Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Bakunahan, nagpapatuloy na banta ng Omicron at maging ang mainit na isyu kaugnay sa Anti-Terror Act, ilan lamang po iyan sa mga usaping tatalakayin natin at bibigyan-linaw ngayong Biyernes kaya manatiling nakatutok mapa-livestream man o sa inyong mga telebisyon.

Mula po sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH!

Una sa ating balita: Muling nadagdagan ang mga bansang inaprubahan ng IATF na mapabilang sa red list countries. Napasama na ang France sa naunang labing-apat na mga bansa, teritoryo at jurisdiction na kinukonsiderang high-risk sa banta ng Omicron variant. Tatagal ang suspensyon ng flights mula sa South Africa, Austria, Botswana, Czech Republic, Namibia, Hungary, Zimbabwe, The Netherlands, Lesotho, Switzerland, Eswatini, Belgium, Mozambique, Italy at France hanggang December 15.

Samantala, umapela si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na huwag pakampante ngayong bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Paalala niya, kailangan pa ring sumunod sa health protocol at minimum health standard na pagsusuot ng mask, iwas sa kumpulan ng tao, palagiang paghuhugas ng kamay at pagpapabakuna. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Para magbigay ng update sa sitwasyon ng mga ospital ngayong nasa 0.4% na lamang po ang nananatiling active case sa bansa, makakausap po natin si Department of Health Undersecretary Leopoldo Vega. Good morning po, Usec.

DOH USEC. VEGA: Good morning, Rocky. At good morning ngayon sa lahat ng nakikinig sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., unahin ko na po munang kumustahin ang operasyon po ng One Hospital Command Center nitong nagdaang linggo. Nasa ilang average daily calls na lang po ba iyong natatanggap ninyo; at ano rin po iyong kadalasang concern na itinatawag sa One Hospital Command Center?

DOH USEC. VEGA: Usec. Rocky, alam mo, itong panahong last week of November and December, nakikita po natin bumabagsak na talaga iyong calls ‘no at saka hindi lang iyong itong calls, itong tinatawag naming transaction calls kasi kailangan talaga malaman kung ano ang kailangan ng pasyente at mari-refer sila at matawagan iyong mga hospitals o kaya quarantine facilities. So ito ay mga transaction calls.

Noong mga November, first week or second week, napansin po namin na iyong mga calls ay umaabot sa mga 485 to 500 calls per day – transaction calls iyon. Pero ngayon, itong Disyembre, pag-apak po mga December 3, bumababa na po kami sa mga 76 to 86 calls per day. So mapapansin natin na talagang bumababa na iyong One Hospital Command transaction calls at saka alam namin na talagang iyong new cases ng COVID-19 ay talagang nagdi-decrease.

At pangalawa naman, iyong mga tawag po sa One Hospital Command ay karamihan na rin ho kung hindi COVID pero iyong mga non-COVID ho, iyong mga emergency referrals sa mga hospitals at saka iyong mga pasyenteng nangangailangan ng special procedures kagaya ng cobalt sa Heart Institute, sa Heart Center o kaya sa mga dialysis. So, nagkakaiba na po iyong mga tawag ngayon at saka napansin na rin po namin, marami na ring tawag kung saan sila makakakuha ng financial assistance lalung-lalo na kapag na-admit sila sa mga hospitals.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pagdating naman po sa operasyon ng mga ospital sa bansa, masasabi po ba talaga nating stable na ang COVID situation at talaga pong nakakahinga na ang mga ospital natin o may ilang region pa rin po tayong binabantayan pa?

DOH USEC. VEGA: Usec. Rocky, alam mo, dito sa Metro Manila, mapapansin po natin sa data ho namin sa One Hospital Command, sa out of 158 yata na hospitals na nandito po sa Metro Manila, 62 niyan ay wala na hong COVID for the last five days. So mga 39% iyan sa Metro Manila ay wala na silang admission for COVID for the last five days. Ganoon din iyan sa lahat ng mga regions ‘no.

Pero ang mga ibang regions nga kagaya ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at saka Davao Region, mataas na iyong non-COVID reporting nila, mga nasa 61 to 62% ng mga hospitals na wala nang nagkakaroon ng COVID admissions. Ang hospitals ngayon ay dahan-dahan nang nagbubukas lalung-lalo na sa mga elective operations na talagang na-postpone noong panahon ng COVID, at saka nagbubukas na rin sila sa mga non-COVID na nangangailangan talaga lalo na sa mga emergency at mga kailangang urgent surgical operations.

