Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Isang magandang umaga Pilipinas. Tuluy-tuloy ang ating balitaan at talakayan tungkol sa pinakamahahalagang issue sa bansa na nakasentro sa COVID-19 pandemic; ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ngayong araw ng Miyerkules, August 4, muli tayong makikibalita sa mga hakbang nasyonal at lokal na pamahalaan para tugunan ang pangangailangang medikal ng ating mga kababayan sa gitna pa rin ng banta ng Delta variant. Magandang umaga po sa inyong lahat; ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating balita: Personal na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nasa tatlong milyong dose ng Moderna vaccine na dumating sa bansa kahapon, bahagi ito ng mga bakunang donasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas. Matatandaan na nitong nakaraang buwan ay dumating rin sa bansa ang nasa tatlong milyong doses na Johnson and Johnson vaccine na idinonate ng Amerika sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Bukod sa Pangulo, dumalo rin sa ceremonial turnover sina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr.; Health Secretary Francisco Duque III; at si US Embassy Chargé d’Affaires John Law. Nagpasalamat naman si Pangulong Duterte sa Estados Unidos sa pagbabahagi nito ng bakuna laban sa COVID-19.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, paglalaan ng pondo para sa 15,000 contact tracer inapela ni Senator Bong Go sa gobyerno. Pagbibigay-diin ng Senador, mahalaga ang papel ng contact tracers sa ginagawang pag-control ng gobyerno sa pandemya. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Muli tayong makibalita sa vaccination rollout sa bansa, makakapanayam natin si Testing Czar at Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon. Magandang umaga po sa inyo, Secretary.

SEC. DIZON: Magandang umaga, Sec. Martin. Magandang umaga po sa lahat.

SEC. ANDANAR: May mahalaga raw po kayong announcement ngayon, Secretary Vince. Please go ahead.

SEC. DIZON: Opo, Sec. Martin. Una po kahapon po, August 3, pinakamataas pong nabakunahan natin sa isang araw, umabot po tayo ng 680,000 jabs on August 3. Dahil po diyan halos 22 million na po ang jabs na ating na [garbled] at napakaimportante po, halos sampung milyon na pong Pilipino ang vaccinated. Kaya napaka-importanteng milestone nito at kampante tayo [garbled] bukas na bukas lampas na pong sampung milyon ang kumpleto ang bakuna sa Pilipinas. Maraming salamat po sa ating mga LGUs, sa private sector [garbled] pakikipagtulungan sa national government para maabot ang milestone na ito.

SEC. ANDANAR: Secretary Vince dito sa 700,000, ilan po ang naiturok sa Metro Manila at kakayanin ba iyong target nila MMDA Chairman Abalos na 250,000 daily jabs sa loob ng ECQ period?

SEC. DIZON: Kahapon ang NCR ay naka-164,000 Sec. Martin ‘no; at ang pinakamataas diyang aa-jab ay 190,000. Kaya tingin ko po kung mayroon tayong supisyenteng supply kakayanan po ng ating mga mayor ng NCR iyong target ni Chairman Abalos.

SEC. ANDANAR: At ito po bang 700,000 jabs ay kaya na pong i-sustain sa mga susunod pang araw, Secretary?

SEC. DIZON: Katapat po natin ay supply lang, Sec. Martin. Kung maganda po ang supply, tuluy-tuloy, eh kaya po nating i-sustain itong jab rate na ito.

SEC. ANDANAR: With this rate eh mahi-hit po kaya natin ang target na population protection by yearend, ngayong ilang buwan na lang po ay ‘ber’ months na naman?

SEC. DIZON: Pipilitin natin, Sec. Martin ‘no. Pero gaya po nang paulit-ulit na sinasabi ng ating Vaccine Czar na si Sec. Galvez, depende po talaga ito sa pagdating ng supply. Kung mayroon pong darating na supply, naniniwala po tayo na kakayanin din ito.

SEC. ANDANAR: Itong mga bagong dating na bakuna kahapon at noong isang araw, iyong AstraZeneca at Moderna, saang mga areas po ilalaan ito? Dito na ba huhugutin iyong 2.5 million doses na inilaan po sa Metro Manila?

SEC. DIZON: [Garbled] Actually 4 million doses po ‘no ang instruction ng IATF na ilaan sa Metro Manila at 2.5 million para sa Plus areas. Pero tingin ko po, ito po ay maaabot dahil napakaraming dumating na bakuna pero kailangan po tatandaan natin ang number one priority ay ang mga area na papasok ho ng Enhanced Community Quarantine. Iyan po ang Iloilo, ang Cagayan De Oro, Gingoog at sa Biyernes po magsisimula ang ECQ sa NCR at kasama din po diyan iyong mga areas na tumaas ang mga kaso sa buong Pilipinas; iyan po ang ating priority.

SEC. ANDANAR: At kailan po ito idi-distribute, Secretary Vince?

SEC. DIZON: Sa kasalukuyan po nagdi-distribute na ‘no. [Garbled] po ni Secretary Galvez ay within 24 hours [garbled] mga bakuna sa Pilipinas [garbled] distribution. Mabilis naman po ang paglabas ng ating DOH.

SEC. ANDANAR: Secretary Vince, may tanong lang po ang ilan sa mga kasamahan natin sa media. Please go ahead, Undersecretary Rocky Ignacio.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Good morning, Secretary Vince Dizon. Ang una pong tanong ay galing kay Cresilyn Catarong ng SMNI News. Ang tanong po niya: Tiwala daw po ba kayo na makakamit ang target ng pamahalaan na apat na milyong individuals habang ipinatutupad ang two-week ECQ sa Metro Manila?

SEC. DIZON: Una po, ang pinapabigay po ng IATF sa NCR ay four million doses ‘no. So since double dose po tayo, dalawang milyong katao po iyon. So kampante po si Chairman Benhur Abalos at ang ating mga Metro Manila mayors na kakayanin itong mga pagbabakuna sa loob ng buwan ng Agosto.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Vic Tahod ng 1026 Sonshine Radio. Ang tanong po niya: May napapabalita na may mga LGUs sa Metro Manila ang nagsabi hindi kakayanin ang 24-hour vaccination ngayong ECQ period. Ano po ang masasabi ninyo dito?

SEC. DIZON: Ito pong 24 hours ay suggestion ng DILG secretary para po mapabilis at mag-take advantage po habang naka-lockdown ang NCR. Ito naman ang tinugon ng ibang mga LGUs tulad ng Makati, ng Taguig, ng Manila, pati na rin ng I think pati Pasig ay naring ko yata gawin ito, at Quezon City. Pero ito ay suggestion lang naman. Pagtutulung-tulungan po natin ito dahil naiintindihan natin hindi po madali itong 24/7 na pagbabakuna at kinakailangan dagdag na personnel lalo na iyong ating mga nurses, mga doctors na willing naman po at ready na tulungan ang national government at ang ating mga LGUs.

