Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Updates sa naging takbo ng tatlong araw na malawakang bakunahan ng pamahalaan at sitwasyon ng ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa ang atin pong pag-uusapan ngayong Huwebes, ikalawang araw ng Disyembre. Mula po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Mga kababayan, simulan na po natin ang isang oras na talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa ating unang balita: Marami ang nag-aabang kung sinong kandidato nga ba ang iiendorso ng Pangulong—[technical problem]

Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH. Sa ating unang balita: Marami po ang nag-aabang kung sino ang kandidato nga ba ang iiendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go matapos pormal na ianunsiyo ng mambabatas ang kaniyang pag-atras sa kandidatura sa pagka-presidente sa halalan 2022. Ayon kay Senator Bong Go, kung sinuman ang makakapagpatuloy sa mga nasimulan ng administrasyong Duterte ay naroon ang kanilang suporta. Panoorin po natin ito:

[TR]

USEC. IGNACIO: At para kumustahin po ang naging takbo ng huling araw ng malawakang vaccination drive sa bansa kahapon, muli nating makakasama sa programa si Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health. Good morning po, Usec.

DOH USEC. MYRNA CABOTAJE: Good morning uli, Usec. Rocky, at sa lahat ng nakikinig sa ating programa today.

USEC. IGNACIO:  Opo. Usec., tanong din po ito ni Paul Samarita ng TV5: Ilan po daw iyong nadagdag na bilang ng mga nabakunahan kahapon? Malapit-lapit po ba sa target na nine million ang naging participants ng Bayanihan Bakunahan national vaccination drive?

DOH USEC. MYRNA CABOTAJE: Yes, we have the slides with you, Usec. Rocky. So iyong ating first day ay 2.7 million; iyong ating second day ay 2.4 million; tapos we have another 2.4 million kahapon, so we were able to jab 7.6 million for the three days.

Hindi pa ho kumpleto iyong ating mga reports, may updating that is happening. But we are very happy with the initial report kaso this is more than two times the daily vaccination rate. Kung tutuusin talagang bayanihan.

Okay, so we also—if the slides are flashed already. So for the total individuals with the first doses sa tatlong araw na ito, we were able to reach 85% of the 7.6 million as first doses so bringing to a total of 55 million iyong mga indibidwal na nagkaroon ng first doses simula po ng pagbabakuna natin noong February and March.

Ang top performing regions for the three days based on the latest report: Number one po ang Region IV-A; pumapangalawa ang Region III; at pumapangatlo po ang Region VII.

In terms of the top performing provinces naman: Nauna po ang Cavite; pumangalawa ang Laguna; pangatlo ang Cebu Province.

But the regions that exceeded their targets, mayroon tayong tinatawag na committed targets as of December 1, the latest report: Number one po ang Region I; Number two siyempre ang NCR – mostly ang NCR iyong ating bata at saka iyong ating booster doses; Pangatlo po ang Region Cordillera; Pang-apat po ang MIMAROPA; Panlima po ang Region II.

This slide will tell you kung paano po iyong mga performance ng iba’t ibang region. So in terms of the targets and committed, these are arranged … iyong naka-green, one to nine met their targets based on the committed daily national vaccination targets. So medyo mabababa ang BARMM; mababa rin ang Davao because iyong kanilang targets ay hindi nila binabaan, they were very close to the original targets noong tayo ay nag-target ng 15 million per day.

Tapos ang kailangan na lang nating gawin ay—dahil sa high willingness to get vaccinated, there is now a voluntary extension of vaccination days para ma-sustain natin iyong enthusiasm to get vaccinated. An Ang ating challenge was really the opportunity to extend our hours of vaccination and allow walk-ins. So maraming salamat sa lahat ng tumulong.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit po ni Secretary Galvez kahapon na may mga lokal na pamahalaan nga po na humingi ng extension nitong Bayanihan Bakunahan hanggang bukas, Biyernes.

Ang tanong pa rin po ni Paul Samarita at ni Trish Terada ng CNN Philippines: Nakarating po ba sa inyo ang balitang i-extend until Friday ang Bayanihan Bakunahan? At kung aprubado na raw po ito ni Pangulong Duterte? At kung ganoon po, pareho daw po ba, same goal pa rin ba tayo ng inoculating nine million vaccines or mag-a-adjust po tayo?

