Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay Huwebes, samahan ninyo po kaming busisiin ang mga balita’t impormasyon na dapat malaman ng publiko habang patuloy nating hinaharap ang COVID-19 pandemic, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO. Magandang umaga, Usec. Rocky.

Simulan natin ang isang oras na talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Kahapon ay idinagdag na ng Pilipinas sa mga bansang may travel restrictions ang Indonesia, ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang panukala ng IATF dahil sa dami ng COVID-19 variants na naitatala ngayon doon. Simula bukas hanggang July 31 ay hindi na papayagan ang mga pasahero na galing Indonesia o may travel history sa nasabing bansa sa loob ng labing-apat na araw. Kasabay nito ay pinalawig din ang travel restriction sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang sa katapusan ng buwan.

Bakuna laban sa COVID-19 ang susi para makabalik na tayo sa normal ayon kay Senador Bong Go. Matagumpay na vaccination drive, napakahalaga para tuluyang mabuksan na ang ating ekonomiya. Narito ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Noong Lunes, nagsimula nang maningil ng toll fee ang Skyway Stage 3. Dahil dito, may ilang motorista ang muling gumamit ng EDSA para makaiwas sa bayarin pero sinalubong naman sila ng mabigat na daloy ng trapiko.

Alamin natin sa MMDA kung ano ang ginagawa nilang paraan para sa pagdami nanaman ng mga sasakyan lalo na sa major thoroughfares. Nagbabalik sa ating programa si MMDA Chairman Benhur Abalos. Magandang umaga po sa inyo, Chairman.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Magandang umaga po, Secretary Andanar. At sa lahat po ng mga nanunood, magandang tanghali po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR: Chairman Ben, mula nang maningil ang Skyway Stage 3, ilan ang nadagdag na sasakyan sa EDSA?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ang dumadaan po sa Skyway Stage 3 ay higit-kumulang 100,000 isang araw ‘no, 80% po nito ay naka-RFID. Hindi pa ho namin nakukuha ang specific numbers pero ilagay na lang natin sa mababang numero ng 20%. Kung 20% ay hindi dadaan diyan that’s about 20,000 more or less, Secretary Andanar.

SEC. ANDANAR: Bago magpandemya, halos wala nang oras ang traffic sa EDSA. Sa ngayon, ay ganoon po ba ulit?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, sa ngayon po ‘no, I’ll just give you the number, sir. Ito ay kinuha namin noong July 8, 2019. Ang mga sasakyan noong araw ay higit-kumulang 405,000. Pero ngayong July 1, ito ay halos malapit na; ito’y 399,000 na. Ang pagkakaiba na lang ay 6,000.

Pero ang good news naman ay pagdating sa speed ‘no, ito’y noong pre-pandemic, ang speed ng south bound ay 11 kilometers per hour. Sa ngayon, ito ay 27 kilometers per hour. So kung ikukumpara natin, marami ang sasakyan, halos ganoon na rin, pero mabilis ang takbo niya.

Iyon naman pong sa north bound, noong araw ito ay 21.67. Ngayon, ito ay 24.75. Mabilis pa rin, Secretary Andanar, siguro dahil ito’y sa mga maraming factors. Number one, ito ay dahil sa ating mga bus carousel. Noong araw kasi, ang mga bus ay nasa kanan; bawat kanto, humihinto; at kung minsan, isang lane, kung minsan pa ay tatlong lane ang sinasakop. Ngayon po ay nasa kaliwa sila, isang linya na lang ang sinasakop nila at may tamang mga dispatching.

Pangalawa, pinatigil natin itong mga intersections, pinabuksan natin. At least tatlong intersections ang pinabuksan natin. Kamukha niyang nasa picture na iyan, iyong Dario Bridge. Sa calculation namin, sa isang pagbukas ng intersection, ito ay nagkakahalagang 1.5 billion ang na-save annually. Bakit po ito pinabuksan? Sapagka’t sa pag-aaral namin, ang mga bus carousel naman ay humihinto, stop and go, kaya po pupuwedeng buksan.

Pangatlo, sa mga bridges na ginawa at mga kalye ng ating Secretary Villar ng DPWH. Kamukha po ng Sta. Monica Bridge, ito po ay magkukonek ng Makati at ng Pasig, at didiretso pa rin po ito sa BGC after about one month or two months from now. At ginagawa rin nila iyong Estrella Bridge sa Mandaluyong to Makati which is about probably two months from now ay matatapos na rin.

At hindi lang po iyon, nagkaroon po tayo ng Mabuhay Lanes. Itong Mabuhay Lanes ay nagbibigay ng alternative routes sa ating mga kababayan para ito po ay puntahan nila. Kamukha po niyang nasa litrato ngayon, if you’re going from EDSA, puwede kang kumanan sa Mother Ignacio, diyan sa Ybardolaza, and then diretso San Juan, diretso Mandaluyong, diretso Makati. So malaking bagay po ito, ito’y kini-clear namin talaga ang mga nakaparada dito kaya po pinagsasabihan namin na sana ay walang ano … talagang tini-tow po lahat iyan. At nakikipag-coordinate po kami sa mga alkalde ng Kalakhang Maynila – nagpapasalamat po ako sa kanila, sa pitong alkalde pong dito.

So sama-sama po ito, itong mga factors kung bakit mabilis pa rin ang takbo kung ikukumpara mo sa pre-pandemic despite the fact na marami pa rin po ang mga sasakyan.

Pero alam mo, Secretary Martin, pabayaan ninyo pong sabihin ko rin ang dahilan kung bakit hindi pa rin po tayo nagku-color coding. Secretary?

SEC. ANDANAR: Okay. Yes, please go ahead, Chairman. Let’s talk about the number coding.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Yeah, gusto ko lang hong ipaliwanag, I would like to take this opportunity, sir, sa ating mga kababayan, sana maunawaan po ninyo, hindi po kasi ganoon kabilis lamang na bigla na lang natin ina-number coding dahil nakikita natin na traffic, etc. Marami hong factors dito: Number one, alam naman natin sa ngayon ay may pandemya so ang ating mga sasakyan—I’m talking of public utility vehicles – Ito po iyong mga dyip; ito iyong mga buses.

Ito po ay may tinatawag tayong one seat apart, ibig sabihin isang nakaupo ka, bakante ka. So technically kung ang capacity ay sampu, iyong jeep na iyon ay lima lamang ang pasahero at sa mga bus din ganoon din po, 50%.

