Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw ng Huwebes, October 21, usapin sa war on drugs, 13th month at ang nakaambang pagtaas sa presyo ng LPG ang laman ng ating talakayan. Maya-maya lamang ay makakasama natin ang mga opisyal ng pamahalaan na handang magbigay-linaw at sumagot sa mga tanong ng taumbayan.

Mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Mga kababayan, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Kahapon po ay nai-report natin ang pagbubukas ng ika-144 na Malasakit Center sa Marinduque, kasabay nito ay nagpaabot ng pasasalamat ang isa sa mga natulungan ni Senator Bong Go. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Naglabas ang Department of Justice ng naging resulta ng kanilang isinasagawang review sa ilang anti-illegal drug operations ng PNP sa nakalipas na mga taon. At sa pag-imbestiga ng DOJ, may nakita silang butas sa paliwanag ng mga pulis na nanlaban ang ilan sa mga suspek. Para po bigyan-linaw ang iba pang detalye ukol diyan, makakasama po natin si DOJ Undersecretary Adrian Sugay. Good morning po, Usec.

DOJ USEC. SUGAY: Hi! Good morning, Usec. Rocky at good morning sa ating mga tagapanood.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., in general, ano po ang laman nitong matrix na inilabas ninyo sa publiko? Out of 52 cases, ilan po iyong masasabi ninyo na may fault talaga ang PNP officers na sangkot?

DOJ USEC. SUGAY: Alam mo, Usec., base dito sa ni-review namin na 52 cases, most of which are, iyon nga ‘no, na resulted in deaths, out of 52 ‘no sa anti-illegal drug operations. So ang mga nakita lang namin dito karamihan ano, iyong parang hindi sumunod sa proseso ‘no. So iyong mga hindi pagsunod sa coordination with PDEA, iyong hindi pagsunod dito sa kapag may namatay ano, iyong pagkuha ng [garbled] at paraffin test para sa mga namatay at saka iyong autopsy. So iyong mga bagay na iyan ano. At saka parang hindi sumusunod doon sa protocol in terms of iyong mga pre-operation reports, iyong mga [garbled] operation briefing. So may mga bagay na nakita namin na karamihan dito sa mga kaso na ito ay may mga pagkukulang na ganiyan.

Pero lilinawin ko lang ano, iyong aming assessment ay base doon sa [garbled] na binigay mismo o tinurnover mismo sa amin ng Internal Affairs Service ng PNP. At iyong aming nakita dito nga sa mga dokumento na ito ay karamihan ‘no hindi nasunod iyong proseso na itinatakda ng batas at I suppose, iyong rules of engagement ng ating PNP.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pero kung pagbabasehan iyong initial review at ang naging resulta ng second review ng Department of Justice, masasabi po ba o posibleng nakitaan ng [garbled] mga drug cases?

DOJ USEC. SUGAY: Iyong ‘pag tiningnan mo ‘no, puwedeng makita na talagang marami naman dito na siguro lumalabas talagang lehitimo naman na drug buy-bust operation. Although, mayroon mga ilan dito na makikita mo siyempre magdududa ka ‘no, ganoon ba talaga iyon, dahil walang pre-operation report, wala tayong mga coordination sa PDEA ‘no; so lahat iyan ay titingnan.

Pero sa amin, ito ay initial assessment lang naman; ito ang mga obserbasyon namin. At tinurnover nga namin o inindorso namin ito sa NBI para iyong NBI na mismo ang tumingin on a case-to-case basis, alin ba rito iyong dapat panagutin iyong mga na-involved na mga kasama natin na mga taga-PNP.

USEC. IGNACIO: Opo. Wala pong pangalan ang mga sangkot na pulis ang isinama sa isinapublikong matrix ng DOJ. Ano po ang paliwanag ng DOJ dito; ilang pulis officers po ba ang sangkot sa mga kaso?

DOJ USEC. SUGAY: Okay. Usec. Rocky, mahigit ano ito ‘no, mga 150 plus officers ang sangkot dito. Kaya lang hindi namin ito sinulat dito sa aming information table o iyong tinatawag ninyo nga na matrix ‘no kasi [garbled] considerations iyan ano. Iyon mga pulis na ito ay siguro dapat ‘no lalabas naman ang pangalan nila ‘no. Kung ang NBI ay nakita o may nakikitaan dito na mga dapat na kasuhan na mga police officers, siyempre pagsampa niyan sa piskalya, at kapag umabot sa korte, lalabas iyong mga pangalan niyan. But in the meantime, hindi namin sinama iyan ‘no para bigyan naman … bilang pagrespeto sa kanilang right to due process.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., may mga police officers ba na ito ay talagang napatawan na ng karampatang suspensiyon o pagsibak sa tungkulin during the course of the investigation?

