Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and PCOO Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR:  Magandang umaga, Pilipinas; halina at pakinggan ang mga programa ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang ating mapagtagumpayan ang krisis dulot ng COVID-19. Good morning, Rocky.

USEC. IGNACIO:  Good morning, Secretary Martin. Ngayong araw ng Biyernes kasama ang puwersa ang ng PCOO muli naming ihahatid sa inyo ang mga isyu ng bayan na mahalagang mapag-usapan; ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR:  Ako naman po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Upang sumagot sa mga tanong ng bayan, maya-maya lang ay makakasama po natin sa programa sina Usec. Benjo Santos Benavidez, Undersecretary for Labor Relations, Social Protection and Policy Support Cluster ng DOLE; Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura; at DTI Secretary Ramon Lopez.

USEC. IGNACIO:  Samantala, kung mayroon po kayong katanungan mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook page.

SEC. ANDANAR:  Sa unang tampok na maiinit na balita. Kinumpirma nga ng DOH na nakapasok na ang bagong variant ng COVID-19 sa bansa. Kaya naman Senador Bong Go nanawagan sa publiko na maging mas maingat at sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols.

(NEWS REPORTING)

SEC. ANDANAR:  Sa patuloy na pagbubukas ng ekonomiya ng bansa, marami pong mga manggagawa ang nakabalik na sa kanilang hanapbuhay. Atin pong alamin ang kanilang mga karapatan at proteksiyon habang kumakayod sa gitna ng pandemya mula mismo kay Undersecretary Benjo Santos Benavidez ng DOLE. Magandang umaga po, Usec. Benavidez.

DOLE USEC. BENAVIDEZ:  Magandang umaga din po, Sec. Martin; at sa ating mga tagasubaybay, sa sambayanang Pilipino, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Paano pa rin po natin sinisiguro na naipatutupad ang minimum health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pagawaan lalung-lalo na may bagong variant na ng sakit sa Pilipinas?

DOLE USEC. BENAVIDEZ:  Well, kung maalala po natin Sec. Martin, noong nakaraang taon bigla nga iyong pandemya, naglabas po kami together with DTI nung tinatawag po nating joint guidelines para siguraduhin iyong kalusugan at kaligtasan ng ating mga manggagawa sa pagawaan.

So, ngayon po may bago man tayong variant ng COVID-19 patuloy po ang ating mga Gawain, gawain po sa inspeksiyon para tingnan na patuloy na sumusunod iyong ating mga opisina at ating mga pagawaan ng minimum health protocols. Bukod po doon, Sec. Martin, bukas pa rin po ang aming mga linya para sa mga sumbong ng ating mga kababayan doon po sa mga kumpanya at mga pagawaang hindi po sumusunod.

At aside from that po, Sec. Martin, patuloy po kaming naglalabas ng mga advisories at guidelines upang linawin iyong mga protocols na kailangang ipatupad at kung papaano po ito ipapatupad ng sa ganoon ay mas mabilis po nilang maintindihan at malalaman ng ating mga kababayan kung ano ba talaga ang kahalagahan ng  pagsunod ng minimum health protocols.

SEC. ANDANAR:  Sa gitna ng ginawang inspeksiyon ng DOLE noong 2020, ilan po bang kumpanya ang compliant sa occupational safety and health standards at ano naman po ang ginagawang hakbang ng DOLE sa mga non-compliant na kumpanya?

DOLE USEC. BENAVIDEZ:  Well noong isang taon po, 2020, sa pakikipagtulungan na rin po ng ibang ahensiya ng gobyerno, ng DTI in particular as well as iyong ating mga local government units, kami po ay nakabisita ng mahigit na 72,000 na mga pagawaan at opisina para tingnan po namin iyong pagsunod po nila sa minimum health protocols.

At doon po sa mahigit pong 72,000, iyong initial visit po namin ay may 77 po iyong compliance rate. So ibig sabihin po noon, mayroon po tayong mga lampas po sa 23% na mga hindi po sumusunod.

Subalit ang proseso po natin ay turuan po sila at ipaalam sa kanila kung ano po iyong mga kailangan po nilang sundin. At dahil po doon sa mga technical assistance at technical advises na ibinibigay po natin lalung-lalo na doon sa mga maliliit po nating mga negosyo, sila naman po ay sumusunod. At after po noong magbigay po tayo ng mga technical assistance at advice naitaas po natin iyong compliance rate sa 92%.

So, kahit po sa initial assessment po natin ay mga paglabag, after po na matulungan po natin sila, ay nag kusa na rin po silang sumunod sa ating mga ipinapatupad na protocols. Pero mayroon din po tayong mga employer at mga negosyo na talagang medyo matitigas din po ang ulo, mayroon po tayong mga nakatakdang multa para po sa kanila.

Actually under Republic Act… iyon pong Occupational Safety and Health Standard Law, na naipasa po ngayong administrasyon, puwede po tayong magpataw ng multa sa halagang 10,000 to 100,000 kada araw po ng pag-violate po nila ng occupational safety and health standards. At hindi po mangingiming mag-impose ng penalty na iyon kung talagang sila ay magmamatigas na hindi po sumunod sa minimum health protocols.

