Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Ilang maiinit na balita’t impormasyon ang muli nating tatalakayin ngayong araw ng Miyerkules, August 18, 2021, ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Mga usapin tungkol sa epekto ng COVID-19 sa ating ekonomiya, budget, mga ospital at frontliners ang sama-sama nating tututukan ngayong umaga, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Inilatag na ng pamahalaan ang nilalaman ng panukalang pambansang budget para sa susunod na taon. Pangunahin pa ring tinutukan dito ay ang pagpapalakas sa COVID-19 response. Ang kabuuang detalye niya mula kay Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Utos ni Pangulong Duterte na gawing prayoridad ang benepisyo para sa mga healthworkers dapat ipatupad agad. Ayon kay Senator Bong Go, healthworkers pinuri sa kanilang sakripisyo at serbisyo sa pagliligtas ng mga buhay ng mga Pilipino. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Samantala, isa nga sa hinaing ng mga medical frontliners ngayon ay ang matagal na nilang hindi natatanggap na mga benepisyo na nakapaloob sa Bayanihan 2, kaya naman ang Kongreso nagsagawa nang sariling imbestigasyon tungkol dito. Kaugnay niyan makakausap natin si Marikina 2nd District Representative Stella Luz Quimbo. Magandang umaga po sa inyo, Congresswoman.

REP. QUIMBO: Good morning po Secretary Martin at sa lahat ng nanunood, good morning po.

SEC. ANDANAR: Congresswoman, kumusta po ang naging initial inquiry ng House Committee on Public Accounts kahapon with COA and DOH at kahit paano po ba ay nagkaroon na ng linaw sa issue ng higit 67 billion pesos budget na na-flag ng Commission on Audit?

REP. QUIMBO: Well yesterday naman po ‘no, nag-report ang COA ng kanilang 12 audit findings at ang ginawa naman po ng DOH ay nagbigay sila ng kanilang sagot sa bawat isa. At lumalabas naman po na kahit paano, of the 12, mayroong apat doon na naresolba na; mayroong tatlo na partially resolved; mayroong isa na mostly resolved; at mayroong apat na ongoing compliance. So kahit paano naman po may progress sa pagtugon [garbled].

Pero sa amin naman, ako particularly ang naging importante lang naman na tingnan is number one mayroon pa bang natitirang pera kasi siyempre as mentioned in your word, maraming healthcare workers na umaasa pa sa kanilang mga benefit sa Bayanihan 2 – so that’s one. And number two is kung mayroong audit observations man, kailangan talagang ma-address immediately kasi kung hindi, magriresulta ito sa isang—sa mga disallowances at ang magiging kawawa po diyan ang mismong mga empleyado ng mga kagawaran na nag-implement [garbled].

SEC. ANDANAR: All right. Nabanggit ninyo na po, Congresswoman, iyong goals po ninyo sa Congressional hearing. Sa palagay po ba ninyo, Congresswoman, the Commission on Audit should at least cut some slack on the government agencies lalo pa’t sinabi ni Presidente rin na once na nai-flag mo ‘yan eh parang naakusahan mo na na nagnakaw iyong tao na hindi naman nagnakaw. Ano po ba ang dapat gawin especially during this time na we are under state of public health emergency?

REP. QUIMBO: Well, una sa lahat, buti naman po nag-release ng press statement ang COA na ibig sabihin naman ng COA report or iyong mayroong audit observations is not necessarily finding of corruptions. At least, maliwanag iyon.

Number two, doon mismo sa hearing, ang COA Chair ay mismong nagsabi na kung mayroong mga problema tulad noong mga requirements na napakabigat daw according to the DOH doon po sa pagbayad ng benefit sa healthcare workers, ang sabi ng COA Chair, “Eh, puwede naman nating pag-usapan hindi ba para nang sa ganoon mas maging maluwag nga to your point.

So, I think bukas naman ang COA sa ganiyang possible solution, especially now nga na may pandemic. So, sana naman magkaroon lang, at least, ng isang lumabas na maganda doon sa hearing yesterday. At least nagkaroon ng ganoong openness on the side of the DOH, on the side of COA, to have that conversation precisely to facilitate ito pong spending and especially for our healthcare workers.

SEC. ANDANAR: Congresswoman, sa ngayon naman daw po ay ginagawan na ng paraan ng DOH ang SRA and in fact, according to Undersecretary Bong Vega, more than 380,000 health workers na raw po ang nakatanggap ng SRA na nakabase sa listahan ng mga regional offices and hospitals. Ano po ang reaksiyon ninyo dito, Congresswoman?

