Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas, Luzon, Visayas, and Mindanao, ganoon din sa ating mga kababayan sa ibang panig ng mundo. Ngayon ay araw ng Martes, ika-6 ng Hulyo ng taong 2021, narito muli kami upang maghatid sa inyo ng mga napapanahong balita sa ating bansa. Ako po si Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO, magandang umaga sa iyo Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning Secretary Martin, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio, mula pa rin sa PCOO. Ngayong umaga po ay usaping COVID-19 pa rin tayo at ang mga hakbang na ginagawa ng National at local na pamahalaan para po tugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng ating mga kababayan.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang makabuluhang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa unang balita: Personal na ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Senator Christopher ‘Bong’ Go, ang kanilang pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi sa Philippine Air Force C-130 plane crash, bukod dito binisita rin nila ang mga sundalong nakaligtas sa malagim na insidente. Panoorin natin ito:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Sa iba pang balita, patuloy ang paglaban ng ating bansa kontra COVID-19. Dahil sa pursigido at patuloy nating isinasagawa para sa vaccination roll-out ng pamahalaan, Tumataas din ang vaccine acceptance ng ating mga kababayan, kumustahin natin ang lagay ng isang siyudad dito sa Metro Manila, ang Pasig City pagdating sa pagbabakuna at iba pang usapin tungkol sa pandemya. Makakausap po natin ngayong umaga si Pasig City Mayor Vico Sotto. magandang umaga po sa inyo, Mayor Vico.

PASIG MAYOR SOTTO: Magandang umaga po, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Mayor, kumusta sa ngayon ang lagay ng Pasig City?

PASIG MAYOR SOTTO: Mabuti naman po pati sa roll-out natin ng vaccination ay tuloy-tuloy po tayo, more than 250,000 doses na ang roll-out natin at mga 75,000 plus po nito ay na-second dose na.

SEC. ANDANAR: Ilan po ba ang aktibong kaso ngayon sa inyong lugar, sir?

PASIG MAYOR SOTTO: Sa ngayon nasa mga 200 cases po tayo, doon po naglalaro, bumaba na mula noong peak po namin more than 3,000 cases steadily ay bumaba po ito, ngayon ay ini-expect natin medyo mabagal po daw ito pero overall downward pa rin ang trend.

SEC. ANDANAR: Mayor, usap-usapan din itong ipinasara ninyong medical laboratory diyan sa Pasig City dahil sa illegal na operasyon nito bilang drive thru COVID-19 testing center. Anong mga paglabag ang nakita ninyo dito Mayor Vico?

PASIG MAYOR SOTTO: Yes, sir. Wala po silang permit mula sa Department of Health. So, siyempre bilang isang medical facility kailangan mayroon po tayong permit kung ano man iyong mga permit na kailangan, dapat na-inspection po ito ng ating Department of Health. Kung wala po kailangan maging istrikto tayo kasi kaligtasan at kalusugan po ang pinag-uusapan natin dito.

SEC. ANDANAR: Sa pagbabakuna naman Mayor, itong San Juan City, ay nearing completion na. Kayo sa Pasig City ilang porsiyento na po ng inyong mga residente ang nabakunahan ulit na iyon po ay nasagot ninyo na pero siguro let me—

PASIG MAYOR SOTTO: Hindi pa po ganoon kataas ang porsiyento namin pero nakabase sa bilang ng matatanggap natin na supply. So, siyempre mas malaking siyudad mas marami din po ang ibinibigay ng Department of Health, mas maliit po na siyudad mas kaunti lang din po iyong ibinibigay ng Department of Health.

Basta ang importante pag nabibigyan tayo inuubos natin kaagad at sa katunayan po sa ngayon ang pang first dose namin na bakuna ay nasa mga 11,000 na lang. So, after a few days ay mauubos na rin po ito, kaya inaasahan natin na makakatanggap pa tayo ng karagdagang supply ng bakuna.

