Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay Lunes, August 23, 2021, samahan ninyo kaming alamin at busisiin ang pinakahuling mga balita kaugnay po sa pandemya, kaban ng bayan at maging sa larangan ng palakasan, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Nagbanta ang Private Hospitals Association of the Philippines, Philippine Hospital Association, at ang Philippine Medical Association na ititigil na nila umano ang ugnayan sa PhilHealth kasunod ang desisyong ititigil na ng naturang ahensiya ang pagbabayad sa iniimbestigahan pang claims dahilan para pumagitna ang Senate Committee on Health sa issue. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Nakitaan na ng pagbaba sa reproduction rate ng COVID-19 ang Metro Manila. Ayon sa OCTA Research group, nakatulong dito ang pagpapatupad ng ilang linggong paghihigpit. Pero babala ng grupo, posible pa ring pumalo sa 20,000 ang daily cases sa bansa lalo’t patuloy ang banta ng Delta variant. May report si Mark Fetalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Umabot na sa 1,839,635 ang kabuuang bilang ang mga nahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ang Department of Health kahapon ng 16,044 ng mga bagong kaso, 13,952 naman ang mga bagong gumaling habang 215 [garbled] ang tinatayang nasa 91.4% ng total cases o 1,681,925 ang recovered na samantalang 1.73% o 31,810 ang mga namatay, 6.8% naman nito ang nananatiling active cases katumbas ng 125,900.

Kahit ibinababa na sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila, mahigpit na pagbabantay pa rin ang ipinatutupad ng Philippine National Police. Sa katunayan, may mga checkpoint pa rin sa mga border papasok ng Metro Manila, ang detalye niyan mula kay Louisa Erispe:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, Louisa Erispe. Para sa iba pang detalye po ng balitang iyan, makakaugnayan natin si PNP Chief General Guillermo Eleazar. Good morning po, General.

PGEN. ELEAZAR:  Magandang umaga sa iyo, Usec. Rocky, at ganoon din sa mga nakikinig at nanunood sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: General, umabot sa halos 150,000 individuals ang nahuli ninyong lumabag sa quarantine protocols nitong two-week ECQ sa Metro Manila sa kabila po iyan ng talagang pagsisikap ninyo na talaga namang mabigyan natin nang mahigpit na babala para po huwag na kumalat ang virus, ano po. Ano po iyong mostly na violations nila at ang karaniwan na inirarason nila?

PGEN. ELEAZAR: Yes, Usec. Rocky. Kalimitan dito or sinasabi natin mga 70%, ito iyong violation ng minimum public health standard. So, iyo ng non-wearing or improper wearing of face mask and face shield. Iyon ay isinasagawa natin hindi lamang doon sa checkpoint operation natin.

At iyong ang violation naman is sa curfew ay mayroon din, around ito mga sinasabi nating mga 30% at mayroong mga mangilan-ngilan na mga non-APOR na lumalabas. Base sa ating tala, 66% nitong mga ito ay binigyan lamang ng warning at 29% iyong tinikitan natin at 5% iyong dinala sa police station.

Usec. Rocky, itong ibinibigay nating mga sanction diyan ay depende sa ordinansa ng umiiral doon sa mga iba’t-ibang komunidad at usually nga diyan ay tinitiketan lang at pinagmumulta at kung hindi naman sila tumugon doon sa subpoena na ipadadala ay puwedeng magkaroon sila ng warrant of arrest eventually.

Alam mo, sa average natin doon sa past 15 days na ECQ, tama iyong sinabi, 150,000 ang violators na nakita natin or nag-a-average siya ng 10,000. Itong sa nakaraang araw na dalawang MECQ ay umabot sa 26,700 iyong ating mga violators o nag-a-average iyan ng 13,300 per day.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero almost po, itong 150,000 na ito sinabi ninyo nga po na hindi ninyo naman po ikinukulong. Papaano po iyong maximum punishment kasi para pong nagiging palagi na lang po, hindi po nadadala? Itong 150,000 individuals ay medyo malaki rin po ito. Alam ninyo naman po na health protocols po talaga iyong ating pinaiigting dahil nga po may Delta variant na.

