Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas. Estado ng pagninegosyo sa Metro Manila sa ilalim ng Alert Level System, sitwasyon ng Batanes matapos ang hagupit ng Bagyong Kiko at mga pinakahuling balita [garbled] laban ng bansa kontra COVID-19 ang sentro ng talakayan ngayong araw ng Sabado, September 18 kaya’t manatiling nakatutok mapa-telebisyon man o online.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!

Sa ating unang balita: Madadagdagan na naman po ang mga kababayan nating mapapagaan ang iniindang gastusing medikal sa pagbubukas nang bagong Malasakit Center sa Iloilo City. Nagpaabot din ng tulong ang outreach team ni Senator Go at mga ahensiya ng pamahalaan sa mga frontliners at pasyente ng West Visayas State University Medical Center. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa muli pong pagbubukas ng ilang mga establisyimento sa ilalim ng Alert Level 4 sa Metro Manila, ano nga ba ang inaasahang epekto nito sa lagay ng pagninegosyo sa rehiyon? Makabawi na kaya ang ilan sa pinayagang industriya matapos ang higit isang buwang lockdown sa rehiyon? Kaugnay po niyan, muli nating makakasama sa programa si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Good morning po, Secretary. Welcome back.

SEC. CONCEPCION: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nito nga pong Huwebes sinimulan nga ipatupad itong Alert Level System sa Metro Manila ano po. Pero kumusta po iyong pagbabalik ng ilang mga negosyo sa ilalim ng Alert Level 4 sa National Capital Region?

SEC. CONCEPCION: Well at least may mga pinayagan na na business establishments na buksan maski 10% ‘no. [Garbled] pinu-propose namin na kung puwedeng buksan iyong mga gyms ‘no at itong mga spas ‘no. Pero ang mga salons, mga restaurant at iba pa okay at 10%. So this is also for the fully vaccinated ‘no. So magandang move ‘to kasi we can at least pilot test ‘no anong mangyayari dito sa mga high risk business establishments kung papasok na ang mga tao, magda-dine-in, indoor dining siya. Sa outdoor dining 30%, indoor dining at iyong mga salons siyempre may konting risk diyan kaysa ibang business establishments. Pero at least ma-practice na natin, makita natin anong mangyayari kasi wala tayong magagawa, kailangan talaga buksan natin ang ekonomiya natin and eventually hindi lang 10% iyan – as we move forward, the percentage will go higher ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, what are we expecting sa mga susunod na dalawang linggo sa pagpapatupad po nitong bagong policy shift sa Metro Manila sa usapin naman po ng ekonomiya?

SEC. CONCEPCION: Well sana itong mga approach natin, iyong granular lockdown at itong mga giving more mobility to vaccinated, we will be able to see how we can co-exist with COVID ‘no, itong Delta variant especially na importante dito na we’re still pushing ‘no everybody to be vaccinated. Itong NCR natin mataas na siya at 80% for the first dose and by the middle of October it will be two doses at 80%. So that’s what we want to achieve ‘no and definitely ‘pag marami nang bakunado na, you can already allow people to go out because—especially the vaccinated ha, more I’m talking of the vaccinated kasi nakikita natin napupuno ang mga ospital natin pero sa mga unvaccinated. Halos umaabot ng 80% ang occupancy sa mga ospital ay unvaccinated.

So, how do you open the economy? We have to prevent the unvaccinated from getting to the hospitals, that’s the only way kasi kung mapuno iyong ospital, then uli magha-hard lockdown uli tayo. So the granular lockdown approach hopefully will work with the implementation and leadership of our LGU mayors ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kabilang sa talagang isinusulong ninyo itong bakuna bubble ano po. Kahit papaano sa guidelines ngayon ng Alert Level System ay may halos ganitong sistema kung saan nabanggit ninyo na nga po 10% doon sa vaccinated individuals ang puwedeng kumain o magpagupit [garbled]. Okay po ba kayo sa inilatag na guideline o tingin ninyo may kaya pang i-adjust dito?