SEC. ANDANAR: Ilan po ba ang target ninyo na mabakunahan bawat araw at masasabi ninyo po ba na matutugunan ito ng supply o iyong pagdating ng supply, iyong trend na nakikita ninyo ngayon dito sa inyo sa Pasig at sa National Capital Region?

PASIG MAYOR SOTTO: Magandang tanong po iyan Sec. Martin. Sa ngayon ang capacity namin ay nasa mga 7,000 na po doses per day ang kaya natin i-administer. Actually noong nagsimula po tayo ang sinubmit namin sa DOH na plano ay para sa 5,800 doses per day.

So, nahigitan na po natin iyon nasa 6 to 7,000 at sa totoo po kung sapat iyong bilang ng bakuna ay kaya natin hanggang 8,000 po siguro kasama na iyong private partnership natin, kasama iyong T3. So, sa ngayon ay naintindihan naman natin na hindi pa talaga ganoon karami pero ang magandang balita naman ho ay dumarami iyong dumadating na bakuna sa bansa natin.

SEC. ANDANAR: Nabanggit ninyo po dati Mayor na posibleng matagalan bago mabakunahan ang mga manggagawa sa essential sector diyan sa Pasig City dahil sa kakulangan sa bakuna. Hanggang ngayon ba ay may nararanasan pa ring kakulangan bakuna para po sa mga essential workers natin?

PASIG MAYOR SOTTO: Sec., ang totoo mayroon pa rin po although dumadami na iyong naibibigay sa atin ng Department of Health. Naiintindihan naman natin hindi naman po ito controlled ng kahit sinong mga tao o ng isang opisina kasi globally supply chain po ito. Pero, sa ngayon ay nasa 11,000 na lang po iyong on hand natin na puwedeng gamitin din para sa A4 o sa mga economic frontliners natin.

So, kulang na po talaga ito kasi iyong listahan natin araw-araw dumadami po iyong gustong magbakuna tapos mayroon tayo iyong vaccine na galing sa COVAX na kailangan daw po ay para sa A1, A2, A3 or A5 lang, hindi puwedeng gamitin para sa A4. So, iyon po iyong mga konting challenge pero iyon nga po ang importante kapag may dumarating sa Pilipinas na bakuna at nakapag-allocate ang DOH sa atin inuubos po natin kaagad.

SEC. ANDANAR: Kumusta naman ang naging rollout ng online appointment system para sa mas pinadaling vaccine registration at contact tracing diyan po sa Pasig City?

PASIG MAYOR SOTTO: Sa ngayon ang ginagamit po natin ay iyong Pasig Pass, ito rin po iyong contact tracing na QR code based contact tracing solution natin. Ngayon iyong sa appointment system po mismo, mayroon naman po tayo kaso nahihirapan tayo na magbukas ng maraming slot dahil nga po hindi ganoon karami iyong supply.

So, ang hirap naman po kung iilan lang iyong slot na mai-open natin. So, ang ginagawa po natin ini-extract po natin ng team iyong mga naka-register na tapos tini-text po natin para bigyan sila ng slot.

SEC. ANDANAR: Mayor, mayroon pong tanong ang ilang kasamahan natin sa media. Please takeover Undersecretary Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay, good morning Mayor Vico. Ito po iyong tanong ni Rosalie Coz ng UNTV: Ano daw po ang update sa ginagawang investigation sa umano ay dalawang fixer ng vaccine slot? At natukoy na po ba kung sino ito at mayroon po ba silang ibang iimbestigahan na gumawa nito at ano daw po ang hakbang na gagawin ng Pasig LGU para tiyakin na hindi na ito mauulit?

PASIG MAYOR SOTTO: Usec. Rocky, magandang umaga po at salamat po doon sa tanong. Iyong dalawang fixer na naitukoy natin, nakapag-case build up po tayo at nag-submit po tayo ng report sa NVOC (National Vaccination Operations Center) at binigyan din po natin ng kopya iyong kapulisan natin, PNP, through our city police station.

