Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong araw po ng Sabado, muli ninyo kaming samahan para sa isa na namang oras ng balita’t talakayan kaugnay sa pinakamahalagang usapin sa bayan.

Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito Public Briefing #LagingHandaPH.

Tutok lamang kayo sa amin on air o online dahil maya-maya lamang po makakausap natin sa programa sina Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano; si Dr. Roberto Salvador, Jr., ang Director ng Bureau of Quarantine; at si Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng DOH.

Una sa ating mga balita: Nakatakdang buksan ngayong araw ang dalawa pang Malasakit Center sa bansa; isa sa Basilan at isa sa Zamboanga City. Dahil dito, unti-unti naman naisasakatuparan ang layunin ng batas na isinulong ni Senator Bong Go na magkaroon ng Malasakit Centers ang lahat ng ospital sa Pilipinas. Para sa detalye, panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Simula po noong August 12 isinailalim sa sampung araw na ECQ ang Tuguegarao City sa Cagayan Valley dala nang tumataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod. Kaya para po kumustahin ang sitwasyon doon, makakausap po natin ngayong umaga si Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano. Good morning po, Mayor.

TUGUEGARAO CITY MAYOR SORIANO: Good morning, Usec. Rocky. Good morning, Joy. Good morning, PTV-4, Good morning Pilipinas po

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, laman po ng balita kagabi na may ilang kaso raw po sa inyong lungsod na namatay na bago pa man po malaman na nagpositibo sila sa COVID-19? Ano po ang indikasyon ng sitwasyong ito? Ibig sabihin po ba kalat na sa inyong komunidad ang sakit at too late daw po na nadi-detect ang mga positibo sa virus? Tama po ba ito, Mayor?

TUGUEGARAO CITY MAYOR SORIANO: Yes, Usec. Rocky. Base po sa experience po namin kasi po naging protocol na po namin dito sa city na kung may mamatay, automatic na ma-swab. So noong may namatay po nang 6, 7 and 8 – mayroon kaming 9 deaths, iyon at that was the last straw that brought the camel’s back ano po kaya ni-recommend po namin mag-ECQ ang Tuguegarao.

Out of the 9 – 4 died in hospital, iyong lima po namatay sa bahay nila. Ito pong lima – tatlo o apat hindi po lumalabas kasi dati na pong may sakit. So noong namatay po sila, sinwab po namin, saka lang po namin nalaman na nag-positive.

So iyong conclusion po namin doon, may mga—nahawa po sila ng household po nila, kasama nila sa household. So maraming umiikot na asymptomatic na hindi po nila alam na mayroon po sila; so iyon po ‘yung isa sa pinakababahala po namin dito. Iyon pong palagi iyong IEC namin, iyong Information Education Campaign namin puspusan po para sa ganoon po iyong mga tao maging aware palagi po sa mga protocols at saka kung ano po ang gagawin nila ‘pag mayroon pong ganoon na mangyari.

USEC. IGNACIO: Opo. So far, Mayor, ilan po iyong active cases at may naitala po ba kayong kaso na ng Delta variant sa lungsod?

TUGUEGARAO CITY MAYOR SORIANO: Yes, Usec. Rocky. As of now, we have 773 cases. We had 63 transmissions yesterday. Umaakyat na po ito – from August 1 to date, nagkaroon po kami ng mga 800 transmissions na in a matter of 12 days, more than 800 transmissions. We were on ECQ last March 31st up to August 13 – iyong August 13 po, iyon na po ‘yung pinakamataas na naitala po namin – 1,163.

But nag-MECQ po kami up to May 31st, bumaba po bahagya, bumaba kami nang less than 200 and then pagdating po ng July, mga 2nd o 3rd week, dahan-dahan na po umakyat hangga’t hindi na po namin mapigilan na naman po kaya nagkakaproblema na naman po tayo sa healthcare utilization rate at saka iyong mga staff natin na magma-man ng isolation units po natin, punuan na po lahat ng mga ospital at saka mga isolation units natin.

So we have at present, 773 active cases; back to you, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, alam po namin na ramdam na diyan sa Tuguegarao iyong pagkapuno ng mga ospital dahil sa dami nga po ng dumarating na pasyente ano po. Pero, paano po iyong strategy ninyo para matiyak na nabibigyan pa rin po ng atensiyong medikal iyon pong mga kababayan nating nagpositibo at kahit po nakakaranas ng mild hanggang sa maging severe case po ito?

TUGUEGARAO CITY MAYOR SORIANO: Usec. Rocky, nagkaroon kami ng problema last March and May dahil dumami po iyong nandoon sa mga home isolation kasi hindi na po kaya ng isolation units po namin. Hindi na po kaya ng mga isolation units namin, tumutulong din naman po iyong ibang mga agencies na po sa amin para magkaroon po nang additional isolation units.

So in fairness, maganda po kami dito, ang koordinasyon po namin with the national government, tumutulong po ang DOH sa personnel, nagbibigay po sila PNP, BFP, nakahiram po ako ng nurses po sa kanila. Ang BFP papadala siguro next week, ang PNP 17 na po na nurses nahiram namin. Ito po iyong regular na pulis na pumasok as nurse, hiniram po namin. Salamat kay Retired General [unclear] saka iyong si General Ludan at saka kay Chief PNP, kay General [unclear] ano po.