USEC. IGNACIO: So, ibig sabihin nito, Usec., nagbawas na ang ospital ng kanilang bed capacity for COVID patients o nakataas pa rin po iyong 30% para po sa public at 20 para naman po sa private hospital?

DOH USEC. VEGA: Usec. Rocky, alam mo, iyong umpisa pa nitong pag-allocate ng mga beds para sa COVID, napag-usapan na namin sa lahat ng mga hospitals na parang accordion ang principle. Kung maraming COVID ho, talagang mag-i-increase sila to 30% to 50% of their allocated beds to COVID; kapag bumabagsak na naman iyong COVID cases nila, dahan-dahan na naman nilang binubuksan iyong mga wards nila to non-COVID – parang accordion. So nag-a-adjust sila in times when there is a COVID at saka nag-a-adjust na rin sila kapag bumababa na iyong COVID na i-accommodate naman iyong mga non-COVID na patients.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ngayong dumarami na po iyong mga eskuwelahan na ginagamit para po sa face-to-face classes, paano po pinaghahandaan ng Department of Health iyong nabawas na dating isolation facilities na mga classrooms na sana naman po ay huwag magka-surge ulit ng kaso?

DOH USEC. VEGA: Iyong mga school facilities naman natin, Usec. Rocky, ay talagang nasa pilot implementation pa iyong sa Department of Education, iyong pagbukas ng mga face-to-face, at saka mayroon naman talagang nag-set ng guidelines na rin ang Department of Health, together with the Department of Education, na kung paano pagbubukas ng mga face-to-face. So may mga guidelines na ho ito at saka dapat ma-implement ito lalung-lalo na kapag nagbukas iyong mga schools na identified sa pilot implementation para ho sa face-to-face classes.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., karamihan kasi sa mga kababayan natin noong panahon ng surge, ano po, natakot silang mag-avail ng medical services dahil takot po sila sa mga ospital na puno ng mga COVID cases. Ngayong pababa na po iyong bilang ng mga nahahawa sa virus at naka-admit sa ating mga ospital, is it safe na bumalik na po iyong mga tao sa pagpunta sa mga ospital para po magpakonsulta o magpagamot?

DOH USEC. VEGA: Tama naman iyon, Usec. Rocky. Alam naman natin na talagang iyong hospitals, they implement the highest standard of precaution against infection. So, karamihan ho sa mga hospitals ngayon nag-a-advice pa rin sila ng face shield to lower the transmission at saka iyong to increase the safety of the patients.

So, safe naman ho ang pumapasok, iyong mga non-COVID patients sa mga hospitals kasi alam natin na iyong mga hospitals may standard guidelines talaga on how to disinfect and manage and use of the PPEs para ho sa mga health care workers na hindi naman sila makaka-transmit ng mga sakit po nila.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., pagdating naman po sa Omicron variant, may mga kinu-consider po ba tayong magiging pagbabago sa sistema sa isolation requirement at contact tracing degree ng mga posible pong tatamaan po ng Omicron variant?

DOH USEC. VEGA: Usec. Rocky, alam mo itong Omicron talaga COVID-19 pa rin ito, iyon nga lang highly mutated compared with the Delta. Ang precautionary measures po natin nito ay pareho, iyong public health intervention natin alam natin na very effective iyan. Paggamit ng mask, ng well-fitted mask, social distancing; at saka magandang ventilation at saka hygiene ano. Ito iyong mga public intervention na talagang alam natin na talagang very effective.

Pangalawa ho, iyong palagay namin together with the Department of Health, alam namin na talagang papalawakin pa ho natin ang biosurveillance ano kasi alam natin na itong biosurveillance ito lang ang makaka-detect ng mga variants na nagkakaroon sa mga positive cases.

Pangatlo, itong mga isolation and testing, ganoon pa rin. Ganoon pa rin po ang gagawin po natin, risk-based pa rin ang pag-testing natin. Kailangan iyong mga pasyenteng may sakit o nag-positive kailangan ma-quarantine kaagad in the next 14 days para hindi kumalat ho.

So, roughly, Usec. Rocky, itong variant Omicron na ito ang ating measures ay pareho pa rin ‘no. In fact, we will have to be aggressive na lang siguro in doing it and comply with the public health intervention and most especially talaga, iyong vaccination which can actually prevent severe and critical diseases and even death.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., tama po ba na nahanap na iyong lima dito sa pitong umuwing pasahero mula sa South Africa? At paano po sila natagpuan at kumusta po ang lagay nila?

DOH USEC. VEGA: Usec. Rocky, sa pagkakaalam ko iyong pitong pinaghahanap nila, nahanap na po iyong lima ng local government units at saka iyong dalawa na lang yatang pinaghahanap pa rin nila sa local government.

