Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Narito po kaming muli upang maghatid sa inyo ng mga maiinit na balita’t impormasyon na dapat ninyong malaman. Ako po si Secretary Martin Andanar ng PCOO. Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Sasagutin po ng ating mga panauhin ang mga tanong sa isyung kinakaharap ngayon ng ating bayan. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO.

SEC. ANDANAR: At ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Nilinaw ng Department of Health na dumaan sa health technology assessment ang COVID-19 vaccine na Sinovac, inihayag ito ng ahensiya kasunod ng agam-agam ng ilan hinggil sa naturang bakuna. Dahil dito, sinabi ni Pangulong Duterte na sa halip na magdulot ng pagdududa ay maiging makipagtulungan na lamang ang lahat para sa ikatatagumpay ng COVID-19 vaccination program. Ang detalye mula kay Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahalaga ang papel ng mga lokal na pamahalaan partikular na ang mga barangay para mapigilan ang mabilis na COVID-19 transmission. Maliban dito, kinakailangan din aniya ang kooperasyon ng bawat isa para labanan ang pagkalat ng virus. Nagbabalik si Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Nitong nakaraang Biyernes, binigyan na ng awtoridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kapulisan at militar na supilin ang New People’s Army kahit sa pamamagitan ng dahas bagay na kinukontra naman ng ilang grupo upang bigyan-daan muna ang isang vaccine ceasefire para sa maayos na implementasyon ng pagbabakuna kontra COVID-19. Kaugnay po riyan ay makakausap natin si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon, Jr. Magandang umaga po sa inyo, Sec. Jun.

NSA SEC. ESPERON: Good morning, Sec. Martin. Good morning, Usec. Rocky. Magandang umaga sa inyo at magandang umaga sa mga tagasubaybay ng Laging Handa.  

SEC. ANDANAR: Thank you, Sec. Jun, and congratulations on the successful joint RTF and ELCAC meeting in Region X. Now, may direct order nga po ba si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa militar at kapulisan to kill and finish off members of the NPA at nabanggit din po na huwag nang alalahanin ang isyu ng human rights? Ano po ang masasabi ninyo rito, kayo po ba ay sang-ayon?

NSA SEC. ESPERON: Sang-ayon po tayo diyan, Sec. Martin, sa over-all conduct ng Joint National Task Force ELCAC at Regional Task Force 10 na ikaw naman ang chairman diyan sa Region X. Congratulations sa magandang pagdadala ng programa at kasama nga natin ang Pangulo sampu pang mga iba pang Cabinet members. Sa talumpati ng Pangulo ay nabanggit niya na ubusin na lahat ang NPA at huwag tayong mag-alala sa human rights. Tama naman iyon dahil armado iyang mga NPA na iyan at alangan namang ang iisipin mo pa ay human rights. Isipin na natin kung paano natin sila matalo.

At nasabi niya iyan sa harap ng mga gobernador, mga city mayor, municipal mayors, at ang ating mga barangay lalung-lalo na ang mga chairman ng barangay na naalis natin iyong mga NPA. Iyan ang mga guerilla bases dati kaya siguradong pipilitin nilang mabawi ulit iyong mga barangay na iyan kaya talaga namang shoot on site sa mga armadong NPA. Iyon talaga ang magandang order ng Pangulo at iyan ang gagawin ng ating local task forces.

SEC. ANDANAR: May I quote the President sa kaniyang speech noong Biyernes, “If you see them holding arms, shoot them, kill them.” Ibig sabihin po ba nito ay may shoot to kill order na sa lahat ng kasapi ng New People’s Army?

SEC. ESPERON: Tama iyan, lalo na kapag nakita na natin silang may dalang armas, ano pa nga ba iyon? Dahil kung hindi mo naman babarilin kaagad ay ikaw naman ang mababaril. Lalo na iyong ating mga kababayan diyan sa mga barangay na kung saan may impluwensiya pa itong NPA na ito. Kaya dapat lang in the name of peace, law and order ay binitawan na nga ni Pangulo ulit ang shoot to kill order against the armed CPP-NPA.

SEC. ANDANAR: Paano naman po ninyo mapapanatili ang kaligtasan ng mga sibilyan sa mga lugar na maraming New People’s Army (NPA) lalo ngayong may all-out war tayo versus communism at terrorism?

