Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Mga usapin tungkol sa pagbabakuna ang ating tatalakayin ngayong umaga – mula sa pagbibigay ng booster shot hanggang sa bakunahan ng ating mga katutubong kababayan, gayun din ang iba pang issues sa ekonomiya ng bansa.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Senator Bong Go ikinatuwa ang pagbibigay ng gobyerno ng fuel subsidies para sa mga apektadong PUV drivers. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Mismong si Pangulong Duterte na ang nag-utos, pabilisin pa ang pagbabakuna sa mga LGU kabilang ang bakunahan sa mga bata, iyan po ang pag-uusapan natin kasama si DILG Spokesperson, Undersecretary Jonathan Malaya. Good morning, Usec.

DILG USEC. MALAYA: Yes. Good morning Usec. Rocky at good morning po sa lahat ng ating tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Usec., may directive po ngayon ang DILG sa mga LGUs tungkol dito sa ‘Vax to Max’ vaccination program. Pakipaliwanag nga po, Usec., kung ano ito.

DILG USEC. MALAYA: Opo. Mayroon tayong tinatawag po na Vax to Max program dahil almost 40 million na po ang available nating bakuna sa bansa at ito po ay naipadala na sa iba’t ibang mga LGUs sa buong kapuluan kaya kailangan po nating pataasin iyong ating current vaccination rate na nasa around 500 to 600 thousand a day on the average; so kailangan po nating gawin ito from that number – 1 to 1.5 million jabs a day.

So kailangan po mag-double tayo, ating mga local government units para po maabot natin iyong 70% of total population target, at least maka-one dose by November 30, 2021 at 70% naman ng total population fully vaccinated by December 31, 2021, before the end of the year.

Kaya pinulong po ng DILG, DOH, ang National Task Force COVID-19 ang mga mayors natin sa Regions III and IV-A kasama na rin po ang iba’t ibang mayors sa priority areas sa iba’t ibang regions sa buong bansa, so lahat ‘yan ay pinatawag po ni Secretary Año, ni Secretary Duque, ni Secretary Galvez para po ibaba itong direktiba na mag-double time sa pag-i-inoculate or pagbabakuna sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ang banta ni Pangulong Duterte ay posibleng managot po ang mga local executives na hindi makasusunod sa pagpapabilis ng bakunahan. May legal repercussions po ba talaga silang puwedeng kaharapin kung sakaling hindi sila makasunod o sumunod sa direktiba?

DILG USEC. MALAYA: Opo, mayroon po. Sunud-sunod po ang in-issue ng aming kagawaran through Secretary Eduardo Año na mga memorandum circular tungkol sa National Vaccination Program at mayroon din po tayong batas diyan, iyong vaccination act natin.

At base po sa Republic Act 7160, ang ating mga local chief executives at kanilang mga department heads na magpapabaya or indifferent or mayroon pong unjustified failure para i-ramp up ang pagbabakuna sa kanilang mga lugar o kaya naman nasiraan ng bakuna ‘no, na nagkaroon ng vaccine wastage ay puwede pong maharap sa mga kasong [garbled] of duty, neglect of duty or kaya naman misconduct.

At mismo po ang DILG ang magsasampa ng kaso sa kanila at puwede po silang masuspinde o kaya naman matanggal sa serbisyo kung mapapatunayan pong nagkaroon sila ng mga kasong ito, kung mapapatunayan po na lumabag sila sa ating Local Government Code at iba pang mga batas.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ano naman po iyong assistance ang puwedeng gawin ng DILG para po matulungan ang ating mga LGU ano po? Tama po ba na inatasan ni Secretary Año ang PNP at BFP na makibahagi sa vaccination program?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Ito po ‘yung mga strategies na puwedeng gawin ng ating nga local government units:

  • Unang-una po pahabain iyong araw ng pagbabakuna, puwede pong gawing up to 6 to 7 days ‘no at kung 8 hours lamang per day, puwede po nilang gawing 12 hours ito.
  • Pangalawa, padamihin po ang ating mga vaccination sites from the gyms to schools; magkaroon po ng mobile vaccination sa mga malalayo pong lugar. Puwede rin pong magdagdag ng mga vaccination teams at iyon pong mga health personnel ay hindi kailangan gumagawa ng administrative task, ito po ay kailangan ginagawa ng mga non-health personnel.
  • At puwede rin pong i-mobilize ang komunidad, engage the community; puwede pong mag-house-to-house, mag-clustering ng mga barangay or mag-schedule ng vaccination per subdivision para po tumaas ang demand.

