Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas.

Bakuna, body cameras at basura, ilan lang po iyan sa mga usaping tatalakayin natin ngayong araw ng Miyerkules, July 14, 2021; ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Pasado alas siyete y media kaninang umaga ay Lumapag sa NAIA Terminal 3 ang dagdag na one million doses ng CoronaVac vaccine mula sa Sinovac Biotech ng China lulan ng Flight 5J671. Ito ay bahagi ng 7.5 million doses na nai-commit ng Chinese pharmaceutical company na idi-deliver sa Pilipinas ngayong Hulyo, ayon na rin sa naging pahayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., noong Lunes ng gabi.

Bukas naman ng hapon ang inaasahang pagdating ng panibagong batch ng Moderna vaccine sa bansa. Ito ay may daming 250,800 doses na paghahatian ng pamahalaan at pribadong sektor.

Samantala, Senator Bong Go bumisita sa Laurel, Batangas para magkaloob ng agarang ayuda sa libu-libong evacuees na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa patuloy na pagdami ng mga bansang labis na tinamaan ng pagkalat ng mga nagsulputang variants of COVID-19, nananatili namang mataas ang kumpiyansa ng ating mga health experts na epektibo at ligtas ang mga bakunang mayroon tayo sa ngayon. Ikinatuwa naman ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil aniya mayroon tayong fighting chance laban sa mas nakakahawang variant, kaugnay niyan ay muli nating makakausap si FDA Director General Usec. Eric Domingo. Good morning, Usec.

FDA DG DOMINGO: Hi! Good morning, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bukod nga sa kaso ng breakthrough infection sa Indonesia recently ay may mga kaparehong reports na rin dito sa Thailand, at ang common denominator po nila ay Sinovac vaccines. Pakipaliwanag naman po kung bakit buo pa rin ang tiwala natin na effective ang Sinovac at iba pang bakunang hawak natin laban sa mga bagong variants ng COVID-19 despite po this international reports?

FDA DG DOMINGO: Oo, well, kasi last week kalalabas lamang ‘no ng study report galing sa Turkey, at nakita na iyong efficacy rate ng Sinovac na ginamit nila sa napakaraming tao doon ay mga 83 to 86% ‘no – mataas din naman pagkatapos maraming napi-prevent na severe COVID-related death. Tapos kahapon, actually madaling araw siguro kaninang umaga lumabas ito, may lumabas din na pag-aaral galing Chile, at ito milyun-milyon din iyong kanilang nabakunahan at nakita rin naman na iyong kaniyang prevention of COVID-19 ay mga 87.5% at iyong prevention of mga COVID-related deaths ay 86.3%. So this is actually higher than initially expected natin, so iyong real world effectiveness niya ay maganda naman ‘no.

Pagkatapos, diniskas [discussed] ko nga, Usec. Rocky, kay Presidente iyong mga pag-aaral ng WHO tungkol doon sa mga vaccine na ginagamit natin ngayon – hindi lang Sinovac kung hindi lahat ng vaccine – at iyong effect nila doon sa mga bagong variants na lumalabas. At nakikita na although mayroong reduced efficacy ang mga vaccines compared sa original virus doon sa mga bagong variants, bumababa lamang naman ito ng siguro mga sometimes less than ten percent to up to twenty percent.

So kahit bumaba nang konti ang effective nila sa mga bagong variant, mayroon pa rin silang proteksiyon na naibibigay. Kaya kailangan pa rin talaga matanggap na natin ang mga bakuna at mabakunahan na natin ang karamihan ng ating mga kababayan. 

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., how about Sinopharm vaccine bilang pangontra sa COVID-19 variants of concern?

FDA DG DOMINGO: Well, ganoon din naman ang sa Sinopharm. Dito kasi sa atin hindi naman siya nagagamit nang malawakan. Kung naaalala natin, iyong iba namang nagamit diyan iyong sa PSG na donation from China parang isanlibong dose lang iyan ‘no. So hindi siya masyadong concern sa atin sa publiko.

