Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas.

Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Ilang araw na lamang po ay matatapos na ang buwan ng Setyembre kaya naman alamin natin mai-extend pa kaya ang ipinatutupad na Alert Level System ng pamahalaan sa Kalakhang Maynila. Bukod diyan ay kumustahin din natin ang kasalukuyang sitwasyon ng COVID-19 sa lalawigan ng Benguet gayon din ang kalagayan ng local hog raisers sa bansa. Iyan at iba pang balita dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng police service sa Pilipinas, pinasalamatan ni Senator Bong Go ang pulis sa serbisyo at sakripisyo ng mga ito para mapanatili ang peace and order sa bansa sa gitna ng mga hamon ng pandemya. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, bandang ala-una kaninang madaling araw ay naranasan ang isang magnitude na 5.7 na lindol kung saan ang episentro ay 23 kilometers northeast ng bayan ng Looc sa Occidental Mindoro. Naramdaman hanggang sa ilang bahagi ng NCR, Central Luzon at CALABARZON ang paglindol mula intensity four hanggang intensity one. As of 5 A.M. ay nakapagtala ang Phivolcs ng 112 aftershocks, pinakamalakas ang magnitude 4.5 na naranasan naman ganap 1:48 A.M. sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro at may lalim o depth na 65 kilometers.

Ilang araw bago matapos ang pilot implementation ng Alert Level System dito sa National Capital Region, pinag-uusapan na kung palalawigin pa hanggang susunod na buwan ng Oktubre. Masasabing naging maganda kasi umano ang resulta nito, pero ang tanong: Magpapatuloy nga ba ang Alert Level 4 o mas pagagaanin na ang restriction sa ilalim naman ng Alert Level 3, iyan po ang ating pag-uusapan kasama po ang pinuno ng Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos. Good morning po.

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Good morning, Usec. Rocky. At sa lahat po ng mga nanunood at nakikinig, magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Chairman, sa ngayon po ay nakikita naman umano ng IATF ang epekto ng pagpapatupad ng Alert Level System dito sa Metro Manila, hindi lang po sa kalusugan kung hindi maging sa ekonomiya. Pero kung kayo po ang tatanungin sa lebel ng LGU, ano po ang personal assessment ninyo?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Ang assessment ko po ay napakaganda. Napakaganda talaga ng pilot project na ito in the sense na, number one, sa Alert Level # 4 nabuksan natin maski papaano ang ating ekonomiya, at the same time, nag-iingat ang tao. At iyong mga numbers mismo ng Department of Health at ng OCTA will say na ang reproduction rate ay bumaba, iyong growth rate ay bumaba. Although may sinasabi sila about iyong daily attack rate kung medyo tumaas ba o bumaba ‘no. Pero what is important po rito ay sa makikita natin, lahat ng ating mga mamamayan sa Metro Manila ay talagang nakikisama, ang mga tao ay nag-iingat pero ang ating ekonomiya naman ay masigla at least sa apat na iyon – restaurant, sa hair spa, sa beauty salon at sa hair spa ‘no.

So what is important here, Usec. Rocky, is sana magtuluy-tuloy na ang magandang resulta sa Metro Manila lalo na sa kalusugan. Although iyong kaso nga sa ospital, iyon ang pinag-uusapang maigi, iyong hospital care utilization rate.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, may mga inamyendahang polisiya rin ang IATF sa guidelines ng Alert Level System. Ilan dito ay ang pagpayag sa mas malawak na sakop po ng outdoor exercises, gayon din sa pagpapatupad ng necrological services sa mga namatay po sa COVID-19, ano po ang masasabi ninyo dito? At effective immediately po ba ito?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, unang-una, napakalaking bagay ng exercise ‘no kasi—actually, kinaklaro lang ng IATF ito na itong mga pag-i-exercise, maski sino naman ay talagang pupuwede within a certain na lugar, iyong sinasabi iyong mga pinagbabawal na zero to 70, above 65 ‘no, within the same purok, barangays, subdivision [garbled]. At iyong iba namang hindi ano, talagang maski saan po kayo mag-exercise, wala pong problema iyon.

Ito ay binibigyan-diin lamang, Usec. Rocky, na aside ‘no, sa mga nanunood po ngayon, aside talaga sa bakuna natin, napakaimportante that we create our own immunity system. Number one, ang tamang pagkain; ang tamang pagtulog, at higit sa lahat ang tamang exercise. Magpa-araw tayo, this will really boost our immune system. kaya siguro iyon ang ginigiit ng IATF po dito.