REP. QUIMBO: 13.5 billion pesos ang naka-set aside and noong tinanong ko kung magkano ang pondo, ang sabi nila 368 million. So, of that amount, it’s a small proportion relative to the 13.5. So, in short, iyong karamihan ng 13.5 billion ay naibayad na doon sa 387,000 workers. Eh, ang problema, Secretary Martin, napakarami pang hindi nakakatanggap.

So, that was one of the things that we asked – Ilan ba ang healthcare workers natin? Unfortunately, hindi sila nakasagot. The data that I have it’s either it could run from [garbled] up to 695,000. So, in short, mayroon pa ring maraming hindi nakakatanggap.

So, I think the [garbled] is iyong 368 million na natitira under Bayanihan 2 gawan natin ng paraan para maibayad na agad-agad. Another, which is a more difficult question: Saan pa kaya tayo makakakalap ng maraming pondo doon po sa libu-libong healthcare workers [na hindi] pa nakakatanggap.

SEC. ANDANAR: All right. Dahil po nag-lapse na itong Bayanihan 2 June 30 pa lang, puwede pa bang mahabol ang budget na nakapaloob dito para sa mga medical frontliners?

REP. QUIMBO: Well, ako ang pagtingin ko, Secretary Martin, is kailangang maglabas ng authorization ang Congress, kasi ang Congress ang mayroong power of the purse. Kasi [nakapaloob sa] Bayanihan 2 na by June 30, all unobligated and all unpaid, ibig sabihin lahat ng natira na-obligate man pero hindi naibayad ay kailangang ibalik sa Treasury. May ganoong provision sa Bayanihan 2 and that’s the reason why itong alleged na 68 million na natira out of the 13.5 billion is with the Treasury.

So, sa aking palagay, kailangan ng authorization. Pero kung kailangan man palagay ko mabilis lang gawin especially kung halimbawa ma-certify as urgent. And naging maliwanag naman sa pahayag ng Pangulo na kailangang i-prioritize. So, sa tingin ko, kung ano man ang kailangan whether it’s an authorization from Congress or perhaps if there are other available work around, eh sana ipaalam sa amin kaagad. Baka naman hindi kailangan ng batas, baka hindi kailangan ng resolution from Congress, baka naman [garbled] ay mayroong work around. Sana iyan ang malaman [garbled].

SEC. ANDANAR: Ano po ang maaaring gawin po naman ng DOH sa computation ng SRA para hindi nagrireklamo ang ating medical frontliners na kakarampot lang ang nakukuha nila?

REP. QUIMBO: Well, actually in fairness with the DOH noong nag-submit sila doon sa Bicam ng Bayanihan 2, mayroon naman silang inasam na, I think 20 or 25% of the salary na tingin ko that should be a reasonable amount of SRA. Kaya nga lang dahil 13.5 billion ang total lamang na inilaan, I think they were asking for 18, eh kailangan na lang nilang pagkasyahin iyon.

So, for example, kung let’s say 526,000 nga ang healthcare workers, deserves the hazard pay, kung i-divide mo iyong 13.5 billion by the 526,000, eh lumalabas mga 25,000 per worker. So, kahit papaano, Secretary Martin, baka masabi naman natin na reasonable na muna iyong 25 at baka puwede na lang dagdagan in the future. So, iyon po.

I think in the end ang amount na matatanggap ng bawat worker is a budget-driven. So, in the end, kailangan talaga pagtulungan ng maraming branches of government nang masigurado na tama o sapat ang pondo para diyan.

SEC. ANDANAR: The Congressional probe could take some time, Congresswoman. Sa ngayon po ay ano ang kayang immediate solution ang nakikita ninyo na puwede munang gawin para i-appease ang ating mga medical frontliners at maibigay na agad ang dapat na sa kanila?

REP. QUIMBO: Ang sa akin, iyong natitira ngang pondo because hindi available, hindi na natin kailangan ng halimbawa certificate of fund availability. Alam na alam natin na iyong 68 [million] na iyan, if that’s the correct number, is readily available. So, kung ano ang necessary steps to [garbled] eh gawin na nang mabilis. And guideline, because ang reklamo hindi maliwanag ang guidelines.

Iyan ang reklamo ng mga hospitals kasi ang nangyari doon, Secretary, is for the private workers, ibinigay iyong responsibility of identifying beneficiaries doon sa mismong hospitals pero ang sabi naman ng hospitals, hindi maliwanag. Ano ba talaga ang qualification? Sinu-sino ba ang puwedeng mag-qualify for these allowances?

Pero ang sa akin kasi maliwanag din doon sa Bayanihan 2 hindi po tayo nag-discriminate, ang nakasulat doon: “Allowances would be made available for public and private healthcare worker.” And healthcare worker is broadly defined. In other words, it’s as inclusive as it can possible get, pero [hindi iyan ang] naging paliwanag sa maraming hospital which is why a number of hospitals only gave a few number of targeted beneficiaries.

