Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH Episode #92
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga Pilipinas. Nagpapatuloy po ang pagpapatupad ng community quarantine sa buong bansa. Iba-iba man ang lebel nito sa ating mga lugar, mahalagang patuloy tayong makialam sa mga hakbang ng pamahalaan upang labanan ang krisis na ito. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO:  Good morning, Secretary. Kaya naman ngayong Huwebes ng umaga, sasamahan tayong muli ng ating panauhin mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang sagutin at linawin ang ating mga katanungan maya-maya lamang po. Mula sa PCOO, ako naman po si Undersecretary Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Ako po si Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang po makakasama natin sa programa sina Department of Agriculture Secretary William Dar; Philippine Chargé d’Affaires to Kuwait, Mohammad Noordin Pendosina Lomondot; Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.

USEC. IGNACIO:  Secretary, makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t-ibang probinsiya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman po sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Para po sa pinakaunang balita, aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senate Bill 640 o Republic Act 11478 na naglalayong mas maparami ang bilang ng bed capacity sa Bicol Medical Center. Sa ilalim ng batas na ito, papataasin ang capacity ng ospital mula sa 500 beds to 1,000 beds. Bukod diyan, i-upgrade din ang mga pasilidad at professional healthcare services ng ospital upang makapagbigay nang mas maayos na serbisyo sa mga Bicolanos.

Ang bill na ito ay isa sa mga sponsored bills ni Senator Bong Go bilang Senate Committee Chair on Health and Demography at principally authored by Representative Gabriel Bordado, Jr. at Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte. Ito naman po ay sponsored ni Representative Angelina Tan sa House of Representative habang si Senator Francis Pangilinan ang nag-file ng counterpart version sa Senado.

Para po sa mga updates ukol sa sektor ng agrikultura, narito po, makakausap natin si Department of Agriculture Secretary William Dar – magandang umaga po, Secretary.

SEC. DAR:  Magandang umaga po Usec. Rocky at Sec. Martin. Good morning po sa lahat ng nakikinig at nanonood po.

USEC. IGNACIO:  Secretary, itinigil po muna ang government-to-government rice importation mula sa Vietnam. Gaano po ba kasapat ang supply ng ating bigas sa kasalukuyan? Kakayanin po ba natin iyong tuluy-tuloy na itigil po iyong rice importation sa ating bansa?

SEC. DAR:  Ito po iyong mga datos Usec. Rocky: As of this month mayroon pa tayong 82 days to last, I mean iyong imbentaryo po natin ngayong Hulyo na ito, starting July of 2020, we have good for 82 days. Now looking at the whole year supply and demand outlook, by the end of this year, we will have a low of 78 days and a high of 100 days to last, that’s the rice inventory po, so mayroon po tayong sapat na pagkain.

USEC. IGNACIO:  Secretary, bilang pagsuporta po natin sa ating mga local farmers, kasama na po iyong hog raisers sa panahon ng krisis – kinokonsidera po ba natin iyong pagpapatupad naman ng iba pang importation bans para po sa ating agricultural, poultry and other meat products? Dahil ayon po sa ilang grupo, mayroon naman daw pong oversupply ng mga ito sa ating local production?

SEC. DAR:  Tama po kayo, Usec. Rocky. Ang palagi natin na policy guidelines in relation to that, mas lalo na dito sa pandemya: Una ay suportahan natin at ipataas pa iyong lebel ng production or productivity ng mga domestic livestock raisers natin, and for that matter, for all commodities. So iyon po, we will be there, we are there and we are going to work with and assist the domestic producers, the farmers and the fishers to level up their production and increase their incomes as well.

So iyong importation Usec. Rocky ay kung wala po iyong produkto dito sa Pilipinas in commercial scale kagaya po iyong mechanically de-boned poultry products ay iyon po lang kasi gagamitin po ng mga food processors iyon. So plano pa iyon na iyong importation ay kung wala dito sa ating bansa at kailangan natin ay iyon lang po ang binibigyan ng import clearance.

SEC. ANDANAR:  Secretary, paano po nakikipag-ugnayan ang Department of Agriculture sa mga farmer groups para makonsulta sila tungkol sa mga polisiyang ipinapatupad po ng inyong ahensiya; Gaano po kalaki ang naitutulong nito para matugunan ang mga pangangailangan ng sektor?

