Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay September 20, 2021, araw ng Lunes, sama-sama tayong makibalita sa pinakahuling sitwasyon ng bansa pagdating sa COVID-19 pandemic. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Pag-uusapan din natin ang nagpapatuloy na programa ng pamahalaan para sa pampublikong transportasyon at may good news din tayo para sa mga naghahanap ng trabaho. Magandang umaga po sa lahat, ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Simulan na natin, Rocky, ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita, sinang-ayunan ng Chairperson and Senate Committee on Health na si Senador Bong Go ang pagbabalik ng limited face to face classes sa mga lugar sa bansa na may mababang kaso ng COVID-19. Pero aniya, dapat siguruhing masusunod ang minimum health protocols sa bawat paaralan. Ang detalye sa report na ito:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Ilang araw pa lang nang simulang ipatupad ang bagong Alert Level System dito sa Metro Manila pero nasa 171 areas na agad ang naka-granular lockdown. Bumagal naman umano ang COVID infection sa buong rehiyon; posibleng nag-peak ang mga kaso ayon sa OCTA Research. Pero ayon naman sa DOH, hindi pa raw nalalagpasan ng NCR ang surge ng mga kaso. Iyan at iba pang usapin ang ating tatalakayin kasama si National Task Force Against COVID-19 Adviser, Dr. Ted Herbosa. Magandang umaga po sa inyo, Dr. Ted.

DR. HERBOSA: Magandang umaga, Sec. Martin. At magandang umaga sa mga nanunood sa Laging Handa.

SEC. ANDANAR: Dr. Ted, ano po ang masasabi ninyo sa naging pahayag ng OCTA Research na posibleng nag-peak na ang COVID-19 cases dito sa Metro Manila pero ang sabi ng DOH ay hindi pa?

DR. HERBOSA: Well, dapat maintindihan ng mga tagapanood na iyong ating mga mathematical modelers kung minsan ay iba-iba ang kanilang mga resulta or prediction models ‘no. At kinuwento sa atin ito ng mga bumisita sa ating mga Israeli na eksperto dito sa paglaban sa COVID-19. Sabi nila, tatlong unibersidad iyong ginamit nila; kung minsan daw ay magkakaiba iyong prediction ng tatlo, kung minsan magkakapareho, kung minsan naman ay mali, ganoon.

So, iyan ay mga prediction model base sa assumption. Iyong sinasabi ng OCTA, I think, is mostly applicable dito sa NCR na sa tingin nila mukhang iyong dami ng kaso dito sa NCR ay nagpi-peak na. Ito ay nagma-match doon sa sinasabi ng mga direktor ng mga COVID hospitals na sa totoo lang, iyong mga pasyente nila ay hindi na nanggagaling sa NCR at nanggagaling na sa mga Cavite, Laguna at ibang mga karatig na lalawigan.

Iyong sa UP COVID-19 pandemic at saka DOH naman, sinasabi hindi pa tayo nagpi-peak at mukhang aabot pa ng mga 30 or even 40,000 cases in a day, ang palagay ko ang tinutukoy nila doon ay iyong ating national average ‘no, iyong kabuuan sa buong bansa. Kasi may mga lugar tayo na dumadami, may lugar naman tayo na pababa na, pero kapag sinuma total mo ay baka tumaas pa. So iyan naman ang paalala or pagpapaliwanag ng Department of Health na tuloy pa rin ang COVID at Delta ay nandidito sa paligid natin at dapat tayong sumunod sa pareho ‘no, iyong minimum public health standards – pagsuot ng mask – at pagpapabakuna.

SEC. ANDANAR: Ngayon pa lang daw po ay pinag-iisipan na kung i-extend ang Alert Level 4 dito sa Metro Manila hanggang sa October, ano pong palagay ninyo dito, Dr. Ted?

DR. HERBOSA: Well, kung tama iyong prediction ng OCTA at bumababa ang kaso, puwede sigurong ibaba iyang Alert Level 4 sa Alert Level 3. Pero nakita mo iyong dami ‘no, I think noong isang araw 50 lang iyong mga barangay na nasa localized granular lockdown pero iyong inanunsiyo mo ngayong umaga ay lagpas isandaan na. So mukhang marami-rami itong mga kaso na nagkaroon ng granular lockdown.

Pero, again, kung ang mga ospital ay hindi na ganoon kapuno at ang mga kaso ay pababa na as we’ve observed, iyong sinasabing ADAR or average daily attack rate, ay puwedeng bumaba ang alert level; pero puwedeng tuluy-tuloy iyan ng another two weeks na Alert Level 4 pa din.

SEC. ANDANAR: Ano naman po ang masasabi ninyo sa implementation ng bagong policy shift sa Metro Manila? Ito po ba ay gumagana para sa kapakanan ng health and business sector?

