Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas.

Unang araw pa lang ng Hulyo ay siksik na siksik na agad sa talakayan ang ating programa na may kinalaman sa iba’t ibang issues sa bansa dahil hangad namin ang makapagbigay ng balita’t impormasyon na napapanahon at tama. Ako po si Secretary Martin Andanar mula sa PCOO; magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Welcome back. At siyempre, kasama pa rin natin ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na diretsang sasagutin ang mga tanong ng taumbayan. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin po sa PCOO.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin, Rocky, ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Tayo po ngayon ay nasa Surigao del Norte upang maghatid ng tulong sa mga kababayan natin dito na naapektuhan ng pandemya bitbit ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, kasama po ang PCOO, ang AHON o Aid and Humanitarian Operations Nationwide Convergence Program kung saan namamahagi po ang mga tanggapan ng pamahalaan hindi lamang ng financial assistance kung hindi maging mga seedlings, makinaryang pang-agrikultura, serbisyong pangkalusugan at iba pa. Lilibutin natin ang pitong bayan sa Surigao del Norte, dagdagan pa ng dalawa, upang maparamdam natin sa mga residente ang pagmamalasakit ng administrasyong Duterte sa mga Pilipino.

Sa iba pang balita: Kasabay naman ng pagbisita ni Senador Bong Go sa Caloocan ay tiniyak niya sa publiko na doble kayod ngayon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang makumpleto nito ang mga plano na pakikinabangan ng mga Pilipino bago siya bumaba sa puwesto. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, noong nakaraang linggo po inanunsiyo ng Department of Health na maituturing na bilang isang low-risk area ang National Capital Region dahil sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso dito ng COVID-19 sa araw-araw at mula ngayong araw hanggang sa a-kinse ay nasa General Community Quarantine with some restrictions pa rin ito, sang-ayon ba rito ang mga alkalde ng NCR? Alamin natin iyan ngayong umaga mula kay MMDA Chairperson Benhur Abalos. Magandang araw po, Chair Abalos!

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Good morning, Usec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, kasama rin po natin si Secretary Martin na nasa Surigao, ano po. Ito po iyong unang tanong namin sa inyo: Wala po bang umapela sa mga mayors ng Metro Manila sa pananatili ninyo sa General Community Quaratine with some restrictions?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Unang-una, magandang tanghali, Usec. Rocky at of course kay Secretary Martin Andanar at sa lahat po ng mga nanunood.

Ang mga mayors naman po ay kung anuman ang sabihin ng mga health experts, ng IATF, they defer to their wisdom dahil sa ngayon po ay maganda na naman ang mga kaso ‘no. Actually, galing ako kahapon sa Medical City dito sa San Juan, andiyan kasi ang aking ama na naoperahan sa gallstones, at nagulat ako wala na hong kaso ng COVID sa ospital na iyon ‘no. Dati talagang napakahaba.

So maganda na po ang kaso ngayon kaya nga, iyon, kung anuman ang sabihin ng ating mga experts, we do it slowly and consciously. We defer to their wisdom po.

SEC ANDANAR: Chairman, si Secretary Martin po ito. Magandang umaga po sa inyo. Mayroon pong sinabi si NEDA Secretary Karl Chua na may opening na para sa NCR na maging MGCQ. Sa tingin ninyo po ba ay handa na kayo sa pinakamaluwag na quarantine classification?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, handa naman kami, Secretary Martin; pero pag-uusapan naman nang husto ito, ang mga preparasyon dito. Magmi-meeting kaming mga alkalde dahil, of course, we have this Delta variant ‘no. Pero kung sa handa at towards [garbled] siguro po talagang pag-uusapan nang husto ito, kung anong mga preparasyon ang dapat naming gawin.

What is important right now ay successful ang ating national government, ang ating mga alkalde na na-calibrate nilang maigi at nabalanse ang [garbled] kalusugan ng tao.

SEC. MARTIN: Chairman, may mga luluwagan pa ba kayong polisiya dito sa Metro Manila ngayong paganda na po ang estado ng rehiyon sa paglaban sa COVID-19?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, napakagandang tanong iyan ‘no kasi under GCQ, Kasamang Martin, 50% of the workforce ay puwedeng pumasok. Before, nanggaling tayo sa 30%. Meaning, iyong other 50% ay puwede mong i-work from home. So, ako ay nananawagan naman sa ating mga employer, sa ating mga kababayan ngayon na sana magpabakuna tayo kasi of course papasok ka sa trabaho iba na rin iyong protektado ka at bakunado ka at lalo na iba na rin kung nandoon ka, hindi ka makakahawa sa mga kasama mo sa work at pag-uwi mo wala kang dadalhing sakit.

So, ako a nananawagan bagaman at lumuluwang tayo iyon ang sinasabi kong lumuluwang tayo pero make sure we are also be responsible here. Kaya siguro itong mga policy na ito ay dapat din i-restudy, pag-aralan din natin ito na papasok ka baka puwedeng iyon nga, maski 50% at least man lang sana ay bakunado ka.

SEC. ANDANAR: Chairman Abalos, ayon po sa OCTA Research, posible daw pong makamit ang population protection dito sa NCR bago mag-Pasko, aba eh napakagandang balita iyan. Ayon pa rin po sa inyong tanggapan, 50% ng NCR population ay kayang mabakunahan in three months. Sa ngayon po ba ay kumusta ang pagbabakuna ng kaniya-kaniyang bayan sa National Capital Region?

