Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas at sa buong mundo. Ngayong araw po ng Martes, October 12, ay sama-sama muli nating aalamin ang mga maiinit na usapin tungkol sa estado ng ating bansa sa gitna po ng pandemya, gayun din ang mga hakbangin ng pamahalaan para sa ikaaangat ng ating ekonomiya. Simulan na po natin ang makabuluhang talakayan, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una po sa ating mga balita: Tumaas ang bilang ng mga nariresolbang krimen sa bansa sa ilalim ng Duterte administration kung ihahambing sa nakaraang administrasyon batay sa pinakahuling report ng PNP. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Nito pong nakaraang linggo lamang ay inanunsiyo ng pamahalaan na patuloy na ang pagbaba ng mga nagpupositibo sa COVID-19 sa bansa kada araw. At kasunod nito ang panawagan na ibaba na po ang Alert Level 4 at mas paluwagin na ang restrictions partikular dito sa Metro Manila, para po pag-usapan ito ay makakasama po natin ngayong umaga si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Magandang umaga po, Secretary.

SEC. JOEY CONCEPCION: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Secretary, ayon nga po sa inyo ay dapat na nga pong ikonsidera ng pamahalaan na ibaba na sa Alert Level 3 or 2 status ang Metro Manila lalo na po na pababa na po iyong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ano po ang sabi ng Palasyo? Ang sabi po ng Palasyo, most likely ay ibababa ito. Ano po ang masasabi ninyo rito, Secretary?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, nakikita natin ‘no, ang ginawa ng private sector sometime August, we suggested the early lockdown kasi advice ng OCTA sa amin iyan, sumama dito iyong MMDA, iyong mga mayors ‘no sa NCR. So iyong early lockdown, talagang nag-work ‘no, nakita natin iyong kaso tumaas at ngayon, sa first week ng Oktubre, bumabagsak na ‘no. Halos kapantay na tayo ng Thailand at Malaysia in trajectory moving down. At medyo maluwag na iyong mga emergency areas of the hospitals, so it is a sign that the hospital beds are loosening it up. Iyong ICU medyo it’s a little bit tight, pero ang sabi nila eventually luluwag iyan. Kasi pabagsak, ang bilis ng bagsak dito ng Delta; pati sa NCR, kasi 80% are already vaccinated with two doses.

So we have to open the economy because this is the last quarter, this is the time when most negosyantes can get back what they lost in the previous months ‘no. Babayaran nila mga 13th month pay, mga utang nila sa bangko, sa suppliers. And then itong Christmas na spending, ngayon na rin ang mangyayari na ito starting October hanggang December kailangan lumabas ang mga vaccinated.

So ang objective dito is that only the fully vaccinated are the ones allowed greater mobility in these high-risk business establishments. Puwede namang lumabas iyong unvaccinated sa mga malls pero sa mga lugar na determined as high-risk business establishments like restaurants, etc., then they have to be vaccinated because we only want to protect the unvaccinated.

So talagang kailangan natin kasi kung tatawid tayo sa 2022 at lubog ang mga negosyante kasi sarado ang negosyo nila, paano sila makakabangon. Mahihirapan din sila. Pati iyong government natin, iyong national government, LGUs, kailangan din may cash flow sila galing dito sa mga empleyado at mga entrepreneurs, na may negosyo, nagbabayad dito sa mga LGUs eh. At of course, our taxes to the national government, paano iyong mga ginagawa ng national government dito sa mga roads, mga bridges, mga—malaking gastos iyan. Pati iyong sustaining, buying vaccines, buying test kits, buying medicines, creating more facilities, malaking gastusin ito. So they have to open the economy, and now is the time. We have to believe that the infection level is going down and it is going down, sabi ni OCTA, sabi ni Father Nic ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, iyon nga po, minumungkahi na ibaba na nga po ang alert level, ano. Pero sa palagay ninyo po ba somehow ay makakabawi talaga ang mga negosyong nalugi ngayong holiday season? At sa loob ba ng tatlong buwan na ito, sa tingin ninyo po Secretary ay makakakuha na ng sapat na pondong pambayad sa Christmas benefits ang atin pong mga negosyo?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, kaya importante kasi ngayon ay nasa 30% capacity lang puwede nilang i-open sa mga publiko, iyong mga vaccinated. Kailangan tumaas iyan sa 50%. And eventually, if we are able to go down to Level 1 by November, you know, or even December, then they should open up [unclear] and then can go up to 70%. Kasi sa 30%, halos wala kang kita diyan eh. Now, sa 50%, now you can earn some money pero hindi gaano kalaki pa iyan but at least they will be able to have enough to pay their obligations and, hopefully, carry them forward ‘til 2022 ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kahapon po ay nakausap namin dito iyong Cinema Exhibitors Association of the Philippines na nananawagan na pong buksan ang mga sinehan sa bansa. Currently ay pinag-aaralan pa rin daw po ng trade department itong pagbubukas nga ng mga sinehan at maging ng mga arcade. May update na po ba kayo kung papayagan na nga ito kahit po sa Alert Level 4? Ang IATF po ba ay nakakaikot na rin sa mga sinehan to check naman po iyong readiness ng industry para sakali pong magbukas?

