Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga Pilipinas at sa buong mundo. Ako po si Usec. Rocky Ignacio. Ating pag-uusapan ngayong umaga ang kahalagahan ng pagbabakuna lalo na ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan, ganoon din ang employment situation sa bansa at ang hakbang ng pamahalaan para po tugunan ito. Magandang balita rin ang ihahatid sa atin ng GSIS maya-maya lamang.

Simulan na po natin ang talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Sa pag-iikot ng kaniyang outreach team sa Davao City para mamahagi ng tulong, muling idiniin ni Senator Bong Go ang kahalagahan ng panukalang batas na isinusulong niya sa Senado na magbibigay nang maayos na pabahay para sa mga informal settler at sa mga nawalan ng tirahan dahil sa kalamidad. Narito ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Lahat po sa ating mga kababayan ay nasasabik na sa darating na Kapaskuhan bagama’t napapasailalim pa rin tayo sa pandemya. At isa ngang paraan para sa mas ligtas na Pasko o holiday season ay ang pagbabakuna kontra COVID-19. Para pag-usapan iyan, makakasama natin ngayong umaga si Health Secretary Francisco Duque III. Good morning, Secretary.

DOH SEC. DUQUE: Usec. Rocky, magandang umaga sa iyo at sa lahat ng inyong mga tagasubaybay sa ngalan ng IATF at ng DOH.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa aming lahat ay talaga pong napakaganda ng umaga natin ngayon, Secretary. As of December 3 po ay 67.17% na po iyong target population ng bansa ang nakakatanggap ng first dose. Ano po iyong inyong hakbang na isinasagawa para tumaas pa po iyong porsiyentong ito lalo na po’t nalalapit na ang Pasko kung saan inaasahan naman po iyong increased mobility ng mga tao?

DOH SEC. DUQUE: Alam mo, Usec. Rocky, tuluy-tuloy iyong ating demand generation para nga ang mga kababayan natin ay samantalahin iyong ating second round ng massive national vaccination program na mangyayari itong December 15 to 17. Iyong una natin was from November 29 to December 1 at doon nga ay tagumpay naman ang ating nakamit na pinuntirya natin although of course hindi siya 100% noong December 1 ‘no, 90% siya ‘no. Pero noong December 3 umabot tayo ng lampas 9 million ang nabigyan ng bakuna.

So ang pinuntirya natin for the first 3-day national vaccination program or activities ay 54 million ang magkaroon ng first dose. At ngayon naman magpupursige tayo na makakaabot naman iyong 54 million magkaroon ng complete dose o two dose inoculation.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, base sa inyo naman pong monitoring, na-sustain po ba ng mga lokal na pamahalaan iyong dami ng nagpapabakuna ilang araw pagkatapos po ng ating Bayanihan, Bakunahan drive o balik po tayo doon sa dating medyo mababang bilang ng daily jabs target?

DOH SEC. DUQUE: Well sa totoo lang ay mataas pa rin naman pero tama ka, medyo ito ay bumagal o kumaunti ano kumpara doon sa pinakamataas na inabot natin na 2.7 million sa isang araw. In fact iyong 2.7 million na iyon, nalagay tayo bilang pang-apat sa buong mundo, naranggo tayong pang-apat ano in terms of the most number of doses administered in a day ‘no. Pero kung iku-correct mo siya to population, number one tayo kasi iyong population natin at a 110 million at iyong ating nabigay na bakuna, na 2.7 million ay nangunguna tayo. Talo pa natin iyong China, India at isa pa na bansa ano, pang-apat tayo. Pero pagka iyon na nga, corrected to population ‘no, number one tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tuwing Kapaskuhan dumarami rin iyong mga bata na lumalabas para mamasko ano po o kaya naman namamasyal kasama ang pamilya. Dahil po dito, kinukonsidera ninyo po ba na pabilisin din itong pediatric vaccination at paano naman po iyong mga nasa edad na 11 pababa lalo na po’t may ilang aktibidades na pinagbabawalan sila dahil nga rito sa banta ng COVID? Wala po bang balita kung papayagan na ang pagbabakuna sa kanila, Secretary?

DOH SEC. DUQUE: Well sa ngayon kasi ang policy natin, nasa 12 to 17 pediatric age group pa lamang. Pero hindi na siguro magtatagal eh iyong mga mas bata maba-vaccinate din ano, ito ‘yung mga 5 to 11 years of age. Pero sa ngayon hindi muna. So ang akin lamang paggabay ay siguraduhin na maging maingat at huwag palalabasin nang basta-basta iyong mga bata lalo na hindi akma doon sa ating health protocols. So dapat sinusunod iyon at mag-iingat, iyong ating minimum public health standards ay dapat tumatalima ang ating mga magulang at ang mga ganito, paigtingin iyong vaccination strategy natin para magkaroon ng cocoon effect. In other words, kung lahat naman sa pamilya ay bakunado na except for the children, malamang iyong bata hindi na mahahawa dahil lahat ng mga kasama niya ay bakunado na.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may plano nga po kayong magsagawang muli ng nationwide vaccination drive sa December 15 to 17. Inaasahan po ba na marami pa rin po iyong mababakunahan dito sa gagawing vaccination drive at ilan po iyong inyong target na mabakunahan?