SEC. CONCEPCION: Yes, baby steps lang ang kailangang gawin dito so hopefully tataas ‘yan if everything goes smoothly – tataas ‘yan to 20% and eventually 30%. Kasi [garbled] restaurants diyan ‘no but at least naumpisa na natin. Makikita natin kung may mga problema, kung mas maraming hahawa dito sa vaccinated. Pero mahawa iyong vaccinated walang problema kasi halos sila will be treat at home at nakikita natin ‘yan sa mga data diyan sa hospital. So maski tumataas iyong kaso at 10,000/20,000 cases daily, dapat hindi—we shouldn’t get scared kasi kung bakunado lahat ‘yan, hindi ‘yan pupunta sa hospital. May konting porsiyento ‘no ang pupunta sa hospital at tuloy ang negosyo, tuloy rin ang pagbukas ng economy and then we do it safely. Halos iyong mga pupunta diyan sa hospital ay… will eventually be much less. Kasi kung we vaccinate more of our Philippine population then we don’t expect to see more people going to the hospital.

Itong data pakita ko sa inyo ‘no, itong galing sa PGH, makikita natin dito halos 85% are not vaccinated ‘no or with one dose. So kung mamenos natin ‘to then we will have less problem. Iyong mga lockdown natin hindi na mangyayari ‘yan ‘no. So we have to solve this problem, ito ang problema natin, iyong mga hospital mapupuno dahil sa mga unvaccinated.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, basahin ko lang po iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media. Tanong po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Sinasabi po ni Eric Teng ng RestoPH na nakukulangan sila sa 10% na pagpayag sa mga dine-in sa mga bakunado. Sa tingin ninyo po ba ay dapat pa bang dagdagan ang capacity sa Alert Level 4 para po sa mga bakunado?

SEC. CONCEPCION: Oo, masyadong mababa ‘yan pero okay lang if we do it for a one week ‘no or two weeks and then itaas na natin para—mga restaurants at 10% talagang lugi ‘yan. Pero ginagawa lang nila ‘yan para makita kung okay at maraming customer who are entering show their bakuna cards ‘no. So ang nakikita ko dito sa mga picture na pinadala sa akin ni Eric Teng, masaya ang mga customer at fully vaccinated sila ‘no. Iyon ang kagandahan noon.

At iyong nangyayari dito, hindi talaga tayo ang nauuna. Iyong mga ibang bansa ay nauna na rito. Iyong Amerika, mga kaibigan ko, when they dine-out, they use even the Philippine bakuna card at it’s recognized provided may ID. So I think this will be the mode ‘no. And then, at least, iyong mga unvaccinated, will have an incentive ‘no, to get the vaccine. Karamihan naman sa kanila ay naghihintay pa rin. Pero dito, ang focus naman natin sa NCR na iyong deployment ng mga vaccines ay talagang marami na kaya umaabot na sila sa 80%.

So hopefully, tataas lahat ito, iyong spa, iyong mabuksan uli ang gym maski iyong ten percent, mga parlors at, of course, ang restaurants namin dito, and dami noon ‘no. So halos lahat ng lugar natin dito ay puno ng mga restaurants, mga carinderias, mga small eateries, at least they are already operating with ten percent. Hopefully, as we move forward, this will go up to 30% and eventually, 50%, moving higher for the vaccinated.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong pa rin po ni Red Mendoza: Willing po ba kayo makipag-usap kay WHO Representative Dr. Rabi Abeyasinghe para daw po maging klaro iyong inyong posisyon sa bakuna bubble dahil ilang beses na po niyang sinabi na hindi umano epektibo ang bakuna bubble dahil sa posibilidad na infection spread sa mga bakunado?

SEC. CONCEPCION: I think hindi niya maintindihan iyong ibig sabihin ng bakuna bubble. Kasi sa component ng bakuna bubble, dalawa iyan eh – may family bubble and may business bubble. Ang nangyayari ngayon, iyong mga pamilya ang tinatamaan ngayon eh. Kasi alam naman natin iyong mga bakuna, our vaccines are not anymore preventing Delta from infecting even the vaccinated. Pero the most important thing there, it is preventing people from being hospitalized, those vaccinated ‘no.

So the family bubble has to not only rely on the vaccine but they have to have health protocols. Kung somebody is already infected there, they should isolate dito sa mga bahay nila. Kung may lugar sila, may kuwarto sila, then they should isolate them in their rooms. Now kung wala, then they should bring them to the quarantine centers. Dito ang granular approach, so ang granular approach iyan, nangunguna diyan ay ang pamilya, iyong bahay nila. Iyon ang unang family bubble.

Dito sa business bubble naman namin, organized na ang mga private sector. Kung may nahawa diyan, alam na namin ang gagawin. We will check them. We will bring them to a quarantine center, or if wala silang lugar sa bahay nila, we will also report it to the LGU. So may mga rules na kami [garbled] and then, iyong sa mga pabrika namin maski sino ang tao para talagang secured ang business bubble.