SEC. DAR:  Yes, Sec. Martin. We have this Philippine Council for Agriculture and Fisheries, PCAF for short, ito dati iyong NAPC. Ngayon ay na-streamline iyong stakeholdership engagement kasi ang budget ng PCAF ay nahati, kalahati lang iyong approved budget but it does not mean na reduce iyong engagement ng multi-stakeholdership.

So mayroon tayong mga committees diyan sa various commodities, ay ang ginawa po natin ay instead na separate iyong technical committees ng PCAF vis-à-vis iyong mga banner programs natin ay minabuti po natin na ma-integrate itong dalawa. Hindi lang policy advocacy ang ginagawa ng PCAF, tutulong na rin sila doon sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga proyekto at mga aktibidades doon sa mga banner programs, so nandiyan po, institutionalized po itong stakeholders participation.

Of course not all will be involved kasi ang dami namang civil society organizations, business organizations, farmer leaders and the like. So you have also to rotate kung sino po iyong stakeholders na ma-involve, ma-engage dito sa mga formal committees ng PCAF.

SEC. ANDANAR:  Mayroon pong panibagong banta ng swine flu mula sa China. Ito daw po ay maaari ding magdulot ng panibagong pandemya. Ano po ang preventive measures ng ahensiya upang ngayon pa lamang ay makaiwas na po tayo rito? 

SEC. DAR:  Marami tayong pinapatupad, Sec. Martin. Unang-una ay dapat wala nang smuggling ng mga pork and pork products na galing China, iyon from time to time dumadating, may mga smuggled items. So nakikiusap po kami na sa mga nagnenegosyo na nagpaparating pa rin illegally, itong mga pork and pork products na galing mas lalo China. Mayroon na silang epidemic in terms of swine flu, huwag nating dagdagan ang problema natin sa bansa. Itong pandemya natin ay masyadong, you know, we really have to win over. It’s a big challenge for all of us in the country.

Nandiyan rin iyong African Swine Fever, na ganoon din, problema pa rin hanggang ngayon. So we have also elevated iyong quarantine measures doon sa mga seaports and port areas, airports natin para mabantayan po natin. Pero ang pinakaproblema natin most of the time Sec. Martin, iyong smuggling at saka iyong mayroong dinadala na produkto galing mga countries na bawal tayo mag-import.

USEC. IGNACIO:  Secretary, nagre-request po ang Department of Agriculture ng P66 billion stimulus package aside from the proposed 240 billion budget po for 2021. Saan po ba natin balak gamitin iyong additional funding na ito?

SEC. DAR:  Alam po ninyo Usec. Rocky, Sec. Martin, iyong aming total budget proposal for 2021 ay nasa P240 billion, i-integrate na namin po iyong P66-B doon. So, kasama na po iyong totality ng P240 billion iyong P66-B. The major areas—tatlong major areas, we need to expand and support more domestic food production sa ating bansa. That’s the major goal doon sa number one na… that’s about P31 B out of the P66 B. Dagdagan natin, i-expand natin ang mga banner programs para mas marami po tayong food production volumes at maitaas po iyong food sufficiency level dito po sa bansa.

Iyong second part of our program na kasama sa P66-B ay iyong tinatawag natin na—dapat mag-set up na tayo ng mga big food markets in critical areas of Metro Manila and other areas of the country and to consider also the food logistics that will bring the produce from the provinces up to the metro areas all over the country; so, iyon ang isang investment – infrastructure for food markets and food logistics. Kailangan natin marami pang reefer vans, mga cold storages, mga trading centers in strategic areas in every province at iyong mga bagsakan areas sa mga distrito or strategic location sa province para mas mabilis po iyong movement at saka trading ng mga iba’t ibang proyekto or produkto ng mga magsasaka at mangingisda sa kanayunan.

Iyong third level doon sa P66-B ay cash for work program po. Iyon po ang gusto natin mangyari, kasi ang dami pong mga walang trabaho ngayon at gusto natin na cash for work ay kagaya na po ang rain water harvesting, mga desilting of irrigations systems at even rehabilitation of existing system. So, marami po tayong magagawa kung mayroon tayong pondo para sa cash for work program.

