Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Update po sa ikalawang araw na ipinatutupad na alert system sa Metro Manila, assessment sa unang linggo ng pagbubukas ng klase po naman at iba pang usapin na dapat ninyong malaman ihahatid namin ni Usec. Rocky. Magandang umaga, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Makakasama natin sa programa ang mga kawani mula sa iba’t ibang ahensiya para po magbigay-linaw sa mga issue at tanong ng taumbayan, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

SEC. ANDANAR: Simulan po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Karagdagang dalawang Malasakit Center ang binuksan sa Western Visayas Region partikular sa Iloilo. Malaking tulong ito lalo na sa mga mahihirap na pasyente sa lugar para makakuha sila ng kalidad na healthcare services. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Para naman alamin ang kaniyang pananaw sa ginanap na hearing ng Lower Chamber patungkol sa naging procurement ng COVID-19 supplies ng DOH at PS-DBM noong nakaraang taon, makakausap natin si Deputy Speaker Rodante Marcoleta. Magandang umaga po sa inyo, Congressman Marcoleta.

REP. MARCOLETA: Magandang tanghali sa’yo Secretary [garbled]…

SEC. ANDANAR: Congressman, kumusta po ang assessment ninyo sa naging pagdinig sa House Good Government and Public Accountability Committee kaugnay sa issue nang pagbili ng COVID-19 supplies ng DOH at ng PS-DBM?

REP. MARCOLETA: Sec. Martin, naririnig mo ba ako? Malinaw po ba?

SEC. ANDANAR: [Garbled] iyong signal [garbled]… We could try [garbled] studio. Puwede nating ayusin ang signal ni Congressman or Deputy Speaker.

‘Ayan. So habang inaayos po ng ating studio, Rocky…

USEC. IGNACIO: Kahapon ang unang araw ng Alert Level system sa Metro Manila kung saan nakataas sa Level 4 ang rehiyon. Ano nga ba ang naging sitwasyon ng NCR sa implementasyon ng mga bagong patakaran sa ilalim ng policy shift, makikibalita po tayo mula mismo kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Welcome back, Usec.

DILG USEC. MALAYA: Good morning Secretary Martin Andanar, magandang umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong po ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Ano po ang assessment ng pamahalaan sa first day ng pilot run ng ating new Alert Level System sa NCR?

DILG USEC. MALAYA: So far, so good kasi base doon sa mga report na [garbled] ating mga bagong pamantayan [garbled] and also to the various [garbled] nag-ikot ang mga taga LGU ‘no [garbled] ng ating pamahalaan sa iba’t ibang mga establisyimento [garbled]…

USEC. IGNACIO: Usec., pasensiya na. Ayusin lang po namin ang koneksiyon sa inyo para po maging maayos iyong ating linya ng komunikasyon. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH

[COMMERCIAL]

SEC. ANDANAR: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Muli, makakasama po natin si Deputy Speaker Rodante Marcoleta. Magandang umaga po sa inyo, Deputy Speaker.

REP. MARCOLETA: Magandang umaga sa iyo, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Kumusta po ang assessment ninyo sa mga naging pagdinig ng House [of Representatives’] Good Government and Public Accountability Committee kaugnay sa isyu ng pagbili ng COVID-19 supplies ng DOH at ng PS-DBM?

REP. MARCOLETA: Relatively magaan naman sapagka’t noong sila ay magpaliwanag, nasasakyan naman namin, nasusundan naming mabuti. At dahil nga doon ay madaling maintindihan naman kung papaano nila in-implement iyong kanilang katungkulan kung ang pag-uusapan ay iyong pagbili ng mga kasangkapan, iyong mga PPEs and other related medical supplies na alam naman nating kailangang-kailangan doon sa panahon talaga na unang bugso ng pandemya.

Ang napansin ko lang, Sec. Martin, at ayon na rin doon sa paliwanag at admissions ng mga opisyales ng PS-DBM, hindi naman pala sila talaga binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Ang totoo noon, ako nga ay nabigla na iyong isa sa iniimbita nila, halimbawa iyong ngayon ay deputy ombudsman na yata pero noon ay parang siya iyong head ng PS-DBM, inimbita siya roon pero kahit minsan hindi siya tinanong. Kaya pala ang sabi ko eh bakit humaba nang humaba eh hindi naman pala sila nakapagpaliwanag.

Samakatuwid, Sec. Martin, ang napansin namin, sa kaniyang kabuuan, hindi nabigyan talaga ng sapat na panahon na magpaliwanag. Ewan ko kung ito ay deliberate on the part of the Senate Blue Ribbon Committee. Kung talagang gusto nilang makahanap ng katotohanan, ang unang-unang tanungin ang PS-DBM sapagka’t iyon ang talaga ang nag-implement talaga ng pagbibili ng procurement ng needed medical supplies.

SEC. ANDANAR: Base po sa mga naging unang pahayag, may nakita po ba kayong overpricing at ghost deliveries sa pagbili ng COVID-19 supplies last year?

REP. MARCOLETA: Ang tumindig kasi at nagpatunay at nagpatibay na walang overpricing ay mismong Chairman ng Commission on Audit, si Chairman Michael Aguinaldo. At bago pa kami nagsimula ay ipinaintindi niya sa amin na, ‘wala po kaming determination kung ang pag-uusapan po ay iyong COA 2020 report on the audit of the DOH, wala po kaming determination doon sa aming pag-o-audit na nagkaroon ng irregularity that will amount to corruption or that will amount to overpricing or that will amount to ghost delivery.’

So tinanong namin, ano ba talaga kung bakit mayroong deficiency kayong ninota doon sa COA Audit Report. Ang nakita lang nila is on the issue of inventory management. Halimbawa, ang sabi nila, kailangan kasi, wika niya, iyong liquidation ng mga pending procurement. Iyon naman ay pinangatuwiranan na ng DOH, Secretary Martin, na hirap po kami sa ganoon kasi ang aming ginagawa is a continuing procurement. At pagdating naman po sa transfer, wika niya, ng pera mula sa amin at papunta doon sa PS-DBM kaya hindi na po kami nagkaroon ng MOA dahil sabi po naman ng GPPB Resolution # 03-2020, hindi na po kailangang magkaroon ng MOA.

So iyon lamang ang nakita na shadow of deficiency, hindi po iyong irregularity na pinipilit na i-establish yata ng kanilang chamber, parang pinadudugo iyong imbestigasyon, para mapatunayan na mayroong overpricing. Eh nagsalita na po iyong mismong COA Chairman na wala pong korapsiyon at walang overpricing. Eh sabi namin, teka muna, ang mas importante siguro rito na itanong ko sa inyo ‘kako eh naniniwala ba ‘kako iyong Blue Ribbon Committee doon sa inyong pahayag kasi kayo iyong ano eh, kayo ang talagang dapat magpatunay na walang korapsiyon. Pagkatapos doon, dapat ay tumigil na kami kasi kayo na ang nagsalita e, iyon ang gawain ninyo eh – patibayan ninyo at ihayag ninyo sa amin kung talagang mayroong korapsiyon. Kung mayroong korapsiyon ay hahanapin natin, tutulungan namin kayo.

