Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan saan mang panig ng mundo. Muli ninyo kaming samahan at alamin ang detalye ng mga maiinit na issue sa bansa.

Ako po si Secretary Martin Andanar. Good morning sa’yo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ngayong araw ng Miyerkules, September 15, kumustahin natin ang kahandaan ng local chief executives dito sa Metro Manila sa pagsisimula ng granular lockdown at Alert Level system bukas. Pag-uusapan din ang ‘no vaccine, no dine-in’ policy sa Cebu City [garbled] pagpapatuloy na rollout ng Philippine Identification System o PhilSys.

Magandang umaga po sa inyong lahat at ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin, Rocky, ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Una po sa ating talakayan [garbled] ng granular lockdown at Alert Level system sa NCR para sa preparasyon ng mga lokal na pamahalaan sa mangyayaring policy shift, makakausap po natin ang Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez. Magandang umaga po sa inyo, Mayor Edwin.

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: [Garbled] Sec. Martin. Magandang umaga [garbled] Usec. Rocky pati po sa sumusunod sa programa natin.

SEC. ANDANAR: Mayor, all set na po ba ang mga Metro Manila Mayors sa pagpapatupad nitong bagong lockdown system bukas dito sa National Capital Region?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: [Garbled] Martin. Actually [garbled] ang IATF, iyong guidelines po natin two/three days ago para maliwanag po iyong ating bagong protocol ng ating quarantine. Kung natatandaan ninyo, na-postpone ito ng a week ago na dapat mag-implement ito ng September 8 at ilunsad po ito ng September 16. Based doon sa guidelines na binigay po ng IATF, handang-handa na po ang ating local government units sa Metro Manila para po sa ating pilot implementation nitong ating Alert Level. Ang atin pong NCR [garble] sa Alert Level 4.

SEC. ANDANAR: Mayor, sapat na po ba ang halos dalawang araw na paghahanda matapos mailabas ang guidelines noong Linggo ng gabi?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Yes, Sec. Martin. Actually, doon naman sa guidelines na ibinigay po sa atin eh halos the same rin naman po ‘yan doon po sa ating mga quarantine protocol mula po noong ating [garbled]. At dito po sa guidelines na ito ay [garbled] maliwanag po rito na iyon pong ating Alert Level 4 magku-concentrate lang po tayo doon po sa ating ‘3Cs’ na mayroong prohibition. Ito pong 3Cs pong ito, ito po ‘yung atin pong mga close [garbled], iyong ating mga crowded spaces po natin at iyong atin pong mga contact, iyong mga close contact. Mayroon po tayong prohibition na hindi po natin papayagan ‘tong ating [garbled] na ito.

Pero maganda po rito, mayroon ding pagbubukas ng ating ekonomiya rito at bibigyan ng allowable, iyong exemption iyong atin pong mga dine-in sa mga restaurant na ito po’y papayagan na buksan na [garbled] operational capacity na 30% kapag po outdoor; kapag po indoor, 10% po iyong operational capacity pero kailangan po vaccinated po iyong papasok na kliyente. At importante iyong mga personnel po natin na nagtatrabaho po doon, vaccinated din po. Ganoon rin po sa mga personal care pati po sa ating mga religious activities na mag-uumpisa po ng September 16.

SEC. ANDANAR: Sa inilabas po na guidelines, napakinggan po ba ang inyong mga suhestiyon at komento?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Yes, yes. At doon po sa pag-uusapan po natin doon, humingi po kami ng authority, Sec. Martin, [garbled] IATF sa pamamagitan po ng ating DILG [garbled] iyon pong pagdi-declare ng atin pong mga granular lockdown na katulad po ng ating mga lockdown po sa mga nakaraan, region-wide po siya eh, city-wide po siya. Eh ‘pag sa pamamagitan ng micro granular lockdown na magkakaroon po ng interpretation po ang bawat LGU po rito, immediately po tayo magkakaroon po ng proactive ng implementation. Ibig sabihin kung sa isang floor sa isang condominium building, puwede po nating i-lockdown po ‘yan; puwedeng isang kalsada [garbled] based doon po sa clustering. Kasi kailangan po—ito po ‘yung kapalit ng ating regional lockdown, iyong ating granular lockdown.