DOJ USEC. SUGAY: Okay. Iyang mga kuwestiyon na iyan kasi, Usec. Rocky, hindi tiningnan iyan. Ang aming ginawa rito ay determinahin kung mayroong criminal liability or possible criminal liability itong ating mga pulis. So as far as iyong administrative liability is concerned, I think this [garbled] that is best addressed to the Philippine National Police through their Internal Affairs Service.

So wala kaming ano ‘no, hindi namin saklaw ng aming pagsisiyasat iyang isyu ng administrative liability at kung napatawan nga ng karampatang mga administrative penalties itong ating mga na-involve na kasama sa PNP.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may ilang nagkomento na diumano’y mababaw at nakukulangan sa inilabas na review ng DOJ. Kailangan pa umano ng deeper build up [garbled] case, anong masasabi ninyo dito?

DOJ USEC. SUGAY: Alam ninyo, ito naman, iyong tinurnover sa aming ng IAS na dokumento, marami naman, kumpleto naman siya. Marami namang mga ebidensiya na nakalap din ng IAS, bagama’t iyon nga, napansin namin maraming mga kulang na mga test results, sa mga autopsy, ganiyan. Pero mayroong mga statements ng mga ibang testigo, mayroong mga ibang klaseng ebidensiya na nandito na nakasama doon sa mga case files ‘no.

So, base diyan at siguro kung makikita ninyo naman na information table, we have matrix. Medyo malalim naman iyong nakita naming mga obserbasyon ano at saka ito kaso base rin sa mismong naging obserbasyon ng IAS ‘no.

At saka maipunto ko lang ano, actually, iyong iba rito mayroon ng mga nasampahan dito ng mga kaso ‘no, kasama dito sa information table na ito. Kasama na rito iyong kaso against iyong Spanish national ano, sa Siargao ‘no, so, nakasuhan na actually iyong mga pulis na involved dito. At iyong kaso noong dating aide ng dating congressman ng Biliran na si Congressman Glenn Chong ano, naging police officers ito ‘no.

So, actually, mayroon nang mga kaso rito ano at supisiyente naman iyong nakita [garbled] para sampahan ng kaso iyong mga dapat sampahan. Pero nasa sa NBI na iyon kung gusto nilang magdagdag pa, case build-up sabi nga, kung gusto nilang magtawag ng mga witnesses, kung magkalap pa ng ebidensiya, nasa sa kanila na iyon at ipapaubaya na namin iyon sa NBI bilang aming law enforcement arm.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero isa na po ang NBI dito sa naging utos ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na i-pursue ang imbestigasyon at pagkakaso para sa mga drug war cases na ito?

DOJ USEC. SUGAY: Oo, malinaw iyong naging direktiba ni Secretary. Sabi nga niya sa NBI, kung anong kailangan ninyo, kung kailangan ninyo pang ipatawag maski iyong mga kaanak lalo na ng mga namatay, iyong mga naiwan ano at saka itong mga kung sino pang testigo,

At saka sabi nga ni Secretary sa kanila, ang direktiba malinaw, where the evidence leads ano. Kung saan tutungo ang ebidensiya at kung sino iyong dapat kasuhan ay kasuhan natin.

USEC. IGNACIO: Pero how about iyong resulta daw po noong first review ninyo, Usec., na kinabibilangan ng mga nasa 300 kaso, kailan daw po mailalabas ang matrix nito?

DOJ USEC. SUGAY: Okay. Iyang una naming review, gumawa kami ng report niyan at iyan ay isinumite namin direkta sa Presidente ‘no. So, sa Office of the President iyan, so, nasa sa kanila na iyan kung kailan iri-release ano, nasa Presidente na iyan.