Eh, sa opening pa lang sinabi nila walang corruption, walang overpricing at wala ring ghost delivery. So, sa panig namin, papaano pa kami mag-iimbestiga sinabi na nila na ganoon? Samakatuwid, eh tiningnan na lang namin, eh, teka muna bakit hindi kayo nakapagpaliwanag sabi namin. Lumitaw nga, papaano po kami makakapagpaliwanag hindi naman po kami tinanong.

Sabi nga ng Deputy Ombudsman, this is the first time I was able to make myself available for explanation. This is the only time I was called to present our side. Ang sabi ko, ‘ganoon ba ang nangyari?’ ‘Ganoon po,’ kaniya.

Kasi naliliwanagan kami ‘ka ko, ganiyan naman pala kasimple lang, ‘hindi mo na ‘ka ko ipinaliwanag nang mabuti?’ ‘Eh hindi ko po naipaliwanag sapagkat in the first place I did not have the time because precisely I was not even called even once.’

Ganoon ang nangyari, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Mayroon ba kayong nakitang link sa umano’y maanomalyang transaksiyon na ito sa ilang personalidad gaya po ng Pangulo?

REP. MARCOLETA: Eh, kung pagbabatayan natin, Secretary Martin, iyong COA 2020 Report, wala namang nabanggit na pangalan ni Michael Yang, wala namang nabanggit na pangalan ni Senator Bong Go o kaya iyong mga ibang mga kaibigan nila na ang apelyido ay Chinese. Sana man lang kung binanggit sana iyong—may binanggit ang COA report, ‘o, bakit nabanggit ninyo rito ang pangalan ni Senator Bong Go?’ ‘Bakit nabanggit ninyo rito iyong pangalan ni Michael at saka iyong kaibigan ni Michael Yang?’ Baka sakaling mayroon silang justification na tuntunin iyon. Eh, hindi na nga ganoon ang nangyari eh.

Iyong pinag-uusapan natin is 2020 COA Report, wala namang nabanggit na Pharmally, Secretary Martin. Eh paano namin susuriin ngayon iyon? Lalampas na kami, magmamalabis na kami and we will be able to abuse even the process of investigation in aid of legislation, ayaw naman naming gawin iyon. Eh kasi magkakasala naman kami, Sec. Martin, kapag ginawa namin iyon. Ang naitanong ko, ‘bakit ‘ka ko nagpapatuloy ang Senado?’

Ang ibig sabihin niyan ‘ka ko isa lang, hindi pinaniniwalaan ang report ninyo. Eh malaking problema iyon kasi kapag kayo na ang nagsalita dapat sarado na ang tindahan hindi ba? Nag-audit na kayo eh, sinabi ninyo walang corruption. Bakit nagpapatuloy ang Senado? Anong gusto nilang palabasin? O, ibig sabihin, labas na sa kanilang tuntunin.

Sec. Martin, I will draw your attention to the very title of the resolution, motu proprio resolution, ang sinasabi lang nila ‘in aid of legislation’ and the very basis of the investigation is the COA 2020 Report on DOH funds. Eh, bakit Pharmally ang pinag-uusapan ngayon? Bakit si Michael Yang ang pinag-uusapan? Bakit tinatanong tungkol sa koneksiyon ni Michael Yang kay Senator Bong Go? Bakit ang isang opisyal ng DBM ay kinukonekta nila sa opisina sa Malacañang eh wala namang binanggit na ganito sa COA Report.

Sana ang gawin nila, gumawa sila ng separate resolution, na halimbawa mayroon silang pinagbabasehan o ‘di mag-imbestiga sila sa panig na iyon pero huwag nilang isabit, huwag nilang isangkot ito doon mismo sa pinag-uusapan sapagkat COA Report lang ang pinag-uusapan.

Huwag dapat maghalo ang balat sa tinalupan, Sec. Martin. Iyon ang gusto naming sabihin at sa assessment namin, parang may pagmamalabis kung ang pag-uusapan ay iyong ginagawa ngayon ng Blue Ribbon Committee na pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon. Labas na doon sa parameters and premises of their own investigation which is limited only to the subject of the 2020 COA Report.

SEC. ANDANAR: Deputy Speaker, komento po ng ilan ito. Tila ipinagtatanggol ninyo ‘di-umano ang issue mula sa posibleng kurapsyon, hindi po ba masyado pang maaga para magkaroon ng konklusyon sa usapin; ano pong masasabi ninyo rito, Deputy Speaker?

REP. MARCOLETA: Sec. Martin, kung mapapansin ng ating mga taumbayan, hindi kami gumagawa ng konklusyon dito, ang ginagawa namin dito ay observation. Kahit na siguro lantad ang ginagawa naming pagdinig at ang bawat isa sa mga sumali na mga members ng Congress ay talagang focused lamang kami doon sa usapin noong COA Report 2020 at inamin kasi nila at ito naman ay ang katotohanan na iyong Bayanihan 1 na ginawa ng Kongreso na naibigay sa opisina ng Pangulo dahil nga dapat bigyan natin ng kapangyarihan ang Executive Department na gawin niya kaagad ang agarang mga hakbangin lalung-lalo na iyong pag-procure ng mga gagamitin ng ating mga frontliners sapagkat unang-unang bugso ito ng COVID.

Ang pinag-uusapan nating panahon dito ay iyong Abril, Mayo ng 2020; ang totoo noon eh ang sabi ng batas, eh, huwag na ninyong ia-apply iyong Republic Act 9184 kasi nagmamadali tayo. Kapag iyan ang in-apply mo, eh, aanhin mo pa iyong damo kung patay na lahat iyong mga kabayo. Eh, kaya nga ito iyong dapat na napansin ng mga kaibigan natin, kasama natin sa Senate, Sec. Martin, kasama naman sila sa pagbalangkas ng ano na ito eh, ng batas na ito eh.

Ang totoo niyan kahit siguro hindi gumawa ng market survey o iyong market scanning iyong PS-DBM, kasi ang sinabi huwag ng mag-a-apply iyong batas ng procurement dahil nga ang pinag-uusapan is the expeditious procurement of medical supplies needed at that time.

So, napakalinaw naman yata iyon, eh bakit pipilitin mo ngayon na i-apply iyong sinasabi sa implementing rules ng 9184 gayung nakasabi na sa batas na huwag na ninyong gagamitin iyan sapagkat nagmamadali tayo. Pero alam mo, Sec. Martin, napansin namin kahit na puwedeng i-itsapwera totally iyong 9184, gumawa pa rin ng paraan ang PS-DBM, iyong tinatawag nating ordinary diligence of a good father of the family para lang kahit papaano hindi padaskul-daskol, hindi mabilisan; hinanap pa rin nila iyong reasonability ng prices. Malinaw ito na nai-present nila eh at pagkatapos tinanong ko sila, ‘may kahandaan ba kayo na ipakita sa amin ang mga dokumento?’