MMDA CHAIR ABALOS: Sa Metro Manila po ay ang first dose ay 3,204,905 at ang second dose ay 1,080,463 o kulang-kulang 4.3 iyon sa buong National Capital Region. Eh maging conservative na lang tayo, Secretary Martin, ilagay na lang natin sa 114,000 doses on the average. Pero tandaan po natin umaabot tayo ng 170 or even 200,000. So, sa 114,000 i-multiply natin ito nang tatlong buwan, ito ay mahigit kumulang na 3.4 million po iyon bawat isang buwan. Iyong 3.4 million imu-multiply mo ng tatlong buwan, higit-kumulang 10.2 million. So, 10.2 million, this is the end of September, July to September, plus ia-add mo itong 4.3 million na tayo ngayon, by the end of September, very conservative ito huh, we will be hitting 14.5 [million] doses.

Tandaan po natin, ang Metro Manila ay 14 million, meaning itong 14.5 million doses lampas kalahati na ng dalawang with two dose na ang projections. So, tamang-tama po ito, very conservative, the way we are doing it right now, we will be hitting more than a majority by the end of September po.

SEC. ANDANAR: Tingin ninyo po ba ay epekto na ng pag-distribute na rin ng bakuna sa iba pang high-risk areas ang pagkaunti ng supply dito sa NCR at ano po ang reaksiyon ninyo sa pinalawig pang pamamahagi ng bakuna sa iba pang mga lugar sa bansa?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, of course, tama naman po iyon dahil this is tinatawag nating dapat nating tulungan ang talagang nangangailangan ng tulong. At kung ating susuriin, most them are high-density areas ‘no, kamukha po ng NCR, nandiyan ang Iloilo na talagang sentro po at iba pang mga lugar sa Visayas at Cagayan de Oro.

So, nauunawaan po namin at nakikiisa ang mayors ng Kalakhang Maynila na dapat lamang po natin tulungan ang mga nangangailangan ng tulong ‘no pero it goes without saying of course, that hindi naman tayo nawawalan ng focus dito na iyong mga sobra ho natin, kung mayroong kaunti ibalik na lang sa Metro para matapos na rin po tayo.

So, we’re just on course. Habang tumutulong tayo sa kapatid natin sa probinsiya, nagbabakuna naman tayo dito at napag-usapan nga namin kung matatapos ang Metro Manila, ang mga manpower naman ng Metro Manila ay makikiisa naman sa mga mamamayan natin sa mga probi-probinsiya. Iyon ang importante, ang spirit of bayanihan sa bansa ngayong pandemya.

SEC. ANDANAR: Naku! Maganda at nabanggit mo, Chairman, iyong spirit of bayanihan, iyan po talaga ang kailangan natin. Mapunta naman po tayo sa sitwasyon sa kalsada, Chairman. [Garbled] along EDSA na dating isinara para magbigay-daan sa EDSA Carousel, ang pinaplanong buksan ng MMDA? Na-finalize ninyo na po ba kung anu-anong intersection dito at kalian magiging fully effective?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, right now, na-pinpoint na po namin ang dalawang sections na binuksan namin at dahil dito ay I have [unclear] na talagang gumaan talaga ang EDSA. Iyang nakikita ninyo na iyan, iyan ang tinatawag nating Dario Bridge ‘no. Pinabuksan natin iyan dahil ang mga bus naman ay humihinto, hindi naman kailangan isarado. Humihinto kapag kumukuha ng pasahero.

Noong araw po sa Dario Bridge ang takbo po ng sasakyan from west [unclear] to northbound ay 16.6. Noong nabuksan natin, 22.34 per kilometers per hour or difference of 5.6 kilometers per hour. Iyong going south naman dati, ito ay from Balintawak to southbound ito ay 21.57, bumilis na po, naging 32.62 kilometers per hour. Ibig sabihin ang diperensiya niya ay 11 kilometers per hour or kulang-kulang 50% ang itinaas.

At overall, nilinis din po iyong mga ilalim po niyan, kung makikita ninyo po iyong ibang slides, mayroon po kaming mga nilinis sa ilalim at nagkakaroon kami ng kaunti pang mga pagbabago sa EDSA. Dahil dito, pre-pandemic, Secretary Andanar, noong January 2020 ang takbo ng sasakyan from Roxas Boulevard to Monumento ay 21.7, ngayon ay 27.6 na, tumaas, At sa southbound naman from Monumento to Roxas Boulevard noong araw ay 11 kilometers per hour lamang ‘no, ito ay January 2020, 11 kilometers per hour, ngayon 31.57 kilometers per hour na.

So, huwag kayong mag-alala, ito ay pinag-aaralan talaga namin ‘no, [unclear] mga tao. Ang laking tulong po ng infrastructure, iyong pagbubukas po ng Sta. Monica Bridge at bubuksan pa bukas—I mean, sa mga susunod na buwan itong tinatawag naming Mandaluyong and Makati Bridge [unclear] Estrella Bridge. So, itong mga infrastructures, itong tinatawag nating mga mass transport – LRT, MRT, itong mga carousel, ang laking tulong po nito. Of course, it goes without saying dumadami ang sasakyan dahil taon-taon naman talaga, talagang may mga bumibiling sasakyan pero at least nama-manage po natin nang tama.

