Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang araw Pilipinas at sa lahat ng ating mga tagasubaybay sa iba’t ibang panig ng mundo. Narito ang programa na magbibigay sa inyo ng mga napapanahong hakbang ng pamahalaan para sa tuluy-tuloy nating pagbangon mula sa mga krisis at kalamidad. Ako po si Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ngayon po ay Martes at unang araw ng buwan ng Disyembre, inyo po kaming samahan sa loob ng isang oras na punung-puno ng impormasyon at komprehensibong mga balita. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Basta sama-sama at laging handa, kaya natin ito. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

USEC. IGNACIO: Samantala, naitala ang dagdag na 44 sa kaso ng mga gumaling mula sa COVID-19 kahapon base sa pinakahuling bulletin ng Department of Health kung saan umakyat na sa 398,658 ang total recoveries sa bansa mula sa sakit. Labinsiyam naman ang nadagdag sa mga nasawi na sa kabuuan ay umabot na sa 8,392; one thousand seven hundred seventy-three naman ang bagong kaso ng mga nahawaan ng sakit.

Sa Lalawigan ng Rizal nagmula ang mataas na bilang na umabot sa 104 cases; 99 cases naman ang naitala sa Cavite at 88 cases sa Negros Occidental. Ang Lungsod ng Davao ay nakapagtala rin ng 79 na bagong kaso at 72 new cases naman ang nai-report sa Laguna. Bahagya namang umakyat mula sa 5.3% to 5.7% ang total cases ang bilang ng aktibong kaso, katumbas ito ng 24,580 cases.

SEC. ANDANAR: Maliit na bahagya lamang o .31% sa mga aktibong kaso ang nasa moderate na kundisyon; ang severe cases ay nasa 3%; 5.7% ang kritikal; 7.5% ang hindi kinakikitaan ng sintomas; at malaking bahagya o 83.5% ang mild cases lamang.

Muli, nais po naming ipaalala sa mga bumibiyahe gamit ang pampublikong transportasyon, sundin po natin ang seven commandments:

Una, huwag pong kalilimutang magsuot ng facemask at face shield.
Bawal ang pagsasalita, pakikipag-usap o pagsagot ng telepono.
Ipagpaliban din muna ang pagkain.
Kinakailangan din na may sapat na ventilation.
Kailangan may frequent disinfection.
Bawal magsakay ng symptomatic passenger.
At panghuli, kinakailangang sumunod sa appropriate physical distancing.

Maging BIDA Solusyon sa COVID-19. Para po sa inyong mga katanungan at concerns sa COVID-19, maaari ninyo pong i-dial ang 02-894-COVID o kaya’y 02-894-26843. At para naman sa mga PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial ang 1555. Patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19, maaari ninyo pong bisitahin ang covid19.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Sa public address naman, Secretary, ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, kaniyang ipinahayag po na mananatili sa General Community Quarantine o GCQ hanggang sa katapusan ng Disyembre ang Metro Manila, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan at Lungsod ng Davao. Samantalang naka-Modified GCQ naman ang iba pang bahagi ng bansa.

Ipinahayag din ng Pangulo na habang wala pang gamot sa COVID, mabisang panlaban sa virus ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng mask, at pananatili sa loob ng bahay.

SEC. ANDANAR: Binabantayan din ng National Task Force Against COVID-19 ang mga lugar na nagkakaroon ng kaunting pagtaas ng kaso kabilang na diyan ang Iloilo, Tacloban, Lanao del Sur, Iligan, Davao City at Davao Province. Mahigit 330,000 na OFWs na rin ang napauwi sa bansa.

Samantala, iginiit naman ng Pangulo na hindi niya niri-red tag ang umano’y legal fronts ng CPP-NPA-NDF sa halip ay tinutukoy niya ang mga ito bilang bahagi ng grand conspiracy para atakihin ang gobyerno.

USEC. IGNACIO: Availability, accessibility at affordability ng COVID-19 vaccine, ang paglatag ng COVID-19 vaccine roadmap pinatitiyak ni Senator Bong Go bilang Chairperson ng Senate Committee on Health. Narito po ang buong report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Mga residente sa Lungsod ng Cavite na naapektuhan ng sunud-sunod na bagyo labis ang pagpapasalamat sa pagtulong ng gobyerno. Narito ang detalye:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Patuloy tayong maki-update sa mga programang isinasagawa ng ating pamahalaan sa sektor ng transportasyon. Makakapanayam po natin si Undersecretary Raul del Rosario, ang administrator ng Office of Transport Security ng DOTr.