Sa ngayon, ipinauubaya namin sa kaniya, kamukha itong nangyari rito, itong information table na ito, ano ito eh, mayroon namang direktiba ang Office of the President na i-release na ito. So, kung magkaroon din kami ng direktiba doon sa unang report, ire-release din namin iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ngayong naisapubliko na ang matrix kaugnay sa review ng drug war, ano na po ang sunod na mangyayari? May mga sunod na drug war case po ba na target pang review-hin ang Department of Justice?

DOJ USEC. SUGAY: Oo, Usec. Rocky, mayroon pa. Anim na libo iyan eh ‘no na natitira na kailangang tingnan ano, marami iyan ‘no. Pero sabi nga masyadong marami iyan so we have a few months to do it, so ang napag-usapan namin nila Secretary dito sa loon ng DOJ, siguro nararapat na mag-concentrate tayo on certain urban areas ano.

Kung titingnan ninyo itong information table, makikita ninyo wala rito ang Visayas ‘no and maybe just some areas sa Bicol Region, ganiyan ano, maybe some areas in Mindanao or in NCR. So, ang gagawin natin, ang direktiba ni Secretary, maybe we should go after cases doon sa mga urban areas ‘no at nang talagang let’s concentrate on reviewing those case folders, those case files.

So, si PNP Chief naman nagpahayag nang kaniyang willingness at readiness to make available itong mga case records na ito sa DOJ. So, iyan ang gagawin namin, Usec. Rocky, in the next few months. Magri-review pa kami ng mga case files hinggil dito sa mga namatay as a result of an anti-illegal drug operations, [unclear].

Tuluy-tuloy naman sila ano. Sabi nga noong kanilang prosecutor, na iyong bagong prosecutor I understand, that they will continue with the investigation. So, sa amin, kami rin naman dito sa DOJ tuluy-tuloy lang din iyong trabaho namin dito. Kung anuman iyong naibigay sa amin, ire-review namin and give the proper recommendations.

Ngayon, kamukha nitong information table na ito, itong matrix na ito kung gusto nilang gamitin, nasa sa kanila iyon ano, nasa ICC na iyon. Sabi ko nga, this is already part of, well, iyong open source information ano dahil isinapubliko na ito eh. So it’s available to anybody who maybe minded to look into this and to use this for kung anong mga purposes man ang gusto nila

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon at pagbibigay-linaw, Undersecretary Adrian Sugay ng Department of Justice. Salamat, Usec.

DOJ USEC. SUGAY: Salamat, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Mas hihigpit pa ang sinturon ng mga mamimili dahil kasabay po ng pagtaas sa presyo ng [garbled] inaasahang tataas sa susunod na buwan ang presyo ng LPG. Para po pag-usapan iyan, makakausap po natin si Congressman Arnel Ty, ang representative ng LPGMA Party-list.

Good morning po. Good morning po, Congressman Ty.

LPGMA REP. TY: Opo, good morning po.

USEC. IGNACIO: Congressman, patuloy po ang pagtaas ng [presyo] ng produktong petrolyo kaya inaasahan rin iyong dagdag-presyo sa LPG sa susunod na buwan? Nasa magkano po ba ang posibleng itaas at paano po ba ito dapat paghandaan ng ating mga consumer?

LPGMA REP. TY: Opo. Iyon ho kasing international market price sa pandaigdigang pamilihan ay patuloy hong umaangat/tumataas. Iyon po iyong atin hong mga anunsiyong ito ay paghahanda lamang. Ang effectivity po nito, ang impact po nito ay sa susunod pong buwan pero minarapat na lang po namin na abisuhan ang mga consumer para ho makapaghanda lang.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Congressman, pang-ilang taas-presyo na ito ng LPG ngayong taon at magkano po ang nagdagdag sa kada tangke ngayong 2021?

LPGMA REP. TY: Opo. Mula po ngayong taon ng 2021, ang katumbas po ng naidagdag mula po noong pinakamababang presyo noong nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan po ngayon ay halos mga kumulang P450 na po ang naitaas sa isang tangke ng LPG.

USEC. IGNACIO: Pero Congressman, damay din ba iyong mga Auto LPG, tama po ba? At kung damay ito, magkano po ang increase dito, Congressman?

LPGMA REP. TY: Opo. Sa Auto LPG, kasama rin po ito pero dahil ang Auto LPG naman ay napakaliit na lang ho ng consumer percentage po niyan or consumption percentage po niyan, pero ang increase naman po niyan ay per liter, so lumalabas po kapag po ang ating LPG ay may kabuuan ng around sa buong taon ho, iyong itinaas ho ngayong taon na ito ay umaabot ng mga around P48 na po ang naitataas bawat kilo, sa Auto LPG ho mga halos kumulang mga P23 ho iyan per liter.