DOH USEC. MYRNA CABOTAJE: Hindi na tayo mag-a-adjust. We will just get the final figures for the three days, tapos iyong extension parang bonus na lang iyon.

So I think we do not need the permission of the President kasi kusa nang nanggaling sa mga LGUs that they would like to extend a campaign mode para ma-sustain iyong enthusiasm.

Pero, Usec. Rocky, ating alalahanin na after the NVD, tuluy-tuloy pa rin ang bakunahan with a target of 1-1.5 million a day for the entire Philippines.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., so, tuloy na po iyong Friday na extension ng bakunahan? Pero ang alam po natin ay mayroon pang second round ng December 15 – 17, tuloy pa rin po ba ito?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, iyong extension pinirmahan ng ating tatlong Secretaries – si Sec. Duque; si Sec. Galvez; at saka si Sec. Dizon. At yes, Usec. Rocky, tuluy-tuloy iyong ating December 15 – 17 na second round ng ating National Vaccination Day.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa tingin ninyo, Usec., kaya po bang i-maintain itong 1-2 million daily jabs sa mga susunod pang linggo kung nakita naman po natin sa tatlong araw na vaccination drive na ito ay posible po pala ito, Usec.?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, we should strive very hard kasi mayroong mga 21 million pa ring hindi nababakunahan all over the Philippines. Tapos mayroon na pong magdu-due ng kanilang second dose, tapos magbibigay pa rin po tayo ng mga booster dose.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tanong po ni Red Mendoza ng Manilas Times: Ilang LGU po ang nag-signify na ie-extend po ang Bayanihan, Bakunahan at ini-expect po ba ng NVOC na maabot talaga iyon ng pamahalaan iyong target na nine million sa unang batch ng bakunahan?

DOH USEC. CABOTAJE: Ang unang nag-signify ng kanilang intent to extend ay ang BARMM. Buong region ng BARMM kasi tuwang-tuwa sila at maraming dumating. So, they were not prepared for this volume. Mayroon pa, ang Region IV-B, tapos iyong ibang regions. We don’t have the exact numbers.

USEC. IGNACIO: Sunod pong tanong ni Red Mendoza: Mula doon sa nabakunahan po natin during the first three days sa Bayanihan, Bakunahan, kung mas marami po ba ang nagpabakuna ng first dose kaysa sa second dose at booster? At marami din po bang nagpabakuna sa pediatric sector?

DOH USEC. CABOTAJE: Ang ating first doses ay 85%. 85% ng ating total 7.6 ay first doses iyan; about 3% ang booster; and remaining were second doses. About 1/3 ang mga pediatric population na nagpabakuna.

USEC. IGNACIO: May pahabol lang pong tanong si Tuesday Niu ng DZBB sa iyo, Usec.: Ibig ba daw po bang sabihin iyong extension till tomorrow ay excused pa rin ang sinumang mga manggagawa na hindi papasok today till tomorrow na magpapabakuna? Hindi daw po sila mamarkahan ng absent?

DOH USEC. CABOTAJE: Hindi ho kasama iyan. Tatlong araw lang ang prinoclaim ni President. So, it will be management prerogative. Ang pakiusap lang natin sa mga managers, ang ating mga heads ng company if they can extend the same courtesy for the extended two days.

USEC. IGNACIO: Usec., kung naka-encounter pa rin pa ba tayo ng vaccine preference dito sa tatlong araw na bakunahan ng pamahalaan? Base po ba sa monitoring ninyo, Usec., marami po bang insidente ng pag-walkout o nagkaroon po ba ng pag-walkout sa vaccination centers matapos nilang malaman iyong brand ng bakuna na ituturok ay hindi po nila gusto? May pangyayari po bang ganoon?

DOH USEC. CABOTAJE: Yes, there were isolated reports for this. We need to convince them but we cannot also force them to get the available vaccine. Iyong iba, bumalik na lang. And anyway, marami pa naman tayong araw na puwede silang bumalik for their preferred vaccine but we would like to relay to everyone na kung anong bakuna diyan, this will offer the same protection like any other vaccine.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: May report na po kaya ang NVOC kung ilang COVID-19 vaccine doses ang hindi nagamit dahil nag-expire o dahil sa umano’y mishandling? Sino po ang dapat maging accountable for the said wasted vaccines?