USEC. IGNACIO: Chairman, ito pong tanong naman ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: In a recent statement, you mentioned that you are hopeful the National Capital Region would be placed under pandemic Alert Level 3 in October. Ano raw po ang basis to support that statement?

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, sa totoo lang, I’m always data-driven ‘no. Tinitingnan ko before this, mga three or four days ago, talagang gumanda naman ang tinatawag nating reproduction rate, ang growth rate, even ang active cases. I think there was a high of 40,000, bumaba ng 36,000. Although, lately ‘no, ito kung mapapakita ko nga sa iyo, ito iyong growth rate ‘no; ito iyong tinatawag nating reproduction ‘no; and ito iyong active cases.

Iyong active cases kung titingnan natin, it was at a high of about 40,000, September 15. Ngayon po, bumaba na tayo ng 29,000. Ito po ay binibigay sa amin ng mga LGUs. So I’m basing it on this. Ayaw kong—hindi po ako doktor, ayaw kong pangunahan ang mga eksperto. It will be, ultimately, the DOH who would say na kung dapat tayo Alert 3 o 4.

I’m just hoping, kasi nga marami pang metrics po rito, Usec. Rocky at kay Evelyn, ang sinasabi nila malaking bagay daw iyong tinatawag na hospital care utilization rate – kung puno ang mga ospital mo. Sumunod po rito ay iyong daily attack rate, iyong mga iba pong metrics pa lang ang ginagamit. Pero basing it here, I’m just really very hopeful na sana ay maka-graduate ang Kalakhang Maynila.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, sa palagay ninyo ay dapat na tingnan din bilang malaking factor sa pagluluwag ang higit sa kalahating vaccinated population dito sa Metro Manila?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, para sa akin ano, ang ating data, ito ipakita ko rin ulit para alam po ninyo, ayan, kita na siguro ito. Okay, sa ngayon, nakaka-fifteen million na tayo. Fifteen million. Ang two-dose is 7.1 which is about 72.65%. Nakita ninyo? Ang laki! Iyon ang [fully protected].

Pagkatapos siyempre iyong mga first dose ay 87.93%, magpapabakuna iyan after one month karamihan, except for Astra. So, ang tantiya namin by October 26, iyang [86%] na magpapabakuna ay magiging eight million na ang two-dose natin sa Metro Manila which is about 82%. Hindi biro iyong 82%, napakalaking bagay iyon. And once we hitched December it will increase to 90%.

So, tingin namin itong pagbabakuna ay ang laking bagay na na-avoid ang critical, ang severe, at ang death. Malaking factor ito. Just imagine, hindi ka nabakunahan mas lalo sigurong maraming being severe, critical or even death ‘no. Kung mayroon man, medyo na-foil nitong pagbabakunang ito at siguro karamihan ng mga nagkakasakit ngayon na asymptomatic ay dulo na lang sa malawakang pagbabakuna sa National Capital Region.

Tama ka, Usec. Rocky, this should be taken into account.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Chairman, nakakasunod naman po bang mabuti itong mga establishment pagdating sa protocols na umiiral sa ilalim ng Alert Level System at paano po iyong mga negosyong hindi pa bakunado ang kanilang staff? Ito po ba ay sinisita ninyo?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, yes. Ang mga mayors po natin through their own City Health Officers kasama na po ang kanilang business and licensing and of course sa ilalim po ng opisina ni Secretary Mon Lopez ay nag-iikot po ‘no.

I mean, talagang napakahirap, napakaraming businesses establishments na tinatawag, especially ang restaurants na kailangan mong makitaan ng 10% kung papasok ka sa loob – ang mga hair salon, ang mga barbershop, manikurista. So, kailangan mong makita po lahat sila na 10%, iyong mga indoor na tinatawag.

So, ito po ay tulungan ng bawat isa. We’re really trying our best on the ground at gusto kong pasalamatan lahat sila, talagang these are very critical times itong mga susunod na linggo na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, sa ngayon ay kumusta naman po ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown? Nadagdagan po ba ito at kumusta po ang mga residente doon?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, ang granular lockdowns natin ay halos hindi na nagkakalayo ‘no. Sa totoo lang ang ginagawa ng mga mayors natin ay bago man lang kumalat ito ay talagang nila-lockdown na at sila ay binibigyan ng pagkain – umaga, tanghali, gabi. Hindi nagbabago po ang [pagpapairal] nito, iyon pa rin ang ating sistema.