Ngayon doon naman po sa inyong tanong, Usec. Rocky, tungkol sa tulong na ibibigay ng DILG ‘no. Nagbigay po ng instruction si Secretary Eduardo Año sa PNP at sa Bureau of Fire Protection na iyong mga doktor at nurses ng BFP at ng PNP ay kailangan maging available sa ating mga LGUs sa inoculation nila ‘no. Kasi marami po tayong mga bumbero at mga pulis na may medical background o kaya naman graduate ng medical allied professions, puwede po iyan tumulong sa ating vaccination program.

At inatasan din po ng ating Kalihim ang Philippine National Police na imbestigahan ang lahat ng reports ng negligence ng mga LGUs. At kung magkakaroon man ng report ng wastage ng ating bakuna at hindi nami-meet iyong mga targets na ibinigay ng National Task Force COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit mo iyong pupuwede na mag-house-to-house. Kasi dati ang alam ko nag-house-to-house iyong ibang LGU dahil doon sa mga bedridden o talagang mga senior citizen na hindi na makalalabas; so kapag nag-house-to-house, ano pong guidelines ang ipalalabas ng DILG o DOH para dito?

DILG USEC. MALAYA: Yes. Usec. Rocky, iyong house-to-house po is more of demand generation. Ibig pong sabihin magbabahay-bahay ang ating barangay o ang LGU para alamin kung sino pa ang hindi bakunado ano.

Iyon pong mobile vaccination naman, iyon po ‘yung mayroon tayong bus ‘no or van na umiikot sa mga barangay para makapagbakuna na doon sa mga lugar na iyon.

So iyon pong sinasabi nating house-to-house is more of determine kung sino pang hindi nagpapabakuna at hikayatin o kumbinsihin na sila ay magparehistro at magpabakuna na kaagad sa pinakamadaling panahon.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong lang po si Sam Medenilla ng Business Mirror: Kung may nakasuhan na po kayo na LGU ang DILG for vaccine wastage or failure to meet the vaccine targets; if yes, ilan po kaya?

DILG USEC. MALAYA: Wala pa naman po. Sa awa po ng Diyos, wala pa naman po tayong ganoon. Very cooperative po ang ating mga local government units particularly po dito sa Metro Manila. Wala naman pong pabaya—kapabayaan nating natatanggap na report na mayroong mga LGU na nagpabaya at nagsayang ng mga bakunang ipinadala sa kanila. Ngunit iba na po ang usapan ngayon dahil we are increasing the target to 1 to 1.5 million jabs a day. So ang dami na pong bakuna ngayon na ipinadala sa mga probinsya, so we will be closely monitoring them on their ability to meet the daily target.

Mayroon po tayong daily target na binibigay sa kanila and ‘pag na-meet po nila iyong daily target, we will send more vaccines to them; so iyon po ang tututukan namin in the next few months under the Vax to Max program.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kumusta naman po iyong patuloy na implementasyon ng granular lockdown sa Metro Manila at sa ilang probinsiya sa pinalawig na alert level system sa bansa?

DILG USEC. MALAYA: Okay, Usec., [dumarami na] rin po ‘no dahil low risk na nga po ang buong bansa at ang Metro Manila naman ay nasa medium risk, [effect] na rin po ito sa granular lockdown po natin. Base po sa pinakahuling datos natin from DILG Regional Office of NCR and Regional IATF, nasa 94 areas na lang po ang lugar sa Metro Manila na nasa granular lockdown. Apatnapu’t apat po nito ay nasa Lungsod ng Maynila; 23 ay nasa Marikina; isa lang sa Navotas; siyam ang nasa Pasay; at labing pito naman ang nasa Quezon City. At iyong iba pong mga LGUs sa Metro Manila ay wala nang granular lockdown na currently being imposed right now.

Base naman po sa report ng DSWD response operations ay nakapaglabas na po ang DSWD ng 32,375 family food packs mula pa September 25. Ito pong numerong ito ay na-release na sa mga LGUs sa NCR para nga po sa mga granular lockdowns at para na rin sa ibang kahilingan ng mga LGUs bilang tugon sa ongoing pandemic.

USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko lang po iyong tanong ng ating kasamahan sa media, ano po. Tanong ni Rosalie Coz ng UNTV: Ano po ang tugon ng DILG pagkatapos pong banggitin ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon na hinahayaan na po ang DILG na magpasya kaugnay po ng apela ni Manila Mayor Isko Moreno na sampahan ng reklamo ang DENR officials kaugnay ng dinagsang Dolomite Beach kung saan po nalabag ang health protocols?

