Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga Pilipinas. Mula sa PCOO, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Ngayong araw ng Huwebes muli ninyo kaming samahan sa isang oras na talakayan kaugnay sa iba’t ibang issue na dapat malaman ng bayan.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Puspusang vaccination rollout ng mga lokal na pamahalaan, COVID-19 claims, mga pribadong ospital sa PhilHealth at usapin sa holiday pay ang sentro po ng ating diskusyon kasama po ang panauhing direktang sasagot sa tanong ng taumbayan.

Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga rin, Usec. Rocky. Mga kababayan, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, Secretary, laking pasasalamat po ng isang retired teacher sa Culion, Palawan matapos matulungan ng bagong bukas na Malasakit Center sa probinsya. Daan-daang pasyente at medical frontliners naman ng Culion Sanitarium and General Hospital ang hinatiran ng tulong ng team ni Senator Go. Ang DSWD may pinansiyal na tulong din sa kanila.

[VTR]

SEC. ANDANAR: Samantala, ilang ospital ang patuloy na dumaraing dahil hanggang ngayon hindi pa rin nababayaran ng PhilHealth ang kanilang reimbursement para sa COVID claims na ‘di umano’y noong 2020 pa. Ang ilan sa kanila nagbanta na ring kumalas sa PhilHealth kung ‘di pa rin mababayaran. Para alamin ang tugon ng ahensiya, makakausap po natin si Ginoong Rey Baleña, Senior Manager mula sa Corporate Communication Department ng PhilHealth. Magandang umaga po sa inyo, sir.

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Magandang umaga Sec. Martin at siyempre magandang umaga rin kay Usec. Rocky at sa lahat po ng mga sumusubaybay sa inyo pong programa. Magandang, magandang araw po sa inyong lahat.

SEC. ANDANAR: Sir, mismong Palasyo na po ang nakikiusap sa PhilHealth na ma-settle na po itong sinasabing unpaid claims ng ahensiya sa mga private hospitals na aabot na ‘di umano sa 20 billion pesos dahil malaking problema nga raw po sa ating public health kung hindi na magri-renew ang mga ospital ng kanilang accreditation sa inyo. Ano po ang sagot ng pamunuan ng PhilHealth sa pahayag na ito ng Palasyo

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Well, Sec. Martin, ang PhilHealth po, ang buong PhilHealth ay talagang committed po na tugunin po ang panawagan po ni Pangulong Duterte na amin na pong mabayaran nang mabilis ang amin pong mga pananagutan sa mga partner naming  hospitals.

Alam ninyo po, Sec. Martin, ito pong pagbabayad ng claims ay talagang pananagutan namin ito, hindi po namin ito tatalikuran. Lamang ay dahil po sa pandemyang ito ay talagang naapektuhan po ang aming operations, naapektuhan po ang hanay ng mga nagpuproseso ng ating mga claims kung bakit nagkaroon po ng mga delays. At siyempre tutugunan at natugunan na rin po natin iyon pong ilang mga policy issues na naging hadlang para po tuluy-tuloy nating maproseso at ma-release iyong bayad sa atin pong mga partner-hospitals.

Lubos po nating nauunawaan, Sec. Martin, ang kalagayan po at iyong idinulot po nito sa ating mga partner-hospitals. Humihingi po kami nang kaunti pang pang-unawa at suporta at moving forward ay matatanggap na po nila iyon pong mga bayad na nabinbin sa mga nakaraan.

SEC. ANDANAR: Ayon po kay Secretary Roque may sapat namang pondo ang ahensiya. Tama po ba ito at kung sapat pa nga, saan po ba nagkakaroon ng problema kung bakit nagiging issue pa rin ang mabagal na proseso ng COVID claims sa mga ospital?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Tama po si Sec. Roque, Sec. Martin. Hindi po issue ang pambayad po sa nasabing mga claims. Mayroon po tayong sapat na pondo, mayroon po tayong matatag na pondo para po ipagpatuloy ang pagbabayad. Lamang ay talagang bumagal po ang proseso natin sa pagpuproseso ng claims lalo na po doon sa mga nagki-claim para sa COVID-19.

Pero sa kaalaman po ng lahat, Sec. Martin, ang PhilHealth po despite the constraints and limitations ay nakapagbayad po tayo nang kabuuang 152.8 billion na po – iyan po ay mula Enero ng 2020 hanggang October 28 ng taong ito.

So ang masasabi po natin ay napakalaking halaga niyan at despite the limitations gaya po ng sinabi natin, nakaya po nating mag-release ng nasabing amount at iyan po ay kumakatawan, Sec. Martin, sa may 75% ng kabuuang claims na atin pong tinanggap. So iyan po ang atin pong situation, kung titingnan ay talagang napakalaki po ang ating naibayad sa hanay po ng ating partner-hospitals.

