Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Sabado, ika-13 ng Pebrero, muli nating pag-uusapan ang pinakahuling update kaugnay sa mga hakbangin ng pamahalaan upang mapagtagumpayan ang ating laban sa COVID-19 pandemic, hindi rin natin palalampasin po iyong maiinit na isyu na may direktang epekto sa mga mamamayan.

At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, mula sa PCOO ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina Land Transportation Office Chief Assistant Secretary Edgar Galvante; Dr. Butch Ong ng OCTA Research Team; at Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Samantala, kung mayroon po kayong katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.

Para sa ating unang balita: Pangulong Rodrigo Duterte hinihintay na lang po ang payo ng kaniyang mga doktor kaugnay sa posibleng pagpapabakuna sa harap ng publiko; Senator Bong Go bukas din sa kaparehong idea upang maitaas ang kumpiyansa ng taumbayan sa COVID-19 vaccines. Narito ang detalye:

[VTR]

Matapos na pansamantala munang suspindehin ang panghuhuli sa mga lalabag sa Child Car Seat Law, ngayon naman po ay hindi na mandatory ang inspeksiyon ng mga sasakyan sa PMVIC. At para linawin iyan, nagbabalik po sa ating program si Land Transportation Office Chief Assistant Secretary Edgar Galvante. Magandang umaga po, Asec.

LTO ASEC. GALVANTE: Magandang umaga sa inyo at magandang umaga sa inyong tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Asec., klaruhin lang po muna natin ito ano po, hindi na nga po mandatory iyong pagsalang sa Private Motor Vehicle Inspections System, so wala na ho bang gagawing inspeksiyon ang LTO sa lagay ng mga sasakyan nagpaparehistro bukod po doon sa smoke emission testing?

LTO ASEC. GALVANTE: Linawin ko lang po: Ang hindi na mandatory po ay iyong pagdadaan sa Private Motor Vehicle Inspection System. Pero iyong Motor Vehicle Inspection, isasagawa pa po iyan at ipagpapatuloy na isagawa. Iyan po kasi ang daan para matingnan natin kung ang sasakyan ay roadworthy.

Again, i-emphasize lang po, ang hindi po mandatory ay iyong dadaan sila doon sa Private Motor Vehicle Inspection System. Pero iyong pag-i-inspect doon sa sasakyan nila para makita kung roadworthy ito at dapat i-renew ang registration, ipinagpapatuloy po, ipagpapatuloy pong isagawa ito.

USEC. IGNACIO: Opo. ‘Di po ba bago pa nagsulputan itong mga PMVIC ay mayroon ng sariling mga motor vehicle inspection centers po ang LTO, tama po ba iyon? At wala na po ba iyon, I mean, hindi na po ba obligadong dumaan ang mga magpaparehistro doon, Asec.?

LTO ASEC. GALVANTE: Again, i-emphasize ko lang po ano, iyong sinasabi na Private Motor Vehicle Inspection Centers ang sinasabing hindi mandatory ang pagdadaan doon. Pero iyong sa inspeksiyon po sa LTO para mapag-alaman kung roadworthy iyong sasakyan, patuloy po itong isasagawa o sinasagawa.

Dati-rati po ay mayroon na ang LTO niyan kaya lang sa pagdaan ng panahon, matagal na pong naitayo iyan, siguro dahil sa kakulangan ng pondo ay hindi na-rehabilitate. Kaya po sa ngayon, actually, buong Pilipinas ay dadalawang installation po ang mayroon ang LTO niyan – itong nasa East Avenue at isang nasa Pasay, bandang Pasay City.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., hanggang kailan naman po daw tatagal itong, ika nga, ay tinatawag nating pandemic rates ano po at hindi paniningil ng re-inspection fees ng mga PMVIC?

LTO ASEC. GALVANTE: Sa pagkakaalam ko ay in-offer iyan ng mga may-ari ng private MVICs na hanggang nandito ang pandemic ay ganoon po ang kanilang magiging rate.

USEC. IGNACIO: Pero, Asec., hindi naman po malulugi ang PMVICs dito dahil diyan? At ano po ang reaksiyon nila dito, Asec.?

LTO ASEC. GALVANTE: Nagpahayag din sila ng kanilang mga concerns tungkol diyan, eh sabi nila talagang malulugi sila. Pero bilang pagtupad sa kautusan ng Pangulo at gusto rin nilang makatulong eh kahit na po makakaranas sila ng pagkalugi ay nakiki-cooperate sila. At eventually, gusto nilang maipahayag din na, again, they are in full support para matiyak po na iyong purpose na pagkakaroon ng motor vehicle inspection ay ma-attain po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Asec., naglunsad din po ba kayo ng imbestigasyon doon po sa mga inirireklamong PMVIC tungkol sa umano’y anomalyang isinusumbong ng mga motorist; at kung may imbestigasyon, may initial result na po ba ito, Asec.?

