Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay ikalawa ng Agosto taong 2021, sama-sama nating salubungin ang pagsisimula ng buwan ng Agosto sa pamamagitan po ng balanseng talakayan sa mga napapanahong isyu sa bansa. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa’yo, Undersecretary Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin Andanar. Ngayong umaga po ay pag-uusapan natin ang naging pamana ng pagbabago ng administrasyong Duterte pagdating po sa internet connectivity, gayun din po ang tungkol sa labor issues sa bansa. At mamaya, hihimayin din natin ang mga pagbabagong ipatutupad sa nalalapit na pagbabalik ng Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine sa loob ng dalawang linggo. Magandang umaga po sa inyong lahat, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Simulan na natin, Rocky, ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Simulan po natin sa unang balita: Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbabago ng paiiraling quarantine classification sa ilang lalawigan sa bansa. Base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force o IATF on Managing Emerging Infectious Diseases.

Simula August 1 hanggang August 15 mas hihigpitan ang dating nasa GCQ with heightened restrictions na mga probinsiya kasama po ang Laguna at Aklan patungong Modified Enhanced Community Quarantine at maging ang Apayao na dati namang naka-GCQ. Pina-downgrade naman ang Cebu Province mula sa MECQ patungong Modified Enhanced Community Quarantine at maging ang mga restrictions sa unang dalawang linggo ng Agosto.

Inanunsiyo rin ng IATF na paikliin sa limang araw ang pag-detect ng mga nagpositibo sa COVID-19 hanggang sa pagsasailalim sa kanilang isolation. Isasaprayoridad din ang facility-based quarantine para maiwasan ang household transmission o iyong pagkahawaan ng isang pamilya. [NO AUDIO]

USEC. IGNACIO: Samantala, sa panahon po ng online na ang halos lahat ng ating gawain kabilang po ang pag-aaral at trabaho, malaking bahagi ng ating buhay at ekonomiya ang nakasalalay din ngayon sa bilis ng internet. At sa pamumuno ng Department of Information and Communication Technology o DICT malaki rin po ang naging pagbabago sa digital services ng bansa, kaugnay niyan ay makakausap po natin si DICT Secretary Gregorio “Gringo” Honasan II. Good morning po, Secretary.

DICT SEC. HONASAN: Good morning, Usec. Rocky at Secretary Martin. Nagpapasalamat kaming lahat sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa amin para maipaabot sa ating mamamayan ang kahalagahan ng connectivity hindi lamang sa pamamagitan ng internet connection, basta lahat ng may kinalaman sa digital ICT-driven connectivity ay sakop ng mandato ng inyong Department of Information and Communications Technology.

Pero para gawin nating informal ito sa pahintulot ninyo, sinama ko iyong tatlo sa ating mga undersecretaries ‘no – si Undersecretary Brady de Castro for Plans, Finance and Legal; si Undersecretary Manny Caintic, lahat ng technical sa kaniya; at iyong future technologies, si Undersecretary Ali Atienza. So lahat po kami ay humaharap sa inyo para tugunan ang mga katanungan ninyo.

SEC. ANDANAR: Secretary Gringo Honasan, sir, so far, sa nakalipas na taon, gaano po kalaki iyong naging improvement ng internet services sa ating bansa pati na rin po sa pagpapaabot natin ng digital services sa remote areas?

DICT SEC. HONASAN: Well, Martin, unang-una, magsisimula tayo sa mandato ng ating Pangulo. Ito ang marching orders natin galing sa ating Pangulo ‘no, sabi niya, “Secretary, iyong team ninyo sa DICT, ang mission ninyo ay connectivity. Connect government to other governments, domestic and global; connect government to business para tuloy ang kalakalan ‘no, hanapbuhay, ang kabuhayan; connect government to citizens, iyong mamamayan; and connect everybody to each other sa pamamagitan ng information and communications technology. At gawin ninyo ito sa mas mabilis na pamamaraan, mura kung hindi libre – kaya may free Wi-Fi tayo – at do this in a more secure manner.”

Diyan po, Sec. Martin, Usec. Rocky, umiikot ang ating mission ng inyong DICT. Pero ibig ko lang sanang i-suggest ‘no dahil ang pagkaalam ko ay isang oras lang po tayo on the air, baka puwedeng i-run through natin iyong mga katanungan na ipinaabot ninyo sa amin dahil ito naman ay of public record.

By the way, Sec. Martin, sa pahintulot ninyo ni Usec. Rocky ‘no, tayo ang may akda, noong ako ay nasa Senado pa, ng batas na nagdadagdag ng suporta sa PTV 4 at iyong government channel at communication system ‘no dahil noong nakaraang panahon ay talagang napabayaan kayo, hindi ba? So nadagdagan natin iyan. Ngayon, sa kontekstong iyan, ibig kong ipaabot din sa inyo, sa ating mga kababayan na iyong mga panahon matapos iyong 1986 revolution, People Power Revolution, napabayaan talaga iyong PTV 4. Ngayon na dinadagdagan na natin, pinaiigting natin iyong kakayahan nito para to inform our people, to educate our people and to communicate the true information. So iyan po ang aking ibig ipaabot sa inyo para … bago ko tugunan iyong katanungan ninyo.