SEC. JOEY CONCEPCION: Rocky, Usec. Rocky, itong mga sinehan, ginagamit namin pagbakuna ng mga empleyado namin ‘no. So kung ginagamit namin iyong sinehan pambakuna ng empleyado, halos lahat ng mga sinehan dito sa mga malls, eh ‘di dapat safe na rin iyan, hindi ba? We will not use that cinema if it’s not safe.

And then, I think it’s important for the fully vaccinated. So lahat ng ginagawa natin katulad sa ibang bansa ‘no, binuksan nila ang restaurants, sinehan pati concert for the fully vaccinated especially outside ‘no, if you have small concerts outdoor, eventually they should allow that wearing mask ‘no. So we have to… ito ang panahon that we should start to live with COVID. At kung pabagsak iyung trajectory ng infection level, then we should open up more and more; and then keep an eye, watch out. If it reverses, then we pull back and we can push back ‘no.

But for now, it’s only one quarter left ‘til the end of the year, ibigay na natin ito sa mga negosyante para mabuhay sila ‘til next year.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Secretary, may mga nagsasabi rin po na huwag naman daw tayong masyadong mabilis na mag-relax sa mga restrictions lalo na’t ngayon pa lang daw po nakikita iyong magandang resulta ng laban natin sa Delta variant, baka puwede naman daw po tayong makapaghintay-hintay pa nang konting panahon. Secretary, ano po ang masasabi ninyo rito?

SEC. JOEY CONCEPCION: So sa tingin ng ibang grupo, advisers namin, tumataas iyong infection. Hindi na namin hinintay; sinabi namin kay Secretary Galvez at kay Duque, let’s go on an early lockdown upon the recommendation of our health advisers at that time ‘no. So, we went and we already took the aggressive stand to early lockdown.

Ngayon, nakikita natin, we’re saying let’s open up, let’s be aggressive now and let’s just be vigilant kasi right now ang klarung-klaro dito sa NCR 80% bakunado na, so, your risk is 20%. Pero iyong risk na 20% unvaccinated, hindi naman lahat iyan pupunta sa ospital eh, so, my isang percent lang iyan. sa palagay natin, let’s say 5% of the unvaccinated of that 20% will go to the hospital, maliit na numero ang iyan eh.

And then we have enough capacity already. And of course, now as Sec. Galvez has brought in what? Sixty million doses. Ang dami noon! We can now cover the entire country already. Now, the question is, it’s the challenge of getting more people to get vaccinated. Baka mamaya kung kulang ang mga gustong magpabakuna then baka ma-expire iyong mga vaccines na binili natin. So, we will have to force the public to really get vaccinated now because that’s the only way we can prevent hospitals from getting full and that is the issue when you have to lockdown when the hospitals become full.

But right now, the trajectory [inaudible] and I’m confident that we have done the right thing and it’s on the right trend ‘no. Among all, NCR is 80% protected because of the vaccinated, so, let’s give them the leeway ‘no – NCR. Cinemas, yes! Benhur Abalos was saying they’re going to have the film fest ‘no at the end of the year. I think we should celebrate that with the proper protocols ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kumusta na rin naman po iyong pagbibigay ng incentives o perks ng ilang business establishments sa mga bakunado na? Ito po ba daw ay magpapatuloy hanggang ngayong holiday season?

SEC. CONCEPCION: Well, tuloy pa rin ang mga incentives na ibinibigay ng mga restaurants pero ang pinakamalaking incentive ngayon sa tingin ko is greater mobility for the vaccinated. Sa buong mundo, even America right now is only allowing vaccinated people to enter America. If you’re not vaccinated as a Filipino you cannot enter America.

More and more countries, Singapore, and all of that, they’re coming very strong that they want only vaccinated. Dito sa atin, sa Cebu, si Vice Mayor Rama has already implemented the same thing. So, more and more will practice [giving incentive] that gives mobility to the vaccinated and let’s protect the unvaccinated until they become vaccinated. So, that to me is the biggest incentive – they can eat in restaurants, they can go out, they can go to more business establishments and they can go to the gym ‘no.

So, that is not just in the Philippines, buong mundo is following that same pattern, creating mobility, kasi kung walang lalabas paano mabubuhay ang economy natin. Kung walang lalabas, walang kakain, walang magsa-shopping. So, palabasin natin iyong vaccinated.

Kaya ngayon iyong mga bata, they’re starting already with the pilot test. Importante ang mga bata kasi kung gusto nating face-to-face class dapat bakunado ang mga bata or else delikado. Then iyong mga parents, kung lalabas sila sa malls at kakain sa labas, alanganing hindi kasama iyong mga anak nila. So, sinabi ko kay Sec. Galvez at gagawin naman nila. Pagkatapos itong pilot test, mauuna rin ang mga bata and eventually at a certain point in time kasi iba diyan aabot ng six months of the full two-doses, we have to look again at the booster shots ‘no.

So, that is a part of the plan of the IATF. Importante ang booster shots kasi kung we are fully vaccinated but eventually the vaccines wanes after six months, then we have to protect these people or else we will have cases again. So, the vaccine program has to continue even with booster shots down the road. But now with a lot of vaccines coming in, we can do all of these ‘no now it’s open to the public already.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, dahil napag-uusapan na po itong bakuna, kumusta po ang vaccination naman ng private sector sa bansa lalo ngayon pong sunud-sunod na rin nga po iyong bakunang dumarating sa bansa na procured by private sector?