Kagaya po ng sinabi ng ating mahal na Pangulo, dapat po ay tulung-tulong tayo para malabanan natin. Ngayon ang tamang panahon talaga. Kailangan tayong magtulungan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Vince, habol ko lang iyong tanong ni Tuesday Niu ng DZBB: Totoo po ba na isasama na rin ang CALABARZON sa ECQ? At kung isasama, kailan daw po ito [garbled]

SEC. DIZON: Wala pa pong desisyon na ganiyan, Usec. Rocky. Hintayin po natin posisyon ng IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ng SMNI: Do we have enough supply na po ba by September or October para raw po umpisahan ang bakunahan for the general public?

SEC. DIZON: Hindi ko po masasagot iyan. Mayroon pong mga commitment pero alam mo dahil sa kakulangan ng supply sa buong mundo kaya iyong mga commitment na iyan ay hindi buong naibibigay iyan. So, kailangan po abangan natin kung ano ang mga siguradong ma-deliver bago natin masagot iyan.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa good news na iyan, Secretary Vince Dizon. Please stay safe, Secretary.

SEC. DIZON: Salamat po, Sec. Martin, Usec. Rocky. Stay safe po.

SEC. ANDANAR: Iyan po muna ang talakayang pagsasaluhan natin ngayong umaga, hanggang bukas pong muli. Usec. Rocky, take it away.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa iyo, Secretary Martin. Ingat po kayo.

Samantala, makakausap po natin ngayong umaga ang isa sa mga kilalang pangalan pagdating po sa Philippine politics, ang unico hijo po ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at dating umupo bilang gobernadora ng Ilocos Norte at representante ng ikalawang distrito at senador mula taong 2010 hanggang 2016, makakasama po natin si Senator Bongbong Marcos. Good morning po, Sir.

BONGBONG MARCOS: Good morning, Usec. Good morning, Sec. Martin. Magandang umaga sa lahat ng nanunood.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, kunin ko na lang po muna iyong inyong reaksiyon sa naging huling SONA ng Pangulo nitong July 26. All in all, satisfied po ba kayo sa speech ng Pangulo at sa mga naging pahayag niya sa mga mahahalagang issues ng bansa tulad po ng COVID-19 response at maging ang maritime dispute sa West Philippine Sea?

BONGBONG MARCOS: Sa aking palagay, bagay na bagay iyong kaniyang ginawang SONA as valedictory SONA dahil iyong ang kahuli-hulihang magiging SONA niya bilang Pangulo. Kaya’t ang nakita ko na kaya’t bagay na bagay iyong kaniyang ginawa dahil pinili niya ang mga subject matter na talagang mahalaga sa kaniya at nag-report kung gaano kaganda ang naging performance, kung ano [garbled]. At kagaya ng ugali ng ating Pangulo, straight to the point [garbled] hindi nang-i-spin iyan eh, hindi pinapaganda [garbled] Sinasabi rin niya gusto ko sa anim na taon hindi ko pa natapos kaya’t binigyan ng trabaho ang Senado at saka ang House Representatives na kailangan pa ring ipagpatuloy itong mga iba’t ibang panukalang batas nang sa ganoon ay matapos itong ating nasimulan.

[Garbled] sa aking palagay ay pinili niya talaga iyong mga issues, iyong mga [garbled] na mahalaga sa kaniya, at iyon ang talagang binigyan niya nang pansin noong kaniyang pagkapangulo. That is exactly what a valedictory address should be.

And pinapaalala niya sa atin dahil siyempre kung minsan ay palapit na ang halalan kung minsan kapag nasa larangan ng pulitika ay nagbabatuhan na lang, nagsasagutan na lang iyong magkakabilang panig. Kaya mabuti at pinaalala niya sa atin na bukod sa pamumulitika na nangyayari ay mayroon pa ring ginagawa na para sa bayan ang ating Pangulo at iyon na nga ang ipinahayag niya, ito iyong talagang binigyan ko ng pansin, ito iyong mahalaga sa akin, ito iyong aking nagawa. And that is what exactly what a valedictory address should be. Kaya’t palagay ko napaalala sa bayan na ito ang aking trinabaho at ito ang aking nagawa.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, speaking of the COVID pandemic, pero sa palagay ninyo ay sapat at nasa tamang direksiyon ito pong measures na ginagawa natin sa ngayon para po pigilan itong pagkalat ng virus lalo po ngayon na may Delta variant?

FORMER SEN. MARCOS: Talaga! Palagay ko kahit nahirapan tayo, mahirap ang mga iba’t ibang bagong protocols at darating na iyong mahihigpitan na naman tayo sa quarantine status, magkaka-lockdown ulit ay malaki at marami na tayong natutunan sa nakaraang isang taon. Isang taon at kalahati, kaya palagay ko iyong mga kailangang gawin ay ginagawa rin. Kahit nahuli tayo sa ibang bagay [garbled] ay mas gumaganda na ang sistema natin laban dito sa COVID. Lalung-lalo na, kailangan talagang ipatupad itong mga sistemang ito dahil itong Delta variant na ito ay talagang masyadong contagious, mabilis mahawa.

At iyong mga ginagawa natin noon, baka hindi sapat para kontrahin iyong Delta variant kaya kailangan nating mag-lockdown uli, maghigpit ulit, mag-istrikto ulit. Alam naman natin na alam nating lahat, lalung-lalo na iyong gobyerno na ayaw na ng tao, pagod na iyong tao sa kaka-lockdown, iyong mga quarantine. Kailangan siguro magtiyaga lang muna tayo, at ito lang ang nakikita nating paraan. Hangga’t mabakunahan ang lahat, ito lang ang nakikita nating paraan na magkaroon ng kaunting sigla ang ating ekonomiya. Kailangan nating daanin ito, magsakripisyo muna tayo habang wala pa iyong kumpletong vaccine natin dahil iyan ang tanging sagot diyan eh, para mawala lang talaga iyong pag-iisip, pag-aalala sa COVID kapag nabakunahan na ang karamihan sa Pilipino. Pero hangga’t wala pa iyong tinatawag na herd immunity ay talagang kailangan nating higpitan ang mga protocols, kailangan nating mag-istrikto sa taumbayan at makiusap sa kanila na talagang kailangang magsakripisyo ulit, kailangang magtiyaga ulit.

Madali naman makita kasi kapag tinitingnan natin iyong ginagawa ng mga ibang bansa na maganda naman ang naging performances, eh iyon naman ang kanilang ginagawa kagaya sa atin. Kaya palagay ko, we are following the correct procedure na dahil alam na natin kung ano iyong correct procedure.

Kaya’t [choppy a/v] maipapayo natin sa ating mga kababayan eh magtiyaga lang muna at balikan muna natin iyong protocol, iyong MASK, HUGAS ng KAMAY, iyong SOCIAL DISTANCING na tinatawag, balikan natin pero istriktuhan natin. Kasi kung talagang natin at masigasig ang ating pagsunod sa mga protocol na iyan eh baka makaraos na tayo, after two weeks baka talagang bababa na iyong Delta variant. Ganito ang mga nangyari sa iba’t-ibang bansa kaya walang dahilan na hindi rin maging successful ito dito sa [choppy a/v].