Unang-una, nakapag-deliver physically iyong ‘ka ko iyong Pharmally at iyong idineliver nila ay ayon doon sa technical specification, ayon doon sa kasapatan nung hinihingi ng order ng DOH at pagkatapos ito ay in-inspect nang mabuti at tinanggap naman ng DOH at ang DOH naman, sabi ko, ipinamigay doon sa mga kinauukulang frontliners sapagkat ito ang magpuprotekta sa kanila. Sabi nila, ‘bago po tayo ‘ka niya tumuloy sa unang pagdinig ninyo, ipapadala po namin sa inyong komite ang lahat ng mga dokumentong ito.’

Kasi sa panig namin, Sec. Martin, huwag na kaming magpaliguy-ligoy, in the final analysis the evidence will speak for themselves. Ito ang magpapatunay kung talagang mayroong nai-deliver, kung na-inspect iyong delivery in accordance to the technical specifications at kung ito ay nagamit. Ang tinanong pa nga namin eh, ‘binayaran ninyo ba kaagad iyan? Nag-advance ba kayo?’ ‘Hindi po, ang tuntunin po namin hindi po kami magbabayad hangga’t hindi nai-deliver. Kahit nai-deliver na po, hindi pa rin namin babayaran kung hindi po ayon sa technical specifications.’

O, anong gagawin mo sa mga tao? Imbes na magmadali pero gumamit pa rin sila ng kaparaanan para sa ganoon masinop ang kaban ng bayan. Imbes na palakpakan nga natin sila kahit itsapwera na iyong 9184 pero gumamit pa rin sila ng ibang mga tuntunin para lamang makita iyong reasonability ng kanilang pag-i-implement ng kanilang procurement, Sec. Martin.

Ito ang na-establish namin at na-establish lang ito noong bigyan namin sila ng pagkakataon na ilahad naman ang kanilang panig. Eh, sa bawat panig naman ibigay mo naman ang—eh, kung hindi mo naman sila bibigyan ng pagkakataon makapagpaliwanag, paano maiintindihan ng tao ito? Nakikita mo naman ang paraan ng pagtatanong doon sa kabila, may takutan pagkatapos kung anu-anong salita ang mga ginagamit na nakakasakit naman ng loob.

Kung babasahin mo iyong Saligang Batas natin, Sec. Martin, eh ibigay mo naman iyong respeto ng kanilang karapatan. Nakagalay sa Saligang Batas natin ito, rirespetuhin mo ang iyong mga respondents mo, iyong mga resource persons mo. Kaya mo sila kinausap sapagkat in aid of legislation not in aid of anything else, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Paano po, Deputy Speaker kung magkasalungat ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Senado at ng Mababang Kapulungan. Hindi po ba ito lalong magkakaroon po ng confusion sa taumbayan?

REP. MARCOLETA: Sec. Martin naniniwala ako sa angking katalinuhan ng mamamayan. Makikita at makikita nila, mahahanap at mahahanap nila kung alin ang totoo. Kasi mayroong angking kakayahan ang ating mamamayan na makita nila at malinawan nila doon sa pamamaraan na ginamit noong dalawang chambers. Sila mismo iyong makakapagporma ng sariling opinion, kasi kung makikita mo iyong ginagawa sa kabila, mayroong intensiyon to manipulate public opinion. Bakit? Eh mayroong parametro ng pagtatanong eh, mayroong parametro and limitations noong nagawang akitibidad, because you might be able to disabuse or to abuse the system and the process of the exercise.

Kamukha ngayon, sinasabi natin, dapat mayroong legislative purpose, pero hindi legislative purpose ang nasa likuran nito. Hindi na, maliwanag naman ito at lumilitaw na rin sa mga nakikita kong mga opinyon ng ating mga mamamayan, napagkumparahan nila ngayon, nakapaggawa sila ng assessment. Our people were able to make a comparison, to compare and contrast between the processes on how the other chamber is conducting the investigation at kung papaano natin makukuha mula doon ang katotohanan.

May palagay ako at ako ay kumpiyansa sa tao na in the final analysis makikita nila ang katuwiran at ang katotohanan at ano iyong motibo at ano ang pinakamotibo. Sapagkat ito ay napakaimportnate lalung-lalo na nakikita nila, iyong aktibo doon sa kabilang panig ay talagang puro kandidato sa susunod na eleksiyon. Ito ay maglilinaw. Maglilinaw pa ito sa mga susunod pa naming pagdinig, mayroon pa kasi kaming hearing sa Lunes, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon Deputy Speaker Rodante Marcoleta. Ingat po kayo, Sir, at aabangan po namin ang inyong hearing sa Lunes.

REP. MARCOLETA: Salamat po, Secretary Martin. Mabuhay ka.

SEC. ANDANAR: Samantala, hanggang dito na lang muna ang ating partisipasyon sa programa ngayong umaga. Usec. Rocky, take it away.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po, Secretary Martin Andanar. Balikan po natin si DILG Undersecretary Jonathan Malaya para sa first day assessment ng alert level system. Usec., good morning.

DILG USEC. MALAYA: Yes, Usec. Rocky, I’m here.

USEC. IGNACIO: Usec. Tanong po ni MJ Blancaflor ng Daily Tribune: Ano po iyong assessment ng pamahalaan sa first day ng pilot run ng ating new alert level system sa National Capital Region?

DILG USEC. MALAYA: Yes, Usec., maayos po iyong ating pilot run on the first day of implementation of the alert level system. In fact po, maliwanag po sa mga local government units iyong mga pamantayan, which was the result of a series of consultations with the Metro Manila Development Authority, kasama na rin po ang ating mga mayors ‘no sa mga meetings and all other officials. So, nagpadala po ng mga tauhan ang ating mga LGUs sa iba’t ibang mga establisyimento.

At doon po sa mga restaurants who are indoor na allowed for indoor dining which is 10% ay tsinek po ng mga kagawad ng ating LGUs, iyong mga vaccination cards noong ating mga kababayan na nasa loob and so far okay naman po. Pati naman itong mga empleyado ay tsinek din iyong mga vaccination cards. Mayroon lang pong ilang insidente sa ilang barber shops na pinuntahan ng mga kagawad ng LGU at lumalabas po na may mga hindi bakunado doon sa indoor nila. So, ito pong mga taong ito ay hindi na natin pinatuloy, they were asked to go home, kasi nga po hindi po puwede sila, dahil only those who are fully vaccinated can avail of the indoor facilities ng mga barber shops at iba pang mga establisyimentong pinapayagan to operate under the alert level system.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Now, that we allowed po the reopening of more establishments, what challenges are we expecting to face? Ano po ang measures na ginagawa to ensure the compliance of [garbled]…

DILG USEC. MALAYA: Usec. I am sorry, but hindi ko marinig ang inyong katanungan. Pakiulit po, USec. I cannot hear the question.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ito ni MJ Blancaflor. Ito po basahin ko: Now, that we allowed daw po sa reopening of more establishments, ano daw po iyong mga challenges na ini-expect natin na haharapin at ano po iyong measures na ginagawa to ensure the compliance of NCR residents with health protocols versus COVID-19?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Usec., you know this is really a challenge to us, dahil marami na po iyong mga negosyong pinapayagan nating magbukas under the new alert level system, dahil nakatutok nga po tayo doon sa ‘3Cs’. Ang hindi po natin pinapayagan ay iyong mga establisiyimentong closed, crowded and close contacts. So malaking hamon po ito sa DILG, kaya kahapon po nagbigay ng kautusan is Secretary Eduardo Año sa lahat ng local government units, kasama na rin ang NCRPO, ang National Capital Region Police Office na paigtingin iyong enforcement ng lahat ng minimum health standard sa lahat ng mga establisyimento na ina-allow to operate.

