Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio. Samahan ninyo ako ngayong Lunes sa isang espesyal na edisyon ng Public Briefing #LagingHandaPH.

Muli po tayong nakapagtala ng lampas na siyam na libong kaso ng COVID-19 infections sa loob lang ng isang araw. Nine thousand four hundred seventy-five po ang mga bagong kaso sa bansa kahapon na sa kabuuan po ay nasa 721,892 na. Mataas din po ang bilang ng mga gumaling, 22,000 ang bagong recoveries kaya umabot na ito sa 603,154. Labing-isa naman po ang nasawi o katumbas ng 13,170 deaths.

Ang mahigit 9,400 new cases kahapon ay ang ikatlong araw na hindi bumababa sa siyam na libo ang daily reported cases. Ibig sabihin po, sa loob lamang ng tatlong araw ay halos 29,000 cases na agad ang naitala. One hundred five thousand five hundred sixty-eight naman po ang active cases, ito ay 14.6% ng total cases; ninety-eight point one percent (98.1%) naman po ng active cases ang mild at asymptomatic, .7% ang critical, .8% ang severe at .43% naman ang moderate cases.

Muli po, ang aming paalala: BIDA Solusyon Plus sa COVID-19.

[VTR]

Matapos nga pong ipatupad ang naunang tinawag na NCR Plus bubble sa loob ng isang linggo ay mas maghihigpit pa ang mga protocol na ipinatutupad sa loob ng Greater Manila Area. Alamin natin ang mga dagdag na restrictions simula ngayong araw hanggang sa Linggo mula kay DILG Spokesperson Usec. Jonathan Malaya. Good morning, Usec.!

DILG USEC. MALAYA: Magandang umaga sa’yo, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa lahat ng ating tagasubaybay.

USEC. IGNACIO: Naku, ngayon po ang simula nitong pagpapatupad na naman ng ECQ, mahigpit na pagpapatupad ng protocol dito sa NCR at ilang mga karatig-lalawigan, ano po. Ano nga po ang mga maiiba at muling maghihigpit sa pag-i-impose ng ECQ sa Greater Manila Area sa loob ng isang linggo? Ito po ba ay ibabatay pa rin doon sa nauna nang naipatupad na ECQ nito pong nakalipas na tao?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Bale ano lang more or less kung ano iyong ating haharapin dahil nag-ECQ na nga po tayo noong nakaraang taon. Mayroon lang pong mga pagbabago ‘no. Let me just state, Usec., na ang unang ating kailangang malaman ay stay at home ‘no. Stay at home po ang rule ‘no, and work from home sa mga nagtatrabaho. At ang mahigpit po nating pinagbabawal na wala pong klaseng kahit anong mass gathering. So for our purposes, any group na kapag umabot na po tayo sa sampu or above, mass gathering na po ang ating classification niyan.

Ang mga pagbabago po sa ating ECQ sa ngayon kumpara sa nakaraang taon ay sa ngayon, mas mahaba po ang ating curfew ‘no. Ang curfew natin is from 6 o’ clock ng gabi hanggang alas singko ng madaling araw. At ang isa pa pong pagbabago is mayroon po tayo ngayong public transportation. Although, ayon po sa pinalabas ng DOTr na mga guidelines, itong mga public transportation ay limitado lamang.

At ang isa pa pong pagbabago is mayroon po tayong mga ilang mga establisyimento na pinayagang magbukas on a skeletal capacity. But the nonetheless, Usec., gusto ko lang pong ipaalala sa ating mga kababayan na very strict po ang ating implementasyon nito, and definitely ang general rule is stay at home, work from home at wala pong mass gatherings kahit anuman.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sinasabi ninyo nga na may pagkakaiba ano po nang nakalipas na taon, pero iyong data po o datos ay napakataas kumpara ngayon kaysa noong nakaraang taon. So papaano po nakakasiguro na talagang makukuha natin iyong ating goal na talagang pababain iyong kaso dito sa sinasabi ninyong mga pagkakaiba?

DILG USEC. MALAYA: Yes, Usec., iba po kasi ngayon ang sitwasyon natin sa nakaraang taon. Noong nakaraang taon, wala pa tayo masyadong isolation centers ‘no; wala pa tayong mga protocols in place; wala pa tayong National Action Plan at that time. Mas handa tayo ngayon. We have more than 200 molecular laboratories all over the country; mas mataas ang ating testing capacity. So because of that, mayroon po tayong mga ilang industriyang skeletal na pinayagan natin at mayroon tayong limitadong transportasyon, ngunit naghigpit naman po tayo sa curfew ‘no.

At mayroon din po tayong inilalatag ngayon na mga interventions na kakaiba kumpara noong nakaraang taon. For example, mayroon tayong distribution ng face masks ‘no. We are now coordinating with the Department of Trade and Industry para po sa mas malawak na distribution ng face masks.

At mayroon din po tayong ginagawa ngayon na intensive contact tracing, opo. Ngayong hapon po ay iri-relaunch ng DILG at ng MultiSys, itu-turn over na po iyong StaySafe app sa DILG ngayong hapon in a ceremonial turnover at immediately after that ay sisimulan na po natin iyong interconnection or interconnectivity ng mga local contact tracing apps sa ating national StaySafe application. Finally po ay matu-turnover na po iyan sa amin sa DILG.

So ang sinasabi lang po natin is, mas maayos na po ang ating implementasyon ng mga quarantine protocols, mas madami na po tayong resources at this time at mas mahaba-haba na po iyong dinaanan nating experience in defeating COVID-19. So we are very hopeful na ito pong mga interventions natin with the ECQ since kinu-control natin or niri-regulate natin ang pag-ikot at paggalaw ng mga tao will be successful and we will be able to reduce the community transmission and reduce the cases of COVID-19 in the country.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., magkakaroon ba ng checkpoints kada bayan sa loob po ng NCR Plus at hindi lang sa mga borders nito?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Iyan po ang isa pang pagbabago natin kumpara doon sa NCR Plus bubble. Kasi noong nakaraang linggo po NRC Plus bubble tayo, ngayon po ay hindi na po tayo bubble per se; tayo na po ay ECQ in Metro Manila. So one of the features of ang ECQ is heightened police presence na nagawa na rin po natin noong nakaraang ECQ noong nakaraang tao.

So mayroon po tayo dito sa buong bubble plus area na 1,106 quarantine control points or iyong tinatawag na checkpoints. Mayroon pong 9,356 na kapulisan ang madi-deploy natin sa buong NCR Plus area or Greater Manila Area. Out of that number, iyong 7,876 sa NCR po iyan kung saan mayroon tayong 929 checkpoints. Ngayon, pinalawig na po natin ang mga checkpoints natin, Usec., dahil ang rule nga po is stay at home unless exempted, and work from home. So para po ma-implement iyan, mayroon po tayong 929 checkpoints sa buong Kamaynilaan. At karamihan po rito ay nasa border ng mga lungsod at sa mga barangay. Mayroon po rin tayong 728 na barangay checkpoints na pinapahintulutan sa buong Metro Manila.

Gusto ko lang pong manawagan, Usec., sa ating mga barangay, huwag po silang magtatalaga ng checkpoint sa kanilang lugar kung wala pong pahintulot mula sa [garbled]. Dahil ayaw na ring maulit iyong nangyari noong nakaraang taon kung saan may mga sariling pamantayan na ini-implement ang mga barangay na hindi naman consistent sa polisiya ng national government.

So kailangan po itong mga barangay checkpoints na ipapatupad must be coordinated with the nearest police station sa kanilang lugar at kung mas maaari po may kasama rin pong pulis ‘no. Mayroon po tayong 728 na authorized barangay checkpoints, and the barangay officials must coordinate kung sila po ay maglalagay din ng kanilang sariling checkpoint.

And mayroon tayong 693 na kapulisan na ikinakalat natin sa mga matataong lugar, sa mga public markets para po maging social distancing patrollers. Sila po iyong mga magbibiyak ng mga mass gatherings kapag hindi po sumusunod sa mga physical distancing.

Sa Region III naman po, mayroon tayong 982 police officers na nakatalaga sa 162 quarantine control points. At sa Region IV-A mayroon din po tayong 15 checkpoints na mayroong 491 police officers.

So, to answer your question, Usec., hindi na lang po sa mga borders magkakaroon ng mga checkpoints, mayroon na rin po tayo sa level ng mga barangay at sa mga boundaries ng mga lungsod at munisipiyo.

USEC. IGNACIO: Opo. At ang malinaw ninyo nga pong sinabi, dapat talaga ay may koordinasyon iyong ating LGU sa pulis, sa ating PNP kung magsasagawa ng sariling checkpoint. Sa pagpapahaba naman daw po ng curfew hours na mula alas diyes ng gabi ay magiging 6 P.M. na po ito to 5 A.M. So para lang po malinaw sa ating publiko ano po, para hindi sila nababahala Usec., anu-ano daw pong industriya at sinu-sino lamang iyong exempted dito?

DILG USEC. MALAYA: Okay. Medyo mahaba-haba po ito pero try kong bilisan lamang. Iyong mga ospital po natin, of course, lahat ng medical are in full capacity, therefore, ito pong mga ito ay exempted; health emergency frontliner services; iyong mga kumpanya pong gumagawa ng mga gamot, bitamina, medical supplies; iyong mga negosyo po na nasa agriculture, forestry, fishery ‘no; logistics service providers, iyon pong mga cargo kasi isa pa po iyan sa mga pinapaliwanag namin sa ating kapulisan na kailangan unimpeded ang galaw ng cargo, especially po iyong pagkain na manggagaling sa mga probinsiya, hindi po puwedeng harangin sa ating mga checkpoints.

At kahit po naman doon sa mga delivery sa mga iba’t ibang homeowner’s association, nananawagan po ang DILG sa kanila na huwag na po nilang ipagbawal iyong pagpasok ng mga delivery sa kanilang mga homeowner’s association, sa kanilang mga subdivision. Kasi po kung ipagbabawal po nila, ang mangyayari po lalabas pa iyong mga tao para bumili at pupunta sa supermarket or pupunta sa takeout. Mas maganda po nga iyong i-deliver na lang sa kanilang mga bahay. So we highly encourage our different homeowner’s association, do not impede the movement of food delivery sa inyong mga subdivisions ‘no. We highly discourage ito dahil kailangan pa pong lumabas ng ating mga kababayan kung ipagbabawal ninyo iyong pagpasok ng mga deliveries sa inyong mga lugar.

Exempted din po ang mga priority construction projects, iyong mga malalaki. Iyong mga maliliit po na mga bahay-bahay lamang ay hindi po kasama. Manufacturing sa pagkain, opo, ay mga exempted din. Iyong mga gumagawa ng mga supply equipment para sa construction kagaya ng semento, steel and spare parts ay exempted din. Iyong mga retail trade, mga public markets, supermarkets, grocery stores, convenience stores, pharmacies, drug stores, food preparation establishments but limited only to takeout and delivery and iyong mga financial service providers kagaya ng mga pera padala at mga bangko and BPO – sila po ang mga exempted from the closure order issued by government since tayo po ay naka-ECQ.

