Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar and Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, samahan ninyo kami ngayong Miyerkules ng umaga, July 21, 2021, para sa panibagong talakayan tungkol sa pinakamahalagang isyu sa bansa. Mula po rito sa tanggapan, makakasama po natin si Secretary Martin Andanar maya-maya lamang po mula po sa tanggapan ng AFP kaugnay pa rin po nang isinasagawang pre-SONA presentation.

Samantala, ako po si Usec. Rocky Ignacio mula pa rin po sa PCOO. Ngayong araw po ng Miyerkules, muli nating tatalakayin ang pinakahuling update tungkol sa pagpasok ng Delta variants sa Pilipinas. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Good morning, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: [OFF MIC] medyo mahina ang signal natin.

USEC. IGNACIO: Go ahead, Secretary Martin.

SEC. ANDANAR: Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky. Live tayo dito sa Armed Forces of the Philippines dito sa Kampo Aguinaldo.

Una sa ating mga balita: Kooperasyon at pagiging alerto ng publiko ang kailangan para makaiwas tayo sa Delta variant ng COVID-19, ito ang binigyan-diin ni Senador Bong Go para hindi na aniya tayo mag-back to zero. Narito ang report:

[VTR]

SEC. ANDANAR: Sa pinakahuling ulat ng Department of Health, muling nadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na nagpositibo sa mas delikado at mas nakakahawang bersyon ng COVID-19 virus – ang Delta variant. Isa nga rito ang na-trace sa Misamis Oriental, kaugnay iyan, makakausap po natin si Governor Bambi Emano. Magandang umaga po sa inyo, Governor Emano.

MISAMIS ORIENTAL GOV. EMANO: Magandang umaga po, Sec. Martin, Usec. Rocky at saka sa lahat po ng nakikinig sa atin.

SEC. ANDANAR: Governor, kumusta na po ang isang nagpositibo sa Delta variant diyan sa Misamis Oriental?

MISAMIS ORIENTAL GOV. EMANO: Sa awa ng Diyos po, ang mga kasamahan po niya sa bahay ay na-isolate na po natin started with one worker of a bank, and ito pong katulong niya. Tapos randomly, nakunan ng blood sample para doon sa padala sa genome and found to be positive doon sa Delta variant. And we’re still awaiting po sa results doon sa apat, bale lima sa bahay, and apat po ang kasama niya. So dalawa, nag-negative; dalawa, nag-positive. So iyong nag-positive na dalawa po, pinadala na po namin iyong samples niya diyan sa Manila, and hopefully pagbalik noon, we will be able to know if it has already spread within the family.

SEC. ANDANAR: Hanggang saan na po ang na-trace ninyo sa close contact sa labas po ng kanilang bahay?

MISAMIS ORIENTAL GOV. EMANO: From the index po, nasa stage na po kami pabalik kasi tatlong stages iyon eh. And doon sa contact tracing sa bahay, we were able to [unclear] mga nasa 80% ‘no, almost complete na po.

SEC. ANDANAR: Governor, ang tanong ni MJ Mondejar ng SMNI News, paano ninyo raw kukontrolin ang pagkalat ng Delta variant sa Misamis Oriental? Because I understand na talagang melting pot iyan, talagang daanan po iyang Misamis Oriental ng maraming mga kababayan natin na nagmumula sa iba’t ibang lalawigan.

MISAMIS ORIENTAL GOV. EMANO: Sa panguna po ni Chief Gerry Calingatan, ang PHO po natin at saka I appointed him as task force chief or head sa IATF Misamis Oriental po, we’re now awaiting for the results of the two na pinadala po, if ever, then nakahanda na po iyong plano and standby po and awaiting si Provincial Director Valones, si Lt. Col. Canatoy on how we will tighten the area po kasi Gingoog City. And within the province po, sa awa ng Diyos, ang ganda naman po ng takbo ng mga local government units at saka MHOs. And if ever it will be—if it spreads, then hopefully, then we can get the nod of the IATF national that we will request for an ECQ for the province of Misamis Oriental so that we will be able to put stricter measures po.