SEC. ANDANAR: Problema pa rin po ba ang mga questionable claims at kakulangan ng supporting documents kahit ilang beses ninyo na itong ipinaalala sa mga ospital?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Well, opo, iyan ay mayroon pa rin kaming mga nari-report na mga claims na may mga ganoong problema. Ang totoo po niyan ay ilan sa mga pangunahing dahilan kung bakit po kailangan naming ibalik, ayaw man po namin pero hindi po namin mapuproseso kung depektibo o kulang po iyong claim, kaya kailangan po natin itong ibalik. At ilan sa mga pangunahing dahilan po bakit binabalik ang claim ay may mga pagkakamali po doon po sa Claim Form 4 (XML), at ito po ay kailangan pong ayusin ng atin pong ospital. Of course, nandiyan po iyong mga issues ng discrepancies, mga inconsistent data at iba-iba pa ano ho. Halimbawa ay wala pong attachment o may attachment pa [garbled].

So napakarami rin po ng binabalik natin na claim, Sec. Martin. At, more or less, ang RTH o Return to Hospital claims natin ay pumapalo iyan ng some seven percent on average doon sa kabuuang bilang ng claims na tinatanggap natin. So napakalaking bilang po niyan, Sec. Martin. Kaya ang panawagan po natin sa mga ospital, sana po ay ang maisa-submit nilang claim ay ayos na ayos na po para naman hindi na magkakaproblema sa atin pong claims processing unit.

At iyon naman pong mga naibalik namin sa ospital, sana po ay ma-comply na po ng ating mga partner hospitals para maibalik na sa amin at maproseso na po namin iyong bayad.

SEC. ANDANAR: Gaano po katagal ang inaabot ng PhilHealth sa pagri-review ng mga dokumento kada ospital? Nagdagdag na rin po ng manpower ang PhilHealth na tututok sa validation ng mga claims?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Alinsunod po sa batas, dapat po ang PhilHealth ay nagbabayad ng claim within 60 days at iyan po ay aming pananagutan. Ngayon, amin pong nababayaran ito pong mga good claims na tinatawag po. At on average, ang amin pong rate ng pagbabayad diyan ay 42 days ‘no – iyan po ay national average na po namin. Kaya kung titingnan po ay kung maayos iyong claim, mabilis po iyan na napuproseso at nababayaran.

SEC. ANDANAR: Sa mga oras po na ito, Sir Rey, ay may mga nagpahayag na ba sa PhilHealth na mga ospital na hindi na sila magri-renew ng kanilang accreditation for 2022? Kung mayroon po, mga ilan po sa mga ito?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Ngayon po, wala pa ho kaming natatanggap na sulat o notice ano po, na hindi po sila magpapa-accredit sa January 2022. At kami po ay umaasa, Sec. Martin, na kung may mga plano man po ang ilan sa ating mga ospital na mag-disengage mula sa PhilHealth eh sana po ay ma-reconsider po nila ito. Ito po ay napakaseryoso ang magiging epekto sa ating bansa, in particular sa mga pasyente na wala pong kakayanan na magbayad fully ng buong hospitalization bill nila at maraming kababayan natin ay umaasa lang po talaga sa benepisyo nila mula po sa PhilHealth.

Sa ngayon po ay wala pa naman. At kami ay umaasa, Sec. Martin, sa mga naging pag-uusap ni President Gierran at PHAPi President de Grano ay kami umaasa po na ang isyung ito ay masusolusyunan na po; magtutulungan po kami.

SEC. ANDANAR: Humihingi po ng dayalogo ang Private Hospitals Association of the Philippines kay PhilHealth Chief Dante Gierran. Ito po ba ay mangyayari anytime soon? Nag-reach out na po ba kayo sa kanila?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Ay, opo. Laging bukas po ang PhilHealth sa dayalogo. In fact, nitong nakaraan lamang po ay nagkausap na po si President Gierran at si Dr. de Grano, dalawang beses na po. At ang mga dialogues po ay hindi lang nangyayari sa national level kung hindi ito po ay nangyayari din sa amin pong mga regional offices, kasama po iyong mga individual hospital para po mag-reconcile ng claims record at malaman ang tunay na larawan [o picture] ng claim status po.

SEC. ANDANAR: Sir, bigyan-daan po natin ang tanong ng mga kasamahan natin sa media. Usec. Rocky, please go ahead.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Martin. Sir Rey, may tanong po muna mula kay Einjhel Ronquillo ng DZXL/RMN: May timeframe po ba ang PhilHealth sa pagbabayad ng 20 billion unpaid claims?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Well, una po ay ginagawa na po ng PhilHealth ang lahat po ng aming makakaya para po ma-release na po natin iyong mga bayad na iyan. May mga major policy issuances po kami, policy actions na ginawa kamakailan lamang at maaapektuhan po nito iyon pong mga nakabinbing mga COVID claims. And moving forward, makakaasa po iyong ating mga hospitals na darating na po ang mga bayad natin especially doon sa COVID-19 claims.

Doon po sa 20 billion na nabanggit po ninyo, iyan po ay kailangan na further ma-validate po natin at ang susi po diyan ay iyon nga, na tayo ay laging mag-reconcile ng claims data para malaman natin iyong totoo pong picture ng ating pananagutan sapagka’t marami po diyan, Usec. Rocky, ang mga claims na wala po sa PhilHealth kung hindi ibinalik po natin iyan sa mga ospital for compliance. So dapat hindi po iyon mapa-factor in sa kuwenta po ng payables ng PhilHealth. At may mga claims na nadi-deny at iyon po ay dapat hindi na rin po sinasama sa computation ng receivables ng ospital.