SEC. CONCEPCION: Well, dito, iyong AstraZeneca, ang dumating dito is close to four million doses pero ang order namin diyan 17 million doses. Now, iyong LGU diyan sa 17 million doses, 11 million. So, about 80% of the arrivals are now for the LGUs dito sa “Dose of Hope” ng Go Negosyo ng AstraZeneca, 20% na lang sa private sector kasi iyong mas malaking portion ng private sector purchase nauna kasi kami naunang bumili pero ngayon padating na rin para sa LGU.

So, ang vaccination level of acceptance dito sa private sector, ang taas, umaabot ng 90-100%. In our company halos 100%. Pero maraming gustong kumuha ng bakuna. So, now, what we’re telling them bakunahan na rin namin iyong mga bata ng mga empleyado namin, kasi minsan ang problema dito sa ngayon ang pini-push ngayon iyong family bubble. Maraming nagkakasakit dito sa pamilya kasi ang mga anak hindi bakunado, lumabas, nagkasakit then they go in their family bubble, then tuluyang buong pamilya nahahawa.

So, we have to really vaccinate everybody in the family bubble as we are vaccinating everybody in the negosyo bubble. That’s very important. Itong mga restaurants, mga spas, mga sinehan, dapat lahat ng mga empleyado nila bakunado kasi they are only accepting customers that are vaccinated. So, eventually they have to be able to mandate that their employees, the salons, sa the spas, the restaurants, etc., they have to ensure that their employees are vaccinated kasi customer nila vaccinated.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tutulong din ba ang private sector sa mas pinalakas nga pong vaccination coverage ng pamahalaan? Iyon po bang mga pamilya ng mga empleyado sa private companies ay pinaghahandaan na rin ang pagsisimula ng pagbabakuna, Secretary?

SEC. CONCEPCION: No, we did not only vaccinate our employees; we vaccinated the family members of our employees. Pero at that time wala pang bakuna para sa mga bata. Ngayon na approved na iyong Pfizer at Moderna for children by our FDA and they are now doing the experiment, testing for 12 to 17, dalawang batches noon. Once that passes, then we can be given the go signal already to vaccinate kasi nasa amin ang mga Moderna na. Binili na namin, nasa storage lang iyan at least we can use that already to vaccinate the children of our employees. So, that is the second part that the private sector is going to do. Karamihan ng mga empleyado at mga pamilya nila bakunado na, so, next is the children ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at paglilinaw – Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Salamat po, Secretary.

SEC. CONCEPCION: Rocky, salamat din. At PA lang ako, hindi Secretary.

USEC. IGNACIO: Thank you, Sec. Salamat po.

Samantala, narito naman po ang mga tala ng COVID-19 sa bansa.

Kahapon, nakapagtala ang Department of Health ng 8,292 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas dahilan para umabot ang kabuuang bilang nito sa 2,674,814. Nakapagtala rin ang Kagawaran ng 302 new recoveries sa bansa kaya naman po umabot na ito sa 2,536,260 total recoveries. Sa kabilang banda, 36 naman po ang nadagdag sa mga nasawi kung kaya nasa 39,660 na ang total deaths at 98,894 sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ang nananatiling aktibo sa ngayon.

Patuloy naman pong umaaray ang mga motorista dahil sa patuloy na oil price hike na nararanasan sa bansa. Isang negatibong pangyayari nga ito lalo na po’t kabi-kabila pa ang mga pagsubok na pinagdadaanan ng lahat sa gitna ng pandemya. Ito po ang bibigyang-linaw sa atin ngayong umaga ni Director Rino Abad ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau.

Magandang umaga po, Director.

DOE-OIMB DIR. ABAD: Magandang umaga, Usec. at magandang umaga sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Director, pitong sunud-sunod na linggo itong naranasan nating oil price hike at ito nga po ay may dagdag-singil na naman na P1.50/L ng gasolina. Director, hanggang kailan po ba aasahan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa merkado at gaano kalaki po kaya ang itataas pa ng presyo ng langis?

DOE-OIMB DIR. ABAD: Well, Usec., sa ating mga kababayan ano, ang pinanggagalingan po talaga ng sunud-sunod na increase ay iyong fundamental insufficiency of crude oil supply sa ating international market. Mayroon po tayong projection from PLATTS, na ang kulang po ngayon ay umaabot po ng 2-3 million barrels of crudo oil per day. So, iyan po ang sitwasyon kaya po ang ating price ay agarang nagri-react at ang reaksiyon po niya ay pataas.

USEC. IGNACIO: Opo. Isa pa po sa nakikitang dahilan nito ay itong kakulangan ng supply ng langis nga sa buong mundo katulad ng sinabi ninyo. Ano po iyong solusyon o intervention na ginagawa ng Department of Energy tungkol dito para kahit paano po maibsan naman iyong pasakit sa mga end consumer, Director?

DIR. ABAD: USec., last week, marami na pong paghahanda ang ginagawa, hindi lang ang Department of Energy, kung hindi kasama natin iyong ating isa pang agency which is the LTFRB.

