Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

Kasalukuyang tatlong vaccine brands na po ang nabigyan ng Emergency Use Authorization ng Food and Drug Administration – ang Pfizer, AstraZeneca at ang pinakahuli, ang Sinovac. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Kaya naman ngayong umaga ay muli nating makakasama ang mga magtataguyod po ng ating National Vaccination Program para na rin maibsan ang pag-aalinlangan ng ating mga kababayan sa pagbabakuna, at gayun din ang mga dagdag na hakbang para maiwasan ang COVID-19. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Mula sa Presidential Communications Operations Office, Philippine Information Agency at ng People’s Television Network, simulan na natin ang isa na namang edisyon ng Public Briefing #LagingHandaPH COVID-19 Vaccines Explained.

Una sa ating mga balita: Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Duterte sa Surigao del Sur kasama si Senator Bong Go at ang ilang miyembro ng Gabinete matapos ang pananalasa ng Bagyong Auring sa lalawigan. Ang detalye niyang sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa Parañaque City naman binisita ni Senator Bong Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan ang mga market vendors sa Barangay La Huerta at ang mga nagtitinda sa Baclaran para abutan ng tulong. Narito ang detalye:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Umapela rin si Senador Bong Go sa mga tindero at tindera sa Parañaque City na magtiwala sa paparating na COVID-19 vaccine sa bansa, ito’y matapos magpahayag ng pag-aalinlangan sa pagbabakuna ang ilan sa kanila. Narito ang report:

[VTR

USEC. IGNACIO: Secretary Martin, nagpaabot po ng paumanhin si Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health dahil hindi po siya makakasama sa ating ngayong umaga para magbigay ng update sa ating mga kababayan. Sa halip po ay sa Sabado na natin po siya makakapanayam, at tutukan ninyo po iyan.

SEC. ANDANAR: Ngayong nadagdag na ang Sinovac sa listahan ng mga COVID-19 vaccines na pinapahintulutan ng FDA na gamitin sa bansa. Lilinawin natin ang ilan pang mga katanungan tungkol sa Emergency Use Authorization nito at ng iba pang mga bakuna na kasalukuyan pa ring pinag-aaralan ng FDA, muli nating makakasama si FDA Director General Undersecretary Eric Domingo. Magandang umaga po muli sa inyo, Usec. Domingo.

FDA USEC. DOMINGO: Magandang umaga, Sec. Martin. Good morning din, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Usec., nasabi po ninyo na hindi advisable para sa mga frontline health workers ang Sinovac dahil 50.4% na efficacy rate nito sa hanay nila. Pero ubra na ba ito kung ibibigay sa mga essential workers at mga sundalo’t pulis? Magiging manageable ba ang COVID-19 cases sa mga sektor na ito kung sa kanila ibabakuna ang ganiyang efficacy rate?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Oo ‘no, Sec. Martin, kasi ang bakuna po inaaral natin iyan kung kanino siya maganda at kung kanino po mas hindi puwede. For example, ang Pfizer bawal sa mga may allergy. Ito naman pong Sinovac nakita natin na para sa mga mamamayan katulad natin sa community, ang efficacy rate po niya ay napakataas, 63% to 91% po iyan.

Doon lang po kasi sa mga healthworkers, iyong doktor at nurse na nag-aalaga talaga, iyon pong mga orderly doon sa ward na nag-aalaga talaga ng COVID-19 dahil napakataas ng exposure nila, sa kanila 50.4% po ang efficacy kaya ang sabi namin baka hindi ito iyong pinakamaganda para dito sa healthworkers na ito. But definitely po for members in the community, iyon pong 18 to 59 years old eh mataas po iyong efficacy rate niya kagaya nga ng sabi namin, umaabot po hanggang 91%.