The rest po, mayroon po tayong inilabas, si Spokesman Harry, na skeletal force. So kapag skeletal force po ay maliit lang po iyan at ilan lang pong mga tao ang papasok doon sa mga industriyang iyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., ipinahayag din ni Presidential Spokesperson Harry Roque na puwedeng gamitin na lang iyong mga lumang quarantine passes pero sinabi niya lilinawin pa rin nga po ito. Pero kung wala daw pong dala ay pupuwedeng magpaliwanag sa pulis ano po. So paano naman daw po totoong makukontrol iyong labas ng tao kada household at masisiguro na totoo nga iyong pakay nila sa paglabas ng bahay?

DILG USEC. MALAYA: Opo. Iyong quarantine pass po ay nasa discretion ng ating mga local government units. Ang iba pong LGUs sa Metro Manila ay mayroon na pong rule on the quarantine pass as told for example ang Lungsod ng Maynila ay mag-i-issue po ng mga quarantine passes so nasa kamay na po iyan ng mga LGUs. So ang akin pong panawagan sa ating mga kababayan, i-monitor po ninyo ang inyong mga local government units, sa Facebook naman po ang kanilang mga information officers ay laging may updates kung kakailanganin ninyong kumuha ng quarantine pass mula sa inyong barangay.

Ang naging diskusyon po kasi diyan eh since sandali lang naman itong ECQ period natin ay baka hindi na kakailanganin. But subject to the discretion of the LGUs ay baka po kakailanganing magkaroon ng quarantine passes. Nasa kanila po iyan, titingnan po nila iyong sitwasyon – kung nakikita po nila na nagkakaroon ng kumpul-kumpulan sa kanilang mga lugar, puwede na po silang mag-issue ng mga quarantine pass kagaya nga po ng sinabi ninyo, Usec. Rocky, para masiguro po natin na hindi maba-violate iyong ating stay at home policy at para iyong mga kailangan lamang lumabas ay lalabas sa panahon po ng ECQ.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., kailangan bang magbigay muli ng food packs ang mga LGUs sa kanilang mga residente?

DILG USEC. MALAYA: Opo. We are encouraging all local government units na magbigay po ng tulong or ayuda sa kanilang mga nasasakupan, sa kanilang mga constituents. In fact, Usec., mayroon nang mga kausap ang mga mayor kahapon at inihahanda na po ng mga LGUs especially po dito sa NCR Plus bubble area iyong kanilang mga ayuda. Iba-iba pong klase ‘no, mayroong iba ang ibibigay bigas, iyong iba naman po ay cash, iyong iba naman po ay gulay, iyong iba naman po ay relief goods, iba-iba po iyan.

So ito pong tulong na manggagaling sa mga local government units, ito po ay in addition pa or augmentation doon naman sa tulong na ibibigay ng national government. At ang pagkakaalam ko po ay pinag-aaralan na ng DBM at ng iba pang mga ahensiya kung papaano po maibababa itong tulong na manggagaling sa ating national government. So the same po itong proseso, Usec., kagaya noong nakaraang taon mayroon pong ayuda na nanggaling sa national government at mayroon din pong ayudang manggagaling sa mga LGU.

Kung magkano po ito at kung sino po ang makatatanggap, I think the announcements will be made individually by the respective mayors at magkakaroon din po ng anunsiyo ang DBM and I would presume DSWD para naman po sa ayuda na manggagaling sa national government.

USEC. IGNACIO: Usec., magkakaroon daw po ng house-to-house ang mga lokal na pamahalaan sa mga residente na may sintomas. So, paano gagawin ito at ano po ang magiging proseso ng identification?

DILG USEC. MALAYA: Okay. Ganito po iyan Usec. Rocky ‘no, kasi nga po medyo [garbled] iyong gagawin natin dahil mahirap po iyong mag-house to house tayo na hindi naman [garbled] iyong mga magha-house-to-house. Meaning [garbled] baka mamaya eh magkahawaan kung iyong mga ating umiikot ay kung hindi naman sila handa.

So ang primary po na gagawa nitong mga pag-iikot na ito will be the contact tracers. So contact tracing lang po ang gagawin nila, papasyalan lang po natin iyong mga bahay na mayroong mga close contacts o kaya naman mayroong suspicion na sila ay mga posibleng may COVID ‘no. So ang konteksto noong sinasabing bahay-bahay na ang [garbled] ay iyong mga kuwalipikadong individual at [garbled] po iyon ng ating mga contact tracing efforts ‘no. Iyon po ay isasagawa ng ating mga city health office or municipal health office in the context of contact tracing.

USEC. IGNACIO: Usec., punta naman tayo sa tanong ng ilang kasama natin sa media ano. Mula kay Joee Guilas ng PTV: Sa anunsiyo po ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay sinabi niyang hindi naman daw po kailangan ng quarantine passes sa one week ECQ natin. Pero may ilang LGU, kabilang na ang Barangay Mabolo sa Malolos, Bulacan na humihingi ng naturang pass. Paano naman po ipatutupad ito lalo na kung wala na o nasira na po iyong lumang quarantine passes? Isang taon na po kasi ang nakalipas mula nang ito ay ipinamahagi.

DILG USEC. MALAYA:  Opo. Gaya nga po ng sinabi ko kanina, depende po sa sitwasyon sa isang lugar. Kung nakikita po ng ninyo na mayroon pong pagkukumpul-kumpulan o hindi po natin ma-hold iyong pagsisikip iyong ng mga tao sa mga pamilihan, for example, kasi po naman magkakaroon ng ganiyang sitwasyon ay nasa kamay na po ng lokal na pamahalaan kung magri-require sila ng quarantine pass. At iyan nga po iyong ginawa ng Lungsod ng Maynila when they made announcement na kailangang pa rin ng quarantine pass.

So kung iyong quarantine pass po noong nakaraang taon ay luma na at hindi na ninyo mahanap, kailangan na po ninyong kumuha ng panibagong quarantine pass. Ngunit kung mayroon na po kayong lumang quarantine pass, kailangan lang siguro ninyo itong i-validate muli sa inyong barangay para masiguro na ito ay tatanggapin pa ng ating mga checkpoints.

USEC. IGNACIO:  Opo. Usec., may tanong si Sam Medenilla ng Business Mirror: Ilan na po ang mga individuals ang target po na ma-contact trace ng government sa NCR plus with the recent surge and infections sa nasabing area? At ilan po sa mga individuals na ito ang na-contact trace na?

DILG USEC. MALAYA:  Usec. sorry, I did not get the question. Puwedeng paki-ulit, choppy.

USEC. IGNACIO: Ilan na po ang mga individuals ang target po na ma-contact trace ng government sa NCR plus with the recent surge and infections sa area? At ilan po sa mga individuals na ito ang na-contact trace na ng DILG.

DILG USEC. MALAYA: Naputol po tayo, iyong huling tanong.                                                              

USEC. IGNACIO: Iyong tanong po ni Sam Medenilla ulit, ulitin ko na lang po. So ilan na daw po iyong na-contact trace ng government at ilan daw po talaga iyong target kasi na ma-contact trace ng ating pamahalaan?

DILG USEC. MALAYA:  Okay. Ganito po iyan ‘no, nag-a-adjust po tayo ng ating performance indicators sa contact tracing dahil gaya po ng paulit-ulit na sinasabi natin, mayroon po tayong kabuuang 255,000 contact tracers sa buong bansa, which is more than enough doon sa requirement ng WHO at ng DOH na one is to 800 buong populasyon.

Ngayon dahil po sa nagkaroon po tayo ng surge dito sa Metro Manila, dito po tayo nagkulang. Dahil pangkalahatan po okay ang ating contact tracers, but because of the unprecedented number of the surge, so iyong pagtaas, kinakapos po tayo ng mga contact tracers dito sa Metro Manila. That is why bago po nagkaroon ng travel bubble, nagtalaga na po tayo ng karagdagang 800 contact tracers mula sa ating kapulisan, mula sa Bureau of Fire Protection at mayroon din pong manggagaling sa MMDA at ito po ay naka-deploy na sa iba’t ibang mga local government units sa buong Metro Manila.

Ngayon, given po na dumarami iyong kailangan nating ma-contact trace, dahil ang dami nga po ng mga nagpositibo dito sa Metro Manila, we are now looking at revising the targets of the different local government units in so far as the local government is concerned. Isa po sa inanunsyo ni Spokesman Harry Roque ay magkakaroon po ng score card per LGU at iyan na po ang binabalangkas na natin ngayon with the Department of Health.

So titingnan po natin dito sa score card iyong mga targets ng bawat LGU in terms of prevention, detection, isolation, treatment and rehabilitation. At ito ay ibibigay po natin sa LGU na tuwing kailangan nilang ma-meet na targets and we will continuously monitor their compliance to the targets at doon po sa gagawin nating CODE visit o iyong limited operations within the epidemic visits, mag-ikot-ikot po ang National Task Force COVID-19 sa lahat ng LGU dito sa NCR plus area para po makita kung nami-meet nila iyong mga targets  na ibinigay namin sa kanila.

So at present we are revising those targets and hopefully we will be able to finish very soon para po mailatag na namin ito sa iba’t ibang mga local government units.

USEC. IGNACIO:  Opo. Ikalawang tanong po ni Sam ng Business Mirror: Sinusuportahan po ba ng DILG ang proposal na ibigay na lang ng cash aid from the national government direct daw sa LGU instead of dadaan pa sa DSWD?

DILG USEC. MALAYA:  Opo. Isa po iyan sa mga pinag-aaralan nating proseso para po mas mabilis iyong pagbibigay natin ng ayuda na manggagaling sa national government, ibababa na lang po natin directly or diretso sa mga local government units. Pero ayaw ko pang pangunahan ang magiging announcement ng Department of Budget and Management. So antayin na lang natin iyong mga detalye nitong magiging ayuda na manggagaling naman sa national government.

USEC. IGNACIO:  Question naman po mula kay Pia Gutierrez ng ABS-CBN: Kung ano daw po ang limitations ng mg food delivery companies like Grab or Food Panda, sakop ba sila ng curfew kung sakali?

DILG USEC. MALAYA:  Okay. Dito po sa ating ipinalabas na IATF Resolution Number 105, kasama po sila sa ina-allow na mag-operate dahil kasama sila dito, nandito po sila sa number 5 or iyong tinatawag nating logistic service providers, delivery and courier services, co-handling, warehousing, trucking, freight forwarding, port operations and shipping lines.

Kaya nga po sinabi ko kanina, Usec., na it will be counter-productive kung iyong homeowners association ay isasara nila iyong kanilang mga subdivision sa pagpasok ng mga delivery, kasi kung isasara nila ito mapipilitan iyong mga nakatira sa subdivision na lumabas pa at pumunta sa mga public markets or mga convenience stores when in fact ang ating solusyon and ating rule is stay at home.

So we are [garbled] the homeowners association from stopping or preventing iyong mga delivery services gaya ng Grab or Lalamove na mag-deliver sa ating mga kababayan sa panahon po nitong pandemya, kung ECQ.

USEC. IGNACIO:  Okay. Nagpapasalamat po kami muli sa iyo, Usec. Jonathan Malaya ng DILG. Stay safe, Usec.

DILG USEC. MALAYA:  Maraming salamat din po. Mabuhay kayo!