SEC. ANDANAR: Congratulations po, Chairman, at ramdam ko rin po ang pagluwag ng trapiko, pagbilis ng pagbiyahe lalung-lalo na diyan sa EDSA. Chairman, wala na po bang plano ang MMDA na ibalik ang number coding? Kapansin-pansin po ang pagdami nga ng sasakyan at pagbigat ng daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan? Pero ganoon pa man mabilis pa rin iyong biyahe pero babalikan ko po iyong number coding, ito po ba ay may posibilidad na maibalik pa?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, ang sa amin po, if we see na talagang kinakailangan ho because of [inaudible]. Sa ngayon naman po ay ito ay dahil sa rush hour, Secretary Andanar. Sa rush hour talagang medyo nagsasabay-sabay pero kung titingnan mo at oobserbahan, talagang mabilis at nawawala naman.

There are two things kung bakit po namin hindi muna ina-apply ito:

  1. Kung i-apply po namin ito, dahil mayroong IATF na one seat apart bawat sasakyan, so kung inu-number coding baka magkaipon-ipon sa isang kotse; at
  2. I-monitor namin with the DOTr, kung medyo normal na ang ating public transportation. Kung ito ay medyo okay na, well, we would see ‘no, at kung hindi na po talaga manageable at certain hours na po ang ating traffic.

But huwag kayong mag-alala, nakatutok po kami parati po rito.

SEC. ANDANAR: Chairman, puntahan naman natin si Usec. Rocky para sa tanong ng mga kasamahan natin sa media.

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning po ulit, Chairman Abalos. Alam ninyo kasi tag-ulan na po ano, may tanong po si Kris Jose ng Remate: Napag-usapan na po ba daw ng Metro Manila mayors kung maglalabas sila ng patakaran na magtatakda daw po ng parusa sa mga taong mahuhuli na magtatapon ng basura sa estero?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, ngayon po ay hina-harmonize po namin ang kaniya-kaniyang ordinansa. We must remember bawat lugar po ay may kaniya-kaniyang otonomiya na binigay ng Local Government Code kung kaya’t ang ginagawa po namin ay tinitingnan namin ang bawat batas and if it’s possible magkaroon tayo ng tinatawag na harmonization.

Ang naging problema po kasi ngayon natin ‘no ay iyan kamukha niyang [inaudible] na iyan kung makikita ninyo nasa litrato ngayon iyan ay iba-ibang LGU. Dahil nga basura, ito ay tinatangay ng [unclear], so naglagay po kami, ito ay dinesign [design] namin, this is what is called [unclear] trash nets ‘no.

Nilagay namin iyan about 3 days ago. Pina-design ko iyan 2 weeks ago, mabilisan po iyan. But you could see here, nakuha namin dito ay halos dalawang truckloads ng basura sa isang araw ‘no. So kung makikita ninyo, talagang dapat na ma-review ang parusa rito sa pagtatapon hindi lamang sa ilog ‘no but likewise i-harmonize. Siguro puwede na nating ilagay dito ang community service dahil mahirap talaga ang buhay ngayon, imbes na siguro mag-penalty sila or what – sila na lang paglinisin natin ng certain parts of the river para maranasan nila kung talagang gaano kahirap ang maglinis ng mga [garbled] na ito at mga esteros, mga kanal.

Iyan pong nakikita ninyong mga trash boom na iyan, ‘yan ang plano naming ilagay sa mga main waterways ng Kalakhang Maynila pati sa mga maliliit na kanal at mga estero nang sa ganoon araw-araw ay hinahango ang basura. Pero ang solusyon, Usec. Rocky at Sec. Andanar, hindi na paglilinis eh… you know it’s an attitude eh, it’s a mindset na huwag na tayong magtapon. Dapat magkaroon tayo ng disiplina. Dapat ang basura ay ilagay natin sa tamang lalagyan at higit sa lahat baka bandang huli wala nang basura, mag-recycle na lang tayo.

USEC. IGNACIO: Uhum. Ang susunod po niyang tanong, nabanggit ninyo na nga po iyong trash boom. Matapos ninyo daw pong maglatag ng trash boom, ang MMDA sa Estero de Tripa de Gallina sa Pasay City, ano pong lugar daw iyong susunod ninyong lalatagan ng trash boom na magsisilbing pagharang para sa mga basura para hindi na umabot sa pumping station; at ano po daw estero ang nakita ninyo, naku, pinakamarumi Chairman?

MMDA CHAIR ABALOS: Ah, actually ‘no mahirap talagang magsabi kung anong pinakamarumi. Ang masasabi ko lang ay lumabas sa isang study—ng isang international study na Pasig River ang isa sa pinakamarumi. Pero tandaan natin tributaries ito, maraming mga estero/kanal na napupunta sa Pasig River, nagku-contribute nito. Kaya nga’t ito’y halos sasabayin na po namin, Usec. Rocky, dahil ito’y pinapa-manufacture po ng [garbled] itong mga floating. Pilot lang ho ito eh, ito’y naisip lang ng himpilan ko. Inutusan ko iyong technical team ko, I gave them the idea and they were able to deliver two weeks at [garbled] kami ngayon ng mga floating.

Ang idea diyan ay ang net, kung kailangan isagad hanggang ibaba, kung hindi lulutang lang iyan. We’re going to meet with the Coast Guard here nang sa ganoon [garbled] kung may dumarating na mga ferry. Ang importante iyong mga maliliit na [garbled] kaya siguro makikipag-meeting ako sa ating mga alkalde, baka puwedeng makipagtulungan sa barangay level ‘no. At hindi lamang iyon, iyong mga enforcers natin iyong mga manghuhuli, istriktahan talaga ito at para maging effective po tayo rito.