SEC. ANDANAR: Nabanggit ninyo rin na mas effective rin ito sa 18 to 59 years old at clinically healthy individuals. Ibig bang sabihin ay posibleng piling economic frontline workers at uniformed personnel lang na pasok sa mga kategoryang iyan ang tuturukan ng Sinovac?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, sa ngayon po kasi ang mga clinical trial kasi, Sec. Martin, ginagawa iyan usually in stages ‘no. So usually uumpisahang talaga sa 18 to 59 years old kaya hanggang ngayon po wala pang bakuna kahit sa bata. Kahit po iyong AstraZeneca or iyong Pfizer, hindi pa po iyan ginagamit sa bata kasi ginagawa pa nila iyong pag-aaral nila para sa mga bata. Ito pong Sinovac, ang natapos na pong pinadala sa aming results ay iyong 18 to 59 at sa kasalukuyan ginagawa po nila iyong 60 and above.

So at this time since ito po iyong data na mayroon tayo at sigurado tayo na effective sa ganitong age range, sa kanila po muna natin binigyan ng approval. And of course, as the data comes in, kapag napakita naman po na safe din siya sa 60 and above, idadagdag po natin iyon and possibly later iyong mga bata rin naman po ‘no, at the other end, iyong mga less than 18. So at this time the studies that have been performed show na talagang sa 18 at 59, sigurado po tayo sa kaniyang safety at saka efficacy.

SEC. ANDANAR: May ilang mga mambabatas na nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa recommendation ng FDA na ang Sinovac na mukhang ang unang bakuna na darating sa bansa ay hindi pa advisable na ibigay sa healthworkers. Ano po ang tugon ninyo rito, Undersecretary?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well kami po kasi, talagang maibibigay lang namin ang rekomendasyon namin based on the scientific evidence at hand and as of now ang evidence po shows that it’s good for 18 to 59 at iyon pong mas mababa ang efficacy rate niya sa ating mga healthworkers. Pero I’m sure sila Secretary Galvez naman po at iyong team niya na nagpu-procure ng bakuna ay ginagawa naman po lahat ng paraan ‘no dahil hindi lang naman po ito ang approved na vaccine sa Pilipinas. Pinayagan na rin po natin ang Pfizer at saka AstraZeneca at may mga iba pa pong applications ng mga vaccine na palagay natin darating sa mga susunod po na mga araw.

SEC. ANDANAR: Undersecretary, may dahilan din ba kung bakit iba-iba ang lumalabas na efficacy rate sa mga bakuna kagaya ng sa Sinovac, depende sa kung saang lugar at cluster isinasagawa ang clinical trial?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Totoo po iyo. Bawat study po kasi talagang magkakaiba ‘no, iba po iyong taong gagamitan, iba po iyong lugar, iba po iyong kaniyang situation. Katulad po noong study nila sa Brazil, talaga pong ang tiningnan lamang nila doon ay ang mga healthworkers na nag-aalaga ng mga may COVID-19 at nakita na doon sa grupong iyon, 50.4% ang kaniyang efficacy rate. At the same time doon naman po sa Indonesia at saka sa Turkey, mga mamamayan naman sa komunidad na 18 to 59 years old ang tiningnan nila at napakita na sa mga grupong iyon, mas mataas po ang efficacy rate.

So talagang ano po, nakikita natin ito at natutulungan naman po tayo ng datos na ito para piliin kung kanino talaga mas nababagay ang bawat isang produkto, gamot o kaya bakuna. Lahat naman po kasi talaga ng gamot, mayroon po talaga siyang indication, may contraindication at mayroong taong puwede at mayroong taong hindi.

SEC. ANDANAR: Kung hanggang pang-59 years old lang ang Sinovac, ibig sabihin pati po kay Presidente Duterte ay hindi puwede itong bakuna. Base po sa reviews na ginagawa ng FDA, ano sa tatlong bakuna ang advisable na ibigay sa mga senior citizens kagaya ni Pangulong Duterte?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, sa ngayon po ang may approval na for senior citizens ay iyon pong ating Pfizer, 16 and above po iyan, kasi may mga kasama po sa trials nila mga apat na libo po na mga talagang senior citizens, older sa 65. Ganiyan din po iyong AstraZeneca, ano po siya, 18 and above. Iyong AstraZeneca medyo nag-iingat lang po tayo doon sa very elderly ‘no, iyong mga 80/85 years old na maraming sakit, na very frail. Iyon nga po iyong mga nari-report sa Norway. Pero other than that, indicated po sila sa mga mas nakatatanda.

