Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

SEC. ANDANAR: Magandang umaga po sa lahat ng ating mga kababayan sa buong mundo. Panibagong linggo ng pagbangon at pagharap sa mga hamon ng buhay ang sama-sama nating haharapin ngayong araw; ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar.

USEC. IGNACIO: Ngayon po ay November 23, 2020, araw po ng Lunes, muli tayong makibalita sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para alamin ang mga programang laan para sa tuluy-tuloy na pagbangon ng ating bansa. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  At lagi po nating tandaan, basta sama-sama at laging handa kaya natin ito. Ito ang Public Briefing #LagingHanda. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Tuluy-tuloy po ang ating balitaan. Samantala, naitala ang dagdag na 10,957 sa kaso ng mga gumaling mula sa COVID-19 kahapon base sa pinakahuling bulletin ng Department of Health kung saan umakyat na sa 386,486 ang total recoveries sa bansa mula sa sakit. Apatnapu’t tatlo naman ang nadagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay umabot na sa 8,123. One thousand nine hundred sixty-eight ang bagong kaso ng mga nahawaan ng sakit na ngayon ay nasa 418,818 na.

Samantala, bagama’t hindi na sumasampa sa 2,000-mark ang daily reported cases, makikita sa ating line graph na tumataas ang bilang ng naitatalang kaso kada araw, ito po ay sa nakalipas na isang linggo. Kahapon ay sa Cavite nagmula ang highest number na umabot sa 107 cases; ang Quezon City ay nakapagtala rin ng 97 new cases; ang Davao City ay 86 cases. Hindi naman nalalayo ang Laguna with 84 new cases, at 77 na bagong kaso ang nai-report sa Lalawigan ng Quezon.

Mula sa mahigit six percent last week ay nasa 5.8 percent na lamang ng total cases ang bilang ng aktibong kaso, ito po ay matapos maitala ang mahigit 10,000 recoveries kahapon. Mapapansin sa tuwing Linggo ay malaki ang bilang ng naitatalang recoveries.

USEC. IGNACIO: Malaking porsiyento pa rin o 82.5% ng mga kasong hindi pa gumagaling ay mild lamang. Ang mga asymptomatic o iyong mga hindi pa kinakitaan ng sintomas ay nasa 8.2%, 5.8% naman ang kritikal, 3.2% ang severe, at .28 naman ang moderate cases.

Paalala pong muli: Ugaliin po natin ang pagsusuot ng facemasks lalo na po kung tayo ay nasa labas ng ating bahay. Sa simpleng pagsusuot po ng mask ay nababawasan nito ng 67% ang chance na tayo ay makahawa o ‘di kaya’y mahawa ng sakit. Maging BIDA Solusyon sa COVID-19.

Para po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya’y 02-894-26843. At para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

SEC. ANDANAR: Sa nakaraang linggo po nang maiulat ang aksidenteng naganap naman sa Muntinlupa City – Diyos ko po! Grabe iyong trapik at kawawa iyong mga napinsala – kung saan nabagsakan ng steel girder ang anim na sasakyang dumadaan sa ilalim ng ginagawang Skyway extension project sa siyudad. Isa po ang nasawi habang apat naman ang sugatan dahil sa aksidente.

Alamin natin ang hakbang na gagawin ng Occupational Safety and Health Center ng Department of Labor and Employment. We are joined on the other line by OSHC Executive Director Engineer Noel Binag. Magandang umaga po sa inyo, Engineer. Welcome to the Public Briefing.

OSHC EXECUTIVE DIRECTOR NOEL BINAG: Yeah, good morning, Secretary Martin. Magandang umaga po sa lahat ng nakikinig. Ang amin pong opisina, ang mandato po namin ay nagti-train po ng mga safety offices pati na po ang requirement po ng ating batas na lahat ng establishment lalung-lalo na iyong construction industry na mayroon silang mga safety officers sa bawat aktibidades na ginagawa nila. At iyan po, sila po ay ang magmu-monitor kung tama po iyong mga control na nakalagay sa kanilang workplace at sinisiguro nila na ligtas ang ating mga manggagawa sa anumang injury or accident.