At so hindi lamang iyon, let’s have a checklist. It’s about time probably reflect on the human waste, tingnan natin iyong mga nakatira along the river especially the Pasig River and San Juan River. [Garbled]Si Secretary Cimatu ay napakasipag niya ‘no, napaka[garbled] ng kaniyang departamento, iyong kaniyang sewerage treatment plant na ginagawa. Eh kailangan niya ng tulong ‘no kaya [garbled] ang ahensiya kamukha ko na mag-checklist tayo. Dito mga walang STP, so iyong poso negro at direkta iyong dumi nila sa Pasig River. Ilog natin ‘to, dapat mahalin natin ‘to ‘no; dapat magkaroon talaga ng masusing programa ukol dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang panghuli po niyang tanong: Bukod daw po sa paglalagay ng trash boom, ano pa po iyong ibang paraan na naisip ng MMDA at maaaring ikasa para malinis po ang mga estero mula sa mga basura at hindi na po umabot sa mga pumping station; at kung nasagot po daw iyong pinakamaruming estero, Chairman?

MMDA CHAIR ABALOS: Mahirap magsabi ng pinakamaruming estero sa ngayon eh ‘no. Ang masi-cite ko lang ay iyong international study nga [garbled] Pasig River [garbled] several more rivers ang nandirito. Sa estero, well, tingnan na lang natin ito ‘no na kung [garbled] talagang nagbabaha at alam ninyo hindi dahil lang sa baradong estero/maduming estero ‘no. At hindi lamang iyon [garbled] namin, Usec. Rocky ‘no, bago ko sagutin iyong tanong mo – may [garbled] na talagang sadya nilang binabarahan para magbaha. Tapos maglalagay sila ng mga tawiran, maniningil sila ng tao ng mga tawiran. may nahuli ang MMDA diyan ‘no kaya dapat maging alerto tayo [garbled].

But at the end of the day, iyan talaga ang solusyon dito, itong basura natin ‘no. Kung kaya’t nagkaroon ng programa ang MMDA – itong basura na kung saan nagbigay kami ng mga [garbled] ito’y sa Pateros ‘no, na iyong basurang kinukuha nila—kasi ito’y nagsimula sa Mandaluyong, kila Kapitan Carlito. At that time ang ginagawa ng Mandaluyong ay iyong mga plastic hinahalo at ginagawang [garbled]. So in-expand lang namin iyong idea na iyon ‘no, of course ni Carlito at saka iyong maybahay ko, si Mayor Menchie, in-expand lang ng MMDA.

Ang ginawa namin dito, mas malawak. Ang ginawa namin dito ay nagbigay pass book sa mga nakatira sa isang lugar kung saan iri-record nila ang basurang isu-surrender nila. It could be newspapers, it could be stick, puwede maski TV, sinusukat namin ito at mayroon silang points. At iyong sa points na iyon, mayroon silang tinatawag na grocery puwedeng ipalit. So ipapalit nila iyong basura nila sa grocery [garbled].

Ang tanong ngayon, saan mapupunta iyong basura, Chairman? Miniting din namin ang mga junkshop operators, sila ngayon ang kukuha sa basurang ito and of course iyong mga recycling factories nang sa ganoon iyong mga lumang mga plastic puwedeng i-recycle na lamesa, kung saan-saan. In short, we make a circular economy. We introduced a system na kung saan iyong hindi mo kailangan, puwedeng kukunin ng mga grupong gagamitin nila at in exchange puwede mo ngayon makuha ang grocery nito.

Gusto pa naming palawigin ito at siguro sa mga susunod na araw tatawagin din namin ang mga groceries, ang tulong ng groceries kasi maalala mo, Usec. Rocky, Sec. Andanar, noong bata pa tayo noon, iyong mga bote dadalhin mo sa grocery, bibigyan konti, susuklian ka – iyong parang ganoong concept ‘no na [garbled] din sila sa programang ito. And so doing mababawasan natin ang volume ng basura, mababawasan natin ang mga clogging of the drainages at lalo na paglilinis nitong mga esteros at canals.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, MMDA Chairperson Benhur Abalos. Ingat po kayo, sir!

MMDA CHAIR ABALOS: Thank you, Martin. Thank you, Usec. Rocky. Ingat po tayong lahat! Salamat po.

SEC. ANDANAR: Usec. Rocky, tayo’y magtutungo sa isa na namang AHON ‘no, itong ating AHON Convergence for Aid and Humanitarian Operations Nationwide ngayon. Muli tayong magbabalik sa mga susunod na araw dito sa Public Briefing. Go ahead, Usec. Rocky. It’s great to be back.

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary Martin Andanar.

Samantala, ika-124 na Malasakit Center binuksan na sa Daet, Camarines Norte. Senator Bong Go, nangako nang mas mabilis at episyente na pagkakaloob ng tulong sa mahihirap na pasyente. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Tag-ulan na nga po at kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang pagsulpot muli ng iba pang delikadong sakit kagaya po ng dengue. Tumataas nga ba ang nabibiktima nito sa bansa at paano po natin dapat paghandaan? Iyan po ang ating aalamin dito sa check the FAQs.

Ngayong araw po ay makakasama natin ang National Aedes-Borne Viral Diseases Prevention and Control Program Manager na Ma’am Aileen Espiritu mula po sa DOH Disease Prevention and Control Bureau. Magandang araw po, Miss Aileen?

MISS AILEEN ESPIRITU: Magandang umaga po, Usec at magandang umaga din po sa ating mga manunuod.

USEC. IGNACIO: Ma’am, ano po iyong kasalukuyan natin na datos para sa morbidities at mortalities sa dengue para po sa taong 2020. Kung ikukumpara po sa 2021, nakikita po ba natin iyong pagtaas o nagkaroon po ng pagbaba?