Doon sa mga vaccine of concern, nakita na maganda naman ang epekto niyan doon sa Alpha at saka Beta na variant. Iyong sa Delta variant, wala pa siyang ano, wala pa silang data. Pero nakikita natin siguro talagang katulad din ng pattern ng iba, bababa ito siguro ng mga ten to twenty percent compared to the original na virus ng COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. May suggestion ang mga health experts mula po sa Thailand na bigyan ng booster shot ng AstraZeneca, Pfizer o kaya Moderna iyong mga fully vaccinated na ng Sinovac. Sa palagay ninyo ay magiging epektibo ang ganitong sistema?

FDA DG DOMINGO: Sa ngayon ay wala pa talagang matibay na ebidensiya para diyan, Usec. Rocky, even ang WHO ang hindi pa nag-a-agree. Kasi ongoing pa naman ang ating mga observation sa mga nabakunahan sa buong mundo at hindi pa natin nalalaman talaga kung kailan nagwi-wane ang protection at kung kailan kailangan ng booster shots kung kakailanganin man no kasi maaari namang long-term ang ating protection from vaccination. So kailangan hintayin muna natin na magkaroon ng datos.

So kailangan hintayin muna natin na magkaroon ng datos. Dito sa atin, ginagawa naman iyan ng DOST, iyong efficacy study at saka para malaman natin kung gaano katagal na effective ang vaccine. At this time, I think we all agree na ang priority pa rin natin ay mabakunahan muna lahat ng Pilipino or at least a majority of the Filipinos bago natin isipin iyong mga booster shots.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa ngayon, Usec., ay hindi pa naman nakakaalarma itong breakthrough infection na naitatala sa Indonesia at puwedeng mayroon na po ba dito sa Pilipinas?

FDA DG DOMINGO: Oo. Katulad ng na-report natin last month ‘no, mayroon naman talagang nagkakaroon ng COVID-19 pa rin kahit sila ay nabakunahan na. Kaya nga pinapaalala natin sa lahat ano, pagkatapos ng bakuna ingat pa rin po dahil puwede pa rin kayong mahawa especially kung hindi mo pa nakumpleto ang iyong second shot. Between the first and second shot, mayroon pa rin po talagang nagkaroon ng COVID pero karamihan sa kanila mild na. Pero kapag before completion of the second shot, mayroon pa ring nagkaka-severe COVID tayong mga reports na nakita. Pero kapag nakakumpleto ka na ng second shot mo then the likelihood of you being protected is much higher at karamihan po ng nagkakasakit ay mild na lamang.

So bagama’t nababawasan ‘no, nababawasan ang nagkaka-COVID dahil sa bakuna pero walang 100% effective na COVID vaccine. Talaga po ang efficacy ng COVID vaccines ay anywhere from 70% to about 94%/95%. So there’s still a chance of you getting COVID pero ang gusto natin mild lamang na hindi na kailangan maospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano naman daw po ang reaksiyon ninyo sa sinabi ng Pfizer na base sa naging obserbasyon nila sa bansang Israel kung saan majority ay Pfizer vaccines ang itinuturok, 6 months after daw po makumpleto ang bakuna ay bumababa ang proteksiyon nito laban sa infection at symptomatic diseases. So, sa palagay ninyo po ba ay dapat natin itong ikabahala o paghandaan?

FDA DG DOMINGO: Hindi. Kailangang aralin pa iyan ano. Kahit naman po sa US FDA kung saan sila planong mag-apply ng EUA for the booster dose eh aaralin muna nang husto iyan ng EUA. Kasi iyong pagbaba po ng antibodies, hindi naman ibig sabihin niyan ay bumababa din ang proteksiyon. Like at this time, hindi naman natin alam kung anong level ng antibody iyong talagang kailangan para maprotektahan ka at kung halimbawa man mababa na ang levels ng antibody mo tapos ikaw ay na-expose, then maaaring capable naman ang katawan mo na lumaban at mag-create nang more antibodies. So hindi naman po iyon directly proportional ‘no.

Kaya nga noong ano, naalala mo Usec. Rocky, pati ang mga espesyalista at ang DOH nagwa-warning tayo na hindi po naman kailangan iyong nagpapa-antibody test at nagpapa-check kasi hindi naman natin alam talaga kung ano iyong level ng antibodies na kailangan natin para maprotektahan tayo. And until we get that data, saka pa lang natin kailangan isipin kung kailangang magbigay ng booster.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano naman daw po ang reaksiyon ninyo na kung kailan may parating ng Johnson and Johnson vaccine dito sa Pilipinas ay may panibago namang report na umano ay possible adverse effect nito na isang rare nerve disorder. Nag-revise na rin po ba tayo ng EUA nila dito sa Pilipinas dahil sa development na ito?