Nag-test naman yata, negative naman siguro iyong mga lima na iyon pero kailangan lang talagang ma-quarantine. So, nahanap naman po ito, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. May dalawa pa po ano. What if na hindi daw po matunton ng LGU itong dalawang natitira pang pasahero? Ano daw po iyong susunod na magiging hakbang ng DOH?

DOH USEC. VEGA: Matutunton din iyan, makikita rin iyan sila. Sa Region IV-B at saka sa Region X ang isa. So, definitely mahahanap na ng LGU iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ano daw po iyong paliwanag bakit tila nahihirapan po tayong ma-locate sila? Ibig sabihin po ba nito na may kailangan pa tayong ma-improve sa contact tracing efforts natin?

DOH USEC. VEGA: Hindi! I think nagkaroon sila ng problem in terms of the data na pinaglalagay ng mga OFW personnel. Mali iyong kanilang contact number kaya nga nahirapan ho silang i-contact kaagad at i-trace kung nasaan sila para magkaroon ng quarantine because of the false data that they put in.

USEC. IGNACIO: Usec., kaugnay naman po sa mga benepisyo ng ilang mga health care workers, kumusta po ang pamamahagi nito? Nasa magkano po iyong pondong hinihintay na ma-release po sa ating mga health care workers at kung maibibigay daw po ito bago matapos ang taon, Usec.?

DOH USEC. VEGA: Ito iyong hinahabol po namin, Usec. Rocky, ngayon. Nakipag-usap na rin kami sa Office of the President tungkol sa 1.5 contingent fund na hinihingi po namin na ma-repurpose. Anytime po siguro by next week eh ipamamahagi na ho namin itong makukuha naming repurpose fund or contingency fund from the Office of the President.

Pumayag naman ho si President Duterte na ibigay ito sa mga health care workers as meals allowance and transportation. So, kung ano na po iyon, siguro maaano namin iyong guidelines by next week, maibigay na po namin ito sa 426,000 health care workers na hindi pa naka-avail ng meals allowance and transportation.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., maraming salamat po sa inyong paglilinaw at pagbibigay panahon. Undersecretary Leopoldo Vega ng Department of Health. Mabuhay po kayo, Usec.!

DOH USEC. VEGA: Thank you, Usec. Rocky. Maraming salamat din.

USEC. IGNACIO: Samantala, narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa bansa.

Base sa report ng DOH as of December 9, 2021, may 562 new COVID-19 cases ang Pilipinas kaya umabot na ang ating kabuuang bilang sa 2,835,996. 176 naman po ang mga naitalang pumanaw sa sakit kahapon kaya umakyat na sa 49,936 ang total death tally.

Samantala, 2,773,891 naman po ang sumatotal ng mga gumaling sa virus matapos pong madagdagan ng 882 new recoveries.

Ano po ang mga hakbang na dapat pag-ibayuhin ng bansa para sa tuluy-tuloy na pagganda ng sitwasyon natin sa laban kontra COVID-19?

Makakausap natin ngayon si National Task Force Against COVID-19 adviser, Dr. Ted Herbosa. Magandang umaga po, Doc!

DR. HERBOSA: Magandang umaga, Usec. Rocky at magandang umaga sa mga nanunood sa Laging Handa.

USEC. IGNACIO: Naku! Nakikita ko medyo abalang-abala yata kayo, kayo ay mobile ano po?

DR. HERBOSA: Opo, nanggaling kami sa airport at sumalubong kami sa 2.9 million doses of Moderna at 690,000 doses ng AstraZeneca na binili ng mga LGUs.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, sa kabuuan, nasa ilang porsyento na po mula sa unang target na 70% na herd immunity ng bansa ang bakunado na? Tingin ninyo po ba, [ano] iyong mga naging factors kung bakit hind po natin ma-attain itong herd immunity ngayong taon?

DR. HERBOSA: Well, ang herd immunity actually na-attain na natin sa specific areas na tinarget natin, iyong focused areas natin iyong NCR + 8.

So, sapagkat doon sa NCR nakalampas na tayo ng 90% na fully vaccinated at over 100% iyong at least one dose. So, naabot natin iyong tinatawag naming herd immunity threshold. At mukhang kapag sinubaybayan mo iyong numero ng kaso na dini-describe mo sa una mong report, hindi naman tumataas talaga ang mga bagong kaso ng COVID.

So, ito ay isang patunay na most likely doon sa focused areas ay na-attain na natin iyong herd immunity threshold. Naabot natin iyong numero na gusto nating makuha which was raised from 70% to 90%.