Pati mga entrepreneur natin, mga may-ari ng restaurants, lahat ng empleyado nila dapat bakunado. Dito sa private sector, halos umaabot ng 90 to 100% fully vaccinated na ang mga empleyado natin sa private sector dahil sa business bubble.

Iyon ang ibig sabihin. Hindi namin sinasabi na hindi puwedeng mahawa, iyon ang misunderstanding ng WHO. At iyong goal ng family bubble at business bubble, iyong mismong padre de pamilya, iyong either the father or the mother, make sure that everybody is vaccinated and the extended family.

Katulad dito sa business bubble, ang mga CEO katulad ko, I really go over and check kung ayaw magpabakuna, I even explain that to them including our managers, kaya mataas dito sa private sector ang percentage of vaccine acceptance. Iyon ang ibig sabihin ng family bubble, business bubble; at may transport bubble rin iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, itong food sector at piling personal services po iyong pinapayagang mag-operate with limited capacity nga po sa Alert Level 4 dahil ayon po sa DTI, ito raw po ang may pinakamaraming manggagawa. Mayroon po bang ibang business ang lumapit sa inyo, Secretary, para ipanawagan rin iyong kanilang pagbubukas kung mayroon man po?

SEC. CONCEPCION: Well, dito sa airline sector, ang Philippine Airline, Cebu Pacific, Air Asia, nag-meeting kami dito noong two days ago at ang concern nila – ang PAL nag-file na rin ng Chapter 11 ‘no, pero iyong to protect them from bankruptcy at, you know, ultimately closing the airline – is that the airlines have to be viable ‘no. Right now, the mobility of tourism is kind of restricted, and Secretary Berna is trying to do her best to open it up. Pero if the airlines do not become viable and they close, masisira iyong ibang sektor natin, ang tourism ‘no. Malaking damay ang mangyayari dito kasi we are 7,100 islands. Unlike America, it’s just one big mass base so maski walang eroplano, they can go by car. Pero dito, kung wala tayong eroplano, how do we move from island to island. So we have to make sure that our airlines are viable.

So nag-usap kami. We invited Dr. Edsel Salvaña, the IATF medical adviser, and we have ideas katulad ng quarantine. Siguro with the idea of PAL which was presented, maybe we can reduce the quarantine of incoming passengers back home to the Philippine down from ten days plus four days at home to maybe seven days ‘no. Malaking bagay rin iyan sa mga gastos ng mga turista na dumadating dito, maski local tourists.

So maraming ideas, at ang tingin namin is there is no choice but we have to save our airline sector. Kasi kung masira ang airline sector natin, masisira iyong tourism sector din natin. So this is the group that we are trying to help ‘no kasi they are in danger right now, the way I see it, on viability, business viability.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, patuloy din iyong pagdating ng supply ng mga bakuna sa bansa, ano po. Kaugnay diyan, kumusta po iyong bakunahan sa private sector? At ilang doses na po ang inaasahan ng private sector sa mga susunod na buwan?

SEC. CONCEPCION: First batch, dumating noong July, August, and then, itong September. So iyong first batch, itong mga malalaking kumpaniya – ang mga Ayala, SM, mga Razon Group – lahat ito, tapos na sila. They are now implementing second dose. As we speak, ngayon ang second dose. So within 30 days [garbled] matatapos.

Iyong second batch, kasama dito ang shipment, September onward all the way till January. Ang arrival noon, 20% ay para sa batch 2 ng private sector, itong mas maliit na kumpaniya; and 80% are going to the LGUs naman. Kasi bumili rin sila dito sa Dose of Hope ng AstraZeneca, so 80% iyan of arrival.

So Malaki. Katulad kahapon, that’s 600,000 doses plus, so about 1.2 million is arriving every month ‘no. So about 80% of that will go to 69 LGUs who purchased these vaccines from now till about January [garbled] February next year. [Garbled] para sa LGU. Itong mga private sector na huling nag-order, matatapos na sila with their second dose, maybe by December pa kasi they were after the first batch.

Pero the good part is, tuluy-tuloy ang delivery ng [garbled]. We’re trying to ask [garbled] to arrive sooner, and they are doing their very best. Galing sa Thailand din ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, maraming salamat po sa inyong panahon, Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Mabuhay po kayo, Secretary!