So, may ganoon. So, that is something that’s easily addressed by making the guidelines very clear. In fact, that’s one of the COA findings and ang [mandato lang niyan] on the part of the DOH is ongoing compliance.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po, Congresswoman Stella Quimbo. Mabuhay po kayo, Ma’am.

REP. QUIMBO: Kayo din po, mabuhay po, Secretary. Salamat!

SEC. ANDANAR: At iyan po muna ang balitang hatid ko sa inyo ngayong umaga. See you all tomorrow. Usec. Rocky, take it away.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.

Samantala, bagama’t bahagyang bumaba po, umabot na rin sa higit 10,000 ang nadagdag sa mga kaso ng COVID-19 sa bansa kaya sa kabuuan ay umabot na ito sa 1,765,675 total cases; 10,858 naman po ang mga bagong gumaling mula sa sakit at 96 ang nasawi. Dahil dito, 92.3% ang total cases ang recovered na o 1,629,426; habang 1.7% o 30,462 ang mga nasawi. Ang mga active cases naman po ay nasa 6% o katumbas ng 105,787.

Dalawang araw na lang po at matatapos na ito pong nakatakdang dalawang linggong Enhanced Community Quarantine na ipinatutupad dito sa Metro Manila. Ano nga ba ang aasahan nating susunod na mangyayari sa rehiyon?

Kaugnay niyan, alamin natin ang palagay at mungkahi ng medical adviser to the National Task Force against COVID-19, Dr. Ted Herbosa. Magandang umaga po, Doc Ted!

DR. HERBOSA: Magandang umaga, Usec. Rocky, at saka belated happy birthday.

USEC. IGNACIO: Thank you. Doc., sa palagay ninyo ay masasabing naging effective na po itong two-week ECQ natin dito sa Metro Manila kung ang pagbabasehan po ay itong reproduction rate at daily reported cases?

DR. HERBOSA: Sana ano, kasi noong nag-ECQ tayo noong unang ECQ last year at itong pinakahuling ECQ nitong Abril, inabot ng sampung araw bago bumaba iyong kaso. So, tayo na ngayon nagtala tayo ng 10,000 iyong ni-report mo, from many days na over 14,000, parang mga tatlong consecutive days iyan na 14,000. Tapos kahapon bumaba na and tapat naman siya sa pang-11thna araw natin.

So, mukhang may tulong iyong ating ginawang ECQ. Sana tuluy-tuloy ito at hindi dumami kasi naalala ninyo mayroon tayong mga super-spreader event just before nag-implement tayo ng ECQ, iyong mga nagkagulo dahil sa fake news. So, baka lumabas din iyong mga positive doon at makadagdag.

So, sana tuluy-tuloy na iyong pagbaba at madalian ang desisyon ng IATF na luwagan ang ating quarantine.

USEC. IGNACIO: Opo. So, August din noong nakaraang taon, Doc, ng nagpatupad nga ng ECQ dito sa Metro Manila, dahil sa request ng mga medical workers ano po.

Pero ngayong naka-ECQ tayo, bakit sa palagay ninyo ay parang overwhelmed pa rin po ang ating healthcare system? Dahil po kaya ito sa Delta variant o kakaunti lang po iyong nababakunahan o dahil medyo may kaluwagan po ang ECQ kumpara po iyong ECQ, Doc, na ipinatupad natin last year, magkaiba po sila ngayon?

DR. HERBOSA: Maganda, USec. Rocky iyong mga observation mo and I will start with the Delta variant. Tama ‘no, base sa huling report ng Philippine Genome Center almost 800 plus na iyong nag-positive as Delta variant sa full genome sequencing at umaabot na ng almost 40 plus percent ang mga samples, mga bagong samples na dine-detect nila na mukhang driven na talaga itong pagdami ng kaso natin dahil sa mas nakakahawang Delta variant.

So totoong iyong Delta nakadagdag ‘no, kaya ang tataas ng numero natin ng new cases at nagkasabay-sabay, Usec. Rocky; last year—last August, parang NCR muna, tapos sumunod iyong mga ibang lugar.

Ngayon nakita natin mayroon tayo sa Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas at Mindanao na pagdami ng mga kaso. So, parang nagsabay-sabay kaya kahit bumababa na sa NCR parang tuloy iyong 14,000 a day in the past few days. So, number one iyan, iyan iyong una.

Iyong pangalawa, nakapag-expand na tayo ‘no ng mga ating mga health facilities at handa na nga iyong mga doctor eh, in fact ang tawag nila ngayon sa approach dito ay iyong accordion principle, iyong ibababa mo iyong COVID wards, tapos dadami na naman, babawasan uli iyong ibang serbisyo para lang maka-adopt ng services sa hospital.