However, marami pa tayong ibang lugar na nasa 40% pa lang. In fact, ang national average ng fully vaccinated ay nasa 42%, at ang at least one dose ay nasa 74%. So, if you ask me, kaunti na lang, kaunting-kaunti na lang and this December 15, 16, 17, uulitin natin iyong part 2 ng Bayanihan, Bakunahan para makadagdag tayo ng additional seven million pa na mga Pilipino na mababakunahan.

USEC. IGNACIO: So, nakikita ninyo po, Doc Ted, na posible by first or second quarter next year ay talagang maaabot na natin itong herd immunity?

DR. HERBOSA: Actually nga sabi ko nga iyong herd immunity naabot na natin sa mga specific areas like dito sa NCR at sa iba pang mga lugar na hindi tumataas. Iyong ating 300 cases a day parang 100 na lang ang nagiging bagong kaso dito sa NCR at maraming ospital – sabi nga ni USec. Bong Vega – ay marami na zero ang new COVID cases nila. So, if you ask me, technically nangyayari na iyan kasi tumaas na iyong mobility natin pero walang bagong new cases na dumadating.

So, ang threat na lang sa atin ay iyong Omicron at dito mangangailangan makumpleto talaga iyong two doses ng kababayan natin at iyong mga naunang nabakunahan, June or earlier, mabigay iyong kanilang booster doses. So, para protektado tayo in case makapasok si Omicron variant.

USEC. IGNACIO: Pero, Doc Ted, sa tingin ninyo itong number of vaccinated Filipinos ngayon ay talagang malaki-laki na rin para protektahan tayo sa mga posible pang mutation ng virus kagaya po ng nabanggit ninyo na Omicron?

DR. HERBOSA: Yes, that correct ‘no, because ang report ng WHO, because we have vaccinated many people ay nagiging mild iyong symptoms ng Omicron at wala masyadong naho-hospitalize.

So, iyan ang nakita nila doon sa iba’t-ibang lugar sa South Africa and mukhang iyan ang explanation din ng World Health Organization na it seems to be milder than Delta.

So, as of now, wala pa tayong na-detect, iyong ating Philippine Genome Center hinahabol iyong mga galing sa south Africa at iba pang bansa at nira-run nila iyong tinatawag na full genome sequencing at wala pa silang na-identify na Omicron variant sa Pilipinas.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, hingi na rin po kami ng bagong development tungkol naman sa pag-aaral ng Omicron variant. Ano po itong sinasabing bagong naitatalang sister lineage ng Omicron? Totoo po bang mas mahirap itong ma-detect?

DR. HERBOSA: Well you know, sa dami noong tinatawag na mutations doon sa MRNA noong Omicron or noong SARS-CoV-2 virus, nakita nila na parang may partner or sister virus na ganoon karami din iyong mutation – over 50 mutations kasi; napakarami noon so puwede talagang magkaroon ng problems with the PCR and with the vaccines. However, ang stand ng WHO ay as of now, our PCR test is still effective against the Omicron and our vaccines all continue to work against Omicron.

USEC. IGNACIO: Opo. Pagdating nga po doon sa bilis ng pagtaas ng COVID cases sa mga bansang nakapagtala po ng Omicron, ano po iyong naging observation ng ating mga eksperto?

DR. HERBOSA: Well highly transmissible ‘no. Iyong South Africa nakatala sila noong 2 weeks ago, sila ay nandudoon sa 2%, parang iyong test positivity rate natin. In a period of 2 weeks, nagdudoble ang kanilang mga kaso ng Omicron every day – and today parang nasa 25% test positivity rate na sila. So 1 in 4 cases nag-test positive. So sabi nila napaka-transmissible talaga at ‘pag ‘yan ay pumasok dito, malamang ganiyan din ang magiging behavior. Hopefully iyong ating bakuna mapuprotektahan tayo para hindi na tayo maospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Doc, nasabi mo base nga sa ilang pag-aaral mukhang mild lang po ang epekto nito. Ibig sabihin puwede po bang masabi natin na hindi tayo dapat masyadong mabahala sa posibleng epekto nito sa bansa once may makapasok pong kaso – na huwag naman po sana – sa ating bansa?

DR. HERBOSA: Ako ay cautious pa rin ‘no. Even though sinasabi nilang mild, mild ‘yan doon sa mga bata at walang comorbidity. Pero ‘pag sinabi mo Omicron or COVID-19 na sakit at ang natamaan ay may edad, senior citizen o kaya iyong may comorbidity or immunocompromised, puwede pa rin silang mamatay so hindi naman talaga zero. So kailangan pa rin cautious tayo at making sure na hindi kumalat ang Omicron dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, mayroon lang po iyong ating tanong mula sa ating mga kasamahan sa media.

