Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas. Sa gitna ng krisis pangkalusugan na ating kinahaharap, mahalaga na tayo ay makialam sa mga pinakahuling update kaugnay sa mga napapanahong issue. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ngayong araw ng Biyernes muli nating talakayin ang mga hakbang ng pamahalaan sa ating laban kontra COVID-19 kasama pa rin siyempre ang mga opisyal ng iba’t ibang ahensiya. Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Mula sa PCOO, ako po naman si Secretary Martin Andanar. Ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang makakasama natin sa programa sina: Secretary Vince Dizon ng BCDA at CEO, kasalukuyan ding Deputy Chief Implementer ng National Action Plan Against COVID-19; LTFRB Chairperson Martin Delgra III; POEA Administrator, Usec. Bernard Olalia.

USEC. IGNACIO: Makakasama rin natin sa paghahatid ng ulat ang mga PTV correspondents mula sa iba’t ibang probinsya at ang Philippine Broadcasting Service. Samantala, para naman sa inyong mga katanungan, maaari kayong mag-comment sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

Una sa ating mga balita: Apat na ahensiya ng pamahalaan na magtutulung-tulong para sa operasyon ng Malasakit Center sa bansa, lumagda na ng Joint Administrative Order. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Sa kabila ng banta sa kalusugan, marami pa rin pong oportunidad ang nagbubukas sa iba’t ibang mga bansa para makatulong sa muling pagbangon ng ating mga kababayan. Para ibahagi ang mga in demand na trabaho overseas, makakausap natin si POEA Administrator, Usec. Bernard Olalia. Magandang umaga po sa inyo, USec.

POEA ADMINISTRATOR USEC. OLALIA: Magandang umaga po, sir. Magandang umaga po sa mga nanunood po sa inyong programa. Kumusta po tayong lahat.

SEC. ANDANAR: Usec. dahil po sa lockdowns at pagbagal ng deployment, maraming recruitment agencies ang naapektuhan. Sa inyo pong datos, ilan na po ang mga nagsara at pansamantalang nagsara? Ilan din po ang aktibo at may valid licenses mula sa POEA?

POEA ADMINISTRATOR USEC. OLALIA: Naku, tama po kayo sir ‘no. Isa po sa apektado—lubos na apektado ng pandemyang ito ay iyong overseas employment industry at bahagi po nang naapektuhan ay iyong mga tinatawag nating private recruitment agencies kabilang na dito ang land-based agencies at saka ang sea-based agencies.

Sa atin pong pinaka-latest na datos, mayroon na pong labintatlo na main branches ng ating mga private recruitment agencies sa land-based ang nagbigay ng notice sa POEA na sila po ay pansamantalang magsasara at iyong mga branches naman po ng mga nasabing mga licensed recruitment agencies, mayroon po tayong datos na 68 branches ang nagbigay din ng notice na sila ay pansamantalang magsasara ngayon pong panahon ng pandemya.

Sa sea-based naman po, wala naman pong nagbigay ng notice – ang ibig pong sabihin nito hindi gaanong apektado ang ating mga sea-based agencies kumpara po sa ating land-based.

SEC. ANDANAR: Ano rin pong tulong ang binibigay ngayon sa kanila ng POEA?

POEA ADMINISTRATOR USEC. OLALIA: Dahil po sa apektado sila, ang binahagi po natin na tulong mula sa POEA ay tayo po ay nagpalabas ng mga governing board resolution. Nangunguna po dito iyong binigyan natin sila ng karapatan na i-withdraw pansamantala iyong tinatawag pong escrow deposit dahil po sila ay nahihirapan ngayon sa kanilang financial at iyong kanilang operation kaya po pansamantala binigyan po natin sila ng pagkakataon na i-withdraw iyong tinatawag po nating escrow deposit.

In addition to that, iyon pong kanilang mga lisensiya ay automatic po nating in-extend doon sa mga nag-fall ang expiration ito pong panahon ng pandemic. Ang ibig pong sabihin noon, pagkatapos po nang lifting ng quarantine protocols po natin at saka lang po natin sila papayagang mag-file ng renewal. Pati po iyong accreditation ng kanilang mga foreign employers, automatically extended din po iyan. Dahilan po nito ay napakahirap pong magproseso ng mga papeles po ngayon kaya tayo po ay tumutulong sa ating mga recruitment agencies. Ilan lamang po iyon doon sa programang ating inilunsad ngayon pong panahon ng pandemya.