DR. HERBOSA:  Magandang itong ginagawang polisiya. Binasa ko siya, iyong Alert Level System. Ito rin kasi ang ginagamit ng ibang mga bansa ‘no lalo na iyong mga bansa na naniniwalang they have to live or exist with COVID kagaya ng Singapore, Australia. Nalaman na nila na sa pamamagitan ng alert level, ang tao ang madi-decide kung ikaw ay pupunta sa isang lugar na mataas ang risk na mahawa ‘no. So kapag nai-inform tayo, parang sa bagyo, hindi ka naman siyempre pupunta sa tabing ilog at lilikas ka nga kung ang bahay mo ay nandudoon sa pagtaas ng ilog ‘no at mababaha.

So ganiyan din ang sistema nitong Alert Level System – matutuloy nating ang kalakaran, hanapbuhay, mas maraming matutulungan kaysa iyong napakalaking ECQ or community quarantine. Ang nakita ng DOH noong nagkaroon sila ng mapping or GIS mapping, nakita na 11% lang ng geographic region ang nagko-contain ng 80% ng mga dami ng kaso. So ibig sabihin noon, hindi naman sa buong Metro Manila talaga iyong dumadaming kaso; sa iba’t ibang hotspot lang. At sa pamamagitan ng granular lockdown, iyon lang ang kailangan nating i-contain at pabagalin iyong pagdami ng kaso habang the rest of Metro Manila can continue iyong economic activity, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Recently, may naging pahayag si dating medical adviser to NTF, si Dr. Tony Leachon, na four points na dapat gawin ng gobyerno para matapos ang COVID sa bansa. Kabilang po dito ang free expanded mass testing at tracing. Hindi pa rin ba ito nangyari sa ngayon, Dr. Ted?

DR. HERBOSA: Ang testing po, kung ikaw ay kasama sa expanded targeted testing ng Department of Health, iyong talagang ikaw ay close contact, ikaw ay mayroong sintomas, ikaw ay puwedeng magpa-test at PhilHealth po ang sisingilin ng LGU. In other words, libre po.

However, kung ikaw ay gustong magpa-test dahil gusto mo lang malaman kung ikaw ay positive or hindi or hindi ka sigurado, magbabayad ka doon sa mga pribadong laboratories, so hindi iyon ng PhilHealth. Ang kino-cover ng PhilHealth, iyon talagang targeted. So, matagal na tayong mayroong free actually na targeted testing. Kami, health worker, libre kami, wala kaming binabayaran. Tine-test kami regularly para malaman kung ano iyong COVID status namin.

Ngayon, iyong sa mass testing, ginagawa natin iyan sa localized or granular lockdown na iti-test natin iyong karamihan ng mga contact doon sa maliit na lugar. Kasi kapag ginawa natin, Sec. Martin, ang buong Metro Manila mauubos ang pera natin at mauubos ang test na hindi naman natin kailangang gawin iyong test na iyon. So, mas maganda itong gawin during a granular lockdown kasi mas kaunti iyong mga taong dapat i-test at kaya natin.

At ginawa natin iyan, Sec. Martin, iyong mga mega swabbing na ginawa natin noon sa Parañaque, sa Pasay, sa Navotas, sa Malabon, nakapagsugpo talaga ng numero ng kaso iyan para matukoy iyong mga positive at maihiwalay mo doon sa mga kasamahan nilang negative.

SEC. ANDANAR: Sa palagay po ba ninyo ay dapat na ngang pahintulutan ang direktang pagbili ng mga LGU ng bakuna para masigurong hindi sila nauubusan, kagaya rin po ng panawagan ng Cavite LGU?

DR. HERBOSA: Sec. Martin, very complicated iyong vaccine supply. As of now, ang mga vaccine manufacturer lahat sila hindi na nag-a-accept ng mga orders for 2021. Kung mayroon mang nagbebenta at narinig ko may mga nagbenta, eh fake naman at after makuha iyong pera nila tumakbo. So, hindi naman talaga available na iyan kasi diretsong nakikipag-usap si Secretary Galvez na tinalagang vaccine czar ni Presidente na talagang makipag-usap sa mismong manufacturer. So, nakakatakot! Allowed silang mag-purchase pero baka ang supply nila dumating sa 2022 pa.

Number two, iyong mga manufacturer ayaw makipag-usap sa maliliit na procurement. Ibig sabihin noon, they only want to deal with the national government, iyong mga pamahalaan ng mga bansa o mga estado na bibili ng milyun-milyong dose. Kasi iyong presyong pinag-uusapan hindi sulit kung ibebenta sa maliit na [procurement]. In fact, iyong mga pinayagan nating mag-tripartite nag-consolidate sila para dumami iyong mga o-order.