SEC. ANDANAR: Nagkaroon na ho ba ng initial assessment ang OSHC sa nangyaring aksidente sa Muntinlupa City noong nakaraang linggo, Director?

OSHC EXECUTIVE DIRECTOR NOEL BINAG: Ang atin pong impormasyon na natanggap ay ito ay project ng San Miguel Corporation at ang kanila pong contractor ay EEI at mayroon din po silang mga subcontractor [unclear]. At ngayon po, sa oras na ito ay nandiyan na po iyong mga DOLE technical inspector natin upang imbestigahan kung ano po talaga ang dahil bakit nangyari po itong sakuna.

SEC. ANDANAR: Kapag napatunayang mayroong lapses nga sa safety protocol sa construction site, sino po ang dapat managot dito at sino po ba ang mananagot doon sa mga naaksidente, iyong namatay at iyong mga sugatan?

OSHC EXECUTIVE DIRECTOR NOEL BINAG: Ayon po sa ating batas, mayroon po tayong occupational safety and health committee, iyan po ay lahat po ng isang establishment ay mayroon po silang committee, pinangungunahan po ng owner – iyong may-ari po ng kumpaniya – at ang secretary po ay iyong safety officer. At lahat po sila ay nagsa-submit po ng isang programa, ang tawag po diyan ay isang occupational safety and health program, at ito ay ipinapatupad po nila upang ligtas po ang ating mga manggagawa.

Ngayon na may nangyaring ganitong mga sakuna, responsibilidad po iyan ng may-ari, employer, lahat po whether civil liability or administrative liability, sila po ang mananagot po diyan.

SEC. ANDANAR: Sir, ano po ang penalty o kaso na puwedeng isampa kung mapapatunayang may kapabayaan sa nangyaring aksidente?

OSHC EXECUTIVE DIRECTOR NOEL BINAG: Ang maaari po, siguro sa korte po ay iyong sampahan po ng negligence resulting to homicide dahil may namatay. Sa amin po sa DOLE, mayroon po silang administrative case, puwede po namin silang isyuhan ng work stoppage order. Mayroon din po silang financial fine or monetary fine, depende po iyan kung ilang violations po sa aming standard ang hindi nasunod. At ito po ay nagri-range po siya ng between 20,000 to 100,000 kung non-compliance sa ating occupational safety and health program.

SEC. ANDANAR: Ano ba ang protocol ng OSHC sa mga considered as hazardous work situation gaya ng sa construction sites? Paano nasisiguro ng OSHC na properly implemented ang safety measures na nakasaad sa occupational health and safety standards law?

OSHC EXECUTIVE DIRECTOR NOEL BINAG: Ang protocol po diyan is kailangan… ang kailangan po nandiyan ay mga safety officers na mas mataas po ang ranggo. Parang ang tawag po natin diyan is Safety Officer II, Safety Officer III, Safety Officer IV dahil identified po namin ang construction industry is a highly hazardous establishment po. High risk po siya so kailangan po talaga ng matindi, maganda at maayos na occupational safety and health program na ang gagawa po diyan, ang tutulong na gumagawa diyan ay ang ating mga safety officers.

SEC. ANDANAR:   Mostly covered lang ng OSHC ang welfare ng mga manggagawa sa mga risk workplaces kagaya ng construction sites, pero paano po ang mga innocent passersby o iyong mga bystanders kagaya ng nangyari sa aksidenteng ito? Natanong na ho kita kanina pero can we reiterate our answer, Engineer?

OSHC EXECUTIVE DIRECTOR NOEL BINAG: Ang atin pong workplace ngayon, iyong nangyari is a public road. Sa tingin natin, hindi lang sa DOLE sila mananagot dahil mayroon po tayong batas sa proteksiyon ng ating manggagawa but also napro-provide po ang ating public safety wherein nakikita po natin na sa ating video that there was no crowd control during the actual operation ng ating crane.

So, wala po tayong nakikitang parang mga traffic enforcer, mga signages, wala man lang nagsabi na hindi muna puwedeng dumaan. At ito ay joint responsibility po ng public sector like LGU or iyong mga nag-e-enforce po ng mga traffic and of course, iyong ating contractor, iyong ating safety officers, iyong ating project owner – they are all responsible to ensure na ang kanilang workplace is always safe.