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, alam ninyo noong nakaraang taon isa po kayo dito sa mga personalidad na talaga pong napabalita na nagka COVID-19 at alam ko po na—alam namin na naranasan ninyo po ang hirap ng pagkakaroon ng COVID-19? Could you recount to us [choppy a/v] pinagdaanan ninyo during po noong trying times?

FORMER SEN. MARCOS: Ay, oo! Dahil isa nga ako sa unang biktima ng COVID [choppy a/v] sa Pilipinas [choppy a/v] nahawa ako sa ibang bansa, galing ako sa Espanya noon, doon ako nahawa. Pero napakalaking kaibahan na ng response natin at – Naku! Nakakaawa naman iyong hitsura ko diyan sa picture na iyan. Hindi ko akalain ganiyan ako kapayat pero ganiyan talaga ang [choppy a/v] masyado talagang—mahirap talaga.

Ang inaatake niya iyong baga mo eh! Tapos iyon na nga, mawawala iyong gana mong kumain at marami pang ibang symptoms. Naranasan ko lahat iyon. Iyong typical na symptoms eh naramdaman ko – ngunit napakalaki na ng kaibahan ng response ng ating mga frontliners, ating mga doktor, mga nurse kaysa sa noong nakaraang taon dahil marami na tayong natutunan.

Noong Marso ng 2020, halos wala pa tayong alam kung papaano ito. Kahit na iyong doktor ko mismo tinatanong ko ano bang nangyayari, hindi niya masabi-sabi sa akin dahil wala pa tayong impormasyon, wala pa tayong mga research na ginawa at walang kabala-balita sa iba’t-ibang bansa kung saan nanggaling ito. Eh, hindi pa natin alam kung paano ang treatment, kung papaanong [choppy a/v], ano iyong pinakamainam. Kung pagmamasdan ninyo, iyong response, iyong treatment na ginagawa noong last year, noong 2020, ay malaki na ang [choppy a/v] sa treatment ng nagkakasakit ngayon at ma successful na, mas maganda na ang nagiging resulta kapag nagkakaroon ang pasyente ng COVID.

Ngunit huwag tayong masyadong maging complacent o mag-relax dahil ito nga, may dumating na Delta variant na talagang napakabigat ay [choppy a/v] na lang ay siguro iniisip ng iba mayroon na silang immunity, mayroon na silang vaccination ngunit sa aking palagay kahit na nagkaroon ka na ng COVID, may immunity ka na, kahit na nagkaroon ka na ng shots, ng vaccines eh kailangan pa ring mag-ingat dahil mayroon pa ring nagkakasintomas, mayroon pa rin pong pumupunta sa ospital eh at unfortunately I have to also admit mayroon pa ring mga namamatay. At ngayon dahil nga itong sa Delta variant eh talagang dahan-dahan umaabot na naman tayo doon sa sitwasyon na napupuno ang ating ospital.

Kaya’t iyong mga iba na [choppy a/v] sinasabi nila hindi sila nakasisiguro kung magpapa-vaccine, eh dinggin ninyo ako kasi dumaan ako diyan. Hindi ninyo gustong daanan itong sakit na ito. At talagang hindi lamang iyong nagre-recover ka o ginagamot ka pa, habang tumatagal [choppy a/v] kung minsan bumabalik-balik eh. After six months, three months mayroon ka pa ring nararamdaman. Sa awa ng Diyos, [choppy a/v] almost more than one year eh wala na akong nararamdaman, iyong iba talagang nakikita natin na kung anu-anong mga sintomas ang naramdaman kaya huwag na kayong mag-isip, kapag may pagkakataon na magpa-vaccine, magpa-vaccine na kayo.

At kapag na-vaccine na kayo kahit na iyong una eh huwag ninyong kaligtaan, huwag ninyong kalilimutan na bumalik para iyong pangalawa dahil iyon ay para talagang full effect noong vaccine. At you take it from a former COVID patient, malaki talaga ang epekto sa kalagayan ng katawan ninyo itong COVID kaya’t iwasan natin sa pamamagitan ng protocol, iwasan natin sa pamamagitan ng pag-vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ilan po sa mga binanggit ni Pangulong Duterte noong SONA iyong pagtatayo po ng Center for Disease Control and Prevention at Virology Institute. Bilang dating tinamaan po ng COVID, kayo po ba ay agree dito at kailangang maipasa agad?

FORMER SEN. MARCOS: Sa aking palagay hindi lamang iyong mga specialist na institute. Mayroon na tayong RITM na matagal nang nandiyan which is the Research Institute for Tropical Medicine. Matagal nang nasa atin iyan and siguro patibayin natin ang kanilang—bigyan natin ng mas malaking budget para mas may tao, mas maraming makapag-research. Nandiyan na siya, nandiyan na sila, patibayin na lang natin ang kanilang operation

Sa palagay ko, hindi lamang iyong mga research, iyon namang mga Virology Institute kung hindi iyong buong health care system natin ay talagang dapat nating balikan dahil nakakagulat na sa ilang nakaraang taon ay hindi na tayo nagtatayo ng mga ospital, hindi na tayo nagtatayo ng mga RHU, iyon ang mga kailangan natin.

So, ang sinasabi ng mga ibang doktor, sinasabi rin ng mga researchers, sinasabi nila eh hindi na ito iyong huli, hindi pa ito ang huli na magiging virus infection kaya’t kailangan na nating paghandaan iyong susunod. Kung mas matibay ang health care system natin mas magiging maganda ang [choppy a/v] natin dahil mas marami na tayong facilities, marami na tayong kakayahan, mas malaki na ang kakayahan natin, mas [choppy a/v] ang ating karunungan para labanan kung ano man ang dumating kasunod ng COVID.

Kaya’t sa ngayon eh umaasa pa tayo sa research ng mga iba’t ibang [choppy a/v] at [choppy a/v] sa aking palagay mayroon talagang pangangailangan na pagtibayin iyong health care system at siguro iyong CDC, iyong Center for Disease Control iyon ang mamumuno sa lahat ng issue tungkol nga dito sa research sa mga bagong sakit. Sa possible na pandemic ay talagang kailangan na natin iyan dahil nakita na natin ang weaknesses sa health care system natin, tugunan na natin at patibayin na natin iyong mga area na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, puntahan ko lang po iyong ilang tanong ng ating mga kasamahan sa media para sa inyo. May tanong po si Arianne Merez ng reporter.world, ito po ang tanong niya: A recent Pulse Asia survey show that you are among the top three probable candidates for President in 2022. Are you planning to run for President? If not, what post are you planning to seek in the elections?

FORMER SEN. MARCOS: Wala pa iyan. Lagi kong sinasabi siguro [unclear] sa akin iyong mga reporter kapag tinatanong sa akin iyan. Lagi kong sinasabi, ang lagi kong sinusundan na prinsipyo ay keep your option open dahil marami pang mangyayari mula ngayon hanggang sa filing sa October, hanggang October 8.

