Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Samahan ninyo kami ngayong araw ng Miyerkules, March 24, 2021 dito sa Public Briefing #LagingHandaPH Vaccines Explained.

Kaninang umaga po ay dumating na sa bansa ang nasa 400,000 doses ng Coronavac, ang COVID-19 vaccine na dinivelop ng Sinovac Life Sciences mula sa bansang China. Ito po ang karagdagang dose na idinonate ng Tsina sa Pilipinas kasunod ng nauna nang 600,000 doses na ipinadala sa bansa noong February 28.

Sa Lunes naman po, March 29, darating ang isang milyong dose ng Coronavac na binili na ng pamahalaan.

Ang pagdating ng mga karagdagang bakuna sa bansa ay makakatulong para mapabilis ang pagbabakuna sa mga medical frontliners sa harap ng tumataas na bilang ng COVID-19 cases partikular sa Metro Manila.

Pagtitiyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III, hindi lamang ang healthcare workers sa National Capital Region ang agad na mabibigyan ng proteksiyon kontra COVID-19 kundi pati na rin ang mga nasa probinsya. Ang detalye, alamin natin sa ulat ni Eunice Samonte. Eunice…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Eunice Samonte. Mag-ingat kayo, Eunice.

Wala pong nakikitang dahilan ang Malacañang para buwagin ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ginagawa ng IATF ang lahat para mabalanse ang kalusugan at kabuhayan ng mga Pilipino ngayong may COVID-19 pandemic. Ang report mula kay Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dahil naman sa karagdagang paghihigpit sa loob ng dalawang linggo sa National Capital Region at sa mga karatig-lalawigan, umapela si Senator Bong Go sa pamahalaan na mamahagi ng karagdagang ayuda para sa mga apektadong mamamayan sa pamamagitan ng Expanded Social Amelioration Program o SAP. Narito ang detalye:

[NEWS REPORT]

Ngayong umiiral ang NCR Plus bubble, isa sa apektadong sektor dito ay ang transportasyon dahil sa limitadong labas-pasok ng mga pasahero sa mga borders. At upang bigyan tayo ng karagdagang paliwanag sa mga protocols na umiiral ngayon, makakasama natin si DOTr Undersecretary Artemio Tuazon. Usec., good morning po.

DOTR USEC. TUAZON: Magandang umaga po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ano po iyong mga paghihigpit na ipapatupad sa mga public transportation, papasok at palabas po ng NCR Plus travel bubble?

DOTR USEC. TUAZON: Ngayon po, dahil nga po tayo ay mayroong NCR Plus bubble, ang papayagan lang pong makasakay at makapasok sa NCR Plus bubble ay iyong mga APOR natin at iyong mga returning residents po na papasok sa kanilang mga kabahayan dito sa loob ng NCR Plus bubble.

Sa kapasidad naman po, walang nabago sa atin at bukod lang po rito ay inuutos po ng ating Kalihim na si Secretary Art Tugade na lalong paigtingin ang pagpapatupad po ng ating mga health protocols sa loob ng pampublikong sasakyan.

USEC. IGNACIO: Usec., may mga tauhan ba sa terminal ng bus o dyip ay may karapatang itsek iyong pakay po ng pagbiyahe ng isang pasahero? Puwede bang tanggihan po nating pasakayin iyong isang tao kung hindi naman po essential iyong kaniyang lakad? At papaano po iyong ginagawa ninyong pagpapaliwanag sa kanila?

DOTR USEC. TUAZON: Tama po, mayroon pong karapatan iyong mga tauhan ng ating mga bus companies at pati na rin po iyong ating mga tauhan ng ating mga ahensiya na tingnan po iyong mga sumasakay ng mga pampublikong sasakyan papunta at papasok-palabas ng ating NCR Plus bubble. Tinitingnan po nila kung talagang essential travel po ito, at kapag hindi naman po ay ipinapaliwanag sa kanila kung bakit hindi sila pupuwedeng pasakayin.

Ngayon, kung puwede naman po sila at kasama po sila roon sa APOR natin, sila po ay pinapayagan nang sumakay para bumiyahe papasok at palabas ng ating NCR Plus bubble.

