Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat po ng ating mga kababayang nakatutok sa programa. Muli po nating tatalakayin ang iba’t ibang isyung pambansa ngayong Miyerkules, October 20, 2021.

At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Simula po ngayong araw ay palalawigin na ang implementasyon ng alert level system sa mga lalawigan at lungsod sa labas ng National Capital Region. Mula sa GCQ with Heightened Restriction, sasailalim na sa:

  • Alert Level 4 ang mga lalawigan ng Negros Oriental at Davao Occidental.
  • Alert Level 3 naman po ang paiiralin sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Rizal, Siquijor, gayun din sa Davao City at Davao del Norte.
  • Habang nasa Alert Level 2 naman ang Batangas, Quezon Province, Lucena City, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Cebu Province, Davao de Oro, Davao del Sur at ang Davao Oriental.

Sa ilalim ng Alert Level 3, papayagan ang pagbubukas ng mga sinehan at amusement parks tulad dito sa Metro Manila. Sa Alert Level 2 naman po bukod sa sinehan at theme parks, ilan pa sa puwede na ring makapagbukas ay ang mga karaoke bars, contact sports gyms at mga pasyalang pambata gaya ng mga playground pero sa limitadong kapasidad. Tatagal hanggang October 31st ang pagpapatupad ng alert level system sa mga lugar na nabanggit habang mananatiling community quarantine restriction ang iba pang lungsod at lalawigan sa buong bansa.

Sa isang katuparan ng pangako kung maituturing ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang [garbled] ika-isandaan at apatnapu’t apat na Malasakit Center na siyang malaking tulong para sa ating mga kababayang Marinduquenos. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Ayon po sa DOH, naging matagumpay ang simula ng pagbabakuna sa mga batang edad labindalawa pataas sa National Capital Region. Kaya naman po sa darating na Biyernes, October 22, palalawigin na rin ito [garbled] lokal na pamahalaan at ospital sa Metro Manila. Makibalita po tayo sa mga paghahandang ginagawa ng pamahalaan tungkol dito, kasama po natin si Dr. Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center. Magandang umaga po, Doc.!

NVOC DR. ROSARIO: Good morning po Usec. and all your listeners today po. Maraming salamat!

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kumustahin ko po muna iyong bilang ng mga batang nabakunahan base po sa pinakahuling [garbled] ninyo. Nadagdagan din ba ang mga na-adverse effect matapos pong mabakunahan, Doc?

NVOC DR. ROSARIO: Yes po. Ang bilang lang naman ng ating na-record na adverse events ‘no after immunization is apat lang sa pagbabakuna natin ng mga batang with comorbidities. Sa ngayon may isa tayong serious or severe [garbled] ng AFI and the rest po ay mild lang naman. So ito po ‘yung reported sa ating official na [unclear] flow po – apat as of now since nag-start tayo last Friday.

USEC. IGNACIO: Opo. Doon po sa mga unang nagka-side effect, napatunayan bang vaccine-related po talaga ‘yung naranasan ng mga batang ito?

NVOC DR. ROSARIO: Sa currently, ma’am ‘no, nag-a-undergo po ng assessment [garbled] tinatawag nating causality assessment noong mga nararamdaman ng mga bata after nagka-AFI. So tinitingnan ng ating NAEFIC [National Adverse Events Following Immunization Committee]

at saka RAEFIC [Regional Adverse Events Following Immunization Committee] if related ba talaga ‘to sa bakuna or nagkasabay lang iyong [garbled] with the vaccination po. So currently, ma’am, ina-undergo po ‘yung process ng pag-assess kung may relationship. But then ito po ‘yung recorded number na may naramdaman after po sa pagbabakuna natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ano po ‘yung naramdaman na sinasabi nating side effect o adverse effect na naramdaman nitong mga kabataang nabakunahan?

NVOC DR. ROSARIO: So, ma’am, ‘yung isa… ‘yung severe case natin ay may allergic reaction siya during sa pagbabakuna ‘no so may symptom siya ng allergic reaction. [Garbled] naman iyong [garbled] nabigyan natin ng [garbled] agad-agad. The rest po ay related lang sa pagbabakuna na medyo na-stress lang po sila during the vaccination so nothing serious naman [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Pero regardless [garbled] nating smooth sailing itong rollout nitong bakunahan po sa mga bata. Wala po bang naging problema sa mga pre-vaccination assessment at sa pagbibigay po ng assent ng mga bata?