Kaya, Usec. Rocky, ang maganda rito is that we already have a template of this Alert Levels eh. Basta matapos lang tayo sa Delta variant, kung anumang dumating na mga variants pa sa mga susunod na panahon, alam na ang gagawin eh lalung-lalo na granular lockdown na ito. Talagang kabisado na ito ni barangay captain, ng ating barangay, City Health Office, barangay health workers, iyong mga BHERT (Barangay Health Emergency Response Team). Iyan ang mga silent heroes na nasa baba talaga dahil alam nila ang mga tao sa lugar nila.

So, hindi po nagbago iyan, they’ve been doing it for the last one year, for the last two years at tuluy-tuloy pa rin po tayo diyan. Iyan po ang sikreto na hindi talaga kakalat ang sakit. Iyang tinatawag nating granular lockdowns/isolation, napakaimportante po niyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong ayuda, Chair, nakapagbigay na po ba ang DSWD sa mga two-week na naka-lockdown?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, yes, at gusto kong pasalamatan si Secretary Bautista at of course iyong sa amin region, si Colonel Thomas, napakabait po nila. Alam naman nating mabilisan itong mga nangyari na ito, itong pilot na ito at humingi talaga ng tulong ang mga taga-Metro Manila dahil nga dito and yet may mga food packs po silang nakaimbak, naka-store dito sa kanila sa DSWD and we have to follow certain procedures. Kaya maganda, Usec. Rocky, kasi itong experiment pati pagdating dito ay naka-template na. You have to follow procedure at natantiya nila kung gaano karami iyong food packs kaagad ang nabibigay.

USEC. IGNACIO: Opo. Chairman, may update na po ba kayo dito naman sa guidelines ng pagsusuot ng face shield? Nalilito po kasi iyong mga tao kung magbibitbit ba ng face shield o hindi.

MMDA CHAIR ABALOS: Well, ganito po ano, ang Presidente na rin po ang nagsabi na pagdating sa face shield ay kaniyang iniiwan na ito sa mga eksperto, sa ating mga doktor. Kausap ko po si Secretary Duque noong isang araw, ang sabi niya sa akin ay mayroon na silang guideline, pumipirma lang ang – kung hindi ako nagkakamali – ang anim o pitong ahensiyang ito.

Pero more or less, parang ito ay para sa mga 3Cs. Iyong Closed Area – iyong mga closed area iyong mga sarado nga kamukha po nitong mga restaurants, mga ganoon; itong Crowded Area – iyong mga maraming tao kamukha ng mga simbahan. Of course, iyong Closed Area kasama rin pala diyan iyong mga restaurants, iyong mga manikurista, mga barber; iyon namang Close Contact – iyong mga nakakadikit mo talaga, itong mga spa ‘no.

So, iyang tatlong iyan kung pupunta ka diyan, kailangan mo talaga naka-mask ka more or less. So, iyan ang binabalangkas ngayon na guideline for this face shield. But for the meantime, siguro dito, dahil nga sa habang hinihintay natin ito ay magiging lenient na lang muna tayo kasi baka nalilito ang ibang tao. Para bang ire-remind mo na lang sila na, “Oops! You better wear your face shield kasi ganito pa ito.” Magiging lenient na lang muna tayo while waiting for the guidelines.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Jason Rubico ng SMNI News: Ano daw pong paghahanda ang ginagawa ngayon ng mga Metro Manila Mayors sakaling ipatupad na iyong face-to-face classes sa Metro Manila?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, kung sakali mang ipatupad po ito, number one of course, parang nagbalik-eskwela ka niyan ‘no. Aayusin mo lahat ng mga eskuwelahan mo, lilinisin mo, ipu-fumigate mo iyan ‘no.

Pangalawa, you have to coordinate with the superintendent tungkol dito sa mga kinakailangang ng mga estudyante.

Pangatlo, importante sa lahat ay ang PDITR ‘no. Iyong distansiya nito; iyong safety protocols na dapat inano ng IATF, dapat maisakatuparan po ito. Napaka-importante nito.