Tapos eh baka magka[choppy a/v] pa hanggang November/December kaya marami pang—marami pang mangyayari at kailangan nating pag-aralan na mabuti. Hindi natin alam kung sino [choppy a/v] ang magiging [choppy a/v]. Iilan lang pa lang ang talagang nag-proclaim na talagang sila’y [choppy a/v]. Si Senator Ping ay sinasabi niya talagang tatakbo siya. Si Senator Manny Pacquiao parang ganoon din ang kaniyang [choppy a/v] kahit hindi niya ina-announce, mukhang ganoon ang [choppy a/v] niya. Pero bukod doon ay wala pang nagsasabi pati mga vice president wala pang nagsasabi.

Kaya dahan-dahan, magiging maliwanag iyan pagdating ng panahon. Kaya sa aking palagay ay titingnan muna natin kung ano ba ang magiging sitwasyon, ano ba ang takbo ng panahon. Lagi kong paulit-ulit na halimbawa dito sa Pilipinas. Dito sa Pilipinas ang bilis ng takbo ng eleksyon, ang bilis ng takbo ng pulitika kaya baka magdesisyon ka nang masyadong maaga eh magbago ulit, nagkamali ka ng desisyon. Kaya kailangan gamitin iyong buong oras na mayroon sa atin para magkaroon tayo ng tamang desisyon para sa darating na halalan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Llanesca Panti ng GMA News Online: Are there circumstances that would make you run for President in 2022? If so, what are these?

FORMER SEN. MARCOS: It is the usual thing. When you see that there is a solid support for you and that you know, official campaign is not run by itself. Kapag madami kang kasama – you have vice president, you have senators, you have governors, you have mayors – iyon ang unang tingnan. Ngayon, the alliances are becoming very important. Although ang aking tendency, ang sa akin, is to go down to the grassroots and talk to the political leaders.

Kasi iba ang tingin ko sa mga survey, first of all, I tried to go down to the grassroots level, para malaman, magandang numero mo sa survey, totoo ba iyan? Kailangan malaman iyan. Tapos kung iyong mga local leaders ay handa ka bang tulungan, sila ang magdadala ng boto, kung sakali man, sila ang magka-campaign sa iyo. So, if you have all of that, and you the feel context of whatever else is happening na may paraang manalo, that there’s a way to win, then that’s when you run. That’s when you run that. Pero until that is clear, it will be premature to make that kind of decision.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror na halos kapareho rin po ng tanong ni Vic Tahod ng DZAR 1026 Sonshine Radio: If you become the President what do you have to offer sa bansa daw po, sa country?

FORMER SEN. MARCOS: Kampanya na ito. Well, like I was talking about iyong pinag-uusapan natin, nabanggit ko na rin iyong mga survey, ang aking pagtingin diyan, pagbasa diyan sa mga survey, kapag sinasabing ‘oh maganda numero mo’, ang tingin ko diyan eh, iyan ay parang – kasi maaga pa eh, hindi pa iyan iyong, hindi pa iniisip ng tao ‘ah ito iyong mga iboboto ko’, ito iyong mga naiisip nila.

Kung maganda ang numero sa survey, ibig sabihin, may tiwala sa iyo. Iyon ang pinakaimportante para sa akin. Sa aking palagay naniwala ang tao sa iyo, dahil naranasan na nila ang pagtulong mo, ang serbisyo mo sa serbisyo publiko mo sa nakaraan. I have been in politics, since very early on in my life, almost all of my life nasa pulitika ako. At nakikita naman ng taumbayan kung ano ang ginagawa ko. At sa aking palagay ay sa naranasan ko, sa karanasan ko ay marami na akong maidudulot at maibibigay na serbisyo at dahil, lalung-lalo ngayon na napakaimportante, nasa gitna tayo ng pandemic, bagsak ang ating ekonomiya dahil nga sa pandemic, kinakailangan na mayroon tayong maibigay na magandang plano para pagandahin ulit ang buhay ng ating mga kababayan.

At sa aking palagay sa naranasan ko nga sa aking pag-aaral, sa aking serbisyo ay marami na tayong nabibigay na solusyon dito sa bagong sitwasyon na ito na hindi pa dinaanan ng kahit na sino, kahit saan sa mundo. Kaya kailangan we have to be thinking about solutions which are global in nature, but are local in effect. That is what we are looking for now. And I believed that with my experience, I will be able to provide.

USEC. IGNACIO: Sir, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin, former Senator Bongbong Marcos, keep safe po at mabuhay po kayo.

FORMER SEN. MARCOS: Mabuhay kayo. Bago tayo magtapos, kailangang magpadala ng congratulation sa ating silver medalist na si Nesthy Petecio. Nakakatuwa naman, sinasabi nga namin, itong ating mga atleta na nasa Olympics ngayon na napakaganda ng kanilang mga performance. May gold na tayo, ngayon lang tayo nagka-gold. Kaya sa gitna ng pandemya, sa gitna ng kahirapan na dinudulot ng pandemyang ito sa atin ay may pinagbibigyan naman tayo, mayroon tayong laging nakakatuwang balita at nakaka-proud. Nakaka-inspire itong ating mga atleta. Sana iyong susunod nating mga athlete ay mas matulungan tayo para mas maganda pa ang resulta.

So, congratulation, Nesthy Petecio, thank you for the honor that you have brought to our country. Thank you very much. Maraming salamat kay Usec. Rocky. Maraming salamat sa mga nakikinig. Magandang tanghali po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po.

Samantala, mayroon ng pitong Malasakit Center sa Bicol Region kasunod ng pagbubukas ng ika-133 Malasakit Center sa bansa na matatagpuan sa Virac, Catanduanes. Narito po ang detalye.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Kahapon po ay muling nanawagan ang World Health Organization sa mga lokal na pamahalaan na bigyang prayoridad ng pagbabakuna sa mga senior citizen, kabilang kasi sila sa most vulnerable sector sa banta ng Delta variant. Pero sa kasalukuyan ay higit siyam na milyong populasyon ng mga senior citizens sa bansa, tinatayang nasa 2.62 million pa lang po sa kanila ang fully vaccinated.

Kaugnay niyan makakausap natin ngayong umaga mula po sa Department of Health, Director Beverly Ho at mula naman po sa National Commission of Senior Citizens Attorney Franklin Quijano. Magandang umaga po sa inyo.

DOH DIR. HO: Good morning, Usec. Rocky. Good morning, Attorney.

NCSC CHAIR QUIJANO: Hi. Good morning, Doc Beverly.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Bev, may you proceed with your presentation po muna.

DOH DIR. HO: Okay, thank you. I think iyong team ninyo na lang po ‘no iyong magpa-flash ng presentation.

