Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas at sa buong mundo. Ngayong ikalimang araw ng pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine ng Metro Manila, alamin naman natin mamaya ang iba pang detalye patungkol dito lalo na ang lagay ng mga ospital at ang pangakong ayuda ng pamahalaan para sa mga apektadong mamamayan; ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO. Good morning, Usec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Bukod diyan, makikibalita rin tayo sa pinakahuling kaganapan sa lalawigan ng Bataan na noong isang araw po ay isinailalim na rin sa ECQ.  Magandang umaga po sa inyong lahat; ako naman po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO!

SEC. ANDANAR: Simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa harap ng banta ng Delta variant, iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mahalagang sumunod sa health protocols para mapigilan ang mabilis na COVID-19 transmission. Kaugnay niyan, bagong paghihigpit ang ipinatutupad sa Metro Manila dahil bawal muna ang paglabas para mag-ehersisyo, ang kabuuang detalye mula kay Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, sa serye ng pamamahagi ng ayuda sa Bohol Province ay muling hinikayat ni Senator Bong Go ang ating mga kababayan na makibahagi sa National Vaccination Program ng pamahalaan. Aniya, ngayon higit kailan man mahalaga ang pagbabakuna dahil sa banta ng Delta variant. Narito ang detalye:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Gaya ng mga nagdaang lockdown, muling naglaan ng pondo ang pamahalaan upang tugunan ang pangangailangan ng mga kababayan nating apektado ang kabuhayan dahil sa Enhanced Community Quarantine at para pag-usapan ang panggagalingan ng budget para diyan, makakausap natin si Department of Budget and Management Spokesperson Asec. Rolando Toledo. Magandang umaga po sa inyo, Assistant Secretary.

DBM ASEC. TOLEDO: Magandang umaga, Sec. Martin. And magandang umaga sa ating mga tagapakinig.

SEC. ANDANAR: It’s good to see you once again, Asec. Sa dami ng kinailangang pagkagastusan ng pamahalaan dahil sa pandemya, saan ninyo po hinugot itong 10.89 billion pesos na inilaan ninyong pondo para sa ECQ cash aid dito sa Metro Manila?

DBM ASEC. TOLEDO: Tama po kayo, Secretary. Nakapag-release po ang DBM ng 10.894 billion noong nakaraang Biyernes na cash aid po natin ito sa residente [garbled]. Kinuha po ito sa pondo mula sa certified savings po natin noong fiscal year 2020 continuing appropriations, alinsunod din po sa ating Administrative Order # 41. At iyan po ay na-download na po natin iyan sa ating mga LGUs dito sa NCR. Tapos siyempre po naka-bangko na po ng ating mga LGUs po.

SEC. ANDANAR: ASec., itong ten billion plus budget ay hindi pa kasama ang para sa lalawigan ng Laguna at Bataan na idinagdag sa ECQ status, tama po ba?

DBM ASEC. TOLEDO: Yes, tama po kayo, Secretary, hindi pa po kasama diyan sa 10.89 billion na ni-release po natin noong Biyernes. Sa ngayon po, iyong para sa Laguna po ay na-determine na po ang amount na around 2.715 billion at doon din po sa Bataan na-determine na po, that’s around 700 billion [sic] at ito po ay ipinadala na po namin iyong memorandum to the President para maaprubahan po iyan at pagkatapos po iyan ay iri-release na rin po natin sa mga LGUs sa ating Lalawigan ng Bataan at Laguna.

SEC. ANDANAR: Okay. Magsasabay ba ang pamamahagi ng ayuda sa Metro Manila at sa iba pang mga naka-ECQ na lugar kagaya ng Laguna at Bataan?

DBM ASEC. TOLEDO: Secretary, kagaya po ng nabanggit ninyo kanina, nai-release na po namin iyong para sa NCR noong last week, Biyernes. So, sa ngayon po ang alam ko po pinaghahandaan na po ng mga taga-Metro Manila ang pag-release nila po ng kanilang mga ayuda para sa kanilang nasasakupan.