USEC. IGNACIO: Opo. By December ba [garbled] o may nakikita tayong rollback, Congressman? At kung tataas pa rin, hanggang kailan dapat asahan itong pagsirit ng presyo sa liquefied petroleum gas?

LPGMA REP. TY: Mahirap na ho kasi ngayon i-project ang presyo ng petrolyo dahil nagkaroon ng abnormality dito sa pandemya na ito kaya po kami ho personally hindi na ho namin ito mabigyan ng forecast eh kasi ho kahit na iyong international market at saka iyong mga forecasters po ng mga pagpipresyo ng LPG hindi na ho nila nagagawa ngayon na mahulaan o tumama sila doon sa kanilang forecast dahil sa magalaw po masyado ang presyo ng petrolyo sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Nitong October 14 po, Congressman, nilagdaan naman po ni Pangulong Duterte itong LPG Industry Regulation Act. Once na maging effective ang nasabing batas, ano pong uri ng [unclear] naman ang maitutulong nito sa ating mga consumer?

LPGMA REP. TY: Ang maganda ho diyan sa batas na iyan ay magagarantiyahan po nila ang proteksiyon ng consumer. Ibig sabihin, makakapamili ho nang maluwag ang ating consumer kung sino ho iyong may mas maayos o mas mababang presyo o kaya mas maayos na serbisyo.

Ibig sabihin, hindi ho sila tali doon sa hawak nilang cylinder [tank] na iyon, kasi sa ngayon mahirap ho kasi magpalit kasi ipinagbabawal ng batas na palitan mo iyong tangke ng ibang brand at nakakasuhan ho iyong mga kumpanya na gagawa niyan.

Kaya ho sa batas na ito ina-allow po iyan na palitan ho ng kahit na sinong player ang isang tangke at mayroong hong swapping agreement or [unclear] industry po ay magkakaroon ng swapping concept kaya para po sa consumer na end-users po natin, mas magiging mas convenient ho sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. Speaking of swapping program sa ilalim po ng nasabing batas ay hindi naman po ba makakaapekto ito sa fair competition ng local industry players at paano rin po matitiyak na maiiwasan iyong bentahan ng counterfeit LPG tank?

LPGMA REP. TY: Opo. Iyan po ‘yung kainaman ho doon sa batas na iyon dahil sa binigyan ng convenience ang consumer, nilagyan naman ho ng isang mahigpit na parusa doon ho sa mga players na hindi ho tumutupad o sumusunod doon sa patakaran ng pagninegosyo. Ibig sabihin mauuna pong—hindi kagaya ngayon kapag ikaw ay nag-violate, ikaw ay kakasuhan bago ka ho isara; ibig sabihin eh mayroon na ho dapat na desisyon ang korte bago po kayo maisara. Dito ho sa batas na ‘to, upon filing pa lang ho ng kaso sarado ho muna iyong establishment at kailangan ho muna na matapos muna ang kaso – kung siya ay acquitted at mapawalang-sala, saka lang ho siya puwedeng magbukas ng tindahan.

Kaya iyon ho ‘yung kaibahan kaya po may proteksiyon ho talaga ito sa consumer at the same time binibigyan din naman ho ng kombinyente ang consumer. At the same time kapag mayroon hong convenience na for the consumer to choose whatever brand na gusto niya eh makakapamili ho siya. Ibig sabihin, makakahanap siya nang mas bagay o mas mababang presyo para sa isang consumer.

USEC. IGNACIO: Opo. Congressman, paano po ba makakatulong sa mga Pilipino, ano po lalo ngayong nagtaas po ‘yung presyo ng petrolyo? Mayroon po bang clause dito na price regulation in times of crisis?

LPGMA REP. TY: Mayroon ho sa batas sa kasalukuyan iyon na kapag nasa pandemya, halimbawa po, ngayon nasa pandemya ho tayo, iyon nga lang ho may limitasyon. Ibig sabihin na-avail na po kasi iyan in the na mayroon hong 30 days na hindi ka puwedeng magtaas – after that wala na hong magagawa kundi talagang kailangan sumunod na tayo sa presyo po ng pandaigdigang pamilihan. Iyon po ‘yung hanggang sa kasalukuyan may batas ho tayong ganoon.

