Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Tuluy-tuloy po ang ating talakayan at balitaan ngayong umaga ng Setyembre. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ngayon po ay simula na ng ‘ber’ months ay siguradong naghahanda na rin ang ating mga kababayan kung paano nila ipagdiriwang ang Christmas season pero huwag po nating kakalimutan ang pag-iingat laban sa banta ng COVID-19 pandemic.

SEC. ANDANAR: Para magkaroon ng masayang Pasko, sumunod po tayong lahat sa minimum health standards na itinakda ng pamahalaan at huwag maniwala sa fake news. Kaya naman simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Hindi pa mairirekomenda ng Department of Health at World Health Organization ang pagpapatupad ng bakuna bubble, bukod kasi sa mababa ang vaccine coverage ng bansa, nananatili pa rin ang banta ng hawaan. Ang detalye mula kay Mark Fetalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Nanawagan naman si Senator Bong Go sa mga kapwa senador na maging patas at sumunod sa due process sa ginagawang Imbestigasyon tungkol sa issue ng korapsiyon. Aniya kaisa siya ng mga ito sa pagpapalabas ng katotohanan. Panoorin po natin ito:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Kahapon ang itinakdang huling araw nang pamamahagi ng ECQ ayuda sa Metro Manila pero hindi raw lahat ng nakalistang benepisyaryo ay nakakuha. Puwede pa kaya silang makahabol?; iyan po ang tanong. Kaugnay niyan ay makakapanayam natin ang tagapagsalita ng Department of Interior and Local Government na si Undersecretary Jonathan Malaya. Magandang umaga po, Usec. Malaya!

DILG USEC. MALAYA: Magandang umaga po, Sec. Martin at magandang umaga po sa lahat ng ating tagasubaybay.

SEC. ANDANAR: Undersecretary, ilang percent na po ang hindi na-distribute na ayuda sa NCR after the deadline yesterday?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Kukonti na lang po, Sec., ‘no. Base po sa mga reports ng mga local government units natin na as of yesterday, 94.73% na po ang ating naipamigay na ayuda sa ating mga kababayan which represents 10,663,537 actual recipients na po ang naipamahagi mula doon sa ayudang inaprubahan ng ating Pangulo para sa ating mga kababayan sa National Capital Region. Ito na po ‘yung pinakamabilis nating pamimigay ng ayuda mula noong nagsimula tayong mamigay nito. This is the fourth episode ‘no, ang una po iyong last year sa SAP at ito na po iyong pang-apat natin, ito pong ayuda 2.

SEC. ANDANAR: Maari po bang ang LGU na mismo ang tumukoy sa iba pa na puwedeng maging benepisyaryo kung hindi talagang nagpunta sa schedule iyong mga unclaimed beneficiaries?

DILG USEC. MALAYA: Tama po ‘yan, Sec. Martin. Binibigyan po natin ng laya ang mga LGU na i-identify iyong mga kanilang constituents na pasok sa low income or low income individuals. Tama po kayo, madami po tayong reports na maraming mga nakalista sa ayuda na hindi po pumunta sa mga distribution points na itinalaga ng local government units at kahit na po ay ilang beses na silang ipinatawag ay hindi po sila nagpunta. So ibig pong sabihin mayroon pong kalayaan ang mga local government units na maghanap pa ng mga karagdagang ayuda—mga aayudahan ng ating mga kababayan.

Pero kukonti na lang po ‘yan, Sec., dahil nakatapos na po ang Quezon City, Lungsod ng Maynila, Caloocan – ang Caloocan po ang pinakaunang nakatapos – Pasig nakatapos na rin po, Malabon and Navotas. So doon po sa mga natitirang mga LGUs as I said kanina, 5% na lamang po ang hindi nila naipamimigay kaya mayroon pa pong konting panahon ang ating mga kababayan na nasa listahan o kaya naman iyong nasa grievance na tumungo sa mga local government units para sa kanilang ayuda.

SEC. ANDANAR: Iyong mga lumapit ba sa grievance committee ng mga LGU, automatic ba na sa kanila na mapupunta ang mga unclaimed cash aid?

