Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayang nakatutok saanmang panig ng mundo. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

Ngayong unang Lunes ng Oktubre, samahan ninyo kaming alamin ang pinakahuling kaganapan kaugnay sa paghahain ng certificate of candidacy ng mga personalidad na tatakbo sa nalalapit na eleksyon 2022. Bukod diyan, makikibalita rin tayo sa mga pinakahuling impormasyon tungkol sa COVID-19 pandemic dito sa Pilipinas at ang mga karagdagang hakbang na ginagawa ng nasyonal at lokal na pamahalaan para tugunan ang naging epekto nito sa ating kalusugan at ekonomiya. Kaya naman simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Naghain na rin ng kaniyang kandidatura sa pagka-bise presidente ang Senador at dating long-time aide ni Pangulong Duterte na si Senator Bong Go, ipinangako niyang ipagpapatuloy ang mga programang nasimulan ng Duterte administration laban sa korapsiyon, iligal na droga at kriminalidad. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, alamin naman natin ang lagay sa Sofitel Harbor Garden Tent sa Pasay ngayong ika-4 na araw ng filing of certificate of candidacy para sa halalan 2022. Nakatutok doon sa Cleizl Pardilla:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Cleizl, maraming salamat sa iyo – Cleizl Pardilla.

Ngayong unang dalawang linggo ng Oktubre ay ipinatutupad pa rin ang Alert Level 4 sa buong Metro Manila. Ito na nga ba ang maituturong dahilan sa umano’y bumubuting kaso ng COVID-19 dito sa NCR? Alamin natin iyan mula mismo kay Dr. Alethea De Guzman, ang Director po ng DOH Epidemiology Bureau. Good morning, Director.

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Good morning, Usec. Rocky. At good morning po sa lahat ng nanunood at nakikinig sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, ngayong bumaba na sa moderate risk sa COVID-19 ang NCR, umaasa ba tayong lalong bubuti ang sitwasyon ng COVID cases sa Metro Manila? Dito po sa pag-extend ng Alert Level 4, ano po ang nakikita nating projection, Dok?

DR. ALETHEA DE GUZMAN: Ang isa sa mga dahilan kaya tayo nag-extend ng pilot sa NCR ay upang tayo ay makakalap ‘no ng sapat na datos upang makita natin kung ang pagbaba ng mga kaso ay dahil doon sa ginawa nga nating policy shift which is wala na po tayong wide-scale lockdown subali’t granular lockdowns na lamang at ang focus ng ating mga restriction ay doon sa tinatawag nating 3Cs – the closed, crowded and areas where there is a high risk of close contact ‘no, at ito iyong mga tinatawag nating high-risk transmission areas po.

Sa pagkalap po natin ng datos, nakita nga natin ‘no na tayo ngayon ay mayroon na pong negative at two-week growth rate at bumaba na nga po iyong ating average daily attack rate. Subalit ang Department of Health ay cautiously ini-interpret ito dahil imina-match po natin siya doon sa nakita din nating pagbaba, malaking pagbaba din ng ating laboratory output.

Tayo po ay tuluy-tuloy na nakikipag-usap sa ating NCR mayors, sa MMDA and of course, our regional offices upang maberipika [kung] ito po bang pagbaba ng kaso at noong pagbaba rin po ng ating mga laboratory output ay dahil kaunti na nga talaga iyong nakikita nating mga kaso o hindi kaya may epekto po ba dito iyong ginawa nating pag-shift sa antigen testing versus dati po na RT-PCR lamang po ang ginagamit nating testing.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, sa ngayon ay kumusta po ba itong mga datos ng COVID-19 dito? Kumusta rin po iyong ADAR at positivity rate natin? Mataas pa rin po ba iyong hospital utilization rate?

