Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

SEC. ANDANAR: Magandang umaga, Pilipinas at sa lahat ng ating mga kababayan sa iba’t ibang panig ng mundo. Muli tayong magkakasama para pag-usapan ang iba’t ibang maiinit na usapin sa bansa ngayong Araw ng mga Kaluluwa, ako po ang inyong lingkod, Secretary Martin Andanar. Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Secretary Martin. Ako naman po si Usec. Rocky Ignacio. Tampok natin ngayong umaga ang mga usapin tungkol sa unpaid salaries ng ating mga OFWs sa Saudi Arabia, validity ng driver’s license at iba pang mga balita pagdating po sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa.

SEC. ANDANAR: Kaya simulan na natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Una sa ating mga balita: Bilang Chairperson on Senate Committee on Health, ikinatuwa ni Senador Bong Go ang pagdating ng kabuuang isandaang milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas. Asahan pa raw ang pagdating ng mga dagdag pang bakuna bago matapos ang taon. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang huling tala ng COVID-19 cases sa bansa. As of 4 P.M. kahapon, umabot na sa kabuuang bilang na 2,790,375 ang mga nagka-COVID-19 sa Pilipinas kung saan naitala ang 3,170 na mga dagdag. Five thousand one hundred twenty-four naman po ang bilang ng mga bagong gumaling kaya umabot na ito sa 2,703,914 total recoveries. One hundred four naman po ang nasawi o suma tutal na 43,276 total deaths. Forty-three thousand one hundred eighty-five o 1.5% ng kabuuang kaso ang nananatiling aktibo sa ngayon at kasalukuyan pang nagpapagaling.

Huwag po kayong aalis at magbabalik pa ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

SEC. ANDANAR: Noong Linggo ay inanunsiyo ng DOLE na inaasahang babayaran na ng bansang Saudi Arabia ang nasa 4.6 billion pesos unpaid salaries ng mga kababayan nating OFW na napilitang umuwi noong 2016 at para alamin ang update tungkol diyan ay makakausap po natin ngayong umaga si Administrator Hans Leo Cacdac ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA. Magandang umaga po sa inyo, sir.

OWWA ADMINSTRATOR CACDAC: Good morning, Sec. Mart at sa inyong mga tagapakinig, tagapanood, magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Good news po itong ibinalita ni Secretary Bello para sa mga kababayan nating OFW na napauwi from Saudi Arabia. Ilang OFWs po ba ang hindi nabayaran ang suweldo nila?

OWWA ADMINSTRATOR CACDAC: Well, kung maalala ninyo, Sec. Mart, ito iyong mga na-stranded noon. Sila ay nawalan ng trabaho [garbled], nagsara iyong dalawang dambuhalang construction company nila sa Saudi. May mga higit-kumulang mga labindalawang libo ang [garbled] at noong panahon na iyon ay [garbled] Saudi and Philippine government [garbled] pinangungunahan ni Secretary Bello noong mga panahon kung naaalala ninyo ay marami ngang [garbled] pauwi ang nilibre ng by no less than ng Hari ng [garbled]. Humigit-kumulang [garbled] sa gitna ng labindalawang libo hanggang labinlimang libo [garbled] noong 2016, 2017. At nabigyan sila ng tulong/ayuda ng OWWA na halos pumapalo na ng one billion pesos in terms of livelihood, financial assistance at mayroon pang mga cash advance.

So ang nangyari ay hindi pa rin sila nabayaran ng [garbled] service benefit [garbled] si Secretary Bello batay nga sa anunsiyo niya noon Linggo, nagkaroon ng pagpupulong last week sa Dubai between Secretary at iyon Saudi Labor Minister at iyong nga, nagkaroon na ng pag-asa dahil sabi noong Saudi Labor Minister ay pupunta siya sa [garbled] at mabibigyan na ng [garbled] nakabinbin na mga pasahod at [garbled] benefits ng mga OFWs sa at least mga dalawang dambuhalang construction companies na nagsara at hindi nabayaran ang mga benepisyo ng mga OFWs.

SEC. ANDANAR: Sapat o sakto na ba itong P4.6 billion para sa kanila, Administrator?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, ito iyong kanila pong kabuuang claims. Of course, iyong mechanics ng distribution dito ay pag-uusapan pa. Sa pagkakaunawa ko ay magkakaroon pa ng mga serye ng pagpupulong lalo na between Secretary Bello and the Saudi Labor Minister para talagang mas lalo pang mabigyan ng linaw iyong implementasyon, itong pagbabayad ng mga sahod [o claims].

SEC. ANDANAR: Ano po kayang assurance ng mga apektadong OFW na before December nga ay mababayaran ang unpaid salaries nila?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, kagaya ng nabanggit ko, Sec. Mart, magkakaroon pa ng pagpupulong sa pagitan ng Saudi and Philippine Governments para lalo pang magkaroon ng linaw itong implementasyon nang napag-usapan at para [magkaroong na] ng kumbaga ay pagtatapos itong matagal nang paghihintay ng ating mga mahal na OFWs.