PGEN. ELEAZAR: Yes, Usec. Rocky, pero ganoon talaga siya kasi ordinansa ang pagbabasehan natin diyan at sa mga ordinansa talaga, ang mga first offense ay puwedeng community service, puwedeng multa or iyong pagkakulong naman is kung sakaling hindi sila tumugon doon sa mga subpoena na ito na puwedeng ma-file-an sila ng kaso depende sa ordinansa.

Iyong iba naman, kagaya ng mga drivers na nakita natin na nagsasakay ng non-APOR ay puwedeng isyuhan iyan ng ating temporary operator’s permit ng LTO na tutubusin din nila at kung iba naman ay ordinance violation receipt.

So, talagang ganito ang mga sanction. Pero sinasabi nga natin na mabigat din iyan or masakit din para sa ating mga kababayan na eventually kapag hindi ka tumugon diyan ay magkaroon ka ng kaso at record mo na iyan. At doon naman sa iba na tutubusin mo pa at magbabayad ka ng iyong pagtubos sa iyong lisensiya sa LTO, eh malaking bagay din iyan.

Kaya nga ang bilin natin sa ating mga enforcers sa ground eh seryosohin natin lalo na itong mga sasakyan na nagba-violate na may sakay nang sobra or nagsasakay ng non-APOR ay tiketan natin itong mga drivers nila.

USEC. IGNACIO: Opo. General, anong mga protocol iyong bahagya namang pinaluwag dito sa Metro Manila ngayong MECQ? May nadagdag po ba sa listahan ng APOR?

PGEN. ELEAZAR: Tama iyon kasi itong MECQ definitely mas maraming allowed na ngayon na mag-operate. In fact, mayroon tayong mga establishment ngayon na not necessarily na essential sila. Probably non-essential sila pero as long as hindi sila leisure o hindi sila kasama doon sa negative list ay puwede na silang mag-operate. So, iyon ngayon ang nakadagdag.

And another thing is that hindi na required itong quarantine pass para doon sa mga lalabas para mamili. Depende sa doon ating mga LGUs, pero nasa kanila pa rin kung gusto nilang i-enforce pa rin itong quarantine pass para doon sa mga consumer APOR natin. So, basically, ito iyong mga pagkakaiba niya.

Pero kung ikukumpara natin iyan doon sa dating mga MECQ noong mga nakaraan, mas mahigpit pa rin ‘di hamak ngayon kasi itong MECQ natin ngayon hindi allowed iyong al fresco dine-in services. Meaning to say, talagang lahat ngayon ng restaurant whether iyan ay nasa loob o nasa labas ay hindi sila allowed.

Ganoon din doon sa ating religious gatherings, itong MECQ ngayon hindi allowed iyong 10% na kagaya noong MECQ noon. Pero iyon nga, mas marami na ngayon ang mga list ng mga establishment na puwedeng mag-operate kaya, correspondingly, mas marami na rin ang mga workers na puwedeng lumabas kasunod nito.

USEC. IGNACIO: Opo. General, doon naman po sa mga gusto talagang mag-exercise tuwing umaga? Ano po ang patakaran dito? Dapat po ba daw within the vicinity lang ng kanilang mga bahay lamang?

PGEN. ELEAZAR: Yes, tama, Usec. Rocky. Iyon pa rin ang isa ring kasamang nabigyan ng konsiderasyon na compared with ECQ pero iyon ay base po iyan sa mga LGU guidelines at naglabas naman ng parang uniform guidelines ang ating Metro Manila Council na ito ay may oras, six to nine, at iyon lamang sa vicinity ng bahay nila. Meaning to say, iyong practical consideration nito doon sa labas lang ng bahay malapit doon at hindi na lalabas pa ng kanilang komunidad.

USEC. IGNACIO: Opo. General, ipinatutupad pa rin po ba itong ‘tiny bubble’ system dito sa Metro Manila para sa mga consumer APOR? Ibig sabihin ay hindi pa rin po pinapayagan iyong pagdayo sa ibang siyudad para mamili?