SEC. ANDANAR: Sinabi ni Secretary Roque na ang preferred daw po ni Pangulong Duterte ay ang Sinopharm vaccine. Pero hindi pa nag-a-apply ang Sinopharm for EUA dito sa atin sa Pilipinas, tama po ba? May alam po ba kayong negotiations natin sa kanila para dalhin ang bakuna nila dito sa bansa?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, mukhang wala pa po akong naririnig from Sec. Charlie Galvez ng about Sinopharm. In fact nagtanong po sila sa amin a few weeks ago kung sino ang puwedeng mag-apply ng EUA para sa kanila pero hanggang this time, Sec. Martin, wala pa pong application sa amin ang Sinopharm.

SEC. ANDANAR: Puntahan natin ang mga tanong mula sa media kasama si Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Usec. Domingo.

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Hi. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin ko iyong tanong ni Joseph Morong: Bakit daw po kaya mas mababa ang bisa ng Sinovac kapag sa health care workers at kung may update na po ba kung kailan talaga darating ito?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well ang tao, para ma-infect po kasi mayroong several factors. Unang-una iyong pangangatawan ng tao, iyong virulence ng virus at saka iyong environment. Siyempre iyong mga health care workers na gumagamot sa mga may COVID-19, talagang iba iyong environment nila sa mga tao sa komunidad. Sila ay nasa environment na continuous and exposure to the virus and probably to the high levels of the virus. Kaya isa ito sa mga possible na dahilan kung bakit talagang mas madalas silang kapitan at mas mababa nang konti ang bisa ng vaccine na ito.

Iyon pong sa delivery, hindi ko po masabi iyan. Sila Secretary Galvez po at saka Secretary Duque ang nakikipag-usap sa donation. Ang alam ko lang po huling sabi nila is between 5 to 8 days ang kanila pong ini-expect na dating.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Iyon daw pong kolumnista nila na si Ramon Tulfo ay inaakusahan kayo na ‘di umano pumipigil daw sa Sinopharm na pumasok sa bansa. Ano po ang reaksiyon ninyo dito at ito rin po ang tanong ni Maricel Halili ng TV-5.

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Ay, wala pong nag-a-apply sa amin ‘no. Kami po lahat lang po ng application tinatanggap po namin freely. Pero as of this time, wala pa pong nag-a-apply at iyon pong Chinese government, alam ko po kasi sumulat sila kay Secretary Galvez informing him na wala silang local na distributor dito at hindi ko po alam kung ano ang kanilang magiging application po na strategy. Pero wala pong nag-apply at hindi po namin pinipigilan. Actually lahat po hinihintay naming mag-apply dito sa FDA.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil inamin daw po ni Mon Tulfo na nagpabakuna na siya nang iligal at smuggled, maaari ninyo po ba siyang makasuhan at kumusta rin po iyong imbestigasyon sa mga PSG na binakunahan na ng Sinopharm? Tanong din po iyan ni Patty Tiu ng Philippine Daily Inquirer.

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, we will refer this report to our regulatory enforcement unit para po imbestigahan nila. Iyon pong sa PSG hanggang ngayon po wala pa pong kasagutan iyong aming tanong, pati po ang DOH sumulat sa kanila pero as of now wala pa po kaming nakukuhang impormasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., marami daw pong nagki-criticize sa FDA regarding sa pag-apruba sa EUA ng Sinovac pero hindi daw po pinapayagan nga sa health care workers. Pakipaliwanag po kung puwede pa rin daw bakunahan iyong mga health care workers ng Sinovac? From Red Mendoza pa rin.

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Hindi po natin sinasabing bawal ‘no, hindi po siya contraindication. Ang sinasabi po natin, ang recommendation natin is that maybe tingnan po ng pamahalaan kung ibibigay din nila sa healthcare workers lalo na iyong mga nagti-treat ng mga patients with COVID-19 knowing that the efficacy rate is a little lower in this group. So hindi po siya bawal, actually kung ang healthcare workers gusto na po niyang tanggapin ito, maaari po iyon.