Magandang umaga po sa inyo, Undersecretary and welcome back to the public briefing.

USEC. DEL ROSARIO: Magandang umaga po, Sec. Andanar. At magandang umaga po sa ating mga tagapakinig.

SEC. ANDANAR: Buwan ng Abril nang sinimulan ng DOTr ang pagpapatupad nitong one-stop shop sa mga paliparan sa bansa for the returning OFWs, any updates on this, Usec? Ito ba ay in effect pa rin seven months into its operation?

USEC. DEL ROSARIO: Totoo po iyan, in effect pa rin ang ating one-stop shop. Sa katunayan, kahapon ay mayroon tayong kaunting selebrasyon sa pag-welcome ng ika-500,000 na OFW na dumating kahapon ng hapon.

SEC. ANDANAR: Nag-resume na ba ang Philippine Red Cross sa pag-conduct ng swab testing sa one-stop shop sa NAIA?

USEC. DEL ROSARIO: Noon pong October 15 tumigil ang Philippine Red Cross ngunit makalipas ang 13 araw noong October 28 ay bumalik na rin ang Philippine Red Cross sa pag-swab, pag-RT-PCR swab.

Noong pong 13 araw na tumigil ang Philippines Red Cross, 13 government hospital po ang sumalo at naibigay naman ang lahat ng serbisyong kailangan ng ating mga OFWs nang wala rin namang delay.

SEC. ANDANAR: Usec. del Rosario, may mga paghahanda o changes bang gagawin ngayon ang DOTr lalo pa’t posible ang pagdagsa ng mga returning OFW ngayong holiday season?

USEC. DEL ROSARIO: Marami ho kaming paghahanda in anticipation of the influx of OFWs and returning Filipinos nitong Kapaskuhan. Sa katunayan, itinaas po namin ang aming capacity sa 5,000 passengers daily, ganoon din po ang Cebu at Clark na tumatanggap din ng international passengers. Kaya po nilang tumanggap ng 1,500 – 2,000 passengers, daily po iyan. Nagdagdag din po kami ng mga swabbers at saka ng mga ibang katuwang nating agencies na mga taong mag-aasikaso sa ating mga OFWs.

Ang mga hotel din po ay inimbentaryo namin para sa mga quarantine facilities na gagamitin at ang mga sasakyan na gagamitin ay dinagdagan din po.

Ang Manila International Airport po ay nagdekorasyon ng Christmas decoration para naman masaya ang ating mga uuwing OFWs.

SEC. ANDANAR: Hanggang kailan kaya aasahan ng mga returning OFW natin ang one-stop shop na ito?

USEC. DEL ROSARIO: Habang ipinatutupad po natin ang ating mga COVID protocols ay nandiyan po ang one-stop shop at alam naman po natin na iyan ay isang inter-agency activity na kinabibilangan ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na nagpapatupad ng synchronize implementation of COVID protocols at the same time iyong mga arrival protocols na ginaganap natin sa isang bubong para naman pag-alis ng ating mga pasahero, paglabas sa airport ay nagawa na nila ang ating mga karampatang COVID protocols at mga arrival protocols.

So, habang mayroon pong mga parating nandiyan po kami at ito po ay ayon sa kautusan ng ating butihing Secretary Tugade na bigyan ng magandang serbisyo ang ating mga bagong bayani hanggang kinakailangan.

SEC. ANDANAR: Mayroon pa bang ibang proyekto ang OTS under the DOTr para sa transportation sector natin ngayong unti-unti na nating binabangon ang ekonomiya ng bansa?

USEC. DEL ROSARIO: Mayroon po kaming mga nilalabas na mga memorandum circular upang sa ganoon ay magkaroon tayo ng adjustment ng ating mga security protocols na in line o parallel naman sa ating mga COVID protocols.

Pinaigting din po namin ang inspeksiyon sa ating mga transportation facilities nationwide sa kadahilanan po na baka samantalahin ang mga COVID activities ng mga masasamang loob na gustong abalahin ang ating transportation flow.

SEC. ANDANAR: Mga dagdag na paalala o mensahe na lang po, Usec. del Rosario.

USEC. DEL ROSARIO: Mahirap po ang kalagayan natin ngayon lalung-lalo na sa COVID-19 pero nakita ko naman na ang ating gobyerno lalung-lalo na po ang DOTr ay nandiyan lagi upang ibigay ang karampatang serbisyo lalung-lalo na po sa ating mga OFWs at mga bagong bayani. At kitang-kita po natin ang aggressiveness ng leadership ng DOTr – at your service po kami!