NVOC DR. ROSARIO: Currently, ma’am, ‘yung phase 1 natin na pagbabakuna since they are already patients ng ating mga hospitals, medyo smooth sailing naman iyong pagbibigay [garbled] ng medical certificates prior sa pagbabakuna at naku-coordinate nila talaga efficiently ‘no ‘yung pagbabakuna ng [garbled] mga pasyente. Wala tayong naging problema doon at saka ang ginagawa ng hospitals natin para din ma-review agad ng ating mga mothers, caretakers ‘no, mga guardians at saka parents kung ano ba iyong dapat nilang pirmahan pagbigay ng assent or [garbled] ‘no.

Binigay na po ng hospital prior to the vaccination iyong mga forms na kailangan nilang sign-an doon sa vaccination site. So may initial information na tayong nabibigay sa parents para [garbled] and then we conducted town halls para hindi sila masyadong kailangang i-brief doon sa vaccination site. So maganda naman iyong rollout po natin.

USEC. IGNACIO: Oo. Doc, isunod ko na po itong tanong ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN News: Anu-ano po ‘yung 13 additional hospitals [garbled] vaccination site na magbubukas daw po sa phase 2 ng pagbabakuna ng mga batang may comorbidity? May mga LGU po ba sa Metro Manila na hindi ospital ang inirekomendang pilot vaccination site para po sa minors or papayagan po ba ito at anu-ano po ‘yung kondisyon para payagan ito?

NVOC DR. ROSARIO: Currently po, ma’am, sa ating census [garbled] for Phase 2, may 23 hospitals na tayo including po iyong magku-continue na Phase 1 hospitals ‘no. So each of the local government units naman po ng National Capital Region have already prepared ng kanilang vaccination site using iyong hospital as a vaccination site. We had din na mga LGUs due to limitation ng spaces ng hospital have negotiated with us to use several of their nearby facilities as vaccination sites.

But then, ito, medyo [garbled] ng vaccination site to ensure na we can still give the quality service ng pagbabakuna ‘no [garbled] initial rollout pa ito [garbled] in case may mangyari, we can respond accordingly ‘no and ma-ensure nang ating mga facilities, iyong referral hospitals na handa [garbled]. So may several LGUs tayo, ma’am, na hindi hospital but then most are hospitals [garbled].

USEC. IGNACIO: Opo. Ito pong mga LGUs na nagrekomenda na hindi ospital ang vaccination site, kayo po bilang doktor, ito po ba para sa inyo ay maaari o papayagan ninyo?

NVOC DR. ROSARIO: Sorry, Usec., medyo nagla-lag lang iyong question, hindi ko masyadong narinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Bilang doktor po, ito pong mga may nagrekomendang LGU na hindi ospital [garbled] vaccination site, para sa inyo ito po ba ay maaari o papayagan ninyo o huwag na lang po muna na hindi ospital iyong maging vaccination sites para sa mga bata?

NVOC DR. ROSARIO: May pinayagan kami, Usec. We allowed several local governments after inspection. Nag-inspect po iyong NVOC at saka iyong CHDMM [Center for Health Development Metro Manila] ‘no, ng mga vaccination sites na ito. Pero ang isang colatilla [garbled] malapit lang talaga sila ospital so may pinayagan kaming mga vaccination site po.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang sunod pong tanong ni Vivienne Gulla: May adjustment po ba na ipatutupad para sa Phase 2 ng pagbabakuna sa minors?

NVOC DR. ROSARIO: Sorry, Usec., napuputol, sorry. Can I ask you to repeat the question po?

USEC. IGNACIO: Opo, pasensiya na po ‘no. Ulitin ko na lang po. Ang susunod pong tanong niya ay kung mayroon daw pong adjustment na ipatutupad para sa Phase 2 ng pagbabakuna sa minors?

NVOC DR. ROSARIO: Sorry, Usec., ano po iyon, kung may…?

USEC. IGNACIO: Opo. Kung mayroon daw pong adjustment sa Phase [garbled]. Dok, narinig ninyo po ako, Dok?

NVOC DR. ROSARIO: Medyo hindi po. So if may adjustment po ba sa vaccination process, Usec., iyong tanong, for the vaccination ng minors?

USEC. IGNACIO: Opo, kung mayroon pong adjustment. Opo, Dok, narinig ninyo ako? Mukhang nahihirapan si Dok sa ating linya ng komunikasyon; babalikan po natin. Puntahan po muna na natin ang mga balitang nakalap ng ating mga kasamahan sa Philippine Broadcasting Service sa mga lalawigan ng bansa. Ihahatid po iyan ni John Mogol mula po sa PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa’yo, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

Balikan na po natin si Dr. Kezia ng National Vaccination Operation Center via phone [garbled]. Dok, good morning po ulit!

NVOC DR. ROSARIO: Good morning po ulit, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo, paumanhin na rin po [garbled]. Dok, ito po ang tanong natin: Ilan po iyong inaasahang mga bata na mababakunahan sa pag-rollout nitong Phase 2? Ready na po ba ang supply ng mga bakuna sa kanila?