FDA DG DOMINGO: Kapag nagkaroon ng ganito na pagbabago sa product information like sa US FDA, nagiging automatic po iyon – iyong product information din na ginagamit natin dito sa Pilipinas kasama na rin siya ‘no. So kapag sinearch ninyo ang Janssen vaccine before your vaccination, makikita ninyo po lahat ng kailangang bantayan including nga itong mga panghihina ‘no, for a possible Guillain-Barre Syndrome.

Iyong GBS po ay it’s really one of the adverse events that has been seen in other vaccines before at very, very rare naman po siya. Nakikita natin na nagwu-work po talaga ang surveillance ng buong mundo kasi itong mga very rare na adverse events ay nadi-detect ano at inaaral. Sa ngayon hindi pa naman po klaro kung talagang ano ang association niya sa vaccine but it is so rare that it is still ano ‘no—lahat naman ng regulatory agency naniniwala pa rin na talagang the benefit of using the vaccine outweighs the risk.

Kasi parang nakita ito one for every 100,000. Eh sa mga hindi nabakunahan, talagang nagkakaroon din naman po talaga ng sakit na ito, ng 1 for every 100,000. Eh sa Pilipinas po alam natin sa ngayon na for every 100,000 may limang nagkakaroon ng COVID araw-araw. Kaya kung susumahin po natin, alam kong makikita naman po talaga natin that the benefit of getting the vaccine outweighs the risk.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon po sa warning label na idinagdag ng Johnson and Johnson, ang sintomas umano nitong rare nerve disorder ay posibleng lumabas within 42 days after vaccination. Sa palagay ninyo po ba dapat na magkaroon ng adjustment o extension sa observation period para sa mga babakunahan ng Johnson and Johnson vaccine?

FDA DG DOMINGO: Well actually tayo ngayon, extended talaga ang ating adverse events following immunization ‘no. So kapag may naramdaman po kayo kahit po 6 months, kahit 1 year kailangan pong i-report ninyo iyan para po makita natin at maaral po natin kung mayroon po siyang koneksiyon sa mga bakunang nagamit ninyo.

USEC. IGNACIO: Opo. Bago po ako magpunta sa tanong ni Aiko Miguel ng UNTV, unahin ko lang itong kay Kris Jose ng Remate for Usec. Domingo: Okay lang po ba o normal na walang mai-experience ang isang tao na effect matapos mabakunahan?

FDA DG DOMINGO: Oo, Kris, ano. Sa katunayan karamihan ng nababakunahan, wala talaga po silang nararamdaman na adverse events ‘no. Kakaunti lamang, minority iyong may nararamdaman na mga minor symptoms katulad ng pananakit ng katawan or pananakit sa injection. Pero the great majority of patients will have no symptoms at walang discomfort after vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Hindi ibig sabihin na hindi epektibo sa kanila kung wala silang naramdaman, Usec., ano po?

FDA DG DOMINGO: Hindi po. Hindi po ibig sabihin noon walang epekto iyong vaccine ‘no. Nag-i-incite pa rin siya ng immune response at saka nang pag-create ng antibodies. Pero hindi naman sa lahat ng tao kasi na naiineksiyunan ay mayroon kasamang sintomas iyong pag-develop natin ng immunity.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., bago ako mapunta ulit kay Miguel. Puwede bang kapag nabakunahan ka ng vaccine, puwedeng magkaroon pa rin ng side effects like bigla kang nagka-allergy two weeks after o a month after mabakunahan ka? Puwede po ba iyon?

