Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa lahat ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa, ngayon ay November 2, 2020, araw ng Lunes. Ako po si Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Magandang umaga, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Tuluy-tuloy pa rin po ang ating pagbabantay sa pananalasa naman ng Bagyong Rolly sa iba’t ibang lalawigan ng Pilipinas, at ganoon din si Tropical Storm Siony na pumasok na rin sa ating Philippine Area of Responsibility. Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin sa PCOO.

SEC. ANDANAR: Kasama ninyo pong nakatutok ang ating pamahalaan sa pinakahuling kaganapan dito sa ating bansa kabilang na ang tungkol sa COVID-19. At laging tandaan, basta’t sama-sama at laging handa, kaya natin ito; ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Simulan na po natin, Secretary, ang ating talakayan. Nasa kabilang linya na po ang lagi nating kaagapay o laging kaagapay din ni Pangulong Duterte sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19, sa pagsugpo sa korapsiyon at ngayon po sa sunud-sunod na pananalasa ng bagyo sa ating bansa. Makakausap po natin si Senator Christopher “Bong” Go. Good morning po, Senator, and welcome back po sa ating Public Briefing.

SENATOR GO: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga, Sec. Martin; at saka sa mga kapatid nating Pilipino na nakikinig, magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, bilang malapit po kay Pangulong Duterte, may ilan pong netizens ang gumagawa ng isyu na wala daw pong ginagawa umano ang Pangulo sa kasagsagan po ng Bagyong Rolly dahil nasa Mindanao ito ngayon. Ano po ang masasabi ninyo dito?

SENATOR GO: Hindi ibig sabihin na nasa Mindanao po ang Pangulo ay hindi po siya nagtatrabaho – 24/7 po nagtatrabaho ang ating Pangulo. At sinisigurado ng Pangulo na laging handa ang mga ahensiya ng gobyerno na magbigay kaagad ng immediate assistance sa mga lugar na maapektuhan po ng bagyo at dapat parati tayong handa.

At ang ating Pangulo ay mismong pupunta mamayang hapon doon sa mga lugar na tinamaan po ng bagyo – iyong mga hardest hit po ay kaniyang bibisitahin; magkakaroon din po siya ng aerial inspection at pagkatapos nito ay magkakaroon siya ng situation briefing with the Cabinet. At pinatawag niya po lahat ng ahensiya ng gobyerno para tumulong kaagad dito sa recovery effort ng gobyerno.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, sinabi ninyo po hardest hit, ibig sabihin po ito iyong Bicol Region? At kayo po ba ay makakasama ng Pangulo mamaya lalo na doon sa kaniyang isasagawang aerial inspection?

SENATOR GO: Opo. Pupuntahan niya po itong Legazpi at ang Probinsiya po ng Albay. At nais po ng Presidente na makita kaagad kung ano iyong extent ng damages ng sinalanta ng bagyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, nagwo-worry din po ang marami kasi hanggang sa kasalukuyan po ay mukhang nahihirapan po raw pong makontak itong mga nangyari dito sa area ng Catanduanes. Ano po ang naging direktiba ng Pangulo dito?

SENATOR GO: Ang mandato po ng Pangulo—I’m not authorized to speak in behalf of the President, pero gaya po ng nakagawian, lahat po ng ahensiya ay dapat po laging handa to restore to normalcy ang sitwasyon ng mga apektadong lugar especially dito po sa DICT, restoration po ng mga communications natin; sa Department of Energy, restoration ng electrical supply. Napakaimportante po nito lalung-lalo na po ngayon, walang komunikasyon sa kanila.

Not only that, pati iyong DPWH, repair ng roads, bridges and other infrastructures, lalo na po iyong mga critical and essential sa mga deliver of relief goods. Ang DOTr naman ay restoration of flights, travel by repairing damages po sa mga airports and seaports dahil marami pong mga tinamaan din po ‘no. And of course, itong DSWD, immediate delivery ng mga family food packs, non-food items, mga financial assistance and even tents po ‘no para sa paglalagyan po.

And of course, itong DOH, mga gamot, including masks at hygiene kits. Nakikita natin marami po sa mga evacuation centers ay hindi na po nasusunod ang social distancing. Hindi naman natin puwedeng isantabi iyan ‘no. Napakaimportante po dahil mayroon pa tayong pandemic na kinakaharap, itong COVID-19, kaya pangalagaan po natin ang kalusugan ng bawat Pilipino.

Nakikita ko kahapon sa telebisyon, marami na pong hindi nasusunod na social distancing at napakahirap po dahil nagmamadali sila [garbled] maka-evacuate [garbled] Pilipino, magtulungan na lang po tayo.

At iyong pagbisita po ni Pangulo mamaya sa mga iilang lugar ay ayaw na po niyang madisturbo ang ating mga nasa gobyerno, iyong mga recovery efforts, Armed Forces, mga [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, medyo nagtya-choppy po kayo. Pero mayroon pong tanong dito si Joseph. Gusto lang niya pong itanong sa inyo kung ano pa daw po ang plano ni Pangulong Duterte mamaya? Siya po ba daw ay nandito na sa Maynila? Dito siya manggagaling bago po ba magsagawa ng inspection sa mga hardest hit area at dahil na rin po sa nalalapit niyang pulong mamaya sa Gabinete?

SENATOR GO: Uulitin ko kung choppy kanina ‘no. Ayaw po ni Pangulo na makadisturbo sa mga government workers natin, Armed Forces, sa kanilang recovery operations. So pupunta po siya doon sa mga hardest hit area na siya lang po at hindi po siya makakadisturbo. So pagkatapos niya pong bibisitahin iyong mga tinamaang lugar ay tutuloy po siya at makikipagpulong po siya sa kaniyang Gabinete, including po sa NDRRMC para umpisahan na kaagad ang recovery effort at makabalik po sa… restore back to normalcy po ang sitwasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, bilang chairman naman po ng Senate Committee on Health, ano po ang paalala ninyo sa ilang LGUs at mga nasa evacuation centers dahil napapabalita po na nagsisiksikan ang mga tao doon o nagsiksikan po ang mga tao doon?

