Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga po sa lahat ng Pilipino saan mang sulok ng mundo. Ito po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Ako ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar mula sa PCOO. Magandang umaga, Rocky.

USEC. IGNACIO: Good morning, Secretary Martin. Ngayon po ay araw ng Miyerkules, January 13, 2021. Muli iba’t ibang usapin na may kaugnayan pa rin sa COVID-19 ang tatalakayin natin ngayong umaga. Ako po si USec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Simulan natin ang balitaan. Information campaign para sa pagpapabakuna ng COVID-19 vaccine, kailangan pang mas palawakin at mas paigtingin ayon kay Senador Bong Go. Nagbabala rin siya laban sa fake news. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Nasa 135 na pamilya naman po ang pangunahing ikinabubuhay ang pangingisda sa Talim Island, Binangonan, Rizal ang hinatiran ng tulong ng ilang ahensiya ng pamahalaan at ng opisina ni Senator Bong Go. Ang detalye sa report na ito:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Sa lalawigan pa rin ng Rizal, binuksan na kamakailan ang Malasakit Center sa Casimiro Ynares Sr. Memorial Medical Hospital sa bayan ng Rodriguez. Ito na ang pang-siyamnapu’t walong Malasakit Center sa buong bansa. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Malaki ang naging pagbabago sa sektor ng edukasyon dahil sa COVID-19 lalo na itinuturing din na vulnerable sa sakit ang mga kabataan kaya inaasahan po na ang bakuna ang magiging sagot upang maibalik sa normal ang pag-aaral ng mga bata.

Kaugnay niyan makakapanayam natin ngayong umaga si Senate Committee Chair on Basic Education, Arts and Culture Senador Sherwin Gatchalian. Magandang umaga po sa inyo, Senator Win.

SENATOR GATCHALIAN: Good morning, Martin. Magandang umaga sa ating mga viewers.

SEC. ANDANAR: Senator Win, sa ginawang hearing ng Senate committee of the whole noong Lunes, would you say na maraming bagay ang nalinaw as to the plans of the IATF and other concerned agencies sa vaccination roadmap ng pamahalaan?

SENATOR GATCHALIAN: Martin, pinag-aaralan pa rin itong vaccine rollout hindi lang dito sa ating bansa kundi sa buong mundo at talagang napakalaking problema po iyong supply ng bakuna. To date ‘no, today according to Bloomberg 30 million doses pa lang globally ang naibigay sa buong mundo. So out of the 7 billion na population, 30 million pa lang nabigay dahil nag-aagawan talaga ang iba’t ibang bansa para makakuha ng vaccine at maiuwi nila sa kanilang mga sariling bansa.

Pero ang pinakamahalaga dito, Martin, ay sa briefing ng IATF, kay General Galvez, ay mayroon na tayong mga confirmed contracts sa apat na suppliers. At itong confirmed contracts, 130 plus doses ang confirmed na darating sa ating bansa ngayong taon.

Ngayon ang aking nakikita rin ditong malaking hamon ay iyong distribution, Martin. Dahil kahit mabili natin iyan, to distribute it nationwide, napakahirap kaya dapat talagang i-activate natin o hingin natin ang tulong ng mga lokal na pamahalaan para mai-distribute ito nang mas mabilis at sa sulok ng buong bansa natin.

SEC. ANDANAR: Mayroong ilang senador na nagsabi na ambisyoso ang 50 to 70 million Filipinos ang mababakunahan ngayong taon ng dalawang doses ng bakuna. Ano po ba ang tantiya ninyo sa target na ito ng mga namumuno sa mass vaccination for COVID-19?

SENATOR GATCHALIAN: Martin, kung gagamitin natin ang mga lokal na pamahalaan gumalaw, tingin ko ‘no, kakayanin iyan. Kasi sabihin na natin 70 million na population natin ang mababakunahan, that’s seven million a month. Tingin ko kakayanin iyan kapag sabay-sabay gagalaw ang ating lokal na pamahalaan. Sila ang maghahanap ng storage; sila ang magbabakuna; sila ang kukuha ng mga nurses at medical experts para magbakuna, kaya iyan.

Kaya nga importante dito na ang mga lokal na pamahalaan ay gumalaw.  Kaya isa sa mga nakita kong puwedeng ma-improve sa sistema natin ay hayaan natin iyong mga lokal na pamahalaan na makipagkontrata sa mga vaccine suppliers. For example, kami sa Valenzuela, nakipagkontrata kami sa AstraZeneca para mag-supply ng almost 400 to 450,000 ng bakuna sa aming siyudad. So that’s an equivalent siguro mga 50%, about 60% of our population. So kakayanin kung ganoon ang target.

Kung ang lahat ng lokal na pamahalaan tatargetin nila 60 to 70% ng population nila, buong bansa aabot ng 60 to 70% iyong target. So kailangan talagang mai-activate iyong mga lokal na pamahalaan. Pero kung hindi maa-activate iyan, Martin, tingin ko hindi kakayanin iyong 70 million na pagbabakuna sa ating bansa.

SEC. ANDANAR: Ano po ang take ninyo sa sinasabi ng ilang opisyal na bawal mamili ng brand ng bakuna ang recipients nito at kung ayaw ay puwede namang tumanggi?

SENATOR GATCHALIAN: Martin, ang gusto natin para sa ating mga kababayan is the best, iyong 90 plus percent efficacy. At alam naman natin kung ano itong mga bakunang ito – Pfizer, AstraZeneca, iyong mga lumalabas ngayon sa international – iyan ang gusto natin para sa ating bansa.

Pero naiintindihan ko rin nag-unahan. In fact, kanina before the interview, binabasa ko sa internet na today ay nag-start na iyong mass vaccination ng Indonesia. Ang Indonesia ay doble sa ating populasyon. Nauna iyong kanilang Pangulo. At ang kanilang vaccine na kinuha ay Sinovac. At kaya nga naiintindihan ko rin na mayroon tayong problema sa supply. Pero ang ating gobyerno ay kukunin itong mga, for example Sinovac, itong mga ganitong brands, siguraduhin na iyong kaniyang efficacy ay kasing galing nang efficacy ng mga ibang vaccines dahil ang gusto natin is the best for our countrymen. At iyong supply na papasok, siguraduhin natin na napag-aralan nang mabuti. Tingnan ng FDA – for example, kung kukunin natin Sinovac – pag-aralan nang mabuti ng FDA kung ano iyong efficacy ng Sinovac at siguraduhin na pareho iyan doon sa ibang vaccine na bibilhin natin.

SEC. ANDANAR: Ano pa po ang mga gusto ninyong marinig at ungkatin sa ikalawang hearing sa Biyernes?

SENATOR GATCHALIAN: Martin, importante dito communications. At pagtapos ng first hearing, ang dami kong na-contest – texts from the private sector, from local governments, sa mga kaibigan natin. Importante iyong very clear at certain, tiyak na plano ng gobyerno. Dahil doon sa mga hearings na kinonduct [conducted] natin nitong nakaraan na araw, marami sa mga pahiwatig ng IATF ay hindi pa tiyak; marami doon ay parang plano; marami doon ay binabalak. Importanteng tiyak! Dahil doon sa mga ganitong katiyakan, magiging kampante ang ating mga kababayan at magiging kampante ang negosyo kung paano sila magpaplano at paano sila gagalaw.

Kaya importante dito iyong katiyakan, iyong certainty ng kanilang mga pronouncements at kung saan tayo pupunta sa ilang mga buwan na darating.

SEC. ANDANAR: Sen., marami na pong mga lungsod na nag-aanunsiyo na bibili sila ng ganitong kadaming bakuna, itong klaseng brand na ito – marami na po, in the whole, in the entire Philippines, nag-a-announce po sila. Now, para lang po maliwanagan ang ating mga kababayan, hindi po ba na itong mga bakuna na ito ay ang national government din ang magpo-procure tapos doon din kukunin ng LGU ang mga bakuna na ina-announce nila na bibilhin nila?

SENATOR GATCHALIAN: Tama, ganoon ang proseso. Kaya may isa pang layer ‘no dahil tripartite agreement ito. Ibig sabihin, ang mga lokal na pamahalaan ay hindi puwedeng dumiretso sa mga supplier, kailangan pa iyong national government; at ito iyong bumabagal. Ito rin iyong panawagan ko na hayaan na iyong mga lokal na pamahalaan na bumili diretso at sila na ang makikipag-agree or sila na ang gumawa ng agreement, pagitan sa kanila at ng supplier para mas mabilis.

Kung matatandaan natin, Martin, iyong testing – dati isa lang iyan, RITM. At buong bansa doon nagpapa-test, at nagkabuhul-buhol na doon. Noong pinayagan na iyong mga lokal na pamahalaan, private hospital, even the private sector magbukas ng kanilang mga sariling laboratory, mabilis ‘no; hindi na tayo nagkakaroon ng problema sa testing. Ngayon nga, maluwag na iyong ating testing facility. Dapat i-decentralize natin iyong pagdi-distribute ng bakuna.

Again, going back doon sa example ko at experience namin sa Valenzuela, kung bibigyan kami ng pagkakataon na makipag-agree ‘no, for example sa Pfizer or sa iba pang mga supplier, at bibili kami nang diretso, kami na ang magdi-distribute; kami na ang mag-i-store; kami na ang magbabakuna gamit iyong guidelines na ibibigay ng IATF; gamit iyong prioritization ng IATF, mas mabilis. Ako, tingin ko, kung papayagan ang Valenzuela na makipag-agree sa mga suppliers, iyong 70% ng population namin sa Valenzuela, napakadali iyon.  In a matter of few months, kaya na namin magbakuna.

SEC. ANDANAR: Okay. Granting na iyan po ay payagan ng ating national government, saan po manggagaling ang pera ng LGU para ibili doon sa gamot o sa bakuna? Kasi po mayroon din tayong budget, ang national government, para bilhin itong milyong-milyong bakuna.

SENATOR GATCHALIAN: Magandang tanong iyan, Martin. Napakagandang tanong at importante iyan. Doon sa mga highly urbanized cities tulad ng Valenzuela, Makati, Pasig, Caloocan, ito may kapasidad ito eh. May pondo sila, in fact, nag-a-announce na sila. Doon sa mga munisipalidad na maliliit ‘no, mga first class, second class, third class, kailangan pumasok diyan ang national government. Puwede naman tayong gumawa ng formula diyan. For example, kung ang population mo ay ganito, ito iyong pondo na ibibigay namin, ito iyong vaccine na ibibigay namin, ito iyong mga PPE dahil iyong pag-a-administer ng vaccine ay hindi naman ho ordinaryo lang – kailangan ng PPE at iba pang gamit.

So ang ibig sabihin dito, doon sa mga walang kakayahan, importante na pumasok ang national government at tulungan sila ‘no, bigyan ng financial support at bigyan din ng suporta pagdating sa PPE at pagdating sa bakuna.

SEC. ANDANAR: Okay. Maraming salamat po sa idea na iyan, Senator Win Gatchalian. Mayroon po tayong mga katanungan mula sa ating mga media partners. Please go ahead, Undersecretary Rocky.

USEC. IGNACIO:  Good Morning, Secretary Martin. Good morning, Senator Gatchalian. Question from Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ito po ang tanong niya: You recently broached the idea of realigning some of the 200 billion pesos subsidies and appropriate it for 2021 to losing Government Owned and Controlled Corporations of GOCCs to augment funds needed in pandemic and calamity response efforts. Ano na daw po ang latest dito?

SENATOR GATCHALIAN:  Opo. Ito po iyong isang konsepto na ipinaalam po natin sa GCG, sa DoF, sa national government. Marami tayong GOCCs, iyong iba nga dito nalulugi na, iyong iba [unclear] paano pa natin bibigyan sila ng subsidiya, gamitin na lang natin iyong subsidiya sa pagbibili ng self-learning modules o iba pang kagamitan, tulad ng computers.

Ito po ay ibinigay natin as suggestion at pinag-aaralan ito ng DoF at titingnan po natin kung ano po iyong mga GOCCS na tingin nila hindi po productive o hindi po kumikita para gamitin na lang iyong subsidiya doon sa ibang mahalagang bagay.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa pagpapaunlak ulit sa amin, Senator Win Gatchalian. Mabuhay po kayo and stay safe.      