USEC. IGNACIO: So, Sir Rey, puwede po nating sabihin sa katapusan ng November or sa December po itong timeframe, puwede po ba nating sabihin iyon?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Well, hindi na po talaga iyon magtatagal sapagka’t talagang mobilized na po ang lahat ng dapat i-mobilize po dito. Nag-augment po tayo ng human resource and our [PhilHealth president and CEO], si Atty. Gierran, ang tumututok po sa ating mga regional offices para po tumakbo talaga at mabilis ang proseso po. Ginagawa po namin ang lahat ng makakaya po namin para po ma-release ang mga payments nila.

USEC. IGNACIO: Opo. So hindi na po ito aabutin ng December, Sir?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Dapat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Red Mendoza ng Manila Times: Ano po sa tingin ninyo ang malaking problema kung sakali mang hindi raw po mag-renew ang mga grupo ng pribadong ospital sa PhilHealth? Maiiwanan po ba ang serbisyo ng PhilHealth sa taumbayan? At may Plan B po ba kayo sakaling mangyari ang boycott lalo na’t hindi pa naman tapos ang pandemya sa bansa?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Well, una, sabi nga natin na tayo ay umaasa ‘no i-reconsider po anumang plano ng disengagement. Kaya iyan po ay pilit natin na ginagawan ng paraan, closely we are talking with PHAPi President de Grano at sa iba pang mga stakeholders natin.

Pero alam ninyo po, ang amin pong major strategy po talaga dito para mabayaran namin iyong amin pong mga partner hospitals ay, una, augmentation po ng aming human resource. Naapektuhan po talaga ang hanay po ng mga manggagawa sa PhilHealth dahil po sa pandemya. At nagpapasalamat po kami maging sa mga miyembro ng Congress na tumutulong po sa amin para i-augment. Nagdi-deploy po sila ng mga newly graduates at mga interns para po samahan iyong aming claims processing units na mabayaran po iyong aming claims na ito.

As to the effect, siyempre alam po natin lahat ang magiging effect nito sa atin pong mga kababayan. Iyon pong mga walang resources, hindi po nila ma-afford na bayaran fully iyong kanilang hospitalization charges. At marami po talaga ang umaasa sa tulong po ng PhilHealth. Napakalaki po lalo doon sa mga vulnerable sectors at kung sila’y nasa pampublikong mga pagamutan, wala na ho silang binabayaran dahil isa ito sa major consideration din po nila sa disengagement issue na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Rey, sunod pong tanong niya: Ano daw po ba ang repormang ginawa ni President Dante Gierran isang taon makalipas na siya po ay naupo bilang chairman?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Well, una po ay talagang kinausap niya lahat ng ating mga regional vice presidents. In fact, ay nagkaroon pa nga po ng lipatan ano po, rotation para po kumbaga fresh leadership sa atin pong mga regional offices.

Nakatulong po ito nang malaki sapagkat nagbigay po ito ng panibagong sigla sa atin pong operation. Lamang ay talagang napakahirap kalabanin talaga nitong pandemya, so mina-manage lang po natin iyan.

Ang isa po ay iyong augmentation ng ating human resource sa hanay po ng mga doktor, ng mga nagpuproseso ng claims, iyong mga nagri-reconcile ng claims ano po at maging sa atin pong legal sector. Nagdadagdag po diyan ng mga tao sapagkat bahagi ng atin pong commitment ay iyon pong bantayan iyong mga claims na maaaring may daya at kung may daya, ito po ay maproseso, maimbestigahan at makasuhan.

So, ilan po iyan sa mga reforms na ginawa po ni President Gierran. At siyempre nabalitaan po natin na in the midst of these claims issue ay sa panahon ni President Gierran nangyari po iyong Debit Credit Payment Method (DCPM) kung saan ay hindi pa man natatapos iyong pagpuproseso ng claim basta ito po ay in process, mahusay, wala pong diperensiya ay 60% po agad ay maaaring i-release sa atin pong mga ospital.

And as of late, nakapag-release na po tayo under DCPM ng 9.3 billion. So, iyong kapunuan noong 40% na balanse ay kapag nag-reconcile na doon sa first tranche at siyempre natapos na iyong claims processing at hindi nakitaan ng depekto iyong claims.

So, isa po iyan ‘no; isa po iyan sa isa sa mga reforms na in-introduce ni President Gierran especially in the midst of this issue.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Rey, may tanong pa po ang ating kasamahan sa media. May dalawang tanong po sa inyo si Sam Medenilla ng Business Mirror. Ito po ang tanong niya: Magkano po ang current funds ng PhilHealth? Mas malaki o mas mababa po kaya ito sa pondo ng PhilHealth last year?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Well, I don’t have the statistics right now ‘no pero suffice it to say na mayroon tayong reserve fund. Iyan po ay matatag at any time ay nandiyan po iyan para tayo po ay anu’t ano man ang mangyari, magkaroon man ng surge sa mga claims ano po eh nananatiling tayo po ay makakabayad.