USEC. IGNACIO: Tanong ni Maricel Halili ng TV 5 tungkol pa rin po kay Mon Tulfo at sa Sinopharm: Don’t you find this alarming daw po considering that this is not the first time Sinopharm was used without EUA, even PSG members were inoculated without EUA?

USEC. DOMINGO: Well, kaya nga po iniimbestigahan siya dahil talaga nga pong hindi naman po maganda na nalalaman natin na may mga ganitong mga nagpapabakuna ng hindi po dumadaan sa tamang proseso.

USEC. IGNACIO: Tanong po ni Julius Babao ng ABS-CBN: Base nga daw po sa pag-aaral ng FDA, ano po iyong restrictions sa mga bakuna like Sinovac sa ngayon ay hindi nga po nirirekomenda maging sa senior citizens, ganito din ba daw sa Pfizer at sa AstraZeneca?

USEC. DOMINGO: Iyon sa Pfizer po ang hindi siya pupuwede ay sa mga tao po na may allergies, kasi alam natin iyon po ang kaniyang contraindication, severe allergies, especially to certain products. So talagang hindi rin po siya pupuwede doon.

Iyong sa AstraZeneca naman po ang inaaral natin iyon pong mga reports sa Norway na mayroon pong mga… iyong very elderly and very frail.

So lahat naman ng produkto, lahat ng bakuna may kasama po iyan na indications, contraindications, recommendations and things to watch out.

USEC. IGNACIO: Ano na daw po iyong status ng Sinopharm sa bansa?

USEC. DOMINGO: Wala pa pong application for Emergency Use Authorization ng Sinopharm dito po sa FDA.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, balik po tayo kay Secretary Martin. Okay. Update na lang po doon sa mga pekeng bakuna na napaulat nakakarating ito sa bansa, Usec. Domingo, ano na po ang update dito?

USEC. DOMINGO: Well, mayroon po tayong isang naging balita na mayroon daw truck na nahuli at iyong Zuellig Pharma pa nga po ang sinabihan. Sinulatan namin sila at sumagot po sila, they vehemently deny, wala daw po silang ganoon, wala daw silang ipinasok na bakuna sa Pilipinas at hindi daw po totoo iyon; so far continuous naman po ang mga operations natin to check on reports at tuluy-tuloy naman po iyan, ang ating regulatory enforcement.

USEC. IGNACIO: Usec., final words na lang po para sa ating mga kababayan na talaga naman pong marami  na sa atin naghihintay ng  pagdating ng bakuna?

USEC. DOMINGO: Alam ko po inip na inip naman na tayong lahat, pero kami po inaaral po namin ng husto ‘no. So bago po namin Ilabas ang authorization ng isang bakuna, tinitingnan po talaga natin iyan at talaga pong detalyadong sinasabi natin kung kanino siya puwedeng gamitin, kung kanino dapat Ingatan at kanino puwede hindi; lahat po ng gamot ganiyan po iyan.

So kapag po kayo ay babakunahan na, tingnan rin po ninyo iyong product information which will be given to you to make sure that it will be a good vaccine for you at para maka-make kayo ng inyong tamang desisyon para magbigay ng inyong consent para sa pagpapabakuna.

USEC. IGNACIO: Usec. may pahabol lang pong tanong si Patty Chiu ng PDI: How about compassionate use for Sinopharm, may ibang entities other than PSG po ba ang nag-apply?

USEC. DOMINGO: Wala pa pong dumadating sa FDA.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon Usec. Eric Domingo ng FDA. Mabuhay po kayo, Usec.

USEC. DOMINGO:  Maraming salamat po

SEC. ANDANAR:  Diyan lamang po kayo at magbabalik ang Public Briefing #LagingHandaPH

(COMMERCIAL BREAK)

SEC. ANDANAR:  Ito pa rin ang inyong Public Briefing #LagingHandaPH. Puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa mga lalawigan sa bansa, ihahatid sa atin iyan ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas. John good morning!