SEC. ANDANAR: Isa rin po sa sektor na lubhang naapektuhan ng pandemya ay ang maritime sector. Ano po ang maaaring asahan ng ating mga seafarers mula sa pagpapatupad ng green lane at may pag-asa pa rin po bang ma-deploy muli ang ilan sa ating mga seafarers na na-repatriate at nawalan ng trabaho dahil sa pandemic?

POEA ADMINISTRATOR USEC. OLALIA: Opo, tama po kayo ‘no. Isa po sa apektado ng pandemya ay iyong mga seafarers natin na kung saan matatandaan po natin noong unang bahagi ng pandemya, iyon pong nasa cruise ship [garbled] halos libo po iyong umuwi dahil po doon sa repatriation po nila. Kaya tayo po, ang ating pamahalaan ay nagtayo ng tinatawag na green lane. Ano po ba itong green lane? Ito po iyong tutulong po tayo upang mapadali ang proseso ng mga pinagdadaanan ng ating seafarers upang hindi na po sila mahirapan sa kanilang muling pagsampa ‘pag umayos na po iyong ating industriya ng overseas deployment natin sa seafaring industry po natin.

Mayroon po tayong mga tinatawag na protocols – nangunguna po dito iyong ating crew change protocol na kung saan nagpalabas ang interagency ng ating pamahalaan na tumutukoy sa pagpapaalis ng seafarers. Ito po ay ipinapatupad na natin upang maging isang green hub, upang maging isang napakalaking pagtulong sa ating mga seafarers iyong mapadali po iyong pag-join nila ng crew at iyong pag-embark nila kasama na rin po ang repatriation.

Isama na rin po natin dito iyong kamakailan lamang ay naaprubahan ng United Nations dahil po sa convention na atin pong sinalihan – ito po iyong Seafarers Identification Document or iyong SID. Nabigyan po ng unang pagkakataon iyong ating bansa na mabigyan ng SID recognition, kasama po tayo sa tinatawag na ‘white list’ at dahil po sa SID na ito, mapapadali po iyong paglilipat, iyong pagpapalit, pagta-transfer ng ating mga seafarers, sir.

SEC. ANDANAR: Saan-saang bansa po ba ngayon ang mayroong job opportunities for overseas employment at anu-ano pong trabaho ang in-demand sa ngayon, Undersecretary?

POEA ADMINISTRATOR USEC. OLALIA: Opo, napakagandang katanungan po iyan ‘no. Alam po natin na marami pong nagsarang bansa ngayon dahil sa pandemic ‘no, marami pong travel restrictions at marami pong lockdowns. Ang mga nauna pong nagbubukas na mga bansa ay iyong mga traditional labor markets natin kung tawagin. Nangunguna po dito iyong Kingdom of Saudi Arabia na kamakailan ay nagsabi na magbubukas na sila at tatanggap na muli ng ating mga OFWs.

Nandiyan din po ang Bahrain ‘no; ang UAE. Ang Qatar nagsabi na rin po sila na unti-unti na silang magbubukas ng kanilang merkado at tatanggap po ng mga OFWs. Sa Europa, nandiyan po iyong ating partner na tumutulong po sa deployment po natin – ang UK, ang Germany.

Ang mga pangunahing skills ngayon na in demand ay iyon pong mga tinatawag nating nasa healthcare workers natin tulad po ng nurses. Kaya nga po tayo noong mga naunang panahon ng pandemya, tayo ay nagkaroon ng polisiya ng temporary suspension ng deployment ng HCWs dahil po sa dumadami po ang bilang ng nangangailangan ng mga nurses abroad.

Maliban po sa HCWs, nandiyan din po ang factory workers natin na napakarami pong bansa ang nangangailangan ng factory workers. Kabilang po ito kasi sa mga sektor na hindi masyadong apektado ng pandemya. Nangunguna po diyan iyong mga markets natin tulad po ng Korea at Taiwan.