Iyong para sa Bataan at saka sa Laguna po, nabanggit ko po kanina na ito po ay hinihingan pa po namin ng approval from the Office of the President. So, sa amin naman po sa DBM nakahanda na po kami, hinihintay lang po iyong approval ng ating Presidente na i-release po natin iyong alokasyon para sa Bataan at Laguna.

And hopefully if the approval will be received today ay mai-release na rin po namin ngayong araw na ito o siguro pinaka-latest na po bukas ng umaga po para of course, maumpisahan na rin ng ating mga LGUs sa Laguna at Bataan.

SEC. ANDANAR: Mayroon din bang request, ASec, para sa Iloilo, Cagayan de Oro, Gingoog City –  pasensiya na po kailangang itanong ko dahil kanina kausap ko iyong Cagayan de Oro at iyon din ang kanilang tinatanong – at nasa magkano po na-download na pondo ng DBM sa mga lokal na pamahalaan para po sa dagdag na ayuda para sa ECQ?

DBM ASEC. TOLEDO: Secretary, kung ito po ay inaprubahan na po ng IATF o na-determine na na sila ay will be placed under the ECQ po, siyempre po as a policy po natin, lahat po ng dini-declare po na under ECQ, sila po ay makakatanggap ng karampatang ayuda.

So, sa ngayon po, if ever po we’ll just await for that, at the same time ire-request din po namin uli sa Office of the President iyong authority to release that fund to that particular LGUs po.

SEC. ANDANAR: All right. Puntahan naman natin si Usec. Rocky para sa mga media questions.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., may tanong po si Tuesday Niu ng DZBB: Pinapaklaro lang po niya kung magkano talaga ang pondo sa Bataan: 700 billion o 700 million? Bilyon daw po ang nabanggit ninyo, ASec.

DBM ASEC. TOLEDO: Sorry, 0.700 billion, so, ibig sabihin 700 million po. Pasensiya na po dito, nalilito na rin po ako dito. So, iyon po, 700 million po, kasi iyong aming memorandum kasi in billions po kaya nalilito po. Pasensiya na po doon. 700 million po just to clarify po, Usec. Rocky. Thank you.

USEC. IGNACIO: Secretary Martin?

SEC. ANDANAR: Sakaling ma-extend itong lockdown sa Metro Manila at iba pa pong lugar, may pondo pa ba tayong makukuha upang makapagbigay pa ng cash aid sa mga residenteng pinakamaaapektuhan ng lockdown?

DBM ASEC. TOLEDO: On that question, Secretary Martin, siyempre po gagawin ang lahat ng paraan po para makalikom po tayo ng budget para maibigay iyong kinakailangang pondo para sa ating ayuda kung saka-sakaling ito pong ECQ sa Metro Manila ay magpapatuloy. Kasi nga po, iyan po iyong ating policy po sa atin na bibigyan po natin ang atin mga kababayan ng ayuda kung ang kanilang lugar ay mailagay under ECQ po.

SEC. ANDANAR: Dumadaing din si Labor Secretary Silvestre Bello III na mag-allocate ng additional na P2 billion para sa cash assistance naman sa mga manggagawang apektado ng ECQ sa Metro Manila. May maibibigay pa ba ang DBM sa kanila?

DBM ASEC. TOLEDO: Okay. Secretary, kasalukuyan pong inaaral po ng DBM po ang special budget request po ng DOLE para sa cash assistance ng mga manggagawang affected by ECQ sa Metro Manila. Ngunit gusto ko lang po namin idiin po o i-emphasize na maaari po namang gamitin ng DOLE ang natitirang balanse po mula sa kanilang budget para pondohan ang nasabing cash aid.

Ngunit kung sakaling wala na po talaga silang balanse, titingnan po natin mula sa kanilang financial accountability report, puwede naman po nating i-augment ang kanilang budget, subject of course, to the approval ng ating Presidente. So, iyan po ang puwede nating gawin, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Kumusta naman po ang preparasyon ninyo para sa 2022 National Budget? Ina-anticipate ninyo na rin ba ang mga ayuda para sa susunod na taon lalo na’t nagbabago ang takbo ng paglaban natin sa COVID-19?