DR. DE GUZMAN:Yes. Sa ngayon po, Usec. Rocky ‘no, nationally naka-moderate case classification na lamang tayo. Nationally, ang ating two-week growth ay nasa negative twenty-one (-21%). Bumaba na rin po ang ating average daily attack rate to just 14.73 per 100,000 individuals. At para po sa Metro Manila, nakakita tayo ng mas malaki nga pong pagbaba sa ating two-week growth rate na ngayon ay -33% na po subalit may kataasan pa po kasi ang ating ADAR, nasa 26.64 per 100,000 individuals pa po tayo.

Iyong malaking kaso pa rin natin ‘no, ibig sabihin we still have a fairly high number of cases though unti-unti na nga po siyang bumababa ay nari-reflect din po ‘no sa ating hospital utilization rates. Kaya ngayon po, both nationally and the National Capital Region, nasa moderate risk po ang ating utilization rate ng lahat ng COVID-19 beds. Para sa national, tayo ay naka-63.83 COVID-19 bed utilization rate, at para sa National Capital Region, mas mababa siya at 59.25%.

Ang higit nating binabantayan ay utilization rate ng mga ICU beds para po sa ating COVID-19 cases. Both nationally and at the NCR level po naka-high risk pa po tayo. Sa national, naka-73.2% at para naman po sa National Capital Region, 74.9%. Kaya naman ho tuluy-tuloy ang ating panawagan na despite this decline of cases that we are seeing, kailangan ho iyong atin pong mga preventive measures, ang ating MPHS (minimum public health standards) ay tuluy-tuloy.

Ikalawa po, iyong ating paghihikayat na makapagpabakuna na po tayo. And of course, iyong ikatlo po ‘no, iyong ating tuluy-tuloy na panawagan at iyong effective na implementation ng ating safety protocols both of the local government unit and of course our workplaces and establishments.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero sa palagay ninyo po ba, Doc, by mid-October ay puwede nang bumaba sa Alert Level 3 ang NCR, kagaya po ng panawagan ng Metro Manila Council at ni Chairman Benhur Abalos o sa palagay ninyo hindi pa rin po?

DR. DE GUZMAN:Sa tingin ko po, Usec. Rocky, iyon naman po talaga iyong gusto natin ‘no kaya nga itong pagpapalawig ng ating pilot implementation ay upang matutukan po talaga iyong datos na ito. Tulad ng nabanggit ko po kanina, though pababa po iyong nakikita nating trend ng kaso, may kaakibat din po kasing pagbaba ng ating mga laboratory output at iyon po ay gusto nating higit na maintindihan kung ito ay tunay na pagbaba dahil kaunti na lamang ang kasong nakikita natin o hindi po kaya ‘no, na baka may epekto po dito iyong paglipat natin sa antigen testing at iyong pagri-report ng mga antigen test na ito sa Department of Health.

Pero ganoon pa man ‘no, para tayo ay makababa into Alert Level 3, ang mahalaga po ay una, mapababa natin ang ating mga kaso at doon po papasok ang ating adbokasiya na maging adherent tayo to our MPHS. Ikalawa po, iyong agarang pagpapatingin po talaga ‘no. Kanina, nabanggit natin ang mga projections, nakita ng ating mga disease models na kung mapapaiksi natin ang panahon mula nang tayo ay unang magkasakit hanggang sa tayo ay ma-isolate to under five days, malaki po iyong maitutulong nito para po mapababa ang ating mga kaso. At ang ikatlo po ay iyong pagpapabakuna po ‘no.

So, ito iyong tatlong bagay na makakatulong upang mapababa natin ang kaso and because our cases are going down, the utilization rates in our hospitals will also go down. Those will be the things po na makakapagpababa ng ating alert level from level 4 down to level 3 po and even lower.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, tanong naman po ni Lei Alviz ng GMA News: Ano daw po ang trend ng cases ngayon sa buong bansa sa bagong quarantine classification? Marami daw po kasi nasa MECQ at GCQ with heightened restrictions. Ito po ba ay indikasyon na hindi pa stable ang COVID management sa labas ng National Capital Region?