DILG USEC. MALAYA: Hindi naman po automatic, Sec., dahil may karapatan po ang LGU na busisiin iyong tinatawag na apela o grievance claim ng ating mga kababayan na humahabol. Mayroon po kasing mga duplicates na nakita tayo, mayroon din pong ilan na nagtangkang magkaroon ng scam kagaya po ng nangyari sa Pasig na hindi naman pala mga taga-Pasig ngunit nagki-claim sa Pasig ‘no. At mayroon din po tayong mga nakita na sa isang pamilya dalawang beses nag-claim gamit iyong pangalan ng magulang, either iyong tatay iyong nag-claim na isa at iyong nanay naman iyong nag-claim noong isa.

So, hindi po automatic ngunit since mayroon po tayong mga unclaimed ayuda sa ilang mga government units eh mayroon pong pagkakataon na ngayon na mabigyan sila dahil sila nga po ang nag-grievance. In other words, iyong mga nag-grievance po natin kapag naproseso po iyon, sila na po ang priority ng local government units dahil ang sabi nga po ni Secretary Año, hindi po natin hiling na ibalik sa National Treasury ang pondong ito bagkus kailangan po itong ipamigay sa ating mga kababayang nangangailangan.

SEC. ANDANAR: Sa ibang balita po naman. Itong pagtaas, Usec., ng positivity rate sa bansa ay posibleng nangangahulugan na hindi na sumasapat iyong contact tracing at testing natin. Sa ngayon ay kumusta ba ang estado ng mga contact tracers under the DILG? May posibilidad ba na mag-hire o mag-rehire kayo before the year ends?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Napaka-importante po nitong contact tracing sa ating strategy, Sec., ‘no, sa ating PDITR strategy. Kasi iyong tracing po ay napaka-importante para hindi na kumalat itong ating Delta variant.

At noong nakaraang buwan nga po ay maganda po ang naging balita sa atin dahil iyong request po ng DILG, ni Secretary Eduardo Año, sa ating Pangulo ay naaprubahan. Nag-apruba po ang ating Pangulo ng 1.7 billion Pangulo para sa rehiring or extension ng ating mga contact tracers whose contracts were supposed to expire in August. So, hanggang December po nakasisiguro na tayo na patuloy ang kanilang serbisyo sa mga local government units.

Kami naman po sa DILG ay nananawagan sa mga LGUs to maximize the contact tracers na naka-assign po sa kanila. For example, dito po sa Metro Manila, more than 2,600 po lahat iyan na naka-assign dito. Dapat po iyan ay na mina-maximize nila kasi ang balita po namin iyong iba ay naka-assign sa vaccination.

Hindi po sila puwede sa vaccination, kailangan po sila ay gumagawa ng active case finding especially po doon sa mga lugar under granular lockdowns. So, nananawagan po kami sa mga LGUs to return the contact tracers who were assigned for other purposes at ibalik po sila sa kanilang trabaho which is contact tracing.

SEC. ANDANAR: May polisiya bang inilabas ang DILG sa mga LGUs sa paggamit naman ng rapid antigen test para mapataas pa ang testing capacity sa bansa?

DILG USEC. MALAYA: Yes, mayroon po, Sec. Kami po ay sumusunod lamang sa mga patakarang inilalabas ng Department of Health at ng IATF through several IATF Resolutions. And base po sa mga resolutions na ito, ang rapid antigen test ay puwedeng gamitin for the confirmation of suspect or probable cases and their close contacts.

So, following the DOH Memorandum and ito pong mga IATF Resolution, hinihikayat po namin ang mga LGUs na gamitin ang rapid antigen test for case surveillance and active case finding sa kani-kanilang mga local government units.

SEC. ANDANAR: Puntahan naman, Usec., si Undersecretary Rocky for the media questions.

USEC. IGNACIO: Good morning, Usec. Malaya. Tanong po ni Patrick de Jesus ng PTV: Approved na po ba daw ng IATF iyong DILG recommendation dati na granular lockdown na lamang ang ipatupad instead of malawakang lockdown? Ano po ang maaaring tulong mula sa national government sa mga LGU upang mabigyan ng ayuda ang mga maaapektuhan ng granular lockdown?