SEC. ANDANAR: Sa ngayon po, Governor, ilan pa ang active cases diyan sa inyong lalawigan, both COVID-19 at itong Delta variant?

MISAMIS ORIENTAL GOV. EMANO: Sa Delta variant, isa lang po iyong active case natin. And sa buong Misamis Oriental po, we have 340 active cases po.

SEC. ANDANAR: Ano po ba ang situation on the ground sa inyong probinsiya specifically sa Gingoog City at kinailangan itong isailalim ulit sa Enhanced Community Quarantine? At paano po iyong …iyon nga, iyong sinabi ko kanina, iyong labas-masok na mga kababayan natin sa inyong bayan sa Gingoog at sa lalawigan?

MISAMIS ORIENTAL GOV. EMANO: Sa ngayon po, medyo hirap talaga kaming mag-implement ng different quarantine levels. Unang-una po, kung galing po kayo ng western part Iligan, nasa GCQ sila. And noong una, MGCQ kami, buti na lang ngayon ay medyo nataas kami ng GCQ [unclear] not because gusto naming mahirapan iyong tao pero because of the Delta variant that we’re able to control and monitor. Tapos boundary din natin Cagayan de Oro, so ECQ sila. Then, hindi kasi contiguous iyong Misamis Oriental, napalagitnaan po namin iyong Cagayan de Oro. So from the Municipality of Opol papunta ng Municipality of Tagoloan, different naman po iyong quarantine level. And boundary po namin to the eastern most part of the province is Butuan City, iba naman din iyong quarantine level.

So nahihirapan po kami on how to implement because iba-iba po iyong quarantine levels. So ang ginawa namin, through the recommendation of IATF Chief Dr. Calingasan, kahit na nasa ECQ sila, MGCQ kami, we are trying to follow the guidelines doon sa ECQ. Example for dining area or public areas, kahit puwede kaming 50%, ginawa naming 30%. So we follow the guidelines para hindi na mahirapan that every time na tatawid sa boundary magpapabago-bago po iyong quarantine level.

And ang sitwasyon naman po, wala namang problema kasi kitang-kita naman na normal pa rin ang flow, normal pa rin iyong takbo ng negosyo, transportasyon, following the guidelines of the IATF. Ang medyo humigpit lang po, iyong City of Cagayan De Oro. Nagpasalamat po ako kasi dati sobrang very loose actually, previously very loose. Pero noong napunta noong isang araw iyong IATF national dito sa pangunguna ni Secretary Año, Secretary Duque and Secretary Lorenzana, at least ngayon may makikita ka ng mga checkpoints halos every three to five kilometers para mag-monitor talaga na iyong lumalabas, essential lang at saka iyong mga kailangan lang talaga na APOR.

SEC. ANDANAR: Makakatanggap po ba ng ayuda ang mga residente ng Gingoog lalo’t kalahating buwan apektado ang kanilang kabuhayan?

GOV. EMANO: Noong pumunta dito ang IATF national po, pagpasensiyahan na po, hindi po ako naimbitahan. Tapos, sabi nga po ni Regional Director Llacuna na ang host daw kasi is City of Cagayan De Oro. [Garbled] ako ni Mayor Cañosa at saka sa report naman nila Mayor Cañosa na magbigay daw ng tulong iyong DSWD po.

SEC. ANDANAR: Pero sa iba pang bahagi ng Misamis Oriental na ngayon ay nasa GCQ with heightened restriction, ano po ang nabago sa mga patakarang ipinatutupad ninyo diyan sa ngayon?

GOV. EMANO: So far po, the latest memorandum na ipinalabas po natin is, iyong even noong nasa GCQ kami sinusunod namin na guidelines iyong sa ECQ ng City of Cagayan De Oro.

SEC. ANDANAR: Governor, kumusta naman po ang pagbabakuna diyan sa Misamis Oriental? Sapat po ba o may kakulangan din kayo sa supply ng bakuna?