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

“Vaccine saves lives,” iyan po ang bukang-bibig ng ating mga eksperto, pero sa kabila niyan malaking bilang ng mga Filipino ang hindi pa rin kumbinsido na magpabakuna dahil sa hindi umano ay makukuhang side effects dito.

Para tumulong magpaliwanag sa kalidad ng bakuna na ating matatanggap, makakausap natin mula sa Vaccine Expert Panel ng pamahalaan si Dr. Rontgene Solante. Magandang umaga po sa inyo, Dr. Solante.

DR. SOLANTE:Good morning, Secretary Martin, good morning, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Napakahalaga po na malaman muna ng mga manunood sa atin – ito, Doc ‘no – gaano kalaking porsiyento ba ang proteksiyon ng isang taong nabakunahan laban sa COVID-19 kumpara sa taong hindi nabakunahan?

SOLANTE:Yes, tama po ‘no. Kailangan talaga nating ipapaliwanag sa mga tao ang importante dito na hindi lang ang indibidwal na proteksiyon ang matatanggap natin or benefit but pangkalahatan talaga para ma-attain natin iyong tinatawag nating herd immunity.

SEC. ANDANAR: Marami ring mga tao ang hindi pa fully naiintindihan ang iba’t-ibang efficacy rate ng mga bakuna. Ano po ang paliwanag ninyo, Doc Solante, sa dahilan nito at kung may epekto ba ito sa taong tuturukan – halimbawa ng mas mababa kumpara sa ibang bakuna – ang efficacy rate ng ituturok sa kanila?

DR. SOLANTE:Okay. So, dapat maintindihan natin na ang ilan na mga bakuna magkakaiba ang efficacy rate nila kaya mayroon tayong tinatawag na ibinibigay ng WHO na threshold na at least 50%. Kapag pumatong ka doon sa 50%, any vaccine considered as pumapasa na siya doon sa efficacy na threshold na makakatulong talaga sa pagsugpo ng pandemic.

Pangalawa, ang mga efficacy rate nito, tandaan natin iba-iba ang population ginagawa itong mga trial na ito, so, depende kasi iyan. Ang efficacy niyan ay magdidepende sa immune system ng tao, so, hindi [choppy video] ang pag-produce niyan.

Pero kung titingnan natin, kung halimbawa, 95% efficacy, 70% efficacy and 50% efficacy, mas maganda pa rin ang mataas na efficacy kumpara sa mas mababang efficacy kung titingnan natin kung paano natin mapabilis ang pagsugpo ng pandemic at saka iyong mataas na proteksiyon.

USEC. IGNACIO: Doc Solante, ayon po sa isang ulat ng Forbes, may mga positive development daw po na natuklasan sa Pfizer vaccine. Una, kaya na daw po ba ng single dose shot na mag-produce ng 85% efficacy at kaya na rin daw po ng bakuna nila ang temperature na standard freezers. Ito po ba ay pinag-aaralan ninyo na, Doc? At ano po iyong magiging impact nito sa rollout natin?

DR. SOLANTE:Okay. So, kung halimbawa na kaya ng isang dose ng Pfizer vaccine [choppy video] ang ano niyan dahil hindi mo na kailangan bumalik pa sa pangalawang dose. So, malaking bagay iyan dahil sa isang bakuna pa lang makakuha ka na ng proteksiyon.

Pangalawa, kung sa stability niya or mapapataas iyong temperature na parang refrigerator temperature na lang, malaking bagay ito sa implementation natin or rollout kasi maski sa mga sulok na lugar na hindi na kailangan iyong ultra low temperature na mga refrigerator kinakailangan.

So, dalawang bagay ang advantage niyan ‘no – sa isang ineksiyon lang tapos pangalawa iyong temperature hindi masyadong mababa na requirement for the rollout even to the remotest area of the country.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, marami tayong nakakausap ano po at sinasabi talagang normal lang ang pagkakaroon ng side effect sa kahit na anong bakuna. Pero ano po ba iyong scientific and natural reason kung bakit nakakaramdam po ng side effect ang isang tao pagkaturok po ng bakuna?