DILG USEC. MALAYA: For final approval na po ito, Usec., ng IATF but there is consensus among the different government agencies na instead ng malawakang ECQ, ang gagamitin po natin ay granular lockdown na lamang. At sinisiguro po ng national government na mayroon pong augmentation na ibibigay ang national government kung saka-sakali pong mag-i-impose ng granular lockdown ang mga local government units.

Ang tulong pong maibibigay natin is through the DSWD. Ibig pong sabihin, doon sa dalawang linggong granular lockdown, sa pangalawang linggo po papasok ang DSWD and the national government para magbigay ng tulong para doon sa mga naka-lockdown. During the first week ay ang LGU po iyan, ngunit sa pangalawang linggo po ay papasok na po ang DSWD for the provision of food packs sa lahat ng mga naka-lockdown.

SEC. ANDANAR: [off mic] Undersecretary Jonathan Malaya ng Department of Interior and Local Government. Mabuhay po kayo, sir!

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat po, Sec., at mabuhay po kayo.

SEC. ANDANAR: At iyan po muna ang talakayang pagsasaluhan natin ngayong umaga. Magkita-kita tayo ulit bukas. Usec. Rocky, take it away.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.

Samantala, patuloy ang pamamahagi ng ECQ ayuda ng Pasay City kabilang na rito ang mga hindi pa naki-claim sa itinakdang schedule. Ang detalye mula kay Patrick de Jesus. Patrick?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Patrick De Jesus.

Samantala, panibagong batch ng COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa kahapon. Ito ay ang tatlong milyong doses ng mga bakuna mula sa Sinovac at 15,000 doses ng Sputnik V component 2 vaccines. Ayon kay Vaccine Czar at NTF against COVID-19 at Chief  Implementer Carlito Galvez Jr. partikular na mapupunta ang mga bagong bakuna sa mga lugar na matataas ang kaso ng COVID-19.

Samantala nasa [garbled] milyong doses na bakuna ang inaasahang darating ngayong Setyembre, habang nasa 29.9 million doses naman sa Oktubre.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Isang daan at 62 market vendors sa Teresa, Rizal na biktima ng sunog ay kamakailan ang hinatiran ng tulong ng Outreach Team ni Senator Bong Go, kasama ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ayon po sa OCTA Research posibleng hindi na lang ang Delta Variant ang dahilan sa surge na nararanasan natin ngayon.  Base kasi sa survey nila nitong July, lumabas na nabawasan ang bilang ng mga taong sumusunod sa minimum public health standard, gaya po ng pagsusuot ng face mask at face shield at paghuhugas ng kamay. Kaugnay niyan makakausap po natin ngayong umaga si Dr. Karl Henson mula sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases. Magandang umaga po ulit, Doc.!

DR. HENSON: Magandang umaga po, Usec. Magandang umaga po sa lahat.

USEC. IGNACIO:  Opo. Doc, ano ang reaksiyon ninyo dito sa resulta noong July survey ng OCTA Research na kumonte daw po ang mga Pilipinong nagsasabi na sumusunod sila sa minimum health standards, kumpara sa naunang buwan?

DR. HENSON: Actually, I was trying to find the actual report and what I found po, is a news report. Ang report po nila parang nasa 89, some 80 plus% iyong gumagamit ng facemask and other PPEs. While nakakalungkot po iyong pagbaba ng numero na gumagamit ng proper PPEs and this is little worrisome ‘no. I think we – can still see a positive doon sa report na majority pa rin na they are doing the appropriate protection, they still washing their hands and wearing mask po. Kailangan lang po talaga na mas pataasin natin, mas ma-remind natin sila about this minimum public health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, kasi ibig sabihin, hindi lang iyong basta sumusunod o nagsusuot, pero iyong tamang pagsuusot ng face mask at face shield. Pero sa palagay po ninyo, ano itong underlying reason nito, Doc, could it be nagkakaroon na po ng quarantine fatigue?