So gusto lang po natin ipaalala ‘no sa ating mga senior citizens or sa mga kasamahan—may mga kasamang senior citizen, sa atin pong mga pagtatala ng mga kaso [garbled] COVID-19 at mga namamatay from COVID-19, alam po natin na talaga po all those people, more than 60 years old, they actually account for more than 60% po ng mga namamatay sa COVID-19 dito sa ating bansa.

At ito po talaga iyong dahilan kung bakit makulit po tayo ‘no na dapat mabakunahan na po ang lahat ng senior citizens natin. And this slide shows us ‘no iyong percentage po ng namamatay na senior citizens, tumataas habang tumataas po iyong kanilang edad.

So mayroon po tayong dalawang bagay na tinitingnan po para makumbinsi iyong mga senior citizens natin na mabakunahan ‘no. So the vaccine uptake is actually going to be determined by the motivation of our senior citizens to get vaccinated but also equally important kung gaano ito kabilis nila ma-access iyong pagbabakuna; ito po iyong mga pinagtatrabahuhan namin nila Atty. Quijano at napakarami pa pong partners the last few months ‘no.

So doon po sa motivational part, tayo po sa gobyerno, mayroon po tayong RESBAKUNA campaign at nagkaroon po tayo mga materials specific to our senior citizens. Kasama rin po natin ang private sectors sa “Ingat Angat Bakuna Lahat” campaign at ang mga patient groups sa “Bakuna, Now Na!” campaign ‘no. So makikita ninyo marami tayong iba-ibang channel na ginagamit para po marating iyong senior citizens. Nagkaroon din po tayo ng mga series of townhalls kasama po ang ating mga senior citizens at ang OSCA.

Mahalaga din po na alam natin na ngayon lumalabas po sa ating mga datos na ang mga senior citizens, nakikinig po talaga sila sa mga taong malapit sa kanila ‘no. So it could be family, friends ‘no na nabakunahan na, mga fellow senior citizens, ka-mahjong ba nila iyan, kasama nilang mag-chess at ang mga physicians or healthcare providers na malapit din po sa kanila. Kaya naman po pinapa [garbled] namin dito ang isa sa mga guide na nilabas po ng DOH, mada-download ninyo po iyan libre. Isa po itong tulong po ‘no sa ating mga families and friends para po paano ninyo makumbinsi iyong mga iba pang miyembro ng pamilya ninyo particularly the senior citizens how to get vaccinated; paano po sagutin iyong mga tanong nila.

So sabi ko po kanina, iyong susunod na aspect po kung nakumbinsi na natin sila or mayroon naman po sa kanila gusto na talagang magpabakuna, mahalaga po na ang pagbabakuna ng ating local government units ay natutulungan po sila ‘no at masaya tayo kasi marami pong good practices po tayo na nakita. Kabilang nito, may mga LGUs na nagkaroon po sila ng call center or signup po sa mga barangay hall [garbled] nahihirapan iyong mga ibang senior citizens mag-online registration. So these are things that we are heavily encouraging. Mayroon din po ‘no, through OSCA din sila nagri-register or through text.

Nagkaroon din po ng mga programa iyong ibang mga LGUs natin na extended hours ng pagbabakuna para nadadala iyong mga seniors ng kanilang mga anak na nagtatrabaho at mga libreng sakay ‘no, options para po maihatid iyong mga senior citizens natin papunta sa vaccination site.

At huli ‘no, one of the really best practices is iyong pagpunta po sa ating mga seniors sa kanilang mga bahay para hindi na po sila mahirapan.

So ito pong ilan sa mga best practices ay patuloy po nating ini-encourage ang ating mga LGUs kasama po iyong mga people’s organizations or NGOs na tumutulong sa ating mga LGUs para marating iyong senior citizens.

So magtatapos po iyong presentation para ipaalala lang natin na there are two things ‘no: we need to motivate them through familiar voices close to them but also we need to make sure na ang ating mga sistema ay very pro-senior citizens.

So we are continuously encouraging our LGUs to continue these best practices at palaguin pa. So iyon lang po. Thank you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Bev, aside doon sa mga nabanggit ninyo ‘no. Sa ngayon ay ano pa ba iyong mga challenges na nararanasan ng Department of Health kasama po ang LGUs sa pagbabakuna sa mga senior citizen at mababa pa rin po iyong turnout ng nagpapabakuna?

DOH DIR. HO: So nakita po natin sa datos ngayon na sa NCR specifically halos 68% na po noong masterlisted nating senior citizens ang nagkaroon na ng first dose at mga 63% po iyong nakapag-second dose na ‘no. So from the last few months, tumaas na po siya pero gusto natin lalo na with Delta variant na dumadating, mas maging aktibp pa po tayo sa pagbabakuna sa senior citizen. But for the entire country, we are still at 34% partially vaccinated for all senior citizens at 32% fully vaccinated as of August 2.

USEC. IGNACIO: Opo. For Atty. Quijano: Attorney, sa panig naman po NCSC, bakit tingin ninyo [garbled] pa rin magpabakuna ang mga nakakatanda sa kabila po ng active campaign ng national government at lokal na pamahalaan gaya po nang pagbibigay ng insentibo at mas maluwag na pagbiyahe para sa kanila kapag bakunado na?

NCSC CHAIR QUIJANO: Usec. Rocky, I think it’s just a matter of adjusting and tama si Doc Bev na so much is being done; but may mga konting adjustment ang kailangan tayo, Usec. Rocky. One for instance is the information na kung kailan darating ang bakuna sa mga localities, dapat malaman din ng mga senior citizens organizations and association and in this aspect tumutulong po iyong NCSC para mag-disseminate ng information.

We understand kasi na ang inuuna ngayon ay Metro Manila at ang mga lugar na medyo mataas ang rates ng COVID. So in which case, maraming nagrireklamo po sa mga areas na medyo hindi pa nabibigyan ng bakuna dahil nga po hindi pa dumarating ang mga bakuna. Actually Usec. Rocky, we would like to assure you na marami talagang senior citizen na gustong magpabakuna. Ang problema nga lang, hindi pa dumarating iyong supply dahil nga may mga priority areas.

But in terms of prioritization, we also hope that we will be able to convince more even as we say 90% ang willing magpabakuna, we would like to ask the public lalo na iyong mga members ng family to help convince the 2% na ayaw magpabakuna or the 6% na medyo may hesitation.

And of course obviously all incentives are being defined; ang unang incentive po, Usec. Rocky, is kung fully vaccinated ka ay makakalabas ka na sa bahay as long as GCQ. So sa ngayon po iyong mga ECQ areas, maintindihan po natin na—sana the public will understand na lahat-lahat po including senior citizens hindi lang po muna dapat lumabas dahil talagang mataas. But in GCQ areas, puwede hong makalabas iyong senior citizen lalung-lalo na kung fully vaccinated.