SENATOR GO: Kaya nga po nababalitaan ko, makikita ninyo po sa telebisyon, nagkakadikit-dikit po ang mga tao sa pag-i-evacuate kahapon. Pero hindi naman natin sila mapigilan, nagmamadali na tayo, nauubos na po ang oras natin [unclear] evacuate tayo.

Kaya apela ko lang po sa ating LGU officials and health authorities, i-maximize po ang paggamit ng mga paaralan at importante po dito ang social distancing at iyong paggamit po ng mga mask ‘no at saka sanitation po doon sa mga evacuation centers.

Magtulungan na lang po tayo dahil marami pong hindi nasusunod na mga health protocols tuwing mayroong evacuation center.

USEC. IGNACIO: Opo. Tungkol saan naman po itong isinusulong ninyong pagkakaroon ng mandatory evacuation centers?

SENATOR GO: Sa ngayon po ay mayroon tayong by region ang ating evacuation centers. Kaya nga po isa sa aking isinusulong itong Mandatory Evacuation Center Act of 2019. Ito po iyong… seek to establishment of evacuation center in every city, province and municipalities.

And not only that ‘no, importante sa akin dito ay iyong sanitation ‘no. Kawawa po iyong mga bata, kung saan po dapat mayroon silang komportable man lang na higaan o pansamantala habang hindi pa sila nakakabalik sa kanilang mga tirahan po.

So, isa po sa aking sinusulong itong mandatory evacuation center. Aside from that, ito nga pong Department of Disaster Resilience na dapat po sana ay magkaroon na tayo ng sariling departamento na Cabinet secretary level. Huwag na nating antayin pa na magkaroon pa ng panibagong bagyo o mga lindol o mga pagputok ng bulkan. Itong Cabinet secretary level na puwede ninyo pong ipatawag anytime bago po dumating ang bagyo ay maayos na po iyong mga relief goods, malalagay na po sa puwesto na saan pupuwedeng magamit kaagad, at dapat po ay mayroong regional offices itong departamentong ito.

Katulad ngayon, hindi alam saan sila tatawag; hindi nila alam saan sila hihingi ng tulong. Wala pong regional offices na puwede nilang pagtanungan. So kung with the Department of Disaster Resilience, one department with regional offices and even provincial offices po na ready pong tumugon. Importante po iyong Cabinet secretary level po dahil kung Usec lang po na level ang magpapatawag ay hindi pupunta iyong mga kapuwa secretaries sa ibang departamento.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, pasensiya na may pahabol lang na tanong si Joseph Morong para sa inyo. Clarification lang: Iyong aerial inspection po ba or bababa rin si Pangulong Duterte kasama kayo sa Legazpi and sa iba pang lugar sa Albay?

SENATOR GO: Titingnan pa po ng Pangulo ang sitwasyon ‘no. For security reason, hindi ko po masasagot iyan sa ngayon. Titingnan pa po natin iyong sitwasyon kapag nandudoon na tayo sa lugar mismo. So makikita ninyo po ang Pangulo natin ay nagtatrabaho po 24/7 po iyan, halos hindi na po iyan natutulog para lang po makapagserbisyo sa kaniyang kapuwa Pilipino. Hayaan na natin iyong ibang mga bumabatikos – tumulong na lang kayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Maiba naman po tayo, Senator. Mayroon pong reports na umaabot na sa P19,000 ang presyo po ng COVID-19 testing matapos pong tumigil ang Philippine Red Cross na mag-test dahil sa naantalang pagbabayad nang buo ng PhilHealth. Ano po ang reaksiyon ninyo dito and will you suggest kay Pangulong Duterte na i-check po ito iyong mga nananamantala?

SENATOR GO: Opo, dapat po. Alam ninyo necessary commodity po ang COVID-19 testing sa pang-araw-araw nating buhay habang may pandemya at wala pa pong vaccine kaya importante po na masiguro ng gobyerno iyong access po nito. Alam ninyo marami po, minsan nagpapa-test iyong Pilipino, minsan napipilitan silang magbayad po nang mahal dahil kailangan na po nilang magpa-test.

So dapat wala pong mang-abuso at gawing negosyo ito at parati nating unahin ang buhay ng bawat Pilipino at hindi po dapat ito pagkakitaan lang ng iilan lamang po na nagsasamantala sa sitwasyon. Dapat po may mekanismo na dapat nakalatag upang gawing mas available at affordable at accessible po ang COVID-19 testing sa buong bansa lalung-lalo na po sa panahon ng pandemya. Dapat po affordable po itong COVID-19 testing sa ngayon. Dapat may mekanismo na po.

Anyway nabanggit rin po ng Pangulo, kapag mayroon na hong safe na vaccine, kapag safe na po at na-declare na po ito ng FDA o ng World Health Organization ay uunahin po ni Pangulong Duterte, uunahin namin ni Pangulong Duterte ang lahat po ng mga mahihirap. Uunahin po namin iyong mga nasa vulnerable po para makabalik na tayo sa normal na sitwasyon na kung saan po inaasam nating makabalik na puwede nating mayakap ang ating kapwa Pilipino. Napakahirap po ng sitwasyon ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Senator, kunin ko na lang po iyong mensahe ninyo sa mga Pilipino, partikular na po iyong mga naapektuhan ng bagyo?

SENATOR GO: Mag-ingat po tayo, sa mga kapatid nating Pilipino mayroon na namang parating na bagyo. Buti na lang po hindi dumaan sa Metro Manila kung hindi mas lalo tayong mahirapan. Siguro kailangan nating paigtingin ang ating pagdadasal at pananampalataya sa Panginoon na tulungan tayo. Mayroon pa tayong COVID-19, mayroon pang bagyo. Magtulungan na lang po tayo sa mga kapwa nating Pilipino. Sino ba namang magtutulungan kung hindi tayo lang po, kapwa natin Pilipino.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon at palaging suporta, Senator Christopher ‘Bong’ Go. Mabuhay po kayo ni Pangulong Duterte. Stay safe po, Senator.