SEC. ANDANAR:   Paano naman masisiguro, Director, na hindi na ito mauulit sa kaparehong proyekto at sa iba pang infrastructure projects sa bansa, lalo pa’t tuloy-tuloy po ang ating Build Build Build Program?

OSHC EXECUTIVE DIRECTOR NOEL BINAG: Nasa ugali na po natin, ang kultura po natin. Alam po natin ang kultura po natin kung mababa po ang kultura of occupational safety, the culture for safety ay nakakaapekto po ito sa ating mga ginagawa. Lagi po nating tandaan ang nakasalalay dito ay buhay ng ating mga manggagawa. Hindi lang po tayo nagko-comply sa legal requirement but also our moral duty to protect our workers as provided by our law.

So, ang kailangan lang po, katulong po namin ang mga safety officers dahil kapag wala po iyong mga safety officers na mag-i-implement sa kanilang programa ay mahihirapan po tayo na ma-monitor po lahat. Sa dami po ng mga projects na iyon, nasa kanila po ang buhay po ng mga victims, kaayusan at kaligtasan ng ating mga manggagawa.

SEC. ANDANAR:   Puntahan muna natin ang ilang media questions, Director. Please go ahead, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Thank you, Secretary Andanar. Unahin ko na lang po iyong tanong, Director Binag, iyong tanong ni Gillian Cortez ng Business World: Was there any OSHC violation observed in the recent Skyway accident?

OSHC EXECUTIVE DIRECTOR NOEL BINAG: Obviously, they failed to identify hazard. Obviously, it was not properly controlled, the hazard in place, and it is always an assumption that every time they start a construction activity they should have a toolbox meeting because every day they need to identify potential hazard in workplaces and makes the necessary assessment and necessary control. So, in this situation, I believed they were not able to assess the situation on the ground, that’s why they were not able to anticipate the hazard that are potentially harmful to our workers.

USEC. IGNACIO:   Clarification lang daw po: Will the Department impose a penalty on the companies responsible?

OSHC EXECUTIVE DIRECTOR NOEL BINAG: Mayroon po iyan. Sa ating batas, Republic Act 11058 that says jointly and severally liable ang project owner, main contractor and subcontractor for any accident that happens in the workplace.

USEC. IGNACIO:   Tanong naman ni Evelyn Quiroz po ng Pilipino Mirror: The OSHC is mandated po to protect Filipino workers against accidents and illnesses in their workplace and promote employees’ welfare aside from the usual accidents and illness prevalent in the workplace. Is the OSHC actively pursuing/promoting measures to protect workers from the COVID-19 pandemic? If so, what are these measures?

OSHC EXECUTIVE DIRECTOR NOEL BINAG: We are engaged on information campaign, information drive; we conduct webinars and training. Part of the training is the promotion of the protection and control, prevention and control of COVID in the workplace because this is a guideline issued by joint DTI and DOLE and this is now properly monitored by all our regional DOLE offices.

SEC. ANDANAR:   Engineer Binag, may mga dagdag na mensahe ka ba or clarifications that you would like the public to know? Please go ahead, sir.

OSHC EXECUTIVE DIRECTOR NOEL BINAG: Ang atin pong mga manggagawa ay kailangan protektahan po iyan. Mayroon po tayong mga batas na we need to implement. We have to take this seriously or else these things will again happen. Kapag hindi po natin sineryoso ang ating batas, maaaring maulit po  itong ganitong klaseng mga sakuna.

Kaya po tinatawagan ko iyong ating mga manggagawa, kayo po ay may karapatan. You have to ensure, you have to assert your right that all workplaces must be safe and healthful. So, tulungan po natin ang ating mga manggagawa by protecting them and also if you can feel there’s an illness present or any imminent danger in your workplace, sa tingin ninyo delikado, mayroon po kayong karapatan na mag-report po sa aming opisina, sa DOLE, para matulungan po kayo upang hindi po kayo masaktan.