Iyon po ‘yung dini-distribute namin sa mga isolation units po namin at saka additional team po namin for vaccination. Maganda rin po ang rollout namin sa vaccination dito, Usec. Rocky. And ang ginawa po namin doon sa naka-home isolation kasi dumami po iyan, salamat na naman kay senior medical—St. Paul University po dito, may 40 po na senior medical students, sila po iyong volunteers namin – sila po ‘yung—naka-assign po sila sa bawat mga naka-isolate na positive na asymptomatic, symptomatic, mild.

And mayroon pong volunteer doctors din po natin na nagsu-supervise, isang cluster – and sila po iyong tumatawag. Ang ginagawa po ng CSO po natin dito, automatic na po na nagbibigay ng mga medical kits at saka iyong mga oximeter na dinu-donate po ng mga ibang organization po dito. Ang nag-donate po iyong Tuguegarao Army Against COVID, mga ganoon po – iyon na po ‘yung ginagawa namin.

At may tatlo po kaming dedicated line doon sa Bayanihan COVID Center po namin – solely dedicated for those who are on home isolation na asymptomatic, symptomatic, mild to address the problem of the isolation units.

Ang number one problem sa isolation units talaga is manpower – manpower talaga because in an isolation unit, you have to have about 4 teams minimum – 4 teams minimum, umiikot iyon every week po iyon, every week diretsuhan po iyong kanilang duties.

And then we are maintaining 8, magdadagdag pa po kami ng dalawa so magiging 10 isolation—so makita po ninyo kung iyong staff na ginagamit marami po talaga, marami po talaga and ang nakakabahala diyan, Usec. Rocky, is as of now we have 77 na frontliners na nahawa doon po sa 773 – 77 po ang frontliners and out of that 77 – 67 po ang healthcare workers; kaya po pinag-iingat po namin, inalagaan po namin ang healthcare workers namin dito.

Kina-quarantine namin sila after one week na duty, quarantine for another ten days and then another one week to the family, and then saka na naman po babalik sa duty po. So ikot po talaga iyan, but 67 na po na healthcare workers ang infected with COVID ngayon. Mayroon na po kaming Delta variant as of the other night. Na-confirm po sa akin ng DOH, we have already one. But I am sure as the sun rises in the east, it’s not only one because may mga kasama po siya sa bahay nila na nag-positive, only, siguro hindi napadala iyong sample niya sa Genome Center po natin, so hindi napasama sa genome sequencing. But I’m almost sure, more than one po ang Delta variant na dito sa Tuguegarao.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, itong 67 na health workers na infected, kumusta po ang lagay nila? At ito pong sinasabi ninyong isang kaso ng Delta variant, ano po ang history nito? Siya po ba ay may travel history? Ano po ang nangyari dito, Mayor?

TUGUEGARAO CITY MAYOR SORIANO: Usec. Rocky, ang medyo problema po natin doon sa nagkaroon ng Delta variant, noong July 13 pa siya nalaman na positive. So naka-recover na siya ngayon, at kahapon inumpisahan na po iyong contact tracing at saka iyong history ng tao. So wala pa pong klaro kung ano ho iyong tunay na pangyayari, but July 13 pa nalaman namin sa listahan po namin, July 13 pa na nag-positive iyong tao. Tatlo sila sa bahay nila, positive din po iyong girlfriend niya at saka iyong sister-in-law niya. But sa tingin ko, ang napadala po ng DOH na sample is iyong kaniya, nagkataon na iyong kaniya iyong napadala sa Genome Center kasi hindi naman po lahat pinapadala sa Genome Center, alam naman po natin iyong limitasyon po natin sa genome sequencing.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon atin pong 67 health workers, kumusta po iyong ating 67 health workers ngayon?

TUGUEGARAO CITY MAYOR SORIANO: Yes po, iyong 67 healthcare workers po natin, sa awa po ng Diyos, asymptomatic po at symptomatic mild po ang karamihan. Siguro 99% sa kanila ay asymptomatic or symptomatic mild.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, ito pong tatlo o dalawa na sa tingin ninyo ay suspected na rin po na baka Delta variant din na sinasabi ninyo nga po na nakasama ng isang positive na Delta variant, ano po ang ginagawa ninyong pagtugon dito? Papaano ninyo po sila minu-monitor? At kumusta po iyong dalawa na kasama nang nagpositibo sa Delta variant?

TUGUEGARAO CITY MAYOR SORIANO: Usec. Rocky, naka-recover na po lahat sila kasi July 13 pa, sa ating protocol, July 27 puwede na sila; kung iabot po namin ang 21 days, fully recovered na po iyong mga natamaan ng Delta variant. Pero noong nalaman po namin the other day, the other day na may Delta variant, kasalukuyan ngayon, at this time po, nag-umpisa ng 6:30 iyong barangay po natin ay nagdi-disinfect na po doon sa alley na iyon at saka doon sa buong street na iyon. And lahat po ng mga lumalabas sa lugar na iyon, sa pagmu-monitor po ng mga barangays po natin, mabilis po ang aksiyon ng barangays natin. Namimigay na po sila, lahat ng mga lumalabas doon, ng extra na face shield at saka face mask. Iyon lang po ang kasalukuyan habang nagku-contact trace po ang DOH at saka iyong city health office po natin dito. So iyon po ang mga ginagawa namin, Usec. Rocky. Back to you.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, noong isang araw po naitanong po namin dito sa DBM iyong tungkol po sa hiling ninyo na ayuda, pero sa ngayon po umano, wala pa pong nakaendorsong budget para sa approval ng Pangulo. Kayo po ba ay nakapagsumite na ng resolusyon para po ma-review ng IATF? At may feedback na po ba kayong natanggap?