At maliban po diyan, kahit na rin po iyong ating mga kababayan na iyong kanilang adherence to minimum public health standard. In particular Usec., ang mga social events po ‘no, such as but not limited to concerts, parties, wedding receptions, engagement parties, wedding anniversaries, debut and birthday parties, family reunion, bridal or baby showers, parades, processions, motorcade and gathering at residences with any person outside of one’s immediate household ay ipinagbabawal din po under the alert level system 4.

So para po masiguro itong compliance ng ating mga kababayan dito sa mga regulasyon na ito ay nagbigay po ng direktiba si Secretary Año sa ating mga barangay, kasama na rin ang ating kapulisan plus the local government units na mag-deploy at i-reactivate iyong kanilang mga COVID-marshals, iyong kanilang mga Barangay Disiplina Brigade at mga police marshal para po masiguro natin iyong pagsunod ng ating mga kababayan sa mga minimum public health standard at para din po maging matagumpay ang ating alert level system.

USEC. IGNACIO: Usec, tanong naman po sa Patrick De Jesus ng PTV, basahin ko na po: Ilang lugar na po ang nakailalim sa granular lockdown sa Metro Manila at ano po iyong sistemang dapat sundin ng mga LGU sa pagbibigay o pagpapatupad [para] maiwasan iyong pagkakaroon ng reklamo ng mga residente na bigla daw po silang ini-lockdown at hindi nakapaghanda. Tanong din po iyan ni Janice Ingente ng UNTV tungkol diyan: Kasama po ba talaga sa guidelines na hindi na magkakaroon ng prior notice?

DILG USEC. MALAYA: Okay. Base po sa ibinigay na report sa amin ng NCRPO ay mayroon po tayong 57 na lugar sa National Capital Region na ngayon ay nasa granular lockdown, so halos po lahat ng LGU dito sa Metro Manila ay mayroong kasalukuyang granular lockdown. Ngayon doon po sa sinasabing isyu tungkol sa warning ‘no, nasa kamay na po iyan ng mga local government units kung anong klaseng warning ang kanilang gagawin.

I must emphasize na ito pong granular lockdown ay granular nga po, ibig pong sabihin, mas maliit na lugar, mas maganda. Kasi ang ating approach dito is the intervention natin must be to the smallest possible affected area. So kung kailangan po ay bahay lamang ang ma-lockdown natin at kung kakayaning bahay lamang ay iyong bahay lamang po. Kasi ang magti-trigger po nito ay iyong mga positibong kaso.

So, since kaunti lang naman po ang apektado, during most instances dito sa ating granular lockdown, kung minsan po ang ginagawa ng mga LGUs, para hindi umalis at lumipat ng ibang bahay iyong mga ila-lockdown ay kaagad nilang nila-lockdown iyong lugar.

As I said. Usec. Rocky, we will leave it now to the discretion of the local government unit kung sila ba ay biglang magla-lockdown lamang or magbibigay sila ng advance warning doon sa mga lugar na ito. Because I must emphasize, Usec., ito pong mga ila-lockdown natin are classified as critical zones. Ibig pong sabihin mayroong positibo diyan, mayroong clustering of cases and there is active transmission of COVID-19 in that specific area, kaya [iyan] nga po ang dahilan na nila-lockdown sila.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong niya: Kung may magiging assistance rin ba sa mga LGU mula sa national government dito po sa pagsasagawa nang aggressive testing sa mga residente na ini-lockdown na lugar?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Mayroon pong binibigay na tulong ang Department of Health by providing testing kit sa lahat ng LGUs kasi kasama nga po sa ating protocol when we do a lockdown is iyong active case finding, ramped up and aggressive testing ‘no. So mayroon pong tulong na manggagaling sa Department of Health towards the provision of testing kit sa ating mga local government units.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question po mula kay Patrick De Jesus: Ano po ang kasalukuyang contact tracing ratio dito sa Metro Manila? Magiging sapat kaya ang bilang ng contact tracers lalo na kung mas maraming lugar ang isasailalim sa granular lockdown at dapat tukuyin ang close contact ng mga magpositibong residente dito?

DILG USEC. MALAYA: Yes. Mayroon po tayong kasalukuyang contact tracers na nanggagaling sa local government unit, mayroon din po tayong mga contact tracers na na-hire under the DILG and fully deployed po ‘yan sa lahat ng LGUs dito sa Metro Manila and sa buong bansa. Mayroon din po tayong mga contact tracers na nanggagaling sa DOLE that are funded by DOLE TUPAD. Mayroon din po tayong contact tracers na trinain [trained] ng TESDA at na-hire na rin at mayroon din po tayong contact tracers na galing naman sa MMDA ‘no.

So lahat po ng mga contact tracers na ito, they are assigned to the different local government unit at ang nagpapatakbo po sa kanila ay ang mga LGUs dahil ang LGUs naman po talaga ang may capacity to deploy them at ang LGU ang may datos kung nasaan iyong mga COVID-19 positives. So ‘pag pinagsama-sama po natin ito lahat, that is the universe of our contact tracing capacity dito sa National Capital Region.

And as I already mentioned in this program several weeks ago, iyong sa DILG po ay na-renew na iyong kanilang mga kontrata so we have 15,000 contact tracers currently operating until the end of the year. So makakaasa po ang ating mga kababayan na hanggang December mayroon po tayong operational contact tracers from the DILG that are assigned to the different local government units.

USEC. IGNACIO: Opo. may pahabol lang na tanong si Tuesday Niu sa inyo ng DZBB: Kung puwede na ba mag-videoke sa mga household? Madalas daw po kasi mayroon niyan dito sa Caloocan.

DILG USEC. MALAYA: Okay. Sa mga households po ay hindi naman ‘no—sa mga households naman ‘no, kung wala naman silang bisita galing sa labas ay puwede po silang mag-karaoke. Ang kailangan lang pong bantayan ng ating mga kababayan ay under the Alert Level System, gatherings at residences with any person outside of one’s immediate household ay ang ating pinagbabawal. So kung kayo lang po or ‘yung inyong immediate family, kayong magkakamag-anak lang naman ang magbi-videoke, wala pong problema diyan. Ngunit kung kayo po ay mag-iimbita ng mga kapitbahay o magdadala kayo ng mga kamag-anak sa ibang lugar at magkikita-kita kayo sa inyong bahay para mag-videoke, ‘yan po ay mahigpit na pinagbabawal under the prohibitions under Alert Level 4.