LTO ASEC. GALVANTE: Ang nakarating sa amin ay iyon lang dalawang nangyari – isa sa Cabanatuan, iyong MVIC doon; at saka iyong isa diyan sa may Pampanga. At nagpahayag naman ng eksplanasyon iyong management ng dalawang establisyimentong iyon, at sa kanilang pahayag ay—halimbawa iyong sa Cabanatuan, nagkamali po iyong reading kaya kinorek nila ito at pasado naman iyong sasakyang in-evaluate o tinest. At sa pagkakaalam ko po ay hindi naman sila naningil ng kaukulang bayad, ika nga.

At sa pagkakaalam ko rin, kahit na iyong may-ari ng sasakyan ay naintindihan iyong pagkakamali at kinorek naman at wala namang, kumbaga, wala namang unresolved issue tungkol doon.

Ngayon, doon po naman sa Pampanga, again, sa pagkakaalam ko, ini-explain naman ng management ng MVIC na mayroon sa reading nila na konting diperensiya iyong preno kaya in-advise-an nila iyong may-ari na ipakumpuni ito. At noong ibalik ito, ang ni-read ulit ay nakitang tama na kaya inisyuhan na po nila ng… kumbaga ay pasadong rate, pasadong grado doon sa kanilang inspeksiyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., kayo po sa DOTr, partikular po sa LTO, ano po ang nagbukas ng oportunidad para makapagnegosyo sila sa sektor na ito. Kung hindi ninyo naman po binuksan ang idea ng PMVIC, hindi naman po sana sila mag-i-invest sa mga pasilidad. Wala po bang binigay na assurance ang pamahalaan sa kanila para naman po mabawi man lang nila iyong kanilang puhunan?

LTO ASEC. GALVANTE: Actually, hindi LTO ang nagsagawa kung hindi dahil sa pag-uusap, if I remember right, noong bago pa lang nanunungkulan ang administrasyon, isa ito sa natalakay kung saan dahil sa kakulangan ng pondo ay hindi makapagtayo ang gobyerno, partikular ang LTO. Isang nabanggit ito during the presentation ng private-public partnership na maaaring maitayo ito sa tulong ng mga private entities at mababawi din nila within two, I think two and a half or three years iyong kanilang investment dito.

At dahil doon in-offer ito ng DOTr para iyong mga interesado ay maghayag ng kanilang proposal. At nag-create ang DOTr ng Acceptance Committee para i-evaluation based on the guidelines issued at kung sinong qualified, binibigyan ng authority na magtayo at ‘pag naitayo na, inspection at kung pasado eh bigyan ng authority na mag-operate.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., hindi raw po ba kaya ng gobyerno na lang po iyong magtayo ng ganitong uri ng pasilidad para daw po kontrolado iyong presyuhan at wala raw po bang mandato ang LTO para dito?

LTO ASEC. GALVANTE: Again linawin ko rin, sabi ko nga noong unang mag-assume ang administrasyon, isa iyan sa tiningnan namin. Kaya lang dahil nga sa kakulangan ng pondo at probably mas may prayoridad na mga proyekto, hindi kami nabigyan ng pondo para i-rehabilitate iyong dati-dati na MVIC na inu-operate ng LTO. Kahit na hanggang ngayon nagpapatuloy kaming manghingi just in case na magkaroon na ng pondong available, eh gusto naming pursue-hin iyong pagri-rehabilitate noong dating LTO MVICs.

USEC. IGNACIO: Okay po. Pero sa tingin ninyo, Asec., may mahihikayat pong pamumuhunan dito in the future lalo pagkatapos po ng pandemya ano po? Lalo na sa mga nangyayari ngayon, paano ninyo po isusulong iyong mas malawak na pagpapatayo po ng ganitong pasilidad?

LTO ASEC. GALVANTE: Actually, siguro ma’am maiintindihan noong mga nag-express ng interest. Actually ang initial na dinetermine na mailalagay na MVIC, ano ‘yan eh, 139 o 138 na lugar kung saan magpapatayo bagama’t sa ngayon dahil din siguro sa pandemya, hindi ganoon kabilis na makumpleto iyong pagpapatayo. Sa ngayon eh 23 out of the initially 138 na in-allocate ang naipapatayo pa lang at napayagang mag-operate.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., sa ibang usapin naman po ano. Sa ilalim po ng bill na inihain po ni Congressman Olivarez, niri-require po ang mga motorista na i-register iyong kanila pong helmet para po makakuha ng lisensya. Posible po ba ito, Asec.?

