Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa buong mundo. Ngayong araw ay ikadalawampu’t apat ng Agosto taong 2021, sama-sama muli nating alamin ang mga mainit na usapin sa bansa.  Ako po si Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Simulan na natin ang isang oras na makabuluhang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Bukod sa bakunahan kontra COVID-19, pinaiigting din ng pamahalaan ang pagpapatupad ng prevention, detection, isolation, treatment at reintegration o ang PDITR strategy. Sa katunayan, patuloy ang pagbubukas ng karagdagang laboratory facilities para mapalakas ang testing capacity ng bansa. Si Mela Lesmoras sa report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, kasabay ng pagbubukas ng 137th Malasakit Center sa Baybay City, Southern Leyte, libu-libong mga kababayan din natin mula sa sampung bayan ng lalawigan ang tumanggap ng tulong mula sa outreach team ni Senator Bong Go kasama ang mga representante ng ilang ahensiya ng pamahalaan. Ang report, narito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sunud-sunod na reports na nailathala ng Commission on Audit tungkol sa mga pondong hinahawakan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan noong nakaraang taon, marami [garbled] na agad na baka may sangkot umano na katiwalian sa mga ito. Kaugnay niyan ay kunin po natin ang pahayag ng pangunahing ahensiyang lumalaban sa korapsiyon, ang Presidential Anti-Corruption Commission, kasama po si Chairperson Greco Belgica. Good morning po, Secretary.

PACC CHAIR BELGICA: Good morning, Ma’am Rocky; and to all our listeners, good morning po.

USEC. IGNACIO: Good morning po. Kuhanin ko muna iyong pahayag ninyo, Chairman, sa COA audit reports tungkol sa ibang ahensiya ng pamahalaan. Sa palagay ninyo po ba ay sapat ang findings na ito para mag-conduct na rin ng sariling investigation ang PACC?

PACC CHAIR BELGICA: Hindi pa ho dahil iyan ang una naming pinag-usapan ni Chairman Aguinaldo.

Noong lumabas iyong mga reports niya, kaagad po akong nag-text sa kaniya, to inquire and to get clarifications tungkol dito sa mga flagged agencies. Mayroon ho kasi kaming operational relationship ng COA at PACC eh, na magtutulungan kami sa mga cases within the mandate of our office. So sabi niya sa akin, this may be procedural and subject to justification and compliances.

At normally, ang mga agencies are asked to comply with documents, receipts, probably contracts to justify iyong mga flagged. At kapag na-justify naman nila, mawawala naman iyong pagkaka-flag. Subali’t kapag hindi ho nila na-justify, maiisyuhan sila ng notice of disallowance. Iyong notice of disallowance po, ang puwede nang mag-initiate ng investigation ng PACC dahil kapag mayroon na po iyan ang ahensiya, ibig sabihin ay kumpleto na iyong audit process.

Ang ibig sabihin ng notice of disallowance na mayroon na talagang na-violate na batas so puwede na hong mag-investigate at mag-file ng kaso after ang PACC. Iyan po ang ginawa natin doon sa PSA case na sinampahan natin ng kaso sa Ombudsman maybe two weeks ago where 444 million pesos, inisyuhan ng notice of disallowance ng COA at nasampahan po natin ng kaso after maimbestigahan ang dalawampu’t pitong opisyal ng PSA kasama na po iyong health statisticians that’s because may notice of disallowance. Ibig sabihin, final na po iyong audit process report.

Hindi pa ho kasi final ang annual audit report na yearly nilalabas ng COA dahil yearly po nila ginagawa ito eh. Kaya as I have said kanina, these are subject to compliance and justification pa po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Chair, ang tanong po ng ilan, hindi ninyo po raw ba ito nakita before pa i-publish ng COA? Ano pong klaseng imbestigasyon ang ginagawa ninyo sa mga posibleng irregularities na maaaring nangyayari sa gobyerno?