SEC. ANDANAR: Ngayon pong tayo ay nasa gitna ng laban sa pandemya, papaano po isinasagawa ng DOLE ang pagsasanay ng mga safety officers mula sa mga pagawaan?

DOLE USEC. BENAVIDEZ:  Well, gusto ko munang tutukan iyong importansiya ng safety officers po natin. Mayroon po tayong mahigit na 1 million establishments at ito pong mga establishments na ito ay kailangan magkaroon ng mga safety officer. Sila po iyong katulong po natin sa pagpapatupad ng occupational safety and health standards.

Para po sila ay mas makatulong po sa atin, kailangan pa po natin silang i-train, pero alam naman po natin na iyong in person training ay hindi muna natin ginawa last year at sa tingin ko po ay hindi pa rin po natin ipapatupad iyong in person training sa taon pong ito. Kaya ang ginawa po natin at ang gagawin po natin ay halos po ng ating mga training ay online.

Dalawa pong mode iyong training po natin, iyong kina-conduct po ng DOLE mismo lalung-lalo na ng Occupational Safety ang Health Center at iyong mga ginagawa po ng ating mga accredited safety training organization, sila din po ay nagti-train ng ating mga manggagawa.  So, karamihan po ang ating mga training at mga nakatakdang training ay sa pamamagitan po ng online. At ito po ay libre, wala na pong babayarang fee or training fee ang ating mga manggagawa doon po sa training na ginagawa po ng Department of Labor and Employment.

SEC. ANDANAR:  Very good, so libre pala ito. Sa usapin naman ng labor standards, kumusta po ang naging compliance ng mga kumpanya hinggil sa pagbabayad ng mga ipinagpalibang holiday pay, gayon na rin po ang pagbabayad ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado noong nakaraang taon?

DOLE USEC. BENAVIDEZ:  Well ito po ay patuloy naming tinututukan. Based po sa report ng isa naming bureau, mayroon po kasing mga kumpanya tayo lalung-lalo na iyong talagang naapektuhan po ng pandemya, mga 9% po iyong deficiency rate. Ibig pong sabihin kung mayroon po kaming na-inspect na mga 100 establishments, iyong [unclear] ay hindi po nakatugon doon po sa itinatakda ng batas. Kapag ganito po ang ginagawa po namin ay ipatawag po sila sa isang conference at papag-usapin iyong mga manggagawa at employers para po magkasunod sa pagbabayad po noong deferred holiday pay as well as iyong 13th month pay.

At kung talagang sila po ay hindi pa rin susunod o hindi pa rin sila magkakasundo, mapupuwersa po ang kagawaran na mag-isyu ng isang order o desisyon nang sa ganoon ay ma-garnish natin iyong kanilang mga accounts o credits o kaya naman magkaroon tayo ng levy ng kanila pong mga property at ito po ay ibibenta po natin sa public auction kung saan ang proceeds po nito, iyon po ang ibibigay po natin doon po sa ating mga manggagawa.

SEC. ANDANAR: Usec. Ano na po ang status ng inyong panawagan sa IATF na isama rin ang mga minimum age earners sa mga mabibigyang prayoridad sakaling dumating na ang libreng bakuna kontra COVID-19?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Sec. Martin, ang pagkakaalam ko po dito ay isinasapinal na iyong listahan nang mga kababayan nating nasa prayoridad na mabakunahan. At kami po sa kagawaran ay nagmungkahi na maisama iyong ating mga kababayang minimum wage earner. Alam po ninyo at alam din po natin ito ng ating mga kababayan na ang ating labor force ay composed mostly ng ating mga minimum wage earners at katuwang po ng ating mga negosyante, ang atin pong mga minimum wage earner, ito po iyong bumubuhay sa ating ekonomiya

So, para po tayo maka-recover, para po maka-recover ang ating ekonomiya, kailangan po nating siguraduhin na ang ating mga manggagawa ay ligtas at malusog. So, kami po sa Department of Labor and Employment, bukod po doon sa mga frontliners na kailangan din po talagang ma-prioritize, ito pong mga minimum wage earners at ganoon na din po iyong ating mga OFW, ay kailangang mapasama din doon po sa priority list ng mga mababakunahan.

SEC. ANDANAR: Ang Professional Regulations Commission o PRC ay isa sa mga attached agencies ninyo sa DOLE at mandato po ng nasabing ahensiya ang pangangasiwa sa pagbibigay ng professional licensure exams. Ano ang ginagawa ngayon ng DOLE at PRC para muling maibalik ang pagsasagawa ng licensure exams sa gitna ng pandemya?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Opo, ang PRC po ay isa sa mga attached agencies ng Department of Labor and Employment. At kung maaalala po natin, last year. Sec. Martin, nagkaroon po tayo ng eksaminasyon para sa ating mga doktor, successful po iyong nagawa po nating licensure examination at doon po namin hinuhugot iyong aming mga plano for this year sa pagkakaroon po ng mga licensure examinations sa iba pang propesyon. Actually po, nakapag-publish na po ng schedule iyong PRC ng mga licensure examinations for this year particularly this quarter. Pero kami po, sa pamamagitan ng PRC ay patuloy na makikipag-ugnayan po sa Inter-Agency Task Force, sa DOH, sa DILG at sa mga concern LGUs para po maisakatuparan iyong mga plano po namin na magkaroon ng licensure examination sa iba pang mga propesyon.