SEC. ANDANAR: Kayo po ba ay pabor na isailalim ang buong NCR sa Alert Level 4? Tingin ninyo po ba ito’y tama at mapapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan at the same time ay mapagbigyan ang mga negosyante na makapagbukas po ng kanilang mga negosyo?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Yes. Sec. Martin, doon po sa binigay pong guidelines po ng ating DOH, mayroon pong basehan po iyong Alert Level 4, 3, 2 and 1. Doon po sa Alert Level 4 [garbled] pati po sa ibang mga level po ng atin pong classification, based po ito doon po sa ating reproduction rate – reproduction rate ng COVID sa bawat siyudad o sa bawat region po—sa region po natin. At dito rin po pagbabasehan kung anong Alert Level, iyong health utilization care po natin [garbled] iyong [garbled] ng ating mga ICU, ng ating mga COVID bed, ng atin pong mga ospital.

Alam po [garbled] Sec. Martin, na ang Metro Manila which is composed of 16 cities and 1 municipality ay very contiguous po, dikit-dikit po tayo. Sa isang kalsada nandoon ka na sa kabilang siyudad. Iyon pong nakatira sa Parañaque nagtatrabaho po doon po sa Pasay. So basically iyong aming Alert Level ay the same po lahat po kami at pabor naman po kami para po isa na lang po ang aming Alert Level all over Metro Manila.

SEC. ANDANAR: Nakapaglabas na po ba ang Metro Manila Mayors ng kaniya-kaniyang abiso sa mga establishment na inyong nasasakupan tungkol sa allowed capacities nila? At, Mayor, wala na bang pagkalito na mangyayari sa mga business owners gaya po ng naging hinaing nila noong mga nakaraan?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Normal po ito. Normal po ito, Sec. Martin, na mag[garbled] kasi bago po itong atin pong ibibigay na quarantine protocol. At alam naman po natin itong ating bagong protocol classification, ito po’y pilot sa NCR so first po ‘yan sa buong bansang Pilipinas. Pero na-inform na po natin ang lahat po ng ating mga business establishment, na-inform na rin po natin ang ating mga barangay po natin pati po lahat po ng atin pong mga parishes, pati po ang atin pong mga non-Catholic churches po na-inform na po natin ‘yan at nagbigay na po tayo ng mga infographic communication to our PIO pati po sa atin pong mga barangay for proper implementation come tomorrow.

SEC. ANDANAR: Paano po ang magiging proseso naman ng mga local executives sa pag-decide at pagdeklara ng mga lugar na isailalim sa lockdown? Isang proseso ba ang susundin ng Metro Manila Council?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Yes, Sec. Martin, mayroon pong guidelines na binigay po sa amin po diyan ang DILG. Katulad po sa isang floor ng isang condominium, kasi alam naman po natin sa NCR marami tayong condominium building, basta magkaroon lang po ng isa pong case po doon, iyong mismong isang floor na iyon ay puwede na po nating i-lockdown po ‘yan. Isang bahay puwede po natin i-lockdown basta magkaroon lang po ng isang case po sa isang bahay.

Kapag po sa kalsada, sa isang sitio po, magdalawa lang po ng case po doon ay puwede na po nating magkaroon ng lockdown po diyan para po ma-implement natin iyong ating mass testing, iyong contact tracing pati po isolation on a specific… doon po sa atin pong clustering. At ito pong atin pong lockdown na ito ay aabot po ito ng 14 days para magawa po natin iyong dapat gawin sa ating PDITR strategy.