SEC. ANDANAR: Sa oras po na matanggap na ang kabayaran na ito ay ipapamahagi po ba ito kaagad sa ating mga OFW? Paano po ang magiging sistema nito?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, iyong kaparaanan ay kailangan pa nating malaman nang husto sa Saudi side kung ano ang magiging kaparaanan ng distribution, kaya ito nga, iyong nabanggit ko kanina na kung mararapatin lang ay magkakaroon pa ng mga pagpupulong. Mayroon pang napapag-usapan na meetings patungkol dito, paglilinaw itong magandang balita na ito.

SEC. ANDANAR: May assurance din po ba kaya na hindi na mauulit ang ganitong scenario na hindi tamang pagbabayad sa mga OFWs doon?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, doon sa [kumperensiya] na dinaluhan kung saan kami kasama ni Secretary Bello sa Dubai bilang bahagi ng Philippine delegation ay mayroon [doong beside na insurance] para magkakaroon ng financial security ang mga OFWs kung saan kung nagsara dahil sa [garbled] ang employer, magkakaroon ng insurance na sasalo sa insurance sa benefit or policy.

Kaya’t ito na siguro iyong sinasabing leksiyon na natutunan sa mga nakaraan dahil talagang malubha itong nangyari sa ating mga OFWs na sa hindi inaasahang pagkakataon [nagsara ang] at least dalawang dambuhalang kumpanya doon. [Inaasahan] natin na magkakaroon ng linaw iyong Saudi Labor Minister ay pupunta sa ating bansa, doon pa ating madidinig sa kaniya, magkakaroon pa ng lubos na, kumbaga pagkakaroon ng manipestasyon. Mas malinaw pang manipestasyon sa kanilang commitment sa pagpunta ng Saudi Labor Minister dito sa bansa natin.

SEC. ANDANAR: Okay. Dako po tayo sa ibang usapin. Sa pag-usad po ng laban ng iba’t-ibang bansa kontra COVID-19 ay dumarami na rin ang mga bansang idineklara ng pamahalaan na nasa green list. Paano po ba ito nakakaapekto sa pagpapa-quarantine ninyo sa ating mga returning OFWs?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, napakagandang balita, Sec. Martin, nitong bagong IATF [resolution], itong siguro nagdaan na ang mga tatlong linggo since the IATF resolutions kung saan sinasabi na kapag green list, fully vaccinated ay [basta] nakapasa sa [garbled] at hindi na kailangan dumaan sa matagal na quarantine o sa quarantine facility.

Ngayon, doon sa mga nasa yellow list, sila ay kailangan pang magdaan sa at least five days hotel quarantine at hanggang sa sila ay makapasa sa PCR test at diretso uwi na para sa home quarantine na hanggang sampung araw.

So, magandang balita ito. Kung matatandaan natin, Sec. Mart, umakyat na ng 14 days ang kwarantina ng mga OFWs at masyadong tumagal ang inilagi din nila sa hotel quarantine facility pero ngayon ay puwede nang umikli nang lima hanggang pitong araw. iyon namang pitong araw ay para doon sa mga hindi fully vaccinated na galing sa yellow list countries.

So, higit-kumulang naglalaro na sa lima hanggang pito, hanggang walong araw in case lumabas ang PCR test within 24 hours, ang ilalagi. So, mas mabilis ang pag-uwi ng mga OFWs sa kanilang pamilya at mahalaga din na bababa na ang ating cost dito sa hotel quarantine accommodation ng OFWs.

SEC. ANDANAR: Bukod po roon sa mahigit tatlumpung (30) bansa na nasa green list natin, may mga nais pa po ba kayong idagdag? Anu-anong mga bansa po iyon?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, maraming mga OFWs na mayroong mga karaingan na sana iyong bansang kinalalagyan nila ay malagay sa green list at patuloy naman namin itong idinudulog sa DOH at sa IATF. Alam naman natin na mayroong sukat, mayroong objective criteria ang DOH at ang mga medical experts sa ilalim ng DOH patungkol dito sa bagay na ito.

So, tayo naman ay gumagalang sa pagsusuri ng DOH at ng medical experts but in the meantime, sinususog din natin iyong karaingan ng ilang OFWs na ang kanilang mga bansa o host countries na kinalalagyan ay maisama na green list.

Kasi iyon talaga halos pagdating, kapag pasado sa PCR lalo na kung nakapag-PCR test sa abroad ay wala na talagang hotel quarantine stay kapag green list at fully vaccinated. So, sana mas marami pa, Sec. Mart, ang madagdag sa green list na tinatawag.