Pero, starting kahapon, Usec. Rocky, ang dami ng tumatawag sa akin nagpapatulong makapasok sa mga ospital at may mga kaso na naghihintay talaga ng 24 hours.

So, ang explanation ko dito iyong mga kritikal kasi, kapag na-admit iyan sa ICU, hindi naman iyan nakakauwi in a few days, nakakauwi iyan after two or three weeks. So kapag ikaw at tuluy-tuloy na dumadami, let say 10,000 a day and tapos, about 1% and 10% ang  mauospital, mangangailangan ng ospital, about 1% ang mangangailangan ng ICU, eh dagdag ka ng dagdag ng  a certain number everyday na nakapila. So ang tawag namin diyan sa hospital management ‘access block.’

So hindi makapasok iyong mga bagong kaso, dahil hindi pa naman gumagaling iyong mga nasa ICU at hinihintay pa nating mag-recover over the weeks. So iyan iyong nagiging trabaho ng One Hospital Command ‘no. Ni ra-ration iyung health care para walang ma-deny at mabigyan ng karampatang lunas kahit na naghihintay pa sila ng ICU beds.

So, ito ang sitwasyon ngayon sa ating mga ospital, may mga private hospital na nga na sinabi, puno na iyong kanilang COVID ward at ina-anunsiyo nila iyon. So ang payo ko sa mga nanunood: kung may positive ay makipag-coordinate sa inyong Barangay Emergency Response Team  at sa One Hospital Command at magtiyaga tayo, kasi you will have to wait sometimes sa isang emergency room, iyong mga nakakausap ko, one to two days bago ma-admit iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc ha, katulad nga ng mga binanggit ninyo, pero mayroon po bang back up plan ang pamahalaan sakali talagang full capacity na ang lahat ng ospital at paano pa natin haharapin iyong mga bagong kaso, iyon pong ‘pag dumating iyong panahon?

DR. HERBOSA: Okay, so iyong tinatawag namin diyan, iyan iyong increasing the surge capacity ng isang ospital. Kagaya namin sa PGH nasa 279 na ang ating COVID cases doon, whereas ang allocated naming kama ay 140, 150 lang. So nakita ninyo almost nag-double na. In return hinihinto namin iyong ibang serbisyo sa ospital, ganoon din iyong ibang COVID hospital, iyong  Lung Center, iyong  Jose Rodriguez, iyong East Avenue. Iyan continually, ini-expand namin.

Ang pag-expand naman limitado sa tao, sa manpower, nurses. So, although kayang mag-expand, dahil kukuha ka sa ibang resources, ilalagay mo para gamitin as COVID ward, hindi naman ito, ito ay finite at mayroon ding dulo ‘no. Ngayon iyong mga private hospital, nasa 20% na lang COVID ward, iyan ang mga unang napupuno. Kaya napansin ninyo siguro, una silang nagdideklara na puno na ang COVID ward niya, habang iyong mga nasa ospital sa public hospital tuluy-tuloy ang pag-increase ng… pag-develop ng tent at saka iba pang pasilidad.

So, importante talaga iyong tatawag sa One Hospital Command, para mapili kung sino iyong dapat pumunta sa ospital at kung sino iyong puwede doon sa quarantine facility or temporary treatment and monitoring facility. Madami pong itinayo ang DPWH niyan at iyong mga LGU, mayroong mga itinayong ganiyan para iyong mga mild at asymptomatic, doon na lang sila, hindi na sila makipag-agawan sa kama sa mga ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Ngayon nga, Doc, predominant variant sa bansa itong Delta at idagdag pa iyong pagka-detect noong Lambda. Sa palagay ninyo dapat pa bang i-extend o hindi na ang ECQ sa Metro Manila at maging ang mga paghihigpit sa ibang bahagi ng bansa? Pero nabanggit nga ninyo kanina sana magtuluy-tuloy, kasi bahagyang bumaba iyong datos kahapon, Doc.

DR. HERBOSA: Dalawa lang naman nag pagpipilian ng ating IATF at mga technical advisory group – either continue, continue iyong ECQ for another two weeks or bumaba tayo, mag-step down sa  modified ECQ.  Ang hirap ng desisyon na iyan, kasi nga napaliwanag kanina ni Secretary Martin na talagang binabalanse iyong health and economics, kasi kung medical lang ang titingnan mo eh mas maganda ituloy natin iyong ECQ para tuluy-tuloy na mabawasan iyong transmission at kumonti ang bagong kaso. Pero ang daming nawawalan ng trabaho, nagugutom, hindi kumikita. So, talagang parang nagba-balancing act iyong ating IATF at magdidesisyon talaga. Sana iyong mga datos, tama at magawa iyong tama para sa ikabubuti ng mas nakakarami.