DR. SOLANTE:Okay. So, tandaan natin ang mga bakuna may mga [choppy video] or mga hinahalo para maging small at saka para iyong component ng bakuna mas makapag-stimulate ng immune response sa katawan natin ‘no. So, ito po iyong substances na ini-inject, magka-cause din siya ng local reaction sa katawan natin.

Halimbawa po ay itong pinaka-common dito na kapag ini-inject mo ang bakuna, namamaga, namumula iyong site kung saan itinuturok ‘no, normal din iyan. Tapos kung mayroong naramdaman na, medyo masakit ang katawan for 24 hours o mayroon kang parang lagnatin nang kaunti, iyon nagri-react na rin iyong katawan natin dahil mayroon nang pumapasok na substance doon na kasama sa pag-stimulate ng immune resistant nabubuo na, nag-uumpisa na mag-work iyong bakuna.

Itong mga side effects na ito napakanormal nito na lahat naman itong mga local and systemic reaction base doon sa mga trial na ginagawa ‘no ng Phase 3 na talagang very tolerable, kadalasan mild at bihirang-bihira lang iyong tinatawag na severe adverse reaction.

USEC. IGNACIO: Pero Doc, paano naman daw po iyong tamang pag-manage ng mga sintomas ng side effects after getting vaccinated? Halimbawa, lagnatin, dapat po bang uminom ng paracetamol o dapat po bang hayaan na lang humupa ang lagnat?

DR. SOLANTE:So, may mga instruction iyan pagkatapos mo ng pagbakuna. So, kadalasan iyan halimbawa mayroon kang lagnat, kung sa tingin mo iyong lagnat hindi kaya ng katawan mo na very uncomfortable for you, uminom ka ng paracetamol pero kung medyo kaya naman as much as possible mas maganda wala tayong inumin. Uminom ng maraming tubig tapos i-monitor.

Tapos iyong medyo masakit dito sa kung saan tinuturok iyong bakuna, usually nawawala iyan within 48-72 hours. In fact, doon sa mga pag-aaral, kadalasan walang tumatagal nang three days, so, talagang ang tawag niyan, limited. Nawawala lang nang kusa maski wala kang gagawin dito sa mga ganitong klaseng local and systemic side effects.

SEC. ANDANAR: Dr. Solante, gaano kalaki ang epekto ng pag-mutate ng isang virus sa effectivity ng mga bakuna para rito? Sa same report ng Forbes na nabanggit ko kanina ay nabawasan nang 2/3 ang antibodies na pinu-produce ng Pfizer vaccine ang hindi gumana sa South African variant.

DR. SOLANTE:Okay. So, kung tutukuyin natin itong mga variant na nakikita natin ‘no, iyong UK variant, South African variant at saka iyong Brazilian variant, I think sa mga [choppy video] ang pinaka-concern natin ngayon itong South African variant kasi may mga dalawa o tatlong bakuna na ang tini-test nila dito sa variant na ito, talagang nabawasan iyong efficacy ng bakuna in terms of iyong antibody, bumababa ang [choppy video] iyong mga antibodies sa mga bagong variant.

Ito iyong tinatawag natin na kailangan nating imu-monitor specially kapag nag-rollout tayo ng bakuna na halimbawa na kapag nabakunahan na nagkakasakit pa rin, kailangan ipa-follow-up iyan para masuri natin kung hindi ba sila kasama doon na mayroong variant na nabakunahan.

Pangalawa, in general, as of now ‘no kaaya ngayon sa Pilipinas ang nakikita lang na variant ay UK variant at makikita natin itong mga bakuna naaprub ni FDA, like AstraZeneca and Pfizer maganda naman ang efficacy rate dito sa UK variant. Sana nga iyong South African variant hindi makapasok sa atin habang hindi pa tayo nagru-rollout ng mga vaccine.

SEC. ANDANAR: Marami at matagal na adjustments ba ang dapat gawin ng mga vaccine manufacturers para maging tugma at effective na rin ang mga bakuna nila sa iba pang variants ng COVID-19?