But we would see, pagkakaalam ko kasi right now parang sa Metro Manila parang wala pa yata eh but I would really have to check it. But then, ‘ke wala, ‘ke mayroon, handa po tayo rito, ang ating mga alkalde.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong ay kung napapanahon daw po na simulan na ang pagbabakuna sa mga kabataan na may edad 12-17 years old bilang paghahanda sa face-to-face classes?

MMDA CHAIR ABALOS: Well, ganito po iyon ano. Pinayagan ng FDA kung magugunita natin iyong tinatawag na Pfizer at Moderna, these are for the children from 12-17. However, wala pa ho, hindi pa ho tayo pinapayagan ng DOH at wala pang guidelines ‘no.

So, until we hear from the DOH, hindi ho tayo puwede pang magbakuna. So, ang DOH ang magsasabi nito, siguro in consultation with the IATF kung papaano po ito. At siguro they are considering now muna iyong pagbabakuna sa ating mga kapatid sa probinsiya bago po mangyari ito considering the [supply of the] vaccines. Pero sabagay, marami naman na tayong mga bakunang darating. Sabi nga ni Sec. Charlie, siguro ika-calibrate po nilang lahat ito.

Inuulit ko, we have to wait for the Department of Health guidelines. Although previously, sinabi nga po ng FDA na ang Moderna at Pfizer ay pupuwede. Pansamantala, we still have to wait for the guidelines of the DOH but – ito’y malaking BUT – habang naghihintay tayo rito ang mga mayors ng Metro Manila ay nagpapa-preregister na ng mga bata ‘no, just in case ito ay maaprubahan o mabigyan kaagad ng go signal ng Department of Health.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, ingat po tayo, Chairman Benhur Abalos ng MMDA. Mabuhay po kayo!

MMDA CHAIRMAN ABALOS: Ingat po tayong lahat, maraming salamat po. Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala, muling pumalo sa lampas 20,000 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, 20,755 new cases po iyan base sa tala ng Department of Health kahapon. Sa kabuuan ay pumalo na sa 2,493,858 ang total cases sa bansa. Umabot naman sa 24,391 ang mga bagong gumaling sa sakit; 2,292,006 naman po ang total recovery sa bansa. Wala pa ring naitalang nasawi dahil sa COVID-19 kahapon. Patuloy pa ring inaayos ng DICT ang COVID KAYA dahil dito nanatiling nasa 37, 405 ang total deaths sa Pilipinas, 6.5% naman ang total case o katumbas ng 161,447 na individual ang nanatiling active cases sa buong kapuluan.

Sa kabila po ng bumubuting sitwasyon ng COVID-19 dito sa Metro Manila, halos kabaligtaran naman nito ang nangyayari sa ibang lalawigan partikular sa Luzon tulad na lang po ng probinsiya ng Benguet.

Nito pong nakaraan naitala rito ang 15 kaso ng nasawi sa loob ng isang araw, pinakamataas na bilang simula ng tamaan ng pandemya ang lalawigan at kaugnay niyan makakausap po natin si Benguet Governor Melchor Diclas, magandang umaga po, Governor!

GOV. DICLAS: Magandang umaga po, USec. Rocky, sa mga nakikinig sa atin sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, ilan po ang active cases na mino-monitor diyan sa inyong lalawigan, may active Delta cases pa rin po ba?

GOV. DICLAS: So sa ngayon po mayroon po tayong 3,184 na active cases, tapos mayroon na po tayong Delta na naitala, umaabot ng sampu. Tapos ang death po natin sa ngayon, ang lahat-lahat po ay 465, iyon po, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, may tanong po iyong kasamahan nating si Evelyn Quiroz.  Basahin ko lamang po mula sa Pilipino Mirror.  Is the situation in Benguet really bad that the Provincial Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases has ordered the suspension of tourism, tourism-related activities and mass gatherings?

GOV. DICLAS: Opo. So, usually po ang mga cases lang po natin umaabot siya ng mga 10 to 20 cases a day. Sa ngayon po may time po na umabot tayo ng 400 plus, tapos kahapon po ang kaso po natin is 300 plus o umaabot ng 350. Tapos ang mga isolation facility po natin sa Benguet punung-puno na po, tapos hospitals po natin nasa critical level, punung-puno na po ang hospital natin na minsan nagkukulang tayo ng mga oxygen, so iyan po ang situation natin. So we need to suspend tourism and other crowded activities. So iyan po, Ma’am, USec.