So, inaasahan natin na maaksiyunan ito sa mas mabilis na panahon at ang gusto natin makita iyong talagang makasuhan sila. So, sa ngayon tinanggal na natin sila sa vaccination team at nag-submit din tayo ng report sa NVOC and sa police.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Maki Pulido ng GMA News tungkol po sa vaccination card ng Pasig: Do you think kailangan ng authentication process kasi importante daw po itong vaccination card ngayon dahil dito sa interzonal. Ang sabi po kasi ng PNP ay baka magkaroon ng mga fake? Ano po ang balak ninyong gawin o tingin ninyo ay sapat na itong vaccination card na ginagawa sa inyong lugar?

PASIG MAYOR SOTTO: Iyong vaccination card po natin ay mahirap pekein dahil ito ay naka-integrate ito sa Pasig Pass. So, ang kagandahan po ng Pasig Pass ay mula sa testing data ng ng DOH hanggang sa contact tracing hanggang sa vaccination records, integrated po lahat ito. So, ibig sabihin iyong QR code ninyo na Pasig Pass nakapaloob po doon iyong vaccination records ninyo. So, kung gagawa lang po kayo, mag-iimbento lang kayo kapag ini-scan po iyon ng scanners natin makikita po kaagad.

SEC. ANDANAR: Okay. Thank you so much Usec. Rocky Ignacio, maraming salamat po sa inyong oras at panahon, Pasig City Mayor Vico Sotto at belated happy anniversary po sa Lungsod ng Pasig. Stay safe Mayor at continue to inspire the young generation of Filipinos. Mabuhay po kayo!

PASIG MAYOR SOTTO: Thank you Sec. Martin, Usec. Rocky, ingat po kayo.

SEC. ANDANAR: Rocky, tayo ay magpapaalam nang muli sa program dahil sa isa na namang napakahalagang pagsiserbisyo publiko sa ating mga kababayan. Go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po Sec. Martin, ingat po.

Samantala, Sen. Bong Go, binatikos si dating Senador Antonio Trillanes dahil mahilig umano itong magpakalat ng fake news at magbato ng putik sa mga kalaban tuwing malapit na ang halalan. Narito po ang report.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, muli tayong makikibalita sa pinakahuling aprubadong protocols na inaasahang dadaanan ng mga Overseas Filipino Workers sa oras na sila po ay magbalik-bansa. Ano nga ba ang nag-aabang sa kanila pagdating dito sa Pilipinas, alamin natin iyan dito sa Check the Facts.

Kaugnay niyan ay makakasama po natin ngayong umaga si Director Rosalia Susana Catapang mula po sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA. Good morning po.

OWWA DIR. CATAPANG: Magandang umaga po, Usec. Rocky, at sa lahat po ng tumatangkilik ng inyong programa, magandang umaga po!

USEC. IGNACIO: Opo. Director, after po noong 10-day facility-based quarantine ng mga Returning Overseas Filipinos, so ano po ang service nila pauwi sa kani-kanilang bahay?

OWWA DIR. CATAPANG: Usec., kapag po ang kanilang swab test results ay negative na at natapos po nila iyong 10-day mandatory quarantine, sila po ay sinusundo sa hotel nila or sa quarantine facilities ng mga tauhan po ng DOLE, OWWA, at sila po ay dinadala sa PITEX or iyong Parañaque Integrated Exchange kung nasaan po iyong mga bus na chartered po ng DOLE at ng OWWA para ihatid po sila sa kanilang mga probinsiya po sa Luzon. May mga drop-off points po doon sa mga probinsiya kung saan din sila sinasalubong ng ating mga regional officers para sila po ay ihatid sa kanilang bahay or sa LGU appointed quarantine facilities, depende po sa polisiya ng LGU.