SEC. ESPERON: Dito sa 822 barangays, Secretary Martin, na natanggal natin dahil ito ay mga dating guerilla base ng NPA ay lalagyan natin ng security forces na binubuo ng mga locals at ang military at saka pulis. Bukod dito ay papasok na nga itong Barangay Development Program na kung saan ito ay naaprubahan na ng Pangulo sa isang Cabinet meeting at napalagyan natin ng pondo sa Kongreso.

Twenty million per barangay. Gagawa ng farm-to-market road, five meters wide, eight inches ang kaniyang lalim; mayroon pang classrooms; mayroon pang health clinic; mayroong water systems; at communal irrigation; at livelihood. Iyan ang numero unong security na maituturing natin bukod sa ating physical security na ibibigay ng ating barangay security force at ang military at pulis na nandiyan sa mga barangay na iyan.

SEC. ANDANAR: Sa parehong talumpati rin ng Pangulo ay hinikayat din niya ang ibang miyembro ng NPA na sumuko na lamang. Gaano na ba karaming insurgents ang nagbalik-loob sa gobyerno at kumusta ang ibinibigay nating mga programa sa kanila?

SEC. ESPERON: Magmula noong 2016, Secretary Martin, hanggang 2020 ay umaabot na sa 14,300 mahigit ang nagbalik-loob na sa gobyerno. Ito ay composed of 3,400 plus na NPA at iyong iba naman ay mga Militia ng Bayan at iyong iba naman ay miyembro ng underground mass organizations.

Ito iyong mga itinatag ng NPA na organs of political power para magkaroon na sila ng sariling gobyerno sa mga barangay na iyan. Nagbalikan sa atin ang mga iyan at ito ay sa pamamagitan ng programa natin na Enhanced Comprehensive Local Integration Program na kung saan iyong baril na dadalhin nila ay babayaran natin; bibigyan natin ng emergency allowance; binibigyan natin ng livelihood program; at mayroon pang pabahay.

In fact, doon sa programa natin kung matatandaan mo, Secretary Martin, dalawa sa 250 na recipient ng bahay ang nabigyan na natin diyan ng bahay. Ceremonial ang dalawa, worth P450,000 iyong bahay na ipamimigay. Kaya napakarami na talagang bumabalik sa atin, sa folds of the law sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program at ngayon, lalong pinatibay dahil mayroon ng National Amnesty Commission na nagbibigay ng amnesty sa mga dating NPA na bumabalik, kaya lalong mapapabilis itong pag-surrender or pagbabalik-loob ng mga NPA.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si Usec. Rocky Ignacio para sa mga katanungan mula sa mga kaibigan natin sa media.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Esperon. May tanong po mula kay Pia Rañada ng Rappler: How did the idea of Barangay Development Program came about? Whose idea was it and how was it proposed to President Duterte?

SEC. ESPERON: Well, it actually is a feedback from the barangay folks. Dahil sa organisasyon ng National Task Force –ELCAC, mayroon tayong regional task force. Halimbawa, Region X is led by Secretary Martin Andanar bilang Cabinet Officer for Regional Development and Security; Ako naman, sa Region I – CORDS; Region XI, si Secretary Avisado; Region XIII, si Secretary Karlo.

So, saan nanggaling iyong idea ng development? Doon sa mga barangays na dating guerilla bases. Sa mga tao mismo galing iyan. Kailangan nila ng farm-to-market road, eskuwelahan, health clinic, kaunting irigasyon, at livelihood. Kaya I took the initiative to recommend in a Cabinet meeting, of course, presided by the President last January 6, 2020, at ini-recommend ko iyong tinatawag na Barangay Development Program para sa mga dating guerilla bases na ito na na-clear na natin.

At inaprubahan ng Pangulo ang halagang twenty million sa bawat barangay na ma-clear natin. So, gusto na sana niyang ipatupad kaagad ito noong January 2020 ngunit nagkaroon naman ng COVID kaya iyong pondong ilalagay sana diyan ay ginamit muna sa COVID.

Samantala, we went to Congress and proposed a budget for that kaya naaprubahan sa Congress iyong 16.44 billion which means 822 barangays na na-clear noong 2016 – 2019. Twenty million per barangay, iyan na ang mga projects na naging simula niyan galing sa barangay at ngayon ay ibibigay na natin. Ang rekomendasyon ay galing sa mga barangay, ngayon babalik tayo at ibibigay na natin iyong twenty million worth of projects.