SENATOR GATCHALIAN:  Maraming salamat, Martin at kay Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:  Sa dami po ng mga Pilipinong nagtatrabaho abroad, naging abala ang Department of Foreign Affairs sa pag-aasikaso ng ating mga kababayan na gustong makauwi ng bansa nitong kasagsagan po ng COVID-19 pandemic. Walang tigil din po ang trabaho ng kagawaran para masigurong maayos ang kalagayan ng mga Pinoy na nanatili sa ibang bansa. Kaya makibalita po tayo sa sitwasyon ng ating migrant workers mula po kay Undersecretary Sarah Lou Arriola ng DFA. Magandang umaga po, Usec?

USEC. ARRIOLA:  Good morning, Usec. Rocky.

USEC IGNACIO:  Opo, Ma’am, nice to see you again. Naging busy po iyong taong 2020 for DFA dahil nga po dito sa sunud-sunod at saka malawakang repatriation programs ano po. Kahit sa mga bansang wala tayong embahada, nakakapagpauwi rin kayo ng OFW na talaga naman pong apektado ng pandemya. In total po ilan na pong OFWs iyong napauwi ng DFA successfully nitong 2020?  

USEC. ARRIOLA:  Noong 202o, Usec., we had 327,511. Tapos as of January 12 more than 342,000 na po iyong napauwi natin.

USEC. IGNACIO:  Marami pa rin pong OFWs pa rin iyong apektado ng COVID-19 crisis kahit maraming bansa na po iyong nagbukas na muli ng ekonomiya. Magkakaroon po ba rin ng ulit ng repatriation efforts para po sa kanila ang DFA ngayong taong 2021?

USEC. ARRIOLA:  Tuluy-tuloy po iyong sweeper flights natin. Actually, napansin po namin towards noong December, marami na rin po iyong mga nagdidesisyon na mag-stay. In fact, iyong sweeper flight namin na dumaan ng Lebanon saka Bahrain, ang umuwi lang po doon 285. Tapos iyong pinakahuli po, iyong sinabayan po namin na repatriation from UAE and sa Manama, ano lang po talaga 324. So, may mga nagba-back out dahil… lalo na po doon sa Middle East dahil nagsisimula na rin po iyong vaccination nila, nagmama-mass vaccination na po sila at marami na rin po talaga na nagsisimula na rin po silang mag-open at narinig po namin, I think, ang plano po yata ng Middle East countries, iyong GCC is before Ramadan ay magkaroon na sila ng herd immunity. So marami po sa ating mga kababayan iyong nagbabakasakali na ring manatili po sa mga country of destination.

USEC. IGNACIO:  Opo. Usec, paano naman mino-monitor ng DFA iyong pagpapabakuna ng ibang bansa atin pong mga kababayang naninirahan at nagtatrabaho abroad?

USEC. ARRIOLA:   Alam po ninyo, Usec. Rocky, maganda po iyong policy ng mga Arab countries eh; para sa kanila first come, first served talaga iyong pagbabakuna.

Sa Bahrain po – galing po kami ni Undersecretary Borje sa Bahrain last December 28 to 31 – kahit na Bahraini ka o migrant ka o OFW ka, basta magpa-register ka, first come, first serve, dahil kaunti lang po sila 1.7 million lang sila, nakaka-choose po sila ng vaccine either Sinopharm or Pfizer. Pero ang alam po namin, lahat po ng kanilang government officials nila at kahit po iyong kanilang Crown Prince ang ginamit po Sinopharm.

So, ano po talaga, kahit sa—at iyong Ambassador po natin sa Bahrain si Ambassador Ver at ang Ambassador po natin sa Saudi Arabia, pareho na po silang bakunado at marami  na po talagang mga OFWs, kahit sa UAE, nagpo-post na po sila ngayon na they are vaccinated already. At binibigay po siya ng libre ng mga bansa, kasi para sa kanila no one is safe until everyone is safe.

And of course we have been hearing also our frontliners in the United States are also being vaccinated, as well as our frontliners in the UK. Pero siguro Usec. Rocky, I was listening to the interview of Senator Gatchalian. Tinanong ko rin po doon sa government officials ng Middle East ba’t mayroon silang vaccines kaagad; actually kasi nag-order sila as early as June, kaya naunahan talaga nila iyong ibang bansa. So ano po talaga… kaya mas mabilis sila mag-open ng economy. Pero ano din po talaga, kulang pa rin po, wala pa rin silang 100% na kinakailangan nila na vaccines.

USEC IGNACIO:  Opo. Usec., may tanong tayo sa mga kasamahan natin sa media ano po. May tanong sa inyo si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror. Ang tanong niya: As of December over 300,000 daw pong Overseas Filipino Workers have been repatriated due to the COVID-19 pandemic and cash remittances from Overseas Filipinos declined daw po from 1.4% from January to September 2020 compared daw to the same period 2019. Do you see the figures increasing now that the second strain of the virus is now spreading worldwide?

USEC. ARRIOLA:  Actually Usec., depende naman which region in the world. Of course, nagkakaproblema po ang America and Europe, but so far, nakikita namin ang magbubukas po ang ekonomiya ng Middle East, kasi po most of them nag-flatten na ng curve saka nagsisimula na po iyong vaccination nila. At ang target po talaga nila magbukas sila before—

magka-herd immunity sila before Ramadan. So, I think ano, sisipa na rin iyong ekonomiya nila after this. So we are of course blessed that our OFWs doon talaga libre po iyong bakuna eh, at lahat po talaga sila iniisip nila na matapos na po talaga iyong pandemya.

But of course iyong remittances talaga doon sa mga bansang naka-lockdown na iyon, talagang bababa po iyon, but we are also praying na malampasan nila itong pagsubok na ito, kasi—I think, it’s also not helping na winter ngayon sa ilang mga bansa po.

USEC. IGNACIO:  Usec. may pahabol na tanong si Joseph Morong ng GMA 7. Ang tanong po niya dito: Nag-order iyong ibang bansa ng June, kailan daw po tayo nag-place ng order and why?

USEC. ARRIOLA:  Iyong sa place ng order po, hindi ko po alam iyon. Pero we just want to reiterate ‘no, actually the word that a high government official of Bahrain told me is they gambled, technically they bankrolled some of the third phase test of the pharmaceuticals. So iyong time po na nag-order sila hindi nila alam kung made-develop talaga iyong vaccine. So, as we know very well, these are very rich countries that they can afford to gamble their funds. So talagang until now, iyong iba po talagang binank-roll nila, hindi pa rin dumarating iyong bakuna. So iyon po iyong sitwasyon po talaga ng mga bansang ito.

So noong time na iyon, they were not yet sure if there will be a vaccine by December, they already took the risk of ordering and saka risk din sila, nagpa-solidarity trials din po sila both UAE, Bahrain and even Saudi Arabia.

USEC. IGNACIO:  Tanong naman mula kay Jam Punzalan ng ABS-CBN News Online: Would you know when China Sinovac and Sinopharm would apply for Emergency Use Authorization in the Philippines? Last January 4, Ambassador Chito Del Rosario said they were—the both supposed to seek and EUA that week, but they did not.

DFA USEC. ARRIOLA: [Garbled] to the medical team, to our DOH, sa FDA po at saka po doon of course, kay Secretary Galvez, they would know better. But I think as far as we know, they will be applying within the month.

USEC. IGNACIO: Opo. Kahit paano naman po may dalang magandang balita po for Filipino migrant workers ang taong 2020 dahil sa labor reforms na ipinatupad sa ibang bansa tulad po noong pag-abolish ng kafala system sa Saudi Arabia. Ito po ba ay fully implemented na sa Saudi Arabia at kumusta po ang pagpapatupad ng kafala system sa iba pa pong Middle East countries, Usec.?

DFA USEC. ARRIOLA: Actually natutuwa po tayo dahil tuluy-tuloy po sila this March 14, iyong implementation na first phase ng abolition. Hindi lang po nila sinama so far iyong mga household service workers. Kaya we were really planning to go to Saudi Arabia, nasaraduhan lang po kami ng borders last December dahil ano nga po, nag-lockdown sila because of the UK strain. But we are planning to go to Saudi Arabia within the first quarter para po i-lobby natin na isama ang household service workers. Pero alam po natin iyong reforms nagsimula na po sa Bahrain, mayroon na po sa Qatar at mayroon na rin pong kaunti sa UAE and we also know that there will be reforms this year in Oman.

Ang alam po natin ang Saudi Arabia ay ang pinakamalaking bansa sa Middle East, nakikita po natin na magsusunud-sunod na po iyan at umaasa po tayo na mas mapapabuti po iyong lagay ng ating mga OFWs sa Middle East. And of course we’re very hopeful considering they are way ahead in the vaccination and we just want to reiterate ha, konti lang po talaga iyong mga tao nila except for Saudi Arabia, lahat po sila less than 10 million ang population kaya mabilis po talaga silang mag-herd immunity and Saudi Arabia is more than 34 million, compared of course to us na 110 million po tayo.

So we are hoping that they will be able to achieve the herd immunity they are looking for at para magbukas na rin po din talaga ang kanilang ekonomiya at makakabuti rin po para sa ating mga OFWs na nandoon po sa Middle East because we have around 2.6 million Filipinos there.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec., may mensahe ba kayo para sa atin naman pong kababayan abroad at dito na rin po sa Pilipinas?

DFA USEC. ARRIOLA: Doon po sa ating mga kababayan abroad, we are encouraging you po na magpa-vaccinate po kasi naniniwala po tayo no one is safe until everyone is safe. Iyan po iyong pinakiusap po sa amin ng mga high government officials, kahit po ni Crown Prince ng Bahrain, na sabihin po natin sa ating mga kababayan and of course sa ating mga kababayan dito. Iyong mga OFWs po na umuwi or doon sa mga gusto pa ring umuwi, you can always contact po our embassies and our consulates. Kung hindi po ninyo sila ma-contact, you can reach us through OFW HELP, it’s a Facebook page po ng DFA, it’s our emergency Facebook page po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong oras, Usec. Sarah Lou Arriola ng DFA. Mabuhay po kayo and stay safe, Usec.

DFA USEC. ARRIOLA: Thank you, Usec. Mabuhay po kayo. Stay safe.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service kasama si John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. Go ahead, John.

[NEWS REPORT]

Maraming salamat, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas. Sa ating pagbabalik, ang pinakahuling update sa National Vaccination Program ng pamahalaan sa ‘Vaccines Explained’ kasama ang Philippine Information Agency. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Ngayong araw, muli tayong kumuha ng updates ukol sa ginagawa ng ating pamahalaan para makakuha ng bakuna para sa lahat ng Pilipino.

Upang makibahagi sa ating talakayan, makakasama natin si Usec. Rocky sa PTV studio, ang Director General din po ng Philippine Information Agency na si Usec. Mon Cualoping III. Kasama rin po natin online ang ating Vaccine Czar at NTF Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez; ang Spokesperson ng Department of Health, Undersecretary Maria Rosario Vergeire; at mula sa vaccine expert panel ng DOH, si Dr. Nina Gloriani.

Mag-umpisa po tayo kay DG Mon. DG Mon, ano ang mga nakalatag mong plano para sa mas maganda at maipaliwanag natin sa taumbayan ang mga tama at hindi tamang impormasyon tungkol sa bakuna?

PIA DIR. GEN CUALOPING: Magandang umaga, Sec. Martin. Happy New Year!

Tayo po sa PCOO, kasama ng Philippine Information Agency, ng PTV, ng Radyo Pilipinas, ng Philippine News Agency at ng IBC 13 po ay nagsimula na ho tayo gawin ang communications plan. Nakinig po tayo sa mga suhestiyon ni Senator Bong Go, at kanina po, ni Senator Win Gatchalian na pag-igtingan pa natin iyong information drive natin hanggang sa grassroots po.

Sa pangunguna rin po ng DOH, nila Dr. Beverly Ho ng Health Promotion Bureau ng DOH at ng PIA po, magkakaroon tayo ng mga series of town hall meetings this week po, bukas at sa Sabado, kasama ng Philippine Medical Association, kasama ng Philippine Nurses Association at ang LGUs po natin.

Kagabi rin ho sa execom na ginawa ng vaccine cluster sa pamumuno ni Secretary Charlie Galvez ay binigyan na po tayo ng mandato at direksyon na umikot po sa buong Pilipinas sa  mga priority areas, sa mga local government units para mailahad na natin iyong mga plano.