PACC CHAIR BELGICA: Hindi ho, kasi audit iyan eh. Trabaho ho talaga ng COA iyan eh. Iyan po, hindi ho namin trabaho iyong mag-audit, ang trabaho po namin ay mag-imbestiga kapag may mga kasong isinampa sa amin o ini-report na mayroong involved na kurapsiyon.

So, ang COA po ino-audit ang paggastos. Ibig sabihin, kunwari kung sinabi mo na we have P10 billion na in-appropriate for sub-related concerns, “O, bakit hindi mo naman ginastos?” Iyon, audit po iyon. So, hindi namin trabaho ho iyon, COA po ang gagawa noon. And kapag sinabi nila, “Eh, hindi ninyo naman pala inilagay sa sub [-related concerns] ito, inilagay naman pala sa kunwari building.” O, iyon magkakaroon sila ng, “Ibalik ninyo iyan,”- notice of disallowance, magkakaso ngayon sila sa amin dahil hindi ginamit iyong pera sa tama. Ganoon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may mga kritiko pong nagsasabi na hindi diumano sigurado kung magiging objective ang imbestigasyon na gagawin ng PACC lalo’t kayo po daw ay under din ng Executive Department. Ano po ang masasabi ninyo dito?

PACC CHAIR BELGICA: Iyon po ay kritiko and critics will always criticize. But you should judge us according to our history. Makikita ninyo po na iyong aming mga pinagsasampahan ng kaso at ini-expose is beyond politics dahil marami po diyan mga nakasama pa namin sa eleksiyon, kaya nga po nagagalit pa.

2016 pa, 2019, mga kasamahan natin sa administrasyon kaya nga po kapag nasasampahan ng kaso sinasabi na sila pa rin ay susunod kay Pangulo pero dahil kakampi nga po iyang mga iyan.

So, ganoon po kami, Ma’am, kasi iniimbestigahan namin, we give our report regardless of their political affiliation and then, you know, leave it to the President what he wants to do with it and move on to the next case, ganoon po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero hindi po makakaapekto sa pagpapatupad ninyo sa inyong tungkulin as chairperson ng Anti-Corruption Commission ang pagkakabilang ninyo sa senatoriables ng partido ni Pangulong Duterte na PDP-Laban?

PACC CHAIR BELGICA: As my professional work is concerned and my commitment to the anti-corruption campaign of the President and to the people, hindi po. Ang tanging epekto lang po nito ay iyong mga taong naiimbestigahan ko ay nagpapasabi at nagpapalapit na tutulungan daw nila ako sa eleksiyon.

Kaya sabi ko sa kanila, huwag ninyong sasabihin sa akin iyan – hindi naman nasasabi sa akin nang diretsahan – pero sabi ko huwag ninyong sasabihin sa akin iyan dahil isasama ko sa report ko iyan. So, hindi ko ho ipinasasama iyon.

As long as I am PACC chairman at heto po ako ngayon, iyong pagkakasama ko po sa lineup, nagpapasalamat po ako roon pero hindi pa ho final iyon. Heto po ako ngayon, ito po ang tatrabahuin k0, dito po ako magiging tapat.

USEC. IGNACIO: Opo. Recently, Chairman, nasampolan ninyo nga po iyong National Electrification Administration at inaprubahan po ni Pangulong Duterte iyong dismissal ng hepe nito. Base po sa naging imbestigasyon ninyo, can you recount to us, Chair, kung ano po ang naging findings ng PACC tungkol dito?

PACC CHAIR BELGICA: Opo. Bigyan ko ho kayo ng summary. I also prepared a video presentation kapag gusto ninyong ipalabas.

May nagsampa ho, nagsimula po iyan sa kasong isinampa po sa PACC. Noong aming inimbestigahan, allegedly po iyong parang association ng mga electric cooperatives ay nagtayo ng sarili nilang party-list at kumampanya noong 2019.

At ang mga electric cooperatives po ay nag-issue ng resolution para mag-contribute sa kampanya noong party-list nila, isang bagay na hindi tinutulan ni former Administrator Edgardo Masongsong, something that violates the law.

