloy naman po at tingin ko, in the very … malapit na po … magkakaroon pa kami nang mas maraming accomplishments.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, marami pong mga mahahalagang programa ng pamahalaan ay nasa ilalim ng DPWH. So ano po iyong hakbang na gagawin ninyo para masiguro na hindi po maaapektuhan iyong mga pagawaing bayan na maiiwan po ng mga nasangkot na engineers na ito, Secretary?

DPWH SEC. VILLAR: Marami naman… malaki naman ang department at marami naman pong professionals at mayroon naman kaming sistema kaya sa tingin ko naman ay hindi magiging malaki iyong effect ng mga reshuffling [LINE CUT]

USEC. IGNACIO: Secretary? Okay, nawala sa linya ng ating komunikasyon si Secretary Villar. Babalikan po natin iyan maya-maya lamang. Aljo?

ALJO BENDIJO: Yes, Usec., sa iba pang mga balita: Senator Bong Go nagpahatid ng tulong sa isang komunidad na naapektuhan ng diarrhea outbreak sa Davao Occidental. Para sa detalye, panoorin natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si DPWH Secretary Mark Villar. Secretary, paumanhin po kanina naputol tayo.

Secretary, nais po ni Pangulong Duterte – nabanggit ninyo na kanina – na magkaroon po ng re-organization ng assignment po sa mga District Engineers. So inaasahan po bang maipatutupad ito ngayong buwan?

DPWH SEC. VILLAR: Within the month, definitely, definitely. Winu-work out na namin at definitely mai-implement na iyan as soon as possible.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon naman po kay PACC Chair Dante Jimenez, hindi sila titigil na ungkatin ang diumano’y pork na nakalusot daw po sa 2021 budget ng DPWH. Bilang kalihim po ng kagawaran, may double and overlapping appropriations po ba talaga sa approved budget ninyo na nauna na rin pong naipahayag ni Senator Panfilo Lacson at ano po ang masasabi ninyo sa naging pahayag ng PACC?

DPWH SEC. VILLAR: Kami naman po, siyempre iyong budget po is a legislative function; ayaw ko naman na mag-comment sa mga legislative matters. Pero sa amin naman, kung mayroong nakikitang mga bagay na kailangang ayusin or may mga wastages na nakikita namin, definitely aayusin namin kaagad and hindi rin kami papayag na masayang ang pera ng ating mga kababayan. So we will work with the PACC. We will work [unclear] to make sure that all the projects are implemented properly and are needed.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, magandang balita naman po dahil ngayong Enero inaasahan na po iyong full operations ng Skyway Stage 3 para po sa publiko. Ano po iyong ginagawa ng DPWH, siyempre sa pakikipagtulungan po ng San Miguel Tollways para po sa pormal na pagbubukas nito?

DPWH SEC. VILLAR: Opo, malapit na po. Nagkaroon na po ng dryrun ang Skyway at ito po ay bahagi po ng EDSA decongestion program ng ating Pangulo. Alam naman po natin na umpisa pa lang isa iyan sa mga bagay na gustong gawin ni Presidente na ma-decongest na ang EDSA. Kapag na-open na po ito, magiging less po ang number of vehicles. Napakalaking bagay dahil siguro ang estimate namin minimum 55,000 cars per day ang mawawala po sa EDSA kaya napakalaking bagay. Last year na-open po iyong Harbor Link, ngayon naman po itong Skyway. Ang susunod po iyong mga bridges across Pasig na makakabawas din sa traffic sa EDSA.

USEC. IGNACIO: Opo. Gaano po kalaki iyong magiging impact ng Skyway Stage 3 sa EDSA decongestion project nga ng pamahalaan at kailan po ito inaasahan kasi nga sinasabi na talagang malaking epekto pagdating po sa ekonomiya itong mga nararanasan po nating trapiko, Secretary?

DPWH SEC. VILLAR: Opo. Sa January 14 full opening na po iyong main line ng Skyway. Sa ngayon po kasi two lanes lang ang nagagamit so hindi pa rin nararamdaman iyong full effect ng Skyway at hindi pa rin tapos iyong mga rampa. Pagdating ng January 14 magagamit na iyong buong width ng highway, eh napakalaking bagay dahil ito na po iyong solusyon ni Presidente, isa po ito na malaking bahagi po ng solusyon sa EDSA.