At gusto ko pong ipaalam po sa inyo, na ang ating national government ay tutulong din po doon sa pagbibigay po ng food pack. Doon po sa arrangement po doon, iyong 7 days ang magbibigay po ang LGU; at iyon pong 7 days na remaining ay iyong atin pong DSWD sa pamamagitan po ng food pack; wala pong financial po ‘yan, food pack po ang itutulong ng ating gobyerno.

SEC. ANDANAR: Automatic bang ipapa-swab test ang mga isasailalim po sa lockdown o depende po ito sa LGU, Mayor?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Automatic po ‘yan. Doon po sa strategy na gagawin po sa lockdown, kailangan pong i-swab test po sila. Isu-swab test po natin lahat po na iku-contact trace po doon [garbled] iyong contact trace [garbled]. Automatic po ‘yan!

Sa Parañaque po gusto kong ipaalam po, Sec. Martin, ang atin pong siyudad, mayroon tayong sariling molecular laboratory at marami rin po tayong mga ibang LGU na mayroon pong sariling molecular laboratory. At patuloy pong tumutulong sa atin ang national government sa pagbibigay po ng mga testing kits.

SEC. ANDANAR: Puntahan po natin si Undersecretary Rocky Ignacio para sa mga tanong ng mga kasamahan natin sa media.

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Mayor. May tanong po mula kay MJ Blancaflor ng Tribune: Paano po ang magiging ayuda sa areas under granular lockdown sa NCR? Mayroon po bang financial aid or food packs lang po ang ibibigay?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Usec. Rocky, doon po sa arrangement na ginawa po sa meeting po namin sa Metro Manila Council – nakasama po natin ang DSWD Secretary po diyan – iyon pong 14 days ng ating granular lockdown po diyan, iyong seven days, ang magbibigay po ng food pack ay ang LGU; iyong remaining na seven days ay tutulong po, magbibigay po ang ating DSWD. Wala pong financial assistance kung hindi food pack iyong gagamitin po nila sa kanila pong maintenance, sa kanila pong pitong araw at iyong 14 days sa kabuuan.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, may tanong po si Celerina Monte ng NHK: Will LGU conduct surprise inspection on establishments such as restaurants offering dine-in, religious establishment to ensure that only [vaccinated] will be allowed?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Yes, magkakaroon po iyan ng inspeksyon po talaga, hindi lang po iyong aming BPLO, kasama po ng ating kapulisan pati po mga barangay. Kasi kailangan katulong po natin ang ating barangay para ma-monitor rin po natin iyong proper implementation ng protocol ng Alert Level 4.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, tanong naman po ni Kenneth Paciente ng PTV: Ano po iyong mga bagay na kinukonsidera o ikukonsidera natin bago isailalim sa granular lockdown ang isang lugar at may certain number [garbled] kailangang maabot iyong positive cases depende raw sa total population ng lugar?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Iyon pong lockdown, puwede po siyang isang floor lang po sa isang building, mayroong puwede po siyang isang kalsada lang, puwedeng isang bahay lang po. Basta kung bahay po, isang floor sa building, magkaroon lang po ng isa pong case, dapat na pong i-lockdown po iyan at magkaroon na po tayo ng contact tracing.

Kapag po isang kalsada, at least two. Kapag dalawa po, mayroon na po siyang case po doon, kailangan na rin po nating i-lockdown po iyan para po specific lang po. Hindi po iyong total subdivision o total barangay ang ila-lockdown po natin kung hindi micro-granular para pinpointed po natin iyong clustering at magkaroon po tayo ng testing, isolation at iyon pong ating isolation doon po sa atin pong mati-trace.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Kenneth Paciente: Ilang barangay po ang kasalukuyang naka-granular lockdown sa NCR?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ:  Wala po akong record po ngayon. Dito po sa Parañaque po sa amin, mayroon po kaming apat na natapos na granular lockdowns. Iyon pong record po namin sa buong NCR, iyan ay mayroon po kaming consolidated record sa pamamagitan po ng MMDA.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Karen Villanda ng PTV: Nasa area ninyo po ang Baclaran Church na dinadagsa ng mga deboto [lalo na tuwing] Miyerkules, may guidelines na po bang inilatag ang Parañaque LGU sa Baclaran para maiwasan ang hawahan sa pagbabalik ng religious gatherings?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ:  Yes. Opo, na-inform na rin po namin iyong aming parish po doon pati po iyong amin pong PCP (Police Community Precinct) po doon pati ang ating barangay, iyong ating kapulisan po doon na we will be implementing iyong atin pong religious gathering basta po outdoor, 30% po iyan; pupuwede po nating payagan iyong 30%.