DR. DE GUZMAN: Nakikita natin ngayon, mayroon pa rin tayong anim na rehiyon na naka-classify as high-risk base po sa kanilang mga kaso. Ito po ay ang CAR, Regions II, I, MIMAROPA, Region IX, and V. And even though mataas pa rin nga po ang mga kaso sa labas, makikita po natin iyong dami ng naka-classify as high risk ay unti-unti naman pong bumababa.

Kaya naman ho iyong panawagan natin ‘no na napakahalaga talaga noong tatlong levels of cooperation natin ‘no. Una, iyong ating LGU who has been the frontline ‘no, sila po talaga iyong nag-iimplementa ng ating mga protocols; Ikalawa po ‘no, ang ating mga establishment and workplaces where we want to ensure safety protocols are in place, so that when we visit them or when we go to work we are assured we lessen our risk kasama na ang adequate na safety protocol na iyon ay ang ating mga pag-i-ensure that there’s adequate ventilation. And of course, the third is ensuring ourselves, the individuals, tayo, na mayroon pong responsibilidad to ensure that minimum public health standards will adhere to po ‘no.

Iyon po ang nakikita natin na tatlong bagay na from high number of cases and of course high utilization rate, we can push our numbers down so that iyon pong naka-escalate ngayon to MECQ ay unti-unti na nating mapababa iyong kanilang mga community quarantine classifications.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Lei Alviz: May malinaw na bang trend sa kabila ng technical issues sa COVID KAYA?

DR. DE GUZMAN: Salamat po, USec. Rocky ‘no. Nakita natin na even with the technical issues in COVID KAYA, hindi po nito naapektuhan iyong pagpasok ng datos o hindi po kaya iyong pag-analisa ng trend ng datos natin.

Nakita natin na in the past few days nagkakaroon po tayo ng kaunting problema sa pag-report on time pero mayroon po tayong alternative and that’s our COVID-19 Document Repository System.

So, if for example, we’re not able to access COVID KAYA because it’s downed, we’re still able to report the topline numbers to our public and because of that, nababantayan pa rin po natin ‘no iyong ating datos.

Aside from that, iyon pong pagbabantay naman natin ng mga utilization rates natin sa ospital ay nakukuha naman po from our hospitals and that is not affected by our COVID KAYA technical issues.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, tanong din po ng marami, posible bang palawigin na rin itong policy shift sa ibang lalawigan anytime soon? Kailan po masasabing successful itong pilot run nitong Alert Level System bago po ipatupad sa ibang mga lalawigan?

DR. DE GUZMAN: Iyon din po iyong isang dahilan, Usec. Rocky, kaya natin in-extend iyong pilot dahil gusto nating makita ‘no, nakadalawang linggo tayo ng pilot, titingnan natin over the next week ano ba iyong epekto ng dalawang linggo na tayo ay nakapag-shift na into this pilot implementation ng Alert Level System.

Kung makikita natin na ito talaga ay kasing ganda or even have better results than our wide scale and very restricted lockdowns, then that will enable us to make that recommendation po na mai-rollout na po siya to our other non-NCR areas ‘no.

Kaya dito makikita natin napakahalaga po ng pagkakaroon ng de kalidad na datos. Tayo po, aside from our cases, our utilization rate, ang datos na gusto nating makuha at kinukuha sa ating LGU ay paano po ba nila in-implement ang policy shift ‘no; kumusta po iyong operationalize ng ating mga granular lockdowns; at ikatlo po, ano din po iyong naging challenges nila dahil medyo binago natin ‘no iyong mga lugar kung saan nagkakaroon na tayo ng restrictions.