SEC. ANDANAR: Mayroon po tayong mga pahabol na katanungan mula po naman sa mga kasamahan natin sa media. Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Good morning po, Usec. del Rosario. May tanong lang ang ating mga kasama sa media. Tanong po ni Sam Medenilla ng Business Mirror, para po sana ito kay Secretary Tugade: May plano po kaya ang DOTr to limit public transportation this month to contain the expected post-holiday surge in COVID-19 cases? If not, may new protocols po kaya na ii-implement ang DOTr during the Christmas holiday to limit the spread of inspection?

USEC. DEL ROSARIO: Sa tingin ko po, ang hangarin ng DOTr ay ma-accommodate lahat ng ating nagbibiyaheng mga kababayan lalung-lalo na sa panahon ng Kapaskuhan. So, sa paningin po ng DOTr baka dapat pang kailangang dagdagan para maserbisyuhan ang ating taumbayan without sacrificing the implementation of our COVID protocols.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Karen Villanda ng PTV: First day po ng implementation ng cashless transaction at wala na pong cash lane kaya bumigat daw po iyong traffic sa mga entry point, magpapakabit kasi ng RFID. Ano po ang reaksiyon dito ng DOTr and magkakaroon po ba daw ng adjustment para sa implementation?

DOTR USEC. DEL ROSARIO: Ginagawa hong lahat ng DOTr para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng ating mga nag-a-apply ng RFID at mayroon pong guidelines na inilabas at pipilitin pong maserbisyuhan ang lahat without really affecting much traffic to our convening public.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Joseph Morong ng GMA 7: Mag-i-increase po ba or magbabalik biyahe po ba ang mga bus sa ilang probinsiya tulad halimbawa ng papuntang La Union at other provinces?

DOTR USEC. DEL ROSARIO: IrI-refer ko ang katanungang iyan at magbabalik po ako para sasagutin iyan. Ito po ay karampatang sasagutin ng ating land sector ng DOTr. Ipagpaumanhin ninyo po.

USEC. IGNACIO: Tanong po mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN: How many more jeepneys po will be allowed to ply roads before yearend? Marami po daw kasi sa kanila ang nakagarahe?

PPA GM SANTIAGO: Kagaya po ng nasabi ko kanina, ire-refer ko po iyan sa karampatang tao ng DOTr na siyang makakasagot at makakapagbigay ng more accurate answer.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon and it’s good to see you once again, Undersecretary Raul Del Rosario. Mabuhay po kayo! Stay safe.

PPA GM SANTIAGO: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Marami na kasi, Secretary, ang gustong kahit papaano umuwi sa probinsiya kasi Pasko na. Pero katulad ng sinabi mo, Secretary, iyong paalala pa rin ng pamahalaan na iwasan muna iyong—kung hindi kailangang lumabas, huwag lumabas. Iyong ang health and safety standards na protocols ay dapat sundin pa rin. Kahit nami-miss mo na iyong pamilya mo, Secretary ano, kailangang mag-ingat pa rin na huwag daw munang masyadong mag-i-imbita muna ng mga iba, dapat puro talagang pamilya mo lang.

SEC. ANDANAR: Kahit na-miss na kita eh, ang layo pa rin natin.

USEC. IGNACIO: Secretary, Pasko na ha, kala mo iyong regalo ko ha.

SEC. ANDANAR: Oo, nakabalot na. Sampung balot na ata iyon.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin, Secretary, ang mga nakalap na balita ng ating mga kasama sa ilang lalawigan sa bansa. Ihahatid po iyan ni Ria Arevalo ng PBS- Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

SEC. ANDANAR: Samantala, nasa kabilang linya natin ang General Manager ng Philippines Ports Authority, si GM Jay Daniel Santiago. Magandang umaga, GM. It’s good to see you once again.

PPA GM SANTIAGO: Magandang umaga po, Sec. Martin at Usec. Rocky. At magandang umaga po sa lahat ng mga nanunood at nakikinig sa atin ngayong umagang ito.

SEC. ANDANAR: Ngayong araw sisimulan itong pag-waive ninyo ng port fees sa mga shipping companies under the Bayanihan 2 provision. How exactly would this happen, GM? Ito ba ay available para sa lahat ng domestic shipping companies at operators?

PPA GM SANTIAGO: Tama po, Sec. Martin, ngayon po ang unang araw na magpapatupad po ng waiver ng tinatawag pong dockage at saka anchorage fees po sa mga domestic shipping vessels po natin. Applicable po ito sa lahat ng passenger vessels at cargo vessels. Ang requirement lamang po dito ay kailangan ay mayroon po silang accreditation sa Philippine Ports Authority at ito po ay magagamit lamang po sa lahat po ng mga pantalan na ino-operate at ina-administer at may jurisdiction po ang Philippine Ports Authority.

