Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang araw po Luzon, Visayas at Mindanao. Narito pong muli kami upang maghatid sa inyo ng mga maiinit na balita; ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO. Maging maalam sa mga isyung pambayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa atin namang mga balita: Natapos na po ang palugit na ibinigay ng Meralco para sa unpaid bills ng kanilang costumers mula nang magsimula ang pandemya, kaugnay nito nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go na pairalin muna ng Meralco at iba pang pribadong kumpanya ang malasakit sa mga mamamayang Pilipino. Alamin ang detalye sa report na ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Tumungo agad tayo sa unang isyu, sa memorandum na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force for Managing Emerging Infectious Diseases noong Sabado, inaprubahan na nitong January 21st ang Philippine National Deployment and Vaccination Plan for COVID-19 vaccines. Ibig sabihin, asahan pong magtutuloy-tuloy na ang rollout ng pagbabakuna ng pamahalaan laban sa COVID-19 sa mga susunod na araw.

At para po pag-usapan iyan, kasama po natin si Vaccine Czar and National Task Force for COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez, Jr. Good morning po, Secretary Galvez.

SEC. GALVEZ: Good morning po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa lahat ng ating mga nanunood at nakikinig sa inyong programa po ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, update po muna tayo sa COVID-19 vaccine procurement sa bansa. Sinabi ninyo po sa Weekly Address ng Pangulo ay Nakapirma na po tayo sa 5-term sheets out of seven pharma companies. So anu-ano po ito; at kasama po ba diyan ang sa COVAX Facility?

SEC. GALVEZ: Hindi po natin masabi iyong mga pangalan po ng ano, but ang ano natin is maibalita po sa inyo na we were able to lock in 100 million doses po.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nag-advance payment daw po ba tayo sa mga paparating na bakuna na ito?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po ay ongoing iyong ating negotiations sa supply agreement, doon po magkakaroon ng tinatawag nating transactions on the mode of payments and deliveries. So ito na po iyong tinatawag natin talagang head of terms na talagang ito na po iyong tunay na ano po natin kung kailan po tayo magbabayad at anong araw or quarter magkakaroon ng definitive delivery.

So sa ngayon po ay tatapusin po iyan, ngayong buwan po iyong supply agreement. Kasama po dito iyong… titingnan po natin iyong end to end na storage facility na io-authorize po ng DOH at ia-accredit po ng ating mga vaccine manufacturers.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ito pong inaasahang darating ngayong Pebrero na nasa three million doses na bakuna, puwede po ba nating linawin kung kanino at saan po planong iturok iyong first batch po ng mga COVID-19 vaccine na ito?

SEC. GALVEZ: Nakikita po natin ang plano po natin sa national vaccine rollout sa 2021, ang pinakauna po na directive po ng WHO na magbibigay sa ating ng COVAX ay kailangan pong unahin po natin ang preservation ng ating healthcare system. So iyong COVAX Facility po ay nagbigay po sa atin ng positive favorable response na magbibigay po sila ng 177,000 na vaccine ng Pfizer at humigit-kumulang sa five to nine million na vaccine naman po sa AstraZeneca. At dahil po iyong ano, iyong kinumpyut [computed] po namin iyong more or less 35% po ng AstraZeneca ang darating po ay, more or less, three million ang darating po na vaccine from COVAX Facility this coming first quarter.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bilang pangunahin pong negosyador ng bakuna para sa Pilipinas, ramdam ninyo po ba iyong isyu ng mga sinasabing hoarding lalo na po ng mayayamang bansa?

SEC. GALVEZ: Nakita po natin totoo po iyon at nakikita po natin talaga na more than 80% ng ating vaccine global supply ay nakuha na po ng mga mayayamang bansa. At nakita po natin ngayon na, more or less, 53 countries lang ang nagru-rollout pero 70% ng rollout po na ito ay sa apat na mayamang bansa lang po.

At nakikita po natin talaga na… katulad ng mahihirap, at nakikita po natin na tayo po ay nagkukumahog po to get iyong volumes. But sa nakita po namin, dahil maganda rin po iyong pamamalakad ng WHO at saka GAVI ay nagkaroon po ng tinatawag nating equitable distribution din po iyong mga poor countries like us. At iyong mga manufacturers po naman ay nakikita nila na talagang mayroong tinatawag nating global requirement ang WHO at saka ang GAVI na talagang mabigyan din po tayo ng quota.

So iyong mga pharmaceuticals company po na, iyong seven pharmaceutical companies po ay napakaganda rin po ng kanilang mga policy na binibigyan po tayo ng priority. So iyon po, nagkaroon po tayo ng mga volumes at nagpapasalamat po kami sa kanila dahil hindi po rin kami iniwan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano naman po iyong salient points na naaprubahang Philippine National Deployment and Vaccination Plan for COVID-19?