DOH USEC. CABOTAJE: In terms of the mishandling, wala namang na-mishandle. Maybe it’s just that they did not, na hindi nila ipinursige na ibakuna ito. We are still finalizing the numbers and we are evaluating and we will give a report to the public kung ilan iyong dose na probably nasira.

Ang ginawa natin, ni-request natin iyong ating mga probinsiya, mga munisipyo na magdala ng expired vaccine as of November 30 sa ating mga regional offices para i-quarantine iyan tapos titingnan natin baka puwede pang magamit, aaralin iyong shelf life.

Alam naman natin ang mga bakuna ngayon ay very short ang kanilang shelf life. Like for instance, Pfizer, na initially iyong kaniyang November 30 na expiration, nag-extend sila ng three months, so na-grant naman because they presented stability data.

So, we will see what we can do with the remaining vaccines that were supposed to expire November 30. Mostly, AstraZeneca iyan.

USEC. IGNACIO: Sunod pong tanong niya: Ano po ang impact ng nasabing vaccine wastage sa ongoing vaccination drive ng government?

DOH USEC. CABOTAJE: Of course, nakapanghihinayang iyan lalung-lalo na at ito ay donated ng COVAX and some of them were procured by the private sector I think and ewan ko kung nasama iyong LGU procurement. We will need to verify.

So, ano ang impact niyan?

Kulang tayo. We will need to have more [TECHNICAL PROBLEM] naibigay sa atin. It’s less than zero -point something percent lang. So, it’s not even one percent but wastage is still wastage.

USEC. IGNACIO: [OFF MIC] mula kay Sam Medenilla: Ilang—[TECHNICAL PROBLEM]

GORRICETA: Magandang umaga, Audrey Gorriceta po, humahalili para kay USec. Rocky Ignacio na kinakapanayam si Usec. Myrna Cabotaje. At kasama pa rin po natin si Usec. Cabotaje.

Magandang umaga po, ma’am, Audrey Gorriceta.

DOH USEC. CABOTAJE: Good morning!

GORRICETA: Ang susunod pong katanungan ay mula pa rin kay Sam Medenilla: Ilang vaccine doses pa po kaya ang malapit na ulit mag-expire at ano po ang gagawin ng gobyerno para ma-utilize ang mga ito?

DOH USEC. CABOTAJE: Mayroon tayong mga expiring ng December and January. Binabantayan natin ito sa lahat ng mga areas kung saan natin dineploy.

Anong gagawin natin?

Gagawin natin lahat silang first doses. Idi-distribute natin sa fast consuming areas tapos ide-deploy natin nang mas kakaunti sa mas maraming lugar para ito ay mai-jab.

GORRICETA: Opo. Usec., paparating po ngayong araw iyong in-order na hiringgilya para sa Pfizer vaccines. Saan pong mga lugar po ito agad na ipapadala, Usec.?

DOH USEC. CABOTAJE: They will be given to areas [kung saan Pfizer ang ginamit]. Mayroon naman tayong mga record kung sino iyong may mga vaccines na binigyan ng Pfizer na walang concomitant syringes. Many of these are really for pediatric vaccination.

GORRICETA: Okay. Usec., tanong naman po mula kay Triciah Terada ng CNN Philippines: Does DOH have any update about pediatric vaccination for younger children, 5 to 11 years old, when can this start?

DOH USEC. CABOTAJE: Wala pang recommendation ang ating mga experts for below 12 years old pero be rest assured na we are looking at the developments and nasa radar natin. Actually we have planned for a possible first or second dose vaccination for them early next year basta mayroon na tayong EUA at mayroon na tayong mga recommendation.

GORRICETA: Okay. Usec. Myrna, balikan po natin para sa iba pang mga katanungan si Usec. Rocky Ignacio.

GORRICETA: Yes. Salamat sa iyo, Audrey. Usec., tanong pa rin po ni Paul Samarita ng TV-5: Do you have any word kung kailan po maglalabas ng guidelines ang DOH kaugnay daw po sa pagbabakuna ng booster shots? Kailan po daw target magsimula ang bakunahan ng booster shot para sa general population?