TUGUEGARAO CITY MAYOR SORIANO: Usec. Rocky, noong nag-MECQ po kami noong una, sumulat na po ako sa DBM noong March kasi nga pang-apat po na namin na ECQ iyon; panlima itong ngayon. Sumulat na po ako sa DBM kasi nalaman din po natin na namimigay po ang national government ng ayuda sa NCR for ECQ, gumawa na po ako.

Ngunit sabi po ng DBM, pondo po ng Malacañang yata iyong naibibigay sa Metro Manila and neighboring areas. So ang ginawa ko po ngayon, ang ginawa po namin ngayon, kumuha ako ng resolution sa SP (Sangguniang Panlungsod), kumuha ako ng sertipikasyon po sa regional IATF natin na panglima na naming ECQ po ito at kung kailan kami nag-ECQ at MECQ, pinadala ko na po diretso sa Malacañang, kay Presidente through Executive Secretary Medialdea. So naipadala na po namin sa e-mail ng Executive Secretary at naipadala na rin po namin via LBC kahapon iyong aming request.

Base po sa aming table assessment, 22,790 families po ang affected. So sinabi ko, say, mga 25,ooo puwede na po iyon, makatulong po nang malaki po sa mga pamilyang apektado po sa pag-ECQ, panlimang pag-ECQ po ng Tuguegarao City. Yes, back to you, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kumustahin ko naman po iyong sinabi ninyo na nga rin kanina na maayos naman po iyong vaccination rollout sa inyong lungsod. So ilang porsiyento na po ba ang mga nabakunahan diyan sa Tuguegarao? Kasi sinasabi ninyo na tumataas ang kaso, so ilan po iyong porsiyentong nabakunahan at maayos po ba naman iyong supply ng bakuna sa inyo, Mayor?

TUGUEGARAO CITY MAYOR SORIANO: Yes, Usec. Rocky, hindi naman po kami puwedeng mag-complain sa supply ng bakuna. Kasi alam naman po namin, ang DOH ay nakasentro po karamihan po ng bakuna, ng vaccines sa buong region na ibibigay po sa Tuguegarao kasi alam naman po nila iyong sitwasyon sa Tuguegarao. Ito po iyong regional center kahit 170,000 or 270,000 lang ang population namin, dito po lahat ang transaction ng buong rehiyon. Sometimes po naitala ng PSA, mas marami po iyong bisita na pumupunta sa Tuguegarao kaysa sa population po namin. Kaya ang ginagawa po namin diyan, Usec. Rocky, is nakatutok po talaga kami sa vaccination natin. Alam ko may mga hindi taga-Tuguegarao na napasama na po diyan.

Ang eligible population po namin as of now, ibig sabihin iyong nag-register sa amin online and in the barangay is about 75,000. And out of that 75,000, more than 30,000 po ang vaccinated. Sa A1 po namin, 78%; sa A2 nahihirapan po talaga kami hanggang ngayon, only 61% lang po sa ating mga more than 20,000 na senior citizens; then A3 po, 95%. Nasa A4 na po kami ngayon, mga 27% ang na-vaccinate po. So more than 30,000 people na po ang totally vaccinated sa Tuguegarao. Maganda po ang rollout dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at kami rin po ay umaasa na magiging mabuti na rin po ang inyong sitwasyon diyan sa Tuguegarao City. Ang programa po namin ay lagi pong handa na kung anuman po ang kailangan ninyo, sabihin ninyo lang po, Mayor, at ipapaabot po natin sa mga kinauukulan. Maraming salamat po, Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano. Salamat po sa inyong oras.

TUGUEGARAO CITY MAYOR SORIANO: Thank you po. Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Sa Tuguegarao City pa rin po, ilang bayan ng Cagayan, mga kababaihan na lubos na naapektuhan ng pandemya ang kabuhayan ang hinatiran naman ng tulong ng outreach team ni Senator Bong Go. Ang Department of Agriculture namahagi rin ng livelihood assistance, habang tulong-pinansiyal naman ang ipinaabot ng DSWD sa mga benepisyaryo. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Lubos po ang pasasalamat ng Sta. Ana Multi-Purpose Cooperative at NC2 Star Farmville sa Department of Agriculture sa programa nitong Kadiwa Ni Ani at Kita na malaki po ang naitulong sa mga miyembro nilang magsasaka at mangingisda lalo na ngayon na may pandemya pa tayong hinaharap. Ang detalye dito sa Ani at Kita:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, ilang mga bansa nga po ang nagbukas na ng kanilang borders para sa mga fully vaccinated individuals pero kailangan po nang pagpapatunay na talagang nabakunahan ka na. Ang siste po, may mga ilang lugar na hindi kinikilala ang vaccination card na ini-issue po ng ating lokal na pamahalaan. May alternatibo naman bang dokumento na maaaring ipakita para sa mga kailangan nang umalis ng bansa?