And just to say at the outset na 763,000 na ang nakauwi sa kani-kanilang mga home LGUs sa ilalim ng direktiba ng ating mahal na Pangulo na tulungan, na gawin ang lahat para pag-smooth at ligtas na pag-uwi ng ating mga OFWs.

SEC. ANDANAR: Puntahan po natin si Usec. Rocky Ignacio para sa tanong ng mga kasamahan natin sa media.

USEC. IGNACIO: Magandang umaga po, Attorney Hans.

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Good morning, Usec.

USEC. IGNACIO: May tanong po si Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror sa inyo: Labor Secretary Silvestre Bello III has directed you and POEA head, Bernard Olalia, to study daw po the possibility of a deployment ban of OFWs to Saudi Arabia. What is now the status of the above-mentioned study at kailan ninyo po maisa-submit kay Secretary Bello ang report o hindi na po ito itutuloy dahil sa development with Saudi Government?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: Well, unang-una ay patuloy ang aming pag-uusap ni Administrator Bernard para makapagbigay kami ng recommendation kay Sec. Bello. Siyempre, ang titingnan natin dito iyong pangako ng Saudi side na magkaroon na ng ganap na pag-fulfill ng obligasyon ng employers ng kanilang obligasyon sa kanilang mga workers patungkol sa sahod at benepisyo.

Kaya nga iyong nabanggit ko kaninang serye pa ng mga pagpupulong o pag-uusap between the Philippines and Saudi side eh mahalaga dito. Malalaman natin ang full commitment talaga ng Saudi side.

Pangalawa siyempre iyong impact sa iba pang manggagawang Pilipino na papunta ng Saudi. So, [pag-aaralan pa poi to, hindi muna ako magbibigay] ng ano pa mang detalye dahil ang una-una pong makakaalam talaga ng rekomendasyon ay si Secretary Bello. Abangan na lang [nila dahil may pag-uusap pa between] Admin Bernard Olalia and myself itong bagay na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Atty. Hans, mula naman po kay Sam Medenilla: Ano po ang status ng pag-provide ng OWWA ng accommodation sa returning OFWs after mag-implement po ng new IATF protocols para po sa inbound passenger? Nadagdagan o nabawasan po kaya ang mga OFW na nag-ii-stay sa mga nasabing accommodations?

OWWA ADMINISTRATOR CACDAC: So far so good. Smooth ang implementasyon. Siyempre, masaya kami na mas mabilis na ang pag-uwi ng ating mga OFWs na fully vaccinated whether green or yellow listed. Hindi na iyong dating 14 na araw sa hotel quarantine facility.

Siyempre, maiibsan na rin ang ating gastos dito at mas marami tayong maa-accommodate na OFWs lalo na sa panahon ng Kapaskuhan. So, so far so good. Higit-kumulang mga 9,500 po ang ating OFWs in around 178 hotel quarantine facilities.

USEC. IGNACIO: Pangalawang tanong po ni Sam Medenilla: Kakailanganin pa din po kaya ng additional funds ng OWWA para po sa accommodation ng OFWs with the said new IATF protocols?

OWWA ADMIN. CACDAC: Well, noong mga bandang huling bahagi ng Setyembre ay sumulat si Secretary Bello kay Officer-in-Charge Tina Canda ng DBM na iyon nga, mayroon pang balanse ng higit-kumulang na mga 4.2 billion na kailangan para sa hotel, food and transport expenses until the end of the year, until December 31st. So, so far ang alam namin ay at least one billion pesos ang maiukol ng DBM ngayong linggo. Kaya’t umaasa tayo na iyong balanse ay maibibigay in the remainder of the year but so far, nabibigay naman ng national government.

Maraming salamat kay Pangulong Duterte and iyong ating mga bills and hotel and transport and food bills or statement of account ay nabibigyan naman natin ng tugon.

So, we are hoping na iyong final tranche or next few tranches will be given to us for the remainder of the year.

SEC. ANDANAR: Maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, OWWA Administrator Hans Leo Cacdac. Mabuhay po kayo, sir!

OWWA ADMIN. CACDAC: Thank you, Sec. Mart, USec. Rocky, salamat po sa lahat. Mabuhay din po kayo, sir, at ipagdagsal po natin ang isa’t-isa.

SEC. ANDANAR: Iyan po muna ang talakayang pagsasaluhan natin ngayong umaga. Magkita-kita muli tayo bukas, please go ahead, USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Martin.

Nagsimula namang mag-isyu ng mga lisensiyang may ten-year validity ang Land Transportation Office para po sa mga drivers na walang traffic violation. Para alamin ang mga detalye tungkol diyan, makakausap po natin ngayong umaga ang Hepe ng Land Transportation Office na si Asec. Edgar Galvante. Magandang umaga po, Asec.

ASEC. GALVANTE: Magandang umaga sa inyo, USec. Rocky at sa iyong mga tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec, kumusta po so far itong gradual rollout ninyo ng driver’s license na may ten-year validity. So far, marami na po bang nag-qualify dito?