USEC. IGNACIO: [Garbled] ni Janice Ingente ng UNTV: Pahingi daw po ng update sa VaxCertPH. Nakapag-submit na po ba ang mga LGUs sa DICT ng mga vaccination records nila at kumusta po iyong soft launch nito? Kailan po ito officially mailulunsad?

DILG USEC. MALAYA: Okay. Nailusad na po ito on soft launch dito sa Metro Manila ngunit ito po ay para muna sa mga Overseas Filipino Workers who have trips abroad and also for foreign travelers na kailangan lumabas dahil kakailanganin po nila itong VaxCertPH para sa kanilang pagbiyahe. So the system is operational but it’s only on soft launch right now kasi limitado nga po iyong puwedeng gumamit nito.

And as a matter of fact, Usec. Rocky, nagmi-meeting kami ngayon, umalis lang ako doon sa meeting ng DICT, DILG at lahat ng LGUs dito sa Metro Manila para ayusin itong sistemang ito ‘no. Maayos naman iyong ating soft launch ‘no, nakakasumite naman iyong mga LGUs natin ng kanilang mga datos pero inaayos natin iyong quality of the data ‘no; kung minsan kasi may problema on data quality dahil kung minsan nagkakamali sa pag-encode iyong ating mga encoders from the LGU level. So dahil mayroong pagkakamali, hindi nadyi-generate or nagkakaroon ng ‘error found’.

So ito ‘yung inaayos natin and once this is fully completed by the various local government units; puwede na po natin itong buksan para sa ibang mga tao. Then eventually ang plano po namin ay ma-launch na rin ito sa Region III, Region IV, Metro Cebu and Metro Davao. Pero antabayanan lang po muna ng ating mga kababayan kasi nga right now we’re fixing the bugs in the system dahil bago po itong sistema and there are many moving parts but we are working very hard to ensure na itong sistemang ito will be fully operational and we can now go from soft launch to—ano bang tawag doon? Hard launch.

USEC. IGNACIO: Full launch. Opo. Mula naman po kay Paul Montibo ng SMNI News: Ano po ang direktiba ng Pangulo at ng PNP sa mga LGU kaugnay sa banta ng terorismo sa bansa?

DILG USEC. MALAYA: Parte naman po ‘yan ng mandato ng ating Kapulisan at ng Armed Forces of the Philippines na siguraduhing ligtas ang ating mga kababayan sa terorismo ‘no. I think sa ngayon po ang ating intelligence services ng both the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police ay inaaral na rin iyong repot na lumabas because of the travel advisory ng Japanese Embassy.

But let me emphasize iyon pong travel advisory ng Japanese Embassy is not limited to the Philippines. It’s actually—it covers the entire Southeast Asian Region kasama ang Singapore and Malaysia. So tayo po ay nakikipag-ugnayan sa ating mga counterparts sa Japanese government para ma-confirm iyong report na iyon kung ano po ang naging basehan ng kanilang travel advisory. But so far our situation is stable and there has not been any untoward terroristic activity in our country.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong susunod po niyang tanong: Kung magdadagdag daw po ng mga pulis sa bawat LGU upang pag-iingat sa banta ng terorismo?

DILG USEC. MALAYA: Sa ngayon po, Usec., wala pa pong direktiba si Secretary Eduardo Año tungkol diyan sa isyung ‘yan. Ang maganda naman po sa ating Kapulisan sa buong bansa, mayroon po tayo ng mga quick reaction teams na nakahanda, mayroon po tayong Special Action Force, mayroon po tayong Regional Mobile Force Battalion na puwede nating i-deploy anytime kung mayroong pagbabanta sa seguridad at mayroong banta ng terrorist activity sa ating bansa. Pero so far po, Usec., wala pang naging direktiba si Secretary Año in that regard.

USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol naman po dito sa additional fund ng NTF-ELCAC next year na nasa NEP, paano po makakasiguro ang mga pondo ay para sa mga cleared areas?

DILG USEC. MALAYA: Yes, Usec. Mayroon pong—under the proposal of the National Task Force-ELCAC sa 2022 budget, mayroon nga pong kahilingan for the funding of 1,406 barangays para po maging kasama sa Barangay Development Program.

Ngayon ito pong mga barangay na ito ay cleared na of the Communist Party of the Philippines and the New People’s Army National Democratic Front at ito pong mga barangay na ito ay nabibilang sa Bicol, Eastern Visayas and Caraga Region – mostly in those areas ‘no. Since na-clear na po sila [sa presensiya] ng CPP-NPA-NDF ay puwede na po silang maisama sa Barangay Development Program next year ‘no, under the National Expenditure Program.

Gusto lamang pong liwanagin ng DILG na ito pong mga barangay na ito ay doble-dobleng bina-validate. Ang una pong nagba-validate diyan ay ang Armed Forces of the Philippines kasi sila naman po ang gumagawa ng clearing operations; at ito pong mga barangay, once submitted ang listahan sa amin sa DILG ay bina-validate uli namin through our retooled community support program. Bumababa po ang taga-DILG sa mga barangay na ito mismo, nag-i-immerse po sila at doon po inaalam iyong mga naging problema doon sa mga barangay na iyon at gumagawa po tayo ng mga development interventions kung paano masolusyunan iyong ugat ng problema bakit naging impluwensiyado ng CPP-NPA itong mga barangay na iyon.

So, doble-doble po ang validation ng mga listahan ng barangay na ito. And sinisiguro po ng DILG na lahat ng mga barangay na identified ay lehitimo, dinaan sa konsultasyon at iyong mga proyektong in-identify nila ay pinili mismo ng mga residente.

I would like to emphasize, Usec., na iyong pondo po ng NTF-ELCAC ay hindi po dumadaan sa NTF-ELCAC or ‘di kaya sa DILG. Ito po ay diretsong ibinababa sa local government unit kung saan natatagpuan ang mga barangay na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Mabuhay po kayo, Usec!

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat din po, Usec. Mabuhay po kayo!

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Mga pamilyang nasunugan sa Lapu-Lapu City ang tinungo ng outreach team ni Senator Go kamakailan. Ang mga ahensiya ng pamahalaan, kagaya ng DSWD at NHA ay namahagi rin ng tulong sa mga apektadong residente. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Para naman po muling makibalita sa naging operasyon ng One Hospital Command Center sa linggong nagdaan, muli po nating makakasama si Dr. Marylaine Padlan, Medical Officer III ng OHCC. Good morning po, Doc.

DR. PADLAN: Hello po! Good morning po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kumusta po iyong naging operasyon ninyo nitong mga nagdaang araw? Saang mga lugar po iyong may pinakamaraming naghihintay na ma-admit sa mga ospital?