SEC. ANDANAR: Ano ang kailangan nilang i-present to avail this financial assistance?

PPA GM SANTIAGO: May proseso po kasi tayo, Sec. Martin, ng accreditation ano. Even before po nitong waiver ng fees na ito, lahat po ng mga nagninegosyo po o nag-o-operate sa ating mga pantalan ay required po silang kumuha ng accreditation certification. Madali lamang po naman iyong ating accreditation certification at nagagawa po ito online, pupunta lamang po sila sa ppa.gov.ph at mayroon po tayong accreditation application form doon.

At dahil po sa panahon po ng pandemya natin, nagmandato po tayo sa ating mga port management offices na kahit wala pong requirements basta mag-submit lamang po ng application, ang accreditation po ay ipa-process; at requirements po, to follow na lang para lang po mabigyan-daan po iyong accreditation ng iba-iba pong mga nag-o-operate at nagninegosyo po sa atin pong mga pantalan.

SEC. ANDANAR: Bukod dito ay magpu-provide din daw kayo ng free COVID-19 testing sa mga returning seafarers, GM, how would this happen?

PPA GM SANTIAGO: Tama po, Sec. Martin. Ito nga po ay bahagi pa rin po ng Bayanihan II na tulong na pondo po na dinownload po sa atin ng Department of Transportation. Humigit-kumulang po nasa mga 67 to 70,000 seafarers po ang mabibiyayaan nito, iyong mga pauwi po, na sila po ay magkakaroon po ng pagkakataon na ma-test po for COVID-19.

Kung matatandaan ninyo po, ang PPA po, katulong po ang pribadong sektor, ay nagtayo po ng ating COVID-19 testing facility o molecular laboratory diyan po sa ating port area. At ito po ay magiging available po sa mga returning seafarers natin sa mga ports po at mga airports kung saan po sila po ay allowed na bumalik na po dito sa ating bansa. Basta ipakita lamang po nila ang kanilang seafarers’ ID o iyon pong kanilang seaman’s book ay sila po ay ipuproseso for COVID-19 testing na walang bayad po.

SEC. ANDANAR: Kumusta ba ang maritime industry sa bansa, GM? Can we say na nakabawi na ang industriya na ito now that we are slowly recovering our economy?

PPA GM SANTIAGO: Well, Sec. Martin, medyo ano pa rin po tayo, we are still lagging behind doon po sa ating normal traffic volume from previous years. We are about six to ten percent po behind our traffic volume, at pati po iyong ating cargo throughput na sinasabi ‘no.

Bagama’t iyan po ang nangyari, dahil nakita naman po natin talagang nag-suffer po ang ating ekonomiya, masaya naman po tayo kahit papaano na iyon pong kalakalan sa ating mga pantalan ay hindi naman po katulad nang ibang mga industriya na naapektuhan, although bumaba po, medyo surviving pa rin po tayo. At inaasahan po natin lalung-lalo na po ngayong darating na Kapaskuhan na mas dadami po iyong mga pasahero natin at iyon pong mga kargamento po natin sa ating mga pantalan. At umaasa po tayo na sana po ay maging tuluy-tuloy na po ang recovery po natin.

SEC. ANDANAR: Mayroon bang nakalatag na recovery plan ang PPA sa mga maritime workers na naapektuhan ng pandemic, GM?

PPA GM SANTIAGO: Well, sa kabutihang palad naman po, Sec. Martin, wala naman pong napabalita sa atin na na-layoff na port [workers] ‘no. In fact, kung matatandaan ninyo po, simula po nagkaroon tayo ng community quarantine noong Marso, tuluy-tuloy naman po ang trabaho at tuluy-tuloy po ang pagsisilbi po ng ating mga port workers.

So wala naman po tayong naibalita o nai-report na nagtanggal po, nagkatanggalan po sa trabaho. At inaasahan po natin na iyong atin pong mga port workers ay tuluy-tuloy pa rin po na sumasahod, sumusuweldo at tuluy-tuloy pa rin po silang may trabaho.

Ang ginawa po natin sa PPA, katulong po iyong mga private sector ‘no, iyong atin pong mga cargo handlers, during the middle of the lockdown noong pandemic ay nagbigay po tayo ng mga ayuda po sa kanila in the form of iyon pong mga groceries at saka mga bigas po at mga pagkain po at tubig, lalung-lalo na po doon sa mga pagkakataon at sa mga areas kung saan nagkaroon po din tayo ng mga bagyo. Sinisigurado po natin na ang atin pong mga port workers ay maaalagaan po.