LTO ASEC. GALVANTE: Sa ngayon dini-discuss pa iyon, kumbaga iyong pros and cons niyan ano kung anong maitutulong nito para matiyak natin na maobliga iyong mga sumasakay sa motorsiklo. Sana naman isipin ng taong apektado nito na ito’y para sa kanilang kapakanan. Hindi ito para sa dagdag lang na gastusin but rather nakikita naman natin na maraming aksidente/insidente kung saan involved ang motorsiklo. At very vulnerable kasi ang mga sakay niyan eh ‘no kaya siguro isang… kumbaga sabihin ko na, mapuwersa ang taong sumasakay sa motorsiklo na tumalima diyan para mabawas-bawasan ang mga insidenteng kung saan sila’y magsa-suffer nang very serious injury kung ma-involve man sa sakuna ang motorsiklo.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., nagbukas na rin ang online complaint desk ang Senado po para sa mga pang-aabuso umano na ginagawa daw po ng LTO ano po. At hinihiling din po ni Senator Richard Gordon iyong pagbibitiw ninyo sa puwesto. Ano po ang masasabi ninyo dito, Asec.?

LTO ASEC. GALVANTE: Ako’y… hindi naman ako kumbaga kapit-tuko sa aking puwesto ‘no. Susundin ko kung ano ang utos ng nakatataas sa akin. Kung iyan ang kautusan ng nakatataas sa akin, walang hesitation na ako’y magbibitiw.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa pagbibigay ng oras sa aming programa, LTO Assistant Secretary Ed Galvante. Mabuhay po kayo. Stay safe po, Asec.

LTO ASEC. GALVANTE: Maraming salamat sa inyo rin.

USEC. IGNACIO: Samantala mga biktima ng sunog sa Barangay Bulacao, Cebu City at sa Barangay Buhangin sa Davao City hinatiran po ng tulong ng tanggapan ni Senator Go. Naroon din po ang iba pang ahensiya gaya ng DSWD, DTI at TESDA na namahagi ng dagdag na ayuda para sa ating mga kababayan. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, mag-ingat po sa mga ‘di umano’y bentahan ng mga pekeng COVID-19 vaccines. Alamin ang totoo at tamang impormasyon kaugnay sa vaccine rollout sa bansa. Narito po, panoorin natin:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling tala ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, February 12, 2021, umabot na sa 545,300 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 2,022 new COVID-19 cases kahapon. 26 na katao naman po ang bagong mga nasawi kaya umabot na sa 11,495 cases ang kabuuang bilang ng COVID-19 deaths sa ating bansa. Dumarami pa rin po naman ang nakaka-recover na nasa 500,654 ang kabuuang bilang matapos pong makapagtala kahapon ng 333 new recoveries. Ang total active cases naman ngayon ay nasa 33,151.

Kahapon po inanunsiyo ng IATF iyong pag-relax po ng ilang protocols na umiiral sa GCQ areas. May epekto kaya ito sa isinasagawang pananaliksik ng OCTA Research Group patungkol po sa ating laban sa COVID-19? Ngayong umaga, makakausap po natin si Dr. Butch Ong, kinatawan mula sa OCTA Research Team. Good morning po, Doc.

DR. ONG: Good morning at good morning sa ating mga tagapanood at nanunood at nakikinig sa programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., bigyang-daan po iyong pinadalang tanong ng ating mga kasamahan sa media. Unahin ko na po ito ano po. Mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Sa tingin ninyo po ba okay lang ba sa gobyerno na mas lalong luwagan ang mga restrictions sa bansa tulad po ng sine, museo, arcade at iba pang mga pasyalan?

DR. ONG: Iyong mga restrictions na binibigay natin or iyong mga preventive measures pala na binibigay natin sa mga venues, sa mga facilities ay nandiyan naman ano. Alam naman natin kung ano iyong dapat gawin ‘no – Iyong ventilation dapat open, nagsusuot ng mask at face shield iyong mga tao at may proper distancing. Mas lalo na kapag maliit o kaya confined ang isang venue, kailangan 50% or less lang ang occupants ng venue na iyon ‘no.

Kung magagawa naman natin lahat ito, posible naman talaga na mag-open talaga iyong mga facilities and to make the wheels of commerce moving ‘no. Naiintindihan naman natin na kailangan naman talaga ma-stimulate iyong economy natin at this point in time, ang kailangan lang ay sumunod lang tayo sa ating mga minimum health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Red Mendoza: While our numbers are getting steady, do you think this lifting of other restrictions is appropriate?

DR. ONG: Sa NCR at saka sa Pilipinas ay nakikita natin iyong trend ng reproduction number o iyong R-value natin, talagang steady lang siya ‘no. Since the start of January, ang reproduction number it’s hovering around 1.0 ‘no. It means na iyong number of people being infected outside is just 1:1. Kumbaga, if one person is infected, he can only infect one more other person.

Ngayon, we are in a precarious balance ngayon ‘no. So maaaring umusbong pataas iyong number of cases or maaaring bumaba naman depending on how we perform or how we implement the minimum health standards. Kailangan lang talaga natin, especially the venue or facility managers, the companies ‘no, kailangan mas istrikto talaga sila sa pag-promote at pag-implement ng minimum health standards.