In fact, hindi naman ho natin magagalaw pa iyang reserve fund ano po ito po ay reserbang pondo. Siguro nakatulong itong [garbled] data of June 30 of this year despite this pandemic eh tayo po ay so far may collection na [garbled]. Malaki niyan ay galing po sa atin pong [garbled] contributors.

So, nagpapasalamat tayo sapagkat tuloy-tuloy ang tiwala ng ating mga miyembro. Idinadaos nila kahit mahirap po ang sitwasyon, nagbabayad po ng kontribusyon para po sa kanilang health insurance.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Rey, iyong sunod po niyang tanong ay: Ano po ang naging impact ng pandemic sa premiums na nako-collect po ng PhilHealth? Mas tumaas or bumababa po kaya ito compared to before the onset of the pandemic last year daw po?

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Well, in general terms hindi natin masasabing bumababa. Ang effect po nito pong pandemic ay alam naman po natin na sinuspinde po natin batay na rin sa naging direktiba ni Presidente Duterte, iyon pong nakaamba na premium adjustment para po sa taong 2021.

Bagama’t nakalatag na po sa Universal Health Care Law na in the next 3-4 years ay unti-unti magkakaroon ng adjustment sa ating premium rate. So, magtatapos—magsisimula iyan ng 3% last year, dapat ay ngayon tataas po to 3.5% at unti-unti hanggang mag-5% ng 2024.

So, bagama’t iyan ay nakalatag na, siyempre, makikita natin, maku-compute sana natin kung magkano ang additional, iyong maidadagdag po sa ating koleksyon pero dahil po sa siyempre sa suspension po at naghihintay tayo ng magiging kung anong kahihinatnan po nito sa Kongreso ay iyon pong mga dapat na makukolekta natin because of this mga legislated premium increases ay hindi po natin iyon mare-realize.

So, for one, iyon po ang nakikita natin na naging effect ng pandemyang ito sa koleksyon ng PhilHealth.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong oras at pagbibigay-linaw, Mr. Rey Baleña, mula sa Corporate Communication Department ng PhilHealth. Mabuhay po kayo, sir!

PHILHEALTH MGR. BALEÑA, SR.: Mabuhay din po kayo, Sec. Martin and USec. Rocky at ang inyong programa.

SEC. ANDANAR: Mga kababayan, hanggang dito na lang muna ang pagsasama natin sa programa ngayong araw. Magkita-kita po tayong ulit bukas. Go ahead, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Stay safe po.

Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa:

  • Bumaba po sa 1,591 ang naitalang dagdag na mga bagong kaso ng DOH kahapon, November 3, 2021,
  • kaya umabot na sa 2,793,898 ang kabuuang bilang ng mga nagka-COVID sa bansa.
  • 186 ang mga bagong nasawi kaya naging 43,586 na ang total COVID-19 deaths.
  • Patuloy din ang paggaling ng mga kababayan natin mula sa virus na ngayon ay umabot na sa 2,712,298 matapos madagdagan ng 4,294 new recoveries kahapon.
  • Ang active cases natin sa kasalukuyan ay 38,014 na lamang po, katumbas po iyan ng 1.4% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

Simula ngayong araw ay pinapayagan na ang dagdag na kapasidad sa mga pampublikong transportasyon sa Metro Manila at mga karatig probinsiya. 70% na po ang maaaring sumakay na pasahero at maaari nang alisin ang plastic barriers ng loob ng mga sasakyan.

Kumustahin po natin ang sitwasyon ngayon ng mga bumibiyaheng PUVs sa lansangan mula kay Karen Villanda:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Karen Villanda.

Idineklarang special non-working holiday ang November 1st at special working holiday naman ang November 2, ang abiso ng DOLE, no work no pay ang mga manggagawa sa mga araw na ito kahit pa idineklarang holidays. Kaya linawin natin kung ano nga ba ang benepisyo na maaaring matanggap ng mga manggagawa sa mga araw ng pista opisyal, makakausap po natin si Ginoong Nicanor Bon, chief of Policy and Program Development Division ng DOLE.

Good morning po, sir!

DOLE-PPDD CHIEF BON: Good morning din Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa bisa po ng Presidential Decree no. 1236, idineklara na nga po ang mga regular or special working holidays, ganoon din po itong mga  non-working holidays ano po sa bansa para sa susunod na taon.

DOLE-PPDD CHIEF BON: Opo.

USEC. IGNACIO: So, ano po ba ang pagbabago sa nilalaman ng nasabing dokumento mula sa mga taunang deklarasyon ng mga holidays po sa bansa?

DOLE-PPDD CHIEF BON: Comparing po, Usec. Rocky sa last year na proclamation, pareho po. So, mayroon po tayong twelve regular holidays, mayroon po tayong siyam na special holidays, anim po doon non-working special days and tatlo po ang special working days, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Para sa kaalaman naman ng publiko ano po ba itong holiday pay, sino lang po ba ang entitled na makakatanggap nito at magkano ba ang dapat asahan dito ng mga manggagawa?