PGEN. ELEAZAR: Yes, tama iyon. Iyon naman ang konsepto noong ating ECQ at MECQ na since sa every city is considered to be, parang independent LGU even though may coordination sila ng buong Metro Manila Council, so, itong mga consumer APOR ay dapat doon lang mag-a-avail nitong mga essential goods and services nila sa kanilang lugar.

Ito namang Metro Manila alam naman natin na lahat ito is mayroong grocery, lahat mayroong palengke at mayroon silang mga botika kaya doon lang sila. Ang mga exemption na lang diyan is kung nasa boundary sila at iyan naman ay nako-consider ng ating mga nagbabantay sa checkpoint.

USEC. IGNACIO: Opo. May ilang Metro Manila LGU na po kasi ang nagsabi na sila nga ay magri-require ng quarantine pass ngayong MECQ, ganiyan din po iyong sinabi ninyo kanina. So, paano naman po kaya malalaman ng mga nagbabantay na pulis kung consumer APOR nga po ang isang tao?

PGEN. ELEAZAR: Well, unang-una, ang atin kasing mga checkpoints, ang ating mga quarantine control points iyan ay nasa boundary ng mga cities. Kaya kung nandiyan ka ngayon ay hindi mo padadaanin diyan ang hindi worker APOR.

Kasi if you’re just claiming that you are consumer APOR whether you have a quarantine pass or not, it doesn’t matter to us, hindi ka padadaanin diyan unless ang lakad mo is emergency or iyon nga, ikaw ay worker APOR.

So, iyon lang ang puwede nating ipatupad diyan kasi dahil nga part ng provision nitong MECQ is that depende na sa LGU kung i-implement nila itong quarantine pass. Kaya nga ang ating direktiba sa ating mga chiefs of police, mag-coordinate sa inyong mga respective LGUs, alamin ang programa or provision tungkol dito sa paggamit ng quarantine pass at iyon ang inyong i-implement.

Kung mag-decide ang LGU na mayroon pa ring quarantine pass eh ‘di iyon ngayon ang magiging basehan natin na kapag mayroon kayong na-check sa labas for example sa mga iba’t-ibang establishment at nakita ninyo na walang quarantine pass iyon, hindi sila allowed na nasa labas otherwise sila ay mga worker APOR.

USEC. IGNACIO: Opo. General, paano naman daw po iyong paglabas ng Metro Manila papunta sa mga lugar na nasa MECQ rin halimbawa sa Bulacan at Laguna? Puwede na rin ba sa GCQ areas?

PGEN. ELEAZAR: Doon po sa ating provision, kapag ikaw ay nasa ECQ/MECQ, hindi ka puwedeng lumabas o pumasok sa lugar na iyon. Meaning to say, kahit pa ikaw ay papunta sa GCQ or galing ka sa GCQ pupunta ka sa MECQ, hindi pa rin uubra iyon. So, iyong bubble concept will be implemented pa rin doon, unless ikaw ay worker APOR.

USEC. IGNACIO: General, pagtutuunan na rin daw ng pansin ngayon iyong mga public transportation na hindi sumusunod sa public health standards. So, naka-deploy po ba iyong ating HPG for this sa buong bansa at ano pong klaseng apprehension ang gagawin? Huli po ba agad o tiket lang?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Talaga namang ticket ang ginagawa natin diyan at iyon naman ay sinasabi nga natin, kung alam ng mga driver ang bigat nitong consequence kapag ikaw ay nakumpiska iyong lisensiya, kung mayroong temporary operators permit, itong ating mga enforcer; kung wala naman iyong ating ordinance violence receipt or traffic citation ticket, eh kapag naipon po iyan, eh talagang kaso din iyan; kaya iyon ang ating gagawin. Iyong dati rin kasi, eh puro warning binibigay natin.

Pero nagbigay tayo ng direktiba sa Highway Patrol Group; hindi lamang sa HPG, kung hindi na rin sa ating mga local police na nagbabantay sa mga quarantine control points na tiketan ninyo, whether iyan ay TOP, iyan OVR or iyong TCT na tinatawag natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Higit isang taon na ring nagbabantay, General, ng mga checkpoint ang ating mga pulis. Sa ngayon po ba ilan na iyong naitatalang COVID cases sa hanay ninyo at ilan po ang active cases sa ngayon at kumusta po sila?