GOV. EMANO: Ito po iyong nagtaka nga ako noong napunta nga dito iyong NIATF, kaya nga gusto ko sana makausap sila pero iyon nga lang, very sad, hindi nga ako naimbitahan. Ang pakiusap ko dapat sana doon, kung titingnan nila iyong cases ng Misamis Oriental, kasi napagitnaan nga namin iyong Cagayan De Oro, kapag sumisipa iyong Cagayan De Oro, iyong dalawang bayan po na boundary ng Cagayan De Oro, umaakyat din. Kahit ano ang gawin namin, umaakyat talaga. Pagbaba naman ng kaso ng Cagayan, bababa rin iyong dalawang bayan ko. Sabi ko, bakit naman ang nabibigyan ng maraming vaccine iyong City of Cagayan De Oro na sumusunod naman, kasi sinasabi ko nga, napagitnaan namin iyong Cagayan De Oro po.

At hindi nga ako nabigyan ng pagkakataon, pero sabi naman ni Regional Director Llacuna ng DOH na sa susunod daw na delivery ng vaccines, dadagdagan daw po nila iyong alokasyon ng Misamis Oriental po.

Sa kakulangan po, yes, medyo may kulang talaga iyong vaccine po natin. Kasi aside from the health workers na 109% [sic] na tayo, sa senior citizens at saka sa comorbidities nasa 25% pa po tayo sa Misamis Oriental. Dahil nga, hindi naman siguro mahina sa bandang national point of view, pero iyong allocation ng Misamis Oriental, sobrang kakaunti. Pero kung titingnan mo naman iyong inoculation rate, pag-rollout pinakamataas nga sa buong Pilipinas ang Region X and isa iyong Misamis Oriental na medyo mabilis na mag-inoculate.

Kaya nakiusap kami at saka sumulat ako kay Regional Director Llacuna na kahit dagdagan muna ng kahit 20,000 doses iyong Misamis Oriental ay hopefully will help us contain and inoculate muna iyong mga bayan na malapit sa City of Cagayan De Oro and iyong Gingoog City po.

SEC. ANDANAR: Ang vaccine acceptance naman po, kumusta diyan sa Misamis Oriental?

GOV. EMANO: Sa awa ng Diyos po, ang local government unit po, regardless of any political affiliation, okay naman ang rollout. We just have two municipalities na may concentration po of a religion na nako-convince naman. In fact, I have this one mayor in Naawan, si Mayor Dennis C. Roa, ang galing po – ang lahat ng nagpapabakuna binibigyan niya ng 5% discount sa water system nila, may grocery silang identified and those who are vaccinated are given 5% discount sa purchases. So ang ganda naman po ng mga strategy na pinapalabas ng local government unit.

SEC. ANDANAR: Governor, mensahe o paalala po ninyo sa inyong mga kababayan diyan sa Misamis Oriental?

GOV. EMANO: Pakiusap po sa National IATF po, kay Secretary Duque na sana madagdagan iyong alokasyon ng bakuna ng Misamis Oriental. Sabi ko naman po sa unahan, sana maintindihan po nila na napapagitnaan po namin iyong Cagayan De Oro and every time na tataas iyong kaso ng Cagayan De Oro, sumasama po, tumataas iyong Misamis Oriental; and hopefully po mabigyan ng pagkakataon na madagdagan tayo ng bakuna.

Sa mga kababayan natin sa Misamis Oriental, ako po ay nakiusap na kung hindi naman importante iyong pupuntahan natin, hindi naman essential iyong lakad natin, kahit nga APOR kung hindi nga essential, pakiusap po na kung sana [huwag na lumabas ng bahay]. Mahirap po ang Delta variant, mas virulent po siya, 6 to 8 times more stronger and mas magkaproblema tayo kung iyong nangyari sa India, hintayin pa nating mangyari sa Misamis Oriental. Ako po ay nakiusap, naintindihan ko po, lahat tayo gustong maghanapbuhay; naintindihan ko po, ang dami na isang kahig, isang tuka. Pero sabi ko nga po, aanhin mo iyong damo kung patay na iyong kabayo. Nakikiusap po na sana pakinggan nila iyong mga local government units po nila.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat at ingat po kayo. Daghang salamat, Misamis Oriental Governor Bambi Emano. Mabuhay po kayo!