Hindi ito cash. Hindi ito cash at may mga sinasabi sila na pang-eleksiyon daw. Hindi. Wala sa isip natin iyan. Iyong nagsasabing pang-eleksiyon iyan ay iyong mahilig na gumamit ng pork barrel para sa eleksiyon. Eh tayo naman ay wala tayo diyan. Basic services ang iniisip natin sa mga kawawang barangay natin sa conflicted areas at saka geographically isolated and disadvantaged areas. Thank you, Usec. Rocky. Thank you, Pia.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ang ikalawa pong tanong ni Pia Rañada ng Rappler: What is the criteria set by the NTF-ELCAC to say a barangay has been cleared of communist influence?

NSA SEC. ESPERON: Ginawa iyan—alam ninyo sa ating task forces ngayon, mayroon tayong tinatawag na Community Support Team na binubuo ng Armed Forces. ‘Pag natanggal na diyan iyong armado, papasok na iyong ibang elements ng tinatawag na ‘Retooled Community Support Program’ at nandiyan na ang mga opisyal ng barangay, ang pulis at ang agencies na national or local agencies na nandoon sa barangay o sa munisipyo.

Kaya ‘pag nawala na iyong NPA ay talagang iyon na ang panahon para maglagay ng development, hindi natin nagawa ito nang matagal na. Mayroon namang mga programa pero hindi umaabot dito sa mga conflicted at geographically isolated and disadvantaged barangays. Kaya itong programa na ‘to ay very novel, bago ngunit hindi naman bago dahil kailangan na talagang gawin noon pa, marami nang nagpu-propose.

Ngayon sa panahon ng National Task Force-ELCAC, mayroon na tayong convergence ng mga agencies, local government and the private sector and we all agree that we must bring development not only to the barangays but especially now to the former guerilla bases – dito natin dadalhin ang development.

SEC. ANDANAR: Secretary Esperon, do you believe na bago matapos ang termino ng Pangulong Duterte ay may significant change na maiiwan si Presidente pagdating sa problema natin sa insurgency?

NSA SEC. ESPERON: Very significant ang mangyayari. Itong si Secretary Martin, ang ginawa nila sa Region X, pumili sila ng mga conflicted, high poverty incidents at saka geographically isolated na barangays. At ang ginawa nila sa Region X ay lahat ng pondong available at noong 2019 at saka noong 2020 nag-propose pa sa budget para sa budget ng mga barangay na ito. Ito iyong tinatawag nilang Convergence Areas for Peace and Development, CAPDEV, na ito naman ay dahil maganda ang template, unti-unti ay ginagaya na ng mga ibang regions. Kaya nauna ang Region X na binisita ng Pangulo eh, maganda iyong programa doon at dahil nakatutok iyong mga projects doon sa mga conflicted areas.

Ako ay naniniwala na sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, na kasama ang militar, ang pulis at lalung-lalo na ang local government and other agencies ay malaki ang magagawa nito upang mapaalis ang NPA diyan sa mga kanayunan lalo na sa kanilang guerilla bases. Kaya itong 822 barangays na na-clear noong 2016 to 2019, sigurado ako na mahihirapan nang makabalik ang NPA diyan. At nitong 2020 mayroon pang 1,375 na na-clear naman. Ito naman ang ihihingi natin ng pondo sa Kongreso upang tuluy-tuloy iyong peace and development sa mga conflicted areas.

Kaya ako’y natutuwa dahil sa simula pa lang itong pag-implement ng barangay development program ay talagang tinututukan ng Pangulo, tinututukan ng Cabinet officers, tinututukan ng governors at saka mayors dahil kasama rin naman sila sa task force. Kaya sa ganiyang organisasyon, ako’y naniniwala na talagang napakalaking pagbabago sa mga conflicted areas ang mangyayari at talagang magkakaroon nang major degradation, major degradation sa capabilities ng Communist Party of the Philippines at saka ang New People’s Army.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Esperon, may tanong po iyong ating kasama na si Leila Salaverria ng Daily Inquirer. Tanong po niya: How do we prevent the Barangay Development Program from being used by politicians to raise their profile, gain publicity and campaign for the forthcoming elections?

NSA SEC. ESPERON: Unang-una, wala sa isip ko sana iyong elections pero it’s a reality that the elections will set in. Ang release kasi ng pondong iyan in accordance with DBM Circular 135 will be to the provincial governors or the city mayors. Sila ang magpapatupad ng proyekto kasama iyong munisipyo at barangay pero ang release ng 20 million ay doon sa probinsya and they can undertake the projects by contract or by administration.