Kung iyong nakaraan po, nakaraang taon ay nagawa natin iyong mga CODE visits para mai-Explain Explain Explain natin sa taumbayan iyong mga mekanismo para maiwasan ang COVID-19, ngayon po ay iikot tayo ulit sa buong Pilipinas para ilahad, ano ba talaga iyong plano ng buong Pilipinas, ng national government para sa vaccines po, Sec. Martin.

SEC. ANDANAR: Salamat, Mon. Ngayon naman ay dumako tayo kay Secretary Charlie. Secretary Galvez, ano po ang latest hinggil sa ating vaccine procurement?

SEC. GALVEZ: Magandang umaga po sa ating lahat na nanunood. Sa ngalan po ng National Task Force Against COVID-19, sa pamumuno po ni Secretary Delfin Lorenzana, ako po ay nagpapasalamat sa pagkakataon na magbigay ng ulat [garbled] ng ating pamahalaan sa pagbabakuna. The three-year Philippine National Vaccine Roadmap is guided by Presidente Rodrigo Roa Duterte declaration to provide the Filipino people with safe, effective and free vaccines for all, particularly poor communities.

All in all, the national government earmarked a total of 82.5 billion for the procurement of the vaccines, broken down as follows: [garbled] million from foreign bilateral and multilateral loan; 2.5 billion from DoF [garbled] and ten billion for the continuing appropriation of Bayanihan II.

Mayroon po tayong pitong iba’t ibang manufacturers ng vaccine ang ating kinakausap. Ito po ay parte ng tinatawag nating portfolio [garbled]; ang ibig pong sabihin nito ay marami pong klaseng bakuna ang ating bibilhin o aangkatin. Based on our current negotiations, successful po ang negotiation natin po sa lahat ng pito ng vaccine po nito. We will be able to purchase at least 148 million doses from seven pharmaceutical companies, more than 100 million doses has been fully secured for production.

Aside from this, we have bilateral negotiations with the Philippines stands to receive fully subsidized doses for 20% of our country’s population or roughly 18 million Filipinos o ibig sabihin po nito ha, 40 million doses, through the COVAX facility which can be developed earlier by first quarter.

For this year, thus roadmap is eyeing to inoculate between 50 to 70 million Filipinos so that we can save more lives and recover our economy. I would like to highlight [garbled] National Vaccination Program is not a sole responsibility of the government but it must be a whole of nation [garbled] to ensure efforts are synchronized and integrated, there must be a [garbled] with the DOH will be playing a crucial role in exercising command and control, with the strong participation of supportive academe and engage government agencies and the private sector. And highly [garbled] and adequately inform communities and well prepared healthcare system.

It is only through this that we can implement a [garbled] program, to recover the economy and to restore the normalcy in the lives of the Filipino people by 2023 through our bayanihan spirit.

Sinasabi nga po ng ating mahal na Presidente [garbled] until everyone is safe. He always says to us that walang maiiwan, walang iwanan.

SEC. ANDANAR: Sec., lumalabas sa mga balita ngayon na nauuna nang mag-procure ang mga LGUs at ang mga private sector, at tila nahuhuli na ang national government. Now, I understand, Secretary Galvez, na mayroon pong misinterpretation dito dahil it is only the national government that can procure the vaccine and the rest will have to get it from the national government. Tama po ba?

SEC. GALVEZ: Iyon po ang ano po natin, Sec. Martin, actually ang ating—mayroon tayong tinatawag na different strategies in order to [garbled] the access of the vaccine. Unang-una po dito iyong bilateral arrangement po natin sa manufacturers; pangalawa po, diplomatic relationship natin sa mga iba’t ibang mga bansa; at pangatlo po, iyong tinatawag nating tripartite agreement.

Dahil sa kagustuhan po ng mga LGUs na makatulong po sa national government, atin pong inilahad sa ating Pangulo kung pupuwedeng bigyan ng … maaprubahan ang pagtulong po sa atin ng private sector at ng LGU. Iyon po ay inaprubahan niya po noong November 17 para sa private sector at saka noong nagdaang December inaprubahan niya po iyon.

I believe mayroon po tayong misconception. Binibigyan po natin ng daan ang access ang mga LGUs sa private sector through a tripartite agreement. [Garbled] million po ang ating doses na [garbled] dahil ang AstraZeneca ay nag-o-offer ng tripartite, hinayaan po namin at with our guidance na hinayaan po namin na maka-access ang ating mga private sector at ang ating mga LGUs. Bukas nga po ay aming pipirmahan, lalagdaan po namin ang tripartite agreement ng more or less 20 million doses para sa AstraZeneca. At hindi po tayo nahuhuli dahil kasi mas nauna po tayo na pumirma na mayroon po tayong 30 million sa COVAX at 25 million sa Sinovac. At lahat ng ating na-negotiate pati kay Moderna, Pfizer at ibang brand, Johnson & Johnson ay maganda po ang ating negotiation at mayroon na po tayong tinatawag nating conclusive final agreement na puwede nating pirmahan any day from now.

SEC. ANDANAR:  Secretary, nabanggit po ninyo iyong tripartite agreement na nilagdaan ng mga LGUs. Halos lahat o karamihan ay para sa AstraZeneca. Ano po ba ang rason sa likod nito na AstraZeneca ang kanilang gusto? If you just have an idea.

SEC. GALVEZ:  Unang-una po nilapitan po namin ang mga manufacturer. Tinanong po namin sa kanila na kung puwede po i-alok ang mga vaccines sa ating mga LGUs at sa private sector. Ang mga vaccine maker po, sinabi po nila na because ang kanilang authorization ay only tinatawag na emergency use, hindi pa po puwedeng i-commercialize itong mga vaccine. Kaya po ang lahat ng mga vaccine maker is they authorized, they authorized only their agents to communicate. So, hindi po iyan kagustuhan ng gobyerno po natin. Iyong mga vaccine maker po, talaga pong global [garbled] dahil ang EUA ay hindi pa po approval, emergency use pa lang po iyan. So ibig sabihin, dapat ang gobyerno po ang mamamahala para mayroon pong close control at mayroon po tayong tinatawag na adverse effect monitoring, iyon po iyan. Para hindi po maging loose ang magiging control ng mga vaccine, dahil ito po ay hindi pa po ito tinatawag na 100% aprubado.

SEC. ANDANAR:  Ano po ngayon ang responsibilidad ng mga LGUs dito sa tripartite agreement na ito?

SEC. GALVEZ:  Ang ano po ng LGUs sa tripartite agreement ay sila po talaga ang nagbibigay ng advance market, at the same time sila po ang nagkakaroon ng bilateral arrangement within the company. Ito po, ang gagawin po natin after their signing tomorrow, magkakaroon po ng tripartite supply agreement na pipirmahan po ng national, LGU at saka iyong vaccine maker. Ang responsibility po ng mga LGU ay to administer the vaccine. At ang national government naman po, iyon naman po iyong mga sa supply at sa cold chain requirement. So, ibig sabihin, lahat ng requirements sa syringe, lahat ng requirement sa   lahat ng consumables, iyong administration ay integrated po, ang national government at saka iyong private sector saka iyong LGU. Ibig sabihin ang LGU po, siya po ang in-charge sa grass root na mag-administer ng vaccine together with DOH.

SEC. ANDANAR:  Paano po natin masisiguro, Secretary Galvez, na wala pong duplication iyong vaccine list ng national at local government?

SEC. GALVEZ:  Ang gagawin po natin kapag nagkaroon po tayo ng pirmahan sa supply agreement, titingnan po iyong allocation po ng mga LGUs. Gagawin po namin equitable po iyong allocation and then kapag mayroon na po siya, ang allocation niya is 70%, iyong nabili niya is only 30%, iyong 40% pupunuan po ng gobyerno. Iyong mga LGUs na hindi po makakabili dahil wala po silang pondo, kami po ang magpupuno ng the whole 70%. So, iyon po ang gagawin po natin. At ang lahat ng mga kailangan nila, iyong lahat ng mga supplies, iyong mga cold chain, ang magbabayad po nito ang gobyerno.

SEC. ANDANAR:  Sa inyo pong statement noong nakaraang senate hearing, inyo pong nabanggit na mayroon pong tatlong hubs para sa bakuna. Isa sa Metro Manila, isa sa Cebu at isa sa Davao. Paano po makakarating ang mga bakuna sa mga last mile communities at paano po natin masisiguro na masusunod po ang storage at transport protocols para sa mga bakunang dadalhin sa mga lugar na ito?

SEC. GALVEZ:  Ayon po sa aming pag-i-inventory, ito pong major hubs na ito ang Manila, Visayas – iyong sa Cebu at saka Mindanao ang mayroon pong cold storage warehouse na kayang-kayang mag-store ng more or less 500,000 to 1 million na vaccine. Ang central hub po natin itong Metro Manila, dahil po dito, milyun-milyon po na vaccine puwede po niyang iimbak and then magkakaroon po tayo ng tinatawag na logistic transport through air or air lift directly from the manufacturer to these major hubs and then magkakaroon po tayo ng tinatawag na hub less spoke na strategy na from the center puwede nating i-deploy sa mga tinatawag nating regional health units.  At mayroon din po tayo doon capability, iyong 2 to 8 capability, sanay na sanay na po ang DOH po diyan. Negative 20, puwede nating bigyan iyong mga tinatawag na private service provider. At nakita po namin, babayaran lang po natin na mga one or two dollar per vaccine, iyon po ang nakita namin na babayaran na lang po natin sila para iyong services po nila ay alam na alam po nila iyong pag-deliver po nito katulad ng Zuellig, Unilab at iyong mga service providers na nagbibigay ng cold chain logistics.

So ganoon po ang gagawin po natin na kayang-kaya po natin. Iyong ano po, gagawin po natin is iyong tinatawag na -70 at saka -20  ay idi-deploy po natin iyan dito sa Manila at saka po dito sa Cebu at saka dito sa Davao.  Ito po ang Moderna at saka iyong Pfizer. Iyong mga 2 to 8 na mga nabili po, iyong Sinovac, Johnson & Johnson, AstraZeneca at saka po iyong Novavax ito po ang puwede nating i-deploy sa mga far flung areas dahil hindi po ito nangangailangan ng cold chain. Iyon po ang gagawin po natin, ang strategy po na iyan, hindi po natin inimbento. Iyan po ay strategy po na ginawa po ng mga naunang nag-roll out, katulad ng US, UK at dito rin po sa area ng Indonesia.

SEC. ANDANAR:  Bakit po hindi pa nag-a-apply ng EUA and Sinovac kung plano nitong mag-deliver ng 25 million doses ng bakuna simula sa Pebrero, mayroon po ba kayong information?

SEC. GALVEZ:  Nilalatag na po ngayon at nag-aano po sila ng kanilang mga clinical trial at kanilang phase clinical trial kino-consolidate lang po nila iyong sa Brazil at saka sa Turkey. At sinabihan na po kami ng embassy na once na available na po iyon ay iyon po ay ibibigay sa FDA. Nag-communicate na po ang Sinovac sa FDA at the same time, hinihintay din po ng  Sinovac ang kanilang company ay mabigyan ng tinatawag na EUA ng China for general use. Kasi ang EUA po ng Sinovac is only for limited use na binigay po noong last August. Pero ngayon po,  ngayong more or less mga first week of February ay mabibigyan na po ng China ang Sinovac ng Emergency Use Authorization for general use at for export. Kasi dalawa po ang kailangan po na kailangan ng China na maibigay po nila sa Sinovac – Una iyong EUA for general use at saka po iyong authority to export.

SEC. ANDANAR:  Salamat po, Secretary Charlie. Mayroon po tayong mga questions from the media. Mamaya lang po, puntahan po muna natin si Usec. Vergeire with Usec. Rocky Ignacio. Please go ahead, Rocky?

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Thank you Secretary Galvez, kay Usec. Vergeire po muna tayo.  Usec. kayo po ay bumuo ng vaccine expert panel at mas efficient na proseso para po sa evaluation ng mga vaccines. Maaari po ba ninyong ipaliwanag kung paano nito nasiguro o nasisiguro na safe at effective ang lahat ng ia-administer na bakuna sa mga Pilipino, Usec. Vergeire? Okay babalikan natin si Usec. Vergeire. Kanina DG Mon ay may mga sinasabi kang magkakaroon ng town hall para maipaliwanag ng husto iyong kung papaano iyong magiging proseso nito. Di ba noong mga nakaraan, March, ang pinag-uusapan, paano magkakaroon ng bakuna, kailan, quarantine, lock downs, pero ngayon delivery na ng bakuna ang pinag-uusapan, DG Mon?