At nakakatuwa naman at sa administrasyon ni Presidente Duterte ay na-solve ang problema ng EDSA na ilang dekada na po, ‘di ba? Ngayon lang po nagkaroon ng programa para ma-solve at makikita na po natin, ngayon pa lang mararamdaman na po natin medyo lumuluwag na ang EDSA lalo na po pagdating ng January 14 at fully operational na iyong main line ng Skyway Stage 3.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary nito lamang mga nakaraang linggo, marami pong mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build project, iyong natapos na. So, anu-ano pong mga proyekto pa po iyong inaasahang magbubukas pa sa unang quarter po ng 2021?

DPWH SEC. VILLAR: Iyong binanggit ko po kanina, iyong bridges across Pasig River – sa first half of the year matatapos na po iyong dalawang bridges, iyong Estrella-Pantaleon at iyong BGC-Ortigas Bridge. Pati iyong mga bypass roads ang dami, sunud-sunod po iyong pagbubukas ng mga bypass roads natin; mayroon din po tayo iyong San Fernando Bybass, iyong Urdaneta Bypass. Tuluy-tuloy naman po iyong projects natin sa ibang rehiyon, iyong sa Bacolod, iyong Bacolod Economic Highway – tuluy-tuloy po ang trabaho natin sa Metro Cebu. Pati sa Davao, iyong Davao Bypass Road nagsisimula na po ang full construction so marami pa ho tayong mga projects na ongoing at marami din madi-deliver. Pati iyong sa Marawi po, iyong Marawi Road Network – iyong first phase ay madi-deliver na first half of the year. Kaya sa buong bansa ramdam na ramdam po ang programa ni President Duterte na Build, Build, Build.

USEC. IGNACIO: Opo. So masasabi po nating on track talaga iyong mga proyekto ng pamahalaan sa kabila po ng pandemya, Secretary?

DPWH SEC. VILLAR: Opo at masasabi ko talaga na sa 2021 ang dami naming idi-deliver na project. Talagang magiging historic po itong year na ito at makikita talaga ng ating mga kababayan na napakalaki ang accomplishment ni President Duterte sa mga infrastructure projects at talagang mag-i-improve ang sitwasyon natin sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary kaugnay naman po sa COVID-19 nga, kumusta na po iyong overall utilization rate ng ating mga quarantine facilities sa buong bansa?

Okay, naputol ulit si Secretary Villar. Mamaya babalikan ulit natin. Huwag po kayong aalis, magbabalik pa rin po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Balikan po nating muli si Secretary Mark Villar. Secretary, paumanhin po ano. Balikan ko lang po iyong unang tanong bago tayo maputol, kaugnay po doon sa COVID-19. Kumusta po iyong overall utilization rate ng ating mga quarantine facilities sa buong bansa?

DPWH SEC. VILLAR: Maganda naman at nagbigay ako ng target na by end of January dapat matapos na iyong huling batch ng mga quarantine facilities. Sa ngayon po ang natapos na po mahigit 19,000 na bed capacity ang na-construct ng DPWH. Kasama po diyan iyong isang ospital, ang first pop-up hospital namin sa Quezon City, kapag natapos po ito 110 beds na pang-COVID na serious, dati kasi iyong facilities pang-mild lang pero ito pang-severe case na po. Kaya lalaki rin ang utilization capacity natin pagdating sa mga hospital at tuluy-tuloy naman po ang pag-construct namin. So ready naman ang gobyerno sa lahat ng scenarios na puwedeng mangyari.

USEC. IGNACIO: Opo. Sabi po kasi ng DOH, maaaring makapagtala po tayo ng surge sa COVID-19 cases by January 15 dahil sa holiday season at mayroon pa daw pong mas nakakahawang variant na COVID-19 na maaaring makapasok sa bansa. So paano po tumutulong ang DPWH para paghandaan po ito, Secretary?

DPWH SEC. VILLAR: Aside from the quarantine facilities, malaking bagay talaga itong pop-up hospital dahil dati eh pang-mild lang ang facilities natin. Ngayon nagkaroon tayo nang additional 110 bed capacity hospital na pang-severe cases at iyong technology na ginamit namin, iyon din ang technology na ginamit nila noong nasa Wuhan, so kaya maraming learning sa pop-up hospital. At, at least sana hindi naman mangyari na magkaroon iyong surge pero kung magkakaroon man, ready naman ang gobyerno na rumesponde.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary bago po kami magpaalam sa inyo ‘no, pero may pahabol lamang pong tanong ang ating kasamahan sa media na si Tuesday Niu para po sa inyo, ng DZBB. Ang tinatanong niya: Kung sinu-sino daw po iyong labing-apat na sinibak sa trabaho na district engineers?