Para naman po—so ito’y pagsasama-samahin natin para naman po kapag ni-rollout nga po natin ‘to with the other non-NCR areas, mas klaro na po or mas definitive na po ‘yung magiging mga recommendations natin at mas maipapaabot natin nang higit pang malinaw ‘no sa ating mga LGUs paano po ba nila io-operationalize itong mga policy shift po natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon po kay Secretary Joey Concepcion at ilan pang personalidad na sana raw po ay mayroong quantifiable and easy to understand na basis sa pagdideklara ng alert levels. Sa ngayon po ba ay hindi pa ba ganito ang ginagamit na batayan ng DOH? ano po ‘yung masasabi ninyo dito sa suggestion nila, Doc?

DR. DE GUZMAN: Ang ating ginamit na matrix para i-assess kung anong alert level ang NCR is actually quantifiable ‘no. It’s the case classification iyon pong ina-announce natin na moderate risk or high risk ba ‘yung case classification ng isang lugar at ito po ay nakabase kung ang kanilang two-week growth rate at ano po ang kanilang average daily attack rate. ‘Yan po ay tinatawag nating kinu-cross tabulate natin to our bed and ICU utilization rate at depende po kung sila ay naka-low, moderate or high risk; iyon pong kombinasyon ng case and utilization rate thresholds natin, ‘yun po ‘yung ginagamit natin para malaman kung ano po ‘yung alert level system.

Pero ito po ay kasama sa pinag-aaralan po natin ‘no, ito ‘yung matrix na ‘to ay ginamit pa lamang natin para sa National Capital Region at kung ito nga po ay iru-rollout na to the rest of the country, gusto natin na mayroon na po tayong final po na matrix kung ito po ba ‘yung iiwan natin ‘no, ‘yung dati nating ginamit sa NCR, ito na po ba ‘yung gagamitin natin to the rest of the country or kung tayo po ay magkukonsidera pa ng iba pong mga indicators ‘no para magkaroon tayo ng final na criteria in classifying LGUs as to their alert level system.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon at impormasyon, Dr. Alethea De Guzman mula po sa DOH Epidemiology Bureau. Keep safe po.

DR. DE GUZMAN: Thank you po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan po natin ang sitwasyon ngayon sa Sofitel Harbor Garden Tent kung saan dumating na si Manila City Mayor Isko Moreno para maghain ng kaniyang COC. Tatakbo si Moreno sa pagkapangulo sa nalalapit na eleksiyon ka-tandem si Dr. Willie Ong sa ilalim ng Partidong Aksyon Demokratiko. Puntahan natin si Cleizl Pardilla para sa detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Cleizl Pardilla.

Puspusan pa rin po ang ginagawang pangangampanya ng pamahalaan para po mabakunahan na ang karamihan sa mga Pilipino laban sa COVID-19 para makamit ang tinatawag na population protection bago man lang sana sumapit ang Kapaskuhan. Kanina nga po ay inilunsad ang Bakunado Panalo kung saan may pa-raffle at naghihintay na premyo sa mga vaccinated Filipinos.

Ang ilang lokal na pamahalaan, kaniya-kaniya rin ng paraan tulad ng bayan po ng Romblon kung saan isang ordinansa ang ipinatupad na nagbabawal sa mga hindi pa bakunadong lumabas ng kanilang mga tahanan, kumustahin po natin ang implementasyon niyan kay Romblon Mayor Gerard Montojo. Magandang umaga po, Mayor.

ROMBLON MAYOR MONTOJO: Magandang umaga po, Usec. Rocky at sa lahat po ng tagapakinig ng inyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, kumusta po so far ang pagpapatupad nitong local ordinance ninyo na nagbabawal sa mga hindi pa bakunado lumabas ng bahay? Ito po ba ay nasusunod?

ROMBLON MAYOR MONTOJO: Gusto ko lang pong linawin na hindi po ‘yan [garbled] ordinansa [garbled] ang MIATF which we will be implementing from October 1 to October 10 po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pakiulit lang po natin, Mayor, medyo nag-choppy po kayo. So hindi po ito—sinasabi ninyo hindi po ito isang ordinansa?