USEC. IGNACIO: Pero Governor, sa palagay ninyo ano po iyong dahilan ng pagdami ng nahahawaan ng COVID-19 diyan, posible bang contributor din iyong pagbubukas po ng turismo lalo na sa Baguio City?

GOV. DICLAS: So, hindi po natin ma-pinpoint. Actually, parang bigla-bigla na lang pong dumami iyong cases. Actually, dati naman iyong ginagawa natin, hindi naman tayo nagbago ng mga ginagawa at nagmi-meeting po tayo every month. So pare-parehong protocols na ginagawa.

Tapos biglang noong pumasok iyong Delta, noong may nag-positive na Delta dito sa Trinidad saka sa ibang munisipyo, tuluy-tuloy na dumami na ng dumami iyong mga cases natin. Mukhang iyong transmissibility talaga mas mabilis. Kaya sa ngayon talagang punung-puno iyong hospitals natin, pati iyong mga health workers natin natamaan na sila, may mga positive na. Sa Benguet General Hospital may 18 na tayong positive cases. So isa diyan nagpapa-RT-PCR na tayo doon sa mga truckers natin, iyong papasok ng Benguet na mga bumibili ng gulay. So, we need to do this, para mapababa po natin iyong mga cases natin dito sa Benguet, ganoon po iyon, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Aside from that, Governor, ano na po iyong paghihigpit ang ipinatutupad ninyo sa ngayon no po para agapan iyong mas pagdami pa ng COVID cases diyan? Sa Baguio raw po ay nagpapatupad na nang mas mahigpit na border control. ipapatupad din po ba ito sa buong probinsiya?

GOV. DICLAS: So actually, iyon po iyong meeting noong ano natin, iyong BLISTT (Baguio-La Trinidad-Itogon-Sablan-Tuba-Tublay) municipalities kasama po dito iyong Baguio.

Iyong Chairman po ng Baguio City si Mayor Magalong, nag-meeting-meeting po sila. So iyong ginagawa nilang pag-iistrikto ng border control, iyon din po ang ginagawa dito sa mga BLISTT municipalities dito sa Benguet, para maging uniform po dito sa may gitna, sa may sentro na iyon ang pinakamaraming tao.

So ginagawa din po iyong mahigpit na pag-i-examine ng mga travelers natin. So nili-limit po natin as much as possible essential travel po iyong ginagawa natin. So hopefully by these measures na ginagawa po natin, bababa iyong cases para kumasya po iyong hospitals natin. Actually, itong hospital po natin, itong Benguet General Hospital saka itong Baguio General punung-puno po sa ngayon po ito, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, nakikita ninyong solusyon para tugunan ang pangangailangan sa hospital care diyan sa Benguet, kailangan po bang magdagdag ng equipment o health care worker?

GOV. DICLAS: Actually, nagawa na po natin iyong pagdagdag ng health worker. May emergency hiring po tayo diyan ng sampu na nurses so at least may nakukuha na po tayo. Ang problema po sa doctors natin, wala po tayong takers. May walo po tayong open diyan na doctors, sa ngayon wala pa siyang nag-a-apply. So, hopefully kapag natapos na itong Board Exam ng Medicine at nakita naman natin na mukhang marami namang pumasa dito sa Benguet, so kakausapin po natin sila para tumulong mag-apply po dito sa Benguet General Hospital. So iyon po ang ginagawa natin.

USEC. IGNACIO: Sa pagbabakuna naman po, Governor, sa ngayon ilang porsiyento pa lang po ng eligible population ng Benguet ang nabakunahan na ng at least first dose po?

GOV. DICLAS: So ang fully vaccinated po natin ngayon is umaabot na siya ng 55,796, so ito po iyong fully vaccinated. So, hinihintay natin may darating pa pong bakuna na darating, ang ano po nila is may darating tayong 52,000 na doses. So, hopefully maangat po natin.

Ang eligible population, ang target noong 70% is 280,000. We have a population of almost 460,000. So iyon po iyong target natin na mabakunahan po ito, para at least may reach po natin iyong herd immunity, iyong 70%, so mga 280,000 po iyong target na babakunahan lahat. So, kapag nadagdag po itong 52,000 na bakuna, mga 26,000 po ito, umaabot po kami ng mga 80,00o na bakunado, kapag naibigay po namin itong 52,00 na darating na bakuna, ganoon po, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Governor, may mga challengepa rin po ba kayong nararanasan diyan sa pagbibigay ng bakuna?