DR. HENSON: Actually, that is very possible po ‘no. We have been dealing with the COVID pandemic since the beginning for 2020. Ano po tayo, pinapa-stay po natin iyong mga tao sa bahay as much as we can, iyong mga bata nasa bahay lang, iyong mga matatanda rin, so hindi po mahirap isipin na pagod na pagod na iyong tao sa mga public health measures na ito. Kaso ngayon po na mayroong surge, I think now is not the time po na mapapagod dapat tayo. I think kailangan po nating ma-remind ulit ang mga tao na importanteng-importante po iyong pagsunod dito sa pagsuot ng proper na PPE.

USEC. IGNACIO: Opo. Kasi, Doc, alam naman po natin na talagang tumataas iyong kaso ng COVID-19. So anong minimum health standards na ipinatutupad, para po maiwasan iyong hawaan ng COVID-19 katulad nga po iyong pagsuusot ng face shield; ang pinakakaunti na ang gumagawa base sa survey. Pero pakipaliwanag po ulit kung ano ang nagagawa ng face shield para po protektahan ang isang tao para hindi siya mahawaan bukod pa po sa pagususot ng face mask?         

DR. HENSON: So, i-emphasize ko lang po ano. Sa lahat po, I think na kailangang nating maalala. So usually may apat, sa HPAC, mayroon kaming ‘Apat Dapat’:

  1. So ventilation is very important, kailangan po when you are in an enclosed space as possible, maganda iyong ventilation.
  2. Tapos nandiyan iyong mask,
  3. physical distancing.
  4. Iyong face shield po is actually an extra layer of protection. I am aware po na mayroong iba na who are questioning this particular intervention, pero po habang wala pa po tayong masyadong maraming datos, ang thought po ng government and ng experts is, by wearing a face shield, mayroon po kayong extra protection, particularly kasi kapag hindi kayo nakapaghugas ng kamay, at mayroon kayong virus sa kamay. Hindi ninyo madaling nahahawakan iyong kamay, hindi ninyo madaling nakukusot iyong mata ninyo and that is actually extra protection for the people.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, sa pagtaas nga po ng nangyayari ngayon ng bilang sa ating bansa, kahit na required itong pagsusuot ng face mask at face shield, marami po ang nagtatanong kung talaga bang effective nga ito. May mga pag-aaral po bang sumusuporta sa claim na mabisa ng itong protection sa virus?

DR. HENSON: Mayroon naman pong pagsusuri na ginawa sa ibang bansa na mukhang nagso-show po na face shields in addition to face mask are effective po siya in preventing you from getting COVID; iyong preventing transmission of COVID. Pero ang importante po talaga dito ay hindi pupuwede na face shields on its own, kailangan po may face mask, kasi mas importante po na matakpan ang ilong at ang bibig para po hindi po malanghap iyong COVID. Iyong face shield is an extra layer of protection lang po.

USEC. IGNACIO: Pero Doc, agree ka ba na bukod sa Delta variant ay posibleng itong complacency ng tao na rin iyong dahilan dito sa recent surge o pagtaas ng bilang ng COVID cases sa bansa?

DR. HENSON: Posbile po iyon, alam po natin na ang Delta variant is very transmissible, mas madali po siyang maipasa. Kaya kailangan po nating mag-ingat, ngayon, ang sabi po ng datos, ang Delta variant siguro po isa-isang—someone na walang bakuna, iyong amount of virus in the nose is parang 1,000 times higher than the older versions of the virus.

So kapag hindi naka-properly na suot ang face mask at face shield ‘no, mas madali talaga pong ipasa iyong virus. Now kung samahan pa po iyon nang hindi tamang paggamit ng face mask at face shield, hindi proper iyong physical distancing, hindi madalas maghugas ng kamay so puwede po talaga kumalat nang mabilis ang virus ‘no. So multiple factors po ang nagku-contribute, I think, to the current surge that we have.

Alalahanin po natin na marami pong kaso ngayon na pami-pamilya po ‘no and it’s in the house na nagtatanggal tayo ng face mask and face shields and our PPEs ‘no. So marami pong rason and definitely po iyong complacency can be one of those reasons ‘no, iyong pagiging very transmissible noong Delta variant and several other factors po.

USEC. IGNACIO: Pero ngayon pong napulsuhan na po ang masa at ito nga po ang lumabas sa survey na kumaunti iyong sumusunod sa minimum health standard, ano po ang maipapayo ng PSMID na dapat ay gawin ng DOH to address this concern?