Tapos iyong pangatlo, karamihan dito sa mga kumpanya na ito hindi na pumapayag. Kagaya ng Pfizer, hindi pumapayag iyon sa tripartite agreement, gusto niya sa national government lang. iyong Sinovac yata huminto na rin. Noong una, nagbenta sa LGU of Manila pero after that umatras na rin sa ganiyang ano. So, actually, iyong Astra lang at iyong Moderna ang pumayag. At iyong pangatlo namroblema pa tayo, iyong galing sa India sapagka’t iyong pamahalaan ng India ay pinigil ang exportation ng bakuna sa kanila noong tinamaan sila ng Delta. So, parang naka-hold din iyon.

So, talagang hindi naman kasalanan ng national government kung hindi makabili ang mga lokal na pamahalaan or private individuals. Talaga pong may global shortage ng vaccine supply sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: Nabanggit ninyo po, Dr. Ted, nitong nakaraang buwan na hindi naman ang supply nga ng bakuna ang problema kung hindi iyong kakulangan sa manpower. Ano bang sitwasyon ng mga vaccinator natin ngayon at ano po ang ginagawa ng pamahalaan para tugunan ang problemang ito?

DR. HERBOSA: Tama iyan, Sec. Martin, ano. Ang dami na ng vaccines na iyong in-order natin last year pa ay nagdadatingan na. Kahapon, three million ang Sinovac na dumating. So, ang total na na-land na natin sa Pilipinas ay 62 million doses. Kahapon din mayroong dumating na Moderna, almost a million, 961,000 at tonight may dadating din na Pfizer na almost a million.

So, hindi na problema iyong supply ‘no. Kaya nating magbigay ng supply, ang problema po, ang ating mga doctor at nurse na nasa vaccination sites sila po din iyong mga doktor at nurse doon sa hospitals. So, kapag napupuno iyong hospitals o kapag may naka-quarantine na mga hospital professionals doon ay napu-pullout sila sa vaccination site para tumao doon sa mga ospital na marami ding COVID cases.

So, ang ginawang pamamaraan ay kinausap ng National Vaccine Operations Cluster ang CHED, ang Commission on Higher Education at napagkaisahan na i-allow iyong mga medical students, iyong mga magtatapos nang medical students na marunong mag-inject at mga nurses, pati na yata mga pharmacists and dentists ay isasama para tumulong sa pagbabakuna sa ating mga iba’t-ibang vaccination site na bulto-bulto naman ang supply na dadating at maibibigay.

So, tao talaga ‘no, tao ang kadalasang nagiging problem. In fact, kahit na iyong sa vaccination site, iyong iba sa kanila nagpo-positive so kailangan i-quarantine. Luckily, mild naman ang nagiging sintomas nila.

So, hopefully, makahabol talaga tayo diyan sa mga ibang pamamaraan ng pagbabakuna para mas maraming Pilipino sa mas mabilis na panahon ang mabigyan ng full vaccination.

SEC. ANDANAR: Puntahan din natin ang mga katanungan ng mga kasamahan natin sa media. Nandiyan po si Usec. Rocky. Rocky?

USEC IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Good morning, Dr. Ted.

DR. HERBOSA: Good morning!

USEC IGNACIO: Tanong po para sa inyo ni Ian Cruz ng GMA News: Ano daw po ang guidelines sa pagbabakuna sa minors? Mayroon din po bang prioritizations at una rin po ba ang may comorbidities?

DR. HERBOSA: Okay. As of now, iyong pagbabakuna sa below 18 or 12-17 years old ay hindi pa pinapayagan ng ating National Immunization Technical Advisory Group. Nanghihingi sila ng karagdagang panahon para maaral iyong datos at science. However, in-allow na nila ang LGU na magrehistro para malaman natin kung ilan ba talaga iyong mga kabataan na magiging candidate sa bakuna.

Ang kalaban nito at kasabay nitong pinag-uusapan ay iyong tinatawag na booster dose. So, pinag-iisipan kung iyong ating limitadong supply ay gagamitin ba natin ito sa booster ng mga health workers at ng mga senior citizens o ibibigay natin sa mga teenager. So, debate pa iyan and ina-analyze natin ang data. Mayroong bagong balita sa Amerika na parang mas pini-prefer nilang bigyan ng booster iyong mga health care workers na laging exposed at iyong mga senior citizen na may comorbidity.

USEC IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Ian Cruz ng GMA News: Gaano na po karami ang mga nagka-COVID na minors?

DR. HERBOSA: Naku, wala akong datos on the minors, ano. Pero napupuno din ang ating mga hospital, iyong mga pediatric wing. So, I will have to get back kung ano iyong data and DOH will have that. Hindi kasi natin binibilang at sini-separate iyong age groups ‘no. Pero puwedeng malaman iyan kasi nandudoon naman sa database iyong below 18 years old para malaman natin.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po for joining us today, NTF adviser, Dr. Ted Herbosa. Mabuhay po kayo, Sir! Keep safe!