DR. SOLANTE:Ang pagbago ng formulation ng bakunang ito, itutugma lang nila doon sa type of variant na nakikita ‘no. Ibig sabihin, parang iti-tweak lang nila iyong bakuna, magdagdag lang sila ng [garbled] maging stronger ang pag-stimulate ng antibody para at least iyong variant na nakikita doon sa mutated virus parang magiging epektibo pa rin iyong mga bakuna. So [garbled] mga siguro months din iyan kasi hindi naman madali rin gumagawa ng mga ganoong pag-tweak or pag-reformulate ng bakuna against the more resistant na mga tinatawag natin na variant.

Pero siguro ang pinakaimportante rito na nakita natin na sa ngayon, siguro hindi pa concern natin itong mga variants especially na itong mga variant [garbled] mga South African, hindi pa dumarating dito sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: Gaano katagal para maging common cold na lang ang COVID-19 in terms of its effects and treatment?

DR. SOLANTE:So sa totoo lang ‘no, hindi ko ma-imagine na ang isang COVID virus ay magiging common cold ‘no kasi may tendency talaga siya na pumapasok sa lungs.

Kapag sinasabi kasing common cold, ang involved lang nito ay itong upper respiratory tract infection natin. Ang COVID hindi siya ganoon, dahil ang COVID virus ay talagang pumapasok sa lungs natin kaya may mga pasyente talagang nahihirapan na huminga. So hindi ko siya maituturing na magiging common cold.

Ang importante talaga natin dito na pagka ma-eradicate natin, lahat tayo ay mayroong immunity sa virus dahil kung wala, kung mayroon pang existing na hindi nabakunahan, kailangang siguraduhin natin na mabakunahan para at least ay ma-eradicate talaga natin itong COVID virus.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin ang mga tanong from the media with Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Doc Solante, tanong po mula kay Joan Nano ng UNTV: Anu-ano po daw ang mga dapat gawin ng isang magpapabakuna ng COVID vaccine; paano po dapat daw ikukondisyon ang katawan, dapat po ba nakakain or may sapat pong tulog bago magpabakuna?

DR. SOLANTE:Okay, so [garbled] bago magpapabakuna ‘no, tama iyong mga sinabi mo na tama iyong oras na matulog ‘no. Talagang preparahan mo siya, maganda ang ano mo, walang sintomas, walang ubo, walang lagnat at saka ang importante dito ay psychologically ready ka sa pagbabakuna. Tanggalin mo rin iyong takot mo dahil sa bakuna dahil minsan kapag nandoon pa rin iyong fear mo, iyong hesitations, baka kapag ini-inject iyan … may mga ganoong klaseng kliyente na kapag ini-inject ay talagang natatakot at saka mas lalong ma-magnify iyong mga side effect dahil hindi pa sila ready na … hindi pa nila natatanggap na itong bakuna ay napakaimportante at saka iyong psychology na safe at effective ang bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, sabi mo ubo, pati po ba sipon…kapag may sipon ka, kahit simpleng sipon po ay dapat hindi muna magpabakuna?

DR. SOLANTE:Hindi naman. Okay lang iyong sipon. Ang pinakaimportante dito ay iyong … specially lagnat ‘no, ang lagnat. Basta mayroon kang lagnat na for the past three days, so bago ka magpabakuna, dapat walang lagnat, walang ubo. Completely [garbled]. Pero iyong mga sipon-sipon, okay lang iyan.

USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Ano raw po iyong take ng … on government’s plan to remove travel authority and health certificates at sa requirements po for local travelers?

DR. SOLANTE:  Sa aking personal na opinyon diyan ‘no, sa tingin ko, mukhang hindi pa tayo ready sa pagtanggal nitong mga health certificate at saka iyong mga requirements ‘no. Kasi, unang-una, alam natin ang history natin noon na marami ang mga COVID sa mga probinsiya dahil sa mga galing sa mga ibang areas na mataas ang COVID cases.