ASEC. GALVANTE: Yes, actually, inumpisahan natin ang rollout niyan noong 28 dito sa Central Office Licensing Section at saka sa Quezon City Licensing Center. At wala naman kaming nakitang major hitch para sa implementasyon na ito.

Kaya simula bukas, ang buong NCR, lahat ng LTO offices sa NCR makakapag-isyu na ng ten-year license validity.

Pero, i-emphasize ko lang po sana na kailangan para makamit nila iyong ten-year license validity, dapat wala silang violation o citation noong nakaraan. At kailangan magdaan muna sila doon sa refresher seminar na kung saan matapos nilang mapag-aralan iyong material doon, magkakaroon ng validating exam na kapag sila ay makapasa makukuha na iyong certificate na kasamang ipe-present ito sa licensing offices ng LTO para i-process iyong kanilang application for driver’s license.

Ibig ko lang sanang ipahayag itong seminar na ito ay wala silang dapat guguling halaga, kasi iyong LTO Driver’s Education Center, bukas po ito sa publiko kung saan puwede na lang, doon sila magpunta para makuha iyong seminar at walang bayad ito.

Pero iyong hindi po makakapunta, puwede po mag-access sila sa LTO portal kung saan puwede nilang pag-aralan iyong module na nakalahad doon, iyong mga topics na kailangan nilang tunghayan at para mahanda sila doon sa validating exam.

At iyong validating exam na ito ay binubuo po ito ng 25 questions na ang coverage nito iyong mga rules and regulations on traffic, iyong naayon na batas, iyong traffic signs and symbol at ano ang dapat obserbahan, iyong road courtesy kapag sila ay nagmamaneho sa ating pampublikong lansangan.

USEC. IGNACIO: Pero, ASec, paano naman daw po para dito sa may traffic violation; ano po ang gagawin nila?

ASEC. GALVANTE: Ganunpaman, una, ang requirement para sa renewal kailangan magdaan sila doon sa seminar. Iyong sa may traffic violation, after having finished the seminar, mapa-process pa rin iyong renewal nila ng kanilang driver’s license, except that kung may violation sila, ang tanging maibibigay sa kanila is five years lang; ngunit kung walang violations, puwede po nilang ma-enjoy iyong ten-year license validity.

USEC. IGNACIO: Opo. Asec., bakit mahalaga pong mai-rollout na ito sa ngayon at ano po ang magiging pinaka-benepisyo nito, hindi lang po sa mismong mga driver ano po, kung hindi maging sa araw-araw na ring biyahe sa ating mga lansangan o kalsada?

ASEC. GALVANTE: Ito ay ipinag-utos sa RA 10930 kung saan pinalawig, hindi lang five years kung hindi ten years. In fact, kung matatandaan ninyo, dati-dati three years lang iyong lisensiya.

Noong October 2016, ginawa itong five year, ngayon may ipinasa po na batas na pinapalawig pa ito na gawing ten years bilang insentibo doon sa mga drivers na sumusunod sa batas-trapiko, walang violation at pinapahaba ang validity ang lisensiya para hindi po sila pabalik-balik sa LTO para mag-renew ng license.

At isa pong kagandahan dito, while kung kahit na ten years ang makuha nilang license validity, wala pong dagdag na bayad. Ibig sabihin kung magkano po iyong binabayaran sa five-year license, ganundin po ang babayaran sa ten-year license validity.

USEC. IGNACIO: Opo. Mapunta naman tayo sa usapin ng Private Motor Vehicle Inspection Center. May tanong po tungkol po dito sa Evelyn Quiroz ng Filipino Mirror: Senator Grace Poe has chided the Land Transportation Office over the confusing orders from you and for coming out with several circulars on the matter of the PMVIC that had been confusing to motorist. Why are there several contradictory orders being issued by the LTO and what steps are being undertaken para daw po maiwasan ito?

ASEC. GALVANTE: Mawalang-galang na sa mga nakaobserba nito. Ito ay pagpapatupad lang doon sa ginagawang policy na instead na iyong edad ng sasakyan ang pagbabasehan, iyong road worthiness ang pagbabasehan. Kaya minumungkahi sana po iyong Motor Vehicle Inspection System, para mas lalong thorough iyong pagtsi-check ng sasakyan.

Maihambing ko lang doon sa PETC [Private Emission Testing Centers], eh ang tanging nai-inspect lang po dito ay iyong emissions; samantalang sa Motor Vehicle Inspection System, iyong buong performance po ng sasakyan ang nati-test para makita kung may deperensiya ito o wala para mabigyan siya ng certificate na siya ay roadworthy at dapat lang na i-renew ang kanyang rehistro.

Ngayon noong una po, totoo iyon na ginawang mandatory, pero binawi po iyan, nag-isyu ng guidelines si Secretary Tugade at tinupad naman po ang LTO. Kaya ginawa po ngayon na hindi mandatory kung hindi optional ang pagpunta sa MVIS para i-consider ang kanilang renewal ng registration.