So ilan lamang po iyan doon sa mga binanggit kong bansa na unti-unti na pong nagbubukas para po tumanggap ng ating mga OFWs.

SEC. ANDANAR: Mapunta po naman tayo, Administrator sa deployment ng ating medical workers. Hanggang kailan po iiral ang 5,000 na ating ceiling para sa pagdi-deploy ng medical workers? At maaari na rin po bang tumaas ang nasabing deployment cap sa pagpasok ng 2021?

POEA ADMINISTRATOR USEC. OLALIA: Naku, napakaimportante pong katanungan iyan, Mr. Secretary, lalung-lalo na po iyong 5,000 cap or ceiling kung tawagan ‘no. Ayon po doon sa inaprubahan ng ating mahal na Pangulo na polisiya, magsisimula po iyong 5,000 ceiling natin next year, January 1, 2021.

Ang polisiya po na ceiling na ito ay ipapatupad para po i-address ang ating sariling pangangailangan, iyong health care capacity natin dito hangga’t may pandemya pa lamang. So titingnan po natin iyong datos na iyan, at kapag iyan po ay naabot ‘no, ang ibig pong sabihin ay nakapag-deploy na po ang POEA ng mga 5,000 healthcare workers kabilang na po ang nurses, tayo po ay magkakaroon ng assessment at tayo ay magbibigay ng recommendation sa IATF na kung saan puwedeng humiling tayo na maging flexible iyong 5,000 at tayo po ay magdadagdag depende po sa sitwasyon ngayon, depende po sa magiging assessment at pag-aaral po na ating gagawin sa mga darating pong panahon.

SEC. ANDANAR: Ito pong linggo ay itinigil natin ang pagdi-deploy naman sa bansang Jordan. Sinu-sino po ang apektado nito? At saan-saan po maaaring sumangguni ang mga naapektuhan ng nasabing deployment suspension?

POEA ADMINISTRATOR USEC. OLALIA: Tama po kayo, Mr. Secretary. Tayo po ay pansamantalang nagpatigil ng ating deployment sa bansang Jordan. At ang tinutukoy po dito na pagpapatigil natin ay iyong tinatawag nating “new hire”. Ito po iyong bagong madi-deploy natin na mga OFWs.

Ang hangarin po natin dito ay tingnan natin iyong kapakanan ng mga naiwan po nating OFWs doon. May sulat po kasi kaming natanggap sa Department of Labor and Employment mula po sa Department of Foreign Affairs. Iyong Ambassador po natin doon ay sumulat sa atin at sinasabing pansamantala muna nating itigil ang deployment po ng new hires.

Apektado po dito iyong mga na-deploy po natin tulad po ng mga domestic workers natin, mga low-skilled, kasama na rin mo iyong skilled at saka professional workers natin. Pag-aaralan po natin kung papaano po natin iri-resume iyong deployment, at tayo po ay makikipag-ugnayan sa ating mga kasama po doon. Nandiyan po ang POLO, nandiyan po ang mga ambassadors natin doon na kung saan magbibigay po sila ng datos sa mga darating na panahon.

SEC. ANDANAR: Sa mga may katanungan o nagnanais na humingi ng assistance sa POEA, saan po sila maaaring tumawag o magbigay ng kanilang mensahe?

POEA ADMINISTRATOR USEC. OLALIA: Ay, napakaimportante po iyan, sir, lalo ngayong panahon ng pandemic, marami pong mga kababayan natin ang hihingi ng tulong sa repatriation at saka sa mga assistance. Kaya iyong mga kababayan po natin na nangangailangan ng tulong, maaari po kayong tumawag sa POEA hotline, ito po ang number namin na ito ay iyong 8722-1144 at 8722-1155. Twenty-four/seven po iyan at maaari po kayong tumawag. Ipagbigay-alam po ninyo sa amin ang mga pangangailangan ninyo, at kami na po ang handa pong kumontak po sa inyo.

SEC. ANDANAR: Ano po ang inyong mensahe, sir, sa ating mga kababayan before we let you go?