FDA DG DOMINGO: Depende po sa adverse events ‘no. Iyong mga allergy immediate kasi iyan na nakikita, Usec. Rocky, kasi while the chemicals are still in your body. So iyong allergy po na iyan, immediate iyan na reaction at nakikita agad. So ang mga sinasabi po natin na watch out for that might be a little longer ay iyong mga unusual nga, itong mga rare side effects na binabantayan – katulad po noong pagbaba ng platelet, ito ngang possible na mga Guillain-Barre Syndrome – kaya lang very, very rare nga po ito at ito lang po iyong mga puwedeng usually na makita nang mas matagal. Most adverse events you will see within a few days up to a few weeks after the vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po si Einjhel Ronquillo ng DZXL: Ano po ang epekto kung uminom ng alak after vaccination? Iyon kasi ang sinasabi ng mga nagbabakuna, huwag muna uminom for 28 days. Mababawasan po ba iyong efficacy ng bakuna kapag uminom ng alak?

FDA DG DOMINGO: Hindi naman po ano. Wala naman tayong makikitang pruweba na makakababa ng efficacy ang pag-inom ng alak. Pero siyempre po gusto natin kasi right after the vaccination medyo malusog kayo at saka malakas ang inyong resistensiya para kung magka-adverse events ay hindi po ito maa-aggravate.

At saka siyempre gusto natin medyo buhay at gising iyong diwa natin lalo na po iyong first 24 to 48 hours after the vaccination, kasi mahirap kung tayo ay nahihilo or nawawala sa sarili dahil nakainom. Baka mamaya may mga adverse events na pala hindi na natin mapapansin, hindi na natin alam kung ano iyong nangyayari sa katawan natin kung dahil sa pag-inom iyon o kung dahil sa bakuna. So we just like it to keep na very healthy at saka very clear ang inyong pag-iisip after the vaccination.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Aiko Miguel ng UNTV: Wala raw po bang liability ang recipient ng isang bakuna na ginamit noong wala pang EUA lalo na kung government official?

FDA DG DOMINGO: Sa atin po kasing batas, wala pong pananagutan ang mga, halimbawa nakabili ng counterfeit na gamot, mga substandard na gamot o nakainom nito or naiineksiyunan nito. Sa FDA po ang mayroon pong mga kinakasuhan natin ay iyong nagbibenta nang unregistered, illegal, falsified or mga poor quality drugs. So iyon pong mga importer, distributor noong mga illegal products, iyan po ang kinakasuhan po natin.

USEC. IGNACIO: Opo, sunod po niyang tanong ay kung medical professional lang po ba ang may liability o iyong supplier na ginamit na bakuna o gamot na hindi registered sa Pilipinas?

FDA DG. DOMINGO: Pareho po sila. Unang-una, ang doktor ay bawal mag reseta, mag-injection, magbigay ng gamot na hindi po rehistrado sa FDA; pagkatapos iyon din pong importer at distributor ay mayroon din pong kaso iyon, dahil bawal din pong magpasok at magbenta ng gamot na hindi rehistrado.

USEC. IGNACIO: Opo, may tanong naman si Alden Monson ng Japanese News Agency Kyodo News: How small is the percentage of those getting the adverse effects? I asked, so we have a more accurate estimate of how many people those are?

FDA DG. DOMINGO: Well, as of now, Usec. Rocky, mayroon na tayong halos ten million na nabakunahan na at least the first dose. And iyong ating adverse events reporting system na online, ang naka-capture natin na mayroong adverse events is less than 1% ang mga nagre-report na mayroon silang naramdamang kakaiba or may sakit na naramdaman after the vaccination.  So less than 1% po ang nagre-report sa atin at karamihan po noon ay very mild naman po ang kanilang mga adverse events or mga reactions na kino-complain.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagsama sa amin ngayong umaga, Undersecretary. Nakapanayam po natin si FDA Director General, Usec. Eric Domingo. Salamat, Usec!

FDA DG. DOMINGO: Maraming salamat po, iyon pong second dose ninyo huwag ninyong kakalimutan.

USEC. IGNACIO: Opo, naka-schedule po ako by August. Opo, magpapaturok po tayo.

Samantala, Senator Bong Go, sinabing nakahanda ang existing housing program ng pamahalaan para tulungan ang mga residenteng apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal. Mga batas para sa murang pabahay patuloy nai susulong, narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Naglabas na ng resolusyon ang Korte Suprema na nagtatakda ng guidelines sa pagsusuot ng mga police ng body camera habang naghahain ng warrant of arrest, alamin po natin ang iba pang detalye mula mismo sa tagapagsalita ng PNP, Police Brigadier General Rolando Olay. Magandang umaga po, General!