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Yes, Usec. Rocky, sa ngayon ay mayroon kaming 31,492 na na-infect na and that is 14.1% ng aming population. Bagama’t ang amin po namang active cases ay nasa 1,846 or 5.5% itong aming mga infected. Mayroon tayong sa kasawiang-palad ay nasawi na 100 or .3% noong aming mga infected.

But just the same, eh nakita natin na even though 15% na iyong na-infect na sa atin, pero mabilis naman maka-recover; at iyong ating mga nasasawi, compared with other sector ay maituturing natin naka-kaunti lang. Kasi basically wala naman kaming mga senior citizens sa aming uniformed personnel, except for some few non-uniformed personnel. At ang effort naman natin, iyong ating vaccination sa ngayon sa buong Pilipinas, iyong PNP 40% na ang fully vaccinated and 47% naman iyong mayroong isang vaccine na. So all in all 87% na iyong at least mayroong bakuna na.

Dito po sa NCR, kung saan dito nga tayo nakatutok ngayon, 52% of our personnel na nandito sa Metro Manila, fully vaccinated. Mayroon tayong 45% na may isang vaccine. So a total of 97% at least mayroong isang vaccine na lang, iyong 3% na iyon. Ang hangad natin doon na at the end of this month ay lahat ay mayroon ng vaccine, the same manner hahabulin din natin iyong 87% na iyon sa buong Pilipinas.

By the way, doon sa aming online continuing survey ay 98.4% ng aming personnel out of the 222,000 personnel namin ay willing magpabakuna; iyong 1.6 na natitira, itong kakaunting ito ay may kanya-kanya silang reason. Pero ako ay naniniwala na eventually, lahat naman po iyan ay mababakunahan din.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa inyong panahon at mag-iingat po kayong lahat sa PNP, General Guillermo Eleazar, mabuhay po kayo.

PNP CHIEF GEN. ELEAZAR: Maraming salamat sa iyo, Usec. Rocky at magandang umaga po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: Samantala, silipin na rin natin ang pinakahuling mga balitang nakalap ng ating kasamahan sa Philippine Broadcasting Service sa iba’t ibang lalawigan, ihahatid iyan ni John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

Sa iba pang balita, binuksan na ang ika-137 Malasakit Center sa bansa na matatagpuan sa New Western Leyte Provincial Hospital sa Baybay City, Leyte, ang ika-sampung Malasakit Center sa rehiyon ng Eastern Visayas. Kasabay naman ito ng pamamahagi rin ng ayuda ni Senator Go at ng ilang ahensiya ng pamahalaan sa mga healthcare workers at ilang pasyente sa ospital. Narito ang report:

([NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Halos isang buwan matapos ang historic win ng ilang atletang Pilipino sa 202o Tokyo Olympics, simula bukas August 24 hanggang September 5 po ay sasabak naman sa 2020 Tokyo Paralympics ang ilan sa ating differently abled athletes pero hindi rin sila nakaligtas sa banta ng COVID-19. Kumustahin po natin ang lagay at kahandaan ng mga atletang Pilipino na sasabak po sa Tokyo, Japan mula kay Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez.

Good morning po, chairman!

PSC CHAIR RAMIREZ: Ma’am, good morning po! Good morning po.

USEC. IGNACIO: Opo. Welcome po sa Laging Handa. Chair, ilan po bale sa ating mga Paralympics delegation ang nagpositibo sa COVID-19 at nasaan sila ngayon? Kumusta po sila, Chair?

PSC CHAIR RAMIREZ: Iyong anim na atleta at saka mga almost ten officials and coaches nakaalis na noong Sunday, kahapon, at dumating na sa Japan. But before that, the doctor in charge of the health protocols, si Dr. Janice Espino, reported to us that mayroong isang [athlete na] positive at saka isang official.

So, the officials, the President of the Paralympic Committee, si Mike Barredo, has made the announcement at inaasikaso po siya, iyong isa. I hope asymptomatic lang. Pero iyong mga atleta, the whole delegation, Usec., nasa Tokyo na po at preparado na po sa Tokyo Paralympics competition.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman Butch, pasensiya na po, paano po kaya nakalusot na magpositibo ang Paralympics team natin?