SEC. ANDANAR: Mga dagdag na paalala na lang po, GM, please go ahead.

PPA GM SANTIAGO: Thank you po again ano, Sec. Martin at Usec. Rocky. Paalala lamang po doon po sa mga ating mananakay po ‘no, iyong mga authorized persons outside of residence na sumasakay po sa ating mga pantalan, panatilihin pa rin po natin iyong ating health protocols, partikular po iyong seven commandments for our public transportation kasama na po diyan iyong pagsusuot ng facemask, ng face shield, pag-social distancing po sa ating mga sinasakyang pampublikong sasakyan. At ituloy po natin iyong paggamit po ng ating contact tracing application, iyon pong Traze, kung saan po iyan po ang ginagamit po nating contact tracing sa ating mga pantalan, sa mga sasakyang pandagat, sa airports din po.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong panahon, GM Jay Daniel Santiago ng Philippine Ports Authority. Mabuhay po kayo! Stay safe.

PPA GM SANTIAGO: Maraming salamat po, Sec. Martin at Usec. Rocky. Mag-ingat po tayong lahat at mabuhay rin po kayo. Magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Samantala, dumako naman tayo sa mga pinakahuling balita mula sa Cordillera Region. May balitang hatid si Eddie Carta mula sa PTV-Cordillera. Eddie, good morning.

[NEWS REPORTING BY EDDIE CARTA]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Eddie Carta ng PTV Cordillera.

USEC. IGNACIO: Ilang linggo na lamang, Secretary, Pasko na. Dahil diyan ay hindi na po magkamayaw ang mga tao sa paglabas upang paghandaan ang isa sa mga pinakamasayang okasyon sa Pilipinas sa kabila po ng pandemya. Ano kaya ang implikasyon nito sa pagtaas o pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa? Makakausap po natin mula sa OCTA Research sina Professor Ranjit Rye and Dr. Guido David. Good morning po.

Good morning po sa inyo. Sir, nitong [linggo] lamang po ay ipinahayag ng OCTA Research na maaari pong pumalo sa apatnaraan hanggang isanlibo ang bilang ng kaso ng COVID-19 partikular dito sa Metro Manila. Ano po iyong mga determining factors ninyo sa pahayag na ito? Kay Dr. David po tayo.

DR. GUIDO DAVID: Yes. Hi! Good morning. So iyong nakikita natin although pababa iyong general trend sa Metro Manila ng new cases, nagkaroon tayo ng uptick so may uncertainty tayo ngayon kung patuloy po iyong uptick or puwedeng bumaba na siya ulit. Kasi iyong uptick na iyan, nakita natin for one week, hindi pa natin alam kung magpapatuloy ang trend iyan. It could be due to iyong recent evacuations and typhoon, or puwedeng dahil nga sa holiday rush, nag-increase na iyong mobility and dumadami na iyong bilang ng kaso. So iyon iyong mga determining factors. So posibleng pataas siya. Kung umabot siya sa upper range, ibig sabihin medyo nasa upper trend tayo sa COVID new cases.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. David, sinasabi ninyo po o dinadagdag ninyo rin na itong pagtaas na ito sa Metro Manila ay hindi po ba nakakabahala. Paano at bakit ninyo po nasabi ito, Doctor?

DR. GUIDO DAVID: Hind naman na hindi nakakabahala pero ayaw naman nating na i-sound off iyong alarm agad kasi one week pa lang nakita iyong pagtaas. Puwedeng, ayun nga, maraming possible na explanation. Puwedeng dahil nga sa recent typhoons, nagkaroon ng delay iyong testing, iyong laboratories sarado during the typhoons so na-delay iyong testing so, kumbaga, naipon iyong mga cases na na-report. So possible explanation iyan. Kaya siguro mga by next week pa natin masasabi definitely kung patuloy pataas iyong trend. Next week, kung tumataas pa rin, magiging alarmed na rin tayo dahil parang patuloy siyang tumataas. Pero sa ngayon, medyo ano muna tayo, parang cautious muna tayo, pero hindi pa naman alarming iyong message natin.

USEC. IGNACIO: Dr. David, kamakailan din po inanunsiyo na ang Davao daw po diumano ang bagong epicenter ng COVID-19 cases. Sa nakikita po ninyong pagtaas sa Kamaynilaan ay maaaring maging epicenter ulit po ba ang Metro Manila sa sakit?