Ngayon, nagbunga ang ating mga hakbang upang magkaroon ng pag-aangat sa kalidad ng internet service sa ating bansa. Ayon sa Ookla speed test ‘no, ito ay unbiased na global index, noong July 2021 ay nakapagtala tayo ng 741.34% ha, eksakto iyan, increase sa average fixed broadband internet speed at 341.40 increase sa mobile internet speed mula July 2016; nanungkulan po tayo noong July 2019.

Noong July 2016 ay naitala ang average download speed ng fixed broadband internet ay mga 7.91 Mbps at ang mobile internet speed naman ay 7.44%. Ngayong July 2021, ang average download speed ng fixed broadband internet speed ay nasa mga 66.55 Mpbs at ang mobile internet speed naman ay nasa 32.84 Mbps na.

Ngayon, Sec. Martin at Usec. Rocky, sang-ayon ako na ito kung minsan ay limitado ang kakayahan ng ating mamamayan para unawain ito kaya ita-translate ko ito into the layman’s terms. Wala pa tayo doon sa pinakamataas; pero wala na tayo sa kulelat ngayon. Ngayon siyempre kapag tinutok mo iyong mikropono sa news at tinanong mo at ang sagot sa inyo ng ating mamamayan, sasabihin ay nagbabayad naman kami pero walang signal eh. Ako naman ay study from home pero hindi rin ako maka-connect.

So, iyon ang pagtutuunan natin ng pansin and we continue to try our best to follow the marching orders of the President. So, lahat ito karamihan ay technical pero umiikot ho ito sa connectivity.

Okay lang ba, Sec. Martin, Usec. Rocky na ipagpatuloy ko iyong paliwanag na hindi natin makukuha sa public sources dahil tayo rin ang may akda ng Freedom of Information Bill noong ating termino sa Senado? I’m asking for your approval.

SEC. ANDANAR: Sige po, go ahead. Go ahead po, Sec. Go ahead po, Secretary Honasan.

DICT SEC. HONASAN: Ah okay, thank you. Ayaw ko namang lumabas na ako ang naging host dito ano. I just want to explain and communicate to our public, to our people, the information that we will not find in public sources.

Okay! Ang ginawa namin ngayon ay we are trying to connect the farthest, the poorest and the smallest. Bakit? That is the way to unite a nation. Parang riles ng tren, walang tren na kumikita by itself. Kapag kinonek natin iyong pinakamalayo, pinakamahirap at pinakamaliit, it’s the economic the activity. Nandiyan iyong mall, iyong terminal, iyong kalakalan that will induce real and serious development.

Of course, kapag kinausap natin let’s say iyong ibang sektor, sasabihin nila minsan, “Bakit natin ikokonek ‘yan eh ilan ba ang botante diyan?” Kapag kinausap mo naman iyong nakaraan, iyong telephone [companies] – telcos, sasabihin nila “Saan ba tayo kikita?”

Example, Sec. Martin, Usec. Rocky, gusto naming ikonek – I hope nakikinig si Ma’am Liling Briones ng Department of Education – iyong 25 million na estudyante. Katulad kahapon, nag-report si Secretary Sal Panelo na nasa Ifugao, Mt. Province sa Cordillera siya, at nagrereklamo iyong mga tao roon na dahil siguro sa terrain walang connection. So, pag-uukulan natin ng pansin iyan ‘no.

Ang punto natin dito talaga is kung public interest ang pag-uusapan, hindi ganoon kahalaga sa atin kung ilan ang botante diyan o kung saan tayo kikita diyan. Importante mai-connect iyong 25 million na estudyante at iyong 33,000 na classrooms. Iyan ang pakay ng inyong Department of Information and Communications Technology,

Ngayon, I suppose magtatanong din kayo kung napaloob ba ito sa report ng ating Pangulo during the SONA. Napapaloob po iyan dahil ang inyong DICT ay isang technical support department at regulatory department ‘no. Under your DICT, nandoon iyong National Privacy Commission under Commissioner Liboro. By the way, Sec. Martin, Usec. Rocky, tayo ngayon ang nagsi-set ng global standards for data privacy. So, this is not all bad news.

Okay. Nandiyan iyong National Telecommunications Commission under Commissioner “Liel” Cordoba, iyan ang nagbibigay ng frequency sa ating mga telcos. Dati dalawa lang iyan, hindi ko na babanggitin iyong pangalan, nadagdagan ng pangatlo.

Pero ibig kong ibahagi sa inyo at sa ating mamamayan na hindi iyan tatlo lamang, iyan ay apatnapu – tatlo iyong malalaki, siguro halos apatnapu iyong maliliit na ngayon ay nag-uusap-usap na para mapalawig iyong connectivity sa atin.

Iyong pangatlo na ahensiya na under your DICT is the Cybercrime Investigation and Coordinating Center para tugunan naman iyong mga krimen na may kinalaman sa digital world natin. Iyong mga pornography, iyong mga breach sa data privacy noong public at private sector.