SEC. GALVEZ: Ang magandang salient points po doon ay talagang binigyan po ng diin ang responsibilidad ng mga LGUs para po doon po sa mga tinatawag nating pre-implementation at saka implementation plan natin. Ang maganda doon ay iyong talagang step by step na gagawin po ng mga LGUs at paano magmu-mobilize ang mga vaccinators. Kaya iyon po ang nakita po namin na napakaganda po ang ginawa ng DOH at saka ng IATF at saka ng NTF na nai-publish na po natin itong National Vaccination and Deployment Plan.

So iyong pinaka parang salient po nito is early preparation; second is iyong tinatawag natin iyong preparation talaga sa ano, iyong paano gagawin, iyong step by step. At natutuwa po kami na talagang iyong mga LGUs po natin ay tuluy-tuloy po iyong tabletop exercises at saka iyong kanilang simulation exercises until they were able to perfect iyong system.

We would like to congratulate iyong Taguig, iyong Manila, iyong Pasig, iyong Makati at saka iyong ibang mga areas na nabisita po namin. Sa susunod po ay iyong Metro Manila at saka Cebu at saka Davao ay pupuntahan din po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa aprubadong plano na ito, ano naman po iyong pagkakasunud-sunod ng listahan ng mga mababakunahan at kasama rin ba dito iyong rekumendasyon na kasabay ng ating frontliners iyong daw pong pamilya nila sa priority list ng mga unang mababakunahan, Secretary?

SEC. GALVEZ: Sa priority list po natin, iyan po ay nakabantay po iyan sa WHO at saka DOH framework. Ang pinakauna po talaga na inuulit-ulit po natin na mai-preserve natin iyong healthcare system kasi nakita natin iyong ating mga doktor at ating mga nurses at saka iyong medical personnel and also medical support system sa ospital, ito dapat ang institusyon na ito ang ma-preserve po natin. Kaya po ang instruction po sa amin sa COVAX ay sila po muna ang uunahin po natin, iyong first million, iyong 1.9 million na ating health workers ang uunahin po natin.

Then second po iyong mga frontliners, iyong ating mga government institutions na gumagawa po ng services para po tuluy-tuloy po ang social services at saka iyong mga life-saving activities ng ating mga government frontliners.

At natutuwa po kami kahapon dahil kasi nandoon po kami at si Secretary Dominguez at ipinaabot po namin sa ating mahal na Presidente na kailangan din po natin iyong economic frontliners kasi po marami po tayong mahihirap na kababayan na nagtatrabaho sa mga kompanya, sila po ang uunahin po natin para at least ma-preserve po natin iyong economy at saka iyong tinatawag na—we build iyong consumer confidence.

USEC. IGNACIO: Secretary, nito pong nakaraang linggo ay maraming nabisitang LGU iyong CODE team para po i-check ang vaccination program nila against COVID-19. Naging maganda po ba iyong resulta nito at can you tell us, Secretary, may mga nakita pa ba kayo na dapat na pangangailangang i-improve base po doon sa national standards?

SEC. GALVEZ: Nakita po namin talaga – tuwang-tuwa po kami – dahil kasi talagang well-prepared po ang ating mga LGUs. Very excited po kami at saka sila na talagang nakita natin na kulang na lang po iyong bakuna.

Pinuntahan po natin ang Pasig, nakita natin ang leadership po talaga ni Mayor Vico at saka iyong ating mga mayors, iyong leadership ng ating Manila Mayor, Quezon City Mayor, talagang natutuwa po kami. Si Ma’am Belmonte talagang kasama pa ang mga tinatawag nating religious sector, they even volunteer to have their churches become vaccination place. Nakita namin talaga sa Taguig very perfect iyong kanilang model and also sa Manila, nag-prepare pa sila ng cold chain facility.

Prepare na prepare na sila, wala akong makita na puwede pa nilang magawa. Ang inano ko lang po sa kanila is iyong isa, kailangan pondohan po nila, madagdagan nila iyong mga vaccinators and also they have to make a vaccination centers na katulad ng ginawa natin, naggawa tayo ng Mega Swabbing Centers.

At nakita ko po iyong MMDA sa pamumuno po ng ating bagong MMDA chairman at saka ni GM Jojo Garcia, nakita po natin na maganda po ang preparasyon ng Metro Manila. So, titingnan po namin naman ngayon ang area ng Cebu at saka ng Davao in Mindanao.

At ang amin pong rekomendasyon sa ating mga LGU, early preparation po ang pinakauna. Second, dapat committed po tayo, focus lang po tayo. Maraming mga political noise at mga naninira sa atin pero ang gawin po natin, focus lang tayo na ang ating puntahan iyong sinasabi ni Presidente na talagang itaguyod natin itong vaccination plan natin at talagang ipursige natin na hindi tayo magkamali at talagang ito po ay ma-implement nang maayos at baka kapag ano po tayo na ma-save natin ang lives at saka ang ating economy ay ma-recover po natin.

USEC. IGNACIO: Opo, Secretary. Pero hanggang kailan ninyo po gagawin ito pong pagbisita na ito sa iba’t-ibang LGU? Mayroon po ba kayong deadline para sa submission din sa vaccination plan ng mga LGU?