Hayag iyan po at laman ng ating batas. Mayroon po kayong mga workers’ responsibility and duty to report to DOLE whenever you feel the presence of imminent danger. So, kami po ay umaasa, tulung-tulong po tayo, hindi lang po dapat tayo umaasa sa aming mga inspector, sa mga safety officer, sa ating mga employer, but the workers themselves – we encourage them. We should encourage our workers to report to DOLE any violation of occupational and safety and health standards and we are very willing to provide the necessary assistance po. Mayroon po tayong mga regional offices to investigate whenever there are violations of the health standard.

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat, Engineer Noel Binag, ang executive director ng DOLE OSHC. Stay safe, mabuhay po kayo.

Dumako naman tayo sa Cordillera Region. May balita na hatid sa atin ni Breves Bulsao mula sa PTV-Cordillera

[NEWS REPORT BY BREVES BULSAO]

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat, Breves Bulsao ng PTV-Cordillera.

USEC. IGNACIO:   Samantala, makibalita naman tayo diyan sa Davao City kasama si Julius Pacot.

[NEWS REPORT BY JULIUS PACOT]

USEC. IGNACIO:  Okay, babalikan po natin si Julius Pacot na mula sa PTV Davao City. Samantala, puntahan natin ang mga nakalap na balita ng ating mga kasama sa ilang lalawigan sa bansa. Ihahatid po iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT BY JOHN MOGOL]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa’yo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. Samantala, balikan natin si Julius Pacot sa Davao City. Julius?

[NEWS REPORT BY JULIUS PACOT]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat, Julius Pacot ng PTV Davao.

SEC. ANDANAR:  Huwag po kayong kakalas magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR:  Kasabay ng deklarasyong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng state of calamity sa buong Luzon dulot pa rin ng epekto ng sunud-sunod na bagyong dumaan sa bansa, awtomatikong ipinatutupad ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa bansa. Kaso, ilang mga negosyante naman ang umaalma dito. Para pag-usapan, nasa kabilang linya si Secretary Mon Lopez ng Department of Trade and Industry. Magandang umaga po sa inyo, Secretary Lopez. Welcome back sa ating Public Briefing.

DTI SEC. LOPEZ:  Magandang araw po. Magandang umaga, Sec. Martin, kila Usec. Rocky, sa inyo pong mga tagasubaybay.

SEC. ANDANAR:  Sec. Mon, maraming business owners ang umaalma sa price freeze na ipinatupad sa buong Luzon dahil anila mas mataas daw ang puhunan kaysa sa SRP o Suggested Retail Price ng mga produkto sa merkado. Ano po ang tugon ng DTI dito? 

SEC. LOPEZ:  Para po ito sa mga manufactured products, sa mga tinatawag na basic necessity and prime commodity. Tayo po ay nagpapairal ng suggested retail price bago na-implement itong price freeze. So, ang masasabi po natin, sa pagdating po sa manufactured products ay full compliance naman ang mga manufacturers at sila naman po ay nakakabenta   nang mas mataas kaysa naman doon sa kanilang mga cost. In other words, hindi naman po sila nalulugi at ang importante lang po dito ay walang galawan, walang taasan ng presyo ngayong naka-state of calamity at naka-price freeze tayo. Maganda naman po ang compliance sa mga reports na napaparating sa atin.

SEC. ANDANAR:  Mayroon bang paraan ang DTI para kahit papaano ay maprotektahan naman ang interes ng mga negosyante sa mga ganitong sitwasyon, particularly ang mga nasa micro, small and medium enterprises?

SEC. LOPEZ:  Well, nandiyan po ang tuluy-tuloy na programa ng DTI para sa micro SMEs. Unang-una, pagdating po sa pagpasunod sa presyo, unang-una, kailangang mag-comply ho doon. Pero on the other hand, ang DTI naman po ay nagbibigay ng iba’t ibang suporta lalo kung micro SMEs – iyong patuloy nating training, patuloy na pagbigay ng micro financing loan. By the way, imbitahin ko po ang mga micro SMEs na, as you know na iyong una pong pondo ng small business corporation, iyon po ay naubos noong 1 billion po na nagamit na, 1.2 billion ang napahiram po doon base po sa ni-report din namin sa Senate.