Para po pag-usapan iyan, makakausap po natin si Bureau of Quarantine Director Dr. Roberto Salvador, Jr. Magandang araw po, Doc.!

BUREAU OF QUARANTINE DIR. SALVADOR: Magandang araw po, Usec. Rocky. Magandang araw po sa lahat ng nanunood po at nakikinig sa atin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, nalaman ninyo po naman po ba itong nai-experience ng ating mga kababayan nating OFW na papunta pong Hong Kong? Hindi raw po kinikilala iyong vaccination cards na mayroon sila ngayon bilang katibayan nang pagiging fully vaccinated against COVID-19. Pero mayroon daw pong dokumento na galing sa inyong tanggapan na maaaring pamalit dito. Ano po ito?

BUREAU OF QUARANTINE DIR. SALVADOR: Opo, Usec. Rocky. Ito po iyong tinatawag na ‘International Certificate on Vaccination and Prophylaxis’ o tinatawag nating ‘Yellow Card.’ Ito po ay dokumento kung saan po nakatala ang mga bakuna na nakukuha ng mga travelers natin at puwede po nilang ipakita sa country of destination. Ito po ay recognized ng lahat ng 196 WHO signatory na nag-umpisa pa po mula noong 1935.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director, bagama’t nagri-release na po kayo dati nga ng vaccination certificates para naman po sa mga ibang infectious diseases, so ano daw po ang kaibahan nitong Yellow Cards para sa mga nabakunahan ng COVID-19?

BUREAU OF QUARANTINE DIR. SALVADOR: Parehas din po iyon, Usec. Rocky, na iyon din po ang form ng Yellow Card na niri-release natin for COVID and for other infectious vaccine po natin. Ni-recognize po ng WHO na isa sa puwede pong gamitin ng mga traveler po para patunay na nabakunahan sila ng COVID is the Yellow Card po, iyong ICVP po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero gaano po karaming bansa ang kumikilala ngayon sa Yellow Card?

BOQ DIRECTOR SALVADOR: One hundred ninety-six countries po ang signatory sa WHO po. So 196 countries po ang puwedeng kumilala po nitong Yellow Card natin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano po iyong requirements at proseso sa pagkuha ng Yellow Card? May bayad po ba ito? At ang tanong po dito ng marami, gaano raw po katagal bago ito ma-release?

BOQ DIRECTOR SALVADOR: Unang-una po, ipaalala lang po natin na hindi po mandatory ang Yellow Card sa lahat po ng magta-travel sa international po. Ang una po nating gagawin, bago po kayo umalis papunta sa ibang bansa, makipag-ugnayan muna po doon sa country of destination or doon sa airline kung ano po iyong requirement para makapasok kayo doon sa bansa natin.

So ito pong ICVP (International Certificate of Vaccination or Prophylaxis) po, puwede po tayong makakuha nito, kailangan po muna mag-book tayo doon sa online booking system ng Bureau of Quarantine. So once naka-book na po tayo, nakakuha na tayo ng schedule, in one to two hours po ay puwede na pong makuha ang Yellow Card.

Pero pinapaalala lang po natin sana na ang kukuha po muna sana ng Yellow Card natin ay iyong may mga malalapit na po na flight na kailangan ng Yellow Card.

USEC. IGNACIO: Pero, Director, kahit hindi lalabas ng bansa, puwede bang kumuha ng Yellow Card?

BOQ DIRECTOR SALVADOR: Sa ngayon po ay hindi po natin sila ini-encourage na kumuha ng Yellow Card kung hindi po gagamitin sa labas ng bansa. Kasi po, sobrang dami po nang gustong kumuha ng Yellow Card, nawawalan po ng slot iyong mga talaga pong aalis na papunta sa ibang bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Para naman po sa mga OFWs, puwede na bang dumiretso daw po sila sa inyo? Kailangan pa rin po bang dumaan sa iba pang ahensiya kagaya po ng POEA?

BOQ DIRECTOR SALVADOR: Kung Yellow Card lang po ang purpose natin, ang kailangan lang po talaga is mag-book lang po online. Then once naka-book na po, puwede na pong pumunta sa Bureau of Quarantine kung kailan po iyong date na napili nila para makakuha o maisyuhan sila ng Yellow Card. Ang kailangan lang pong dalhin kapag nagpunta doon sa office natin is iyong passport lang po at saka iyong vaccination certificate.

Ang mga offices po natin na puwede pong mag-isyu ng Yellow Card: Iyong main office natin po sa Port Area sa Manila, sa SM Mall of Asia po – ito po iyong satellite station natin ng Bureau of Quarantine – Batangas station, Subic, La Union, Laoag, Cebu, Davao and Cagayan de Oro.

And next week po, Usec. Rocky, magbubukas din po kami sa SM North EDSA po ng satellite station; and susunod po na linggo rin po ay magbubukas din po kami sa Eastwood and McKinley. And iyong mga other provincial station namin po – General Santos, Kalibo, Bacolod, Palawan, Legazpi – io-open na rin po namin. So para po makatulong po kami na mabigyan po talaga iyong mga nangangailangan ng Yellow Card po.