DOH SEC. DUQUE: Well, ang tina-target natin dito mga seven million para sa second dose para lang maabot iyong ating pinupuntiryang 54 million by the end of the year na nabigyan ng kumpletong bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, dumako naman tayo dito sa usapin ng Omicron variant ng COVID-19. Sinabi po kasi ni DOH Undersecretary Vergeire noong nakaraang linggo, wala pa talagang tala o kumpirmadong kaso ng nasabing variant sa bansa. Ano daw po iyong hakbang na inyong ginagawa para po mapanatili po tayong ligtas mula sa variant na ito lalo na po’t magpa-Pasko? Mabilis din umano itong kumakalat base po sa pag-aaral, Secretary?

DOH SEC. DUQUE: Well, alam naman natin na ang pinaka-epektibong pamamaraan para mapigilan na makapasok ito. Pero siyempre, kagaya ng sinabi ko noong nakaraang linggo, it’s not a question of ‘if’ kung ito ba ay papasok, kung hindi ang tanong dito ay kailan ano.

Pero ganoon pa man, we are buying time para mapalakas natin ang ating health system’s capacity at siyempre iyong vaccination trajectory, kinakailangan na ipagpatuloy ito at mas marami tayong mga kababayan na mabakunahan ay mas maigi para sa lahat para makamit ang population protection at ang pagsunod/pagtalima sa minimum public health standards ay napaka-effective ito against transmission ng COVID whether it is Alpha, Beta, Gamma, Delta and, sabihin natin sa tingin ko kahit na Omicron pa siya ay matatalo iyan kapag ang taumbayan ay susunod sa minimum public health standards – iyong mask, hugas, iwas and of course iyong bakunahan natin.

So, iyan ang mga pinaghahandaan natin at pareho naman iyong mga hakbang pero pinaigting natin at iyon na nga mayroon tayong ‘4-door’ strategy na ginagamit – iyong point of origin; mayroon tayong mga red-listed countries; may travel ban tayo except for the Filipinos – mga OFWs, returning overseas Filipinos, puwede silang makapasok pero istrikto tayo doon sa point of entry sa pamamagitan ng ating mga testing and quarantine protocols, iyon ang ating isinasakatuparan; and of course iyong health system capacity natin, pinalawig natin ang kanilang kapasidad, iyong bed utilization, iyong ating ICU, mechanical ventilators, sinisiguro natin na kakayaning tumugon in case magkaroon ng worst case scenario or sustained high community transmission ay kayang tugunan ng ating health system.

At napatunayan na natin iyan kasi tatlong beses na tayong nagkaroon ng surge ‘no at naging matagumpay naman ang ating mga hakbang para mapababa ang bilang ng mga kaso.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, puntahan ko lang po itong mga tanong ng ating kasama sa media. Mula kay Lei Alviz ng GMA News: May resulta na po ba ang genome sequencing sa samples ng returning overseas Filipinos na dumating sa bansa kamakailan at nagpositibo sa COVID? Ang isa daw po ay galing South Africa.

DOH SEC. DUQUE: Well, sa ngayon wala pa tayong resulta noong sequencing na isinasagawa kasalukuyan ng Philippine Genome Center. Hayaan ninyo dahil kapag nagkaroon ng submission ay ibabahagi natin sa ating media partners katulad ninyo, kayo ang unang makakaalam patungkol dito kung talagang mayroon na tayong Omicron through a genome sequencing.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod po niyang tanong, Secretary: Kumusta po ang pag-locate sa mga pasahero galing South Africa na dumating mula November 15? 80 pa lang daw po sa mahigit 200 ang na-locate na.

DOH SEC. DUQUE: Tama iyon, nagkaroon na ng contact and verified. Pero iyong 165, ongoing verification, araw-araw naman mayroong submission ng kanilang report. So, hintayin na lang natin iyon, baka mamayang hapon lang mayroon nang madadagdag doon sa 80 na natukoy na at biniberipika, at doon sa 165 hintayin natin ‘no.

So, iyan ang sa kasalukuyang estado ng ating pagkilala at pagtukoy ng mga ROFs o OFWs na galing sa South Africa and other countries where the Omicron variant has been identified.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Lei Alviz: Kailan ninyo po ibababa sa Alert Level 1 ngayong patuloy na bumababa ang mga kaso?