PIA DG CUALOPING:   Yes, Usec, kaya nga alam natin na maraming kumakalat na fake news, napakaraming fake news na kumakalat. So, minabuti ng PCOO sa pamumuno siyempre ni Sec. Martin Andanar at ng PIA at tayo sa PTV, Usec. Rocky, ay iikot tayo sa buong Pilipinas. Kakausapin natin iyong mga stakeholders natin, ang mga local government executives, ang mga sectoral leaders, mga barangay leaders, kasama po sila Sec. Charlie Galvez, ang vaccine czar natin, ang Health Secretary natin – si Secretary Duque at ang Deputy Chief Implementer ng National Task Force si Secretary Vince Dizon. Pero ang pinakaimportante po, Usec. Rocky, I think ay iyong ugnayan natin na gagawin sa mga healthcare workers natin.  Sa Philippine Medical Association, sa Philippine Nurses Association na gagawin natin bukas ng gabi at sa Sabado po ng hapon.

Kasi ho ang kailangan natin—ka-partner natin dito ang ating mga healthcare workers kasi sila rin ho ang talagang frontliner natin na kakausap sa taumbayan tungkol sa vaccines.

Uulitin lang ho natin, I think I have to emphasize this Usec. Rocky, na hindi ho tayo about isang brand lamang kung hindi ito ay COVID-19 vaccines, portfolio of vaccines na laging ini-emphasize ng ating vaccine cluster lalo na po ni Secretary Charlie Galvez.

USEC. IGNACIO: Habang inaantabayanan natin si DOH Undersecretary Rosario Vergeire, siguro mayroon kasing ilang tanong dito para kay Dr. Gloriani. Kung nandiyan si Dr. Gloriani, puwede na nating itanong iyong ibang tanong ng ating kasamahan sa media. Dr. Gloriani?

DR. GLORIANI: Yes, ma’am. Usec. Rocky, magandang tanghali po.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po. Tayo po ay nasa Laging Handa Public Briefing ano po.

Mayroon pong tanong si Red Mendoza ng Manila Times, ito po ang tanong niya: According daw po sa wire report, Sinovac got only 50% efficacy in its trials in Brazil. Ibig po bang sabihin nito may 50% chance na maka-infect ang COVID ‘pag ang Sinovac ang kinuha ng Pilipinas at magiging effective po ba sila sa new variant na makakaapekto rin ito sa pag-a-apply nila ng EUA?

DR. GLORIANI: Okay, ganito po iyon ‘no. Iyan ay galing sa press release, ang Vaccine Expert Panel ay titingnan po iyong technical data nila.

Actually sa Istanbul sa Turkey, 91.25% ang efficacy nila at ang huli naming nakita na press release ng Sinovac ay nasa 70 plus percent ang efficacy nila after… siguro nadagdagan iyong datos nila but we need to look at the technical data bago namin na talagang masasabi na ito nga. Now, iba-iba talaga ang efficacy nila and kailangan makita natin isa-isa iyong mga datos nila bago natin bibigyan ng… well, the conclusion or ano talaga sila.

Ano pa nga iyong isang ano, Usec.?

USEC. IGNACIO: Ang tanong po ay—iyon na lang po muna Dr. Gloriani. Babalikan po muna natin si Usec. Vergeire via phone patch. Usec. Vergeire, good morning po.

DOH SEC. VERGEIRE: Yes, good morning Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Maaari ninyo po bang ipaliwanag sa atin kung paano masisiguro iyong talagang laging tinatanong: safe at effective ang lahat ng ia-administer na bakuna sa mga Pilipino, Usec. Vergeire?

DOH SEC. VERGEIRE: Yes. Usec. Rocky actually mayroon po akong presentation but I don’t think it’s possible now because I’m just on the phone. I just like to give this information to the public: Lahat po ng proseso na atin pong pinagdadaanan ngayon dito po sa pagri-regulate ng ating mga bakuna ay dumadaan po sa mga proseso na may kasama tayong mga eksperto.

So we have 4 types of experts dito po sa ating ginagawang pagsusuri nitong mga bakunang ibibigay sa ating mga kababayan. Unang-una na po, ito pong bakuna, ito pong research and development where we have the Vaccine Expert Panel, this is headed by Dr. Nina Gloriani, iyon po ang inyong nakapanayam kanina. Sila po ay lima dito po sa grupo na ito, sila po ang nagsusuri ng mga bakuna na pumapasok sa ating clinical trials. Sinusuri po nila ito gamit po iyong mga ebidensiya’t mga dokumento, we call it dossier na ipinapasa po ng mga manufacturers para makita po kung ito po ay magiging karapat-dapat na ibigay at gamitin na maging trial dito sa Pilipinas.

Sila rin po ay nagbigay ng mga rekomendasyon nila noong kasalukuyang nagbibigay ng mga selection and evaluation para kung anong klaseng bakuna ang ipi-pursue ng ating Vaccine Czar at ang ating gobyerno. So this is our Vaccine Expert Panel.

Pagkatapos po ng Vaccine Expert Panel natin, papasok na po tayo doon sa regulatory part natin ano. So when a manufacturer already has completed their clinical trials phase 3, magsa-submit na po sila sa Food and Drug Administration ng ating gobyerno kung saan ii-evaluate po itong bakuna na ito.

Ito pong bakuna na atin pong tinanggap ‘no para po i-evaluate ng FDA, dadaan po iyan sa evaluation ng Food and Drug Administration and the FDA has created an expert panel also within the Food and Drug Administration. So this is separate from the Vaccine Expert Panel of the Department of Science and Technology.

So FDA evaluates based on the documents that will be submitted to them, iyon pong mga totality ng evidence available to include iyong mga controlled trials po na ginawa nitong mga manufacturers na ito. And also titingnan din po nila of course the benefits and the risks ‘no nitong bakuna na ito.

Kapag nakapasa na po sa FDA ito, bibigyan na sila, iyong manufacturer ng EUA o itong Emergency Use Authority. ‘Pag nabigyan na po ng Emergency Use Authority ang isang manufacturer o iyong bakuna, ito naman po ay dadaan ngayon, pupunta na doon sa proseso ng Health Technology Assessment Council.

This Health Technology Assessment Council has been created by the Department of Health because it was part of the provisions of the Universal Healthcare Act na kahit na ano po ang bibilhin ng ating gobyerno, ng DOH in particular pati ang PhilHealth kung ito ay isasama sa coverage, kailangan po ito po ay ma-evaluate muna ng Health Technology Assessment Council.

The HTAC is comprised of different experts in different fields. This is headed by Dr. Marita Reyes, so ito pong mga ginagawa ng HTAC would be to look at the evidences to ensure na ethically sound po iyong binibili natin; to ensure that there is cost effectiveness; to ensure that government is being efficient in this process or in this procurement that we will do and to ensure that the processes involved has been undertaken by government.

So ito po ay ginawa natin ano, itong HTAC because of the Universal Healthcare Law and ito pong—atin pong mayroon tayo ngayon na Bayanihan 2 kung saan winaive po natin itong phase 4 ‘no. Ito pong phase 4 ng clinical trial ay winaive base po dito sa ginawang batas na mayroon tayo because we are trying to expedite. And across the globe, ito po ang ginawa nila lahat ‘no kaya po tayo may Emergency Use Authority and ibig sabihin hindi pa kumpleto ang development ng bakuna na ito ngunit tiningnan iyong mga benefits versus the risks and the benefits have outweigh the risks kaya po tayo nag-i-EUA.

But in spite of that, the HTAC gave their position. Sinabi po nila na dapat kahit na i-waive natin ang phase 4, mayroon tayong mga kundisyon diyan. Dapat mayroon tayong safety surveillance system o iyong pagmu-monitor ng ating mga recipients ng vaccine ‘no through time para makita natin kung mayroon bang magpapakita ng kahit na anong reaksiyon dito sa bakuna. Pangalawa, dapat may database noong mga makaka-receive nitong bakuna na ito; and then the third, transparent and effective risk communication; and in the fourth, will be the pilot implementation and the engagement of communities.

So pagkatapos po na mabigyan ng approval ng HTAC iyan, dadaan naman po uli tayo at mayroon ho tayo para sa deployment na ho ito. Puwede na ho nating i-deploy iyang bakuna kapag nabigyan na ng approval ng HTAC natin.

‘Pag dineploy na ho iyong bakuna, habang tayo po ay nagpaplano, mayroon na rin po tayong set of experts giving us guidance for this implementation of the immunization and this is the National Immunization Technical Advisory Group. Ito po ay grupo naman ng eksperto, mayroon hong iba’t ibang klaseng expertise – mayroon hong expert sa public health, mayroon pong eksperto sa social science, may eksperto po sa mga bakuna talaga, mayroon pong mga clinicians din na kasama tayo dito ay mayroon din po tayong clinical epidemiologist.

Dito naman po ang ginagawa ng ating National Immunization Technical Advisory Group, sila po ay nagbibigay ng guidance and recommendations sa gobyerno as to the selection of the population, kung paano po ibibigay ang bakuna, how we will be able to deploy it – ito ba ay magiging house-to-house, ito ba ay magiging facility-based. At magbibigay din po sila ng mga rekomendasyon on the post marketing surveillance and the other ethical considerations kapag nagdi-deploy po tayo ng bakuna. So these sets of experts will guide the DOH and the whole government on the policies, plans and strategies for the COVID-19 immunization.

And lastly, ang atin pong National Adverse Events Following Immunization Committee which is the NAEFIC. Sila naman po ay isang grupo rin ng eksperto na magmu-monitor naman po nitong mga adverse reaction kung mayroon man dito sa pagbabakuna. This is headed by Dr. Lulu Bravo. So sila po ang magri-review at magbibigay ng final totality assessment kung iyon pong mga adverse reaction ay talagang dulot noong bakuna itself and also tinitingnan din kung ano po ang maaaring ibigay ‘no na rekomendasyon sa gobyerno kapag mayroon po tayong mga serious and clusters of reactions dito po sa ating bakuna na ito.

So in the whole, Usec. Rocky, gusto lang po naming ipahatid sa ating mga kababayan na ang gobyerno po, through the Department of Health, through the Vaccine Czar at iba pa hong mga ahensiya ay nagtutulung-tulong po. Mayroon po tayong mga sari-sariling mandato dito sa ating gobyerno para po masiguro natin na magiging ligtas at saka epektibo itong mga bakuna.

Pero hindi ho tayo nag-rely lang sa gobyerno, kumuha ho tayo ng mga eksperto na maalam ‘no. They have the specific expertise in vaccines, in the clinics kung ano man po ang mga kailangang maging dulot ng bakuna at saka dito po sa deployment ng bakuna. So ito po, kumuha tayo ng eksperto at hindi ho nag-rely lang tayo sa gobyerno for this. We have our experts, they are immuned from the processes of government. Ibig sabihin po, sila po ay binibigyang-laya ng gobyerno na pag-aralan kung anuman po ang mandato ng kanilang grupo, at pagkatapos ay nagbibigay ho sila ng rekomendasyon. Kung anuman hong rekomendasyon ang binibigay nila sa gobyerno, ito po ay ang pinag-uusapan ng ating mga senior officials.

But definitely, the experts’ recommendations are considered at ito po ang ginagamit ng ating gobyerno para maging basehan at ebidensiya para po dito sa pagpapatupad natin ng pagbabakuna sa ating bansa. Over to you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec., ito po ang laging tinatanong: Totoo daw po bang namimili pa ang gobyerno kung anong brand ng bakuna ang talagang bibilhin at gagamitin sa bansa? At ano po ba daw iyong pamantayan natin sa pag-evaluate ng tamang bakuna?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Ito pong pinipili ‘no, iyong sinasabing pinipili, talagang pipiliin. Kung ano lang po iyong mabibigyan ng emergency use authority ng Food and Drug Administration, ibig sabihin kung ano po iyong dumaan sa ating regulatory process at naaprubahan po, iyon po ang bibilhin ng ating gobyerno.

