Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. MARTIN ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Muli namin sasamahan kayo sa isa naman oras na talakayan kaugnay sa mahahalagang isyu sa bansa. Ako po ang inyong lingkod, Sec. Martin Andanar. Magandang umaga Undersecretary Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makakasama rin po natin ang puwersa ng PTV News and TV at PBS Radyo Pilipinas para ihatid ang mga pinakahuling pangyayari sa iba’t-ibang panig ng bansa. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. MARTIN ANDANAR: Mga kababayan, ngayong araw ng Biyernes, August 6, simula na po ng Enhanced Community Quarantine sa buong Metro Manila na tatagal hanggang August 20. Kagabi nga, inanunsiyo naman ng IATF na extended ang ECQ sa Cagayan De Oro at Iloilo City hanggang August 15. Napasama na rin dito ang probinsiya ng Laguna, habang ang ECQ sa Gingoog City ay hanggang bukas na lamang.

Modified Enhanced Community Quarantine naman po sa Apayao, Ilocos Norte, Bataan, Aklan, Lapu-Lapu City, Mandaue City at Cebu City. Kasama na rin po na isasailalim sa MECQ ang Lucena City, Rizal, Cavite, at Iloilo province hanggang August 15.

USEC. IGNACIO: Nasa ilalim naman po sa GCQ with Heightened restrictions ang mga lugar ng

Cebu province, Ilocos, Cagayan, Bulacan, Lungsod ng Naga, Antique, Bacolod City, Capiz, Negros Oriental, Zamboanga Del Sur, Misamis Oriental, Davao City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao Oriental at Butuan City hanggang August 15, makakasama din po diyan ang Batangas at Quezon.

GCQ pa rin po sa buong buwan ng Agosto ang Baguio City, Santiago City, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Puerto Princesa, Guimaras, Negros Occidental, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, Zamboanga Del Norte, Davao Oriental, Davao Del Sur, General Santos City,

Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Dinagat Islands at ang Cotabato City.

SEC. MARTIN ANDANAR: Ang mga lugar naman po na hindi nabanggit ay isasailalim sa MGCQ mula August 1 hanggang 31. Maliban po sa mga pagbabago sa quarantine classification ng ilang lugar ay naglabas din ng bagong resolution ang Inter-Agency Task Force against COVID-19 kung saan nakapaloob ang mga idinagdag sa listahan ng Authorized Person Outside Residence o APOR. Ang detalye niyan mula kay Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

SEC. MARTIN ANDANAR: Pondo para sa 15,000 contact tracers para sa natitirang buwan ng taon, aprubado na ni Pangulong Duterte. Ang detalye sa report na ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ngayong umiiral na ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila, alamin natin ang sitwasyon sa mga quarantine control point, ihahatid iyan sa atin ni Allan Francisco. Allan?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Allan Francisco.

SEC. MARTIN ANDANAR: Kaugnay niyan, makibalita po tayo sa mahigpit na pagbabantay ng PNP sa mga border ng NCR sa pagsisimula ng ECQ, makakausap natin ngayon si PNP Chief Guillermo Eleazar. Magandang umaga po and welcome back, General Eleazar.

GEN. GUILLERMO ELEAZAR: Magandang umaga, Sec. Martin and Usec. Rocky. Ganundin din po sa lahat ng mga nakikinig at nanunood sa inyong programa.

SEC. MARTIN ANDANAR: General, kumusta po ang mga border control points ngayon ng PNP sa NCR? May mga humabol pa ba na makalabas o makapasok sa border ng NCR kagabi?

GEN. GUILLERMO ELEAZAR: Well, gaya po noong ating probisyon nitong ating GCQ with heightened and additional restriction, noong mga nakaraang araw hanggang kahapon tayo po ay nasa NCR plus bubble. Meaning to say, walang puwedeng makalabas, walang puwedeng makapasok sa bubble area na iyon except na lang kung worker APOR sila, at iyon po ang ating ini-implement.

But starting this morning, actually kagabi po iyan, ito pong mga cities natin – the 16 cities and 1 municipality here in Metro Manila – eh na-convert po iyan sa mga maliliit na bubble; lahat sila po ay bubble kung saan nagkaroon na tayo ng mga checkpoint doon sa intercity boundaries.

Ako nga po ay nagkaroon ng pagkakataon na mag-inspect kanina bago po pumunta dito para tingnan itong kalagayan ng ating mga quarantine control points at tanungin din ang ating mga pulis, makita iyong mga dissemination, mga latest dissemination na ating ipinahayag para po sa implementasyon na ito. Maayos naman po nakita natin pero ang naobserbahan natin ay talagang marami pa rin sasakyan dahil nga even though we are in ECQ pero marami naman pong mga permitted industries na ngayon. Iyon naman ay in connection with the delivery of the essential goods and services. At alam din natin that 50% of our public transportation are now operational kaya nakita rin po natin iyon.

Just the same, binigyan natin ng paalala ang ating mga kapulisan sa mga dapat gawin at nagkaroon tayo ng obserbasyon ukol sa kanilang mga implementasyon.

SEC. ANDANAR: Nag-buildup na po ang traffic sa mga checkpoints kaninang umaga. May aayusin po ba kayo sa pagsusuri ng mga tumatawid sa borders para hindi na humaba ang pila ng mga sasakyan mamayang hapon maging sa mga susunod na araw?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes, Sec. Martin. Actually, hindi naman po bago sa atin ito at during rush hour eh talagang makikita natin ang dagsa ng mga sasakyan. Pero iyong report natin kanina na nakita natin kay Allan Francisco is ito ay hindi na rush hour kaya medyo lumuluwag na, so kasama po iyon doon sa talaan na sinasabi natin na sakripisyo ng ating mga kababayan. Pero binigyan natin po ng direktiba naman and instruction ang ating mga chiefs of police o unit commanders na mag-implement tayo noong tinatawag nating random checking kung talagang mahaba na. Meaning to say to a certain point, certain time ay talagang itsi-check po iyan and then iri-release mo kung tukod na.

Pero ang paalala nga natin, kagaya ng sa obserbasyon natin kanina, kung kayo magtsi-check, talagang properly na tsini-check isa-isa at kung kayo mag-release, pabilisan mo naman. Hindi iyong nakaabang ka doon sa isa na haharangan mo iyong daan ng trapiko. So kung magri-release ka, hayaan natin na mabilis para ma-maximize iyong dadaan at kapag nag-check naman tayo, properly para hindi masayang ang pagtsi-check natin sa kanila. Every afternoon at the end of the day, magkakaroon ng assessment. Pangungunahan ito ng ating Commander ng Joint Task Force COVID Shield na si Police Lieutenant General Bong Dickson para makakuha ng mga impormasyon/input coming from the grounds as well as coming from the netizens at galing din sa media na ating minu-monitor para sa kaukulang improvement na puwede nating i-apply dito.