Kapag indoor po, maliwanag po iyon doon sa guidelines na binigay po natin sa kanila at ito po ay imu-monitor din po ng ating siyudad na iyon pong indoor religious activity, ten percent lang po iyan ang puwedeng payagan pero kailangan magpakita po sila ng kanilang proof or iyong vaccination card po nila. At lahat po ng atin pong pari talaga po dapat po vaccinated.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Vic Tahod ng DZAR 1026 [Sonshine Radio]: Ano po ang paghahanda na ginagawa ngayon ng Parañaque City sa darating na granular lockdown bukas?

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ: Okay. Iyon pong amin pong mga susunod na mag-granular lockdown, ang pini-prepare po namin po diyan iyong atin pong mga food packs po natin. Pini-prepare rin po natin iyong ating mga testing kit po natin, at importanteng-importante po rito ay iyong ating contact tracing po natin. At hindi rin lang po iyan, ang ating siyudad po [garbled] facility, mayroon po tayong 500 rooms for isolation facility po natin. At dinagdagan din po natin ang atin pong healthcare capacity ng ating dalawang city hospital, iyong Ospital ng Parañaque I at Ospital ng Parañaque II.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po, Mayor Olivarez.

PARAÑAQUE MAYOR OLIVAREZ:  Salamat po, Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Mabuhay po kayo, Mayor Olivarez at ang mga taga-Parañaque. At diyan po muna ang ating talakayan ngayong umaga, Usec. Rocky, at mayroon pa tayong mga aasikasuhin na mga lakad sa PCOO. Please go ahead and take over the show.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.

Samantala, Senator Bong Go ikinatuwa ang pag-apruba sa karagdagang pondo para mabayaran ang second at third batch ng COVID-19 Special Risk Allowance para sa healthcare workers. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa puntong ito, puntahan po natin ang Batasang Pambansa para sa isinasagawang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability [sa] diumano’y overpriced na medical supplies na binili para sa Department of Health ngayong pandemya. Nasa linya ng telepono si Daniel Manalastas para sa detalye. Daniel?

[NEWS REPORT]

[SIMULCAST HYBRID MEETING OF THE COMMITTEE ON GOOD GOVERNMENT AND PUBLIC ACCOUNTABILITY TODAY, SEPTEMBER 15. AGENDA: COA REPORT REGARDING THE ALLEGED OVERPRICED MEDICAL AND HEALTH SAFETY EQUIPMENT BY THE DOH]

USEC. IGNACIO: Inyo nga pong natunghayan ang naging presentation ni Honorable Rex Liong, ang Deputy Ombudsman ng Office of the Ombudsman, sa isinasagawa pong motu proprio inquiry ng Kongreso sa DOH pandemic fund.

Sa kabila po ng hamon ng pandemya, patuloy naman po ang ginagawang rollout ng Philippine Statistic Authorities ng PhilSys o ang Philippine Identification System na naglalayong padaliin ang pakikipag-transaction sa mga pampubliko at pribadong tanggapan. Kaya naman po makiki-update tayo tungkol dito kasama po natin si Assistant Secretary Rose Bautista mula po sa PSA. Good morning po, ASec.

PSA ASEC. BAUTISTA: Good morning naman sa iyo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: ASec, nasaan na po tayo ngayon sa PhilSys registration? Ilan na po ang nakapag parehistro across the regions?

PSA ASEC. BAUTISTA: Okay, so umpisahan ko muna ha, kasi mayroong tatlong step itong ating PhilSys.