POEA ADMINISTRATOR USEC. OLALIA: Naku, unang-una, maraming salamat po, Mr. Secretary, at nabigyan ninyo po ng pagkakataon ang Department of Labor and Employment at ang attached agency niya na POEA na magbigay po ng mga impormasyon para po sa OFWs natin.

Laganap po ngayon iyong tinatawag na online scams dahil po sa pandemic. At mayroon na pong mga kababayan tayong nabiktima, kaya kami sa POEA ay naglunsad po kami ng tinatawag na online jobs fair. Mayroon pong link sa aming POEA website, iyong poea.gov.ph, at doon lamang po kayo makikipag-ugnayan para po sumali sa aming online jobs fair. Iwasan po nating maging biktima ng mga illegal recruiters lalung-lalo na nga ngayon pong panahon ng pandemic.

Muli po, Mr. Secretary, maraming, maraming salamat po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, POEA Administrator Usec. Bernard Olalia.

Huwag po kayong aalis, magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Sa puntong ito dumako naman tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.

Czarinah?

Okay. Babalikan natin maya-maya si Czarinah Lusuegro.

SEC. ANDANAR: Sa pagtatapos naman ng taon, alamin natin kung ano ba ang kasalukuyang estado ng COVID-19 testing capacity sa bansa. Makakasama po natin sa programa si Secretary Vince Dizon, ang BCDA President & CEO at Deputy Chief Implementer ng National Action Plan Against COVID-19.

Magandang umaga po sa inyo, Sec. Vince.

SEC. DIZON: Magandang umaga, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Bilang Testing Czar and Deputy Chief Implementer of the National Action Plan Against COVID-19, kumusta na po ang lagay ng testing capacity sa bansa?

SEC. DIZON: Okay naman po, Sec. Martin. Alam ninyo iyong testing, sabi nga ng ating Pangulo na inulit niya, napaka-importante po ng ating testing at detection pati na rin ang tracing at isolation dito sa ating laban sa COVID-19. At talagang napakalaki po ng ginawa ng ating pamahalaan simula noong mga paghamon natin noong early part of 2020 hanggang sa ngayon at napakataas na po ng ating testing capacity kagaya ng nakikita ninyo. Simula noong isang laboratoryo lamang noong Pebrero noong nagsimula tayo laban sa COVID-19, halos 200 na po ang labs natin sa buong bansa.

At dahil nga po diyan eh iyong ating testing na nagawa eh talagang napakalaki na po ng itinaas. Ngayon po eh mahigit anim na milyon na, mahigit o 6.5 million na ang na-test.

Makikita ninyo naman napakalaki talaga ng dami ng na-test na natin pero hindi pa rin po tayo dapat magkampante dahil alam naman natin na nandiyan pa rin ang COVID at kailangan handa tayo lagi na mag-test para siguraduhin na hindi masyadong dadami ang mga mahahawa ng COVID-19 at hindi ito masyadong lalaganap sa ating communities.

Alam ninyo, nakikita natin ngayon lahat halos ng mga bansa eh talagang nagtataasan ang kaso dahil na rin sa pagdami ng mga taong lumalabas at pati sa Pilipinas kahit na mababa ang ating daily cases ngayon, mayroon na tayong mga napapansin na pagtaas lalo na sa mga highly urbanized areas tulad ng Metro Manila at iba pang mga malalaking siyudad. Kaya talaga dapat tuloy-tuloy ang ating paghahanda at tuloy-tuloy ang ating pag-iingat kasi nandiyan pa rin ang COVID at ready naman tayong i-deploy ang ating mga testing capacity kung kinakailangan.

SEC. ANDANAR: May follow-up question po. Are we testing enough to say we see the magnitude of the infection versus the population?

SEC. DIZON: Alam ninyo po, Sec. Martin, isa sa mga pinaka-importanteng interbensiyon ay iyong detection at para malaman natin kung sino ang mayroong infection na COVID-19. Kasi kapag na-detect natin mabilis natin silang mai-isolate at mabilis din nating mate-trace iyong kanilang mga naging contacts.