Tanong po ni Vivienne Gulla ng ABS-CBN: What is the extent of protection of existing vaccines provide against Omicron? Pfizer BioTech recently released lab test results that show the Omicron partly evades protection offered by two doses of its COVID vaccine while 3 doses appeared effective against Omicron. Is the government daw po considering shortening the period between the second and third dose like in the UK which allow the booster shots only after three months from completion of primary series?

DR. HERBOSA: So iyong ganitong mga datos, we have to look at the scientific data – if they are published in peer review journal – ibig sabihin noon maganda iyong conclusion nila. At mayroon tayong Vaccine Expert Panel led by Professor Nina Gloriani na siyang nag-aanalisa ng mga findings all over the world.

So kung isa iyan sa findings nila na gawing earlier, baka irekomenda iyan sapagkat marami naman tayong mga vaccines. Pero sapat muna—ang sinasabi din ng Pfizer, sapat iyong fully vaccinated na tao and of course there will be breakthrough infections pero sapat muna iyong tamang dose na binibigay ng ating mga iba’t ibang klaseng bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Vivienne Gulla: Also amid growing concern over the Omicron variant’s ability to overcome immunity conferred by two shots, the US FDA has expanded the authorization of Pfizer BioTech COVID booster shot to include 16 and 17 years olds. Is this also being considered in the Philippines?

DR. HERBOSA: Well iyong modification of the EUA is dependent on the application na ipa-file ng Pfizer sa ating Philippine FDA. So kung iyan ay naaprubahan sa FDA ng America, malamang most likely madaling maaprubahan din iyan ng Philippine FDA sapagkat ipini-present nila iyong scientific data kung bakit puwede iyong ganiyang klaseng third dose sa ating mga kabataan.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, pero gaano naman po tayo kahanda laban dito sa bagong Omicron variant? Confident po ba tayong hindi magiging malala ang posibleng maging impact nito sa ating health care system?

DR. HERBOSA: Magandang tanong ‘yan, Usec. Rocky. Talagang dapat tayo habang nasa trough o iyong mababang numero ng kaso, paigtingin natin iyong pagbabakuna. In fact nagpapasalamat ako kay Omicron kasi maraming natakot sa kaniya at kaya iyong huli nating National Vaccination Day na na-commit natin, na-attain natin iyong 9.9 million doses sa limang araw – nag-extend kasi iyong ibang LGU.

So this time – sa December 15, 16, 17 – I hope magpabakuna pa rin iyong mga naghuhunos-dili, iyong mga naghe-hesitate pa sapagkat iyan lang ang additional protection na magagawa natin against the pagpasok ng Omicron variant.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, mula dito sa pagiging kulelat daw ng bansa sa Nikkei Global Recovery Index nitong Oktubre, umakyat na po tayo sa 57th place. Gaano po kahalaga itong improvement na ito para sa ating laban kontra COVID-19? Ano pa po iyong mga dapat pang gawin para po ma-maintain o ma-improve pa natin itong ating ranking?

DR. HERBOSA: Well natutuwa kami diyan sa Nikkei rankings ‘no because we moved up from a 103 to rank 57 at ang nagpataas daw sa atin ay iyong ating infection control or COVID control. So iyong ating mga measures na ginawa – iyang ating mga alert level system, iyong contact tracing, iyong ating vaccination program na napabilis natin kahit hindi tayo vaccine manufacturing country. All these contributed para tumaas iyong ating ranking at ang laki ng jump natin – 46 places ‘no, 46 other countries ang tinalunan natin. So napakagaling at congratulations sa lahat ng mga tumulong para ma-attain natin ‘to.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted, tingin ninyo po ba ay kung dapat na daw pong maibaba sa Alert Level 1 itong mga lugar na nakapagtatala po ng zero cases o sa ngayon itong Alert Level 2 na lang po iyong puwedeng maituring muna na pinakamainam hangga’t may banta ng bagong variant?

DR. HERBOSA: Well I know iyong mga economic cluster, gusto nilang mag-Alert Level 1 para dumami ang oportunidad para sa ekonomiya. Pero kaming mga doktor, united kami na mas maganda imentina sa Alert Level 2 kasi ‘pag umikot ka naman makikita mo iyong Alert Level 2 parang Alert Level 1 na eh – wala nang halos bawal so natatakot kami na baka umakyat uli.