Subalit, ngayon po mayroon na po tayong Bayanihan II, and we would like to invite iyong mga naapektuhan po na micro and small and medium na mag-apply na ng loan. Ngayon po, pinadali rin natin ang proseso. Hopefully, in seven to ten days mayroon na pong evaluation at approval and mga loans na mag-a-apply, kaya we invite more. So, iyan po ang mga suporta din natin sa mga micro and small na naapektuhan ng pandemya. At ito pong pondo ng Bayanihan ay nabigay na po ang pondo, P8 billion out of the P10 billion. At alam po ninyo dito sa P10 billion allocation, P6 billion po diyan ay para doon sa micro SMEs sa tourism at ang balanse po ay para sa micro SMEs in general.

SEC. ANDANAR:  Paano naman nakikipag-ugnayan ang DTI sa mga manufacturers para masigurong tama rin ang presyo na ipinapasa nila sa mga retailers?

SEC. LOPEZ:  Ay naku, ang DTI po ay talagang nakatutok sa bawat manufacturers pati po sa bawat mga retailer! At, Sec. Martin, ang pinapaalala lang natin dito po sa SRP compliance po, ito po, ang covered po nito ay groceries and supermarkets. So lahat po tayo sa DTI ay nakaugnayan diretso sa mga kumpanya ng mga retailers pati po iyong mga asosasyon nila. Kaya maganda ho ang compliance po nitong ating price freeze at even iyong before natin na SRP system.

SEC. ANDANAR:  Sec. Mon, ano po ba iyong mga sanctions o parusa sa mga mahuhuling hindi sumusunod sa price freeze?

SEC. LOPEZ:  Kapag ito po natawagan ng pansin, sila po ay pinag-explain, may letter of [unclear]. Pero kapag hindi po nabasehan, mali po ang basehan at hindi na-explain ang kanilang pag-increase, sila po ay puwedeng ma-charge at maisyuhan ng notice of violation at iyon po ay magiging subject na po sa kaso o sa isang hearing na gagawin ng DTI. Sanction po ay puwedeng from P1,000 up to P2 million pesos, depende po sa gravity ng violation.

SEC. ANDANAR: On a different topic naman, Secretary. Balak umano ni Senador Franklin Drilon na imbestigahan itong Philippine International Trading Corporation which is an attached agency of DTI dahil daw nasa P18 billion ng taxpayers money ang natutulog sa PITC. Ano po ba ang inyong reaksiyon dito?

SEC. LOPEZ:  Ah, okay thank you for raising that, actually. Ang PITC po, ang mandato po niyan, siya po ang tagabili, parang procurement agency; isa pa pong procurement agency ay DBM. Ito pong mga procurement process po natin, actually they undergo po iyong very strict procedure, kasama na rin po diyan iyong proseso rin ng pag-finalize ng mga [unclear] – ito ho iyong kung ano iyong mga technical specification na bibilhin. At iyan pong proseso na iyan, diyan po actually nagtatagal kasi iterative process, back and forth. Ano ho iyan pabalik-balik iyan with the agency na nagpapabili at saka PITC hanggang ang ma-finalize TOR. Ngayon, pag-finalize ang TOR, diyan pa lang po nagkakaroon ng go signal na para magpa-bidding na si PITC. In the meantime, si PITC, hindi naman po siya nagpa-park ng pera; iyan po ay naka-escrow iyong pera na iyan. At ang nangyayari naman po, kapag tapos na ang bidding ay doon po parang may payment kaagad. Ngayon kung nagpi-fail bidding, iyon naman hong budget na iyon ay binabalik din sa National Treasury. So in effect, wala po talagang natitira na pera sa PITC dahil po all are accounted for.

Iyon po iyong magandang linawin po natin. Wala pong kontrobersiya dito dahil tagabili lang po ang PITC at magma-manage noong bidding process. At kapag naging successful, then magkakaroon na ng payment. Pero kapag hindi naman successful, binabalik din iyong pera sa agency at eventually sa National Treasury. So, talaga pong inaabutan nga lang po talaga ng minsan pagpalit ng taon dahil ang TOR po, diyan po usually nagtatagal dahil may mga technical specification and evaluation that are being conducted. And PITC po ang bidding, sila lamang ang procurement, pero ang technical evaluation ay kasama po diyan ang mga agencies. So it’s really a whole of government process at wala pong perang ‘ika nga nawawala. Actually ang PITC may report po parati ang COA, Commission on Audit diyan at kumpleto po naman ang kanilang records, which I have asked them also to document and submit the status and full accounting. I-submit po sa Senate, doon po kina Senator Drilon na nagri-request po nito at kay Senator Recto. So wala po tayong problema diyan.