Sa ngayon po ang tanong dahil nga sa pandemya, kaya na ba ng public transport natin ang talagang mga pasahero? Well kung minsan po talaga mahaba ang queue, mahaba ang pila. Ngayon kung magna-number coding po kami, karamihan sa ating mga kababayan ay iisa lamang ang sasakyan so may mga araw na hindi nila gagamitin po ito. Ang mangyayari pipila sila, hahalo sila ng pila sa mga public utility vehicles. At dahil po rito, baka hindi po kayanin ng ating public utility vehicles at hindi lamang iyon maging sanhi pa ho nang paghahawahan ng sakit ‘no. So iyan, iyan ang isang kinukonsidera namin.

Pangalawa, alam natin na ang kotse mo is your own personal bubble. Ano ibig sabihin po nito? Ibig sabihin nito kung nasa kotse ka, safe ang kalusugan mo, safe ang lahat. Kung papanatili po namin ulit ang number coding, baka ang mangyari ay magsiksikan sa kotse dahil nga hindi ka na makakagamit ‘no pati mga kaibigan mo papaano at lalong mag-spread ang virus.

So itong mga bagay na ito kasama na rin ang pinag-aralang mga data na talagang manageable pa naman ang traffic kung kaya’t minabuti po ng MMDA na sa ngayon, after weighing all factors na huwag munang mag-implement po ng number coding, Mr. Secretary.

SEC. ANDANAR: Chairman, kayo po ba ay nagkaroon ng consultation sa management ng Skyway Stage 3 o sa Toll Regulatory Board para naman maging abot-kaya ang bayad sa nasabing tollway at makatulong din po sa decongestion ng EDSA?

MMDA CHAIR ABALOS: Well actually ‘no may proseso po diyan at may tamang ahensiya to hear ‘no at ito ay pinapatawag nila ang mga publiko ‘no. Kung ano pong sabihin ng ahensiya na iyon, sumusunod na lamang po.

SEC. ANDANAR: Chairman, may tanong po ang ating mga kasamahan sa media. Please go ahead, Undersecretary Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes. Good morning, Chair Abalos. Question po mula kay Kris Jose ng Remate: Reaksiyon po sa ulat na mahigit na 200 daw po na tauhan ng Manila Traffic Enforcer Unit ang tinanggal po sa puwesto. Totoo po ba ito, Chair?

MMDA CHAIR ABALOS: Hindi ko po alam kung ito ay sa Lungsod ng Maynila. Pero sa amin po sa MMDA ay nag-hire pa kami ng 1,000 na additional traffic enforcers. Kaya kung makikita ninyo po ito ay nakakalat sa buong Kalakhang Maynila lalo na sa mga panahon po ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Vic Tahod ng DZAR 1026 Sonshine Radio: Bukod daw po sa Quezon City, mayroon na po bang mga LGUs sa Metro Manila ang nag-designate ng mga child safety zone para mapasyalan ng mga bata? At ano po ang participation ng MMDA para maipatupad ito nang maayos?

MMDA CHAIR ABALOS: Well number one ‘no, I would like to take this opportunity, Usec. Rocky at Secretary Andanar, para sabihin sa lahat na kagabi, actually kakatapos lang kagabi, ito ay unanimous – pumirma po ang lahat ng alkalde ng Kalakhang Maynila at nagkaroon kami ng resolution tungkol po sa mga menor de edad na 5 years and above ‘no. Number one, amin pong dini-define kung ano ang ibig sabihin ng ‘park’. Kasi po iyong sa IATF, ang parang gray area po kasi eh, iyong parang definition ng park sa IATF ay walang walls ‘no, walang bubong, parang Luneta Park, etcetera.

So napag-usapan namin ng mga mayors na since ang Kalakhang Maynila ay hindi naman ganoon kadami ang mga parks kamukha ng Luneta, kamukha ng Intramuros ‘no, mas minabuti nating i-define na ang park ay anything na walang bubong, al fresco – ibig sabihin po ng al fresco ay tuluy-tuloy ang hangin – at maski may walls, ibig sabihin po nito ay outside the mall kamukha po ng nakikita natin sa Trinoma, kamukha ng nakikita natin po sa BGC ‘no, iyan po ay allowed under this as defined by the MMC – Metro Manila Council.

Number two, pinag-usapan rin po sa resolusyon na ito, I’ll give you a copy Usec. Rocky and Secretary Andanar, ibibigay namin sa media maya-maya, ay hinikayat ang lahat ng alkalde ‘no na magbigay na ng listahan sa publiko para naman—let’s say mga taga-Mandaluyong, mga taga-Makati, taga-ibang lugar ng Metro Manila, they would see kung saan sila puwedeng magpunta all over Metro Manila. So these lists, ilalabas po hindi lamang ng LGU, tutulong po ang MMDA po rito.

Number three, importante po ang capacity. Nakalagay po sa resolusyon na iyon na dapat huwag lumagpas ng 50% ng capacity. Bakit? Sapagkat baka maging super spreader event. Alam naman natin ang minimum health protocol ay tatlong bagay – maskara; of course ang paghuhugas ng kamay; at dito pagdating sa park, importante po ang tinatawag na social distance lalo na kasama mo ang mga bata. So importante po rito is let us observe the capacity, iyong distansiya ‘ika nga, iyong social distance. At hindi lamang iyon, hinihikayat kung ito ay pribadong lugar, baka pupuwedeng magkaroon ng marshals. Ano ibig sabihin ng marshals? Iyong magpapaalala na kung marami ng tao huwag nang pumasok, huwag nang tumuloy ‘no. And of course iba pang mga kondisyon ay puwedeng dagdagan pa ng LGU concerned ‘no.

At pinakaimportante, kailangan rin pala na may kasama ang mga bata – adult person. Hindi pupuwede kasi ilagay po natin iyon below 18 and 5 eh. So kung iyong mga edad na alanganin baka umalis sila on their own ‘no. So minabuti ng mga alkalde na gagawa sila ng ordinance na lahat ng mga menor de edad dapat ay may kasamang adult. So ito po ang resolusyon na ibibigay po namin sa media. Ito ay (resolution), it was passed unanimous, ibig sabihin po lahat po ay umaayon dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Ano po daw iyong napagkasunduan naman na quarantine classification sa NCR base po sa rekomendasyon ng Metro Manila mayors?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, dahil ito po’—ngayon nasa GCQ with restrictions po tayo ‘no, we leave it to the health experts natin ‘no, of course nandiyan po ang DOH sa pangunguna ni Secretary Duque, Usec. Vergeire; ang mga expert nila, sila Dra. Anna, of course nandiyan din po sa Genome ‘no at sila Dr. Edsel, ang ating epidemiologist; marami po, sila Dr. John Wong, mga magagaling po iyan. So we leave to with them kung ano pong kinakailangan ‘no.