Bawal pong gamitin ang pera ng electric cooperatives sa anumang bagay na hindi para sa development ng electrical development ng buong Pilipinas. Hindi ho ito puwedeng ipang-donate sa kahit ano hong kampanya.

And because of that, we saw that there is a violation of law and we filed the appropriate charges with the Office of the Ombudsman and submitted our report to the Office of the President. And we’re thanking the President for approving our report po.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay ng panahon at impormasyon, PACC Chairperson Greco Belgica. Mabuhay po kayo, Secretary!

PACC CHAIR BELGICA: Thank you, Ma’am. Thank you everyone. God bless the Philippines.

USEC. IGNACIO: Kahit na ibinaba na sa Modified Enhanced Community Quarantine, tuloy pa rin ang pagbibigay ng ayuda sa probinsiya ng Bataan. Matatandaang isinailalim din sa ECQ ang lalawigan dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases. Ang ulat mula kay Bea Bernardo. Bea?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong pag-uulat, Bea Bernardo. Mag-iingat, Bea.

Natanggap na ng mga Pilipinong sumabak sa Tokyo Olympics ang mga insentibo at parangal mula sa pamahalaan. Kasama namang pinarangalan sa Malacañang ang 1996 Atlanta Olympics silver medalist na si Onyok Velasco. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Bawat produkto at serbisyong binibili natin araw-araw at sa bawat ibinabayad sa ating suweldo kapalit ng ating pagtatrabaho, lahat po ‘yan binubuwisan. At ngayon dumarami na rin ang kumikita sa pamamagitan ng digital contents online, maging ito ay binabantayan na rin pong mabuti ng Bureau of Internal Revenue, linawin natin ang usaping iyan kasama po natin si Attorney Marissa Cabreros, Deputy Commissioner for Legal Group ng BIR. Magandang umaga po, Attorney!

BIR DEP. COMM. CABREROS: Magandang umaga po, Usec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, nagbabala na po ang BIR na maaaring masampahan ng kaso o makulong ang sino mang social media influencer na hindi magbabayad ng [garbled]. May na-finalize na po bang guidelines ang BIR sa pagbubuwis po sa mga social media influencer?

BIR DEP. COMM. CABREROS: Yes po. Kamakailan lang naglabas po ang BIR ng RMC 97-2021, ito po ay reminder sa ating mga social media influencers na sila rin ho ay taxpayers. Kailangan nilang mag-register, mag-file ng Income Tax Return at magbayad nang karampatang buwis sa kanilang kinikita mula sa kanilang activity or services sa pagiging social media influencer.

USEC. IGNACIO: Opo. So Attorney, sino po iyong mga kinikilala o kikilalanin naman po ng BIR bilang social media influencer; basta po ba kumikita online ay mabubuwisan na?

BIR DEP. COMM. CABREROS: Yes po, tama po ‘yan. Basta lahat po ng ating mga nasa online ang means of kita – kumikita sila, binabayaran sila sa kahit anong klase ng serbisyo na ginagawa online. Ang common lang po actually is iyon nga hong nagba-vlogs, mga You Tubers na nagpu-promote ng mga produkto. But hindi lang po sila kasi ang tinutukoy po ng ating RMC is lahat po ng taxpayers, indibidwal at korporasyon na tumatanggap ng income in cash or in kind na ginagamit ang media site or any other platform at any activity performed on those sites and platform, basta po kumikita sila because of it, sila po ang tinutukoy natin na kailangan magrehistro. Iyon nga lang po, ang mga famous po as example are our You Tubers, iyong nag-live streaming sa Facebook, Instagram, Twitter, TikTok, Reddit, Snapshot and all other platforms po, sakop po siya sa ating RMC.

USEC. IGNACIO: Opo. May mga nagpapahayag po, Attorney, ng kanilang sentimyento na hindi naman ganoon daw po kalaki ang kinikita nila sa social media kaya sana ay huwag na silang buwisan ng BIR. Ang tanong po, Attorney: May exemptions po ba sa ating batas para hindi na kaltasan ng income tax ang mga smalltime influencers?