DR. DAVID: Actually, iyong Metro Manila kasama talaga siya, isa siya sa mga epicenters. So ang epicenters ngayon nasa Metro Manila, sa Davao and CALABARZON, nandiyan pa rin iyan. Sa Quezon nakikita natin tumataas pa iyong kaso; sa Central Luzon, actually kasama rin iyan dahil tumataas sa Bulacan saka sa Pampanga, so may increase diyan.

Iyong iba nating epicenter tulad ng Benguet, ngayon okay na sila, malaking na-improve ng Baguio City kaya siguro nagluluwag na naman silang muli. Sa Iloilo actually nag-improve na sila. Pero iyong Bacolod nakita namin, may slight increase naman. So, hindi pa natin sigurado kung pataas pa iyan or bababa na ulit; pababa siya for the past few weeks.

So, medyo marami pa rin iyong epicenter natin, hindi pa rin talaga nawawala iyong virus sa Metro Manila, Davao region, CALABARZON and parts of Central Luzon.

USEC. IGNACIO: Kay Professor Ranjit po: Ang inyo pong rekomendasyon ay panatilihin sa GCQ ang Metro Manila at saka ilagay ito sa ilalim ng MGCQ sa taong 2021. Pero kung atin pong mapapansin, kahit nasa GCQ pa rin daw po ang Metro Manila sobra talagang dami na ng tao ang nasa labas at parang normal na po ang lahat. Ano po ang inyong opinion dito, Professor?

PROFESSOR RYE: Ang kailangan desisyon ng government at saka ng local government. Ano ba ang desisyon livelihoods ba o lives, iyan na po ang ano eh—pero puwede naman pong balansehin iyan na kailangan protektahan ang ating kabuhayan, pero at the same time i-enforce iyong mga rules and regulations para maprotektahan tayo sa pagkalat ng COVID-19.

So ito ho ang kailangang ayusin ng gobyerno in the next [unclear] iyong communication po. Kasi ho, tumataas po iyong mga kaso, bagama’t mahina ang pagdagdag, mabagal pa ang pagdagdag ng kaso, ini-expect natin tataas iyan. Huwag nating isipin na nagbukas tayo, hindi tataas ang kaso, tataas talaga.

Ang kailangan nating i-prevent iyong sinasabi nilang surge, iyong pagbulusok ng mga kaso na mapupuno ang ating mga ospital at maraming health workers na mahihirapan, maaaring maraming mamatay. So, iyon po ang panawagan natin sa ating mga kababayan, hindi talaga puwede pa magkumpiyansa at magpabaya. Kung hindi naman kailangang lumabas ng bahay, huwag na tayong lumabas ng bahay. Kung lalabas tayo ng bahay siguraduhing mayroon tayong face mask, face shield at pina-practice natin iyong good hygiene and social distancing, iyon ho ang primary na sandata natin laban sa COVID. Ngayon po ay marami na ang hindi sumusunod sa ganiyan, kaya kailangan natin na i-enforce iyan.

USEC. IGNACIO: Professor Ranjit, may tanong po ang ating mga kasama sa media. Tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times para po sa OCTA Research, Professor: Ayon po sa latest data ng inyong grupo, 18% ang itinaas ng mga kaso sa National Capital Region nitong nakaraang linggo. Ito po ba ay senyales na nagiging kampante na po ba ang mga tao sa COVID-19 or napapagod na sila sa matagalang quarantine?

PROFESSOR RYE: Maaaring maraming rason iyan ‘no. Maaaring napapagod na, tuloy nawawala iyong disiplina. Maaari ring kombinasyon iyan ng—dumadami ang taong nasa labas eh, mobility ho, iyong paglabas ng mga tao, driver po iyan ng infection. Marami sa mga nahawa, hindi nga nila alam mayroon silang COVID eh dahil alam mo iyon, asymptomatic sila.

So ang kailangan dito sa national government paigtingin ang testing, tracing and isolation. Hindi lang sa national government, pati na rin sa local government at i-enforce iyong minimum health standard, nakasaad naman iyan sa GCQ requirements. Naka-GCQ tayo ngayon, tama ang desisyon ng gobyerno, pero kailangan, dapat i-enforce, may GCQ rules and regulation, may minimum health standard na sinusunod. Hindi na po nai-implement sa maraming lugar. Nakita nga namin sa Divisoria eh.

I mean, puwede naman pumunta sa Divisoria, pero hindi naman ganoon karami iyong taong pumapasok at hindi totoo na hindi kayang i-regulate iyan. Ang tao mismo kapag disiplinado, siya mismo pupunta doon; siya ang mag-a-assess kung masyadong puno, di lalabas ako. At saka iyong city government ng Manila, malaki ang responsibilidad nila diyan kasi sila ang nagko-control ng flow ng tao diyan. So puwede namang gawan ng sistema iyan.