SEC. CONCEPCION: Salamat din, Rocky.

USEC. IGNACIO: Kung dati ay tinagurian bilang dying industry ang cotton farming sa Ilocos Region, ngayon po ay unti-unti na itong yumayabong at nagbibigay ng kabuhayan sa mga magsasaka at kooperatiba sa buong rehiyon. Alamin natin ang mga programa ng Department of Agriculture kasama ang Philippine Fiber Industry Development Authority o PhilFIDA sa pagtatanim at paghahabi ng cotton dito sa ‘Ani at Kita’.

[VTR]

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Buo ang suporta ni Senator Go sa patuloy na pagdinig ng Senado kaugnay sa kinukuwestiyong pagbili ng COVID-19 supplies noong nakaraang taon. Aniya, dapat mapanagot ang sangkot sa korapsiyon. Umaasa rin si Senator Go na hindi mahaluan ng pulitika ang imbestigasyon. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Para naman po sa pinakahuling pangyayari sa iba pang lalawigan sa bansa, puntahan naman natin si Aaron Bayato mula sa PBS-Radyo Pilipinas:

[TECHNICAL PROBLEM] Babalikan po natin si Aaron Bayato.

Samantala sa panahon po ng pandemya, hamon din ang pagtugon sa iba pang mga sakit at isa na nga po riyan ang tuberculosis. Upang maiwasan na tumaas pa ang kaso nito sa bansa, naghain kamakailan si Senator Bong Go ng panukalang batas na layong amyendahan ang Comprehensive Tuberculosis Elimination Plan Act. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 [garbled]. Kahapon, September 17, 2021:

Nakapagtala po ang DOH ng 20,336 na mga bagong kaso kaya umakyat na sa 2,324,475 ang total confirmed cases [garbled]. Nasa kalahati naman po ang mga nadagdag na kaso.
Ang mga kababayan po nating naka-recover sa sakit, ito’y 10,028 lamang kahapon.
Habang malaki-laki po ang bilang ng mga pumanaw, umabot po ito sa 310 ang mga namatay sa COVID kaya umabot na po sa 36,328 ang total COVID-19 deaths.
Ang active cases sa ngayon ay nasa 188,108.

At para po muling magbigay-linaw sa iba’t ibang isyu kaugnay sa mga hakbangin ng pamahalaan kaugnay sa COVID-19, muli po nating makakasama sa programa si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec., welcome back po.

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po ang masasabi ninyo sa inilabas na statement ng Health Professionals Alliance Against COVID-19 na dapat daw ayusin ng pamahalaan ang umano ay inadequacies sa reporting system na basehan para sa pagpapatupad ng alert system sa Metro Manila? May nakikita po ba kayong ganito sa ngayon?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no, actually wala naman po talagang perpektong sistema kaya nga po tayo gumagawa ngayon nitong pilot implementation dito sa National Capital Region para kasabay po ng response na ginagawa natin, titingnan din po natin kung paano po natin makukumpleto ang mga measures or indicators na ginagamit natin na magiging mas appropriate at saka mas magiging sensitive dito sa mga nangyayari sa ating sitwasyon dito sa pandemya.

Naririnig po namin ang mga health professionals natin sa kanilang mga rekomendasyon. Actually, nakapag-usap na po tayo with them. May mga kaunting challenges lang po talaga ang national government for us to be able to get the necessary data especially when it comes to emergency room admissions. Tayo po ay kumukolekta niyan, may datos po tayo, but ang atin po ngayong challenge is the compliance of hospitals to submitting this emergency room data.

So kami po ay nananawagan sa mga ospital na sana we can regularly get your data on emergency room admissions para maisama po natin ito dito sa ating mga tinitingnan. Ang ating health professionals po, they look at their specific hospital; we look at the whole country, Usec. Rocky. So pagka ganito, iyong challenges ay napakadami po and specifically nga po, iyong compliance sa submission ng reports.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nagbabala rin po si WHO Representative to the Philippines, Dr. Rabi Abeyasinghe na maging maingat sa pag-recalibrate ng quarantine restriction. Ayon sa kaniya, base po sa vaccine percentage ng Metro Manila ay hindi pa po ito sapat para magluwag ng restrictions. Ano po ang komento ng DOH dito?