USEC. IGNACIO:  Samantala, nasa 900 Tricycle Operators and Drivers Association o TODA members sa ilang bayan po sa Aurora ang tumanggap ng ayuda sa magkakahiwalay na outreach program mula sa pamahalaan at kay Senator Bong Go. Narito po ang report:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Naglabas din po ng bagong guidelines ang Department of Transportation kaugnay sa pagpapatupad ng ECQ sa NCR Plus simula ngayong araw. Bagama’t hindi naman pinagbawalan ang pampublikong transportasyon, may mga paglilinaw pa rin po ang DOTr tungkol sa kanilang pagbiyahe. Makakausap po natin si DOTr Undersecretary Artemio Tuazon. Welcome back po, Usec. Tuazon.

DOTR USEC. TUAZON: Magandang umaga, Usec. Rocky. Magandang umaga po sa inyong lahat na nakikinig dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Kahapon nga po ay naglabas kayo ng guidelines para sa one week ECQ dito sa NCR Plus bubble. Isa-isahin na lang po natin ulit ano po. Una po ang sa road transportation partikular sa mga jeep at bus, magkakaroon po ba ng pagbabawas sa mga bibiyaheng units at maging sa passenger capacity?

DOTR USEC. TUAZON: Usec. Rocky, generally, our public transportation ay walang mababago sa kapasidad. Kung mayroon mang mababago rito, ito iyong pinag-utos sa amin ng aming Secretary na si Art Tugade na paghigpitin at maging masinsin ang pag-i-implement ng ating 7 commandments sa public transportation.

Para sa ating pampublikong sasakyan sa road sector, ang ating public utility buses ay papayagan lang na magsakay ng 50% ng kaniyang capacity at bawal dito iyong tayuan or standing. Sa ating traditional at modern jeeps ganoon din ito, 50% ng capacity lang or one seat apart, kung alin ang mas nararapat. Sa ating mga UV Express maximum of two passengers row pero not exceeding din ng 50% ng capacity noong UV Express. Sa ating taxi, ang maximum natin ay two passengers per row rin. Doon sa driver, isa lang dapat ang katabi ng driver at sa likod na sakayan dapat dalawang tao rin lang ang nakasakay.

Sa ating mga TNVS or katulad ng Grab, pareho rin ng ating alituntunin, dapat ay dalawa lang per row – isa sa tabi ng driver lang ang puwedeng pasahero at dalawa sa likod lang. Bawal na rin iyong ating tinatawag na multiple booking sa ating mga TNVS tulad ng Grab.

Sa tricycle isa lang ang pinapayagan nating pasahero ng tricycle at dapat ito ay nasa sidecar. Hindi puwedeng sumakay ang pasahero sa likod ng driver ng tricycle.

Sa ating mga provincial buses, tuloy lang ang biyahe ng ating provincial buses pero ito ay point-to-point lang lahat. So bawal silang magsakay or magbaba in between the point of departure hanggang point of destination. Iyon ang atin sa mga pampublikong sasakyan sa ating road. Maraming salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit nga po na papayagan rin iyong private motorcycle. Sa mga pribadong sasakyan ito pati iyong backriding para sa mga APOR lang or this time po talaga wala nang restriction kung sino lang ang puwedeng magkaangkas? Ito po iyong sa pribado, Usec.?

DOTR USEC. TUAZON: Tama po iyan, Usec. Rocky. Papayagan po silang umano pa rin at wala na rin pong distinction kung sino iyong sakay nila. Pero dapat po iyong sakay nila ay APOR lang po talaga, iyon lang po ang puwedeng sumakay sa ating mga private motorcycles po. Salamat, ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Usec., ang tanong daw po dito: Paano mababantayan na 50% lang po iyong seating capacity ng ating PUVs? Round the clock ba po iyong operasyon ngayon ng IACT o puwede rin bang mag-apprehend ang ating mga pulis?

DOTR USEC. TUAZON: Totoo po iyan, ma’am. Sa katotohanan po talagang mahirap pong bantayan lahat iyan sa dami po ng ating pampublikong sasakyan at sa dami po ng ruta. Ngayon ang naatasan po ng ating Kalihim na si Art Tugade na magbantay po rito ay ang LTO, LTFRB at saka iyong IACT nga po. Katulong din po namin, humingi na rin po kami ng tulong dito sa ating PNP at saka sa AFP at saka sa mga LGU.

Ngayon po, alam po namin na maski magtulung-tulong po kami rito ay napakarami pa ring babantayan at hindi pa rin kakayanin po ng ating mga ahensiya na bantayan lahat ito. Kaya po ang ating Kalihim, si Art Tugade po ay humihingi po ng tulong at kooperasyon ng lahat ng ating mamamayan na sana po ay sundin itong mga alituntunin natin sa pampublikong transportasyon. Kailangan lang po, kailangan tulung-tulong tayo rito. Kailangan pong sundin natin itong mga guidelines na ito. Salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may augmentation po ba ng transport services ang DOTr lalo para as mga medical frontliners at essential workers para po sa linggong ito?

DOTR USEC. TUAZON: Opo, ma’am. Tama po iyan, Usec. Rocky, tuloy pa rin po iyong ating free ride for health workers. Sa kasalukuyan po ay mahigit dalawang milyon na rin po ang natulungan nitong ating free ride for health workers at mayroon po tayong dalawampung ruta na tumatakbo po ngayon. So tuluy-tuloy lang po ito. Salamat, Ma’am.

USEC. IGNACIO: Opo. Kaugnay naman po sa ayuda sa mga apektado ng ECQ sa transport sector, mayroon bang aasahan mula po sa DOTr? Sinu-sino po iyong qualified dito? Anong klaseng tulong ito kung mayroon man po, Usec.?

DOTR USEC. TUAZON: Actually, ma’am, under sa Bayanihan 2 natin, iyong Bayanihan to Recover as One, may ibinigay po sa atin sa DOTr through the LTFRB na ayuda para dito sa mga operators na ito. Pero ito po ay para doon sa mga fixed route public transportation modes kabilang ang bus, jeep at UV express. Mayroon po silang P6,500 per unit at kasalukuyan po as of March 23, mahigit pong 90% o nobenta porsiyento na po ang nai-distribute sa ating mga operators na nagkakahalaga ng mga 950 million na po. So tuluy-tuloy po ang pagbibigay nito. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Usec., tuloy pa rin ba daw ang biyahe sa barko at eroplano? At kung tuloy po, may guidelines po bang napagkasunduan tungkol dito?

DOTR USEC. TUAZON: Opo, Usec. Rocky. Tuloy lang po ang biyahe ng ating mga eroplano at barko. Ang atin pong eroplano, tuluy-tuloy po ang ating domestic pero tulad ng nasabi po, ang puwede lang pong sumakay dito sa ating domestic flights ay iyong mga APOR po. Tapos po iyong papalabas po ng NCR Plus bubble, kailangan din po nating siguraduhin na iyong destination po natin ay pinapayagan tayong pumasok.

Ngayon, para po sa ating international flights, ang inbound international flights natin ay may quota po ngayon na maximum of 1,500 inbound passengers a day. Tapos po hindi po lahat ay pinapayagang pumasok sa ating international airports para pumasok sa Pilipinas, ang pinapayagan lang po rito ay ang mga Pilipino at iyong mga foreigners na pinayagan po ng ating IATF.

Ngayon, sa palabas naman po, wala po tayong regulasyon or wala tayong limitasyon sa palabas ng Pilipinas. Ang importante lang po ay tingnan nila, ng pasahero, kung ano po ang pangangailangan po noong kanilang bansa na destinasyon po para sila ay makabiyahe doon. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Usec., may tanong po si Joseph Morong ano po, follow up po diyan. Ang tanong ni Joseph Morong ng GMA News: Iyong mga international flights pero manggagaling sa probinsiya, makakatawid ba daw po ng NCR?

DOTR USEC. TUAZON: International flights po na galing sa probinsiya? Joseph, I think ang sinasabi po ay iyong mga flights galing sa ibang bansa na nagla-land sa Clark or sa Cebu or sa Davao. Hindi po sila papayagan na dumiretso kasi po iyan bago naman po makatuloy po ng Maynila ay may flight plan po iyan na pinapa-approve sa ating CAAP. Ngayon kung ang approval po nila ay hanggang Davao o hanggang Cebu or hanggang Clark lang po ay hindi na po sila makakatuloy papunta ng NCR Plus.

USEC. IGNACIO: Ang tanong po niya halimbawa po, galing sa probinsiya mayroon siyang kukuning flight o mayroon siyang biyahe abroad.

DOTR USEC. TUAZON: Ah, opo. Kasi kung mayroon din pong flight papalabas po ng bansa ay pinapayagan po iyong bumiyahe under the guidelines po. Makakapasok po siya rito to take the flight out of the NCR or NAIA for that matter, ma’am.

USEC. IGNACIO: Mula naman po kay Karen Villanda ng PTV: Kagabi lang po ay naglipana raw ang mga Facebook pages kung saan ipinu-post ang mga iligal na biyahe patungo sa iba’t ibang mga lugar. Doon po ay pupuwedeng makabiyahe ang kahit hindi APOR dahil colorum. Paano raw po ito mapipigilan?

DOTR USEC. TUAZON: Tulad na po ng nasabi ko po kanina, Usec., talaga pong mahirap anuhin iyan. Tulung-tulong po ang lahat ng ahensiya diyan ng ating gobyerno katulad ng [garbled] po at mga ahensiyang kasama po namin, ang PNP, ang AFP. Pero sa totoo lang po, ang kailangan po natin ay kooperasyon. Iyon po ang inuulit-ulit na sinasabi ng aming Kalihim na si Art Tugade na kailangan po ang kooperasyon ng lahat ng mamamayan. Kailangan lang po nating i-observe ang ating mga regulations at kung maaari lang po ay lahat po tayo ay mag-stay at home kung hindi lang po kailangan ang ating paglabas.

Hindi po magiging maayos at hindi magiging totoo ang ating pag-i-implement ng guidelines kung hindi po magku-cooperate sa atin ang ating mga mamamayan. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Ang pangalawa pong tanong ni Karen Villanda ng PTV: Paglilinaw po mula sa taumbayan, sinu-sino lang po ang napapabilang sa APOR at maaaring sumakay ng pampublikong transportasyon?

DOTR USEC. TUAZON: Ang APOR po natin ay iyong mga ating mga:

  • Health workers;
  • iyong ating mga industries po na pinapayagan na mag-operate ngayong ECQ;
  • iyong atin pong mga government officials at government employees na pumapasok para mag-dispense ho ng mga services sa ating mamamayan.
  • Iyong mga ilan pa po na hindi ko lang po masyadong memorize po lahat ngayon pero may listahan po niyan.

At iyon lang po, kung sino po iyong na-define na APOR po, iyon lang po ang puwedeng sumakay sa ating pampublikong sasakyan po.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Einjhel Ronquillo ng DZXL: Gaano po raw kalaki ang demand for public transportation ang ini-expect ng DOTr since Holy Week na; at puwede pa rin po bang umuwi ang mga kababayan natin sa probinsiya?

DOTR USEC. TUAZON: Ngayong Holy Week na ito, expected po natin na maaari pong hindi kasing dami po ang sasakay kasi nga, una po, APOR lang po ang allowed na lumabas at gumamit ng ating pampublikong sasakyan. At karamihan po sa atin ay kailangan pong mag-stay at home. Bukod po rito ay ilang araw lang po ang pasok talaga ngayong Holy Week, hanggang Wednesday lang po.

