Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Ngayong araw, sitwasyon sa Hilagang Luzon ang ating babantayan dahil sa bagyong [garbled]. Aalamin din natin ang latest sa mga bakuna at nandiyan din po ang paglilinaw sa nalalapit na pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila. Siksik na siksik pa rin po ang ating Sabado sa mga balita’t talakayan.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na magmu-modernize sa ating Bureau of Fire Protection. Nagpasalamat naman ang mga may-akda ng batas na si Senator Bong at Senator Dela Rosa dahil pinalalakas nito ang BFP sa kaniyang misyon na iligtas ang mga kababayan natin sa sunog. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa kahapon, September 10, 2021:

Nakapagtala ng 17,964 na mga bagong kaso ang DOH kaya umakyat na sa 2,179,770 ang total number of confirmed cases sa Pilipinas;
168 po ang mga pumanaw [garbled] umabot na sa 34,899 ang total COVID-19 deaths;
[Garbled] kababayan naman po natin na gumaling na sa sakit ay umakyat na sa 1,969,401 matapos itong madagdagan ng 9,067 new recoveries kahapon;
Ang active cases sa ngayon ay nasa 175,470 o 8% sa kabuuang bilang ng mga nagka-COVID sa bansa.

Pinag-uusapan na po iyong posibleng pagbibigay ng booster shots dito sa bansa. Para alamin kung may napagkasunduan na ba ang ating mga eksperto tungkol dito, muli po nating makakasama sa programa si Dr. Rontgene Solante mula po sa DOST Vaccine Expert Panel. Magandang umaga po, Doc!

DR. SOLANTE: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Doc, hingi lang po kami ng update kaugnay sa magiging rekomendasyon ng Vaccine Expert Panel ukol sa pamamahagi po ng booster shots sa bansa. Ano pong factors ang kinu-consider ninyo [garbled] para sa hanggang ngayon po ay—kung mayroon po?

DR. SOLANTE: Yes. Unang-una ‘no may mga data kasi na nagsasabi na iyong nabigyan noong bakuna especially Sinovac, iyong neutralizing antibody ‘no, iyong proteksiyon bumaba talaga siya after 6 to 8 months ‘no. At nakikita din naman natin ‘to sa ground ‘no, may mga pangilan-ngilan na talagang healthcare workers nagkakasakit. Kadalasan naman mild lang pero ‘pag nawawala sila doon sa mga areas nila, 14 days, malaking kawalan din ‘yan sa serbisyo natin sa pagsugpo, iyong mag-alaga ng COVID-19 ‘no.

So mga data natin pinagtagpi-tagpi noong Vaccine Expert Panel at binigay natin doon sa recommendation natin doon sa all expert group at hinihiintay na lang natin kung ano ang magiging assessment – kung itutuloy ba o hindi, depende na ‘yan sa Department of Health.

USEC. IGNACIO: Opo. ‘Yan po ‘yung sa Sinovac ano po. Pero sa isang pahayag po ng scientist sa likod naman po ng AstraZeneca vaccine, hindi po daw kailangan ng booster shot ng ibang tao maliban sa mga nakakatanda at mga immunocompromised. Agree po kayo dito, Doc?

DR. SOLANTE: Yes. Kadalasan ngayon sa mga pag-aaral ‘no especially dito sa mga bakuna, lahat ng mga bakuna talaga bumababa ang proteksiyon especially sa mga matatanda. Kaya iyong iba naman na—ang matatanda, sila iyong mag-develop nang more infection maski nabakunahan sila especially for those 75 years old and above kasi ano na ‘yan ‘no, kasama na diyan iyong pag—sa edad nila na hindi na masyado ang proteksiyon maski nabakunahan. Kaya isa ‘yan sa mga priority talaga na ang mga matatanda or iyong mga mayroong cancer or immunocompromised age group.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, kung sakali pong magkaroon na nang pinal na desisyon ang mga eksperto, aling mga bakuna po ang inirirekomenda ng Vaccine Expert Panel na ipa-prioritize na gamitin para po sa booster shot?