Ngayon, babalik ako doon sa National Telecommunications Commission. Dati-rati ang pakikialam lamang ng ating pamahalaan sa telecommunications industry ay iyong pagbibigay ng frequency na tinatawag nilang spectrum. Ang nangyari, Sec. Martin, Usec. Rocky, ay kinuha ng telcos, ginamit iyong iba, itinago iyong iba at ibinenta iyong iba. Hindi nila kasalanan iyan, iyon lang kasi ang ginawa ng ating mga nakaraang pamahalaan.

Ngayon, gusto nating bawiin iyong mga nakatago at tanungin kung kanino ba ninyo at saan ninyo ibinenta iyong hindi ninyo ginagamit na frequency para mai-distribute natin iyan doon sa ibang players na ang magiging resulta ay bibilis, bababa ang presyo at magiging rationalized ang telecommunications industry. Ngayon, kung magmatigas sila at pahirapan tayo, dadalhin tayo sa korte dahil the National Telecommunications Commission is a quasi-judicial body.

Kapag dinala iyan sa korte, alam naman ninyo ‘no, sa korte mahabang proseso iyan, iyong process, the rule of law, eh baka tatlong Pangulo na after President Duterte eh hindi pa iyan nareresolba. So, we are coming up now with a proposal for executive action na ginagawa na ng ating Pangulo. Sabi niya, “Aba’y pinahihirapan natin iyong mga subscriber, iyong mga nagbabayad pero walang signal.”

So, ano ang ating ginawa? We are coming up with a Spectrum Management Policy para mabawi nang mabilis iyong mga hindi nagagamit at mai-redistribute sa mga ibang telco. ‘Di magkakaroon ng kompetensiya. Ang resulta niyan ay bababa ang presyo, bibilis at patungo na tayo roon sa ‘an improved telecommunications sa environment, ecosystem and industry.’ Ang makikinabang niyan ay iyong subscriber, iyong mga nagbabayad na nagrereklamo na nagbabayad sila pero walang signal.

Okay, pangalawa, we are coming up or we have already a Common Tower Policy. Noong isang linggo pinuntahan natin iyong isang common tower sa Bulacan, sa Valenzuela, Bulacan. Ano ang ibig sabihin nito? Dati-rati, Sec. Martin, Usec. Rocky, isang telco isang tore. Eh, ang halaga ng pagpapatayo ng isang tore is mga P15 million. So, ngayon, tinanong namin iyong telcos, “Papaano iyan? Saan ninyo babawiin iyong ipinundar ninyo na P15 million?” Siyempre, sa subscriber kaya mataas iyong presyo at mabagal. Sabi namin, isang tore, lahat kayo magsama-sama diyan. Mag-usap-usap kayo pero huwag na huwag ninyong sisingilin – dahil iyon ang utos ng Presidente – iyong subscriber.

So, dalawa iyan – Spectrum Management Policy at iyong Common Tower Policy – pauna pa lang at nakikita na natin iyong epekto.

Pangatlo, in coordination with ARTA (Anti Red Tape)—

SEC. ANDANAR: Okay, Secretary Gringo, sir. Secretary Honasan, pasensiya na po kayo, sir, mayroon din po tayong mga katanungan mula po sa ating mga kasamahan sa media at kung maaari po ay bigyan po natin ng pagkakataon si USec. Rocky para maitanong po sa inyo, Secretary Gringo. Please go ahead, Usec. Rocky.

DICT SEC. HONASAN: Your call. Pasensiya na, Sec. Martin, Usec. Rocky, I got carried away, nag-monologue tuloy ako. Paumanhin po.

SEC. ANDANAR: Okay lang po. Usec. Rocky, please come in.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumustahin ko na lang din po iyong database na ginagawa ng DICT para sa pag-i-issue naman ng vaccination certificate ng ating mga kababayan. Ang tanong po, malapit na po ba daw ito?

DICT SEC. HONASAN: Hindi lang po ito malapit, Usec. Rocky, doon sa nagtanong, ginagawa na ito. Mayroon tayong VIMS, iyong Vaccination Information Management System na ginagawa na natin pauna doon sa San Juan City ‘no. Pero lahat ito, Usec. Rocky, doon sa nagtanong, depende rin sa kakayahan ng local government para hanapin iyong data at ito ay talagang man-to-man. Kaya nga may contact tracing tayo para malaman kung nasaan sila, nasaan iyong nagkaroon ng contact sa mga may tama na ng COVID.

At ang DICT po ay kasalukuyang naghahanda para sa full implementation ng digital COVID-19 vaccination certificate system kasama po – alam ninyo po nandoon naman tayo sa IATF iyong task force na pinangungunahan ni Chairman Secretary Duque, at halos 40 kami roon na Department Secretaries – na linggo-linggo or more often nagmi-meet. Pero iyang vaccination system po natin ay in place na.

Ang ginagawa lang natin ay sinisiguro natin na iyong totoo, timely, accurate, and complete information ang gagamitin natin na galing sa local government para desisyunan – maglo-lockdown ba, luluwagan, ECQ, MECQ – iyan po ang basehan natin. Iyong tinatawag ni Chairman Duque at ng mga kasama natin sa IATF na granular data management system. Hindi po iyan kakayanin ng national o ng even ng DICT kung hindi makatotohanan at accurate iyong manggagaling sa local government.