BIR DEP. COMM. CABREROS: Ganito naman po, wala ho silang dapat ikatakot. Iyong obligasyon po nang pagrirehistro ay magkaiba po ‘yan sa pagbabayad ng buwis. Ang una po dapat is kailangan magrehistro sila kasi they are considered engaged in business. Iyong pagrirehistro po dapat gawin nila kaagad kasi may penalty po rin tayo sa mga late registration kasi requirement po iyan ng batas.

Pangalawa, once you registered po sa BIR, you’re required to file and pay taxes. Ngayon pagdating sa income tax po, under the TRAIN Law kung maaalala po ninyo ang TRAIN Law po is binago, binaba po iyong taxes diyan, tax rates na iyong paunang P250,000. Kung iyong annual net income ninyo po sa buong taon is hindi naman po lalagpas sa P250,000 – 0% po ang tax rate niyan so wala pong babayarang income tax. Kaya iyong sinasabi po noong iba na maliit lang kami, wala naman kaming gaanong kinikita pa… wala ho silang dapat ikatakot kasi kung hindi naman po lalagpas sa P250,000 annual net income, wala naman pong babayarang income tax.

USEC. IGNACIO: Opo. Nabanggit din po ni DepComm Arnel Guballa na in the process na ang BIR nang identifying tax evading influencers. Nasa ilang influencers na po itong iniimbestigahan ninyo at ano po iyong maaaring parusa at magkano ipapataw sa kanilang multa?

BIR DEP. COMM. CABREROS: Ongoing po iyong aming activity of identifying iyong ating mga social influencers. But in the meantime nag-aapela po kami na sana boluntaryo po and they come out in the open, have themselves register, open po iyong ating mga opisina kahit po noong nag-ECQ tayo. Bukas naman po ang ating opisina, mga frontliners, tutulungan po sila at gagabayan sila kung ano ang dapat nilang gawin sa pagrirehistro at tuturuan po sila kung ano iyong mga obligasyon nila pagdating po sa pagpa-file at pagpi-pay ng taxes.

Ngayon po kung hindi pa rin po sila susunod, mapipilitan po at parte po ng trabaho ng BIR ‘yan na mag-file kami nang karampatang cases against these media influencers na hindi po nag-register at hindi po magpa-file and pay nang tamang buwis. Sa batas po, marami pong pupuwedeng kaakibat na crimes na pupuwedeng maisampa ng BIR sa kanila Una sa lahat unlawful pursuit of business – nagninegosyo kayo nang hindi kayo rehistrado. Pangalawa, non-issuance of official receipts – these are services po na niri-render ninyo, kailangan po may resibo kayong binibigay doon sa nagbabayad ng income sa inyo. Puwede rin pong tax evasion case ang aming i-file kasi nasa batas din po na presumed fraud, there is presumption of fraud kapag may under declaration ng sales of more than 30%; more so kung wala ho kayong dinideklara.

So sana po paunawa namin, huwag na ho tayong doon sa puntong magkakasuhan pa kasi puwede naman po kayong pumunta sa aming BIR offices, mag-register, mag-file and pay ng mga inyong mga dapat na binayarang mga buwis.

And mind you, iyong criminal sanctions po na nakaakibat sa ating tax code ay may kakabit po siyang fine and imprisonment clause.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, basahin ko lang po itong tanong ng ating mga kasamahan sa media ‘no. May tanong po si Naomi Tiburcio ng PTV: Sinabi ni Finance Undersecretary Antonette Tiongco na dapat magbayad ng buwis ang mga naglalaro at kumikita sa sikat na online game na Axie Infinity sa ilalim ng tax code. Ano daw po iyong partikular na liability sa mga kumikita ng cryptocurrency at non-fungible tokens?