USEC. IGNACIO: Opo. Paano naman po iyong mga booked flights o biyahe sa barko na mga sana ay magbabakasyon o pupunta po sa ibang lugar, ano po iyong maipapaabot ninyo sa kanilang impormasyon ngayon, Usec?

DOTR USEC. TUAZON: Opo. Magandang balita lang po sa ating mga mamamayan na nakanselahan po ng booking dahil po dito sa ating pinahigpit na mga alituntunin ngayon dahil sa NCR Plus bubble, puwede po silang mag-book, rebook nang libre at puwede rin po silang mag-refund ng kanilang mga nabayaran para sa ating mga airlines at sa ating mga shipping companies. Naglabas na po ang CAB at ang ating MARINA ng kautusan na puwede po silang mag-rebook nang libre at mag-refund ng kanilang mga ticket. Ito po kasi, Usec., ay dahil sa pandemya at ang pandemya po ay kinu-consider na force majeure kaya puwede po silang libreng mag-rebook at mag-refund ng kanilang mga ticket.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod sa mga tren, paano daw po nasisiguro ng DOTr na talagang nadi-disinfect nang maayos ang ating mga public transportation kagaya ng bus at dyip? At sino po ang nagmu-monitor?

DOTR USEC. TUAZON: Usec. Rocky, ang LTFRB po ay naglabas na ng memorandum, iyong kanilang Memorandum 2020-061 na hinihingi po sa lahat ng operators ng public transport ang tuluy-tuloy na pagdi-disinfect at masinsin na pagdi-disinfect ng lahat ng ating pampublikong sasakyan. Ngayon, ang nagmu-monitor po nito ay ang LTO, LTFRB at ang IACT. Ngunit, hindi po natin kaya ito dahil limitado rin po ang manpower natin, kaya humihingi po tayo ng tulong sa PNP at saka sa mga LGU na i-monitor iyong mga sasakyan, pampublikong sasakyan na rumuruta sa kanilang mga jurisdiction.

Ngayon po, kapag may mahuhuli po tayo na lumalabag dito sa mga minimum health protocols na ito ay padadalhan po ito ng show cause order. At kapag napatunayan po na talaga pong lumabag sila, maaari po silang mamultahan o kaya ang pinakamalala po ay matanggalan po sila ng kanilang CPC, iyong Certificate of Public Convenience, o kaya iyong mga provisional authority nila para bumiyahe.

USEC. IGNACIO: Usec., marami ring nababalita na mga pampublikong sasakyan, lalo na po iyong mga bus na hindi raw po nagpapatupad ng basic protocol, kagaya ng one-seat apart at kahit daw po iyong simpleng pagtsi-check ng temperature. May ginagawa po ba raw na aksiyon ang DOTr para [garbled] ito?

DOTR USEC. TUAZON: Tulad po nang nasabi ko, Usec., ang LTFRB po ay nagpapadala ng mga show cause order dito sa mga naisusumbong sa atin na mga bus companies at jeepneys na hindi po tumutupad sa ating mga health protocols.

Ngayon po, humihingi po kami ng tulong sa ating publiko na rin, na kapag mayroon po silang nakitang ganito ay isumbong lang po sa amin. Kailangan pong tulung-tulong tayo para masigurado po natin na lahat po ng health protocols natin ay nasusunod. Matuto po tayo na magsumbong kung may nakikita na po tayo na hindi sumusunod.

USEC. IGNACIO: Usec., may tanong lang si Joseph Morong ng GMA News. Basahin ko na lang po, Usec: Sa Holy Week po, sino po ang puwedeng lumabas sa NCR bubble? Within NCR bubble, puwede po bang bumiyahe para mag-staycation sa NCR Plus bubble?

DOTR USEC. TUAZON: Kung sino po ang puwedeng pumasok at lumabas, iyon pa rin po – mga nasabing mga APOR natin po. Iyon iyong mga essential workers, iyong health and emergency frontline personnel natin, iyong mga opisyal ng gobyerno, mga awtorisadong manggagawa, iyong mga kailangang bumiyahe for medical or humanitarian reasons, iyong mga tutungo sa paliparan natin para bumiyahe po palabas ng ating bansa, iyong mga tatawid ng bayan po dahil sa trabaho, negosyo, o iyong uuwi sa kani-kanilang mga bahay, at saka iyong atin pong Returning Overseas Filipinos at iyong ating mga OFWs. Iyon lang po rin ang puwedeng pa ring bumiyahe po.