DR. PADLAN: [Garbled] But kada araw, may mga bagong request po kami na [garbled] 400 to 500 kada araw po. [Garbled]

USEC. IGNACIO: Doc, babalikan namin kayo ‘no, aayusin lang po namin iyong signal. Pasensiya na po. Babalik po kami sa inyo.

Samantala, narito naman po iyong pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa.

Base po sa datos ng Department of Health as of September 16, 2021, umakyat na sa 2,304,192 ang ating total COVID cases matapos itong madagdagan ng 21,261 new cases kahapon. Two hundred seventy-seven naman po ang mga nadagdag na nasawi kaya umabot na sa 36,018 ang total COVID-19 deaths.

Patuloy din naman po ang pag-recover ng mga tinamaan ng sakit na umakyat na sa 2,090,228 matapos itong madagdagan ng 13,644 new recoveries. Ang active cases naman a kasalukuyan ay 177,946, katumbas po ito ng 7.7% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 virus.

Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH; muli po nating balikan si Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center.

Doc, pasensiya na po. Doc, ulitin ko na lang po iyong—

DR. PADLAN: Hello po. Okay lang po. Good afternoon po.

USEC. IGNACIO: Ulitin ko na lang po iyong tanong kanina ano po: Kumusta po iyong naging operasyon ninyo nitong mga nakaraang araw; saan daw hong mga lugar ang may pinakamaraming naghihintay na ma-admit sa mga ospital?

DR. PADLAN: These past days po patuloy pa rin po iyong pagdagsa ng tawag sa amin. Mayroon pa rin kaming average na 400 to 500 new requests per day po iyon. So, wala po kaming nakikitang pagbabago na talagang may bagong request lagi na dumarating.

Tapos pagdating naman po sa mga nahihirapan ma-admit na mga ospital, nakikita din namin dito iyong HUR na niri-report din ng DOH. So, mayroon pa ring kahirapan po doon sa Region IV-A, sa Region III, and NCR dahil madalas po sila po iyong nari-receive naming tawag.

Tapos high risk naman din po ang mga other regions like Region I, Region II, tapos iyong CARAGA and CAR naman po kasama rin po sa mga may reported na difficulty magpasok sa hospital po.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Ivan Mayrina ng GMA News: In a recent interview daw po ni Dr. Dans ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID (HPAAC) said that the numbers in utilization being presented do not reflect the actual situation on the ground. One reason is because we do not have clear picture on the situation in the emergency rooms where the overflow of patients occur. Ano daw po ang masasabi ninyo dito and realistically what is the actual waiting time for severe and critical COVID case to get a bed?

DR. PADLAN: So, tama naman po iyong sinabi na iyong HCUR po kasi hindi siya reflective ng—wala po kasi doon iyong ER beds. So, what we do here is we also call to counter check na iyong mga data na mayroon tayo at kung may availability or wala in order to check kung mare-refer ba natin or maa-admit po siya doon sa ospital na iyon.

So, when it comes to waiting time, hindi po natin—wala tayo talagang de kahon na waiting time kasi depende po iyan again sa cases. Pero iyong severe and critical cases naman po, nadadala naman po, nari-refer po namin kaagad iyan sa mga ospital kasi they will be catered by the hospital since they really need medical assistance po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Maricel Halili ng TV5: Alon Dela Rosa, the composer of “Pusong Bato,” sought for medical treatment in over thirty hospitals for two days but was turned away due to over capacity of patients, he passed away last Wednesday. Gaano na ba daw po ka-critical ang mga ospital lalo na sa Metro Manila?

DR. PADLAN: Iyong based po diyan, again, katulad po ng nasabi kanina, sa ER po kasi nandoon po iyong ano natin, iyung parang gate ng ating mga ospital. So, depende rin po iyan sa dami ng kini-cater na needs or ng patient rather ng mga ER na iyan.

So, condolence po doon sa family po and I’m sad to hear na hindi po nakahanap ng ospital po ‘no; pero iyon po ‘no, punuan pa rin po talaga iyong mga ospital kaya ang ginagawa po namin, nagtatawag pa rin po kami, naghahanap pa rin kami continuously po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Maricel Halili ng TV5: Sabi daw po sa report kahapon ni Presidential Spokesperson Secretary Roque, may 17% pang bakante na ward beds sa NCR at 17% pang bakante na isolation beds but it seems that these numbers do not reflect the situation on the ground. Can the One Hospital Command still refer COVID patients in Metro Manila or should they be brought to provinces already? Totoo ba po daw na may bakante pang ospital for COVID patients sa NCR at nasaan daw po iyong mga bakanteng ospital?

DR. PADLAN: What we need to understand po is that bed availability or vacant bed is fluid po, so, [garbled] dynamic rather. At one time puwedeng may bakante pero we need to think na mayroon pong patient sa ER na ia-admit din po. So, hindi po natin masasabi kung bakante talaga or punuan po kaya we always countercheck.

So, regarding naman po kung saang ospital po, niri-refer namin dito iyong mga patients rather dito sa mga hospitals sa NCR, we do refer them back to NCR dahil nandito po iyong mga tertiary hospitals natin dahil iyong mga cases po natin sa province usually ang nari-receive na po namin na mga calls usually mga moderate, severe or minsan critical pa nga po that some hospitals po within the province or within the regions hindi po nila ma-cater iyong needs ng patient lalo na po kung complicated na iyong cases. So, we can’t help but refer them to NCR hospital because we need to give the needs of the patients.

In terms naman po na kailangan po ba sa province? We also do that naman po, we refer them kung may kayang ospital naman po sa province to cater their needs and amenable or may consent po iyong patient na mag-refer po sa province po.

USEC. IGNACIO: Pahabol pong tanong si Ivan Mayrina ng GMA News: Kapag daw po ninyo sinabing nari-refer agad ang mga severe at critical, gaano daw kabilis ang ‘agad’ kahit range lang daw po?

DR. PADLAN: Mahirap pong sabihin ‘no. Within 12 to 24 hours usually or earlier, puwedeng iyong mga iba, one hour/two hours, depende po talaga sa kaso, then sa availability ng ambulance and then sa location po ng patient. Sometimes po kasi may nahahanap naman na ospital kaagad, pero the location of the patient ay nasa malayo talaga siya, urban o doon sa location po talaga ng hospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong impormasyon. Dr. Marylaine Padlan ng One Hospital Command Center.

Nito pong Lunes, pormal nang binuksan ang panibagong school year at sa ikalawang taon nating pakikipaglaban sa pandemya, muling isinasagawa ang distance learning sa iba’t ibang panig ng bansa. Nakakasabay na nga ba ang ilang mga guro at mag-aaral? Iyan naman po ang ating kukumustahin mula mismo sa mga kinatawan ng Kagawaran ng Edukasyon.

Makakasama po natin sina DepEd Secretary Leonor Briones, Undersecretary Diosdado San Antonio, Undersecretary Annalyn Sevilla at Director Abram Abanil. Magandang araw po sa inyo.