DOH SEC. DUQUE: Well, [pag-uusapan iyan] sa susunod na IATF sa Huwebes, pero para sa akin dapat siguro tama lang manatili muna tayo sa Alert Level 2.

Bakit ‘kamo?

Unang-una ay ang mobility tataas na naman ngayong Kapaskuhan, alam natin iyan at mayroong nagbabadya o banta ng Omicron variant, so, maigi na mas konserbatibo tayo. Anyway, malaki-laki na rin ang bahagi ng ekonomiya na binuksan natin under the Alert Level 2 at ang mga establisyimento ay ang kanilang kapasidad nasa 50%. Pero kung mayroon silang safety seal halimbawa, ang mga dine-in restaurants ay magkakaroon ng additional 10%. At kung sa lugar nila ay may 70% na vaccination rate for A2 and 3 and the general population, may additional 20% sila. So all told, mga 80%, hindi maliit iyon! So, iyang 80% capacity na iyan maganda na iyan para maka-recover ang ating economy.

USEC. IGNACIO: Opo. Padalang tanong naman po ni Aiko Miguel ng UNTV: According to Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion, is appealing to the DOH to decide and revert the facility quarantine requirements to three days before December 15 so that returning Filipinos who tests negative can be released from quarantine in time for Christmas celebration with their families. Will you consider this and have it implemented?

DOH SEC. DUQUE: Alam ninyo, dahil nga nagkaroon ng Omicron variant threat, iyong dating three days natin ginawa nating five days. Una, mayroon tayong tinatawag na pre-departure testing within 72 hours and then three days – ito iyong dati bago mag-Omicron – three days quarantine facility and test on the third day and kung negative ay pauuwiin na sa bahay for self-monitoring for 14 days, pero ngayon nga, binago natin ito.

Tingnan natin, habang pumapasok ang karagdagang kaalaman patungkol sa Omicron variant. At so far, kahapon sa ating pakikipagpulong sa WHO Country Representative, si Dr. Rabindra Abeyasinghe, sinabi niya na lumalaki ang datos na nagpapakita na mukhang mild ang symptoms and no deaths reported as of yet patungkol sa Omicron variant.

Pati hospitalization mukhang hindi naman sumisipa, mukhang ang hospitalization admission follows the same curve for Alpha and Delta ’no. So, parang hindi naman ito naiiba. So, parang ‘ika nga, sinasabi it’s no cause for alarm. But anyway, maigi na rin iyong maghintay pa tayo ng karagdagang impormasyon at datos para mas malinaw at magabayan tayo in terms of calibrating our response and part of this is whether we should bring back the quarantine period from five days to three days. Kasi ang ginawa nga natin five days ‘di ba and 14-day continuing self-monitoring until 14th day sa bahay for vaccinated.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Red Mendoza ng Manila Times sa inyo: Inanunsiyo na po ng WHO na ang convalescent plasma ay hindi po nakakatulong sa paggaling ng mga taong may COVID-19. Kailan po ia-adopt ng Pilipinas ang rekomendasyong ito ng WHO?

DOH SEC. DUQUE: Pagkakaalam ko diyan, itong convalescent plasma, alam na ng ating mga dalubhasa, ang UP-PGH halimbawa, ang alam kong matagal nang impormasyon ay hindi na nila ginagamit nga iyan dahil sila mismo nakita nila na hindi naman epektibo.

So, wala namang problema diyan dahil marami na tayong mga ginagamit na mas epektibo katulad ng Tocilizumab, Remdesivir, Dexamethasone or steroids, para mapangasiwa iyong nakakamatay na [unclear] ‘no.

So, mas importante na tong mga bagong gamot at mayroon na nga dalawa na din, iyong Molnupiravir ng Merck at saka Paxlovid ng Pfizer na mukhang very promising naman at ginagamit na nga ng mga ilang ospital ito sa kanilang critical case management ng COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pa rin pong tanong ni Red Mendoza: Ngayon pong nagbibigay na ng booster doses sa Pilipinas sa lahat ng 18 pataas, irirekomenda na daw po ba ng DOH at IATF na irebisa iyong definition ng fully vaccinated mula sa dalawang doses sa tatlong doses na tulad po ng ginagawa ng Singapore?

DOH SEC. DUQUE: In fact, iyong ating primary series, iyon pa rin iyon – two dose, primary series vaccination and then iyong pangatlo, iyong booster dose, iyon ang tawag natin doon. So, as is, hindi na natin kailangan sabihin na dapat three doses of the primary series. Okay na iyong dalawa plus booster dose.