BIR DEP. COMM. CABREROS: Okay. Ganoon din po, sakop din sila ng RMC 97-2021 kasi ang tinutukoy po doon is lahat ng activities, lahat po ng serbisyo na ang ginagamit mo is online or via digital platform.

So ganoon din po, maraming nagsasabing, “Naku BIR, bakit mo kami bubuwisan kasi naglalaro lang naman kami.” Unfortunately iyon pong serbisyo noong paglalaro, diyan ho kayo binabayaran ng income, kumikita kayo. Nabibigyan kayo ng mga [garbled] taxable. Now kung ano ang babayaran, income tax or business tax… at the end of the day will depend magkano po ba ang naging net income ninyo annual, sa isang taon.

USEC. IGNACIO: Opo. Huli pong tanong ni Naomi Tiburcio: Dahil sa lumalawak na mga paraan upang kumita maliban sa online game na Axie Infinity, ano pa po iyong mga iniimbestigahan ng BIR?

BIR DEP. COMM. CABREROS: You must understand po, mandato po ng BIR na kami po ay mag-monitor ng mga dapat po magbayad ng buwis. So, lahat po ng pupuwedeng ma-monitor ay puwede naming maimbestigahan kapag hindi po kayo nagbabayad ng tamang buwis. Now, ang guiding principle po natin, basta po may kinita sa kung anumang bagay na ginawa natin, kailangan po ideklara iyan sa BIR. Iyon lang po, ang nangyari ngayon because of technology and na-fast track pa ng pandemya, iyong traditional way of doing business is unti-unti pong napunta sa digital arena.

It doesn’t mean na napunta po kayo sa digital arena or digital world ay hindi na po kayo magdideklara o hindi na kayo taxpayer. Naiba lang po iyong means and ways of earning income.  But still at the end of the day you are earning incomes so therefore, you should be registering yourself and paying and declaring and pay taxes on those activities. So lahat po ng mga paraan. Gaming, vlogging o lahat pa na pupuwedeng paraan in the future, using digital platforms, basta po may kinita kailangan pong mag-report sa BIR.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Ivan Mayrina ng GMA News: Saklaw din po ng memorandum ang online sellers?

BIR DEP. COMM. CABREROS: Yes, actually po, iyong sa online seller, last year, RMC-602020, naglabas na po kami ng paunang reminder sa ating mga taxpayer na mag-register na po sila. In fact, last year, inengganyo po natin lahat na nagta-transact via digital avenue na mag-register. In fact wala pong penalty po ang ibinigay noong mga panahon na iyon, last year, na kahit na kayong nag-o-online sell,  bibigyan po ng pagkakataon na mag-register sila without penalty, lahat po, hindi lang selling,  basta lahat po ng digital transaction inengganyo natin na mag-register, no penalty kung late nag-register hanggang June, in-extend po natin iyan last year hanggang September.

So, ngayon po, is naglabas kami ng mas broader and mas elaborate na instruction and clarification and education po sa ating online activities, sell or services, na kailangan po nilang mag-register at magbayad ng buwis so, kasama po sila. Kumbaga, wala po dapat kasing ipinagkaiba na kung dating walang pandemya, may tindahan tayo na pinupuntahan, where they sell their goods and we buy it, they [should] pay taxes. Kasi specifically po nakikita natin, nabago lang iyong dimension niyan nawala iyong physical feature, naging digital. Ganoon pa rin po, kasi regardless  of platform, the activity is the same,  the flow of income  and the flow of wealth is there, so there is a taxable event that maybe subject to taxation.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, may pahabol lang pong tanong si Naomi Tiburcio ng PTV. Ang tanong po niya: Sino sa mga gumagamit ng mobile game na Axie [Infinity] ang dapat magbayad ng buwis at sino ang exempted? Ano ang mga hakbang na dapat gawin ng mga nais magbayad ng buwis?