SEC. VILLAR: Mayroon naman sa report sa PACC at ito ay mga reports at based on these reports… nasa public naman iyan at puwede naman naming i-submit iyong mga names ng mga na-relieve.

USEC. IGNACIO: Secretary, ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating mga manunuod ngayong araw?

SEC. VILLAR: Abangan po ninyo, marami po tayong mga projects. Jan 14 ang susunod po nating opening iyong Skyway 3, abangan po ninyo at this year, iyong mga… ang dami po nating mga projects, asahan naman po ninyo na malaki ang magiging improvement sa kondisyon ng ating mga infrastructure, malaki po ang magiging accomplishment sa Build, Build, Build . So abangan po ninyo, napaka-historic po itong 2021 sa infrastructure.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DPWH Secretary Mark Villar.

SEC. VILLAR: Salamat po.

BENDIJO: Panibagong banta para sa buong mundo ang bagong variant ng COVID-19 na sinasabing mas nakakahawa. Kaya naman mahalagang alamin natin sa puntong ito kung papaano nga ba ang magiging sistema para sa ating mga kababayan na nais mangibang bansa at para po sa isyung ito makakausap sa programa si POEA Administrator Usec. Attorney Bernard Olalia. Magandang araw po, Usec?

USEC. OLALIA: Good morning po at good morning po sa mga nakikinig po at nanunuod po sa inyong programa.

BENDIJO: Opo. Kasama din natin Usec. si Usec. Rocky Ignacio.

Inanunsiyo po ninyo ang muling pagbubukas ng bansang Israel at iba pang mga bansa para sa mga OFWs sa caregiving sector. Gaano po karami ang mga Pilipino na naka-avail na at mag-a-avail pa ng oportunidad na ito?

USEC. OLALIA: Yes po, tama po kayo. Malugod po nating binabalita sa mga kababayan po natin na nagnanais pong magtrabaho abroad lalung-lalo na iyong mga caregivers po natin, mga Filipino caregivers natin na mayroon pong quota na ibinigay ang bansang Israel na naayon po doon sa ating bilateral labor agreement for the deployment of Filipino caregivers to Israel – 500 caregivers slots po ang atin pong pupunan ngayong taon na ito. Ito po ay available para sa mga lalaki at babae na caregivers na nagnanais pong magtrabaho papunta po ng Israel.

BENDIJO: Ano po iyong requirements at proseso na kailangang pagdaanan po ng ating mga kababayan na nais pong mag-abroad, mangibang bansa ngayong may umiiral pang travel ban. Ipinagbabawal rin po ba ang deployment nila sa mga bansang ito?

USEC. OLALIA: Opo. Tamang-tama po dahil panahon ng pandemic ngayon at tayo po ay sa POEA ay nag-adopt ng mga measures para po makapag-deploy tayo at sumigla iyong industriya ng overseas employment.

Mayroon po tayong tinatawag na online registration lalung-lalo iyong binanggit ko kanina na 500 caregivers bound for Israel. Mayroon po tayong link sa poea.gov.ph na kung saan puwede po nilang i-click iyon at mayroon po kaming pre-registration para po pumasok doon sa platform na iyon at nandodoon po lahat ng mga requirements, iyong mga qualifications kung kayo po ay interesado pumunta po ng abroad.

BENDIJO: Tungkol naman sa bagong COVID-19 variant, Usec., na nakitaan o na-detect sa iba’t ibang mga bansa. Paano po masisiguro natin na ligtas ang ating mga kababayan na makapagtrabaho sa kanilang mga employers?

USEC. OLALIA: Naku, importante po na sa panahon ngayon ng pandemic tayo po ay susunod sa mga health and safety protocols. Nangunguna po rito iyong atin pong sariling health and safety protocols na kung saan lahat ng mga OFWs po natin na aalis sa ating bansa ay kinakailangang i-recognize at i-comply iyong mga health protocols po natin. Mayroon po tayong declaration form na inyo pong tutugunan at nakalagay po doon na-aware po kayo doon sa pandemic na nagaganap ngayon sa pupuntahan ninyong destination country at kayo po ay magku-comply po para maingatan ang inyong sarili at ng hindi po kayo mahawa.