ROMBLON MAYOR MONTOJO: Yes, ma’am. Ito po ay isang resolution po ng Municipal IATF [garbled] sa sobrang dami na po ngayon ng [garbled]… healthcare workers at [garbled]… na will be effective October [garbled]…

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, paano ninyo po nalalaman kung bakunado na o hindi pa ang isang tao at paano po ang ginagawa ninyong pagbabantay?

ROMBLON MAYOR MONTOJO: Mayroon po kaming nakalaang mga checkpoints, there are 3 main points [garbled]…

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, babalikan po namin kayo, ano po. Ayusin lang po namin ang linya ng komunikasyon sa inyo.

Samantala, sa inilabas na report ng Department of Health kagabi, naitala ang dagdag na 13,273 sa bilang ng mga nahawahan ng COVID-19 kaya sa kabuuan umabot na sa 2,593,399 ang total cases sa Pilipinas. Tinatayang nasa 45,249 naman ang mga bagong gumaling mula sa sakit. Dahil dito, tumaas sa 2,442,623 ang total recoveries sa bansa habang nasa 38,768 naman po ang total deaths matapos itong madagdagan ng 112. Dahil sa mataas na recoveries, bumaba sa 112,008 ang mga aktibong kaso sa bansa o katumbas na lang po ito ng 4.3% ng total cases.

Samantala, alamin naman natin ang sitwasyon sa COC filing dito sa Lungsod Quezon. Makakasama natin si Rod Lagusad para sa detalye. Rod?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Rod Lagusad.

Samantala, balikan na po natin si Romblon Mayor Gerard Montojo. Mayor?

ROMBLON MAYOR MONTOJO: Yes, Usec. Rocky. Pasensiya na po medyo mahina siguro ang signal namin dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, nabanggit nga po kanina ‘yung hindi pagpapalabas sa bahay sa mga unvaccinated individuals diyan sa Romblon. Paano po ‘yung mga unvaccinated na kailangan talagang lumabas ng bahay para bumili ng essential goods? Halimbawa, wala pong ibang mapapakiusapan, so ano po ang ginagawa ninyo sa ganitong sitwasyon?

ROMBLON MAYOR MONTOJO: Yes, Ma’am. Sa meeting po namin last Tuesday, natanong din po iyan ng isang barangay captain namin regarding that matter. Sabi ko, ipalista lang sila kung sino man ‘yung mga hindi talaga makakalabas and we will provide po ng mga food packs po sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, ano po ‘yung dahilan ng pagpapatupad ninyo nitong resolusyon na ito? Kakaunti lang po ba ang nagpapabakuna diyan? Kasi po, papaano po ‘yung mga unvaccinated? Kayo po ba ay may sapat na supply rin ng bakuna?

ROMBLON MAYOR MONTOJO: Hindi ko masabi, Ma’am, kung sapat ‘yung supply ano but every week po may dumadating sa amin na supply. Pero ‘yung una po talaga, noong mga March/April eh talagang medyo nag-aagawan, hindi naman siguro nag-aagawan pero nag-uunahan ‘yung mga magpapabakuna regarding sa mga priority groups natin. Pero ang nakakalungkot po eh pagdating ng mga September eh kami na po ang naghihikayat sa mga tao na magpabakuna. Although lahat po ng binibigay sa amin ng gobyerno, ng national government na naka-allot po sa aming mga bakuna ay na-administer po namin lahat.

So, so far po ngayon out of 40,000 po naming population kasama na po diyan ‘yung mga 18 years old and below ay ang fully vaccinated po namin ay nandiyan sa mga 5,000 po, 5,8000 tapos ‘yung mga naka-first dose po ay mga nasa 4,000. Iba pa po ‘yung mga in-administer ng Romblon District Hospital na hindi pa po namin nakuha ‘yung data pero more or less po ang estimate po namin ay mga 3,000 to 5,000 na rin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, dumagsa raw po ang mga gustong magpabakuna isang araw bago ipatupad itong ban sa unvaccinated people. Masasabi po ba nating naging maganda ‘yung turnout ng usaping ito? Dumami po ba ang nagpapabakuna na sa ngayon?