Again, right now sa Philippines, ang reproduction number is at around 1.0 to 1.01, 1.02 ‘no. Medyo steady tayo since the start of January. And to decide now to open commerce and industry, we must be more vigilant ngayon, siguro mas mai-implement natin nang stricter iyong standards na sinet ng IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Rida Reyes ng GMA 7, iyong iba po ay nabanggit ninyo pero ang follow up po niya: Do we see a possible shift to MGCQ starting February 16 following an easing in restrictions?

DR. ONG: Right now, sa OCTA Research Team ‘no pinag-aaralan din namin iyong effect ng mga bagong variants. Dati, last year, nagkaroon tayo ng bagong variant, iyong tinatawag nating D614 variant na humingi ng two-week time out iyong mga healthcare workers. Kung naaalala ninyo, that time ay bumalik tayo ng MECQ ng dalawang linggo; at that time, iyong bagong variant was known to be more transmissible.

Ngayon we have a new variant who came in, the UK B117 variant, which is also more transmissible like last year. So maaari talaga tayong mag-open ng industries but very, very carefully and very, very cautiously. Unlike last year, mas maganda ang ating hospital capacity. The government has improved the number of COVID wards, the number of doctors, the number of healthcare workers working against COVID-19 – last year hindi masyado ganoong kataas.

So with the balance of more healthcare workers and the entry of new variants which are more transmissible, kailangan nating mas maging vigilant. Maaari nating i-monitor every so often iyong trends ng iba’t ibang LGUs lalo na ang Metro Manila. We still consider NCR as the epicenter of the pandemic here in the country.

So kailangan natin when we make policies, ang aming mungkahi ay when we make policies, we must base it on data, we must base it on evidence and from our previous experience with COVID last year.

So maaari naman, kailangan lang talaga ang minimum health standards at i-improve pa natin ang testing capacity at i-improve pa natin pa ang hospital capacity sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Rida Reyes ng GMA News: DOH has detected po 19 additional B117 variant or UK variant cases; more than 2,000 din po ang naitalang COVID cases kahapon. Bukod doon sa UK variant, ano po ang dapat pang gawin ng government para matiyak na hindi pa makakapasok sa bansa iyon pong sinasabing ibang variants of concern, Dok?

DR. ONG: Oo, iyong variants of concern, iyong sinasabi namin kapag nababasa ninyo, iyong VOC, variants of concern na iyan ‘no ay specifically iyong Brazilian and the South African variant because those variants seem to escape the immune system of people who have been previously infected with COVID-19. And some studies have shown sa ibang bansa na iyong mga na-vaccinate against COVID-19, kapag natamaan ng variants na ito, iyong dalawang variants, they have less effectivity.

So therefore, it is more important for us now to safeguard our borders against the entry of these new variants ‘no. Hindi naman natin puwedeng itigil iyong ating mga OFWs na uuwi, pero kailangan siguro i-quarantine, i-test agad, i-determine agad kung anong iyong variant if mayroon silang positive, at i-quarantine kaagad sila para hindi makahawa sa community.

Again ‘no, even with the new variants, ganoon pa rin naman ang behavior ang characteristic ng COVID-19. Fourteen days pa rin ang quarantine, we still wear masks, we still wear face shields, we still do physical distancing and we still wash our hands either with soap and water or with alcohol.

Ganoon pa rin naman ang gagawin natin ‘no even if there’s a new variant, it’s the same behavior, the same minimum health standards we have to follow. And if the vaccine comes in, that is another extra layer of protection para sa ating society.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., panghuling tanong po niya ‘no: Maraming Pilipino na raw po ang naniniwalang the worst of COVID is already behind us. Ano po ang masasabi natin dito?

DR. ONG: Well, actually, dapat mas maging vigilant pa nga dapat tayo ngayon ‘no. Ngayon alam natin na the virus mutates very frequently. Dati nagkaroon tayo ng dalawang variants, tatlong variants na pumasok sa Pilipinas ‘no. And the worst is not yet over, I think, but we are beginning to arm ourselves better.

Iyon na lang ang gusto kong sabihin ‘no, the government is doing its job to arm ourselves better with the incoming influx of the vaccine very soon, the improvement of the health care capacity, the improvement of the testing capacity and sana ang susunod nating level ay mas talagang paigtingin pa natin iyong ating implementation.

Alam ko na we need to open industries very soon because of the economy; we have to stimulate the economy ‘no. But it has to be balanced pa rin talaga with our own discipline na sinasabi ko nga palagi ‘no, ang pinakakalaban ng COVID-19 ay isang disiplinadong mamamayan. If we are disciplined enough, hindi na ito kakalat sa community ‘no.