So very important iyong desisyon na iyan, maintindihan ng ating taumbayan. Very important din na makapag-implement tayo, let’s say mas maluwag na MECQ ang i-implement after August 20, importante na iyong mga local chief executive mag-implement ng mga localized ECQ lalo na doon sa mga area na may outbreak pa or clustering of cases.

So may mga paraan naman na puwedeng gawin, depende sa anong gagawin. Kung opinion ko lang ang masusunod, kung ako ang namumuno sa IATF, bababa ako sa MECQ at paiigtingin ko iyong mga Mayor iyong mga LGU iyong localized lockdown, testing at saka tracing doon sa mga lugar na ano. Para hindi lahat napapahamak iyong area na may clustering or pagdami masugpo kaagad, parang nagpapatay ka sa sunog sa iba’t ibang parte ng Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, dito sa NCR nagkakaroon na ba ng epekto ang ating vaccination dito sa pagsugpo natin sa COVID-19 at itong ECQ nagkaroon po ba naman na kahit papaano na mapabilis iyong vaccination rollout natin?

DR. HERBOZA: Iyong sa unang tanong. Hindi ba, binuhos natin ang bakuna dito sa NCR if you remember? NCR Plus-8, hindi ba iyan ang siguro mga 30 to 40% ng mga dumadating na bakuna dito natin ibinuhos at nag-report naman si Chairman Benhur Abalos na almost 40% na ng targeted priority, A1 to A5, ang nababakunahan at tuluy-tuloy pa rin ang pagbabakuna.

And I think mayroon na kaming mga datos, kinakausap ko iyong mga director ng ospital, parang 80% ng mga naku-confine ngayon ay unvaccinated, hindi pa nababakunahan at iyong mayroong remainder about 10 to 15%, one dose pa lang ang natanggap. So, alam naman natin iyon na puwede pa ring mahawa iyong one dose at mayroong maliit na porsiyento na naka-two doses na naa-admit din doon sa ICU at ito naman kapag sinusuri namin, sila iyong may mga comorbidity or immunosuppression, iyong para nahihirapan talaga ang bakuna na mag-effect ng immune response.

So, base sa datos na ganito, talagang may epidemya pa ng unvaccinated, that’s why very important matuloy iyong pag-vaccinate. Ngayon, during the ECQ parang medyo bumagal kami, bumagal iyong national vaccine operation center. Kasi dati nakaka-700 plus na tayo per day, bumaba sa 500 and noong inaaral namin kung ano iyong mga sanhi, usually talaga manpower no, manpower at saka iyong steady supply.

Iyong sa manpower maganda iyong suhestiyon kanina umaga sa aming meeting, nag-suggest si former Health Secretary Manuel Dayrit, na gamitin na rin iyong medical students na graduating. I think nag-training naman pala sa kanila, inihanda sila. So, parang approval na lang, parang mag-a-allocate pa yata ng kaunting allowance para sa mga medical students na magbo-volunteer at tutulong sa pagbakuna sa mga vaccination centers.

So, iyon ang plano. I hope madagdagan natin para mapabilis pa ang bakuna para kung anuman ang mangyari after August 20, ay tuluy-tuloy ang mas maraming Pilipino na nababakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may tanong po iyong ating kasamahan sa media, may tanong po si Mela Lesmoras ng PTV: Ano daw po ang masasabi ninyo sa resulta ng isang bagong survey ng SWS na nagsasabing 51% of adult Filipinos ay nababagalan sa COVID-19 vaccination roll out sa bansa. Pero, 68% naman po ang nagsasabing mayroong easy access sa mga vaccination sites sa bansa?

DR. HERBOZA: So, iyong nagsabing madali, nabakunahan na sila. Kasi hindi naman nila sasabihin iyon kung hindi pa sila nabakunahan. At iyong nagsabing mabagal, sila iyong hindi pa kasama doon sa kategorya na inuna natin. So, huwag tayong mag-alala doon sa mga nagsabing mabagal, tuluy-tuloy ang dating ng bakuna.

This morning may dumating na 300,000 plus na doses of Pfizer at parang bukas may 2 million, day after another 2 million of Sinovac, tapos may 1 milyon pa na Sinopharm. So, that’s an additional of 5 million doses na dadating even before August ends. So, tuluy-tuloy ang dating ng bakuna. Ang alam ko from Secretary Galvez, ang ating vaccine czar ay bubuhos talaga ito bandang September, October at hopefully iyong mga nababagalan ay mabigyan na rin ano, kaya nga tayo ay mag-i-increase ng mga tao.