MISS AILEEN ESPIRITU: Usec, base po sa datos mula sa Philippine Integrated Disease Surveillance and Response ng ating Epidemiology Bureau dito sa DOH, simula January 1 hanggang June 15 ng 2021, tayo po ay may naitala na, na kaso na 27,930 dengue dito sa Pilipinas. Ito ay 48 porsiyento na mas mababa kung ikukumpara sa parehong timeframe noong 2020. Mayroon din tayong 104 na naitalang mortalities o mga namatay dahil sa dengue, ito naman po ay 43% lower than the data we received last 2020 at ang case fatality rate po natin sa ngayon ay .37% na pasok pa din po sa ating target na less than 1%.

USEC. IGNACIO: Ma’am, saan pong rehiyon nakita, na may nakita tayong mataas na kaso ng dengue?

MISS AILEEN ESPIRITU: Usec, bale po ang tatlong rehiyon po, itong top three regions natin na nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng dengue sa Pilipinas mula January 1 hanggang June 5 ang Rehiyon III or Central Luzon with 8,925 cases, Rehiyon 4-A or ang CALABARZON with 3,111 cases and ang Ilocos Region or Rehiyon I with 2,910 cases.

USEC. IGNACIO: Ma’am, anong measures po iyong maaaring maitulong or nakatulong para po mapababa ang kaso ng dengue sa bansa?

MISS AILENE ESPIRITU: Ito ay marahil po sa kadahilanan na ang mga tao po ay namamalagi sa kani-kanilang mga tahanan. So, mas napaigting natin ang water and sanitation hygiene o ang tinatawag na wash practices sa mga komunidad na isa sa malaking factor upang mapuksa ang pinagpupugaran ng mga lamok at mas nasusunod na po ang ‘Enhanced 4S’ strategy.

So, ang ‘Enhanced 4S’ strategy po ay ang mga sumusunod: Susuyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng lamok. So paano po natin ito ginagawa. So ngayon po nauuso po ang mga plantita, so iyon pong mga flower vases, atin po nating siguraduhin, lagi natin ito napapalitan ng tubig, upang hindi siya pamahayan ng mga lamok na may uri ng AEDES kasi alam naman po natin na ang Aedes Aegypti, aedes albopictus o ang mga uri ng manok na nagdudulot ng sakit na dengue.

Kung hindi naman po natin maiiwasan ang pag-iimbak ng mga tubig, dahil sa pagkakaroon ng water interruption, siguraduhin po natin na may takip ang mga timba, balde o kung anuman ang pag-iipunan ng tubig na gagamitin natin sa paghapon, upang hindi ito pamugaran at maaari po kasi itong maging itlugan ng mga lamok. So ngayon din po na napapalapit ang tag-ulan, siguraduhin natin na malinis po ang ating kapaligiran. Kung may mga gulong or containers na hindi na ginagamit at nakatambak lamang sa paligid ng ating mga bakuran o bahay, puwede na po natin itong i-dispose o i-recycle upang hindi po maipunan ng tubig-ulan, dahil maari itong maging breeding sites o itlugan ng mga lamok.

So ang ikalawang ‘S’ naman po sa ating ‘Enhanced 4S’ strategy ay siguraduhin na ang sarili ay protektado laban sa kagat ng lamok sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit na may mahabang manggas at pantalon o puwede tayong gumamit ng mga mosquito repellants. [Garbled] sumangguni agad sa pinakamalapit na pagamutan, para hindi lumala ang sakit. So naiintindihan po natin na madaming natatakot ngayon na pumunta sa mga pagamutan o ospital para makapagpakonsulta, dahil sa banta po ito ng COVID-19. Pero gusto nating ipaalam sa ating mga manunuod na may mga pagamutan po na tumatanggap ng telekonsultasyon, kung saan mapapayuhan ng ating mga doctor kung paano matutugunan ang ating karamdaman. Mahalagang malaman po kasi natin kung tayo ay may sakit na dengue, para maiwasan ang kumplikasyon na dulot nito.

At ang huli po ay ang pagsuporta sa fogging or misting or spraying on hotspots areas para sa mga lugar na may pagtaas ng kaso sa loob ng dalawang magkasunod na linggo upang maiwasan ang banta ng outbreak.

USEC. IGNACIO: So, Ma’am, ngayong pandemya, ano daw po iyong naging strategy ng DOH o pinatupad na patakaran para po ma-prevent o labanan ang dengue?

MISS AILENE ESPIRITU: So, Usec, patuloy pa rin po nating pinapatupad or pinapaigting ang ‘Enhanced 4S’ strategy dahil nakikita natin na nakakatulong ito talaga upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng dengue. Ngunit mas maingat po tayo ngayon dahil sa COVID-19, kaya sinisiguro din natin na ang ating mga healthcare workers ay may sapat na PPE o Personal Protective Equipment at sumusunod din sa pinapatupad na minimum public health standard sa kanilang pagbaba sa kanilang mga komunidad.

So, patuloy din ang ating pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang rehiyon gamit ang work [garbled] platforms upang malaman namin ang kalagayan ng dengue sa bawat sulok ng Pilipinas. Kung may pagtaas ba ng kaso sa bawat barangay, munisipyo o probinsiya ng sa ganoon po ay agaran nating matugunan ang pangangailangan ng ating mga mamamayan.