SEC. ANDANAR: Secretary Gringo Honasan, sir, ano po ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan? Please go ahead.

DICT SEC HONASAN: Ito, Sec.  Martin, Usec. Rocky. Sa mga survey, wala naman tayong ibang basehan ‘no. On the whole kapag sumasama ang sitwasyon lalo na dito sa COVID-19 response natin ‘no. Ang nangyayari talaga ay iyong kakulangan ng self-control, dispilina, protocol, hindi ba? Kapag niluwagan ng kaunti, makikita mo traffic, di ba pati iyong social distancing nawawala. So kaunting disiplina, bakit?  Nagsisihan kasi, kapag tinanong mo iyong man on the street, kasi iyong mga kababayan natin walang dispilina. Di ba, hindi mo makontrol kapag niluwagan. Kapag nagkasakit na binubunton naman iyong sisi sa gobyerno, sasabihin, ‘eh iyong gobyerno kasi hindi kami nababakunahan, namimili pa kung sino ang uunahing bakunahan,’ mga ganoong dahilan.

So, itong COVID, wala ditong eksperto, unless may magpapakita ng birth certificate na pinanganak siya noong black plague or Spanish flu. This is all about crisis management at individual, family, community, domestic and global level; wala po itong pinipili. Mayaman, mahirap, sundalo, magsasaka, pulis, government official, iyan po ay factual. So, ano po ang mensahe natin: Kaunti pong pagtutulungan. Tama po iyong naririnig natin minsan, hindi ngayon ang panahon para sa sobrang partisan, makasarili na pamumulitika. Kahit na malapit na iyong halalan, pagtutulungan po ang sikreto rito, ang susi rito ay responde rito. Katulad ng sinabi ng ating Pangulo ‘no, hindi ito panahon para magsisihan; panahon po ito ng pagtutulungan.

At ang susi diyan para mapabilis ang pagkuha natin ng impormasyon para sa ating panig, sa panig po inyong DICT ay information and communications technology na isasabay natin sa paggawa ng tulay, noong kalsada para mapabilis sa pagpapadaloy ng kuryente.

So again, second message is convergence, pagtutulungan. Pangatlo po, Private Public Partnership. Iyong COVID-19, itong mga problema na nasasaksihan natin ngayon, nararanasan natin is not only a problem of government, but a problem of every able bodied patriotic Filipino citizen. Iyan po ang mensahe na aking natutunan hindi lamang sa SONA ng ating Pangulo, iyong huling SONA kung hindi sa nasaksihan kong teamwork at pagtutulungan noong President Duterte’s government and administration.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, DICT Secretary Gringo Honasan. Mabuhay po kayo, sir, and always stay safe.   

DICT SEC HONASAN: Maraming salamat, Sec. Martin, USec. Rocky. At sa inyo rin, extra ingat palagi at mabuhay kayo! God bless you and God bless the Philippines!

SEC. ANDANAR: At iyan po muna ang balita at impormasyon na ating pagsasaluhan ngayong umaga, hanggang bukas po muli. Usec. Rocky, please take it away.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin, and stay safe po.

Samantala ay kamakailan po ay binuksan ang ika-131 Malasakit Center sa bansa na matatagpuan sa lalawigan ng Agusan Del Sur. Ang kauna-unahan po sa sa probinsya at ang ikalima naman sa buong rehiyon ng Caraga. Narito po ang detalye.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa mismong araw din po ay binuksan ang ika-132 Malasakit Center Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Surigao Del Sur na personal din pong dinaluhan ni Senator Bong Go.

Sa darating pong Biyernes, August 6 ay nakatakdang bumalik sa Enhanced Community Quarantine ang buong National Capital Region bilang pag-iwas po sa inaasahang surge na maaaring idulot ng pagkalat ng Delta variant sa rehiyon, dahil diyan ay marami pong paghihigpit ang muling ipatutupad. Ngayon pa lang po ay makakausap na rin natin si DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya para sa detalye. Usec. magandang umaga po.

DILG USEC. MALAYA: Yes, magandang umaga, Usec. Rocky. At magandang umaga po sa lahat ng ating tagasubaybay.

USEC. IGNACIO:  Opo. Usec., bigyan po ninyo kami ng mabilis na run down kung ano po iyong mga paghihigpit na muling ipatutupad sa Metro Manila sa pagbabalik po ng ECQ sa August 6?      

DILG USEC. MALAYA: Yes, po, USec. unang-una po ang general rule. The general rule is iyong: Paggalaw po ng mga tao ay lilimitahan natin at ang paglabas nila ay para lamang to access essential goods and services or kaya pupunta sila sa tindahan para bumili ng pagkain or kaya pupunta sa ospital o bibili ng gamot or sila po ay nagtatrabaho sa mga negosyong pinapahintulutan nating mag-operate during the ECQ or kaya naman mga activities na pinapayagan, gaya po ng pagbabakuna.