DR. HERBOSA: Mabuhay, Secretary Martin! Thank you very much.

SEC. ANDANAR: At iyan po muna ang ating talakayang pagsasaluhan ngayong araw ng Lunes. See you all tomorrow. Usec. Rocky, please go ahead.

USEC IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Stay safe po.

Samantala, base po sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon, nadagdagan po ng 19,271 ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa bansa kaya naman po umabot na sa 2,366,749 ang reported na total cases sa Pilipinas.

Mas mataas naman diyan ang bilang ng mga dagdag na gumaling na nasa 25,037 o suma total na 2,151,765 recoveries habang umakyat muli ng lampas 200 ang bilang ng mga nasawi sa kabuuang bilang na 36,788 na mga indibidwal. 7.5% naman ang total cases ang nagpapagaling pa o katumbas ng 178,196 active cases.

Sa iba pong balita, nagaganap naman po ngayon sa Kongreso ang ikalawang araw ng pagdinig sa naging report ng Commission on Audit sa nangyaring procurement ng medical supplies ng Department of Health sa mga unang buwan ng pandemya. Muling sasabak ang mga kinatawan ng COA, DOH, DBM at iba pang personalidad sa nangyayaring imbestigasyon sa Kamara. Tumutok po sa PTV para sa detalye ng balitang iyan.

Sa pagpapatuloy po ng programang Build, Build, Build ng pamahalaan, nakatutok din ang Department of Transportation sa pagsasaayos at pagdagdag ng railway system sa bansa. Bukod kasi sa mas maayos na connectivity sa bawat siyudad at probinsya, layunin din nitong i-decongest ang ating mga kalsada, kaugnay niyan ay makakausap natin si DOTr Undersecretary for Railways, Undersecretary Timothy John Batan. Magandang umaga po, Usec.

DOTr USEC. BATAN: Yes. Magandang umaga po Usec. Rocky and sa lahat po ng listeners and viewers natin ngayong umaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., unahin na po natin kumustahin itong ongoing construction ng Phase 2 ng PNR Malolos-Clark Segment; ito po ba ay inaasahang matatapos on time without delays?

DOTr USEC. BATAN: Opo. Usec. Rocky! In fact kahapon—noong Sabado ay nagkaroon tayo ng site inspection na pinamunuan ni Secretary Tugade doon sa ating construction site para sa underground na railway station sa tapat ng Clark International Airport. Sa kasalukuyan ay mayroon tayong 32% na overall progress rate para sa PNR Clark Phase 2 at inaasahan natin na ‘yan ay matapos sa—iyong kabuuan mula Manila hanggang Clark by year 2024, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ito raw po ay inaasahan din na magdyi-generate nang libu-libong trabaho at prayoridad ninyong mabigyan iyong mga dati nang transport workers at OFWs. Tama po ba ito, Usec.?

DOTr USEC. BATAN: Tama ‘yan, Usec. Rocky. Itong tinatawag natin na North-South Commuter Railway ay mayroong haba na 147 na kilometers, mayroon ‘yang 35 na mga istasyon at iyan ay magdadaan sa dalawampu’t lima, sa 25 na mga cities and municipalities mula sa Clark International Airport hanggang Calamba. Kinabibilangan ‘yan ng tatlong yugto, tatlong segment – nandiyan ang PNR Clark Phase 1 na ongoing construction na mula pa noong 2019; nandiyan ang PNR Clark Phase 2 na nag-umpisa ng construction earlier this year; at nandiyan din ang PNR Calamba na mag-uumpisa naman ng construction by next year.

So sumatotal ‘yang NSCR natin o ang North-South Commuter Railway ay gagawa ng 25,000 na mga direct jobs at sa Clark Phase 2 pa lang ay 7,000 jobs na ang magagawa at direct pa lang ‘yan. Ibig sabihin iyong mga trabahador natin, wala pa diyan iyong mga indirect jobs na tinatawag na magmumula doon sa economic activity na isasagawa o madudulot nitong proyektong ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bakit higit 90% ng capital outlay ng DOTr budget ay inilaan sa railway projects, ano po ang dahilan nito?

DOTr USEC. BATAN: Usec. Rocky, ang kadahilanan ay dahil tayo ay nagka-catch up sa ating investments sa mga railways. Sa katunayan napakalaki noong hindi nagawang mga proyekto nitong nakaraang mga 2 to 3 decades.

In fact, Usec. Rocky, nagkaroon ng isang survey ang World Bank at inilagay ang Pilipinas sa dulo, sa pinakadulo ng 119 na mga countries – nasa pinakahuli tayo sa listahan ng operational railways. Dahil sa noong 2016 noong nag-umpisa ang Build, Build, Build program ng Duterte administration at noong nag-umpisa si Secretary Tugade na pamunuan ang DOTr, nasa 77 kilometers lang ang operational nating mga railways at iyong mga proyekto natin ay nagpatung-patong na ang delay mula dito sa mga nakaraang taon.