Iyong sa staycation po, I think po nasabi na ni Secretary Harry Roque na puwede pa rin po ang staycation within the NCR Plus bubble.

USEC. IGNACIO: Usec., may nag-signify na po ba or nagsimula nang makipag-usap sa mga pharma companies na taga-public transport sector para po bumili ng bakuna para naman po sa kanilang mga empleyado?

DOTR USEC. TUAZON: Para diyan, Usec., ang ginagawa po ng Department of Transportation ay nakikipag-coordinate lang po kami sa Department of Health at saka sa IATF para sa mga pagbabakuna. Mayroon po ang ating gobyerno ng mga listahan ng prayoridad kung sino po ang mga mababakunahan, at sumusunod lang po ang transportation sector dito.

USEC. IGNACIO: Usec., may dagdag ba kayong paalala sa ating mga kababayan sa panahon pong sinusubukan na naman natin na pababain ang kaso ng COVID-19?

DOTR USEC. TUAZON: Salamat, Usec., at binigyan ninyo kami ng pagkakataon na ito. Sa ngalan po ng aming Kalihim na si Secretary Art Tugade, humihingi po kami ng tulong sa lahat ng mananakay natin at sa lahat ng ating mamamayan na tulungan po kami na panatilihing ligtas ang ating mga public transportation sa pagsunod ng ating tinatawag na Seven Commandments. Sa pamamagitan po nito ay mapapanatili nating tumatakbo at nagagamit natin ang ating pampublikong transportasyon para naman po magamit natin sa pang-araw-araw na buhay natin, pati na rin po sa ating mga kabuhayan.

Iyon lang po. Maraming salamat po, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po, Usec. Artemio Tuazon ng DOTr. Mabuhay po kayo!

Nasa walong daang miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association o TODA at market vendors mula sa Tanauan, Leyte ang nabigyan ng ayuda sa pinakahuling aid distribution ng ilang ahensiya ng pamahalaan at ni Senator Bong Go; Six hundred fifty beneficiaries naman ang binigyan ng titulo ng lupa ng National Housing Authority. Panoorin po natin ito:

[VTR]

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, nag-ikot din sa Cagayan Valley ang outreach team ni Senator Bong Go kasama ang ilang opisyal ng pamahalaan para mamahagi ng ayuda sa nasa 700 residente ng Cagayan Valley na karamihan po ay mga magsasakang naging biktima ng malawakang pagbaha noong nakaraang taon. Narito po ang detalye:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, pumalo na sa 86,200 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon po iyan sa tala ng Department of Health kahapon. Ito na po iyong pinakamataas na bilang ng active cases simula ng ideklara ang pagkalat ng pandemya sa Pilipinas. Nasa 5,867 kasi ang naitalang dagdag ng COVID-19 case kahapon na sa kabuuan ay umabot na sa 677,653; higit sa 600 naman po ang gumaling, kaya nasa 578,461 na ang total recovery sa bansa; habang 12,992 naman ang mga namatay matapos itong madagdagan ng 20.

Samantala, nagkatotoo po ang projection ng OCTA Research Team na maaaring umabot sa 8,000 ang daily recorded cases sa bansa matapos pong umabot sa all time high na 8,019 nitong Lunes ang bilang mga bagong infection sa bansa sa loob lang ng isang araw. Ang naging solusyon ng pamahalaan dagdag na paghihigpit sa NCR at sa karatig lalawigan nito sa loob ng dalawang linggo, makakausap po natin si Dr. Guido David at si Professor Ranjit Rye ng OCTA Research Team kaugnay niyan. Magandang umaga po sa inyo, Dr. David and Professor Rye.

  1. DAVID: Magandang umaga sa inyo po, Usec. at saka sa lahat ng nanunood at nakikinig sa atin.

USEC. IGNACIO: Sa palagay po ninyo ay sapat na po ba iyong dagdag na paghihigpit ng pamahalaan sa NCR plus sa loob ng dalawang linggo para pigilan po ang pagdami ng COVID-19 cases sa bansa? Para po muna kay Dr. David.