DBM ASEC. TOLEDO: Okay. Sa kasalukuyan po, hinahanda na po at pina-finalize na po ng DBM ang fiscal year 2022 National Expenditure Program at iba pang related budgetary documents na inaasahan po naming maisumite sa Kongreso [choppy a/v] iyong thirty days na constitutional deadline. Kaya naman ang target date namin sa submission ay tinitingnan po namin ang August 23, 2021 para i-submit po iyong ating budget for fiscal year 2022.

Now, patuloy din pong pupondohan ng post National Budget ng 2022 or National Expenditure Program ang mga social protection program ng gobyerno tulad ng ating mga Pantawid Pilipino Program at saka iyong sustainable livelihood program ng DSWD at iba pang mga social services po natin.

So, iyon po, makakaasa po ang ating mga mamamayan na may pondo naman po para sa ating mga pondong pang-social protection program, Secretary.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong pagpapaunlak, ASec. Rolando Toledo, ang spokesperson ng DBM. Mabuhay po kayo, ASec. and please keep safe.

DBM ASEC. TOLEDO: Thank you rin, Sec. Martin, sa pagkakataong ito. Magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Good morning. At ito po muna ang talakayang pagsasaluhan natin ngayong Martes ng umaga. Mag-ingat po tayong lahat at lagi po nating sundin ang health protocols. See you all tomorrow. Usec. Rocky, please go ahead.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Ingat po kayo.

Samantala, ilang lugar sa Quezon City ang isinailalim sa special concern lockdown dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases sa harap naman ng paghihigpit na ipinatutupad ngayon. May mga grupong patuloy sa pagtulong tulad ng mga empleyado ng PAGCOR na nagbigay ng ayuda sa mga frontliner sa lungsod. Ang detalye niyan mula kay Louisa Erispe. Louisa?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe. Louisa, ingat kayo ha.

Simula August 8 hanggang 22, isasailalim na rin sa Enhanced Community Quarantine ang lalawigan ng Bataan matapos aprubahan ng IATF ang apela ng provincial LGU na ipatupad ang mas mahigpit na quarantine restriction sa kanilang lugar, kaya ating kumustahin ang sitwasyong pangkalusugan ngayon sa lalawigan kasama po si Ms. Angel Ortiz Luis mula po sa Provincial Information Office. Magandang umaga po!

BATAAN PIO MS. ORTIZ LUIS: Hello. Good morning, Usec. Magandang umaga po. ‘Ayun po, update ko lang po kayo sa bagong mga kaso natin dito sa ating lalawigan po ng Bataan. Right now po ang active cases po namin ay umakyat na po sa 2,291; tapos po ang new cases po as of noong kahapon po is nasa 87 po; 1,308 po diyan ay nanggagaling sa Mariveles which is under ECQ with heightened restrictions po ang Mariveles. So iyon po ngayon iyong total active cases po natin dito sa ating lalawigan.

USEC. IGNACIO: Ms. Angel, bakit tingin ninyo lumobo ang bilang ng mga may Delta variant sa probinsya; tama po ba ito?

BATAAN PIO MS. ORTIZ LUIS: Ay, opo. Ngayon po ang total Delta variant po na na-test ng Genome Center is nasa 34 po which is majority rin po nito ay nanggagaling rin po dito sa bayan ng Mariveles being the center rin po ng industrial zone ng ating probinsya kung saan nandoon po iyong Freeport Area of Bataan kung saan po nandoon iyong mga factories natin. Isa po siguro sa contribution nito is siyempre po alam naman po natin sa mga factory naka-dorm po sila so magkakasama po sila. So kahit po kung may isang mahawa po sa opisina nila, pag-uwi po nila, iyon po hawa-hawa na po sila. So I think iyon po iyong isang naka-contribute.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Angel, sinabi mo 34 ang bilang ng Delta variant cases sa Bataan, sa lugar ninyo.