GOV. EMANO: Salamat kaayo, Secretary. Og mayong buntag sa tanan.

SEC. ANDANAR: Maayong buntag pod.

Usec. Rocky, maiwan na muna ulit kita at tayo ay makikibahagi muli sa ginaganap dito na pre-SONA forum sa AFP Commissioned Officer’s Club bilang paghahanda na rin sa 6th State of the Nation Address ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa Lunes. Magkita-kita tayo ulit bukas mga kababayan. Rocky, please go ahead.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin. Stay safe po.

Samantala, tumanggap ng tig-35 million ang mga bayan ng Lingayen at Binmaley sa Pangasinan at ang bayan din ng San Manuel sa Tarlac mula po sa Philippine Amusement and Gaming Corporation sa groundbreaking ceremony ng PAGCOR Multi-Purpose Evacuation Center Project sa mga nasabing lugar. Layunin ng proyektong ito na magkaroon ng maayos na masisilungan ang mga residente ng mga lugar na madalas tinatamaan ng mga kalamidad. Unang tranche pa lang po ito ng kabuuang grant na nagkakahalaga ng P50 million para sa dapat MPEC na itatayo sa bawat bayan.

Bukod dito ay nauna na ring pinagkalooban ng pondo ang Catanauan, Quezon LGU para na rin sa MPEC na itatayo sa Barangay Madulao.

Muli naman pong nag-ikot para bumisita at mamahagi ng tulong ang outreach team ni Senator Bong Go sa 14 na bayan ng Cagayan province. Dito ay umapela rin ang senador sa mga residente na magpabakuna na. Narito ang detalye.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dahil sa pagpasok ng Delta variant sa bansa, hindi lang po ang mga flights papasok ng Pilipinas ang mahigpit na binabantayan ng pamahalaan kung hindi maging ang ating karagatan lalo sa bahagi po ng Southern Mindanao kung saan matatagpuan ang tinaguriang backdoor ng Pilipinas na malapit sa Malaysia at Indonesia, ang itinuturing ngayong bilang bagong episentro ng COVID-19 sa Asya. Para po pag-usapan ang [garbled] Maritime Patrol ng Philippine Coast Guard, makakausap po natin ang kanilang tagapagsalita na si Commodore Armand Balilo. Magandang umaga po, Commodore!

PCG SPOKESPERON COMMO BALILO: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa lahat ng nanunood sa inyong palatuntunan.

USEC. IGNACIO: Opo. Unahin na naming itanong, Commodore, iyong mga nagpositibong crew ng isang tugboat na mula sa Indonesia. Kumusta na sila ngayon? Nakadaong pa rin ba sila ngayon sa may Albay? At papaano po natin sila minu-monitor?

PCG SPOKESPERON COMMO BALILO: Maayos naman po ang kanilang kalagayan. Ang maganda rito, Usec. Rocky, mga asymptomatic po itong mga tripulante ng nasabing tugboat. At patuloy po nating minu-monitor iyan kasama po ng local government unit ng Albay, ng Sto. Domingo. At ganoon din po, mayroon tayong isang medical doctor na nagmu-monitor din po sa kanilang kalusugan.

At iyong atin pong mga maritime security team ay patuloy pong umiikot at binabantayan po natin na hindi sila makalabas at hindi rin makapasok iyong mga kamag-anak, baka may gustong ihatid. Ang ginagawa na lang po natin ay sa Coast Guard na lang po ipaabot kung anumang tulong ang puwede nilang ibigay.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong ni Gerald Dela Peña ng TV5: Nagkaroon daw po ng breach of travel protocol doon sa nakababa sa Butuan at nakauwi na seafarer?

PCG SPOKESPERON COMMO BALILO: Pakiulit, Usec. Rocky, medyo hindi ko narinig iyong tanong.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po ay tanong ng ating kasamahan sa media na si Gerald dela Peña ng TV5: Nagkaroon daw po ba ng breach of travel protocol doon sa nakababa sa Butuan at nakauwi na seafarer?