What is important right now with the advent of the Delta variant ‘ika nga, gusto ko lang sabihin Usec. Rocky and Secretary Andanar, na handang-handa ang mga mayors natin. Anong ibig ko po sabihin dito? Iyong ating mga borders, iyong ating mga airports, iyong ating mga pier ‘no importante po iyan. At kung magkaroon man ng any surge maski maliit lang sa isang kalye, sa isang barangay – automatic po iyan, granular lockdown kaagad, massive testing, isolation kaagad at papadala namin kaagad iyong sample sa Genome Center ‘no.

Ito po iyong mga pinag-usapan namin at hindi lamang iyon to the extent na inventory even of oxygen, umabot na po kami roon. Nag-meeting po kami noong Linggo, maski Linggo po nagmi-meeting po ang mga mayors ng Metro Manila just to make sure na hindi porke ngayon ay para bang normal tayo, okay tayo pero parati nating iisipin na nandiyan ang Delta variant na talagang naghahasik ng problema sa mga kapitbahay nating bansa. Dapat po paghandaan natin ito, parati po tayong magmamasid ha. Mag-report kaagad tayo sa mga barangay captain kung nakikita ninyo may kumpulan ng kaso para mapa-check kaagad at mai-isolate po kaagad. Dapat magtulungan ang bayan po rito.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, mula naman po kay Red Mendoza: Sabi po ng OCTA na dapat extended ang GCQ sa Metro Manila hanggang end of July. Ano po ang masasabi ninyo dito? And, ilan na po daw ang nabakunahan dito sa Metro Manila?

MMDA CHAIR ABALOS: Wala po kaming problema sa GCQ as what we have right now ‘no. Kamukha po ng sinabi ko, hindi naman po siguro mas luluwang pa tayo, siguro okay na po itong what we have right now at kung kinakailangan sabihin ng mga experts kung kailangan maghigpit nang kaunti, wala ring problema. Importante dito we are guided by the expert’s opinion ‘no.

Pero hindi ba nakakatuwa, napakasuwerte natin sa Pilipinas ngayon, wala tayong kasong locally transmitted na Delta variant? Kung mayroon man, na-contain iyong galing abroad. Manggagaling lang naman ito sa abroad eh kaya importante talaga ma-contain ito sa ating mga highly urbanized area. Habang kinu-contain mo ito. If you would recall, sa atin nagsimula ito sa Pasay eh – from Pasay kumalat na ito dahil iyong mga taga-Metro Manila umuuwi ng probinsiya.

So importante talaga ma-contain sa Metro Manila dahil hindi lamang ito high density pati iyong mga lugar na kamukha ng metro, iyong mga airport. I’m talking of Davao, I’m talking of Pampanga, Cagayan De Oro, Cebu – once we control this, hindi makakapasok iyan eh tapos mababakunahan natin ang mga lugar na ito, iyan ang game plan para kung pumasok man, papagpagin na lang at hindi na makakahawa pa.

Right now po sa Metro Manila, as of July 14, it is 6 million ang nababakunahan.  Ngayon ang projections po natin dito, dati kaya ng Metro Manila, 200,000; 2020,000 kayang-kaya po ang Metro Manila, nagawa na po iyon; 170,000 nagawa na po iyon. Ngayon, kalahatiin na lang natin, dahil siyempre may mga kababayan tayong kailangan ng bakuna sa mga probinsya na binibigyan ng bakuna naman.

Siyempre we are being Christians to our brother Filipinos. Lagay na lang natin sa 107,000, huwag na lang nating ilagay sa 200,000. So, 107,000, sa 17 days pa ng July, ito ay aabot ng 1.8 million. Sa August ito ay 3.2 million, sa September ito 3.2 million 0 total of 8.2 million. I-add mo na itong 6 million, naku, higit kumulang 14.2 million ka.

Ano ang ibig sabihin ng 14.2 million? By the end of September, kung tama ang projections, lagpas kalahati, lagpas 7 million na taga-Metro Manila, nakadalawang dose na. Ibig sabihin nito maski papaano, kung dumating man itong Delta, medyo mapu-protection natin ang mga centers po natin.

So, ito po ngayon, ako ay nagpapasalamat sa mga alkalde, sa mga frontliners, of course sa National Task Force, Secretary Vince, Secretary Duque, Secretary Galvez, sa lahat po, talagang nagtulungan po dito, walang talagang umaga at gabi, talagang walang sawang kakatrabaho po dito, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, MMDA Chairman Benhur Abalos, once again mabuhay po kayo, sir.      

MMDA CHAIR ABALOS: Mabuhay po kayo and please keep safe everyone. Thank you po!

SEC. ANDANAR: Samantala, ako ay mauuna na muna, Usec. Rocky. Para ipagpatuloy ang aking tungkulin para sa nalalapit na State of the Nation Address ng Pangulo. Magkita-kita tayo ulit sa susunod na araw mga kababayan. Please go ahead, Undersecretary Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Samantala, malaking responsibilidad ang ginagampanan ng bawat lokal na pamahalaan upang tuluyan nating malampasan ang pandemya, kaya naman maigting ang kanilang pagpapatupad ng PDITR strategy. Ang kahalagahan ng istratehiyang ito, pag-uusapan natin dito sa check the FAQs.

At para bigyan tayo ng update, makakausap namin muli si DILG Acting Spokesperson, Assistant Secretary Odilon Pasaraba. Good morning po, ASec?

DILG ASEC. PASARABA: Magandang umaga, Usec. Rocky at sa lahat ng mga nakikinig at nanunood sa ating programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec. ayon po sa mga eksperto lubhang mahalaga iyong istriktong implementasyon ng ating PREVENT, DETECT, ISOLATE, TREAT and REINTEGRATE STRATEGIES, kasama na po iyong minimum public health standard. So, paano po natin masisiguro ito ay naipapatupad ng maayos?

DILG ASEC. PASARABA: Nagbigay na ng sapat na patnubay ang ating Department of Health, maging ang DILG kung paano natin maisasagawa ang mga istratihiya at standards na ito. Ito naman ay hindi tungkulin lamang ng isang ahensiya ng pamahalaan, ito ay nangangailangan ng whole of government at whole of nation approach. Inaasahan na ipinapatupad ng ating mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga ordinansa patungkol sa COVID protocols sa pakikipagtulungan naman ng ating mga kapulisan, kasamang Usec.

Sa private sector naman, mayroon din silang mga hakbang na kailangan isagawa na alinsunod sa guidelines ng DTI. Pinapatupad na rin natin, Usec. Rocky ang pagi-isyu ng safety Seal, bilang pagkilala sa mga establisyimento na sumusunod at nagpapatupad ng mga health protocols.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Asec, gaano po kaimportante nga ang papel ng ating mga local government units, barangay officials sa atin COVID-19 response?