PSC CHAIR RAMIREZ: Ano po? Paano nakalusot? Ano naman, Usec., you’re not really sure kung each one of us whether you’re going to the Olympics or not, you are positive. It’s so unfortunate na isa sa mga atleta na tested positive siya.

Pero ganoon pa man, may mga cases kami na bago pumasok noon sa mga meetings tested positive pero asymptomatic lang at ina-isolate namin kaagad in one week’s time wala namang symptoms. So, we will be extending our support to the athlete na nag-positive po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman Butch, bakunado naman po ba iyong mga participants natin sa Paralympics?

PSC CHAIR RAMIREZ: Opo. Opo, bakunado po sila. Bakunado na po sila at saka naka-dalawang PCR test sila as required by Tokyo Olympic Organizing Committee. Iyon nga lang, talagang kung saan niya nakuha hindi talaga natin alam. And I was very sad about it at iyak nang iyak iyong tao but talagang wala. Hindi natin kontrolado si COVID eh.

USEC. IGNACIO: Totoo po iyan.

PSC CHAIR RAMIREZ: But I think dahil sa nangyari sa isang kasama nila, it might be a strong motivation.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil nga, Chair, sa pangyayaring iyan, ilan na lamang pong atleta natin ang lalaban sa Paralympics?

PSC CHAIR RAMIREZ: Lima na lang po and I’m sure that the five athletes minus one will consider what happened to their colleague as a strong motivating factor to really come home with the medals.

USEC. IGNACIO: Opo. So, hindi naman po ito makakaapekto ano po sa overall performance ng ating mga pambato na tutuloy sa Tokyo Paralympics?

PSC CHAIR RAMIREZ: I think the health protocol, iyong ating Philippine Sports Commission Medical Scientific Service Group have been briefing this people and have been isolating before their departure and have undergone their PCR test, iyon nga lang, talagang inabot siya na positive siya and I hope wala siyang infections and iyon nga, it’s so unfortunate.

Iyon namang umalis na atleta natin sa Olympics, iyong regular athletes, wala naman pong ganoon, dito lang po talaga sa ating pong mga Paralympian athletes.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, kumusta naman po iyong preparation ng mga para-athletes nating tuloy po ang pagsabak sa Tokyo Paralympics? Hindi po ba nakakaapekto nang malaki iyong restrictions na dulot ng pandemic sa trainings at preparations nila?

PSC CHAIR RAMIREZ: Ano po, after noong lockdown noong March, itong mga atletang ito nagkakaroon ng mga training sa kanila and we were prepared to observe the health protocol of the country and even going to Tokyo because the Tokyo Organizing Committee is also very strict.

And I am very sure that sabi ko nakausap ko sila bawat isa bago sila umalis. Sentimental iyong aming pinag-uusapan at ang sabi ko sa kanila, huwag silang mag-worry kung anuman ang mangyari doon ‘no, win or lose kasi hindi naman lahat makakaabot sa Olympics at saka si Baron de Coubertin iyong isa sa founder ng modern Olympics, ang sabi niya hindi naman ang pagpanalo lang ng medalya sa pagsali sa Olympics kung hindi ang pagsali doon kasi they will be playing with exceptional, outstanding athletes in the world.

So I was watching both regular and Paralympics natin, when you play against the best of the Europeans, the best of the Latin American athletes and including our Asian counterparts, hindi po madali ha at saka although lamang na lamang iyong mga mayayamang bansa dahil sa kanilang cutting edge technology sa sports science, pero na-prove natin iyan in many instances that Filipino has the heart and mind to compete. And wala namang atletang mag-compete ng worst, they will always compete with their best. And sometimes iyong best nila, may best pa sa ibang bansa.