Actually, may listahan po ako dito ngayong buwan, may nakatakda pong examination sa Medical Technologist at Sanitary Engineers. Ito po ay gagawin sa January 21 at 22 for Medical Technologist at iyong Sanitary Engineers naman po, sa January 25 and 26. Sa buwan po ng Pebrero mayroon din po tayong lima pang mga propesyon na magkakaroon po ng licensure examination ito po iyong Veterinary Medicines, Social Workers, [unclear] Consultant, Master Plumbers at Mechanical Engineers. At sa buwan po ng Marso mayroon pa rin pong lima ang nakatakda pong magkaroon po kami ng licensure examinations sa profession po ng foreign medical professionals, iyong mga physician po, respiratory therapist, medical technologist at iyong optometrist po natin.

Patuloy po nating binabantayan ang numero ng mga nagpopositibo at iyong status po ng ating COVID-19 para nang sa ganoon ay mas maigi po nating maplano sa mga susunod pong quarters ngayong taon pong ito ang ating pong mga licensure examinations sa iba pa pong propesyon.

SEC. ANDANAR:  Usec., ano na  lang po ang inyong mensahe sa ating mga kababayan?

DOLE USEC. BENAVIDEZ: Well, Sec. Martin, maikli lang po ang aking mensahe at marahil sa iba, tayo ay magiging sirang plaka na. Pero hindi po kami mapapagod na paulit-ulit pong paalalahanan ang lahat lalung-lalo na ang ating mga kababayang manggagawa na patuloy pong mag-ingat sa mga opisina at pagawaan, patuloy pong i-observe natin iyong minimum health protocols at kami po sa Department of Labor and Employment ay patuloy pong magbabantay, mag-i-inspect po kami at kung kinakailangan po ang aming tulong, hinihikayat po namin ang lahat, manggagawa man o ang mga may-ari ng negosyo na bumisita po sa aming tanggapan. Kailangan po natin ang isang malinis, ligtas at malusog pong mga pagawaan. Magandang umaga po sa ating lahat.

SEC. ANDANAR:  Maraming salamat po sa inyong oras. Usec. Benjo Santos Benavidez ng Labor Relations Social Protection and Policy Support ng DOLE. Magandang umaga po sa inyo, sir.

DOLE USEC. BENAVIDEZ:  Maraming salamat at magandang umaga din.

SEC. ANDANAR: Huwag po kayong kakalas magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

(COMMERCIAL BREAK)

USEC. IGNACIO:  Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Sa iba pang balita, mahigit isandaang residente ng Apayao na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo, hinatiran ng ayuda ng tanggapan ng Senator Bong Go at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan. Para sa detalye panoorin po natin ito.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dahil daw sa kakulangan ng supply ng baboy kung kaya’t mahal ang bentahan nito sa merkado. Ang tanong: Kailan babalik sa normal ang dami ng inaalagang baboy ng mga hog raisers sa bansa? Tayo po ay makikipag-ugnayan ngayon kay Chairman Rosendo So ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG). Magandang araw po!

SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO: Magandang araw, Usec. Rocky; at magandang araw sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin ko na lang po iyong tanong ng kasama natin sa media. Mula kay Clay Pardilla ng PTV: Nananawagan po ang inyong grupo na mabakunahan ang mga magsasaka. Gaano po karami sa inyong miyembro ang nag-signify na gusto na nilang mabakunahan as early as February; if ever, it will be Sinovac po, how important it will be?

SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO: Dahil itong sektor ng agrikultura is masasabi nating frontliner din, ang working force nito is around 11 million na tao ‘no. At itong ganito kadami is makakatulong ito dahil iyong food security natin, ito iyong mga nagpu-produce – ito iyong mga fishermen; ito iyong mga nagpu-produce ng gulay; nagpu-produce ng rice, palay ‘no; nagtatanim ng palay; nag-aalaga ng baboy; nag-aalaga ng manok and other hayop dito sa ating bansa.

At sumulat po kami kay Pangulong Duterte na ang hinihingi namin is iyong budget ng ano, mechanically deboned meat ‘no, iyong MDM, dahil bumalik na sa 40%, iyon ay makakakolekta ng 5.48 bilyones. Ito is makakatulong talaga sa sektor ng agrikultura. Ito ang igamit na lang na pondo para at least eh—kasi mahirap maghanap ng pondo. Ito is papasok ito ng ating bansa para doon sa mga de lata.

Ang explanation namin kay Presidente, iyong sulat natin, kasi sa isang 150 grams na de lata, 20% lang ng MDM ang inclusion rate niya. So ang total na increase, hindi makakaapekto doon sa presyo ng de lata. Sa 720 na presyo na 150 grams na de lata, ang increase lang is 52 centavos. Iyong 52 centavos na iyon, makakatulong naman sa 11 million na Pilipino.

USEC. IGNACIO: Opo. Papaano po ang magiging proseso in case po na talagang kayo po ba o iyong grupo ninyo ang magpu-procure ng bakuna para po sa mga magsasaka; at paano po iyong koordinasyon na nais ninyong gawin sa pagitan po ng pamahalaan?

SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO: Bale kasi iyong tariff na iyan, makukolekta ng government iyon ‘no, iyong 5.48 bilyones. Ito is kukunin na lang doon sa koleksiyon ng—siguro mag-isyu si Presidente ng executive order na i-allocate itong makukolekta doon sa MDM para matulungan ang ating mga sektor ng workers ng agriculture.

USEC. IGNACIO: Opo. Kamakailan po ay umabot na sa 400 pesos nga po iyong kada kilo ng karneng liempo o baboy sa mga pamilihan. Gusto po sana naming malaman, magkano po ba ang farm gate price nito upang malaman din kung mayroon bang nanamantala lamang o totoo po talagang mataas talaga ang presyuhan nito ngayon?

SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO: Dito sa Luzon ho, ang average price is nasa 240 pesos na. Iyong ibang area ‘no, iyong Southern Luzon ay 250 pesos na. So dapat ang presyo lang is nasa 350 ang retail price.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kasi nga po, ang nangyayari sa pamilihan ay umaabot po talaga ng napakataas na 400 pesos kada kilo. So papaano po ang gagawin ninyo diyan para mapigilan? May koordinasyon po ba kayo sa Department of Agriculture o maging sa DTI para po dito?

SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO: Usec. Rocky, iyong ano kasi, ang total industry ng magbababoy dito sa ating bansa is 30 million heads ‘no. So far, ang nawala na is 5.8 million heads. And iyong nandito sa Luzon, ang nawala almost 5 million heads kaya 70% ng nag-aalaga ng baboy dito ay nawala na. Iyong ang sinasabi natin.

Iyong figure kasi ng Department of Agriculture, iyong 350,000 na sinasabi nila, iyon ay ano lang iyon, iyon ay iyong natulungan nila ‘no. Ibig sabihin, worth mga one billion pesos iyong pondo na nilabas ng Department of Agriculture. Pero outside doon, mas malaki ang nawala na sa industriya talaga.

Ang nawala na sa industry, ang total industry kasi nito is 300 bilyones eh, 45% nito is 135 bilyones na ang nawala dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Sakali pong—kasi isa rin po sa nagiging usapin ay iyong pagkalat po ng African Swine Fever. So ano po iyong nakikita ninyong epekto nito sa mismong industriya, pati na rin po sa presyo at supply ng karneng baboy sa bansa?

SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO: Ma’am Rocky, hindi natin… namumuroblema tayo doon sa presyo pero sa tingin namin ay hindi ito makakatulong na doon  sa presyo ‘no dahil malaki na ang nawala dito sa industriya natin. For the past almost one year time, ang coordination natin with DA, iyong sa local na borders; ibig sabihin ay iyong industriya naglagay ng checkpoint kasama iyong Department of Agriculture, binabantayan natin iyong live weight. Kaya nanawagan kami noong 2019 na kung puwede ay bantayan iyong borders natin, iyong pagpasok dito sa ating bansa ng mga produkto ng frozen meat.

Kasi ito naman, hindi nag-start iyan kung hindi tinamaan iyong [unclear] dahil doon sa frozen meat kaya nag-spread ito sa ating bansa ‘no. But si Pangulong Duterte, nagpapasalamat tayo, nag-allocate siya ng dalawang bilyones, nag-earmark siya ng dalawang bilyones noong December 2019. Pero sa kasamaang palad, iyong initial na binigay niyang 500 milyones, hindi pa nag-start iyong border control natin. Ibig sabihin—iyong COVID nga ‘di ba iyong dumating, tsini-check natin iyong mga pumapasok na tao para alam kung positive; pero itong mga frozen meat, wala tayong pagsusuri. Ibig sabihin, tuluy-tuloy na pumapasok iyan, wala tayong testing. So ang nangyari, iyong mga frozen meat, nakakarating iyan sa other mga munisipiyo na diretso. So kaya iyong spread, hindi mahinto ng ating gobyerno dahil doon sa mga dumarating na ating frozen, up to now, hindi natin sinusuri.

And we hope, we hope na iyon ang gawin ng ating Department of Agriculture i-prioritize para at least ay mag-alaga ulit ang mga local industry natin. Kasi takot ang mga local industry, kung pumasok, matatamaan. Malaki ang nawala kasi sa ating industriya.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod nga po kasi sa pandemic na katulad ng sinabi ninyo at iyong African Swine Fever. May mga diskarte ba o alternatibong paraan po ba kayo na ginagawa ang ilan sa ating mga hog raisers para naman po maibsan iyong epekto sa kani-kanilang mga negosyo o marami na po bang napilitang huminto sa kanilang hanapbuhay o negosyo?

SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO: Usec. Rocky, ang tingin kasi natin ano eh, kung hindi maayos iyong borders na bantayan, mahirap isugpo itong African Swine Fever. Kasi itong virus na ito, ang frozen meat, umaabot ng 300 days hindi namamatay iyong virus na ito. So ibig sabihin kung frozen na iyan, puwede pa ring mag-spread iyan ‘no. And ang problema kasi natin kung hindi ito na-test, talagang takot ang mga raiser ‘no na mag-alaga.