SEC. ANDANAR: So far, may mga nahuli na po ba tayong nameke ng dokumento para makapasok o makalabas ng border ng Metro Manila?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Wala naman tayong nari-receive na ganoon pa pero itsi-check natin mamaya, Secretary Martin, kasi ongoing naman iyong pagku-collate natin nitong mga reports na galing sa ating mga unit commanders in the ground. Pero mayroon naman tayong iba na pinababalik na lang dahil sila ay non-APOR or hindi sila authorized na mag-cross nitong mga border natin particularly itong intercity.

Gusto po nating ipaalala na dahil nga tayo ay nasa ECQ eh talaga pong ang bubble natin is within the city. Kaya nga po only the worker APORs can pass through these boundaries ng ating mga bubble kung ang lakad nila ay work-related. Pero po sa mga consumer APOR, ito po iyong mayroong quarantine pass, hindi po sila puwede mag-cross basically ng mga intercity [boundary] natin.

Kaya nga po iyon ang unang tinanong natin doon sa ating mga nagbabantay sa ating quarantine control point, papaano kung may dumaan dito na may quarantine pass, anong gagawin ninyo? “Sir, padadaanin po natin.” Actually, supposed to be hindi, except for emergency or iyong pupuntahan niya is katapat lang noong bound noong ano… Kasi nga in this bubble or itong nasa ECQ tayo, iyong quarantine pass natin is para lamang doon sa may hawak na isa sa bawat miyembro ng household na lalabas lang sila habang walang curfew at doon lamang, doon sa siyudad na iyon. Hindi na sila lilipat pa dahil ang purpose naman nila is bumili lamang ng mga essential goods na available naman doon sa kanilang mga localities.

SEC. ANDANAR: As we speak, ilan na po ang nahuling protocol violators simula kagabi at so far ano rin po iyong mga pinakamaraming violations na naitala ng PNP?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes. Sec. Martin, generally ang ni-report lang sa atin ay iyong situation doon. As to the violation, ang nai-report lang sa atin naman is iyong hindi pagpapalampas nitong mga unauthorized or itong non-APOR. But for the other violations, iku-collate natin iyan hanggang mamaya at magbibigay tayo ng ulat para sa kaalaman ng nakararami.

So isa ngayon sa tinututukan natin ngayon is iyong implementasyon nitong pinagbigyan natin itong mga worker APORs natin na ihahatid ng mga non-APOR driver at iyon ang tsini-check natin sa ating mga teams in the ground kung alam na ba nila itong dissemination na ito dahil lang gusto nating ma-improve. While it is true na first day ng implementation ito, medyo naging maalwan pa para doon sa ating mga non-APOR driver na hindi pa nakakakuha ng certification coming from employer nitong worker APOR na ihahatid-sundo nila.

Lilinawin po natin na ito pong mga non-APOR driver, puwede nilang ihatid itong mga worker APOR pero dapat mayroon silang certification from the employer na nagpapakita siyempre noong pangalan noong worker APOR, pangalan din siyempre noong employer at pangalan din mismo noong non-APOR driver at pati na rin iyong kanilang mga contact number and iyong description ng sasakyan na gagamitin. Nagpapa-attach din tayo doon ng business permit para malaman natin na iyon bang worker APOR na iyon is nagtatrabaho sa isang permitted industry or establishment.

SEC. ANDANAR: General, since ang dami ngayon na on duty na pulis, ano pong hakbang ang ginagawa ng PNP para maiwasang maulit iyong nangyari noong huling SONA ni Pangulong Duterte kung saan ilan sa ating mga kapulisang nai-deploy ay COVID positive pala?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes. Unang-una, Sec. Martin, ay ni-remind natin ang ating mga kapulisan na kung mayroon tayong mga tropa na nagpa-swab test at wala pang resulta ay dapat hindi po ma-deploy iyan. Hihintayin muna nila ang resulta niyan. So malinaw po iyon, kasi may kaunting lapses na nangyari noong last na situation. Pero ngayon po, ang ating mga pulis naman kagaya ng ating laging ginagawa, are always reminded na magsuot noong basic health protective equipment natin – pagsusuot ng face mask, pagsuot ng face shield – hindi lamang sa kanilang pagbantay kung hindi saan man sila nandoon, and of course inu-observe po ang ating minimum health protocol.

In doing so ay iyan po iyong isang napakagandang armas natin para po hindi tayo mahawa nitong ating virus na ito. But just the same, patuloy naman ang ating Administrative Support to COVID Operation Task Force or ASCOT sa pamumuno ni Police Lieutenant General Jojo Vera Cruz para po pangasiwaan ang patuloy na dissemination at mga aksiyon para po sa proteksiyon ng ating mga pulis laban sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: General Eleazar, may ilang tanong po iyong ating mga kasamahan sa media. Usec. Rocky, please go ahead.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Good morning, General Eleazar. May tanong po ang ating kasamang si Bea Bernardo ng PTV. Nag-a-update po siya sa case ng Nadia Casar: You earlier mentioned daw po na isang pulis rin ang may-ari ng farm kung saan nakita ang katawan ng biktima. May update na po ba tayo dito?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes. Unang-una, doon po sa lima na sinasabi natin, mga pulis na mga suspek na lahat ay naka-assign sa Nueva Ecija, apat na istasyon na iba-iba pati na rin doon sa isa po sa provincial headquarters nila, sila po lahat ay accounted na. Meaning to say eh lahat po ay nasa custody na – iyong tatlo po ay nasa custody ng Anti-Kidnapping Group, iyong dalawa naman ay nasa restrictive custody noong mga chiefs of police nila. So lahat po ay nag-surrender na after na mahuli iyong iba.

So, tumatakbo na itong ating admin case dahil gusto natin talagang as soon as possible ay talagang masibak natin sa serbisyo na ang mga iyan, of course with due process. And regarding sa criminal case ay patuloy po, nakapag-file tayo, nakapag-file tayo ng inquest noong ating nahuli at iyong dalawa ay humabol, kasama po sila doon sa ating ipa-file na kaso, pati na rin iyong amendment na gagawin natin. Kasi initially that was kidnapping with serious illegal detention pero ito po ay magiging kidnapping with homicide.