PCG SPOKESPERON COMMO BALILO: Alam mo iyong pag-determine ng breach of protocol doon sa local DITF. Pero ako ay naniniwala, mayroong na-violate dito, at kasama kami sa Philippine Coast Guard na tumitingin kung paano pa natin maiwasan ang mga ganito sa mga susunod na pagkakataon.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang ikalawang tanong po ni Gerald dela Peña pa rin ng TV5: Ano raw po ang gagawin ng Philippine Coast Guard to tighten security and restrict entry para po maiwasan ang pagkalat ng Delta variant?

PCG SPOKESPERON COMMO BALILO: Patuloy po ang ating pagbabantay sa mga borders natin lalo na po dito sa border natin sa Indonesia at ganoon din po sa bandang Tawi-Tawi, ang border naman natin dito sa Malaysia. Wala tayong masyadong suliranin dito sa bandang GenSan at sa boundary ng Indonesia sapagka’t wala na po iyong border crossing agreement natin diyan, medyo matagal na. At ang babantayan na lamang natin ay iyong mga cargo vessel at saka po iyong hindi magpapaalam na maaaring lumayag papunta sa ating mga lugar dito sa Pilipinas.

Doon naman po sa Tawi-Tawi, mayroon namang authorized repatriation doon, pero po iyon po ay minu-monitor at istriktong tinitingnan iyong pagpapatupad ng mga quarantine measures sa pagbaba po nila sa Zamboanga. Mayroon po tayong dalawang barko dito sa mga major borders natin kasama po ng maliliit na assets. Nakikipagtulungan din po tayo sa AFP at sa PNP. At inuudyukan din po natin ang ating mga kababayan, ang publiko po na makipagtulungan sa mga law enforcement agency na maging proactive sa mga information na kung mayroon kayong nakita o maaaring papunta sa ating mga sasakyang pandagat na sa tingin ninyo ay suspicious at hindi po dadaan sa mga health authorities ay i-report po sa mga local government authorities, sa Philippine Coast Guard, sa PNP o maging sa AFP po. Kasama rin natin diyan ang Bureau of Immigration.

USEC. IGNACIO: Commodore, sa kasalukuyan ba ay talagang masasabi natin na wala pang nakakapasok dito sa tinatawag nating backdoor o sigurado po ba na wala pa ring nakakalusot at nakakapasok dito?

PCG SPOKESPERON COMMO BALILO: Sa kasalukuyan, Usec. Rocky, wala pa po tayong report na natatanggap na mayroong nakalusot, ano. Pero mabigat po ang tagubilin ni Secretary Art Tugade sa Coast Guard na talaga pong ipatupad itong pagbabantay sa ating mga borders, at iyan po ang gagawin natin kasama po ng ibang ahensiya ng pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Commodore, magkaiba po ba ang protocol kung Pilipino at banyaga ang pasaherong sakay ng isang barko?

PCG SPOKESPERON COMMO BALILO: Pareho po. Kung ano po ang pinaiiral doon sa mga repatriates, ganoon din po doon sa ating mga tripulante na kung saan galing ng Indonesia at ng Malaysia. Lalung-lalo na po kung ito ay mga tripulante ng isang cargo vessel, siguro mas mabusisi po at tinitingnang mabuti iyong kanilang kalagayan. Pero halos pareho po ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Gaano po daw kahalaga iyong magiging partisipasyon naman ng PNP Maritime Group para po mas paigtingin ang pagbabantay ng Philippine Coast Guard? At may coordination meeting na po bang naganap sa pagitan ng dalawang panig para sa magiging sistema ng inyong pagpapatrolya?

PCG SPOKESPERON COMMO BALILO: Hindi lamang po ang PNP ‘no, kasama rin po ang Armed Forces of the Philippines particularly po ang Philippine Navy. Kasama po natin silang umiikot, nagpa-patrol po at iyong kanilang mga assets ay nakalaan din po para magbantay dito sa ating mga borders. Of course, hindi lamang po sa COVID ano, dahil normal po iyong aming pagpa-patrol para po sa mga maritime violations sa mga law enforcement activities na pinaiiral po natin dito sa dalawang borders natin.