SENATOR GO: Maraming salamat Ma’am Rocky and Sec. Martin, sa kapatid nating Pilipino, ingat po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Senator Bong Go. Bukod po sa pananalasa ng bagyo at ng COVID-19, ilan pa rin sa pinakamainit na balita sa bansa ay ang labis na pagbaba ng presyo ng palay na idinadaing naman ng ating mga magsasaka at ang patuloy ring issue ng korapsiyon sa hanay ng mga ahensiya ng pamahalaan. Isa sa mga nakikibaka para labanan ang mga ito ay ang tinaguriang ‘People’s Champ’ at boxing senator, Senador Manny Pacquiao. Magandang umaga po sa inyo, Sen.

SENATOR PACQUIAO: Good morning, Secretary Martin. Good morning sa lahat ng ating mga nakikinig ngayon at nanunood.

SEC. ANDANAR: Senator, isa po kayo sa authors nitong Rice Tariffication Law at mukhang naging too effective ang batas na ito dahil sa malaking ibinaba ng presyo ng mga palay sa bansa na naging malaking problema sa ating local farmers. Why do you think is that, Senator?

SENATOR PACQUIAO: Secretary Martin, alam mo itong batas na ito, itong 11203 o Rice Tariffication Law, maganda ang intensiyon nito para sa ating mga farmers dahil iyong makolektang buwis nito sa Custom ay ibibigay sa ating mga farmers. Mayroon itong initial na 10 billion para itulong/ibigay sa mga farmers natin para magmura ang presyo ng kilo ng bigas at maka-afford iyong mga mahihirap na tao. Pero hindi natin nakita, isang taon na mahigit ang Rice Tariffication Law, hindi natin nakikita at naka-dialogue nga natin iyong mga farmers dito sa probinsiya at nakausap ko sila at talagang damang-dama ko iyong paghihirap nila at parang nawawalan na sila ng pag-asa dahil kulang na lang eh hingiin iyong mga palay nila.

SEC. ANDANAR: Ito pong RCEP ay malaki sana ang potensiyal na palakasin pa ang rice production sa bansa pero mukhang hindi ito naramdaman po ng ilan sa ating mga magsasaka. Ano po ang nakikita ninyong solusyon dito, Senator?

SENATOR PACQUIAO: Itong RCEP, tinanong ko iyong mga farmers natin kung napakinabangan ba nila. Wala daw silang nakukuha, kahit isang farmers dito sa mga naka-dialogue ko, hindi nila napakinabangan. So ito iyong isa rin sa mga bubusisiin natin at imbestigahan natin dahil may information ako, ewan ko kung totoo ba kaya nga kailangan natin ng imbestigasyon dahil ang nakakautang daw nito ay hindi iyong mga farmers. Iyong mga farmers talaga ay hindi sila ang nakinabang dito sa RCEP na ito. May mga iilang mga farmers daw na nakakautang pero minimum lang of P15,000. Pero iyong iba, iyong hindi mga farmers nakakautang ng milyon sa ating gobyerno. So iyon ang problema nila kasi talagang pinakinggan ko sila, nakikipag-dialogue tayo sa kanila kasi mas mainam iyong nanggagaling sa kanila, hindi sa atin. So kaya iyan ang bibigyan natin ng pansin na kailangan.

Although itong Rice Tariffication Law, maganda ang intensiyon ng batas na ito para sa kapakanan ng ating mga kababayan na naghihirap pero hindi natin naramdaman eh, hindi umepekto. So ang sabi ko nga kung kailangan amyendahan or kailangan rebyuhin, amyendahan o kaya kung hindi naman nakakatulong talaga puwede naman i-abolish din para sa kapakanan ng ating mga farmers.

SEC. ANDANAR: Senator Pacquiao, how urgent is this senate probe sa implementation ng Rice Tariffication Law considering na kailangan munang tutukan ng Senado itong pagpasa ng 2021 Proposed National Budget?

SENATOR PACQUIAO: Napakaimportante na tutukan itong budget para rito sa Rice Tariffication at para sa mga farmers natin dahil unang-una uulitin ko lang, ang ating mga farmers po, sila ang nagpapakain sa atin, buong sambayanang Pilipino. Lahat tayong mga tao kung wala nang farmers, sinong magpapakain sa atin? Malaki po ang utang na loob natin sa kanila na kailangan natin sila ang unahin natin, tulungan natin dahil ramdam na ramdam nila iyong hirap ng buhay nila at kailangan na kailangan nila ng tulong ng ating gobyerno.

SEC. ANDANAR: Speaking of the proposed 2021 national budget, Senator, are we confident na maipapasa po ito ng Senado bago matapos po ang Nobyembre?

SENATOR PACQUIAO: We’re trying and doing our best to finish this budget pero kailangan din nating rebyuhin nang mabuti iyong mga proposed budget ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para naman may accountability at masigurado natin na talagang iyong budget na nakalaan para sa mga agency ay talagang tama. Iyan ang responsibilidad natin as a senator, review all those proposed budget for this 2021 budget. So iyan ang gagawin natin.

SEC. ANDANAR: Isa po sa mga pinakakontrobersiyal na budget appropriations sa 2021 proposed national budget ay iyong sa DPWH, kung saan sinabi rin ng Pangulo na talamak po ang korapsiyon. Due to the time constraints, sigurado po bang masusuri pa rin nang maigi ng Senado ang bawat item dito?

SENATOR PACQUIAO: Iyan ang isa sa mga tinutukan natin, Secretary Martin, na masigurado natin na iyong mga proposed budget ng DPWH, siguradong legitimate talaga na project at saka as a Chairman of the Committee on Public Works sa Senate, talagang binubusisi natin iyong mga proposed budget ng ahensiya at siguraduhin natin na ang budget na nakalaan ay talagang makababa doon sa bawat distrito sa iba’t ibang sulok ng ating bansa.

SEC. ANDANAR:  Tuluy-tuloy di po ang efforts ng Pangulong Duterte na sugpuin itong korapsyon sa bansa sa last two years niya sa puwesto. And with this ay ang utos niya sa DOJ na gumawa ng Task Force para labanan itong korapsyon sa mga government agencies. Ano po ang reaksyon ninyo dito, Senator Pacquiao?