  1. DAVID: Iyong interventions na pinatupad ng pamahalaan, makikita natin ang effect niyan within the next three or next two weeks. So gusto natin ma-monitor muna kung ano ang magiging effect niyan. Pero based doon sa nakita natin sa last year, na nag-MECQ tayo, normally it takes mga one month or four weeks bago natin makita iyong ano… mag-reversal to a downward trend. So—pero hindi natin sinasabing… you know, imposibleng mangyari iyan in the next two weeks, medyo… it’s not so likely, pero it’s still possible naman na mangyari iyan na we could be in a downward trend in two weeks; pero realistically o mas realistic iyong around four weeks at least.

USEC. IGNACIO: Opo. Sinabi na nga po ninyo kasi, binatay po ninyo iyan doon sa nakaraan ano po na naging data na nakita ninyo noong kasagsagan po ng pagtaas nitong kaso ng COVID-19 noong nakaraang taon. Ito po bang move na ito ay naging sang-ayon din sa naging proposal ng grupo noong na soft MECQ o iyon pong tinatawag nating hard GCQ, Dr. David?

  1. DAVID: Actually ipapasa ko iyan kay Professor Ranjit, siya ang sasagot ng question ninyo.

PROF. RYE: Usec., ang panawagan nga ng grupo ay talagang higpitan, gumawa naman ng hakbang ang gobyerno, hinigpitan ang ating GCQ. Naintindihan namin ang sitwasyon ng gobyerno, kailangang balansehin ang ekonomiya at saka ang kalusugan, pero ang inaasahan namin na ang taumbayan mag-a-adjust po, magku-cooperate at lahat po ng mga kasama natin bukod sa gobyerno, civil society at pati private sector magku-cooperate, lalo na po iyong private sector po, kasi malaki po ang role ng private sector dito, mga businesses.

Number one, kailangan iyong work place COVID free iyan at saka safe; number two, kung pupuwede po mag-work from home ang karamihan ay mas maganda.

Pero iyon nga Usec. kailangan natin i-monitor, maglalabas ng monitor ngayon ng OCTA ang lumalabas po ay pataas pa rin po iyong kaso natin. May momentum kasi siya, Usec., so hintayin natin ang ilang araw, let’s give the bubble a change. Pero kung pataas pa rin siya after next week eh mukhang kailangan na tayong mag isip-isip ng mas istrikto pang quarantine classification.

Sa amin po, iyong aming prinopose ay iyong soft MECQ. MECQ siya na bukas ang mga business, MECQ siya na may transportation, MECQ siya na may makakapasok iyong mga arawan nating mga kababayan. S0 iyon ay last resort natin, kapag hindi nag-work itong interventions ng gobyerno at ipinagdadasal din namin at alam namin sa bayanihan baka talagang mapahina na ito.

Ang goal kasi dapat mapahina para hindi po mapuno ang ating mga hospital. Iyon ho ang goal hindi mapuno ang ating mga ospital at siyempre ma-lessen siyempre ang mga hawaan.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor Ranjit, pero talagang sa opinyon ninyo at base na rin doon sa mga naging pag-aaral ninyo, itong two weeks na ito, sinabi ninyo nga kailangan ninyong i-monitor nang mahigpit, pero may posible ba kayong nakikitang tsansa na bababa iyong reproduction number natin ng around 1.5 – 1.6 in two weeks time?

PROF. RYE: Alam mo, wala namang imposible ho kung magtutulungan tayo, wala hong imposible kung magbabayanihan tayo. Nangyari na itong surge last year, iyon nga lang itong surge na ito mas matindi ito. Ito na ang pinakamatindi nating hamon sa kolektibong laban natin sa COVID-19.

Ang kailangan bukas ang isip ng lahat, dapat lahat ay klaro kung anong roles nila. Kung gagawin lang natin iyong roles natin kagaya ng sa mga kababayan natin, huwag tayong matakot.

Ang simple lang naman na sinasabi ng siyensya – magsuot ka ng mask, magsuot ka ng face shield kasi iyong combo na iyan para kang nakabakuna niyan eh, more than 90% ang proteksiyon niyan.

Kung mag-iiwas lang tayo, huwag tayong papasok sa mga lugar na maraming tao, kung pupuwede iwasan natin iyong mga lugar na ganoon; pangatlo, lagi tayo ng maghuhugas ng kamay kasi ho kung hindi natin susundin iyan, maaaring madala natin iyang COVID sa mga bahay natin.