Kaya kung sa convenience po noong motorist kung saan siya makakapunta MVIC man PETC, iyong resulta po nito i-honor ng LTO. Bagama’t sa PATC po, again, i-emphasize na ang tanging tsini-check dito iyong emission lang, kaya pagdating niyan sa LTO kailangan pa ring suriin, i-evaluate din noong inspector, ng evaluator ng LTO iyong roadworthiness by checking din on the brakes, the suspension, the light, the noise and so forth. Kaya ito po ang magiging batayan para i-consider na ire-renew ang registration ng sasakyan.

Ngayon iyon pong presyo, iyon pong sina-cite na dating 1,800 matagal na pong binaba iyon, halos magkapareho lang po ang bayad ng sa emission at saka sa MVIC. Bagama’t sa PETC ang tanging tsini-check mo lang, maulit ko na emission lang ng sasakyan. Kung ikukumpara naman ito sa MVIC ay mas thorough po dahil iyong brake, iyong lights, iyong slippage ng manibela, iyong shock absorber, so forth, tsini-check po ito. Seventy-two points po ang tsini-check nito para mas accurate po na ma-evaluate kung iyong sasakyan ay road worthy at dapat bigyan ng registration. Kaya po uulitin ko ito po ay hindi mandatory na, binawi na po iyon, nag-isyu na kami ng memo sa ating lahat ng regions na optional po na sa convenience o sa pagpili na rin ng motorist kung saan siya magpapa-inspect para sa kaniyang renewal of registration.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., balikan ko lang po iyong pagkuha sa lisensiya, kasi may pahabol pong tanong si Einjhel Ronquillo ng DZXL-RMN: Kahit hindi pa po ba expire ang lisensiya, puwede nang mag-apply for ten years validity ng driver’s license?

ASEC. GALVANTE: Hindi pa po. Ang tangi pong pina-process ngayon ay iyong mag-ii-expire po. Bagama’t para magkaroon sila ng sapat na oras kung sila ay nangangamba na maabutan iyong expiration at hindi pa sila makapag-renew ay iyon pong October na licenses na in-extend po natin ang validity niyan ng hanggang December 31; iyong November hanggang January at iyong December naman hanggang February. Kaya po mayroon silang sapat na panahon para tapusin iyong requirements na comprehensive driver’s education. At paalala lang po na kung hindi pa sila nakakatapos dito huwag muna silang magpunta sa LTO para magpa-renew ng kanilang driver’s license.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., tungkol naman po dito sa dinevelop ninyo na CitiSend app pakipaliwanag lang po ulit kung para saan po ito at ano po ang features nito?

ASEC. GALVANTE: Ito po ay pagtupad lang doon sa hinihingi ng Kongreso at Senado nang sila ay mag-isyu noong isinabatas po iyong 235(mm), kung saan ito po nire-require din nga iyong plaka ng motorsiklo. Pero para sa pagmo-monitor po ng niri-report na nawalang plaka, ninakaw na sasakyan. Ito po ay parang ang operation nito ay similar sa 911, kung saan the citizen may send queries or even report incident kung nangangailangan ng assistance para magkaroon ng access na mapagsumbungan ng ating citizenry at sa LTO, kapag nakakalap ang ganitong mga report, maipagbigay-alam doon sa dapat na magresponde agad. Kaya anybody can text iyong citizen and mai-record iyong kaniyang report at magawan ng aksiyon kung anuman ang hinihinging tulong/assistance doon sa mga nagri-report.

USEC. IGNACIO: Asec, anu-ano daw pong klaseng violations ang puwedeng i-report dito at paano po masisiguro na valid ang mga isi-send dito?

ASEC. GALVANTE: Halimbawa, isang ini-entertain diyan is iyong nagri-report ng tungkol, let’s say iyong smoke belching. Kung malilitratuhan, makita iyong plaka, nati-trace namin kung sino ang may-ari niyan at padadalhan namin ng kumbaga iyong tinatawag na show cause order para hingin iyong kaniyang paliwanag o kaya ipaalala sa kaniya na may dapat silang sundin. At kung hindi sila magri-respond o hindi nila iko-correct iyong supposed violation, iri-record namin iyan bilang alarm at kung sila ay magpapa-renew ng lisensiya man o registration ng kanilang sasakyan, hindi nila magagawa iyon, hangga’t hindi nari-resolve o nasi-settle iyong na-cite na violation nila.

USEC. IGNACIO: Opo. ASec., paano ito maa-access ng mga tao? Fully operational na po ba ito, ASec?

ASEC. GALVANTE: Yes, actually iyon na nga kung pupuwede nilang i-text sa CitiSend para maaksiyunan ng LTO iyong mga report dito.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyong ibinahagi, LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante. Mabuhay po kayo, ASec.