Halimbawa itong North-South Commuter Railway natin, dating kinikilalang North Rail, ay nag-umpisa 1994 pa, 27 years ago. Iyong Metro Manila Subway Project natin, 1973 pa unang nagkaroon ng konsepto para sa isang subway, 48 years ago. Itong ating MRT 4, 1995 pa, 26 years ago; LRT 1 Cavite Extension 2000 pa, 21 years ago; at itong ating MRT 7, August 2001 o 20 years pa.

So sa dami noong nagpatung-patong na mga proyekto sa riles na unfortunately nagkanda-delay-delay nitong nakaraang mga dekada ay nadatnan natin noong 2016 iyong napakasamang kondisyon sa trapiko na nagdudulot nang pagkawala ng abot sa 3.5 billion pesos kada araw na kawalan sa ating ekonomiya at ‘yan ang dahilan kung bakit kinailangan nating mag-catch up, kailangan nating habulin, kailangan nating humabol doon sa pangangailangan ng investments sa ating mga railway system, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano pa iyong mga proyektong inaasahan nating makukumpleto bago po matapos ang taon?

DOTr USEC. BATAN: Usec. Rocky, unahin natin diyan, paalala lang natin sa ating mga viewers at listeners na nitong July, nitong Hulyo ng 2021 na sa pamumuno ni Pangulong Duterte mismo ay pinasinayaan na natin ang LRT 2 East Extension. So fully operational na iyan ngayon at tumatakbo papunta doon sa ating mga commuters sa Marikina, sa Pasig at sa Antipolo. Ang MRT 3 Rehabilitation, iyong kilalang-kilala noong 2016 na palaging nasisira, tumitirik at nagkakaroon ng unloading incidents ay matatapos ang full rehabilitation by December of 2021. Ang ating Common Station, iyong ating imprastraktura, iyong ating construction ng civil works ay matatapos nitong Disyembre 2021.

Kung maaalala natin iyang Common Station na ‘yan ay, again, 2006 pa na proyekto ‘yan. Ang nadatnan ni Secretary Tugade diyan noong 2016 ay iyong mga nag-uumpugan na mga interes ng pribadong sektor na naisaayos niya agad at ngayon ay patapos na ang ating imprastraktura ng Common Station by December 2021 at siyempre dito sa ating PNR Clark Phase 1 ay darating na ang una nating train set nito ring Disyembre.

Bago matapos ang termino ni Pangulo, itong MRT 7 ay magkakaroon na ng trial runs by April 2022 so ‘yan ay sa pagitan ng Station 4 to 8. So hindi pa siya passenger operations pero makikita na nating tumatakbo ang ating mga tren dahil nga nakita natin itong mga nakaraang linggo ay dumating na iyong unang dalawa sa mga train sets ng MRT 7. At siyempre ang Metro Manila Subway Project ay inaasahan natin na maging partially operable by the first quarter of 2022 at ‘yan ay kinabibilangan noong ilan sa mga key facilities nito tulad ng depot, iyong parking o maintenance ng ating mga tren, ang East Valenzuela Station at ang ating Philippine Railway Institute, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kaugnay po sa MRT 7 may tanong po si Karen Villanda ng PTV News: Natigil daw po ang paggawa nito along San Jose Del Monte. May timeline raw po kung kailan magagamit ng mga pasahero ang MRT 7?

DOTr USEC. BATAN: Usec. Rocky, ang full operations natin sa MRT 7 ay targeted by December of 2022. Kasama diyan iyong ating inilipat na lokasyon ng depot mula sa San Jose Del Monte, Bulacan doon sa ating new location at full operations ang ating inaasahan by end of 2022, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Karen Villanda: Ano po ang dahilan ng paglipat nang bagong dating na tren ng MRT 7 sa may ginagawang riles nito along Commonwealth kung may testing po? Ano na daw po ang mga ginawa?

DOTr USEC. BATAN: Usec. Rocky, kabilang doon sa mga tests na isasagawa sa mga tren na tulad doon sa iba nating linya, iyong mga tinatawag nating test run, mga static at dynamic test run na unti-unti ‘yang isasagawa between ngayon hanggang next year. Napakaraming sub-components ng bawat tren at ‘yan ay kailangan siguraduhin na fully compatible doon sa ating linya at iyan iyong dahilan kung bakit inilipat na doon sa ating tinatawag na guide way o doon sa ating mga riles iyong bagong dating na dalawang train sets ng MRT 7. So inaasahan natin na by April of 2022 ay magkakaroon na tayo ng una nating test run na tumatakbong tren para sa MRT 7.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sabay-sabay na proyektong in-accomplish ng DOTr sa termino ni Pangulong Duterte. Masasabing bang naging malaking improvement at talagang naramdaman ng mga kababayan nating commuters ang ginhawa ng Build, Build, Build projects partikular po sa sektor ng transportasyon?