DR. SOLANTE: Sa ngayon ang nakita natin iyong pangatlong dose ‘no ng Sinovac medyo maganda naman na makapagpataas uli ‘no sa proteksiyon based doon sa mga pag-aaral. So isa ‘yan sa mga priority na kung mga fully vaccinated with Sinovac, sila din iyong puwedeng makatanggap ng pangatlong dose ng Sinovac ‘no. Hindi pa natin nakikita ngayon iyong ibang platform na ibibigay doon sa mga fully vaccinated ng Sinovac. Kailangan pa natin ng mga karagdagang pag-aaral at saka ang ano dito is iyong limited supply ng mga bakuna natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Base nga po sa pag-aaral sa China, Doc, lumalabas nga po na epektibong pang-boost ng immune system ang third shot ng Sinovac pati na rin daw po sa Delta variant. May mga bansa na rin po bang nagsasagawa ng mga kaparehong pag-aaral sa Sinovac bilang booster shot? At natingnan ninyo po ban ang research na ito since ang Sinovac po iyong pinakamalaking bulto ng bakuna na dumarating po sa bansa? Baka ito na po ‘yung sagot doon sa supply factor na kinu-consider sa booster shot?

DR. SOLANTE: Yes ‘no, may mga bansa na na gumagawa nito on a pilot scale dahil doon nga sa mga—at most of these mga country are also the Asian countries kasi tayo iyong mga bansa na talagang unang nakakuha naman ng Sinovac ‘no.

In fairness malaking tulong na nakuha natin ‘tong Sinovac, nabigyan tayo ng proteksiyon tapos ngayon may mga steps na sila sa ibang bansa na talagang nag-recommended sila ng mga booster doon sa mga healthcare workers na mataas talaga ang risk na puwedeng makakuha ng COVID dahil sa trabaho.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, pinag-aaralan din ngayon ng pharmaceutical company na Moderna ito pong single vaccine na kombinasyon na ng kanilang booster dose kontra COVID-19 at flu shot na posibleng ibigay annually; so, posible po ba itong pagsamahin?

DR. SOLANTE: Yes. Mayroon silang mga preliminary data. Pero medyo matagal-tagal pa rin iyan, dahil nandoon pa lang sila sa phase 1, phase 2 ng pag-aaral. Tinitingnan kung ano iyong dose na kinakailangan at saka paghalo ng flu vaccine at COVID vaccine or COVID platform, hindi ba makakaapekto doon sa pagbuo ng antibody. So malaking bagay ito, dahil kung mayroon ka ng isang vaccine na protektado ka sa COVID, plus doon sa influenza or flu, napakataas ng kumpiyansa natin, especially for those who are vulnerable population.

USEC. IGNACIO: Doc, inaprubahan naman po sa bansang Chile itong paggamit ng Sinovac sa mga edad mula 6 na taong gulang. Mayroon po bang real world study na po na nailabas ukol sa efficacy rate nitong bakuna para sa mga bata?

DR. SOLANTE: Wala pa, kaya iyon ang hinihintay namin na sana mayroon silang mai-publish na mga data, kasi doon natin makikita na kung ano ang maging bisa ng Sinovac dito sa mga bata. So, sila iyong una sigurong gumawa niyan, tapos tingnan natin kung ano iyong kinalabasan niyan sa real world effectiveness data.

USEC. IGNACIO: Sa ngayon po ba ay kumusta na rin po iyong assessment ng ilang mga bansang nagsimula na pong magpabakuna sa mga bata gamit ang iba’t ibang brand?

DR. SOLANTE: Sa ngayon wala pa tayong nakikitang mga data dahil kakaumpisa pa lang nila at iyon ang gusto nating malaman. Sana makapagsulat pa sila sa mga edad na ito kung ano iyong mga experience nila especially ang binabantayan natin dito iyong mga adverse event, particularly sa mga bata, kasi ito iyong medyo maselan ang mga bata, maliit. So kung medyo mataas-taas ang adverse reaction sa mga adult, mas titingnan uli natin iyan dito sa mga mababang edad kagaya ng less than 12 years old.

USEC. IGNACIO: Doc, may tanong po ang ating kasamahan sa media na si Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po ang reaksiyon ninyo sa sinabi ni WHO Director General
Tedros [Adhanom] na huwag na munang magbigay ng booster dose, hanggang walang ebidensiya at magiging patas ito sa lahat. Makakaapekto po ba ito sa desisyon ng VEP at ng ating expert group?

DR. SOLANTE: Isa iyan sa mga pina-factor in natin, kasi unang-una kapag sinasabi kasing walang ebidensiya, malaking factor kung talagang hindi natin ibibigay. Pero alam mo, paano ba natin kukunin ang ebidensiya, kapag nagkakasakit na lahat ng healthcare workers or mayroon ng mamamatay na health care workers? So, iyon ang isa sa mga factor na tinitingnan ng VEP. Hindi natin kailangan ang magiging ebidensiya na mamamatay ang mga healthcare workers o magkakasakit ang healthcare workers bago natin sila babakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong ni Red Mendoza ng Manila times: Sa tingin po ba ninyo ay makakatulong itong granular lockdown para makontrol ang pagdami ng kaso? Kailangan pa rin po bang mag-test ng mga hindi pa tinatamaan ng COVID tulad po ng tinutulak ng ibang grupo, para malaman natin iyong tunay na lawak daw po ng kaso dito sa ating bansa?