So importante po na malaman ng ating mga kababayan na iyon lamang po ng mga APOR o mga Authorized Person Outside of Residence ang papayagan nating mag-operate at lumabas sa kani-kanilang mga bahay. So, magkakaroon po tayo ng mga quarantine control points, mga law enforcement checkpoints sa buong Metro Manila at sa lahat ng lugar na under ECQ.

Ang mga negosyo po na pinapayagan o mga activities na pinapayagan with full onsite capacity ay ang mga ospital, mga health emergency and frontline services, mga kumpaniyang nagma-manufacture ng mga medisina, bitamina at iba pang mga medical supplies; industries involved in agriculture, crops, foods, vegetables; ang mga logistic and service providers, gaya ng mga delivery and courier services. So, iyon pong mga iba’t ibang courier gaya ng Grab o kaya naman po ng Lalamove at mga iba pang kumpaniya ay papayagan din po natin.

Essential and priority construction projects. Ibig pong sabihin, Usec. Rocky, iyong malalaki lang pong construction projects ang papayagang mag-operate; iyong mga private at malilit na construction ay hindi rin po papayagan.

Manufacturing related to food and essential goods, essential retail trade, mga public markets, supermarkets, grocery stores, convenience stores, pharmacies. So wala pong kailangang ikabahala ang ating mga kababayan dahil bukas po ang lahat ng essential and trade and food establishments. Kahit po iyong public and private financial service providers, mga BPOs at mga public transport providers operators. Iyong iba po ay 50% lamang o kaya ay onsite skeleton workforce at iyong iba naman po ay totally sarado.

USEC. IGNACIO: USec, ibinalik nga ang mga checkpoints sa borders ng NCR Plus and soon sa mismong NCR. May ipatutupad po bang mga paraan para maiwasan ulit iyong napakahabang pila ng traffic sa mga nangyari sa mga checkpoint lalo noong nakaraang taon, Usec?

DILG USEC. MALAYA: Tama po, Usec. Sa ngayon po ang checkpoints po natin sa Metro Manila ay iyong mga law enforcement checkpoints pa lamang. Ang purpose po niyan ay masiguro bang social distancing at kung may curfew po tayo ay iyan po ang tungkulin ng mga checkpoints natin. Wala pa po tayong quarantine control points sa loob ng Metro Manila. Ang mayroon po tayong quarantine control points ay iyong mga nasa border ng Bulacan and Pampanga, Cavite and Batangas, Rizal and Nueva Ecija. Iyon pong mga nasa NCR Plus provinces sa mga katabi nilang mga probinsiya. Dito po sa Metro Manila magkakaroon lang tayo ng mga quarantine control points, kapag nag-ECQ na po tayo.

So, para po doon sa mga gustong pumasok ng NCR Plus area, ay kailangan pong magpakita lamang sila na sila ay APOR. Mga ebidensiya o kaya naman katunayan kagaya ng mga ID na sila ay Authorized Person Outside of Residence, para po sila ay papasukin, papasok sa loob ng NCR Plus o kaya naman palabas ng NCR Plus.

Ngayon po, mayroon na pong pinag-uusapan ang Joint Task Force COVID Shield na mga paraan para hindi mag-imbudo ang ating mga checkpoints. Mayroon po tayong mga separate checkpoints na ilalagay para sa mga motor na hiwalay naman po doon sa mga checkpoints para sa mga sasakyan. Ganoon po, Usec ang pinag-uusapan namin sa ngayon.

So, ang paalala ko lang po sa ating mga kababayan, magdala po tayo ng patunay na tayo po ay Authorized Person Outside of Residence. Kung wala po tayong patunay or proof, huwag na po tayong lumabas during ECQ, dahil ang sabi ko nga po, the general rule is stay home, unless you will access foods or medicine and other essential services.

USEC. IGNACIO: Usec, sa pagtataya po ninyo, ilang uniformed personnel ang idineploy at ide-deploy pa?  At kung ilang checkpoints ang babantayan nila lalo nitong nakaraang SONA lang po maraming police personnel ang nagpositibo kasi sa COVID-19?  

DILG USEC. MALAYA: Opo, sa ngayon po ay mayroon na tayong 1,972 personnel sa NCRPO na naka-deploy dito sa Metro Manila. Karamihan po diyan ay law enforcement checkpoints ang kanilang ginagawa and they are implementing the curfew, they are implementing social distancing at iba pang mga minimum health standards. Ngunit kapag pumalo na po tayo sa ECQ or lockdown, mas dadami pa po iyan, lalampas na po iyan sa dalawang libo na mga kapulisan, kasi mas dadami po ang checkpoints at hindi na lang mga thoroughfares, kahit po mga secondary roads ay possible pong maglagay din ng checkpoints ang ating kapulisan.

Iba-ibang klase po ang checkpoint natin, mayroon pong fixed at mayroon din pong mobile. Ang Highway Patrol Group po ay puwedeng magsagawa ng mga mobile checkpoints na kung minsan nandiyan, kung minsan wala para po masiguro natin iyong pagsunod ng ating mga kababayan sa ipinapatupad ng IATF.

Sa labas naman po ng NCR, ganoon din po ang numero ng mga kapulisan natin sa CALABARZON and Region III. So baka po umabot sa limang libo ang ating mga kapulisan ang ma-assign sa iba’t-ibang checkpoints sa buong NCR Plus area.