So iyon po ang paraan kung paano natin pinipili kung anong bakuna po ang bibilhin ng ating government. Ano po ba ang ginagamit para i-evaluate? Lahat po ng mga clinical trials na isinagawa ng mga manufacturers for their vaccines, pag-aaralan po iyan. Katulad po ng laging sinasabi, may expedited way tayo of doing that because there are stringent regulatory authorities already in other countries na napag-aralan na rin po nila ang mga bakunang ito.

Ang WHO din po, mayroon po silang tinatawag na emergency use list, at iyon pong ibang bakuna ay nakapasok na po diyan. So gagamitin po natin lahat ng ebidensiya na iyan para tayo po ay magkaroon ng evaluation na kumpleto and it can also be expedited because of this reliance and recognition pathways.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat, Usec. Vergeire. May iba pa po tayong questions from the media maya-maya lamang.

DOH USEC. VERGEIRE: Okay po, ma’am.

SEC. ANDANAR: Dumako naman tayo sa ating vaccine expert na si Dr. Nina Gloriani. Dok, kung pagbabasehan po natin ang paliwanag ni Usec. Vergeire tungkol sa evaluation ng vaccines, mahalaga ba talaga ang brand o tatak ng isang vaccine lalo na ngayon?

DR. GLORIANI: Magandang tanghali po, Secretary. Puwede po akong mag-share screen para po mas maintindihan nila? Ay, papaano ba nagshi-share screen dito? Sorry, hindi ko yata mashi-share.

Siguro po i-explain ko na lang. Mayroon pong evaluation process na ginagawa ang vaccine expert panel. Ito po iyong una bago po papasok sa FDA. So paano po ini-evaluate natin ang safety, efficacy, immunogenicity? Now, pero bukod po doon, sa safety marami pong parameters na titingnan – may mild, moderate, severe reactions, local, systemic, may common reactions na expected sa mga bakuna o mayroon pong mga rare events, titingnan po natin lahat iyon.

Tapos iyong efficacy, kung makakaprotekta nga po sa bawat isang bakuna na mayroon tayo ngayon, ilang plataporma po iyang mayroon sa ngayon – mga anim hanggang pito – iba-iba po ang kanilang profiles. So tinitingnan po namin isa-isa iyon. So paano ginawa iyong measure ng efficacy? Efficacy ba, ibig sabihin protection sa serious na COVID illness or sa mild illness or sa moderate o mayroon pa rin tayo laboratory end points na tinitingnan.

Now, doon sa prioritization, mayroon po kaming parang matrix na sinusunod. Ang una po naming tinitingnan diyan—marami po iyon ‘no, so may weights ang bawat isang parameter. Ang isang number one ay may track record po ba iyong vaccine company? So ten percent po iyon.

Pangalawa, iyong storage ano ng stability po ng vaccine, puwede ba siya sa two to eight degrees sa refrigerator which means puwede nga po siya sa mga malalayong lugar? Or kailangan niya ng minus 20 or even iyong ultra low freezer na nabanggit na po kanina. So may mga score po sila base doon. Ang safety po ay may 20% ang efficacy based on immunogenicity correlates lang kasi hindi po talagang direktong nami-measure except for the immunogenicity results natin, nasa 20 percent din po.

At mayroon kaming dinagdag ngayon na bagong parameter, iyon po ay kung may EUA na po sila sa ibang countries. So 30% po iyon, either may EUA sila sa ibang countries na recognized ng Pilipinas or mayroon po silang interim data ng Phase 3 clinical trials na ibibigay nila sa amin para po makita.

So, sa ngayon, iyon po iyong mga tinitingnan namin. And then, ease of deployment ay kailangan din po; iyong dosing schedule, tiningnan po din namin iyon kasi medyo mahirap. Kung sana po isang dose lang, pero sa ngayon, ang available ay lahat ay for two doses. So  titingnan po natin, ibibigay ba ito nang ngayon, after one month or after two months or after three weeks – iba-iba po sila. So may mga scoring system din po doon kasi titingnan po kung madali silang makita, and then ira-rank namin sila. So sayang po hindi ko maipakita iyong aking ano, mayroon po kaming ranking na naiiba-iba po habang dumadating ang mga datos nila; habang naa-update iyong mga technical data nila na core evaluation. So iyon po.

SEC. ANDANAR: Salamat po, Dr. Gloriani. Usec. Rocky, let’s proceed to the media questions.

USEC. IGNACIO: Yes, thank you, Secretary Andanar. From Cedric Castillo, for DOH po ito, Usec. Vergeire: Kumusta po iyong monitoring ng DOH sa non-COVID o karaniwang trangkaso tuwing malamig ang panahon? At paano po malalaman ng isang may sakit kung ordinary flu lamang ang nararamdaman o dapat na po ba niyang i-assume na COVID ito at magpa-test na agad, Usec. Vergeire?

Usec. Vergeire? Okay, pupuntahan muna natin si Secretary Galvez. Secretary Galvez, may tanong po mula kay Karen Lema ng Reuters: Brazil po now says Sinovac vaccine’s efficacy is just 50% and it previously had higher rate of 78% because it did not include the very mild patients. Will this data make the Philippines reconsider purchase deals? None of the volunteers daw po who got the vaccine had to be hospitalized. Is that good enough? And how will the government plan to communicate it with the public as they now need to vaccinate far more people to reach herd immunity with the less effective vaccine?

SEC. GALVEZ: Hintayin po natin iyong official pronouncement po ng ating mga vaccine expert panel. Iyon lang po, iyong mga pronouncement ng mga different news. At ang ano po natin talaga dapat scientifically proven. At mayroon pong tinatawag tayo na evaluations, iyong different regulatory authorities.

Ang inaano po natin, tinitingnan po natin talaga iyong mga vaccine po na ito ay ginagamit na po ito sa mga bansa na pinanggalingan. Nakita natin iyong Sinovac, it’s being used dito sa China. Ang kaniyang EUA po ay for use for tinatawag natin na mga vulnerable at saka mga elderly. So kaya po natin ginawa na Sinovac dahil para at least bigyan po natin ng ano iyong mga sektor na talagang vulnerable at saka iyong mga elderly.

So each vaccine, may mga different ano po iyan, different characteristics at may mga different benefits. So kaya po namin kinukuha iyong mga vaccine po na ito na sine-select, ito po ay mga na-pre order na po sa ano. Kaya po namin napili ang Sinovac, dahil po medyo mura po ito. Pangalawa, gagamitin po ito sa Singapore, Turkey at saka sa Indonesia. Ang Malaysia po ay gumagawa ng manufacturing capacity ng Sinovac at gagamitin rin po itong Sinovac dito po sa Brazil at saka sa Egypt.

Kung ito po ay gagamitin ng mga advanced countries na katulad ng Singapore ay palagay po natin na nakita natin na ito ay talagang effective at efficient.

USEC. IGNACIO:  Balikan po natin si Usec. Vergeire para po sa tanong ni Cedric Castillo. Usec. Vergeire, kumusta daw po ang monitoring ng Department of Health doon sa non-COVID o karaniwan trangkaso tuwing malamig ang panahon? Paano po malalaman kapag may sakit or ordinary flu lamang iyong nararamdaman?

Kasi kapag ganoon nakaramdam, DG Mon, kailangan ba na COVID na ito o kailangang magpa-test ako. Usec. Vergeire?

USEC. VERGEIRE:  Yes, Ma’am. Yes, Usec. Rocky. So kailangan lang talaga tayong maging vigilant at this point in time.

Alam po natin na marami pong sakit that may mimic the symptoms of COVID-19 ‘no, kasi parang ordinaryong trangkaso lang minsan ang ating mararamdaman. So kailangan lang ho talagang i-monitor ang sarili, kung saka-sakaling nakakaranas na po tayo ng mga ganitong sintomas, pinakamaganda na po na mag-quarantine na muna tayo or lumayo muna tayo, mag-isolate tayo from the rest of our family, always wear the mask and puwede naman po ang telemedicine para makapagkonsulta tayo sa ating mga physicians para malaman lang po natin kung ano ang dapat nating gawin pagkatapos nating makapag-isolate.

USEC. IGNACIO:  Tanong naman po ni Tina Panganiban-Perez ng GMA-7 para po kay Secretary Galvez: What was discussed in your recent meeting daw po with local government officials, did they raise daw po any concerns specifically about vaccine procurement and distribution and how will COVID vaccines be distributed to LGUs? Kasi some LGUs daw po have bigger population than others. Some allocated their own funds while some couldn’t.  Will all LGUs need to conduct a vaccination simulation … regarding po ito sa distribution ng vaccines.

SEC. GALVEZ:   Nakausap na po namin ang NCR Mayors at saka iyong League City Mayors pati po si sila Governor Daks nakausap na po namin at mamaya  po mag-uusap po muna kami ng provincial governors. Ang pinag-uusapan po namin iyong details po ng preparation po natin sa pag-vaccinate. Sinasabi nga natin na ang mga LGUs being the grassroots implementer ng vaccination, kailangan po magkaroon sila ng early preparation.

So, inalam po namin at binigay po namin sa kanila iyong mga seven areas na dapat nilang i-prepare, katulad mag-prepare sila ng master list ng mga maiba-vaccinate at the same time, mga master list ng mga vaccination centers.

Sa pagpupulong po amin, naging napaka-productive dahil binigyan-diin po namin ang lahat ng mga responsibilities ng mga LGUs, particularly information drive para magkaroon ng mataas na public update ang ating mga kababayan.

Ang napag-usapan din po namin, kung paano po gagawin iyong tripartite agreement para maging organized. Sinabi po namin sa kanila na dapat i-involve nila ang kanilang provincial governor. Sila po ang magko-consolidate ng order at saka po iyong tinatawag natin iyong  sa mga regional and also they can use the League of Cities at saka iyong League of Provincial Governors para po magkaroon ng tinatawag nating united effort sa pagbibili ng mga vaccine.

Sinabi rin po namin sa kanila na iyong mga probinsiya at saka mga Mayors na hindi makakabili, kami po ang magbibigay ng vaccine at saka po iyong mga kulang, pagkukulang ng mga iba, kami po ang magpupuno. Kami rin po ang magiging in charge through the DOH doon sa mga supply agreements. Kami po ang magbabayad sa mga cold chain at the same iyong mga syringes, iyong mga cottons at saka iyong mga PPE ang national government po ang magpo-provide.

USEC. IGNACIO:  Opo. May tanong pa rin po si Maricel Halili, Secretary Galvez: Ano daw po ang status ng Sinovac? Will the government pay for it or will it be donated by China? How soon do we expect the EUA to be approved?

SEC. GALVEZ:  Nakita po namin ang EUA ma-a-approve po before February 20. At iyon po ang arrangement po namin, maganda po ang pagpaplano namin dahil kasi alam na po namin kung ilan ang darating kada buwan.

Darating po ng February 50,000 and then March 950,000 at susunod na mga buwan isang milyon at saka mga dalawang milyon at tatlong milyon kada buwan.

Ang FDA mayroon po tayong tinatawag na parallel pathway para sa regulatory requirements ng Sinovac at ang maganda po dito ay talagang nagpupulong po ang both ang embassy, ang Sinovac company at ang ating diplomatic area dito sa Pilipinas. Noong isang araw nakipag-usap kami sa kanilang Hong Kong office at napakaganda po ng ino-offer po sa atin. At talaga pong natutuwa, dahil kasi at least mayroon na tayong definite na 25 million na darating kada buwan.

USEC. IGNACIO:  Opo, from Aiko Miguel ng UNTV. For Usec. Vergeire, siguro po puwede po ito kay Secretary Galvez: Kapag po na-approve ninyo na ang EUA ng Pfizer which is expected to be out today or tomorrow as per DG Domingo. Paano po ang magiging rollout po nito. Can you please give us a run through sa inoculation program daw po ng government?

SEC. GALVEZ:  Inoculation program of government, sinasabi ko nga po na ang ating vaccines is a portfolio of seven brands. At iyon pong mga brands na iyon may mga deployment areas. So Pfizer po, tayo po ay nagkakaroon ng negotiation sa WHO at saka sa GAVI ng early deployment of Pfizer this coming February. Kung mabibigyan po tayo ng go signal, mayroon po tayong early rollout. At ang ating ibang ano, mga ibang brand ay darating po iyan at the middle of the year, majority po sa kanila ang mga volumes po ay darating po ng third quarter at fourth quarter. Pero po iyong COVAX, inaano po namin iyong COVAX facility, iyong COVAX vaccine po ay darating po most likely first quarter at saka second quarter.