USEC. IGNACIO: Since ito nga pong Yellow Card [garbled] pansamantala, ano po, pero may update po ba kayo kung kailan aasahang mailalabas sa publiko iyong digital vaccine card? At ito po ba ay internationally recognized naman po?

BOQ DIRECTOR SALVADOR: Opo, Usec. Rocky, kasama po tayo sa TWG noong ginagawa ng government po na digital vaccination card sa pangunguna po ng DICT, with Usec. Manny Caintic. So talaga pong minamadali na po itong system na ito, so anytime po, ang target po is September po ay mailabas na po itong system na ito.

And ipapakilala po ito, ang DFA po ang magku-coordinate sa other country para po makilala itong official na digital certificate na ilalabas ng gobyerno po para sa mga nabakunahan po laban sa COVID po.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ibang usapin naman po. Ilang accredited quarantine facilities po ang mayroon tayo sa ngayon? At masasabi rin po ba nating ramdam na iyong epekto ng pagtaas ng mga kaso?

BOQ DIRECTOR SALVADOR: Ang Bureau of Quarantine po kasi, ang mandato po namin is iyong mga arriving Filipinos po natin, returning Filipinos and mga OFWs po. Sa ngayon po iyong mga ginagamit nating hotels sa mga bumabalik po nating mga kababayan, talagang medyo puno na po. Kaya nga po mayroon tayong quota na ito lang po muna iyong dapat nating pauwiin kasi po kailangan nating sundin na lahat po ng uuwi ay kailangan po magtapos ng quarantine na pinapatupad po ng IATF po.

USEC. IGNACIO: Iyon nga po, may epekto po ba itong pagbabalik ulit ng 14-day quarantine period kahit fully vaccinated na po ang isang tao kapasidad nga ng ating quarantine facility sa ngayon? At paano ninyo po pinaghahandaan iyong pagdagsa ng mga kailangan pong ma-isolate naman?

BOQ DIRECTOR SALVADOR: Opo. Malaki po talaga po ang epekto pero talagang kailangan po nating sundin na sa ngayon po kailangan pong ma-quarantine sila ten days or 14 days, depende kung galing sila sa restricted country. Kasi po, ang lagi nga po nating sinasabi, hindi po porke’t vaccinated tayo, hindi tayo pupuwedeng mahawa or mag-harbor/mag-carry ng virus. So kailangan po ma-quarantine sila para maiwasan natin iyong Delta.

So doon naman po sa mga nagpa-positive, may mga TTMF and mga hotel facility po tayo na pinagdadalhan. Sa ngayon po, medyo puno na po iyong mga facilities natin pero nandiyan naman po ang government po na anytime po na mas kailangan pa po namin ng hotel or TTMF, natutulungan po kami para po madala iyong mga kababayan natin na nagpa-positive po dito sa COVID-19 po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Dr. Roberto Salvador, Jr., ng Bureau of Quarantine. Mabuhay po kayo!

BOQ DIRECTOR SALVADOR: Maraming salamat po, Usec. Rocky. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa base po sa report ng DOH kahapon, August 13, 2021: Umabot na sa 1,713,302 ang total number of confirmed cases matapos madagdagan ng 13,177 na mga bagong kaso. Malaking bilang din po ang nadagdag sa mga pumanaw sa COVID-19, two hundred ninety-nine po sila kahapon kaya umabot na sa 29,838 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman natin na gumaling na sa sakit ay umakyat na sa 1,587,069 matapos itong madagdagan ng 4,322 new recoveries. Ang active cases naman natin ay patuloy na umaakyat; sa ngayon ay mayroon na po tayong 96,395 na indibidwal na patuloy ang monitoring at gamutan.

At para naman po sa mga kinakaharap na isyu ng kanilang tanggapan, makakausap po natin si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec., magandang umaga po.

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Good morning to all of you.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., naglabas po ng audit report ang COA, at base po sa kanila ay may deficiencies nga po pagdating sa paggamit ng aabot sa bilyong pisong halagang pondo noong 2020, kasama na po iyong 67.3 billion COVID-19 funds. Ayon po kay Secretary Duque, handang isumite ng Kagawaran ang mga dokumento para po i-justify itong nakuwestiyong pondo. Ang tanong po ng marami ay kung bakit umabot pa ito sa obserbasyon ng COA at ma-publish pa ito sa publiko kung mayroon naman daw po pala kayong hawak na dokumento? Hindi raw po ba kapabayaan ito sa bahagi ng Department of Health?

DOH USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, unang-una, itong COA report na ito, this is an annual audit report that we do every year ‘no; that’s part of the agency’s mandate ng COA. At tayo po tayo po ay binigyan ng panahon para makapagsumite nitong mga dokumento na kinakailangan. These are all procedural actually, and we were given until September to comply with this.

So we are complying with the deficiencies, at makikita naman ho natin most of these were already, nandiyan na po lahat ng dokumento; it’s prepared already. Ang mga questions lang would be particularly, mayroon pong mga hindi tayong – units ng mga DOH – na hindi pa po nakakapagkumpleto nitong mga requirements ng document.

So atin pong dinu-double ang ating efforts para makuha na ho natin lahat ito and we are not going to wait for that specific timeline na ibinigay para makumpleto natin ang kailangan nating isumite so that this report will be closed already.