SEC. GALVEZ: Yes, may deadline nga kami. Tsini-check namin iyong masterlist. Iyong masterlist nga, deadline namin iyong last January, titingnan namin iyong mga preparation. Kasi hindi namin sila bibigyan ng bakuna kapag hanggang hindi pa sila ready. Kasi kahit na anong gawin namin talagang ano—ayaw po namin na may masayang po na bakuna, so kailangan natin, importante when we inspect, tinitingnan po namin ang readiness nila, iyong capacity nila, at saka iyong kapabilidad ng leadership nila na makuha iyong tinatawag natin na herd immunity the soonest possible time.

Nakita natin nga iyong Manila, iyong Taguig, at saka Quezon City at saka iyong Pasig at iyong iba-ibang lugar, nagkakaroon nga sila ng tinatawag na dry run na mayroon silang 18,000 to 24,000 na talagang sinimulate [simulate] nila, na kaya nila per day, iyong daily. Nakita natin si Mayor Isko na talagang sunud-sunod iyong kaniyang simulation at nakikita po natin iyong ginagawa po nila ay talagang napakaganda.

So, iyong gagawin po naming inspeksiyon tuluy-tuloy po iyan until such time na iyong lugar nila ay ano. Ang gagawin po namin ay mga two weeks prior ng deployment, magkakaroon kami ng final check-up doon sa mga LGU po na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, update lang po, kasi dito kay Mayor Magalong, alam naman po natin na nag-insist po siya ng kaniyang resignation as contact tracing czar. Ang ilan po pabor dito dahil pagpapakita daw po ito ng tinatawag na delicadeza. Pero ano na po iyong pinal na desisyon ng Task Force? Would you say na he will still be an effective tracing czar despite po noong pag-amin niya na nagkaroon po ng lapses sa naging pangyayari?

SEC. GALVEZ: Nakita po natin na napakapropesyunal po ng ating mahal na mayor at bihira lang po sa mga ganiyang klase ng tao na very gentlemen at saka nakikita natin talaga na he is not afraid of accepting his mistake. Pero nakikita ko po, sa totoo lang po, wala po siyang katulad. Nakita namin na iyong paghihirap niya bilang tracing czar, nakita po namin mahihirapan po kung sinuman ang i-replace po namin.

Kaya nga po ang ano sa kaniya na sana iyong pagka-contact tracing czar it is a separate thing from what happened to Manor Hotel. Ano po, nakikita ko po iyan sir mayor, naranasan ko rin po iyong naranasan ninyo. Just stay put sir mayor at tayo po sama-sama po tayo, hindi po namin kayo iiwanan, mayor.

USEC. IGNACIO: Secretary, pero may inirekomenda po ng OCTA Research Group – kahapon po na-interview natin – na itaas daw po iyong quarantine classification ng Cebu dahil sa dumaraming bilang ng COVID-19 cases doon. Bakit po hindi siya napasama sa mga GCQ areas for February at alam naman po namin na bibistahin ninyo na po ang Cebu sa lalong madaling panahon, Secretary?

SEC. GALVEZ: Nandoon na po si Major General Feliciano. Siya po ang isa sa pinaka-ugat na nagkaroon po tayo ng magandang pamamalakad sa emergency operation center at nakita na niya po na mayroon po talagang pagkukulang.

Sa ngayon po, kumpiyansa po ako na kayang-kaya niya po iyan kasi for almost two to three months ay inayos niya po ang Cebu. So, ang pangako niya po sa akin ay sa two to three months po bababa po iyon. Nakita na po namin ang defect, I think in few weeks’ time kaya po natin i-manage ang Cebu.

USEC. IGNACIO: Opo. Atin namang kunin iyong mga tanong po mula sa ating mga kasamahan sa media, Secretary. Galing po kay Carolyn Bonquin ng CNN Philippines: Ano na po ang napiling kompanya para gawing cold storage facility ng bakuna?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po ang ating DOH ay kasalukuyang ini-evaluate at mag-i-inspect pa nga kami po sa Thursday ng iba pang mga cold chain facility at iyon po ay ibibigay na po natin ang announcement po sa DOH kasi considering that ongoing po iyong bidding at saka po iyong negotiation.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: May sapat po bang syringes o iyong hiringgilya, PPE, and other resources needed for vaccination ang LGUs at sino po ang gagastos nito?

SEC. GALVEZ: Ang ano po natin, ang national government po ang gagastos po ng mga tinatawag nating consumables at talaga pong ang ating TWG for Resource and Logistics Management ay talagang sa kasalukuyan po ay tinitingnan po ang mga pagkukulang.

Pero ang mga nakita po natin na iyong initial stages po natin ay mayroon po tayong husto na syringes and also consumables na nasa stock ng DOH. I believe mayroon pa silang more or less 30 million po na syringes and other consumables na deployed in different regions.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Carolyn: May enough bang healthcare workers for the vaccination? How do we ensure po that there’s a balance between the healthcare systems and need for manpower at iyon pong need ng vaccination program?