USEC. IGNACIO: Commodore, so sa ngayon po, paano naman daw po hinahati ng Coast Guard iyong resources ninyo sa pagbabantay pa rin sa seguridad sa West Philippine Sea at iyong nakatutok po dito sa Delta variant?

PCG SPOKESPERSON COMMO BALILO: Alam mo, Usec. Rocky, hindi lang din iyon ang problema namin ano. Talagang iyong mga tauhan namin everywhere pati po sa airport, sa mga OFW, saka sa returning Overseas Filipinos ay nandiyan po tayo. Pero nama-manage naman po ang ating mga resources at talaga pong 24/7 pinagdyu-duty natin iyong mga tao, although hindi naman din natin pinababayaan at pinagpapahinga, binibigyan ng vitamins at sapat na pahinga. Pero tayo po ay tsina-channel iyong ating mga resources properly kung saan po kailangan, binibigay po natin ang dedikasyon ng ating mga tauhan at ganoon din po ang ating mga equipment at ang ating mga barko po.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Mabuhay po kayo, PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo!

PCG SPOKESPERSON COMMO BALILO: Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, sa pinakahuling tala ng COVID-19 sa bansa:

Nadagdagan ng 4,516 ang bilang ng mga nagka-COVID sa bansa kahapon na sa ngayon po ay nasa 1,517,903 ang kabuuang bilang.
Habang 1,444,253 naman ang total recoveries matapos makapagtala ng 5,240 na mga bagong gumaling mula sa sakit.
58 naman ang mga nadagdag sa mga nasawi, para po sa 26,844 total deaths.
Kumpara noong isang araw ay bahagyang bumaba ang bilang ng active cases sa bansa na kahapon po ay nasa 46,806.

Sa nalalabing taon po ng administrasyong Duterte, nais ng Department of Labor and Employment na maisabatas na ang security of tenure bill o ang tinaguriang anti-endo bill na layuning protektahan ang interest ng mga manggagawang Pilipino. Iyan at iba pang labor issues sa bansa ang pag-uusapan natin kasama po si DOLE Secretary Silvestre Bello III. Good morning, Secretary.

Okay, babalikan po natin si Secretary Bello.

Samantala, puntahan po muna natin ang mga nakalap na balita ng ating kasamahan sa Philippine Broadcasting Service, ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, balikan po natin si DOLE Secretary Silvestre Bello III. Good morning po ulit, Secretary. Oh, sige babalikan po namin ulit si Secretary Bello. Aayusin lang po namin iyong ating linya ng komunikasyon kay Secretary Bello. Paumanhin po, alam po naming kayo po ay abalang-abala.

Samantala, sa inaasahan pong worst-case scenario na pagdami ng Delta cases sa bansa, naghahanda na rin po ang Baguio City sakaling makapasok sa lungsod ang mas nakakahawang variant ng COVID-19. Para sa detalye, magbabalita si Jorton Campana ng PTV-Cordillera.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si DOLE Secretary Silvestre Bello III. Good morning po again, Secretary Bebot?

SEC. BELLO: Hi, Usec. Rocky! Good morning.

USEC. IGNACIO: Good morning. Malapit na kaming magtampo sa inyo. Hindi, joke lang po! Secretary, nakausap po ba o nasulatan na ba ang Pangulo tungkol po sa pag-certify as urgent nitong anti-endo bill?

SEC. BELLO: Opo, I just signed the letter addressed to our President recommending the issuance of a certification to certify iyong ating endo bill pending before the Senate.

USEC. IGNACIO: Pero, Secretary, confident po ba kayo na bibigyan prayoridad ito ng Pangulo lalo’t nauna na pong sinabi ng Presidential Legislative Liaison Office na hindi ito kabilang sa mga priority measures ng Pangulo sa ngayon?