ASEC. GALVANTE: Maraming salamat din sa inyo, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Kasabay ng pagtaas ng seating capacity sa mga pampublikong transportasyon ay ang pag-alis na rin ng plastic barriers bilang pananggalang sa virus. Ayon kasi sa DOTr walang medical findings para suportahan ang proteksiyong dala nito. Alamin natin ang reaksiyon ng mga tsuper at operator dito. May report si Karen Villanda. Karen?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat sa iyong report, Karen Villanda.

Puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, hatid ni Ria Arevalo mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat Ria Arevalo mula sa PBS Radyo Pilipinas.

Samantala, libu-libong mga residente mula sa iba’t-ibang bayan sa Aklan ang tumanggap ng ayuda mula sa pamahalaan at tanggapan ni Senator Bong Go. Muli naman silang hinikayat ng Senador na magpabakuna na, narito ang report:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Samantala, silipin naman natin ang pinakahuling balita sa pagbabakuna sa Davao City, magbabalita si Hannah Salcedo:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Makibalita naman tayo sa pinakahuling sitwasyon sa pagbabakuna sa buong bansa laban sa COVID-19, makakausap po natin ang Chairperson ng National Vaccination Operation Center at Department of Health Under Secretary Myrna Cabotaje. Magandang umaga po USec.

USEC. MYRNA CABOTAJE: Magandang umaga sa iyo, USec. Rocky, at sa lahat ng nanunood sa iyong programa ngayong umaga.

USEC. IGNACIO: USec., ano na po ang latest count natin sa mga nabakunahan na sa bansa, so far? Please go ahead po with your presentations USec.

USEC. MYRNA CABOTAJE: Thank you very much. Today we have already reached 59,316,764 jabs sa buong Pilipinas with 31,955,891 na first jabs at 27.3 million na second jabs. May dumating na pong 106 million na dosage ng bakuna at 86 million na po ang na-deploy natin. Sa susunod na slides makikita po natin iyong paano tayo na-distribute iyong mga bakuna.

Sa A1 sa ating health workers, workers in the frontline services almost 100% na tayo. Kailangan natin i-push iyong ating A2 kasi nasa 62% ang ating mga senior citizens na first dose at 57% ang ating mga nakakumpleto na mga senior citizen.

Ang isang pinagtutuunan ng pansin natin iyong ating mga Pediatric A3, ito po iyong mga 12 top 17 years old with comorbidities. Mayroon na po tayong 37,964 na nabakunahan since October 15 at naibalita ninyo nga na nagsimula na iyong ating rollout ng comorbidities sa 12 to 17 years old sa iba’t-ibang panig ng ating bansa noong October 29.

So, the next slides will tell us paano po iyong mga stand ng mga Region. Pinakamataas pa rin iyong ating NCR, National Capital Region tapos iyong mga binibigyan po natin ng bakuna ang Region IV-A, Region III, Region VII, Region XI, pati na ang Region VI ay mataas-taas na rin iyong kanilang nakukuhang first dose at saka second dose pero kailangan pa rin natin i-push, kasama din ng ating mga iba’t-ibang rehiyon na kailangan din ma-meet sana po iyong 70% first dose sana by end of this month and 50% fully vaccinated by December. I think that’s the last slide.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., ilan po iyong average daily jab rate natin sa nakalipas na 7 araw?

USEC. MYRNA CABOTAJE: Noong the last several days, we have an average of about 500,000 jabs per day, although alam naman natin noong October 31 to November 1 medyo nag-slow down. So, mga 100 to 200 but the average daily jabs past—naka-3.5 million tayo ng one week, the fast week, ang gusto natin itaas, USec. Rocky, ay sa 5 million sana per week if we can strive for 1 million per day.

USEC. IGNACIO: Opo. Bale 500,000 per day po iyan nitong nakalipas na 7 araw. Pero, iyan po ba ay ibig sabihin maabot po natin itong adjusted target natin na 1 to 1.5 million jabs a day USec?

USEC. MYRNA CABOTAJE: We need to work double time USec. Rocky, kaya kailangan natin all hands-on deck, kailangan tulong-tulong tayong lahat para ma-meet po iyong 1 million. Nasa 500, ibig sabihin magdo-double efforts tayo kasama na po iyong pagbakuna noong mga pediatric age groups. So, sana makaengganyo din ito para iyong ibang hindi pa nababakunahan ay magpabakuna na rin.

USEC. IGNACIO: Opo, USec., basahin ko lang iyong tanong ni Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror: What are the factors leading to the failure of the government to achieve the high-end target of fully vaccinating 70% of the country’s population against COVID-19?