At saka iyong atin pong mga kababayan na galing sa labas po, na labas ng NCR Plus bubble na ang dahilan po ng paglabas sa kanilang mga tahanan ay hindi naman po essential katulad ng negosyo o kaya ay trabaho, hinihikayat po namin sila na ipagpaliban muna ang pagbalik po sa loob ng NCR Plus bubble dahil sila po ay hindi papayagan during the [garbled]. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Gerald Dela Peña ng TV5: Tuloy po ba ang bus augmentation ng MRT bukas?

DOTR USEC. TUAZON: Opo, tuloy lang po iyan. Ipagpatuloy po iyan. Tuloy din po iyang bus augmentation natin ng MRT kasi po ang ating rail system – kung maidagdag ko na po – ay magkakaroon po ng annual maintenance shutdown po. Aayusin po ang ating mga riles, taun-taon po itong ginagawa, regular po itong naka-schedule during the Holy Week period. So depende po kung anong rail system, kung MRT, LRT or PNR po, ilang araw pong magsasara ito para gawin po iyong regular na maintenance po ng mga riles, ng mga trains po natin.

Ngayon, dahil din po dito, magkakaroon po tayo ng bus augmentation, tuloy lang po iyong serbisyong iyon. Salamat po.

USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, DOTr Undersecretary Artemio Tuazon. Mabuhay po kayo, Usec!

DOTR USEC. TUAZON:  Maraming salamat, Usec. Mabuhay rin po kayo!

USEC. IGNACIO: Salamat po.

Samantala, Inter-Agency Council for Traffic or IACT ay nag-inspeksyon po sa mga pampublikong sasakyan para matiyak na sinusunod ng mga ito ang 50% capacity at ang one-seat apart rule ngayong umiiral na ang Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus bubble. Ang detalye alamin natin mula kay Karen Villanda. Karen?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat sa iyong report, Karen Villanda ng PTV.

Tanging essentials services na lang po ulit ang papayagan sa pagbabalik ng ECQ sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan. Kaugnay niyan, makakausap po natin sa programa si Department of Trade and Industry Undersecretary Irineo Vizmonte. Good morning po, Usec.!

DTI USEC. VIZMONTE: Good morning po, Usec. Rocky; at sa atin pong mga nanunood at tagapakinig, magandang umaga po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO: Opo. Ito po muna, para sa kaalaman ng lahat, ano lang po ang tinatawag na mga essential services na papapayagan pong mag-operate sa isang linggong ECQ na ito, Usec?

DTI USEC. VIZMONTE: Naku, mayroon pong tatlo klase tayo ng classification ano. Iyong mga establisyimento po na pinapayagan natin on full site capacity ‘no, ibig sabihin po iyong mga kakayahan nila na mag—iyong mga empleyado nila na dapat nagri-report doon ay dapat hundred percent sa kanilang mga lugar ng negosyo. Kasama on top of the…iyong mga hospitals at saka mga health and emergency frontline services, mayroon pa pong… kasama rin dito iyong mga nagma-manufacture ng medicine, vitamins at gumagawa ng medical supplies or devices, including iyong mga suppliers po ng mga input and packaging na ito ‘no.

Iyon pong industries sa agriculture, forestry, fishery and their workers ano, sila po ay pinapayagan din. Logistic service providers, ito po iyong mga delivery services, courier, cargo handling, warehousing, trucking, freight forwarding, port operation, and shipping line.

Mahalaga rin po iyong …at kasama rin sila rito sa mga essential, ito pong mga essential and priority construction na projects ano; so iyan po ay tuluy-tuloy lamang. At kasama rin iyong manufacturing sa paggawa po ng pagkain at mga essential goods na kailangan po natin sa pang-araw-araw tulad ng sabon, mga detergents, mga hygiene products. Kasama rin iyong companies that manufacture sa paggawa po ng mga construction materials ano. Kasi tuluy-tuloy nga po iyong mga construction projects natin, kailangan bukas din po iyong mga nagma-manufacture nito.

Bukas din at hundred percent iyon pong mga essential retail, trade and service establishments ano tulad po ng public markets, supermarkets, groceries, convenience stores, pharmacies, drugstore, ito pong mga laundry shops natin, mga water refilling station, hardware and office supplies.

Ito pong mga food preparation establishment tulad po ng mga restaurants at mga eateries, mga commissaries, pero ito po ay bukas lamang para lamang sa mga limited … sa mga take out lang po at mga delivery ng mga produkto o mga pagkain.

Ito pong mga public and private financial service providers na involved po sa pag-grant and pag-provide ng mga amelioration po natin, pinapayagan din po natin iyan. At iyon pong mga business process outsourcing establishments at mga export-oriented establishments dahil nga po doon sa kanilang mga commitments sa kanilang mga companies ng exports nila, sila rin po ay pinapayagan.

Marami pa pong iba at 50%. Iyong mga media establishments and their mga employees and staff, sila po ay pinapayagan din.

At iyong allowed naman po to operate on skeletal work force tulad po ng mga dental, optometry and other medical clinics, sila po ay pinapayagan, iyon pong mga veterinary clinics; banks, money transfer services including pawnshops, micro financial institution. Ito pong mga credit cooperatives and including iyong armored vehicle, sila po ay pinapayagan din.

At marami pa pong ibang nasa listahan natin, pero if you will allow me to enumerate them now, kasama din po iyong mga nasa capital markets, iyong mga bangko natin at iyong mga health insurance providers; water supply and sanitation services and facilities, energy and power companies, telecommunication companies, iyong mga internet service providers po, cable television providers; airline and aircraft maintenance, pilots and crew and their employees; funeral and embalming services; mga pastors po, priest, rabbis, imams and  religious ministers.

Printing establishments authorized by the Bureau of internal Revenue, para tuluy-tuloy po iyong pag-imprenta nila ng mga resibo; security personnel, licensed by the Philippine National Police; establishment engaged in repair and maintenance of machinery and equipment and real estate activities limited to leasing only.

Iyan po iyong mga activities or business establishments na pinapayagan po natin during ECQ.

USEC. IGNACIO:  Noon pong inanunsiyo ang ECQ ay marami raw po ulit iyong nag-panic buying, Usec., sa mga supermarket. Ito po ba ay may dahilan para mag-panic buying ang mga tao, sasapat naman po ba iyong supply natin ng pagkain ng goods sa loob ng isang linggo o sabihin na natin kung sakali lang po na ma-extend ang ating ECFQ, ay sapat po ba ang ating supply ng pagkain?                       

DTI USEC. VIZMONTE:  Napakagandang katanungan po niyan, totoo po na kaya po natin hiniling sa IATF na payagan at 100% iyon pong mga food manufacturer or establishments na involved sa any activity na gumagawa po ng pagkain ay ito po iyong dahilan – gusto po nating kasigurado na ang shelves po ng mga supermarkets, public markets, iyong mga tindahan po ay mayroong enough supply particularly po ng pagkain at mga essential products. So maaasahan po natin na iyan po ay magiging available during the period of ECQ.

USEC. IGNACIO:   Required po ba ang mga business establishment na magbigay ng shuttle services sa kanilang mga empleyado ngayong panahon ng ECQ?

DTI USEC. VIZMONTE:  Iyan po ay noon pong dati tayo ay may ECQ, iyan po ay ginawa ng ating mga establishments po natin, iyong malalaking retail store, iyon pong mga nasa ecozone. Pero ngayon po, hindi na po siya mandatory dahil po pinayagan na po natin ang public transport. Kung maaalala po natin, noon pong tayo mag-ECQ dati, ang public transport po ay napaka-limited lang. So ngayon po ay allowed na iyong public transport. Pero ini-encourage pa rin po natin ang mga kumpanya para hindi naman mahirapan ang ating mga empleyado na magkaroon ng service para maghatid ng kanilang mga empleyado mula sa bahay hanggang sa kanilang negosyo at pabalik po.

USEC. IGNACIO:  Usec., may tanong po si Joseph Morong ng GMA News. Ang tanong po niya: Ano na lang po ng sarado at ilang percent po ang open at close na industry? At sino po ang dapat bigyan ng ayuda na workers?         

DTI USEC. VIZMONTE:  Okay. So, siyempre po alam natin na marami po ngayon na hindi po makapagbukas at kumpara doon sa General Community Quarantine. So, kung maalala po ninyo sa General Community Quarantine ay pati iyong mga personal care services po natin, sila ay pinapayagan nating magbukas. So, pero ngayon po iyong mga essential po talaga, iyong pinayagan po natin ano. So masasabi po talaga natin na marami-rami rin po na mga sektor o mga workers ang kasalukuyan po ay hindi sila napapayagan na makapagtrabaho. Ang alam ko po mayroon naman pong ayuda na pinaghahanda ang DSWD para po sa ating mga naapektuhang constituents.

USEC. IGNACIO:  Ginawang ECQ ngayon po ng pamahalaan ay sinisiguro naman na hindi totally magsasara iyong mga industriyang malaki ang ambag sa ekonomiya natin. So, palagay po ba ninyo kakayanin naman ng mga employers at mga negosyo ang isang linggong ECQ ngayon?           

DTI USEC. VIZMONTE:  Iyon po ang atin pong inaasahan dahil hindi po talaga … even during the time po na tayo ay nasa General Community Quarantine ay mayroon pa ring kakulangan sa pagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan, lalo po ngayong ECQ talagang maraming naapektuhan. Pero kaya po ang kahilingan natin dito, sana ay hindi naman ganoon kahabaan ang atin pong quarantine o iyong ECQ na tinatawag para po iyong iba naman pong hanapbuhay at negosyo at mga trabaho ay makabalik na po at sila muli ay kumita.

USEC. IGNACIO:  Usec., may pahabol na tanong si Joseph Morong. Ano lang daw po iyong industriya na sarado ngayon?                  

DTI USEC. VIZMONTE:  Iyon nga po iyong mga nabanggit natin, iyong sa mga MSME po, iyong   mga personal care services, iyon naman pong sa manufacture, iyong iba pa pong mga nasa maliban po sa nabanggit ko, kasi medyo mahaba po iyong listahan. Basta po ngayon ang manufacture po natin, pinapayagan po natin iyong manufacture ng mga construction supplies, food production, iyon pong mga processed food ano. Iyon pong mga essential products particularly for hygiene at mga pang-araw-araw nating pangangailangan. At iyon din pong pharmaceutical, food, construction at iyon pong mga nasa export industry at BPO, sila po ay pinapayagan at 100%. Iyon naman pong ibang manufacture ay pinapayagan din po sila at skeletal workforce. Sandali lang po, kung gusto po nating alamin iyong iba pa pong sarado kailangan pong makita po iyong listahan po para maibigay natin.

USEC. IGNACIO:  Sige kukunin na lang po namin iyong listahan na iyan. Pero Usec., magkakaroon po ba daw ng assistance sa mga MSME na hindi papayagang makapagbukas ng isang linggo? 

DTI USEC. VIZMONTE:  Kahit po sa atin pong Bayanihan before – Bayanihan 1 and 2, of course alam ko po mayroong pinaghahandaang Bayanihan 3 – ang binibigyan po natin ng parang ayuda iyong mga individual, iyong mga MSME po ay iyong mga trabahador po ng mga MSME sila po iyong nakakatanggap at qualified na tumanggap ng ayuda. Iyon naman pong mga MSME natin ay nakapagbibigay po tayo ng mga interest-free na loans through our small business corporation o iyong tinatawag na CARES program which is part of Bayanihan 2. Iyan po iyong nakalaan para sa MSME.