USEC. IGNACIO:  Secretary, alam po namin na napakahalaga ng papel ng Department of Agriculture doon sa ating food security at siyempre po iyong mahigpit ninyong pagbabantay ninyo doon sa panibagong banta ng swine flu. Ano na lang po iyong inyong mensahe sa ating mga kababayan, Secretary?

SEC. DAR:  Now in relation sa hog industry, Usec. Rocky and Sec. Martin, mayroon na kaming ibinaba sa mga rehiyon 400 million pesos worth dito sa dalawang region, CALABARZON at saka Central Luzon para mabigyan ng livelihood opportunities iyong apektado ng African Swine Fever. So sila iyong unang priority noong 400 million pesos at ganundin po ang gagawin po natin sa iba’t ibang rehiyon na apektado ng African Swine Fever.

Kasi malaki iyong na-depopulate. Mayroon rin tayong pangalawang tranche na 400 million pesos also to restock iyong hog industry at uumpisahan natin itong Hulyo iyong additional P400 million para gagawin po natin dito ay community hog raising. Ika-cluster namin na in a group of 20 small hog raisers at sa isang 20 na cluster ay bibigyan natin ng ayuda in terms iyong mga biik at initially mga pagkain of course ng biik, para sa ganoon ay ito iyong restocking of the hog industry ay makakatulong doon sa mitigation of the potential deficit of work by the end of the year.

So, sana maisagawa na namin agad-agad para in five or six months times ay mayroong dagdag na karneng baboy na maibenta sa mga merkado; so, iyon po tulung-tulong po tayo.

At ang Kagawaran ng Pagsasaka under our new umbrella program, plant, plant, plant ay talaga namang puspusan po ang pag-iimplementa in tandem with the DILG and the local government units, para lang mapataas natin ang antas ng food sufficiency para hindi tayo dependent doon sa mga inaangkat natin sa ibang nasyon.

Alam ko ang mga farmers, ang mga Filipino farmers and fishers are very resilient and we are there from government to help every step of the way for them to really elevate and increase their food production volumes. And during this pandemic, we need to survive and food is a must and agriculture and food would be critical to rebooting Philippine economy.

USEC. IGNACIO:  Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, DA Secretary William Dar.

SEC. DAR:  Salamat po, Sec. Martin, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Samantala, inilunsad ng pamahalaan noong lamang May 20, 2020 ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program upang matulungan ang ating mga kababayan na nais ng makauwi na sa kani-kanilang mga probinsya. Subalit pansamantala itong ipinagpaliban upang bigyang-daan ang Hatid Tulong Program na layon ding mapauwi ang mga kababayan na stranded sa Maynila dahil sa umiiral na community quarantine. Para sa iba pang detalye panuorin po natin ito.

(VTR)

SEC. ANDANAR:   Upang sagutin naman ang mga katanungan kaugnay sa mga isyu tungkol sa ating kalakalan, makakausap natin si DTI Secretary Mon Lopez. Magandang umaga sa ito, Secretary Mon.

SEC. LOPEZ:  Magandang umaga, Sec Martin at saka kay Usec. Rocky; at sa inyo pong lahat na nakikinig at nanunuod.

SEC. ANDANAR:  Sec. Mon, ilang linggo na rin po nating ipinapalabas dito sa Laging Handa ang DTI campaign na ‘buy local, go local’ at kung paano po tayo makakatulong sa mga MSME’s during this time of pandemic. Ano po ba ang mga programa at proyekto na ipinapatupad ninyo para lalo pong mapaigting ang campaign na ito at mas marami ang makuha nating suporta mula sa mga mamamayan?

SEC. LOPEZ:  Unang-una, maraming salamat Sec. Martin at saka sa PCOO, kina Usec. Rocky para sa pag-i-air po ng ating kampanya para sa buy local. In other words tayo po ay dito muna sa ating bayan mag-shop local, eat local and travel local lalo na kung puwede na iyong sa quarantine level.