Sa step one, ito iyong collection ng demographic data, nag-umpisa kami dito na nagha-house to house kami, pero ngayon ang ginagawa na lang, para makapag-step one ka ay mag-o-online ka.

Pagdating naman sa pangalawa, step two, ito iyong collection ng biometric information sa mga registration centers. So pupunta iyong mga tao, ikaw ay kukuhanan ng litrato, iris scan kagaya noong mga nakikita sa inyong screen.

At ang pangatlo, ito iyong tinatawag na PSN generation or iyong delivery ng cards. So, nasaan na ba tayo ngayon? Kasi nagsimula kami nito last year, October 2020, na step one lang ang aming ginagawa.

As of September 1o, 2021, nakapagrehistro na kami sa step one ng 42 million na Filipinos at ito ay natapos ang step one nationwide sa buong Pilipinas, in all provinces of the country, including the NCR. Pagdating naman sa step 2, ito iyong nakolekta na iyong biometric. Kami ay nakapagparehistro na ng 30 million as of September 10 at ito ay kasama din nationwide, buong Pilipinas, kahit na nag-umpisa lang kami ng 32 provinces noong January.

At pagdating naman sa step three – ito iyong distribution ng card – ay nakapag-distribute na ang PhilPost ng mahigit 1.7 million na ID card.  Pero gusto ko rin sanang banggitin na alam mo isa sa mga objectives ng PhilSys ay financial inclusion. Kaya kung mapapansin nila sa mga registration centers nandoon ang Landbank na aming katuwang. Kasi kapag nagpa-rehistro ka at nandoon ang atin Landbank na nag-co-locate, puwede rin silang mag-open ng kanilang bank account para ito ay sa goal ng financial inclusion ng PhilSys at nakapag-open na ang mahigit 5 million na individuals ng Landbank accounts.

USEC. IGNACIO: Ngayong ilang buwan na lang po, bago matapos ang 2021, may mga goals po ba ang PhilSys bago matapos ang taon, ASec?

PSA ASEC. BAUTISTA: Yes, totoo iyan, may mga goals kami. Sa aming step one, gusto naming makapaglista, umabot ang aming step one to about 70 million. At sa step two, ito iyong naka-kumpleto na ng collection of biometric information, ang minimum na dapat or target namin ay 50 million sa katapusan ng December 2021.

USEC. IGNACIO: ASec., habang pandemya, ano po iyong strategy ngayon ng PSA at ibang ahensiyang pang-gobyerno na bahagi po ng PhilSys para mas marami pang Pilipino na magkaroon ng Phil ID?

PSA ASEC. BAUTISTA: Alam mo malaking challenge talaga sa PhilSys registration itong ating pandemya. So hindi lang iyong sa vaccination ang nahihirapan, pati iyong aming PhilSys registration teams nahihirapan din, kasi nagkakaroon ng mga suspensions ng aming mga operations.

In fact, we have actually estimate that we have lost about close to 4,000 na forgone registration dahil kailangan mag-comply kami sa mga local IATF na hindi puwedeng mag-open ang aming nga registration center. Pero hindi kami tumitigil, ang aming mga registrations teams, hindi tumitigil doon sa mga lugar na puwede silang mag-conduct ng registration at nakikipag-engaged din kami with our youth sector and young professionals to make the registration, lalo na iyong online, a family event. So, kahit na naka-pandemic puwede tayong magpa-online registration, tulungan iyong other family members natin na magpa-rehistro, pati iyong ating mga elderly, para naka-ready na iyong kanilang demographic information.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ASec., saan-saan na po ba puwedeng gamitin ang Phil ID at sigurado po bang tatanggapin ito as valid ID ng iba’t ibang institutions?