NVOC DR. ROSARIO: Yes, Usec., and to all your listeners ‘no. Tayo po ay nakahanda na po for the Phase 2. Iyong vaccine supply po na ibibigay sa kanila will be either Moderna or Pfizer. May enough supply po tayo for them para makapagbakuna po tayo.

For the Phase 2 and as well as iyong Phase 1, kasama na po doon ang target natin will be around 100,000 ‘no, actually mga 144 12 to 17 years old with comorbidities. Ito po iyong target population ng National Capital Region po.

USEC. IGNACIO: Opo. After October 31st, Dok, nakikita mo ba na puwede nang palawigin sa ages 12 to 14 naman po iyong pagbabakuna?

NVOC DR. ROSARIO: Sa currently na rollout po, Usec., iyong mga hospital natin ay mga hospital natin nagsisimula sila sa 15 to 17. But then, if naubos na nila iyong pagbabakuna ng age group na iyon, nagbabakuna na rin sila ng 12 to 14 po. So nabibigyan naman po ngayon iyong 12 to 14 in all the cases po, iyon po iyong Mangyayari; so talagang 12 to 17 iyong puwedeng bakunahan ng hospitals natin po.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumusta na rin namin, Dok, iyong pagbabakuna naman po sa general population sa Metro Manila. Kumusta ba iyong bilang ng mga nabakunahan araw-araw [garbled] vaccination centers po natin?

NVOC DR. ROSARIO: Ang nababakunahan po ng ating mga vaccination site sa National Capital Region ay—kasi medyo mataas na talaga na iyong coverage ng NCR since last month so ngayon nagsusuyod na lang sila sa mga adult population na hindi pa nababakunahan.

So, on a daily basis, may nababakunahan silang around 70 to 90 doses iyong—70,000 to 90,000 iyong ina-administer nilang mga bakuna on a daily basis. Medyo okay pa rin po ito, naka-catch up naman sila doon sa target population po nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Sinasabi nga p na sa ngayon ay sobra-sobra iyong bakunang mayroon tayo dito sa Pilipinas, pero kumusta naman po ang distribution nito sa iba’t-ibang lalawigan? Maraming lugar pa rin daw po ang nag-aabang ng mas maraming supply ng bakuna. May prioritization pa rin po bang sinusunod ngayon ang NVOC sa pamamahagi ng bakuna?

NVOC DR. ROSARIO: Sa ngayon po, binabakunahan na po iyong rest of the adult population at saka kasama na po doon iyong priority. Ang sinasabi natin sa public po ay puwede na po tayo, basta 18 and above diretso na kayo sa vaccination site.

Ang instructions lang sa vaccination site, i-monitor pa rin nang tama at saka i-classify sila nang tama pa lang din po ma-monitor natin na nababakunahan natin iyong mga vulnerable groups natin like iyong mga senior at saka iyong mga with vulnerabilities.

So, reporting na lang po iyong instructions natin but sa lahat ng 18 and above, punta na tayo agad sa mga vaccination site ng LGUs kasi tama po kayo, USec., there is enough supply, ini-ensure lang natin na maubos agad para mabigyan ulit ng additional supply iyong mga LGUs.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc, sa mga lalawigan po, kailan po natin makikitang ie-expand din ang pagbabakuna sa general population dito nga po sa iba pang mga lalawigan?

NVOC DR. ROSARIO: Sa ngayon, USec., nationwide po iyong rest of the adult population. So, lahat na po ng mga LGUs natin whether it be sa it be sa Luzon, Visayas, Mindanao, puwede na silang magbakuna po as long as 18 and above. But then iyon lang po, kina-categorize lang din natin doon sa vaccination site. Puwedeng-puwede na po magbakuna po ng rest of the adult population sa lahat ng LGUs.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga. Dr. Kezia Rosario mula po sa National Vaccination Operations Center. Stay safe po, Doc.

NVOC DR. ROSARIO: Thank you! Thank you to all po, USec., at saka sa inyong mga listeners. Maraming salamat!

USEC. IGNACIO: Puntahan po natin ang pinakahuling tala ng COVID-19 sa buong kapuluan.

Kahapon po ay naitala ng Department of Health:

  • Ang karagdagang 4,496 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, ang pinakamababang bilang sa loob ng halos tatlong buwan.
  • Dahil dito, pumalo na sa 2,731,735 ang bilang ng lahat ng nahawaan sa Pilipinas.
  • 9,609 naman po ang mga naitalang bagong gumaling mula sa sakit, para sa kabuuang bilang na 2,627,126 recoveries
  • habang nadagdagan ang namatay kahapon ng 211.
  • Sa kasalukuyan, bumaba na rin sa 2.3% ng total cases ang bilang ng mga nagpapagaling pa rin sa sakit o katumbas ng 63,637 active cases.