DOH USEC. VERGEIRE: Actually, Usec. Rocky, I think maraming tao ang nagkakaroon ng maling pananaw dito sa ginagawa nating pilot implementation ‘no. So hindi po tayo nagluluwag, una po iyan. Kailangan po maintindihan natin nag-re-strategize po tayo para mas may focus ang ating response.

So kapag tiningnan po natin itong sinasagawa nating pilot, we are focusing more on those highly burdened areas kaya nagga-granular lockdown po. Kasabay po niyan, nag-focus po tayo doon sa tinatawag na framework ng ‘3Cs’ – ito pong mga lugar na crowded; iyong mga lugar na may posibilidad na makapag-transmit from the interaction with the close contacts; ito pong mga closed na lugar. Iyan po talaga ang atin pong binabantayan at pinagbabawalan natin ang populasyon or public to go there. So with this pilot implementation, hindi po tayo nagluwag; atin pong ni-re-strategize, ginawa po nating mas focused ang ating interventions for the objective na bumaba po iyong transmission ng kaso sa bawat lugar.

Gusto rin ho nating mas mapaigting ng local governments ang kanilang response para po mas mapatuloy po natin mapababa ang mga kaso dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kaugnay sa pahayag ng ilang mayors na magkaroon ng reconsideration pagdating sa admission at hospital utilization rate na basehan ngayon ng alert level system, naayos ninyo na po ba ito with IATF, Usec.? At hirit kasi nila, may ilang ospital sa rehiyon na tumatanggap ng referrals outside Metro Manila.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So kasama po iyan doon sa ating mga ginagawang pag-aaral ngayon sa ating mga indicators and metrics. At naiintindihan naman po natin ang mga punto ng ating mga local officials na talaga naman pong mayroon ho talagang tinatawag na mga non-residents na talagang maa-admit sa isang lugar pero napupunta doon sa kanilang parang healthcare utilization.

But also, it has to be understood that the hospital system is a network of hospitals across the country actually. So hindi po natin puwedeng mailimitahan lang na isang locality at masasabi natin na dapat ang ating binibilang lang ay iyong mga residents nilang nakapasok doon dahil kasama po iyan sa buong sistema because it’s a network.

But what we are trying to do right now is to study if we can avoid having granular data that we will just have healthcare utilization measured at the regional level para po mabalanse natin ito nga pong sinasabi na pagpasok ng mga non-residents ng isang area doon at makadagdag doon sa kanilang utilization. With this pilot implementation that we are doing, isa po iyan sa amin pong pinag-aaralan at titingnan para po mas ma-improve natin ang indicator na iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., puwede ba nating i-clarify ito, nabanggit ninyo po kasi na hindi isinasama sa bilang resulta ng rapid antigen test dahil may ilang purpose and hindi naman po raw appropriate use kagaya ng screening for events and employment. Pero sa mga antigen test din ay may mga nagpupositibo ‘di po ba at itinuturing na COVID cases? Paano po ang magiging classification nila? Tanong din po iyan ni JP Soriano. Ibig sabihin, hindi real data ang nailalabas sa public?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no, we have clarified this already na among the reports that we are getting right now, bina-validate pa ho namin iyan pagdating sa rapid antigen test kasi nga po, mayroon hong specific purpose ang rapid antigen. And kapag ginamit ho natin iyan outside of that purpose, mayroon na hong question doon sa accuracy nitong nakukuha nilang mga testing result. Kaya hindi po namin talaga maaari na isama ito sa mga reported cases natin everyday kapag na-validate natin na out of the usual or the acceptable purpose iyong ginamitan po nila ng antigen.

So as I’ve said yesterday in the media forum of DOH, we have received about 10,000 reports from antigen test, and tatlong libo lang po ang pumasok doon sa criteria na tama po ang paggamit. So ibig sabihin, kailangan pa ho nating i-guide mas maigi ang local government on how we use rapid antigen.

Pero ang kailangan din ho nating ipaalala sa local government, once you identify a person and confirm them with the rapid antigen kahit po outside of the protocol ang paggamit nila, i-consider ninyo na rin po silang positibo at i-isolate na rin po sila para po we err on the side of caution.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ayon naman sa British Ivermectin Research Development, maaari na raw gamitin ang Ivermectin as an early treatment for COVID. Pero kayo po sa DOH ay naninindigan na hindi ito gamot para sa virus. So ano po ba ang magiging basehan ng DOH para payagan na ang anti-parasitic drug na ito sa ating bansa?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, Usec. Rocky ‘no, babalik po tayo sa lagi naming sinasabi, we need to be evidence-based. Kapag lumabas na po iyong ebidensiya at saka backed-up by appropriate scientific studies, tayo po naman ay papayag sa kahit na ano pong gamot. Hindi po sarado ang ating tanggapan sa paggamit po ng investigational drugs para sa COVID dahil alam naman po natin na kailangan natin lahat ng tulong sa ngayon.