Itong istratehiyang ito, iyong tinatawag nating PDITR na paulit-ulit na sinasabi po ni Secretary Galvez at ni Secretary Duque ay isa sa mga rason kung bakit natin napababa nang napakalaki ang mga kaso natin simula noong nag-surge tayo noong bandang July at August.

Nakita naman natin ang laki ng ibinaba ng kaso sa buong bansa lalo na sa Greater Metro Manila Area, Subalit kailangan pa rin nating siguraduhin na nakabantay tayo lagi at lagi tayong handa dahil at any time puwedeng tumaas ito at ngayon nga, dahil marami ng mga kababayan natin ang lumalabas eh tumataas nang kaunti ang mga kaso kaya dapat tuloy-tuloy pa rin ang pasunod sa mga health standards natin – pagsuot ng mask, paghuhugas ng kamay, pagsuot ng face shield at pagdidistansiya.

Pero iyong testing natin, napakalaki na ng ini-improve pero kailangan pa rin nating taasan lalo na sa mga siyudad na wala pang mga testing labs tulad ng mga siyudad halimbawa sa Mindanao – tulad ng Tagum, ng Digos, ng Bislig sa Surigao, Dipolog sa Zamboanga, Valencia sa Bukidnon. Sa Visayas – sa Borongan; sa Bicol Region – sa Sorsogon City, iyan kailangan nating lagyan pa ng mga laboratoryo iyan para pati sila ay ready rin kapag nagkaroon ng mga pagdami ng kaso.

SEC. ANDANAR: May target quota po ba kayo sa pagtatapos ng 2020 in terms of testing?

SEC. DIZON: Ang initial na target na inilagay natin ay ten million tests by the first quarter of 2021, ngayon nasa 6.5 million na tayo mahigit at on the way na tayo doon sa target na iyon, Kaya para sa 2020, mami-meet natin tingin ko ang mga halos seven million tests; at pagdating ng 2021, kampante tayo na maaabot natin at malalampasan pa natin iyong target nating sampung milyong tests by the first quarter of 2021.

SEC. ANDANAR: Kumusta naman po iyong status ng ating mga quarantine facilities at paano po natin pinaghahandaan ang posibleng surge ng patients ngayong Christmas season?

SEC. DIZON: Si Secretary Mark Villar po ng DPWH at buong DPWH team ay tuloy-tuloy po ang pagpapagawa ng mga quarantine facilities sa buong bansa. Kahit na po noong panahon na bumababa ang ating mga kaso ay hindi po tumigil sina Secretary Villar at DPWH para ipagawa itong mga dagdag na quarantine facility.

At ngayon po marami diyan ay patapos na rin para lang sigurado tayo na handa tayo na kung tumaas ang mga kaso ay mayroon tayong paglalagyan ng ating mga kababayan na magkakasakit.

So ngayon po sa kasalukuyan, sinisigurado natin na malalagyan natin ng karampatang mga doktor at nurse at staff ang mga quarantine facility na ito para kung tumaas ang mga kaso lalung-lalo na ngayong Kapaskuhan eh ready tayo para alagaan ang ating mga kababayan na magkakasakit.

SEC. ANDANAR: Okay. Secretary, paano ninyo naman po pinaghahandaan kasama ang DOH ang free COVID-19 testing na nais po ni Pangulong Duterte? Sa inyong palagay po ba ay kaya ng pamahalaan ang gastusin para sa free testing?

SEC. DIZON: Alam ninyo po, para sa mga kababayan natin na napapaloob doon sa mga kategorya na in-identify po ng DOH, libre po talaga ang testing at ito po ay sagot ng ating Philippine Health Insurance Corporation. Ang importante lang po ay tuloy-tuloy ito na sasagutin at babayaran ng ating PhilHealth sa leadership ni President and CEO Gierran.

Pero ang maganda rin po, nag-issue din po ang ating Pangulo ng Executive Order, iyong Executive Order 118 na minamandato na para doon sa mga kababayan natin na hindi nakapaloob doon sa kategoryang inilabas ng DOH para sa libreng test ay mayroon pong cap.