So I would rather—I think ia-announce today ‘yan kasi kahapon mineeting ng IATF kung ano ang next alert level natin after December 15. So maghintay kayo sa noontime announcement kung ano ang naging desisyon ng ating IATF.

USEC. IGNACIO: Okay. Doc Ted, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon at impormasyon. Dr. Ted Herbosa mula po sa National Task Force Against COVID-19. Ingat din po kayo, Doc.

DR. HERBOSA: Ingat ka din, Usec. Rocky. Thank you very much and Merry Christmas everyone.

USEC. IGNACIO: Walang patid po ang pagdating ng supply ng mga bakuna sa bansa kaya naman pinaiigting pa ang paghikayat sa mga indibidwal na magpabakuna na para sa mas mabilis na pagkamit ng herd immunity sa bansa. Narito ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Ginaganap ngayon ang change of command ceremony sa Philippine Army Headquarters matapos po ang pagkakatalaga ni Pangulong Duterte kay Major General Romeo Brawner Jr. bilang bagong hepe nito. Para magbigay ng update, nakatutok sa Fort Bonifacio si Bea Bernardo, Bea?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat sa iyong report, Bea Bernardo.

Mainit ang usapin ngayon sa naging desisyon ng Korte Suprema sa constitutionality ng Anti-Terrorism Act. Dalawa lamang kasi mula sa mga inihaing contentious provisions ng batas ang kinatigan ng ating mga mahistrado. Kaya para himayin ang usaping iyan, makakasama po natin si Undersecretary Adrian Sugay ng Department of Justice. Good morning po, Usec.

DOJ USEC. SUGAY: Hi! Magandang umaga, Usec. Rocky at magandang umaga sa ating mga tagapanood at tagapakinig.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po ang reaksiyon ng DOJ dito po sa naging resulta sa pagbusisi po sa mga probisyon na nakapaloob sa Anti-Terrorism Act. Tanggap po ba ninyo na unconstitutionally iyong dalawa daw pong probisyon na pinagbotohan ng mga justices, lalo na iyong pagpuprotesta po.

DOJ USEC. SUGAY: Sa amin, ano. Iyong hindi pa kasi namin nakikita iyong desisyon ano at hindi pa nagri-release ng kopya ng desisyon ang Korte Suprema. So iyong aming pahayag ay base lamang doon sa [press] release o media statement ng public information office ng Supreme Court. So base doon kung titingnan natin, mukhang ang ginawa ng Supreme Court talaga ay sabi nga ay talagang hinigpitan iyong section 4 or iyong definition ng terrorism, talagang nilinaw ng Supreme Court kung ano lang ang saklaw nitong batas na ito through iyong section 4 ano.

So tinanggal niya roon iyong probisyon na kung saan sinasabi na iyong mga exercise of civil and political rights na kamukha ng advocacy, protest, stoppage of work ay okay naman iyan. Hindi iyan act of terrorism batay sa batas ano. Tinanggal niya iyong phrase na, “which are not intended to cause death or serious physical harm to a person, to endanger a person’s life or to create a serious risk to public safety. So naging malinaw iyon ano at sinabi ng Supreme Court na ang terorismo ay kung ano lang ang sinabi doon sa parte ng section 4. At iyong mga exercise of civil and political rights ay hindi iyan dapat konsiderahing terorismo.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec kayo po ba ay ano iyong nakikita ninyo o inaasahang magiging impact nito sa implementasyon po ng batas?

DOJ USEC. SUGAY: Sa amin, sabi nga ni Secretary Guevarra, ang gusto sana niyang makita talaga ay itong batas na ito finally ay maimplementa ng tama. That the law is implemented properly. So sa amin, ang tingin namin ano, dahil dito sa naging desisyon ng Korte Suprema, talagang tuluy-tuloy na ang pag-implementa ng batas na ito at iyong implementasyon niya na kung ano lang iyong dapat na puntiryahin ng batas, kung ano iyong target ng batas na mga tao, iyong kanilang mga gawain ay iyon lang ang talagang pupuntiryahin. So, malinaw iyon. Itong batas na ito ay para lamang sa mga terorista at iyang terorista na yan, iyang terrorism, acts of terrorism ay malinaw na malinaw na nakapaloob sa section 4 noong batas.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero ngayon pa lang po, nagsasabi na iyong mga petitioners na iaapela pa nila iyong desisyon po ng SC, lalo na iyong pagdi-detain po sa mga hinihinala pa lamang na terorista ng 24 na araw na walang warrant of arrest. Kanila pong sinasabi na magagamit ito para po supilin daw po ang mga kontra sa gobyerno, without due process. Ano po ang reaksiyon ninyo dito?