So we were preparing them, and sabi namin sa kanila that the whole country will be praying for them, will be cheering for them. And kaya ang ginawa rin namin, just like iyong ginagawa ni Presidente, ginawa naming triple iyong allowance ng Paralympic, Usec. Hindi lang one thousand, dapat one thousand dollar, ginawa naming 3,000-dollar ang dala-dala nila, and hoping that we will duplicate what we did to the regular Olympics pag-uwi nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Chair, nais ko rin kayong batiin kasi sa magandang performance ng ating mga atleta dito sa katatapos naman na Tokyo Olympics, ngayong araw po ay expected nga pong magaganap ang courtesy call ng ating apat na Olympian medalist kay Pangulong Duterte para po personal na iabot sa kanila ang incentives mula sa pamahalaan.

Sa mga Para-athletes po ba natin, Chairman, ano naman po ang naghihintay na bonus para sa mag-uuwi ng medalya sa Pilipinas? Ito po ba raw ay, pasensiya na, katumbas po ba ng matatanggap daw o natanggap ng ating mga Olympic athletes?

PSC CHAIRMAN RAMIREZ: Ang pagbibigay natin ng cash incentives sa regular athletes at saka Paralympics, nagkakaroon ng ibang cash insentibo ang regular at Paralympians. Pero kami sa PSC, we will give them what these athletes deserve to be given. Magbibigay po kami and si Presidente naman, iyong ugali ni Presidente na kung ano ang binibigay ng gobyerno, nagbibigay rin siya ng personal.

So kaya nga mamayang hapon o gabi, magbibigay iyong gobyerno sa cash incentive act ng pera sa bawat atleta. At saka kahit iyong mga atleta, Usec., na walang medalya, binibigyan din ng PSC at binibigyan din ng Presidente. So lahat winners po mamayang gabi. At sa hirap ng pandemic, the President risking his life to award personally to these athletes, at marinig siya, marinig siya kung anong mga nasa utak niya, nasa puso niya at saka pagmamahal niya sa mga bata. Kasi ang pagkakaalam ko, noong nasa Ateneo de Davao pa ako at saka consultant ako ng Davao City Hall, iyong puso niya kapag mga atleta, ano siya, binibigyan talaga niya ng panahon. At maalaala ko, iyong ASEAN Games, iyong 300 athletes natin na may mga cash incentives. Nakatindig po ang Presidente tatlong oras, Usec., at binibigay iyong mga awards sa kanila; ganoon si Presidente, Usec. Ganoon man katapang siya sa mga pagsilbi sa gobyerno, pero may soft spot siya sa mga atleta.

Kasi ang sabi nga niya noong after the Rio Olympics, noong umuwi si Hidilyn Diaz, naka-silver at dinala ko siya kay Presidente sa Davao, ang sabi niya sa akin, “Butch, suportahan mo at bigyan ng suporta lahat ng atleta lalo na iyong mga marginalized, iyong differently able at mga indigenous ‘no at saka mga pobre kasi itong mga batang ito, this is the future of this country.” Iyon ang mga pananalita ng Presidente, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman Butch, kaisa ninyo po ang buong bansa sa laban ng ating para-athletes sa Tokyo bukas. Goodluck po, at mag-iingat po kayo, PSC Commissioner Butch Ramirez.

PSC CHAIRMAN RAMIREZ: Salamat po, Usec. Sa mga nakikinig, salamat po.

USEC. IGNACIO: Sa harap po ng pinaigting at pinabilis na vaccine rollout, umaabot na sa 13 million ang naiturok na bakuna kontra-COVID-19 sa bansa. Una rito, tiniyak ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., na walang maiiwang probinsiya sa bakunahan lalo’t patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa iba’t ibang variant. Ang update, ihahatid ni Allan Francisco. Alan?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyong report, Allan Francisco.

Samantala, sampung araw ang ibinigay ni Pangulong Duterte sa Department of Health at DBM para mabayaran ang special risk allowance na matagal nang idinadaing ng ating mga medical frontliners. Kaya naman si Senator Bong Go ay may paalala rin sa mga ahensiyang ito ng pamahalaan. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Puntahan naman natin ang pinakahuling balita sa hilaga mula sa PTV Cordillera, may report si Debbie Gasingan:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa Davao, magbabalita si Hannah Salcedo:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Daghang salamat, Hannah Salcedo.

Maraming salamat din sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako pong muli si Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita ulit tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)