Hindi po puwedeng mag-charge ng mas mataas sa limang libo ang ating mga iba’t-ibang laboratoryo at ospital para po kahit na po iyong mga hindi covered ng free testing natin ay hindi magbabayad nang mahal dahil nga sa Executive Order 118 ng ating mahal na Pangulo.

SEC. ANDANAR: Ano po ba ang magiging role ng mga LGUs sakaling maisapinal na ang gagamiting bakuna sa publiko base na rin po sa pag-uusap sa IATF?

SEC. DIZON: Napakalaki po ng role ng ating mga LGU, Secretary Martin. Dito sa ginawa natin nitong mga nakaraang buwan na nakita naman natin na naging epektibo tayo sa pagpapababa sa mga kaso, napakalaki po ng role na ginawa ng ating mga LGU, dahil sila po ang nasa ground, sila po ang naghahanap noong mga potensiyal na may COVID-19 at may sakit, sila din po ang nagti-trace, sila din po ang nag-a-isolate sa ating mga kababayan.

Pagdating naman po sa napakaimportanteng susunod na chapter ng ating laban sa COVID-19, ito pong napakaimportanteng pagsu-source at pagdi-distribute at pagba-vaccinate ng ating mga kababayan dito sa mga parating nang mga bakuna laban sa COVID-19. Eh magri-rely din po tayo sa tulong ng ating mga LGU at naniniwala po tayo na tulad ng ginawa nilang napakagandang trabaho nitong mga nakaraang buwan eh magiging napakaepektibo nilang partner natin dito sa ating bakuna para suportahan ang ating Vaccine Czar na si Secretary Galvez.

SEC. ANDANAR: Secretary Vince, bilang pinakabagong OIC naman po ng Clark Development Corporation, ano po ba ang mga nakalatag na plano ninyo para sa taong 2021 at ano po ang mga focused projects ninyo diyan sa Clark?

SEC. DIZON: Alam ninyo po ang Clark po, nitong laban sa COVID-19 ay talagang naging modelo para harapin ang mga paghamon sa COVID-19. Diyan po tayo unang nagtayo ng mga quarantine facility. Sa tulong po ng Philippine Red Cross, nagtayo po tayo ng laboratoryo sa Clark at dahil nga po diyan eh tuluy-tuloy po ang naging kabuhayan ng ating mga kababayan na nagtatrabaho sa Clark at tuluy-tuloy din po ang negosyo.

Alam ninyo po, iyon pong exports natin sa Clark ay umabot nang halos 6.8 billion US dollars ngayong taong ito. Ito po ay halos pareho lang ng exports out of Clark noong 2019 kaya makikita po natin na kahit na hirap na hirap tayo sa COVID eh tuluy-tuloy pa rin ang ating naging production ng mga iba’t ibang export products sa Clark at napantayan natin ang 2019 level of exports. Ito po ay testamiyento sa ginawa nating mga interventions sa Clark para ma-control ang COVID-19 at para tuluy-tuloy ang ating production, ang trabaho ng ating mga kababayan sa Clark.

Kaya ito po ay itutuloy natin sa 2021 pati sa larangan ng turismo, talaga pong tuluy-tuloy po tayo diyan at nakita naman po natin na successful po iyong ating first sports bubble, iyong PBA Bubble, at next year po ay tuluy-tuloy pa ang iba’t ibang mga sporting events. Pangungunahan na po ng FIBA qualifiers na kung saan maglalaro ang ating mahal na team, iyong Gilas Pilipinas, at kakalabanin po nila ang iba’t ibang mga teams sa Asia. Pito pong team ang darating at ihu-host po natin sila sa FIBA Bubble.

Importante din po ay tuluy-tuloy ang ating infrastructure. Tuluy-tuloy po ang construction sa Clark International Airport at nakita ko po, may pinakita po kayong picture kanina at patapos na po iyan at magbubukas na po iyan early next year.

SEC. ANDANAR: Ano na lamang po ang inyong mensahe para sa ating mga kababayan, Secretary Vince Dizon?