Pero dahil napakahaba ho kasi nitong pandemya eh hindi ho ito kagaya kapag may bagyo eh ilang araw lamang iyong bagyo – at least kapag sinabi ng gobyerno nasa calamity ang isang lugar, bawal ang magtaas ng isang buwan, okay lang ho. Pero ngayon ho kasi halos magdadalawang taon na tayong nasa pandemya eh kaya po ‘yung—hindi na ho naramdaman ng consumer iyon bang pribilehiyo na naibigay na ho ng batas, iyong protection po na hindi gumalaw ang presyo ng isang buwan.

USEC. IGNACIO: Congressman, sa ngayon po ba may mga reports pa na nakakarating sa inyo tungkol sa [garbled] ng bigat o dami ng laman ng LPG o kaya importation ng mga secondhand na tangke; kung mayroon man po, ano po ‘yung dapat gawin ng publiko para mapigilan o masawata ito?

LPGMA REP. TY: Ang kagandahan ho sa ngayon, naging mahigpit po ang Bureau of Customs since nitong nakalipas na mga taon. Sa ngayon ho wala na ho kaming namu-monitor na mga secondhand na surplus cylinder from Japan. Ito po ngayong mga umiikot ngayon sa merkado, ito na po ngayon ‘yung mga manufactured local cylinders at saka iyong imported brand new cylinders.

USEC. IGNACIO: Uhum. Congressman, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Congressman Arnel Ty ng LPGMA Partylist, mabuhay po kayo!

LPGMA REP. TY: Salamat po.

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, binisita ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang mga nasalanta ng Bagyong Jolina sa Marinduque. Hatid niya at ng ilang ahensiya ng pamahalaan ang tulong para po makabangon muli sa kalamidad. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mas merry ang Christmas para sa ilang manggagawa kung tama at maibibigay sa itinakdang panahon ang 13th month pay. Ano nga ba ang [garbled] na dapat na tandaan ng employers sa pamamahagi nito, pag-usapan natin ‘yan kasama po natin si Undersecretary Ana Dione mula po sa Regional Operations Labor Standards and Special Concerns Cluster ng Department of Labor and Employment. Good morning po, Usec.

DOLE USEC. DIONE: Good morning. Magandang umaga Usec. Rocky at sa ating mga taga-view.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., isa po sa mga benepisyo na maaring matanggap ng isang empleyado kada taon itong 13th month pay, so, ano po ba ‘yung pagkakaiba nito sa bonus na ibinibigay din ng employers?

DOLE USEC. DIONE: Oo, Usec. Rocky, marami kasing mga bonus na binibigay ng mga kumpanya din. Katulad po ng minsan may agreement sila per iyong kanilang mga CBA, may bonus silang binabanggit; mayroon din ‘yung mga bonus na may kondisyon na ibibigay lamang iyon kung mangyayari iyong isang kondisyon. Pero ito pong 13th month pay, ito po ay mandato sa batas at obligasyon po ito ng employers – iyon po ‘yung pagkakaiba nito.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., para po naman sa kaalaman ng publiko ano; paano po ba kinu-compute ang 13th month pay at tuwing kailan ba ito dapat ibinibigay ng mga employers?

DOLE USEC. DIONE: Iyong ating 13th month pay, ang pagku-compute dito ay sinusuma-total iyong basic salary na napagtrabahuan ng isang manggagawa sa buong taon. Tapos suma-total na iyon tapos i-divide mo by 12 – kung magkano iyong lalabas doon sa formula na iyon, iyon na po ‘yung 13th month pay; ito po ay binibigay, minsan po ‘yung iba ina-advance nila o kaya binibigay nila iyong kalahati bago magbukas ang pasukan; pero dapat lahat buong-buo iyong 13th month pay ay ibibigay before December 21 ng kada taon. So dalawang beses pero iyong iba minsanan lang at binibigay before December 24.

USEC. IGNACIO: Opo, pagdating naman po sa entitlement mula po sa nasabing benepisyo, sino lang ba iyong maaaring tumanggap nito at kasama din po ba sa maaaring makatanggap nito ang mga job orders o contractual employees sa mga tanggapan ng gobyerno at pribadong sector?