So, kung gagawin natin iyan palagay ko may tsansa ho. Pero doon sa atin, Usec. Rocky, to be very brutally frank, iyong sa ating mga pag-aaral, mukhang mahihirapan tayo kasi grabe iyong momentum ng ating surge. Hindi naman natin inaasahan na ganito kabilis iyan at ganito kagrabe ang pagkalat.

Ang pinu-protect natin, Usec. Rocky, iyong ating mga ospital. Kung hindi siya mapupuno eh walang problema ho, kakayanin ho ng bubble ito, pero iyon nga lang ang problema, the bubble, itong interventions natin ngayon, best efforts, it will take some time mga maybe three to four weeks bago may effect.

Inaasahan natin sa three to four weeks na iyan, sana hindi mapuno iyong mga hospital natin pero sa oras na mapuno, iyon ho iyong kailangan may adjustment, Usec, Rocky. Kaya nga kailangan tulong-tulong tayo.

Hindi lang natin ginagawa ito para maprotektahan ang sarili natin, ang pamilya natin, pero pinuprotektahan din natin iyong oportunidad na magkahanapbuhay tayo. Kasi if we keep this bubble, a lot of us would still be able to go to work.

So, kailangan magtulungan tayo. Istriktong compliance lang sa minimum public health standards. Sa gobyerno at saka sa local government eh balik tayo sa T3 – test, trace and treat.

USEC. IGNACIO: Professor Ranjit, mayroon lang follow-up si Celerina Monte ng Manila Shimbun para po doon sa sinabi ninyo: So, paano daw po iyong ‘Soft MECQ’ kung may transportation and others? Paano po daw iyon?

PROF. RYE: Well, ang difference lang naman is that, kasi ang kailangan ho mobility restriction. We need mobility restrictions – very, very significant mobility restrictions and we’re hoping what the government has decided, what the bubble is implementing now will work.

But given our monitoring the pandemic is still at very high momentum, we’re hoping by next week it will slow down. If it doesn’t slowdown – kasi dapat ho we have to have a milestone eh – bringing it down to 1.5 is a significant thing, okay? If we can bring it down to that then maybe the bubble can continue but if we can’t by next week, then we have to think of stricter quarantine classifications.

Now, the problem with MECQ is very restrictive the way we understood it last year and so we’re suggesting that given the fact that a lot of us have learned to live with the pandemic, that we have some flexibility in this new version of the MECQ where we have transportation for all, where everyday workers can go to work and some businesses continue to be opened.

So, this is what we’re looking at. But significant portion of the private sector and the public sector are work from home and this is by edict, so this is what we are thinking about the ‘Soft MECQ.’ And then border controls are extremely strict so there’s no movement.

So, this is where we think this can escalate to and it will include CALABARZON, it will include those provinces in the bubble that are part of the current GCQ.

So, we are hoping that with all of these interventions currently being implemented that we will not anymore move to MECQ. We’re hoping that, well, let’s try to make this bubble work. But it would require incredible cooperation ‘no, high degree of cooperation between civil society, the private sector, and government.

USEC. IGNACIO: Opo. Bago po ako pumunta kay Dr. Guido, pero Professor Ranjit, paano po kung bababa sa around 1.5 to 1.6 iyong ating reproduction number? Ilan po ang katumbas nito sa daily cases at kapag nangyari po ba ito masasabi nating magiging manageable na ito, Professor?

PROF. RYE: Well, okay. I’ll leave the data kay Professor David kasi we have projections eh, we just submitted today, to the media, our attest projections, so let’s give that to Professor David.

USEC. IGNACIO: Professor David?

  1. DAVID: Yes, Usec. So, na-mention nga ni Professor Ranjit iyong momentum, iyong upward momentum ng virus, ng pandemic. So, although ang projections natin we could possibly ano—I mean, possibly within four weeks puwede natin ma-reverse iyong trend. Possible iyon, iyon ang best case scenario na nakikita natin na medyo realistic pero hindi naman imposibleng mag-reverse iyong trend within two weeks.

Ang nakikita natin if kunyari ma-reduce natin to 1.5 iyong reproduction number natin within two weeks, iyon nga, if we are on track na ma-reverse natin, magkaroon tayo ng downward trend, ma-reduce natin to 1 iyong reproduction number after four weeks.