Huwag po kayong bibitiw, magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[AD]

USEC. IGNACIO: Apat na taon matapos makalaya ang Marawi City sa kamay ng Maute terrorist group, target ng pamahalaan na maisaayos at maibalik ang [garbled] ng mga apektadong residente bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na taon.

Muli nating kumustahin ang rehabilitation projects sa lungsod ng Marawi sa pangunguna po ng Task Force Bangon Marawi na pinamumunuan ni Housing Secretary Eduardo del Rosario

Good morning po, Secretary!

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Magandang umaga, USec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, nabanggit nga po ni BARMM official Zia Adiong noong Lunes sa amin na tuloy-tuloy pa rin po ang Marawi rehabilitation sa ngayon at somehow ay completion na rin pong maituturing. So, confident po ba ang Task Force Bangon Marawi na matatapos na ito sa termino po ni Pangulong Duterte, Secretary?

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Yes, definitely, USec. Rocky, matatapos natin substantially ang rehabilitation ng Marawi City within the term of our President!

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ito po ba ay [garbled] pa rin sa timeline ng Marawi rehabilitation? Ang sabi po kasi ng ilang kritiko, mabagal ‘di umano ang naging pag-usad ng rehabilitation, Secretary.

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Well, contrary sa mga bumabatikos ano, sa ating pananaw ay mabilis nga iyong ating interventions na ginawa pero kung ang sinasabi kasi nila ay iyong pagbuo natin ng mga infrastructures, iyong ginawa nating mga public facilities at mga mosque, remember, this only started July/August of 2020, one year and four months pa lang tayo na gumagawa ng mga vertical and horizontal public infrastructures kasi two years and four months iyong ating ibinigay na timeline para sa debris management.

So, hindi natin puwedeng simulan ang public infrastructure, kapag ang mga bomba na five to ten meters below the ground ay nandoon pa rin for safety consideration. So, natapos natin iyan February of 2020, kaya noong ma-release ang ating pondo by May of 2020, July and August nagsimula na ang full blast implementation of the public facilities. Kaya ongoing kami and maraming matatapos about 30 projects will be completed by December and by the first quarter and second quarter of next year, matatapos natin iyong more than 60 projects na nasa ating pipeline.

Marami na tayong—nagkaroon na tayo ng ribbon cutting activities, even iyong mga mosque, limang mosque na iyong nagawa natin and about four barangay complexes. At ang ating road network matatapos na rin by this of months of October. And nagpunta nga ang ating mahal na Pangulo last October 16 sa Marawi at nakita niya kung gaano kaganda iyong binigyan natin na pag-focus sa grand mosque na ito ay matapos kaagad at ang pagkakagawa naman ay world class na puwede nating ipagmalaki.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary tanong din ng ilan po. Kailan po ba ang target completion ng Marawi Rehabilitation at kung sakali daw po na hindi ang administration bets ang manalo sa darating na eleksiyon. Masisiguro po kayang magpapatuloy ang proyektong ito sa Marawi, Secretary?

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Ah, sigurado, siguradong-sigurado, USec. Rocky. Kasi masasabi natin na by December, marami na tayong matatapos. And assuming natin by June 30, may mga 95% completion na ang ating nagawa at may remaining 5%. Iyong pondo naman na ating inilaan para sa pag-rehabilitate ng Marawi ay nakapaloob sa mga ahensiya na nag-i-implement nito. So sila ang magpapatuloy ng implementations, let say iyong project ng classroom, ibinibigay ito ng ating pamahalaan sa DPWH at sila ang nag-i-implement. Sa target nila matatapos iyong 200 classrooms by June of 2022. Assuming by June 30 of 2022, 90% completion, iyong pondo ay DPWH pa rin, ipagpapatuloy iyan for one or two months, if ever 95% completion pa lang sila by June 30. So, ina-assure natin ang lahat, dahil ang pondo, ipinasok natin sa lahat ng ahensiya at sila ang nagpapagawa ngayon, wala tayong problema regarding its completion.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bukod po sa places of worship ay mahalaga rin siyang itong mga pabahay. Sa ngayon po ay ilang housing units na ang na-turnover sa mga nawalan ng tahanan simula po noong 2017?