DILG USEC. MALAYA: Okay, unang-una po, iyon naman po ay mungkahi lamang ni Mayor Isko Moreno and we are taking that very seriously. Mula po noong lumabas iyong report na napakaraming taong dumagsa sa Dolomite Beach sa Lungsod ng Maynila ay kaagad po nagbigay ng direktiba si Secretary Año sa Manila Police District sa pangunguna ni General Francisco. At ito po ang naging report ‘no, tugon nila, mag-i-implement po tayo ng mga mas mahigpit na regulasyon doon sa access ng tao doon sa Dolomite Beach ‘no. Mayroon po tayong 5-minute rule, maximum 15 minutes, depende sa numero ng tao.

Mayroon po tayong limitasyon ng individuals na papapasukin, maximum of 3,000 individuals only. Iyon pong mga menor de edad, 12 pababa ay hindi na po papapasukin sa loob ng Dolomite Beach. Ang mga PWDs at senior citizens naman ay puwede pong papasukin ngunit mayroon po silang special lane ‘no. Ipagbabawal na rin po ng DILG at ng PNP ang mga vendors along Roxas Boulevard para hindi na po makadagdag sa dagsa ng tao. [Magsasara po] ang Dolomite Beach from October 29 to November 3 and every Friday thereafter for maintenance. Paiigtingin po ang implementasyon ng minimum public health standards at magdadagdag po ng uniformed personnel ang ating kapulisan or NCRPO especially during weekend kasi doon po ang punta ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Rosalie Coz: Ano raw po ang masasabi ng DILG sa mga nagsasabing ipasara na lang po ang Dolomite Beach para po maiwasan ang superspreader event lalo po tuwing weekend kung kailan po dinadagsa ng mga tao?

DILG USEC. MALAYA: Sorry, Usec., hindi ko marinig iyong tanong. Nawalan ako ng audio.

USEC. IGNACIO: Opo, ulitin ko na lang po. Ano raw po ang masasabi ng DILG doon sa mga nagsasabing ipasara na lang po ang Dolomite Beach para po maiwasan iyong superspreader event lalo po tuwing weekend kasi kapag weekend daw po ay dinadagsa ito ng mga tao?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Hindi po kasi proyekto ng DILG ang Dolomite Beach; ito po ay proyekto ng DENR ‘no – Department of Environment and Natural Resources. So sila po ang mayroong hurisdiksyon o kaya naman power to close the Dolomite Beach during weekend. So ipapaubaya na po namin ito sa DENR kung ano ang pasya nila, kung sila ay tutugon sa mungkahing ito. Ngunit kami po sa DILG, we will support them and help them implement iyong napagkasunduang mga regulasyon para nga po maiwasan ang isang superspreader event sa Dolomite Beach.

USEC. IGNACIO: Opo. Panghuli pong tanong ni Rosalie Coz: Ano po ang directive ng DILG sa LGU sa posibilidad na dagsain din po iyong ibang public places tulad ng malls sa Undas bagaman sarado po ang mga sementeryo?

DILG USEC. MALAYA: Okay. Unang-una po, natutuwa po ang DILG sa naging pahayag ng Mayor ng Cebu na sila ay tutugon doon sa panawagan ng ating Pangulo at ng DILG na ipasara ang mga sementeryo sa Cebu. So buong bansa na po ang mag-i-implement ng closure ng lahat ng sementeryo sa panahon ng Undas.

So para po maiwasan naman ang dagsa ng tao sa mga malls, nakikiusap po kami sa ating mga local government units na i-implement nang istrikto iyong mga regulasyon relative to occupancy limitation sa mga malls ‘no. Mayroon pong maliwanag na panuntunan sa dine-in, mayroon pong maliwanag na panuntunan sa dining out or al fresco, depende po sa alert level or community quarantine classification ng local government unit na iyon. So kailangan lang po nating siguruhin na ma-implement iyon, at nagbigay na po ng direktiba si Secretary Año sa kapulisan na maging maagap din at siguruhing mayroon tayong kaukulang numero ng mga pulis na nakakalat para maiwasan po ang mga superspreader events sa panahon ng Undas.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., mula naman po kay Lei Alviz ng GMA News: Handa na po ba ang DILG sakaling ibaba sa Alert Level 2 ang NCR sa November?

DILG USEC. MALAYA: Yes, handang-handa po ang DILG. Handang-handa rin po ang ating mga mayors sa National Capital Region. [Garbled] pinag-uusapan itong alert level system so alam na po ng mga mayors iyong additional capacity na ibibigay natin sa mga establishments na regulated under the alert level system.