So, para po naman doon sa sinasabi natin na nakuha natin itong bangkay sa isang farm or isang bakanteng lote, kasama na po natin doon pati po iyong caretaker doon at under investigation natin, iyong sinasabing may-ari noon. Pero siyempre may due process sila dahil inaalam natin kung talagang may kinalaman ba iyon kasi initially hindi naman po iyon ang sinasabi noong caretaker. Pero patuloy ang imbestigasyon na ating gagawin dito, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. General, may tanong lang si Aileen Taliping ng Abante. Kasi natatandaan ko, General, kayo rin ang hepe nang nakaraang taon na Task Force Shield, at ang laging tanong sa inyo noon ay iyong papaano gagamitin iyong IATF ID. Ang tanong po ni Aileen Taliping sa inyo, ganoon din po kay Secretary Martin na itatanong din natin ay iyong puwede pa raw pong gamitin ba ang IATF ID sa loob ng dalawang linggong ECQ sa NCR?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Puwede pa rin po. Iyong IATF ID kasi po natin ay iyan po iyong pinasimple na binigay noon itong mga APOR natin. Even though sinasabi nga natin, basic ID and certificate of employment are already enough para po sa mga worker APOR natin, ito pong IATF ID na iyan kahit po iyan ay expired na, iyan po naman ay puwede pa rin na gamitin.

Gusto ko lang pong liwanagin po ha na iyong IATF card na iyan, itong ID na ito, ito ay just like any ID. Pero kahit po kayo ay nabibilang or kayo ay empleyado ng permitted industry ay dapat lamang na kung kayo ay lalabas ay work-related iyon. Alam ninyo po kasi kagaya po sa atin sa media, sa ECQ ay dapat po ay sa utmost 50% iyong ating nasa nagtatrabaho and some of them or iyong natitira ay dapat work from home. Meaning to say, kung kayo po ay work from home ay hindi po kayo APOR kasi working from home nga kayo eh so hindi po kayo dapat lumabas at para ipakita na mayroon kang ID. That holds true with other employees of permitted industries or establishments, hindi porke kayo ay nabibilang doon … kung tutuusin kahit ang pulis kung off-duty ka, na ikaw ay naka-leave ay hindi ka rin APOR at hindi ka puwedeng lumabas. Same and true with other … kahit po mga healthcare workers na—

except for emergency purpose, pero kung naka-leave at nasa labas po sila doing other things not their job, hindi rin po sila APOR. So maliwanag po dapat nalalaman iyan ng bawat isa.

USEC. IGNACIO: Opo.

SEC. ANDANAR: Salamat po sa inyong panahon, PNP Chief Guillermo Eleazar. Mabuhay po kayo, sir!

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Maraming salamat din po.

SEC. ANDANAR: Samantala ay pansamantalang magpapaalam muna tayo sa programa. Makakasama ninyo pa rin si Undersecretary Rocky Ignacio para sa iba pang mga mahahalagang usapin. Take it away, Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Ingat po kayo and stay safe.

Samantala, muli na naman pong nadagdagan ang supply ng bakuna sa bansa matapos dumating ang panibagong batch ng CoronaVac mula China. Dumating sa NAIA Terminal II bandang alas siete kagabi ang isang milyong doses ng Sinovac vaccine. Sinalubong ito ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na muli namang nagpaalala sa publiko na huwag magpapadala sa maling impormasyon.

Samantala, para sa pinakahuling update sa pagdating ng bakuna at vaccination sa bansa, muli po nating makakausap si COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Secretary Vince Dizon. Good morning, Secretary.

SEC. DIZON: Good morning, Usec. Rocky [garbled]

USEC. IGNACIO: Opo. Sec. Vince, alam ko may iaanunsiyo kayo na magandang balita. Ano po iyon? Go ahead, Secretary.

SEC. DIZON: [Technical problem]

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, babalikan ko po kayo ‘no. Sayang po iyong ating report, hindi po maganda ang ating linya ng komunikasyon. Aayusin lang po namin, Secretary.

Sa iba pang balita: Ikinatuwa ni Senator Bong Go ang paglalabas ng pondo na gagamitin para sa mga nagka-severe ng adverse reaction mula po sa COVID-19 vaccine. Tiniyak din niya sa publiko na mas higit na mapanganib ang virus kaya hindi dapat matakot sa bakuna. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: [Garbled] na ipinatutupad ng Caloocan City ang no walk-in policy sa bakunahan ng Lungsod ngayong Enhanced Community Quarantine. Pagtitiyak naman ni Vaccine Czar Carlito Galvez sa ating mga kababayan, madaragdagan pa po ang mga COVID-19 vaccine na darating sa bansa. Ang sitwasyon doon, alamin natin mula kay Patrick de Jesus. Patrick?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Patrick de Jesus. Samantala, balikan na po natin si Secretary Vince Dizon. Secretary, alam po namin na kayo ay magandang anunsiyo tungkol sa naging takbo ng ating bakunahan. Go ahead po, Secretary Vince.

SEC. DIZON: Opo, Usec. Rocky. Unang-una po [technical problem]

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, babalikan po namin kayo. Kami po ay humihingi ng paumanhin sa inyo, ano po. Babalikan namin kayo, talaga lang pong hindi naiintindihan ang inyong mga sinasabi.

Samantala, ang mga kababayan po natin sa Bulacan ang pinuntahan naman po ng outreach team ni Senator Bong Go kamakailan. Mahigit sa isanlibong residente nito ang nakatanggap ng ayuda tulad ng face mask, face shield at grocery items; ang iba pang ahensiya ng pamahalaan, namahagi rin po ng hiwalay na tulong para sa ating mga kababayan. Panoorin po natin ito.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin ulit si Sec. Vince Dizon. Secretary, go ahead po.

SEC. DIZON: Maraming salamat, Usec. Rocky.

Maganda iyong balita natin, Usec. Rocky. Kahapon, nag-break tayo ng record ng bakunahan sa buong bansa. Ang previous record natin ay 700,000, kahapon ay naka-break tayo at 710,482 po ang ating naiturok na bakuna sa ating mga kababayan kahapon.

Napakalaking bagay po ninyo lalung-lalo na ngayon papasok tayo ng ECQ and marami tayong mga kababayan na kailangan talagang mabigyan natin ng proteksiyon laban sa Delta variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Vince, kagabi lang po ay dumating itong isang milyong Sinovac vaccine. Kailan po natin inaasahang mari-release ang Certificate of Analysis nito at saang mga lugar po ito planong ilalaan?

SEC. DIZON: Inaasahan po natin sa mga susunod na araw, hopefully sa weekend ay makukuha na natin iyong Certificate of Analysis para mabakuna na natin itong mga bakuna na galing sa China kahapon. Ang priority natin dito ay iyong mga high-risk area lalung-lalo na ang Iloilo, ang Cagayan de Oro, ang Laguna pati na rin iyong mga area na under ECQ. [Garbled]

USEC. IGNACIO: Secretary Vince, kahapon po napabalita naman ang pagdagsa ng ilan nating mga kababayan sa mga vaccination sites. So, ano po ang paalala ninyo sa publiko ngayong marami na po talaga iyong mga nagnanais na mabakunahan na?