DR. HENSON: All right. So I think po, unang-una po ang mensahe natin sa mga kababayan natin ‘no, I think now is not the time to be complacent, now is not the time po na mapagod tayo sa pagsunod sa minimum public health standards. Kabisadong-kabisado na po natin ito – face shields, physical distancing, masks lalo na, handwashing tapos bakuna. Siguro po sa DOH at sa mga eksperto, kailangan po siguro ma-review ulit iyong evidence baka po kasi may mga bago nang datos that might help to improve our recommendations ‘no para po mas madaling sumunod ang mga tao dito sa mga minimum public health standards na sinasabi po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., mukhang back to start ulit tayo ano po. Pakihikayat po ang ating mga kababayan na sumunod at maging mas maingat lalo ngayong may Delta variant din tayong binabantayan.

DR. HENSON: Yes, agree po ako. Kagaya po ng sabi ko kanina ‘no, hindi po ngayon iyong panahon na mapagod – kahit pagod na pagod na po tayo – hindi po ngayon iyong time na maging complacent ‘no. We really, really need everyone’s cooperation po in protecting ourselves and our family members ‘no. So magsuot po tayo nang tamang paraan ng face shields and face masks lalo na physical distancing and hand hygiene ‘no. Ang importante po sa face mask iri-remind ko lang po really is to seal over your face. So kailangan po na as much as possible hindi maluwag. Kung maluwag, puwede pong magsuot ng pangalawang cloth mask ‘no. So kailangan lang po talaga natin magtiyaga, magtiis pa nang kaunti. I think malalagpasan naman po natin itong pandemya na ito eventually.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Dr. Karl Henson ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases. Keep safe po.

DR. HENSON: Thank you po.

USEC. IGNACIO: Samantala, sa pinakahuling tala naman ng Department of Health, mula sa 22,000 cases noong Lunes, bumaba sa 13,827 ang bilang ng mga bagong nahawahan ng COVID-19 sa bansa – ang pinakamababa sa loob ng anim na araw. Sa kabuuan, pumalo na sa 1,989,857; 16,759 naman ang naitalang new recoveries habang higit isang daan naman ang mga nasawi; 91% ng total cases o 1,810,847 ay recovered na habang 1.68% naman nito o 33,448 ang mga nasawi; 7.3% naman ang active cases o katumbas ng 145,562.

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling pagpapalawig ng pinairal na travel restrictions sa Pilipinas sa sampung bansa. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga ito ay ang: India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia at Indonesia. Epektibo hanggang sa Linggo, September 5. Giit ng Malacañang, bahagi pa rin ito ng mga hakbang ng gobyerno para mapababa ang COVID-19 cases sa bansa at mapigilan ang pagkalat ng iba’t ibang variants.

Sa isang pag-aaral po sa bansang Thailand, lumabas na matapos po ang anim na buwan ay bumababa umano ang effectivity rate ng Sinovac vaccine sa 48.33% laban sa Delta variant. Kaya naman ang ilan pang mga karatig-bansa natin nagturok din ng Sinovac vaccine [garbled] nagsisimula na pong mag-booster shot ay [garbled] ng vaccine mix-and-match. Dapat na nga bang sumunod dito ang Pilipinas? Kaugnay niyan ay makakausap po natin si Vaccines Experts Panel Head, Dr. Nina Gloriani. Good morning po, Doc.

DR. GLORIANI: Good morning Usec. Rocky at everyone.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., ano pong reaksiyon ninyo dito sa isang bagong pag-aaral sa Thailand na nagsasabi po after 6 months ay bumababa na sa 48.33% ang effectivity ng Sinovac vaccine laban po ito sa Delta? Ito po ba ay dapat ikabahala natin dito sa Pilipinas dahil ang karamihan po ay Sinovac nga na bakuna?