At napakaganda naman po ng datos, we have had continuous decrease sa number of cases for the past two weeks and tuluy-tuloy naman po ang ating vaccination program. So a combination of the ramp-up vaccination program, the decrease in cases and the additional deployment of personnel by the Philippine National Police and the LGUs will ensure na magiging matagumpay po ang implementasyon kung saka-sakaling bababa tayo sa Alert Level 2.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po at mabuhay po kayo, DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya. Keep safe po.

DILG USEC. MALAYA: Maraming salamat po, Usec. Rocky at mabuhay po kayo.

USEC. IGNACIO: Samantala, aprubado ng Department of Health ang naging rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council o HTAC na magkaroon ng booster shot para sa ilang nasa priority sector ng pamahalaan. Kunin po natin ang reaksiyon diyan ni infectious diseases expert at vaccine experts panel member, Dr. Rontgene Solante. Good morning po, Dok.

DR. SOLANTE: Good morning, Usec. Rocky. And good morning also to our viewers.

USEC. IGNACIO: Opo. Dok, ano po ang reaksiyon ninyo as pagpayag ng DOH na i-rollout na ang booster shots para sa mga healthcare workers at vulnerable sector base rin po sa rekomendasyon na ng HTAC?

DR. SOLANTE: Well, malaking bagay ito kasi especially for the healthcare workers na talagang nakikita natin iyong mga breakthrough infections especially iyong nabakunahan noong March na nagka-infection sila noong time of surge, August and September. And in fact, mayroon nagka-severe pa rin ‘no. So, this is something na we look forward sa mga healthcare workers na kung mabigay na itong booster sa mga healthcare workers, tataas ulit ang kumpiyansa natin if in case mayroong surge at iyong kumpiyansa natin sa paghawak ng mga pasyenteng may COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Dok, sa palagay ninyo po ay dapat ngang tutukan ang pag-a-administer ng booster shot gayung wala pa po raw sa kalahati ng eligible population ng buong Pilipinas ang bakunado na?

DR. SOLANTE: Sa tingin ko personally, there should be an allocation for the boosters especially sa akin lang ‘no, maski unahin lang nila iyong health care workers at this point in time ‘no dahil hindi naman ganoon rin kalaki ang mga health care workers. Or kung in case sa mga health care workers who are in the COVID referral centers dahil talagang mataas ang risk namin because of the exposure and some of these health care workers also have comorbidities and immunocompromised ‘no.

And I think with that alone ‘no puwede naman nating ituloy pa rin iyong pagbakuna sa mga walang bakuna and the latter, the later mga those sixty years old and above and with comorbidities, siguro later na iyon kung makamit na natin iyong more than 40% vaccination rate sa buong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Ipaliwanag lang din po natin, Doc. So, ano pa daw iyong makukuhang benepisyo sa pagpapaturok po ng booster shot?

DR. SOLANTE: Okay. So, unahin natin dito sa mga nabakunahan noong March. So, kapag naturukan ka ng booster shot babalik iyong protection mo noong dati noong nabakunahan ka ng two dose. So, ibig sabihin mataas ang proteksiyon mo uli when you receive this third dose or booster tapos—you still develop symptomatic but less anymore and your risk also of getting the severe infection will also be less.

So, napakalaking bagay nito dahil ang pinakaimportante pa rin nito is we’ll not be infected, mababa ang risk ng transmission and at the same time hindi tayo makakuha ng severe na COVID.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, iba pa po ba ito sa inirekomenda ring third dose ng HTAC para naman po sa mga immunocompromised people?

DR. SOLANTE: Okay. Iyong sa mga immunocompromised individual, ang tawag dito is the third dose dahil nakitaan doon sa mga pag-aaral na iyong two-dose primary vaccine series ay kulang doon para maprotektahan sila, so, kailangan talaga nila ng additional dose. So, this will now be a primary vaccination series of three doses for the immunocompromised dahil iyong two dose kulang.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero may specific brands lang po na dapat maiturok sa mga immunocompromised people, iyong dapat pong mabigyan ng third dose, Doc?

DR. SOLANTE: Ganoon pa rin. Kung ano man iyong recommendation ng HTAC o kung ano iyong mga bakuna na puwedeng ibigay sa booster, kagaya ng halimbawa those immunocompromised na nabakunahan ng full dose/two dose of Sinovac, ang option natin diyan ay puwedeng mRNA vaccines – Pfizer or a third dose of AstraZeneca, or a third dose of Sinovac?