DILG ASEC. PASARABA: Napakahalaga, Usec. Rocky. Nagsimula itong pandemya ito sa umpisa pa lang ng ating prevent, detect, isolate. Ang ating mga barangay officials na sila naman ang ating mga frontliners, through our Barangay Health Emergency Response Teams, sa siyudad, munisipyo at maging sa probinsya ang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga quarantine spaces at sa pagpapatupad ng ating COVID protocols, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. So ilan na po ang ating na-apprehend sa paglabag naman sa pagsusuot ng face mask at face shields?

DILG ASEC. PASARABA: Simula ng ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghuli sa mga mali na pagsuot ng face mask noong May 6, nakapagtala tayo, with our PNP officials coordination ng 1,411,133 na violators. Karamihan dito ay dahil sa hindi pagsuot o maling pagsuot ng face mask at face shield pati na rin ang hindi pagtupad sa social distancing. Mayroon naman tayong binigyan ng warning na 1,800,986. Samantalang, may naaresto tayong 42,031 ang naaresto, Kasamang, Rocky. Iyong iba ay nagbayad ng multa o di kaya ay nagsagawa ng karampatang community service.

USEC. IGNACIO: So, Asec, kumusta po iyong ating contact tracing? Ilan na daw po ang contract tracers at naabot po ba natin iyong ideal contact tracing ratio na 1 is to 30 at saka iyong 1 to 37? Bakit daw po mababa pa rin ito sa standard 1:15.

DILG ASEC. PASARABA: We are trying to achieve itong ideal na contact tracing ratio kasamang Rocky ‘no. And at this point in time, mayroon tayong mga 15,000 na contact tracers at nakapagtala tayo ng contact tracing efficiency na 90%. Ang lagi nating pinapatupad na lahat itong mga contact tracers, they should be able to contact itong mga close contacts natin within 24 hours.

USEC. IGNACIO: Opo, Asec, kunin ko lamang po iyong mensahe ninyo para sa ating mga kababayan patungkol sa pagsunod sa minimum public health standard sa mga pampublikong lugar?

DILG ASEC. PASARABA: Ginagawa po ng ating pamahalaan ang best effort nito para magiging functional at operative—I mean operational itong mga health standards, mga protocols sa ating bansa. At hinihikayat natin na ang bawat mamamayan ay makipag-cooperate and at the same time sumunod sa mga alituntunin na ito dahil ito ay para sa ating safety.

USEC. IGNACIO: Opo, ang tanong po ni Carolyn Bonquin. Ano daw po iyong ating current contact tracing ratio at ano po iyong nagiging problema, bakit mababa po ang contacts na nahahanap?

DILG ASEC. PASARABA: We used to have 50,000 contacts tracers at dahil sa budget, nag-reduce tayo ng 15,000 an contact tracers na lamang, Kasamang Rocky. Ngunit nag-request ang ating departamento, sa Office of the President, through the DBM ng karagdagang pondo para ma-sustain ang efforts ng contact tracing ang ideal ngayon ay pinapatupad natin, dapat maabot natin iyong 1 is to 10 per DOH requirement.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong naman po ni Sheena Torno ng SMNI News, aside from Quezon City, anu-ano pa pong mga LGUs na nagtalaga ng child safe zone?

DILG  ASEC. PASARABA: Tulad ng nasabi kanina po ng ating unang resource person, ito ay pinag-meeting-an ng ating mga LGUs sa NCR para maipatupad ang child health zones na ito, Kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Ang second question niya: walong lungsod daw po sa Metro Manila ang nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, ayon sa DOH? Ito ay ang lungsod ng Makati, San Juan, Muntinlupa, Malabon, Navotas at Las Piñas. Ano po ang kanilang ginagawang hakbang para daw pong ma-lessen iyong pagtaas ng kaso ng COVID?

DILG ASEC. PASARABA: Tulad ng dati kailangan natin i-reinforce iyong minimum health standards and at the same time, i-avoid muna ang mga gathering o mga celebrations na siyang source ng pagkalat ng virus na ito, Kasamang Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question po ni Sheena: Paano kayo nakakasiguro na ginagawa talaga ng mga LGU or barangay level iyong strict implementation sa mga protocols?

DILG ASEC. PASARABA: Mayroon tayong sinasagawang mga monitoring systems, mga reporting at pag feedbacking ng ating mga lokal na pamahalaan through our [garbled]. Ang ating mga lingkod officers o mga MLGOOs ay patuloy na nagsasagawa ng koordinasyon sa ating mga lokal na pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon DILG Assistant Secretary Odilon Pasaraba. Ingat po kayo ASec.

DILG ASEC. PASALABA: Always. It’s a pleasure Usec. Rocky, maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Ngayon po ang huling araw ng quarantine classification sa mga itinuturing   na high risk area sa bansa. Ano nga ba ang naging rekomendasyon ng DOH sa IATF sa mga binabantayang lugar, lalo ang Metro Manila? Iyan at mga update sa pagbabakuna ang pag-uusapan natin, kasama po natin si Health Secretary Francisco Duque III. Good morning Secretary.

DOH SEC. DUQUE III: Magandang umaga sa iyo Usec. Rocky at higit sa lahat, sa inyo pong mga taga-subaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, naroon naman po ang pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang lungsod sa Metro Manila. So, ano daw po iyong nakikita nating dahilan nito at ano po ang mga ginagawa nating mga hakbang para maiwasang magtuluy-tuloy ito? 

DOH SEC. DUQUE III: Well, binabantayan natin ito at nakikipag-ugnayan tayo sa mga local chief executives ng NCR. Kasi posibleng iyong mga sumusunod na dahilan kung bakit nagkakaroon ng pagtaas ng mga kaso sa bilang – mga pito iyan na NCR cities – iyong increased mobility, iyong humihina na pagsunod o pagtalima sa ating minimum public health standard at siyempre iyong ating pagpapaigting ng PDITR, kinakailangan huwag magluluwag dito. Ang mga LGUs ang papel na ginagampanan ay napakamahalaga.

So, iyong prevention, early detection, aggressive isolation, treatment, re-integration plus of course iyong vaccination ang siya pa rin nating istratehiya sa pagtugon sa ating pandemic response.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ngayon din po iyong huling araw ng MECQ at GCQ para sa mga high risk areas. Sa mga developments daw po na nagsusulputan ngayon kagaya ng nabanggit natin sa NCR. Ano po ang naging suggestion ng DOH sa IATF para po sa next quarantine classification nila?