DOLE-PPDD CHIEF BON: Opo. So, sa Pilipinas po para po maging klaro sa ating tagapanood, dalawa po ang klase ng holiday sa atin. Mayroon po tayong tinatawag na regular holidays, iyong isa pong klase ay iyong special holidays. Sa special holidays naman po, dalawang klase iyon, special non-working holidays at saka iyong special working holidays. So iyon pong tinatawag nating holiday pay, mag-a-apply lang po iyon sa mga regular holidays na 12 po iyon sa isang taon. So ang holiday pay po, iyon po iyong payment ng kaniyang suweldo sa araw na iyon kahit hindi po siya pumasok.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero pagdating naman po sa pagbibigay nito, ano ba iyong panuntunan para po mabayaran itong holiday pay ng isang manggagawa, ganoon din para maging entitled ito kung sakaling mayroong dalawang magkasunod na regular holidays?

DOLE-PPDD CHIEF BON: Opo, Usec. Rocky. So, with respect po doon sa holiday pay, lahat po ng rank and file employees ay dapat pong mabigyan ng holiday pay. So regardless of employment status, kahit po siya ay probationary, nag-uumpisa pa lang, kahit po siya ay seasonal, casual, lahat po sila ay entitled sa holiday pay kahit hindi po sila pumasok. Ngayon po, kung nagkataon po na dalawa ang magkasunod na holiday, like ng Monday and Tuesday, ang requirement lang po doon ay dapat pumasok ang empleyado work day prior to the first holiday para po siya mabayaran ng kaniyang dalawang holidays na magkasunod kahit hindi siya pumasok or siya po ay naka-leave with pay on the work day prior to the first holiday to be entitled to both the consecutive holidays, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Pero, paliwanag lang po, pakiulit lang po. So, paano po iyong mga contractual, puwede rin po silang mabigyan nito?

DOLE-PPDD CHIEF BON: Opo. Lahat po ng rank and file employees, regardless of employment status. Kahit po siya ay casual, contractual or probation pa lamang po o nag-uumpisa pa lang, entitled po lahat. Ang requirement lang po diyan ay dapat po siya ay pumasok on the work day prior to the holiday or on leave with pay on the work day before the holiday. Iyon lang po, USec. Rocky ang requirement.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sir ano po iyong paliwanag kung bakit no work, no pay po iyong November 1st, kahit special non-working holiday naman daw po ito? 

DOLE-PPDD CHIEF BON: Opo. So iyon po kanina po na-mention ko na ito pong holiday pay pertains only doon sa 12 regular holidays. Pumunta naman po tayo doon sa mga special days, ito po iyong dalawang klase, special non-working holidays, anim po iyan ngayong taon at saka iyong tatlong special working holiday. Ang rule po natin sa mga special holidays ay no work, no pay. Na-mention po ninyo iyon kanina. Kapag pinapasok po ang empleyado during special non-working holiday, mayroon pong karagdagang bayad, ang tawag po diyan ay premium pay, 30%, so iyon po. However, doon po sa tatlong special working holiday, katulad po ng November 2, special working holiday po iyan,  ang tingin po natin diyan, ang nature po diyan is considered  ordinary day.  Wala pong additional payment iyan na premium pay.

USEC. IGNACIO: Okay po. Pero dahil pa rin po sa kasalukuyang pandemya, Sir, na atin pong kinakaharap ay mayroon po ba tayong binibigyan naman ng exemption mula sa pagbabayad ng holiday?  

DOLE-PPDD CHIEF BON: Opo, Usec. Rocky. Iyon pong mga establishment po who ceased operations during this community quarantine period, sila po ay exempted sa pagbabayad ng holiday pay.

USEC. IGNACIO: Sir, sa iba naman po, sa inyo pong datos ano po. Gaano po karaming lugar ng paggawa na inyong na-inspect o nai-report sa inyong tanggapan noong 2020 ang hindi pa raw po nakakasunod sa pagbabayad ng holiday pay ng kanilang mga empleyado? At ano daw po iyong kaparusahan na maaaring kaharapin ng mga employers kung sakaling tumanggi sila na bayaran ang holiday pay ng kanilang mga empleyado?

DOLE-PPDD CHIEF BON: Opo. Usec. Rocky, base po sa aming datos – iyong mga reports po sa amin ng mga regional offices, sila po ang nag-i-inspect – amin pong nakalap na ngayon pong taong na ito na from January to September of this year, out of the [garbled] establishments na na-inspect po ng  ating mga inspectors sa regional offices, ang compliant po doon ay (unclear). So mataas po ang compliant rate.  Iyong hindi po nagku-comply ay 1,472. So, ang compliance rate po natin in so far as holiday pay is concerned, ay mataas po, 97%. So, mababa lang po ang mga datos natin in so far sa violations on the payment of holiday pay, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Tapusin ko lang po. Sa ating mga kababayan, saan daw sila puwedeng mag-report hinggil sa usapin ng holiday pay. Saan at paano po nila maku-contact ang DOLE?

DOLE-PPDD CHIEF BON: Opo. Mayroon po tayong mga regional offices, provincial offices, satellite [offices], puwede po silang pumunta para po maghain ng reklamo sa pinakamalapit po na opisina ng DOLE na may jurisdiction po doon sa kanilang mga trabaho. So, mayroon din po tayong puwedeng tawagan, mayroon po tayong DOLE hotline, i-dial lang po nila 1349 para po magsangguni, para po maghain ng reklamo sa mga violations po ng mga kumpanya. Then puwede rin pong itanong doon sa hotline 1349 iyong mga address at contact numbers ng iba’t iba pong regional office sa Pilipinas. At saka nandiyan na rin po, mayroon po tayong DOLE website, iyon po sa screen natin, iyong www.dole.gov.ph. Iyon po ang ating mga hotlines.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong   panahon, si Nicanor Bon mula po sa Policy and Program Development Division ng DOLE. Maraming salamat po.