GOV. DICLAS: Opo. Dumami naman po iyong mga nagpapabakuna at least accepted na, pero mayroon pa rin tayong ibang ano na mahirap tanggapin iyong bakuna. So hopefully itong mga ito ay hindi naman sila aabot ng ganoon karami o kahit 30% ng population, para at least ma-reach po natin iyong 70% na herd immunity. Pero sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin po iyong IEC natin para sa bakuna para magpabakuna po itong mga kababayan natin. So, iyon po, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Governor, sa ngayon ay pinag-uusapan na rin ito pong posibleng pagpapalawig ng Alert Level System sa iba pang probinsiya at highly urbanized city sa bansa, kayo po ba ay pabor dito at sa palagay po ninyo sa ngayon ay puwede kayong isailalim dito or huwag muna po?

GOV. DICLAS: So nakikita po natin iyong mga Alert Level na iyan, sa tingin ko po sa cases na kadami ngayon, okay naman po iyan sa atin. Kasi iyong capital town po natin ito po iyong marami iyong population, ito po iyong crowded area. So puwede naman pong i-ano iyong Alert Level na ito, ganoon po, USec.

USEC. IGNACIO: Opo. Governor, kami po ay umaasa na bubuti rin ang sitwasyon ng COVID-19 diyan sa Benguet. Kami po ay nagpapasalamat sa inyo. Ingat po tayo, Governor Melchor Diclas.

GOV. DICLAS: So, maraming salamat po, Usec. Rocky Ignacio para po dito sa interview.  Mabuhay po tayong lahat. Mag-ingat po para maiwasan po natin iyong COVID. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Salamat po, Governor.

Samantala, nasa 2,000 vendors at transport workers naman mula sa Magalang, Pampanga ang tumanggap ng ayuda kamakailan mula sa ilang ahensiya ng pamahalaan at sa tanggapan ni Senator Bong Go.  Muli rin silang hinikayat ng Senador na magpabakuna na para maging protektado laban sa COVID-19. Panoorin po natin ito

[NEWS CLIP]

USEC. IGNACIO: Hanggang ngayon po ay patuloy pa ring iniinda ng local hog raisers sa bansa hindi lamang ang epekto ng COVID-19 pandemic sa kanilang kalusugan, kung hindi maging ng African Swine Flu sa kanila namang kabuhayan. Dahil umano kasi sa pagdami ng ini-import na baboy mula sa ibang bansa, posibleng 30% ng backyard hog raisers ang magtigil operasyon na. Para alamin po ang reaksiyon ng Department of Agriculture tungkol diyan, makakausap po natin si Assistant Secretary Noel Reyes. Good morning po, ASec.

DA ASEC. REYES: Magandang umaga, Usec. Rocky at sa ating mga nanunood po ngayong umaga sa buong bansa at worldwide.

USEC. IGNACIO: Asec. Noel, ano ang masasabi ninyo sa naging pahayag po nitong grupo ng Pro Pork na maraming backyard hog raisers ang posibleng magtigil operasyon dahil nga sa patuloy na pagbaba ng farm gate prices ng baboy?

DA ASEC. REYES: Hindi naman po sa ganoon ano. Ito po ay panandalian lamang, dahil po nagbabago po ang atin pong demand and supply dito sa pork, farm gate prices ay bumababa nga, dahil nga po gumaganda na ang ating presyo ngayon para sa ating merkado. Pero ganoon pa man ay atin pong tutulungan po ang ating mga backyard raisers. In fact, ito po ang ating panawagan na bibigyan po natin sila ng ayuda naman tungkol sa feeds, kasi malaking bahagi po ng production cost ay nasa feeds po. Ngayon po ang range po ngayon ng farm gate price ay nasa 130 hanggang 155 po at iyan naman ay iyon din po noong nakaraang pre-pandemic levels ay iyon po ang presyuhan ngayon, kaya lang po nagmahal na ang biik, iyan po. At sa atin pong mga [programa], nagkakaroon po ng National Livestock Program, multiplier farm, ito po ang ating pinaparami sa ngayon, ang breeders po at ang biik, para naman magkaroon ng resonableng presyo ng mga biik para sa ating mga backyard raisers lalo na po sa mga ASF free provinces, iyan po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: ASec. Noel, sa ngayon po ba ay kumusta ang sitwasyon ng African Swine Fever sa bansa? Hanggang ngayon ba ay hindi pa rin po ba nakakabawi ang ating local pork producers dahil dito?