So kung maganda ang pagka-implement ng program, masisisi ba natin ang mga tao na magpasalamat sa gobernador, sa municipal mayor, city mayor or barangay capitan? If good governance is rewarded then that is all good for us whether it is for political purposes or for legacy ng mga opisyal na nandiyan ay magpasalamat tayo kung ma-implement nilang mabuti ang projects. Kaya good governance should be awarded/rewarded.

Sasabihin nila—kasi ang element ng politika dito ay wala iyong pagpili ng lugar na bibigyan ng pondo dahil itong 822 na ito ay naka-publish sa General Appropriations Act, naka-publish iyan, 822. Naka-publish iyan sa General Appropriations Act at naka-advertise pa iyan sa major dailies. Hindi mo na mababago ‘yan kaya walang political element iyong pagpili niyan. It is all with the good governance in mind. It’s all about thinking of how to serve the people in these conflicted and geographically isolated areas.

Iyong mga nagsasabing gagamitin sa politika iyan ay ano lang nila ‘yan, parang pinipintasan lang iyong programa at ang malaking nagsasabi niyan ay iyong grupo ng Makabayan bloc sa Kongreso. Dahil alam kong kung mawawala iyong NPA sa guerilla base ay hihina na talaga ang NPA. Kaya huwag kayong magtaka kung iyong Makabayan bloc ay bina-block-an nila iyong 16.44 noon pa lang ginagawa na iyong budget. At ngayon na mayroon nang budget ay kung anu-ano ang sinasabi nila na gagawin daw na pangpolitika ito.

Mabuti na lang nawala na iyong sinasabi nilang pork barrel daw ni General Esperon at mga generals. Eh paano magiging mapunta sa generals iyan eh ang release sa provincial government at saka sa city mayors? Nandoon ang control ng funds, kami quality control kami, quality control – kailangan ipatupad mo iyang programang ‘yan, kailangan you have to implement it as fast as we can. So supervision kami hindi kami iyong humahawak ng pondo. At saka nagkataon lang na military ako pero hindi iyan general’s pork barrel.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po National Security Adviser, Secretary Hermogenes Esperon, Jr. Congratulations. Mabuhay po kayo! And lastly, saan po ang susunod na Joint RTF-ELCAC Meeting?

NSA SEC. ESPERON: Maibalita ko lang, Secretary Martin, kasi lahat ng region ay pupuntahan na ng Pangulong Duterte at mapupunta tayo doon sa region na kung saan ay mayroon akong kaso na i-finile sa kalaban ng Central Committee ng CPP-NPA noong 2006. Dahil may mga na-discover doon na mass graves. Ito iyong mga pinagpapatay nilang NPA, cadre at civilian noong 1981 to 1988. Mga Oplan missing link, Oplan Ahos sa Mindanao at iba-iba pang mga oplan nila kung saan nagkaroon ng internal purgings.

Doon sa Inopacan, Leyte ay naka-discover kami ng mass graves doon na mahigit 100 at ngayon may kaso sila at ako ang last witness kahapon, maghapon, na-cross examine na ako. At palagay ko, talagang sabit ang central committee ng CPP-NPA dito. Ang susunod na bibisitahin ng Pangulo ay ang Region VIII, puwedeng sa Borongan o sa Tacloban siya pupunta at magsama-sama na naman tayo doon, kasama ng mga Cabinet members na sasabihin iyong kanilang mga programa at katulong natin dito of course ang PCOO, PNA, PIA at we are looking forward to that visit to that Region – Region VIII with the President, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Secretary Jun Esperon. Mabuhay po kayo.

SEC. ESPERON: Mabuhay. Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, kasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na nagsusulong ng modernisasyon ng Bureau of Fire Protection, narito po ang detalye.

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR: Tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong ni Senador Bong Go at ng ilang mga ahensiya ng pamahalaan sa mga kababayan nating nangangailangan. Kamakailan lamang ay inabutan nila ng ayuda ang mga nasunugan sa Palawan at Cainta, Rizal para makabangon mula sa trahedya. Panoorin po natin ito.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Samantala, napauwi na ng pamahalaan sa bansa ang ikalawang batch ng overseas Filipino workers na nabiktima ng human trafficking sa Syria, narito ang detalye.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Hinihingi na po ng DILG ang pakikipagtulungan ng local government units at ng PNP upang mas higpitan pa ang pagpapatupad ng minimum health standards ngayong lumulobo naman po ang bilang ng COVID-19 infection sa bansa. Upang bigyan tayo ng detalye sa balitang iyan, makakausap po natin si Undersecretary Jonathan Malaya ng DILG. Good morning po, Usec?