BATAAN PIO MS. ORTIZ LUIS: Yes, po.

USEC. IGNACIO: Kumusta po iyong lagay nila; nasaan po sila ano po iyong—ito po ba’y sila’y nakakaranas nang severe; kumusta po sila, itong 34?

BATAAN PIO MS. ORTIZ LUIS: Actually po itong total na 34, ito po na po iyong panlimang batch namin simula noong nagsimula iyong Delta variant. So 31 po doon ay recovered na, tapos dalawa naman po doon iyong nasawi natin. Isa na lang po actually iyong active case which is okay naman po iyong lagay niya ngayon, on his way to recovery na po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero iyong contact tracing po dito sa na-expose sa active case, kumusta naman po; nasaan po sila ngayon?

BATAAN PIO MS. ORTIZ LUIS: Tuluy-tuloy po ngayon—kasi po since sa isang lugar nga lang po sila, actually po tumutulong na rin po pati ang private sector doon sa pagsu-swab ng kunyari po, ang naging source po kasi ng infection sabihin ko na po, from a construction company. So lahat po iyon talagang in-isolate at lahat po noong empleyado na iyon naka-quarantine na at saka nag-PCR test na po lahat iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Ms. Angel, kumusta iyong utilization rate sa mga ospital; manageable pa rin po ba ngayon?

BATAAN PIO MS. ORTIZ LUIS: Right now po I would say na we’re trying to manage it kasi as of last week po, magbi-base na lang po ako dito sa data ng DOH, last week pa po ‘to, August 4 – 75% na po iyong occupancy rate ng mga ospital natin; 62.4% iyong sa mga dedicated COVID natin ang occupied na rin. So that was last week po, nasa moderate level po iyong ating mga hospitals.

So I would assume po baka nasa high risk na po ngayon because dito po iyong saan po iyong epicenter, iyong Mariveles. Mga 3 days na po, nasa 100% na po iyong utilization ng Mariveles kaya lahat po nagpupuntahan dito sa apex hospital ng probinsya which is the Bataan General Hospital which is medyo pila na rin ho ang emergency. Kaya even wala po akong data ng DOH pa, siguro po baka nasa high risk na rin po at this time.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Ms. Angel, papaano ninyo po pinaghandaan itong posible ngang masailalim na rin kayo sa high risk?

BATAAN PIO MS. ORTIZ LUIS: Actually po noong weekend, even last week, nakikipag-coordinate na po kami dito sa Bataan Medical Society kung saan po nagbigay na po sila ng mga commitment kung ilan po iyong mga puwede naming i-transfer at ilan pa po iyong—iyong 30% po nila eh sana po, nakiusap po iyong ating Governor na madagdagan pa po iyong capacity nila to accommodate more COVID patients po.

So mayroon na po kaming mga ganoong pag-uusap at saka bukod po doon anytime now maa-active na rin po iyong One Hospital ng Bataan gamit din po iyong service delivery network ng BGH, apex hospital, para po madali po iyong communication sa mga dadalhing pasyente doon sa mga bakanteng ospital.

So, so far iyon po. At bukod po doon, itong BGHMC po, naglaan na rin po ang probinsya ng—iyong isa pong opisina ng Provincial Health Office in-extend na po namin iyan para gawing emergency ng Bataan General Hospital po.

USEC. IGNACIO: Opo. So, mga ilan po iyong kakayaning tanggapin nitong mga ginawa ninyong paghahanda na ito, pagri-ready na ito?

BATAAN PIO MS. ORTIZ LUIS: Ang pagkakaalam ko po is iyong sa pinaghahandaan po ngayon na emergency hospital, extension ng Bataan General Hospital nasa 80, 80 beds po. At bukod pa po iyong mga idadagdag po ng mga—kinomit ng mga hosp—siguro po more or less additional 50 beds po iyong na-commit ng ating mga private hospitals para po ma-accommodate iyong ating mga COVID patients po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ma’am, kumusta naman po iyong vaccination turnout doon sa inyong lalawigan?