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Well, actually dalawa klase ang pinagawa nating mga pabahay. Iyong temporary shelter umaabot na 4,800 ang ating naipagawa at itong 4,800 na ito ay natapos at nandoon ngayon, doon nakatira iyong ating mga IDPs na tinatawag sa Marawi City, Iyon namang permanent shelter nagsimula na tayong magbigay, actually last October 16, nagbigay tayo ng 250 permanent shelter and before that, I think we had given already 370, plus 250. So more or less we have 600 plus permanent housing units. And out of our target of 2,800 almost 80 to 90% will be completed by December. So, the remaining 10 t0 20% will be completed by the first quarter of 2022.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ilan pa po bang pamilya iyong hindi pa nakakabalik sa Marawi?

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Well, actually kasi ang mga Maranao, iyong tinatawag nating most affected area, iyong central business district. Iyong mga nakatira diyan, mayroon din silang mga bahay na outside the most affected area. Kasi dito ang most affected area at central business district, ‘andito iyong mga mayayaman na mga Maranaos. Mayroon silang bahay sa Iligan, Cagayan De Oro and other parts of the country. Kaya hindi natin masasabi na out of the total 17,000 residents na displaced ang bumabalik pa lang doon, iyong sectors 1 to 3. We have divided the whole sector into 9 sectors.

So, sectors 1 to 3, since July of last year, we allowed them already to go back provided they have a building permit from the local government unit. And then starting this month, October from sectors 4 to 7, we have allowed them to repair or reconstruct their housing units also and you will notice 1 to 7 na nag puwedeng mag-repair. Ang problema ngayon, ang challenge natin ay iyong pera ng mga gustong bumalik, para magpagawa ng kanilang mga bahay kung wala pa silang pera, hindi sila makakapagpagawa. Kaya hinihintay nila ngayon iyong approval ng compensation bill na nandoon ngayon sa Senado at saka iyong Kongreso ay magmi-meet, para eventually itong proposed bill ay maipasa na at mapirmahan at ma-approve ng ating mahal na Pangulo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, bukod nga po sa pabahay, eh kumusta naman po iyong financial assistance na binibigay dito sa mga na-displaced ng giyera?

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Okay, we have provided livelihood assistance last year with the amount of P73,000 for all families living in the most affected area. And for those living outside the most affected area, each family was given P10,000 each. But, aside from that, mayroon tayong mga livelihood assistance na ibinibigay at mayroon tayong interventions, mga relief goods na continuously ibinibigay natin covering the different sector. It could be the agricultural sector, medical, relief goods, patuloy na ibinibigay natin ngayon.

Ang interventions ngayon ay naka-focus sa livelihood assistance na pinamumunuan naman ng DTI pati na ang DSWD at dapat nga BARMM ay tumutulong din para ang mga IDPs natin sa Marawi at matulungan at patuloy na bigyan ng kaukulang serbisyo ng ating pamahalaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tungkol naman po sa usaping budget po sa next year ng DHSUD. Ano po ang reaksiyon ninyo sa sinabi ng ilang senador na ‘di umano’t grossly inadequate ang proposed budget para sa inyong kagawaran for next year?

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Totoo po iyan, USec. Rocky, actually we requested for about P70 billion na suporta para sa Department for Human Settlement and Urban Development at saka aming limang attached agencies. Unfortunately, with P71 billion request ang naibigay lang po sa amin ay P6 billion, even less 10% of what we need.

In our assessment for us to meet our housing needs of 6.5 million, we needed at least 50 billion a year. So, kung kami nabibigyan ng average to 4 to 5 billion every year since 2016, eh talaga namang napakababa ng suporta na ibinibigay ng national government for the housing sector. Kaya almost every year, we are requesting more or less 70 to 77 billion at ang nakukuha naman ranges from to 4 to 6 billion only.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ano po ba iyong mga priority projects ng DHSUD para sa susunod na taon at saan-saang lugar po naka-sentro ang mga ito?

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Well, with regards to housing, ang ating focus ay iyong mga informal settler families, lalung-lalo na iyong nakatira sa mga danger zone. Kaya iyan ang pinaka-main focus ng mandate ng ating departamento, para matulungan natin ang ating mga kababayan na nakatira sa mga danger zones ay mai-resettle sila sa mga safe areas at magkaroon sila ng bahay na masasabi nating decent and affordable.

Mayroon kaming prinsipyo sa housing na we consider shelter as a right of every Filipino family. At iyon ang aming focus ng aming lahat ng ginagawa, so that we can capacitate the low income families to be able to purchase a house and lot of their own dream house para sila naman ay magkaroon ng physical security and comfort in their respective homes. So iyan ang aming adhikain sa department.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, ilang porsiyento po iyong housing back log natin sa bansa?