SEC. MALAYA: Yes, magandang umaga, Usec. Rocky at Secretary Martin.

USEC. IGNACIO: Usec., anong klaseng paghihigpit daw po ang sinasabi ninyo dito na dapat gawin ng DILG. Tapos na po ba iyong phase na nagbibigay lang tayo ng face mask at face shield sa mga hindi sumusunod, tayo po ba ay manghuhuli na ulit at magmumulta po ba iyong mga lalabag, Usec?

USEC. MALAYA: Yes, Usec., napansin po kasi natin na naging kampante ang ating mga kababayan, nagkaroon na po tayo ng tinatawag na COVID-fatigue at hindi lang po iyan ang ating mga kababayan, kahit po iyong ating mga nag-i-enforce, iyong ating kapulisan ay nagkaroon na rin po ng COVID fatigue.

So, nag-utos po si OIC Florece ng DILG ng crackdown sa mga nagba-violate ng ating mga minimum health standards at mga health protocols. So, nanawagan po kami sa mga LGU at inutusan po ng DILG ang Philippine National Police na magtalaga ng mga karagdagang mga kapulisan sa lahat ng mga matataong lugar sa Metro Manila at sa buong bansa para nga po mapigilan natin iyong paglobo ng mga kaso.

May mga kaniya-kaniya pong ordinansa ang mga LGU ang inaasahan po ng DILG na ito ay ie-enforce strictly ng ating kapulisan. Sa first offense po, kadalasan iyan ay warning lamang, pero sa second at third offense ay puwede na pong fine at kulong.

USEC. IGNACIO: Opo, hinihikayat ninyo rin daw po ang LGU na magpasa ng mga ordinansa para po mag-impose ng minimum health standard sa kani-kanilang nasasakupan. One year after po ng lockdown, marami pa po bang bayan sa bansa ang walang ganitong uri ng patakaran; at ano po iyong effect kung may ordinansa at kung wala naman po?

USEC. MALAYA: Hindi naman po ganoon kadami, Usec Rocky. For example, dito po sa Metro Manila ay lahat naman po ng mga LGUs dito ay may kani-kanila ng mga ordinansang naipasa regarding the use of face shield and face mask and imposing penalties para doon sa violation nito.

Napansin po kasi namin na mayroon pang pangilan-ngilang mga LGUs sa buong bansa na wala pa ring mga ordinansa at wala ding penalties iyong kanilang mga ordinansa. Mahirap po kasi ang isang ordinansa na walang penalty dahil wala po itong ngipin kumbaga, parang nanghihikayat lang po tayo, eh alam naman po ninyo ang ating mga kababayan kung wala naman pong risk of punishment ay hindi po sila sumusunod sa mga alituntunin ng ating pamahalaan.

So, nananawagan po ang DILG sa mga konsehal sa buong bansa na hanggang ngayon ang inyong LGU ay wala pa ring ordinansa tungkol sa mga minimum health standards ay huwag na po tayo magtulug-tulog, kailangan na po nating maipasa iyan kaagad-agad, para po may basehan ang ating mga [garbled] sa pagsita at paghuli ng mga violators ng health protocols ng ating bansa.

USEC. IGNACIO: Usec, naghihigpit po tayo sa pagpapatupad ng health protocols ano po, pero ang travel requirements po ay niluluwugan naman daw po. So ano po ang masasabi ninyo sa tila raw po taliwas na panuntunan ng DILG? Kasi Usec, ang sinasabi ng daw po, isa rin daw po sa mga dahilan ng paglobo nitong COVID cases ay iyong sa larangan ng transportasyon o iyong pagbiyahe ng ating mga kababayan.    

USEC. MALAYA: Opo. Dumaan po sa masusing pagsusuri ng IATF ang mga resolusyong ipinapatupad ng DILG. Ito po iyong Resolution No. 101 kung saan tinanggal na po natin iyong travel authority and the medical clearance as a requirement for travel. Alinsunod po ito sa panawagan ng NEDA na kailangan na nating palakasin ang ating ekonomiya, dahil sumasadsad na po ito. Base po sa sinabi ng NEDA sa amin, isang trilyon ang nawalang kita ng bansa noong nakaraang taon na nagdulot po ng malawakang kagutuman at kahirapan sa ilan sa ating mga kababayan particular sa private sector. So, sa kadahilanang pong ito ay nagpalabas po ang DILG ng kautusan sa mga LGUs na tanggalin na itong mga ilan sa mga requirements.