PBGEN. OLAY: Good morning, Usec. Rocky. Sa mga nanunood, magandang umaga po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: General, gaano po kahalaga itong paggamit ng body camera sa bawat operasyon na isasagawa ng ating mga pulis at magkakaroon po ba ng mga pagbabago sa paraan ng pagsasagawa ninyo ng mga operasyon lalo na sa pag-serve po ng warrant?

PBGEN. OLAY: Well, napakahalaga ng ating body worn cameras, Usec. Rocky, dahil masisiguro nito na walang paglabag sa aming internal rules, sa aming police operational procedures, iyong POP o paglabag sa karapatang pantao na magaganap tuwing may police operation. Bilang proteksiyon na ito sa ating mga kababayan at proteksiyon na rin ito sa ating mga kapulisan laban sa mga malisyoso at maling paratang at ito na rin ay sinisiguro niya ang transparency sa aming mga operasyon at sinisiguro na rin niya ang accountability ng bawat personnel sa kanilang mga aksiyon.

USEC. IGNACIO: Paglilinaw lang po, ito ba ay ire-require lang kapag magsi-serve ng warrant at paano naman po iyong sa iba pang police operations gaya halimbawa po ng buy-bust operation?   

PBGEN. OLAY: Well, Usec. Rocky, ang body worn camera ay gagamitin ito sa anti-illegal drug operations, sa service ng warrants, sa hostage rescue operations, sa high risk checkpoint and chokepoint operations, sa implementasyon ng court orders at sa security coverage ng mga national events katulad ng ASEAN, SEA or SONA ng Pangulo.

USEC. IGNACIO: General, paki-klaro din po kung paano masisiguro naman iyong data privacy na ito po ay isang concern ng ilang organization gaya po ng CHR?  

PBGEN. OLAY: Well, we assure the public na iyong ginawa ng Supreme Court, iyong mga rules na ito ay binigyan nila ng importansiya ang data privacy at data management. At sa tingin ko naman ay mayroon tayong mga mekanismo diyan para pangalagaan ang ating data privacy. At iyon ay pinag-aaralan ng Technical Working Group, na inatas na buuin ng ating Chief PNP, si General Eleazar. Bumuo ng isang Technical Working Group, para pag-aralan, himayin at isama ang rules na ito sa aming police operational procedures.

USEC. IGNACIO: General, so ano po iyong alternative recording device, sakali lang po ha na hindi available ang body cam?

PBGEN. OLAY: Kung hindi available ang body cam ay iyong mga police personnel, e-insure nila iyong at least two alternative recording devices na mayroong pahintulot ang korte na mag-i–isyu ng warrant, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: At ano naman daw po ang magiging limitations nito, General, gaya ng pagpalya sa kalagitnaan ng recording, baka hindi po maiwasan ito at hindi kailan ito o puwede o hindi dapat gamitin?

PBGEN. OLAY: Iyan ay isa sa pinag-aaralan ng ating Technical Working Group, Usec. Rocky ‘no at kung may mga ganiyan ay puwede namang ipaliwanag sa Korte na sa kalagitnaan ng operasyon ay nagkapalya iyong nasabing body camera at kaya nga tayo mayroon din alternative recording device pa.

USEC. IGNACIO: So, paano po iyong gagawing implementation dito PNP sa ngayon? May target date ba kung kailan ito sisimulan, General?

PBGEN. OLAY: Well, noong June 4 ay inilunsad ng ating mahal na Chief PNP, si General Eleazar, ang paggamit ng body worn camera. Sabi ko nga, para siguraduhin ang transparency sa ating mga police operations at ngayon ay mayroon tayong 2,696 units at iyan ay naka-distribute sa 171 PNP units — sa city police stations, city police offices. Karamihan diyan ay nandito sa NCRPO at sa kaniyang limang distrito. At nag-atas din ang ating Chief PNP, si Eleazar, ng pagsasagawa ng malawakang massive information campaign para i-disseminate sa aming mga personnel kung ano, kung paano gamitin ang body worn camera at ano iyong magandang maidudulot nito sa ating organisasyon.