USEC. IGNACIO:  Usec., may pahabol na tanong si Tuesday Niu ng DZBB: Iyon bang tindahan ng motorcycle shops, puwedeng magbukas?     

DTI USEC. VIZMONTE:  Tindahan, basta po lahat ng retail ay bukas po iyan at pinapayagan po sila at this time. Retail store, in general po kasi iyong ating mga pinapayagan at alam po natin na ang motorsiklo ay mahalaga po iyan at essential po iyan.

USEC. IGNACIO:  Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, DTI Undersecretary Ireneo Vizmonte.

DTI USEC. VIZMONTE:  Marami rin pong salamat, Usec. Rocky. At maraming salamat sa inyong mga tagapakinig at magandang umaga po sa ating lahat.

USEC. IGNACIO:   Samantala, hindi magsasagawa ng disconnection o pagputol ng kuryente ang Meralco hanggang sa ika-15 ng Abril sa kanilang buong franchise area kasunod ng pagsasailalim sa Enhanced Community Quarantine ng mga lugar na nasa NCR plus bubble. Ito po ang inanunsiyo ni Meralco VP at chief commercial officer Ferdinand Geluz, upang mabawasan ang pasanin ng kanilang customer at makapaghanda ang mga ito sa pagbabayad ng kanilang bill. Magpapatuloy naman ang pagbabasa ng metro at delivery ng bills ngunit mahigpit na oobserbahan ng mga tauhan ng Meralco ang guidelines ng IATF.

Pinapaalala rin ng kumpanya na mainam na mag-message ang mga customers sa kanilang social media page o tumawag sa kanilang hotline bago pumunta sa kanilang business center na naka-skeletal force. So bukas pa rin ang Meralco Business Center para sa bill payment application at customer assistance mula 7 A.M. hanggang 3 P.M. tuwing weekdays at 7 A.M. to 12 P.M. tuwing Saturday maliban na lamang po sa April 1 hanggang April 3 kung saan ito’y sarado alinsunod sa Holy Week.

Kahit na may COVID-19 pandemic, may ilang tao pa rin po, naku, ay nanluloko ng kapwa gaya ng pamimeke ng swab result. Eksklusibong nakausap ng PTV News ang isang lalakeng muntik na daw pong mabiktima ng isang scammer. Pero hindi ito doon natatapos dahil ang scammer, binibiktima din umano ang isang money remittance center na ginagamit sa panluloko ang modus na iyan. At kung paano makakaiwas, alamin na lang po natin sa report exclusive mula po kay Allan Francisco. Allan?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dahil po sa paglobo ng mga nagkakasakit sa COVID-19 ay napabalita rin iyon daw pong pagnipis ng supply ng medisina para dito sa ating mga ospital kaya may ilan na gumagamit ng isang uri ng gamot kahit wala naman itong pahintulot mula sa FDA. Kaugnay niyan sa issue ay makakausap po natin ulit si Food and Drug Administration Director General, Usec. Eric Domingo. Usec., magandang umaga po.

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Magandang umaga, Usec. Rocky. Good morning po.

USEC. IGNACIO: Usec., hanggang ngayon marami pa rin po palang nagti-take ng Ivermectin pangontra umano sa COVID-19. Puwede po bang pakiulit kung ano ang component ng gamot na ito at para saan lang talaga dapat ito ginagamit?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, ang Ivermectin po kasi ay anti-parasitic iyan ano, para po sa mga sakit na mga parasites at dito po sa Pilipinas ang registered lang po na Ivermectin na oral o iniinom ay para po sa mga hayop. Ang Ivermectin po na registered na pantao dito ay pamahid, para po siyang ointment/lotion ‘no para po sa mga parasites sa balat. Kaya kung mayroon pong tini-take kayo na Ivermectin, paki-check lamang po kasi hindi po ito registered sa FDA and we cannot guarantee of course iyong safety saka quality po ng mga gamot na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Ano po iyong posibleng epekto nito sa taong iinom ng Ivermectin?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, ang Ivermectin po ano naman siya ‘no, ito’y gamot din naman talaga sa tao, wala na lang nagrirehistro dito sa Pilipinas for the past three years so medyo safe naman siya. ‘Pag mataas na dose, iyon lang ang nagkakaroon ng mga encephalopathy, nagkakaroon ng mga epekto sa utak pero at very high doses. Kaya lang po kasi ang sinasabi lang natin, hindi pa naman proven talaga kung ito ay nakakatulong sa COVID-19 at definitely hindi po natin alam kung talagang nakaka-prevent po ito ng COVID-19. Kaya huwag po sana tayong uminom nito tapos baka mamaya ang tapang natin, akala natin hindi na tayo magkakasakit. Iyon lang naman po ano, kailangan lang po mag-iingat po tayo.

USEC. IGNACIO: Usec., kumukonti na raw po iyong gamot for COVID-19 sa ating mga ospital. Totoo po ba ito, gaya ng Remdesivir? May mga bago po bang gamot na inisyuhan ninyo ng compassionate use permit para daw po makatulong sa patuloy nating laban sa COVID? May binanggit po nitong huli si Presidential Spokesperson Harry Roque na isang uri ng steroid, kasama rin po ba iyon?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, iyon naman pong Dexamethasone steroid widely available iyan, hindi naman po tayo nagkakaroon ng problema. Ang report po natin ng problema talaga iyong mga ibang gamot kasi dumagsa talaga iyong mga pasyente, Usec. Rocky ‘no, so iyong mga stock ng mga hospital talagang medyo nadi-deplete. Pero ngayong umaga tinawagan naman natin iyong mga supplier natin ng mga compassionate special permit natin ng Remdesivir at sabi naman nila ‘no na mayroon naman silang supply at madi-distribute naman ito sa mga ospital, ganoon din iyong Favipiravir. Talaga naman pong dini-distribute lang nila nang hindi maramihan sa lahat ng ospital para lahat ay unti-unti po magamit ito sa mga nangangailangan.

USEC. IGNACIO: Mayroon lang pong tanong si Marichu Villanueva ng Philippine Star ano po: House to hold a hearing daw po on the use of animal drug Ivermectin as a treatment for COVID-19 despite warnings of DOH and FDA against its use. What this will result to FDA compassionate use on this?

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well, maganda naman po, we can take the opportunity para ma-explain po natin kung ano iyong regulatory process natin dito sa FDA at kung paano maipapasok nang legal at saka safe ang gamot. Totoo po iyon ano, actually eligible naman po for application ng compassionate special permit ang Ivermectin, kahit last week sinasabi na po natin iyon. Kaya lang wala pa po kasing nag-a-apply dito sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong ni Joseph Morong ng GMA News: Clarification, bale available po ang Remdesivir? How soon deliveries if ever? Baka lang po may nag-aalala na wala nang stock.

FDA DIR. GEN. DOMINGO: Well just this morning po, iyong mga companies na nag-i-import ng Remdesivir for our hospitals nagbigay sa amin ng report and most of them have stocks on hand. So makakapag-deliver naman daw po sila this week.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong naman si Red Mendoza ng Manila Times: May mga grupo daw po na nag-uudyok na kayo ay patalsikin dahil sa issue ng Ivermectin kahit hindi pa po ito napapatunayan at nagpapaniwala lang sila sa mga pekeng balita tungkol dito. So ano po ang inyong gagawin para mas lalo daw pong mapalawak ang pagpapakalat nang tamang impormasyon tungkol sa mga hindi angkop na gamot laban sa COVID?

USEC. DOMINGO:  Well, kami naman po ay hindi kami tumitigil ng pag-i-explain. Katulad po kung mayroon pong hearing sa Kongreso ay pupunta po tayo doon para mag-explain. Today po, mayroon din kaming ilalabas na advisory galing po sa FDA para i-klaro, hindi po banned ang Ivermectin. Ang bawal po sa Pilipinas ay ang unregistered drugs at ang bawal din po na gumamit ng gamot para sa hayop na ibibigay sa tao. So, mayroon po talagang tamang paraan at may proseso to make sure iyong iyon pong safety ng ating mga kababayan at iy0ng quality ng gamot na may access sila ay protektado po ang ating mga consumers.

USEC. IGNACIO:  Opo, dagdag na tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: May kumakalat po sa social media na pinayagan raw po ni Department of Health Secretary Francisco Duque III n bigyan ng compassionate use ng paggamit daw po ng ivermectin kahit na ito ay illegal. Totoo po ba ito or hindi, at paano po ninyo maipapaliwanag ito sa taumbayan?

USEC. DOMINGO:  Wala naman po, dahil ang FDA po ang nagbibigay ng compassionate special permit. Although tinanong po ako ni Secretary Duque last week, kung puwede ba ang CSP for ivermectin, sabi ko puwede kasi investigational drug naman talaga ito for COVID-19.  So kung gusto po ng kahit sino naman na doktor o ospital na gumamit ng isang gamot under compassionate special permit, then they have to apply po sa FDA at kailangan lang po siyempre na kumpleto iyong ating requirements at of course they take full responsibility for the product. So maaari po iyon, basta sumunod lang po sa tamang proseso.

USEC. IGNACIO:  Opo, naipahayag na rin po ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inabisuhan daw po nila ang local representatives ng Sinovac na magbigay ng dagdag na datos para mapatunayang ligtas din po iyong bakunang ito sa mga seniors citizens. Sakaling mapatunayan nila ito ay puwede na po ba agad ibakuna ang Sinovac sa mga nakakatanda o may proseso pa ulit na kailangang pagdaanan sa panig po ng FDA?

USEC. DOMINGO:  Well, Usec. Rocky, iyon lang naman ang hinihintay talaga natin, iyong data. Kasi iyon talagang initial na pinadala nila sa ating evidence ay sinubukan lamang nila iyong bakuna sa 18- to 59-year-olds. So kapag nakita naman po ng kanilang mga pag-aaral na sumunod na sa mga 60 and above ay safe din siya at maganda rin ang efficacy niya, eh madali naman pong ire-revise iyong ating EUA to include the older population.

USEC. IGNACIO:  Usec., may update na po daw ba tayo sa application ng Sinopharm?

USEC. DOMINGO:  Ganoon pa rin, USec. Rocky, mayroong dalawang nagbigay sa amin ng letter of intent to apply. Pero sa ngayon po, iyong binigyan namin sila ng listahan ng mga requirements na kailangan nilang i-submit for the EUA, pero wala pa pong bumabalik sa amin. So wala pa po kaming inumpisahan na evaluation, kasi kulang pa nga po sila ng submissions.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, FDA Director General Eric   Domingo. Mabuhay po kayo, Usec.

USEC. DOMINGO:  Maraming salamat din po at magandang umaga sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO:  Dahil na rin sa nakaka-alarmang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa kung kaya po muli pong ibinalik sa Enhanced Community Quarantine ang National Capital Region, kasama na po ang Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal or NCR plus simula ngayong araw hanggang sa April 4. Pero ang ilan sa ating mga kababayan nangangamba dahil nangangahulugan din ito na wala silang kikitain sa loob ng ilang araw. Ang tugon po ng pamahalaan, ayuda para sa kanila. Kaugnay diyan makakausap po natin si Senator Christopher Bong Go. Magandang umaga po, Senator?