Doon naman po sa mga destination countries inilalabas po natin sa labor advisory ng POEA iyong kani-kanilang mga sariling protocols na kailangan pong sundin. Dito po sa bansang Israel na kung saan magpapadala po tayo ng 500 mayroon pong tinatawag na negative COVID test na kinakailangang i-undertake bago kayo aalis at pagdating po sa bansang Israel, mag-a-undergo po kayo ng 14 day mandatory quarantine na kung saan titingnan kung kayo po ay may sakit o wala.

Doon naman po sa nabanggit kanina na qualifications, akin na pong babanggitin na ang age requirement po at least 23 years of age; pagkatapos ang educational requirement, dapat po ay either nurse graduate kayo, physical therapist graduate or kayo po ay college graduate at nagtapos po ng tinatawag na caregiver course sa any TESDA accredited training facility at kayo po ay mayroong NCII requirements.

BENDIJO: Gaano po karaming mga OFWs, Usec., at umuuwi at uuwi pa mula sa mga bansang kasali sa listahan ng expanded travel ban ngayon? Sa panig po ng POEA ano po ang assistance na ibinibigay po ninyo sa kanila?

USEC. OLALIA: Naku, marami na po tayong na-repatriate ‘no. Ang atin pong Department of Labor and Employment sa pakikipagtulungan ng OWWA ay nakapag-repatriate na po ng halos nasa 395,000 OFWs po at patuloy po tayong tumutulong doon sa repatriation ng mga nawalan ng trabaho, displaced at distressed OFWs po natin.

Sa atin pong POEA, mayroon po kaming tinatawag na Repatriation Units na kung saan lahat po ng mga OFWs na ating dineploy through the agency deployment ay tatawagan po natin ito, makikipag-ugnayan po tayo, sasabihin po natin na dumulog po ang ating ahensiya sa mandatory repatriation ng ating mga kababayan at ang mga tulong po na ibibigay nila pangungunahan po dito iyong tulong na kinakailangang ibigay ay, number one, kung sila po ay may mga monetary claims, i-settle po nila iyon lalung-lalo na iyong mga agency natin, mayroon tayong tinatawag na GSM, tutulong po sila para mai-share iyong monetary claims, iyong mga benefits ng ating mga OFWs.

Kapag naman po sila ay nakarating dito, mayroon po tayong mga tulong na legal, kung kinakailangang bigyan po natin ng advises o magsampa tayo ng kaso doon sa mga employers na hindi tumupad doon sa mga economic provisions sa kanilang standard employment contract, kami po ay tutulong para po mabigay iyong benefits po para sa inyo.

Maliban po dito, mayroon po kaming mga tulong na inihanda lalung-lalo na iyong nagnanais pong magkaroon ng additional skills, iyong re-tooling, iyong re-skilling po nila, tayo po ay nakikipag-ugnayan sa TESDA.

Iyong mga domestic workers po na atin pong tinulungang ma-repatriate galing po ng Middle East kung maari po ay magsanay po sila as caregivers, kasi marami pong mga pangangailangan ngayon ng ibang bansa at ng sa ganoon instead of being deployed as domestic workers, sila po ay idi-deploy natin as caregivers katulad po ng bansang Israel.

BENDIJO: Usec., how about iyong mga kababayan nating undocumented na mga OFWs na nanatili sa ibang bansa ngayon na may… ito na nga may bago pang surge ng… o variant ng COVID-19 sa ibang bansa?

USEC. OLALIA: Opo, tama po kayo. Marami pong mga countries ngayon na ating binibigyan ng advisory lalung-lalo na iyong mga may mga strain, iyong bagong strain po at tayo po ay patuloy na tutugon at tutulong po sa mga OFWs natin na nasa bansang iyan, sinasabihan po natin sila, pinapangunahan po natin at patuloy po kaming nagmo-monitor through the private recruitment agencies, iyong counterpart po nila na sana naman po ay maiwasan nilang magkasakit at kung kinakailangan nila ng mga kaukulang tulong ay ibibigay po natin para po sa kabutihan ng ating mga OFWs.

BENDIJO: Opo at dahil po sa posibilidad ng surge ng mga COVID-19 cases at pagpasok po ng bagong COVID-19 variant na iyan sa ating bansa – huwag naman po sanang pumasok iyan sa atin – maaari bang ibalik natin iyong temporary deployment ban para sa mga Filipino health workers, Usec?