DA ASEC. REYES: Iyon po ngayon ay bumababa na rin po. Ang atin pong incidence ng ASF sa buong bansa, ngayon po as of September 23 ay 65 na barangay na lamang po sa 13 probinsiya. Lumiliit na po ito, hindi kagaya noong nakaraang mga taon na talagang grabe ang atin pong incidence. At in fact, marami na pong areas dito sa Luzon ang wala ng ASF. Karagdagang limang bayan sa Batangas at isa sa Benguet – Kabayan, Benguet.

Sa Batangas naman San Jose, Malvar, Nasugbu, Rosario, Taysan, iyan po ang karagdagan sa mga ASF-free provinces and areas po. At in fact, nagdagdag po kami ng pautang para naman po doon sa mga ASF-free provinces and regions diyan po sa Western Visayas at iba pang lugar diyan sa Mindanao. At naglaan po ng 300 million na pautang ang DA through the Agriculture Credit Policy Council. Ito po ay dagdag sa 500 million naman na nauna nang pinapahiram dito sa Luzon.  Iyan po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: ASec. Noel, totoo po ba na sa ngayon ay mayroon pang higit 70 million kilos ng imported meat ang nasa cold storages sa bansa?

DA ASEC. REYES: Yes, iyan po ang datos natin mula sa National Meat Inspection Service na mayroon pong 73,700 metric tons of pork, iyan po ang parating natin at dumating na dito po sa mga cold storage. Ito naman po ay paghahanda para naman po sa ating holiday season, siyempre po tumataas ang demand ng ating karneng baboy. At iyon naman pong pag-aangkat naman po ay isang taon na man lang, ito po ang talagang palugit, para lang ma-stabilize po ang supply ng karneng baboy at ang presyo po para affordable para sa lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Hanggang kailan po iepekto itong pagbaba ng taripa at pagtaas naman ng Minimum Access Volumes sa mga imported na pork products, ASec. Noel?

DA ASEC. REYES: Iyon pong sa MAV naman, dalawang EO po iyan. EO 133 hanggang first week of May ng 2022 at iyong EO 134 naman ay second week of May ng 2022, so maikling panahon lang po iyan para habang hindi pa nakaka-recover ang ating hog population sa bansa ay iyan po nagpapasok po tayo ng karne mula sa ibang bansa. Pero ito po, we are looking forward to increasing the population again, slowly from ASF-free provinces dito po sa Visayas and Mindanao and also from parts of Luzon.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa tanong naman po mula sa mga kasamahan natin sa media Asec. Noel. Ito po ay galing kay Cleizl Pardilla ng PTV: Some farmers groups are expressing their concern over alleged smuggled carrots. Ano po ang action taken ng DA regarding this issue?

DA ASEC. REYES: Unang-una po, sinasabi natin, wala pong fresh vegetables na binibigyan ng permit mula sa ibang bansa kasama na po ang Tsina. Kasama na po rito iyong fresh carrots. So ang binibigyan lang po ng permit ng Bureau of Plant Industry ay frozen mixed vegetables at processed lang po. Ito po ay para lamang sa mga embassies at hotels. So limitado lang po ito. So, again we are saying na smuggled po iyan, magkakaroon po ng joint task force at imbestigahan po iyan ng DA, DTI, Bureau of Customs at BIR iyon pong mga reported presence ng fresh carrots diyan po lalo sa Divisoria.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang susunod pong tanong ni Cleizl Pardilla: From the data of BOC, may mixed vegetables na nakakapasok, SINAG said. Nabe-verify ba ng DA and BOC of these mixed vegetables cuts or whole na sinasabing smuggled?

DA ASEC. REYES: Yes—Hindi po. Ang binibigyan lamang ng permit, USec. Rocky, ay tama ka, mixed and processed vegetables, iyan po hindi po fresh. So, iyan po, mabi-verify iyan po sa website ng Bureau of Plant Industry, so, open po iyan.