DR. SOLANTE: Yes, malaking bagay ang granular lockdown, kasi iyong containment ng infections sa isang barangay, napakataas noong impact niya, kasi hindi makalabas at saka at the same time aggressive testing is really very important para makita talaga natin ano iyong tunay na picture dito sa mga barangay kung gaano kataas ang mga nagpa-positive, may sintomas man o wala. Kaya sa akin malaking bagay kung magga-granular lockdown, pero ganoon pa rin paigtingin pa rin talaga natin iyong mga health protocols natin. Napakaimportante at this point in time, especially now na medyo hindi pa lahat ay bakunado.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa muling pagtanggap ng aming paanyaya, Dr. Rontgene Solante., Stay safe po, Doc.

DR. SOLANTE: Stay safe, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, isa ang market matching sa mga inilunsad ng Department of Agriculture upang tulungan ang ating mga magsasaka at mangingisda na mahanap ang kanilang buyer. Sa paraang ito mas naging madali ang pagbebenta ng kanilang mga produkto. Alamin natin ang buong detalye ng programang ito sa Ani at Kita, panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa September 16, inaasahang matutuloy na nga po ang pagpapatupad ng pilot testing ng granular knockdowns sa Metro Manila, matapos ianunsiyo kahapon ang ilang guidelines.

Kaya naman para po mas maintindihan natin anu-ano nga ba ang magiging pagbabagong aasahang sa National Capital Region sa ilalim ng policy shift na ito, makakausap po natin si DILG Under Secretary Epimaco Densing III, welcome back USec.

DILG USEC. DENSING: Magandang tanghali USec. Rocky at sa lahat ng nanunood ngayong tanghali, magandang umaga po. Magandang tanghali.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., kahapon po nabanggit ninyo po na magkakaroon talaga muli ng pagpupulong ang technical working group para sa guidelines nitong policy shift sa Metro Manila. Mayroon na po bang final guidelines na napagkasunduan mula po sa meeting na ito?

DILG USEC. DENSING: Tama po kayo, nabanggit ko nga na naaprubahan na po ito ng IATF noong Huwebes, may tatlong area lamang po na aming binalangkas kagabi ng technical working group at tapos na po.

So, itong tatlo pong isyu na ito na binalangkas namin, ipapa-aprubahan na po sa Lunes para mayroon na tayong kabuuang guidelines para din po dito sa pilot natin na alert level sa National Capital Region.

USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang po itong tanong ni Vonne Aquino ng GMA news: Final na po ba iyong alert level system at granular lockdown system sa September 16 hanggang 30 sa Metro Manila?

DILG USEC. DENSING: Ulitin ko lang po iyong granular system is matagal na nating ginagawa, ito lang ang naging major policy shift natin na hindi na pangmalawakan kundi maliitang granular lockdown. So, ini-implement na natin ito ngayon at kaninang umaga po miniting po natin lahat ng mga Punong Barangay sa buong Metro Manila at katatapos lang namin kaninang alas onse.

Itong alert level, pasisimulan na po ito ngayong September 16 at itong pagkakataon na ito para mabigyan natin ng pamamaraan na ang ating mga kababayan sa National Capital Region ay maintindihan at maunawaan itong bagong sistema natin ng pagbibigay ng alert levels.

Kalimutan na po muna natin iyong mga GQ, MECQ at MGCQ kasi malilito lamang po tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong niya, may appeal daw po si San Juan Mayor Francis Zamora, sa tagging ng COVID cases for alert level system dahil may mga naka-confined daw sa mga hospital sa Metro Manila na mga taga-probinsiya. Baka hindi raw po maalis sa level 4 ang Metro Manila, kung ganito daw po iyong magiging sistema. So, papaano po ito ia-address ito ng IATF?

DILG USEC. DENSING: Tama po iyan, isa iyon sa appeal na binigay sa Department of Health kasi Department of Health ang mag-aanunsiyo ng alert level ng NCR. Tama po siya at may istatistika po tayo diyan 26% po ng naoospital sa National Capital Region ay hindi taga-NCR. Kaya nga pinag-aaralan na po ito ng Department of Health.