DOJ USEC. SUGAY: Ano naman iyon, narinig ko nga kahapon ano. Isa sa mga petitioners ano na nagpahayag na kanilang iaapela itong desisyon na ito ng Supreme Court sa pamamagitan ng pagsusumite ng motion for reconsideration ano. Sa akin, siyempre lahat naman iyan ay nasa karapatan nila. Puwede nilang gawin iyan, lalo na pagdating dito sa Section 29 na iyong warrantless arrest or iy0ng detention without warrant na sinasabi ano. Kung talagang tingin nila sila ay maaagrabyado dito, nasa sa kanila naman iyon. Karapatan nilang kuwestiyunin pa ito by way of a motion for reconsideration.

Pero sa amin kasi, iyon ngang ginawa ng Korte Supreme, doon sa section 4 na nilinaw niya kung ano lang ang talagang saklaw noong section 4, kung ano lang ang terorismo or acts of terrorism, lahat iyan talagang iyong buong batas ay maapektuhan ng paglilinaw na iyan ng Korte Suprema at including iyang probisyon sa detention without warrant. So sa akin, iyon lang ang maaaresto lang naman talaga iyong malinaw na malinaw na terorista batay doon sa sinasabi ng batas.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kasi sinasabi nga po na kailangan namang ipaalam sa Anti-Terrorism Council at desisyunan ng konsehong ito iyong mga huhulihin o dadamputin ng enforcement agency ang isang suspected terrorist kahit wala nga pong warrant of arrest. Ang tanong po, paano po kapag mali pala iyong impormasyon na naibigay sa council at nagkaroon ng wrong arrest. Ano po ang pananagutan naman ng pamahalaan sa posible pong pagkakamali.

DOJ USEC. SUGAY: Ganiyan iyan. Puwede nga iyan, iyong malinaw doon sa section 29. Although hindi pa namin alam kung paano ang naging desisyon o determinasyon ng Supreme Court pagdating sa section 29 lalo na kung babasahin ito kasabay noong implementing rules and regulations na ibinalangkas namin kasama ng ating mga kasama sa Anti-Terrorism Council.

So iyong sa akin lang, kailangan lang talagang tingnan ng mabuti ‘no, ano ba talaga iyan. At siyempre, alam naman natin na iyong Anti-Terrorism Council, hindi naman iyan basta-basta gagalaw ng hindi dinadaan sa tamang proseso at iyong ebidensiya talagang tiningnan kung mayroon ba talagang basehan. Kasi alam natin na mayroong liability iyang mga miyembro ng Anti-Terrorism Council kung sakaling hindi tama iyong kanilang determinasyon na kung sino ang aarestuhin. At saka iyong pag-aresto na iyan ay batay iyan sa mga alituntunin na, na malinaw na malinaw na nakapaloob sa ating Rules of Court. So, mayroong very specific instances kung kailan lang dapat mag-aresto o magpaaresto ng mga hinihinalang mga gumagawa ng mga acts of terrorism.

USEC. IGNACIO: Usec, hindi raw po ba napakalaking kapangyarihan itong naiatang sa Anti-Terrorism Council, dahil sila lamang daw po iyong magdi-determine kung sino iyong mga ituturing na terorista sa bansa ng hindi daw po kailangang ipaalam sa ating hukuman, tama po ba ito?

DOJ USEC. SUGAY: Alam ninyo. initial determination lang naman iyan, Usec. Rocky, for purposes for instance o para makita lang kung sino iyong dapat, kaninong assets iyong dapat habulin, i-freeze, ganiyan or kung sino iyong tingin natin na dapat siguro, kung may ginagawang hindi tama at ma-prevent kung anuman iyong kanilang hindi kanais-nais na gawin.

Pero iyang lahat naman ng iyan ay puwede namang kuwestiyunin sa husgado, puwedeng idulog sa korte, kung tingin ng iba na hindi tama iyong pagkaka-identify sa kanila o pagkaka-aresto sa kanila nandiyan ang korte. Mayroong mga probisyon iyong batas para siguruhin na lahat ng maaaring gawin o maaaring pagdulugan nitong ating mga naagrabyado sa tingin nila ay nandiyan iyan, so malinaw na malinaw. Kunwari naaresto ka, kailangan iyan i-report kaagad iyong pinakamalapit na husgado iyan, within a very short period of time. So mayroong mga ganoong safeguards.