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Actually, from 2017 to 2022 ang study po ay 6.5 million at sa Philippine Development fund ay nabigyan kami ng target na dapat makagawa kami ng 1.2 million during the term of the President and I am happy to note that despite the major projects ang department po natin katulong po natin iyong limang shelter agencies, National Housing Authority, Social Housing Finance corporation, Pag-Ibig Fund, National Home Mortgage Finance Corporation. Sa kabuuan po as of June 30 of 2021 ay naka-achieve kami ng 84% accomplishment, ang nagawa namin ay 1.1 million.

So, kulang na lang kami ng about 170, 180,000 which we can fulfill by the end of 2022. Kasi, on the average, we are averaging 194, 195,000 units each year. So, we can safely conclude that the department will be able to achieve its target of 1.2 million for the full duration of the President’s term.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may itatanong lang po ating kasamahan sa media, si Jerome Aning, ng Philippine Daily Inquirer: Ano po ang polisiya ng DHSUD tungkol naman po sa pangungolekta ng mga access and pass through fees ng mga home owners associations sa mga riders na nagdi-deliver ng mga pagkain at iba pang items sa mga residente? Pinapayagan po ba ang mga fees na ito; may limit po ba at kailangan po ba at kailangan po ba ng valid receipt?

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Well, actually iyong ating Home Owners Association Bureau, ang responsible sa mga ganitong aspeto. Nagpalabas tayo ng bagong implementing rules and regulation at by October 25 this will be implementable dahil ngayon naka-publish na sa national daily and we will be having information drive on the magna carta of home owners and home owner association para itong mga issues na ito na nangyayari on the ground ay ma-attest natin at maka-clarify at mabigyan natin ng tugon.

Ang naalala ko lang dito sa ating mga polisiya with regards to the… the check points being organized in home owners associations, hindi sila dapat magkuha ng mga IDs ng mga pumapasok dahil ito ay labag sa ating kautusan. But in order to make a more holistic policy with regards to the operations of the thousand home owners associations nationwide we have upgraded all implementing rules and regulations and within next week we’ll be conducting a nationwide campaign to inform the general public of the with this implementing rules and regulations.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po na tanong ni Jerome Aning: Can home owners and condominium association in additional rules on pandemic response bukod pa sa ini-implement ng DOH at LGU? If the DOH daw po declares a person with COVID na fully recovered na after 10 days of quarantine and no more need for testing and the associations still require the person [garbled] before he can return to his home? Can an association also impose curfew hours na mas mahaba o mas maaga sa in-impose ng LGU or MMDA?

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: I think ang general rule natin is the LGU na sinabi na curfew, kailangan ang mga home owner association at saka ang local government unit ay magkaroon ng networking at mag-utos sila para compatible iyong ating ini-implement na curfew. Hindi dapat kasi na ang home owners association ay mag-impose ng very strict rule na labag naman sa inuobserbahan sa buong komunidad in a particular local government unit.

So, ang kailangan dito magkaroon tayo ng direct engagement ang local government unit at saka iyong home owners association. Kaya ang kuwan namin USec. Rocky, nagkakaroon kami ng widest information drive with the home owners association para magkaroon tayo ng organization na from the ground naka-link dito sa aming department at sa aming mga regional offices.

Kaya, we have encouraging the formation of federations and confederations, so that in a province or city kung mayroon silang federations, naka-link iyan sa aming regional office para for information, intervention, clarification magiging immediate iyong ating assistance na maipu-provide sa kanila.

So, it calls for a massive organizational set-up from the ground up to the regional and even national level. We’re planning to have a national confederation para the 25,000 home owners association nationwide will have a mother umbrella organization that is connected with the department human settlements.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa amin, Secretary Eduardo Del Rosario. Mabuhay po kayo, always stay safe po Secretary!

TF BANGON MARAWI CHAIR SEC. DEL ROSARIO: Maraming salamat po USec. Rocky, and likewise stay safe too, thank very much.

USEC. IGNACIO: Sa unang weekend ng pagpapatupad ng alert level 3 sa Metro Manila, sabik na nagdagsaan ang mga tao sa iba’t ibang pasyalan sa rehiyon, kabilang na po ang kabubukas lang na Manila Bay dolomite beach. Kaya’t sa puntong ito kumustahin natin ang nagpapatuloy pang Manila Bay Recreation sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources, makakausap po natin ang kanilang tagapagsalita na si Under Secretary Benny Antiporda. Good morning USec.

DENR USEC. ANTIPORDA: Good morning USec. Rocky, good morning po sa mga tagapanood at tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., nitong mga nagdaang araw ay tila mainit nga ang pagtanggap ng mga taga-Metro Manila dito sa Dolomite Beach, lalo na po ng ibaba tayo sa Alert Level 3. kaugnay niyan may tanong po si Joseph Morong ng GMA News sa inyo: What are your plan—

DENR USEC. ANTIPORDA: Sorry USec. Rocky, mahina po iyong audio ninyo; medyo nagkakaroon ng technical problem po.