BATAAN PIO MS. ORTIZ LUIS: Ah, naku ito. Actually ang total jabs po na na-administer na po is nasa 244,000 na – of which 118,000 po dito ang fully vaccinated na po. So actually as we speak, ongoing po ngayon iyong 22nd na vaccination site po ng province dito po sa may PENELCO. So, nakikipagtulungan din po tayo sa mga private sector para dumami pa iyong mga vaccination sites po, kasi umaasa po kami na talagang dadagsa po talaga iyong mga bakuna na ipinangako rin po ng national government.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat, Ma’am, sa inyong panahon. Miss Angel Ortiz Luis mula po sa Bataan Provincial Information Office, keep safe po. 

BATAAN PIO MS. ORTIZ LUIS: Okay, maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, gumagamit na rin ng body cameras ang mga pulis na naka-deploy sa mga checkpoint. Ito ay para matiyak na walang pang-aabuso na mangyayari sa mga border control points. Ang ulat na iyan mula kay Bea Bernardo. Bea?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong ulat, Bea Bernardo. Mag-iingat ha!

Samantala, Pangulong Duterte inaprubahan ang paglalabas ng pondo ng mga guro sa pampublikong paaralan para sa kanilang World Teachers’ Day Incentive Benefit, narito ang report.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, as of 4PM kahapon, umabot na sa total count na 1,667,714 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa; 8,900 sa mga ito ang bagong naitala kahapon; 7,937 naman ang mga bagong gumaling mula sa COVID-19 kaya naman umabot na ito sa 1,560,106 total recoveries; anim lamang ang naitalang nasawi kahapon kaya umabot na ito sa 29, 128 total deaths. Sa kasalukuyan, nasa 4.7% ng kabuuang bilang ang nananatiling active cases, ito po ay katumbas ng 78,480 na katao.

Good news naman po, dahil base sa pinakahuling report ng DOH at ng National Task Force Against COVID-19, pumalo na sa 24,479,750 doses ang dami ng COVID-19 vaccines na naibakuna na sa bansa;  13,087,781  dito ang nabigyan ng first dose, samantalang 11,391,969 naman nag fully vaccinated  na  laban sa COVID-19. Sa nakalipas na pitong araw, umabot naman sa 516,601 ang daily average vaccination sa buong bansa.

Ilan po sa ating mga ospital sa kasalukuyan ang kinukulang na sa kapasidad dahil sa patuloy na paglobo ng mga nagkaka-COVID-19 sa bansa. Isa na nga rito ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium o kilala din po bilang Tala hospital.

Kumustahin po natin ang kanilang lagay, kasama ang Medical Director na si Dr. Alfonso Victorino Famaran Jr. Magandang umaga po, Doc?

DR. FAMARAN: Magandang umaga po, Ma’am, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Doc, ang alam ko po ang Tala Hospital ay talagang naghanda para dito po sa inaasahang pagdagsa ng mga magkakasakit, dahil na rin po sa banta na dala ng Delta [variant]. Pero unahin ko na lang po iyong tanong ni Patrick De Jesus ng PTV: Kailan po ninyo naramdaman iyong muling pagdami ng mga kaso ng COVID-19 na isinusugod sa Tala Hospital at ilan po ba ang mga naka-admit ngayon na mga COVID patients sa inyo at saang mga lugar sila nanggaling? Doc. Famaran?

Babalikan po natin si Dr. Famaran, ayusin lang po natin ang ating linya.

Samantala, puntahan na po natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan sa PBS Radyo Pilipinas. Kasama po natin si Ria Arevalo.

[NEWS REPORT]        

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas. Samantala, balikan na po natin si Dr. Famaran. Dr. Famaran?

DR. FAMARAN, JR.: Magandang tanghali po ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., unahin ko itong tanong ni Patrick de Jesus ng PTV: Kailan ninyo daw po naramdaman iyong muling pagdami ng kaso ng COVID-19 na isinusugod na sa Tala Hospital; at ilan po iyong mga naka-admit na Covid-19 patients, saan posible galing? Kasi Doc., ang alam ko ang Tala Hospital ay referral hospital po ng COVID sa One Hospital command; tama po ba?