So, as is ay titingnan pa rin natin kung iyong booster dose, gaano katagal ang proteksiyong taglay nito bago bumaba – anong haba ng panahon na mapanatili ang proteksiyon ng mga bakunang ating ginagamit. Dahil bago nga ito, hindi natin masabi kung tatagal ito ng another six months o tatagal ba ng nine months or ng 12 months. So, binabantayan natin kung ano ang karanasan at mga datos patungkol dito.

USEC. IGNACIO: Ang huli po niyang tanong: Ang grupo daw po ng private health care workers ay nagrireklamo na hindi pa rin daw sila binibigyan nang karampatang benepisyo na katulad o patas ng mga nagtatrabaho sa pampublikong hospital? Ano po ang ginagawang aksiyon ng DOH para po masolusyunan ang isyu ng binibigay na benepisyo sa mga private healthcare workers?

DOH SEC. DUQUE: Tuluy-tuloy naman. Mayroon tayong SRA at mapapakita sa inyo ng admin and finance ng DOH na mayroon naman silang contact number para mapakita sa kanila kung anu-anong mga ospital na pinagbigyan ng mga health care workers benefits, iyung SRA lalung-lalo na at ngayon nga mayroon pang karagdagang P1.5 billion na inaprubahan ng Office of the President. Salamat kay Pangulong Duterte para naman ito sa mga hindi nabigyan from September to December 2020.

So, iyan ay inihahabol sa ngayon at ginagawa na ng panibagong guidelines ng ating admin and finance ng DOH. So, tuluy-tuloy hinahanapan po natin, marami po kaming mga sulat sa DBM na humihingi ng karagdagang pondo para mas mapalawig pa ang mga health care workers na tingin namin ay talagang nagsakripisyo and therefore dapat lang ay makasama sa healthcare workers benefits and compensation.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po naman ay katanungan mula kay Rafael Busano ng ABS-CBN: Contrary to Bloomberg index, the Nikkei recovery rankings shows that Philippines moved up to 46th spots. But it also notes that that the short terms case fatality rate stands over 9%, which is the second highest in the world, according to our world in data. Does the DOH agree with this ranking and aside from vaccination, what else can be done to control COVID-19 deaths?

DOH SEC. DUQUE: Well, unang-una, ang alam ko lang kasi ang case fatality rate natin cumulative is 1.72%; meaning, the number of deaths over the total number of infection. So, iyong 9% titingnan ko iyan kung saan nila kinuha iyan, ngayon ko lang po narinig iyan. Pero ganoon pa man ay magandang balita na gumanda ang ating ranking by 46 notches as number 57 na tayo from 103.

In fact, noong October nasa 121 tayo at pinapakita nga nila na kulelat tayo but we kept progressing ano at naging maunlad iyong ating mga hakbang para gumanda iyong ating ranking. At ngayon nga, nasa 103 tayo at ang mga panukatan o metrics na ginamit dito ay iyong ating number 57 pa rin tayo ngayon; so iyong vaccination rollout natin tuluy-tuloy. Kaya ito malaking tulong iyong three-day massive vaccination na ginawa natin.

At iyong pagpapaigting ng ating Public Health and Social Measures (PHSM) at iyong ating tinatawag ng improvement ng health system sa capacity at kasama din iyong early detection and targeted response, iyong mga granular lockdowns, ito iyong mga ginagawa natin and of course iyong pagpapaigting, pagpapalakas ng ating international border control measures, siyempre surveillance, active case finding, communications, contact tracing and monitoring; lahat ito ay isinasagawa ng ating mga pamahalaang lokal at malaki ang tulong.

Kaya naman nasa mababang bilang ng mga kaso na tayo ngayon, from 800 the week past, more or less ngayon nasa 500 na lang tayo, down to by about 41% iyong weekly daily average number of cases; so, maganda ang nangyayari, ang positivity rate natin below 3%. In fact, on the average nasa 3% pa rin tayo over the last three weeks or 21 days. So, iyong ating ADAR, Average Daily Attack Rate nasa minimal risk na nga buong Pilipinas, with less than 1 per 100,000 population. Can you imagine that, dati ang taas-taas natin, more than 7 per 100,000 population cases per day. Now, less than 1.67 that’s really a good, good result of outcome of what we have been doing, complimenting the national and the local government efforts.

Iyong two-week growth rate natin, negative 56, so ibig sabihin ang bagal na ng kalat ng COVID-19 virus sa mga komunidad. So, lahat ito pati ng ating health systems utilization rate, nasa 20.97%, ang baba-baba po niyan, below 50%, so that makes under very low risk classification.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Rafael Busano: What are your thoughts on PRRD or President Duterte’s offering your position to OCTA’s Father Nick Austriaco?