DOH USEC. CABOTAJE: In the next two days we should be releasing the targets and as soon as the guidelines—we are releasing the targets na and any time that the guidelines are released, they can already start. So we are targeting siguro mga Sabado or very early next week mayroon na tayong guidelines for booster of the 18 years old and above.

USEC. IGNACIO: Okay. Usec. Myrna, maraming salamat po sa inyong oras at pagbibigay-impormasyon, Undersecretary Myrna Cabotaje ng Department of Health. Mabuhay po kayo, Usec.!

DOH USEC. CABOTAJE: Good morning. Thank you.

USEC. IGNACIO: Samantala narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa. Base sa report ng DOH as of December 1, 2021:

Nadagdagan ng limandaang (500) ang mga bagong kaso ng COVID kaya umabot na ito sa buong bilang na 2,833,038.
167 naman po ang naitalang pumanaw sa sakit kahapon kaya naging 48,712 na ang total deaths tally.
Umakyat naman sa 2,768,999 ang lahat ng mga gumaling sa virus matapos madagdagan ng 951 new recoveries.
Patuloy din po ang pagbaba ng active cases natin na ngayon ay nasa [garbled]327 na lamang – 0.5% po iyan na lamang po iyan sa kabuuang bilang.

Isa po ang Austria sa mga bansa sa Europa na muling sumailalim sa lockdown dahil sa pataas na namang bilang ng mga nagkaka-COVID-19 doon at bilang pag-iingat na rin sa bagong Omicron variant. At para kumustahin ang sitwasyon ng mga kababayan sa Austria, makakausap po natin si Ms. Deena Joy Amatong, ang Chargé d’Affaires ng Philippine Embassy in Vienna, Austria. Good morning [garbled].

CHARGÈ D’AFFAIRES AMATONG: Magandang umaga po sa inyo, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa mga inyong tagapanood at tagapakinig dito po sa—galing sa Vienna, Austria. Magandang umaga!

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Deena, kumpara po sa iba pang mga bansa na nakakaranas ngayon ng surge sa Europa, kumusta po iyong sitwasyon ng COVID cases at lagay ng mga ospital diyan sa Austria at ano daw ang nakikitang sanhi nang pataas na COVID-19 cases sa Austria?

CHARGÈ D’AFFAIRES AMATONG: Sa ngayon po napapansin nga ho natin ang mabilis na pagtaas ng karagdagang COVID-19 cases dito po sa Austria at sa mga karatig bansa rin po katulad ng Czech Republic, sa Slovak Republic, sa Germany at sa Netherlands. So sa Austria nga ho ay nakakaeksperiyensya po tayo nang medyo mataas na infection numbers. So sa katunayan ang Austria po ay one of the first states na nakaranas ng so-called 4th wave ng ating pandemya.

So sa ngayon po—kahapon po lamang ayon sa aming nakuhang impormasyon, kahapon po lamang, December 1, may naitala na mahigit na 10,000 new infections dito po sa bansa. So ngayon sa kabuuan, mayroon po ditong mga 167,000 na active COVID-19 cases. So kung tutuusin medyo mataas po ito kasi—dahil mahigit-kumulang lang po na 9 million lang ang population dito sa Austria. So ito po ay kailangang bantayan at siguro po nakabahala na rin.

Ngayon sa larangan naman ng—sa ospital sa Austria ho, mayroon ho tayong mga mahigit-kumulang na 2,000 na ICU beds or intensive care beds. Ngayon po 644 of these ICU beds are occupied by COVID-19 patients. So kung inyo pong kalkulahin, 31% po ng total ICU beds ay ginagamit po para sa COVID-19 na pasyente.

So marami po sigurong mga rason na puwede nating tingnan kung bakit tumaas din ang COVID-19 cases dito sa Austria. Unang-una siguro ho kasi noong summer at noong early fall, early autumn medyo mayroon pong—madali po ang travel, medyo malawak—kumbaga madali ang mobility dito po—[LINE CUT]

GORRICETA: Muli po tayong humahalili para kay Undersecretary Rocky Ignacio.