DR. FAMARAN, JR.: Tama po. Ma’am, bale po tumaas po iyong kaso namin started two weeks ago ma’am. So, compared po doon sa second wave, iyong increase po ngayon medyo mabilis po, iyon ho iyong nangyari.

Ngayon po ang COVID beds namin dito is 520 beds for COVID-19 patients mostly for moderate, severe, and critical cases. Sa ngayon po, nasa 252 patients of our 520 beds po.

USEC. IGNACIO: Opo. So, hindi po kayo nagkukulang ng bed utilization at kayo po ay handang-handa—tama po ba ito Doc., sakaling tumaas iyong bilang ng mga magka-COVID?

DR. FAMARAN, JR.: Yes Ma’am, tama po iyan ma’am. Kasi iyong Hospital po ng Tala, ito po iyong minandate ni Secretary Duque, at ni Assistant Secretary Dr. Bong Vega, na pure COVID hospital po ‘no, to cater for COVID-19 patients, moderate to critical. Tumatanggap kami ng patients, from… dati ho NCR, Metro Manila lang, ngayon kahit saan po tatanggapin namin basta dumaan lang po sa One Hospital Command Center po ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. So, ang ibig ninyong sabihin Doc., hindi basta pupuwedeng pupunta sa inyo lalo’t kung hindi naman COVID patients. Kaya ang tatanggapin ninyo lang po ay may mga COVID na ire-refer po na manggagaling sa One Hospital Command; tama po ba?

DR. FAMARAN, JR.: Yes Ma’am, yes ma’am. Kasi po iyong hospital na ito is for COVID-19 positive patients lang po, moderate to critical cases lang po, wala po kaming non-COVID patients po dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Base po sa inyong datos, ilan po iyong severe at karamihan ba sa mga nagkakasakit ay unvaccinated?

DR. FAMARAN, JR.: Ma’am sa datos namin ma’am, sa 252 patients na admitted 179 or 71% ay not vaccinated; 18 patients of the 252 partially vaccinated or 7%; 55 of the 252, 22% ng pasyente is fully vaccinated; ito po iyong datos ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. So, ano pong mga age group itong lalo na iyong sa mga severe or unvaccinated, Doc?

DR. FAMARAN, JR.: Iyong range nila ho dito sa mga severe critical ma’am nasa range ng 40 hanggang 60 years old po.

USEC. IGNACIO: So, kumusta naman po iyong lagay ng mga vaccinated na nagkaroon ng COVID, nasaan po sila ngayon; sila po ba ay moderate or severe?

DR. FAMARAN, JR.: Ma’am, nasa 95% po ng fully vaccinated at saka partially vaccinated po, nandito po sila kategorya na moderate po ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Patrick De Jesus: ilang percent po ang admitted sa inyo from COVID-19 within pediatric age?

DR. FAMARAN, JR.: Sa pediatric po, ang nakatala po namin sa datos dito is 8 over 252.

USEC. IGNACIO: 8 patient po?

DR. FAMARAN, JR.: 8 patients po ma’am, 8 patients po.

USEC. IGNACIO:  Ang nandiyan po sa Hospital ng… na back-up.

DR. FAMARAN, JR.: Yes Ma’am, yes ma’am. Opo, opo.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta po iyong lagay nitong ng mga batang ito Doc.?

DR. FAMARAN, JR.: Ma’am iyong, itong 8 ma’am. Tsinek po namin iyong mga datos namin, nandito po sila sa moderate to severe cases po.

USEC. IGNACIO: Ito po bang mga batang ito ay may comorbidities o papaano po sila mapunta na sa moderate to severe?

DR. FAMARAN, JR.: Ma’am, iyong iba po wala naman pong comorbidities pero late na po nagpatingin kaya nag-develop na po sila ng complications po ng COVID-19 infections po.