DOH SEC. DUQUE: Alam mo tayo, we serve at the pleasure of the President. So, iyan ay call, that is the President’s call, but tayo trabaho lang. And masasabi ko lang, we remain focused, if not laser focused on the things that need to be done to keep our cases really low. Minimal to low risk and our vaccination trajectory to be sustained hanggang sa mabigyan ng sapat na population protection, makamit natin iyong buong estadong ito at mas makakahinga, mas malilinawan tayo.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Kung may inventory na po ang DOH on vaccine wastage and expiring COVID-19 vaccines? In yes daw po, ilan po kaya ang nasabing vaccines at ano po ang gagawin ng DOH sa mga nasabing jabs?

DOH SEC. DUQUE: Well, unang-una nagawa na po ng DOH, sumulat po tayo, nakipag-ugnayan sa Pfizer, iyong kanilang mga nag-expire ay in-extend nila matapos nilang isinagawa ang stability studies noong kanilang bakuna, in-extend nila by three months. Ako din ay nakipag-usap kahapon sa pamunuan ng AstraZeneca sa Pilipinas at ganoon din ang gagawin nila. Titingnan nila kung ito bang mga nag-expire na kakaunti naman, hindi naman karamihan. I believe less than 1% ‘no na nag-expire ay titingnan kung puwede rin itong i-extent na hindi mababawasan ang kaniyang pagiging effective at iyong safety niya ay nasisiguro po.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Madz Recio ng GMA News: Ayon po kay BuCor Assistant Secretary Gabriel Chaclag kahapon ay wala daw pong PDL na may COVID. Papayagan na po ba ng IATF ang face to face dalaw sa New Bilibid Prison?

DOH SEC. DUQUE: Titingnan natin iyan, makikipag-ugnayan kami sa pamunuan ng Bureau of Jail ang Management Penology ‘no, ito iyong mga piitan, tingnan natin kung ano ba ang MGA health protocols nila. Siyempre lahat naman iyan may mga health protocols iyan na itinulong ng DOH buuin ‘no at tingnan natin ang kanilang datos at doon lang ay tingnan natin kung ano pa ang mga pagluluwag ng mga restrictions na puwedeng gawin.

USEC. IGNACIO: Opo. Last na lang po, pahabol lang po ni Trish Terada ng CNN Philippines: Hingi lang daw po ng update sa 8 missing passengers from South Africa. May nahanap na po ba at ano po ang plano ng DOH dito?

DOH SEC. DUQUE III: Talagang tutukuyin naman iyan, Usec. Rocky. So, aalamin ko up there, atin nang pinasusundan sa ngayon habang nag-uusap tayo. Hindi ko alam ang naging estado. Nasaan na ba sila? Sila ba ay natukoy na ba at ano ba? Sila ba ay naka-home quarantine o dinala sa facility quarantine. Lahat iyan ay nagiging bahagi ng aming updates.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga. Health Secretary Francisco Duque III. Mabuhay po kayo!

SEC. FRANCISCO DUQUE III: Maraming salamat, Usec. Rocky at sa lahat ng mga kasama ninyo sa PCOO dito po sa inyong Public Briefing #Laging Handa, napakalaking suporta at tulong ang inyong ginagawa para maipaabot natin sa ating mga kababayan ang mga pinakahuling mga impormasyon at datos para gumabay sa atin pong tugon sa pandemyang COVID-19.

At hindi po kami makakagawa ng ganitong na makatugon ng mga pamamaraan kung hindi kasama ang ating media partners. So maraming salamat sa lahat at sana maging mas ligtas ang atin pong pagdiriwang ng Kapaskuhan at dapat po lahat ay maging bakunado. So, maraming, maraming salamat.

USEC. IGNACIO: Opo. Salamat po para sa ligtas na Pasko.

Samantala, 2 paaralan sa Lungsod ng Maynila ang sumabak din sa face-to-face classes kahapon at ayon sa mga school officials, wala naman naging aberya sa pagbabalik sa classrooms ng mga guro at estudyante. Si Patrick De Jesus para sa report. Patrick.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Patrick De Jesus.

Para po sa mga miyembro ng Government Service Insurance System o GSIS na nagbabalak kumuha ng bahay sa mas madaling paraan, mayroon silang programang tamang-tama para sa inyo. Iyan po ang ipapaliwanag sa atin ngayong umaga ni Atty. Apollo Escarez, ang vice president for Real Estate Asset Disposition and Management Office (READ) ng GSIS. Magandang umaga po, Attorney.

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: Magandang umaga, Ma’am Rocky. Magandang umaga po sa ating mga kababayan lalo na po sa mga kawani ng GSIS, mga kapwa natin kawani.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, ano po itong “Lease With-Option-To-Buy”

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: Ma’am Rocky, itong programa pong ito ay tugon, isa sa mga tugon ng GSIS sa panawagan ng pamahalaan natin na magbalangkas ng programa na makakatulong sa mga kababayan natin, lalung-lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ito po ay isinulong ng aming Chairman of The Board Chief Justice Lucas Bersamin, at President and General Manager Rolly Macasaet.