SEC. BELLO: Ewan ko where is that coming from. Pero remember ninyo, Usec. Rocky, iyan ang isa sa mga pangako ng ating Pangulo, iyong endo bill na iyan. In fact, as early as 2019, nag-certify na siya ng endo bill sa Kongreso. Dumaan sa House of Representative, inaprub. Pending sa Senado, inaprub din. Pagdating sa Pangulo dahil pipirmahan na niya, ang problema, maraming mga labor group na nagpoprotesta at ayaw daw nila iyong endo bill that was passed by Congress. On that basis, inano, vineto [veto] ng ating Pangulo.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano daw po iyong magiging kaibahan nito sa naunang ivineto [veto] ni Pangulong Duterte noong 2019, Secretary?

SEC. BELLO: Substantially, parehas lang naman, Usec. Rocky. Ang ano nga lang diyan, iyong tungkol sa what could be contracted. Ano iyong puwedeng i-contract out ng mga employers. Eh maganda naman iyong provision, iyong bill that was approved by Congress and the President was ready to sign it into law, ang problema lang, nagtaka nga kami na iyong labor group, may mga labor group nagpakita ng pagkontra doon sa bill na iyon. So siyempre ang ating Pangulo kaya niya pina-certify iyong bill na iyan ay para mapagbigyan iyong kahilingan ng ating mga manggagawa. Eh noong nagprotesta sila, ayaw nila, the President was compelled to veto the bill. Now, ipapa-certify na naman namin kay Pangulong Duterte and I am confident na isi-certify na niya and hopefully papasa na ito and hopefully wala nang magrereklamo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may tanong po iyong ating mga kasamahan sa media. Si May Pelayo ng UNTV tungkol po sa isyu ng Food Panda. Sabi daw po ng presidente ng riders’ group na kasama sa sinuspinde ng 10 years ng Food Panda, wala pa daw pong nangyayaring diyalogo kaugnay sa nangyari sa kanila. So, ano po ang gagawin ng DOLE dito, dapat din po bang may guidelines kung papaano daw po i-compute ang magiging share sa kita ng mga food delivery riders?

SEC. BELLO: Thank you, Usec. Rocky ‘no. Kung nakikinig si Rey, nagkaroon na ng dialogue. Nakausap na ni Usec. Benjo Binavidez iyong aming Usec for labor relations at napag-usapan na nila ang mga problema. In fact, out of the 2,500 riders, eh 36 na lamang po ang hindi pa bumabalik sa trabaho o sa pag-Food Panda. So wala na pong problema, ang ano na lang ay magkakaroon ng dialogue nitong Thursday. Bukas ang ano naman, ang Food Panda at mga riders together with our regional office para once and for all, aayusin na nila iyong problema.

Iyong tungkol sa ten years suspension, inamin naman ng Food Panda, May at saka Usec. Rocky, na glitch noong communication line, technical difficulty nila iyan. So naayos na rin iyan, kasi nga wala na iyong ten years suspension.

USEC. IGNACIO: Secretary, tanong naman po ni Sheryl Light ng SMNI News: May update na daw po ba sa inilabas ng IATF hinggil sa pagbabago ng quarantine protocols sa mga dumarating na OFW sa bansa partikular mula sa mga bansa na sakop ng inbound travel ban ng Pilipinas o iyong may mga high risk ng COVID-19 Delta variant?

SEC. BELLO: Mayroon na rin, Usec. Rocky, at mayroon na ring panibagong protocol. Ang protocol niyan ay kung vaccinated na iyong ating mga OFW, puwede silang umuwi at pagdating dito, ika-quarantine sila ng 7 days; and after days, ipapa-PCR sila at kung negative sila, puwede na naman silang umuwi. That is the latest protocol on our OFWs even for those coming from the eight restricted countries.

USEC. IGNACIO: Opo. Second question po niya: Bukod daw po sa UAE, ano pa po ba ang mga may schedule na repatriation flights para sa ating Overseas Filipinos na stranded mula po sa mga bansang may travel ban?

SEC. BELLO: Very good question. I am very happy to announce to everybody, especially to the relative and next of kin of our OFWs na July 26, mayroon tayong chartered flight from Oman. This will bring in about 350 OFWs and we have another scheduled chartered flight August 5 and August 10. Lahat ng mga paraan ay ginagawa na ng OWWA at ng DOLE in coordination with the DFA para maiuwi natin iyong mga stranded nating mga kababayan both in UAE and in OMAN.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang huling tanong po ni Sheryl Light ng SMNI News: Paano daw po masisiguro sa ginagawang repatriation flight ng pamahalaan para sa mga OFWs mula sa bansang saklaw ng travel restriction ay ligtas po mula sa Delta variant?