SEC. ANDANAR:  Even the Commission on Audit nga po ay pina-flag din po ang PITC dahil may utang raw ang PITC sa ilang government agencies amounting to more than P9 billion. Gaano po ba ito katotoo, Secretary?

SEC. LOPEZ:  Siguro ang gagawin po natin, mabuti pa pag-eksplenin natin ang PITC kasi talagang at any given point of time, mayroon pong siyempre in process na, iyon nga iyong sinasabi ko na habang pina-finalize ang TOR. Pero ibig sabihin whether matuloy iyan o hindi, kapag hindi natuloy ay ibinabalik din iyong pera na iyon. But at any given point in time, siyempre po mayroon pong naka-budget iyan sa agency at inaayos po iyong Term of Reference and eventually iyong bidding procedure. So, the PITC has all the records and ma-explain naman ang status niyan. In fact, doon sa huling report na binigay nila sa akin last week, as of 2019, kung anuman iyong may pondo na naiiwan at naka-escrow, ito po ay ibinalik sa treasury, sa government.

So in other words, iyong mga ongoing na lang po ang pina-process nila. Kapag failed biddings at wala talagang nanalo, let say mga failed bidding ito ay binabalik na rin iyong pera; wala po talagang naiiwan diyan in the end.

Ang naiiwan po diyan if ever ay iyong income naman na nadyi-generate ng PITC kung saan as required by GCG, kalahati nito dini-dividend din sa government at kalahati ay pantustos sa operations sa PITC. Dahil ang PITC wala hong natatanggap na budget iyan from government. So, self-sustaining po siya and it’s a government corporation. So, the government din ang may-ari niyan, so ang pera iyan ay government din, so wala pong nawawala talaga.

Tinanong po tayo sa Senado last week, even dito sa income ng PITC wala pong natatanggap na mga bonus or kung anumang extra remuneration ang mga board members na mga iba-ibang agency rin ang members din niya. So, very straight forward at madali pong ipakita ang mga reports po nila.

SEC. ANDANAR:  Puntahan naman natin ang ilang mga tanong na manggagaling po sa media, mula kay USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Yes, good morning, Secretary Lopez. Tanong po mula kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror:  The DTI has allotted P2 million to help the people affected by the typhoon and those who lost their livelihood particularly to Micro Small and Medium Enterprises that were devastated by the flooding. Can small and unregistered businesses avail of the said aid?

SEC. LOPEZ:   Opo. Bale po iyong total po natin [garbled] actually iyong P2 million sa mga Marikina at Rizal area po iyan, pero mayroon po tayong iba pa. I think may mga P5 to P6 million pa additional para po doon sa ibang affected area dito po sa Kabikulan, Region IV, Region V at saka Region II. Iyon pong talagang nasalanta nitong nakaraang apat na bagyo.

So, iyon po ang DTI provincial offices po natin, nag-a-assess ng mga affected na mga micro entity at kanilang bibigyan or papalitan iyong mga nawalang maliit na negosyo nila. At doon naman sa mga small size and medium size, ito naman ay puwedeng humiram dito nga po iyong nabanggit natin na CARES Program ng Small Business Corporation na zero interest at mayroon lamang service fee na pumapatak ng mga 2% to 3% per annum. So iyan po naman iyong tulong natin sa pandemya in general, kasama na rin iyong mga naapektuhan ng mga bagyo dahil iyan po ay pautang sa micro SME in general.

And not to mention, iyong ibang Government Financial Institutions po ay nagpapahiram din, hindi lamang SB Corps. Nandiyan po ang Landbank, DBP at mga… even ibang private banks sa tulong po ng Philippine Guarantee Corporation ay nagpapahiram din sa mga Micro SMEs. Ang total pautang po ng buong banking sector ay nasa P535 billion po. So iyan po iyong kinuwenta namin last week, following the inquiry from Senate at tinotal po natin lahat ng mga niri-report ng mga banking sector, aside from SB Corps, aside from Landbank and DBP, pati po private banks, iyan po ang napupunta sa mga Micro SMEs.