Although siyempre, pataas pa rin iyong number of cases, we will still be at peak of around 6,000 cases sa NCR per day pero under the best case scenario, we could limit this to mga 5,000 cases kasi may upward push ka, so hindi natin maiiwasan iyan pero I think that’s the best we could hope for.

USEC. IGNACIO: Dr. David, may tanong lang po si Joseph Morong para sa inyo ng GMA News. Ito po iyong tanong niya: Based daw po sa mechanics ng NCR bubble, do you think enough na po to stem the rise of COVID-19 cases given na may status quo pa rin iyong mobility within the National Capital Region?

  1. DAVID: Well, that’s a good question. Sa totoo lang, we would have to see iyong datos, iyong data as it comes in para makita natin exactly how all these will play out, so we will know within 1-2 weeks kung talagang enough na iyan because if not enough, tulad nga ng sabi ni Professor Ranjit, we would need additional restrictions.

Pero right now siguro what we could do is let’s give this a chance. Pero of course, as mentioned din ni Professor Ranjit, malaking bahagi din iyong cooperation ng civil society because kung magku-cooperate ang mga tao, we could really limit the spread of the virus if everyone is wearing face mask and hindi na tayo nag-aalis ng face mask.

USEC. IGNACIO: Dr. David, sa labas naman daw po ng ‘NCR Plus’, may nakikita pa bang problem areas or high risk areas ang OCTA Research na kailangan din daw pong pagtuunan ng pansin ng pamahalaan sa ngayon?

  1. DAVID: Yes, Usec. Right now, iyong provinces with the highest number of cases, siyempre iyong NCR nandiyan and then Cavite, Rizal, Bulacan, Cebu, iyon ang mga kasama diyan, except for Cebu which is on the downward trend.

So, itong Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, kasama naman sa bubble. Pero we are also seeing an upward trend sa Pampanga and sa Batangas and actually mabilis iyong upward trend nila eh. For example sa Batangas, their increase was almost 100% or I think more than 100% compared previously. So I think this has to be monitored closely especially since they are outside the bubble. And it could be problematic if we contain the virus inside the bubble pero may kumakalat din outside the bubble, so I think we have to look into this.

USEC. IGNACIO: Professor Rye, ayon po kay Secretary Galvez ay pinag-uusapan na po kung sabay-sabay na bang babakunahan ang mga nasa priority list pero hindi pa malinaw kung sa NCR lang ba muna ito gagawin o sa buong bansa. Sa palagay ninyo, malaki po ba ang maitutulong rin nito para mapabilis iyong pagkamit ng herd immunity sa bansa?

PROF. RANJIT RYE: Well Usec. ang function niyan ang supply ko eh. Kung magku-concentrate tayo rito, sana ho may supply ng bakuna – iyon ho ang kailangan eh. Importante hong iyong nabakunahan na dito sa NCR magkaroon ng second dose rin. So iyang plano to concentrate resources sa NCR maganda pong plano iyan, sang-ayon ang OCTA diyan. In fact OCTA was one of the first to suggest that dahil dito ho ang epicenter ng virus ‘no.

Parang ang gagawin natin, dito kung saan marami ang cases at saka sa CALABARZON, sa Rizal and Bulacan, i-concentrate natin, ipu-push natin lahat ng limited supply natin para lang to vaccinate as many persons as possible. Kung para bang sa ahas, papatayin mo iyong ahas by cutting of the—sorry ha kung may kumakain at saka may mga in love sa ahas ‘no – iyong analogy namin parang the pandemic is a snake, iyong head ay nandito sa NCR at saka CALABARZON; so iyong sinasabi ng OCTA, puwedeng calibration po iyan.

Pero of course that will really depend on supply ho. Kung may supply tayo to launch that kind of offensive dito sa NCR saka CALABARZON, saka karatig na probinsya then well and good. Ang tingin namin ha baka bumagsak talaga ang cases, ang transmission, baka bumagsak rin very drastically ang hospitalization. And once NCR is dealt with, we can ano eh—if we win the war in the NCR, ang tingin namin we win the battle against COVID in the country. So iyon ‘yung tingin namin and it will require at least 4 million doses here dito sa—4, 5 million doses dito sa NCR to have that effect ‘no.