DOH SEC. DUQUE III: Well, alam mo mamaya ko pa lang pupulungin ang IATF at doon makikita namin ang mga pinakasariwang datos at gagabay sa IATF sa pamamagitan noon iyong ating data analytics group, iyong FASSTER, Epidemiology Bureau natin. So, lahat po iyan magbibigay, magpi-present mamaya ng ating latest data para malaman kung ito bang current community quarantine status ay magpapatuloy o magkakaroon ba ng pagluwag o paghigpit. So, depende na iyan sa mga datos na ipapakita mamaya sa IATF meeting.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kasi may ilang mga experts po ang nag-propose po na gawing hanggang December na ang GCQ status ng Metro Manila. Kung kayo po ang tatanungin, Secretary Duque, ito po ba ay okay or ikukonsidera ninyo itong panukalang ito?

DOH SEC. DUQUE III: Iyan naman ay pinakikinggan naman natin lahat iyan, tinitingnan natin kung ano pinakamaigi o tahakin na direksiyon patungkol sa ating pandemic response. Pero ang ginagawa natin talaga dito, depende iyan, dahil minsan nga pabago-bago iyong mga data dahil dynamic ang COVID-19 situation at mahirap talaga magbigay ng long term forecast.

So, ang ginagawa natin, ang batayan pa rin ang mga metrics natin, iyong average daily attack rate, iyong two-week growth rate. Ito iyong mga markers, ito iyong mga palatandaan kung mabilis ba ang pagkalat ng COVID o tumataas ba ang risk ng mga komunidad para sa COVID, saka-sakaling may senyales na ito ay tumataas at siyempre iyong healthcare utilization rate natin binabantayan natin iyan lalo na ang isolation and ICU bed capacity natin.

So, iyan ang mga simpleng mga palatandaan kung ang IATF ba ay magluluwag o kung tutustusan iyong kasalukuyang community quarantine o maghihigpit. So, iyan lang po ang masasabi natin sa ngayon. Maghintay na lang po tayo hanggang mamaya.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, welcome development po ba daw sa DOH ang Theta variant na unang nakita sa ating bansa ay na-downgrade o dinowngrade (downgrade) na po ng World Health Organization?

DOH SEC. DUQUE III: Okay naman iyan. Pero ‘ika nga, nakaalerto pa rin tayo diyan. We have to continue to monitor this through our Philippine Genome Center na sila ang nangunguna sa bio-surveillance at sila ang nagsasagawa ng whole genome sequencing at matukoy kung ito bang Theta variant na ito, iyong T3 natin kung tawagin ay siya ba ay nagbabago, mayroon bang epidemiological or clinical significance ang variant na ito. Pero so far, tinanggal na nga iyan as a variant of concern or variant of interest. So, naka-alert and for continuous monitoring.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kahapon dumating na po sa bansa iyong karagdagang supply ng bakunang Sinovac. Ayon po kay Secretary Galvez, mas magiging mabilis daw po ang pamamahagi nito dahil mayroon na po itong certificate of analysis. Do we expect na magiging ganito na lagi po iyong kalakaran kung saan sabay na ng bakuna ang COA o C-O-A para iwas delay po sa deployment?

DOH SEC. DUQUE III: Hindi. Iyon talaga iyong ideal na gusto natin sabay na, kung hindi, mauna pa nga dapat iyong COA para diri-diretso na iyong pag-preposition ng mga vaccines and paggamit nito sa mga vaccination centers. Kasi kung hindi, naghihintay ng tatlong hanggang isang linggo, sayang iyong panahon. Kaya nakikipag-ugnayan tayo doon sa mga vaccine manufacturing companies na kung puwede maitaas sa kanilang kamalayan ang kahalagahan ng nauuna o sabay na ‘pag binibigay ng certification of analysis.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po iyong ating kasamahan, Secretary, sa media. Mula po kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Naisailalim na po ba sa genome sequencing ang sample mula sa 84 OFWs mula sa UAE na nagpositibo sa COVID from May to July?

DOH SEC. DUQUE III: Malamang nakasama na sa kanila pero wala pa akong update. So, maghintay-hintay na lang tayo. Mayroon namang periodic reporting ang Philippine Genome Center at iyan naman ay kaagarang ibinabahagi sa ating pong media partners.

USEC. IGNACIO: Mula pa rin po kay Carolyn Bonquin: May update na po ba [kung] ilan ang qualified for indemnity fund sa nakaranas po ng side effect ng bakuna?

DOH SEC. DUQUE III: Iyan ay magandang tanungin natin ang PhilHealth. Sa ngayon kukunin ko pa iyong datos kung mayroon na nag-apply for indemnification fund or support for adverse events following immunization pero may prosesong dapat daanan iyan at bago mangyari iyan sinisiguro ng ating National Adverse Event Following Immunization Committee at the national, regional and local levels kung mayroon bang direktamenteng pag-uugnay iyong bakuna doon sa sakit o side effects na naranasan.

So, sa ngayon wala pa tayong masabi kung mayroon na nga. Malalaman natin iyan bukas, mayroon akong meeting ng PhilHealth so tatanungin ko rin sila.

USEC. IGNACIO: Okay. Mula naman po kay Aiko Miguel ng UNTV: May plano daw po na magbukas ng ilang pilot sites para sa face-to-face classes. Posible po ba ito kahit wala pa pong vaccination dito sa Pilipinas sa mga bata at teachers pa lang po ang nababakunahan?

DOH SEC. DUQUE III: Well, ang policy statement ni Pangulong Duterte, hangga’t hindi pa nagkakaroon ng sapat na bakuna ang mga bata ay hindi muna pahihintulutan ang face-to-face classes, although mayroon nang inisyatibo ang DepEd na ilang piling lugar parang pilot test.

Isang daang yata iyong mga paaralan na ito na magkakaroon ng face-to-face classes, pero dapat siguraduhin muna na ang mga metrics o ang mga pamantayan or panukatan, iyong metrics, na walang COVID cases sa isang lugar, nasa low risk ang kanilang classification or walang reported daily new cases for the last 28 days.

So, at saka talagang iyong health and safety protocols na binuo naman ito sa gitna ng Department of Health at saka ng DepEd at ang kanilang health system capacity kung masisiguro na kung saka-sakali na magkaroon ng surge doon sa lugar na kung saan magsasagawa ng pilot test ng face-to-face classes ay dapat sapat ang support system.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod po niyang tanong: Tumataas po ang cases sa Spain, sa Netherlands, at UK due to Delta variant kahit mabilis at malawak ang kanilang vaccination roll out, ano po ang maipapayo ninyo sa mga Pilipino or best practices kahit na vaccinated na pati sa ayaw pa rin pong magpabakuna?