Ang importante po dapat ligtas tayo sa Pasko. Dapat Merry Christmas, hindi aalisin iyong Christmas. So kayang gawin lahat iyan kung ang local government at saka mga komunidad magko-cooperate.

USEC. IGNACIO: Opo, tama po iyon. Para naman po kay Dr. David, tanong po ni Red Mendoza ng Manila Times: May estimate ba ang OCTA kung sakaling magdesisyon ang gobyerno na mag-MGCQ ang Metro Manila? Ilang daang libo sana po ang naging projection kung ini-lift na po ang GCQ?

DR. DAVID: Actually, wala pa kaming ano… hindi na namin i-estimate kasi nabalitaan namin na mag-GCQ pa rin ang Metro Manila. Pero ang makikita natin, kapag nag-MGCQ tataas pa iyan, hihigit pa diyan sa 500,000 na projection natin for the end of the year sa buong Pilipinas.

Itong 500,000, iyon ang total number of cases. Kapag umabot tayo ng 500,00o ibig sabihin nga nito on an upper trend na tayo, pero kapag mag-MGCQ na tayo posibleng madagdagan pa iyan ng mga 10,000 to 20,000 cases, rough estimate lang iyan, iyon nga hindi na namin idinaan iyan sa model kasi nagpatuloy na ang GCQ, pero interesting scenario iyan kung sakaling magka-MGCQ, ano iyong magiging karagdagan. Pero ganoon pa man iyong mga ibang lugar sa paligid ng Metro Manila, nasa MGCQ and possible rin maka-affect iyan sa bilang sa Metro Manila, dahil iyong ibang bahagi sa CALABARZON and Central Luzon naka-MGCQ.

USEC. IGNACIO: Doctor David, tanong po mula kay Gabbie Parlade from Daily Tribune: Given that there was an extension po ng GCQ protocols until the end of the year for Metro Manila, when do you recommend daw po shift into MGCQ in the region? It is safe to assume it by the start of January?

DR. DAVID: Thank you for that question. Iyong hindi natin maa-assume iyan kasi depende iyan sa trends eh. So kung magpatuloy ang pagbaba ng bilang ng kaso, we agree with the… we echo iyong sinabi ni Usec. Vergeire na mag-MGCQ by the first quarter of next year, pero ang condition niyan, is iyong patuloy na pagbaba ng bilang ng kaso. Ngayon, kung bigla tayong magka-surge, malabo na iyong magka-MGCQ tayo by January kung nagka-holiday surge tayo. In fact, huwag naman sanang mangyari, pero it’s even remotely possible na mabalik tayo sa mas strict na quarantine, kaya nga ayaw natin mangyari iyon. Kaya nga gusto nating i-remind iyong mga tao talagang sundin iyong mga protocols, mag-social distancing tayo. Kasi iyan ang mga panlaban natin, iyon ang napatunayan na effective ways to battle iyong virus.

USEC. IGNACIO: Para naman po kay Professor Ranjit, tanong po mula kay Gabbie Parlade ng Daily Tribune: In your latest report, you projected that the Philippines total tally of COVID cases may reach 470,000 to 500,000 by end of December. Considering the current increase in the trend, do you think this can still go higher, considering that the possible surge is expected due to the holiday season, Professor Ranjit?

PROFESSOR RYE: Yes, thank you for the question. Pero iyon nga there is a very strong possibility given iyong pagbukas ng ekonomiya at sa paglabas ng mga tao at pag-deteriorate ng ilan nating mga mamamayan, iyong disiplina sa pag-practice ng health standards. Pero hindi naman nangangahulugan magkaka-surge tayo. Iyon nga ang kailangan nating goal this Christmas, okay lang na tumaas ng kaunti iyong mga kaso at tumaas siya slowly, okay at hindi naman inevitable po iyan, pero iyong surge hindi automatic po iyan. And yes, puwedeng magka-surge dito kung magpapabaya tayo, kung magkukumpiyansa tayo, kung hindi natin susundin iyong minimum health requirements.

Iyong private sector kung hindi nai-ensure iyong safe work places at sa pag-monitor ng health standards sa kaniyang mga establishment, kung magkukulang ang local government sa enforcement ay sigurado iyan lalampas pa tayo ng 500,000 diyan at hindi po iyan maganda, kasi po tatlong buwan na tayong disiplinado, tatlong buwan na tayong pababa, huwag nating sayangin iyong gains po. Nakita naman natin ang nangyari sa Davao, although sa Davao they are fighting very hard, maganda iyong leadership ng local government sa Davao, very appropriate iyong response nila. Nakita rin natin sa Cebu at sa Baguio.