SEC. DIZON: Unang-una, nananawagan kami sa ating mga kababayan na dapat hindi po sila naniniwala sa mga fake news na inilalabas ng mga hindi mabubuting tao na ang gusto lang mangyari ay magkagulo at hindi maging epektibo ang ginagawang pagbabakuna ng gobyerno.

Verified po natin na may naglabas ng fake news, ito ngang ‘walang bakuna walang ayuda’ kaya dumagsa ang mga kababayan natin galing sa iba’t-ibang lugar sa labas ng Metro Manila papunta sa Las Piñas, sa Antipolo, sa Maynila at sa iba’t-iba pang mga siyudad. Sana po huwag tayong maniniwala sa mga ganitong fake news.

At para sa iba naman nating mga kababayan na ang objective lamang ay manggulo, huwag naman po sana. Hirap na hirap po ang ating mga kababayan ngayon, hirap na hirap po ang bansa dito sa threat ng Delta variant, sana naman huwag nilang gagawin iyon.

At warning ninyo rin ito na dahil mayroon pong mga reports na natanggap si Secretary Galvez, kami po ay nag-usap kaninang umaga, mayroon po tayong natatanggap na unverified report na kailangang imbestigahan po natin na mayroon daw pong mga masasamang elemento na nanadyang magsabotahe ng mga vaccination site lalo na sa mga mall sa Las Piñas, Antipolo, sa Maynila at iba pang lugar dahil dumagsa daw po sa loob ng mga bus at mga van ang mga taong ito at ito po ay iimbestigahan ng National Task Force sa pamumuno ni Secretary Galvez sa tulong ng ating DILG.

Ang panawagan lang po talaga natin sa mga ganitong klaseng mga ginagawa ng iba nating kababayan: Maawa naman po kayo sa ating bansa, maawa naman po kayo sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary, simula ngayong araw nga po iyong pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila, may target po ba kayo kung ilan iyong posibleng maisagawang test para sa mabilis na detection and isolation? Kasi nakita po natin katulad niyan binanggit ninyo may isang bus na dumating para allegedly gawan ng hindi maganda iyong ating mga vaccination sites. Pero doon sa mga video na nagvi-viral, pati photo, talagang nakita po na siksikan. So, ang talagang gustong magpabakuna dahil, ang sinabi nga, dahil sa report na walang ayuda kung walang bakuna. So, papaano po ang ating gagawing pagti-test dito sa mga ito na posible pong maging pagkalat pa ng virus?

SEC. DIZON: Tuluy-tuloy naman po ang testing natin lalo na sa ating mga LGUs at sa iba’t-ibang mga laboratoryo hindi lamang sa NCR kung hindi sa buong bansa. Mahigit po 55,000 ang average natin ngayon, tumataas pa iyan, napaka-importante niyan. Pero ang importante din na kailangan magtulungan ang ating mga LGU at ang National Government para siguraduhin na nami-maintain pa rin natin ang minimum health standard.

Pero alam ninyo, Usec. Rocky, kapag mayroong mga nananadyang magsabotahe ay mahirap talaga iyan. Kaya ang panawagan talaga natin, huwag nating gagawin ito at pipilitin nating makipag-ugnayan sa ating mga LGU para makontrol natin ng mabuti ang mga bakunahan natin at mai-test kung may mga sintomas ang mga kababayan natin at ma-isolate po agad.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pareho po ba, RT-PCR and antigen test, ang isasagawa natin dito sa mga ECQ areas?

SEC. DIZON: Opo, parehas po iyan. Kagaya noong ginawa po natin noong surge noong Marso at Abril, tuluy-tuloy po ang detection natin. Pero uulitin natin, kailangan tuluy-tuloy ang pag-practice ng minimum health standards, ang pag-detect, mabilis na isolation at ang treatment. Pero ang dagdag na panlaban natin ngayon lalo sa Delta variant ay ang pagbabakuna. Kaya dapat po talaga paigtingin natin ang pagbabakuna pero sana naman po wala naman pong mga kababayan natin na magsasamantala para lang manggulo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong po si Maricel Halili ng TV5: Palinaw po ulit daw iyong policy sa ‘walang bakuna walang quarantine pass.’ May video daw po kasi sa Facebook na nagpapakitang hindi nag-iisyu ng quarantine pass sa residente kung walang bakuna. Allegedly ito raw po ay sa Barangay Sentral, Quezon City. Ano po ang puwedeng gawin ng residenteng nakakaranas nito?

SEC. DIZON: Ire-report po natin, tatawagan po natin ang Lungsod ng Quezon City. Hindi po pupuwede iyan, wala pong ganiyan ‘no. Ang rules natin sa ECQ ay patas whether ikaw ay bakunado o hindi, patas po iyan. At ang gusto po natin sa ECQ kung hindi kinakailangan lumabas ng bahay ay huwag lalabas ng bahay. Pero iyong mga kinakailangan lumabas para gawin ang mga essential na activity tulad ng pagbili ng pagkain, pagbili ng gamot, makapagtrabaho sa mga essential industry eh whether bakunado po o hindi ay makakalabas po. Kailangan lang po mag-ingat tayong lahat – magsuot ng mask, magsuot ng face shield at mag-ingat po ‘pag lumalabas o kapag kailangan nilang lumabas.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong po si Tuesday Niu ng DZBB: Wala bang planong dagdagan na rin ang supply ng bakuna sa mga karatig lalawigan ng NCR tulad ng Bulacan at CALABARZON? Kasi ang kakulangan daw ng supply ng bakuna sa kanilang lugar ang dahilan kung bakit sila nagpunta dito sa Metro Manila para magpabakuna.

SEC. DIZON: Unang-una po, limitado po talaga ang supply natin ng bakuna pero kasama po ang mga karatig probinsiya ng NCR tulad ng Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna… aabot na ng Pampanga pati Batangas sa priority areas. So magpapadala po, tuluy-tuloy po ang pagdi-deploy natin ng bakuna kaya nga po nakikita natin eh tuluy-tuloy po ang pagtaas ng nababakunahan natin araw-araw.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pahabol po ni Leila Salaverria ng Inquirer: Puwede po bang elaborate iyong sinasabing plan to sabotage vaccination? Iyong mga dinalang tao doon, ano ang pinapagawa daw po sa kanila at pinipilit po ba silang pumila sa bakuna kahit hindi registered?

SEC. DIZON: Iimbestigahan po iyan ngayon. Ito lang ay base sa mga report na nakuha ng ating Vaccine Czar, iyan po ay iimbestigahan natin nang masinsinan para malaman natin kung totoo ito at kung sino man ang gumawa nito ay mahuli natin at maparusahan kasi napakasama po talaga ng ganiyang mga ginagawa lalung-lalo na panahon na hirap na hirap ang bansa natin, hirap na hirap ang mga kababayan natin dito sa threat ng Delta variant at ng mga kaso ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong muling pagsama sa amin, Secretary Vince Dizon. Mabuhay po [garbled].