Pero kung ang isang gamot po ay wala pong sapat na ebidensiya at nagpapakita po ayon sa mga pag-aaral na hindi po makakatulong, hindi po natin iyan puwedeng irekomenda sa ngayon. So ngayon, aantayin po natin iyong resulta nang mas maraming pag-aaral na ginagawa. And even here in the country, mayroon po tayong commissioned study para pag-aralan itong gamot na ito. Kapag lumabas na po ang sapat na ebidensiya at sinabi na puwede nang gamitin, maaari na po tayong magrekomenda. Pero sa ngayon, we do not recommend because there is no evidence to support the use of Ivermectin in treating COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., pero ano naman po ang masasabi ng DOH na idinulog na sa Korte Suprema ng ilang mambabatas ang isyu ng Ivermectin?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, nasa ganoong level na po no. So, siguro iyon pong appropriate agency na pinaghainan nitong iyong pagdudulog nila dito sa paggamit nitong gamot na ito, sila na po ang magdidesisyon but DOH will retain and will be strong on that position na hindi po namin pa puwedeng irekomenda dahil wala pa ho tayong ebidensiya.

Kailangan po tandaan ng ating mga kababayan, ang DOH po may mandato po kami to ensure safety of the public especially for this drugs that they take kaya ngayon po nakiki[garbled] po ito appropriate time dahil still we do not have evidence and ‘pag nagkaroon po tayo ng ebidensiya na sinasabing puwede ng gamitin that’s the time that we will be recommending.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Red Mendoza, ng Manila Times: Ano po ang inyong reaction sa hindi pagpayag ng FDA ng America sa booster doses ng Pfizer na bakuna except sa mga 65 and above years old?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, sa ngayon kasi USec. Rocky, base sa mga pag-aaral at saka base sa pakikipag-usap namin, pagpupulong with our experts, iyong sa booster doses po wala pa ho tayong makalap na sapat na ebidensiya that can guarantee na ito talaga ay makakapagbigay ng protection para sa ating mga kababayan.

Pangalawa po, ay iyon pong equity consideration ay napakataas po ang pag-consider natin diyan, because there are still a lot of our kababayan na hindi pa po naka-receive ng kanilang bakuna and now that our vaccine supply still not stable, hindi po natin mabigyan ng ganiyang pang recommendation sa ngayon.

Kaya pinag-aaralan pa ho talagang maigi ng ating mga eksperto para maging balanse ang kanilang desisyon para sa pagrirekomenda o hindi pagrirekomenda nitong booster doses na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., may katotohanan po ba na ang RITM ay ia-abolish at gagawin na itong bahagi ng pinaplanong Virology Institute of the Philippines?

DOH USEC. VERGEIRE: May mga pag-uusap. Pero, kailangan ho mapaliwanagan natin ang publiko, hindi ho totoo na ia-abolish natin ang RITM. Ilalagay lang ho natin siya sa isang malaking institution na maaring mas makapagkaroon pa ng—ma-improve natin at mapalawak pa natin ang kanilang expertise sa research at saka po dito sa pagpapagawa ng bakuna.

So, hindi po totoo na maa-abolish siya, maisasama lang siya sa isang mas malaking institution para mas magkaroon po siya ng mas maraming resources at ma-expand po natin ang expertise natin.

USEC. IGNACIO: Ulit pong tanong ni Red Mendoza, ng Manila Times: Nakikita rin po ba ng Department of Health ang pagbaba ng mga kaso sa buong bansa tulad ng nakikita rin po ng OCTA research?

DOH USEC. VERGEIRE: Sa ngayon po, pag tiningnan natin USec. Rocky, no mataas pa rin po talaga ang ating mga kaso we have 94 areas in Alert Level 4; we have 18 areas in Alert Level 3, we have 9 areas in alert level 2; pero wala tayong areas sa Alert Level 1. Nakikita din po natin na dito po kahit sa NCR tumataas pa rin po ang ating mga kaso. We have 8% increase of our cases from the previous 7 days pag kinumpara po natin and nationally if you look at that, we also still have a positive two week growth rate at saka iyong atin pong ADAR ng recent 1 to 2 weeks is still 18% na tumaas pa from the previous 3 to 4 weeks.