DOLE-PPDD CHIEF BON: Salamat din po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sa kaniya pong huling Talk to the People address, muling nagbabala is Pangulong Duterte sa mga LGUs na magpapabaya sa vaccination rollout, at inatasan po ng DILG na panagutin ang mga local officials na may mabagal na vaccination rate. Para pag-usapan iyan, muli po nating makakasama si DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Welcome back, Usec.

DILG USEC. MALAYA: Yes, magandang hapon, Usec. Rocky at magandang hapon po ang thank you for having me in today’s program.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., inatasan ni Pangulong Duterte ang DILG na panagutin ang mga local executives na  magpapabaya  sa vaccination rollout. Sa ngayon po ba may ilang mga LGUs na ba kayong under investigation para dito sa posibleng kapabayaan sa vaccination rollout at vaccine wastage?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Ang sabi po ng ating Pangulo, we must address the gaps and delay dito sa pagbabakuna. Kaya po ang DOH ay gumagawa ngayon ng assessment ng capacity ng mga LGUs and determine the volume or the target para po maitaas natin iyong ating vaccination.

Si Secretary Año, naman po ay nagbigay na ng direktiba sa PNP and BFP na magbigay ng kaukulang suporta sa ating mga local government unit especially iyong mga medical personnel para makatulong sa ramp up vax to the max vaccination program natin.

Sa amin naman po sa DILG ay mayroon na po kami ng ilang LGU na tinitingnan no, pero hindi naman po kasi natin iyan masasabi na may kapabayaan kaagad dahil sa hanggang ngayon  po kasi ay mayroon pa pong marami sa ating kababayan ay may vaccine hesitancy kung wala naman pong vaccine hesitancy ay namimili ng bakuna.

So, we are assessing daily ang performance sa mga LGU at makakaasa po ang ating mga kababayan na kung sakaling may makita po kaming kapabayaan on the part of local government units ay sisiguraduhin po namin na mananagot po sila.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kaugnay naman po sa vaccine waste stage. Kumusta na po ba iyong imbestigasyon ng DILG sa nangyaring sunog kamakailan sa Zamboanga Del Sur provincial health office kung saan kasama pong nasira ang nasa higit 100,000 doses na bakuna?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Inaantay po namin iyong report ng Bureau of Fire Protection base po kasi doon sa kanilang initial report ay nanggaling sa basement noong provincial health office building ng probinsya in Pagadian City iyong sunog.

So, mayroon palang mga kasama pang ibang mga opisinang nag-o-opisina rin doon kasama na iyong maintenance division ng PNR. So, sabi po sa amin ng Bureau of Fire Protection, they are completing the thorough investigation before they submit the findings to the DILG.

Ngayon ang isa pa pong tinitingnan namin ay kung mayroon bang delay sa pagpapadala ng mga bakunang ito from the provincial health office to the local government unit, dahil nga po kung mayroon po kasing delay ay nagkataon po na minalas na because of delay ay nasunog tuloy iyong mga bakuna doon sa compound ng Kapitolyo. So, ‘inaantay rin po namin iyong resulta ng imbestigasyon na iyan and as soon we have this complete the picture ay aaksiyunan po ito kaagad agad ng DILG.

USEC. IGNACIO: USec., ayon pa po sa report ni Secretary Año kahapon 30% ng mga LGUs ang hindi consistent na nakapagsumite ng vaccination data. Kasama na rin po ba sa isa-sanction itong hindi pag-comply sa data submission at anong klaseng pananagutan po ito?

DILG USEC. MALAYA: Tama po kayo. Mayroon nga pong 30% na mga LGUs na hindi nagsusumite ng kanilang updated records everyday dahil base po doon sa ating polisiya sa National Vaccine Operation Center at the end of the day ay kailangan po nari-report nila iyong nababakunahan nila sa VORS or iyong Vaccine Operating Reporting System.

So, dahil nga po sa delay na ito, mayroon po tayong mga 10 milyong vaccination data ang hindi pa uploaded doon sa system kaya minabuti po ni Secretary Año, na isama ito doon sa mga datos at mga responsibilidad ng mga local government units. Posible po na mag-isyu na ng show cause order ang DILG laban sa mga LGUs na ito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsa-submit ng updated data.

USEC. IGNACIO: Opo. Mga ilan po kaya ang mga ito USec., itong LGU na ito?

DILG USEC. MALAYA: Marami-rami rin iyan USec., ‘no. Marami-rami rin iyan USec. Rocky, kasi mga around 10 milyon data na iyan na hindi pa naa-upload. So, hinihintay pa po namin iyong mga pangalan and it’s very possible po na mag-order si Secretary si Secretary Año, na mag-isyu ng show cause order laban sa mga LGUs na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, base po sa mga natatanggap ninyong report, ano po iyong concerns na inilalapit ng LGUs kaya naman po naantala iyong kanilang vaccination roll out?