At sa ilalim po ng scheme na ito, iyong mga kababayan po natin na nakatira sa mga property ng GSIS na wala naman pong karampatang mga kasulatan ay maaari na pong magpunta sa GSIS at mag-offer na upahan po iyong mga properties na ito. So, sa ilalim po ng programang ito iyong magiging lehitimo ang kanilang paninirahan po sa mga properties ng GSIS.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po iyong mga properties na covered ng “Lease with option to buy”?

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: Under sa programa po na ito ay mga residential properties po ang covered, residential properties po na pag-aari ng GSIS. Kasama na dito, Ma’am Rocky, iyong mga properties na nasubasta or na-foreclose ng GSIS at saka mga properties na dati ay subject ng mga housing loan on installment scheme with GSIS.

Alam mo, Ma’am Rocky, karamihan ng mga nakatira sa properties ng GSIS ay mga miyembro ng GSIS na dating nag-avail ng housing loan at nahirapan sila at hindi nila nabayaran. So, sa halip na padalhan namin sila ng notice to vacate o sampahan ng ejectment case ay bibigyan natin sila ng pagkakataon na mag-“Lease With Option To Buy”?

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, sino iyong mga puwedeng mag-avail ng “Lease with option to buy”?

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: Basta Pilipino ka, Ma’am Rocky, puwede kang mag-avail. Pilipino ka na mayroon kang regular source ng income pupuwede kang mag-avail. In fact, hindi lang miyembro ng GSIS ang puwedeng mag-avail. Kung hindi miyembro ng GSIS tapos may nakita at nagustuhan sila na bakanteng property na residential ng GSIS, puwede rin silang lumapit sa aming tanggapan at mag-alok na i-avail iyong “Lease With Option To Buy”

USEC. IGNACIO: Pero, ilang taon po iyong term ng pagri-rent sa property Attorney?

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: So, Ma’am Rocky, dahil ito ay initial na programa pa lang, nili-limit muna namin sa isang taon iyong “Lease With Option To Buy” na term. Pero, renewable naman po ito every year, depende po sa performance ng ating lessee sa kanilang pagbabayad at pag-maintain ng mga property ng GSIS.

USEC. IGNACIO: Opo at anu-ano po iyong mga requirements?

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: Kailangan lang po pag magri-renew.

USEC. IGNACIO: Go ahead po, go ahead.

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: Sorry po, Ma’am Rocky. Kapag magri-renew po sila kailangan pong ipaalam sa GSIS tatlong (3) buwan po bago po mag-expire iyong kontrata.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito ang importante Attorney, na lagi nilang tinatanong. Ano po iyong mga requirements na dapat nilang isumite at siyempre iyong mode of payments para po sa monthly rental nito?

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: Dahil po isa ito sa ginhawa packages ng GSIS, simply lang po ang requirements. Una po, ay iyong application form under “Lease With Option To Buy”. Kailangan po completely filled up at kailangan din nila pong mag-present ng ID, 2 ID po coming from government, government issued ID po or employers ID. Iyon naman pong application form na lease with option to buy form, maaari naman po itong i-download sa GSIS website www.gsis.gov.ph.

Doon naman po sa pagbabayad, tumatanggap po ang GSIS ng cash mode of payment, managers’ check, puwede rin naman pong post-dated checks to cover iyong buwanang installment lease or rental and then mayroon po kaming binabalangkas ngayon, Ma’am Rocky, na siguro after mga early next year puwede na rin po gamitin natin iyong Bayad Center sa pagbabayad po ng buwanang renta.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Attorney, paano naman daw po i-determine iyong rental fee sa GSIS property?

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: Ano lang po ito, Ma’am Rocky, kung ano lang po iyong umiiral o prevailing rental rate doon sa area iyon na rin po ang magiging rental rate ng properties na gusto nilang upahan.

USEC. IGNACIO: Pero, kailan pupuwedeng bilhin ng occupant ang inuupahang property Attorney?

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: Ayan po. Any time po na effective iyong “Lease With Option To Buy”, mayroon po talagang option na bilhin at itigil na iyong pangungupa at alukin na bilhin iyong property. Ang mahalaga lang po is at least one month before mag-expire iyong lease, puwede po silang mag-opt na bilhin iyong property ng GSIS. But as of the time na effective iyong kontrata ng option to buy up to one month before iyong expiration niya puwede po nilang i-exercise iyong option na bilhin na po iyong property.

USEC. IGNACIO: Opo. Attorney, doon sa mga interesado. Saan daw po puwedeng makita ang mga properties na available sa “Lease With Option To Buy”?