DOTr USEC. BATAN: Ay opo, Usec. Rocky. [Garbled] gamit natin na halimbawa ay itong MRT3 [garbled]… Kung maaalala po natin na [garbled] natin po noong 2016 ay tumatakbo lamang po ito ng 25/30 kilometers dahil nga po nagkandasira-sira at ngayon po ay naibalik na natin ‘yan sa 60 kilometers per hour. Ang bilang po ng tren na tumatakbo noon po ay abot po sa 10 to 15 lang ang tumatakbong tren at ngayon po ay nanumbalik na tayo sa 20 to 22 na mga tren.

At iyong tinatawag po nating headway o iyong pagitan, iyong paghihintay sa pagdating ng train, mula sa more than 10 minutes na nadatnan natin noong 2016, tayo po ay nanunumbalik na sa 3 to 4 minutes na headway lamang. At tayo po ay masayang i-report na napakatagal na po nating hindi nagkaroon ng unloading incident o iyong aberya sa train na nagdudulot po na bumaba ang ating mga pasahero. Buong 2021 po ay hindi tayo nagkaroon ng ni isang aberya sa unloading incident sa MRT 3 at iyan po ay isang ramdam at kitang-kitang pagbabago dito po sa ating sector ng riles.

Ngayon po, tulad ng nasabi kanina na nakapagbukas na po tayo noong LRT-2 East extension, kasama po  si Pangulong Duterte at si Secretary Tugade noon pong earlier this year, 2021, at siyempre po iyong lahat po ng ating mga additional na proyekto, iyong mga proyekto pong na-delay, iyong natengga sa huling 20, 30, even 50 years po, lahat po ay umuusad na ngayon, lahat po ay naihabol na natin at ongoing na po at iyan po ay magdudulot ng napakalaki pong ginhawa sa ating mga commuters nito pong mga susunod na taon.

At siyempre po sa ibang sector ng ating transportasyon sa pangunguna po ni Secretary Tugade, sa road sector po, nandiyan iyong tinatawag nating EDSA Bus Way nakikita po natin na nag-improve talaga ng travel time sa ating mananakay ng bus sa EDSA. Mula po sa dating two to three hours sa pagitan ng Monumento at Pasay, iyan po ay naibaba natin sa 40 to 50 minutes na lang.

Nandiyan po iyong tinatawag nating Metropolitan Bike Lanes na mayroon pong 497 kilometers ng mga bike lane na magpo-promote po ng active transportation dito sa Kamaynilaan, sa Davao po at sa ibang mga lugar.

At siyempre po ang ating Maritime at Aviation sectors ay napakadami din po ng mga proyektong natapos nito pong nakaraan na limang taon po na pamumuno ni Secretary Tugade.  Ang Maritime po natin ay nakatapos ng 465 seaport projects at mayroon pa pong 19 na ongoing at ang ating aviation sector naman po ay nakatapos ng 214 airport projects at mayroon pa pong 97 na ongoing.

Suma total po, Usec. Rocky ay napakadami po talaga ng mga proyekto at programa na naisagawa po, na-implement ng DOTr nito pong limang taon sa pamumuno po ni Secretary   Tugade na ang layunin po ay makapaghatid ng mas kunbinyenteng pagta-travel po sa ating mga commuters.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at sana po ay magtuluy-tuloy pa ang mga proyekto ng DOTr para sa ating mga kababayan.

Nakausap po natin si Undersecretary Timothy John Batan, mula po sa Department of Transportations. Salamat po.

USEC. BATAN: Salamat po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Kasabay po ng month long celebration ng Civil Service Month ngayong buwan ng Setyembre, isang online job fair ang handog ng Civil Service Commission para po sa ating mga kababayang nais maglingkod sa taumbayan. Para sa detalye niyan, makakausap po natin si Civil Service Commissioner Aileen Lizada. Good morning po sa inyo, Attorney.

CSC COMM. LIZADA: Good morning Usec. Rocky, at sa lahat ng nakikinig at nanunood, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, anu-ano pong government agencies ang kasali dito sa online job fair na ito at ilang positions po ang bakante?