Unang-una po, may hinaharap po sila ngayong evaluation doon sa fare hike na hinihingi ng ating transport sector. At ito ay binigyan po natin kaagad ng attention at tinulungan po natin ang LTFRB na ipaliwanag iyong mga nangyayari sa ating price, including po iyong mga data about the price increase, mula simula ng taon hanggang ngayong buwan.

At ito ay nai-dispense na natin, in other words, natapos po natin iyong consultation with LTFRB. At ang hinihintay na lang po natin sa kanila ay iyong kanilang eventual decision on how much or if there is a fare hike, how much ang magiging fare hike at kung hindi naman, agaran din pong nagkaroon kami ng utos from our Secretary, Secretary Cusi na aralin kaagad din iyong posibleng kapalit, kung walang fare hike or insufficient ang magiging fare hike, then kailangan po suportahan natin ang cash assistance.

Dito naman po napag-usapan namin initially also with LTFRB, being the primary office who could determine iyong amount na puwedeng maibigay through government assistance at ito ay sinususugan natin, after lang po matapos iyong kanilang evaluation sa fare hike, pag-uusapan po kaagad ang karagdagang cash assistance. At itong computation na ito, USec., ay ilalapit po natin sa ating Finance at Budget Department for the allocation of any available fund. At kapag nagkaroon po iyan ng available fund, ide-diretso na po natin ito sa Kongreso para po magawan ito ng batas. So, ito pong mga option na ito, USec., ay sa side po ng government.

Alam naman po natin na sa side ng private oil industry sector, may nangyayari po ngayong mga promotions in terms of discounts and rebates at ini-encourage po natin ang ating consuming public na pag-aralan, magmasid po sa sa mga competing oil companies at gasoline stations, kasi marami po sila ngayong ino-offer na mga discounts.

Ako nga, sarili ko, USec., nakapag-gasolina po ako doon sa isang gasoline station na nag-offer sa akin ng 3 pesos per liter na discount. At ito po iyong mga sinasabi natin na hindi nangangahulugan na habang nag-i-increase po ang price internationally at iyon ay directly ganoon po ang nangyayari sa ground, dito sa domestic gasoline station level na-presyuhan.

Marami pong discount, may umaabot pa po akong nakitang oil company na umaabot po ng P4 per liter iyong discount na binibigay. So, pag-aralan po iyan at iyong pangatlong level po ay iyong ating consuming public mismo. Unang-una po ang kahalagahan ng paggamit ng tama doon sa fuel, including iyong paggamit natin sa vehicle, in other words mayroon po tayong tinatawag na demand side management. Kung hindi naman po importante iyong lakad at puwede pong maiwasan iyong paggamit ng personal na sasakyan ay puwede po tayong mag-avail ng public transport, makakabawas po ito sa ating sariling gastusin at the same time po maa-avoid po natin iyong exposure natin habang mataas pa ngayon ang price ng ating fuel.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po ba dito, totoo po ba na mas tataas pa ang presyo ng langis kapag po ang hindi natin makikita or hindi lalakas ang palitan ng piso sa dolyar? Totoo po ba ito?

DIR. ABAD: Well, ang kagandahan po kung lumalakas ang presyo o iyong ating peso versus US dollar, ito ay nakakadagdag doon sa pagbaba ng domestic price. At the same time, USec., ‘pag baligtad naman po, kapag humihina ang ating peso versus US dollar foreign exchange, lalo pong nadadagdagan iyong increase dito sa domestic price. So ang atin po talagang nakakatulong po talaga kapag lumalakas po ang ating peso compared to the US dollar.

At, USec., maalala lang po natin, itong nangyayaring pagkakakulangan ng ating crude oil supply in the global market, ito ay ine-expect na aabot po ng hanggang katapusan ng taon at possible pong magkaroon na ng easing out o iyong paghinay-hinay ng kakulangan on the first quarter of 2022. Iyan din po ay consistent doon sa projection ng OPEC noong staggered nilang monthly increase na ginagawa na tina-try nilang ibalik around 5.8 million barrels of crude oil from August of this year to April of next year.

So iyan po ay tinitingnan po natin na talagang by the end of the year or the first quarter of 2022, doon po natin makikita iyong pag-ease out o iyong pagkakalma noong kakulangan ng supply ng crude oil, at the same time iyong paghinay-hinay na pagkalma or probably pagbaba na rin ang ating price ng petroleum product.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, may tanong lang po sa inyo si Alvin Elchico ng ABS-CBN: Nakikiusap daw po ang Laban Konsyumer na suspendihin muna ang excise tax habang mataas ang international oil prices.

DIR. ABAD: USec., mayroon po tayong provision kasi diyan sa TRAIN Law, iyan po ang pinanggagalingan nating batas noong in-impose natin ang excise tax. Under Section 43, mayroon pong provision that allow suspension. Kanya lamang ang suspension na ito ay limitado lang doon sa mula 2018, 2019 and 2020, kasabay po diyan iyong three tranches of implementation of excise tax. Doon lang po in-allow iyong time frame para magkaroon ng suspension sa excise tax.

