Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location PTV

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Luzon, Visayas at Mindanao. Magandang umaga rin po sa mga nakatutok sa ating programa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ngayong huling Lunes ng Marso, atin pong tatalakayin ang mga usaping may kinalaman sa eleksyon 2022, sa posibleng pagtatanggal ng alert level system sa Pilipinas, at ang paghahanda ng mga pantalan at daungan sa bansa sa inaasahan pong pagdagsa ng mga biyahero sa nalalapit na Semana Santa. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Samantala, tiniyak ng Malacañang ang mahigpit na pagbabantay ng mga awtoridad sa sitwasyon ng Taal Volcano na ngayon po ay nasa Alert Level 3. Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Communication Secretary Martin Andanar, sa ngayon ay nagpapatupad na ang NDRRMC, katuwang ang local government units, ng precautionary measures at evacuation sa mga lugar na apektado ng sitwasyon. Sa panig naman ng DSWD, nakaantabay ang food and non-food items na kailangan para sa mga apektadong residente.

Panawagan ng Malacañang sa mga nakatira malapit sa Taal, manatiling maging alerto at mapagmatiyag, at kumuha lamang ng balita sa mga mapagkakatiwalaang sources habang patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Batay sa tala ng NDRRMC, halos tatlong libong indibidwal ang apektado ng pag-aalburoto ng bulkan.

Apatnapu’t dalawang araw na lang po bago ang hatol ng bayan 2022 sa May 9, nagsimula na rin ang pangangampaniya ng mga kumakandidato sa local position. Iyan at iba pang kaganapan kaugnay sa eleksyon ang atin pong pag-uusapan, kasama po natin si Comelec Commissioner George Erwin Garcia. Good morning po, Commissioner, at welcome sa ating Public Briefing.

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Magandang umaga po, Usec. At magandang umaga sa mga nanunood sa atin.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, kumusta po iyong assessment ng Comelec sa naging pagsisimula ng ating local election campaign period nito pong nakaraang linggo?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Maraming salamat po ‘no, Usec. So far naman po ay medyo masunurin iyong ating mga kandidato, mga political parties, medyo nami-minimize nila nang konti … kung mayroon mang violation, hindi ganoon kasakit sa ulo. Pero at the same time, nananawagan pa rin tayo, patuloy po sana nating i-observe iyong ating mga minimum health protocols.

At the same time, iyong ating mga sinasabi lagi, Usec., na iwasan po natin iyong public places sa ating mga campaign materials. Naku, eh talaga pong tatanggalin namin iyan with or without notice kasi kinu-consider po natin iyan na mga nuisance per se. Ibig sabihin, unlawful by itself. Pero at the same time, siyempre kinikilala po natin iyon pong mga private properties sapagkat mayroon pong temporary restraining order ang Korte Suprema, at sinasabi medyo iwasan muna natin iyong private properties.

Pero, sa mga kandidato natin, partido pulitikal, kahit po sinasabi namin na medyo hindi namin gagalawin ang private properties, huwag naman po kayong lagay nang lagay ng mga election propaganda ninyo kung walang pahintulot iyong may-ari. Unfair po doon sa may-ari, at the same time, baka sa halip na makakuha kayo ng boto ay lalo lang kayong mawalan po ng boto.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, kailangan pa rin po bang mag-secure ng Comelec permits para po sa mga local campaigns?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Ayan, mayroon po tayo, Usec., na bagong resolution, Comelec Resolution 10769 na kung saan ni-recalibrate po natin iyon ating umiiral na patakaran lalung-lalo na sa kampaniya. Siyempre, dahil medyo nagluluwag tayo without compromising naman po iyong issue ng health protocols natin, sinabi po natin na, Usec., kapag level 1 at level 2, hindi na po sila kukuha sa amin ng Comelec Campaign Committee Permit.

Subalit, dahil nasa Omnibus Election Code po natin, kinakailangan pa rin silang patuloy na kumuha ng permit mula sa mga LGU sa siyudad man o sa munisipyo. At siyempre, doon naman po sa ating mga venues, dahil nga po tayo ay naka-Level 1, tayo po ay 100% capacity, indoor and outdoor; at kapag naman po Level 2 ay 75% capacity indoor or outdoor.

Subalit, Usec., pinapaalala po natin sa ating mga kababayang pulitiko, mga partido pulitikal: Bawal pa rin po ang hugging, kissing, arm-to-arm at any physical contact with our voters or our constituents. At the same time, bawal po (ang) selfie ha. At kung sakali pong kayo’y naiimbitahan ng mga botante natin, iyong mga may-ari ng bahay na pumasok, makipagkape ay ipinagbabawal din po natin iyan dahil sa iniiwasan po natin na iyong mga [garbled] maging superspreader pa o iyong event ninyo ay maging isang superspreader event. Tatandaan po natin, kahit nangangampaniya, may pandemya pa rin.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, isunod ko na iyong tanong ni Sam Medenilla sa inyo ng Business Mirror: Ilan daw po ang reports na na-register ng Comelec na violation ng minimum health standards? At ano po iyong action ng Comelec sa mga nasabing reports?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Sa kasalukuyan po ay atin pong kinakalap pa iyan. Pinapa-submit kasi siyempre iyong mga violation lalo na noong prior to campaign period, dahil tatandaan po natin, prior to the campaign period ng local ay mayroon na po tayong national campaign. Iyan po lahat ay amin pong kinakalap mula sa iba’t ibang regional offices namin at sa mga provincial election supervisors sapagkat natatandaan po natin noong mga panahon na iyon ay nagri-require po kami ng submission ng tinatawag na affidavit of compliance. So titingnan natin base doon sa mga affidavit of compliance nila, mga nakarating na report sa amin kung ilan at ano ang mga violation na ginawa ng mga kandidato natin o mga partido pulitikal.