So, again, ina-allow po natin ang frozen and processed mixed vegetables, iyong cut na po pero hindi po fresh. Kung fresh po iyan, ibig sabihin smuggled po iyan, illegal.

USEC. IGNACIO: Opo. Huling tanong po ni Cleizl ay kung ano raw po ang danger kapag bumibili ng smuggled agri products and ano po ang magiging parusa kung mayroon man po?

DA ASEC. REYES: Yes. Bawal po talaga dahil po iyan po ay wala sa ating—iyong food safety regulations. Hindi natin alam kung may peste iyan or may sakit at mayroon pong mga pesticide residue level. So, bawal po ang fresh na pumasok dito sa ating bansa. Kung anupaman, iyan po ay kukumpiskahin at iyan po ay ihahabla po, mayroon po tayong mga batas against ganiyan na smuggled po at hindi ina-allow po talaga.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: Can you tell us something about how the KADIWA ni Ani at Kita has helped farm groups and fisherfolk?

DA ASEC. REYES: Malaki na po. Malaking tulong po ito kasi direkta pong namimili ang ating Department of Agriculture at ganoon na rin ang ating local government units at iyon po ay dinadala sa mga kadiwa stores on wheels patungong Metro Manila. Ayan po.

Napakalaki na po ‘no, seven billion mahigit or nine billion na po ang nabibili mula nang mag-umpisa ang kadiwa marketing program natin at iyan po ay palalawakin pa at magkakaroon na po through partnership with MMDA, and LGUs dito sa Metro Manila, magkakaroon na po kahit isa, minimum po isang permanent na Kadiwa Center sa bawat siyudad at bayan dito sa Metro Manila. So, mas maganda po kung madadagdagan pa.

In fact, may partnership din po sa mga gasoline stations, sa mga private sector, at mayroon po tayo dito sa mga government offices lalo na dito sa Quezon City at Manila na kung saan ay regular po ang kadiwa na open po iyan twice or thrice a week po iyan kaya direkta pong malaking tulong sa ating mga magsasaka at mangingisda ang atin pong mga kadiwa.

USEC. IGNACIO: ASec. Noel, punta naman tayo dito sa budget ano po. Bakit po bumaba from P232 billion to P91 billion na lang ito ngayon? Magiging sapat po ba talaga ang P91 billion para sa milyun-milyong magsasaka at mangingisda dito sa Pilipinas at tama po ba na imbes na financial aid ay in kind na lang po ang ibibigay ng DA sa mga magsasaka at mangingisda?

DA ASEC. REYES: Iyan pong tungkol sa budget eh tamang-tama po eh ito po ay nasa plenary ngayon, nandoon si Secretary William Dar sa House of Representatives. Sana po ay iyong P91 billion na naaprubahan, in-allot ng DBM sa Department of Agriculture ay madagdagan pa nang kaunti. Iyan po ang—nag-signify ang House na dadagdagan daw po nila.

Iyon naman po sa ating mga ayuda, may choice po iyan pero ngayon po ang ayuda ngayon ay ipamimigay starting October ay cash po iyon para sa ating mga rice farmers na tilling two hectares and below. Iyan po ay galing sa taripa na nakolekta na sobra ‘no, sobra sa sampung bilyon na nakolekta noong 2019 at 2020 na umabot sa mahigit seven billion. Five thousand po iyan at makikinabang po, estimated namin ay 1.5 million rice farmers po sa RCEF areas po. Iyong nakalista po sa farmers’ registry or RSBSA. So, iyon po. In kind naman po iyong iba – sa seeds, sa fertilizers at makinarya, at iyon naman po sa RCEF at sa regular rice program po natin.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Keep safe, Assistant Secretary Noel Reyes, ang tagapagsalita po ng Department of Agriculture. Salamat po, ASec.

DA ASEC. REYES: Sa ngalan po ni Secretary William Dar po, USec. Rocky, maraming, maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Ihahatid iyan ni Aaron Bayato ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

Samantala, sa Davao City naman magbabalita si Jay Lagang.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dumako naman po tayo sa Cordillera Region, ang latest ihahatid ni Jorton Campana.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At maraming salamat din po sa pagsama ninyo sa amin ngayong umaga. Mga kababayan, 89 days na lamang po at Pasko na.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si USec. Rocky Ignacio. Magkita-kita po tayong muli bukas dito sa Public Briefing #LagingHhandaPH.

 

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)