Ngayon po sa mga uuwi naman po sa bandang Visayas and Mindanao, from the hotel ay dinadala po sila sa airport para sa kanilang chartered flights. At katulad din po ng land travel, nandoon pa rin po iyong mga kasamahan po namin sa OWWA para sila po ay sunduin at ihatid po sa LGU or sa kanilang bahay para tapusin po iyong natitirang apat na araw sa 14 days na mandatory quarantine. So all the way po, nandoon po iyong ating assistance para po sa ating nga Overseas Filipino Workers.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, sino po iyong dapat mag-shoulder ng kanilang swab test at quarantine facility, ito pong tutuluyan ng ating mga OFWs?

OWWA DIR. CATAPANG: Ang swab test, ma’am, ay libre po; iyan po ay sinu-shoulder po ng PhilHealth. Ang ating mga OFWs po ay mga miyembro ng PhilHealth kaya sila po ay entitled para sa libreng swab test.

Pagdating naman po sa quarantine facilities, ang ating pamahalaan po, sa pamamagitan po ng DOLE at ng OWWA, ang nagbibigay po ng quarantine facilities or iyong mga hotel na atin pong niri-rent as quarantine facilities para sa kanila. So wala pong pera o wala hong kailangang bayaran [garbled] sa swab test at saka sa pagtira po nila sa hotels or sa quarantine facilities during the period po na kailangan po nilang nasa quarantine.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, may iba po bang protocol para sa mga OFW na fully vaccinated na? So paano na po iyong mga naka-receive naman ng first dose pa lang?

OWWA DIR. CATAPANG: Usec., mayroon pong bagong IATF Resolution 123-C kung saan may mga green lanes po. So 57 countries po iyong in-identify kung saan low-risk daw po ang transmission ng COVID. So iyong mga 57 countries na iyon po, ang mga OFWs na galing po doon sa mga bansang iyon at mayroon po silang mai-present na sila po ay nabakunahan na, kailangan po na very specific po doon sa IATF Resolution na kapag two doses po iyong kanilang vaccine, kailangan po tapos iyong two doses. Kapag one dose lang po, single dose katulad po ng Johnson & Johnson, dapat po tapos po iyon 14 days bago po sila bumalik sa ating bansa.

So kung sila po ay mayroong mai-present na international certificate of vaccination or iyong kanila pong vaccination documents na na-validate po sa iba’t ibang Philippine Overseas Labor Offices, sila po ay makakauwi sa atin at ang kanilang quarantine period ay mababawasan po. So from ten days, magiging seven days na lang po sila sa hotels. And on the 5th day po, doon po gaganapin iyong RT-PCR, at kapag negative po iyon on the 7th day ay puwede na po silang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero may iba po ba raw quarantine measures ang mga OFWs na mentally ill naman po at ano raw po iyong assistance na maaaring ibigay ninyo sa kanila?

OWWA DIR. CATAPANG: Ang lahat po nang umuuwi na may sakit, maging pisikal man or mental illness po, ay dinadala po namin sa designated [garbled]. So dedicated po iyon sa may mga sakit na OFWs. Mayroon po kaming mga medical personnel, nurses and midwives na 24/7 po nagmu-monitor sa kanilang mga kalagayan.

Ngayon po [garbled] ospital, dinadala po ng ating mga nurses sakay po ng ating ambulansiya. At iyong mga may mental illness po na kailangan po talagang dalahin sa mental institution, mayroon pong tie-up ang OWWA with the NCMH, at dinadala po natin doon iyong mga kababayan po natin na kailangan po ng hospital-based care po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, kami po ay nagpapasalamat sa inyong impormasyon at iyong pagpapaunlak sa aming paanyaya at siyempre, nawa po ay huwag po kayong magsawang tulungan ang ating mga kababayan nating OFW. Muli po, salamat po, Director Rosalia Susana Catapang, ang Financial and Investment Management Office ng OWWA. Mabuhay po kayo, Director!

OWWA DIR. CATAPANG: Maraming salamat po, ma’am. Maraming salamat po!