SEC. GALVEZ: Iyon po nakikita po natin. Kaya nakikita natin iyong IATF gumagawa ng mga hakbang para hindi tayo magkaroon o ma-deconflict natin iyong ating response at saka iyong vaccination program.

Sa ngayon po, nakita natin na well-managed naman po ang ating response at saka iyong continuing treatment po natin sa COVID ay hindi po nagkukulang ang ating mga pangangailangan sa mga vaccinators.

Natutuwa po kami dahil kasi sina Dra. Beverly Ho ay nagkakaroon po ng tinatawag nating continuous na town hall meetings at ang kaniyang mga ano po ay marami na pong nagbu-volunteer na mga medical professionals and also mga nurses, iyong mga tinatawag nating mga kumadrona, iyong mga midwife, and even mga pharmacists.

Talagang nagkaroon na po tayo ng tinatawag na town hall meetings and iyong private sector din po, iyong mga private hospitals, they are volunteering na iyong mga healthcare facilities nila ay magamit po natin.

Iyon din po pati nga po mga religious (sector) ay nagbu-volunteer po dahil kasi sa mga religious po natin, iyong mga Catholic – CBCP, at saka iyong atin sa Iglesia ni Cristo, mayroon din po sila na mga tinatawag na medical personnel na puwede po nilang magamit sa mga volunteers po natin.

So, nakita po namin, Usec. Rocky, we have more than enough vaccinators at ang ano rin po natin ang ating mga LGUs ay talagang we are projecting na magkaroon po tayo ng mga 25,000 vaccinators nationwide.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May na-sign na po kaya na supply agreement ang government for the purchase daw po ng COVID-19 vaccine? If yes, ano pong vaccine kaya ito at mayroon po kayang scheduled na dumating sa mga ito this month?

SEC. GALVEZ: Sa ngayon po ang inaano po natin, iyong supply agreement po na inaayos po natin iyong sa lima at we are on the advanced stage already on the negotiation and we are expecting na this coming end of month of February ay matapos na po lahat iyong details ng supply agreement.

Sa atin po, mayroon pong darating ngayong first quarter na more or less 1.5 million kasama po sa COVAX po ito. At hopefully magkakaroon po nang early rollout iyong ibang mga nakausap po natin dito sa second quarter.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second pong tanong ni Sam: Nabanggit daw po ni Secretary Dominguez on Monday na tina-target po ng government na mag-purchase ng vaccine for 92 million people kahit na 70 million lang po ang target na beneficiary para po sa government vaccination drive. So, ano po iyong plano ng government gawin sa excess na 22 million doses of vaccine kung sakali po?

SEC. GALVEZ: Ang nakikita po natin nagbabago po iyong datos ng ating herd immunity. Because of the new variant, nakita natin ay tinaas po ng ibang mga expert na hindi lang 70% but 85%. Nakikita po natin iyong aming desisyon na taasan po iyong volumes na 148 or even higher, kasama po iyong COVAX magiging 188 po iyan ay nakikita po namin kasi iyong tinatawag nating slippage or iyong shortfall or iyong problema noong tinatawag nating supply.

So nakikita sa Europe at saka sa ibang lugar sa US, nagkaroon ng shortfall of manufacturing because of iyong raw materials talagang hindi kaagad-agad po iyan na magagawa. At nakita po natin na only .5% pa lang ng population na 7.8 ang nababakunahan. At nakikita po natin na ang range lang po ng pagbakuna ay 6 million per day, global ano po iyon. So nakikita po natin talaga na kailangan damihan po natin iyong ating angkat para in case nagkaroon ng slippage, tamang-tama po iyong ano natin, na hindi po tayo magkukulang ng bakuna sa ating 70% to 80% na populated ano.

Kaya po tama po iyong ginagawa po ni Secretary Dominguez and we really want to commend him because talagang iyong kaniyang projection being financial planner ay nakikita niya po na talaga iyong mga possible variables na puwedeng mangyari. So iyong contingent ano po natin—at least mayroon po tayong contingent na 40 million doses – more than 40 million or 80 million doses na mayroon tayong pataan para iyong ating ano sakto lang po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Sam Medenilla: Sino daw po o anong government agency ang mag-i-ensure po na LGUs comply with the priority list of sectors and government kapag po nag-start na ang rollout ng COVID-19 vaccine this month? May magiging sanction po ba daw sa mga nasabing LGUs kung hindi sila makakapag-comply sa nasabing priority list?

SEC. GALVEZ: Ano po, lagi po iyan sinu-supervise ng ating mga CHDs, ng ating mga DOH Regional Offices. And then ang ano po natin is ang NTF at saka IATF po iikot rin po na talagang magkaroon po ng tinatawag na inspection para at least bubusisiin po natin iyong kanilang priority listing.