USEC. MYRNA CABOTAJE: Ang naging problema natin noong umpisa, alam ninyo naman kulang iyong bakuna. Ngayon naman po ay sagana tayo sa bakuna, iyong pag-iengganyo naman sa mga medyo may hesitancy na hindi magpabakuna na magbakuna. But I think with the opening of the rest of the adult population. Mga 2, 3 weeks ago binuksan na natin lahat ng 18 and above tapos ngayon nagsisimula sa 12 and 17. Sana maipag-ibayo din ang ating ano iyon, pagbabakuna ng 12 sa magiging—12 and above na iyong ating mga babakunahan.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., may naging epekto naman po ba iyong direktang utos ni Pangulong Duterte sa mga LGU na pabilisin na iyong pagbabakuna; somehow ay bumilis po ba iyong bakunahan nitong mga nagdaang araw?

USEC. MYRNA CABOTAJE: Yes and No. Yes, kasi nag re-strategize na sila, tinignan nila iyong kanilang inventory tapos ano iyong mga targets nila. No, in the sense na, anong tawag diyan, there were some holidays in between.

Alam naman natin nagpi-prepare sa Undas and there were some health workers that went on leave and have to go [garbled]. We expect na ngayon pagbalik na galing sa mga nagbakasyon o galing sa … nag-remember ng kanilang dead ay mapapabilis na at mapapaigting at masunod iyong utos ng ating Presidente na i-ramp up iyong bakuna. If we can reach one million per day this week or the next week starting this week and next week USec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., noong Sabado po ay nakausap namin si Minister Naguib Sinarimbo ng BARMM at sinabi niya talagang napakalaking challenge pa rin ang vaccine hesitancy sa kanila, mukhang dahil mababa po iyong kaso ng COVID-19 sa ibang lugar ay hindi daw po, diumano, interesadong magpabakuna ang mga residente doon. Ano po ang masasabi ninyo dito?

USEC. MYRNA CABOTAJE: We have very good response from them noong nagbigay tayo ng one dose vaccine, iyong J and J. So, iyon ang gusto nilang makuha na 1 dose para hindi sila bumalik. Alam naman natin na may mga factions sa atin, may mga sections tayo na nasa Mindanao na nomadic, iyong ating mga Badjao. So, dapat kapag binakunahan mo na sila mahirap mo silang balikan for second dose.

So, that was one factor na kapag double dose medyo mahirapan, may hesitancy. Iyong pangalawa, iyong dati ng sinasabi na hindi kailangan iyong bakuna but I think with the opening up of the child and all of the population puwede ng pami-pamilya ang maproteksiyunan at mabakunahan.

We have already strengthened our messages, nakikipag-ugnayan na tayo sa lahat ng ibang sector sa BARMM together with the Minister of Health sa BARMM para iyong mga atubili pa ring magpabakuna ay magpabakuna na by persuasion or even by coercion. For example, in Basilan nagtsi-check point sila kung nabakunahan na o hindi and their looking at other possible incentives and disincentives para maitaguyod iyong pagbabakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., bakit po mahalaga pa rin magpabakuna kahit na hindi po gaanong kalaganap iyong COVID cases sa isang komunidad tulad ng mga nasa low risk area?

USEC. MYRNA CABOTAJE: All the more na habang hindi pa tumataas iyong mga kaso nila protektado na sila para hindi makapasok iyong mga nagkakasakit. Kung magkasakit man sila, hindi gaanong seryoso, not leading hospitalization and even ma-avoid iyong mga deaths.

While in the past ang ating isip ay nagsi-surge doon tayo magpabakuna, there are many quarters who are saying na all the more, kapag hindi nagsi-surge, all the more na puwede tayong magbakuna, available iyong mga health center magbakuna, hindi natatakot iyong mga taong lumabas para magbakuna. So, kailangan pong magbakuna kahit mababa ang mga kaso para ma-avoid iyong future surges sa mga darating na panahon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may tanong po si Red Mendoza, ng Manila Times: Ano po ang reaction ninyo sa panukala ni Congressman Joey Salceda na dapat i-prioritize ng gobyerno ang pagbili ng branded na bakuna? Ano po ang masasabi ng NVOC sa panukala niyang ito?

USEC. MYRNA CABOTAJE: Ano ba ang ibig sabihin ng branded? So, lahat naman iyan generic na COVID-19 vaccines iyan, SARS-COVID vaccine iyan. Ang may brand sila, may iba’t-ibang brand name, Sinovac, iyong isang brand name, ano ba tawag diyan, Coronavac at iyong mga Pfizer.

Kung ang sinasabi niya ay western brands, ibang usapan iyan, kasi all brands naman, all vaccines naman are proven to be efficacious initially, effective. May mga duration lang ng immunity, may mas matagal kaysa sa iba. But all of them prevent serious disease, complications and death.