DEPED SEC. BRIONES: Magandang araw, Rocky. Magandang araw sa lahat na nanunood at nakikinig sa programang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary unahin ko na po kayo ano. Secretary Briones tanong po ito ng kasamahan natin sa PTV na si Louisa Erispe: Sa pagtaya ng DepEd, kumusta ang unang linggo ng school year 2021-2022? Kumusta po iyong naging preparasyon ng Field Offices sa unang linggo ng klase?

DEPED SEC. BRIONES: Nakakatuwa, Rocky at masayang-masaya kami sa Department of Education. Dahil sa taong ito, nakita namin na mas marami ang challenges na hinaharap natin sa departamento, kasi nandoon na iyong ibang variant na lumalabas. Pero, ang magandang balita ay nalampasan natin ang enrollment last year. So, even with changed conditions, more challenges, nalampasan natin ang enrollment last year. Ang ating enrollment at this time na nakapag-enroll ang mga bata ay 27,583,701. Ito ay napakagandang balita.

Pangalawa naman, pinasa na sa Committee on Appropriation sa kanilang hearing ang budget ng Department of Education at naghihintay kami sa Plenary. Na-submit na rin ng department [DepEd] ang five year report ng Department of Education sa Presidente sa lahat ng aming accomplishments. Pero right now, for this week tuwang-tuwa kami talaga, dahil nalampasan natin ang numbers last year, mas maraming challenges, pero mas maraming mga bata ang nag-enroll.

So ibig sabihin siguro dito, Rocky, na umubra iyong pagsasabi namin. Tinatanong kami, ano ang sikreto, ano ang preparasyon? Well, una we told the truth. Kung may manghihingi ng impormasyon, binibigay namin at saka nagpapakita ito na sa ating kultura, mahalaga talaga ang edukasyon at ang parents, consider education as very important and crucial for the lives of their children.

Pangatlo, kitang-kita ang trust ng ating taumbayan, ng citizens, ang pagpapaniwala sa Department of Education, dahil in spite of all the threats and all the noise, ang mga parents pinapadala pa rin ang kanilang mga anak sa ating pag-aaruga. And then, there is also the effort at economic recovery na nakatulong sa pag-increase ng enrollment sa private sector. Ito lahat, magagandang mga bagay na nag-contribute sa ating increase in enrollment this year at tayong lahat ay tuwang-tuwa talaga, Rocky.

Thank you.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Louisa Erispe: Kailan na po natin target masimulan itong pilot face-to-face classes? Anu-anong mga lugar na po ang nakita nating puwedeng mag face-to-face kung mayroon man po? And for what grade level?

DEPED SEC. BRIONES: Mahabang panahon na ang aming nagugol at saka ang aming pag-iisip, pagri-reflect, pag-aaral dito sa pilot face-to-face, so handa na kami. Initially, we identified 1,900 schools na mag-qualify, ito ay na-reduce to 600 plus schools. Ngayon ay handa kami na mag-i-implement ng face-to-face in 100 public schools and 20 private schools.

Ang hinihintay na lamang ay ang go-signal ng Presidente. Pero handa ang Department of Education para sa pilot. At iyong tanong mo, Rocky, kung saang grado pag-umpisahan ito, ang advice ng ating mga health experts ay mas mabuti kung sa lower grades pag-umpisahan ang face-to-face, dahil ang mga lower grades, mga bata, una resilient sila, pangalawa ay sila ang nangangailangan ng face-to-face at saka sa growing years nila, importante na i-mold na iyong kanilang character, kanilang study habits, ang kanilang good manners and right conduct at iba pang mga pag-uugali na kailangang i-implant na sa mga bata. Ito ay opinyon na binigay ng mga eksperto sa Department of Health at saka sa IATF, Rocky.

USEC. IGNACIO: Para naman po kay Usec. San Antonio. Ano po ang inyong mga ginawang hakbang para malampasan ang nakaraang enrollment turnout?

USEC. SAN ANTONIO: Magandang umaga, Usec. Rocky.

Opo, lumampas na po tayo sa turnout noong nakalipas na pasukan, ito po ay dahil sa sipag ng ating mga kasamang guro, mga namumuno at mga superintendents, regional directors. Sila po talaga ang gumawa ng mga konkretong istratehiya kung paano mas mahihikayat ang mga bata at ang mga magulang na ipagkatiwala muli sa mga paaralan ang pagpapatuloy ng pag-aaral ng kanilang mga anak.

Ito po ay karamihan po siyempre, hindi naman talaga face-to-face. May ginamit po na mga mobile phones at ang mga ibang istratehiya – nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay at sa mga local governments at iyon pa pong mga magulang ay talagang palaging tinatawagan at na-monitor po nila iyong mga bata na kailangang bigyan ng paalala para bumalik na sa paaralan ang mga bata. Kaya po sa awa po ng Diyos, sabi nga, ay lumampas sa enrollment natin iyong datos natin as of yesterday.

DEPED SEC. BRIONES: Kay Director Abanil po muna tayo. Director kumusta po iyong status ng produksiyon ng DepEd TV lessons at self-learning modules?

DR. ABANIL: Magandang hapon po, Usec. Rocky.

Sa kasalukuyan, mayroon po tayong 1,920 na DepEd TV lectures na na-produce at karamihan nito ay para sa first quarter ng lessons ng ating mga mag-aaral. May iilan tayong mga lessons na patapos na rin. At sa ngayon [ay may] na-accomplish na na program grid for the whole first quarter, puntahan lang ninyo iyong website ng DepEd – Deped.ph.tv para iyong aming mga schedule ng iba’t ibang mga episodes natin pasa DepEd TV po.

USEC. IGNACIO: Para naman po kay Usec. Sevilla. Usec., mayroon po bang increase sa budget for our learning materials and iyong budget allocation for online learning katulad po noong laptop, computers, ICT packages?

USEC. SEVILLA: Yes, Usec. Rocky. Sa taon na ito ay nailaan at naihanda natin ang ating pondo para sa paggawa nitong blended learning. In fact, bago po magbukas ang ating eskuwela ay naibaba na po natin o nai-download ang mahigit na 5.3 billion na pondo para po sa pagpu-produce ng self-learning modules at iba pang mga learning materials na kinakailangan po ng bawat region, division at eskuwelahan.

Tumaas din po ang budget natin for 2022, mula sa 6 billion ay 11.6 billion na po ang ating DepEd computerization program at ito po ay inaasahang malaking kontribusyon lalo na po para sa distance learning natin na blended learning.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Sevilla, mayroon po bang additional MOOE para po sa school operations?

DEPED USEC. SEVILLA: Opo. Mayroon po tayo bilang tugon sa COVID-19 pandemic, naglaan po tayo ngayong taon na ito, 2021, ng 3.5 billion na ibinababa natin hanggang sa mga eskuwelahan para nga po pagbukas natin ng eskuwela noong Lunes ay mayroon po tayong naihanda para sa minimum health requirement or iyong set-up po natin sa new normal para sa ating 44,851 public schools sa buong bansa.