DR. GLORIANI: Yes, oo. Tinitingnan naman ng all experts group ang mga nangyayari abroad at iyong mga datos na binibigay nila tungkol sa, iyon nga, waning immunity ‘no. Pero sa ngayon, well while we are working very close on it, actually may meeting kami again after this sa VEP para pag-usapan iyang waning immunity na iyan. But as of now, wala pa po tayong very clear na recommendation. Ano po ba ang dapat nating i-assess or i-booster? Number one is epidemiology noong breakthrough cases – whether iyan po ay sa healthcare workers or sa iba pang citizens sa atin, so anong ibig sabihin iyong breakthrough na nagkaroon ng COVID after full vaccination ‘no, two weeks after and then titingnan natin iyong disease severity.

Sa ngayon ang datos will tell us na iyong nagka-breakthrough infections ay mild to moderate, bihirang-bihira po, mababang-mababa iyong rate ng nagkaroon ng severe form or even hospitalization [garbled]. Now kung sakali po at titingnan natin ang pagbu-booster o third dose dito sa mga grupo, titingnan natin sino ang pinaka-highest risk kung mayroon po tayong gagawing subgroup analysis including iyong immunocompromised, iyong mga older, iyong mga elderly na very frail and groups with high risk of exposure, iyong mga healthcare workers ‘no, iyong diretso na naka-expose sa ating mga COVID patients.

Anong type noong vaccine nga iyong kanilang nakuha, titingnan po natin iyon; iyong mga may HIV at siyempre iku-consider po natin iyong efficacy nga nito sa mga variants of concern especially iyong Delta. Although I must say na hindi lang po Delta ang nagda-drive ng ating surges ‘no, marami pa rin po iyong Beta at iyong Alpha sa variants of concern. So hintayin po natin. Actually halos lahat ng mga bakuna bumababa talaga ang immunity after a few months. Usually nasa 6 months bababa po iyan but of course ang vaccines mas mababa kaysa sa iba kaya siguro po nagwu-worry iyong iba. Pero titingnan po nating mabuti.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc., sa palagay ninyo po ba ay mas eepekto kaya ang ginagawa rin sa Thailand na vaccine mix-and-match – Sinovac sa first dose, AstraZeneca sa second dose?

DR. GLORIANI: Wala po tayong datos diyan ‘no kasi ang Sinovac ay dito sa atin area sana, sila makakapagbigay sa atin ng unang data ‘no. Ang data that we have for mix-and-match, itong for heterologous ang tawag natin diyan na vaccines na ibibigay ay nasa Europe: nasa Astra-Pfizer, Astra-Moderna, Astra-Novavax, Astra-Janssen ‘no. Ang Sinovac ay wala pa tayong data na kapag binigay iyong another vaccine platform or another brand ay maganda iyong resulta or kung safe ‘no.

So hintayin natin din sila pero ang Sinovac po ay may mga pag-aaral na nagbigay na rin sila.

Nakita nila iyong waning immunity ‘no so kaya nagbigay sila doon sa isang grupo, iyong mga una nilang nabakunahan ng third dose – one month after noong second dose, six months after noong second dose. At mayroon din sila kaunting data, iyong nabigyan ng one year after the second dose.

At nakita doon sa pag-aaral ng mga iyon, Sinovac po ito ‘no, na habang mas mahaba iyong interval between the second and third or booster doses na tinatawag ay mas maganda iyong immune response. So tingnan natin iyong sa Sinovac. Kaya nga po tayo mayroong mix-and-match local study rin na mangyayari kung saan gagamitin natin ang Sinovac – Sinovac-Sinovac-Sinovac so puwedeng iyong tatlo ay pare-pareho ‘no all throughout or Sinovac-Sinovac at iyong mga iba pa, ang third dose ay maiiba. So hopefully mag-uumpisa po iyang ating mix-and-match anytime soon this month.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero dapat po ba nating ikabahala na ang mga kalapit nating bansa sa Asya unti-unti na pong nagsi-shift sa western made vaccine gaya po sa Malaysia na inuubos na lang diumano iyong supply nila ng Sinovac at ng Cambodia na nagbo-booster na rin po ng AstraZeneca?

GLORIANI: Sa ngayon po ang datos nitong mga bakuna na ito ay halos pare-pareho iyong proteksiyon against the severe form. Nag-iiba sila ng kaunti doon sa proteksiyon against the mild to moderate form ng COVID or even against asymptomatic infection. Pero doon sa severe form ay pare-pareho sila.