Kanina po kausap ko po iyong Ambassador ng India, iyon po humihiling po kami dahil kasi ang SII sila po ang nagpo-produce ng Novavax at saka po iyong Bharat at saka po iyong AstraZeneca. Humihiling po kami na sana po mabigyan po tayo ng pagkakataon na mabigyan na kahit na 3 to 5 million this first quarter para po mabakunahan po natin ang ating health workers.

USEC. IGNACIO:   Opo. May follow up lang po si Red Mendoza muna ng Manila Times, para po kay Dr. Gloriani or kay Usec. Vergeire, iyon daw pong Sinovac kasi 50% lang iyong kaniyang efficacy. Pero magiging effective po ba daw ito sa new variant, itong Sinovac?

DR. GLORIANI: May I answer that po. So far ang [garbled] sa variant ay hindi naapektuhan ang antibodies, iyong kanilang neutralizing activity, iyong concurrent na ngayon, kagagaling ko lang sa isang meeting kagabi with WHO kung saan tinalakay lahat nung tungkol sa bagong variant, at hindi lang ito isang variant ‘no. Mayroon iba sa UK, mayroon sa South Africa, marami po sila pero sa  ngayon, hindi  sila naapektuhan, iyon po ang datos na pinakita sa amin. So iyong mga bakuna na ito ay hindi ini-expect na—magiging effective pa rin sila; but of course mayroon tayong monitoring.

USEC. IGNACIO:  From Tina Mendez ng Philippine Star for Usec. Vergeire. Usec. Vergeire ito po ang tanong niya: On the monitoring daw po ng new strain of acovid-19 virus, is there any update on Genome sequencing, when is the Philippine Genome Center coming up with the results of second batch of samples?

USEC. VERGEIRE:   Yes, Usec. Rocky. So we are continuously monitoring ito pong second batch of results na kasama po dito iyong mga kinontak trace natin with the contact of this Filipina who turned positive in Hong Kong. Ito po ay lalabas maaaring bukas o sa Biyernes. So magbibigay alam po tayo sa public. But just to let everybody know na hindi lang po UK variant ang ating binabantayan, binabantayan po natin lahat ng posibleng maging variant nitong coronavirus na ito at inuumpisahan na po natin itong tinatawag na Genomic Bio-Surveillance kung saan linggo-linggo na po tayong mangungolekta ng mga specimens sa ating mga sector na vulnerable at identified to be at risk para po makita natin kung talagang mag nagdi-develop na variants dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO:  May follow up po si Bonz Magsambol ng Rappler. Update daw po sa OFW in Hong Kong who was infected with the UK variant. Ano po ang result ng swab test ng close contact niya?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyong resulta ng mga swab test nitong mga close contacts nga nitong domestic helper sa Hong Kong ay atin pa hong hinihintay lumabas. If maaari nga kasama noong—katulad ng sabi ko kanina, it might be tomorrow or Friday. Isinabay na kasi sa genome sequencing iyong kanilang mga test na prinoseso. Ito pong ating kababayan na nasa Hong Kong who tested positive, apparently according to Hong Kong authorities she is in stable condition. She was admitted in a hospital but she is stable as of now.

USEC. IGNACIO: Okay. For Secretary Galvez po, question from Ron Lopez ng Agence France: Do we have information about the rehearsal for the vaccination next week as mentioned by Secretary Duque and Secretary Galvez? What exactly are we expecting to happen?

SEC. GALVEZ: Iyong pong ating tinatawag na rehearsal bukas nga po—sa next week, mayroon po kaming time in motion at saka iyong tinatawag na walk through na gagawin po namin. Bibisitahin po namin ang airport at titingnan po namin just in case i-simulate po namin iyong pagdating ng unang vaccine. Then from there, pupunta po tayo sa mga warehouse, sa cold chain at i-inspect po natin ang readiness ng ating RITM at the same time iyong San Lazaro at itong PGH dahil ito iyong mga lalagyan natin ng mga cold storage.

At titingnan din po natin iyong service providers, iyong Zuellig, Unilab at other cold chain associations na puwede natin pong gamitin na at cost, ay magamit po natin na para iimbak doon po iyong tinatawag nating mga milyun-milyon na mga vaccines. So iyon po ang gagawin po natin, iinspekin po natin ang mga different areas pati iyong vaccination centers at tayo din ay bibisita sa lahat ng mga cities at saka mga geographical areas para i-test natin at i-prepare natin po iyong ating mga LGUs.

So ang gagawin po natin unang-una, magkakaroon po tayo ng tinatawag na iyong playbook time in motion para at least makita natin iyong preparation natin na at the national level at the same time titingnan din po natin ang preparation ng local. So sa ano po natin ngayon, ang gagawin po namin by end of January, we will make sure na prepared na prepared na po tayo para po pagdating po ng unang vaccine na more than 50,000, iyon po ang gagawin nating national rehearsal.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Nica Hanopol ng Vera Files: Secretary Galvez, according to Journal 2019 report, RITM has four cold rooms and one walk-in freezer. Is that going to be enough to store the first batch of 148 million coronavirus vaccine doses expected this year on top of the routine immunization program? How many more cold room storage racks and walk-in freezers does it need?

SEC. GALVEZ: Nagkaroon na po tayo ng tinatawag nating logistic workshop noong December 16 at nakita po natin talaga na mayroon tayo pong kakayahan para sa mga cold chain for 2 to 8. Hanggang regional po iyan, iyong DOH po alam po nila iyan na talaga pong kayang-kaya po nilang i-handle ang 2 to 8 niyan kasi po iyang mga traditional vaccine.

Iyong negative 20 at saka negative 70, nagkaroon po tayo ng inventory – nakita po natin na kayang-kaya po ng Metro Manila at saka Cebu at saka Davao hanggang negative 70. May mga warehouse po tayo sa Davao at saka sa Cebu na can accommodate more than 500,000 vaccine to 1 million vaccine. At dito po sa Metro manila, nakausap po namin ang Zuellig at saka Unilab, kayang-kaya po nila iyong tinatawag natin na portfolio of different refrigeration. May mga pallet po iyan at saka mayroon silang tinatawag na mga mobile refrigerator na nag-cost nang more or less 15,000 to 20,000 dollars na nakikita po natin na iyon po, magagamit po natin.

Reding-ready na po tayo, iyong mga cold chain operators po natin ay talagang nagpupursige na matulungan po ang ating gobyerno na ma-store at ma-ready na po itong vaccine po na ito. At ito pong next week talagang iinspekin natin, iba-validate po natin iyong mga reports.

USEC. IGNACIO: Opo. For Usec. Vergeire po, tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Are we preparing for a possible surge in the number of cases in the country, specifically in Metro Manila, dahil daw po doon sa Traslacion, Usec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. Actually tayo po ay nag-umpisa nang magprepara noong first week of December pa lang dahil nakita na po natin na posible na tumaas po ang mga kaso because of the holiday celebrations. And sa ngayon nga po nakikita na natin na mga apat o limang araw na pong nagtatala tayo ng mga kasong more than one thousand. And we are trying to starting to prepare already by informing our hospitals especially iyong mga ospital po na kailangan mayroon ho sila noong dedicated beds na minamandato po noong ating batas ‘no na Bayanihan 2. So kailangan lang po naming magkaroon ng tulong ‘no, tulung-tulong ang ating mga ospital pati ang ating mga local government just to prepare kung sakaling tataas nga po ang kaso in the coming weeks dito po sa Enero.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Sheila Crisostomo ng Philippine Star: According to Dr. Rabi Abeyasinghe, there are contact tracers daw po whose contracts have expired and they are still waiting for renewal given the expected spike in cases. How is DOH addressing this? Ilan daw po ang contact tracers sa ngayon?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, sa ngayon po, nag-iimbentaryo pa lang uli ang ating Department of Health and the DILG how much contact tracers we have existing ‘no. But ang sabi naman po ng DILG noong atin po silang nakapanayam, ito po ay nagkaroon ng mga end of contract po kasi at hinahanapan pa rin po nila ng pondo para makapag-hire tayo uli. Nevertheless, the local governments were informed of this issue ‘no, ito pong mga contact tracers na nag-end ng contract and kami po ay naghikayat sa mga local government to hire muna itong mga contact tracers para po hindi maputol ito pong ating pagpupursige.

Pero kailangan po nating maalalahanan ‘no na ito pong mga contact tracers na binigay ng DILG noon ‘no na sila po ang nag-hire, ito po ay on top ‘no or an augmentation of the drifting cadre of the local government. So hopefully iyong mga cadre po natin na mga local government will continue ‘no, dito sa strategies na ginagawa natin especially for tracing contact and the local government can fill-in the gap while DILG prepares and looks for funds para po dito sa mga contact tracers na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Question for Secretary Galvez, mula po kay Celerina Monte: What is the likelihood po of extending the travel restriction which will end on January 15?

SEC. GALVEZ: Ita-tackle po namin sa IATF iyong amin pong magiging kumbaga proposal.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Kathryn Cruz ng CNN Philippines: How long will the immunity against COVID-19 last after Covovax from SII and Novavax or Coronavax from Sinovac has been administered?

SEC. GALVEZ: Itatanong po natin sa ano po. Sa ngayon po wala pa po tayong definite na sagot po diyan dahil po iyan po ay sa scientific question na ang panel of expert po natin ang makakasagot.

USEC. IGNACIO: Opo. From Mark Fetalco ng PTV: The World Health Organization said COVID-19 herd immunity will not be achieved this year. What is the DOH reaction on this? Ilang doses po ba ng vaccine ang kailangan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19? Usec. Vergeire…

DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Well ang sinasabi ‘no, kailangan natin to immunize or to vaccinate about 60 to 70 percent of the population in order for the population to achieve herd immunity. Kaya alam po nating lahat iyong global supply ngayon ng bakuna ay limitado. Alam din po nating lahat na may kumpetisyon dito sa pagkuha nitong mga bakuna na ito and we all know that deliveries of these vaccines will be in tranches. Hindi po magkakasabay-sabay iyan.

Kaya nga po tayo ay naglagay ng mga priority population. Ito pong mga priority population na atin pong inilista at nabigyan na ng pronouncement ng ating Presidente, ito po iyong tinatawag natin na at most risk or the most vulnerable among our population. So ang atin pong istratehiya, mabakunahan po natin itong mga vulnerable sectors of our population kahit hindi pa ho natin naa-achieve iyong herd immunity – at least we are assured that we can somehow prevent severe infections among these vulnerable group of people.

And iyong ibang bakuna naman nakakapagpakita rin po nang mayroon pong pagpigil ‘no, nitong pagkakaroon ng clinical disease, maibibigay din na proteksiyon iyan ng mga bakunang parating. So by prioritizing the population, kahit po hindi pa natin ma-achieve ang herd immunity, as long as we were able to cover those people whom we think are at most risk of getting this infection or getting severe infections and iyon na muna po ang ating goal for now until we can be able to cover this 60 to 70 percent of our population.

USEC. IGNACIO: From Pia Gutierrez for Secretary Galvez, iyong government’s timeline daw po in the rollout of vaccines including the creation of online master list, QR Code, training of 25,000 vaccinators, Secretary?

SEC. GALVEZ: Ang preparation po natin sa ngayong buwan, magkakaroon po tayo ng rehearsal and then nakita natin, magkakaroon po tayo ng mini rollout at the end of February. Dalawa po ang possible ano po natin ng tinatawag nating mini rollout, iyong COVAX facility at saka po iyong Sinovac na darating this coming February 20 – 50,000 po iyong iru-rollout natin. Iyon po iyong tinatawag nating mini rollout para sa rehearsal natin sa susunod na mga rollouts ng ibang vaccines.

USEC. IGNACIO: From Jam Punzalan ng ABS-CBN for Secretary Galvez: Secretary Roque said yesterday that Sinovac will be the country’s only vaccine option until June. However, you said in an interview daw po that Pfizer might arrive in the Philippines even earlier than Sinovac. Can you please clarify which COVID-19 vaccine options will we have and by when?