USEC. IGNACIO: Pero, Doc, ilang days po iyong dapat ay naging pagitan o magiging pagitan ng second dose and third dose?

DR. SOLANTE: Sa ngayon, base dito sa recommendation natin na anytime now kung ma-approve itong booster or third dose, dapat maibibigay na rin. So, that’s still six months after the primary vaccine series.

USEC. IGNACIO: Okay po. Tanong po ni Lei Alviz ng GMA News: Safe ba ang vaccine mixing o pagbibigay ng additional at booster dose ng ibang brand sa unang nakuha? Ideal ba na same brand pa rin po ang ibigay at alin daw po iyong pinaka-optimal?

DR. SOLANTE: Okay. Sa ngayon kasi in terms of safety, mayroon ng mga data although malimit pa rin iyong mga data na in terms of the safety kasi kaunti lang naman ang mga gumagawa ng study nito, wala pa tayong mga real world effectiveness data so… so far naman the adverse reaction even if you do the mix and match, it’s still tolerable and it’s really safe.

In terms of immunogenicity, kasi ang basehan dito iyong pagtaas lang ng antibody, wala pa tayong basehan dito regarding kung na—iyong outcomes. So far, mataas ang antibody na napu-produce kapag ang ibakuna is a mix and match compared doon sa tinatawag nating na homologous boosting.

But again, ang paniwala ko dito, there should be no preference at this point in time as long as any of these vaccines whether it’s a mix and match or homologous, they can be boosted. So, nakikita natin na nagdagdag or nakukuha pa rin iyong antibody na ini-expect natin with the third shot.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, final na po ba o pinal na iyong listahan ng mga vaccine brands na inilabas—kung may inilabas man ang DOH noong isang araw na gagamitin for booster shots at ibig sabihin din po ba nito ay hindi na hihintayin iyong clinical trials ng DOST tungkol po sa vaccine and mix and match?

DR. SOLANTE: Well, ang talagang priority natin ngayon ay maibibigay na ito dahil mayroon naman tayong data on immunogenicity ‘no. So, iyong sa mix and match ng DOST itutuloy pa rin natin iyon pero at this point in time hindi na natin hihintayin iyon para lang basehan natin kung sa mix and match na ibibigay as booster or third dose dito sa current recommendation ng HTAC?

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ulit ni Lei Alviz: Ano po ang feedback dito sa Pilipinas sa gamot na Molnupiravir na humihingi na po ng emergency use authorization sa ibang bansa at ginagamit ng ilang ospital dito sa bisa po ng compassionate special permit?

DR. SOLANTE: Okay. So, malaki ang feedback in terms of acceptance especially sa mga doktor ngayon because the data na nakita natin sa Molnupiravir na it can prevent iyong mga mild to moderate, ma-prevent niya na mag-develop ng severe infection.

In fact, balita ko rin marami na ring mga pharmaceutical companies sa Philippines na are really planning to procure this Molnupiravir and this will be an important drug moving forward especially when [garbled] prevent those highly-risk population ‘no, iyong mga may comorbidities, sixty years old and above or even [garbled] na they will not develop the severe infection if [garbled] moderate which is the indication of this Molnupiravir.

USEC. IGNACIO: Panghuli pong tanong ni Lei Alviz: Paano pong mapapanatiling mababa ang mga kaso lalo ngayong papalapit na ang holiday season? Ano daw po ang mga dapat gawin at ipaalala sa publiko?

DR. SOLANTE: Personally, ang nakita ko dito is when we have this Christmas season, ang talagang tradition natin iyong mga gatherings ‘no, so, on that note, still warn the public na kung magga-gathering tayo we need to protect our vulnerable population. As much as possible if we can make the gathering only for a very few people and fully vaccinated and protect the vulnerable as much as possible, not join the gathering, siguro isa iyan sa mga parte na talagang oobserbahan natin ‘no because gathering and close contact are two important factors why there is an increased transmission of the virus.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon, Dr. Rontgene Solante ng DOST Vaccine Experts Panel. Stay safe po.

DR. SOLANTE: Thank you.

USEC. IGNACIO: Kahapon ay nakapagtala ang Department of Health ng:

  • 4,393 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong kapuluan. Bahagyang mababa iyan kumpara sa naitala noong Lunes.
  • Dahil dito, umabot nasa 2,765,672 ang lahat ng nahawaan ng virus sa Pilipinas.
  • Nasa 8,470 naman po ang mga bagong gumaling o sa kabuuang 2,669,953 new recoveries
  • Habang 42,077 naman po ang lahat ng nasawi matapos itong madagdagan kahapon ng 135.
  • Patuloy pa rin po ang naitatalang pagbaba ng active cases sa bansa. Base po sa pinakahuling datos, 1.9% na lang ito ng total cases o katumbas ng 53,642.