Ang objective po natin dito is really to stimulate demand at mas marami po sa ating mga kababayan to bring back iyong confidence na bumili po dito para matulungan po ang pag-stimulate ng demand ng mga produkto, mga serbisyo being provided specially ng mga micro SMEs. Only with this support sa ating mga kababayan can we really reopen and restart iyong ating economy. Dahil as you know po right, we have started to reopen the economy mga few weeks ago noong nagbukas tayo ng mga pagbabalik trabaho sa mga manufacturing operations, services and recently po kahit sa MGCQ lang sila napaaga natin iyong pagbukas ng restaurants dine in, pati po iyong barber shop and salon c0nsidering na over one million ang mga workers dito sa mga sektor na ito.

But as we reopen itong economy napansin natin na matumal, kaunti pa lang din ang nagiging bentahan ng mga produkto serbisyo. Kaya po importante po na mapaalalahanan natin ang ating mga kababayan kung puwede tangkilikin natin iyong mga locally produced products, para po kasi as we patronize iyong ating locally produced products ang nabubuhay po diyan ay iyong mga local companies na may local employment.

So, in other words kapag bumili sila ng anything local ang natutulungan po ay pag-create ng trabaho para sa ating mga kababayang Pilipino na nagtatrabaho dito sa Pilipinas, kapag imported po ang natutulungan natin ay iyong nagtatrabaho abroad at mga kumpanya abroad. So, iyon po ang isang kampanya na ipinapaalala natin sa ating mga kababayan na buy local muna tayo para ma-stimulate ang local demand dito sa ating bayan.

Kailangang-kailangan po iyan sa pag-restart ng economy nang sa ganoon ang atin pong tulong na iba, pinansiyal, let’s say iyong mga working capital loans na pinapahiram po natin ngayon ay may kasabay na demand-driven iyong kanilang operations. Ang kanilang pag-manufacture ay may demand na sasalubong kaysa mag-produce tapos walang demand. Kawawa rin, malulugi rin at baka ang worry natin ay matuluyang bitawan ang mga workers nila, in other words, pahintuin na or pahintuin na sa trabaho. So, iyon ho iyong ating kinatatakutan kaya kailangang masuportahan po sila.

SEC. ANDANAR:  Sa tingin ninyo po ba ay dapat tayong mag-impose ng restrictions or ban sa mga importation ng mga produkto mula sa mga foreign brands para mas makatulong sa mga local MSMEs?

SEC. LOPEZ:  Hindi naman po natin iminumungkahi iyon dahil we follow pa rin iyong free market at ito po in the end will also redound to creating iyong environment ng competition kasi kung iba-ban natin iyong import baka ma-spoil din naman ang mga local manufacturing at iyon iyong mga kailangang maiwasan din.

So, free market po tayo subalit ang hinihingi natin on the demand side, iyong sa mga consumers ay mas tangkilikin iyong locally produced. Lalo na po all things equal, ibig sabihin, parehong presyo, baka mas maganda pa ang standard kasi may standard compliance naman sila lalo na doon sa mga critical products. Ibig sabihin, kung all things equal naman, let’s buy na lang the local, iyon iyong ating kampanya.

Pero masama rin naman na pigilin or i-ban ang importation, hindi po iyon ang ating iminumungkahi.

USEC. IGNACIO:   Secretary, mayroon po tayong tanong sa ating mga kasamahan sa Malacañang Press Corps. Mula po kay Tina Mendez of Philippine Star, ang first question niya: For the next six months, what is the government’s strategy for National Capital Region and CALABARZON since the two regions account for as much as 67% of the country’s economy and yet these two regions are still considered high-risk areas for COVID-19?

SEC. LOPEZ:  Well, right now po tayo ay under GCQ. In the GCQ kaya po—iyong nakaraan po from ECQ medyo mabilis iyong pagpunta sa MECQ at GCQ dahil ang intensiyon din po ng IATF ay essentially to allow more sectors to open. Ang bilin po ng ating Pangulo ay maibalanse po talaga iyong health at saka iyong economy. Iyon po, matagal na rin pong sinabi ni Presidente Duterte po iyon para po talagang mabalik iyong trabaho sa ating mga kababayan.

Kaya ho in moving to GCQ, actually ho, mga 95% na of the sectors are open. In other words, ang mga workers bumalik na rin po although we are still encouraging iyong work from home at iyong mga ibang alternative work arrangement, but essentially, iyong operations ng mga kumpanya karamihan ho 100%. Mga 5% na lang ang naiwan na non-essentials na magbubukas pa supposedly sa Modified GCQ pero dahil po iyong mga dating part of open sa Modified GCQ tulad ng dine-in restaurants at saka iyong barbershops salon, sila po napayagan na po natin sila.