So, from 2020 onwards, ang kailangan po talaga diyan ay kailangan na ng batas para po i-suspend or i-repeal for that matter at ito usapin ng buwis so, kakailanganin pong manggaling sa Lower House ng ating Congress. But at the same time, before we can do that we really have to accord our Finance Department and the Budget Department with exhaustive consultations, kasi ang usapin na ito ay—ito ay buwis na also na pinanggagalingan din ng ating Budget Department kung paano ima-manage iyong ating fiscal support to the other programs. Hindi lang po sa transport sector or sa oil sector, but to other sectors ng ating economy at saka ng ating community, including na po diyan iyong fund natin na ginagastos para labanan po ang pandemic.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ito nga pong international contract price ng LPG ay nakapagtala ng pinakamataas na level sa nakalipas na limang taon. Katulad po ba ng sa langis ang dahilan ng pagtaas rin nito?

DIR. ABAD: Yes, USec., dahil kadalasan po ang refined products ng LPG ay galing din po ng crude oil. Almost 95% po iyan ng global supply ay galing po sa crude oil. Niri-refine po ang crude oil, isa doon sa refined products ay iyong LPG.

Iyong pangyayari po ng LPG ay para po itong nagkaroon ng timing ng pagkakasama-sama ng mga events kung saan nagkaroon na po talaga ng upside trend iyong price. Unang-una may kulang po iyong crude oil supply natin, at the same time, itong period po, itong winter season na period from October of this year to March of next year, ito po iyong winter season sa mga lugar na medyo malamig. At dito po sa mga lugar na ito, nagkakaroon po ng pag-iimbak, ang pag-iimbak po nila ng LPG ay nagsisimula po iyan from month of September, October and November. So, dito talaga nasa gitna na tayo noong pag-i-stocking, iyong stocking of LPG inventory at diyan po nagkaroon talaga ng napakataas na pressure ngayon doon sa agawan ng supply ng LPG to support the winter season demand for heating. So, talagang nakita po talaga natin na magi-ease out ito after ng stocking inventory nila around November; so, by month of December makikita po natin iyong pag-i-ease out po ng price ng LPG.

USEC. IGNACIO: Pero, Director, ayon po kay REGASCO President Arnel Ty, inaasahang mananatili iyong mataas na presyo hanggang Marso. Wala po ba tayong puwedeng solusyon dito?

DIR. ABAD: Well, iyong mga solutions natin, USec. Rocky, ay always equivalent to who pays what; so sino po ang magbabayad. So, well ang first option po talaga, when we deregulated is not to control the price, not also to provide subsidy, ganoon po talaga ang naging konsepto before noong ipinasa natin ang oil deregulation.

In that sense, ang parang sinasabi po ng batas natin na ipa-pass on po iyong epekto ng kung anuman ang changes or adjustment sa ating price, ipa-pass on po sa consuming public. But of course, in light of the difficulty in dealing with price increase in relation to the energy demand of our community or iyong ating taumbayan, at dito naman po ay kasabay kasi ng ating pandemic ang medyo nagkakaroon ng impact doon sa pera, in short noong ating taumbayan, pumapasok po talaga ang support ng ating government in terms of what we call now, as much as we avoid it, it’s actually subsidy.

Pero, Usec. Rocky, I would like to emphasize na hindi po nagpapabaya ang government. Number one po, under the TRAIN Law, nagbigay na po tayo way back 2018 ng P5,000 one time subsidy to cover July to December of 2018 to our PUJ operators. Sinundan po iyan, under the TRAIN Law pa rin noong 2019 ng P20,515 per PUJ operator to cover the whole year of 2019. In fact, also in 2020 in the midst of our pandemic lockdowns, nagbigay po ang government, through LTFRB lahat ito, nagbigay po ang government ng additional cash assistance at around P6,500 per PUV vehicle operator. So ibig sabihin po, ang government, when you talk about subsidy, kahit ayaw po natin under the oil deregulation law, dahil nakikita po ng government iyong kahirapan ng ating kababayan, hindi pa rin po nagpabaya, ibinalik pa rin po iyong konsepto ng subsidy or cash assistance at ito po ay ginawa natin from 2018, 2019, 202o. So ang pinag-uusapan po ngayon ay additional na lang po iyan.

So, as I have said earlier, after po ma-discuss namin with LTFRB, ang decision po nila of how much ang magiging fare hike at kung sa tingin nila ay kulang pa and we need that computation, puwede po nating i-propose uli. Again, this will be with consultation, exhaustive consultation with our Finance Department and Budget Department. Kasi kailangan po talagang mapag-usapan iyong allocation ng fund when you talk about subsidy. At dito po ay kakailanganin din natin immediately ang tulong ng Congress para po maipasa iyong batas, authorizing na naman iyong additional subsidy na ito.

USEC. IGNACIO: Opo, sige po, iyan po ay tanong din ni Karen Villanda ng PTV at ni Bernadette Reyes ng GMA News. Salamat po sa inyong panahon at impormasyon, Director Rino Abad ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau. Mabuhay po kayo.

DIR. ABAD: Thank you po at magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Dahil nga sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, humihirit na ang mga public utility vehicle ng taas pasahe. Para alamin ang tugon ng pamahalaan dito, makakausap po natin si Mr. Joel Bolano, ang Executive Director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Magandang umaga po, sir.

EXEC. DIR. BOLANO: Good morning, Usec. Good morning po sa lahat po ng nanunood at nakikinig po sa inyong programa, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, hirap na hirap na po ang mga kababayan nating driver dahil sa patuloy na oil price hike. At kagaya nga po nang nabanggit kanina, possible itong manatili o lalo pang tumaas kaya humihiling na po ang mga operator at driver ng dagdag pasahe. Ano po ang masasabi ninyo dito?