So, sa ngayon po mataas pa rin po ang ating mga kaso kaya atin pong tinatawagan ang ating mga kababayan to still continue to practice minimum health standard, sumunod po tayo doon sa mga pamantayan ng gobyerno para po tayo ay makaiwas sa pagiging infected.

USEC. IGNACIO: Opo. Question naman po ni Xave Gregorio, ng PhilStar.com tungkol din po riyan ang tanong ni JP Soriano: OCTA Research fellow Guido David, says early indications show that COVID-19 cases have already peaked in NCR; what projections has the DOH have for NCR? Can we say that cases has peaked; your thoughts of this USec.?

DOH USEC. VERGEIRE: Hindi pa ho natin masabi sa ngayon eh no. So, kasi ito pong peak pag sinabing ninyo iyan na iyong pinakamataas na makukuha nating numero at pagkatapos noon ay patuloy na bababa. Kung makikita po natin, in one of the days last week, mayroon po tayong itinala na sa NCR na almost 8,000 cases in a day.

Pagkatapos po noon, nakita ho natin na nagpatuloy siya doon sa trend na 5,000 to 5,500 cases per day at ito pong recent days nakita natin 5,800 naman; so, tataas bababa, tataas bababa.

So, at this point in our analysis hindi pa ho natin nakikita na nagpi-peak na po tayo dito sa mga kaso; so, pinag-aaralan po natin maigi iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., nabanggit ni Secretary Duque, na ang 92% ng mga lalawigan at siyudad sa Pilipinas ay high risk pa rin sa COVID-19, napakataas po pigura nito ano po; ganito rin po ba ang sitwasyon natin hanggang matapos ang taon?

USEC. MARIA ROSARIO VERGEIRE: Nasa atin po iyan kung magpapatuloy po na ganito pa rin ang ating kaso pagkatapos po ng ilang buwan hanggang sa dulo ng taon. Sinabi naman po ng ating projections na maaring hindi naman po tayo umabot sa mga ganiyang numero at magtuluy-tuloy ito kung atin pong mapapataas ang pagbabakuna, kung atin pong mapapaigting ang ating response sa local government where shortening the duration for detection to isolation at ang pinaka-importante po iyon pong ating responsibilidad bilang isang Pilipino. Patuloy po tayong sumunod sa minimum public health standard, patuloy po natin bigyan ng positibong pag-e-encourage ang ating mga kababayan para magpabakuna na sila; at pangatlo kung wala naman po tayong importanteng gagawin sa labas sa ngayon manatili muna po tayo sa ating mga bahay. Kung magagawa po natin itong lahat maari pong na bumaba na itong ating mga kaso at maaring pagdating sa dulo ng taon ay hindi na po ganito ang sitwasyon ng ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Michael Delizo, ng ABS-CBN News: Ano po ang update sa trend ng COVID cases sa nakalipas na linggo; at ano po ang mga rehiyon at probinsiya na nakapagtala ng mataas na kaso?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, ‘no. So, dito po sa trend na sinasabi natin, sa ngayon po nandiyan pa rin po ang National Capital Region, ang CAR, Region IV-A, Region II, Region III, Region I, CARAGA, Region XI, Region VI, Region XII, Region IX and Region X.

Ito po iyong mga areas natin ngayon or regions na nasa high risk case classification. Ibig sabihin mataas pa rin po ang kanilang ADAR at saka mayroon po silang positive na two week growth rate.

As to the ICU utilization at saka health care utilization po natin most of them still at high utilization for ICU and the bed utilization. So, pag tiningnan ho natin iyan, nandiyan pa rin po tayo doon sa risk level na tinatawag na kailangan bantayan din po maigi pa rin itong mga areas na ito.

As to NCR naman po, for this previous week, we had an average 7 day moving average of 5,825 cases compared to the previous week of September 4 to September 10 which was just 5,410. So, mayroon po tayong 8% increase from the previous 7 days.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., tanong naman po ni John Manahan, ng ABS-CBN news online: More Filipinos are also recovering from COVID-19, what’s the protocol po after they go out of isolation facilities and when they finish home quarantine?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, no. So, dati pa ho natin itong protocol, nasa mga polisiya natin iyan na kailangan na kapag nakapagkumpleto na po kayo ng inyong isolation you should be assessed by a local health official. Sila po ang magbibigay sa inyo ng certification that you have just recovered tapos mairi-report na po iyan ng local government as a recovery.