BIR DEP. COMM. CABREROS: Okay. Lahat po ng players, hindi lang, lahat po ng kumbaga nandudoon sa mundong iyon ay dapat mag-report at magbayad ng buwis. The company that is providing the platform, for it to happen, the players, lahat po iba’t iba ang tawag sa kanila. At the end of the day, ang sinasabi namin is, kahit ano pang mga tawag sa inyo, scholars, readers, kung anu-ano ang mga tawag sa inyo, kumita ka ba doon sa ginawa mo? If yes, kailangan kang mag-rehistro ang just go to the BIR offices po namin where you are a resident.

Normally, ang mga players po, ang naglalaro is mga individual. But reminder, hindi lang ang ating pagtukoy dito, pati corporate entity kasali po, kasi we were told na may mga corporations po na pumapasok sa mga ganitong digital activities. Pupunta lang po sila sa RDO where they are doing business. Some of them are where their principal place of residence are, so pumunta sila sa aming RDO, ia-assist po sila sa tamang paraan ng pagpaparehistro.

Now, dahil sa pandemya, alam po namin na iyong iba takot pong lumabas. Mayroon po kaming bagong paraan ng pagpaparehistro na online lang muna ninyo sisimulan, ang tawag po nito is NewBizReg, N-E-W-B-I-Z-R-E-G.  NewBizReg is an application which you will be able to see in our website, www.bir.gov.ph, click on E-services, click on other services and makikita po ninyo iyong icon ng NewBizReg. Ang ibig sabihin po niyan is new business registration application.

Kapag in-open po ninyo iyon, may instructional po doon kung ano iyong mga isa-submit ninyong dokumento, information para po sa registration ng inyong business or online activity and then isa-submit iyan online via email and then hintayin ninyo, i-email po kayo ng BIR kung kailan kayo dapat pumunta sa BIR or you can take advantage of our online E-appointment system para ila-log po ninyo online kung kalian po kayo pupunta sa BIR, anong oras, anong araw, para hindi naman po kayo masasama doon sa [pila]. Ang tagal pong pagpipila sa labas, kasi may social distancing, andiyan iyong certain number of people lang ang pinapapasok sa offices at a time. So, para hindi po kayo matagal nakapila, I would suggest you take advantage of the IT application called NewBizReg at saka iyong aming E-appointment application. Both can be clicked on our BIR website www.bir.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Opo. Muli ay nakapanayam natin si Atty. Marissa Cabreros, ang Deputy Commissioner for legal group ng BIR. Maraming salamat po sa inyong panahon.  Mabuhay po kayo, Attorney.

BIR DEP. COMM. CABREROS: Salamat po, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat. Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy pa rin ang paghihigpit na ginagawa ng mga lungsod sa Metro Manila para mas mapabagal pa ang hawaan ng COVID-19. Sa Quezon City bukod sa pagpapatupad ng special concern lockdown, mahigpit ding nagbabantay ang Task Force Disiplina sa mga lumalabag sa quarantine protocols.  May report si Cleizel Pardilla. Cleizel?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Cleizel Pardilla. Mag-iingat Cleizel ha!

Samantala as of 4:00 P.M. kahapon naitala ng Department of Health ang record high na 18,332 ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, iyan na po ang pinakamataas  na naitalang bilang ng mga hawaan sa loob ng isang araw simula ng magsimula ang pandemya sa Pilipinas. Dahil diyan umabot na sa 1,857,646 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa. Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso, 91.3 % o 1,695,335 ang mga gumaling matapos madagdagan kahapon ng 13,794. 151 naman ang mga nasawi para sa kabuuang bilang 31,961 deaths o katumbas ng 1.72% ng total cases.

Tumaas naman sa 7% ang mga aktibong kaso na nasa 130,350. Umakyat na ng higit 60% ang naitalang Delta variant cases sa bansa, ang pinakamarami dito ay ang Metro Manila at Central Luzon. Samantala iniulat naman ng DOH na nag-negatibo sa COVID-19 ang mga close contact ng unang Lambda variant case ng bansa. Ang detalye mula kay Mark Fetalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Ngayong darating ng Setyembre ay ipagdiriwang natin ang Development Policy Research Month or DPRM. Para alamin ang iba pang detalye sa selebrasyon na ito, makakausap po natin si Dr. Kris Francisco-Abrigo, research fellow mula po sa Philippine Institute for Development Studies. Maganda umaga po Ma’am!