Kailangan ding sabihan ang Commission on Human Rights iyong mga ganoong issues saka puwedeng-puwedeng maghain ng mga kunwari petitions for writ of habeas corpus o kung ano man iyong sa tingin nila ay hindi tama pagkakaaresto sa kanila.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., may tanong lang po si Marichu Villanueva ng Philippine Star: After daw po ng SC ruling on Anti-Terrorism Act, does this mean na ito pong 2 provision will go back to Congress for remedial legislation or the 2 provisions or can be corrected through its IRR that was approved only and effective?

DOJ USEC. SUGAY: Okay. Alam mo kung mapakikinggan natin iyong naging pahayag ni Senator Lacson at ni Senator Sotto no, iyong mga principal—some of the principal author noong batas. Parang wala naman silang problema doon sa… so far ‘no na lumalabas na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court batay dito sa decision, naging decision ng Supreme Court dito sa mga petitions against the Anti-Terror Act of 2020.

Pero, nasa kanila din iyan nasa Kongreso na iyan kung gusto pa nilang amyendahan iyong batas batay dito sa naging decision ng Supreme Court. Saka naman iyong batas naman na iyan habang ini-implementa tinitingnan din natin kailangan bang magkaroon ng revisions iyan, kailangan bang magkaroon ng amendments. Nasa Kongreso na iyan ‘no, that is within their authority.

Ngayon doon sa Implementing rules and regulations, ang implementing rules and regulations naman nandiyan lang iyan para i-implementa kung ano iyong nasa batas mismo. Kung ano iyong wala sa batas hindi pupuwede ilagay iyan sa implementing rules and regulations. So, kami babase lang kami kung ano iyong nakasulat sa batas mismo, sa pagbabalangkas o pagrebisa ng implementing rules and regulations.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, USec., naniniwala po ba kayo na medyo matagal tagal pa ang tatakbuhan ng isyu na ito sa Supreme Court?

DOJ USEC. SUGAY: Ano na lang iyan no, iyong sa Supreme Court depende na iyan ‘no. Sana ma-release na iyong decision para makita nating lahat kung anong magiging… anu-ano ang kahihinatnan niyan; kung ang mangyayari ba diyan ay magpa-file pa ng motion for reconsideration.

Pero sa amin ano dito sa Department of Justice Anti-Terrorism Council, sa ating mga kasama sa law enforcement agencies, tuloy-tuloy ang pag-implementa noong batas kasi kailangan naman talaga iyan para masiguro natin na iyong banta ng terorismo ay masawata o magawan ng paraan, ating ano matugunan para naman ang ating mga kababayan, lahat tayo ay safe ano laban dito sa banta ng terorismo.

USEC. IGNACIO: Opo. USec., ano na lamang daw po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan na maaaring naguguluhan pa sa legalidad ng Anti-Terror Act?

DOJ USEC. SUGAY: Alam mo sa amin ano, ang importante lang naman ay lahat tayo ay safe sabi ko nga laban sa banta ng terorismo at makakaasa iyong ating mga kababayan ano na ang ano naman… lalo na dito sa naging decision ng Supreme Court na medyo naging malinaw kung ano iyong mga mahalagang probisyon ng Anti-Terrorism Act of 2020 lalo na iyong depinisyon ng terorismo.

So, dahil dito siguro hindi naman dapat mangamba iyong mga… lalo na iyong ating mga kababayan na wala naman kinalaman sa mga acts of terrorism at sa mga grupo who are involved in act of terrorism. Wala kayong dapat ipangamba, ang importante dito ang gobyerno lalo na iyong ating mga law enforcement agencies will ensure na tama ang pagka-implementa sa batas na ito.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong pagbibigay linaw, Undersecretary Adrian Sugay, ng Department of Justice. Mabuhay po kayo USec.

DOJ USEC. SUGAY: Maraming salamat din.

USEC. IGNACIO: Samantala, dumako naman po tayo sa pinakahuling pangyayari sa mga lalawigan sa bansa, puntahan natin si Merry Ann Bastasa ng PBS Radyo Pilipinas.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo Merry Ann Bastasa.

Upang makatulong sa mga kababayang hindi nakakabayad ng kanilang obligasyon dahil sa epekto ng pandemya, patuloy ang paghikayat ng Pag-IBIG Fund sa mga miyembro nito na samantalahin ang restructuring program ng ahensiya, ang detalye ng balitang iyan mula kay Eddie Carta, ng PTV Cordillera.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balita at talakayan tampok naming ngayon araw. Ang Public Briefing ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Mga kababayan 15 tulog na lamang po at Pasko na!

Ako po si USec. Rocky Ignacio, magkita-kita po tayo uli bukas dito lamang sa Public Briefing Laging Handa PH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center