PSA ASEC. BAUTISTA: Laging tinatanong iyan sa amin ano, kasi iyan iyong maraming mga nari-received [na tanong] namin. Pero medyo nag-adjust na rin. We are experiencing birth pains, so to speak, the ID being a new one and the ID not having a signature, iyon iyong malaking challenge sa amin. Pero hindi kami susuko diyan, we are advocating for the acceptance. In fact, PSA has issued advisory, and several government agencies have actually issued memorandum and orders kagaya ng DFA, BSP, DILG, BIR at PhilPost na i-honor ang ating ID. Tuluy-tuloy din ang pakikipag-usap namin with Bangko Sentral as well as financial institution para tanggapin nila ang ating ID at kilalanin bilang valid proof of identity.

So mayroon kaming mga naka-line up. We are doing webinars, para i-describe namin para sa ating mga gagamit o iyong papakitaan ng ating ID na makatiyak sila na iyong ipapakita nilang ID ay hindi pekeng ID. So we do webinars with financial institutions. We have already done two of these webinars and we have plans to do more, so that mas secure iyong ating mga users na papakitaan ng ID.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, pero paano po magsisimulang mag-register sa PhilSys?

PSA ASEC. BAUTISTA: Magandang tanong iyan. Papaano ba magsisimula, para doon sa mga nakakarinig lang na mayroon na silang ID, pero hindi pa sila naka-rehistro? Pumunta lang at mag-register doon sa register.philsys.gov.ph. So iyon iyong online portal namin ‘no, and then they have to fill up. They have, of course, to fill up iyong mga questions, tinatanong dito iyong basic information tungkol sa kanilang sarili. Pero hindi kailangan na iyong sarili nila iyong kanilang i-rehistro. Puwede rin silang mag-rehistro ng iba pang tao. Magbu-book din sila ng kanilang appointment at pipiliin nila ang petsa at lugar kung saan nila gustong pumunta for the step two registration. Ganoon lang siya kasimple.

So in the comfort of your home, when you have a smart phone, when you have laptop, puwede kang pumunta sa mga internet café para lang makapagparehistro na kayo sa step one na online.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, ASec, paano naman daw po maiingatan [ng mga registrants] ang kanilang Phil ID?

PSA ASEC. BAUTISTA: Very good question ano. Alam mo iyong iba masyado silang excited kapag natanggap nila iyong kanilang Phil ID, so pinipiktyuran nila, pinu-post nila.  Please lang po huwag po ninyong gawin iyan, ang ating ID is something na dapat tinatago at hindi po ini-expose. Kasi po sa a fraud at iyon po iyong aming—sumusulat po kami sa mga nakikita namin na nagpu-post sa social media na huwag nilang i-expose ang kanilang Phil ID para po hindi ito maging kumbaga pang-engganyo para doon sa mga gustong magpeke.

Pero, winawarningan din po namin na para sa mga mag-a-attempt ng kanilang ID or mag-produce ng kanilang ID, mayroon po tayong karampatang penalties, charges. Mayroon po kaming division dito sa aming PhilSys Registry Office na Fraud Management Division, na we look into at magpa-file ng mga kaso para doon sa madi-discover namin… na mayroon kaming basehan na ito ay mga pekeng ID na pinresent nila.

USEC. IGNACIO: Asec., salamat po sa inyong update at more power po sa PhilSys, muli po ang nakausap natin si Assistant Secretary Rose Bautista, mula po sa PSA. Ma’am salamat po!

PSA ASEC. BAUTISTA: Salamat USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, Sen. Bong Go, nagsumite sa Senado ng panukalang batas para sa patuloy na pagkakaloob ng allowances at mga benepisyo sa health care workers kapag sa panahon ng state of public health emergency sanhi ng [garbled] narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, sa pinakahuli pong datos na ipinalabas ng Department of Health kahapon:

  • Nakapagtala po ang kagawaran ng higit 18,000 ng COVID-19 sa Pilipinas. Bahagya po iyang bumababa kumpara sa higit 20,000 cases na naitala nitong mga nagdaang araw. Pero, 12 laboratoryo naman po ang hindi nakapagpasa ng kanilang datos.
  • Sa kabuuan, pumalo na 2,266,066 ang mga individual na nahawaan ng sakit.
  • 20,542 ang mga bagong gumaling kaya umakyat na sa 2,052,867 ang total recoveries.
  • May 222 na katao rin ang mga nasawi, sa kabuuang bilang 35,529 deaths.
  • Dahil sa mas mataas na bilang ng mga bagong gumaling, bahagyang bumaba sa 177,670 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 o katumbas ng 7.8% ng total cases.