Eh tutulo po ang laway noong mga hindi pa nababakunahan if hindi sila pinalalabas dahil iyong nabakunahang senior citizen ay makakalabas na. I think this is a good start of the incentive system. Of course we are glad and thankful that there are certain businesses na nagbibigay ng 10% discount, iyong mga other incentives sa may nagpapakita na ng card na fully vaccinated. I think tulung-tulong lang talaga ang very important aspect but I would like to hope that your station, si Sec. Martin ay tutulong din sa information dissemination kung kailan darating iyong mga bakuna sa mga bayan-bayan, sa mga cities and provinces.

Importante po kasi ito, because if we are informed three days in advance definitely the NCSC will also help notify all our organization na ‘ayan darating na ang bakuna mag-ano na kayo’, you cue na, di ba? So, these are certain things that needs to be done every day dahil nga the vaccine we know is limited.

In fact, we are luckier because dumarami na and today binigyan tayo ng United States government ng bakuna and the other day ay binigyan din tayo ng ibang government. As long as we will all unite and we will be able to protect the senior citizens at saka iyong may mga comorbidity, the chances of herd immunity ay mas madali nating makamit. 

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Bev, dito po sa mga nabanggit ni Atty. Quijano, pero ideal nga po sana itong house to house vaccination para sa mga senior citizens na hirap pong magpa-schedule at magpunta sa mga vaccination sites. Pero, ito po ay too risky at hindi pa feasible ayon sa DILG. Ano po ang masasabi ninyo dito Doc. Bev? 

DOH DIR. HO: I think lahat naman po napapagplanuhan natin ng maayos. So—[signal cut]

USEC. IGNACIO: Okay, Doc. Bev. Nawala po sa linya ng komunikasyon natin si Doc. Bev. Doc. Beverly, naririnig ninyo po ba ako?

DOH DIR. HO: So we also have the support of [inaudible] naman dito. Kailangan lang natin ma-coordinate nang maayos iyong protocols. And LGUs, we trust them also na alam na nila iyong ginagawa nila for the past year for COVID response in the last 6 months no, for vaccination. So, marami naman pong nagkakaroon ng mga maayos at malinis na protocol. Kaya, we are very, very confident na kakayanin natin ito basta magkakasama naman na naiplano.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Beverly, may tanong lang po ang ating kasamahan sa media. Mula po kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: In an online forum daw po you stated that the public, including government officials should [garbled] appropriated for themselves. Was the dose taken away for another unvaccinated person? Are there measures in place to prevent people from getting an extra dose? 

DOH DIR. HO: Siguro, ito kailangan balanse po ng individual responsibility natin na mabakunahan para sa proteksiyon natin and siyempre iyong societal responsibility natin. Kasi sabi nga, habang nata-transmit ng nata-transmit iyong virus lalo siyang tumataas po iyong nagkaroon ng chance ng mutation. So, mayroon po talagang dahilan kung bakit dapat mas marami sa atin iyong bakunado. So iyon lang po, balikan natin iyong scientific basis ng pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Galing naman po kay Carolyn Bonquin, ng CNN Philippines: Wuhan is testing all its residents after it recorded a COVID-19 case after a year. Is it also possible in one area in the Philippines where there is a surge?

DOH DIR. HO: Sa atin ngayon, we focus on where we are in our response in COVID-19 and particularly kung tayo, Carolyn, sa NCR, we are preparing for the next few weeks and so different countries would have different strategy. So, we respect them wanting to test their own citizens, pero sa atin dito we know what we have and what we mean to do, and so far at this point in time what we need to prioritize is vaccinating as many Filipinos in the shortest possible particularly those senior citizens.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Sweeden Velado ng PTV: Doc. Bev, sa taas po ng viral load ng Delta variant that it could infect in a matter of seconds. Sapat at effective pa po ba ang paggamit ng regular disposable face mask? Dapat po bang doblehin ito?   

DOH DIR. HO: So, ngayon po no, actually since the last few months we have been recommending na doon sa mga cloth mask may possibility na mag-double na po sila. But still nakakatulong pa rin iyon basta the fact na nakapag-mask tayo, washing our hands, iwas sa crowd. But more importantly, I think all the more is iyong ventilation. 

So, very simply ‘no, kunwari pumasok kayo sa isang kuwarto tapos mayroong nagbukas ng pagkain niya tapos nag-suspend, nagli-linger iyong amoy. Ibig sabihin, very low ventilation iyong lugar na iyon at sa mga low ventilation areas mas matagal po na naka-suspend iyong particles di ba?

Kaya gusto natin bukas ang bintana as much as possible, bukas ng electric fan, nakatapat po sa bintana palabas po iyong hangin. We make sure na nagsi-circulate po ng mabuti and sa mga buildings po, mayroon po tayong mga engineers, naglabas po iyong DOLE ng ating mga policies on ventilation back in March to make sure na doon sa mga fully air-condition system, maayos din po iyong ventilation.

So, I think iyon iyong pinakamataas na or napaka-importanteng addition doon sa ating Mask, Hugas, Iwas is iyong ventilation. So, making sure outdoors kayo as much as possible kung puwede if not maganda iyong ventilation. 

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Vic Tahod ng 1026 Sunshine Radio: Ano po ang masasabi ninyo sa limang mambabatas na nais maimbestigahan ang projection mythology ng OCTA research? Personally, mayroon po ba kayong napupuna sa paraan ng pag-aaral ng OCTA?

DOH DIR. HO: Basta po kami sa DOH, where very transparent with the data and the whole point of publishing the data online in having a data drop mechanism. Ibig sabihin, researchers in the entire country can download the data sets, study it, interpret it and so sa side po namin iyon iyong responsibilidad namin to the public and to the academic community. So, different groups may interpret it differently. But on our side, government, transparency is very important.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Tina Panganiban Perez, ng GMA7: Ano daw po ang reaction ninyo sa bacteria na natagpuan sa Mt. Mayon na with potential antibiotic, anti-canter properties based on research done by UPLB? 

DOH DIR. HO: We’re happy that we have a lot of a good scientist and we actually have been getting better funding for scientific research. So, sa amin naman, lahat as long as with good evidence, bukas naman iyong potential para po sila gamitin. Siyempre, it goes through a process para sa mga gamot or therapeutics, mayroon po silang mga dinadaanang stages ng mga pag-aaral and our scientist in UP would know that and kapag ready na po sila sina-submit naman po nila iyong mga findings nila either sa FDA, if it is going to be a new treatment or dito sa amin sa DOH.  So, masaya tayo sa mga ganiyang development.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po mula kay Maricel Halili ng TV-5: Doc. Bev, what are the chances that there is already a community transmission of Delta variant at posible bang more than 260 na ang cases ng Delta variant sa bansa? OCTA daw po is saying na baka nasa 2,000 cases na po ito.

DOH DIR. HO: Nakita po naman natin na iyong Delta variant ay kumakalat sa buong mundo. So, it’s not an isolated case and in fact dahil sa maraming pagsasakripisyo ng mga nag-i-enforce sa atin, quarantine officers, even everyone na mga umuuwi dito na nagku-quarantine. Lahat iyon nagbunga na medyo mas late natin nakikita ngayon iyong effects ng Delta variant sa atin.