SEC. DIZON: Maraming salamat, Usec. Rocky. Stay safe po sa ating mga kababayan. God bless po.

USEC. IGNACIO: Dinagsa nga po kahapon ng mga nais magpabakuna ang ilang mga vaccination sites sa Metro Manila kung saan hindi nga po nasunod ang physical distancing base sa impormasyon na natanggap ‘di umano ng ating mga kababayan na hindi sila makakakuha ng ayuda kung hindi bakunado. ito’y agad naman pong [garbled] ng DILG at para po linawin iyan, muli po nating makakasama si DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Welcome back, Usec.

DILG USEC. MALAYA: Yes. Usec. Rocky, magandang umaga sa lahat ng tagasubaybay natin.

USEC. IGNACIO: Naku alam ko po na kayo na naman ay abala katulad ng mga nakaraang taon eh tayo po ay nasa ECQ na at alam kong talagang tututok na naman kayo, Usec.

Dahil nga po na kumakalat itong mga fake news, ilang mga kababayan natin mula sa iba’t ibang mga lugar sa loob at labas ng Metro Manila ang dinayo ang [garbled] ng vaccination sites sa NCR na nagbabaka-sakaling mabakunahan kaya po nagsiksikan at nabale-wala iyong ating health protocols. May balak po ba daw iyong Metro Manila [garbled] na ipa-swab iyong mga nagpuntahang tao sa vaccination site kahapon para matiyak kung—naku huwag naman ano po, na nagpakalat pa sila ng virus doon?

DILG USEC. MALAYA: Well, unang-una, Usec., mahihirapan po tayong magkaroon ng contact tracing or testing noong mga nagpunta dahil kung saan-saan po sila nanggaling. Actually po, ang report mula sa Manila LGU ay may mga naghatid pa daw, bus-bus daw po iyong dumagsa ‘no, may naghatid pa nga daw pong sasakyan na bus para doon sa mga taong iyon. So ito pong mga reports na ito ay pinapaimbestigahan na natin, nakiusap na po ang MMDA sa National Bureau of Investigation para matukoy po kung sinuman itong nagpakalat nitong fake news na ito.

At kami rin po kahapon, si Secretary Eduardo Año ay nagbigay ng direktiba kay Chief PNP General Eleazar na utusan ang Anti-Cybercrime Group, ang CIDG at iba pang mga unit ng Philippine National Police para matukoy po itong nagpakalat ng fake news na ito.

Kasi kung totoo pong organisado ito ay maawa naman po sila ‘no sa ating bansa dahil hindi lang po sila nakakasira ng through fake news, nakakasira pa sila ng ating vaccination program, puwede pang maging super spreader event itong pangyayaring ito.

So we are warning ‘no kung sinuman po itong mga ‘to, hinahanap po kayo ngayon ng NBI at ng Philippine National Police and we will do our utmost para po mahuli kayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang ibig ninyo sabihin, Usec., ito pong mga nagpunta sa mga vaccination site, talagang hindi po mga taga-NCR?

DILG USEC. MALAYA: Opo, halo-halo po kasi ‘no. Kahit po sa media noong in-interview iyong iba mayroon pong taga-Cavite, mayroon pong taga-Laguna, mayroon pong mga taga-labas ‘no. So nagtataka po ang LGU ‘no pati po si Manila Mayor Isko Moreno ay nagtataka bakit may ganitong bulto-bultong mga tao na galing sa labas ng Maynila in addition of course doon sa mga taga-Maynila na pumila ‘no.

So ang takot po namin ‘no, huwag naman sana, ay may nag-organisa nitong pangyayaring ito para isabotahe ang vaccination program hindi lamang ng mga LGUs kung hindi ng pamahalaan; and we are taking this very seriously dahil this is a serious threat not only to public health but also to our national security.

USEC. IGNACIO: Opo. ‘Pag sinasabi ninyo pong pagsabotahe sa ginagawa ng pamahalaan, ano po iyong nakikita ninyong motibo bakit kailangang isabotahe ito pong ginagawa na pagkilos ng pamahalaan para po sa ating mga kababayan?

DILG USEC. MALAYA: Well, iyon nga po iyong gusto nating malaman, malaman po natin ang puno’t dulo. You know, Usec. Rocky, I would not want to ascribe any bad motive on anyone ngunit nakapagtataka lang po ‘no na medyo nakita natin na may nagpakalat talaga nito na ikinunekta ang ayuda sa vaccination ‘no. Wala naman pong ganiyan ever since ‘no na kesyo matitigil ang vaccination dito sa Maynila at kailangan bilisan nila ang magpabakuna so—and then mayroon pang reports na may mga bus na nakasakay iyong mga magpapabakuna at dinala sa iba’t ibang bakuna centers.

So ito pong mga ganito, as the DILG, hindi po namin puwedeng ibalewala ‘no. We have to get to the bottom of this and hopefully nga po ma-dispel ito ‘no. But just in case na mayroon ganito ngang efforts, this must be thoroughly investigated at gaya nga po ng sabi ko, both the NBI and the PNP have joined forces to investigate this matter.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nakita po natin talaga iyong pagdagsa sa mga vaccination center. Hindi po ba natin pinag-iisipan muli itong pagsasagawa ng house-to-house strategy para maiwasan po iyong ganitong scenario? At least man lang po doon sa ating mga senior citizen na nahihirapang magpunta sa mga vaccination sites.

DILG USEC. MALAYA: Yes, Usec. Tuloy ang ating house-to-house vaccination para sa mga bedridden ‘no. Lahat po ng LGUs as far as I know sa Metro Manila at sa mga karatig lugar ay gumagawa po ng house-to-house vaccination – pero para lang po iyan sa mga bedridden, iyong hindi makalabas ng kanilang mga bahay. Ngunit hindi nga po natin puwedeng gawing massive ‘yan dahil hindi naman po ganoon karami ang ating mga vaccinators and malaki pong manpower ang kakailanganin natin.

Kahit po iyong pag-transport na lamang ng mga bakuna, isipin po natin kung Pfizer ang ating ibabakuna, we have to keep the temperature at hindi po kailangan nagagalaw ‘yan nang ganoon na lamang. So this is a logistical issue na unfortunately hindi po natin makakaya ang house-to-house.

So mayroon na po tayong mga interventions na ginawa dahil panahon naman po ng lockdown sa araw na ito, mayroon po tayong mga instructions sa ating kapulisan na kailangan padaanin sa mga checkpoints natin ay iyong may mga QR code at iyong may mga schedule ng pagbabakuna whether email po ‘yan or text, ipakita lang po ninyo iyan sa mga kapulisan para makadaan kayo. Iyong ganoon pong klaseng checkpoint system natin ay ang magpipigil sa mga pagdagsa ng mga tao na walang schedule sa ating mga vaccination centers.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Malaya, hingi lang po kami ng update kung nai-download na iyong ayuda sa mga LGUs? May final guidelines na rin po ba tayo para sa distribution? Iyan din po ang tanong ni Pia Gutierrez ng ABS-CBN.