USEC. OLALIA: Ang atin pong polisiya sa ngayon ayon po sa IATF at doon po sa inaprubahan ng ating mahal na Pangulo noong December, mayroon pong lifting noong ating temporary suspension at iyan po ay pinag-aaralan po natin every now and then lalung-lalo ngayon na may strain tayo ano.

At titingnan po natin gagawa po tayo ng masusing pag-aaral at hihingin po natin iyong opinion ng ating mga dalubhasa, magkakaroon po tayo ng malawakang consultation sa lahat po ng involved na sectors doon po sa pagpapadala ng HCWs abroad.

At depende po sa magiging resulta ng nationwide consultation o iyong ating malawakang consultation sa mga affected sectors, tayo po ay magrirekomenda sa ating mahal na Secretary of Labor na siya naman pong tutugon at magbibigay po ng gabay sa IATF po.

Kinakailangan pong magkaroon muli ng suspension ng deployment natin, temporary suspension, ay gagawin po natin para po sa ikabubuti ng ating mga OFWs lalung-lalo na sa kanilang health. Salamat po.

ALJO BENDIJO: Nai-report din ang pagbababa ng overseas employment industry dahil pa rin sa COVID-19 pandemic. Usec., ano po iyong mga plano ninyo ngayong taon upang matulungan, opo, ang unti-unting pagbangon ng industriyang ito?

POEA USEC. OLALIA: Naku, tama po kayo, sir. Isa po sa apektado ng pandemic na ito ay iyong overseas employment industry natin. At ayon po doon sa datos natin, nasa 70 to 75% iyong decline ng ating deployment kung ikukumpara natin doon sa historical data po natin noong mga nakaraang taon. At ang daming sektor po sa overseas employment ang naapektuhan ‘no, nangunguna na po dito iyong sektor ng OFWs natin, apektado dahil doon sa kanilang displacement.

Pumapangalawa po dito iyong mga recruitment agencies na pansamantalang nagsarado dahil po doon sa decline ng ating deployment. Pumapangatlo po dito iyong mga foreign employers po natin na hindi muna tumatanggap dahil po sa mga travel restrictions. Nandidiyan din po iyong mga insurance companies na nabawasan ang kanilang trabaho dahil po doon sa bumaba na bilang ng mga mandatory insurance coverage po natin. At marami pa pong iba, iyong mga sariling employees, mga sariling empleyado ng ating mga iba’t ibang mga sektor na nauugnay sa overseas employment.

At kami naman po sa POEA at Department of Labor and Employment ay patuloy po na tumutulong para po maibigay iyong pangangailangan ng industriya. Sa OFW po natin, mayroon po tayong tinatawag na automatic extension ng kanilang OEC (overseas employment contract). Hindi na po sila kailangan mag-a-apply; libre po ito, without cost. Kapag po bumagsak iyong expiration ng OEC, kami po ay mag-i-extend automatically. Sila po ay pupunta lamang sa labor action center sa NAIA at sa lahat saan mang paliparan para po doon sa kanilang automatic revalidation.

Kami po ay nagbibigay ng kaukulang labor advisory para po sa mga kababayan po natin na kung saan may mga health and safety protocols para po tugunan iyong mga problema na aayon po sa mga pandemic.

Sa bahagi naman po ng ating mga private recruitment agencies, napakarami pong tulong na naibigay din po tayo diyan. Nangunguna po dito iyong automatic extension ng kanilang lisensiya na nag-expire ngayon pong pandemic. Mayroon po kaming tinatawag na automatic extension up to March 31, 2021 na kung saan binibigyan po namin ng pansin iyong mga lisensiya po ng ating mga recruitment agencies na hindi na kinakailangang mag-renew dahil ito po ay automatically extended.

Mayroon din po kaming extension ng mga nag-expired na accreditation at saka mga job orders para po sa mga employers at saka sa mga recruitment agencies po natin.

Mayroon din po kaming pinalabas na alintuntunin sa POEA governing board na kung saan iyong escrow deposit ay pansamantalang winidraw ng ating mga private recruitment agencies para makatulong po sa mga pinansiyal nilang mga pangangailangan.

Ilan lamang po iyan sa mga programa po na inilunsad namin ngayong panahon ng pandemic para po makatulong man lang doon sa mga nangyaring issues na naapektuhan po ang overseas employment.