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: Puwede po nilang tingnan sa websites ng GSIS, kumpleto po iyong listahan sa buong Pilipinas iyan, Ma’am Rocky. Ang websites po ng GSIS ay www.gsis.gov.pH at tingnan lang po nila doon iyong menu on acquired assets at from there po makikita na nila hindi lang po iyong listahan, makikita din po nila doon at mada-download nga po iyong “Lease With Option To Buy” application form at mayroon din pong mga frequently asked questions na mababasa po nila doon.

USEC. IGNACIO: Opo. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at sa inyong impormasyon, Attorney Apollo Escarez, mula po sa GSIS. Stay safe po.

GSIS VP ATTY. ESCAREZ: Marami pong salamat.

USEC. IGNACIO: Samantala, aabot sa 3,000 residente naman mula sa Macabebe, Pampanga ang tumanggap ng ayuda mula sa pamahalaan at kay Sen. Bong Go, kamakailan. Dito ay muli siyang nanawagang magpabakuna na ang mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Puntahan natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service sa iba’t-ibang lalawigan ng bansa. Ihahatid iyan ni Ria Arevalo, mula sa PBS-Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Ria Arevalo ng PBS Radyo Pilipinas.

Samantala, dahil sa pandemya maraming mga negosyo ang nagsara, marami rin sa ating mga kababayan ang nawalan ng hanapbuhay at para kumustahin ang sektor ng empleyo sa bansa at malaman ang ginagawa ng pamahalaan tungkol dito, makakausap po natin ngayong umaga si DOLE Bureau of Local Employment Director Dominique Tutay. Magandang umaga po Director Nikki!

DOLE DIRECTOR TUTAY: Hi, USec. Rocky, good afternoon po—ay good morning po sa lahat.

USEC. IGNACIO: Ma’am good morning po. Sa ngayon po ba ay tinatayang ilang Pilipino ang nanatiling unemployed dahil sa pandemya?

DOLE DIRECTOR TUTAY: Opo. Kalalabas lang po noong October round ng Labor Force Survey po ng PSA kanina at base po sa ating impormasyon ay bumaba po iyong ating unemployment rate to 7.4% and that is equivalent to about 3.5 million. So, ito po kung ikukumpara po natin sa September Labor Force Survey round mas mabuti na po ito pero hindi pa rin siya ganoon kabuti kung ikukumpara naman natin during the pre-pandemic situation.

USEC. IGNACIO: Opo. Director Nikki, kahit ngayon po ba na lumuwag iyong restriction sa buong bansa, nanatili pa rin po ba mataas iyong bilang ng unemployed Pilipino sa atin, sa bansa?

DOLE DIRECTOR TUTAY: Malaki pa rin iyan USec. Rocky, kung titingnan po natin dahil nabanggit ko po due to the pre-pandemic situation natin ang ating unemployment rate ay nasa mga 5.1% lamang po iyan which equivalent to about 2.4 million but ngayon sa ating 7.4% that is equivalent to 3.5.

So, malaki-laki pa rin po iyong ating hahabulin and alam naman ho natin na kahit nagbukas na po iyong ating ekonomiya may mga restrictions pa rin po tayo like iyong atin pong hindi pa bakunado ay may limitations pa rin po sila sa pagpasok po sa kanilang mga pagawaan po.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Director Nikki, paano ninyo po ina-assess ang bilang na iyan kung ikukumpara dito sa employment situation sa ibang bansa ano po, halimbawa, sa America, marami din daw pong boluntaryong umaalis sa kanilang trabaho?

DOLE DIRECTOR TUTAY: Magkakaiba naman po iyong ating situation from the US but in terms dito po sa ASEAN medyo mas mataas po iyong ating unemployment rate kumpara sa ibang ASEAN neighbors po natin.

Iyon pong pag-alis po ng kusa ng atin pong mga…ng mga manggagawa po sa US ay hindi naman din po natin puwedeng maikumpara iyan dito sa ating bansa dahil sa atin nga po siyempre mas gusto po ng mga Pilipino na naghahanap buhay po sila kaya nga po ginagawa ng pamahalaan ang kaniyang makakaya para buksan po talaga 100% hopefully ang ating ekonomiya.

Hindi lang puwede nating magawa iyon ngayon USec. Rocky, kasi nasa Alert Level 2 pa po tayo. Pero, kung papalarin tayo hopefully by January puwede na po sana na 100% para tuloy-tuloy po iyong recovery po nga ating bansa.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ano naman daw po iyong maasahan ng ating mga kababayan dito po sa anniversary hybrid job fair ng DOLE, ilang employment opportunities po ang naghihintay sa mga mag-a-apply?