SEN. PACQUIAO:  Alam mo sa totoo lang, matagal ko nang kilala ang ating Pangulo, kaibigan ko, alam na alam ko iyong puso niya. Ayaw na ayaw niya talaga ng korapsyon, ako man ganoon din, talagang magtulungan tayo para—inaanyayahan ko ang lahat at magtulungan tayo para sugpuin itong korapsyon na ito saan mang ahensiya ng gobyerno and then nakikiusap din naman ako doon sa mga elected officials, sa mga government officials, workers na sana naman maging inspirasyon sa bawat Pilipino dahil sila ang umaasa sa atin. Kumbaga tayo ang tinitingala nila, inaasahan nila na makapagbigay ng tulong sa kanila.

Kaya kung tayo pa ang nangunguna, tapos sila ng umaasa sa atin eh ano na ang mangyayari sa bansa natin. Iyon po ang aking hinaing, dahil ramdam ko dahil diyan ako galing sa kahirapan. Ramdam ko iyong mga nararamdaman ng mga mahihirap na tao.

SEC. ANDANAR:  Ngayon pong sunud-sunod ang bagyong pumapasok sa ating bansa, kasabay po itong COVID-19 pandemic, bilang isa sa mga supporter ng pagtatayo ng Department of Disaster Resilience. Why do you think this is necessary now more than ever?

SEN. PACQUIAO:  I think, it’s necessary to support that project. I think the calamities, sunud-sunod iyong calamity nga sinabi mo at ito ay makakatulong sa ating mga kababayan at makakatulong din ito para magamit itong katulad nitong sa pandemya na gawing quarantine area. So, iyan po ang napakaimportante sa anumang sakuna ay magagamit natin iyan. So kailangan din, isa rin iyan sa mga pagtuunan natin ng pansin at i-prioritize dito sa budgeting na ito, itong 2021.

SEC. ANDANAR:  Isa po kayo sa public servants who are quietly helping the people in need. Mayroon po ba kayong reach out, outreach program recently para tumulong sa ating mga kababayang apektado ng kalamidad at maging ng COVID-19?

SEN. PACQUIAO:  Maraming salamat, Secretary Martin Andanar for that question. Patuloy po ang pagseserbisyo natin, tuluy-tuloy iyong pamimigay natin. In fact sa sarili naming bulsa, hindi ko naman kinikuwenta, hindi ako nang-aano, pero tuluy-tuloy po  ang ating pagtulong sa ating mga kababayan kasi sa puso  ko, sila ang pinkamalapit sa puso ko, dahil doon po ako galing sa pinakamababang uri, klase ng buhay.

Sinabi ko nga naranasan kong matulog sa kalye, sa gilid ng kalye, naranasan kong magutom ng walang pagkain sa isang araw, kaya hinding-hindi ko sila kayang talikuran at tiisin na makita na naghihirap at wala tayong magawang tulong para sa kanila.

Sa abot ng aking makakaya, sabi ko nga. Wala namang problema sa akin kung kailangan ko silang damayan, damayan ko sila, ang ating mga kababayan na naghihirap dahil sanay naman ako sa paghihirap, diyan ako galing.

USEC. IGNACIO:   Senator si Rocky Ignacio po ito on a lighter note po. Alam naman po namin na kayo po ay nanatiling people’s champ sa puso ng mga Pilipino, pero kukumustahin po namin ang inyong pamilya at kilala po namin kayong bilang family man. Kumusta po iyong inyong ginawang pagharap sa pandemic at ito pong sunud-sunod na kalamidad na naranasan natin sa ating bansa at gaano po naghanda ang inyong pamilya?        

SEN. PACQUIAO:  Ang aking pamilya naman, God is good all the time protecting us, guiding us and leading us in all his truth. Maganda naman ng samahan namin, ang bonding namin, itong pandemya na ito lagi kaming nanalangin, ang aking pamilya nanalangin sa buong sambayanang Pilipino na ang Panginoon magprotekta sa bawat isa, alisin na itong pandemya na ito especially itong mga typhoons na dumarating sa bansa natin.

Ang Panginoon lamang ang tangi nating pag-asa, wala ng iba, hindi iyong strength natin, hindi iyong knowledge natin, kung hindi ang pagpapala ng ating Panginoon, ang proteksiyon sa bawat isa at mabe-bless tayong lahat. Iyan ang importante, kailanganin natin iyong Panginoon sa buhay.

USEC. IGNACIO:   Opo, sa larangan naman po ng sports Senator. Aasahan na po ba iyong   mag-resume anytime ang MPBL para matapos na ang season at posible raw po na magkaroon rin ng MPBL bubble gaya po ng ginawa sa PBA?

SEN. PACQUIAO:  Yes, iniisip natin iyan noon pa. Kailangan nag-iingat din tayo na wala din tayong maapektuhan especially dito sa pandemyang ito sa COVID-19 na wala ring magkaroon ng virus na ito, walang mahawaan ng COVID-19. Inaayos nating mabuti although gusto natin n mag-resume na iyong semi-finals ng game, pero excited nga rin ako, pero unahin muna natin iyong kapakanan ng bawat isa, kasi importante at mahalaga ang buhay.

USEC. IGNACIO:   Senator, naku sa larangan pa rin po ng sports talagang hindi nawawala sa puso naming mga Pilipino kayo eh. Tuloy daw po ang laban ninyo kay Conor McGregor next year at kung tuloy po kumusta po ang mga paghahanda ninyo para dito?

SEN. PACQUIAO:  Sa totoo lang, puwedeng mangyari iyan next year, sa ngayon kasi hindi ko muna iniisip iyong boxing kasi naaawa tayo sa ating mga kababayan, lagi po tayong nag-iisip kung anong solusyon ng mga problema, para lutasin ang problema ng ating bayan. Makatulong tayo sa maliit na paraan, makatulong tayo sa ating mga kababayan na naghihirap. Kaya nga busy tayo palagi na gumagawa ng aksyon at tulong sa tao, di naman natin puwedeng i-announce lahat o ipakita sa tao lahat kasi parang labag sa kalooban natin ‘no. Magagalit ang Panginoon na kung ano ang ginawa ng kaliwa, huwag malaman ng kanan. So iyon po iyong kasabihan natin, kaya tuluy-tuloy lang po tayong magtulungan para makinabang ang ating mga kababayang naghihirap ngayon.