At saka ang isang problema pa natin is iyong Visayas-Mindanao, nababalita na natin, tightened na rin iyong stocks doon kasi umaasa lang tayo ngayon sa stocks ng Visayas-Mindanao eh. Kung naisip ng Visayas na hindi mag-ship dito sa Luzon, malaki ang problema natin ‘no, kasi iyon ang pumupuno dito sa ating market dito sa Luzon.

So ang nakikita nating priority talaga, kasi sinubukan na natin sa ground; tinulungan ang Department of Agriculture na lahat na lalabas na light weight pinapa-test bago ilabas. Pero hindi ako nakahinto doon sa mga spread ng African Swine Fever.

USEC. IGNACIO: Pero ano po, sir, iyong measures na ginagawa naman ng inyong grupo para naman po makatulong makontrol iyong pagkalat ng ASF sa iba pang lugar sa bansa at paano po kayo nakikipag-ugnayan sa Department of Agriculture?

SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO: Yeah. For the past month ma’am nagku-coordinate kami, nag-create pa ang DA ng CFT para at least ay bantayan iyong dito sa mga local movement ‘no. Naglagay kami ng checkpoint pero hindi iyon ang nakita naming solusyon eh, ang solusyon talaga iyong borders entry natin, iyon talaga ang dapat na suriin para at least eh magkaroon tayo ng peace of mind na mahinto ito.

Kasi hindi lang itong diseases ang puwedeng pumasok eh, iyong other countries, iyong Avian Influenza, iyong AI ‘no sa chicken – European countries ang dami nang tinamaan. So kung ito ay pumasok ulit at hindi natin makontrol ito, pati iyong chicken industry mamumroblema talaga. So iyon ang panawagan natin sa ating gobyerno na tulungan sana na ayusin na iyong border entry natin. Maski wala pa iyong first border, ipa-test lang ‘no iyong mga produkto na pumapasok sa ating bansa.

Like other countries iyon ang ginagawa ‘no lalo na COVID eh puwede ring makontamina ‘no. Iyong sa China nga ‘di ba, iyong Belgium eh… iyong chicken wings eh nakontamina ng COVID kaya hindi nila tinanggap iyon. So dito rin sa atin dapat tini-test talaga iyong mga dumadating dito sa ating bansa to protect our local industry and to protect iyong ano ng ating contamination kung may COVID man na pumapasok dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay po niyan, sakali pong hindi makayanan ang supply ng local hog raisers ang demand, maaari po bang solusyon muli iyong importasyon ng karneng baboy? Ano po ang stand ng inyong grupo tungkol dito bukod pa doon sa sinasabi ninyo nga po na kailangan talagang ma-check iyong mga nanggagaling na karne sa ibang bansa, sir?

SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO: Yeah. For the past year hindi naman natin hininto iyong importation, wala tayong sinasabi na huwag mag-import. So tuluy-tuloy pa rin iyong importation pero ang nawala rito sa ating bansa, malaking problema iyon dahil malaking volume ‘no. Kasi ang supply natin, tayo ang nagsu-supply nang 90% ng supply ng meat, ng pork dito sa ating bansa so hindi talaga kaya ng importation.

Kaya ang suggestion ko noong 2019, dapat palawakin. Iyong ibang animal – na mag-alaga ng ibang hayop, kagaya ng rabbit ‘no, kagaya ng tupa, baka at kambing ‘no – iyon ang palawakin para at least may alternative protein tayo. Of course, iyong chicken eh marami naman nag-aalaga nito para at least ay may alternative tayong protein source na makukuha dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Kailan ninyo po nakikita sir na ang pagbabalik sa normal ng supply ng karne sa ating pamilihan?

SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO: Ah, wala tayong nakikita ‘no, kasi iyong Mindanao ay tinamaan na rin ng ASF and balita namin eh kung pumasok pa iyan sa Visayas, medyo talagang mabawasan pa itong inventory natin dito sa ating bansa. So ang masasabi lang natin, talagang iyong stocks is nababawasan and lahat eh natatakot pa rin na pumasok, kung hindi maayos iyong borders natin.

USEC. IGNACIO: Okay. Marami pong salamat sa inyong panahon, Rosendo So, Chairman po ng Samahang Industriya ng Agrikultura.

SINAG CHAIRMAN ROSENDO SO: Maraming salamat po.

SEC. ANDANAR: Samantala, sa puntong ito kumustahin natin ang lagay ng pagninegosyo sa bansa sa kabila pa rin ng umiiral na community quarantine. Muli nating makakasama sa programa si DTI Secretary Ramon Lopez. Magandang araw po sa inyo, Sec. Mon.

DTI SEC. LOPEZ: Magandang araw po Sec. Martin at saka kay Usec. Rocky, sa inyo pong tagasubaybay.

SEC. ANDANAR: Nabanggit ni NEDA Secretary Karl Chua na magiging mababa pa rin ang consumer demand kung hindi pa rin pahihintulutan ng gobyerno ang paglabas ng mga menor de edad. Kailangan na raw i-allow ang family activities para maka-recover ang ekonomiya. Sang-ayon po ba kayo rito, Sec. Mon?