ROMBLON MAYOR MONTOJO: Sa ngayon po wala po kaming schedule ng first dose na bakuna. Ang naka-schedule po sa amin for this week ay ‘yung magsi-second dose lang po. Noong nangyari po noong Thursday, parang natutuwa ako na nalulungkot din sa nangyari kasi naka-schedule po kami ng first dose ng Sinovac – Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday. Noong first 3 days po, wala pong masyadong pumipila at kami na po ang nanghihikayat sa mga tao na magpabakuna. Pero at least po ‘yung naka-allot for the day ay nauubos pa rin po namin.

Pero nang pag-meeting po namin ng Tuesday and then informing all the barangay captains that our resolution will be implemented starting October 1, iyan po ang kinagulat namin noong Thursday, dumagsa po ‘yung mga tao. Ang dami naman po palang gustong magpabakuna pero naghihintayan po sila. Para rin po sa pagpaparehistro, naghihintay ng deadline. Pero available po ‘yung vaccine and in fact po ginagawa na ho namin ito per barangay. Pinapupunta po namin dito ang mga taga-barangay pero ang nangyayari po ‘yung mga nakalista po, karamihan rin sa ibang nakalista hindi po pumupunta. Kaya ang ginagawa namin, nanghihikayat po kami ng iba na gustong magpabakuna kahit wala doon sa listahan.

Kaya ‘yan po, ewan ko nangyari diyan at nang sinabihan po sila umaga pa lang, mga 8 o’clock pa lang ng umaga, 7 o’clock pa lang ng umaga sinabihan na po sila na puno na po ‘yung slot at inabisuhan din po sila ng mga pulis, ng [MDR] namin, ng taga-munisipyo na umuwi na po sila, wala na pong slot, ubos na po – ayaw pong umalis. Until such time po na siguro napagod na rin kahihintay saka lang po nila nilisan ‘yung lugar kaya po nagkaganoon ‘yung sitwasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Mayor, wala naman po bang nakakarating na reklamo sa inyo dahil dito sa resolusyon na ito? Ayon po kasi sa batas, hindi man kailangan ng approval ng national government ang mga local ordinance or puwede naman pong i-challenge sa korte ng sino man. Pero ang sabi ninyo nga po ito ay resolusyon ng Regional IATF.

ROMBLON MAYOR MONTOJO: Ng MIATF po, Usec., ng munisipyo po.

USEC. IGNACIO: Opo.

ROMBLON MAYOR MONTOJO: Alam ko po mayroon ding nagrireklamo and in fact po aware din naman po ako na kung itsa-challenge nila iyan ay wala po akong magagawa. Pero ang sa amin po, sa dami po ngayon nang nagpa-positive sa amin, as of now po we have 210 cases and we have positive cases po sa 19 barangays out of 31 barangays namin. Kaya po ito po ay suggestion din po ng aming mga frontliners – ng mga health workers, ng doctors, ng mga nurses – napagkasunduan namin na gawin ito para po maproteksiyunan din po ‘yung mga unvaccinated.

Kasi po nandoon na po tayo, kahit po vaccinated ka, you will still be infected by the virus pero may panangga ka na po, may depensa ka na sa sarili mo. Pero po itong mga unvaccinated po natin, kapag lumabas po sila at sila po ay nahawa ng virus, most likely po severe ang mararamdaman nila and huwag naman pong dumating na ikamamatay nila. In fact po sa out of 40 deaths namin simula noong last day ng August, sa 48 deaths po, apat lang po ‘yung fully vaccinated – lahat po ‘yun. Iyong iba pong namatay doon, ‘yung 44 po doon na namatay, mga unvaccinated po.

So ang sa amin po, we are not discriminating them, we are not forcing them to be vaccinated. In fact po, we are protecting them from the virus. Anyway po, hanggang ten lang naman po ito. And in fact po kanina, nag-meeting na po kami ulit ng ating nurses, ng doktor at ng ibang members po ng MIATF na sabi ko na for the last three days, October 1 hanggang 3, medyo bumaba na po iyong mga cases namin lalo na po sa Romblon District Hospital.