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang huling tala ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa:

  • Alas kwatro kahapon, idineklara na umabot na sa kabuuang bilang na 1,441,746 ang mga nagkaroon ng COVID-19 sa bansa;
  • 5,392 dito ang nadagdag kahapon.
  • Nananatili namang mahigit sa limampung libo ang mga aktibong kaso na umabot na sa 51,594.
  • Six thousand four hundred seventy-seven naman ang mga bagong gumaling kahapon kaya nakapagtala tayo ng 1,364,960 total recoveries.
  • Mababa rin ang bilang ng mga nasawi mula sa COVID-19 kung saan nakapagtala ng apatnapu’t tatlong (43) bagong nasawi kahapon kaya ito ay umabot na sa 25,192 total deaths.

Samantala, sa inilabas ding bio-surveillance report ng Philippine Genome Center, as of July 4, may halos walong libong samples mula sa mga COVID-19 positive ang na-sequence na, nadagdagan ng dalawang kaso ang Delta variant sa bansa ngunit walang aktibong kaso sa ngayon; one thousand two hundred seventeen ang total cases naman sa Alpha variant; one thousand three hundred eighty-six sa Beta; dalawa sa Gamma; at 166 naman ang Theta o iyong variant na unang nakita sa Pilipinas.

Samantala, binuksan na sa Zamboanga City ang ika-126 Malasakit Center sa bansa. Bukod dito, nagpaabot din ng tulong ang tanggapan ni Senator Bong Go sa mga frontliners at pasyente ng ospital. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, isang magandang balita po ang hatid sa atin ng PhilHealth dahil sa pagpapatupad nila ng ilang adjustments sa mga lubos na nangangailangan. Kung ano Iyan, alamin natin mismo sa Vice President for Corporate Affairs ng PhilHealth na si Dr. Shirley Domingo. Hi Doc, good morning po.

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS DOMINGO: Hello. Good morning, Usec. Rocky. Good morning PO sa lahat po ng nanunood, nakikinig po ngayon sa programang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Shirley, you may proceed with your presentation.

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS DOMINGO: Oh, yes. Good news po sa lahat ng nagda-dialysis po ngayon ay in-extend po ng PhilHealth ang coverage ng outpatient hemodialysis. Dati po kasi ito ay 90 sessions, ngayon extended na po siya to 144 sessions. Sino po makaka-avail nito? Iyong makaka-avail nito ay mga PhilHealth members at saka dependents nila with chronic kidney disease stage 5. Sila, usually po naka-enroll na sila sa ating PhilHealth Dialysis Database pero iyong mga ibang hindi pa po nakaka-enroll, dapat po naka-enroll sila sa ating PhilHealth Dialysis Database. Itong session na Ito siyempre po base po ito sa prescription ng ating mga doktor para mag-hemodialysis po sila.

So the next po, 91st to 144 additional session ay exclusively ito po dapat outpatient hemodialysis ginagawa po iyon. So iyong extension na ito ay para doon sa outpatient hemodialysis. Ngayon po, doon sa mga hindi po makakaubos ng 144, hindi ho ito puwedeng i-carry over sa next year, sa 2022 – so hanggang 2021. But in our experience naman kasi, usually kapag 3 times a week sila naghi-hemodialysis eh nauubos po lahat ito during the year.

Paano pag-claim, mag-avail po nito? Claims for hemodialysis shall be deducted from the final medical bill and iyong magpa-file po sa atin nito is the healthcare provider. Doon po sa mga nakagamit na ng more than 90 sessions, iyong 91st to 144 hemodialysis session ay puwede po sila mag-file directly sa amin. So mayroon pong requirements iyon, nandoon po iyon sa ating website. Puwede po nilang i-file sa ating local health insurance offices at saka doon sa ating mga offices near you, iyong mga regional offices po natin.

So iyong cost po nito ay 374,400 pesos po for the 144 sessions – P2,600 per session kasi iyon. So, iyon po ang total. So iyon lang po, salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Thank you, Dr. Shirley. May katanungan lang po iyong kasamahan natin dito sa PTV ano po. Mula kay Kenneth Paciente: Ano po ang nag-udyok sa PhilHealth to expand dialysis session for dialysis patients?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS DOMINGO: For one thing po, alam po natin na napakahirap po lalo na ngayon, under pandemic marami pong nawalan ng trabaho, bumaba po iyong ating kakayanan na kumita doon sa mga ibang kasamahan natin na naghi-hemodialysis. Napakamabigat po sa ating mga kababayan na naghi-hemodialysis ang magbayad out of their pockets ng kanilang hemodialysis sessions.