SEC. BELLO: Well, kagaya ng sinabi ko bago sila makasakay sa ating mga chartered flight, kailangan matiyak natin na bakunado sila. And aside from being vaccinated, dapat ma-PCR test sila at negative. The moment na negative sila, vaccinated sila, they can be accommodated dito sa mga chartered flight natin. Pero kagaya ng sinabi ko, pagdating dito, dadaan pa rin doon sa seven-day quarantine; and after seven days, mag-PCR; and if negative, puwede nang umuwi. I think this is the best protocol that could prevent the transmission of the Delta variant into our country.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Aileen Taliping ng Abante Tonite for Secretary Bello: Patanong naman po daw sa inyo kung mayroon bang ibibigay na financial assistance sa mga na-repatriate na OFWs at kung paano daw po makaka-avail nito?

Ayan, Secretary Bello, mukhang may napindot yata.

SEC. BELLO: Aside from iyong 10,000 na cash assistance, mayroon pa rin silang mga benefits coming from the National Reintegration Program of OWWA. They can avail of the cash assistance of 20,000 for a business. So lahat, maging iyong mga anak nila covered ng scholarship certificate. Ngayon iyong mga OFW na nawalan ng trabaho, kung may anak silang college student, they are entitled to 1 college student na mabibigyan ng Tabang OFW – p30,000 cash assistance from the fund given by President Duterte.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli na lang po, Secretary Bello, iyong tungkol naman daw po sa extension ng kontrata ng mga contact tracers sa NCR. Kung may tiyansa ba na ma-extend pa at least 3 or 6 months ang kontrata nila instead daw po ng dalawang buwan lamang?

SEC. BELLO: Actually, Usec. Rocky, noong nalaman namin na kailangan pa raw na i-extend iyong services ng mga contact tracers, pinag-aralan namin iyong aming financial capacity. At kinausap ko po si Secretary Duque and, of course, Chairman Benhur Abalos of MMDA and I informed him that we can only afford to extend the working hours of our contract tracers, 5,750 of them by two months. This will cost us P270 million. Iyon lang po ang aming kaya. Pero kung sakaling ma-approve iyong Bayanihan 3, we can afford to extend them, maybe for another 3 to 6 months.

USEC. IGNACIO: So ibig sabihin po, Secretary, kapag po naipasa iyong Bayanihan 3 ay magkakaroon ba ulit ng sapat na pondo para sa mga contact tracers?

SEC. BELLO: Actually, Usec. Rocky, hindi iyan para sa mga contact tracers, para sa mga informal workers covered under TUPAD Program. Pero we can realign ito to accommodate the request of Chairman Benhur to extend the services of the 5,700 contact tracers from our TUPAD Program by maybe 3 to 6 months

USEC. IGNACIO: Okay. Secretary Bello, maraming salamat po sa inyong panahon. Paumanhin, alam po namin kayo ay abalang-abala. Pero salamat po sa pagsama ninyo sa amin sa Laging Handa, DOLE Secretary Silvestre Bello III. Mabuhay po kayo!

DOLE SEC. BELLO: Mabuhay ka rin, Rocky! Anytime, huwag kang mag-alala, always laging handa. Thank you and good morning.

USEC. IGNACIO: Good morning po. Samantala, personal na binisita at hinatiran ng ayuda ni Senator Bong Go ang nasa isandaan at animnapu’t isang pamilya na nasunugan sa Barangay Matina Aplaya sa Davao City. Kasama rin ng Senador ang iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya po ng DSWD, NHA, DTI at iba pa. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Bagama’t wala pa namang Delta variant na na-detect sa Central Visayas, patuloy naman tumataas ang kaso ng COVID-19 infections sa rehiyon. Dahil dito, ilang panibagong hakbang ang ipatutupad ng DOH Region VII. May report si John Aroa ng PTV Cebu:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center