If you remember, last month nag-umpisa nang nag-operate itong mga sector na ito considering po that, let’s say for barbershops salons, they account for about 400,000 workers; iyong restaurants, 1.7 million workers, so napakaimportanteng mag-umpisa na po sila at an earlier stage kaya kahit GCQ na-allow na sila imbes na Modified GCQ pa sila mag-open. So, that is a big help in bringing back jobs. So, unti-unti po talaga, na-allow naman po natin iyong pag-reopen nito.

So, ang experience lang po natin ngayon, actually as GCQ, matumal pa rin iyong pagbalik ng negosyo, hindi pa rin ganoon kadami iyong mga namimili sa ngayon. Kaya po tayo nagkaroon ng kampanya nga noong buy local para to re-stimulate iyong demand especially for locally made products.

And ito kapag GCQ na, well, of course, we all hope na eventually mag-move na tayo rin kaagad sa Modified GCQ because it will open up the rest, iyong 5% na naiwan na sektor at saka iyong movement ng tao siguro po mas maluwag na, in other words, mas makakalabas na iyong mga iba pang hindi napapayagan ngayon.

USEC. IGNACIO:   Opo. Tanong pa rin ni Tina Mendez: What’s the assessment daw po on the impact of the COVID-19 crisis on the BPO industry since there were also reports that many were laid off from this sector?

SEC. LOPEZ:  Well, even at the height of the ECQ, actually, in-allow po ang BPO at saka export industries. They were allowed to operate, ni-require lang natin sila na kung puwede to lessen the movement ng mga workers, in other words, iyong movement nila from the house to the office ay ni-request natin sila magbigay ng accommodation at saka shuttle services nang sa ganoon din ma-prevent din iyong possible transmission na let’s say makuha from the house o kaya makuha from the office.

So, doing that medyo successful naman po but as we are moving towards more light community quarantine, ngayon po hindi na nire-require iyong mga accommodation na iyon – requirements at pati iyong shuttling services, encourage na lang po sila. They can now go home at saka hindi na required iyong accommodation.

So, tuloy naman po sila sa ngayon, of course, mayroong mga negosyo talagang, as mentioned, humina kaya ho hindi natin mae-expect na lahat ay mag-remain open. Mayroon ho talagang magsasara or magre-reduce ng employment. But as we hear right now, naririnig po natin na mayroon din hong continuously nag-e-expand sa BPO sectors. So, talaga hong hahanapin lang talaga.

Now is the time to, sabi nga, pivot, iyong parang magshi-shift ka ng iyong business model para hahanapin mo kung saan iyong magiging patok; saan iyong mas malakas na business model in this new normal or what we hope to be a better normal.

USEC. IGNACIO:   Opo. Secretary, mula naman po kay Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Kung papayagan na po ba ang ibang salon services sa Metro Manila, what about daw po other service-oriented businesses like iyong spa, nail salon? When will they be allowed to operate?

SEC. LOPEZ:  Actually, sila ho talaga allowed sila sa Modified GCQ and if you really think about it, practically 95 provinces and HUCs (highly urbanized cities) are all under MGCQ, kaunti na lang ang nasa GCQ.

So, marami na rin namang nag-open up na dito sa mga sector na ito. Of course, masasabi natin malaking part iyong Metro Manila and like Cavite, iyon na lang ang naiwan dito sa Region IV-A. So, of course, we hope na even nasa GCQ tayo eventually madagdagan ang services specially in the barbershop salons na sinasabi nila kapag basic haircut, intention kasi doon mabilisan iyong turnover but right now, they have a pending request na kung ganoon din kabilis iyong turnover sa mga other hair treatment, etc., so baka dapat maisama na rin.

So, iyon po iyong isa ho sa pinag-aaralan ngayon ng IATF but general direction is to basically reopen the economy although gradually nga lang po. And then again of course, ibang—mas magandang balita kung eventually ang NCR and Cavite eventually iyong mga naiwan sa GCQ ay mag-Modified GCQ.