USEC. IGNACIO: Opo. USec, ire-require din ba daw ulit iyong pagkakaroon ng isang quarantine pass lang per family? Ang City of Manila po kasi nagpahayag na mag-iisyu ulit sila ng quarantine pass?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Mayroon pong gagawing anunsiyo si Mayor Edwin Olivarez, ang Chairman ng Metro Manila Council, kasabay na rin po si MMDA Chairman Benhur Abalos tungkol po doon sa mga quarantine passes, sa unified curfew hour ng Metro Manila, kasama na rin po ng liquor ban. But, tama po kayo, Usec. Rocky, naabisuhan naman po ang DILG ng mga LGUs na ibabalik nga daw po nila iyong mga quarantine passes para maging maayos iyong paglabas ng ating mga kababayan para magpabakuna, that’s number one. Para po pumunta sa tindahan para bumili ng pagkain o kaya naman po pumunta sa pharmacy or sa drug store para bumili ng kanilang mga gamot.

USEC. IGNACIO: Usec., ang gusto po namang masiguro rin ng mga pamilyang maapektuhan ng dalawang linggo ang kabuhayan ay iyong pamamahagi po ng ayuda. Sa araw na ito ay may napagkasunduan na ba ang IATF sa kung magkano at kailan ito maibibigay?

DILG USEC. MALAYA: Usec., nagbigay na po ng instruction ang ating Pangulo sa mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa pamimigay ng ayuda kagaya ng NEDA, DBM, DSWD at DILG. At kami po ay nagpupulong na. Bukas uli magpupulong po kami at doon po natin malalaman kung magkano ang ipamimigay na ayuda para sa ating kababayan.  Isasapinal na lang po iyong guidelines, magkakaroon po muli ng joint memorandum circular ang mga ahensiyang magpapatupad nito. At umaasa po ang DILG sa lahat ng local government units na magiging maayos muli ang pamimigay ng ayuda kagaya po noong nangyari noong nakaraang Marso.

USEC. IGNACIO: Opo, iyon nga po iyong paano, hintayin na lang po natin iyong kung ano iyong magiging proseso ng pamamahagi ng ayuda, Usec?

DILG USEC. MALAYA: Well, kung kami po sa DILG ang tatanungin, Usec., mas maganda po iyong proseso na nating ginawa noong namigay po tayo ng ayuda noong Marso at Abril sa ating mga kababayan. Iyong ayuda po na maximum P4,000 per family at P1,000 per individual. Noon pong Marso at Abril iyan. Nakita naman po ng ating mga kababayan na mayroon na pong maayos na proseso sa pamimigay ng ayuda at mayroon na rin po tayong malinis na listahan na nasa kamay na po ng mga local government units.

So, handang-handa po ang DILG sa pamimigay ng ayuda through the help of the local government units. So ang kailangan na lang pong hintayin ay ang pinal na desisyon ng mga ahensiya ng gobyerno kagaya ng DBM at ng DSWD at ng DILG kung magkano po iyong naisantabing pondo para sa pamimigay ng ayuda sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo, Usec., as per MMDA, target daw pong makapagbakuna ng 250,000 daily average during the ECQ period? So kakayanin pa daw po ba ito o magkakaroon daw po ba ng sapat na manpower o vaccinator, at kakayanin ito ng bawat LGU para maabot?

DILG USEC. MALAYA: Wala pong problema iyan, Usec.  In fact, noong Sabado po ay pumalo tayo sa 187,000 jabs in Metro Manila. So, kung 187 po tayo noong Sabado, madali po nating marating ang 250,000. Wala po tayong kakulangan sa mga vaccinators, wala po tayong kakulangan sa mga tao. Nakikita naman po natin araw-araw ang pagpalo ng bakuna sa ating bansa. In fact, napakaganda po ng record natin ngayong July. We were able to administer more than 20 million jabs – 20,863,544 doses were administered nationwide. Mayroon po tayong isang araw na umabot tayo sa 659,000 doses in the day, the highest record that we have reached. At mayroon po tayong more than 500,000 jabs average in a week or in the last four days. Kaya po natin narating iyong 9 million fully vaccinated individual yesterday, which is triple the 3 million we had at the end of June.

So, in terms po, Usec., sa tao, sa sistema, sa proseso, nandiyan po ang mga tao at handang-handa na po sila. So, hindi po ako worried, kayang-kaya po iyang 250,000 na iyan. Ang kailangan lang po nating masiguro ay iyong tuluy-tuloy na pagdating ng mga bakuna para maabot po natin iyong ipinapangakong 4 million additional doses for Metro Manila and 2.5 million doses for the rest of the NCR Plus area.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec, may kaugnayan nga po ang tanong ni Patrick De Jesus ng PTV: Kailan daw po inaasahang maibibigay sa mga LGUs sa NCR iyong dagdag na four million doses na bakuna?