USEC. IGNACIO:  Opo, tanong naman mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN. Basahin ko na lang po baka may maidagdag pa kayo: A price freeze is in effect in Luzon, however, some retailers are complaining that their capital is lower than the SRP. What is the DTI doing about this?

SEC. LOPEZ:  Puwede po nating ipa-review talaga kung ano iyong costing nila dahil ang atin pong—dati pong pinagmulan niyan iyong SRP. So kumbaga dapat po kumikita sila doon dahil iyon po ang kanilang presyo noong araw. Ang sinasabi lang po ngayon ay price freeze. So, ibig sabihin pati manufacturer, hindi dapat mag-increase. At kung mayroon mang ginagawa ang manufacturer, i-refer lang po sa main, kausapin kami diretso. At si USec. Ruth, I can give the number kung kakailanganin nila or itawag po sa DTI hotline 1384 para makarating iyong complaints din nila.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong naman mula kay Joseph Morong ng GMA-7: What are the determining factors in determining the price cap of COVID-19 test? Is the government really serious in implementing price cap?

SEC. LOPEZ:  Ay, opo. Mayroon po kaming ilalabas in the soonest time dahil pina-finalize na po namin. Actually, na-review namin iyong draft joint administrative order namin sa DOH na kami po ang na-assign-nan mag-isyu ng price cap. At kahapon po na-review natin iyon at maybe in the next two days tayo po ay magri-release ng announcement with the DOH tungkol po dito sa price cap.

We are serious is determining the price cap on testing at iyon po ay ia-announce po ng DOH; ni-report ko na rin po sa ating Pangulo noong kami ay nagkita last Friday sa APEC meeting. So on the side, kami po ay nagbigay ng preliminary report at iisyu po natin, ng DOH iyan, actually kung hindi today, tomorrow.

SEC. ANDANAR:  Mayroon na po bang tala ang DTI, Secretary, kung ilang porsiyento sa mga negosyo sa bansa ang nag-reopen recently?

SEC. LOPEZ:   Base sa survey na tinututukan mula noong May-June, mula 38%, the following two months – June, July, August – bumaba po ng 9% tapos ho naging 6%. Ang latest po, 5% ang closed, ibig sabihin, bumaba na iyong number ng sarado.

Dito po sa sarado na 5%, ang atin pong assessment diyan, iyong iba permanently closed, iyong iba naman ay still temporarily closed dahil may ilang sektor pa rin tayo na ‘ika nga ay restricted lalo na dito sa GCQ areas like Manila and nearby provinces na under GCQ. Tulad noong mga restriction sa entertainment, tourism areas, at mga iba pang mga sektor na sarado under GCQ at mag-o-open pa sila sa Modified GCQ.

Kaya iyon po, may ilan-ilan pa ring mga sarado, pero ito ay bumaba na nga mula sa 38% na sarado, ngayon ay 5%.

SEC. ANDANAR:  Sa ibang balita po naman, Secretary. Sa ibang balita po naman tayo. Paano po makakatulong sa trade sector ng bansa ang pagkakapirma sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) Agreement ng ASEAN member-states at iba pang trade partners nito? How would this be beneficial for our people?

SEC. LOPEZ:   Unang-una po, ibig sabihin po ng ating paglagda diyan ay kasama po tayo sa isang mega-trade deal kung saan iyong mga market ng ibang bansa na kasama dito, 15 countries po iyan kasama ang Pilipinas, ay nagbukas pa ng kanilang market. Ibig sabihin, puwede pa tayong mag-export ng mas marami pang produkto na in-include nila sa dito RCEP or sa free trade agreement na ito.

Again, ito po, kasama ang sampung ASEAN countries plus five other FTA countries ng ASEAN tulad ng China, Japan, Korea, Australia and New Zealand. Ang India po, hindi na po sumali muna pero nakabukas po ang RCEP countries sa later on na pagsali ng India kung kailan sila ready na. But at least in the meantime, ito po ay magbubukas ng mas maraming market sa ating mga produkto kasama na rin pati services, hindi lang produkto.