USEC. IGNACIO:   Opo. Mula naman po kay Cleizl Pardilla ng PTV: Ano daw po ang plano ng DTI sa J & T Express?

SEC. LOPEZ:  Well, inisyuhan namin sila ng warning. Actually, ang mangyayari ho dito kasi, iyong mga ginawa nilang iyon, ang epekto nito ay iyong doon sa customer nila. So, iyong mga consumer complaints na dumating ho sa DTI iyon po iyong inaksiyunan ng DTI. Of course, iba pa po iyong mas malakas na inanunsiyo ng ating Pangulo na mismong PNP at CIDG ang titingin din doon sa operation mismo ng J & T.

Obviously, ang kailangang—ang mananagot po niyan talaga ay iyong logistics company na iyon na naging cause ng mga product defects once na dumating sa consumer. Kasi on the consumer side, ang mangyayari lang po niyan magre-request sila ng replacement kasi obviously hindi na iyan mare-repair so, if ever, replacement or refund.

So, iyon po ang sisiguraduhin naman ng DTI na iyong nakatanggap noon na consumer, iyong concern nila will be addressed.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Joseph Morong ng GMA-7. Paano daw po iyong nasa Category 4, ano na ang plano sa kanila? May percentage ba na puwedeng buksan sa kanila under GCQ and under MGCQ?

SEC. LOPEZ: Well, ngayon po kasi, under the GCQ, may mga na-allow na tayo na nanggaling nga sa Modified GCQ open sectors. So malaking sektor na rin po itong nabukas sa atin.

Well, kanina po ay naka-receive tayo ng request mula sa travel agency group dahil kailangan daw nilang maraming i-process na mga refund dahil nga sa mga nakansela na mga bookings, so iyon po ay isang ipi-present din natin sa IATF. At least itong sektor na ito, siguro naman ay hindi makaka—ano bang term ito? Makakabulabog sa… let’s say kung itong sektor na ito ay hindi naman ganoong kalaki ay mabuksan na rin only to be able to address iyong mga concerns po.

Dati ho talaga ay sinara iyan at nilagay sa Category 4, thinking kasi na under GCQ ay wala namang travel activities. Pero kung mayroong mga ganitong kailangan… mga problema na kailangang i-solve ay siguro puwede namang i-consider din iyan under the GCQ. But all the other services ho, mahirap ho, maganda ho na maantay na rin iyong MGCQ na hopefully ay maabot natin in the near future.

USEC. IGNACIO: Okay. Mula pa rin po kay Joseph Morong: Mag-MGCQ po ba ang NCR to heed the call of Secretary Sonny Dominguez na i-open na ang economy ng NCR and CALABARZON kasi 67% of economy is based there?

SEC. LOPEZ: Iyon po ang hihintayin nating … actually, babalansehin nga iyong mga health statistics na tinitingnan natin parati and, of course, the need to open the economy which we have started to adopt naman as a principle. Kaya nga ho nakuwento natin kanina na marami-rami na rin tayong nabuksan – 95% percent na. But of course, iyong moving to another quarantine level, pakikinggan po iyong request po na iyon siyempre, malaking bagay po iyon. Kung tatanungin iyong mga economic sector na ahensiya, kami po ay siyempre will support that kind of approach na kung puwede lang ay mas maagang maibigay iyang Modified GCQ.

But then again, habang tumatagal itong GCQ, nakita naman natin na marami naman tayong na-reopen din na sektor kahit po nasa GCQ. So with that, puwede hong paigtingin ito at tayo naman po—for example, dito sa mga ilang percentage operating capacity, ito po ay pag-aaralan natin na puwede namang i-increase din ito.

Even without moving to MGCQ ay mayroon naman tayong puwedeng gawing paraan para mapaaga lang iyong pag-increase ng operating capacity na allowed. For example, 30% ay titingnan ho natin kung puwede hong ma-increase na ito to 40 or 50%.

Kasi kapag tumagal naman itong quarantine level na ito at hindi umaandar ang … hindi nag-iiba iyong level, ito ang mga puwedeng consideration: Working on the business operating capacity instead of changing the quarantine level.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Virgil Lopez ng GMA News Online: Is there a plan daw po to increase the capacity of dine-in establishments?