Kami rin po ay patuloy na naglalabas ng mga polisiya at mga paalala gamit ang internet o website, ipinapadala din po namin ito through email sa ating mga regional coordinators upang mabigyan sila ng gabay. At higit sa lahat, kaisa po amin ang Health Promotions Bureau sa pagpapalabas ng mga IEC (Information Education and Communication) materials.

Sa pagpapalabas ng mga IEC materials, ang information, education and communication materials tungkol sa mga kaalaman hinggil sa Dengue. Ipinapakita ang mga ito sa publiko gamit po ang ating social media, iyong social media tulad ng Facebook, Instagram, websites, diyaryo, radyo at television.

USEC. IGNACIO: Opo, maari po ba daw ma-transmit ang COVID-19 sa pamamagitan ng Mosquito bites, ma’am?

MISS AILENE ESPIRITU: Base po sa World Health Organization at Center for Disease Control, ang COVID-19 virus po ay hindi po nakukuha sa kagat ng lamok. Sa kasalukuyan, wala rin pong ebidensiya na sumusuporta sa teyorya na ang COVID-19 ay isang vector borne disease, ang COVID-19 po ay isang respiratory virus.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa pagtanggap ninyo sa aming paanyaya Ms. Ailene Espiritu, mabuhay po kayo at stay safe po.

MISS AILENE ESPIRITU: Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Para naman sa pinakahuling datos sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon June 30, 2021:

  • Umabot na sa 1,412,559 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 4,509 ng mga bagong kaso.
  • Isandaan at limang katao (105) naman po ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 24,662 ang total COVID-19 deaths.
  • Ang mga kababayan nating gumaling sa sakit ay nasa 1,339,248 matapos madagdagan ng 5,839 new recoveries kahapon.
  • Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay nasa 48,649.

Samantala ngayong Hulyo ay ipinagdiriwang natin ang ika-47th National Nutrition Months, kumusta kaya ang nutrition ng mga Pilipino sa kasagsagan ng pandemya. Iyan ang ating aalamin mula po kay Dr. Azucena Dayanghirang, ang Executive Director ng National Nutrition Council, magandang umaga po Doc.

NNC EXEC. DIR. DR. DAYANGHIRANG: Magandang umaga din sa iyo Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo, ma’am tuwing sasapit po iyong Hulyo, ipinagdiriwang natin itong National Nutrition Month. So, gaano po ba ang maging aware tayo, ibig sabihin iyong mga magulang sa nutrition ng kanilang anak lalo na po ngayong may pandemya?

NNC EXEC. DIR. DR. DAYANGHIRANG: Okay. So, ang Nutrition Month ngayong taon gaya ng sabi ay ika-47th year na nating ipinagdiriwang no. So, layunin ng nutrition month na palawakin pa ang kaalaman tungkol sa nutrition. So, ang tema ay malnutrition, patuloy na laban ang first 1,000 days tutukan.

So, sobrang importante ito Usec. Rocky, para sa mga magulang na tiyakin ang tamang nutrition ng pamilya lalo na ang kanilang mga anak sa tamang nutrition kasi mapapalaki nila ang kanilang mga anak para maabot nila ang kanilang full potential at lumakas ang kanilang resistensiya panlaban sa sakit.

So, kailangan din ng mga magulang para ma-monitor ninyo ang bigat at tangkad ng inyong mga anak kasi dito malalaman kung ano ang nutritional status nila at kailangan na gawin itong regular. Once a year, 0 to 23 months old at quarterly for older children para maaga pa lang malaman ang malnutrition. So, iyon iyong—

USEC. IGNACIO: Oo nga po. Sa datos ninyo, gaano po ba karaming mga bata ang may problema sa nutrition? Ma’am, ano pong age o nagre-range ng mga tinatamaan ng iba’t-ibang problema na may kaugnayan sa malnutrition?

NNC EXEC. DIR. DR. DAYANGHIRANG: Actually, nakatutok tayo ngayon sa mga edad na 0 hanggang 2 years old, iyon iyong tinatawag natin na first 1000 days. So, sa mga nakaraang taon kasi ay nakita natin na—actually bumubuti na sana iyong kalagayan sa nutrition, bumaba na iyong vitamin A deficiency at saka iron deficiency anemia at iyong mga iodine deficiency disorders.

Pero unti-unting—actually unti-unting bumababa na sana ang underweight pagdating sa mga bata especially those under 5 years old. Pero, 30.3% o tinatayang may 3.4 milyon na bata na may edad 5 taon pababa ay stunted o bansot especially lalung-lalo na Usec. Rocky mayroon tayong pandemya ngayon. So, tumaas muli—actually bumaba na sana pero tumaas uli last 2020; so, iyon po Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Doc., kung ikukumpara iyong datos ninyo noong panahon na walang COVID sa bansa at ngayong may pandemya na. So, nakita ninyo po ba kung gaano naging kalaki iyong bawas o nadagdagan sa listahan ng mga batang may problema sa nutrition?

NNC EXEC. DIR. DR. DAYANGHIRANG: Actually, malaki po ang pagtaas ng mga bata especially on stunting, under 5 children, sana naging 28.8% na lang tayo pero after noong COVID-19 based on the survey ay naku tumaas uli tayo ng 30%. So, iyon po ang mga reasons kung bakit lahat tayo ngayon especially this month na nagsi-celebrate tayo ng ating Nutrition Month. Ang ating tema ay akmang-akma, ‘malnutrition patuloy na laban first 1,000 days, tutukan.’

So, first 1,000 days Usec. Rocky, is iyong the very first day of pregnancy up to two years old ng bata. So meaning to say, children two years and below, iyon po ang tutukan ng bawat ahensiya ng gobyerno na under ng National Nutrition Council lalung-lalo na po iyong mga buntis natin kailangan sila din iyong ating target beneficiaries.