USEC. IGNACIO: Usec., sa mga nagdududa sa Department of Health na hinaluan pa umano ng corruption ang COVID-19 response ng pamahalaan; ano po ang gusto ninyong sabihin sa kanila?

DOH USEC. VERGEIRE: Gusto na ho nating ipaliwanag sa ating mga kababayan, DOH has always been transparent, lahat po ng pera na naibigay sa atin para gastusin para sa pandemyang ito are well accounted for, bukas po ang tanggapin namin para sa mga ganitong imbestigasyon at mas handa po kami na magsumite ng aming mga dokumento.

Ito po P67 bilyon na sinasabi, well accounted po lahat po iyan. Actually, iyong amin pong pera na naibigay noong nag-umpisa po ang pandemya, we were able to utilize almost 98% of that and nagkaroon pa nga ho ng extension itong bayanihan kaya hanggang itong June nakapagbaba pa kami ng pera para sa ating health care workers.

We are open to all types of investigation, hindi po kami aatras diyan. Gusto ko lang sabihin sa ating mga kababayan na sana po iyong paghuhusga gawin natin kapag kumpleto na po lahat ng ating mga nakikitang mga ebidensiya.

Ang atin pong Kagawaran ng Kalusugan ay patuloy na nagbibigay ng utmost na trabaho para po sa ating mga kababayan at pagdating po sa kaperahan hinding-hindi po kami gumagawa ng corruptions and COA has clarified this already yesterday na iyong kanilang ginagawa ay procedural at hindi kailangang bahiran na may corruption agad ang aming kagawaran dahil nagsusumite pa po tayo ng mga dokumento na kinakailangan for evidence that we have already utilized this fund.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., basahin ko lamang itong tanong ng ating mga kasamahan sa media ano po. Mula po kay Michael Delizo ng ABS-CBN: Ilang lugar sa Metro Manila ang mahigit 70% ng mga occupancy rate sa mga ICU; at ano-ano ito at bukod po sa NCR, ano daw pong mga rehiyon o lalawigan pa ang binabantayan ngayon dahil sa mga napupunong ICU?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. So, ngayon po mayroon tayong 54 areas na nasa level 4 alert; pag sinabi po nating level 4 alert, more than 70% ang utilization rate ng kanilang mga hospital. Sa NCR , mayroon po tayong mga cities at saka… ng Las Piñas, Malabon, Makati, Marikina, Muntinlupa, Navotas, San Juan, Pateros, Quezon City, Taguig and Valenzuela. And we are finding all of these areas na 54 across the different region in CAR, Regions I to III, Region IV-A, Region V, VI,VII, VIII, Region X, Region XII and Caraga.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Kumusta na po iyong trend ng COVID cases at ano iyong mga lugar na nakakaranas ng mataas na kaso sa nakalipas na linggo?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, pataas pa rin po ang trend ng ating mga kaso katulad ng sinasabi natin kahapon na noong nag-media forum kami. Marami na po na na-escalate natin from alert level 1 lang dati ay naging alert level 3 or alert level 4.

Ngayon po wala na po tayong alert level 1 na area, lahat po ay nasa alert level 2, alert level 3 and alert level 4.

Sa alert level 3 po ay may 39 areas tayo and as I’ve said a while ago, we have 54 areas in alert level 4. So, ito pong pagtaas pang kaso ay nakikita po natin, ang kailangan lang po nating gawin ngayon ay ipagpatuloy na maghanda para po tayo ay maka-accommodate sa ating mga ospital and most importantly we have to cut the transmission in the community.

So, ang ginagawa po namin ngayon ay sumasama kami sa DILG para kausapin isa-isa ang mga local government, iyong mga officials po natin para turuan sila, ma-guide sila ano po ba ang puwede pa nating gawin sa panahon na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Crissy Dimatulac ng CNN Philippines: How is DOH preparing health care facilities for more influx daw po o patient? OCTA projects more areas will reach critical risk classification?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky. So, sa ngayon iyan pa rin ho ang ginagawa natin. We are further expanding the capacity of our hospital, we are now using covered courts hospital, we are using function halls, conference room. Kin-converts na ho natin iyan para malagyan natin ng kama, gumagamit po tayo ng modular hospitals, gumagamit tayo ng tent.

Patuloy po ang pakikipag-ugnayan natin sa ating oxygen suppliers dito at katulad nga po ng Food and Drug Administration statement yesterday kausap po natin ang supplier and marami pa ho, may adequate stocks pa tayo. Ang problema po natin ngayon would be iyong hoarding ng mga tao na ginagawa, bumibili sila kahit hindi pa nila kailangan ng medical grade oxygen. So, we are trying to regulate that at the moment.

Iyong stockpiling on oxygen for all of our hospital, we have downloaded funds already para po makapag-procure na rin ng mga kinakailangan ang ating mga hospitals for these specific supplies and as to health care workers continues po ang emergency hiring natin. Nagbaba rin tayo ng pera sa mga hospitals para kahit sila po ay makapag-start ng hiring na mabilis na proseso so that we can augment our health care workers po sa mga ospital.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., tingin ninyo daw po makakahikayat pa ang DOH ng mga dagdag na medical frontliners kung lumalabas ngayong ang mga isyu tungkol sa kanilang benepisyo? Tanong nga po iyan ng Annual Group De Vera Manila Bulletin. May mga health care workers po ang nagsasabi na hindi pa sila nakakatanggap ng special risk allowance. While some are posting on social media na mababa daw po iyong amount ng tinatanggap nilang SRA. Ano po ang masasabi ng DOH dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky, no. So, iyon po sa pera para sa SRA naibaba na po namin since in June 30, 9 billion pesos to all of our regional offices and DOH hospital. So, kailangan lang po nakikipag-coordinate ang bawat hospital sa ating mga regional offices because they are the one’s getting the list ‘no.