And one more thing pala, regarding vaccination ‘no. We need to learn more about the vaccine. I admonish the public to learn about the vaccine and the vaccination program. Maraming tao ay hesitant, na narinig ko kanina sa balita ninyo na may mga hesitant pa sa vaccine. And I believe it’s because hindi pa sila masyadong aware about what a vaccination program is, what a vaccine will do, what the benefits of the vaccines are. So please, learn more about them. Read on them and listen to programs na gaya nito to learn more about what the vaccines will do.

USEC. IGNACIO: Opo. Para sa inyo, Doc., para sa inyo mas dapat mauna iyong sinasabing vaccine rollout bago po ang pagluluwag?

DR. ONG: Para sa amin kasi ‘no, it’s important to protect the citizens before they’re able to go out ‘no. Iyong unang layer ng protection natin is our self-discipline – iyong pagsuot ng mask, iyong minimum standards ‘no. And so far ang katanungan ay dumadami naman ang variants sa labas, hindi pa rin natin naibababa talaga ang COVID-19 cases sa Philippines ngayon. And when we open industries, of course, the exposure of the Filipino to COVID-19 is greater ‘no. Mas exposed sila dahil mas open ang industry. Para sa amin talaga or personally din ‘no as a physician, a doctor ‘no, gusto ko talaga mas protected ang mga mamamayan natin when they go back to work, when we go back to industry, to retail, to manufacturing, etc, and to study what the new variants will do ‘no. The new variants may effect children more than before so this has an impact in opening schools.

The new variants which are coming in might be affected only against several vaccines, so we have to study the characteristics of these new variants. But for now, iyong B.1.1.7 UK variant still effective pa din iyong mga vaccines na papasok sa Pilipinas against that variant. Ang kinatatakutan natin talaga or iyong ating—siguro sabihin na natin iyong caution na lang natin—ah, iyong pagpasok ng mga South African variant at saka iyong galing sa Brazil ‘no. So iyon lang ang ating payo sa mga kababayan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc., kaugnay sa mga polisiya na ginagawa po ng gobyerno ano po, base po kasi sa pag-aaral ng ASEAN Studies Centre, karamihan daw po ng Filipino respondents ay nagpahayag ng kanilang disapproval sa pandemic response ng pamahalaan. Magkaiba po ba iyong resulta nito sa sariling survey ng OCTA Research kung saan ay highly compliant po ang mga Pilipino sa patakaran ng gobyerno? Ano po ang tingin ninyo ang dahilan na magkaibang resulta, Doc.?

DR. ONG: Well, we did a study about a month ago on respondents from NCR, the National Capital Region. On their ability or kumbaga, kung paano sila sumusunod sa minimum health standards. It is very encouraging actually, around 70 to 80 percent of the respondents in NCR follow the minimum health standards. Marami ang sumusuot ng mask, maraming sumusuot ng face shield, marami ang nagpa-follow ng social distancing at naghuhugas ng kamay ‘no.

So with regards to the study that OCTA did about a month ago, compliant karamihan ‘no, karamihan ng ating mga kababayan sa NCR compliant sa pag-follow ng minimum health standards. And natutuwa naman kami, it is across all classes of society – from class A to even down to class E sa society natin sumusunod. Natutuwa naman kami that the government has actually perhaps implemented the education program or advocacy program on the use of these minimum health standards ‘no.

Mas maganda sana kung 100%, lahat ay sumusunod. Mas magandang level of protection iyon against COVID-19 kapag lahat sumusunod. Although I want to have another study as a follow up to that study done in December – December last year iyon ‘no na pinublish namin noong January na sumusunod naman ang mga kababayan natin sa minimum health standards.

USEC. IGNACIO: Opo. Doctor Ong, na-calculate ninyo rin po ba OCTA Research kung kailan po matatamasa ng Pilipinas iyong tinatawag pong herd immunity bunga po ng pagbabakuna ano po? Ano po iyong lumabas sa datos ninyo?

DR. ONG: We must be able to immunize or vaccinate at least 60 to 70 percent of our population in order to get herd immunity. And base na rin iyan on the reproduction number ng Pilipinas at iyong effective rate ng vaccines. Although iba’t ibang klase ng vaccine, iba-ibang brand ng vaccine, they have different efficacy rates – mayroong 50%, may 90%, may 80% efficacy ‘no. But in general, given all of these ‘no, we must vaccinate at least 60% of our population and I heard kanina sa balita diyan, that the government’s target is around 70% and then right smack in the middle of the targets to get herd immunity.