USEC. IGNACIO: Opo Doc., ano po iyong naging impact ng pandemya para magkaroon ng problema sa nutrition ang ating mga kabataan?

NNC EXEC. DIR. DR. DAYANGHIRANG: Okay. So, dahil sa pagdami ng pamilyang, ang impact talaga noon pamilya nakakaranas ng kagutuman, iyong ang number one, inaasahan natin darami pa ang magiging malnourished ng mga bata and may 19% na mga nanay na tumigil sa breastfeeding dahil balik trabaho na or kung ano-anumang dahilan.

Pero, inirirekomenda ng WHO at DOH na ipagpatuloy ang breast feeding kahit pa man may COVID-19, ang nanay dahil nagbibigay itong protection kay baby. So, actually sa kabilang dako naman, dahil sa pandemya maraming mga nanay ang nagkakaroon ng mas maraming oras para sa pag-aalaga sa kanilang mga anak dahil sa lockdown nga, hindi makapag-opisina, hindi makaalis ng bahay. So, may panahon sila to take care of their children kaya naman medyo nag-improve ng konti ang pagpapakain, supplementary feeding ng mga sanggol. So, iyon po Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo Doc., bilang eksperto sa nutrition, ano po ang nakikita ninyong solution sa breast feeding ano po upang mawakasan ang malnutrition sa bansa?

NNC EXEC. DIR. DR. DAYANGHIRANG: Okay. So, ang nakikita nating dahilan sa malnutrition ay ang kakulangan pa rin ng sapat na pagkain ng mga pamilya ang, of course ang maling behaviors din ng pamilya tulad ng hindi pag-observe ng sanitation and hygiene and kulang sa kaalaman sa tamang pagpapakain ng bata at ang hindi pagkain ng balanse.

So, kailangan din kasi maabot ang at least 90% sa ating mga target na pamilya ng mga critical na supervisions sa health and sanitation para mas mabilis ang pagbaba ng malnutrition. So, kailangan natin na i-encourage pa natin ang maraming lokal na pamahalaan ‘no, ang mga LGUs, mga LCEs natin para bigyang prayoridad ang nutrition sa kanilang local development investment plans alinsunod sa Philippine Plan of Action for Nutrition or key PPAN.

So, itong key PPAN ay ito iyong Nutrition Actions ‘no, mas madali natin matutuldukan ang malnutrition. Kailangan tutukan natin as I have said, first 1,000 days para maiwasan na ang long term malnutrition kaya kailangan natin ang pakikipagtulungan ng lahat ng sector dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung sakali po na maisakatuparan iyon pong mga sinasabi ninyo. So, ano po ang nakikita ninyo, ito po ba ay posibleng solution para mawala ng tuluyan ang malnutrition sa bansa?

NNC EXEC. DIR. DR. DAYANGHIRANG: Okay. So, actually nangako ang Pilipinas bilang miyembro ng ASEAN at ng United Nations that we will eliminate all forms of malnutrition by 2030. So, alinsunod ito sa UN sustainable development rules no. So, iyon iyong ating pangako. So will all the, lahat ng sector ng gobyerno.

Masaya ako dahil sa present administration ni President Rodrigo Duterte at ng ating mga nasa Senado at sa Congress at sa lahat ng ahensiya dito, National Government Agencies, nandiyan si Cabinet Secretary Nograles, nandiyan si Secretary Carlos Dominguez, sila po iyong nagbibigay na ngayon ng prayoridad sa nutrition. So, pasalamat din tayo sa DBM kasi natutukan na nila itong nutrition program natin. So, maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon Dr. Azucena Dayanghirang. Nakikiisa po ang PCOO at PTV sa hangarin ng National Nutrition Council na gawing malusog ang bawat Pilipino. Mabuhay po kayo.

NNC EXEC. DIR. DR. DAYANGHIRANG: Mabuhay din po kayo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, magmula nang magkaroon ng COVID-19 sa bansa, isa ang labor sector sa sobrang naapektuhan, maraming mga manggagawang Pilipino ang nawalan ng trabaho. Ngayong umaga po ay ating pag-uusapan ang ilang mga programang inihain po ng Department of Labor and Employment para umagapay sa mga apektadong mamamayan.

Makakasama po natin si DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, mula po sa Employment and General Administration Cluster. Magandang umaga po ASec. ASec. Good morning po. Mukhang hindi pa natin makakasama si Assistant Secretary Tutay. Magbabalik muna ang Laging Handa # Ph.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing # Laging Handa PH.

Balikan po natin si Assistant Sec. Dominique Tutay mula po sa Employment and General Administration Cluster. Magandang umaga po ASec.

DOLE ASEC. TUTAY: Usec. Rocky, magandang araw po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am sa bisa po ng Executive Order Number 140, na inilabas noong June 25, pinagtibay ang National Employment Recovery Strategy o NERS. Para po sa kaalaman ng ating publiko, ano po ba itong NERS at paano nito matutulungang makabawi ang sector ng paggawa mula po sa epekto ng pandemya?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Maraming salamat USec. Rocky at tayo po ay nagpapasalamat sa ating Pangulo for signing EO 140, adopting the National Employment Recovery Strategy 2021-2022 and re-enforcing job generating programs through the NERS Task Force.

So, ang NERS po o iyong National Employment Recovery Strategy po natin, ito po iyong ating employment recovery agenda para po sa kabuuan ng kasalukuyang administrasyon at ito po ay una nating inilatag sa ating Pangulo noong February at ngayon po ay napirmahan na po ang Executive Order 140.