SEC. LOPEZ: Well, iyon po iyong … I just recently mentioned ‘no, iyong kababanggit lang natin. So, mayroon pong plano kapag tayo po ay we remain under GCQ.

SEC. ANDANAR: Suportado po ng DTI ang House Bill 6122 or itong Internet Transactions Act kung saan dapat magparehistro ang mga online business sellers. Bilang paglilinaw po, sino lang po ba ang mga dapat magparehistro sakaling maipatupad ito; at sino ang mapapatawan ng taxes?

SEC. LOPEZ: Okay. Suportado po ito ng DTI dahil kahit hindi po online, kahit as a regular business, we have always been pushing for iyong registration ng business para ang ating mga negosyante—we always say na hindi lalaki ang negosyo kung hindi registered.

So ang dapat pong mag-register ay lahat po ng nagnenegosyo; lahat na may regularly may binibenta; kahit anong size po kayo, kailangan pong mag-register.

At ang mangyayari naman po kung kayo po ay maliit ang operation, may mga exemption naman na provided diyan. Let’s say sa pagbabayad ng tax, BIR provides for certain level of exemption na 250,000 na income and below, exempted in paying taxes pero mag-register pa din.

Ang kainaman po sa pagri-register, again whether online or hindi online, is really also for consumer protection. Iyon po iyong kapag may bumibili whether online buyer or just a regular buyer from a store ay mayroon pong traceability, nalalaman kung sino ang gumawa at ito pong gumawa na ito ay registered. Lalo na kung ito ay food or drug, registered dapat sa FDA, may certification of product registration ang bawat produkto na binibenta sa ganoong ay masisigurado na according to iyong standards iyong mga produkto. Ito rin ay magpapa-increase ng consumer confidence at trust, iyong tiwala na ang produktong binibili ay hindi peke or kaya ay hindi ineffective, in other words, effective ‘no. Kung ito ay gamot, makakagaling talaga ito o kaya kung ito po ay isang bagay na may standard. Kunwari, bumili ng rice cooker, talagang rice cooker na makakaluto ng rice o kaya hindi masusunog at maninipis iyong kable.

So may mga standard po diyan na sinusunod kaya importante po may traceability, kaya importanteng malaman ng buyer kung sino iyong manufacturer – nati-trace ho iyan. Importante ho iyan sa consumer protection lalo na kapag may mga complain na sa produkto. So iyan ho iyong—lalo na sa mga online selling, iyan ho iyong napakaimportante ngayon. Lalo na before, madaming nagku-complain sa online selling.

SEC. ANDANAR: Sec. Mon, ano po ang komento ninyo sa mga negatibong reaksiyon na counterproductive daw po ito at iba pang mga pag-aagam-agam ng online selling community ukol dito sa internet transaction act?

SEC. LOPEZ: Siguro iyong pag-aagam-agam nila, lalo na doon sa mga maliliit pa, alam ninyo iyong mga maliliit na paminsan-minsan nagbebenta out of iyong hobby nila – nagluto, nag-bake paminsan-minsan – masasabi natin na kung hindi naman po ito regular activity nila, hindi naman sila kailangang magrehistro. Siguro iyon ang puwede nating ma-advice na paminsan-minsan lang sila nagbebenta o baka one-time lang.

Pero kung regular na nilang ginagawa ito, ito po ay maituturing na na negosyo at kailangan naman mag-register. Hindi sila kailangan mag-alala dahil hindi naman sila, again, kung napakaliit po silang operation, exempted naman sila sa pagbabayad ng tax. Even on VAT, may certain level, I think three million sales in a year; below that ay wala namang … VAT-exempt naman din ano.

So may mga exemption naman doon sa maliliit na operation. Pero doon sa mga malalaki, dapat lang na magbayad ng tax. Responsibility rin naman ng lahat ng individual iyon, otherwise unfair po doon sa mga nag-register; unfair din dito sa mga kumpanya, kahit maliit ay nagrehistro. So lalo na kung medyo malaki na, dapat magrehistro na lalo dapat iyan.

SEC. ANDANAR: Ayon po sa ibang mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan, dapat ay covered ng micro-financing program ang mga online sellers at dapat ay mabigyan pa sila ng incentives para mahikayat na lalong magpatuloy sa negosyo. Ano po ang mga ginagawa ng ahensiya para makatulong po sa kanila?