Kasabay po ng pagbaba ng naitatalang possibility rate sa Cebu City at maging ng pagbaba ng hospital occupancy rate dito isang executive order ang inilabas ng lungsod na nagpapatupad po ng perks o mga pribilehiyo para sa bakunado na kahit isang dose pa lang po. Iyan ay sa kabila ng agam-agam ng ilang grupo kabilang na ang DILG at para po pag-usapan iyan, makakausap po natin si Cebu City Acting Mayor Michael Rama, magandang umaga po sa inyo Mayor.

CEBU CITY ACTING MAYOR RAMA: Magandang umaga Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, sa ngayon po kumusta po iyong pagpapatupad nitong “no vaccine no dine-in policy” sa Cebu nga po ba ito? Wala naman po bang problema na na-encounter gaya ng mga reklamo ng diumano’y diskriminasyon?

CEBU CITY ACTING MAYOR RAMA: The inclusion, iyong dine-in at saka personal services, and including iyong mga wedding at baptism ay emanating, galing po mismo sa business sector po for purposes na mabalanse natin iyong ekonomiya at saka iyong health. At the end of the day, we will continue to have our massive vaccination with the hope, iyong hindi pa nababakunahan they will get themselves available and tuloy-tuloy po.

When you talk about data in the city of Cebu where people already had almost 500,000 doses po na we utilized; kaya iyong sinasabing mayroon nagrireklamo, concern mayroon. But if you are talking about from the department—from the business sector itself ay galing sa kanila iyon, galing sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, paano naman po nasisiguro na authentic at hindi po peke itong vaccination cards na ipapakita ng mga gustong mag-dine in o mag-avail ng ibang serbisyo sa Cebu City?

CEBU CITY ACTING MAYOR RAMA: Definitely, mayroon na kaming dinidemanda diyan, Philippine National Police again all watch and health huwag silang magtangka and their coming out because it bring them into looking into trouble po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor nakikita ninyo po bang nagiging effective. Nagiging effective ito para hindi po kumalat COVID 19 ng hindi po nagsa-suffer ang mga negosyo or mas maaga pa pong pasabi ito?

CEBU CITY ACTING MAYOR RAMA: Ano po? Ano po? Anong ibig ninyong sabihin?

USEC. IGNACIO: Hindi ninyo po ba nagiging [garbled] na po ba nagiging effective ito para na rin po hindi kumalat itong COVID-19 at para hindi rin po mag suffer itong mga negosyo or maaga pa para sabihin naging effective itong ginagawa ninyo Mayor?

CEBU CITY ACTING MAYOR RAMA: Point of view, hindi lang—I want to be very emphatic, hindi lang ako, lahat kami even in and business sector, other sectors, we all are one consultation in its other to put up this executive order and from the point of view ng Chamber of Commerce President Felix Taguiam, from the point of view Chinese Federation, so with the traders and even in hotel and restaurant, it is practically inviting mall economic activities po. Nakikita nila, naoobserbahan nila iyan.

USEC. IGNACIO: Opo.  Pero, Mayor, ano po ang masasabi ninyo sa request po ng DILG na di-umano’y bawiin muna itong Executive Order na ito?

CEBU CITY ACTING MAYOR RAMA: Sana hindi na, sana hindi. Because nakikita ko rin iyong bagong classification and I’m very proud that IATF is coming out being sensitive kasi if you talk about Cebu City po as of today, I have a record here but I need to have it updated. We already been in what we call—there was a time we have 300, 400 cases a day umabot ng 200 balik na naman ng 300; ngayon po even had a couple of days na two digit na [signal cut].