Sa ngayon po, since ang mga kaso po natin ay nasa level pa naman na controlled pa, ay pinapatupad po ng DILG iyong latest IATF resolution. Pero kung sakali po na sabihin ng Department of Health at irekomenda nila sa IATF na ibalik muli iyong mga restrictions on travel, like ibalik ang travel authority at ang medical clearance ay susunod naman po ang DILG. As of now, wala pa pong pagbabago sa ating mga polisiya mula sa IATF.

USEC. IGNACIO: Usec., marami pa rin daw po ang naguguluhan sa unified travel requirement na ipinatutupad kamakailan ano po. Puwede po ba ninyong ipaliwanag sa amin, Usec, kung ano na lamang po ba iyong kailangang pagbibiyahe pauwi ng probinsya o bayan lalo na at magmamahal na araw na po?

USEC. MALAYA: Opo. Ang pinakabagay po na kailangang alalahanin ng ating mga  kababayan is based on IATF Resolution 101 ay hindi na po required ang travel authority mula sa ating kapulisan at hindi na rin po kailangan ang medical clearance mula sa local health office para makauwi sa kani-kanilang mga lugar, mga probinsya. Ngunit dito po sa resolusyon na ito ng IATF ay binigyan ng kapangyarihan ang mga LGU na magdesisyon kung magri-require sila ng testing. So, RT-PCR iyon po ang puwede nilang i-impose na test sa mga magbibiyahe.

So due diligence po ang ating mga kababayan, kung kayo po ay nagpaplanong bumiyahe pauwi sa inyong mga probinsya, alamin po muna ninyo iyong pinal na desisyon ng inyong LGU kung required pa rin ang RT-PCR test. Because if it is a requirement, kailangan po kayong magpa-RT-PCR test na ang validity po ay tatlong araw.

Ang DILG po ay maglalabas ng memorandum circular tungkol dito na ikakalat namin sa lahat ng mga LGUs nationwide at kukunin din po namin ang listahan ng lahat ng LGU na magri-require pa rin ng RT-PCR at it0 po ay ide-disseminate namin para po maliwanag ang ating mga kababayan kung ano at kung aling LGU ang mayroon pa ring testing requirement.

USEC. IGNACIO: Opo, kayo po ba Usec. ay may latest na pag-aaral  o may sariling survey sa tulong din ng LGU kung gaano ng karaming kababayan natin iyong willing daw pong magpabakuna. Umaakyat po ba daw iyong bilang ng mga nagpapalista?

USEC. MALAYA: Wala po kaming survey, Usec. Rocky, pero kitang-kita po ng DILG ang pagtaas ng kumpiyansa ng ating mga kababayan sa bakuna. Medyo mabagal po iyong simula  natin noong first day, pero noong sumipa na po iyong ating bakuna, especially sa mga local hospitals gaya ng Pasig General Hospital, Pasay General Hospital, Ospital ng Parañaque, Caloocan Medical Center, noong pumalo na po sa mga LGU hospitals iyong pagbabakuna ay gumanda po iyong kumpiyansa ng ating mga kababayan. In fact, mayroon po tayong ibang mga LGUs na naubusan ng bakuna at kailangan din nilang humingi muli mula sa Department of Health ng vaccine.

At mas gumanda po ang vaccine confidence noong dumating na rin iyong AstraZeneca vaccines.

So mayroon na pong pagpipilian iyong ating mga healthworkers ‘no. At na-monitor din po namin na patuloy po ang pagbabakuna, as we speak sa iba’t ibang mga probinsya sa bansa. So lampas na pong isang daang mga ospital at mga medical center sa buong bansa ay nagsasagawa rin ng vaccination. So napakagandang balita po ito sa ating vaccination program and we congratulate ang lahat ng mga local government units at mga local hospitals dito po sa mabilis na vaccination program natin na isinasagawa. Dahil nakatulong po iyong mga simulations na ginawa nila, iyong mga town hall meetings na ginawa nila, iyong mga paghahanda nila in terms of human resources, in terms of the listing and the preparation na kailangan nilang gawin.