USEC. IGNACIO:   Opo, pasensiya na Senator, kumusta daw po si Mommy Dionisia?

SEN. PACQUIAO:  Si Mommy D, God is good malakas kahit 70 plus na siya, malakas pa din binigyan siya ng lakas ng Panginoon at lagi naman kaming nagkikita dito sa bahay.

SEC. ANDANAR:  Senator, your message na lang po para sa ating mga kababayang nanunuod at nakikinig po sa inyo ngayong umaga.

SEN. PACQUIAO:  Ang aking mensahe para sa ating mga kababayan, unang-una, huwag po tayong makalimot manalangin, magtiwala sa ating Panginoon. Pangalawa po, huwag po nating pabayaan ang ating administrasyon, ang ating Pangulo na suportahan po sa kanyang mga programa para po sa ating mga mahihirap para po sa ating bansa. Huwag po nating  kalimutan na sumunod sa mga patakaran  ng ating gobyerno para po maresolba ng mabilis itong problema ng ating bayan especially itong COVID-19. At ito may mga dumarating na bagyo.

And then, sabay-sabay po tayong manalangin na ang bawat isa protektahan ng ating Panginoon, sabay-sabay po tayong manalangin na lahat ng mga parating pang bagyo ay hindi na matutuloy at ang Panginoon lamang ang tanging gabay natin para sa lahat ng ito. At mag-ingat din po tayong lahat. Maraming-maraming salamat mga kababayan. Mahal po namin kayong lahat.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat sa inyong panahon. Senador Manny Pacquiao  mabuhay po kayo and stay safe.

SEN. PACQUIAO:  Maraming salamat Secretary Martin Andanar at sa lahat ng mga kasamahan mo at sa nanunuod ngayon, sa buong sambayanang Pilipino.

SEC. ANDANAR: Isa po ang Probinsiya ng Albay sa pinakanaapektuhan ng hagupit ng itinuturing na isa sa pinakamalakas na bagyo ngayong taong 2020, ang Super Typhoon Rolly. Isang araw matapos ang pananalasa ng Bagyong Rolly, kumustahin po natin ang lagay ng ating mga kababayan sa Probinsiya ng Albay. We have on the other line. Governor Al Francis Bichara. Magandang umaga po sa inyo, Governor.

GOVERNOR BICHARA: Salamat.

SEC. ANDANAR: Governor, kumusta po ang inyong lalawigan a day after the typhoon? Malakas pa rin po ba ang hangin at may mga pag-ulan pa rin po ba diyan?

Governor, can you hear me? Governor Bichara? Siguro balikan natin si Governor Bichara. Hindi ko madinig si Governor Bichara. Balikan natin si Governor Al Francis Bichara diyan po sa Bicol, sa may Albay.

Samantala, umakyat na po sa 348,760 ang bilang ng mga naka-recover mula sa COVID-19 sa ating bansa, iyan ay matapos itong madagdagan ng 17,727 sa pinakahuling tala ng Department of Health kahapon. Nasa 2,396 naman ang mga bagong kaso ng sakit sa bansa.  Sa kabuuan ay umabot na sa 383 thousand, labimpito naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawa na kahapon ay umabot sa 7, 238.

Mapapansin sa ating illustration na taas-baba ang galaw ng reported cases. Muling sumampa sa 2,000-mark ang kasong naitala kahapon na umabot kahapon sa 2,396. Ito na ang pinakamataas na bilang sa nakalipas na isang linggo.

Ang Lungsod ng Davao ang pinagmulan ng pinakamataas na kaso kahapon na may 148 new cases. Hindi naman nalalayo ang Quezon City na nakapagtala ng 146 cases. Nasa ikatlong puwesto ang Laguna na may 122 cases. Pasok din sa talaan ang Cavite na may 112 na bagong kaso, at Benguet with 100 new cases.

USEC. IGNACIO: Bumaba naman sa 7.1% ng total cases ang active cases o katumbas ng 27,115. Ito ay matapos makapagtala ng mataas na bilang ng recoveries kahapon. Malaking bahagi sa bilang na ito o 81.6% ay mild cases lamang, ang mga walang sintomas ay nasa 9.9%, samantalang nasa 5.4% naman ang nasa kritikal at 3.1% ang severe.

Samantala, sa kabila po ng sama ng panahon na ating nararanasan, huwag pa rin po nating kalimutan na magsuot ng facemasks, lalo na po kung tayo ay lalabas ng ating mga tahanan. Muli po, maging BIDA Solusyon sa COVID-19.

SEC. ANDANAR: Okay. Puntahan naman natin ang balitang nakalap ng ating mga kasamahan sa lalawigan. Kasama nating magbabalita si Lorenz Tanjoco mula sa PBS Radyo Pilipinas. Lorenz, go ahead.

[NEWS REPORTING]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Lorenz Tanjoco mula sa PBS-Radyo Pilipinas. Balikan po natin ngayon si Albay Governor Al Francis Bichara sa kabilang linya. Magandang umaga pong muli, Governor.

ALBAY GOV. BICHARA: Magandang umaga, Secretary.

SEC. ANDANAR: Governor, kumusta na po ang inyong probinsiya a day after Typhoon Rolly? Malakas pa rin po ba ang hangin at may mga pag-ulan pa rin po ba?

ALBAY GOV. BICHARA: Actually maliwanag na nga, may araw na, kalmado na iyong panahon. So kami-meeting lang namin at pinag-usapan namin iyong pagtanggal ng mga poste sa national highway dahil 80% ng mga poste ay bumagsak sa gitna ng kalye doon sa lugar ng—papunta doon sa second landfall ng bagyo.

SEC. ANDANAR: Bilang na po ba kung ilan in total ang mga pamilyang naapektuhan nang matinding pagbaha at ng lahar flow mula po sa Mayon?