DOLE DIRECTOR TUTAY: USec. Rocky, mayroon po tayong naitala na around 30,000 jobs day incentives po, ito po ay nationwide coming from more than 200 employers also. Nagsimula po tayo kahapon dito sa National Capital Region ng first hand face to face po na job fair at may oportunidad po iyong ating mga job seekers na makapanayam po mismo ng ating mga employers.

Ongoing pa po ito sa iba-ibang rehiyon hanggang December 13, puwede po naman puwedeng online at mayroon din po tayong mga face to face na rin sa ibang panig po ng bansa. Sa mga impormasyon po ng ating mga schedule ng job fairs, puwede po silang pumunta sa ble.dole.gov.ph.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, kasama po ba sa io-offer iyong trabaho sa labas ng bansa dito sa job fair na ito at kung mayroon po ano pong klaseng trabaho po ito?

DOLE DIRECTOR TUTAY: Mayroon po tayong mga overseas vacancies na naitala around 7,000 din po ito gaya po ng mga cook, waiters, nurses, even po iyong construction related na plumbers. Ito po ay ang naging job openings na inu-offer po ngayong job fair at ito po ay sa UK, sa Germany, at sa Japan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sino-sino po iyong qualified na sumali sa job fair na ito Director?

DOLE DIRECTOR TUTAY: Lahat po ng job seekers po natin, iyon mga nawalan po ng trabaho noon at gustong bumalik na mag-i-empleyo, ganoon din po doon sa mga grumadweyt o sa mga out of school youth na hindi po babalik sa kanilang eskuwela pero gusto ng magtrabaho, open po.

Even nga po doon sa mga may trabaho ngayon, kahapon may na-interview kami may trabaho pa siya pero mag-e-end na po iyong projects kung saan po siya na-employ. So, naghahanap-hanap na rin po siya ng opportunity para hindi po siya mabakante by the start of next year.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyon nga po papaano pupuwedeng mag-join nga iyong mga kababayan natin dito at saan-saan po ginaganap sa ngayon Director?

DOLE DIRECTOR TUTAY: Opo. Patuloy po iyong dito sa National Capital Region dahil kahapon lang po iyong ating face to face, they continued it online. So, they can visit jobquest.ph at puwede po silang mag-apply diretso doon sa online facility. Iyong iba naman pong regions natin, iba-iba po iyong ating online job work partner. So, they can check it at ble.dole.gov.ph po.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod po dito sa inyong anniversary hybrid job fair, Attorney, I mean Director. Ano-ano po ba ang inyong mga ginagawa upang matulungan ang ating mga kababayang wala pang trabaho?

DOLE DIRECTOR TUTAY: Opo. Tuloy-tuloy USec. Rocky, iyong ating initiatives under the National Employment Recovery Strategy or NERS and sabi nga po natin lumawig po ito kasama ang Employers’ Confederation of the Philippines kung saan po they committed 1 million jobs by end of this year.

Sa ngayon hindi po natin pa maaabot iyong 1 million jobs na iyan but mayroon pong extended period over next year and even probably in the coming transition period po na puwedeng madagdagan din po iyong target natin na 1 million para po makakapag-offer po tayo ng trabaho sa ating mga kababayan.

Hindi lang po trabaho USec. Rocky, mayroon din pong mga livelihood opportunities na pupuwede po sa ating mga kababayan kung gusto po naman po nilang mag-negosyo.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga, Director Dominique Tutay, ng DOLE. Maraming salamat po at mabuhay po kayo!

DOLE DIRECTOR TUTAY: Mabuhay po, maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Magandang balita naman ang hatid ng lokal na pamahalaan ng Baguio City sa mga public utility jeepneys driver dahil po pinapayagan na ng LGU na tanggalin ang plastic dividers sa loob ng kanilang sasakyan. Bukod dito exempted na rin sila sa number coding, nag-uulat si Phoebe Kate Valdez, mula po sa PTV Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang mga tala ng COVID-19 sa bansa. Kahapon, nakapagtala ang DOH ng:

  • 543 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas dahilan para umabot ang kabuuang bilang nito sa 2,835,154.
  • Nakapagtala naman ang Kagawaran ng 830 new recoveries sa bansa kaya naman umabot na ito sa 2,772,107 total recoveries.
  • Sa kabilang banda 130 naman po ang nadagdag sa mga nasawi kung kaya halos 50,000 na ang total deaths.
  • Mababa na lamang sa 13,548 o 0.5% mula sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa ang nananatiling aktibo sa ngayon.

Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP. Maraming salamat din po sa muli ninyong pagsama sa amin ngayong umaga, sama-sama muli nating alamin ang mga napapanahong usapin bukas hanggang sa Kapaskuhan lalo na’t 18 araw na lamang Pasko na.

Muli ako po ang inyong lingkod USec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing Laging Handa PH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center