So with regards to herd immunity, and we know na 60% at least, at 70% ang gusto ng gobyerno, kailangan pa nating ma-improve iyong vaccine advocacy at iyong education ng mga tao with regards to the benefits and of course with regards to the different kinds and brands of vaccines being procured by government para tumaas ang vaccine confidence ng public natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. Ong, binanggit ninyo kanina na ang NCR pa rin po iyong nananatiling epicenter, ano po. Pero nagbigay po ng red flag sa Cebu City dahil sa patuloy naman pong pagtaas ng mga kaso sa siyudad. So ano po ba iyong transmission rate sa Cebu at ano po iyong posibleng dahilan po ng patuloy na hawahan doon?

DR. ONG: Well sa Cebu City, ayon sa latest report namin which we released yesterday – we have a February 12 report from OCTA – Cebu City has a positivity rate of 10%. Meaning, sampu out of 100 people tested are found positive ‘no, medyo mataas iyan. Ang WHO has set the minimum at 5% lamang. So medyo mataas ang positivity rate and maaaring ito ay dahil doon sa new variants na pumapasok sa siyudad.

And of course tandaan natin, iyong minimum health standards natin has to be strictly followed. With these new variants na mas lalong mas nakakahawa, kailangan mas maingat iyong mga tao. Hindi ko naman sinasabing bawal lumabas, ang sinasabi lang natin sumunod lang tayo. Kapag nakita natin iyong lugar ay maraming tao, more than 50% capacity ang lugar, iwas na lang tayo and schedule another visit na lang kung kailangan na kailangang puntahan.

So ang nakikita natin sa Cebu, mataas ang positivity rate – nasa 10%. The hospital occupancy at Cebu is 43% which is actually medyo maganda. Ang hospital capacity na sinet (set) ng Department of Health na medyo nasa red line na is at 70% at ang Cebu ay at 43%. This is actually proof na tumaas iyong hospital capacity ng Cebu City and the LGU did its work with regards to improving its hospital capacity. So medyo mixed ang balita sa Cebu – may bagong variants, mataas ang positivity rate, pero ang hospital capacity naman nila ay umakyat.

So sa mga Cebuano nating nakikinig ngayon, mag-ingat talaga tayo especially when going to crowded places and always follow the minimum health standards set by the IATF.

USEC. IGNACIO: Opo. 19 new cases po ang naitala ng Department of Health na bagong kaso ng B.1.1.7 variant kahapon. Pero ayon po sa OCTA Research, hindi raw po nakikita iyong indikasyon nang malawakang transmission ng mas nakakahawang variant ng COVID-19 lalo sa Metro Manila. Sabi ninyo po nasa best situation po ang NCR, so ano po ang naging basehan ng OCTA Research dito, Doc.?

DR. ONG: Well it’s actually quite a good indication ‘no. Well, the new B.1.1.7 UK variant has already been found in Quezon City ‘no, kasama iyan sa na-report kahapon na 19 new cases, isa iyan sa mga siyudad, iyong Quezon City. And yet iyong ating reproduction number flat pa rin, 1.0 – ibig sabihin mayroon nang balance iyong pagpasok ng bagong mas nakakahawang COVID-19 variant and iyong ating pagsunod sa minimum health standards ‘no.

In NCR—or at least, I can say for NCR na lang dahil doon iyong datos natin. At least sa NCR nakikita natin na even though the new variant is found ‘no in the cities in the National Capital Region, hindi nagkaroon ng surge at hindi nagkaroon ng uptrend ng kaso sa National Capital Region. And I hope it becomes a trend talaga na pababa na ‘no, even with new variants, kaya natin.

Mga kababayan, kahit na may pumasok na new variants here, kaya natin talunin ang COVID-19. We just have to follow the standards set by the Department of Health.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyo, Doc., sa inyong ibinigay na panahon. Dr. Butch Ong ng OCTA Research Team. Salamat po, Doc.

DR. ONG: Salamat nang marami at magandang umaga sa lahat.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, dumiretso na po tayo sa mga updates mula po sa Kagawaran ng Kalusugan hatid po ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Magandang araw, Usec. Welcome back po sa Public Briefing.

DOH USEC. VERGEIRE: Good morning po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am bigyan-daan ko na lang po ang mga tanong ng ating kasama sa media ano po. Mula po kay Red Mendoza ng Manila Times: Ano daw po ang naging batayan ng Kagawaran sa pagluwag ng mga sine, museo, arcade at iba pang pook-pasyalan?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Usec., hindi naman po ang DOH ang nagdesisyon niyan, it’s an IATF decision. It was a collegial decision among our officials. It’s because of the balance between the health and the economy. Alam po natin ngayon na gusto natin kahit papaano makapagbukas ng ibang sektor para naman makaagapay ang ating ekonomiya. So ang safeguard po natin dito is the compliance to minimum health protocols para po atin pong magawa na unti-unti nating mabuksan ang ating mga sektor.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po mula kay Red Mendoza ng Manila Times: Sa mga naitalang bagong kaso daw po ng B.1.1.7 variant na hindi malaman po kung saan nagmula, masasabi po bang kumakalat na iyong variant at bakit wala pong na-sequence mula daw po sa BARMM?