ALBAY GOV. BICHARA: Well actually iyong nilikas namin sa evacuation was 160,000 persons and iyong iba—buti na lang at nailikas namin lahat kung hindi mas marami mamamatay kasi marami talagang—sobra iyong tubig, nawasak iyong mga dike at iyong lahar naman ay galing sa—mga deposit galing sa itaas. Actually itong lugar na ito ay matagal na itong tinamaan ng lahar way back in 1984. So noong hindi na dinadaanan eh nagsibalikan iyong mga tao at tumira doon.

Now this time, we’ll have to permanently relocate them eh so iyon nga natira ngayon hindi pa namin alam dahil may mga naiwan pa sa evacuation center dahil nakalubog pa iyong mga bahay sa tubig. At iyong sa Guinobatan, iyong natabunan ng lahar, wala na iyon… wala na iyon at talagang no man’s land.

SEC. ANDANAR: May estimate na rin ba kung magkano ang total damage na iniwan nitong si Super Typhoon Rolly sa Albay?

ALBAY GOV. BICHARA: Wala pa hanggang ngayon dahil yesterday was Sunday ‘di ba so after the typhoon lahat siyempre inasikaso iyong mga tahanan nila at ngayon pinatawag ko iyong mga district engineers, iyong provincial engineering, umiikot pa sila ngayon para magbigay nang tamang damage assessment.

SEC. ANDANAR: Nabanggit ninyo po itong power outage na naranasan sa ilang bayan ng Albay at kailan po kaya maibabalik ang kuryente diyan? Mayroon na po bang report ang Department of—

ALBAY GOV. BICHARA: Pinatawag din namin iyong electric cooperative dahil nagpaalam din kami na kung puwede putulin na namin muna iyong mga linya dahil wala naman kuryente para maitabi namin iyong mga poste at pumayag naman sila. So may team na kami pero tinanong ko sila kung kailan tayo magkakaroon ng ilaw. Sabi niya matagal-tagal ito dahil sa dami ng mga posteng natumba. Pero sa [garbled] within the Legazpi area dahil hindi naman masyadong malakas iyong bagyo dito ‘di gaya noong sa direct hit eh within 15 days. Hinihintay lang nila iyong supply ng NGCP dahil may mga tinamaan din na mga transmission towers or transmission lines kaya nadamay pati iyong Sorsogon. Kami ng Camarines Sur ang [garbled] maghihintay din kami sa NGCP.

SEC. ANDANAR: Kumusta naman po ang naging pagtugon ng provincial government dito? Ano po ang initial relief na naipamahagi ninyo sa mga Albayeños?

ALBAY GOV. BICHARA: Bago dumating iyong bagyo ay pinaghandaan na namin ito. Saka sa budget namin talagang kahit na may COVID, tinamaan kami ng Typhoon Quinta, mayroon kaming nakaabang talaga para sa November/December dahil iyon ang typhoon season ng Bicol Region, so mayroon pang natitira. Pero dahil sa marami ang nasa evacuation center ay iyong mga ibang LGU iyong pera, nagastos na rin sa COVID saka iyong nakalipas na bagyo, kukulangin talaga. So kailangan namin nang malaking tulong sa national government lalo na iyong mga… hindi lang pagkain, hindi lang relief goods pati mga construction materials dahil iyong mga bahay sa coastal areas ay talagang nawalan ng bubong, nawalan ng mga pader so habang walang bubong, walang ano… tatagal sila sa evacuation center.

SEC. ANDANAR: Naging effective po ba ang ginawa ninyong mandatory evacuation sa mga high risk areas sa Albay?

ALBAY GOV. BICHARA: Very effective ito pero iyong mga casualties, actually nandoon na sa evacuation center iyong iba nagsiuwian pa. Pumunta doon para tingnan iyong mga alaga nilang mga baboy o kalabaw at iyong iba naman sa kasagsagan ng bagyo umalis pa sa bahay, inaayos iyong bubungan nila so ito iyong mga naaksidente.

Pero compared doon sa Typhoon Reming na walang mandatory noon, umabot sa more than 1,600 iyong namatay dito noon. Eh ngayon mga apat pa lang iyong—anim iyong confirmed, siguro may mga unaccounted for pero hindi pa namin—hinihintay namin iyong confirmation.

SEC. ANDANAR: Balita namin Governor ay ilang evacuation centers din ang nilipad ang bubong dahil sa malakas na hangin. Kumusta naman po ang lagay ng ilang pamilya na nakasilong sa mga evacuation centers na iyon?

ALBAY GOV. BICHARA: Well it’s about time na i-redesign na natin, lumipat sila sa ibang evacuation center kasi inu-observe namin iyong social distancing pero obligadong ilipat doon dahil nawalan ng [garbled] bumagsak iyong iba. Itong typhoon na ito talagang [garbled] eh, kailangan siguro dito naka-slab na, permanente na iyong bubungan sa mga eskuwelahan para secure din ang mga evacuation center.

SEC. ANDANAR: Paano ninyo po nasigurong napapatupad po naman ang minimum health and safety protocols lalong-lalo na pagdating sa COVID-19 dito po sa mga evacuation centers?

ALBAY GOV. BICHARA: That was part of their guidelines doon sa advisory so in-adopt din ito ng mga local chief executives. But to tell you honestly, dito sa Bicol Region, out of 5 million people, 2,000 plus lang naman nagkaroon COVID cases dito. And siguro more or less 105 ang namatay, so kung i-ratio mo iyan eh napakababa. So dahil nga sa mga countryside, sa mga remote areas ay walang COVID doon.

SEC. ANDANAR: Lastly Governor Bichara, ang inyong mensahe po sa mga Albayeños na nakikinig at nanunood po sa atin ngayon.

ALBAY GOV. BICHARA: Ito ipaparating ko sa kanila na [garbled] kinakausap ko [garbled] Secretary ng DBM, Secretary Año ng DILG, Secretary Roque, saka si Secretary Lorenzana at papadala kaagad sila—iyong DSWD papadala kaagad ng tulong at may mga foundations, mga private institutions na nag-signify na gusto nilang tumulong.