SEC. GALVEZ: Sinasabi ko nga po kanina na baka po mauna iyong tinatawag nating COVAX facility; at ang COVAX facility po, ang in-elect po nila is Pfizer. So with that, ang mangyayari po, ang Pfizer po ang mauuna for just in case mag-qualify po tayo and then next, iyong Sinovac and then maybe iyong AstraZeneca; nilalakad po namin ang AstraZeneca noong first quarter.

USEC. IGNACIO: Secretary Nograles daw po said yesterday that 13 million Filipinos will get COVID-19 vaccines from the LGUs and the private sector. Would you know the total of how many doses they have secured so far, Secretary Galvez?

SEC. GALVEZ: Based doon sa sinabi po sa amin na iyong private sector at saka po iyong LGU, they will sign tomorrow, more or less 17 to 20 million. So more or less, mga ten million na tao po ang mababakunahan po. At tayo po ay tutulong din po sa LGU na iyong mga pangangailangan nila na more or less 50 to 60 kami po ang magpupuno ng vaccine. So ang kailangan po natin talaga [garbled] po tayo ng more or less 140 na vaccine – 40 million – para mabakunahan po natin iyong 70 million this year.

USEC. IGNACIO: Opo. From Kristine Sabillo/ABS-CBN for DOH po, Usec. Vergeire, ano daw po ng DOH at expert panel sa paiba-ibang efficacy rates na lumalabas sa ibang bansa para sa bakuna ng Sinovac? Paano ito dapat i-interpret lalo’t maraming kumikuwestiyon dito dahil sa mas mataas ang efficacy rates ng iba daw pong bakuna?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So ito nga po iyong sinasabi natin na mayroon ho tayong proseso sa ating bansa na regulatory process kung saan lahat po itong bakuna na papasok, katulad niyan iyong Sinovac, mayroon hong mga claims na coming from other countries na nakita doon sa mga pag-aaral nila ganito iyong efficacy.

Pagpasok po dito sa ating bansa, pag-aaralan po lahat iyan, iyang mga claims na iyan; iyang pong mga isa-submit na mga publications, pag-aaralan po lahat iyan ng Food and Drug Administration natin, at kasama po nila iyong expert panel nila para makita nga po kung talagang safe ito, kung ito ay ligtas at magiging efficacious para sa ating mga kababayan.

Gusto ko lang hong i-emphasize, wala naman po tayong bibilhin na bakuna para sa ating mga kababayan na hindi siya efficacious at hindi siya ligtas. Kaya nga po ginagamit po natin itong mga processes of regulation for us to assure the public that we will only procure safe and efficacious vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Kapag nabuo na daw po iyong master list ng babakunahan ngayong buwan, ano po iyong susunod na hakbang para lang daw po mas maunawaan ng publiko ang proseso ng pag-rollout hanggang sa pagbabakuna sa mga LGU?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, kapag nabuo na po ang master list ng ating mga vaccine recipients, and then we are already ready ‘no. Kasi po lahat po ng ginagawa ngayong preparations are being done in parallel. Actually, iyon pong December pa lang ay nakapag-umpisa na tayo ng pagti-train sa ating mga healthcare workers. So the next step would be for us to prepare our facilities, to prepare our healthcare workers and to prepare this master list.

So ito po iyong master list kapag nabuo na siya and nakapagkaroon na po ng parang simulation ‘no, iyong sinasabi ni Secretary Galvez na parang magkakaroon ng walkthrough process para makita po natin iyong gaps, kung ano pa ho iyong kailangan natin. But definitely, lahat po ng components ay kailangan ihanda. Ang registry po ay isa lang iyan. Kailangan ihanda rin po ng iyong ating mga distribution system, storage system, iyon ating pong mismong base of vaccination, kung paano gagawin, kailangan din pong ihanda. So lahat po ito ay hinahanda na. At magkakasabay-sabay po iyan kasi po kapag nag-umpisa tayo mag-deployment, kailangan kumpleto na po lahat ng components na iyan.

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] … daw po sa EUA ng Pfizer, may bago bang nag-a-apply para sa EUA o clinical study?

DOH USEC. VERGEIRE: Nabanggit na po ni Usec. Eric Domingo noong isang araw na aside from Pfizer, ang AstraZeneca po at saka nagbigay na rin po ng intensyon ang iba pa hong manufacturers na magbibigay sila ng EUA as they complete the documents that they have.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Sabi po ng Sinovac will be able in February pero most LGUs daw po signed the contracts with AstraZeneca, bakit hindi po ini-encourage ang LGU to sign contracts with Sinovac kung iyon naman po ang available na maaga?

DOH USEC. VERGEIRE: I think, Usec. Rocky, Secretary Galvez can appropriately respond to this.

SEC. GALVEZ: Iyong ano nito, sabi ko na po kanina, na iyong lahat ng mga manufacturers ay hindi po talaga puwedeng dumiretso po iyan sa LGU. Noong kinausap po natin ang mga vaccine makers, ang pumayag ay ang AstraZeneca at ito pong Novavax at Moderna. So sa ngayon po ay ini-explore po natin ang Moderna at saka iyong Novavax, at pina-finalize po natin iyong mga tinatawag nating tripartite agreement, iyong pro forma. Kaya po sa ngayon, tatlo na po ang vaccine maker na puwede pong piliin ng ating mga LGUs.

Ito po ay hindi po namin pinipilit na iyong AstraZeneca po ‘no kasi mismo iyong AstraZeneca ang nag-open na puwede silang magkaroon ng tripartite with the government at saka LGU. Hindi po makakakuha ang LGU ng authority dahil kasi po EUA pa lang po kasi iyong ating mga vaccine. Ibig sabihin, hindi pa po approve iyan.

And then, ang ano po natin, iyong Sinovac, hindi po talaga… exclusive lang po talaga sa government.  Ang arrangement po natin sa Sinovac is G to G. Ang nag-a-arrange po niyan ay iyong embassy ng China para at least magkaroon po ng early deployment. At kami po ay nagpapasalamat kay Ambassador Huang Xilian dahil napaaga po ng February iyong kaniyang deployment.

So ngayon po ang LGU po, marami pong mga LGU na humihingi nga po ng ano sa Sinovac. At sa ngayon nga po, mayroon pa pong limang LGU na nagpa-priority na iyong Sinovac ay gagamitin nila kung ayaw ng ibang LGU.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Joseph Morong para po kay Usec. Vergeire: If we find the new strain here, how is that going to change our protocols to contain COVID?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, wala tayong masyadong babaguhin, Joseph. Ang kailangan lang natin gawin ay maging mas strict tayo doon sa compliance natin sa mga standards na mayroon tayo for health. Tandaan natin, wala pong nabago sa mode of transmission. Pareho pa rin po ang mode of transmission, that is through droplet. At ito pong sinasabi lang, itong mga variant na ito, mas nakakapag-increase transmissibility. Ibig sabihin, mas nakakahawa.

So ang kailangan lang hong gawin ng ating gobyerno, pag-igtingin pa rin pa rin po iyong ating PDITR [Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate] strategies; atin pong i-remind lagi ang ating mga kababayan that minimum public health standards, iyon pa rin po ang makapagsalba sa atin dito po sa sakit na ito. At lagi po nating tatandaan iyong apat na na ‘Ps’ at saka iyong tatlong ‘Cs,’ na kailangan po lagi pong may air circulation; kailangan po na nakasuot lagi ang facemasks at shield; kailangan po na may physical distance; at kailangan po bawas-bawasan po natin ang pagpunta sa matataong lugar; and of course, i-lessen po natin ang interactions sa mga tao by less than 15 minutes.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Galvez from Joseph Morong: What do you think is the benefit if President Rodrigo Duterte gets vaccinated in public?

SEC. GALVEZ: Maganda po iyon. Alam natin na ang ating mahal na Presidente, 91% ang kaniyang tinatawag na popularity survey at iyon nga rin po ang nakikita namin na iyong public uptake po ng ating publiko sa vaccine ay tataas po. Nakita po namin, si Presidente, sinasabi nga po niya na kahit na ano pong vaccine ang mauna, willing siya. Even iyong Gamaleya at saka Sinovac ay mabo-volunteer po siya na siya ang mauunang ma-vaccinate.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po ni Joseph: From the present pool of available vaccine, which vaccine would you prefer for the President?

SEC. GALVEZ: Sa atin po nakikita po natin, sinasabi nga natin itong COVID-19 vaccines, pare-pareho po ang epekto nito at saka mayroon po tayong tinatawag na, mayroong mga benefits ito sa mga tinatawag nating elderly at saka iyong mayroong tinatawag na complications na sakit. So kung ano po ang i-recommend ng doktor ni Presidente na maganda po sa kaniya being a senior citizen, iyon po ang gagawin po natin.

Pero ang ano po namin, kahit ano po ang nakita po namin na magandang ano, magandang darating at saka nakita po natin na pare-pareho naman po ito, dapat po sana Usec. Rocky tanggalin na po natin iyong discrimination sa ibang vaccine kasi nakita po natin ginamit na nga ng Singapore, ginamit na nga ng Malaysia, ginamit na ng Turkey at ng Argentina, bakit hindi natin gamitin? Eh mga advance country pa ito kaysa sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. From Sandra Aguinaldo for Secretary Galvez: Paki-clarify po kung ano po iyong negotiation with manufacturers ang nasa final stages na? Ambassador Romualdez mentioned in his tweet that the Philippines is in the final stage of negotiation with Moderna.

SEC. GALVEZ: Iyong pitong vaccine po na naano po natin, unang-una Pfizer, Novovax, J and J, Sinovac, Gamaleya, Moderna at inaano natin po, tinitingnan din po namin ang barato ay nakita po natin AstraZeneca… ito pong lahat ng ano po negotiated po namin na ano, negotiation is very successful. At ia-announce na lang po namin kasi hindi po namin puwedeng i-announce hanggang wala pang final conclusion kasi nag-request po iyong mga vaccine na huwag munang i-announce until such time na mayroon na pong term sheet na napirmahan.

Pero ang sabi nila, sabi na nila puwede nating i-announce na we are on the conclusive stage of redesigning the contract. So lahat po na iyan positive po lahat iyan kaya po nag-declare na kami na more than 148 million ang bakuna nating makukuha plus iyong 40 million po sa COVAX.  So more or less aabot po tayo ng mga 180 million doses.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Tina Mendez of Philippine Star para daw po kay Dr. Gloriani: Ano daw po ang reaction ninyo on the demand/recommendations of senators to allow private sector and LGUs to procure and distribute the anti-COVID-19 vaccines even under EUA? Do you support it and how can this speed up the protection against the virus for majority if not all Filipinos?

DR. GLORIANI: Okay po. Mayroon po tayong ginagawa sa gobyerno, na-explain na nga po ng ating Vaccine Czar so siguro dapat po ay sundin na lang natin iyon. Nabanggit na rin po ni Secretary Galvez na may tripartite agreement naman. So wala naman pong problema kung sino ang puwede, pero mayroon po tayong ia-align na mga proseso kasi po para hindi po magkakagulo. So iyong pagbakuna ay maganda po na nakakatulong ang LGU para sa akin/sa amin, pero po mayroong government plans na sana po aligned tayong lahat para hindi po tayo magkakaroon ng kumpetisyon o gulo even sa pag-deploy.

USEC. IGNACIO: Opo. From Reymund Tinaza ng Bombo Radyo for Secretary Galvez po: Bilang Vaccine Czar, anong bakuna po talaga ang mauunang darating at maituturok sa mga Pilipino? Pfizer po ba o Sinovac-made vaccine at para once and for all daw po ay maging malinaw?

SEC. GALVEZ: Ang mauuna pong vaccine na tatlong vaccine na mauuna sa atin either way na kung makapag-negotiate po tayo nang early roll out – unang-una Pfizer, pangalawa Sinovac and then AstraZeneca. Iyong iba po, iyong Novavax titingnan po natin na baka first quarter din po iyon. Iyong Johnson and Johnson baka maging available po iyon sa third quarter pa po. Iyong ibang vaccine na iyong Gamaleya, available din po iyan ng February pero pinag-aaralan po natin iyong efficacy niya kasi na report niya is 91%. So iyon maganda po iyon at saka gumagamit po siya ng tinatawag nating viral vector na classical na platform.