DOH USEC. VERGEIRE: Hindi natin masasabi sa ngayon ano. There is still no sufficient evidence to say na kumakalat na ba iyan o iyong transmission niya ay ganito na. Kaya nga po patuloy nating pinag-aaralan and we are continuously monitoring. Across the region, nakakuha po tayo. Iyon pong sa BARMM kasi we were trying to get from BARMM ‘no pero wala naman silang nai-submit sa amin na positive sa specimen. But of course continuous naman po ito, so in this coming week baka diyan po tayo makakuha diyan sa area nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin mula kay Red Mendoza: Tinututulan ng Health Professional Alliance Against COVID-19 ang isa pong bill kung saan pinapayagan ang mga LGU na bumili ng mga bakuna direkta dahil mawawalan daw po ng saysay ang Health Technology Assessment Council at baka daw po tumaas ang presyo ng mga bakuna. Ano po ang reaksiyon daw ng Department of Health dito?

USEC. VERGEIRE: Well, mayroon naman din tayong isinususog din na posisyon na parang aligned din naman dito sa HPAC na sinasabi natin na sana kapag mapapayagan nga, this will be beneficial, kasi ang mga local government naman po ay tutulong talaga sa atin.

Pero sana po aligned doon sa mga protocols na mayroon tayo, like the tripartite agreement that they can only procure together with the national government and when they procure, they have to abide or comply with the protocols na dapat iyong prioritization framework natin ay masusunod.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong naman mula kay Rida Reyes ng GMA News: DOH has detected 19 additional B117 variant or UK variant cases. May mga indikasyon po ba na local community transmission nito sa bansa with 44 total cases; bukod daw po sa B117 variant, ano po ang ginagawa natin para daw po matiyak na hindi makakapasok sa bansa ang ibang variant of concern?

USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Ito naman po mula po ng mag-umpisa tayo that we have detected the variant, sabi natin nagkaroon na tayo ng local transmission doon sa CAR di ba noong una nating nakita iyan. Iyon pong ating strengthened compliance to protocols for health, iyon po dapat ang isinasagawa natin. Kaya nga po binago natin iyong protocol natin for testing those incoming travelers, para mas sure tayo ngayon na kapag tinest natin sila, mas makukuha natin iyong magpupositibo.

Second, we are now working with DILG and the other national units para po iyong pag-endorse sa mga local governments ay strict implementation tayo noong isolation quarantine protocols for us to prevent iyong pagpasok po ng mga ganitong variants sa ating bansa

USEC. IGNACIO: Opo, tanong pa rin mula kay Rida Reyes: Lampas na po ng 2,000 na naman iyong COVID cases na naitala kahapon. Ano daw po ang paalala ng DOH sa publiko lalo na iyong mga balak pong lumabas para mag-celebrate ng Valentine’s Day?

USEC. VERGEIRE: Ganoon pa rin po, tuluy-tuloy pa rin po ang pagpapaalala natin sa ating mga kababayan na huwag po tayong maging complacent. Kahit po binubuksan na iyong ibang sektor sa ating bansa para po sa ating ekonomiya kailangang we have to comply with the minimum health standards.

Kapag nagtuluy-tuloy po na tataas ang mga kaso, babalik po tayo doon sa dati nating estado na nakasara lahat ng mga sektor natin at ayaw na nating bumalik doon. So, let us cooperate, huwag po tayong pumunta sa mga matataong lugar and always do the minimum health protocols.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin ni Rida: Sinabi daw po ni Secretary Carlito Galvez na made-delay ng one week ang dating Pfizer vaccines dahil wala lang indemnification agreement ang Philippine government with COVAX. Paano po ito makakaapekto sa timeline na inilatag ng DOH para sa vaccination roll-out na dapat po ay magsisimula na ngayong linggo at may bagong schedule na po ba ng vaccination?

USEC. VERGEIRE: Hindi naman po ito makakaapekto ng malaki ano. Actually, it gives us more time to prepare for this roll-out. So ito pong isang linggo na made-delay tayo ay gagawin na lang po natin this week is that we are going to really organize and finalize our plans which is hospitals that have been identified to be eligible to receive these vaccines.

USEC. IGNACIO: Opo, may follow up po siya: Pinirmahan na daw po kahapon ang indemnification agreement na ipapasa sa COVAX. May we know kung ano po ang nilalaman ng kontratang ito?

USEC. VERGEIRE: Ay hindi ko po iyan puwedeng i-disclose sa ngayon, Usec. Rocky. So siguro Secretary Galvez can give this kind of information kapag nakausap po ninyo sila.

USEC. IGNACIO: Opo, tanong pa rin po ni Rida ng GMA News: Secretary Duque earlier said puwedeng ikarga sa PhilHealth ang indemnification expenses o ang magagastos ng isang vaccine recipient na makaka-experience ng adverse effect mula po sa bakuna. May sapat na pondo po ba daw ang PhilHealth para dito?