ALJO BENDIJO: Opo. Ngayon pong pandemya ay napakarami pong mga scam online ang nagaganap sa inyo pong mga ulat. Ano po ang ginagawa ng POEA dito po sa pagtaas po ng mga illegal online recruitment schemes, mga scam, upang mapigilan po ang paglawak ng kanilang operasyon at mabiktima ang ilan nating mga kababayang mga OFWs, Usec?

POEA USEC. OLALIA: Naku, tama po kayo, sir. Bahagi po ng naging dulot na consequence ng pandemic na ito ay iyong pag-angat o pag-increase ng mga scam, ng mga online scam na kung saan makikita mo paminsan-minsan sa Facebook page, mayroon pong nag-a-advertise diyan na mga illegal recruitment; sinasabi na may opening, may job opportunities sa isang lugar. Pero kapag tiningnan mo at vinerify mo, ito po ay fake ‘no. May mga nagsasabi diyan na mga pages na magbayad po ng reservation fee online, at kapag ikaw po ay pumatol, naku, ikaw ay magiging biktima ng illegal recruitment.

Dahil po dito, ang POEA po ay naglabas ng mga kaukulang labor advisory na ina-identify natin iyong mga scammers po na iyan sa Facebook page. Tayo po ay nakipag-ugnayan din sa manager ng Facebook page upang tanggalin o i-delete iyong mga pages po na iyan at iyong mga post na iyan para hindi na po makapanloko.

At noon pong December, ang POEA po at Department of Labor and Employment ay naglunsad ng job fair online na kung saan iyong link po ay makikita mismo sa POEA website para hindi na po maging opportunity ito sa mga illegal recruiters po natin na tayo po ay gagamitin iyong ating logo, iyong opisina at sasabihin na sila po ay may job openings. Ang POEA po mismo ang nag-manage ng online job fair na iyan na kung saan marami pong na-hire on the spot na mga OFWs po natin, katulong po iyong mga licensed recruitment agencies natin na nag-participate during this online job fair.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may katanungan po iyong ating kasamahan sa media. Mula po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano po iyong full year deployment data last year? At mas tumaas ba or bumababa ito kumpara po last year? At kung magpapatuloy po daw iyong nasabing trend this year?

POEA USEC. OLALIA: Opo. Iyong atin pong deployment last year ay bumagsak kumpara po sa mga nakaraang taon noong 2016, 2017 at 2018 and ’19. Sa amin pong datos, nasa mahigit 70 to 75 % po ng both land-based and sea-based po iyong apektado ng decline. At dahil po dito, ang POEA po ay naglabas ng napakaraming polisiya at programa para tugunan iyong pagiging malamya ng overseas employment industry po natin.

At sana naman po, unti-unti na itong sumisigla. Nanguna po dito iyong pagsigla ng seafaring industry natin na kung saan dahil po sa green lane na ipinalabas ng ating Pangulo, iyong atin pong IATF din, tayo po ay naglabas ng joint circular for the embarkation and disembarkation of the seafarers na kung saan iyong crew change po ay naipatupad natin, both for the Filipino seafarers at saka sa mga foreign seafarers. Ang Pilipinas po ang kauna-unahang nag-implement po nito kaya sumigla po iyong deployment natin pansamantala, doon po sa seafaring industry.

Ganoon din po sa land-based. Tayo po ay tumutulong din upang pasiglahin muli iyong deployment natin sa OFW land-based workers natin. Andiyan po ang HCW natin, nangunguna ang mga nurses na kung saan in demand po worldwide. At nandiyan din po ang caregivers, tulad ng nabanggit ko kanina, dumadami rin po iyong mga construction workers, iyong mga skilled and professionals po natin. Tayo po ay tutulong para po sa patuloy na deployment ng nagnanais na mga OFWs po natin.

Pero ang kinakailangan po dito ay gagabay po tayo para mai-maintain po natin iyong safety at saka iyong health ng ating mga OFWs.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., iyong second question po ni Sam Medenilla: Aside po from nurses at iyong nursing aide, may move po daw kaya ang POEA to expand the list of healthcare workers na exempted sa temporary deployment ban?

POEA USEC. OLALIA: Opo. Dahil po doon sa tinatawag natin na temporary suspension ng 14 skilled categories noong pinalabas po natin last year ‘no. Ito po iyong under the mission critical skills, nag-identify po ang POEA ng 14 skills, naisama po dito ang nurses, nursing aide at saka nursing assistant.