Tatlo po iyong layunin po nito Usec. Rocky. Unang-una po ay makalikha po tayo ng mas marami at kalidad na trabaho, livelihood and training opportunities po para sa ating mga kababayan. Pangalawa po, ay maitawid iyong mga nawalan ng trabaho at iyong pong mga bagong graduates para po sa ating labor market sa pamamagitan po ng retooling, re-skilling and upgrading program and Pangatlo po, siyempre dapat ma-preserve po natin iyong mga existing jobs or existing employment po natin.

So, ipinapakita po ng NERS na ang muling pag-angat ng ekonomiya at pagbabalik sigla sa larangan po ng paggawa ay nakasalalay po sa pagtutulungan ng pamahalaan, ng private sector, ng labor sector at ng civil society at tayo po ay nagagalak na base po sa latest labor force per day po ng Philippine Statistics Authority ay nag-improve naman po ating employment situation ngayon pong buwan ng Mayo.

USEC. IGNACIO: Kasama rin po sa EO, iyong pagkabuo ng isang task force, ano po, na siyang mangunguna sa pagpapatupad ng NERS. So, sino-sinong ahensiya ang kabilang dito at ano po ang mga pangunahing tungkulin ng nasabing task force?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Usec. Rocky ang NERS Task Force po ay binubuo ng dalawampung ahensiya ng pamahalaan. Ito po ay pinangungunahan ng Department of Trade and Industry sa pamumuno po ni Secretary Ramon Lopez and ang DOLE po at ang TESDA ang nagsisilbing co-chair ng NERS Task Force.

Kabilang din po dito ang Department of Agriculture, ang Department of Agrarian Reform, ang Department of Budget and Management, ang DepEd, and DENR, DOF, DICT, DILG, DPWH, DOST, DOT, DOTr, NEDA, Office of the Cabinet Secretary, National Security Council at ang Commission on Higher Education. So, ang pinaka-pangunahing task ng ating NERs ay ito pong pag-i-implement ng ating tinatawag na 8-point employment recovery agenda.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., isang programa po sa ilalim ng NERS Action Plan itong rebooting activities through community engagement o Mission RACE kung saan nakapaloob iyong pagha-hire din po ng mga Healthy Economic Recovery Officers o HEROs na tinatawag. So, ano pong layunin ng nasabing programa at paano po ito makakatulong sa DOLE para masama, iparating sa publiko ang inyong mga programang pang-empleyo?

DOLE ASEC. TUTAY: Opo, layunin ng Mission RACE po natin na makakalap po tayo ng impormasyon sa atin pong mga manggagawa at the local or even at the barangay level kasama na rin po iyong estado iyong kanilang pangingempleyo kung sila po ay employed, unemployed, ano po bang assistance ang kailangan nila sa pamahalaan, hindi lamang po sa DOLE.

Ganoon din po, tinitingnan po natin iyong impormasyon tungkol sa mga establisyimento po natin kung sila ba ay nakabangon na, sila ba ay nakasara pa, ano po ba ang assistance na gusto po nila sa iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Layunin din po nito, Usec. Rocky, na maipaabot ang iba’t-ibang programa ng DOLE at ng mga sangay nito dahil nalaman po namin na at the local level, at the barangay level po ay hindi po nila malaman kung paano ba sila hihingi ng tulong doon sa Department of Labor.

Halimbawa, doon sa ating TUPAD or livelihood program. So, ito po ilalatag sa kanila, ano iyong mga qualification, ano iyong requirements. Ito po iyong gagawin ng ating mga Barangay HEROs para iyong mga impormasyon, tamang impormasyon ay makarating po sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Speaking of qualifications, so, ano naman daw po iyong qualifications na inyong hinahanap sa ating mga interesadong mga kababayan na gustong mag-apply bilang HEROs sa kani-kanilang mga barangay.

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Kung sila po ay between 18 years old hanggang 30 years old, maaari po silang pumunta sa ating mga DOLE Regional and Field Offices po. Kung kayo po ay high school graduate o kaya ay Tech-Voc or College level or even College Graduate at wala pa po kayong work experience, maaari po kayong ma-qualify dito.

Ang mga gawain po nito ay profiling po. So, susuyurin po natin ang mga kabahayan at mga establisyimento po doon sa mga barangay in a city or in a locality at mayroon din pong encoding jobs na involved dito po sa ating mga HEROs.

USEC. IGNACIO: Ma’am, so, ilan po iyong target nating ma-hire na HEROs nationwide at gaano sila makakapagtrabaho at magkano daw po ang maaari nilang maging sahod.

DOLE ASEC. TUTAY: Opo. Mayroon po tayong pangangailangan ng 5,600 HEROs nationwide at ang kanila pong compensation ay based on the daily minimum wage prevailing po in the region. Ito po ay magbibigay po ng pagkakataon na trabaho sa kanila at sa in terms ng gobyerno for 3 to 6 months po.

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras Assistant Secretary Dominique Tutay ng DOLE. Mabuhay po kayo!

DOLE ASEC. TUTAY: Maraming salamat po at magandang araw.

USEC. IGNACIO: Bago po tayo magtapos, binabati natin ng maligayang kaarawan ang kasamahan namin dito sa programa na si Joyce Dizon – Happy Birthday.

At dito na po nagtatapos ang isang oras nating talakayan. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng PCOO at ng iba’t-ibang ahensiya o sangay ng PCOO, sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #Laging Handa PH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center