EXEC. DIR. BOLANO: Thank you, Usec. Actually po, as of today, hinihintay din po namin iyong official na position paper nila or iyong petition po nila para po doon sa request ng fare adjustment sa public transport. Kung sakali po maipa-receive po ito sa ating opisina, sa LTFRB, ito po ay pag-aaralan ng ating board, in coordination with the department. Kasi kailangan po, Usec, babalansehin natin [kasi] sa ngayon po nasa pandemic pa po tayo. Naiintindihan po natin iyong mataas na fuel po natin ngayon, pero tinitingnan din po natin iyong capacity rin po ng ating mga pasahero sa ganitong sitwasyon na pandemic pa rin po tayo. Pero kapag naibigay po sa LTFRB iyan, automatic po, pag-aaralan po iyan ng board.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po si Karen Villanda ng PTV: Nakatakda nga pong maghain ng petisyon para sa dagdag na 3 pesos na pamasahe ang Pasang Masda kasunod ng oil price hike. May posibilidad po ba itong payagan ng LTFRB? Kung hindi naman po, may posibilidad bang matulungan sila sa diskuwento sa gasolina? Ito rin po iyong tanong ni Bernadette Reyes ng GMA News.

EXEC. DIR. BOLANO: Thank you, Usec. Tungkol po doon kung ito po ay iga-grant ng ating board, ayaw ko namang pong i-preempt iyong desisyon po ng ating board. Sabi ko nga po kanina, ito po ay aaralin base po doon sa situation natin ngayon lalo na po sa presyo po ng ating langis sa ngayon sa merkado. So, malalaman po natin iyan kapag po iyan ay na-evaluate na at napa-receive po sa atin ng ating mga petitioner. Doon naman po sa katanungan po ninyo, kung mayroon pa pong ibang puwedeng gawin po, katulad po noong nabanggit ni Director Rino kanina na may mga programa pong nagawa ang ating pamahalaan since 2019. Sa ngayon po ay napag-usapan po namin with DOE again kung pupuwede po ulit tayo makapag-cash or fuel subsidy para lang po makatulong doon po sa ating mga public transport operators and drivers. At iyon po ay pag-uusapan ng mabuti at ipapaabot po natin sa ating department.

USEC. IGNACIO: Pero Sir, realistically speaking, nasa magkano po kaya ang puwedeng itaas ng pasahe, kung sakali na hindi naman po masyadong aaray ang mga pasahero naman?

EXEC. DIR. BOLANO: Kung pagbabasehan po natin, Usec, iyong atin pong formula na ginagamit po base po doon sa memorandum circular na pinalabas po ng board. Batay po doon sa mga increases ng atin pong petrolyo, based sa aming computation po, kung babalikan po natin iyong year-on-year na increase po eh, mga at least mga 1.20, hindi po lalagpas ng 1.26 or P1.26 centavos more or less po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero kung sakali pong ibalik ang fuel subsidy program ng gobyerno, nakahanda po ba nag LTFRB dito? At ano po iyong mga challenges na kinakaharap ng tanggapan na noong una itong i-implement at ano daw po iyong puwedeng gawing pagbabago sa panahon ngayon, para po mas maging efficient ang programa?

EXEC. DIR. BOLANO: Opo. Ang kagandahan nito, Usec., mayroon na po tayong nagawa noon na PPP, iyong Pantawid Pasada, iyon nga po iyong fuel subsidy at iyong mga beneficiaries po natin, mga operators ay may mga card na po ito na galing sa Landbank. So, mas mabilis-bilis po ngayon kung maipapatupad ulit ito. Ang challenge lang po nito na naranasan po natin sa pagpapatupad natin noong 2019, una po iyong iba po ay nagagamit, hindi po para doon sa fuel. Kumbaga may mga iilan po na ginamit, para sa ibang purpose. Pangalawa po, may mga request din po iyong ating mga public transport drivers and operators na dagdagan po iyong mga accredited gas stations kung saan sila puwedeng gumamit noong card na mayroon pong cash subsidy para po sa kanilang gasoline.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, tanong pa rin po ni Karen Villanda ng PTV: Ayon daw po sa Damper Transport Group, imbes na magtaas ng pasahe, hihingi na lamang po sila ng permiso sa LTFRB para magpatupad ng plus 10 sa mga naisasakay na pasahero, papayagan po ba ito ng LTFRB?

EXEC. DIR. BOLANO: Usec, iyong pagdating po diyan sa capacity, iyan po ay sinusunod lang po natin iyong IATF resolution. So siguro po ang gagawin po ng LTFRB, gagawa po tayo ng request or recommendation sa department na siya pong mayroong permanent representation sa IATF para po hilingin po iyong proposal po ng ating mga public transport group.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, habang wala pa pong desisyon sa mga panukalang ito, mayroon po ba tayong mga tulong na maaaring maibigay sa kanila?