Kasi dati po 90 sessions kung 3 times a week iyon, usually po mga July/August nauubos na po iyong mga sessions na iyon, mga July. Kaya nagri-request sa atin ang mga hemodialysis patients to extend the number of sessions. So ganoon po ang ginawa po natin this year. Last year ganoon din po, in-extend po natin sa 144, so this year rin, in-extend po natin. So most probably until the end of the year ay sagot na po natin ang kanilang session.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, paano naman daw po iyong magpaparehistro pa lang sa PhilHealth para mag-avail nitong benepisyong ito? Makukuha po ba nila agad ang package na ito?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS DOMINGO: Yes. Under Universal Health
Care kasi, everybody is a member of PhilHealth and may immediate eligibility. So kung kayo ay paying member, ibig sabihin direct contributors under the Universal Health Care Law eh magpa-register kayo and magbabayad nang kaukulang premiums po. Then, the indirect naman, iyong premiums nila ay binabayaran ng national government but they can avail at once.

USEC. IGNACIO: [Off mic] po ng PhilHealth ang vaccine injury compensation package para po sa mga pasyenteng makakaranas nang severe adverse effects mula po sa immunization matapos mabakunahan kontra COVID-19. So, ano po ang nilalaman ng compensation package na ito at magkano daw po iyong maaaring matanggap, Doc?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS DOMINGO: Okay. As Usec. Rocky said, this is for severe adverse events proven to be connected or as a result of the vaccination. So sa severe po ito na kinakailangan maospital ‘no. So ang makukuha po nito, maximum po in hospitalization is P100,000 – maximum po iyon. Kapag maospital po sila, mayroon rin tayong regular kasi, all case rate iyon – iyong iba may HMO or HMI.

So this will be on top of the magagastos ng PhilHealth for the all case rate and kung mayroon silang HMO/MHI. So kung kulang pa at kailangan mayroon pang balanse iyong hospital bill, ito po, basta proven po na this is a result of the vaccination, then puwede pa tayong mag-reimburse up to P100,000.

Ngayon, kung naman matuloy up to a permanent disability or death, huwag naman po sana, pero kung matuloy po sa ganoon then P100,000 rin – one time P100,000 rin ay ibibigay po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, para malinaw lang daw po ano. Anu-anong adverse effects ang tinutukoy ninyo po sa package? At paano naman ninyo po mapapatunayan na ang isang tao nga po ay totoong nakaranas ng nasabing adverse effects? Sila po ba ay inyong imu-monitor?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS DOMINGO: Ganito po iyon. May listahan po iyon ng mga serious adverse effects sa ating website po, sa ating circular ‘no – kasama po dito iyong tinatawag na Guillain-Barré. So mga listahan po iyon na as guide for the doctors kung anong mga serious adverse effect.

Tapos mayroon rin tayong requirement of a causality assessment ‘no. Ang ibig pong sabihin parang study po iyon ng experts kung talagang it was a result of the vaccination. So requirement din ho iyon, mayroon silang pi-fill up-an na form, may form sila on causality assessment, iyong patient and the doctor. Ia-assess po iyan ng PhilHealth, hindi po sila ang magpapa-study noon. Tapos iri-refer po natin doon sa committee, there’s a committee na nagku-conduct ng causality assessment. Presently this committee is managed under the Department of Health. So sila po ang magsasabi kung talagang cause of vaccination iyong serious adverse event.

USEC. IGNACIO: Pero sa ngayon ba Doc., may nag-claim na nito?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS DOMINGO: Sa ngayon wala pa po, mayroon isang case na ini-study po natin na i-file sa atin, inaalam po natin kung talagang ang dahilan ng claim is from the vaccine.