And depende iyan kung anong klaseng—kung ilan ang ating supply. So iyon ang malaking factor diyan. Maganda iyong plano ni Secretary Galvez but it will really depend on the number of vaccines that are actually going to come in.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor Rye, may tanong po sa inyo si Joseph Morong ano: If it were up OCTA, would you rather na MECQ na dapat instead of a bubble?

PROF. RANJIT RYE: Well actually that’s what we would prefer honestly. But you know the economic cluster of the Cabinet also has a strong argument, they came out with the position… o iyong presentation about the negative impacts of an MECQ. But really po if we want to end this and we want to slow this down to a manageable level, the worst surge in the country’s history ‘no as far as fighting this COVID-19 virus is concerned, then maybe an MECQ of 2 weeks will really do it ‘no. It will slow it down. For 4 weeks, it would really knock it out, we will knock it out.

And tamang-tama kapapasok lang noong bakuna by that time, maganda ang timing. But the thing is iyon nga, may cost po ito eh, may social economic cost ho. Kaya sina-suggest namin soft MECQ para hindi masyadong malaki iyong ayudang ilalabas ng gobyerno.

You know, we will not be defeated by this surge and confident kami that we will ‘no and we must overcome. But it will have to start by making a decision about restricting mobility for all sectors in a very strict way in the coming weeks po. Kailangan tulung-tulungan po tayo sa objective na iyan.

The goal is to reduce transmissions. The goal of course is to ensure that our hospitals are not overwhelmed. Iyon po ‘yung ano natin eh, maganda ho iyong bubble kaso nga lang kung iyong epekto niya 4 weeks, eh ang estimate ng OCTA ho mapupuno lahat ng mga hospital natin dito pati iyong buffers natin in 2 weeks’ time po. So iyon ho ‘yung ano natin eh, ang binabantayan natin, sana mag-coincide iyong effects ng bubble doon sa—just before our hospitals get filled up. Kung mapuno na iyong mga hospitals natin, then we need to think.

Iyon lang naman po, kailangan ho talaga nating tingnan ‘to as an extremely serious situation na lahat ng ating pinaghirapan over the last year ho, you know, will go to waste – iyong sakripisyo natin sa ekonomiya, iyong sakripisyo natin most importantly sa buhay, iyong mga namatay nating mga doktor at nurses – that will all go to waste ho and in vain if we don’t deal with the surge.

Ang conviction po ng OCTA, we can only open up the economy and jumpstart economic growth if you deal with the transmission. Right now ho we have a massive surge and we need to act quickly on this.

USEC. IGNACIO: Opo. Professor Rye, sa rate naman po ng pagbabakuna ng bansa na sa ngayon ay nasa… estimated po ah, na 30,000 a week pa lang. So gaano kalaking bilang po iyong dapat na mabakunahan sa isang linggo para po maabot iyong sinasabi nating 70 to 80 percent na populasyon by end of 2021?

PROF. RANJIT RYE: Iiwan ko iyan kay Professor David kasi mayroon rin kaming mga datos tungkol diyan. Professor David…

  1. DAVID: Thank you, Usec. Kung iyang target natin 70% ng Philippine population, we would need at least mga 10 million vaccines per month. Marami-rami iyon, divided by 30, malaki-laki iyon, mga 300,000 per week iyon. Pero of course distributed naman geographically.

If magpu-focus tayo sa NCR, then iyong 30,000 will actually give us the herd immunity. Kung 30,000 per day, it could actually give us herd immunity sa NCR within mga 6 to 7 months. I’m not sure if my calculations are spot on kasi just doing this by head. Pero iyon ‘yung estimate natin na you know, kung sa NCR tayo naka-focus, this is a realistic vaccination program na we can achieve this within the year if we have sufficient supply and iyong rollout natin smooth at hindi magkakaroon ng problema.

USEC. IGNACIO: Opo. Dr. David and Professor Rye, may tanong po si Red Mendoza, hindi ko lang po alam kung sino puwedeng sumagot sa inyo nito ano po: Has the country and NCR reached the reproduction number of 2 already? Maari din bang umabot sa 100,000 daily cases ang Metro Manila kung hindi daw po maaagapan ang pagtaas ng mga kaso?