DTI SEC. LOPEZ: Aba siyempre po. Alam ninyo last year pa lang ay tinutulak na rin natin iyan dahil under the GCQ na kung saan ang Metro Manila ay matagal nang napasailalim, hindi na po tayo nagluwag ng community quarantine. Ganoon pa man ay unti-unti naman tayong napayagang magbukas ng maraming sectors na para sa ekonomiya para makabalik nga ang mga trabaho at ang mga ibang negosyo na essential para sa ating ekonomiya, iyong sa economic recovery.

Subalit nakikita rin natin na kahit nagbukas itong mga sector na ito very limited, parang pigil pa rin ang kanilang recovery. Kasi iyon ngang mga customers na dapat tumatangkilik ng mga, let’s say mga tindahan, mga sa commercial areas at sa mga malls ay limited ang movement dahil nga mayroon pa rin tayong mga age restrictions. In other words, iyong atin pong merkado, iyong mga market na ina-address ang mga negosyo na ito, hindi po 100% tulad noong pre-pandemic. So limited po ang mga lumalabas, limited pa rin ang nagku-consume.

Dahil po diyan kung tayo ay talagang nagnanais makabalik at maka-recover ang ating ekonomiya, kailangan talagang dahan-dahanin din natin ang pagluluwag pagdating sa age restriction. Sa ngayon po ay dahil po sa ating mahal na Presidente at iyong atin pong Gabinete na nag-approve po last year, last quarter nang kaunting paglalawak ng age segment na allowed [garbled]. Naalala ninyo na noong in-allow na iyong from—dati ay 21 years old, in-allow na iyong 18 years old; ngayon from 15 years old up to 65 years old.

So, I think oras na—mataas naman ang kumpiyansa natin na nama-manage itong virus base sa mga statistics, mga numero ng ating mga COVID cases at bumababa pa ito ay dapat paghandaan na rin natin iyong unti-unti ring pagluwag nito. Ang sinasabi naman natin dahan-dahan lang at ang pinakaimportante naman talaga sa lahat ay basta sumusunod sa minimum health protocol ang kahit sinong lumalabas ng kanilang tahanan ay ma-manage pa rin natin ang pagkalat, hindi kakalat itong COVID virus.

Tulad na rin noong kung naalala ninyo noong pagri-reopen ng economy natin, sabi ay baka sumipa ang mga cases. Pero statistics will show na since June last year kahit unti-unti tayo or maybe dahil sa unti-unti at gradual tayong nagbubukas ng ekonomiya and safely – ibig sabihin may mga protocol na sinusunod – ang mga cases po hindi ho lumaki, in fact bumaba pa. So, I think it is manageable basta dahan-dahan at safe. Kaya ho balik tayo doon sa rekomendasyon, hindi po masama namang i-consider iyong pagpalawak ng age segment na papayagan na ring lumabas.

Importante po, dahan-dahan so kunwari ngayon 15 years old ang pinakabata, ay puwede nating unti-untiin, maybe 10 years old. Bakit 10 years old? Iniisip din natin, ito naman din iyong hindi malilikot kapag nasa labas. Ito rin iyong basta sumunod lamang sila sa mga protocol – naka mask, naka-shield – I’m sure sila rin mismo mag-iingat. At para nga—wala namang gustong mahawa, talagang napansin natin sa ating mga kababayan na talagang sumusunod naman sila dito sa mga minimum health protocol dahil wala namang gustong mahawa.

SEC. ANDANAR: Kumusta po ang implementation ng Stay Safe Seal?

DTI SEC. LOPEZ: Ngayon po, hindi pa ho talaga siya ini-implement dahil po iyong guidelines po natin diyan ay binabalangkas ngayon. Pero ang immediate po namin … niri-request natin, kinakampanya natin ay ang mga korporasyon ay puwede na nilang i-download itong stay safe system para ho sa kanilang opisina, sa kanilang factories, sa kanilang mga retail establishments, whether restaurant iyan or mga tindahang sa mga commercial areas para ho lahat ng mga tao na papasok, let’s say sa kanilang mga tindahang, grocery or supermarket or kahit anong establisyimento ay at least mayroon ng digital contact tracing system. Na kaya po iyan po iyong pinauna naman natin nai-download dahil po later on kapag mayroon na tayong nabalangkas sa Stay Safe Seal ay tuloy po iyong pangunahing requirement na naka-download na po sila ng digital contact tracing na tinatawag na StaySafe PH.

So para ho isang requirement na iyan, at simple lang naman din ang requirement. The other requirements will be iyong pagsunod sa minimum health protocol nung establisyimento na iyon. So iyan po iyong magiging main component ng guidelines po natin na pina-finalize ngayon at pina-finalize na rin kung ano iyong sticker na ilalagay sa bawat entrance whether check dito, ibig sabihin na-check itong lugar na ito at they are committing to maintain the health protocol para ibig sabihin ay safe po pumasok dito sa establisyimento na ito. So ito po iyong mga pina-finalize na lang. Pero again, ang immediate po ay ma-download iyong StaySafe app.