EXEC. DIR. BOLANO: Sa ngayon, Usec., katulad noong sinabi ni Director Rino, pagdating po sa mga subsidy or cash subsidy or fuel subsidy, iyon po ay pag-uusapan pa po ng ating mga matataas na officials at mga department po natin, para po maipatupad. Sa ngayon po patuloy pa rin po iyong ating program na service contracting para po doon sa ating mga pasahero na libreng makasakay at para rin po matulungan iyong ating mga operators and drivers sa kanilang operation sa panahon ng pandemic.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, sa kabila nga po pagtaas ng presyo ng langis ay patuloy naman po ang pagbibigay ng libreng sakay ng LTFRB. Kumusta na po ito sa ngayon?

LTFRB EXEC. DIR. JOEL BOLANO: Yes, ma’am, sa ngayon po ay tuluy-tuloy po ito at patuloy pa tayong nagpapatupad ngayon ng nationwide ng mga libreng sakay para po doon sa ating mga APORs at health workers na maibsan po iyong kanilang mga gastusin lalo po pagdating po sa paggamit ng ating public transport.

So, nagsimula na po ito. Nakakatatlong—papunta na po tayo sa apatnalibo. So, mag-iisang buwan na po tayong nagpapatupad ng mga libreng sakay nationwide.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, paano daw po kung may naniningil na ng dagdag na pasahe, ano daw po kaya ang puwedeng gawin ng tsuper? Puwede po ba itong ireklamo?

LTFRB EXEC. DIR. JOEL BOLANO: Opo. Ma’am, mayroon po tayong hotline na 24/7, 1342. itawag lang po dito at ibigay po dito iyong specifications ng sasakyan kung may plate number para po maipatawag natin ang operator at saka iyong driver noong naniningil po nga na pagtaas pasahe na wala pa pong permit po sa LTFRB.

USEC. IGNACIO: Opo. Kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan na operators at driver, sir.

LTFRB EXEC. DIR. JOEL BOLANO: Thank you, ma’am. Sa lahat po ng ating mga kababayan lalo na po sa ating public transport operators and drivers at sa lahat po ng ating commuters, panahon po ito na kailangan po nating magtulungan at para sa parte ng ating pamahalaan ay binabalanse po natin na pare-pareho po nating matulungan ang both sides para po sa operators and drivers at dito rin po sa nakararaming nating mga commuters.

So, ngayon po ay nagpapatupad ng mga programa ang ating pamahalaan para po matulungan hindi lang po iyong ating public transport operators and drivers kung diyan din po iyong ating mag commuters. So, sa mga susunod na araw po ay mag-abang na lang po kung ano po ang magiging desisyon ng LTFRB at ng DOTr patungkol po doon sa hinihingi po pagtaas pasahe.

USEC. IGNACIO: Okey, kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras at panahon, Mr. Joel Bolano, ang Executive Director ng LTFRB. Salamat po!

LTFRB EXEC. DIR. JOEL BOLANO: Thank you, ma’am.

USEC. IGNACIO: Samantala, mga residente ng Pangasinan na apektado ang kabuhayan dahil sa pandemya ang tinutulungan ng tanggapan ni Sen. Bong Go nitong nakaraang linggo. Ayon sa Senador, tuluy-tuloy ang pokus muna sa paghahatid ng makakagaan sa buhay ng mga mahihirap na residente matapos makapaghain ng kandidatura sa pagka-bise presidente. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Maring, ilang bahay ang natabunan ng lupa sa La Trinidad, Benguet at sa Baguio City. Ang insidente ay nagbunsod sa pagkasawi po ng tatlong bata. Mula sa PTV Cordillera magbabalita si Phoebe Kate Valdez:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Kasalukuyang nga rin pong nararanasan ang hagupit ng Bagyong Maring sa Northern Luzon. Kumustahin natin ang sitwasyon ng mga lalawigan apektado diyan sa hilaga, makakausap po natin si Under Secretary Ricardo Jalad, ang Executive Director ng NDRRMC. Magandang umaga po USec.

NDRRMC EXEC. DIR. RICARDO JALAD: Magandang umaga, USec. Rocky. Magandang umaga sa ating mga kababayan na sumusubaybay ngayon sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: USec., kumusta po ang sitwasyon ngayon sa mga apektadong lugar nitong si Bagyong Maring? Gaano po kalawak ang nasalanta o sinalanta pa nito? At may mga pagbaha at flashfloods pa rin po bang nararanasan hanggang ngayon?

NDRRMC EXEC. DIR. RICARDO JALAD: Ayon sa report sa atin ng mga Regional Director diyan ay malawak iyong epekto nitong si Severe Tropical Storm Maring, hindi lang iyong Cordillera pati na rin doon sa Region II at saka Region I and even dito sa MIMAROPA specifically sa Palawan.

This morning, mayroon nai-report sa amin na siyam na patay at ito ay dahil doon sa mga landslides na nangyari doon sa Benguet at Baguio City at sa mga pagbaha diyan sa Claveria, Cagayan, sa Municipality of Narra sa Palawan ano and sa ngayon mayroon [garbled] sa mga landslides na nangyari diyan sa Benguet and iyong mga pagbaha doon sa Palawan.

So, malawak ang epekto niya, halos dito sa Palawan and diyan sa Northern Luzon. At iyon naman ay nakikita natin na base doon sa forecast na ibinigay ng PAGASA, iyong lugar na sinasabi nilang malakas nang binuhos na ulan. Kaya kahapon, mula kahapon ay ang dami nating napadala na mga emergency alert at warning residents tungkol sa mga malalakas na pag-uulan.