USEC. IGNACIO: Opo, iyan iyong sunod ko pong tanong sa inyo. So paano po ang gagawin para sigurado pong maturuan ang bawat pulis sa paggamit nitong body cams? Magkakaroon ba sila ng retraining?

PBGEN. OLAY: Tama iyan. Sabi ko nga ay nag-atas ang ating mahal na Chief PNP, si Eleazar ng isang malawakang information campaign sa paggamit ng body worn camera. Iyan din ang inatasan niya, si Deputy Chief PNP for Operations, si Police Lieutenant General Bong Dickson, kasama diyan ang Human Rights Affairs Office at Legal Service para i-disseminate sa aming mga tao iyong tamang paggamit ng body worn camera na alam natin ay bago lang sa aming organisasyon itong mga equipment na ganito, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. General, lahat po ba ng police ay magkakaroon ng body cam, kahit na anong ranggo?

PBGEN. OLAY: Ay hindi lahat magkakaroon, Usec. Rocky. Iyong mga personnel lang na involved sa mga nabanggit ko kanina. Iyong anim na operasyon: Anti-illegal drug operations; service of warrants; sa hostage negotiation/hostage rescue operations; sa checkpoint, high risk checkpoint/chokepoint operations; sa implementasyon ng court orders at; security coverage during national events.

USEC. IGNACIO: General, nabanggit ninyo kanina iyong buy-bust operation na rin. Pakibahagi na rin po sa amin, General, iyong gist ng napagkasunduan po ng unified guidelines ng PNP at PDEA pagdating po sa mga drug operations para hindi na po maulit iyong sinasabing miscommunication na nangyari po earlier this year?

PBGEN. OLAY: Tama iyan, Usec. Rocky. Nagkaroon ng joint memorandum circular ang PNP sa pangunguna ni General Eleazar at sa PDEA naman si Director General Villanueva at nagkapirmahan na ng joint unified guidelines ang PDEA at PNP, ang unang-una diyan ay iyong one jurisdiction, one operation. Ibig sabihin niyan sa isang partikular na jurisdiction sa isang lugar ay iisa lamang ang dapat na nangyari na operasyon at any one time. At pangalawa diyan ay only the drug enforcement groups, drug enforcement units of NCRPO or regional, district, provincial, city police stations are authorized to conduct anti-illegal drug operations at pangalawa diyan ay iyong pagbibigay na rin ng certificate of coordination ng mga agencies to the operating units na nagpapaalam na mag-operate sa kanilang mga jurisdiction, Usec. Rocky. 

USEC. IGNACIO: General, ano iyong ini-expect ninyo na mage-gain ng PNP sa pamamagitan po ng pagkakaroon ng ating body cam?

PBGEN. OLAY: Well, ini-expect namin na magkakaroon nga ng malaking confidence ang ating mga kababayan sa mga operasyon na ginagawa ng PNP. Dahil na rin sa body worn cameras na ito. At alam naman natin na may mga agam-agam iyong iba at mayroong mga malisyosong paratang iyong iba at iyan ay matutugunan finally ng body worn camera, Usec. Rocky.              

USEC. IGNACIO: Okay, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, PNP Spokesperson, Police Brigadier General Rolando Olay. Salamat po.

PBGEN. OLAY:  Thank you, Usec. Rocky. Maraming salamat.          

USEC. IGNACIO: Samantala, sa pinakahuling COVID-19 tally sa bansa, bahagyang bumaba sa 46,934 ang bilang ng mga active cases sa bansa o katumbas ng 3.2% ng total cases. Iyan po ay matapos makapagtala ng dagdag na 5,840 sa mga gumaling. Sa kabuuan 1,408,634 recoveries, dahil rin ito sa mababang bilang ng mga bagong nahawaan na nasa 3,604 lamang. Kung kaya nasa 1,481,660 na ang lahat ng nagka-COVID sa bansa. Kahapon po ay 77 naman po ang mga binawian ng buhay dahil sa sakit. Sa higit isang taon nang pandemya sa bansa, nasa 26, 092 ang bilang ng mga nasawi.

Sa patuloy na maritime standoff na nagaganap sa West Philippine Sea sa pagitan ng ating pangkat at ng daan-daang Chinese fishing vessel, isa pong nakakabahalang balita ang lumabas na ang mga Chinese fishing vessel umano kasi, ilang taon na ring nagtatapon ng dumi ng tao sa ating mga karagatan. Para pag-usapan iyan makakausap po natin si DENR Spokesperson, Undersecretary Benny Antiporda.  Magandang umaga po, Usec.