Muling namahagi ng ayuda ang tanggapan ni Senator Go kasama ang ilang ahensiya ng pamahalaan para po sa libu-libong residente sa mga bayan ng Balangiga at Lawaan sa Eastern Samar. Panoorin po natin ito:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Looking forward po ang mga negosyante sa papalapit na holiday season, kung kailan inaasahan nilang makakabawi sa pagkalugi nitong nagdaang halos dalawang taon. Kaya naman ngayong bahagya nang nagluluwag ang restriction sa bansa, kumustahin po natin ang retail industry sa bansa kasama po si Philippine Retailers Association President Rosemarie Ong. Good morning po sa inyo, Ma’am.

PRA PRESIDENT ROSEMARIE ONG: Good morning, Usec. Rocky, it’s nice to be here. Good morning sa lahat ng mga manunood.

USEC. IGNACIO: Miss Rosemarie, kumusta po ang sitwasyon ng mga retailer sa bansa nitong mga nagdaang buwan? Hopeful po ba tayo na ngayong huling quarter ng taon ay makakabawi naman po kahit papaano iyong ating mga business owners lalo na sa holiday season?

PRA PRESIDENT ROSEMARIE ONG: Tama ka, Usec. Rocky ‘no, very hopeful talaga tayo, we are expecting that we will be better this last quarter of the year ‘no. Lalung-lalo ngayon, umpisa na ng pagsa-shop di ba. Alam naman natin na kapag dumarating na iyong ‘ber’ months ‘no. This is the most anticipated time of the year, not only for retailers, pero sa lahat ng ating mga kababayan. Alam naman natin na ang Pilipinas talaga is a consumption-driven economy ‘no. so we are hopeful and we expect na it would be better and hopefully even stronger pagtapos ng taon. What I have heard ‘no, marami na daw talagang nabakunahan sa mga kababayan natin at nakikita naman natin pababa nang pababa ang cases ‘no. So iyon umaasa kami na sana makabawi naman ang mga negosyante, itong katapusan ng taon. So, iyon ina-anticipate namin.

USEC. IGNACIO: Opo. Miss Rosemarie, focusing po dito sa Metro Manila ano po. Ngayong naka-alert level 3 tayo at somehow may paggaan po sa restrictions, nagri-reflect na po ba ito sa kita ng retailers at small business owners natin?

PRA PRESIDENT ROSEMARIE ONG: Earlier kausap namin iyong ibang mga kasamahan namin sa retail, especially iyong mga sectors na talagang na-challenge sila. Alam naman natin di ba, mayroon tayong mga kina-classify na non-essential sectors. Ang magandang balita nila, slowly bumabalik na ang mga shoppers, in fact iyong mga physical stores natin binibisita na ‘no. I’m sure alam naman natin mula noong nag-announce ng alert level 3 there was more mobility, there was increased mobility and we see more shoppers going to the malls now. At nakakatuwa naman at nasabi na nga nila na nakakabawi na daw sila. In fact, for the past months, di ba nagni-negative sila, puro daing talaga iyong ating mga negosyante ‘no. Pero ngayon ang nababalitaan ko, ang sabi nila, ang inaasahan nila, kahit mag-break even man lang sila, itong hanggang katapusan ng taon ‘no. So that is a good sign ‘no.

USEC. IGNACIO: Opo, pero kumusta naman po iyong pagpapatupad ng health and safety protocols, may mga challenges po bang nararanasan dito hanggang ngayon?

PRA PRESIDENT ROSEMARIE ONG: I am proud to say ‘no, majority of our members, alam naman natin ang PRA ‘no, bahagi kami ng ‘A dose of Hope’ program ng Go Negosyo di ba. Headed by PA Joey Concepcion, kasama natin iyong ibang agencies ng gobyerno di ba. So ang ating mga establishment, retail establishment, lalung-lalo na iyong mga miyembro namin, I am proud to say 100% of the employees are all vaccinated and alam naman natin na ang mga shopping centers, ang mga malls and even the retail outlets, sumusunod talaga kami sa mga protocol. Lalung-lalo na depende kung anong alert level. Kapag sinabi ng ating gobyerno na kailangan naming mag-reduce ng capacity, kung kinakailangan naming mag-ano, sinusunod naman namin iyon.