CSC COMM. LIZADA: More or less, mayroon po tayo, sa total government online career fair, mayroon po tayong 127 government agencies na sumali, sumama and the total vacancies po ay 2,660 covering 1,440 jobs po. So ang iba, I will not mention the 127, but these are mga state universities, mga local government units and mayroon po tayo ditong 13 hospitals and centers, kasama na po dito iyong East Avenue Medical Center, Mariano Marcos Memorial Hospital, UP-PGH, Amai Pakpak Medical Center, Quirino Memorial Medical Center among others.  Mayroon pong DOTr, DOT, MIAA, BCDA, DDB – marami po – NEDA, mayroon pong LBP, Landbank, DOTr, Philippine Air Force, PDIC, CHR at iba pa po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Commissioner, ano iyong mga top positions na hinahanap talaga?

CSC COMM. LIZADA: Okay. Ang ating number one (1) is ang costumer associates – 400 vacancies, revenue officers – 693 vacancies, medical officer – 235, jail officer 1 – 160, administrative assistant – 119, attorney – 94, guidance counselors – 693, administrative officer – 76, medical specialist – 52, account assistant – 50, IT specialist, iyong pang 11 po ay 50. May tie-up po kami ng jobstreet.com po dito sa GOCF po na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, may specific qualifications po bang kailangan para makasali dito sa career fair na ito?

CSC COMM. LIZADA: Mayroon po, depende rin po sa posisyon, but general rule, kailangan po ang education ninyo, training, experience and eligibility. Kung may general rule, iyong exception po natin ay iyong hindi kinakailangan ng eligibility. Ito po iyong there are special grants na binigay, let say if you graduated with honors, PD 907; if you are an honor student in a foreign country which is acknowledged or accredited by our government, mga BNS (Barangay Nutrition Scholar), Barangay Health Workers. Mayroon po tayong mga, iba-iba pong mga grant of eligibilities. And mayroon din pong hindi naman kinakailangan ng eligibility kagaya po ng mga administrative aide 1 hanggang administrative aide 5. So ito, ang ibang mga posisyon po nito ay mga driver, mechanic, process server. Ito po iyon sila, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Commissioner, ito po ba ay bukas sa iba’t ibang regional offices o nakasentro lang dito sa Metro Manila?

CSC COMM. LIZADA: Nationwide po ito, Usec. Rocky, lahat po. So coming from Luzon, Visayas and Mindanao, iyong mga nagpa-register po. So, hindi lang po ito sa Metro Manila, ito po kasama po ang Luzon, Visayas at Mindanao, Usec. Rocky.   

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, paano naman daw po masisiguro na mabibigyan ng equal opportunity itong mga interesadong mag-apply, regardless sa kanilang gender orientation at kung differently abled po sila?

CSC COMM. LIZADA: Reminder lang po. Mayroon po tayong magna carta for persons with disability wherein 5% po ng inyong mga casuals, emergency or contractual po or those delivering social developments services, 5% po dapat ay naka-allocate po sa kanila. And then sa part ng CSC, to avoid discriminatory data po tinanggal na po natin doon iyong age, iyong religion, iyon ho tinanggal po natin. Kasi ang iba kapag nakita, atin ito; or age, ito matanda na ito. So tinanggal po natin iyan on the part of the CSC and if you have the four requirements and then you meet them, it will be based po doon po sa ating ano, everybody will be given an equal opportunity po, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po ang advantage, Commissioner, kung dito daw sa job fair na ito sila makikiisa, imbes na diretsong mag-apply sa mga government agencies?

CSC COMM. LIZADA: Okay. Ang maganda po nito, kapag online kayo at nasa Manila kayo, makikita ninyo kung ano ang bakante sa Visayas at Mindanao o kung nasa Mindanao ka, makikita mo iyong bakante sa Luzon at kung gusto ninyong mag-relocate, kung gusto ninyong iba ang aaplayan ninyo o balik kayo sa probinsiya, makikita po ninyo iyong lahat ng positions. Kasi kung a-apply lang kayo sa isang ahensiya ng gobyerno, iyon lang po ang makikita ninyo. But this one, you will see all the vacant positions nationwide at saka lahat po, doon sa nagpa-register. So, in the confines of your home, sa bahay lang kayo, hindi na po kailangan, magbiyahe, mag-commute, mapapawisan pa kayo.  So at least makikita po ninyo dito kung ano po iyong mga bakanteng position in the respective regions and agencies na nag-apply po.

USEC. IGNACIO: Commissioner, paano po ba daw sila puwedeng makilahok sa online job fair na ito? At saan po sila puwedeng mag-register?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Okay. Ang requirements po natin dito ay Personal Data Sheet, ito po ‘yung version ng Government Online Career Fair; number two kinakailangan ho mayroon kayong JobStreet account, libre naman ho lahat ito.

Kung wala pa kayong JobStreet account, pumasok lang po kayo sa onlinejobfair.jobstreet.com.ph para mag-create po tayo ng PDS natin and then idi-generate ninyo iyong copy ninyo and then ia-upload ho ninyo sa JobStreet account, ia-upload ho ninyo iyong PDS in your JobStreet account. Tapos kung wala nga ho kayong JobStreet account pa eh pumasok lang po kayo sa jobstreet.com.ph.