There was a time from 300/400 cases a day, umabot ng 200, balik na naman ng 300. Ngayon po ay we even had a couple of days na two digit na lang at saka iyong positivity rate na 26%, nagiging 15% po.

Kaya I was looking at it, in fact, even iyong OCTA was very clear in making their summary telling about the performance of the City of Cebu. So, iyong sinasabi ni Dr. Guido David, [isang] microbiologist, sinasabi dito, “Cebu City has managed the pandemic”. Ibig sabihin, na-manage na namin ang pandemic. New cases in Cebu City are on a downward trend with reproduction number of 0.7% lang po.

So, nakikita mo iyong result na ginagawa namin from the time when we call it bottoms up – from the household, parental supervised household lockdown, down papunta sa barangay po. Tapos iyong ating pulis they’ve been very effective, efficient; ang aming barangay officials and so with the Milo, they all are working together para po we will be able to sustain.

Kaya itong bubble vaccination po, nagpapasalamat kami sa mga tao sa Cebu City, iyong nakakaintindi kasi hindi naman pupuwede, Rocky, na maraming-marami na ang nagpapakuna tapos pinuproblema ng magbabakuna iyong hindi magpapabakuna.

Kasi nga kahit mayroong bakuna ay may infect ka pa rin. Lalong hindi mo alam iyong katabi mo – bakunado ka na – iyong katabi mo hindi, eh nagdala ng virus, eh tamaan ka pa rin although hindi na masyadong malaki sabihin nating critical or something like deserving to be with medical attention po.

USEC. IGNACIO: Mayor, sakali naman daw pong isunod ang pilot testing ng granular lockdown/Alert Level System diyan sa Metro Cebu at Metro Davao sa susunod na buwan, kayo po ba ay bukas sa policy shift na ito?

CEBU CITY ACTING MAYOR RAMA: Alam mo, Rocky, I’m sorry to tell, hindi na namin ina-adopt iyong granular lockdown. Kasi iyong word na lockdown is what we call pressing and it will even bring to—sana hindi maging knockdown. Kaya ang ginagawa natin, freedom with responsibility. Ibig sabihin kapag wala kayong ginagawa, you should stay at home. Tapos kung hindi pa kayo nagpabakuna pa, huwag kayong alis nang alis, except iyong mga essential.

Ito namang ginagawa naming bubble vaccination, Rocky, it does not mean na hindi ka puwedeng pumasok sa mall – puwede pa rin! Iyong hindi ka puwede pumunta ng market without vaccination – puwede pa rin! Hindi iyong pumupunta ka ng Simbahan nang wala kang vaccination – puwede pa rin!

Pero isama namin sa aming Executive Order po na i-encourage talaga namin na sana lahat magpabakuna para iyong November 1 and 2, we expand it in two weeks then pagdating ng December we enjoy the so-called Misa de Gallo or Simbang Gabi tapos pagdating ng January, baka we will improve. Iyong Sinulog, i-combine natin iyong Sinulog from virtual mayroong kaunting bubble at saka mayroong innovative Sinulog at saka unconventional Sinulog hanggang aabot tayo nang, baka in due, time herd immunity po.

USEC. IGNACIO: Opo. Napakaganda po niyan. Mayor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin at pagbibigay ng panahon. Salamat po, acting Mayor Michael Rama ng Cebu City. Ingat po kayo, Mayor.

CEBU CITY ACTING MAYOR RAMA: Sige, Rocky. Salamat! Salamat.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula po sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Ihahatid po iyan ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Mula naman sa Cordillera Region, magbabalita si Fevi Kate Valdez.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa Visayas, magbabalita naman si John Aroa.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At sa Davao, may report ang aming kasamang si Julius Pacot.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanila pong suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito na po nagtatapos ang isang oras nating tapat na pagbabalita. Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Magkita-kita po muli tayo bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)