DOLE USEC. DIONE: Liwanagin ko po muna na iyong PD 851 na 13th month pay law ay ang coverage niya ay sa private sector lamang. Hindi po sinasakop ang mga taga-gobyerno. So doon sa pribadong sektor, lahat po ng rank-and-file na empleyado na nakapagtrabaho ng isang buwan for the whole year, sila po iyong entitled sa 13th month pay. Sila po iyong kumbaga tinatawag natin na maku-cover ng 13th month pay.

USEC. IGNACIO: Opo. Hinggil pa rin po dito sa usapin na entitlement sa 13th month pay, maaari din bang makatanggap ng 13th month pay iyon naman pong mga empleyadong resigned o separated o terminated sa kanilang trabaho?

DOLE USEC. DIONE: OO naman. Kung ang isang empleyado ay umalis by virtue of resignation, termination bago pa magbayad ng 13th month pay, entitled pa rin sila. Kukompyutin po iyong napagtrabahuhan nila bago pa sila umalis, divided by 12 din, ganoon pa din po iyong matatanggap nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mayroon din bang em0ployers na pinahihintulutan na hindi magbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado?

DOLE USEC. DIONE: Wala po. Nag-isyu ang Department of Labor ng Labor Advisory 28 noong isang taon. Nakalagay po doon na wala pong exemption or deferment ng pagbabayad ng 13th month pay at applicable pa rin po iyan sa ngayon.

USEC. IGNACIO: Pero, ano naman po iyong hakbang na ginagawa ng DOLE para tulungan naman po itong mga negosyong apektado ng pandemya lalo na po iyong mga MSMEs na mahihirapan pong makapagbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado ngayong taon?

DOLE USEC. DIONE: Alam ninyo, gusto ko lang ipaalam na kasama din po ang Department of Labor and Employment sa usapin na iyan at kami po ay kasama sa pag-uusap with the Department of Trade and Industry at napagkasunduan po na magkakaroon ng tinatawag nila na interest-free or soft loan na puwede pong i-access ng mga kumpanya, iyong MSMEs natin sa SB corporation. Ito po iyong isang kumpanya na naka-attach po sa Department of Trade and Industry. So puwede po silang mag-access doon para makabayad po sila ng 13th month pay.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa inyo pong datos, gaano po karaming mga employer noong nakaraang taon po ang hindi nakapagbayad ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado, kung mayroon man po? May mga kaparusahan po bang maaaring kaharapin ang mga employers na hindi makakasunod sa pagbibigay ng nasabing benepisyo sa kanilang mga empleyado?

DOLE USEC. DIONE: Opo, Usec. Rocky. Sa datos namin dalawa iyong tiningnan natin. Una iyong sa ating inspection last year, noong isang taon po ay may mga about 14,000 plus establishments na nakitaan ng compliance or non-compliance doon sa pagbabayad ng 13th month pay. At dito po sa datos namin, mga 90.91% po ng mga na-inspection na establisyimento on labor standards ay nagku-comply. Nagbayad po sila ng 13th month pay. Iyong pangalawang data na sinabi ko ay iyong dito kasi sa 13th month pay, mayroon iyong report on compliance at sa datos po natin, mayroon pong about 16,000 na establisyimento na nag-report sa atin na nag-comply sila doon sa pagbabayad ng 13th month pay.

Ngayon, doon naman po sa nakitaan ng hindi nakabayad about 1,300 establishments, ito po iyong pinuproseso natin na at the end of the day, magbibigay po tayo ng order, iyong ating tinatawag na order of compliance, dahil po violation iyong hindi pagbabayad ng 13th month pay. So ibig sabihin, iyan po iyong ruta na medyo ipupuwersa natin sila na magbayad ng 13th month pay.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong naman po ng ating kasamahan sa media. Mula kay JP Nuñez ng UNTV: May statement daw po recently si Secretary Galvez kung saan sinabi niya o isa sa mga proposal na tinitingnan ng government para mapalawak pa ang COVID-19 vaccination ay ang pag-hire ng mga kumpanya sa mga aplikante na bakunado. Puwede po ba ito or may puwedeng maging violation iyong employer or company at maituturing ba ito na discrimination?