Samantala, lalo pang tumindig ang hirap na pinagdadaanan ng ilan nating mga kababayan sa Mandaluyong matapos na matupok ng apoy ang kanilang mga ari-arian kamakailan. Kaya agad na nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng sunog ang outreach team ni Senator Christopher ‘Bong’ Go. Ang mga ahensiya ng pamahalaan present din sa pamamahagi ng assistance program sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Muli po natin balikan si Miss Deena Joy Amatong, ang Charge D’Affaires ng Philippine Embassy in Vienna, Austria. Ma’am, muli pong nag-re-impose ang Austrian government ng hard lockdown. Hanggang kailan po ba ito tatagal at kumusta po ang sitwasyon ng ating Filipino community? Marami naman po ba iyong naapektuhan ang hanapbuhay dahil dito?

CHARGÈ D’AFFAIRES AMATONG: Tama po tungkol sa lockdown. Actually, noong 22 November po nag-impose ang Austrian  government ng lockdown at kahapon ay nag-decision din po ang gobyerno na ipagpatuloy ang lockdown for another 10 days, kumbaga hanggang December 11 po ang lockdown dito sa Austria.

Ang ibig sabihin po nito, lahat po ng restaurants, cafes, museums at saka iyong mga shops po na nagbebenta ng non-essential goods ay mananatiling sarado. So, ang bukas lang po ay ang mga groceries, pharmacies, banks at saka postal service providers. So, ito po ay hanggang December 11.

Ngayon naman po sa kalagayan ng ating Filipino community dito sa Austria, kami po ay palagi pong nakikipagpanayam sa kanila at kinukumusta naman po namin sila kung kumusta na ang kanilang kalagayan. Sa awa naman po ng Diyos, fortunately, ang sinabi naman po sa amin ay maayos naman po ang kanilang kalagayan dahil dito rin naman po sa Austria ay mayroon naman pong sinasabing COVID-19 economic measures that have been put in place by the government.

So, mayroon  pong binibigyan na parang government subsidized federal jobs program kung saan ang gobyerno po ay tumutulong o sumusuporta sa mga employers kasama na rin po iyong mga MSMEs para matugunan ang mga employers at mabigyan ng patuloy na sahod ang mga manggagawa kahit na may lockdown at saka kahit na may pandemya. Especially po sa mga manggagawa na nabawasan ng work hours dahil nga sa pandemyang ito.

Halimbawa, may mga manggagawa sa sinasabi nating gastronomy sector or sa service sector na kahit hindi sila nakakatrabaho, hindi sila nakakapasok ay nakakatanggap pa rin po sila ng sahod nila. So, para lang sa kaalaman ng marami, dito po sa Austria ang atin pong mga kababayan ay marami sa kanila ay employed sa hospitality and food service at ganoon din po sa human  health and social work service.

So, in terms of livelihood, in terms po sa hanapbuhay ay hindi siguro po ganoon kalala, pero siyempre mayroon din po na mangilan-ngilan na naapektuhan na kanilang kabuhayan dahil po sa lockdown at dahil po sa pandemic, Usec.

USEC. IGNACIO: Miss Deena, ito naman pong suspected case diyan na Omicron variant na na-detect mula sa pasaherong dumating mula sa South Africa. Nakumpirma po ba ito kung talagang iyong bagong variant at paano po nakaalerto ang Austrian government pati na rin po iyong embahada natin diyan sakali lang po no, pero huwag naman sanang lumala ang sitwasyon?

CHARGÈ D’AFFAIRES AMATONG: Tama ho. Actually, kahapon po nakumpirma ng Austrian Federal Ministry for Social Affairs Health Care and Consumer Protection na may dalawang kaso po ng Omicron variant sa dalawang federal states dito po sa Austria. So as a measure, ang Austria po ay naghigpit din po ng travel coming from several Southern African countries. So, mayroon din pong tinatawag nating landing ban for flights coming from several countries katulad na rin po ng travel restriction na ipinatupad ng ibang bansa.