DOH SEC. DUQUE III: Well, unang una, ito pong mga datos halimbawa ang UK, tumataas ang kanilang kaso pero kung susundan mo iyong kanilang hospitalization rate, mababa; in fact, bumababa, so hanggang sinasabi nito? Sinasabi nito na ang bakuna talaga, tama iyong unang naging usapin dito na maibsan ang severe to critical COVID cases at maibsan din ang hospitalization dahil and pinaka-importante sa lahat maiwasan ang pagpanaw ng mga tinamaan ng life threatening complications of COVID.

So, hayaan mo siyang makita natin na kahit na tumataas siya, ang importante dito sa atin naman sa Pilipinas iyong pagsunod, pagtalima sa minimum public health standard dapat pinagpapatuloy natin ito. Bagkus mababa pa ang ating vaccination coverage ‘no, in fact ang ating vaccination coverage for two doses ay nasa mga 5 to 6 % pa lamang more or less of the total 70 million population na ibig natin masaklawan under herd immunity goal.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong po si Lei Alvis ng GMA News: Papaano daw po maiiwasan mangyari sa Pilipinas ang nangyayaring COVID outbreak ngayon sa Indonesia lalo na kalapit bansa lamang natin sila kasi may mga concern din po dahil gaya rito sa Pilipinas, widely used po doon sa Sinovac vaccine? so, ano po ang tugon dito ng Department of Health?

DOH SEC. DUQUE III: Well ganito iyan, iyong pagbabantay natin sa ating mga borders, iyong intensify, strengthened border control at ito nakatulong na magkaroon tayong tinatawag na head start na dahil hindi pa naman nagkakaroon ng community transmission or local Delta variant cases ay nagamit natin iyung panahon na palawigin at paunlarin iyong ating health system capacity.

So, mas marami tayong ICU beds, mas marami tayong isolation beds, mas marami tayong treatment monitoring facilities, iyong isolation and quarantine facilities napalawig na natin lahat iyan. Just in case na makapasok at least handa tayo na pangasiwaan itong mga kaso bunsod ng Delta variant.

So, kinakailangan tayo patuloy mag-iingat, tumalima, sumunod sa ating mga minimum public health standards; paigtingin ng mga Local Chief Executives ang kanilang PDITR strategy. So, iyon pa rin ang ating dapat gawin at iyon na nga kahapon naisama na nga ako ng Indonesia among countries na nag impose tayo ng travel ban, so bale pang-walo na siya at titingnan pa rin natin iyong mga ilang bansa and then we do a two weeks re-evaluation ng sitwasyon.

Kasi mayroon din nagsasabi bakit ang Malaysia, tinitingnan din natin halos singkuwenta porsiyento rin ang mga naitatalang kaso ay bunsod ng Delta variant. So, pinag-aaralan na rin po iyan ng Epidemiology Bureau ng DOH at possible na magbigay ng rekomendasyon para sa IATF kung hahabaan ba ang listahan ng mga travel ban sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Rosalie Coz ng UNTV: May datos na po ba ang Department of Health sa bilang ng mga empleyadong fully vaccinated na?

DOH SEC. DUQUE III: Makukuha natin iyon sa ating A4, tinatanong niya iyong mga empleyado ng gobyerno o iyong ating mga pribadong sektor o empleyadong pangkalahatan?

USEC. IGNACIO: Pangkalahatan po.

DOH SEC. DUQUE III: Kasi sa A4, A3 mayroon na iyan, wala naman binago diyan. So, kung A3 mayroon tayong nabigyan ng two dose for about 1.2 million at saka sa A4 naman mayroon na tayong nabigyan ng 272,404 sa two dose pa lang. Iyong first dose naman nila sa A3, is nasa 3.3 million at sa A4 naman nasa 1.7 million. So, iyon ang latest data natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times: Handa na po ba ang Department of Health sa maaring pagpasok ng Delta variant sa komunidad? Ano po ang steps na ating ginagawa para at least po ma-control natin ang pagpasok ng variant na ito lalo na isa ng dominant variant sa mga karatig sa Timog Silangan Asya?

DOH SEC. DUQUE III: Well, unang-una nga di ba nagkuwan tayo, isinama natin ang Indonesia doon sa mga pitong naunang nag-impose tayo ng travel ban, isa iyan sa mga istratehiya natin to prevent entry of variants ‘no, we prevent them from coming in into our country, into our country limiting our jurisdiction.

Kung saka-sakaling makapasok naman mayroon naman tayong naka-antabay na strengthened border control for strict quarantine protocol. Iyong tinatawag natin seven-ten-four formula. Alam mo iyong seven-ten-four formula? Iyong test on the seventh day, ten-day facility quarantine dito sa national government classification quarantine facility and completion of the remaining 4 days of the 14-day quarantine in the LGU residence. 

So, iyan ay nakita at naging epektibo naman kaya nasabat natin iyong mga labing siyam na mga pumasok pero hindi nakapasok beyond our border dahil nga ito ay na-quarantine sila. Hindi nakapasok ibig sabihin sa mga komunidad, sa kanilang mga pamilya na kung saan posibleng makapagkalat ay dito naiwasan iyan, napigilan iyan dahil nga nasunod sa istriktong quarantine protocol and strict border control. 

USEC. IGNACIO: May follow-up po daw si Catherine Gonzales ng Inquirer.net: Aside from Malaysia, anong mga bansa pa po ang tinitingnan ng IATF na i-cover sa travel ban due to the threat of Delta variant?

DOH SEC. DUQUE III: Well, sa ngayon, iyon na po muna. Tinitingnan natin ang Malaysia, isa-isahin natin, tinitingnan na rin natin ang Thailand at kung saan mayroon parang hindi na mapigilan ang pag-a-anak ng Delta variant cases. Iyan muna ang ating binabantayan, nandiyan naman po, may surveillance system naman tayo diyan sa ating Epidemiology Bureau nakikipag-ugnayan sila sa kanilang mga counterparts para mabigyan tayo ng signal kung napapanahon na magkaroon na tayo ng expanded travel ban sa mga additional countries. 

USEC. IGNACIO: Opo. So, sapat din po ba daw – iyong second question niya – iyong ating mga quarantine facilities para po sa ating mga returning Overseas Filipinos para po mas ma-control natin ang pagpasok ng Delta variant sa ating bansa?

DOH SEC. DUQUE III: So far, sapat naman ang bilang ng ating mga quarantine rooms kasi isinama na rin natin dito iyong sa mga hotels ‘no on top of our mega quarantine facilities. So far, okay naman wala pang feedback kung napupuno na ba ito o overwhelmed na ang ating mga quarantine isolation facilities. 