So, it allowed us time po para makapagpabakuna ng mas maraming tao at mas makapag-prepare ng mabuti. So, that said, I think iyong importante natin na kailangang makita moving forward is in many other countries na marami na po iyong nabakunahan, the cases are increasing but what we have look for now is that iyong uncoupling ‘no, or ibig sabihin kahit tumataas iyong kaso, hindi tumataas iyong namamatay or hindi tumataas ng grabe iyong mga nauospital at namamatay and that is the effect of the vaccine providing protection to the people.

So sa atin, iyan din iyong gusto nating dahan-dahan na makita ngayon particularly na bumibilis nga nang bumibilis iyong pagbabakuna natin dito sa bansa natin. So sa atin, iyan din iyong gusto nating dahan-dahan na makita ngayon particularly na bumibilis nga ng bumibilis iyong pagbabakuna natin dito sa bansa natin.

So, I think what is important is for people to start looking both at the cases, but also at the hospitalization and deaths. So as long as we are good in terms of hospitalization and deaths, the number of patients shouldn’t be as alarming to us, if that happen.

So ngayon, siyempre, binabantayan pa rin natin, kasi hindi pa rin naman napakarami iyong nabakunahan sa atin. But that is something that we all need to start shifting our mindset towards, Usec?

USEC. IGNACIO: Tanong naman mula kay Miguel Aguana ng GMA News Desk: Doc. Bev, may mga bata na nai-infect, may na-intubate, cause for concern na ba ito ng DOH? What are we going to do, since hindi pa sila kasama sa priority list?

DOH DIR. HO: So, siyempre po, our experts have been studying that already, the past few months already. And so, ngayon po, the priority dapat matapos natin iyong highest of all high risk, di ba which is senior citizens and those with comorbidities. Kasi all the risk are always relative. So, relatively, meaning laging may mas mataas iyong risk, may mas mababa ang risk.

So as of this time, makikita natin tumataas iyong risk sa kabataan, pero significantly mas mataas pa rin po iyong risk sa nakakatanda, older people, maybe not senior but older and with comorbidities. So kung ayaw nating mapuno iyong mga ospital natin, magkaroon ulit tayo ng—iyong mga nahirapan tayo in the past, kailangan talaga mauna iyong elder population.

And this is being followed in the rest of the world, that is why di ba marami sa kanila talagang by decade, sunud-sunod iyong pagbabakuna nila, from elder pababa. So, iyon din naman iyong tina-try nating I-make sure ngayon at rest assured naman may commitment sa government na once na naging stable na, dumami pa iyong bakunang dumarating sa atin, the option talaga to vaccinate younger population, will really be better.

USEC. IGNACIO: Opo. Sana po ay nakatulong ang ating programa na makumbinsi na ang ating mga kababayan na magpabakuna laban sa COVID-19. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, DOH Director, Dr. Beverly Ho at NCSC Chairperson Atty. Franklin Quijano.

Samantala, simula August 1 hanggang August 15, ipatutupad na po ang Modified Enhanced Community Quarantine sa lalawigan ng Aklan na mas mahigpit kumpara po sa dating quarantine classification nito na GCQ with heightened restriction. Nanatili kasing nasa high risk area ang probinsiya lalo at hindi lang po ang mga nahahawaan ng virus ang dumarami dito, kung hindi maging ang mga namamatay na dahil sa COVID. Kaya naman pinaghahanda na ng probinsiya at LGU ang bawat bayan sa Aklan ng mass grave, kaugnay po niyan ay makakausap po natin si Aklan Governor Florencio Miraflores. Magandang tanghali po, Governor!

AKLAN GOV. MIRAFLORES: Magandang tanghali sa inyo, kay Usec. Rocky at saka kay Secretary Martin. Good noon to all of you.

USEC. IGNACIO: Governor, bakit po umabot sa ganitong sitwasyon, tama po ba ito na kailangan ng mass grave para sa COVID-19 casualty ng inyong probinsiya at ilan po ba iyong average ang nasasawi sa Aklan dahil sa COVID-19?

AKLAN GOV. MIRAFLORES: Itong ating advisory sa ating mga LGUs ay dahil sa iyong dito sa Panay, the whole of Panay, isa lang kasi, Usec. Rocky, ang ating crematorium dito which is based in Iloilo. So, we send our COVID deaths to Iloilo at we were advised na for the next three weeks, hindi na muna sila tatanggap ng COVID deaths from Aklan, kasi nagkadiperensiya iyong kanilang crematorium.

So, because of that advisory, nagbigay din ako ng advise sa ating mga Mayors na in case na may mga COVID deaths tayo dito sa Aklan, eh dapat ready iyong kanilang mga municipal cemeteries na mag-receive nito, iyong malibing kaagad, kasi ang health protocol natin dito is within 12 hours, dapat malibing kaagad ang isang COVID positive na tao ‘no. So iyan lang naman ay precautionary measure, while of course iyong ating COVID death dito ay tumataas. Malaki na rin ang problema naming dito, but iyong ating advisory na iyon is based on the lack of capacity ng ating crematorium sa Iloilo City.

As background, Usec. Rocky, iyong ating COVID deaths dito ay talagang lumobo ‘no; sa ngayon 184 deaths ang Aklan, that is for the whole COVID pandemic, from March of last year up to the present. But kung titingnan mo iyong mga data, ang aming COVID death from March of last year up to April of this year, 47 deaths lang, Usec ‘no; but from May, the past three months, May to July, dito talaga nag-surge ang cases sa Aklan. At ang aming COVID-death ay umabot na sa 137, more or less two to three deaths per day.

So, iyon ang nakakabahala sa amin. Ang ating mga kaso ay tumataas in the past three months; ang ating average daily attack rate, eh nasa 22% na; ang isang malaking problema namin is iyong ating hospital care utilization is already high risk, more than 80% of our COVID beds are already occupied. Kaya nga humihingi kami ng tulong sa Department of Health at kami na mismo ang nag-appeal sa IATF na i-akyat iyong aming classification from GCQ with heightened restrictions to MECQ, Usec.

USEC. IGNACIO: Governor, may kaugnayan po dito iyong tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror na in-advise nga po ninyo iyong 17 town Mayors ng Aklan na prepare burial grounds in their respective municipalities. Ang tanong po dito: Will burial as opposed to cremation not create a health hazard in the future? Ano daw po ang magiging proseso dito, Governor?

AKLAN GOV. MIRAFLORES: Well, it’s part of our protocols. Kasi kung wala ka nang-cremation it’s the best option ‘no. But kung wala ng cremation, wala ng capacity na magtanggap iyong crematorium sa Iloilo, the next best protocol is to bury the dead, the COVID death within 12 hours sa oras ng kaniyang pagkamatay. Bury them at 6 feet below the ground at saka accepted iyan na practice ng ating DOH. Iyong ganiyang sistema in case na wala ka ng crematorium na magagamit, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, pero may sapat naman po ba daw na mga lugar sa bawat munisipalidad na puwedeng gawing burial grounds?