DR. KRIS FRANCISCO-ABRIGO: Magandang umaga po Usec. So, I am here [garbled] to join us on our DPRM, so, this month of September madami po kaming activities that we prepared. Ang aming tema ay “Reset and Rebuild for a Better Philippines in the Post-Pandemic World”, or iyong sa Tagalog ay ‘muling magsimula at magtayo tungo sa mas matatag na Pilipinas pagkatapos ng pandemya.’

Pag-uusapan po natin dito kung how do we recover, how do we create a better Philippines after a COVID-19 and believe where rethink our process, our paradigms, paradigm shift po tayo so we can create a more sustainable world, a more efficient world after COVID-19.

So, nandito po—puwede po ninyo bisitahin ang aming website, http://www.dprm.pibs.gov.ph/, nandiyan po iyong aming mga upcoming events, mayroon kaming—ang pinaka-community activity po nitong DPRM namin ay iyong annual public policy conference; so, it’s a series of webinars po.

4 po iyan ang pag-uusapan natin, na September 14 ay iyong resetting capitalism; September 16 pag-uusapan natin, ano nga ba iyong ethical business? September 24, we’ll talk about the environment – Green and Inclusive Recovery; and September 23 iyong final natin na topic we we’ll talk about the workers and how they are affected by the COVID-19 pandemic.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Kris, ano po ba ang legal basis at layunin nitong ipinagdiriwang na Development Policy Research Month at bakit po ito relevant sa panahon natin ngayon?

DR. KRIS FRANCISCO-ABRIGO: Naku! Ito pong DPRM ay ano po ito, based sa proclamation ng Malacañang, Proclamation 247 in September 2002. So, iyong PIDS po naatasan na maging overall coordinator ng Development Research Policy Month.

Ano po ang aim ng DPRM? Gusto po kasi nating i-inform iyong mga policy makers, leaders, business sector, iyong public ng importance po ng policy research ‘no and papaano siya ginagamit sa pag-craft ng ating mga government policies saka mga programs.

Para naman po sa general public, ini-invite namin sila because we want to inform them of ano ba ang mga issues ngayon? Ano ba ang mga pinag-uusapan sa mundo ngayon? Ano ba ang importante ngayon? It is very timely no, kasi patuloy pa rin nating pinaglalabanan iyong COVID-19. Siyempre doon natin makukuha iyong mga discussion, ano nga ba ang dapat gawin? Ano ang dapat gawin natin bilang individuals, bilang businesses? Papaano tayo makakatulong? Papaano iyong government to move forward from this pandemic?

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., Kris, ano po iyong papel naman na ginagampanan ng Philippine Institute for Development Studies sa pagdiriwang ng DPRM?

DR. KRIS FRANCISCO-ABRIGO:  Bilang overall coordinator, iyong PIDS kami po iyong nag-iisip ng theme tapos mayroon po kasing mga members din ng committee other government agencies, madami-dami sila and nagli-list kami ng mga—we come up with activities na ang layunin is to inform nga, to inform the public and other stake holders.

So, nag-i-schedule po kami buong September, madami kaming webinars, marami kaming press conferences, marami kaming mga roundtable discussions tapos iyon po in-coordination nga po ito sa other government offices like the NEDA, we have the CSC po, iyong DBM, DILG, BSP, Philippine Information Agency, the PMS, ano pa ba? CEPO, iyong Senate at saka CPBRD [Congressional Policy and Budget Research Department] and this year we’ve added three more agencies because of our theme so relevant sa kanila iyong topic namin. We’ve added to the list iyong mga ano po, DOLE, SEC, at saka iyong Climate Change Commission.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Kris, ano po iyong tema sa taong ito?