So sa tingin ko, hindi pa tayo ready sa ganitong sitwasyon na tanggalin natin itong mga health certificates at saka iyong testing requirement dahil medyo ang kaso natin ay hindi pa bumababa.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Solante, your advice and parting message na lang po para sa ating mga kababayan?

DR. SOLANTE:Okay. So ini-encourage ko lahat ng Filipinos na kapag dumarating na iyong bakuna, kung nandoon kayo sa priority population at iu-offer sa’yo ang bakuna, sana tanggapin natin ‘no at iisipin natin na ang pagbabakuna ay hindi lang sa indibidwal na benefit but kapakanan ng buong sambayanang Pilipino para at least ma-stop natin ang pagtuluy-tuloy nitong ganitong klaseng pandemic.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Dr. Rontgene Solante mula po sa vaccine experts panel ng Department of Health.

SEC. ANDANAR: Huwag po kayong aalis at magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Nasa 564,865 na po ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos itong madagdagan ng 1,414 kahapon; 72 naman ang mga bagong gumaling sa sakit, suma total na 522,941; habang 16 ang nasawi, sa kabuuan, 12,107 deaths. Nasa 29,817 naman ang nanatiling active cases sa bansa; higit 8.4% ang mild, 5.7% ang asymptomatic, 2.6% ang critical, 2.5%  ang severe at .84% ang moderate.

USEC. IGNACIO: Ipagpatuloy lang po natin ang pagsunod sa minimum public health standards. Bukod po sa bakuna kontra COVID-19, mainam na panlaban pa rin sa anumang variant ng virus ang tama pong pagsusuot ng face mask at face shield, pagpapanatili ng physical distancing  na hindi po bababa sa isang metro at regular na paghuhugas ng kamay.

Malaki po ang ating magagawa para tuldukan na itong COVID-19 pandemic, at para po malaman ang kasagutan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari niyong i-dial ang (02) 894-COVID o kaya ay (02) 894-26843. Para naman po sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

SEC. MARTIN ANDANAR: Thank you. So, hintayin na lamang natin kung  kailan darating ang vaccine, Rocky, para lahat ng mga pinag-uusapan natin dito ay ma-practice na natin para at least maipakita natin sa publiko na safe nga itong mga vaccine  na pinag-uusapan natin at naipaliwanag ni Usec. Domingo kanina.

USEC. IGNACIO: Opo, alam naman po natin na ang PCOO po ay talaga rin, siyempre sa pangunguna po ni Secretary Martin Andanar, ay talaga pong ipinaliliwanag sa ating mga kababayan iyon pong kahalagahan ng pagpapabakuna at siyempre, base na rin po sa advice sa atin po ni Secretary Martin Andanar, kailangan po ay nakalatag po iyong ating coverage para po sa pagdating na ng bakuna, Secretary.

At iyan po ay ginagawa na rin ng PTV at para po makita ng lahat na talaga pong—tatawagin natin itong coverage of the century, Secretary. Alam naman po natin ang hirap na pinagdadaanan ng mga Pilipino, maging ng buong mundo dahil sa COVID-19.

SEC. MARTIN ANDANAR:  Kaya huwag kayong mag-atubili, mga kababayan, na mag-message sa ating Facebook page sa PTV. Kung mayroon kayong mga agam-agam, mga katanungan at para iyong mga katanungan din ninyo ay maitanong din sa ating mga panel of experts.

Kita ninyo naman, si Dr. Eric Domingo ng FDA, mayroon pa tayong  iba pang mga sources of information, mga resource persons na maaari nating pagkuhanan ng expertise, sound advice at para din mapanatag na din ang inyong kalooban dito sa  vaccine.

Maraming salamat po sa pagtutok ninyo sa COVID-19 Vaccines Explained, hatid sa inyo ng PCOO, PTV at PIA. Ako po ang inyong lingkod, Sec. Martin Andanar ng PCOO.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa ating mga kasamahan sa media sa pagiging katuwang natin sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa ating mga kababayan, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. MARTIN ANDANAR: Abangan ninyo po muli kami bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)