Maliban po dito, mayroon din pong mga MOOE or maintenance and other operating expenses para sa mga division offices at sa mga regional offices. Sa susunod na taon, 2022, Usec. Rocky, ay mayroon din po na kaunting taas iyan at sana po ay iyan ang maaprubahan sa Kongreso at Senado.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Sevilla, mayroon ba tayong additional fund or services para po sa response to the COVID-19 pandemic?

DEPED USEC. SEVILLA: Opo, Usec. Rocky, itong COVID-19 pandemic ay pinalawig po natin ang benepisyo para sa ating mga public school teachers. Kasama po tayo [garbled] basta mayroon pong ECQ or MECQ, mayroon po tayong tinatawag na hazard pay. So kapag sila po ay physically instructed to report in the office, ito po ay 500 kada araw.

Lahat din po ng government employees ay nakapaloob sa PhilHealth COVID-19 assistance: Mayroon po hanggang 22,449 na community isolation; mayroon din pong in-patient care mula 43,000 hanggang 786,000 – ito po iyong nasa PhilHealth coverage natin. At mayroon din pong mga cash assistance, sickness benefit, medical benefits, death and funeral benefits pero ito po ay under ng Employees’ Compensation Program or ECP kung saan lahat po ng kawani ng gobyerno ay nakapaloob dito.

Maliban dito, ang ating DepEd ay may mga assistance to our personnel, DepEd personnel. Kailangan po nilang makipag-coordinate sa kanilang mga human resource officers para po madali na maiayos natin iyong mga requirements na hinihingi ng PhilHealth at ECP.

USEC. IGNACIO: Para po kay USEC. SAN ANTONIO: Kinikilala po ng DepEd, ang kabayanihan ng ating mga guro lalo na sa kasalukuyang sitwasyon. At alam naman po namin na may trainings para sa kanila upang mas maayos at mapalawig pa ang kanilang pagtatrabaho. So anu-ano naman po iyong naghihintay o karagdagang benepisyo para sa kanila?

DEPED USEC. SAN ANTONIO: Alam ko po na iyon pong pagdalo sa mga webinars na binibigay po ng Kagawaran ng Edukasyon ay magkakaroon din po sila ng karagdagang load para po ma-cover iyong paggastos dito sa mga ganitong mga gawain. Tuluy-tuloy po ang Kagawaran sa pagbibigay po ng mga benepisyong pinapayagan ng ating batas. At ang bilis-bilis po, ang sisipag po ng mga tauhan ni Usec. Annie, hindi po tayo nahuli sa pagbigay ng sahod kahit na po nagkaroon ng mga lockdown.

At patuloy din pong inaaral kung paano po mari-recognize po iyong mga trabaho nila sobra sa panahon na nakatakda sa pamamagitan ng mga service credits. Ito po ay masusing pinag-aaralan para siguruhin na ang ating mga ginagawa ay sang-ayon po sa mga ipinapatupad na alituntunin.

USEC. IGNACIO: Secretary Briones, pasensiya na po pero mayroon lang pong pakiusap ang aming kasamang si Tuesday Niu ng DZBB, kung puwede raw po ay pakiulit na lang po iyong ilan ang enrollees this year kumpara po last year?

DEPED SEC. BRIONES: Ang enrollees natin this year ay 27,583,701. Ito ay sa formal education, hindi pa kasama ang overseas schools. Sa non-formal naman, umabot na ng 202,603 ang learners.

Last year naman, kung i-compare natin ay 26,227,022. So ibig sabihin, kung i-compare ang dalawang sets of numbers, ito ay 105.2% compared to last year; at hinihintay natin ang balita from the overseas schools. At kami ay umaasa na with the further opening up of the economy, mas marami nang mag-enroll sa ating Alternative Learning Systems at madagdagan ang ating mga non-formal enrollees.

Thank you very much, Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano ang mga aasahang aksyon ng Kagawaran para po masiguro na tuluy-tuloy ang edukasyon ngayon sa school year 2021-2022?

DEPED SEC. BRIONES: Ang mga aksyon na ginagawa namin, una, lalong pinaigting namin na strengthened ang aming curriculum na ginagamit dahil marami na tayong natutunang leksiyon sa nakaraang taon. Baka mag-shift tayo gradually, bawas-bawasan natin iyong ating dependency sa mga printed materials dahil nakakasira ito sa environment – nangangailangan ng papel, magpuputol tayo ng kahoy. So strengthen natin iyong digitalization ng ating pagpapaaral. Ayusin natin iyong ating mga facilities din.

Pero ang pinakaimportante na iyong ibalanse, Usec. Rocky, iyong health and safety ng ating mga kabataan. Kaya kami ay palaging nakikinig sa sinasabi ng IATF at saka ng mga eksperto sa Department of Health, kinukonsulta namin iyong mga child experts. Ito ang aming plano sa pilot study ay hindi amin lamang; this is really covered by a joint memorandum of the Department of Health and the Department of Education.

Pero tutulong din kami, naniniwala kami na kung uusad lalo ang ekonomiya, uusad din ang ating edukasyong… sistema natin sa edukasyon dahil doon manggagaling ang mga resources na gagamitin natin.

Isa rin mahalagang hakbang na gagawin namin, kitang-kita namin kung gaano ka-importante ang suporta ng parents, ng local governments, ng communities sa pagpatuloy ng edukasyon. Kaya we are continually reaching out to them even regular departments of the government, like the Department of Finance, the Bureau of Customs – nagdu-donate sila ng iba’t ibang mga klaseng mga digital gadgets and toys – business sector. Lahat-lahat, they are coming in. Ito iyong dahilan kung bakit mas maganda ngayon ang turnout ng ating mga learners dahil everybody is helping out, nagbibigay ng advice na pinapakinggan naman namin dahil ang edukasyon ay para sa bansa, para sa ating learners.

So balanse ang health at ang economy. Thank you, Usec, Rocky.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa mga kinatawan ng Kagawaran ng Edukasyon. Nakasama po natin ngayong araw sa programa, salamat po DepEd Secretary Leonor Briones; Undersecretary Diosdado San Antonio; Undersecretary Annalyn Sevilla; at Director Abram Abanil. Mabuhay po kayo!

Malaki ang gampanin ng cotton farming sa makulay at makasaysayang industriya ng ‘inabel weaving’ sa buong Ilocos Region pero ang pagsasaka ng cotton minsan humina at itinuring bilang dying industry. Kaya naman po sama-sama nating alamin ang mga programa ng Department of Agriculture at ng Philippine Fiber Industry Development Authority para po buhayin at paigtingin ang produksiyon ng cotton sa Ilocos Region at suportahan ang mga magsasaka at kooperatiba nito. Abangan po iyan bukas sa Ani at Kita.

At iyan po ang mga balitang ating nakalap ngayong araw kasama na ang talakayang tampok natin ngayong araw. Mga kababayan, 99 days na lamang po at Pasko na.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center