SEN. GO:  Magandang umaga po, Ma’am Rocky. Sa mga kapatid nating Pilipinong nakikinig po ngayon, magandang umaga po sa inyong lahat.

USEC. IGNACIO:  Senator, may maaasahan nga po bang financial assistance o kahit ano pong uri ng ayuda o tulong ang mga apektadong pamilya nitong pagbabalik ng ECQ sa NCR plus?

SEN. GO:  Noong nakaraang linggo pa po ako nakikiusap sa ating mahal na Pangulo sa ating mga financial manager – Secretary Dominguez, Secretary Avisado po ng DBM, at I think mayroon na pong rekomendasyon ang DBM kay Pangulo in response po ito sa naging apela ng karamihan ng panibagong social amelioration program po ng gobyerno para po sa mga apektadong kababayan natin sa NCR plus Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

At rekomendasyon din po ng DBM based po sa kanilang napag-usapan sa meeting nila ay assistance to be given in kind po. Importante po dito habang kinukulong po natin ang ating mga kababayan ay dapat po walang magutom, mayroon po silang makain sa kanilang hapag-kainan. Dahil po pinilit po natin silang manatili sa kanilang mga bahay ay siguraduhin po nating mayroon tayong maibigay na tulong sa kanila. At dalawang option po ang ibinigay ng DBM sa ating mahal na Pangulo. Ito po iyong puwedeng gawing per family or per household at isa naman po ay for individual naman po. Hintayin na lang po natin kung ano po ang magiging desisyon ng ating mahal na Pangulo.

Matagal na po akong nananawagan kung ano po iyong natitirang pondo na puwede nilang hanapin po. Ang importante po ay makatulong tayo sa mga kababayan natin, lalung-lalo na po ang mga mahihirap po na isang kahig, isang tuka at wala pong inaasahan kung hindi magtrabaho po araw-araw. Tandaan natin, itong mga ito ay mayroon pong mga pamilya, mayroon pong mga anak na pinapakain.

USEC. IGNACIO:  Kung sakali po, Senator, saan daw po huhugutin ang budget para sa ayuda? At paano ang magiging distribyusyon nito, dadaan din daw po ba ito sa DSWD?

SEN. GO:  Sa ilalim po ng Republic Act 11494 or Bayanihan to Recover as One Act, mayroon pong authority ang Pangulo to adopt various temporary emergency measures to respond to the crisis brought by the COVID-19. Mayroon lang pong na-certify ang Bureau of Treasury dati total of 155.96 billion na puwedeng gamitin, of which 122, ito po iyong na-utilized na. So, ibig sabihin po ay mayroon pong naiwang 33 billion out of which 10 billion po ay allocated for the implementation of Government Financial Institution Unified Initiative, ito po iyong GUIDE bill, meaning mayroon pa po silang nakitang about 23 billion na puwedeng pagkunan ng pondo for the new Social Amelioration Program.

I think ang rekomendasyon nila ay in kind po nito ‘no, iyong pagkain po. At may dalawang options po ang ating Pangulo at napag-usapan na po nila sa IATF na ang ayuda ay ibibigay po directly sa LGUs; ito po ay individual o puwede naman pong sa DSWD. So, hintayin na lang po natin kung ano po ang magiging desisyon ng ating mahal na Pangulo. Ang importante po dito ay may maibigay po na ayuda, may maibigay na tulong po lalung-lalo na sa mga mahihirap nating mga kababayan na talaga pong naghihirap po dahil dito sa COVID-19 na ito.

USEC. IGNACIO:  Senator, sa pag-iikot ninyo sa buong bansa, may mga kababayan pa rin po ba kayong nakakausap na takot magpabakuna, at ano po ang sinasabi ninyo sa kanila para po makumbinsi sila na ligtas at walang dapat ikatakot sa pagbabakuna?

SEN. GO:  alam po ninyo sa kakaikot ko po sa buong bansa, sa mga nasunugan, nabahaan at iba pang mga sakuna ay nakikita ko na paunti-unti at marami na pong gustong magpabakuna. Hindi po katulad noon na halos less than 10% lang po ang nagtataas ng kamay, ngayon po siguro mga 1/3 or papunta na po sa kalahati ang willing pong magpabakuna. Kaya lang po kunin muna natin ang tiwala ng ating mga kababayan dahil po talagang takot sila at attitude po ng ating mga kababayan ay nag-uunahan [naghihintayan], mauna muna kayo. Kaya po inuuna muna natin iyong mga frontliners natin sa ngayon dahil sila po ang isinabak natin sa giyerang ito. Dapat po armasan natin ang ating mga frontliners ng tama at epektibong bakuna, dahil sila po ang isinabak natin sa giyerang ito na hindi natin nakikita ang kalaban.

So sa mga kababayan ko huwag po kayong matakot sa bakuna, matakot po kayo sa COVID-19 ito po ang nakakamatay. Ang bakuna po ang tanging susi o solusyon lamang natin dito para unti-unti na po tayong makabalik sa normal nating pamumuhay. So magtiwala po tayo na ang bakuna ang tanging solusyon lang  dito sa ating problema.  So, mga kababayan ko magtiwala naman po tayo sa ating gobyerno at ginagawa naman po lahat ng ating gobyerno.

USEC IGNACIO:  Senator, ano po iyong maitutulong ng pagdating ng isang milyong bakuna ng Sinovac mamayang hapon?

SEN. GO:  Malaki po ang maitutulong ng bakunang ito ‘no. Alam po ninyo sa ngayon po ay—noong mga nakaraan dumating na po iyong 600,000 mula po sa Sinovac. 400,000 mula po sa Sinovac iyong sinalubong ko po; iyong sa COVAX naman po 525,000. So ibig sabihin mayroon na tayong mahigit na isang milyon ngayon plus mamaya one million, so magkakaroon na tayo ng 2.5 million doses na po ang puwedeng gamitin; enough po ito to cover 1.26 [million] frontliners.

Kaya nga po nakikiusap ako sa mga kababayan natin na huwag munang unahin iyong—huwag tayong magpa-VIP, unahin muna natin iyong mga frontliners, i-cover muna natin sila at kulang pa po itong bakunang dumarating. So please lang po cooperate tayo, sundin po natin ang priority list po ng gobyerno. Ibig sabihin, tapusin muna natin ang mga frontliners, sino man po iyong boluntaryong gustong magpabakuna and then nandidiyan naman po iyong next priority list, iyong A2, A3. Ibig sabihin po ito iyong mga senior citizens, ito naman po iyong mga indigents po ‘no at iyan po I think naaprubahan na po ng IATF na pagsasabayin na po na bakunahan iyong mga senior citizens at saka iyong mga indigents pagkatapos po ng frontliners.

Sa ngayon po ay kulang pa po itong mga bakuna, dahil after—darating po mamayang hapon iyong mga one million na bakuna mula sa Sinovac. Ito po iyong purchased by the national government. Ito po iyong una, una pa lang na-purchase po ng national government na darating po, so 2.5. Unahin natin ang ating mga frontliners and then susunod naman po iyong iba, iyong senior citizen, indigent and even iyong media nandoon sila, mabi-belong na po sila sa A4. So ibig sabihin pagkatapos po ng mga nasa priority list ay pababa naman po ng pababa iyan at darating rin po tayo sa punto na kayo po ay mababakunahan.

So please lang po sa mga wala sa priority list, huwag po kayong magpa-importante, huwag po kayong magpa-VIP. Unahin po natin ang ating mga frontliners po sila po ang nakataya rito at isinabak natin sa giyerang ito.

USEC IGNACIO:  Opo. Kami ay nagpapasalamat na ang media ay makakasama na rin po ano. Senator, kami ay nagpapasalamat sa inyo dahil ang ating mga kasamahan sa media talagang umiikot rin po iyan.

Pero, Senator, kahapon ay nagdiwang ng kaarawan si Pangulong Rodrigo Duterte. Puwede po bang malaman kung ano ang kaniyang birthday wish at ano din po ang birthday wish ninyo sa ating Pangulong Duterte?

SEN. GO:  Wala naman po tayong ibang wish ngayong panahong ito is to overcome the pandemic ‘no. Lahat naman po tayo ay nais na makabalik na po sa ating normal na pamumuhay, iyon po ang wish ko.

Ang wish ko po sa ating mahal na Pangulo ay bigyan pa po siya ng lakas na magserbisyo pa po sa ating mga kababayan dahil hirap po tayo ngayon at kailangan po natin ng leader, ng timon na nagpapagitna po ng lahat ng ito. Wala tayong leader na katulad ni Pangulong Duterte, maaaring magkagulo po tayo. Kailangan po mayroon po talagang strong leader po na nasa gitna na nagdadala po sa atin sa giyerang ito.

Ang wish ni Pangulong Duterte, nabanggit po niya kahapon sa akin, ay ma-overcome nga po itong pandemic na ito sa lalong madaling panahon dahil naawa na rin po siya sa lahat, sa mga kababayan natin na talaga pong naghihirap. At ginagawa naman po ng ating mahal na Pangulo ang lahat sa abot ng ating makakaya at magseserbisyo po kami sa inyong lahat.

USEC IGNACIO:  Senator, kunin ko na lamang po ang mensahe ninyo para sa ating mga kababayan?

SEN. GO:  Sa mga kababayan ko, kaunting tiis lang po. Alam ko pong hirap po kayo; lahat naman po tayo ay naghihirap dito. Kami rin po ni Pangulo nahihirapan na rin po kami, subalit kayo po ang nagbibigay lakas po sa amin para magserbisyo pa po at malampasan natin itong krisis na ito.

Sumunod lang po tayo sa paalala ng gobyerno – face mask, face shield social distancing, hugas ng kamay. Iyan naman po ang talagang makaka-prevent, 90% po sa pag-aaral makaka-prevent sa pagkakalat nitong sakit na ito. Habang nagbabakuna pa po tayo, unti-unti tayong nagbabakuna hanggang pababa sa priority list lang po, sumunod muna tayo sa gobyerno, magtulungan po tayo, magmalasakit po tayo sa ating kapwa Pilipino.

At I am appealing nga po sa national government, iyong ayuda po bilisan na ninyo. Huwag na po ninyong tagalan, nag-aantay po ang ating mga kababayan para diyan dahil talagang nahihirapan po at ayaw nating may magutom po na mga kababayan natin. So, pakiusap lang po sa lalong madaling panahon ay bigyan po natin ng ayuda ang ating mga kababayang mahihirap.             

USEC IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po sa inyong panahon, Senator Christopher Bong Go. Mabuhay po kayo, Senator!

SEN. GO:  Maraming salamat rin po sa pagkakataon. Ingat din po kayo.

USEC IGNACIO:  Salamat po. Samantala, may paalala naman po ang Department of Health kung bakit hindi dapat tayo mangamba na magpabakuna. Panoorin po natin ito:

(VIDEO PRESENTATION)

USEC IGNACIO:  Samantala, daang-daang biyahero ang na-stranded sa North Harbor nitong nagdaang linggo, ang ilan kasi hindi raw alam na kailangan pala ng negatibong COVID-19 test result bago makabiyahe, habang ang ilan naman po ay paso na or lampas na sa itinakdang araw ang resulta. So ano rin kaya ang epekto ng ECQ ngayon sa terminal ng barko, kaugnay niyan makakausap po natin si Philippine Ports Authority General Manager Jay Daniel Santiago. Magandang umaga po, GM!