And even though ngayon, nakikita natin, there is greater mobility, patuloy naming pinaalalahanan ang lahat ng mga miyembro na we should not let our guards down. We should still follow the minimum health protocols ‘no, iyong social distancing na sinasabi natin at saka ito iyong pina-flash nga ninyo sa screen, iyong one meter away distance ‘no. So that is really very important ‘no, kahit sabihin pa naman natin na 100% vaccinated and one of the requirements din sa mga bumibisita, lalo na sa mga dine-in restaurants, kailangan bakunado sila. Pinapatupad pa rin natin iyong mga safety protocols, lahat ng mga pumapasok sa mall or sa mga establishments, kailangan naka-face mask pa rin sila at naka-face shield ‘no, lalung-lalo na kung indoor ang pinag-uusapan natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Miss Rosemarie, sa magdadalawang taon ng pandemya, natuto na rin po bang mag-adapt ang ating mga retailers at small business owners sa bansa? Halimbawa lang po dito sa pag-venture sa online platforms at digital transaction. Ito bang ganitong sistema ay here to stay na sa palagay po ninyo?

PRA PRESIDENT ROSEMARIE ONG: Of course, hindi pa rin natin dapat balewalain iyong relevance ng ‘brick-and-mortar’ ‘no. But aminado tayo na talagang malaki ang nangyari, iyong impact talaga nitong pandemic, malaki ang naging impact sa retail. So marami tayo na mga strong sila sa ‘brick and mortar’, they were able to thrive and survive through iyong digital transformation nga. And a lot of retailers, alam naman natin na ang innovation at technology, ito na iyong partner ng mga retailers ng mga ‘brick and mortar’ stores even before COVID. Alam naman natin na pinag-uusapan na natin iyong mga fourth industrial revolution. Iyon nga lang na-accelerate siya during this pandemic. At I think tama ka, Usec. Rocky ‘no. It will stick, but of course, we have to recognize also the relevance of the brick-and-mortar ‘no.

Earlier nga, I was in a forum ‘no, Sales Force was peaking ‘no, was presenting to us. And ang nakikita natin sa trend all over the world. For example na lang iyong one of the Apex Predators, like Amazon ‘no. Amazon has been building iyong mga retail stores pa rin, physical stores to support and augment iyong digital initiatives niya ‘no. Kasi importante rin naman ang physical store, this will be the fulfillment center ng ating mga digital platforms ‘no.

Kagaya ng ginagawa naming mga retailers, we invested heavily in the physical store and brick-and-mortar. But during this pandemic, ginamit namin ang aming mga tindahan, para maging last mile delivery or fulfillment center and it will provide convenience also, even if you are online, sinasabi natin, iyong internet economy. So iyong convenience na ipu-provide natin sa ating costumers, in case they want, let say to return an item at makita rin nila iyong physical na look ng isang produkto ’no. So ang Masasabi ko, itong pandemic talaga, it highlighted the limitations and the advantages of both platforms ‘no.

So nag-provide siya ng option sa ating mga costumers, when times that are, you know restricted, people are restricted to move, di ba, iyong na-experience natin na nagka-surge. They have an option to go online and still continue iyong service naming mga retailers ‘no.

But now na medyo nag-i-ease na ‘no, people still want to have that sense of touch and feel of the merchandise ‘no. So that highlighted the limitation also of the online store. So, by-enlarge ang gusto kong ipunto dito, iyong online at iyong physical they have to complement each other, they have to support each other. Kasi kailangan din namang mabuhay ng ating mga malls, ng ating mga retailers na nag-invest din sa kanilang mga physical stores.

So, it would be complimentary for both platforms ‘no, and alam naman natin the more you are, the more you are presents in many channels the better it is for the retailers ‘no. Kasi, talagang with this digital age talaga you have to be in every channel, you have to provide convenience sa ating mga costumers.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Ms. Rosemarie, ano po mga pagbabago sa trends in terms of supply and demand dahil sa pandemya? Mayroon po ba kayong nakikitang industriya na posible pong lumakas pa, yumabong at mga industriya na posibleng naman pong mahirapan na talagang makabalik on track?

PRA PRESIDENT ROSEMARIE ONG: Well, I think kaya nga eh. Ito lang ang gusto kong ipunto ‘no, iyong di ba during the pandemic nag-classify tayo, mayroong essential, non-essential ‘no, kung tutuusin no, pre-pandemic, pre-COVID lahat naman yan essential eh di ba? Iyong sinasabi natin na non-essential palagay natin iyong mga items na luxury, iyong mga items like for example shoes, apparels di ba parang hindi natin sila kina-categorize as essentials but you know importante rin sila eh di ba. Those are hygiene factors.