USEC. IGNACIO: Opo. Hindi ninyo po ako naririnig? Ulitin ko na lang po ang—Okay na po USec., naririnig muna ako? Babalikan namin kayo sandali lamang po.

Dumako naman tayo sa katimugang bahagi ng bansa, mobile vaccination at bakuna nights ginagawa ngayon sa lungsod ng Davao para agarang maabot ang herd immunity. May ulat si Hannah Salcedo:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, balikan na po natin si USec. Antiporda. USec., nitong mga nagdaang araw po ay talagang dumagsa po ang mga tao dito sa Manila Bay para makita po iyong dolomite beach. Ang tanong po ni Joseph Morong ng GMA News sa inyo: Ano daw po ang plano for dolomite; gagawin ba itong tourist spot?

DENR USEC. ANTIPORDA: Yes. Thank you. Ano po; kung anong gagawin sa dolomite? Gagawin pong?

USEC. IGNACIO: Opo. Ano daw po ang gawin sa dolomite beach; ito po ay gagawin daw tourist spot? Iyan po ay tanong ni Joseph Morong ng GMA News.

DENR USEC. ANTIPORDA: Well actually ganiyan din po ang objective natin para ho muling mabuhay ang mga negosyo diyan po sa Roxas Boulevard. We’re expecting na talaga hong sakaling tuluyan na pong maglaho itong pandemyang ito eh muli hong magbabalik ‘yung sigla ng negosyo sa lugar na iyan ano po. Kita naman po natin overwhelming po ‘yung pagtanggap ng tao dito po sa dolomite project po ng atin pong pamahalaan and of course napakarami pong nakita nating pagbabago at tagumpay na nakita po natin sa nangyaring proyektong ‘yan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Joseph Morong: Are you encouraging people to go to the dolomite beach and are you not worried that this could be a spreader event or area?

DENR USEC. ANTIPORDA: Well again we are conducting the IATF rule on the said area. Iyong atin pong protocol ay ginagawa naman po natin and of course makikita po natin, mayroon man pong nagkukumpul-kumpol gaya rin po ng nasabi ng ating Usec. Jonas Leones na karamihan po rito eh pami-pamilya po sila ‘no – na hindi naman po ‘yung sasabihin natin na iba-ibang tao po ‘yung nagkukumpol ‘no. But again, mayroon po tayong mga marshals and sinasabihan po sila na iyon nga pong social distancing and iyong wearing po ng face mask ay hindi po maaring malabag ito.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong si Joseph Morong: Anong stage na po ng rehabilitation ito at pang-ilan na pong refill [garbled] sa dolomite beach at kung magkano daw po ang nagastos?

DENR USEC. ANTIPORDA: Well first stage pa lang po ito and may second stage pa po tayo, work in progress po ito. Iyong second stage po kung makikita ninyo eh nandiyan na rin po ‘yung second phase po natin, nandiyan na po ‘yung gray sand niya eh tuluy-tuloy na po ‘yung trabaho niyan. But ngayon since mayroon pong anxiety ang atin pong mga kababayan, eh isa hong malaking tulong din itong dolomite beach na ito na kung saan ay binuksan na po kaagad ng atin pong Kalihim Roy Cimatu para ho kahit papaano’y makatulong sa atin sa gitna po ng pandemya.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit mo ‘yung marshal. Magkakaroon po ba ng permanent marshal doon at paano po ang pakikipag-ugnayan ninyo sa Manila LGU?

DENR USEC. ANTIPORDA: Well tuloy naman po ‘yung pakikipag-ugnayan natin sa Manila LGU, tumutulong din po sila sa atin especially doon po sa paglilinis ‘no. Tumutulong din po naman ‘yung Manila LGU and at the same time iyong local police po natin ng Manila Police District eh talaga po naman napaka [garbled] kasama po natin diyan na nagsisilbi ring bilang marshals diyan po sa ating lugar.

And iyong atin pong mga marshals diyan eh permanente po ‘yan ano po. Mayroon po tayong West Field Office na nag-aasikaso po sa lugar na ‘yan ano ho.

And as of now nasa jurisdiction pa rin po ng DPWH iyan pong dolomite beach na ‘yan but as soon as matapos po iyong proyekto at mai-turnover po buo ‘yan sa DENR ay asahan po natin na lahat po ng dapat ipatupad diyan po ay gagawin natin – gaya pong pagbabawal po diyan ng pag-swimming as of now and of course ‘yung pagkakalat po, pagdadala ng atin pong mga alagang hayop bawal pa po ‘yan. And at the same time iyon pong IATF ruling po, ito pong health protocol po natin eh talaga hong ipinatutupad po natin nang maayos diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec. [garbled] fully accessible na sa publiko at itong [garbled] meters beach area at—

DENR USEC. ANTIPORDA: Napuputol po kayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Kung accessible na po ba sa publiko itong 140 meters beach [garbled], Usec.?