Kung anuman po ang listahang ibigay ng mga ospital sa aming regional office, iyon po iyong amin pong pinag-aaralan kung magkano and people also have to understand may specific computation based on the policy ang ating pong SRA, it is pro-rated, ibig sabihin po kung ilang araw po kayong pumasok, base po doon sa polisiya iyon po ang ibibigay.

So, sometimes people will say mababa, pero this was computed based on the number of days they have worked, during the time that they were working para po sa COVID-19 patients. So, kailangan lang po talagang maklaro iyong mga ibang ospital po nagrireklamo dahil hindi nakasama iyong ibang staff nila, you can send again your appeals and explanation to our regional offices para po maiayos po natin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. May kaugnayan din po ang tanong diyan ni Weng Hidalgo ng ABS-CBN news: Ayon daw po kay Congresswoman Stella Quimbo, ang Bayanihan 2 ay may sobrang P18 bilyon na pondo. Nasaan na po ito at bakit hindi iyon ang ibigay sa private hospital workers?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyon pong aming ibinabang pondo para sa mga benefit ng health care workers, this conclude also private hospital. So, katulad ng sinabi ko kanina Usec. Rocky, kung anuman pong pondo ang ibinaba natin sa aming mga regional offices, ang ating pong mga private facilities just need to submit their list based on policy dito po sa ating mga regional offices so that they can be provided with this SRA.

So, kailangan lang po talagang makipag-coordinate and mayroon na pong benepisyo ‘no because based on the law is both from public and private health care workers.

USEC. IGNACIO: Susunod pong tanong niya: May mga private hospital din daw po na hindi kasama sa mga nakalista sa entitled sa benepisyo ang mga MedTech, Radio Tech at iba pang directly involved sa treatment ng COVID patients. Ano po ang solution ng DOH sa lahat ng ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, again let me just clarify, Usec. Rocky, na kailangan po isumite nila sa aming regional office. Mayroon po tayong policy na lahat po ng directly catering sa COVID-19 patients should be provided with this benefits. Ngayon kapag base sa polisiya hindi po makakasama dahil hindi po sila directly catering to COVID-19 patients. For example, RadTech, Medical Technologist, clerk. Kailangan lang pong klaruhin iyan to the regional office, submit another list para po matugunan po natin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Red Mendoza ng Manila Times na kapareho din po ng kay Weng Hidalgo: May mga health workers daw po na nagbabanta na mag mass resignation dahil daw po hindi maibigay ang benepisyo; ano po ang reaction ng DOH dito sa banta na ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Kami po ay nakikiusap, unang-una na sa ating mga health care workers na kung mayroon po tayong mga hinanaing kami po naman ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga organisasyon ng health care workers at amin pong pinapakinggan ang kanilang mga dinudulog at kung magagawa namin agad-agad, ginagawa namin agad-agad kung ano ang mga kailangan nila.

So, sana po mapag-usapan natin lahat ito pong mga inyong hinanaing para po hindi tayo umabot dito sa mga ganitong action dahil ito po ay makakaapekto lalung-lalo na ngayon sa sitwasyon natin na kailangan namin kayo para alagaan ang ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Red Mendoza: May mga kumakalat sa social media na kung saan naka-post ang bidding bulletin for high end laptops worth P700,000. Ano po ang gagawin sa mga laptop na ito at bakit po umabot sa halagang P700,000?

DOH USEC. VERGEIRE: Kasama po iyan sa isasagot natin dito po sa mga COA audit report na ibinigay sa atin. So, we will be answering that in the proper channels, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Jamie Santos ng GMA news: Wala po bang planong maglagay ng oxygen stations tulad ng ginawa sa India dahil po sa current situation natin ngayon and reaction po sana sa gusto ng DTI na mag-MECQ ang Metro Manila? Kakayanin na po bang mag-MECQ at hanggang kailan po ma-extend ang ECQ? Kung aabot daw po ito ng hanggang katapusan ng August?

DOH USEC. VERGEIRE: Iyong una pong katanungan ano, iyong oxygen stations. Sa ngayon po, hindi po iyan ang tinitingnan nating mga plano para sa ngayon for our hospitals and even in the community. Atin pong pinapalawak ang atin pong pagpu-provide ng assistance, and hospital should be able sufficient supplies for this.

So, kung anuman pong hospital ang nangangailangan, amin pong ginagawa iyan. Mayroon din ho kaming tinitingnan na mga innovations na isinusumite sa atin ng ating mga scientist katulad po noong octopus na oxygen kung saan iyong connection that we can be able to do that for so many people, with just one source of oxygen.