But sa tugon sa panukala, our vaccine Czar and our negotiating team from the vaccine cluster have already firmed up negotiations with the Pfizer for the rest of the year sa Moderna, may konting Sinovac pa rin and depende kung ano pang available na vaccine. We have Sputnik V, Gamaleya from Russia na mga dadating. So, they’ll have to define ano ang ibig sabihin niya ng branded na bakuna, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong: 96% na ang mga nabakunahan sa NCR ng first dose. Sa tingin ninyo po ba ay maabot ng NCR ang 100% coverage ng bakuna within the year? Ilan din po sa 96% ang naturukan ng Astra Zeneca at may expectations po ba na by January tataas na ang vaccination rate kapag nag-peak up na po ang pagbabakuna sa mga second dose ng AstraZeneca?

USEC. MYRNA CABOTAJE: Yes, mataas na ang NCR. We are expecting this November makamit na nila iyong 18 years old and above. But let us remember dito sa NCR, hindi lang taga-NCR ang nababakunahan nila. May mga by place of work, ibig sabihin from other areas, Region III and Region IV-A, ay nagpapabakuna din kung ang place of work nila ay dito sa NCR. Tapos alam din naman natin na some of the nearby areas noong available ang vaccine dito sa NCR dahil sa surge doon sila din nagpabakuna.

Hopefully, November, December makakamit na natin iyong napakataas, almost 100% na target ay ma-achieved dito sa NCR especially with the children, kasi, kasama na iyong mga bata. So, if they have started children and hopefully until December ma-complete na iyong second dose ng NCR for the children and for the rest of the country we are looking at first quarter of next year para ma-fully vaccinate iyong rest of the population all over the Philippines.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong ni Mark Fetalco ng PTV: Ano po ang ginawang action ng DOH kaugnay sa humigit kumulang 150,000 doses ng COVID-19 vaccines na nasunog sa Pagadian City? Gaano po kalaki ang epekto nito sa vaccination rollout sa Zamboanga Del Sur?

USEC. MYRNA CABOTAJE: Ipinapa-investigate na po natin, both ng DOH at saka DILG, kung ano iyong nangyari. Well, it is beyond us, kasi force of nature iyan, iyong fire. But we will have to look bakit napakarami noong bakuna nila, bakit hindi nai-move? So, we will look into that and then see who are accountable. May DILG memo na kailangan i-moved iyong bakuna three days after we have received them, so we will also look at that.

In terms of back-up plan, karamihan sa mga bakunang naibigay are for second doses. So, the regional office is now doing its plan para maibigay. Mayroon silang buffer stock sa Region, ibibigay nila iyan sa ating mga areas, diretso na iyan sa mga bakuna center para mabakuna iyong second dose and we are looking at paano i-stock iyong ating cold chain equipment, kung may mga additional ref na mai-reposition, additional freezers, tapos iyong mga ultra ref.

In the next, in this hanggang end of the week, hopefully we can more or less [mobilized] na mayroon tayong pagdadalhan especially iyong ating sensitive na vaccine na Pfizer and Moderna. Iyong ating AstraZeneca at saka iyong ating Sinovac naman ay puwede sa +2 to +8, so baka hindi na kailangang iimbak sa isang hub at puwede nang i-distribute sa mga lokal na pamahalaan, LGUs that are ready to accept the vaccines.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyong tanong po ni Sam Medenilla ay nasagot ninyo na doon sa inyong presentation. Panghuli na lang po, tanong ni Maricel Halili ng TV5: Secretary Galvez said the target is to start giving booster shots by November. May we have an update on this? Kailan daw po ito magsisimula?

USEC. MYRNA CABOTAJE: Tatlong bagay ang ating hinihintay. Unang-una, iyong EUA na may puwede na iyong booster kasi iyong ating EUA sa FDA ay two doses lang or one dose sa J and J. Pangalawa, kailangan malaman natin kung ano iyong WHO SAGE (Strategic Advisory Group of Experts on Immunization) recommendations after they meet middle of this month. So, by November 15 we will be ready.

And then pangatlo, may mga plano na tayo. Unahin natin iyong ating mga healthcare workers na nabakunahan na. So, nag-iimbentaryo na po tayo ng mga nabakunahan na mga healthcare workers. Ano iyong mga dose na naibigay sa kanila para kung lumabas na iyong recommendation ay makapag-deploy na tayo kaagad kung Sinovac at Sinovac ang kailangan o kaya Sinovac at ibang vaccine ang pang-third dose, ready naman po tayo sa Pfizer at Moderna. So, we are just looking at the numbers.

The second is we may look also at the numbers of the immunocompromised. Sino iyong may special cases na may mga karamdaman, may mga cancer, iyong mga nag-a-anti-cancer drugs, may mga leukemia na immunocompromised na puwede din nating bigyan ng additional doses or booster dose.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Undersecretary Myrna Cabotaje ng DOH. Mabuhay po kayo, Usec.

USEC. MYRNA CABOTAJE: Thank you Usec. Rocky. Good morning.

USEC. IGNACIO: Good morning po.

Samantala, magkita-kita tayong muli bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center