So, mabuti naman ngayon si Tropical Storm Maring ay papalayo na at sa ating mga local government unit katulong ng mga rescue agencies natin at ang ating mga response units ay nagsasagawa ng mga rescue at saka [garbled].

USEC. IGNACIO: USec., nabanggit ninyo nga umabot po sa 9 ang mga nasawi. Pero mayroon po ba tayo na reported na missing?

NDRRMC EXEC. DIR. RICARDO JALAD: Sa kabuuan, as of 8:00 this morning ay 11 ang missing; tatlo diyan ay dahil sa landslides sa Baguio City, diyan Dominican, dalawa sa landslides sa Ambiong, La Trinidad, Benguet at isa sa landslides sa Itogon, Benguet. Mayroon pang lima sa ibang lugar – isa sa Badok, Ilocos Norte dahil sa pagbaha; at apat naman dahil sa baha doon sa Narra, Palawan.

So, as of this morning, 11 ang nakalistang missing doon sa lugar na naapektuhan ng Severe Tropical Storm Maring, diyan sa Cordillera at sa MIMAROPA at sa iba pang lugar sa Northern Luzon.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta naman po iyong paglikas na ginawa sa mga apektadong residente? Mayroon pa po bang nananatili sa evacuation centers?

NDRRMC EXEC. DIR. RICARDO JALAD: Inaasahan natin, mayroon pa kasi iyong mga lugar na iyon na may baha ay pahupa pa lang, hindi pa safe sa kanila ang pagbalik sa kanilang mga tahanan. But i-update natin sa mga report na iyan dahil nakatutok naman iyong ating mga Regional Offices ng Office of Civil Defense. Sila ay direktang nakikipag-ugnayan sa mga local government units at sa mga response units, response agencies na makakatulong sa ating mga LGUs.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., itong mga lugar na sinalanta ng Bagyong Maring, may balita rin po ba kayo sa mga hospital at maging sa mga bakunahan at storage facilities kung may naapektuhang vaccines sa mga lugar na binagyo at binaha?

NDRRMC EXEC. DIR. RICARDO JALAD: Wala pa akong report tungkol diyan na nakakarating dito sa operation center ng NDRRMC. But iyan naman ay tinututukan ng ating DOH at kukunin natin sa kanila ang update tungkol diyan, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sunud-sunod din iyong mga bagyong tumama sa Northern Luzon lalo dito sa Cagayan. Kumusta po ang disaster preparedness nila doon sa ngayon?

NDRRMC EXEC. DIR. RICARDO JALAD: Iyong pagdating ni Bagyong Maring, inaasahan natin iyan noon pang ilang araw ang nakalipas. Dalawang bagyo ang ating nakikita, iyong Severe Tropical Depression Nando na nalusaw at nag-merge with Severe Tropical Storm Maring, ano. So, puspusan iyong paghahanda ng ating mga Regional Disaster Risk Reduction Management Council sa mga lugar na inaasahan nating maaapektuhan nitong dalawang bagyo na ito at ganoon na rin ang ating mga LGUs mga ilang araw na ang nakalipas.

Matindi talaga epekto nitong si Maring, and mayroon tayong handicap din diyan, iyong ating mga kababayan ay medyo takot magsilikas dahil nga sa COVID pandemic; natatakot na mahawaan ng COVID sa mga evacuation center. But sa ating report naman ay despite that ay malaki-laki pa rin naman ang performance ng ating local government unit sa pagsagawa ng preemptive evacuation, at iyan ay nadagdagan doon sa mga pag-rescue ng ating mga local government unit.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kunin ko na lang iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyo. Narating po ba natin iyong mga lugar [na apektado] para mapaabutan ng tulong?

NDRRMC EXEC. DIR. RICARDO JALAD: Patuloy ngayon ang rapid damage assessment and needs analysis (RDANA) ng ating mga local government unit katulong na rin ang iba’t-ibang ahensiya ng national government agencies na nakakarating sa kanila ano, again itong mga response unit.

So, sa ating mga kababayan, kayo po ay hindi pinababayaan dito sa nangyari sa atin na kalunos-lunos, iyong epekto ng Severe Tropical Storm Maring. Ang ating gobyerno ay kumikilos naman, para sa inyong pagtulong, inaasahan din namin ang inyong kooperasyon. Sundin ang mga abiso ng ating mga local government unit at mga agencies para na rin sa inyong kaligtasan. Maraming salamat, Usec., Rocky.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat din po, Undersecretary Ricardo Jalad ng NDRRMC.

Puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting service, ihahatid iyan ni Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Ria Arevalo mula sa PBS Radyo Pilipinas.

Libreng RT-PCR test para sa mga close contact ng mga nagpositibo sa COVID-19, ibinalik ng Davao City LGU. Ang detalye ire-report ni Hannah Salcedo.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa ating mga partner agencies para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Patuloy po naming pinapaalala na tayo po ay manatiling ligtas lalo na at 74 days na lamang po ay Pasko na.

Magkita-kita po muli tayo bukas. Ako ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH. At batiin ng Happy Birthday ang aming kasamahan sa PPS Department, si Elaine Malate – Happy Birthday!

###


News and Information Bureau-Data Processing Center