Magkakaroon po ng adjustment and in the meantime while hindi pa po officially announce po ito dahil nagkasundo na ang National Capital Mayor pati ang Department of Health na makakapagsimula naman talaga tayo sa alert level 4. Pero hopefully, dahil testing po ito, susubukan natin na sa loob ng isang linggo mapabababa natin ito ng alert level 3 para maranasan natin iyong mga konting pagluwag habang pinaigting pa rin iyong mga granular lockdown hindi lang sa NCR kung hindi sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang last question po ni Vonne Aquino: Na finalize na po ba iyong tagging ng cases for alert level system; ilang cases po para daw ma-determine ang alert level 1 and 4 at ang ECQ?

DILG USEC. DENSING: Hindi po limitado sa cases no, ang mga pamantayan po diyan ng Department of Health based sa kanilang summary is una; Iku-consider talaga ang health care utilization rate. Kailangan ho mas mataas po sa—mas mababa sa 70% no, Ito iyong—70% capacity kasi ang high risk to critical level.

Pagbabasehan din iyong pagbaba o pagtaas, aggressively din ng numero ng mga cases at iyong ADAR, iyong Average Daily Attack Rate. So, ito iyong ibang mga pamantayan na gagamitin ng Department of Health bago sila mag-announce ng alert level.

USEC. IGNACIO: Opo. How about vaccine bubble, ipa-[garbled] din po ba ito USec.?

DILG USEC. DENSING: Yeah, isa po ito sa mga isyu na pinag-usapan kahapon ng technical working group. Mayroon na ho kaming rekomendasyon, siguro mas maganda po ay ipaaprubahan muna natin sa IATF principals iyong ating rekomendasyon bago magkaroon ng final announcement kung papayagan natin o hindi pansamantala ang vaccine bubbles. Isa lang ang sigurado natin dito Rocky, matutupad po ito, mangyayari po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., paano daw po iyong step by step procedure ng mga lokal na pamahalaan sa pagtukoy ng mga lugar na isasailalim sa granular lockdown? Maging sa alert level system? May abiso po ba muna iyan sa mga apektadong residente na maging doon sa mga establishment na dapat po munang magsara?

DILG USEC. DENSING: Una sa lahat, para hindi tayo magkalituhan. USec., i-set aside ninyo po iyong isyu ng alert level kasi wala ho iyang kinalaman sa granular lockdown, ibang sistema po iyan at sabay po natin ipatutupad. Ang alert levels ay gagamitin natin sa mga lugar na hindi naka-lockdown.

Sa granular lockdown po once na makakita po tayo na ipagpalagay natin 2 bahay sa isang kanto na magkahiwalay. Iyong street na iyon po automatic ay iga-granular lockdown. Magri-report iyong ating barangay sa ating city or municipal health office dahil sila po ang magrirekomenda sa local chief executive or sa Mayor na ideklara ang isang kanto na under granular lockdown.

Within 24 hours kailangan po itong gawin, ma-inform po itong area na iga-granular lockdown at uulitin ko: Wala hong makakalabas maski APOR po walang makakalabas sa granular lockdown area. Ang palalabasin lamang po iyong ating health care workers and doon sa mga nagtatrabaho doon sa allied services, muli po silang pababalikin unless mapatunayan na walang mauuwian dahil hindi po na-provide ng health care hospital.

Pangalawa po, iyong mga OFW dahil lilipad na po sa ibang bansa ay papayagang lumipad at kung mayroon pong emergency cases, medical cases po iyan po ay papayagan ding lumabas. Lahat po, APOR or maski kami po, tayo sa gobyerno pag tayo ay naabutan ng granular lockdown ay hindi po tayo makakalabas sa lugar na iyon o sa area na iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., paano po kung iyong isang bayan ay nasa alert level 4 at iyong katabing bayan nila ay nasa alert level 2, kung saan mas maluwag ang komersiyo. Maari po bang magpuntahan doon iyong mga nasa alert level 4? Hindi kaya po daw magkaroon ng malaking movement ang tao kapag papunta doon sa mas mababa ang presensiya ng COVID at magkaroon pa po ito ng epekto sa pag-manage ng virus? Paano po daw natin ito maku-control?

DILG USEC. DENSING: Para po sa pilot nitong National Capital Region sa susunod na dalawang linggo.

Napagkaisahan po natin na sa National Capital Region, isang alert level lang po ang gagamitin. In fact, dapat ang alert level 3 ay ang Maynila at Valenzuela, pero sila po ay nag-agree na despite the fact na mas mababa ang kanilang alert level, sa buong National Capital Region isang alert level ang patutuparin natin.

So, hindi po mangyayari iyong ganiyang sitwasyon na lilipat po ng isang siyudad na mas mababa iyong alert level dahil iisang alert level lang po ang ipatutupad natin sa buong National Capital Region sa susunod na 2 linggo ng pilot implementation nitong alert level.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., dahil [garbled] mga Barangay itong lockdown [garbled [garbled] ba ang tugon para sa posibleng epekto nito sa mga rutang isasara?