So ang ano po natin talaga ay nakikita po namin naman na iyong ating mga LGU ay sumusunod at hopefully kung magkaroon po tayo ng tinatawag na ano, i-integrate po natin iyong mga listing ay magkakaroon po tayo talaga ng validation.

So makakaasa po kayo na iyong mga LGU po natin ay talagang isu-supervise po natin at saka nakita po naman ang mga LGU is very, very responsible na talagang ang pinag-aano po natin is there is no privilege access o magkaroon talaga ng equitable access para priority pa rin po natin ay iyong ating mga poor communities at saka mga vulnerable at saka mga frontliners.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Can you please elaborate daw po on President Duterte’s claim that AstraZeneca is being held hostage by EU? How will this affect the Philippines procurement of the vaccine?

SEC. GALVEZ: Iyon po ang reyalidad na talagang ano po, sa ngayon nakita natin na may pulitika iyong UK at saka iyong EU kaya considering also that nakita natin na iyong British government is really limiting iyong the vaccine very much because of the UK variant. Nakita natin talaga na they are haggling for supply.

But pero sa atin po wala tayong problema dahil kasi ang supply po natin ay galing po sa plant ng Thailand at saka mayroon po tayo na another plant sa Serum Institute of India na puwede po nating—magkaroon tayo ng tinatawag na tie-up and possibly doon po ma-resolve iyong logistical requirement po natin.

So wala po tayong problema dahil kasi po ang atin pong ano, sa Southeast Asian distributor is coming from the Thailand manufacturing at bukas nga po ay magkakaroon kami ng inspection ng capacity ng kanilang planta.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Tuesday Niu ng DZBB: Nagkausap na po ba daw kayo ni Mayor Magalong makaraang siya magbitiw sa puwesto? Irrevocable po kasi iyong kaniyang resignation. ‘Di raw ba siya mananatili sa puwesto kahit ‘di ninyo tinanggap iyong resignation niya unless si Pangulong Duterte daw po ang mag-utos sa kaniya na huwag umalis o huwag magbitiw?

SEC. GALVEZ: Baka aakyat po ako ng Baguio this coming next weekend at titingnan ko, mag-uusap ho kami. At nakita ko naman, nag-uusap naman po kami ni Mayor Magalong at talagang halos parang magkapatid po kami niyan at talagang—hopefully we can get over this. And talagang sa amin, sa National Task Force, irreplaceable po ang kakayahan po ni Mayor Magalong at talaga pong hindi namin matanggap na talagang magbitiw siya as Contract Tracing Czar because he had done so much from the start na talagang we are groping for answers.

Malaki po ang naitulong ni Mayor Magalong, talaga pong minsan ginagabi na po kami nagta-transport sa iba pang mga lugar and sa ngayon nakita natin na iyong variant ng Bontoc at saka diyan sa Cordillera, siya po nag-aayos po niyan, diyan po sa bandang area pong iyan, siya po ang tumutulong sa lahat ng mga pangangailangan po ng ating mga governors saka mga mayors.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Dreo Calonzo ng Bloomberg: Ano daw po iyong 5 vaccine manufacturers that we have signed term sheets with and how many doses did we order from each one and when do we expect daw po to sign a final supply agreement with these vaccine makers especially daw po iyong Sinovac from which we expect shipments later this month?

SEC. GALVEZ: Sinabi ko na po kanina, because of may CDA hindi ko po masabi specific iyong lima pong vaccine at ang ano po natin eh I can assure you na iyong mga vaccine po na iyon is one of the most sought na vaccine. At maganda po ang nagiging result po niyan, iyong mga vaccine po na iyon at isa na po ito, iyong mga top 3 na mga vaccine na nasa market po ngayon.

USEC. IGNACIO: Pero update lang daw po doon sa China’s pledge to donate half a million vaccine doses and what vaccine brands will they give the Philippines and when do we expect to get them?

SEC. GALVEZ: Ang inaano po natin, inaantay lang po natin iyong EUA ng Sinovac. Sinovac po iyong donation po nilang 500,000. Once na nagkaroon na po tayo ng EUA at naaprubahan na po ng FDA iyong kanilang emergency use ay puwede na pong mai-transport dito anytime.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at maraming salamat sa muling pagpapaunlak sa amin, Secretary Carlito Galvez. Salamat po, Secretary.

SEC. GALVEZ: Maraming salamat po Usec. Rocky at mabuhay po tayong lahat sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Okay. Salamat po.