Starting today na po ang ating Government Online Career Fair hanggang September 24. Tapos ‘pag nakapasok na kayo, you visit all the virtual booths of the agencies so makikita ninyo ano iyong mga bakanteng position at ano iyong inu-offer nila. And then you choose the job that you like at kung saan ho kayo interesado.

So ako suggestion ko, submit po kayo ng maraming e-resume ‘no kung saan kayo tatanggapin. So ‘pag may napili na kayo, you click the button ‘apply’ and then you submit your e-resume and then you can chat with the representatives o you wait for a text message or iyong sa email po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, ano naman po ang apela ng Civil Service Commission dito sa mga ahensiya ng gobyerno sa mga bakante nilang posisyon na hindi pa po napupunan ng tao? [Garbled] at ito po ba ay applicable rin sa mga GOCCs? Dapat ba nilang buksan ang mga posisyon nila at isali rin sa mga job fairs na ito ng pamahalaan?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Salamat po, Usec. Rocky. Marami hong job orders, marami pong contract of services na nasa gobyerno pero hindi kinikilalang government employee – iyon ho ‘yung masakit – nasa loob na ho sila pero hindi natin sila kinikilala.

And as far as I know, there are 100,000 plus unfilled positions in government. CSC cannot open those vacant positions, it is the head of agency. That’s why I am encouraging the heads of agencies please fill up, open and publish. Huwag na ho tayong magri-reserve ng mga position, ibigay ho natin based on merit and fitness.

Nagpa-exam na po tayo sa mga job orders and contract of services, matagal na ho nilang alam ang proseso sa loob ng gobyerno, hasang-hasa na po sila, ready na po sila pero wala lang ho—hindi lang ho pina-publish.

So please publish and open up the vacant positions para ho iyong mga Job Orders and COs ay makapasok na po at mabigyan nang karampatang suweldo po and security of tenure.

So lahat ho ng GOCCs, lahat po ito, marami ho tayong unfilled positions – please open – and marami hong naghahanap ng trabaho kahit state of national calamity. Government, how should we respond? Open up positions para marami hong tumulong sa atin and let us avoid already… sinasabi natin kulang ang trabaho, kulang ang tao – mayroon pong positions, just fill them up. We need to fill up the positions, Ma’am Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, pahabol na rin pong tanong ano po para sa ating mga government employees. Since alert level system na po iyong ipinatutupad dito sa Metro Manila sa halip na quarantine classification, may hazard pay pa po ba silang aasahan? At ano na po iyong magiging pamantayan para sa hazard pay ngayon at lahat po ba ng government offices ay entitled sa hazard pay?

CSC COMMISSIONER LIZADA: Okay. Nag-coordinate po tayo with DBM through Usec. Kim De Leon, ito po ‘yung sagot sa atin regarding that. Kasi ang DBM naglabas ng—nag-issue po ng circular na ang grant of hazard pay ay under ECQ and MECQ. Paano na ngayon itong mga alert-alert levels? So sa lahat hong mga nakikinig na nasa NCR.

I will be reading sa inyo ‘yung binigay po sa akin ng DBM through Usec. Kim: “Alert Levels 1 to 4 is equivalent to GCQ and Alert Level 5 is ECQ. So hazard pay may be paid once area is placed under Alert Level 5 po in NCR.” But… but outside NCR, MECQ and ECQ covered po ng hazard pay, kasi nga ho currently under pilot pa itong implementation ng alert level system.

Once daw it is rolled out nationwide, they will correspondingly update the circular once the use of ECQ and GCQ terminologies will be phased out. So in the meantime that ECQ/GCQ system is still used as the general policy, the circular remains effective. Iyon po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at information. Congratulations po ulit sa pagdiriwang ng 121st Philippine Civil Service Anniversary. Mabuhay po kayo Commissioner Aileen Lizada.

CSC COMMISSIONER LIZADA: Mabuhay po tayong lahat. Magandang umaga po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Samantala daan-daang residente naman na naapektuhan ng pandemya mula sa Barangay Buhangin, Davao City ang hinatiran ng tulong ng pamahalaan at ng outreach team ni Senator Bong Go kamakailan. At sa pagdating nang mas marami pang bakuna sa bansa, pinaalalahanan din ng Senador ang mga ito na magpabakuna na. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. ihahatid po ‘yan ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Nagpapatuloy naman ang mobile vaccination sa mga barangay sa Lungsod ng Davao. Layunin nitong mabawasan ang bilang ng mga tao sa vaccination center sa siyudad. Ang detalye ihahatid ni Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Mga kababayan, 96 days na lamang po at Pasko na.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako pong muli si Usec. Rocky Ignacio. Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)