Pero last year din po, nagkaroon po ng temporary lifting doon sa nasabing tatlong skills – iyong nurses, nursing aide, at saka nursing assistant – dahil din po sa representation ng ating mahal na Secretary of Labor at dahil din po sa patuloy na mungkahi ng ating mga sektor ng nurses na i-lift pansamantala, i-lift iyong temporary suspension.

At kasalukuyan pong pinag-aaralan ng POEA at ng Inter-Agency, kasama ang DOLE, ang PRC, ang DOH at iba pang mga ahensiya doon po sa mission difficult skills po, tayo po ay magpapalaganap o papalawakin po natin iyong skills na nabanggit para po i-lift iyong temporary suspension na iyon. Kami po ay nakikipagpulong para tingnan iyong ibang sektor tulad po ng sektor ng mga physicians po natin, iyong mga dentists po natin, iyong mga physical therapists natin, kung kailangang isama na natin doon sa lifting.

So iyan po iyong ating mga tinitingnang data. Titingnan po natin iyong kanilang kasalukuyang kaligtasan at tayo po ay magbibigay po ng rekomendasyon sa kaukulang panahon.

USEC. IGNACIO: Okay. Ano na lamang po ang inyong mensahe sa ating manunood, Usec?

POEA USEC. OLALIA: Opo. Maraming salamat pong muli sa inyong imbitasyon at pagbibigay ng opportunity para po sa POEA na ibigay po iyong tamang impormasyon para maiwasan po iyong mga naganap na mga nangyayaring katulad ng mga illegal recruitment activities kasi iyan po iyong ating tinututukan ngayong panahon ng pandemic. At marami pong mga OFWs natin na nagnanais makabangon/bumalik muli sa kanilang trabaho pero ang nangyayari po iyong iba sa kanila nagiging biktima ng mga illegal recruitment.

Kaya kami po sa POEA, patuloy po kaming gagabay/tutulong sa mga OFWs po natin. Mayroon po tayong tinatawag na website na kung saan makikita po ninyo iyong mga trabaho na lehitimo, iyong mga ahensiya na lisensiyado, iyong mga ahente, iyong mga empleyado ng mga lisensiyadong ahensiya na puwede pong magtulong din sa inyo na magha-hire at mag-recruit ‘no. Tayo po’y patuloy na magbibigay nang tamang impormasyon para sa mga kababayan nating OFWs dito ngayon sa panahon po ng pandemic.

Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa inyong panahon, POEA Administrator USec. Bernard Olalia.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Salamat po.

BENDIJO: Samantala, mga market vendors sa mga bayan ng Kitawtaw at Quezon sa Bukidnon nakatanggap rin ng tulong panghanapbuhay mula sa opisina ni Senator Bong Go bilang parte ng adbokasiyang maitaguyod ang kabuhayan ng mamamayang Pilipino. Sa iba pang mga detalye, panoorin natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, dumako na po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro-Lim mula po sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro-Lim mula sa Philippine Broadcasting Service.

BENDIJO: Puntahan natin si Alah Sungduan mula sa PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

BENDIJO: Maraming salamat, Alah Sungduan.

USEC. IGNACIO: Mula naman sa PTV-Cebu, may ulat ang ating kasamang si John Aroa.

[NEWS REPORT]

Maraming salamat sa iyo, John Aroa.

BENDIJO: Mula naman sa PTV-Davao, may ulat din si Regine Lanuza, Regine?

(NEWS REPORTING)

BENDIJO: Maraming salamat, Regine Lanuza.

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa report ng Department of Health kahapon, January 6, 2021, umabot na sa 480,737 ang total number of confirmed cases. Samantalang naitala naman ang 1,047 new COVID-19 cases kahapon. 26 katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi, kaya umabot sa 9,347 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 448,700 matapos makapagtala ng 339 new recoveries. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 22, 690.

BENDIJO: Para naman sa nais o kailangang magpa-swab test sa Philippine Red Cross, narito ang kailangan ninyong gawin

(VTR)

USEC. IGNACIO: At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

BENDIJO: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19. Maraming salamat din sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Ak0 ang inyong lingkod Aljo Bendijo. Thank you, Usec.

USEC. IGNACIO: Salamat din sa iyo, Aljo. Mula po sa Presidential Communications Operations Office, sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio at ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)