PPA GM SANTIAGO: Magandang umaga po, Usec. Rocky. At magandang umaga din po sa lahat nanunood sa atin ngayong araw na ito.

USEC. IGNACIO:  Opo. GM, kumusta na po iyong sitwasyon ng mga na-stranded na pasahero sa may North Harbor? Mayroon pa ba hanggang ngayon o marami pa po bang naghihintay na makabiyahe, GM?

PPA GM SANTIAGO:  Medyo nabawas-bawasan na po Usec. Rocky, napakiusapan po natin lalo na po iyong umaasang makakabiyahe pa bagama’t kulang ang kanilang dokumentasyon.

Pero mayroon pa rin po tayong ilang mga kababayan na talagang umaasa po na sila ay makakapaglayag at kahit po hindi sila kuwalipikado at kahit po sila ay kulang sa dokumentasyon, at sila po ay patuloy nating pinapakiusapan na kung maaari, lalung-lalo na po ngayong nagkaroon tayo ng ECQ dito po sa NCR plus, ay mas maganda po sigurong bumalik muna sila sa kanilang pinanggalingan. Kung wala na po silang mababalikan ay makisilong muna sila  sa kanilang mga kamag-anakan o sa kanilang mga kaibigan para mas makaiwas po sila doon sa infection po ng COVID-19.

USEC. IGNACIO:  Ano po ba iyong naging problema ng karamihan sa mga pasaherong ito at hindi sila makasakay sa barko? Marami rin daw po na hindi alam diumano na kailangan iyong COVID-19 test result bago daw po makabiyahe, GM?

PPA GM SANTIAGO:  Unang-una po, Usec. Rocky, nakapagpalayag naman tayo ‘no. May regular po ang ating mga biyahe at iyon pong mga kuwalipikado lamang po na makakabiyahe ang pinapayagan, iyan po iyong tinatawag nating Authorized Person Outside Residence. At noong nakaraang linggo po, iyon pong mga [garbled] na sila po ay may tangan po na negative RT-PCR result kung ito po ay minamandato po ng LGU na kanilang patutunguhan. Sa kasamaang palad lamang po, marami po doon sa mga kababayan natin na inabutan po na, una, ng moratorium po mula sa Region VI, sa Western Visayas na nagpalabas po ng moratorium ang region na sila po ay hindi tatanggap ng inbound passenger simula March 22 hanggang April 4.

Pangalawa po, katulad po ng mga pagbiyahe po ng Palawan, ang mandato po ng LGU po ng Palawan ay iyong mga Authorized Persons Outside the Residence lamang po ang tatanggapin nila. At pangatlo po iyong Zamboanga City naman, ang mandato po naman ng pamahalaang lokal po doon ay ang tatanggapin lamang po nila ay iyon pong mga biyaherong may negative RT-PCR result.

Sa kasamaang palad nga po, katulad noong nasabi ko marami po doon sa mga kababayan natin ang hindi po kuwalipikado at makikita po natin diyan sa video po na pinakikita natin, mayroon pa po diyan na mga kasama po sila na hindi po talaga dapat lumalabas po ng bahay. Nandiyan po iyong mga indibidwal po na below 18 years old at mga indibidwal pong above 65 na talaga pong under sa ating quarantine guidelines ay hindi po talaga dapat pinapalabas muna ng bahay kahit na ano po ang kundisyon.

USEC. IGNACIO: GM, sa palagay ninyo ba ay naging malaking factor din po iyong palagiang pagka-stranded ng ilang biyahero iyong iba-iba daw pong restriction at protocols na ipinatutupad ng iba’t ibang probinsiya?

PPA GM SANTIAGO: I think, Usec. Rocky, natugunan naman na po iyan ng Inter-Agency Task Force. In fact, napaluwag na po iyong requirements, hindi na po natin niri-require ngayon iyong travel authority mula sa PNP, hindi na din natin po niri-require iyong certificate of acceptance doon po sa mga LGU na tatanggap po sa kanila o patutunguhan nila.

Ang pagkakaiba lamang po, binigyan po ng leeway ng IATF ang atin pong mga lokal na pamahalaan kung sila po ay magri-require po ng negative RT-PCR result bago po nila tanggapin itong mga indibidwal pong parating po sa kani-kanilang mga lugar.

At ito naman po sa tingin natin ay tama lang at patas dahil ang atin pong mga pamahalaang lokal ang nakakaalam kung ano po talaga ang kundisyon doon po sa destinasyon – kung kakayanin pa po ng quarantine facilities nila, kung mataas po ang incidents ng COVID at iyon pong kapakanan po noong mga lokal po sa lugar na iyon.

USEC. IGNACIO:  Ano daw po iyong pansamantalang tulong kung mayroon man na ibinibigay ang PPA sa kanila? Sigurado bang ligtas sila doon at nasusunod po ba daw iyong minimum health protocols para po maiwasan ang COVID-19?

PPA GM SANTIAGO:  Sa mga lehitimo po nating pasahero na pinapapasok po natin sa ating mga pasilidad, Usec. Rocky, sinisigurado po natin na sinusundan po natin iyong health protocols din. Unang-una po bago sila pumasok, sila po ay dumadaan sa health screening – nandiyan po iyong pagtsi-check po ng kanilang temperatura, sila po ay nag-a-accomplish po noong ating contact tracing application ano, iyong Traze; tapos tsini-check din po iyong mga dokumento nila kung kumpleto po iyon pong travel document nila.

Iyon naman pong mga hindi nagku-qualify ang pinapakiusap po namin talaga pong sa panahon po ngayon, talaga pong istrikto po nating ini-implement iyon pong mga travel documents at travel restrictions at saka travel requirement. So ang pakiusap na lamang po natin sa panahon ngayon ay kooperasyon po sa kanila. Talaga pong hindi natin papayagan na makapasok at makapagbiyahe po iyong hindi kuwalipikado.

Kasi po, ang ginagawa po ng PPA ay ina-accommodate po natin iyong mga stranded sa loob po ng ating mga pantalan, binibigyan po natin sila ng masisilungan, ng komportableng matutulugan, binibigyan din po natin sila ng pagkain at maiinom. Ipagpaumanhin ninyo na lamang po na ngayong panahong ito ay hindi po natin muna iyan magagawa sapagkat unang-una po, pinapangalagaan din po natin iyong kapakanan po ng mga pasahero nating kuwalipikadong nandoon na sa loob na cleared na po at ‘ika nga sigurado tayong dumaan na sa health protocol.

Pangalawa po, nagkaroon na din po tayo ng incidents po ng COVID infection sa ating mga personnel, kaya po talagang hindi po natin papayagang makapasok po sa ating mga pantalan iyong mga indibidwal po na hindi po tested at hindi po sigurado na sila po ay hindi nagdadala po ng impeksiyon ng COVID-19.

So ang amin pong ipinapakiusap sa kanila, hindi po natin madadaan sa tigas ng ulo ang pagbiyahe, sumunod lang po tayo, tayo po ay mag-cooperate sa pamahalaan para matigil na din po iyong spread po ng COVID at nang hindi po din tayo lalong maaberya po ano dahil talaga pong mahigpit pong ipatutupad po ng PPA ang mga requirements po bago po tayo makapaglakbay sa karagatan po. Usec. Rocky…

USEC. IGNACIO: Opo. GM, may pahabol na tanong si Leila Salaverria ng Philippine Daily Inquirer: Mayroon po ba kayong bilang noong mga stranded ngayon?

PPA GM SANTIAGO: Sa ngayon po, Usec. Rocky, ang nangyayari po kasi dahil regular pa rin naman po iyong biyahe natin, makikita po natin diyan iyong may mga nakapila po pero karamihan po niyan ay makakapasok po ano basta po kumpleto ang kanilang dokumentasyon. Makikita po natin, kasi po ang ating patakaran, sila po ay pinapapasok po sa ating pasilidad tatlong oras po bago po ang kanilang biyahe. So talaga pong may hintayan muna po iyan bago po makapasok sa loob dahil [garbled] natin makaalis iyong mga nauna na po ano.

Kung makikita ninyo po siguro sa huling tala natin, iyon na lamang pong hindi talaga sigurado tayong hindi makakabiyahe dahil kulang po sa dokumentasyon at hindi po kuwalipikado, kulang-kulang na lang po hindi aabot ng tatlumpung katao po iyan.

USEC. IGNACIO: Opo. Noong mga nakaraang linggo po, GM, naging matunog iyong umano ay reklamo o issue ukol sa umano ay congestion sa Matnog Port sa lalawigan ng Sorsogon. Talamak din daw ‘di umano ang korapsiyon dito. So ano po iyong ugat ng problema dito at ano po ang ginagawa ng PPA, Coast Guard at MARINA para po matugunan ang naturang mga usapin?

PPA GM SANTIAGO: Sa atin pong assessment, Usec. Rocky, at sa matagal na pong panahon nakikita po natin iyan na talagang ugat po ng congestion po diyan ay iyong kakulangan po ng mga barkong bumabiyahe po mula po dito sa Matnog, Sorsogon papunta po sa Samar at iyan po ay dadaan sa San Bernardino Strait. Iyon pong kapasidad po ng ating pantalan sa ngayon, kakayanin po natin mag-deploy ng halos 59 or 60 voyages a day po, limampu’t siyam hanggang animnapung biyahe po araw-araw.

Subalit ang bumabiyahe po sa atin ngayon ay sampung barko lamang at kung efficiently po nilang ipatutupad ang kanilang turnaround time o iyong biyahe, nasa tatlumpung biyahe lamang po magagawa nila sa isang araw. So halos 50% lang po na biyahe ang nagagawa at hindi po nauubos iyong kapasidad po ng ating pantalan. At dahil po diyan, dahil kulang nga po ang biyahe, ang pangalawa na rin pong ugat na problema diyan eh nagkakaroon po ng opportunity o ng pagkakataon po iyong mga ibang indibidwal po diyan sa labas ng pantalan na gawan ng pagkakataon na magkapera at pagkaperahan po iyong pagpipila po ng ating mga kababayang bibiyahe diyan.

Ang nangyayari po diyan, ayon po sa mga report, nagkakaroon po ng kuntsabahan po iyong ibang tauhan po ng mga shipping lines at iba pong mga indibidwal diyan sa labas ng pantalan para po i-pre-book ano or pakyawin po iyong mga ticket ng mga barko para pagdating po noong mga talagang bibiyahe wala na po silang mabibili at ibinibenta po nila iyong mga ticket doon po sa mga magbibiyahe nang halos apatnaraang porsiyento po ano ng taripa nito. Kumbaga matatawag po natin ito, ito po ay mga scalper ano o scalping po iyong activity nila.

Nagawan na po natin ng paraan, marami na po tayong nagawang paraan dito para masawata po iyang problemang iyan. Nakipag-ugnayan na po tayo sa mga kasama natin sa maritime sector po ng Department of Transportation, nandiyan po ang Philippine Coast Guard, nandiyan po ang Maritime Industry Authority at nakipag-ugnayan din po tayo sa lalawigan po ng Sorsogon, kay Governor Chiz Escudero. At ang lokal pong pamahalaan ng lalawigan ng Sorsogon ay nagpatupad na po diyan iyong tinatawag nilang ‘first-in, first-out’ system kung saan po kung sino po iyong mga sasakyan o iyong mga biyahero na unang darating ay sila po ay ang unang pasasakayin.