  1. DAVID: Yes, Usec. I will take that question. Actually iyong country as a whole, iyong reproduction number niya is close to 1.9 so hindi pa naman siya nasa 2. Iyong NCR, we have seen it reached 2. So sa country as a whole hindi pa naman pero there’s an upward trend sa reproduction number ng country kasi we’re also having some increases in some provinces din.

Iyong 100,000 it’s not likely at this point kasi we have interventions naman, we have the GCQ bubble saka hindi naman papayagan ng government na umabot ng ganoong levels iyong number of cases natin per day. So you know—let’s see, let’s see how the effect of this GCQ bubble will be in the next few weeks.

Hopefully according to our projections, iyon nga, we will peak at around maybe 6,000 – medyo optimistic iyan pero iyan iyong inaasahan natin. A more optimistic scenario, we will peak at 5,000 cases per day sa NCR iyan so that means sa buong Philippines maybe around 10,000 – hopefully hanggang diyan lang tayo, huwag nang lumagpas diyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula pa rin po kay Red Mendoza: May mga pagbaba na po ba ng kaso sa mga lungsod or area na nagpatupad ng localized lockdowns? Sapat na ba iyong ginagawang hakbang ng mga lokal na pamahalaan?

  1. DAVID: Yes, I will also take that question Usec. We actually saw a downward trend na sa ano—in fact we saw it sa Malabon and sa Navotas for a while. Pero saglit lang iyong downward trend na iyon, the problem kasi is even if localized lockdowns work and nasa downward trend na iyong LGU, because NCR is one interconnected—very interconnected metropolitan area, mahirap i-sustain iyong downward trend because iyon nga, dikit-dikit eh and other LGUs are still having a surge. So maganda diyan sabay-sabay natin ma-contain and this GCQ bubble will hopefully contain iyong spread. And then at least iyon nga, we could have a downward trend hopefully within the next… by 4 weeks.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Red Mendoza ng Manila Times: Sa mga case reports, more than 98% naman daw po iyong active cases ay mild, moderate at asymptomatic cases ngunit ang hospital capacity pa rin natin ay nagkukulang. So ano kaya daw po ang dahilan ng disparity na ito?

  1. DAVID: Yes. Usec., the problem is iyong ano natin, ICUs natin sa hospitals, they’re almost full na. Ang problem din kasi, when we have severe and critical cases medyo matagal silang nagsi-stay sa hospital. So kumbaga mas mabilis siya mapuno, mas matagal mabakante iyong mga hospital beds for ICUs which are usually where iyong mga severe and critical cases are placed. So, iyon nga ang nagiging problema, kapag mga hospital beds lang medyo mas mabilis iyong turn over, an average of 21 days. Pero pag ICUs mas matagal kasi iyong stay normally noong mga patients doon.

USEC. IGNACIO: Ok, maraming salamat po sa inyong pagsama sa amin ngayong umaga Dr. Guido David at Prof. Ranjit Rye mula po sa OCTA Research team, mabuhay po kayo sirs.

  1. DAVID: Thank You, Usec.

PROF. RYE: Maraming salamat sa inyo, maraming salamat po. Ingat po lahat.

USEC. IGNACIO: Salamat po, salamat po. Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng PBS-Radyo Pilipinas mula po sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa, ihahatid iyan ni John Mogol. John, good morning.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas.

Nasa 450 contact tracers naman ang ni-rehire ng DILG Region 11 para po sa Davao City, Thirty (30) porsiyento lang ito ng mga contact tracers sa lungsod noong nakaraang taon. Ang detalye ibabalita ni Julius Pacot. Julius!

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot ng PTV-Davao.

Sa kabila ng umano ay pagbuti ng sitwasyon sa Cebu City lumalabas sa datos po ng lungsod na walumpung porsiyento ng mga COVID-19 related death sa lungsod ay mga senior citizen kaya naman po ang paalala ng lokal na pamahalaan, mag-ingat at sumunod sa health protocols ng pamahalaan. Ang detalye, iri-report ni John Aroa, John.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo John Aroa ng PTV-Cebu.

Maraming salamat din po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Salamat din po sa Filipino Sign Language Access Team for COVID-19, mabuhay po kayo.

Dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center