USEC. IGNACIO: Okay. May isang mambabatas Doc., nanawagan na itaas pa ang halaga ng COVID-19 coverage package po ng PhilHealth mula sa kasalukuyang 43,000 hanggang 700,000 pesos dahil nagkukulang pa rin umano ito na pambayad sa mga ospital. Ano po ang masasabi ninyo dito?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS DOMINGO: Opo. Inaaral na po iyon ng PhilHealth, mayroon na tayong pag-aaral doon, in fact mayroon ng recommendation doon. So, anytime soon we will be implementing a improved package for in-patient hospital care para sa COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Kenneth Paciente ng PTV: Update po sa pagkakautang ng PhilHealth sa mga pribado at pampublikong ospital for COVID-19 cases; magkano na po ba so far ang total at magkano na po ang nabayaran?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS DOMINGO: Mahirap pong magsabi ng eksaktong magkano ang utang po natin kasi at any time mayroon pina-process po na claims doon sa atin. So, kung magkano ang nababayaran natin, this is as of now we already in 2021 nakabayad na po tayo ng total of mga 36 billion in claims ‘no, so total po iyon.

Ang ginagawa po natin dito because of the place of the ospital na may utang tayo ay iyong regions po natin nagre-reconcile po iyon ng data with the Hospitals kasi sometimes po mayroon tinatawag na return to Hospital claims, iyong mga may kulang na documentations or denied claims na sinisingil pa iyon sa amin ng Hospital kaya napakalaki ang sinasabi namin utang when actually most… marami diyan or [signal cut] So ginagawa po ng regions natin kinakausap po isa-isa iyong mga hospital doon at nagre-reconcile tayo ng data.

USEC. IGNACIO: Opo. Follow up lang po ni Kenneth ulit: Ano raw po ang reaksiyon ninyo sa alleged irregularity sa ilang PhilHealth Regional offices when it comes to disbursements of COVID-19 benefits?

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS DOMINGO: What exactly ang ibig ninyo pong sabihin? There were some cases or complaints filed against our people and—alam ninyo po ang COVID, ang pandemic po natin, I believe some of the cases who went as far back as May last year and sabihin natin iyong May ay two-three months pa lang tayo into the pandemic and at that time hindi pa ganoon ka-clear ang science of COVID and marami pong classification at that time, even the probable cases, di ba duration classification mayroon confirmed, may probable cases pero lahat iyon we had to act on it because pandemic po at hindi pa tayo sure what’s happening. So I think, if this is what you are referring to baka ito po iyon.

Ginagawa lang po natin at that time sa judgment natin at that time, what we had to do and that was to respond to the pandemic para lang ma-control ang pandemic. We had to provide assistance to confirmed cases, probable cases lahat po para lang matigil ang pandemic.

Kasi at that time hindi pa tayo sure what was happening, what was exactly COVID-19. So, iyon lang po ang masasabi natin, sasagutin po natin iyong mga cases na iyon and we hope maayos po natin ang mga issues na iyon.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa magandang balita at impormasyon, PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo, mabuhay po kayo Doc.

PHILHEALTH VP FOR CORPORATE AFFAIRS DOMINGO: Salamat din po at salamat sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang kaganapan sa Queen City of the South, magbabalita mula sa PTV Cebu si John Aroa. John…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat John Aroa, mula sa PTV Cebu. Silipin naman natin ang sitwasyon sa Cordillera Region, ihahatid iyan ni Eddie Carta ng PTV Cordillera. Eddie…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Eddie Carta, ng PTV Cordillera. Mula naman sa Davao Region mag-uulat si Julius Pacot ng PTV Davao. Julius…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Julius Pacot ng PTV Davao. Maraming salamat din sa ating partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang isang oras nating makabuluhang talakayan, maraming salamat sa inyong walang sawang pagsubaybay. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio, mula sa PCOO. Magkita-kita tayo muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center