SEC. LOPEZ: Sila po, Sec. Martin, ay eligible naman sa pagkuha ng mga loan programs tulad nitong recently na ni-launch natin. Napakadami nga po na nag-apply. One billion lang po ang pondo ng SB Corp – Small Business Corporation – dito po sa COVID-19 restarting the enterprise program at ang mga umuutang na nag-apply na over two billion pesos-worth.

So, nag-umpisa na mag-process at nag-release na rin, may nga na-approve na hundred million iyong huli kong nakita; target po ay maubos ito, magamit itong one billion by end of July. Since marami ang nag-apply, so we’re hoping na may additional budget na manggaling dito sa mga stimulus package na pinu-propose sa Kongreso at sa Senado.

At isa pong source naman na ating puwede hong pagkuhanan ng SB Corp ay iyong Landbank at DBP. Ito naman po ay arrangement na winu-work namin. Actually, with DOF Secretary Dominguez, in-offer na rin niya itong mga Landbank at DBP so ito po ay isang magiging source. As a wholesale bank itong mga Landbank, DBP, they can also lend out to SB Corporation who will be retailing the loans. And iyong pag-process at evaluate ng mga loans and the projects ay SB Corp ang gagawa, at kukuha na lang ng pondo dito sa mga other financial institutions.

SEC. ANDANAR: Sec. Mon, pahabol lang po. May humihingi lang po ng update patungkol doon sa pakiusap ng Philippine Publishers Association. Sila po ay humihingi ng access doon sa mga pautang po ng Department of Trade and Industry. Alam po naman natin na iyong ating mga kasamahan sa media ay nawalan po ng advertisement, nawalan ng trabaho ang ilan, at kailangan po nilang umutang sa DTI.

SEC. LOPEZ: Kung personal loan po, hindi po namin sakop iyon. Pero kung iyong publishing office po nila na nasa negosyo naman, over one year po ang requirement na track record, ay puwede po silang mag-apply. Eligible po sila doon sa ating SB Corp lending program.

Doon sa mga individual, alam ko po ay may mga iba-ibang government agencies na nagbibigay ng pautang sa mga indibidwal lalo na kung either member sila ng mga GSIS or SSS at mga iba pang ahensiya, so iyon po ang puwedeng source ng individual loan.

SEC. ANDANAR: Ipadala na lang po namin muli sa inyo, Secretary Mon, mula sa Publisher’s Association of the Philippines, sila po ay mga publishers na matagal na po. Actually, katuwang po natin sa gobyerno para ma-disseminate iyong ating impormasyon.

Maraming salamat po Secretary Mon Lopez, mabuhay po kayo…

SEC. LOPEZ: Opo. Mabuhay po, Sec. Martin and Usec. Rocky, mabuhay po kayong lahat…

SEC. ANDANAR: Sa puntong ito ay dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Czarinah Lusuegro.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin si Alah Sungduan mula sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORTING BY ALAH SUNGDUAN]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Alah Sungduan mula sa PTV Cordillera.

SEC. ANDANAR: Mula sa PTV Davao, nandiyan naman si Jay Lagang.

[NEWS REPORTING BY JAY LAGANG]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Jay Lagang mula sa PTV Davao

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman po tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa tala ng Department of Health, as of July 1, 2020, umabot na sa 38,511 ang total number of confirmed cases kahapon. Nadagdagan ng apat na katao ang mga nasawi kaya umabot na sa 1,270 deaths ang kabuuan bilang ng mga nasawi. Ngunit patuloy rin naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 10,438.

Hindi po kami magsasawang ipaalala sa lahat ang physical distancing, tamang pagsuot ng facemasks, at palagiang paghuhugas ng kamay. Tandaan: Bahay muna, buhay muna.

SEC. ANDANAR: At iyan ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Maraming salamat po sa mga naglaan ng kani-kanilang mga oras sa pagbibigay-linaw sa mga impormasyon na mahalagang malaman ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

SEC. ANDANAR: Asahan po ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID 19.

USEC. IGNACIO: Mula po sa Presidential Communications Operations Office, ako po si USec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: At mula rin po sa PCOO, ako po si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po muli tayo bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)