USEC. VERGEIRE: Actually, they are going to use the existing case rates. Sa existing case rates kasi natin, kapag halimbawa may mga adverse reactions, tapos kailangang ma-ospital ng isang ta0, papasok doon and they are covered and mayroong existing funds ang PhilHealth for 2021 for this case rates na ito; so mayroon po.

USEC. IGNACIO: Simula daw po February 15 nga ay mas luluwagan na ng IATF iyong restriction sa mga driving schools, cinemas, game arcades, libraries at museums pati ilang tourist attractions. Ano po ang naging basehan ng desisyon na ito; at ang hinihintay po nila ay iyong guidelines para daw po sa reopening ng mga ito lalo iyong mga sinehan na wala sa open space? Tanong pa rin po ni Rida.

USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Ito naman po, katulad ng sabi ko kanina di ba, iyong pinagdesisyunan ng IATF dahil gusto natin unti-unti na tayong makapagbukas ng ibang sektor for our economy. So, mayroon naman po tayong existing guidelines for the minimum health protocols at iyan pa rin po mag-a-apply sa mga sektor na ito.

USEC. IGNACIO: USec. Vergeire, pinuna po iyon pong pagpapatupad ng testing at quarantine requirement exemption para po sa mga government employees na kinakailangang mag-travel for work. Hindi raw kasing malayong maging sanhi ito ng mabilis na pagkalat ng virus. Ano po ang reaksiyon ninyo dito at posible po bang bawiin itong guidelines na ito?

USEC. VERGEIRE: Well, this has been decided in the IATF Usec. Rocky. So noong dinesisyunan iyan ang talagang objective is for us not delay government transactions and usually kapag tiningnan naman natin iyong ating mga officials ng government kapag pupunta from one place to another, they do not take long ‘no, sometimes, dalawa o tatlong oras lang at sila ay aalis na rin doon sa puwesto. So parang mawawala iyong kanilang—made-delay ang kanilang transactions kung mayroon pa silang mga quarantine and testing na ito.

So ang sinisiguro natin, that all government officials should comply with the minimum health protocols at dapat din iyong mga local governments natin iyong screening procedure would still be there kahit na ini-exempt natin sa pate-test at quarantine at dapat tama iyong pag-i-screen. And for government officials, kapag may nararamdaman na po kayo, huwag na po kayo, huwag na po kayo magtrabaho para naman po hindi tayo makapasok sa isang lugar at makapagkalat tayo ng sakit diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. Marami po ang nagtatanong, kailan po ba daw talaga papasok sa bansa ang unang COVID-19 vaccines; kung may latest ba daw kayo?

USEC. VERGEIRE: Iyon nga po sabi ni Secretary Galvez, iyong for the COVAX Facility, iyong commitment naman talaga ng WHO is between the second and the third week of February; so tingnan po natin. Sabi in Secretary Galvez we will might be delayed for one week and let’s see kung mayroon na po tayong confirmation by this coming week. May parating pa rin pong isang klaseng bakuna, iyon pong d0nated by the Chinese government and ito rin po dadating bago po matapos ang Pebrero.

USEC. IGNACIO: Usec. kuhain ko na lang po iyong mensahe ninyo sa publiko.

USEC. VERGEIRE: Yes, Ma’am. Ganoon pa rin po, patuloy pa rin po tayong magpatupad or mag-comply sa ating minimum health protocols. Valentine’s Day po bukas, alam po natin gusto nating lumabas, gusto po nating magkaroon ng kasiyahan with our family, sana po we maintain our household bubble, iyong family bubble natin, iwasan pa rin ang matataong lugar at huwag po tayong maging complacent. Tuluy-tuloy pa rin po tayo sa pag-iingat para po tuluy-tuloy nating mabuksan ang iba pang sektor dito sa ating bansa.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong update, DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

USEC. VERGEIRE: Thank you very much po.

USEC. IGNACIO: Samantala, magtungo naman tayo sa Davao. Hatid ni Clodet Loreto ang pinakahuling balita doon. Clodet?

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Clodet Loreto.

Samantala, sa pagbubukas ng ika-isang daan at isang Malasakit Center sa Ilocos Norte, Senator Bong Go, namahagi rin ng tulong sa nasa 500 mga kutsero at tricycle drivers sa Laoag City na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa umiiral na community quarantine, narito po ang report.

(NEWS REPORTING)

USEC. IGNACIO: Samantala, nagpapatuloy po ang pag-iikot ng Outreach Team ng opisina ni Senator Bong Go sa ilan pang bayan sa Ilocos Norte para magbigay ng suporta sa kapos nating mga kababayan.

At iyan nga po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magsama-sama pong muli tayo sa Lunes dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

Source: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)