DILG USEC. MALAYA: Opo. We expect po ngayong araw na mailabas na ang pondo mula sa Department of Budget and Management ‘no. Ngayon pong araw inaantabayanan namin iyong SARO and NCA noong ayuda for Metro Manila. So iyon pong mga—and after that, hinihintay na rin naman po namin iyong local budget circular from the DBM. Immediately after that po, maglalabas ng guidelines ang DILG, DSWD and DND; kapareho lang naman po iyong sistema natin noong nakaraang taon. Na-brief na rin po namin iyong mga mayors the other day about the system in the distribution, so mabilis na lang po ito.

Ngunit let us give, Usec., the LGUs more time. Kasi po ang LGUs po, sila po talaga ang magdi-distribute niyan, so they would need to organize their distribution teams. They will need to set up the distribution points. Iyon kanila pong listahan, kailangan ayusin nila so kailangan pong i-mobilize nila iyong kanilang mga disbursing officers and most importantly iyong cash. Kasi po kahit po iyong pera ay nasa bangko kung wala naman pong paper bills/cash, ang ating mga bangko, ang LandBank na ganoon kadami ngayong araw na ito, hindi rin po masisimulan iyong pamimigay ng ayuda.

So as I said, Usec., let’s give the LGUs a little bit more time for the distribution. Kung lalabas po ang SARO ngayong araw, I am confident na sa susunod na linggo ay masisimulan na po ang pamimigay ng ayuda ng ating mga local government units.

USEC. IGNACIO: Opo. Aarangkada na daw po ulit ang mga community pantry pero house to house or rolling store style ang gagawin. Ano po ang masasabi [technical problem]

DILG USEC. MALAYA: Yes, Usec. Iyan po ang guidance ni Secretary Eduardo Año sa lahat, sa publiko na welcome po ang mga community pantry. Ngunit dahil po sa banta ng Delta variant at para hindi na po maulit iyong super spreader event na nangyari noong ayuda 1 or noong lockdown noong Abril at Marso, dapat po ang pamimigay ng ayuda ng community pantry this time, during this lockdown ay house to house. At dapat lang pong makipag-ugnayan ang mga community pantry organizers sa mga local government units, sa ating kapulisan at sa barangay para po matulungan sila sa pamimigay ng ayuda.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Malaya, bigyan-daan ko lang po iyong mga tanong ng ating kasamahan sa media. Mula po kay Harlene Delgado ng UNTV, pareho po sila ng tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News: Kung ano raw po iyong naging basis doon sa show-cause order na ipinalabas kay Manila City Mayor Isko Moreno? At bakit po bigla rin itong binawi ng DILG?

DILG USEC. MALAYA: Opo, nagpaliwanag na po diyan si Usec. RJ Echiverri ng DILG kung saan sinabi po niya na nagkaroon ng inadvertent issuance ng show-cause order last January. Doon po sa kaniyang withdrawal order na ipinadala kay NCR Regional Director Agustin ay inilahad na po doon na at that time, when the audit was done, it was Mayor Erap Estrada who was the mayor. Therefore, he ordered the withdrawal of the show-cause order which was issued by his office.

Ibig pong sabihin, hindi na po kailangan sagutin ni Mayor Isko Moreno ito dahil inamin na po na ito po ay honest mistake on the part of the office of Usec. Echiverri at ng kaniyang staff.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon din po ang naging tanong ni Bea Bernardo ng PTV. Tanong naman po ni Leila Salaverria ng Inquirer: Has the LGU determine what the issuance of the show-cause memo versus Mayor Isko Moreno? What does the DILG say to the view that the Department seems to be targeting the Mayor?

DILG USEC. MALAYA: Well, diyan po, gusto ko pong linawin iyan ‘no. Kasi nagpaliwanag na nga po si Usec. Echiverri that it was an honest mistake. So since mistake po ito, wala po tayong kailangan ditong i-ascribe as any political motivation. And I can assure the public and I can assure Manila Mayor Isko Moreno na wala po itong hint or tint of political motivation.

Ang DILG po, sa pangunguna ni Secretary Eduardo Año, we are fair, unbiased and transparent. At the same time, with as much as possible, try our best to be honest. And we are very truthful in saying when we found out na naisyu nga po iyon inadvertently, kaagad-agad pong binawi ni Usec. Echiverri iyong show-cause order na iyon and he has taken steps to rectify that order.

Nakikita naman siguro po ng publiko iyong naging sequence of events ‘no: Kahapon po lumabas iyon; napag-usapan po namin iyon kagabi; at kaagad-agad po nagbigay ng instruction si Secretary Eduardo Año for the withdrawal of the said show-cause order; at ngayon pong umaga ay ni-release kaagad-agad ni Usec. Echiverri iyong withdrawal. So kung makikita naman po ng publiko kung gaano po kabilis and transparent and honest ang DILG, I hope this also proves to the public na ang DILG po ay fair, transparent and unbiased, at wala pong bahid ng kahit anong pulitika ito pong pagkakamaling nagawa ng opisina po ni Usec. Echiverri.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Ivan Mayrina ng GMA News: Is DILG parang mag-a-apologize pa? Will DILG apologize?

DILG USEC. MALAYA: Well, since the office of Usec. Echiverri already admitted the mistake, so in behalf of Usec. Echiverri, we would like to extend our apologies to Mayor Isko Moreno for the erroneous show-cause order that was issued by Usec. Echiverri’s office.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni [garbled] Villanueva ng Philippine Star: If 2018, will DILG re-issue memo versus former Mayor Erap Estrada?

DILG USEC. MALAYA: Well, wala pa po akong impormasyon tungkol diyan, on that matter. Pag-uusapan po siguro namin with Usec. Echiverri kung ano naman ang magiging sunod na hakbang related naman diyan sa 2018 findings.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Kris Jose ng Remate: Para po sa layuning mapabilis ang pagbabakuna at masulit ang dalawang linggong ECQ, pabor po ba ang DILG at PNP sa walk-in vaccinations o lahat po ba ng NCR LGUs ngayon ay no walk-in policy kagaya po sa report kanina sa Caloocan dahil sa nangyari kahapon?

DILG USEC. MALAYA: Opo, nagkasundo na po ang MMDA at ang mga Metro Manila mayors na given na lockdown po ito at para hindi na po magkaroon pa ng dagsa ng tao sa mga vaccination centers na kailangan po ay may QR code, for example, sa Manila, may QR code. At sa iba pa pong mga lugar, kailangan po kayong vaccination schedule ‘no, mayroon po kayong confirmed vaccination schedule.