USEC. IGNACIO: Opo, ang third question po niya, sabi daw po ni Dr. Solante na concerning ng pagbabakuna ulit ang Congressman Ronnie Zamora ng Pfizer sa kabila ng pagtuturok niya ng Sinopharm noong December. Ano po ang masasabi ninyo dito at maiimbestigahan po ba si Congressman Zamora dito? 

DOH SEC. DUQUE III: Well, you know, unang una wala sa kaalaman ng DOH itong pangyayaring na ito. Ang nagdesisyon po diyan ay ating pong mambabatas at iyong pong kanyang doktor. So, respetuhin natin iyong kanilang naging kasunduan. Pero ganoon pa man, ang FDA ay tinitingnan na itong nangyaring ito at ang dapat na maimbestigahan iyong pinanggalingan at papaano nakapasok ang naturang bakuna at makita natin kung may kaugnayan ba ito doon sa mga ulat na dati unang pumasok na mga bakuna dito. So, ang FDA ang nag-iimbestiga nito at mandato nito pero di lamang kung papaano nakapasok ito illegally, itong bakunang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang po si Caroline Bonquin ng CNN Philippines: Iyon daw po 100 pilot areas for face to face classes, kailan po ito? Ibig sabihin po ba babakunahan ng lahat ng students at teachers ng area na kasali po sa pilot test? 

DOH SEC. DUQUE III: Hindi, sa pilot test, iyong mga guro, mga teachers muna ang kinakailangang mabigyan ng proteksiyon at kapag sapat na ang pagbabakuna sa kanila malamang maumpisahan iyong isang daan na paaralan na magsasagawa ng face to face classes.

Pero, siguro ang DepEd ang pinakamahusay, pinakamagaling na makapagbigay ng malinaw na kasagutan. 

USEC. IGNACIO: Opo. tanong naman po ni Louisa Erispe ng PTV: Sa ngayon po may ilang COVID referral hospital dito sa Metro Manila na maluwag na ang COVID-ICU wards. can we say that partly, this is because of the effect of the vaccines? At kailan po ba natin tuluyang mararamdaman ang epekto ng mga bakuna lalo na pagdating po sa hospital utilization rate?

DOH SEC. DUQUE III: Well, sa kasalukuyan pinag-aaralan na iyan. So, hintayin natin kung ano ang resulta ng kanilang pagsusuri, kung mayroon bang kaugnayan ang relatively tumataas na vaccine coverage dito sa Metro Manila at iyong mababang health-care utilization rate. So magandang-magandang pag-aaral ang ginagawa ngayon ng ating mga experts. At hintayin natin iyong resulta objectively kung talagang mayroong bang saysay itong pagbabakuna doon sa mababang hospitalization rate.

Pangalawa, siyempre kailangan tuluy-tuloy ang ating vaccination activity at siguraduhin na mabigyan ng proteksiyon ang ating mga A2, A3. Pinakamahalaga po dito iyong huwag tayong lilihis doon sa prioritization framework, iyon pong mga may edad, senior citizens at mga individuals with comorbidities ay sila muna ang uunahin. At hangga’t sa maaari, nananawagan po ako sa ating mga lolo, lola, ang mga uncle, auntie na mga 60 years and above ay magpalista na po kayo sa lalong madaling panahon at para mabigyan na po kayo ng proteksiyon, dahil alam po ng lahat, batay po sa datos natin, iyan pong edad na iyan ang pinaka-vulnerable, sila po ang pinakamadaling magkaroon ng life threatening or life ending complications ng COVID-19.

Kaya magpalista na po kayo, magpabakuna na po kayo bago po tayo mag-isip ng mga booster shots, eh ito muna nag atupagin natin para nakakasiguro tayo na kapag mayroon na silang proteksiyon, hindi na mabibilaukan ang mga hospital, hindi na mapupuno ang mga ICU, hindi na rin mahihirapan ang ating pagod na pagod nang mga healthcare natin na mga doctor, nurses, med techs, lahat po ng mga  technologists, mga tumutulong nag-aambag sa pagbibigay ng de kalidad  at nakakapagsalba na serbisyo sa atin pong mga COVID  cases.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Secretary Francisco Duque III. Stay safe po, Secretary. Salamat po.

DOH SEC. DUQUE III: Maraming-maraming salamat. Sa ngalan ng Inter-Agency Task Force at ng Department of Health, maraming salamat sa pagkakataong ibinibigay ninyo sa amin upang makapagbahagi ng huli o pinakasariwang mga balita o mga impormasyon at kaalaman para mabenepisyuhan po ang ating mga kababayan at mas malinaw ang pag-iintindi, pag-uunawa sa lahat po ng ginagawa ng ating gobyerno tugon sa ating pandemic response.  Salamat po.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, magandang balita po, dahil umabot na sa isang milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa Quezon City. Para kumustahin ang tuluy-tuloy na vaccination rollout at pagpapatupad ng mga health protocol sa lungsod, muli nating makakasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte. Welcome back, Mayor?

QC MAYOR BELMONTE: Hello, magandang tanghali, Usec. Rocky at sa lahat po ng nanunood ng Laging Handa. Magandang hapon po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Mayor, so far ilang porsiyento na po mula sa target population ng Quezon City ang nakatanggap ng bakuna? Tanong din po iyan ni Sheena Torno? Kailan po ang target ninyo na herd immunity sa Quezon City? Kung hindi po ba nagkukulang iyong supply ng bakuna?

QC MAYOR BELMONTE: Alam mo, Usec. Rocky as of today, we have vaccinated about 40% ng atin pong mga mamamayan ng first dose. Sa second naman po, umabot na po sa 23% ang nakatanggap nito. At sa kabuuan po, nakapag-administer na rin po tayo ng more than one million – exactly 1, 076,000 doses. That’s first and second dose. Gusto ko lang pong bigyan diin na actually iyong momentum nandiyan naman, mabilis naman tayong magpabakuna. In fact, yesterday sa second dose natin, nakaabot na tayo ng 50,000 a day. So that was very high, world record po iyan dito sa ating lungsod. And then sa first dose naman po nakaabot na rin po tayo ng 45,000.

So given the speed at which we are able to rollout, basta’t may bakuna na ready supply, tingin ko in a few months, two months kaya nang abutin ang 1.7 million na target ng atin pong lungsod for population protection.

USEC. IGNACIO: Opo. So ayon po sa DOH target nilang mabakunahan ang 90% ng mga nasa A2 priority sector o iyong mga senior citizens, Mayor, ngayong buwan. On track ba kayo dito para makamit itong target set by DOH?