Babalikan po natin si Usec. Antiporda para pag-usapan po itong mahalagang balitang nangyayari sa West Philippine Sea.

Samantala, puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service. Ihahatid iyan ni John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas. Balikan po natin ang ating paksa kanina, ‘di umano’y mga Chinese fishing vessel ay ilan taon na ring nagtatapon ng dumi ng tao sa ating mga karagatan, pag-uusapan po natin iyan, balikan po natin si DENR Spokesperson Undersecretary Benny Antiporda. Good morning Usec.

DENR USEC. ANTIPORDA: Good morning Usec. Rocky, and good morning sa atin pong mga tagapanood.

USEC. IGNACIO: Usec., iniimbestigahan na po ba n g DENR itong year low na umano na pagtatapon ng Chinese vessel ng human waste sa West Philippine Sea; totoo ba ito at ano po ang gagawing action ng DENR ukol dito?

DENR USEC. ANTIPORDA: Well, kahapon ho ay nakipag-coordinate na po ang DENR sa PCG and of course makikipag-coordinate din tayo sa Department of National Defense and sa atin pong Department of Foreign Affairs para ho once and for all ay malaman natin kung totoo pong mayroon ganitong nangyayari diyan sa West Philippine Sea but again we need to validate kung totoo nga po ito.

Second, we also need to check kung talagang Chinese vessel po iyan dahil in the first place kung ako po ang personal na tatanungin ninyo, well hindi po ganoon kasi—iyong litratong ipinakita nila hindi po ganoon ang waste discharge na nanggagaling po sa mga vessel na galing po sa tao. Ang tingin po natin doon most probably oil spill iyon or something which is not human waste iyong nakikita po natin.

So, doon po ay medyo may pagdududa tayo pero again since this is to protect our environment well iimbestigahan pa rin po natin at aalamin just to protect our bio-diversity pagkarating po sa isyu na iyan dahil alam naman po natin ang mayroon pong jurisdiction diyan is the PCG na po but again since iyong biodiversity po natin ang tatamaan kung kaya’t nandiyan po ang DENR ninyo para tumulong din po sa ating pamahalaan para proteksiyunan ang atin pong kalikasan. 

USEC. IGNACIO:  Pero Usec., ay ilan taon ng ginagawa umano ito ng Chinese vessels sa ating karagatan. Mayroon po bang team ang DENR na nagte-trace nitong water quality management sa area na iyon sa West Philippine Sea? 

DENR USEC. ANTIPORDA: Well, medyo malayo po iyong lugar na iyan but again since there’s an allegation na ganiyan ang nangyari eh ipatsi-check po natin iyan at titingnan po natin ano iyong pinakamalapit na lugar na puwede pong makuhanan ng water sampling po diyan. 

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, sang-ayon po ba kayo sa sinabi ni Sen. Ralph Recto na dapat tayong maghain ng diplomatic protest laban sa China patungkol po dito? 

DENR USEC. ANTIPORDA: Well, I don’t think the [unclear] should be that gullible in the allegation na hindi pa po confirmed no, in the first place mayroon po tayong mga nakikita—gaya kahapon po na-apologize na po iyong nagpalabas po ng research na iyan na sinasabi niya na iyong confusion na nagawa niya ano po dahil po iyong litratong inilabas niya is taken from the Great Barrier Reef in Australia.

Bakit po iyon ang ginamit niya sa kanilang presscon and we’re looking into the the motive of the said presscon also because bakit po isinabay pa sa anniversary noong pagpasa noong… iyong ruling dito po sa West Philippine Sea.

So, medyo mayroon po tayong doubt dito but again since our objective is just to protect the environment we will do whatever is best for the people just to make it sure na hindi po mangyari iyan dahil kung ecologic po ang iisipin natin ay diyan din po nangingisda, iba’t-ibang bansa po ang nangingisda diyan. I don’t think a person in his right mind will destroy kung saan siya kumukuha ng hanapbuhay niya. 