DILG USEC. MALAYA: Well, USec., hindi na po problema ngayon ang supply no, the supply is stable. In fact, marami na po tayong naibaba na mga bakuna sa ating mga LGUs nationwide. So, it’s no longer a problem of supply, ang problema po ngayon talaga is: Number one mayroon pa po tayong mga kababayan na mataas pa po ang kanilang vaccine hesitancy. Pangalawa naman po, ay mayroon pa po tayong mga kababayan na namimili ng bakuna. So, nag-aantay po sila ng Pfizer or ng Moderna, kahit nga po may Moderna na, Pfizer pa rin iyong kanilang inaantay na bakuna.

So, ang isa pa pong idinudulog nila sa amin ay kung minsan iyong mga malalayong, iyong mga nakatira sa malalayong barangay hirap po tayong maiparating iyong mga bakuna sa kanila that is why minobilize na po ni Secretary Año, ang ating kapulisan kasama ang ating Bureau of Fire Protection na tulungan ang mga LGUs sa pagdadala ng bakuna sa mga barangay. Dahil ang gusto po natin ay ilapit ang bakuna sa mga barangay at huwag na po nating pagastusin pa ang ating mga kababayan na pumunta sa sentro or sa poblacion para mabakunahan sila; so, iyan po ang nakikita namin mga problemang dinudulog ng mga LGUs.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., inatasan na nga po ni Pangulong Duterte ang AFP at PNP  na gamitin na rin iyong air assets para mas mapabilis iyong paghahatid ng mga bakuna sa probinsiya. Pero, nababahala naman po ang Pangulo sa posibleng kakulangan ng manpower. Paano po kayo nakipag-ugnayan sa mga Mayors at Governors tungkol dito USec?

DILG USEC. MALAYA: Actually USec. Rocky, naayos na po natin iyong problema ng pagpapadala sa mga probinsiya, wala na po tayong problema diyan. Mayroon po tayong mga logistic providers na kinausap para maghatid ng bakuna sa mga probinsiya.

In fact, doon po sa 50 priority cities and the town na na-identify ng NVOC na kailangan mag-ramp up ng vaccination, sa kanila po ay diretso na iyong paghahatid ng bakuna from the National Government directly to them.

So wala na pong problema doon, ang nakikita po naming problema ngayon ay within the local government unit iyong paghahatid ng bakuna mula doon sa sentro or sentro ng LGU o sa poblacion papunta po sa mga barangay. Kasi nga po dapat natin ilapit iyong vaccination sa kanila para hindi na po sila mahirapan magpabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., may tanong lang po si Sam Medenilla ng Business Mirror. Ang tanong po niya: Ilang reports ng vaccine waste stage and failure sa vaccine roll out ang iniimbestigahan po ng DILG? Kailan po kaya expected maku-complete ang investigation sa mga nasabing cases?

DILG USEC. MALAYA: Okay. Ganito po kasi no, kaka-stabilize pa lang po ng ating supply last month and immediately after nag-stabilize ang supply dumami ang ating bakuna na natanggap mula sa ibang bansa ay kaagad-agad pong pinatawag ni Secretary Eduardo Año, kasama si Secretary Duque, ang lahat ng ating mga LGUs specially iyong mga priority provinces and cities and municipalities natin and napag-usapan nga doon na i-ramp up iyong vaccination.

So, ang ginagawa namin, tinitingnan po namin iyong daily performance nila, binigyan po natin sila ng daily target and kailangan po maabot nila iyong target na iyon. So, we are giving them some time to be able to reach that target, kung makita po namin na talagang hindi gumagalaw iyong target diyan na po natin masasabi na mayroong kapabayaan.

So, we are giving the LGUs time to adjust, siguro po in the next few weeks ay makakapagsabi na ang DILG kung mayroon ngang mga LGUs na kailangan isyuhan ng show cause order at makasuhan for negligence or misconduct.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ititigil po kaya muna ang pagbibigay ng vaccine supply sa mga LGUs na under investigation?

DILG USEC. MALAYA: Hindi naman po. Ang ginagawa po namin—as I said, lahat po ng LGUs na iyon ina-assess namin iyung performance nila. So, ang ginagawa po natin kung hindi pa nauubos iyong bakunang pinapadala sa kanila hindi muna sila binibigyan ng additional until maubos nila iyong in-allocate sa kanila. Iyon muna po iyong aming ginagawa while we continue to push and encourage them to ramp up their vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni JP Nuñez ng UNTV: May ilulunsad na National Vaccination Day ang national task force this November. Ano po ang magiging instruction ng DILG sa mga LGU para daw po ma-achieve ang 5 million target vaccination?

DILG USEC. MALAYA: Alam mo USec. Rocky, napakaganda niyang proposal na iyan ni Secretary Carlito Galvez. Actually we support that, the DILG support the National Vaccination Day. Kasi, mayroon po tayong mga sitwasyon na iyong ating mga kababayan ay hindi makapunta sa mga vaccination center dahil sila ay nagta-trabaho.