DILG USEC. MALAYA: Yes po, tuluy-tuloy naman po ang deployment ng Department of Health. Hindi ko lang po nakikita iyong schedule pa sa ngayon ngunit iyong additional four million po na iyon, is depending on supply and iyon po iyong target for the two-week ECQ. Kasi po ang plano po natin, Usec ay gamitin iyong dalawang linggo nang nasa bahay ang ating mga kababayan, para i-ramp up ang ating vaccination program. So, iyan pong four million na iyan ay idi-deploy natin sa mga local government units sa panahon po ng lockdown natin, para hindi po masayang iyong dalawa.

That’s why, ang usapan po with the Metro Manila mayors ay kung kinakailangang mag-overtime, kahit po umabot ng hatinggabi ang pagbabakuna natin ay gagawin po natin para ma-fully utilize po natin iyong allocation ng additional bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang tanong pa rin po ni Patrick de Jesus: Ano po ang dapat gawin ng mga LGUs para maayos ang sistema ng pagbabakuna during ECQ? At ano po ang kailangang ipakita ng mga residente na katibayan na magpapabakuna sila?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Ang naging instruction po ni Secretary Eduardo Año sa Joint Task Force COVID Shield ay iyon nga pong mga individuals for vaccination are considered Authorized Persons Outside of Residence. So kailangan po magpakita ng schedule ang ating mga kababayan or kaya naman iyong text message galing sa vaccination center ng kanilang LGU, or kaya naman anong klaseng katunayan or papel na sila ay for vaccination at mayroon silang confirmed schedule sa araw na iyan. At ipapakita lang po nila iyan sa ating kapulisan at padadaanin po sila sa ating mga checkpoints.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Vic Tahod ng DZAR 1026 Sonshine Radio: Kung may aasahan daw pong food packs mula sa initiative ng mga LGU ng Metro Manila na maapektuhan ng ECQ? At ang sunod po niyang tanong ay kumusta raw po ang contact tracing na ginagawa ng Metro Manila sa gitna po ng Delta variant?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Depende po iyan po sa mga LGUs kung sila ay mamimigay ng food packs. Nasa kamay na po iyan ng ating mga mayor at mga lokal na sanggunian kung sila ay mag-a-allocate ng food packs para sa ating mga kababayan. Ngunit mayroon na pong ilan na nagpasabi na po sa DILG na sila ay mamimigay din ng food packs to supplement the ayuda that will be given by the national government.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Kenneth Paciente ng PTV: Ano raw po ang pananaw ng DILG sa isinusulong na house to house vaccination sa two-week ECQ, kung posible daw po ito?

DILG USEC. MALAYA: Well, Usec. Rocky, iyan po sana iyong ideal pero napakahirap pong gawin iyan. Isipin ninyo po kung ilang tao ang papagalawin natin for that vaccination. Siguro po nakikita naman natin iyong dami ng mga personnel involved in the vaccination program – from the registration, to the screening, to the vaccination proper, to the adverse effects period, and then doon sa final registration and issuance of the vaccination card; ang dami pong tao niyan.

So kung magha-house to house po tayo, we will have to move all of those people, bahay-bahay. At sa panahon po ng habagat, that would be very difficult ‘no for us to implement. Sa panahon po ng ulan, magkakasakit naman po iyong ating mga vaccinators kung gagawin natin iyong house to house.

Iyan pong house to house ay ginagawa natin para sa mga bed-ridden, para po doon sa may mga sakit, at sila po ay tinutungo ng ating mga vaccinators sa kanilang mga bahay. Pero para po doon sa house to house, masyado pong mabagal at iyong ganiyan pong sistema will place the safety and security of our vaccinators at risk.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Jonathan Malaya, ang tagapagsalita ng DILG. Salamat po, Usec.!

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat din po, Usec. Mabuhay po kayo!

USEC. IGNACIO: Samantala, nagpasalamat naman si Senator Bong Go sa mga patuloy na naniniwala sa kaniyang kakayahang maglingkod bilang mambabatas matapos lumabas sa isang independent at non-commissioned survey na siya ang may pinakamataas na senatorial trust rating at kabilang din sa top 3 ng over-all performance rating. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, nanatili ring high ang trust at performance rating ni President Rodrigo Duterte as isinagawang survey din nitong mga nakaraang buwan lamang.

Muli naman nating kumustahin ang sitwasyon ang sektor ng lakas ng paggawa sa Pilipinas lalo ngayong nanganganib na namang maapektuhan ang kabuhayan ng maraming Pilipino dahil sa banta ng Delta variant, kaugnay niyan ay makakausap po natin si Department of Labor and Employment Undersecretary Benjo Santos Benavidez. Magandang umaga, Usec.!

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Magandang umaga rin po, Usec. Rocky. At sa ating mga tagasubaybay at tagapanood, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., isa po sa binigyan-diin ng Pangulo sa kaniyang huling SONA iyong muling pagpapalakas ng empleyo ng bansa gitna ng pandemya. Ano po ang ginagawang hakbang ng DOLE para po masiguro na bago po matapos ang termino ng Pangulo ay maibabalik na ang kabuhayan ng karamihan sa ating mga kababayan na isa po sa inaasahan nating muling magpapasigla sa sektor ng paggawa.