DR. KRIS FRANCISCO-ABRIGO: Ayon po. Iyong tema po namin ay “Reset and Rebuild for a Better Philippines in the Post-Pandemic World.” So muling magsimula at magtayo tungo sa mas matatag na Pilipinas pagkatapos ng pandemya.

USEC. IGNACIO: Opo. Bahagi ng pagdiriwang po ng DPRM iyong pong tinatawag na Annual Public Policy Conference. Maari ninyo po bang ipaliwanag sa amin kung ano po ang layunin at tema ng APPC ngayong taon?

DR. KRIS FRANCISCO-ABRIGO: Okay. Mayroon po tayong apat (4) na webinar series na ang pag-uusapan natin ay iyong resetting capitalism, iyan po iyong pinakatema talaga namin. So, iyong idea ng resetting capitalism is mayroon kasing mga flaws in our current social and economic system na medyo kasi lumabas sila, na medyo na unveil sila nitong COVID-19 pandemic.   

Therefore, kailangan po nating mag-isip ng mga panibagong fundamentals para i-improve iyong buhay natin, i-improve iyong efficiency, i-address iyong mga issues like inequity at sustainability. So, iyon po iyong mga pag-uusapan natin. Iyong susunod po natin na theme ay ethical business. Iyong ethical business naman po ay papaano nga ba tayo mag-conduct ng business that is fair na hindi lang puro profit ang iniisip natin, we will also consider iyong ating mga stakeholders no.

Stakeholders meaning iyong ating mga consumers, iyong ating mga workers, iyong other na naapektuhan po COVID-19 pandemic kasi we have seen companies, they were donating alcohol, donating face mask. So, nagsisimula na ito sa Pilipinas tapos iyong pangatlo po nating theme ay green and inclusive recovery. Ano naman po ang pag-uusapan natin dito? Ano iyong impact ng COVID-19 pandemic sa ating environment ‘no? Kasi nandiyan na iyong issue ng waste disposal, waste management kasi siyempre dumami iyong medical waste natin. 

Gumagamit tayo ng single use na mga plastics kasi mas mahilig na tayong um-order online tapos iyong gamit pa natin na mask, tapos iyong face shield, ayon, iyon po iyong isyu. And then lastly, iyong healthy and robust workforce kasi iyong ating mga workers, sila talaga iyong natamaan ng COVID-19 pandemic di ba? Kasi, madami po iyong nagsarang businesses or at least nag-limit ng operation nila because of the restriction.

So, ang impact nito sa workers ay nawalan sila ng trabaho, maraming nawalan ng trabaho, especially the low skilled workers na kahit nakapag-remote work tayo di ba, work from home iyong karamihan, madami naman iyong hindi nakakuha ng trabaho kasi hindi naman lahat ng trabaho ay puwedeng gawin remotely. Katulad ng kung nagta-trabaho ka sa factory hindi mo naman puwedeng gawin that from your home. Ayon po Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc. Kris, kami po ay nagpapasalamat sa pagbabahagi ninyo ng impormasyon patungkol sa DPRM. Dr. Kris Francisco-Abrigo, research fellow mula po sa Philippine Institute for Development Studies.  Mabuhay po kayo.

DR. KRIS FRANCISCO-ABRIGO: Mabuhay rin po kayo. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita, tiniyak ni Sen. Christopher Bong Go, sa mga kapwa mambabatas at sa sambayanang Pilipino na palaging nakikinig si Pangulong Duterte sa hinaing ng ating mga kababayan. Kaugnay ito sa pag-question ng ilang Senador sa Motor Vehicle Inspections System na ipinatutupad ng Department of Transportation. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman si Eddie Carta upang ihatid ang pinakahuling balita sa Cordillera. Eddie?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Nakatutok naman sa Davao Region si Jay Lagang ng PTV-Davao. Jay?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jay Lagang.

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Magkita-kita tayo muli bukas. Sa ngalan ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio ng PCOO at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)