So may positive effect naman po. And hopefully, maintindihan po nila na ang amin pong ginagawa ay for their own good and welfare and for their own protection.

USEC. IGNACIO: Okay. Mayor, kami po ay nagpapasalamat sa pagpapaunlak ninyo sa amin at sa inyong impormasyon. Mag-iingat po kayo parati, Romblon Mayor Gerald Montojo. Salamat po, Mayor!

ROMBLON MAYOR MONTOJO: Maraming salamat po, Usec. at sa lahat po ng inyong nakikinig. At kay Secretary Andanar po, regards na lang po at nagkasama po kami niyan sa last meeting namin ng mga mayors last year po. Salamat po, maraming salamat po sa inyo.

USEC. IGNACIO: Samantala, halos apatnalibong residente naman ng mga bayan ng Dalaguete at Pinamungajan sa Lalawigan ng Cebu ang tumanggap ng tulong sa magkakahiwalay na relief operation ng pamahalaan at ng tanggapan ni Senator Bong Go. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Unti-unting pagbubukas ng ekonomiya sa bansa, unti-unti rin po ang ginagawang pagbangon ng micro, small and medium enterprises kaakibat ang mga programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng Small Business Cooperation. Alamin natin ang handog nilang loan programs para sa MSMEs kasama po ang Board of Director ng SB Corporation na si Mr. Voltaire “Bong” Magpayo. Good morning po, sir.

SBC-DTI DIR. MAGPAYO: Magandang umaga po, Ma’am Usec. Rocky, at sa inyong mga tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ngayon po ay kumusta po itong loan programs ng SB Corp. para po sa mga SME; paano ito tumutugon sa pangangailangan po ng small business owners ngayong pandemya?

SBC-DTI DIR. MAGPAYO: Opo. Usec. Rocky, actually [garbled] po tayo last year ng isang programa kung tawagin ay Bayanihan CARES. Iyong CARES po ay COVID-19 Assistance to Restart Enterprises sa mga naapektuhan nitong pandemya lalung-lalo na po iyong may capitalization na three million below or iyong mga micro entrepreneurs. Sa loan pong ito ‘no, nakakaasa sila na walang interes, walang collateral at with grace period po. Kapag sinabi nating may grace period, hindi po sila magbabayad sa loob ng isang taon o dalawang taon ng kahit ano pa man, ni interes o principal.

So iyan po ang ating inu-offer sa ating mga micro entrepreneurs pati na rin po sa mga maliliit nating negosyante o small entrepreneurs. As of this day po, as of September 27, ang naipapamahagi na po nating loan or tulong sa ating mga kababayan ay umaabot na po ng 5 billion. Imagine, Usec. Rocky, 5 billion pesos po ang atin nang naipamahagi sa ating mga maliliit na negosyante.

USEC. IGNACIO: Opo. Director Bong, bakit po mas magandang mag-apply ng loan sa SB Corp. kaysa po sa mga bangk0 o sa mga nagpapautang na lang na tao na kung tawagin po ay 5-6?

SBC-DTI DIR. MAGPAYO: Opo. Dahil po unang-una po, mabilis po ang proseso sa Small Business Corporation being an attached agency ng Department of Trade and Industry. Again, ang kailangan lang po namin ay ID at saka itong tinatawag nating business permit. Iyan lang po ang requirements namin para kayo ay maka-avail. At isa po diyan ay kami po ay hindi nagcha-charge ng interest katulad ng nasabi ko kanina. Wala rin po kaming collateral at mayroon po kaming kung tawagin na grace period.