Samantala, naghatid-tulong ang tanggapan ni Senator Bong Go at iba pang ahensiya ng gobyerno sa mga residenteng apektado ng pagguho ng lupa sa isang copper mine sa Toledo City, Cebu noong Disyembre. Maraming kababayan kasi natin doon na wala pa ring kabuhayan dahil sa pagsasara ng minahan. Panoorin po natin ang report na ito:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Namahagi rin ng relief assistance si Senator Bong Go katuwang ang ilan pang tanggapan ng pamahalaan sa mga nasalanta ng Bagyong Vicky sa Agusan Del Sur. Higit 800 katao nakapag-uwi rin po ng ayuda sa Butuan. Panoorin po natin ito.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Samantala, umakyat na po sa 527,272 ang mga nakumpirmang kaso ng COVID-29 sa bansa, batay po sa inilabas na datos ng Department of Health kahapon. 1,658 po sa mga numerong ito ang bagong tala; 27 naman po ang nadagdag sa gumaling at 58 ang nasawi. Sa kabuuan, 487,574 na po ang mga gumaling at 10, 807 naman po ang nasawi dahil sa COVID-19.

Mahigit 400 po ang ibinaba sa reported cases kahapon. Ito na po iyong pangalawang araw ng pagbaba matapos maitala ang mahigit 2,100 cases noong January 30. Mahigit 1,500 naman ang nadagdag sa active cases na ngayon po ay may kabuuang bilang na 28,891, ito po ay 5.5% ng total cases.

Umakyat naman sa 88.5% ang mild cases at bumaba naman sa 5.3% ang asymptomatic. Ang critical cases po ay nasa 3%, 2.7% ang severe, samantalang .56% naman po ang moderate cases.

Bagama’t malapit nang simulan po ang pagbabakuna laban sa COVID-19 dito sa ating bansa, ang amin pa ring paalala, huwag po tayong magpabaya sa pagsunod sa basic health protocol – isuot ng wasto ang face mask at face shield, i–practice po ang physical distancing at regular na maghugas po ng kamay. Tuluy-tuloy din po ang aming panawagan sa publiko, na huwag pong tangkilikin at paniwalaan ang fake news, maging mapanuri po tayo sa mga content na ating nakikita at naririnig sa social media.

Para sa po sa inyong mga katanungan at concerns tungkol sa COVID-19. Maaari po ninyong i-dial ang 02-894-covid or kaya ay 02-894-26843 para naman po sa PLDT, Smart, Sun at TNT subscribers, i-dial po ninyo ang 1555. At patuloy rin kayong makibalita sa mga pinagkakatiwalaang sources ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Maaari po ninyong bisitahin ang covid19.gov.ph.

Ngayon naman po ay alamin natin ang ginagawang hakbang ng Lungsod ng Pasay sa kanila laban kontra-COVID-19. Kaugnay diyan ay makakausap po natin si Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano. Magandang araw po, Mayor?

Ipapa-check lang po natin iyong audio ni Mayor kung maayos na. Kanina nga po ay binabanggit na nga po ni Secretary Galvez ang kanilang mga pagbisita po sa mga LGUs para tiyakin po na talaga naman pong nasasaayos po ang planong pagbabakuna ng lahat ng LGU.

PASAY CITY MAYOR RUBIANO: Good morning. Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Mayor, ilang mga LGU na po iyong nabisita na nga po ng CODE team na pinangunahan po nila Secretary Carlito Galvez at maging po ni DOH Secretary Francisco Duque. Kayo po sa Pasay, nabisita na po ba kayo o nakatakda pang review-hin iyong inyong vaccination plan?

PASAY CITY MAYOR RUBIANO: Sa amin po, sa February po ang bisita nila at 3:00 pm.

USEC. IGNACIO: Ano po ang ginagawa, Mayor, na paghahanda para po talagang maging matagumpay po iyong vaccine rollout particular po diyan sa inyong siyudad, Mayor?

PASAY CITY MAYOR RUBIANO: Opo, kami po ay talagang naghanda, nag-meeting at ngayon po ang plano po namin ay magkaroon po kami ng 9 teams per vaccination sites and we have 14 vaccination sites, karamihan po dito halos lahat ay mga malalaking schools upang mas marami kaming ma-cater. At ganoon din po nag-simulation na rin po kami noong nakaraang linggo para makita rin po kung ilang oras tatagal ang tao sa per area, kasi po may waiting area, may registration, mayroon pong counseling, etcetera, etcetera hanggang po doon sa adverse events area.

USEC. IGNACIO: Mayor, si Secretary Galvez po ay natutuwa sa ginagawang paghahanda ng mga LGUs ano po. Pero sa inyo po, saan po ninyo iimbak iyong bakuna kung sakaling dumating na po ito sa inyong lungsod?

PASAY CITY MAYOR RUBIANO: Mayroon po kaming mga kausap na several companies na may cold storage at ngayon din po ay talagang may plano kami na inaayos po itong aming Pasay City General Hospital. Dahil alam naman hindi lang po ito one time, kung hindi tuluy-tuloy na po ito, taun-taon na po siguro. Kaya po sa loob ng aming Pasay Gen ay bibili din po kami ng mga refrigerator at gayundin po sa aming mga health centers.

USEC. IGNACIO: Mayor, ano po iyong katiyakan na lahat po ng mga residente diyan sa Pasay City ay talaga pong mabibigyan ng bakuna at paano po ito masisiguro talaga?