USEC. IGNACIO: Opo Usec., ano naman po iyong reaction ninyo sa sinabi ni Senator Riza Hontiveros na dapat po ay DENR umano ang mag-provide ng baseline report kung magkano ang naging kabuuang danyos ng mga Chinese vessel na ito sa ating karagatan para pagbayarin sila? 

DENR USEC. ANTIPORDA: Well, kung totoo nga po na mayroon pong ganiyan sitwasyon siguro we will cross the bridge when we get there but again ang importante po rito ay iyon po munang pag-aari ay maproteksiyunan then beyond that we will coordinate with the Department of Foreign Affairs.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., makikibalita na rin kami sa mga ipinasarang illegal dumpsite ng DENR, sa ngayon ba ilang dumpsite na po ang napasara ninyo? 

DENR USEC. ANTIPORDA: Well, 365 po iyong huling naipasara. Well, it’s a good news to our people time immemorial na ho, 20 years na po ang batas na RA 9003 or the Ecological Solid Waste Management Act 2000, pero ngayon lang po natupad iyon pong ipinag-uutos ng batas na ipasara ang lahat ng open dumpsite.

Lahat ho iyan ay naipasara ni Sec. Roy A. Cimatu, at ngayon po ay nasa proseso na po tayo ng safe closure and rehab. Ipaalala lang po natin sa ating mga local government na ang safe closure and rehab ay kailangan po natin gawin dahil iyan pong basura kapag tinabunan ninyo lang iyan ng lupa ay maaring sumabog iyan in the future dahil mag-iipon po iyong methane diyan at magkakaroon po ng reaction diyan at maari pong may madisgrasya.

Kung kaya’t makipag-ugnayan po tayo sa pinakamalapit natin na EMB office or sa DENR para ho mabigyan kayo ng tamang payo kung paano po ang gagawin sa ating pong safe closure and rehab and doon naman po sa mga local government na magkakaroon ng problema dito sa ika nga saan nila itatapon iyon dahil bawal na po ang open dumpsite eh wala pa rin silang sanitary landfill.

Maari po tayong magtayo ng tinatawag po natin na residual containment area na ito po bodega lamang na paglalagyan ng atin pong isinakong mga residual. Ano po ba iyong residual? Ito po iyong basura na hindi na pupuwedeng i-recycle at is composed of about 20% of the 100% na basura na idini-deliver po sa ating landfill.

So, iyong 20% na iyan ay isasako po natin habang naghihintay po tayo sa paggawa ng ating sanitary landfill or iyong iba naman po ay iniipon po iyan kapag dumami na isang delivery lang po ng truck ang ginagawa diyan para itapon po sa sanitary landfill na isang tinatawag naman natin na clustered sanitary landfill na ni-encourage naman po ng DENR.

So, iyon po payo na ibinibigay po natin ngayon sa ating mga local government, bawal po iyong tinatawag natin na magtatapon ka riyan tatabunan mo lang ng lupa bawal po iyon ano po. Lilinawin po namin open dump pa rin po ang tawag diyan kahit na ho tinabunan ninyo na ng lupa kung kaya’t better shape up bago ho tayo abutan ng atin pong batas.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon Undersecretary Benny Antiporda ng DENR.

DENR USEC. ANTIPORDA: Thank you Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala bagama’t higit kalahating taon na ang nakalilipas ng manalasa ang bagyong Ulysses sa bansa, hanggang ngayon po ay hindi pa rin nakakabangon ang mga binagyo at binaha sa Rodriguez, Rizal, kaya naman muli silang binalikan ng ilang ahensiya ng pamahalaan at ng outreach team ni Senator Bong Go, para mabigyan ng tulong. Panoorin natin ito:

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa Cordillera Region: Outreach program para sa mga bata sa Ngileb Alfonso Lista, Ifugao naging matagumpay sa pangunguna ng Ifugao Police Provincial Office. Magbabalita si Florence Paytocan. 

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Mula sa Mindanao, mahigit 5,000 individuals mula sa transport sector sa Davao City nabakunahan na kontra COVID-19. Si Julius Pacot sa detalye. 

[NEWS REPORT] 

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot.

Maraming salamat din sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating talakayan at balitaan.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsubaybay. Muli ako ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita ulit tayo bukas, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)