USEC. IGNACIO: Nakakalungkot po iyon. Pero, marami po ba sa ating mga health workers ninyo ang nagkakasakit ng COVID-19 o dahil bakunado na po sila, ay hindi na po katulad ng dati ang sitwasyon Doc.?

DR. FAMARAN, JR.: Ma’am, ito nga po ang nakakalungkot ma’am. Iyong aming hospital vaccination rate is 98.5%, okay po?

Ngayon po, currently iyong health care workers namin na with COVID-19 infections nasa 35. Tiningnan po namin iyong aming contact tracing report, 100% po or 35 over 35 lahat po community acquired, wala pong nahawa dito sa loob ng hospital ma’am.

USEC. IGNACIO: Nasaan po sila ngayon at kumusta po iyong operasyon ngayon ng Hospital kung medyo marami rami sa ating health workers ay kailangang mag-quarantine or mag-isolate muna?

DR. FAMARAN, JR.: Ma’am, nasa 90 to 95% noong mga nahawa po ay hindi naman po konektado po sa COVID-19 wards po. Karamihan po nasa finance division at saka po sa hospital operations support area po.

USEC. IGNACIO: So, wala po itong epekto sa operasyon ng Tala Hospital?

DR. FAMARAN, JR.: Wala po, wala po.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., nakita ninyo po iyong kalunus-lunos na sitwasyon sa ibang mga bansa na tinamaan ng Delta variant bagama’t iyong official nilang bilang ng Delta cases sa atin ay wala pa sa libo. Sinasabi ng mga, kalat na ito sa ating komunidad. Tingin ninyo Doc., itong two weeks na naka-ECQ tayo ay nagamit talaga natin para maihanda ang health care system para po sana huwag naman, sa sinasabing surge?

DR. FAMARAN, JR.: Ma’am, ito po iyong pananaw ng, pananaw ko po dito no. Number one po, iyong mga in-admit kong pasyente dito, wala po akong datos or document na iyong mga ina-admit ko ay mayroon pong variant na Delta, kasi manggagaling po iyong report na iyon sa Philippine Genome Center.

So, ina-assume lang namin na Delta variant na lang iyong aming ina-admit dito. Number two, iyong pag-ECQ po dito sa NCR, malaking tulong po ito para maiwasan po natin iyong pagtaas or pagkahawa-hawa ng mga kababayan natin when it comes to having COVID-19 infections po, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin, kayo po ay mag-iingat din at sumasaludo po kami sa mga katulad ninyo na talagang patuloy na tumutulong sa ating mga kababayan para po labanan itong COVID-19. Maraming salamat po Dr. Famaran.

DR. FAMARAN, JR.: Yes Ma’am, anytime po Ma’am. Thank you po. 

USEC. IGNACIO: Samantala, mahigpit pong binabantayan ng Philippine Coast Guard ang Bauan Bay sa Batangas kung saan nakaangkla ang Ro-Ro passenger ship na may lamang higit 20 crew members na positibo sa COVID-19.  Ika-7 ng Agosto ng dumating sa Batangas ang barkong Saint Anthony De Padua mula sa Caticlan at pinatatakbo ng kumpanyang 2Go Travel.

Pero dito nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 ang isa sa mga tripulante nang isinailalim sa RT-PCR Test, positibo ang crew sa COVID-19 at sumunod na nagpositibo ang 27 pa nitong mga kasamahan. Tatlo sa mga ito ay dinala sa ilang hospital at quarantine hotel at ang iba naman po ay nananatiling nasa loob ng barko.

[VIDEO CLIP]

Dumako naman tayo sa pinakahuling balita sa hilaga. Mula sa PTV-Cordillera, magbabalita si Eddie Carta. 

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Para sa kaganapan sa Visayas, may report si John Aroa. 

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Alamin natin ang latest update naman sa mga nangyayari sa Region XI. Magbabalita si Hannah Salcedo. 

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Hannah Salcedo.

Maraming salamat sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako pong muli ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)