So, that is important kasi iyong iba pong local government or even their work places minsan niri-require na mayroon po silang ganitong certification. So, kailangan talaga ma-assess para sigurado po na nakatapos sila ng kanilang isolation at saka wala na talaga silang sintomas bago po sila makihalubilo na sila sa komunidad.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po niya: What should the recently recovered COVID-19 patients remember po when they return to their work places or when they inter-act with their families?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes po USec. Rocky, kailangan matandaan po ng ating mga kababayan lalung-lalo na iyong mga nagkasakit kasi baka akala nila hindi na nila ulit makukuha ang sakit. Kahit po kayo ay nagkasakit na, maari pa rin po kayong mahawa ulit ng COVID-19.

Kaya dapat ipagpapatuloy ang pag-iingat, kailangan po na isusuot pa rin ang mask, face shield, manatili pa rin ang physical distance at saka po kailangan din po natin na maya’t maya na namu-monitor pa rin natin ang sarili at saka kung hindi pa rin kayo nakapagpabakuna, magpabakuna na. Dahil once you are recovered, you are now eligible to get vaccinated already.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni JP Soriano ng GMA News: Kumusta po ang update sa vaccines allocation sa mga provinces?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, USec. Rocky, no. So, narinig naman natin ang ating Vaccine Czar si Secretary Galvez, na binigay niya po iyong statement that we are now allocating more to the areas outside of the National Capital Regions. So, dito po sa mga sunod-sunod na pagdating ng ating mga bakuna, iyan po ang ginagawa ng ating vaccine cluster. Where we are providing or allocating more outside of the National Capital Region.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni JP Soriano: Wala po bang alternatives sa Tocilizumab na malaki ang problema natin sa supply?

DOH USEC. VERGEIRE: Mayroon naman po tayong ibang mga gamot na ginagamit na investigational din po ang ating mga hospital that can somehow mimic ito pong mga tinatawag na ginagawa ng aksiyon na ginagawa Tocilizumab para sa ating mga kababayang may sakit.

So, iyan po ang isang sinusubukan na ng ating mga clinicians. Of course we are waiting also for proper regulatory clearances para sa mga gamot na ito. Mayroon pong isang gamot ngayon na tinatawag na Baricitinib na ito po ay isang alternative although this are tablets and mayroon hong ibang paggamit aside from iyong paggamit ng Tocilizumab.

So, lahat po ng ito ay ginagawan po natin ng pag-aaral para mas magkaroon po ng maraming option ang ating clinicians for severe and critical patients and as to the Tocilizumab nakikipag-usap na po tayo sa iba’t-ibang channels ngayon so that we can be able to access ito pong mga ganitong gamot para maibigay din po sa ating public.

USEC. IGNACIO: Opo. Huli pong tanong ni JP Soriano: Kulang pa rin ang patients para sa clinical trial ng Mulnopiravir, naghahanap pa rin ang Lung Center sa isa sa trial site.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes po USec. Rocky, hindi pa nga po nakukumpleto ang ating mga pasyente. Pero, ito naman po ay ano kapag gumagawa tayo ng clinical trial as a patients na pumayag na masa-ilalim sa clinical trial come-in.

Ginagawa na rin naman po kailangan lang makumpleto kasi pagdating sa analysis kailangan appropriate po iyong number samples para maging acceptable ang accurate ang magiging resulta. So, inuumpisahan na rin naman po, kinukumpleto lang ngayon ang mga numero ng samples na kailangan kasama sa trial.

USEC. IGNACIO: Ok. Kami po ay nagpapasalamat muli sa inyong pagsama sa amin, Department of Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire, mabuhay po kayo USec.

DOH USEC. VERGEIRE: Maraming salamat po USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Maghahatid din ng balita mula naman po sa Davao Region ang ating kasamahan na si Claudette Loreto.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, hindi po muna natin makakasama sa programa si Batanes Governor Marilou Cayco, dahil po sa problema sa komunikasyon.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Mga kababayan 98 days na lang po at Pasko na. Ipagpatuloy po natin ang pag-iingat para sa masayang selebrasyon ng Kapaskuhan. Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo ulit sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center