At ang PPA naman po, tayo po ay nag-deploy ng mas marami pong port police personnel diyan sa area para mabantayan po para kung mayroon po tayong nakikitang mga indibidwal na may mga hindi po kanais-nais na gawain, sila po ay itinataboy ano, kung hindi man po ay sila ay niri-report po sa lokal na PNP.

Ang Philippine Coast Guard naman po ay sila po ay nagbabantay po doon sa pagsakay po sa mga barko at sinisiguro po nila na iyon pong mga barko natin ay umaalis po at lumalayag sa tamang schedule at sa tamang oras.

Ang Maritime Industry Authority naman po ay nagpapatupad na po ngayon noong stricter sailing schedule. Meaning sa loob po ng tatlong oras dapat po ay makadaong at makapagsakay po ang ating mga barko at bibigyan po sila ng halos limang oras para makabiyahe. At pagdating po sa kanilang pantalan po sa Samar ay tatlong oras din lamang po ang ibibigay sa kanilang pagkakataon para mag-atraka at para magsakay po ng pasahero para sigurado po na mabilis po ang ikot ng ating mga sasakyang pandagat.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon Philippine Ports Authority General Manager Jay Daniel Santiago. Mabuhay po kayo, GM!

PPA GM SANTIAGO: Maraming salamat po, Usec. Rocky; at mag-ingat po tayong lahat palagi. Maraming salamat po!

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, mahigpit na pagbabantay ang ipinatutupad ng Philippine National Police sa mga lugar na kabilang sa NCR Plus bubble ngayong unang araw ng Enhanced Community Quarantine. Sa katunayan, maliban sa higit isanlibong checkpoints, magpapakalat din ang mga tauhan ng PNP sa mga lugar na madalas puntahan ng maraming tao. Narito ang report ni Bea Bernardo:

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO: Para po sa iba pang detalye, nasa kabilang linya natin ang Hepe ng Joint Task Force COVID Shield, P/Lt. Gen. Cesar Binag. Magandang araw po, General.

P/LTGEN. BINAG: Magandang araw po, Usec., at sa lahat ng mga nanunood sa atin.

USEC. IGNACIO: General, ngayong balik ECQ ang Metro Manila kasama po iyong apat na katabing probinsiya ano po, kumusta po ang mga unang oras ng implementasyon nito, sir?

P/LT.GEN. BINAG: In general, peaceful po ang implementasyon nito at [unclear] compliant po ang ating mga tao sa pagpapatupad po ng ating ECQ. Maganda ho at nakapaghanda ang PNP, kasi kahapon o noong isang araw pa ay nagkaroon po ng pagmi-meeting sa kanila nga po ng ating Chief PNP, si General Sinas. At lahat po ng regional director, provincial director nakasama rito ay iyong apat na probinsiya [unclear] nilatag po nila iyong kanilang plano at sininchronize [synchronized] po namin, hinarmonize para iisa lang po iyong klase ang ng pagpapatupad na isinasagawa nga namin ngayon.

So iyon ho ang naging paghahanda kaya naging generally peaceful at actually compliant po ang ating mga kababayan dito sa pagpapatupad ng ECQ. Dinagdagan pa natin, ma’am, iyong atin pong QCPs [Quarantine Control Points] iyong report kanina, ngayon ay 1,112 na. Kasi ang objective natin maselyuhan iyong ating NCR Plus bubble. So [unclear].

Iyon lang, ma’am, ang atin pong [unclear]. Umikot din po ako kanina, tiningnan ko iyong ating kalsada, tiningnan din po natin iyong ilang QCPs natin at may observation po tayo nakuha na dito [unclear] mamayang hapon, pag-uusapan po namin kung paano pa namin mai-improve iyong pagpapatupad… [unclear]

USEC. IGNACIO:  Opo. General, ulitin lang po natin ano po, since wala nang travel pass, ano na lamang po ang hinahanap ninyo sa mga dumaraan sa checkpoint?

P/LT.GEN. BINAG: Ma’am, katulad po ng ating palaging in-announce, tayo po, iyong mga APORs at essential workers, pakihanda po iyong inyong ID or iyong company ID; kung wala po, iyong certificate of employment; at kung pauwi ka naman po, iyong proof residency. Iyon ho, para hindi ho tayo magtagal doon sa QCP. Iyon din ho ang na-observe namin kanina na nagku-cause ng delay ng pag-flow ng traffic, at dahil nga dito sa mga ID ho na hinahanap natin. Kaya kung ready sila, ilabas nila agad, ang bilis ho ng takbo ng ating trapik.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol lang pong tanong sa inyo si Joseph Morong ng GMA News: Iyong mga susundo via motor na mga APOR, papayagan po ba?

P/LT.GEN. BINAG: Basta ho iyong essential worker po sila, APOR po sila, at mayroon naman ho tayong public transport kung kinakailangan ay iyon ho ang gamitin nila na in-allow naman po ng ating IATF resolution [unclear] at saka ng DOTr. So ang PNP po ay magpu-provide din ho ng libreng sakay para may masakyan ho iyong ating mga essential workers, iyong APOR. Alam ko iyong ibang ahensiya ng gobyerno, [unclear] din ho. Parang [unclear] lang ho natin iyong pagsundo ng ating sariling sasakyan. Unahin muna natin iyong paggamit ng ating public transport, iyon hong libreng sakay na ipu-provide ho ng ating gobyerno [unclear] PNP at [unclear].

USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano raw, General, kung ang susundo ay hindi APOR, lalo kung gabi?

P/LT.GEN. BINAG: Ma’am, iyon na nga, marami pa hong “papaano” iyan ‘no. Uulitin po natin, mayroon po tayong public transport na dapat nakipag-coordinate ho sila siguro sa opisina nila na tatapat po iyong kanilang pag-uwi doon sa tinatawag nating scheduling naman ng ating public transport.

Tapos mayroon din ho tayong ipu-provide kung kinakailangan pa nila ng oras para iyong libreng sakay ng PNP ay [unclear]. Kasi ho kung marami tayong hahanapin na exception din dito, eh baka ho lumawak ho nang lumawak iyong “papaano” at saka iyong exempted.

We try our best na maging flexible po, iyon ang inutos natin sa ating mga pulis. Flexible tayo doon lalung-lalo na sa APOR at saka sa essential workers. Pero hangga’t maaari ho, doon muna tayo sa fundamentals, iyong pinaka-basic na [unclear].

USEC. IGNACIO: Opo. So pahabol lang po ni Joseph, para lang daw po categorical. So bawal sumundo iyong mga hindi APOR?

P/LT.GEN. BINAG: I think klaro naman po iyong sinabi ko, ma’am. Magiging flexible po kami diyan kung talagang umabot na po sa punto walang public transpo, wala rin iyong libreng sakay. Iyon ho ang inutos natin sa ating mga pulis.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman ni Madz Recio ng GMA News: Ano na raw po ang update sa mga PNP quarantine facilities specifically iyong Kiangan Treatment Facility sa Camp Crame; at may sapat daw po bang bed capacity sa mga quarantine facilities?

P/LT.GEN. BINAG: Salamat po, ma’am. Ang atin pong liderato, si Chief PNP, at ang atin pong [unclear] organisasyon ay talaga ho ang kapakanan, ang well-being po ng ating mga pulis na nagtatrabaho nasa isip po natin iyan. So dito ho sa Camp Crame, mayroon po tayong ginawang temporary facilities. Iyon pong aming Kiangan Emergency Treatment, puno na po iyan. Ang ginawa po naming temporary facilities, iyon pong aming tennis court, iyong taekwondo at mayroon pa pong … may dinagdag po kaming 155 na beds ‘no.

At dito naman po sa NCR, mayroon pa ho tayong 150 plus na available na beds na puwede hong pagdalhan. At mayroon din naman po siyempre doon sa PICC, kami rin ho ang nangangalaga doon, at doon po sa Ultra, doon ho natin dinadala. Siguro iyong nakita nila, nagkaroon ho kasi ng …mayroon ho kasi kaming tinatawag na triage, na kung saan iyong mga nagpa-positive, doon muna ho dinadala. Nagkataon lang ho na nagkaroon ng surge kaya iyong proseso ho ay tumagal, pero nasunod naman ho lahat ng pinag-uutos sa akin ng health experts. But eventually, nailipat din ho sila doon sa aming tinatawag na quarantine facilities.

USEC. IGNACIO: Opo. Pangalawang tanong po niya: Ilan na po iyong latest COVID-19 cases sa hanay ng PNP?

P/LT GEN. BINAG:  Ma’am, ito nga po iyong ano namin, ang tina-track po namin iyong trend ngayon. Last year po iyong nag-peak noong August, September, ang average lang po namin noon is 65 per day, iyon na ho iyon. There was a time na mayroon po kaming mataas dahil magkakasama naman po iyong mga trainees at ito po ay umabot ng 100 plus. Pero iyon po ngayon, for the past 7-8 days nag-a-average na po kami ng 113, para mas mailagay po natin sa konteksto iyong sitwasyon ho namin at kaya nga ho nagdagdag po kami ng quarantine facility at nakikipagtulungan po kami. Kanina nandudoon din ako sa meeting ng [unclear], dinala din po namin doon iyong aming reserve/additional beds pa para po doon sa dine-develop pa naming ang iba pa naming quarantine facilities. So iyon po, sa kabuuan mayroon po kaming 14, 256 na positive dito po at mayroon pong active na 2,157. Nalulungkot po tayo mayroon po tayong 37 na namatay at iyon po ang ating update.

USEC. IGNACIO:  Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, Police Lieutenant General Cesar Binag. Baka mayroon po kayong mensahe sa ating mga kababayan, General.

P/LT GEN. BINAG:  Tulad po ng binanggit ko kahapon, ang inyo pong kapulisan ang JTF-COVID Shield, sa pakikipagtulungan ng Sandatahang Lakas, Philippine Coast Guard at Bureau of Fire. Nandito po kami para ipatupad ang atin pong ECQ dito sa NCR Plus bubble. Pero inaasahan po namin ang patuloy inyong pagsunod, katulad po ng nakita natin ngayon (unclear) talaga nag-ugnayan ng ating mga kababayan dito sa ECQ.  At sama-sama po tayo, harapin natin ito, manalangin at patuloy po tayong sumunod sa protocol para tayo po ay magwagi. Salamat po.

USEC. IGNACIO:  Okay. Maraming salamat po, Police Lieutenant General Cesar Binag. Stay safe po, General.

P/LT GEN. BINAG:  Thank you po. Stay safe din.

USEC. IGNACIO:  Samantala, dumako naman tayo sa mga balita mula sa mga lalawigan kasama si John Mogol ng Philippine Broadcasting Service. John?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, John Mogol. Pumunta naman tayo sa Cordillera Region, hatid ni Florence Paytocan ang balita. Florence?

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, Florence. Tunghayan naman natin ang huling kaganapan sa Davao mula kay Julius Pacot ng PTV-Davao.

[NEWS REPORTING]

USEC. IGNACIO:  At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO.

Hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

 

###

 

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)