SEC. ANDANAR: Paano po natin babalansehin ang kaligtasan ng mga kabataan lalo na’t hindi sila kasama sa mga mababakunahan at may kinatatakutan pang mas nakakahawang variant ng sakit?

DTI SEC. LOPEZ: Well, again, number one po iyong talagang tuluy-tuloy na pag-iingat. Iyon bang sa health protocols natin, iyon po talaga ang unang panangga natin kahit sino po. Kahit iyong bata or tayo pong may edad na ay iyon po ang talagang panangga natin. Kaya ho tayo po ay nakakabalik na sa opisina, nakakaikot na rin, nakakapunta na sa labas dahil talaga namang oras na lumabas akong—in fact, kasi sa opisina, naka-mask po ako talaga at naka-face shield, except ngayong interview.

But, ito po iyong pangunahing requirement talaga para ho safe po, lalo na ang bata kapag lumabas. Sila po ay kailangang… iyan ang panangga nila. And eventually, sabi naman ng Pangulo, lahat din talaga ay mababakunahan, it’s just that ginagawa lang hong phase by phase.

SEC. ANDANAR: Gaano po kayo ka-optimistic na maraming negosyo pa ang magbubukas ngayong taon?

DTI SEC. LOPEZ: Well, compared talaga sa 2020, Sec. Martin, iyong sabi nga nila, hindi naman mahirap maging better iyong 2021 kasi nga masama talaga iyong nangyari noong 2021 – the height of mga lockdowns natin, halos walang economic activity. Sabi natin, less than half lang ang in-allow for certain months noong umpisa ng lockdown. So iyong ngayon po, talagang nakikita natin marami talagang nakaka-recover.

And statistic show na even noong as we were ending 2020, the fact na nagri-reopen na ang ating economy, dumami po iyong registration ng businesses versus previous year, lalo na po iyong mga digital. In-encourage din natin ang mga SMEs at mga maraming kumpanya to go digital, mag-e-commerce para mas lumago pa iyong kanilang mga inumpisahang mga negosyo. Kaya ho ang ating registration diyan ay more than 40 times – hindi 40% ha, 40 times. So dating mga less than 2,000, one thousand seven hundred ang registered noong as of March ay umakyat ito sa mga 88,000 towards November; so talagang 1,700 up to 88,000. So ang laki talaga nung nilaki ng mga nagrehistro lalo na dito sa online businesses po.

So talagang ang mga kababayan natin, likhaing entrepreneurial, humahanap ng paraan para talaga rin maka-survive. So maraming mga negosyo talagang nagsulputan diyan at mga nagrirehistro na bago.

SEC. ANDANAR: Nagpahayag po ng intensiyon ang mga malalaking kumpanya for the second batch of vaccine procurement para na rin sa kapakanan ng kanilang mga manggagawa. How about naman po iyong mga SMEs natin na may access din ba sila sa bakuna? Ano po ang tulong na maibibigay sa kanila ng DTI?

DTI SEC. LOPEZ: May access din po. Actually, si Secretary Galvez requested DTI last Monday, noong Cabinet meeting, na tulungan din sila sa pag-consolidate ng mga gustong um-order na mga SMEs. So iyon po ngayon ang gina-gather din po ng DTI, talking to different groups na iyong mga gusto ring sumali dito sa intensiyong bumili rin sila at ma-consolidate, mapagsama-sama ang kanilang mga requirement at volume para naman maisama sa  mga io-order or iyong oorder ni Secretary Galvez sa mga vaccine manufacturers. So iyon po ngayon ang nililikom po ng Department of Trade and Industry para din po dito sa mga SMEs na gustong magkaroon ng allocation at bumili rin po sila, iyon po ang ginagawa po ng DTI ngayon sa pagtulong din sa grupo nila Secretary Galvez.

SEC. ANDANAR: Ano po ang posisyon ngayon ng DTI sa isinusulong na charter change ng Kongreso, partikular po naman sa economic provisions?

DTI SEC. LOPEZ: Well, as a matter of principle naman po, DTI has always been in favor of iyong opening up the economy, liberalizing as many restrictions na pumipigil sa continuous growth and fast growth ng ating ekonomiya. Ibig sabihin, ito po iyong restrictions sa mga foreign ownership ng mga kumpanya sa iba-ibang industries. So to the extent na makakaluwag po ito sa pag-o-open ng mga restrictions na ito ay DTI po ay we’re very much in favor.

Ngayon kung magagawa naman po ito sa pamamagitan ng ilang pag-revise ng mga ilang batas and not necessarily constitutional amendment, ito po nakikita namin na mas madali moving forward dahil po hindi po—kapag pinag-uusapan po kasi talaga iyang charter change ay marami pang pangamba o isyu na lumalabas tulad ng nakikita natin ngayon. We have nothing against that lalo na kapag economic provision lang.

Ang worry lang namin is that given limited time na mag-i-eleksyon na ulit, baka lang kukulangin din ng oras diyan. But ang maaaring magawa natin siguro ay iyong mga naka-pending na batas that will open up, remove further restrictions para ganahan pang pumasok ang mga foreign investors in many sectors if we can open it up ay tingin natin iyon ang mas effective na pagtuunan ng pansin ngayon in this last few months ng current administration.