Because maganda po iyong naging programa natin in preparation for the vaccination naging magtagumpay po ang pagsisimula ng ating pagbabakuna sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Usec, panghuli na lamang po, ano po. Sabi nga po ninyo maghihigpit dahil lumulobo ang kaso ng COVID-19; so ibabalik po ba natin iyong militar o pulis sa ating mga kalsada?

USEC. MALAYA: Well, sa ngayon po ang instruction po ni OIC Florece sa ating kapulisan ay magdagdag ng pulis sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila for example. Mayroon na po tayong na-deploy na around 180 additional police officer sa Pasay, para po tumulong sa implementation ng minimum health protocol sa Lungsod ng Pasay at magdi-deploy din po kami ng karagdagan sa Navotas and Malabon iyong atin pong tinatawag na hotspot areas.

Kung tungkol naman po sa military, sa AFP, sila naman po from the beginning ay supporting role lamang.  Siguro po iyong ating mga kababayan ay nakapagkamalan iyong ilan sa ating mga police as military dahil naka-field service uniform po hanggang sa ngayon.

Pero kung titingnan ninyo po iyong insignia niyan, PNP po ang kanilang dala-dalang insignia.  So, they are police force no, pero nakapag-deploy din po tayo noon, noong panahon ng ECQ ng mga military para tumulong sa mga palengke. Ipinapaubaya na po namin sa National Task Force COVID-19 sa pamumuno po ni Sec. Lorenzana kung magkakaroon po ng augmentation force mula sa ating AFP. Pero in the meantime, PNP muna po ang additional deployment natin para nga po makontrol natin ang paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Ok, maraming salamat po sa inyong panahon Under Secretary Jonathan Malaya ng DILG. Stay safe po, Usec.

USEC. MALAYA: Maraming salamat at mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Magpapadala ang Health Department po ng karagdagang contact tracers sa Malabon City dahil maituturing na nasa critical risk na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod kumpara naman noong nakaraang taon. Kakaiba umano ang bilis ng hawaan ng virus sa lugar. Ang detalyeng iyan ihahatid ni Louisa Erispe. Louisa?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ok. Maraming salamat sa iyo Louisa Erispe.

SEC. ANDANAR: Samantala, itinaas ng PHIVOLCS sa alert level 2 ang status ng Bulkang Taal dahil sa increasing unrest o tumitinding aktibidad nito. Batay sa abiso ng PHIVOLCS, nakapagtala sila ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes at isang hard-deep earthquake sa loob lamang ng isang araw.

Tumaas din ang seismic energy sa volcanic tremors na tumatagal ng 3 hanggang 17 minuto. Maliban diyan mula noong Feb. 13 nakapagtala ng 866 na volcanic tremors events sa Bulkang Taal. Dahil sa alert level 2 posibleng magkaroon ng magmatic activity na maging sanhi ng pagputok nito.

Sa ngayon ay hindi pa inirirekomenda ang pagsasagawa ng evacuation pero, ang paalala ng PHIVOLCS sa publiko mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta sa Taal Volcano island na nauna ng idineklarang permanent danger zone, particular na rin sa main crater  at ng Daang Kastila fissure. Patuloy namang pinapayuhan ang mga residente na manatiling alerto at sumunod sa mga awtoridad.

USEC. IGNACIO: Nakatutok din po sa mga pangyayari sa Cebu si John Aroa. John?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo John Aroa, mula sa PTV-Cebu.

SEC. ANDANAR: Dumako naman tayo sa Cordillera Region ihahatid iyan ni Breves Bulsao, Breves.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa iyo Breves Bulsao ng PTV- Cordillera

USEC. IGNACIO: Kumustahin naman po natin ang kalagayan sa Davao, ihahatid po iyan ni Regine Lanuza mula sa PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza ng PTV-Davao. 

SEC. ANDANAR: Samantala, alamin natin ang pinakahuling sitwasyon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Narito si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas. Ria? 

[NEWS REPORT] 

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas., Thank you. 

USEC. IGNACIO: Isang oras na naman po ng talakayan ang lumipas, maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po Pilipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo. 

SEC. ANDANAR: Gustuhin man namin ni Rocky na tumagal pa, alam kong gusto pa ni Director ng hanggang Ala-una pero, hanggang dito na lang talaga iyong oras namin. Salamat din po sa inyong pagsama sa amin. Ako po si Sec. Martin Andanar mula sa PCOO.

USEC. IGNACIO: At Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

          

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)