DENR USEC. ANTIPORDA: Yes. Oo, accessible na po siya ano po. But noong una po ang ginawa po kasi natin diyan is from 8 o’clock in the morning until 11 ano po na bukas siya tapos isasara po siya at 3 o’clock bubuksan po uli. Ang objective po natin diyan is malinis po para hindi ho kumalat ano po.

But again ito po ‘yung major success na nakamit po ng atin pong pamahalaan wherein napansin po ng DENR na wala po talagang nagkakalat ‘no. Hindi ho ‘yung gaya ng sasabihin mo na iyong mga tao ay pabaya sa pagtatapon ng basura, ngayon po eh mayroon man ho ay minimal talaga.

So basically one of the objectives na na-achieve po natin is ito po ng behavioral change ano po ng tao na kapag ganiyan po ‘no kaganda ang isang lugar eh talaga po nga naman ay pangangalagaan ito at hindi po ito dudumihan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit mo kanina bawal pa rin mag-swimming. Ibig bang sabihin nito hindi pa naaabot [garbled] ideal level noong linis ng tubig, noong bahagi ng tubig na ito?

DENR USEC. ANTIPORDA: Well konti na lang po. [Garbled] nakikita nga po ng atin pong Kalihim na ipinipilit po na bago ho matapos ang administrasyong ito ay maging swimmable na po iyang area’ng ‘yan ano po. Iyan po ‘yung pinipilit ng atin pong Kalihim Roy A. Cimatu na nakikita naman po natin na talagang hindi ho imposibleng makamit natin dahil malaki na po ang ibinaba ng fecal coliform level po ng tubig natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may pahabol lang pong tanong si Joseph Morong. Ulitin lang daw po natin, kailan daw po iyong sched ng opening and closing at how much budget daw po ang nagastos dito sa dolomite?

DENR USEC. ANTIPORDA: Well iyong tungkol po sa opening, dati po ang ibinigay natin is 8 o’clock ‘no – ngayon po ay as early as 5:30 nagbubukas na po ang dolomite beach natin para po roon sa mga early birds natin na nagdya-jogging at nag-i-exercise para ho naman makita naman nila ano po iyan pong lugar na iyan.

And tungkol naman po sa funding, iyon pa rin pong dating funding ang nagastos po diyan na nasabi po natin – iyong 400 plus million po – iyon pa lang po ang nagastos diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano na lang iyong update sa illegal fish pens [garbled] Manila Bay? Noon pong nakaraang buwan ay nag-issue daw po ng pag-dismantle ang DENR sa lugar [garbled] ito ng maliliit na mangingisda. [Garbled]…

DENR USEC. ANTIPORDA: Well hinihintay na lang po namin iyong completion po noong mga demolition order po na manggaling sa mga local government units. Kapag nakumpleto na po ay i-implement na po iyan ano po. Again ipapaliwanag po natin sa ating mga kababayan – doon po sa mga iligal na structure na walang permits, iyon lang po ang gigibain. Pangalawa, iyon pong mga shellfish ano, mga raisers natin, iyong mga magtatahong at magtatalaba hindi po kasali iyan ano po. Tuloy po iyong kanilang hanapbuhay and tutulungan pa po ng gobyerno na magkaroon po sila ng bagong technology para lalong gumanda po ang kanilang ani sa tuwing aani po sila ng kanilang mga talaba, tahong at mga shellfish po.

So within this week po, magkakaroon po ng final meeting ang Manila Bay Inter-Agency po Task Force and—no, the Manila Bay Anti-Pollution Task Force para ho mapagpasyahan na po kung kailan na po i-implement. Tapos na po kasi ‘yung marking noon pong mga illegal structures po.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec., kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at pagsama sa amin ngayong umaga. Nakausap po natin si DENR Spokesperson Undersecretary Benny Antiporda. Salamat, Usec.

DENR USEC. ANTIPORDA: Salamat po, Usec. Rocky, at pasensiya na po talaga sa technical problem. Thank you po.

USEC. IGNACIO: Opo. Samantala, alamin po naman natin ang pinakahuling sitwasyon sa Cebu. Magbabalita si John Aroa:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At dito na po nagtatapos ang isang oras nating talakayan para pag-usapan po ang napapanahong issue sa bansa.

Mga kababayan, 66 days na lamang po at Pasko na.

Muli, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center