Nakatuon po ang aming pansin doon sa mga sinasabi nating unprofitable, unnoticed, neglected or forgotten ng mga malalaking bangko o financing institution. Iyan po ang aming binibigyang pansin, itong mga kababayan natin na tinatawag nating unfinanceable po ng mga institutions.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po ba ay marami bang MSME ang may loans sa SB Corp?

SBC-DTI DIR. MAGPAYO: Iyon po, sa totoo lang po maraming-marami po talaga. Ang amin pong na-receive na applications ay umaabot na po sa 56,421. Ang na-approve po diyan ay katulad ng nabanggit ko kanina in order para maging specific ako, ay five billion six hundred thirty-four million (5,634,000,000) pesos po ang napapautang na natin sa ating mga kababayan.

So, alam ninyo po, spread po ito all over the Philippines from Region I, from NCR hanggang sa ating mga kababayan na Muslim po sa Mindanao. Of course, Usec. Rocky, depende iyan sa population density dahil siyempre alam naman po natin karamihan sa NCR. Pero iyon po ay nakatuon sa lahat ng region ng ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, basahin ko lang po ang tanong sa inyo ni Sam Medenilla ng Business Mirror. Una po diyan: Recently daw SB Corp opened a shipping loan facility for exporters? How much is the total allotment for this loan facility? How much loan has SB Corp. approved so far and how many borrowers po ito?

SBC-DTI DIR. MAGPAYO: Iyong atin pong loan para sa ating mga exporters, actually, it’s being worked out pero iyan po ay binigyan ng diin na, there has been a consultation between DTI, sa amin pong butihin na si Secretary Mon Lopez at saka ang aming Presidente na si Ma’am Luna Cacanando.

So, pinag-uusapan pa ho exactly kung anong loan facility ang io-offer natin sa ating mga exporters. At iyong question po kung ilan na iyong application na na-approve, ang na-receive po namin is more or less, as of September 27, is 56,000 applicants. Ang na-approve na po doon ay 35,000 na applicants. Ang na-release na po namin is katulad ng nabanggit ko kanina is five billion six hundred thirty-four million. So, sa kabuuan po, marami na po tayong natutulungan na mga maliliit na negosyante sa ating bayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: Do you have a target amount of shipping loan disbursement for the year and how much and why daw po?

SBC-DTI DIR. MAGPAYO: Yes. Oo dahil, well, on our last board meeting naalala ko na isang concern iyan ng ating mga exporters, iyong mataas na demorahe and so on and so forth. Pero katulad po ng sinabi kanina, pinag-uusapan pa ho exactly iyong amount na io-offer sa kanila at the same time iyong loan facility. So, definitely they will be able to avail itong program natin na interest-free, collateral free and with grace period. Ang range po niyan normally 10,000 until million. Although like I’ve said po, we’re still really creating or concocting with that exact loan facility na magti-tailor fit po sa pangangailangan ng ating mga exporter.

USEC. IGNACIO: Opo. Huli pong tanong ni Sam Medenilla: Is SB Corp. currently developing a new loan facility for [truckers] and kindly asking daw po ng preliminary details such as the terms of the loans and allotment?

SBC-DTI DIR. MAGPAYO: Actually, mayroon na pong, if I remember it right po, mayroon na pong na-approve. May MOA na po, memorandum of agreement, which was signed by both SB Corp at saka ito pong mga truckers natin, truckers association para bigyan din po sila ng tulong.

Ang details po actually, I think it’s still being worked by our management. I still do not have the data, hindi pa po nakakarating sa board. Pero nagkaroon na po ng memorandum of agreement signed by both parties para sa pangangailangan po ng ating mga truckers.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon. More power po sa mga programa ng SB Corporation. Stay safe po, Director Bong Magpayo.

SBC-DTI DIR. MAGPAYO: Marami rin pong salamat, Usec. Rocky, sa pagkakataon.

USEC. IGNACIO: At dito na po nagtatapos ang balita at talakayang hatid sa inyo ngayong araw.

Mga kababayan, 82 days na lamang po at Pasko na.

Muli, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita ulit tayo bukas dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)