Ang inutos nga ni Secretary Galvez, ay isipin na rin namin ang pamamaraan kagaya noong sa America na pati sa drugstore ay puwede ka ng magpabakuna. So, iyan ang mga pinag-aaralan namin para iyong mga dissatisfied at nababagalan ay masiyahan na rin at maibigay na rin natin iyong bakuna nila.

So, ang mga limits talaga natin is supply kasi ang pag-deliver ng mga manufacturer, parang 1 million, 2 million, mayroong 300,000.  So, hindi talaga steady iyong deliver, in fact, kapag na-manufacture sila, sinusundo kaagad natin ang mga bakuna doon kasi baka mapunta pa sa ibang bansa.

So, kinukuha natin kaagad para ma-deliver dito at in one day nadi-distribute kaagad sa mga LGU. So, that’s the fastest na talaga we can do, we will try more effort para masiyahan iyong mga mamamayan natin. Maraming magagandang ginagawa, mayroon tayong Mega vaccination facilities na itinayo. Huling binisita namin iyong doon sa Nayong Pilipino, itinayo ng private sector at gagamitin ito hindi lang sa Metro Manila para sa mga taga-Cavite, Bacoor para puwede rin silang mapabilis ang bakuna doon sa Region IV-A.

So, tulung-tulong tayo, madaming hindi nagpapahinga iyong ating mga local chief executives, iyong mga nagbabakuna tuluy-tuloy ang pagbakuna niyan and hopefully ma-vaccinate natin ang karamihan ng ating population para masaya naman ang Pasko.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, Dr. Ted Herbosa, ang NTF Against COVID-19 adviser. Mabuhay po kayo Doc. Ted!

DR. HERBOZA: Mabuhay po kayo Usec. Rocky, thank you! Salamat po.

USEC. IGNACIO: Sa ibang balita, iniulat po ng Department of Health na tumataas ang bilang ng mga batang nasa edad zero hanggang 9 years old ang tinatamaan ngayon ng COVID-19. Maliban dito, bahagyang tumaas din ang bilang ng mga batang nasasawi dahil sa naturang virus. May ulat si Mark Fetalco.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, mga magsasaka mula sa Eastern Samar ang tinulungan ng tanggapan ni Sen. Bong Go, kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan. Ang ilang kooperatiba, pinagkalooban pa ng sasakyan na magagamit sa transportasyon ng kanilang mga produkto. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Ilang araw bago ang deadline sa pagbibigay ng ayuda, higit 40% na ng pondo para sa aid distribution ang naipamahagi sa mga residenteng apektado ng Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila. Bukod naman sa NCR, simula na rin ang pamamahagi ng tulong sa iba pang probinsiya na nasa ilalim din ng ECQ tulad ng Laguna. Ang update doon alamin natin mula kay Patrick de Jesus. Patrick?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Patrick de Jesus.

Kamakailan po ay nabalita ang ilang mga COVID-19 patients ng Ospital ng Biñan sa Laguna na nasa parking lot na binawian ng buhay. Sa dami kasi ng mga naka-admit sa ospital, ang ilan sa kanila ay hindi na po nagagawang hintayin pang malapatan ng lunas. Nakakalungkot po ang balitang iyan. Samantala, para po kumustahin ang sitwasyon sa Lungsod ng Biñan, mula mismo kay Mayor Walfredo “Arman” Dimaguila, Jr. Magandang umaga po, Mayor.

BIÑAN MAYOR DIMAGUILA: Magandang umaga po, Usec. at sa lahat ng nanunood po.

USEC. IGNACIO: Opo, Mayor, talagang nakakabahala itong balita na may ilan pong mga pasyenteng inabutan ng pagkamatay sa parking lot ng ospital habang naghihintay na magamot. So kumusta na po ba ang ospital diyan sa Biñan sa ngayon? Puwede na po ba nating masabi na overwhelmed ang mga ospital at medical workers diyan?

BIÑAN MAYOR DIMAGUILA: Yes, Usec., actually hindi lang naman sa Ospital ng Biñan; lahat po ng ospital dito pati po ang mga private hospitals ay talagang punuan na rin po.

At iyong sa ospital po ng Biñan, iyong sa parking lot po, iyon po ay ginawa talaga naming extension. Ayan po, iyong nakikita natin sa video, diyan na po rin talaga tayo—iyong mga mild cases natin, iyong may mga sintomas na hindi naman severe pero between mild and severe, diyan na po ginagamot natin. Kailangan nila ng oxygen, at talagang dumarating lang po, minsan po bago dalahin pa sa Ospital ng Biñan ay medyo hindi na po maganda iyong kundisyon ng pasyente lalo na po ang mga senior citizens at iyong may mga comorbidities kaya talagang hindi maiwasan na mayroon po talagang babawian ng buhay.