So, of course we want na sana lahat ay maprotektahan, hindi lang sa severe form pati na sa mild, moderate or even sa infection per se. Pero sa ngayon, iyon ang mayroon. And what we believe is—kasi tingnan rin po natin ano iyong available sa atin. We may want to actually to go into heterologous vaccination nga for our third or booster doses, pero tingnan po din natin ang ating mga resources, iyong mga supplies kung dadating po ba iyan. Eh papaano po kung puro Sinovac ang dumating. Actually siya po iyong pinaka-reliable na dumadating na supply, eh mayroon naman siyang data to show na nabo-boost, kasi importante po iyong boosting effect. Ibig sabihin may memory cells, may memory B cells that are drawn upon sa katawan natin kapag na-expose tayo. Iyon iyong maga-activate ulit sa ating immune system. So tingnan po natin, hindi ko masabi.

USEC. IGNACIO: Sa Moderna naman po, Doc, nabalitaan nga po natin itong alleged contamination ng Moderna na manufacture sa Japan. So, far iyong naiturok na dito sa Pilipinas at iyong stock na mayroon tayo ay hindi naman po ba kasama batch na contaminated?

DR. GLORIANI: Iyon ang sabi nila, iba daw. So, parang iyong napunta sa Japan ay iyon lang. But still, although parang may report of deaths doon, hindi naman directly attributed to the vaccine.

Ine-imbestigahan nila at ang pananaw sa ngayon, ang resulta ng imbestigasyon ay hindi iyong mismong vaccine ang kontaminado, kung hindi, baka ha, hindi pa ito masyadong sure, iyong. Iyong stopper, di ba kapag pinasok ninyo iyong needle ng pag-injection medyo nadi-disrupt iyon eh, baka may pumasok doon, so titingnan. So ang mga bakuna doon, iyong vaccinators natin, kailangan maingat sa pagtingin bago i-administer ang ating mga bakuna, for any particulate matter. So, ginagawa naman iyon ng mga vaccinator, pero siguro mas paiigtingin.

USEC. IGNACIO: So far, Doc, wala po ba naman ditong nire-report ng adverse effect ng Moderna sa  Pilipinas at maging sa ibang bansa?

DR. GLORIANI: Mayroon siya, iyong usual na rare events naman ng anaphylaxis ‘no expected naman iyan, pero host dependent po iyan. Iyong dahil sa mga tao iyan, may genetic ano sila na magkakaroon ng ganoong reaksiyon. Very rare din naman po iyon, of course mayroon din tayong considerations noong myocarditis, pero again, rare din po iyon although mas mataas, pero mas mataas pa rin iyong myocarditis kapag nagkaroon ng COVID, iyong natural na COVID infection.

So itong mga ito mayroon din silang kaunting blood clots, lahat halos mayroon, pero mga very rare po ito na hindi lang naman sa COVID vaccines nakikita, noon pa po mga ibang bakuna natin, even iyong flu ay mayroong ganoong very rare adverse effect.

USEC. IGNACIO: Doc, ngayon pong may full authorization na iyong Pfizer sa America sakali pong mag-apply rin po sila for the same authorization dito sa Pilipinas, posible kayang makatulong ito sa pagkamit natin ng herd immunity dito sa bansa?

DR. GLORIANI: Maaari po, Usec. Rocky ‘no, kasi magiging available sa mas marami, hindi na lang iyong gobyerno ang mamroblema para bumili, as we know ang hirap-hirap bumili at iyong iba pa nga ay inuutang natin para mabigyan ang lahat. Pero kung sasali na, magiging commercial na kasi siya kapag may CPR so we hope that will happen, pero regulated pa rin po, kasi siyempre titingnan pa rin natin.

USEC. IGNACIO: Opo, Doc Gloriani, mayroon lang pong tanong iyong kasamahan namin sa media si Sam Medenilla ng Business Mirror sa inyo po: Kailan po kaya expected maglalabas ng guidelines ang vaccine experts panel when it comes to the possible administration of booster shots for certain sectors?