DOLE USEC. DIONE: Palagi naman pong tatandaan ninyo, si Secretary Bello laging nai-interview, lagi po niyang sinasabi na iyong requirement na bakunado ang isang empleyado ay medyo wala po tayong basehan diyan. Wala pong basis in law, so ibig sabihin hindi pupuwedeng gawin ng mga kampanya iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. From Chino Gaston naman po ng GMA News: What are the implementing rules for employers authorized to terminate employment of unvaccinated workers under alert level 3?

DOLE USEC. DIONE: As a basis, iyong unvaccinated as basis of termination, palagi po nating inuulit, sinabi at uulitin na iyan po ay discrimination. And if iyong termination niya, ang sole basis noon ay unvaccinated, hindi po, bawal po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano na po ang update sa investigation ng DOLE sa alleged irregularity sa implementation po sa Palawan?

DOLE USEC. DIONE: Si Sam kung ang niri-refer niya ay doon sa district 2 ng Quezon City, umuusad na po iyan. In fact, dalawa po iyong action diyan. Iyong una criminal case binigay na po namin sa NBI at ayaw ko po silang pangunahan pero umuusad po iyong pagkalap nila ng mga ebidensiya against the perpetrators. Doon naman po sa administrative, may order na po si Secretary sa aming legal unit na i-conduct na po iyong administrative investigation sa aming mga staff na kung may patunay na they are also involved, well, doon sa hindi pagtupad ng mga rules and regulations natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Nai-implement po kaya ng DOLE ang additional security measures for TUPAD implementation tulad ng paglalagay ng QR code sa TUPAD ID? If no, kailan po kaya ito expected na ma-implement?

DOLE USEC. DIONE: Nagpalabas na po si Secretary Bello ng additional implementing rules or iyong strict implementation ng TUPAD. Isa po diyan iyong aming ID ay nilagyan na po ng QR code, lumabas na po iyong aming memorandum sa aming mga regional offices at ongoing na. Ini-implement na po iyan, iyong QR code ng ID, ng mga beneficiary ay lalagyan natin para masigurado natin na iyong beneficiary mismo na nabigyan ng ID ay siya talaga ay nagtrabaho at siya talaga ang kukuha ng sahod.

USEC. IGNACIO: Usec. nasa inyo na po iyong pagkakataon na magbigay ng mensahe sa ating mga manggagawa, pati din po sa ating mga namumuhunan o iyong ating mga employers.

DOLE USEC. DIONE: Tama, Usec. Rocky. Gusto po namin, on behalf of Secretary Bello at sa Department: Sa mga employers, despite po ng ating sitwasyon na sinasabi nating mahirap, eh huwag po nating kalimutan ang ating obligasyon na nakasaad sa batas. Minimum requirement po ito, kaya po we are pleading to the employers, pansinin po ninyo ito; obligasyon ninyo po ito despite ang ating sitwasyon. Doon po naman sa ating mga manggagawa, sana po pag po nakuha natin or nari-receive natin iyong 13th month pay ay sinasabi ko naman na spend wisely. Huwag po nating gastusin ng basta-basta dahil kailangan po nating i-save, i-save po natin iyan para sa mas importanteng pagkakagastusan.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon, Atty. Ana Dione, Undersecretary for Regional Operation Standard and Special Concern Cluster ng Department of Labor and Employment. Salamat po Attorney!

DOLE USEC. DIONE: Thank you, thank you po.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 sa bansa. Base po sa report ng Department of Health, as of 4:00 pm October 21, 2021:

  • Patuloy na bumaba sa 3,606 ang mga COVID cases sa bansa para po sa kabuuang bilang na 2,735,369 dahil naman po sa technical issues ng COVID Kaya system kahapon mababa ang naitalang numero ng mga nakaka-recover at namatay mula po sa sakit.
  • 5 ang naitalang nasawi kaya umabot na sa 40,977 ang total COVID deaths.
  • 228 ang new recoveries kaya umakyat na sa 2,627,331 ang total recovery.
  • Ang active cases naman sa kasalukuyan ay bumaba na sa 67,061 katumbas po iyan ng 2.5% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID sa bansa.

Alamin naman po natin ang mga nakalap na balita mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, puntahan natin si Czarina Lusuegro ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Czarina Lusuegro ng PBS Radyo Pilipinas.

At iyan po ang mga balita at talakayan tampok namin ngayong araw; ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng mga Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Mga kababayan 65 days na lamang po at Pasko na.

Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center