USEC. IGNACIO:  Opo. So, Mayor, ilan na po ba sa ngayon ang monitored na active cases diyan at ilan pa ang average na nadagdag bawat araw?

BIÑAN MAYOR DIMAGUILA: Ang active cases—ito ho ang hindi magandang balita eh ‘no, pinakamataas ho kahapon, nakadagdag po kami ng 78 cases. Ito po ay kumpara sa mga nakaraang linggo, mga 20, 25, bigla pong nag-78 po kahapon. At ang amin pong total na active cases po ay 413. Malapit na po siya sa pinakamataas namin noong una pa pong surge ng COVID dito po sa ating lungsod.

USEC. IGNACIO:  Opo. Pero, Mayor, anong nakikita ninyong dahilan bakit bigla pa ring sumisipa ang kaso sa inyong lugar? Naka-ECQ pa rin ang Laguna, Mayor, ‘di po ba?

BIÑAN MAYOR DIMAGUILA: Yes, Usec., naka-ECQ kaya lang ang tingin ko – sana mali ako ‘no – pero hindi naman talaga nati-test kung Delta iyong mga cases na ito ‘no. Pero kakaiba ang COVID na nandirito ngayon sa Laguna, mas mabilis po siyang makahawa at mas … kapag ho talagang tumama sa mga may comorbidities, medyo alanganin po, marami pong namamatay.

Kahapon po ay naka-record po kami ng dalawang patay, tapos kaninang umaga, may balita po sa akin, mayroon pong isang magulang ng empleyado po namin ay positive sa COVID, namatay din po kaninang umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, sa ngayon pa lang, papaano ninyo po paiigtingin ang inyong mga measures para panlaban po dito sa sinasabi ninyong mabilis pa rin na hawahan?

BIÑAN MAYOR DIMAGUILA: Itong linggo pong ito, talagang inano namin na, sabi ko, doblehin natin ang pag-iingat ng mga tao ‘no at siguraduhin natin na iyong provisions ng ECQ ay ma-implement. Dahil, Usec., medyo alam ninyo ang mga tao eh, napapagod na rin iyong mga tao kaya mayroon kaming radio program, sinasabi namin sa mga tao na mag-ingat dahil dumadami pa tayo, mag-face mask, iyong ating social distancing ay paigtingin pa natin.

Pero sa tingin namin, Usec., napakalaking kontribusyon na marami po kasing mga taga-Biñan ang nagtatrabaho sa Metro Manila ‘no, kasama po siyempre ang mga taga-San Pedro rin ay nagta-trabaho sa Metro Manila. Kaya po ito ang dahilan kung bakit po ang Biñan, San Pedro, Sta. Rosa ay patuloy po ang pag-increase ng COVID, iyon pong marami po sa mga kababayan namin ay sa Metro Manila po nagtatrabaho.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, balak ninyo rin daw pong bumili ng additional freezer, tama po ba, kung saan ilalagak muna pansamantala iyong mga bangkay na iki-cremate daw po? Ito raw ay dahil talagang punuan na ang mga crematorium sa Lungsod. Gaya ba ng ibang LGU, pinag-iisipan ninyo rin po ba ang pagkakaroon ng tinatawag na mass grave bilang alternatibo po sa cremation process?

BIÑAN MAYOR DIMAGUILA: Hindi naman po, hindi naman po kailangan iyon; mayroon po kaming crematorium ‘no. Nagkataon lang po, at alam naman po ng mga nag-o-operate ng crematorium [garbled] LGUs din iyong iba na tatlo hanggang apat na oras po ang processing bago po ang isang cadaver ay matapos. So kahapon po, for example, walo hanggang sampu po ang nakapila. Hindi naman po sa Biñan lahat po iyon, iyong mga namatay. May mga taga-ibang LGUs na dito po dinadala sa amin dahil, alam ninyo, medyo alam nilang medyo mas mura po iyong aming cremation. Pero inano ho namin, hanggang maaari po ay inuuna po namin iyong mga kababayan po namin.