So kami ngayon kailangan ng permanent relocation site, uumpisahan na namin iyon kung may nakita na kami. Pinaghandaan ko na iyon eh and dahil iyong ginawa namin noon, noong buhay po si Director Punongbayan, I was the Governor at that time way back in the late 90’s, sinabi sa akin ni ano, “Itong mga barangay na ito, mawawala ito sa mapa, paghandaan mo na ito.” So bumili kami ng 25-hectare property at ngayon isang malaking community, may sariling hospital at maganda ang kalagayan. I think we will do the same thing this time sa bandang Guinobatan.

SEC. ANDANAR: Governor, we are all praying for your safety at ng mga kababayan po ninyo diyan sa Albay. Mag-ingat po kayo. Salamat po, Governor Al Francis Bichara.

GOVERNOR BICHARA: Salamat. Salamat sa inyo.

USEC. IGNACIO: Ilang araw po matapos salantain ng Bagyong Quinta ang Probinsiya ng Batangas, sumunod naman ang hagupit nitong Super Typhoon Rolly kaya marami sa ating mga kababayan sa Batangas, tanging sa dasal at sa tulong na lang din ng pamahalaan at iba pang organisasyon nakaasa. Makakausap po natin sa kabilang linya ang ama ng Lalawigan ng Batangas, si Governor Hermilando Mandanas. Magandang umaga po sa inyo, Governor.

GOVERNOR MANDANAS: Magandang umaga naman sa inyo at sa lahat ng mga tagapakinig natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, wala pa pong isang linggo matapos ilagay under state of calamity ang Probinsiya ng Batangas dahil sa Bagyong Quinta na nanalasa; kahapon naman po itong si Bagyong Rolly. Kumusta na po ang ating mga kababayan diyan, Governor? At kumusta na po ang current situation on the ground po?

GOVERNOR MANDANAS: Una, talagang gusto ko munang sabihin na tayo ay nakikiramay, nakikiisa, nagmamalasakit sa mga tinamaan nitong Bagyong Rolly. Sa Lalawigan ng Batangas ay dininig ang aming panalangin ng Panginoon at noong dumating sa Batangas kagabi ay humina na ang Bagyong Rolly. At noong mag-landfall sa Lobo, iyon ang reported ng kauna-unahang landfall sa Lalawigan ng Batangas, Municipality of Lobo eh mahina na. At iyong hangin ay malakas sa itaas pero sa baba ay hindi na masyado. Pero ang ulan ay tuluy-tuloy pa rin kaya ay marami rin ang binaha lalo na sa Batangas City.

Pero iyon naming paghahanda, bago pa dumating ay marami nang nailikas. Siguro iyong mga pitong daang pamilya na kaagad sa San Juan, sa Rosario, sa Lobo, Batangas City, Bauan, lahat, mga nakalikas tayo. At ganoon din, tuloy ang paglikas noon at ngayon naman ay normal na ditto. Well, ibig kong sabihing normal ay hindi na malakas ang hangin at hindi na rin malakas ang ulan.

Tayo ay nagpapasalamat sa Panginoon, at gusto na rin nating ipahatid kung kumpara sa Albay, sa aking fellow governor, na tumulong sa atin iyan noong pumutok ang bulkan, ganoon din ang mga mayor, na si Mayor Noel Rosal ng Legazpi City, mga tumulong.

Kami ngayon eh, hanggang ngayon iyong Taal Volcano damages atin pang inaayos sa ngayon. Kaya ang state of calamity namin dito ay patung-patong. Una siyempre, itong taong ito iyong pagputok ng bulkan noong January; tapos state of emergency at calamity rin noong March dahil nga nitong COVID; tapos four days ago, actually 28, well, five days ago, state of calamity rin namin dahil naman ng Quinta – iyon ang malaking damage talaga. Agrikultura lang mga isang bilyon dahil kami ang source ng tilapia. Doon din sa Lawa ng Taal, mahigit na kalahating bilyon, more than 500 million ang mga nasirang fish cages at saka mga nakawalang tilapia; at mga prutas – doon kami.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Governor, ito po ang epekto ng Quinta. Pero sa Typhoon Rolly po, mayroon po bang mga naapektuhan sa ating agrikultura, imprastruktura at siyempre sa mga pamilya? At kumusta na po ang sitwasyon diyan? Kayo po ba ay normal ang daloy ng kuryente, ang supply po ng kuryente diyan sa Batangas?

GOVERNOR MANDANAS: Ngayon ay halos normal na, siguro mga 20% ng mga barangays na lang ang wala pang kuryente. Kami ay may isanlibo-pitumpu at walong barangays, at ang distribution dito ay ginagawa ng pinakamalaking kooperatiba, electric cooperative sa buong Pilipinas – iyong Batangas Electric Cooperative ll. At mayroon din kaming BATELEC l at Meralco. So mahusay naman ang kanilang pagganap sa kanilang tungkulin.

At iyong aming mga generators, iyong mga power plants, tuloy naman; hindi nagkaroon ng problema ang mga ito. At napakahalaga na walang problema dahil ang aming power generation ay mas malaki sa konsumo ng buong Metro Manila – 5,200 megawatts; ang Metro Manila, 4,900 lang. Kaya kami sa buong Luzon, 30% ang nandidiyan ang kinukunan na natin. Thirty percent ng buong Pilipinas dahil ang CALABARZON, kung isasama mo iyong iba sa CALABARZON, 60% kami ng buong Pilipinas. Kaya’t napakahalaga iyang sa power.

Dito naman sa casualty sa Rolly, mayroon kaming isa lang nawawala galing sa Ibaan, naglilinis ng drainage ng resort – Villa Franca – eh nahulog sa drainage system, nawawala pa. Ang Coast Guard ay natulong dito at sila rin, ang Coast Guard din ang gusto kong banggitin na sila rin ang tumulong dahil mga labindalawa na mga roll-on, roll-off, mga shuttle at malaking barko ang sumadsad sa dalampasigan, at doon nga, siyempre pati mga bahay ay nasira dahil isa ay sumadsad at tumama sa mga bahay.

USEC. IGNACIO: Opo. So, Governor, nagpapatuloy po itong search and rescue para dito sa isang missing?

GOVERNOR MANDANAS: Ngayon na medyo payapa na ay tuluy-tuloy na ito, iyong pagbubukas ng mga kalsada ay talagang nasira ano.