USEC. EPIMACO DENSING: Opo. Kaya po mayroon tayong 24 hours na palugit bago i-lockdown para mai-ayos po ang ruta ng pagdadanaan ng mga tao o sasakyan, iyon po iyong una at pangalawa po pagdating dito dahil synthetic ito, ito iyong bagong polisiya sa paglaban ng Covid-19 para masigurado natin na walang gagalaw na tao doon sa granular areas ay tutulong po ang national government sa pangangailangan ng mga lokal na gobyerno ukol dito sa mga lockdown areas no.

kagaya ng kalahati ng kailangang ayuda or food packs ay hindi na po local government lang, kalahati po ito ay manggagaling sa national government at iba pang mga pangangailangan sa local na gobyerno gaya ng PPEs natin or mga gamot.

Sinasama na ho natin ito sa pagba-budget sa mga granular lockdown dahil po iyong kumbaga iyong budget natin na ginagawa sa mga pangmalawakang lockdown ay hindi na nga po magagamit at gagamitin na lang po natin sa lahat ng mga granular lockdown na mangyayari sa buong Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., limang araw bago ang tuluyang pagpapatupad ng granular lockdowns sa 16, ano pong paghahanda na ang ginagawa ngayon ng ating mga Metro Manila Mayors?

DILG USEC. DENSING: Well, una sa lahat uulitin ko, iyong granular lockdowns ay matagal na nating pinatutupad at ito dependent dito sa mga alert levels. Pero iyong ating mga mayors po regarding these alert levels, banggit po nila noong huli kaming nagpulong bago na-delay iyong pag-i-implement ay sinabi po nila handa na silang ipatupad ito. May kaunting excitement dahil nakita po nila dito sa alert levels, may pagkakataon iyong ating mga kababayan makalabas para magtrabaho, kumita at magnegosyo dahil maski iyong mga non-essential na paggalaw ay papayagan po sa mga alert levels maski sa Alert Level 4.

At banggit ko lang din, kaya po na pinagdesisyunan ng IATF na ito Ay i-delay nang ilang araw dahil iyong pinaliwanag namin at naintindihan ng ating mga IATF principals, nakita po nila na talagang bagong panuntunan po ito, talagang iba sa dati nating pinatutupad na GCQ. So kailangan ng ilang araw para maintindihan ng ating kababayan itong shift or strategies in alert levels. Kaya nga ho hindi na natin binabanggit iyong mga CQ-CQ dahil ang ating mga kababayan, alam na nila iyong mga dating mga protocols sa mga GCQ, MECQ, MGCQ. At dahil hindi na po natin ito ipatutupad, kailangan malinawan sa ating mga kababayan itong mga bagong panuntunan on alert level.

USEC. IGNACIO: Usec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at paglilinaw. DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Mabuhay po kayo, Usec.

DILG USEC. DENSING: Salamat po. Magandang umaga at ingat po kayo lagi.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Mga pamilyang apektado ng pagbaha sa Biñan, Laguna personal pong tinungo ni Senator Bong Go. Namahagi ang kaniyang outreach team ng ayuda sa mga kababayan nating nasa evacuation centers. Naroon din po ang mga ahensiya ng pamahalaan na nagpaabot nang dagdag na tulong sa mga nabaha. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, patuloy po na nakakaranas ng masamang panahon ang ilang bahagi ng extreme northern Luzon dahil sa bagyong Kiko. Sa forecast track ng PAGASA, bahagyang humina ang bagyo habang binabagtas ang Batanes, Babuyan Islands area kaya’t nakataas ngayon ang Storm Signal No. 4 sa probinsiya, habang Signal No. 3 [garbled] north eastern portion of Babuyan Islands. Inaasahang bukas ng gabi o madaling araw ng Lunes palabas ng Philippine Area of responsibility ang bagyong Kiko. Patuloy namang palalakasin ng bagyo ang habagat na makakaapekto sa Metro Manila at ilang bahagi ng Ilocos Region, Central Luzon at Southern Luzon.

Para po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang lalawigan sa bansa, puntahan naman natin si Aaron Bayato mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.

Isang dalawang taong gulang na may Biliary Atresia ang sumailalim sa liver transplant kamakailan sa India. Sabik ang mag-anak na umuwi ng Agusan Del Norte para ipagpatuloy ang panibagong buhay na kaloob sa bata. Narito po ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po ulit tayo sa Lunes, dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center