Ngayon po sa embahada, kami po ay may tinatawag na alternative work arrangements na sang-ayon na din po sa patakaran na inilahad ng Department of Foreign Affairs at ng ating Civil Service Commission. So, under the set-up, we ensure that the embassy, especially the consular section remains open to the public. So, hangga’t po makakaya namin at habang kami po ay healthy dito sa embahada, hindi po kami titigil sa pagbigay serbisyo sa ating mga kababayan, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Miss Deena, maraming mga kababayan natin iyong sana po ay gusto sanang umuwi dahil sa Christmas season. Pero, dahil nga po sa sitwasyon ay itinaas na po ng Pilipinas ang Austria sa Red List countries. Marami-rami ba ang apektado ng travel ban at ilan na ang nagkansela na ng kanilang flights dahil po sa COVID situation.

CHARGÈ D’AFFAIRES AMATONG: Totoo po iyan. Noong nag-announce po ang Philippine government na nasa red list ang Austria, inasahan na po namin, nag-anticipate na po kami na marami pong tatawag sa amin na ating kababayan na gusto sanang umuwi ngayong Pasko at siyempre mayroon po kaming natanggap na mga tawag ng mga tao na naapektuhan po ang travel plans nila ng pag-uwi sa Pilipinas. Mayroon din hong mga narinig kaming mga nakansela nga na flights.

So, siyempre iyong ating mga kababayan ay kailangan na lang palitan siguro ang travel plans until a later date. Pero, sa totoo lang mayroon din naman, kahit na ho wala pa sa red list ang Austria, mayroon din naman  tayong mga kababayan dito na naapektuhan, mayroon po tayong ‘quota’ ng iyong puwedeng  pumasok sa Pilipinas.

So even then, mayroon pong mga nag-cancel na flights or naubusan ng seats ang mga airlines. So, patuloy ho naming sinasagot ang mga katanungan ng mga tumatawag sa amin at nagtatanong tungkol ho dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Miss Deena, ano daw pong assistance na maaaring ipaabot ng ating embahada diyan sa Vienna sa ating mga kababayan na ngayon ay may panibagong crisis na pinagdadaanan ang bansa? Sakaling may concern sila, saan po sila maaaring lumapit?

CHARGÈ D’AFFAIRES AMATONG: Ang gusto ko pong sabihin sa kanila ay huwag po kayong mag-alala, huwag po kayong mabahala. Ang Philippine Embassy po dito sa Vienna, lalong-lalo na ang aming consular section ay patuloy po na bukas, patuloy po namin na puwedeng tugunan ang inyong mga katanungan.

Nakikita ninyo po dito sa screen, nandito po iyong aming email address, our telephone numbers na patuloy pong may sumasagot po diyan and of course through Facebook and Instagram, nandoon po rin kami sa social media. So, huwag pong mag-atubili na tumawag o mag-communicate sa amin at hanggang po sa kakayanin namin ay tutulungan po namin ang ating mga kababayan dito po.

USEC. IGNACIO: Opo. Miss Deena, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon. Ma’am Deena Joy Amatong, ang charge d’affaires sa Philippine Embassy in Vienna Austria. Stay safe po Ma’am.

CHARGÈ D’AFFAIRES AMATONG: Kayo din po, thank you. Maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Opo. Ms. Deena, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagpapaunlak sa aming imbitasyon, Ma’am Deena Joy Amatong, ang Chargé d’Affaires of Philippine Embassy in Vienna, Austria. Stay safe po, ma’am.

AMBASSADOR DEENA AMATONG: Kayo din po. Thank you. Maraming salamat po!

USEC. IGNACIO: Para sa pinakahuling pangyayari sa iba pang mga lalawigan sa bansa, puntahan naman natin si Mary Ann Bastasa ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Mary Ann Bastasa.

Para sa mga kababayan nating tutulak pa-Kingdom of Saudi Arabia, alamin ang mga detalye kaugnay sa umiiral na temporary deployment ban ng bansa doon, makakasama natin si Attorney Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration. Welcome back, Attorney Olalia.

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Good morning po, Usec. Rocky! Good morning po sa mga nakikinig po at nanunood po sa inyong programa.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, Biyernes po noong nakaraang linggo ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang temporary deployment suspension dito po sa Kingdom of Saudi Arabia. Ano po ba ang nagtulak sa pamahalaan para maglabas ng ganitong kautusan sa nasabing bansa?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo, Usec., alam ninyo napakaimportante po nito, itong pinalabas na kautusan ng ating mahal na Secretary of Labor. Ito po ay patungkol sa temporary suspension ng verification of employment contract ng ating HSW or iyong tinatawag nating Household Service Workers or domestic workers po natin. Ito pong kautusan na ito ay upang repasuhin iyong ating tinatawag na verification guidelines ng POLO.