USEC. IGNACIO: Governor, may isa pa po tayong binabantayang bagyo, si Bagyong Siony. Pinag-uusapan ninyo rin po ba o nilalatag ninyo na kung papaano po tutugunan ng provincial LGU ng Batangas kung sakali rin pong dumaan ito sa Batangas, katulad nga po ng nabanggit ninyo, bukod sa Taal Volcano, malaki din ang damage ng Quinta at tinamaan din kayo ng Rolly bagama’t hindi po ganoon kalaki? Gaano po kayo kahanda na kapag dumating naman po itong si Siony?

GOVERNOR MANDANAS: Noon pang isang taon, 2019, gumawa na kami ng programa para sa taong ito bago pa pumutok ang Bulkan noong January. Dinoble namin ang aming budget. Ang aming budget four billion, ngayon mahigit na walong bilyon ang aming budget. At marami pa kaming tulong dahil kami, ang sabi ko nga, pinakamalaking producer ng power. Eh mayroon kaming kung tawagin ay energy fund na si Secretary Cusi ay ipinagamit sa amin, mahigit na anim na daang bilyon. Pati iyong aming mga ospital at pati ang mga barangay namin ngayon sa isang buwan ay [garbled] amin nang pasisimulan ang paggagawa. Mgakakaroon na kami ng supplier. Bawat isang barangay, isanlibo na barangay ay tig-iisa service vehicle for rescue – ambulance – tig-iisa, na mga 1.4 billion.

Ang aming evacuation center, padadamihin pa namin. Mayroon na kaming nagawa simula pa nga nitong pagbabago ng budget. At ganoon din ang aming mga ospital, mayroon kaming 500 million, kalahating bilyon para lang sa mga buildings. Sa mga kasangkapan, another 400 million pa rin. Ang aming ICT, kulang-kulang na 400 million – iyong mga CCTV, iyong mga command center nandidiyan na rin. Ang aming agrikultura, ang mga kasangkapan sa agrikultura na napipinsala kaya bumili kami ng bago, pati engineering, mga equipment namin at sa aming mga veterinary dahil kami, ang Lalawigan ang pinakamaraming baboy – iyong apat na paa na producer ano, Batangas. At ganoon din sa itlog, livestock, sa mga poultry, pinakamalaki rin ang aming idini-deliver sa buong Pilipinas. Kaya’t hanggang maaari ay handa. Pero ang paghahanda ay nakasalalay kami sa panalangin ng Panginoon, at ganoon naman tayong lahat.

USEC. IGNACIO:  Governor, bukod po dito sa bagyo nasa talaan pa rin po ng probinsya ng Batangas sa mga lugar na may mataas din pong reported cases ng COVID-19 sa bansa. So paano naman po ninyo ito tinututukan sa kabila po ng pagresponde ng inyong lalawigan doon po sa mga epekto naman ng bagyo?

GOV. MANDANAS:  Well, kapares ng iba ay talagang kailangan sundin ang protocol. Ito ay nakakasagabal sa ating rescue operation, pero kailangan nating sundin ang protocol na ibinibigay sa atin ng national government.

USEC. IGNACIO:   Opo. Governor, kunin ko na lamang po ang inyong mensahe sa inyong mga kababayan diyan sa Batangas?

GOV. MANDANAS:  Okay. Para sa ating bagyong Rolly, tayo ay talagang nagpapasalamat sa Panginoon dahil ito ay biglang humina galing sa Bicol, galing sa Marinduque pagpasok sa Batangas talagang mahina na ano, ulan na lamang ang nagpatuloy at kaunting baha, well dito sa Batangas City.

Kaya’t pasalamat sa Panginoon at ipagpatuloy pa natin dahil ang epekto noong pagputok ng bulkan hanggang ngayon amin pang binibigyan ng pansin. Marami pang mga evacuees na tuluy-tuloy naming inaalagaan, pagkain, hanapbuhay at iba pa hanggang ngayon. At iyong mga kalsada hindi pa naayos. At ganundin ito pa ngang Quinta at ito pa ring COVID na napalakas, kaya iyon nga ang sinabi ko, marami tayong hinaharap ngayon, pero sa tulong at awa ng Panginoon ay ito ay nagaganap natin.

Medyo laang naantala dahil  nga dumating nga itong Quinta at Rolly pero ang aming pagpapakain—sa ngayon, mahigit na 500 milyon ng naibigay namin sa pagkain lamang at mga gamot at pati mga tricycle driver kasi binibigyan namin, pati iyong mga day care students binibigyan namin ng pagkain. Siyempre iyong mga nangangailangan pang iba, iyong mga senior, iyong mga PWD, kaya ginagawa naming lahat, pero nakasalalay pa rin sa tulong ng ating Panginoon.

USEC. IGNACIO:  Opo, maraming salamat po sa inyong panahon, Governor Hermilando Mandanas ng Batangas, mag-ingat po kayo diyan, Governor mag-ingat po kayo diyan Governor. Mabuhay po kayo.

GOV. MANDANAS:  Salamat.

USEC. IGNACIO:  Samantala puntahan naman natin ang pinakahuling balita sa Davao region, magbabalita si Julius Pacot, live

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo Julius Pacot mula sa PTV Davao.

SEC. ANDANAR:  Salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!

Diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod Secretary Martin Andanar mula sa PCOO.

USEC. IGNACIO:  At ako naman po si USec. Rocky Ignacio. Secretary, kabi-kabila man po ang sakuna sa ating bansa, mayroon pa rin tayong nilo-look forward at iyan po ay ang araw ng Kapaskuhan sa mga kababayan natin at dahil diyan 53 days na lamang po Pasko na.

SEC. ANDANAR:  Nais ko rin pong magpasalamat sa buong puwersa ng PTV, Radyo Pilipinas, PIA, nandiyan din po ang Philippine News Agency at lahat ng mga partner private broadcasting companies po na nakilahok po sa ating programa simula po kahapon para sa pagbantay po nitong typhoon Rolly. Maraming salamat po sa inyong sakripisyo mabuhay po tayong lahat.

Samahan po ninyo kami ulit tutukan ang mga huling kaganapan sa bansa dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

News and Information Bureau-Data Processing Center