So, ito po lahat ay ginagawa natin sa ngayon, working with all other agencies para magkaroon tayo ng sufficient supply of oxygen for everybody who needs it. Pangalawa po, iyong ECQ and MECQ, lahat po iyan ay pinag-aaralan ngayon ng ating Inter-Agency Task Force no, ito pong pagsi-shift natin to a lower level ay isa pa hong pinag-uusapan ng IATF iyan.

Kailangan pong maintindihan ng ating mga kababayan, ECQ or MECQ is not the only answer for us to be able to stop the transmission and lower down the cases. It has to be that we look at all the component of our response and very important po ang response natin sa local government. Kaya po kami ay nag-iisa-isa ng ating mga regional local government officials to guide them.

Para paigtingin po natin iyong PDITR sa baba, atin pong putulin ang transmission sa komunidad para bumaba ang kaso, wala ng masyadong mauospital. At two the shift in a lower level classification, kailangan natin tingnan ang isyu ng economics din ano, hindi po natin puwedeng pagtuloy-tuluyin na wala na pong masyadong makain ang ating mga kababayan affected with these ECQ and MECQ.

So, ang IATF po ngayon ay pinag-aaralan ang ating mga response ngayon para mabalanse po natin both economic and health for that matter. So, pag-uusapan po lahat iyan sa IATF. Gusto lang po namin muling iparating na ang local governments will be very critical ang kanilang role ngayon for us to do the granular lockdown and doing PDITR plus vaccination in their areas.

USEC. IGNACIO: Ito naman pong tanong na ito ay galing kay Raya Capulong ng ABS-CBN news: Bakit hindi pa po pinapayagan ang booster shots sa Pilipinas? Kailan po ito posibleng payagan at ano ang mga factor na kinu-consider?

DOH USEC. VERGEIRE: Patuloy po nating pinag-aaralan ito Usec. Rocky, because if it’s going to be good for the population, we are going to do that. So, the fact that we are now considering, first would be safety. Wala pa hong sufficient evidence itong booster shot na ginagawa across the globe. Ang mayroon pa lang hong nakakapaglabas at initial pa lang na datos is Astra Zeneca with an mRNA vaccine. Pero bukod diyan, wala pa hong nailalabas sa iba pang types ng bakuna, that’s one.

So, kailangan masiguro po natin na magiging safe ito para sa ating mga kababayan kaya ang gusto po ng ating mga experts, magkaroon muna ng sufficient evidence before we can recommend such. Pangalawa, ito pong ating equity components, that’s another factor, ang dami pa ho sa ating mga kababayan ngayon dito sa ating bansa ang nangangailangan na mabakunahan na sila.

Kapag ipinasok po natin ang booster dosing, this will again disenfranchise iyong ibang mga kababayan natin na nangangailangan din ng bakuna katulad ng iba. Ito pong ating goal natin is population protection. Let us vaccinate as much as the population so that they can protected kahit magkasakit tayo with the Delta variant we are still having that reduced risk of being hospitalized because of severe infections.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Raya Capulong: Pinag-aaralan na rin po daw iyong cross vaccination? Gagawin na po ba sa bansa ito anytime soon?

DOH USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, nagga-gaps po kayo. Can I have the question again? I’m sorry.

USEC. IGNACIO: Opo. Ulitin po natin ang tanong ni Raya Capulong, pinag-aaralan na rin po ba daw iyong cross vaccination? Kung gagawin na po sa bansa ito anytime soon.

DOH USEC. VERGEIRE: Hindi ko po narinig what kind of vaccination, Usec. Rocky?

USEC. IGNACIO: Cross. Ang tanong po niya cross vaccination?

DOH USEC. VERGEIRE: Cross vaccination, C-R-O-S-S?

USEC. IGNACIO: Yes, opo.

DOH USEC. VERGEIRE: I am sorry. I have not heard of that term yet but if that would be pertaining to the mix and match, iyong magkakaiba po ng bakuna na binibigay, pinag-aaralan po iyan ng ating mga eksperto sa ngayon. Pero, sa ngayon po wala pa hong sufficient evidence to ensure that there would be safety and efficacy in this strategy.

Marami na pong lumalabas ngayon na mga articles na nagsasabi that giving the same brand para po another brand ‘no, will need evidence pa po and even WHO mentioned that. Kailangan po nating pag-aralan maigi kung ano po iyong magiging appropriate dito sa mga bakunang ginagamit natin sa ngayon.

So, lately ang WHO nagsabi, maaari naman daw ang Astra Zeneca at saka mRNA na mag-combine. Pero, tinitingnan pa rin ho natin na hindi naman ho ganoon din kadami ang ating mga vaccines na ganitong klase dito sa ating bansa. So, all of this are being considered pero sa ngayon po hindi pa ho natin nirirekomenda ang kahit na anong mixing and matching dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, ilan pong church leaders sa Bulacan ang tinungo ng outreach team ni Sen. Bong Go, nitong Martes para mamahagi ng ayuda. Ang DSWD may hiwalay din pong tulong. Hinimok naman ni Senador ang mga dumalo na makibahagi sa vaccination rollout ng pamahalaan. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At para naman po sa pinakahuling pangyayari sa iba’t-ibang lalawigan, puntahan natin si Aaron Bayato, mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.

Mula naman po sa PTV-Davao, may report din si Clodet Loreto:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto ng PTV-Davao.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO, magkita-kita po uli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center