DR. GLORIANI: Actually, sabi ko nga mamaya may meeting kami doon sa mga waning immunity na data, actually pang-ilang linggo na naming meeting ito at every week naman may dumadagdag na data. So, we hope soon talaga, kasi nasa 6 months na tayo since we started the vaccination.

Ako, I know, March 2 ako eh, second day ng vaccination. But nasa 6 months na tayo ngayon, pero iyong mga recommendations so far, if you look iyong sa CDC sa US, nasa eight months pa ang gusto nilang maging booster. Actually kung maaaring i-stretch pa iyan to ten, to twelve months, kasi nga iyong sabi natin, iyong interval, longer interval ay mas mahaba, mas maganda iyong immune response.

But of course we have to balance that doon sa exposure, sa risk of exposure at kung itong mga kunwari, health care workers o iyong mga elderly natin at immune compromised ay talagang tingin natin eh mababa na iyong kanilang immunity, then we will have to do it faster. So, anytime soon, so titingnan natin, hindi lang po kami ang nagdedesisyon diyan. Mayroon po tayong DOH, all experts groups, marami po iyon, mga 50 na tao, 60 tao, mga espesiyalista.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, may tanong po si Lei Alviz sa inyo ng GMA 7: Is COVID here to stay in the foreseeable future now that the virus is evolving into more transmissible variants? Ano ang dapat nating matutunang gawin?

DR. GLORIANI:Yes, opo. Parang flu ‘no, sabi na nga ng WHO, dineklara na niya na may global community transmission. Ang ibig sabihin halos epidemic na iyan, or they may actually use the word endemic sa pangalawang flu or sipon ‘no.

So, mag-iingat. Respiratory virus po kasi ito, hindi ka naman puwedeng hindi huminga and you know, iyong mga ibang mga viruses, kunwari ang HIV, very specific ang kanilang modes of [transmission], pero ito napakadaling makuha ‘no kaya nga level three siya.

Siguro iyong pag-iingat, patuloy pa rin po tayo kasi mahirap eh. Tapos sinong mag-aakala na magkakaroon ng mas matinding variant after noong unang variant na nangyari, iyong D614G noong mga June, nagkaroon ng kaunting pagbabago na doon sa virus.

Tapos medyo bumaba ang ating mga kaso pero umakyat uli dahil isa-isa lumitaw iyong mga variants of concerns. So, we do not know. Kung tayo po ay hindi mag-iingat at dadami po ang mata-transmit na virus, mas maraming tao pa ang magkakaroon ng virus, ng infection, ay hindi po titigil ang mutation.

Iyon po ang parati kong sinasabi, the more cases we have, mas mataas ang replication ng virus, mas mataas po ang mutation at dadami iyong variants na maaaring mag-evolve pa into worst, iyong mas higher level or higher consequence na mga variants of concern.

So, pag-iingat pa rin po. Hindi po mawawala at magpabakuna po tayo. Kailangan po natin ng sufficient population protection. Hindi po itong nangyayari na 20%, 30%, kulang pa po iyan para makapagprotekta indirectly doon sa iba na hindi makakabakuna.

So, iyong kuwalipikado po, magpabakuna na po tayo para ma-achieve natin iyon. Habang tinatagalan po natin iyong ma-reach iyong ating level ng protection na iyon ay tuluy-tuloy ang ating kaso na nandiyan.

And maaaring bumaba, tumaas/bumaba pero we want it to be resolved the soonest time possible na bumaba talaga.

USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Ingat po kayo, Dr. Nina Gloriano, ang pinuno ng Vaccines Expert Panel ng pamahalaan. Mabuhay po kayo, Doc!

DR. GLORIANI:Thank you very much po, Usec. Rocky and everyone. Good afternoon.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan sa Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Dumako naman tayo sa pinakahuling balita sa Cordillera Region. Isinusulong ngayon ang beekeeping bilang kabuhayan sa Benguet sa gitna ng pandemya. Mag-uulat si Alah Sungduan.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Alah Sungduan.

Maraming salamat din po sa ating partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito na po nagtatapos ang ating programa ngayong araw. Maraming salamat po sa inyong pagtutok. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako pong muli si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)