AKLAN GOV. MIRAFLORES: Yes, every municipality ay mayroon namang sariling libingan ‘no, municipal cemetery. So kaya nga in-advise ko ng mas maaga, iyong ating mga municipalities na mag-prepare na kaagad para may mapakitaan sila ng lugar sa kanilang municipal cemetery na at least hindi malapit doon sa mga ordinary deaths natin na mapaglibingan ng ating mga COVID deaths at saka within the protocol na dapat 6 feet below the grounds and within 12 hours dapat malibing na kaagad sila.

USEC. IGNACIO: Opo, Governor, kanina nabanggit nga ninyo na tumataas ang kaso sa lugar ninyo. So far wala pa po bang nadi-detect na Delta variant sa inyong lalawigan?

AKLAN GOV. MIRAFLORES: Sa ngayon, wala pang report, Usec. But we have to look into that possibility, Usec, kasi iyong first Delta variant na na-detect dito sa Panay was in the town of Pandan, Antique. Saka iyong Pandan, Antique is our border town ng Aklan at saka iyong mga tao doon sa Pandan does their business here in Kalibo, kasi malayo kasi iyong kanilang capital town of San Jose sa Antique. Kaya from the first week of June, marami pang nakapasok ditong mga taga-Antique na puwede magdala ng Delta variant. But of course wala pang confirmation from our Genome Center.

Initially last year iyong mga cases, na-observe namin na kung may nag-positive sa isang family, usually hindi naman nahahawa iyong the rest of the family. But this time napansin namin na pami-pamilya na iyong nagka-COVID. Kung nag-COVID positive iyong isa halos 100% of the family ay nai-infect.

So, kaya nga humingi kami ng tulong sa ating National IATF na kung puwede ho sana, because our hospital care utilization is almost full, halos puno na iyong aming mga hospital, iyong aming mga health care workers ay humihingi na ng timeout ‘no. Sila ay pagod na pagod na rin sa pag-care sa mga COVID patients natin. Kaya humihingi kami ng tulong sa IATF na kung puwede bigyan pa kami ng additional equipment, supplies, medicines for our COVID response at the same time humihingi kami ng additional vaccination. Kasi, Usec., that is the best prevention for any further death dito sa Aklan kasi kung hindi natin ito maagapan ng mga vaccines, lalong maraming mamamatay dito ho sa Aklan.

Kaya sa aming statistics so far, Usec., only 11% ng aming populasyon, target population of 400,000 ay naka-first dose; iyong second dose is 7%. So, that is how low, ang baba ng aming vaccination kasi ang kakulangan ng vaccines ay isang malaking problema. We can actually vaccinate 6,000 people in a day kasi nag-establish na kami ng mga vaccination sites sa 17 municipalities ng Aklan; at least two vaccination sites per town. So, kaya naming mag-vaccinate ng 6,000 persons in a day but of course iyong kakulangan namin ay iyong mga bakuna na ngayon nga ay hinihingi namin sa National Government na kung puwede mabigyan kami ng more allocation para ma-stop natin ang surge na ito ‘no.

Kasi tuluy-tuloy pa rin ang surge, Usec., ‘no, hindi pa namin nakikita ang pagbaba. As of today, we have another 195 positive cases for Aklan. At saka mataas ho iyan kung i-compare sa ibang mga probinsiya. So, we are appealing for help to the National Government to give us more allocation of vaccines so that this can help us stop the surge dito ho sa Aklan, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, umaapela po ang Boracay stakeholders na bigyan ng bukod na community quarantine classification ang isla para hindi maapektuhan ang kabuhayan doon. Maaari po ba ito at ano po ang masasabi ninyo dito?

AKLAN GOV. MIRAFLORES: Well, sa ngayon ay tinitingnan din natin ho iyong kanilang mga request. But as of today dahil inilagay na ang Aklan sa MECQ ngayon eh tigil muna iyong ating mga tourism activities sa Boracay, at the same time, Usec., 95% of our tourists are coming from NCR at saka iyong NCR Plus Bubble. So, wala ring silbi na mag-open iyong ating mga hotel sa Boracay na wala namang turista na manggagaling sa ating NCR or Metro Manila

So, ngayon is the best time to really take a breather, magkaroon na muna tayo ng pahinga na kung saan ay ma-contain muna natin itong COVID surge before we can open up again for business. So, iyon ang aming panindigan na as of today specially starting August 1 to 15 inilagay na namin iyong aming probinsiya under MECQ at saka ibinalik na ho namin iyong practice ng quarantine pass sa mga kabarangayan at saka travel pass sa ating mga munisipyo and we intend to do some multiple lockdowns either granular or otherwise para ma-stop muna natin iyong surge.

Kailangan lang ho talaga na in the next 14 days matigil muna natin iyong pag-surge ng COVID dito sa Aklan at ma-contain natin ito bago ulit mag-isip tayo na babalik tayo sa negosyo. This is a big sacrifice, malaki hong sakripisyo ito, Usec., kasi alam mo naman ang Aklan is relying on tourism sa Boracay but we have to take also the responsibility na iyong ating medical services ay hindi naman ma-overwhelm. Kasi sabi ko nga kanina, punuan na iyong aming hospital dito sa Kalibo. Isa lang naman ho iyong referral hospital namin, iyong provincial hospital at kung mapuno iyan eh mahirap na ho sa ating mga pasyente dito sa Aklan.

Kaya iyon ang naging desisyon ng ating Provincial IATF na ilagay muna ang buong Aklan under MECQ at tinitingnan ko nga, Usec., kausap ko iyong Department of Health Regional Office na kung magtuluy-tuloy pa rin iyong surge dito sa Aklan, baka ilagay na iyong Aklan sa ECQ classification.

USEC. IGNACIO: Okay. Governor, pasensiya na, may pahabol lang po na tanong ang kasamahan namin sa PTV na si Mica Joson: Ano daw po ang assistance na ibibigay natin sa mga manggagawa na mahihinto ang hanapbuhay ngayong naka-pause din po ang tourism activity?

AKLAN GOV. MIRAFLORES: Iyon nga ang hinihingi namin sa DOLE at saka sa DSWD kung ano iyong tulong na mabibigay nila sa mga nawalan ng trabaho. Sa ngayon kasi ho ang Aklan ay halos naubos na iyong aming resources. Halos one year and six months na tayo dito nakipag-away sa COVID. The most that we can share sa ngayon ay mga food packs muna sa mga affected na families. As far as the ayuda is concerned, well, hopefully mabigyan din kami ng National Government para dito sa ating mga nawalan ng trabaho na mga workers sa tourism.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kami po ay kasama ninyong nagdarasal para sa ikabubuti ng sitwasyon ng ating mga kababayan sa Aklan. Maraming salamat po sa inyong panahon, Governor Florencio Miraflores. Stay safe po, Governor.

AKLAN GOV. MIRAFLORES: Maraming salamat din sa inyo.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, John Mogol.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)