At services, ibig sabihin, example na lang iyong mga legal, accounting ay puwedeng mag-practice, magbukas ng korporasyon sa ibang bansa even tulad ng China at puwede doon mag-provide ng services. At mayroon po tayong listahan ng mga sektor na mag-o-open na puwede hong either i-export sa ibang bansa whether goods or services.

At marami pang ibang mga chapter ito or sector na binuksan din – iyong pagtutulungan ng mga micro SMEs, IT, iyong intellectual property, pagsunod sa mga IT laws, pagsigurado na may mga investment rules para ho sa ganoon ay makaka-encourage po ng much investments, mas maraming investment dito sa ating bansa dahil tayo ay part ng RCEP.

So, i-imagine po natin, for example, US companies or EU companies, kapag nag-invest sa Philippines ibig sabihin may access sila nang mas malaki dito sa mga RCEP participating countries. They will view that as a good reason to invest in the Philippines.

So, iyon po iyong mga benepisyo off-hand ng paglagda natin ng RCEP – more jobs, more trading opportunity, mag-export opportunity kapag located ang investment sa Philippines pati iyong mga exported dito. Puwedeng i-maximize ang opportunity at mag-export dito sa 14 other RCEP countries.

SEC. ANDANAR:   Talagang in-demand ho kayo, Secretary Mon, mayroong follow-up question si Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Opo. Secretary Lopez, may tanong po ulit, pahabol na tanong si Joseph Morong para sa inyo: Ano po iyong initial na sinabi ninyo kay Pangulong Duterte regarding the price cap on COVID test and ano daw po ang naging response ni Pangulong Duterte dito?

SEC. LOPEZ:   Ay, opo. Welcoming po ang response po ng ating Pangulo pero ia-announce na lang po natin officially para sabay po kami ng DOH na mag-a-announce kung ano po iyong magiging price cap dito sa mga testing ng mga PCR test dito sa ating bansa.

SEC. ANDANAR:   Okay. Secretary Mon, paalala na lamang po para sa ating mga kababayan lalung-lalo na sa mga consumers sa gitna ng price freeze dito sa Luzon. Please go ahead, sir.

SEC. LOPEZ:   Okay po. Paalala po sa ating mga consumers: Unang-una, maging wais at maging mapanuri. Siguraduhing maganda ang kalidad at iyong presyo po ay nararapat, naka-comply po sa kung ano man ang price level. Typically ho, kapag manufactured products, ito po ay naaayon sa suggested retail price dahil ito naman ho ang sinusunod bago ho nag-price freeze. So, ang probability po nandiyan po ang level ng price freeze nila.

So, kailangan hong i-report nila kung may mga nagba-violate ho nito, mayroon ho tayong hotline – 1384, para mapuntahan po ng mga enforcers po ng DTI. At ang DTI, continuous naman ang monitoring dito.

Ngayon, kung agriculture products po ito, ito iyong mga nasa palengke – mga baboy, isda, at ibang gulay, ito naman po ay kinakailangang ma-report naman sa Department of Agriculture at puwede rin naman sa 1384 din ng DTI, kami po ay nakikipag-ugnayan naman sa DA para matulungan silang mag-monitor din ng mga agriculture products na under sa DA.

SEC. ANDANAR:   Maraming salamat sa pagpapaunlak, Trade Secretary Ramon Lopez. Stay safe at mabuhay po kayo!

USEC. IGNACIO:   Samantala, binuksan sa Lalawigan ng Benguet ang ika-92 Malasakit Center sa bansa. Pamilya ng mga pasyente sa Benguet General Hospital, nagpasalamat. Ang detalye sa ulat na ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO:   Okay. Secretary Martin, iyan nga po iyong ating mga balita mula doon sa patuloy na pagbibigay ng malasakit ng tanggapan po ni Senator Bong Go. At marami po tayong nakakausap na talagang nagkakaroon po ng malaking benepisyo para sa kanila iyan.

SEC. ANDANAR:   Tamang-tama, Rocky.

USEC. IGNACIO:   Opo. Secretary Martin, maraming salamat po sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta para sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!

SEC. ANDANAR:   At diyan po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.

USEC. IGNACIO:   Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio, at 32 days na lang po at Pasko na.

SEC. ANDANAR:   Hanggang bukas po muli dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)