Mahirap ho kapag mangyari iyong ganoong klaseng surge dito sa Metro Manila. Nangyari na iyan three months ago, four months ago. Huwag nating ulitin ngayon kasi next surge will be more serious in our view.

So, kaya ang aming solusyon huwag mag-panic, maging concern, yes, at gawin iyong minimum health standard, tulung-tulungan tayo. We inform our community, we practice ourselves. Naniniwala kami sa OCTA na what we do what we said, it’s more important now than anything government does in the fight against COVID. Tayo ho nahahawa eh kaya kung magtutulungan tayo at we do our share, we will be able to prevent that surge from happening.

USEC. IGNACIO: Professor Ranjit at Dr. Guido, ano po ang mensahe natin sa ating mga manunood? Unahin ko na po si Professor Ranjit.

PROF. RYE: Ayun na nga, paulit-ulit kami pero hindi kami magsasagawa na ulit-ulitin, nandiyan pa ho ang COVID-19, nakakahawa po siya at para sa mga iba nating kababayan puwedeng makamatay ito lalo na sa mga ating matatandang kababayan, elderly natin at saka vulnerable groups.

Hindi pa tapos ang laban sa COVID, dapat tuluy-tuloy po tayo sa pagsunod sa basic health standard and naka-GCQ tayo and that is iyong pagsuot ng face shield at face mask kapag lumalabas tayo; pag-practice ng social distancing; paghugas ng kamay. Kapag gagawin natin iyang simpleng bagay na iyan mapi-prevent natin iyong pagkalat ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, tumataas na po dito sa NCR at sa maraming lugar ang cases ng COVID-19. Hindi pa siya critical pero nakikita natin tumataas na siya. So, gawin natin iyong minimum health requirement, sa tingin namin, baka ma-sustain iyong downward trend natin all throughout this month. So, gusto natin Merry Christmas, hindi [unclear] Christmas, so magtulungan tayo. Let’s do our share in the fight against COVId-19.

USEC. IGNACIO: Si Dr. David po. Mensahe po, Dr. David?

DR. DAVID: Yes, I echo iyong sinabi ni Professor Ranjit. So, kailangan tayong magtulungan at labanan natin itong pandemic. Alam ko, karamihan ng mga tao may pandemic fatigue na, halos isang buong taon na tayo na under some level of quarantine pero malapit na rin nating ma-manage iyong pandemic and by next year, mga middle of next year baka dumating na iyong vaccine.

Pero hangga’t wala pa iyan, ayun nga, magtulung-tulungan tayo. Iyong Pasko naman natin we can celebrate it in a more quiet way, hindi naman kailangan bongga ang mga gathering. It’s time for, you know, i-appreciate natin with prayer and appreciation with what we have, iyong ating mga blessings kahit na nahirapan tayo. Kahit papaano we’re still here and we’re still fighting and iyon ang importante.

Sana iyong ating mga kababayan, kaya magtulung-tulungan tayo, ipakita natin ang ating pagka-nationalistic, you know, patriotism at magtatagumpay tayo dito sa laban against the pandemic.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon, Professor Ranjit Rye at Dr. Guido David ng OCTA Research. Keep safe po.

SEC. ANDANAR: Maghahatid naman ng balita diyan sa Cebu si John Aroa. John?

[NEWS REPORT BY PTV CEBU JOHN AROA]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, John Aroa ng PTV-Cebu!

Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating program at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din kay Edwin Eusebio.

USEC. IGNACIO: Naka-simulcast daw po ang DWIZ sa atin.

SEC. ANDANAR: DWIZ! Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo!

At diyan nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar ng PCOO.

USEC. IGNACIO: Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Secretary Martin, 24 days na lang po Pasko na! Sampu daw ang regalo ko sa iyo? Sampung trabaho iyon.

SEC. ANDANAR: Grabe ano, 24 days na lang akalain mo? December 1!

USEC. IGNACIO: Parang last March lang tayo nagkita, Sec, tapos ngayon Pasko na.

SEC. ANDANAR: Oo nga, ano. Ang bilis talaga ng panahon.

USEC. IGNACIO: Tapos may regalo pa ako sa iyo na tatanggapin.

SEC. ANDANAR: Of course! Of course! Automatic na iyon! Matik na!

Hanggang bukas po muli dito sa Public Briefing #LaginghandaPH.

####

PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)