PASAY CITY MAYOR RUBIANO: Kami po, as early as September last year, mayroon na po kaming inilagay na budget para nga po kung sakali na magkaroon ng bakuna last year pa, mayroon na po kaming pangbigay upang maprotektahan ang aming mga kababayan.

At ngayon po nakipag-ugnayan po ako at nakipag-tripartite agreement with AstraZeneca, national government through LGU po at kami po ay um-order ng 275 doses of vaccines, dahil po pinag-aralan namin ang population ng aming lungsod, hindi naman po talaga ganoon kalakihan, pero po mayroon pong mga priority na pinapatupad ang ating DOH na kami po ay sumusunod.

Kaya po iyong numbers po na iyon, talagang safe na na mabakunahan at dahil ang national government ay talagang tutulong po sa mga meetings namin at pag-uusap, talagang ang ating Vaccination Czar na walang iba kung hindi po si Secretary Galvez, kasama ang iba’t ibang mga secretaries at members ng IATF, talagang sinisiguro po na iyon pong 70% of the population ay mabibigyan po talaga ng tulong ng national government. At iyong amin po, talagang augmentation pa din, kaya tiyak po mababakunahan ang mga mamamayan namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, ang Pasay nga po ay isa sa tinatawag nating major gateway po ng bansa ano po. Usually sa lugar po kasi ninyo maraming quarantine facilities dahil sa lapit nito sa international airport. So ano po iyong ginagawa ng pamahalaang lungsod to make sure po na contained talaga iyong virus sa mga lugar na ito lalo na at may balitang may tumakas daw po sa kanilang quarantine?

PASAY CITY MAYOR RUBIANO: Opo, kami po talagang ini-intensify namin, una iyong mga testing para makita po talaga iyong mga cases, nagma-mass testing pa po kami hanggang sa ngayon at lahat po ng mga cases ay tina-transfer namin agad sa aming mga isolation areas na talagang tinulungan din kami ng national government po dito.

At lalo na po ini-intensify din namin sa mga hotels at sa mga iba pong establishments na gawin nila iyong minimum health protocols at ito po ay sa pamamagitan ng mga ordinansa at ng mga EOs na amin pong inisyu at mayroon po kaming localized BIDA ito po iyong E.M.I. Habit, lagi po naming pina-flash sa aming FB pages at may mga tarpaulins, IEC [Information, Education and Communication] materials upang mapaalala sa mga mamamayan lahat na gagawin po itong E.M.I. Habit na ito. Ito po ay ‘E’nsure to always wash your hands, ‘M’ask is a must and ‘I’mplement physical distancing.

Tuluy-tuloy po ang pagri-remind nito upang mapaalalahanan at nagkakaroon din po kami ng hotel inspection at saka malls inspection katulong ang PNP, pati sa mga matataong lugar ay talaga ping pina-inspect kasama na rin ang mga barangay officials.

USEC. IGNACIO: Opo, alam po namin Mayor kayo po ay abalang-abala ano po, kasi paparating na rin ang bakuna at tayo po, ang Metro Manila ay nasa GCQ pa rin. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Mayor Rubiano. Mabuhay po kayo! Stay safe po, Mayor.

PASAY CITY MAYOR RUBIANO: Thank you po. Ganoon din po, Usec. Rocky, please stay safe. God bless us all.

USEC. IGNACIO: Samantala, inaprubahan na po ni Pangulong Rodrigo Duterte and Executive Order No. 124 na nagtatakda ng price ceiling po sa karne ng baboy at manok sa loob ng 60 araw. Ano ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa, tungkol po diyan makaka-usap si Undersecretary Ruth Castelo ng Department of Trade and Industry. Magandang araw po, Usec.

DTI USEC. CASTELO: Hi, Usec. Rocky, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po. Usec., paano po makakaapekto itong price ceiling na ito sa mga consumer at maging sa mga trader po ng karne sa merkado?

DTI USEC. CASTELO: Usec, iyong presyo niyan siyempre kapag nai-fix natin sa P300 at saka P270 iyong mas mababang part. Mas makakatulong sa consumers natin dahil mas marami ng mabibili iyong kanilang pera. Dahil malaki iyong maibabawas because currently ang presyo niyan nasa P400 at least iyong presyo per kilo. So, kapag naibaba sa P300, ma-implement natin na mabuti malaking maitutulong po sa kanila.

Sa traders naman Usec, pinag-aralan din iyan ng Department of Agriculture at nakita naman na puwede doon sa P300. Kahit papaano, may kita pa rin sila at the same time, malaking maibabawas na rin doon sa presyo natin sa retail market.

USEC. IGNACIO: Pero, Usec., maapektuhan din po ba ng price ceiling itong halaga ng processed meat?

DTI USEC. CASTELO: I’m sorry, Usec?

USEC. IGNACIO: Maapektuhan rin ba ng price ceiling itong mga processed meat natin, Usec.? Iyong halaga ng ating processed meat.