So sa ngayon po pinag-aaralan po ng ating vaccine expert kung tatanggapin po natin iyong sa Gamaleya. Pagka once na nagkaroon po talaga tayo ng—iyong report ay ma-submit po sa atin, they are willing to produce more or less 50 to 100 million dosage.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman mula kay Rosalie Coz ng UNTV for Secretary Galvez and Usec. Vergeire: Sabi po ni Senator Kiko Pangilinan, Sinovac with the 60% efficacy is 6 times more expensive than AstraZeneca which is in contrast shows 70% efficacy; Sinovac is more expensive yet having lower efficacy. Given this latest findings, we call on the DOH to cancel the purchase of Sinovac vaccine. Ano po ang reaksiyon ng DOH at ni Vaccine Czar Carlito Galvez at ano po ang maaaring maging dahilan ng gobyerno para kanselahin ang purchase ng Sinovac vaccine, ng ano pa mang brand ng vaccine supply?

SEC. GALVEZ: Ako po ang unang sasagot, Usec. Rocky. Sa negotiation po, mayroon tayong tinatawag na dalawang price po iyan – market price at saka COVAX price. Iyong COVAX price po bababa po nang mahigit na almost 300% ay bababa ang kaniyang price. Mali po iyong information ng ating mahal na senator dahil kasi po iyong Sinovac, kapresyo niya po ang Novavax, kapresyo niya po ang Gamaleya, kapresyo niya po iyong ibang vaccines. At iyong sinasabi natin na 5 times mali po iyon, ang ano po natin, hindi ko lang po mai-reveal ang lahat ng mga cost ng different vaccine. Nasa middle po ang Sinovac, mas mura po siya sa Moderna, mas mura po siya sa ibang mga vaccines ng US.

So iyon po ang ano po namin, nakikita po namin na very fair po iyong treatment namin po sa Sinovac dahil binagsak niya po iyong ano—tinatawag naming iyong ano, napakabait po ng ating mahal na Chinese Ambassador na binigay po iyong best price.

USEC. IGNACIO: Usec. Vergeire…

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, we agree ‘no. Iyon naman po ang ating posisyon sa gobyerno na ito pong mga negosasyon na ito, hindi naman po papasok ang ating gobyerno kung tayo naman po ay malulugi ‘no. And as we have said, we have our portfolio of vaccines na tinitingnan, hindi lang naman po isang bakuna iyan. And iyong sinasabi po ni Secretary Galvez na ito pong mga presyong nakikita ng ating mga kababayan ay mga market prices at mga iba’t ibang mga publications.

Pero sila po ay nakikipag-negotiate and according to Secretary Galvez nga po, aside from may pagkamura naman itong bakuna na ito, nakakapagbigay pa ho nang mas mababang presyo once government negotiate. So ito naman po ang ginagawa natin, is for government to be efficient as well.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Galvez, tanong po ni Vanz Fernandez: Once the secured vaccines have been delivered, what and how will be the infrastructure and logistics involved in distributing these vaccine to the priority targets for vaccination? 

SEC. GALVEZ: Nakalatag na po iyong ating supply chain na agreement at saka iyong tinatawag natin na preparation po natin. Noong December 16 nagkaroon po tayo ng tinatawag na logistics summit at pinag-usapan po natin iyong mga critical requirements lalo na iyong negative 20 at saka negative 70. Kaya nga po next week iba-validate po namin iyong mga information, bibisitahin po natin ang mga cold storage po natin sa RITM, dito sa UP, sa San Lazaro and also dito sa mga cold chain ng mga private – sa Zuellig at saka sa Unilab and other cold storage facilities.

So iyon po, naka-prepare na po tayo at iyong mga hospital ay binigyan na po ng tinatawag natin na mga meeting ng ating DOH sa pangunguna ni Usec. Cabotaje at magkakaroon po tayo nang pagsusuri at saka pagsisiyasat doon po sa mga areas, doon sa mga regions, different regions para at least makita po natin ang preparasyon.

Makakaasa po kayo na by January 30, well prepared na po tayo. Iyon po ang pinakaano po namin na iyong lahat po ng pangangailangan including the training ng mga vaccinators at katulad po na pati ng mobilization ng Armed Forces at saka PNP at lahat ng mga stakeholders ay gagawin po natin. Magpupulong po kami ng AFP this coming January 19 at magkakaroon po kami ng pagpupulong ng different LGUs bukas nga po. At mamaya po mag-uusap po kami ng ULAP para magkaroon nang preparasyon at balidasyon kung ano na, hanggang saan na iyong mga LGUs.

So iyon po, makakaasa po kayo na ang ating vaccine cluster sa pamumuno ng DOH at saka ng LGU, ng DILG at saka ng AFP, at saka sa ating mga vaccine task groups ay simultaneous at parallel po ang ating preparasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Galvez, tanong po ni Jo Montemayor ng Malaya: Any update po sa resulta ng meeting mo with COVAX facility representatives regarding Pfizer’s deployment in February? Will it push through? How many will benefit and from what sector or area?

SEC. GALVEZ:  Nagkaroon po kami ng magandang pagpupulong ni Madam Alice ng COVAX GAVI facility at magkakaroon nga po sila ng inspection this coming 19 to 29 of January. At magsa-submit po kami ng aming eligibility list this coming January 15. Though and deadline is January 18, we instructed all the participants na mag-submit sila ng mga requirements at saka mga annexes by Friday. So iyon po, kapag na-submit na po iyong January 18, iyong ating appeal, ay magkakaroon na po ang validation ang GAVI at i-inspect po nila ang area kung prepared tayo sa Pfizer. So iyon po ang pinakaimportante po doon, iyong tinatawag nating ultra cold chain facility po.

USEC. IGNACIO:  From Sandra Aguinaldo ng GMA 7 for Usec. Vergeire: Moderna CEO Stephane Bancel said their vaccine can provide immunity for at least a year. May we know the length of immunity of the vaccines that we are planning to buy? Gaano pong kaimportanteng factor ang length of immunity na kayang ibigay ng bakuna sa pagpili ng Pilipinas ng COVID vaccine, Usec. Vergeire?

USEC. VERGEIRE:  Yes, Usec. Rocky, when we talk about immunity na dulot ng mga bakuna, napakaimportante po iyan, kasi iyan po ang magsasabi kung how long the population can be immune or protected from this specific disease. Kaya nga lang po, ngayon pong sa current situation natin, isa pa rin po iyan sa mga titingnan at patuloy na pag-aaralan dito po sa pagro-rollout natin ng mga bakuna. Wala pa pong definite na mga ebidensiya para po dito sa immunity na sinasabi para dito sa bakuna na ito. So, hindi pa po natin talaga mabibigyan ng accurate na sagot kung bawat bakuna ay ilang taon ang mabibigay o ilang buwan ang mabibigay na immunity; ito po ay patuloy pa ring pag-aaralan.           

USEC. IGNACIO:  From Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN: Kapag po ba may negatibong epekto o side effects ang bakuna, aakuin po ba ng gobyerno ang pagpapagamot? For Usec. Vergeire.

USEC. VERGEIRE:   Yes po, ito po ay kasama doon sa programa natin ano and sa katunayan nga po mayroon po tayo noong National Adverse Effect Following Immunization Committee na ito po ang magmo-monitor para makita po natin talaga kung ang mga adverse reactions ay dahil talaga sa bakuna o may iba pa hong factor kung bakit po sila nagkaroon ng ganitong reaction.

Ito po ay mayroon na hong naihanda na rin ang ating gobyerno, itong tinatawag na mga benepisyo o  kaya ay mga pagsagot dito sa pagpapagamot ng ating mga kababayan na magkakaroon ng ganitong reaksiyon sa bakuna.

USEC. IGNACIO:  Okay. From Joseph Morong ng GMA 7: More details daw po sa tripartite ng 20 million tripartite with—so ilan po ang total natin ng AstraZeneca?

USEC. VERGEIRE:  I think, Secretary Galvez can appropriately respond to this, Usec. Rocky.  

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po more or less 20 million na po iyong doses na po iyong na-allocate at mapa-finalize po namin iyan bukas.

Marami pa pong nakalinya, mga 20 na mga LGUs ang nakalinya sa applications and kapag in-open po natin iyong Novavax at saka iyong Moderna kapag naaprubahan na po iyong ating contract ay puwede na po.

Ang maganda po doon, at least mayroon tayong tatlong portfolio, tatlong brand ng vaccine na puwedeng piliin ng ating mga LGU.

At ini-explain ko rin po bakit AstraZeneca ang napili po natin dahil ito po ang pinakamura, $5 dollars lang. At puwede po talaga na equitable access at the same time reputable po ang company niya, Oxford. At saka alam po natin na tumutulong po sa atin ang British Ambassador at saka iyong Foreign Minister po pumunta pa po dito para at least ma-ensure  na ang AstraZeneca ay magkaroon po ng dosages dito sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po sa ating mga kaibigan sa media. To Secretary Carlito Galvez, salamat po.

Secretary Carlito Galvez, mayroon naman po sa Dengvaxia issue, what is the national government doing to bring back public confidence and convince them to get vaccinated?

SEC. GALVEZ:   Nakikita po natin magiging confident po iyong ating mga kababayan dahil po iyong stringent regulatory po ay ginagawa po natin. Iyong panahon po ng Dengvaxia nakita natin na nagkaroon po ng pagkukulang sa information drive.

At ang nakita po natin, sinasabi po natin na mas maganda po tayo na medyo na medyo tayo nahuli ng one month, kasi iyong vaccine na gagamitin natin, milyun-milyon na ang nabakunahan noon. Kaya kami assured kami na safe iyon. Kaya kahit anong vaccine ang mauna, ako volunteer ako, kahit na anong mauna, magpapabakuna po ako.

USEC. IGNACIO:  Okay. Thank you, Secretary Galvez. Any final words naman po kay Director General ng Philippine Information Agency Ramon “Mon” Cualoping III?

DG CUALOPING:  Salamat po, Usec. Rocky. Bago tayo magtatapos, siguro kaunting paalala lang at abiso sa ating mga kababayan.

Gaya ho ng nasabi ni Secretary Charlie Galvez ang ating Vaccine Czar, parating na po ang mga vaccines ngayong first quarter, hindi lang po naka-focus sa isang brand kung hindi may negotiations din po ang national government para sa iba’t ibang mga brands, iba’t ibang manufacturers.

Pangalawa ho, we are on the right track. Nasa tamang timing lang po tayo pag-procure, sa pag-appropriate ng pera at paglatag ng vaccine sa buong Pilipinas.

Pangatlo po, nagtutulungan po ang national government at ang local government units. Nabanggit po sa nakaraang dalawang oras na ito ang paulit-ulit nating sinasabi na ‘mayroon tayong tripartite agreement.’ Ang national government po ang lead sa pag-procure ng mga vaccines kasi ho lahat ho ng vaccines ngayon ay naka Emergency Use pa lamang at wala pa ping naka-register sa buong mundo.

Pang-apat po, mayroon tayo… kagaya ng paulit-ulit nating sinasabi ‘portfolio of vaccines po.’ Safe and effective vaccines po ang ibibigay natin sa mga Pilipino alinsunod sa siyensiya, alinsunod sa mga standards ng Food and Drug Administration.

At panghuli po, kami po sa Presidential Communications Operations Office, sa Philippine Information Agency, kasama nila Usec. Rocky dito sa PTV, nakikiusap po kami na huwag po maniwala sa mga fake news. Ang dami-dami pong kumakalat na fake news, maniwala lamang po sa verified social media accounts, sa ating mga kaibigan sa private media at sa government channels. Puwede pong tingnan ang official Facebook pages ng PCOO, ng PIA at ng PTV, pati na po ang official COVID website ng pamahalaan ang www.covid19.gov.ph at ang www.laginghanda.gov.ph. Maraming salamat po at stay healthy po buong Pilipinas!

USEC. IGNACIO:  Kami po ay nagpapasalamat muli kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.; Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire; Dr. Nina Gloriani; at PIA Director General, Undersecretary Ramon Cualoping III sa ibinahagi po ninyo ng kaalaman.

Nawa’y nabigyang linaw po natin ang ilang isyu tungkol sa paparating na bakuna. Salamat po sa inyo at dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan pa rin po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio.

DG CUALOPING:  Maraming salamat po at magandang tanghali sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO:  Hanggang bukas po muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)