Mayroon po silang mga pasok and paglabas nila ng kanilang bahay ay hindi na sila makapunta dahil sarado na iyong vaccination centers natin usually 5:00 or 6:00 ay sarado na po iyan.

So, ang National Vaccination Day is very welcome dahil diyan sa araw pong iyan ay maira-ramp up po natin ang ating vaccination sa lahat ng lugar sa ating bansa and definitely po, we will issue the necessary directives through Secretary Eduardo Año, sa ating mga LGU na suportahan ito na siguruhin na marami sa ating mga kababayan na makapag-rehistro during this National Vaccination Day.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong niya: Automatic ba na puwedeng gamitin ang mga schools na vaccination sites o kailangan pa rin daw po ng approval from DepEd?

DILG USEC. MALAYA: Ang Department of Education po, ang sa alam ko po ay nakapaglabas na ng DepEd order and DepEd memorandum na ipagamit ang mga eskuwelahan bilang vaccination centers ‘no. So kailangan po iyan ay nakahanda kung kinakailangan ng ating mga local government units. So wala pa naman po kaming nari-receive na report na ayaw magpagamit. Just in case, kailangan po iyan ay ipagamit ng mga division [offices] ng DepEd dahil mayroon na nga pong polisiya mula sa Department of Education Central Office.

USEC. IGNACIO: Opo. How about naman daw po itong pag-administer ng booster doses na tina-target simulan na rin by November 15? Paano po ang inilatag na sistema dito lalo na sabay-sabay na lahat ng bakunahan pati po daw sa mga bata?

DILG USEC. MALAYA: Yes. Binabalangkas na po ng NVOC iyong operational guideline for the first rollout with the health workers, iyong booster dose nila at para rin po sa phase 2 which is the senior citizens and immunocompromised individuals. Ang target po natin for the senior citizens is 4.6 million; para naman po sa health workers is 1.5 million. Pareho po natin inaasahang mairi-release ito very soon and ang simula po ng rollout ng booster dose na ito for these two components is on November 15.

USEC. IGNACIO: Opo. May ilang tanong din po dito sa inyo si Patrick de Jesus ng PTV. Una po: Kung kumusta daw po ang implementation ng alert level system sa mga probinsiya at ilan pang probinsiya ang posibleng isama dito?

DILG USEC. MALAYA: Maganda naman po ang feedback natin from the provinces. Bago po kami magdagdag ng probinsya ay kinu-consult namin iyong mga probinsiya, ang local government unit o provincial government and the cities there, through our DILG field offices at kapag um-okay po sila, kaagad-agad nagka-conduct po kami ng orientation para sa mga probinsyang ito.

So, so far wala naman po tayong nakitang problema – the implementation of the alert level system has in fact been a success ‘no. Nakita po natin pababa nang pababa ang ating mga kaso ‘no – once more than a thousand, 1,591 na lang po iyong ating new cases at pababa nang pababa rin po ang ating healthcare utilization rate not only in NCR but in the rest of the country. So matagumpay po ang implementation ng alert level system sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Patrick de Jesus, pareho po sila ng tanong ni Ivan Mayrina ng GMA News: Kung magkakaroon po ba nang bagong panuntunan sa pagsusuot ng face shield o posible na rin itong tanggalin dahil sa bumababang cases? Ang sabi naman po ni Ivan Mayrina: If not, mahigpit pa rin po ba itong ipinatutupad on the ground o mas maluwag na rin?

DILG USEC. MALAYA: Alam ninyo po nakausap ko po si Secretary Eduardo Año diyan and kami po, we support na paluwagin na iyong polisiya natin sa paggamit ng face shield. So kami po sa DILG, we will recommend to the IATF na dahan-dahan na nating tanggalin iyong face shield as a requirement except of course in hospital setting. Kapag kayo po ay nasa ospital, since high risk environment iyan, sa tingin po namin sa DILG, required din kailangan ang paggamit ng face shield. But in other instances, sa tingin po namin ay puwede na pong luwagan ang polisiyang iyan. So in the next IATF meeting, I was told that Secretary Año will be proposing na tanggalin na po ang face shield requirement. But at the end of the day, Usec., it will be the decision of the IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kailan po iyong next IATF meeting?

DILG USEC. MALAYA: Nandito po kasi ako, Usec. Rocky, sa Camarines Sur ‘no, I mean sa province ‘no. Hindi ko po na-monitor kung kalian, pero mayroon po ngayong linggo, magkakaroon po ng IATF [meeting] this week.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DILG Undersecretary Jonathan Malaya. Ingat po kayo sa Camarines. Salamat po.

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat po Usec. Rocky at mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, sinadya rin ng ilang ahensiya ng pamahalaan at team ni Senator Bong Go ang bayan ng Piddig sa Ilocos Norte kamakailan para po mamahagi ng ayuda sa mga kababayan nating Ilocano.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Para sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS-Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Merry Ann Bastasa.

Para mapanatag ang ilang mga pasaherong bumibiyahe, ang mga ospital ng Barangay Lasang sa Davao City, nanguna sa pagdidikit ng sticker sa unit ng mga tricycle driver na bakunado na. Para sa detalye, may report si Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Mga kababayan, 51 days na lamang po at Pasko na.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po uli tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOUURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)