Dahil po kung maalala ninyo, nagkaroon po ng pang-aabuso sa ating mga OFWs particularly iyong mga HSWs natin na na-assign sa isang employer diyan sa Saudi Arabia. At ang nangyari po kasi doon sa kaniyang employment contract ‘no, hindi po nakalagay doon iyong complete address niya at saka iyong complete name at ang nangyari eh nailipat iyong employer na dapat niyang puntahan, napunta po sa isang employer na blacklisted.

Ang ibig pong sabihin noon, na-circumvent po nila iyong verification rules natin at nakita natin iyong gap kaya kinakailangang i-plug natin at babaguhin po natin iyong verification guidelines nang sa ganoon hindi na po mauulit iyong pang-aabuso ng isang employer at makakakuha siya kapag siya po ay blacklisted na.

USEC. IGNACIO: Attorney, para naman po sa kaalaman ng publiko ano po, sino ba iyong sakop ng nasabing kautusan at gaano rin po karami mga kababayan nating OFW ang inaasahang maaapektuhan nito?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku! Napaka-importanteng tanong po iyan, Usec. Rocky ano. Ang sakop po sa kautusan ay iyong mga new hired na ating mga domestic workers or HSW.

Ang ibig pong sabihin kapag ang isang ahensiya ay magpuproseso at ipapa-verify ang isang new hire, iyong nag-a-apply pa lamang, hindi po sila makakapagproseso ngayon dahil ang POLO ay inatasan ng ating mahal na Secretary na isuspinde ang verification nito. Hihintayin po na magkaroon ng panibagong verification guidelines na magmumula po sa POEA.

Tayo naman po sa POEA, atin pong iku-convene iyong technical working group, pag-uusapan po namin ito at aalamin po natin iyong mga importanteng detalye na ilalagay natin sa verification guidelines.

Kung ilan po ang HSWs na maaapektuhan nito, medyo malaki po kasi alam ninyo ang deployment natin ng HSW sa Kingdom of Saudi Arabia, isa iyan sa pinakamalaking traditional market natin at libo rin po iyong maaapektuhan ano. Kaya ang gagawin po natin sa lalong madaling panahon eh dapat balangkasin natin iyong pagpapagawa ng panibagong verification guidelines.

Ang intention po kasi nito tulad ng nabanggit ko kanina ay upang maiwasan iyong instance o iyong pangyayari na naaabuso iyong ating OFWs kapag siya ay nai-deploy sa isang blacklisted na employer.

USEC. IGNACIO: Attorney, bukod po sa ilang lugar sa Saudi, saan-saang bansa ba tayo may pinaiiral na deployment suspension ng ating mga OFWs magpahanggang ngayon po?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Opo. Sa ngayon po kapag tinatawag nating temporary suspension siyempre ang nangungna po ang ating deployment ng nurse ‘no kasi mayroon po tayong cap. May deployment cap po tayo at iyong 6,500 natin ay naabot na natin noong bago magtapos ang Oktubre.

At tayo po ay umaasa ngayon sa IATF na sana palawigin muli iyong cap ng sa ganoon makapagsimula tayo ng additional deployment natin ng ating HCWs o health care workers particularly nurses.

May mga exempted categories tulad po ng mga balik manggagawa at iba pong mga government-to-government hires po natin. Pero ang nais po natin iyong mga nasa pipeline na ng POEA ay atin pong i-allow kasi hindi naman po makakaapekto ito sa ating supply ng nurses at hindi rin po makakaapekto ito sa kapasidad ng ating healthcare system dito sa ating bansa para tugunan iyong pandemya.

Pangalawa po, mayroon din tayong mga deployment suspension or ban dahil sa mga Alert Level 4 na ibinigay po ng Department of Foreign Affairs ‘no. Nandiyan po iyong bansang Ethiopia na kung may conflict doon at may pag-aaway kaya po Alert Level 4 siya kaya wala pong deployment.