So tama po kayo, ang mga LGUs po ay mahigpit nang magpapatupad nang hindi pupuwede ang walk-in sa panahon po ng lockdown para nga po hindi na magkaroon ng dagsaan ng mga tao, at baka ito ay maging super spreader event pa.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at siyempre sa inyong paglilinaw, DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Ingat po, Usec.

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat at mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang sitwasyon sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila ngayong umiiral na ang ECQ. Bukod kasi sa mahigpit na health protocols, isa sa mga tinitiyak ay tanging mga APOR lamang ang makakabiyahe. Ang detalye mula kay Karen Villanda. Karen?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat at mag-iingat kayo, Karen Villanda.

Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa.

Base po sa report ng DOH kahapon, August 5, 2021: Umabot na sa 1,627,816 ang total number of confirmed cases matapos itong madagdagan ng 8,127 na mga bagong kaso. Dumoble naman po sa 196 ang bilang ng mga naitalang nasawi kahapon kaya umabot na sa 28,427 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman nating gumaling ay umakyat na sa 1,532,494 matapos itong madagdagan ng 4,343 new recoveries kahapon. Ang active cases naman natin sa kasalukuyan ay 66,895.

Base naman po sa bio surveillance report ng Philippine Genome Center as of August 4: Nadagdagan ng 116 ang mga kaso ng Delta variant sa bansa. Sa kabuuan umabot po sa 331 cases ang na-detect na tinamaan ng mas nakakahawang Delta variant, siyam diyan ang nasawi habang 11 naman po ang naitalang active cases; 130 naman po ang bagong naitalang Alpha variant, 122 cases naman ang naidagdag sa Beta variant, habang sampung kaso naman po sa P.3 variant.

Karamihan po sa mga medical frontliners ay nabakanuhan na. Paano ba sila naghahanda ngayong muli na namang naitatala ang pagtaas ng kaso sa ilang mga lugar sa bansa? Para kumustahin po natin ang sitwasyon ng ating mga health care workers, makakasama po natin si Dr. Benito Atienza ng Philippine Medical Association.

Good morning po, Doc!

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Good morning sa inyo lahat diyan!

USEC. IGNACIO: Doc, bilang paghahanda po sa posibleng epekto ng Delta variant, nag-expand po ng capacity ang mga ospital sa bansa pero kasabay po niyan iyong kakulangan o pangangailangan naman sa medical health workers. Kayo po sa PMA, paano ninyo po tinutugunan lalo na sa Visayas at Mindanao Region?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Actually, ang inaano namin ngayon kasi nga nagka-meeting kami noong isang araw, ang nagkakaproblema kami doon sa CDO, sa Cagayan de Oro tapos itong ano natin in Central Visayas sa Cebu at saka iyong naiulat ngayon umaano na naman iyong Western Visayas, ito iyong Iloilo.

Kaya pinapaalalahanan namin ang mga doktor na mag-iingat kasi sila ay may bakuna kasi puwede pa rin siyang mahawa kaya ang magandang balita ay hindi naman tayo talagang—ang mga nabakunahan na talagang wala namang symptoms ngayon at saka nag-iingat na rin sila. Ang nagiging ano lang nila ay talagang napapagod. Katulad ng lumabas na mga pictures doon sa Cagayan de Oro, tinanong namin kung totoo ba iyon, iyong ibang mga pasyente ay nasa pasilyo na at nasa parang halos labas na ng ospital na naglalagay sila ng mga beds.

Kaya ang panawagan natin sa mga kababayan natin may bakuna o hindi ganoon pa din ang gagawin, iyong minimum health protocol po natin gagawain pa rin. Iyong pagsuot ng mask, maglagay ng face shield at iyong distancing. Lalo na po iyong ipinakita po na ano sana—lalo sa bakunahan po dapat tayo ay may social distancing po lalo kapag closed area ang inaanuhan po. Iyong mga pupunta doon dapat iyong magpapabakuna lang at iyong may oras.

At nakakasigurado po kayo ang aming 117 societies ay tumutulong po sa pagbabakuna sa mga different areas kahit po ECQ ngayon sa NCR at saka mga ibang panig ng bansa ay naruroon po sila at tumutulong po. Nag-a-average po iyong mga binabakunahan na [garbled] ng 1,500 to 2,000, umaabot pa minsan ng 3,000 per day sa isang area sa mga malls.

USEC. IGNACIO: Ah okay. Pero Doc, tama po ba ito, may mahigit isandaang health care workers po daw sa Cebu ang tinamaan ng COVID-19? Sa mga ganitong sitwasyon po na kailangan nilang mag-quarantine ano po strategy para kahit papaano po ay matugunan pa rin po iyong mga pasyente?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Ang ginagawa nila, ina-isolate sila kasi positive sila kahit may bakuna pero ang maganda naman kasi may bakuna na sila, hindi naman sila nagiging—asymptomatic sila. Kaya lang ang ginagawa natin kasi is regular pa rin silang ina-RT-PCR lalo na iyong mga na-e-expose. Iyong mga ospital kasi ginagawa iyong mga doktor nila o mga nurses, iyong parang every two weeks ang rotation, diretso silang magdu-duty doon para kapag after duty nila, off na sila, wala silang work, para magpahinga at mag-quarantine kasi wala naman silang sintomas eh [garbled] symptoms.

Ang kailangan natin katulad ng [garbled] ang Department of Health, iyong HRH natin na humihingi kami ng tulong doon sa mga graduate na mga nursing na mag-apply kasi mayroon tayong mga nursing graduates na pasado kaya nga lang sa iba-ibang area or field nagtatrabaho. Iyong iba sa bangko, iyong iba hindi nagwo-work. Ini-encourage namin sila na mag-apply sa DOH kasi mas malaki ang incentives. Actually, ang nagkukulang ngayon ng mga nurses lalo ay iyong private kasi iyong mga nasa private hospital lumilipat sa mga government hospital kasi mataas sa kanila ang incentives.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, by this time na marami po sa ating frontliners ang nakapagpabakuna na, masasabi po ba natin na kahit papaano ay mentally prepared po ang ating mga health care workers sa pagtugon sa mga COVID patients?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Mentally prepared naman at as usual po, kahit ako kapag ako nag-a-admit ng pasyente katulad ngayon may tumawag sa akin ia-admit, talagang napaka-ingat na namin. Lahat ng aming mga pasyente kahit saang ospital ngayon ay dadaan sa screening; kung bata pati iyong nanay o iyong magbabantay may RT-PCR at kung wala pang resulta ay nasa ano muna sila sa isang area na naghihintay pa ng resulta. Kung sila ay magpo-positive iyong pasyente ay ilalagay sa COVID ward kung hindi naman sa regular ward na para magkahiwalay talaga.