So, I would say, siguro what would stick would be ang mga consumers since kagagaling lang natin dito sa ganitong sitwasyon sa pandemic, they will more discerning, they will be more practical sa pag-spend nila ng pera no.

So, siguro tuloy-tuloy pa rin, mamimili pa rin ang tao pero, makikita natin iyong shift no sa, iyong shift into more practical ticket items. Ang nakikita natin trend talaga ngayon ang tao no na-realize talaga kung ano iyong mga… na-draw nila iyong line on what is really important and essentials ‘no, nalaman natin na ito palang pandemic na-realize natin kung ano iyong mga things that matter to us no, iyong mga simple things.

in fact, sa amin sa home improvement sector no, natutuwa naman kami na tuloy-tuloy  pa rin iyong negosyo no kahit sabihin pa natin na naharap tayo sa mga sitwasyon na very challenging like siyempre iyong mga workers lalo na sa constructions, sila iyong mga na-expose, sila iyong talagang vulnerable di ba?

So, there was a time na talagang naging istrikto, we have to hold iyong mga constructions no, nakita naman natin iyong mga kababayan natin na noong na-confine sila sa bahay nila, na-realize nila na importante talaga iyong bahay and they did a lot of re-configurations no.

In fact, ngayon nasasanay na rin ang tao sa work from home arrangement at iyong for a while di ba nakita natin iyong pag-aaral, iyong eskuwela, iyong distant learning na-apply natin itong pandemic. So, in every aspect of our life, nakita natin iyong impact talaga ng technology, ng digital and even the way we govern ng ating gobyerno ‘no, nakapagpatuloy kayo ng serbisyo through digital initiatives.

So, ang ekonomiya natin tumakbo through digital and even our health system no, nakita naman natin iyong pagpapa-checkup natin tele-consulting na ang in-apply natin.  So, I think it would stick but it will be still more hybrid no, kailangan pa rin ng tao na mag-socialize, kailangan pa rin natin ng in person engagement for some sector I would say ‘no.

So, in a nut shell siguro everything would recover now once everything gets back to normal and hopefully nakikita natin at hindi na siya magtatagal na makakabalik tayo sa normal, given that you know, our government really is pushing for… napakinggan ko iyong maximum vaccination program and we’re talking about giving boosters na doon sa mga kailangan mabigyan ng booster like the vulnerable and of course the health care workers no.

So, naniniwala ako na we will come out stronger lalung-lalo na ngayon nakikita natin ang mga tao medyo mataas na iyong confidence level nila ‘no, confidence level in whatever we’re doing ‘no, iyong sa ekonomiya natin and even the administration of iyong mga vaccines ‘no and nakita natin naka-build din ng confidence iyong pagbaba ng kaso ng nai-infect ng COVID.

USEC. IGNACIO: Alright, maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng impormasyon at pagsama sa amin ngayong umaga, PRA President Rosemarie Ong, keep safe po ma’am.

PRA PRESIDENT ROSEMARIE ONG: Maraming salamat USec. Rocky, and keep safe din po. Thank you.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Nag-inspection si MMDA Chairman Benhur Abalos, sa ilang terminal ng pampublikong transportasyon dahil sa inaasahang pag-uwi ng mga kababayan natin ngayong mag-Undas. Live mula po sa PITX si Karen Villanda:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Karen Villanda. Puntahan naman po natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service mula sa iba’t ibang lalawigan sa bansa. Ihahatid po iyan ni John Mogol, mula sa PBS Radyo Pilipinas, John.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Binawi ng Cebu City Government ang kanilang pahayag na bubuksan ang mga sementeryo sa lugar para sa mga fully vaccinated individual. Tatalima na sila sa kautusan ng IATF na ipasara ang mga sementeryo ngayong darating na Undas. Ang report, hatid ni John Aroa:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa Davao City naman, patuloy na hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang kanilang mga kawani na mahigpit na sundin ang health protocols matapos pumalo sa higit pitongdaang empleyado nito ang nagkasakit sa COVID-19. May ulat si Julius Pacot:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner-agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

At diyan na po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ipagpatuloy po natin ang mask, hugas, iwas at bakuna para sa mas masayang Kapaskuhan lalo’t 59 days na lamang po Pasko na.

Ako pong muli ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Magkita-kita tayong muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)