DTI USEC. CASTELO: Oo, Usec, kung ang raw material nila talaga itong pork, bababa rin ang presyo ng processed meat natin; pero kasi sa ngayon, specially iyong manufactured food products, hindi tayo sure kung dito nila kinukuha kasi karamihan ng raw materials nila imported abroad, especially iyong MDM [mechanically deboned meat]. So hindi—makababa kung local din ang supply nila, bababa talaga iyon.

Usec. may nakikita tayo na mga processed food na parang backyard production kagaya ng mga longganisa, tocino, iyan bababa ang presyo niyan.

USEC. IGNACIO: Good news po iyan, Usec. Pero para po sa Metro Manila, paano daw po iyong mga nasa probinsya na umaaray din daw po sa presyo ng bilihin?

DTI USEC. CASTELO: Usec, primarily ang pork kasi according to our regional operations group, sa DTI din, iyong kasama ng Local Price Coordinating Council natin sa regions. Ang presyo ng pork sa kanila per kilo is only P250 to P300 sa Visayas and Mindanao. So mababa iyong presyo sa kanila, although iyong presyo ng gulay, siguro depende din sa lugar, kasama na rin iyan doon sa tulong ng DTI sa Department of Agriculture para mai-monitor natin iyong presyo at matulungan din silang maibaba.

Mayroon tayong isang group dito sa DTI na inaaral na iyong logistics at saka trading activities ng agricultural products para ma-pinpoint kung saan tumataas ang presyo at matulungan, ma-address natin siya para maibaba.

USEC. IGNACIO: Usec. samantala inaasahan po ba ninyo na dudoble naman iyong contribution ng e-commerce sa ekonomiya ng bansa sa taong 2022. So paano po magiging posible ito? Medyo naiba na po tayo ng ano ng ngayon… ng topic.

DTI USEC. CASTELO: Naku, Usec, it’s a huge industry. Alam naman natin na-e-excite tayong lahat kapag pinag-usapan ang internet shopping; iyan basically iyong e-commerce natin di ba, internet retail so it’s a huge industry that we’re really trying to regulate para makatulong sa economic growth natin. Dahil siyempre kapag registered itong mga sellers at registered sila not only iyong kanilang business name or kanilang corporation kung hindi pati sa LGU at sa BIR especially, siyempre malaking income iyan para sa national government, malaking taxes rin iyong babayaran.

Kaya ang advise sana natin sa consumers natin, as much as possible ang i-patronize nilang online sellers iyong rehistrado na para naman walang nalulugi, nagbabayad sila ng tax doon sa kinikita nila from the buyer at the same time iyong buyer natutuwa din because not only that he is helping the e-commerce industry to grow, kung hindi nakukuha niya rin iyong goods na gusto niya and it’s easier for consumer protection. Kasi alam natin kung sino at saan sila hahanapin kung sakaling magkaproblema doon sa transaction nila.

USEC. IGNACIO: Pero Usec., tumaas ba o nakapagtala ba ang DTI ng dumami ang mga nagrereklamo tungkol dito sa online at offline businesses ngayong taon?

DTI USEC. CASTELO: Tumaas, Usec. For 2020, we reached around 16,000 complaints eh na na-received natin during the height of the pandemic compared to 2019 na we received only around 2,500 complaints. Ngayon as of January 31, naka-received na tayo ng almost 1,200 complaints. So talagang makikita mo doon sa number of complaints, naging aware din iyong mga tao na mayroon tayong consumer protection and at the same time dumami rin iyong mga nag-o-online shopping. Tumaas rin ang number ng registered businesses natin at least for DTI sa single proprietorship, kasi iyong business name nila dito sa atin ire-register, tumaas rin as of 2020 December 31, nasa 80,000 ang registered businesses na online. So, makita natin na nag-increase talaga ito and that is why I am saying it’s a huge industry na malaki ang maitutulong sa ekonomiya natin.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po impormasyon, Undersecretary Castelo. Mabuhay po kayo at stay safe.

DTI USEC. CASTELO: Ikaw din, stay away from COVID, Usec. Thank you.

USEC. IGNACIO: Thank you po. Samantala balita po mula sa Cordillera Region, Spring Festival Celebration sa Baguio City, hindi na muna matutuloy. Si Eddie Carta nagbabalita.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Eddie Carta ng PTV-Cordillera. Samantala, alamin na natin ang pinakahuling sitwasyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa, narito si Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas. Bukod po sa UK variant ng COVID-19, local mutation sa Cebu posible ayon sa DOH Region VII. Ang buong detalye hatid sa atin ni John Aroa – John?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Daghang salamat, John Aroa mula sa PTV-Cebu. Sa ordinansa sa pagpapatupad ng COVID-19 immunization program, inaasahang maipapasa na sa third and final reading. Ang balitang iyan ihahatid ni Regine Lanuza ng PTV-Davao.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat, Regine Lanuza ng PTV-Davao.

Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19. Mabuhay po kayo.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtutok upang alamin ang mga mainit na balita. Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Magkita-kita po muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)