At saka napaka-ingat natin ngayon sa paghihistorya kung saan nanggaling at saka dapat isipin natin ngayon na kapag nagka-COVID ka baka variant iyan. Eh iyong variant lalo iyong Delta mas mabilis makahawa. Lalo ngayon dapat sa isip natin hindi lang po iyong sintomas ng ano po ang ating pag-uukulan ng pansin, hindi lang po iyong sintomas ng COVID kasi dumadami na rin po ang ating dengue ngayon. Ako, as a pediatrician, iyong aming census ngayon na dati po, two months ago, eh mga 8 to 10 lang kasi COVID time nga, mas maraming inalis sa COVID, ngayon po ang census namin umaabot na ng 30/35 eh kasi nga iyong ibang rooms ay ibinigay na natin sa COVID.

Dumadami po ang kaso ng Dengue, iyon po ang alalahanin natin na kapag may lagnat po ang ating mga anak o iyong mga bata kahit matanda ay ipa-check-up po natin kasi ang binabantayan natin sa Dengue ay kapag wala ng lagnat ay doon po bumabagsak iyong tinatawag nating platelet count na kapag kung bumaba ay iyon ang nagiging sanhi ng pagdudugo, nagsusuka iyong bata, nilalagnat, ayaw kumain, sumasakit ang tiyan, iyan din po. At saka mayroon po tayong mga times na nag-o-overlap po iyong dalawang sakit o tatlong sakit. Puwede siyang may pneumonia at the same time may Dengue at the same time na COVID din.

Pero ngayon po na-note natin dumadami na rin po ang kaso ng COVID sa mga bata. Ako po mayroon akong three months old na nag-positive sa COVID, nahawa sa mga kasama sa bahay. Ganoon po, kaya dapat kahit sino po ay puwedeng mahawa sa COVID kaya po pinapaalalahanan natin ang ating mga kabataan na less than 18 years old at iyong matatanda 65 and above, kasi sila iyong vulnerable. Ito po kaya vulnerable naman po iyong mga 18 and below kasi wala pa silang bakuna at puwede silang mahawa sa matatanda.

USEC. IGNACIO: Doc, sa ganitong panahon din last year ano po nang humingi ng timeout ang medical community. Pero ngayon po, mas naging maagap ang gobyerno sa pagdideklara ng ECQ bago pa po iyong – huwag naman mangyari – inaasahang surge ng mga kaso dahil sa Delta variant. Ano po ang masasabi ng PMA sa naging strategy na ito ng pamahalaan at may nais po ba kayo sanang imungkahi pa?

PMA PRESIDENT DR. ATIENZA: Ang ano lang natin i-improve natin is sana iyong mungkahi natin na dagdagan pa ang tulong sa mga doktor at saka iyong sa mga nagkakasakit at saka itong nagkaka-COVID na mga ano natin lalo na’t kalunos-lunos ang mga nangyayari like here in Batangas, apat o lima na po naming municipal health officers ang namatay due to COVID. Sana po ay mabigyan po sila ng tamang compensation kasi iyon po, talagang nagsi-serve sila sa community. At ang talaga pong nakakaano na po sa aming mga doktor, ito pong sila na iyong nagti-treat ng COVID tapos at the same time pa, sila ang namamahala sa pagbibigay ng bakuna sa ating mga kababayan.

Iyon lang po, sana lalo pang pag-ibayuhin [iyong pagbibigay] incentives sa kanila. Kasi ano rin po, ‘di ba sabi nga natin, tao lang po ang mga doktor; iyan po ay hindi naman po pusong bato, ano rin po, kung minsan ay naba-bash pa kami sa media, napapagalitan. Sana po mahalin natin ang mga doktor kasi during this time of pandemic po, iyan po ang ating ano eh, kahit ano po ang mangyari, nandidiyan po ang mga doktor para sa ating mga Pilipino at para sa kalusugan po.

At alalahanin po natin, this time of pandemic, marami pang problema sa health. Nandiyan iyong ngayon ay Lung Month, kaya dapat iano natin, pag-ibayuhin pa rin natin. Marami po tayong mga kababayang may tuberculosis, tapos nagnu-pneumonia kaya ang kailangan pa rin natin ay magpabakuna tayo hindi lang po iyong sa COVID, lalo po iyong mga bata na two years old and below, lalo iyong mga bagong panganak, iyong mga three months, iyong mga infant. Ang infant po ay less than two years old, dapat bakunahan po iyan. Huwag kayong matakot. Ang ano po ay dapat bakunahan ang mga bata para doon sa mga ibang sakit kasi lalo ngayon uso ang pneumonia kaya dapat bigyan ng anti-pneumonia. At saka itong sa flu, marami rin po, lalo iyong mga matatanda, dapat nagpapabakuna sila ng anti-flu.

At iyon po ay inaano natin kasi ngayong month na ito, August, inaalala natin iyong adolescent vaccination. Dapat mapa-increase din po iyan. Ito ang tamang timing na pag-ibayuhin natin ang pagbabakuna hindi lang po sa COVID, para po ito sa ibang sakit. Kasi iyong bakuna po, nalalaman natin ngayon, siya ang panlaban natin sa sakit. Kapag may bakuna tayo, lesser po ang [tiyansa] na mahahawa tayo doon sa mga sakit na iyan. At available naman po ang mga bakunang iyan sa ating health centers.

USEC. IGNACIO: Opo. Alam mo, Doc Atienza, kami po ay sumasaludo sa mga katulad ninyo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong naging panahon at pagbabahagi ng impormasyon sa amin. Ang PMA President Dr. Benito Atienza, mabuhay po kayo at kami po ay sumasaludo sa inyo.

DR. BENITO ATIENZA: Maraming salamat po. At asahan po ninyo na palagi po kaming makikipag-ugnayan sa inyong programa, at nagpapasalamat kami, para maihatid po itong mga kaalamang ito para sa ating mamamayan lalung-lalo na sa September po ay magdiriwang kami ng 118th Foundation Day, ang Philippine Medical Association ang pinakamatandang organisasyon ng mga doktor dito sa buong Pilipinas. At magkakaroon din po kami ng two weeks na Medicine Week po para ipaabot po ang mga kaalaman sa pagbabakuna. Hindi lang po iyan, marami po kaming mga inihandang programa para sa ating mamamayan in this time of pandemic po.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Doc.

Samantala, sitwasyon naman sa Central Visayas ang tinutukan ni John Aroa ng PTV-Cebu. John?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, marami sa ating mga negosyante sa sektor ng agrikultura ang namumroblema pagdating sa pinansiyal lalo na ngayong may pandemya. Kaya naman po bukas sa Ani at Kita, alamin natin ang mga programa ng Kagawaran ng Agrikultura para po tugunan ang pinansiyal na pangangailangan ngayon pong may pandemya.

[VTR]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center