QC MAYOR BELMONTE: Well, dito tayo nagkakaroon, Usec. Rocky and I will not deny that na nahihirapan talaga kami hikayatin ang mga senior citizens na magpabakuna. At present, we have only vaccinated 42% of our senior citizens ‘no. And nakakagulat nga, Usec., kasi kapag ayuda ang binibigay natin, nandiyan sila, pero kapag bakuna parang hindi po sila mahanap. So, at the moment we are trying to device many incentives para mas mabigyan ng siguro pabuya, ang ating mga senior citizens para sila ay magpabakuna and second of all, ang ginagawa din natin ay nag-a-allocate tayo ng certain days of the week and certain vaccination areas specific only for senior citizens.  And hopefully kapag nagawa po natin iyan, tataas po ang bilang ng mga senior citizens na magpapabakuna na po.

USEC. IGNACIO: Mayor, nagdesisyon na nga po ang IATF na payagan ang mga batang edad lima pataas? Kanina nga po nabanggit ni MMDA Chairperson Benhur Abalos na maglalabas po sila ng resolusyon, iyong Metro Manila Council about open spaces?  So dito po sa Quezon City, may identified areas na po ba kayo kung saan sila puwedeng pumasyal? Iyan din po iyong tanong ni Sheena ng Torno ng SMNI News?

QC MAYOR BELMONTE: Yes, actually, Usec. Rocky, bago pa man na-announce ng IATF ang resolusyon na ito ay humingi na nga po ako ng permiso sa MMDA chairman natin na si Chairman Benhur Abalos kung puwede po tayong pumayag na iyong mga bata po, at least kapag mag-exercise o kaya makatanggap man lang ng vitamin D o maglaro ng kaunti sa labas ng kanilang tahanan dahil ito po ang rekomendasyon ng UNICEF and I work very closely with UNICEF at medyo naaapektuhan na po kasi ang mental health ng ating mga kabataan.

At dito po sa Lungsod Quezon, ayon po sa reports ng ating QCPD ay mayroon na pong naitatalang kaso ng suicide amongst minors na sinasabi nilang maaaring ang ugat nito ay ang pagkakulong sa kanilang mga tahanan ng napakatagal na panahon at dahil po sa depression na kanilang nararamdaman. So, I am very, very grateful na naglabas ng ganitong klaseng memorandum ang IATF.

Ngayon, with regards to parks, ang ginawa po ng Lungsod Quezon, agad-agad po tayong nag-identify ng 22 parks, ito po iyong mga parks na mina-manage po ng local government at ng ilan po sa mga homeowners associations natin. These are the initial parks pa lamang na pinapahintulutan natin na puntahan ng mga bata, dahil nakakasiguro po tayo na ang mga parks na ito ay may park administrator or zone administrator kasi ang tawag po natin ay child-friendly safe zones.

Nakakasiguro po tayo na makakapag-practice po ng minimum health standards ang mga parks na ito. May mga entrances and exits po na maliwanag po para hindi po magkaroon ng problema sa crowding. At mayroon din pong maayos na po na plano ang mga administrators to ensure that the children are able to maintain social distancing ‘no.

Pero itong bilang pong ito ay madadagdagan pa. Kasi as we speak po, Usec. Rocky, many, many other subdivisions and many private parks are applying. Kasi gusto ko po mag-apply po sila sa atin pong Parks Development Administration Department na nagpapakita na kaya po nilang i-maintain ang hinahanap po natin na maayos na pangangasiwa ng park, para masabi po nating ligtas po ang mga bata kapag pumunta po sa mga parks na ito. So, madadagdagan pa po ang listahan.

In the meantime po, we are also considering ‘no, dito kasi sa lungsod, napakarami po tayong mga malls. Bagama’t bawal pong makapasok sa mall ang ating mga kabataan, may mga malls po tayo na may mga outdoor spaces na puwede ring puntahan ng mga bata na hindi na kailangang pumasok pa sa mall. So, according to the latest MMC Resolution or the MMC Resolution na pinirmahan po ng Kalakhang Maynila, they will allow these spaces adjacent to malls na puntahan ng mga bata, basta ang bata hindi payagang pumasok doon sa malls. And dito sa Quezon City, marami pong mga ganoong klaseng mga lugar and again we are requiring the malls to apply with our PDAD para makapagpadala po tayo ng inspection team para siguradong ligtas din po ang mga open spaces.

So tayo sa Lungsod Quezon ay mag-iisyu po ng tinatawag na child friendly safe zone at ito po ay ipapaskil o ididikit natin sa mga designated safe parks, safe open spaces and other such areas para po malalaman din ng mga magulang na kapag ang mga bata ay pumunta dito ay siguradong ligtas at maaalagaan din po at nasusunod po ang minimum health standards po.

USEC. IGNACIO: Mayor, bigyang-daan ko lang po iyong tanong ni Janice Ingente ng UNTV: Reaksiyon daw po ninyo tungkol sa reports ng ilang mga taga-Quezon City na magpapabakuna for second dose. May ilan po na nagsasabi na pinabalik sila ng 8 AM, batay sa natanggap nilang abiso sa eZConsult. Pero pagdating po sa vaccination site, nagtatagal dahil hindi daw po iyong oras ng kanilang schedule? So ano po ang magiging aksiyon dito ng LGU?

QC MAYOR BELMONTE: Yes, actually, Usec. Rocky, thank you for asking that question at gusto ko munang humingi ng kapatawaran at paumanhin sa lahat po na na-inconvenience na atin pong mga mamamayan dahil nga po alam naman po natin na nagkaroon tayo ng problema sa eZConsult platform ng Zuellig Pharma. And in fact, we have already terminated the contract with eZConsult, because nga napakarami nilang problemang naidudulot sa ating mga mamamayan. And this is just a problem at the tail end of that particular issue na ang nangyari ay ang eZConsult automatically scheduled all of the second doses at the same time and because of that yesterday nagkaroon ng mahahabang pila sa atin pong vaccination centers.

Pero agad-agad naman po tayong nagpadala ng iba’t ibang mga enforcers at iba’t iba pang mga kawani ng pamahalaan para isaayos iyong mga linya at bagama’t naghintay ng medyo matagal ang mga tao compared to others who received their second doses, usually 5 to 10 minutes tapos na. Despite the fact that there were long lines, we were able to arrange the lines so that there was no violation of minimum health standards o kaya wala ring kaguluhang naganap. Maayos naman po ang linya, mahaba lang po. And today, as I checked, minonitor ko ulit ang ating mga vaccination sites naayos na po ang problemang ito at back to normal na naman po ang pag-administer ng second doses sa atin pong mga QC citizens.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po, Mayor, ay nagpapasalamat sa pagtanggap ninyo sa aming paanyaya, Quezon City Mayor Joy Belmonte. Salamat po, Mayor.

QC MAYOR BELMONTE: Thank you very much, Usec. Rocky. Mabuhay po tayo. God bless po

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)