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Tama po iyon, Usec. Rocky. Nabanggit po ng ating mahal na Pangulo iyong tinatawag po nating National Employment Recovery Strategy. May binuo po ritong task force na mamumuno upang ibalik po ang confidence ng ating consumers at i-up skill po iyong mga manggagawa po natin, iyong skill ng ating mga manggagawa, at i-facilitate po iyong labor access.

Pero bukod po dito, para po sa ligtas nating maibalik iyong negosyo at trabaho, kailangan po nating siguraduhin na ligtas din iyong mga pagawaan at ating mga manggagawa. Kaya po sa Kagawaran po, nag-isyu po kami ng dalawang labor advisories para hikayatin ang ating mga manggagawa na magpabakuna na, magpabakuna sa mga LGUs. Ganoon din sa mga kumpaniyang pinayagang makapag-angkat ng bakuna.

Ganoon din, Usec. Rocky at sa ating mga tagapanood, tuluy-tuloy po nating mahigpit na ini-implement iyong mga protocols sa mga pagawaan, mayroon po tayong DTI-DOLE guidelines, tuluy-tuloy po iyong inspection at monitoring po natin. Bukod po dito, kabahagi rin po iyong Kagawaran – iyong Department of Labor and Employment – doon po sa pagbibigay ng mga safety seal doon sa mga negosyo na tumatalima po sa ipinapatupad po nating protocols. So kailangan po kasi nating sugpuin iyong virus para makabalik at biglang makabalik ang ating negosyo at trabaho.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., puntahan ko lang po muna iyong tanong ng ating kasamahan sa media. Tanong po ni Luisa Erispe sa inyo ay kung napag-usapan na raw po sa IATF kung magbibigay ng ayuda sa mga manggagawang maapektuhan ng ipatutupad na ECQ o MECQ ngayong buwan?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Ang pagkakaalam ko po ay napag-usapan na po ito, kasi may diniskas (discussed) na po sa amin ang aming Kalihim, si Sec. Bebot Bello. Napag-usapan po namin na maghanap ng available fund kung mayroon po sa ating GAA, para naman po matulungan po natin iyong mga maaapektuhan nating mga manggagawa. Pero alam po ninyo Usec. Rocky sa aming pong present GAA mayroon din po kaming pondo po sa mga mawawalan ng trabaho, ito po iyong TUPAD. Katunayan noong nakaraaang linggo lamang ay nagbigay po kami sa isang probinsiya, sa Norte ng TUPAD para po sa mga naapektuhan po ng pandemya.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Tristan Nodalo ng CNN Philippines: Kung ano po ang plano para sa mga manggagawa naman na mawawalan ng trabaho dahil sa ECQ?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Iyon nga po. Ang utos po ng ating Kalihim, kung maalala po natin noong mga nakaraang ECQ at MECQ ay nagpatupad po kami ng mga tulong-pinansiyal. Napag-usapan na po namin ito na hanapan ng pondo para ng sa ganoon iyong maapektuhan pong mga manggagawa ay may asahan o may makuhang tulong po sa ating Kagawaran. Pero ito po ay inaaral pa po namin kung saan po namin huhugutin ang pondo, kung dito po sa aming present GAA o kailangan pong mag-request po kami sa DBM.

USEC. IGNACIO: Ang susunod pong tanong niya niya: Iyon daw pong German Embassy in Manila has appealed to the Philippine government to lift the cap on deployment of healthcare workers to other countries. Mapagbibigyan kaya ito, knowing na may Delta variant surge pa po?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Hindi po bago iyong isyu pong ito at patuloy po itong paksa o topic ng mga pag-uusap, lalung-lalo na ng ating mga concern POLOs. Kasi alam naman natin kailangan po ng ating bansa iyong mga skills po nila, iyong mga kababayan po natin sa health sector. So tuluy-tuloy po ang pag-uusap para po magkaroon po ng isang kasunduan kung papaano po ito mabibigyan po ng solusyon.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary, at muli ninyo kaming pinaunlakan ngayong umaga. Muli, nakausap po natin si DOLE Undersecretary Benavidez.

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Maraming salamat po at mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, nasa higit 500 micro entrepreneurship mula sa sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang hinatiran naman ng tulong ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kasama po ang outreach team ni Senator Bong Go kamakailan. Ang detalye sa report na ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, base po sa DOH data draft kahapon, August 1, nakapagtala ng 8,735 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, habang 5,930 naman ang dagdag na gumaling at 127 ang pumanaw. Sa kabuuang bilang ay nasa 1,597,689 na po ang nahawaan ng virus sa Pilipinas; 94.3% naman ng bilang na iyan ang mga gumaling o katumbas ng 1,506,027, samantalang 28,016 o 1.75% ang mga nasawi. Dahil diyan 4% na porsiyento naman ang tinatayang aktibong kaso o nasa 63,646 na mga individual.

Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, hatid ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. Alamin naman po natin ang pinakahuling pangyayari sa Cordillera Region, higit 8,000 pamilya sa Cordillera Region apektado sa patuloy na pananalasa ng habagat. Ang ulat mula kay Debbie Gasingan.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa mga balita mula sa Davao Region, may ulat si Hanna Salcedo.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas po muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)