Kaya lang po, hindi naman namin puwedeng tanggihan so tomorrow or the next day after tomorrow, maidi-deliver na po iyong aming freezer na in-order dahil nao-overwhelm din po iyong aming crematorium. Kaya po kami ay nananawagan sa mga kababayan natin na huwag po kayong mag-alala, hindi naman – sana ‘no – hindi naman ho darating tayo doon sa mass grave katulad ng nangyayari sa ibang LGU. Mayroon po kaming sapat na bilang ng mga bakante pa sa aming sementeryo, mayroon po kaming sapat na bilang para sa columbarium. At kung Biñan at Biñan lang, kaya naman po namin iyong sa crematorium. Pero dahil po nagdadala po iyong mga taga-ibang bayan so kaya po kami ay talaga pong nao-overwhelm ng mga bilang para po dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Kanina po sa ating report, may namamahagi ng ayuda diyan sa Laguna. Nagsimula rin po ba sa inyong lugar iyong pamamahagi po ng ayuda?

BIÑAN MAYOR DIMAGUILA: Opo. Nag-start na po kami nang pamimigay ng forms pero bukas po ang official, iyong payout. Pero ang ginagawa po namin sa Biñan, hindi po namin pinapipila ang mga tao. What we do is talaga pong hina-house-to-house namin. Lahat po ng empleyado ng city hall na work-from-home ay pinagri-report na po namin at dinoble po namin ang bilang ng mga magbibigay ng ayuda. Kaya po ang plano po namin, last time po we were able to finish it in 10 days’ time. Ngayon po ang plano po namin 7 to 8 days baka kayanin po namin na house-to-house.

Kasi po alam po ninyo ang problema, kapag nagpapila ho tayo eh na-defeat ho iyong purpose ng ECQ na nagpalabas tayo ng tao. Hindi po namin pinapalabas ang mga taga-Biñan at kapag kami po ay nakatuntong na po sa barangay na magpi-payout – let’s say dalawang barangay po ang magpi-payout, iyong dalawang barangay pong iyon ay naka-total lockdown po iyon at pumapasok po kami; lahat po ay binibigyan po namin, iyon pong binigay ng national government na 305,971,000 ay dinadagdagan po namin para po masigurado po namin na lahat po ng taga-Biñan, kahit po mga taga-subdivision ay makakatanggap po ng ayuda.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kumusta naman po iyong pagbabakuna sa inyong lugar nitong nagdaang ECQ? Mas dumami po ba ang nababakunahan at wala naman po bang naging problema dito?

BIÑAN MAYOR DIMAGUILA: Well obviously maraming gusto nang magpabakuna. Marami nang pila, ang problema lang talaga natin katulad ng problema ng ibang LGUs ay kulang po iyong dating ng supply. And kanina po narinig ko po sa balita po ninyo, tuluy-tuloy po ang pagdating ng bakuna kaya po sinasabihan ko po ang mga kababayan namin antabay lang po dahil mayroon po kaming mga ibang vaccination sites na hinold (hold) muna po namin dahil kulang po eh. Iyon pong aming vax on wheels, mayroon po kaming dalawa/tatlong sasakyan na umiikot sa mga bara-barangay, sa mga subdivisions, naka-hold muna po siya kasi nga po kulang po ang bakuna po namin.

Ang hawak po namin ngayon ay mga bakuna po na pang-second dose. Eh mayroon pong time po iyan, so umaasa po kami, nakikita ninyo po, iyan po iyong vaccination rollout natin. Umaasa po kami na sana po, nakasulat naman po tayo kay Secretary Galvez, na madagdagan po dito po sa Lungsod ng Biñan ang bakuna na ibinibigay.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po, Mayor, sa inyong panahon. Kasama ninyo po kaming nananalangin sa kaligtasan ng ating mga kababayan diyan sa Laguna. Ako po ay taga-Laguna din at siyempre diyan din po sa Biñan, Laguna. Keep safe po, Mayor Arman Dimaguila, Jr.

BIÑAN MAYOR DIMAGUILA: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, higit sa limanlibong residente mula sa iba’t ibang bayan sa Leyte ang nakinabang sa ayudang hatid ng mga ahensiya ng pamahalaan at ng outreach team ni Senator Bong Go sa tatlong araw na distribution aid sa lalawigan. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan mula po sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Dumako naman tayo sa sitwasyon ng Cordillera Region. Lalawigan ng Benguet maaaring isailalim sa General Community Quarantine o GCQ kung hindi mapipigil ang paglaki ng bilang na nagpupositibo sa COVID-19. Magbabalita si Breves Bulsao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, sa Kabisayaan, 700 security forces idineploy sa Cebu para mapataas ang pagpapatupad ng health and safety protocols at 143 million pesos assistance inilaan ng Cebu City LGU para sa mga barangay dito upang pambili ng food packs sa mga residenteng apektado ng MECQ. Ang detalye, hatid ni John Aroa:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ang pinakahuling kaganapan naman sa Davao Region, ihahatid ni Hannah Salcedo ng PTV-Davao. Hannah?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Hannah Salcedo mula sa PTV-Davao.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako pong muli ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)