SEC. DIZON: Unang-una po, alam ko po na ngayong Kapaskuhan ay talagang gustung-gusto ng ating mga kababayan na lumabas, makasama ang kanilang mga kaibigan, mga kapamilya pero kailangan po nating tatandaan at huwag nating kakalimutan na nandiyan pa rin ang COVID, nandiyan pa rin ang napakalaking risk na tayo ay magkasakit kaya dapat po talaga ay tuluy-tuloy ang ating pag-iingat. Isuot po natin ang ating mga mask, ang ating mga face shield kung tayo ay lumalabas. Lagi nating hugasan ang ating mga kamay at pipilitin po nating magdistansiya sa abot ng ating makakaya.

At sana po talagang umiwas tayo sa mga gathering – iyon po ang pinakaimportante. Diyan po talaga ang mga delikadong sitwasyon na mahawaan tayo at makahawa tayo ng COVID-19. I-limit na lang po natin sa mga maliliit na mga immediate family gathering. Wala na po muna sigurong reunion, mag-virtual reunion na lang po tayo. Wala na po munang mga party sa ating mga opisina, virtual Christmas party na lang at talagang sumunod po tayo sa mga regulasyon ng ating IATF dahil iyon po ay para sa ating lahat.

So Merry Christmas po at lagi po tayong mag-iingat. Salamat po!

SEC. ANDANAR: Advance Merry Christmas din po sa inyo. Maraming salamat sa inyong oras, Secretary Vince Dizon. Mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, muli po nating balikan ang mga ulat sa iba’t ibang lalawigan. Narito si Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Czarinah Lusuegro mula sa Philippine Broadcasting Service.

Samantala, pagbiyahe ng mga provincial buses muli pong papayagan. Mga guidelines upang sila ay makapasada at mga rutang bubuksan, ating alamin ngayong umaga kasama si LTFRB Chairperson Martin Delgra III. Magandang araw po, Attorney.

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Magandang araw din po sa inyo, Usec. Rocky at Secretary Martin at sa inyong mga tagapanood po.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, unahin na po natin iyong tanong ng kasama natin sa media mula kay Joan Nano ng UNTV: According to provincial bus operators, dahil limited pa rin daw po ang biyahe o mga ruta ng provincial buses, dumarami ang mga colorum operation; mga nagrirenta ng van na mas delikado dahil hindi lalo daw po namu-monitor ang pagpasok ng mga tao sa ibang probinsiya. Paano raw po ia-address ito ng LTFRB?

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Tama po kayo doon sa mga report ng mga colorum. Kaya nga tuluy-tuloy ang ugnayan natin sa mga LGUs po ‘no sa pagbubukas ng mga ruta. Dati po kasi—and I would like to say na nagbukas na rin po tayo ng mga ruta even as early – provincial bus routes, I’m referring to provincial bus routes – as early as September 30, 2020, at tuluy-tuloy naman din po iyong pagbubukas ng mga provincial bus routes po.

Even as late as two days ago, when in accordance with the IATF Resolution 88 kung saan naiklaro po iyong P2P routes would be opened and would remain unhampered doon sa mga lugar o sa mga LGUs na pagdadaanan nitong mga P2P routes.

Now having said that, dati kasi po, if I may put this in context, iyong pagpaplano po ng mga ruta, tinitingnan po natin dito iyong pangangailangan kung iilan ang mga bibiyahe. Pero sa ngayon po, malaki iyong papel na ginagampanan ng mga LGUs kung saan iniintindi natin at naiintindihan naman din po natin na iyong mga tao doon sa mga LGUs ay responsibilidad din ng mga LGUs. Kaya may mga… there are number of LGUs na maingat sa pagbubukas ng kanilang mga borders; at iyong mga nagbubukas din ng mga borders, sinasabi rin nila na mayroon pong mga number of routes or number of units na ina-allow sa bawat LGU.

Mayroon din pong mga LGU kung saan sapat iyong kakayahan nila at handa na tumugon kung saka-sakali pong mayroon pong mga kaso ng mga COVID na hindi na po nagsi-set ng cap. Now having said that, as I have made mention earlier, marami na pong mga nabuksan na mga ruta, as I have said, as early as September.