SEC. ANDANAR: Ang mensahe ninyo po, Secretary Mon Lopez, sa ating mga kababayan?

DTI SEC. LOPEZ: Well, sa atin pong mga kababayan, ang amin pong panawagan na ituloy lang po ang pagsunod dito sa mga health protocols dahil the more we are successful in opening the economy and still keeping low iyong ating mga COVID-19 virus cases, ito po will allow us further reopening. In other words, mapapagtuluy-tuloy natin iyong reopening. Kahit po mayroon itong mga new variant na ito, we’ll just have to manage very well para ho hindi maantala iyong ating pagbubukas dahil the economy cannot afford already to go back to tighter community quarantine. At marami pong magugutom, marami pong maghihirap, mawawalan ng trabaho at mas malaking problema po ang haharapin natin diyan.

Kaya po babalikan natin na para ho maka-reopen pa tayo, iyong success po ng ating health program na walang masyadong spread sa pamamagitan ng, again, pagsunod nga sa minimum health protocol, this will allow the economy to reopen and of course as we roll out itong vaccine ‘no, sabi ko nga… mayroon akong term diyan eh, iyong vaccine eh jab, ida-jab ka ‘no. So jab for jobs.

So iyon po iyong kailangan po talaga natin na pagka-dumating na iyong vaccine it will give us greater confidence and I guess a safer environment for all of us. And of course as we roll-out itong vaccine ‘no, sabi ko nga mayroon akong term diyan eh, iyong vaccine ay jab ‘no – dya-jab ka ‘no, so jab for jobs.

So iyon po iyong kailangan po talaga natin na pagka dumating na iyong vaccine it will give us greater confidence and I guess a safer environment for all of us. But again it will take time pero at least maumpisahan lang. It’s really a prevention so, it will allow us to reopen further and again makaahon tuluy-tuloy ang ating ekonomiya na nakikita na natin maraming signs of recovery. Kailangan lang magtuluy-tuloy and we expect 2021 to be much better than 2020.

Sa exports nakita na natin iyan, nag-positive growth na sa exports noong September at noong November. So itong taon na ito we’re looking at something like 12% growth sa exports at next year, 2022, about 15%. So that’s the recovery we are expecting sa exports. Even on investments, we expect a modest growth for investments at kahit pandemic last year, ang atin pong investments lumago po nang 1 trillion ang nag-register po sa BOI; 1 trillion compared to the previous year na walang pandemic na sumampa po sa record level din na 1.14. So konti lang ang difference, halos inabutan na iyong 1.14 record level, iyong last year na pandemic year.

So I think, ito po ay magandang pangitain and with all these economic reforms that CREATE Bill na hopefully mapapasa na po, malaking tulong po iyan sa SMEs. Sana po magtuluy-tuloy na ang pagpasa ng CREATE Bill na nagba-bicam po ngayon ang Senate at Congress para po talagang palakasin at pasiglahin pa ang ating ekonomiya together with other economic reforms.

So iyon po, magtulung-tulong po tayo rito, makakaahon tayo. At ipu-push lang natin, Sec. Martin, again iyong safety seal, unahin na lang muna iyong pag-download ng StaySafePH ng mga kumpanya at pati mga indibiduwal, tayo pong lahat kasi ito po iyong digital contact tracing na kailangan nating lahat para safe tayo at kampante tayong lumalabas ng ating tahanan – digital contact tracing app, StaySafePH. Thank you, Sec. Martin at Usec. Rocky.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat sa inyong panahon, DTI Secretary Ramon Lopez. Mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Dumako na po tayo sa pinakahuling ulat mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro mula po sa Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro

SEC. ANDANAR: Samantala, sa iba pang balita, market vendors sa Misamis Oriental at mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan Province ang binigyan ng tulong ng tanggapan ni Senador Bong Go at iba pang ahensiya ng pamahalaan. Para sa iba pang detalye, panoorin po natin ito:

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Puntahan naman natin si Jorton Campana mula sa PTV-Cordillera.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Jorton Campana.

USEC. IGNACIO: Mula naman sa PTV-Cebu, may ulat din si John Aroa.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Aroa.

SEC. ANDANAR: Mula sa PTV-Davao, magbabalita si Regine Lanuza.

[NEWS REPORT]

SEC. ANDANAR: Maraming salamat, Regine Lanuza.

USEC. IGNACIO: Dumako na po tayo sa pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base sa report ng Department of Health kahapon, January 14, 2021, umabot na sa 494,605 ang total number of confirmed cases. Samantala, naitala naman ang 1,912 new COVID-19 cases kahapon; 40 katao naman po ang bagong bilang ng mga nasawi, kaya umabot na sa 9,739 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Ngunit patuloy pa rin ang pagdami ng mga nakaka-recover na umakyat na sa 459,252 matapos makapagtala ng 746 new recoveries. Ang kabuuang total ng ating active cases ay 25,614.

SEC. ANDANAR: Iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po sa suporta ng Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Magandang tanghali Pilipinas, ako po si Usec. Rocky Ignacio.

SEC. ANDANAR: Mula sa Presidential Communications Operations Office, ako naman po si Secretary Martin Andanar. Magkita-kita ulit tayo bukas, dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)