Nandiyan din po ang bansang Afghanistan at saka Myanmar ‘no na mayroon pong Alert Level 4 na ipinalabas ang ating DFA at kaya po sa ngayon ay mayroon pong tinatawag na total deployment ban sa mga nasabi pong bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa iba namang usapin, Attorney, mayroon na bang mga pag-uusap hinggil sa posibilidad na paglalagay ng deployment suspension sa mga bansa kung saan may mga reported cases ng bagong COVID-19 variant na Omicron?

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Naku! Napakaimportante po niyan, Usec. Rocky, itong variant na Omicron na pag-usapan natin ngayon ano.

Base po doon sa pinaka-latest na IATF Resolution, ang sinasabi po ng ating pamahalaan ngayon ay kanselado po lahat ng international flights na manggagaling sa mga bansa na kung saan umiiral ngayon iyong variant ng Omicron.

Halimbawa po iyong bansang galing ng South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Mozambique ‘no, hindi po pinapayagang makalapag sa ating bansa. Ganoon din po naidagdag ang bansang Austria, Belgium, Czech Republic, Hungary, Italy, at Netherlands.

Ang ibig sabihin, sila po ay nasa kategorya ngayon ng Red List country. At bilang nasa kategorya ng Red List country, kanselado po lahat ng incoming international flight at kapag kanselado po ang international incoming flight eh siyempre wala ring outbound international flight. Hindi po makakaalis ang ating mga OFWs na pupunta po sa mga nabanggit kong bansa dahil nga doon sa IATF Resolution na iyan.

Mag-i-issue po tayo sa POEA ng advisory, labor advisory na nagsasabi na dahil sa IATF na ito, wala po kayong sasakyan at hindi po kayo makakarating sa mga bansa na ‘yan. Pero mayroon po tayong mga protocols at saka mga quarantine protocols sa mga nanggagaling po doon sa mga nabanggit ko naman pong bansa, kaya iyon po ang ating susundan ngayon at ipai-implement kasi napakaimportante’t magbabakasyon eh, magpa-Pasko ‘no.

‘Pag galing po kayo sa ibang bansa na ganiyan at ito pong flight ninyo ay isang government initiated flight o kaya NGO initiated flight o kaya Bayanihan flight ‘no na in-arrange po ng POLO o DFA, kayo po ay papayagan namang makalapag dito kapag kayo ay OFW. Kaya lang mayroong tinatawag na health and quarantine protocols na kung saan mag-a-undergo po kayo ng facility-based 14-day quarantine which on the 7th day ay magti-test po kayo ng COVID. ‘Pag negative po kayo ay kukumpletuhin ninyo iyong 14 para nang sa gayon kayo po ay makauwi na sa inyong kaniya-kaniyang probinsya po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong impormasyon, Atty. Bernard Olalia ng POEA. Ingat po kayo, Attorney!

POEA ADMINISTRATOR OLALIA: Salamat po. Ingat po tayong lahat!

Sa iba pang balita: Mga magsasaka sa ilang bayan ng North Cotabato ang hinatiran ng ayuda ng Department of Agriculture at tanggapan ni Senator Go kamakailan. Hinikayat din ang mga magsasaka at mga residente sa probinsya na magpabakuna na. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Dumako naman tayo sa Hilagang Luzon. Puspusan po ang isinasagawang konsultasyon at dayalogo ng DepEd Division of Baguio para sa hangaring pagpapatupad ng face-to-face classes sa susunod na pasukan. Ang detalye sa balitang ‘yan hatid ni Eddie Carta ng PTV-Cordillera:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: ‘No vaccination, no work’ policy sa mga government workers inaasahang ipatutupad sa Cebu City. Nagbabala rin ang Alkalde ng lungsod na hindi ibibigay ang Christmas bonus sa mga empleyado kung hindi pa mabakunahan ang lahat ng mga ito. Ang report mula kay John Aroa:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa Davao Region, umabot sa mahigit 253,000 katao ang nabigyan ng first dose ng COVID-19 vaccine sa loob ng tatlong araw na Bayanihan, Bakunahan. Ang ulat mula kay Jay Lagang sa PTV-Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Jay Lagang.

At iyan po ang mga balitang at talakayang tampok namin ngayong araw!

Ang Public Briefing ay hatid po sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Mga kababayan, 23 days na lamang po at Pasko na.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita po uli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)