Sa ruta naman, if I may just state a number of these LGUs ‘no, iyong galing sa Region VI na Iloilo, Caticlan; galing sa Batangas, Lemery, Lipa City and some other LGUs there; and Region IV; Region V, likewise; in Region III, in Pampanga, as well as in Bulacan; in Region I, mayroon po doon sa Ilocos Sur at saka Ilocos Norte; sa Region II po, nandoon po sa Nueva Vizcaya. And we are in talks with the LGU of the Province of Cagayan kung saan kung puwede na po, kung puwede lang na mapayagan na rin po mabuksan iyong ruta papunta doon sa Tuguegarao.

Nabuksan na rin po iyong galing sa Bicol na sinabi ko po, at galing sa Tacloban. And even iyong long-haul route, iyong pinakamahabang ruta, iyong galing sa Davao papuntang Metro Manila, nabuksan na rin po natin iyan.

So tuluy-tuloy po iyong ugnayan natin dito sa mga LGU. Minarapat na lang po natin ding sabihin na nagpapasalamat tayo sa IATF sa paglabas ng Resolution 88 kung saan naiklaro doon sa sinabi na iyong—when we talk about routes kasi, mayroon iyong tinatawag nating end points – iyong origin at saka destination. And sometimes ang isyu po namin dito, iyong pagdadaanan ng mga bus na sa mga LGUs na pagdadaanan, hindi pinapayagan doon sa mga iilang lugar.

At mabuti naman at naisabi na very clearly doon sa Resolution naman that iyong mga provincial bus routes kung saan whether from origin or destination na mga LGUs ay pumayag na magbukas ng kanilang mga borders; papayagan din iyong tinatawag na passthrough doon sa mga LGU kung saan dadaan iyong bus papunta sa destinasyon.

So we appreciate the guidance of the IATF on that score. And on the basis of that, as I have said, nagpalabas na rin po tayo ng iyong latest po natin na memorandum circular, Memorandum Circular 88, kung saan iyong mga provincial P2P routes din naman po ay nabuksan na rin po effective today. We issued it the day after we received the IATF Resolution which was on Wednesday, and it became effective today.

Saan-saan po itong mga rutang ito? Iyong galing Batangas po ito na mga ruta. These are what we call provincial P2P routes, galing Batangas, galing Clark in Pampanga, and also those going into Metro Manila, and also those P2P from Clark to Baguio; at going to Subic. So ito po iyong nabuksan na na mga P2P routes po.

And that’s the reason why we need to continue engaging the LGUs na mabubuksan pa ang mga ibang ruta. Hindi lang po iyong mga ruta na papuntang Metro Manila, pati na rin po iyong mga tinatawag nating inter-regional routes not touching Metro Manila – sa Visayas at saka sa Mindanao po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon LTFRB Chairperson Martin Delgra III.

LTFRB CHAIRMAN DELGRA: Salamat din po.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Batang may sakit sa atay matagumpay ang liver transplant na isinagawa sa bansa. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, walang tulog ang serbisyo, tuluy-tuloy ang pamimigay ng tulong ng tanggapan ni Senator Bong Go at ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno sa mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad at pandemya.

Kahapon po, personal na bumisita si Senator Go sa Cebu para magbigay ng ngiti sa panahon ng kanilang pagdadalamhati. Narito po ang ulat.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa update kaugnay sa COVID-19 cases sa buong bansa.

Base sa tala ng Department of Health, as of December 17, 2020, umabot na sa 454,447 ang total number of confirmed cases. Naitala ang 1,470 new COVID-19 cases kahapon; 17 katao naman ang bagong bilang ng mga nasawi, kaya umabot na sa 8,850 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa.

Ngunit patuloy naman ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 419,902 with 633 new recoveries recorded as of yesterday. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 25,695.

SEC. ANDANAR: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw na ito. Maraming salamat sa mga naglaan ng kani-kanilang oras.

USEC. IGNACIO: Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng Presidential Communications Operations Office sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

SEC. ANDANAR: Asahan ninyo ang aming patuloy na pagbibigay-impormasyon kaugnay sa mga updates sa ating paglaban sa COVID-19 pandemic. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

USEC. IGNACIO: Samantala, seven days na lang Pasko na! Ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako po si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita po tayo bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)