Pero siyempre, ano ang gagawin namin? Aba, eh susulatan po namin iyong mga kandidatong iyan sapagkat pagpapaliwanagin namin dahil kung saka-sakali, haharap sila sa mga kasong disqualification.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, kailan po inaasahan namang makapagpapalabas ang Comelec ng listahan ninyo mismo ng … ito naman po iyong sinasabing election hotspots?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Mula po sa kasalukuyan at ngayon, Usec., sa lahat po, para sa ating mga kapatid sa media, sa pamamahayag, ang gagamitin na po natin ay hindi na “hotspot”. Ang pinakamagandang gamitin natin, at iyan ay nag-a-agree ang ating Secretary of … ang National Defense at gayun na rin ang Secretary ng NICA eh mula ngayon ang gagamitin po natin na tamang salita ay election concern, iyong mga areas of election concern.

So sa kasalukuyan po ay nag-submit sa amin ang atin pong [garbled] at saka Armed Forces ng listahan ng mga areas of concern, magmula sa green, yellow, orange at saka po iyon red. Iyan po asahan po ninyo, siguro hanggang Thursday ay mag-a-announce po ang Comelec, sa pamamagitan po ng en banc, ia-announce po natin kung ano talaga iyong mga areas of concern lalo na iyong red, lalo na iyong talagang bibigyan natin ng pagtutok at pagtugon dahil sa napakataas na posibilidad na magkaroon ng violence o kaya matindi talaga iyong laban o awayan ng mga kandidato lalo pa’t sa lokal. Sa Huwebes po, ia-announce po natin iyan, Usec.

USEC. IGNACIO: Opo. Kailan po magsisimula naman itong, Commissioner, operasyon ng Task Force Kontra Bigay ng Comelec laban dito sa vote buying?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Salamat po, Usec. Ito pong darating na Miyerkules ay atin pong iku-constitute na at itatalaga na iyong mga miyembro po ng Task Force Kontra Daya natin. At iyan po siyempre ay pangungunahan ng Commission on Elections.

At nabanggit na rin ninyo, Usec., ay ang magmimiyembro po doon ay DOJ, NBI, pati nga po ang Philippine Information Agency, pati po ang atin pong AFP, PNP. Isa po talagang multi-agency task force po iyan na hihingian natin ng tulong para iparating sa lahat, hindi lamang sa ating mga kandidato kung hindi lalung-lalo na sa ating mga mamamayan na seryoso po ang inyong Commission on Elections, ang inyo pong pamahalaan na masawata, mapigilan ang isyu ng vote buying. Dahil kapag may vote buying ay hindi po magri-reflect ang tunay na sentimiyento ng ating mga kababayan.

Eh kabilin-bilinan pa naman ng ating Pangulo na sinabi niya, talagang legacy niya ay ang isang malinis na halalan at isang halalan na credible na paniniwalaan ng sambayanan. So hindi po natin babalewalain iyong mga akusasyon, alegasyon patungkol sa vote buying. And at the same time, kahit po itong Task Force na ito ay bibigyan ng kapangyarihan na mag-motu proprio investigation. Ibig sabihin po, kahit wala kayong reklamo, sila mismo, bilang natalaga para sa trabaho na iyan ay magmo-motu proprio. Sila mismo, hindi na maghihintay ng mga complaints mula sa ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, iyan din po iyong naging tanong ni Leila Salaverria ng Inquirer. Pero bukod po dito sa physical na abutan ng pera, concern na rin po ba ngayon itong digital vote buying sa pamamagitan ng online wallets? Paano raw po kaya ito mababantayan ng Comelec at ng iba pang ahensiya, kasama nga po itong Task Force Kontra Bigay?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Tama po kayo, Usec. Alam ninyo, akala siguro ng mga ibang kandidato hindi namin kayo namo-monitor kahit iyong prior to the campaign period. Siyempre po, prior to the campaign period lalo iyong mga lokal, maaaring makaligtas kayo dahil may desisyon ang Supreme Court sa kaso ng Peñera versus The Commission on Elections na sinasabing hindi pa kayo kandidato bago mag-start ang campaign period. Pero tatandaan ninyo tapos na iyong Peñera versus COMELEC. Simula nitong a-bente singko ng Marso kayo po ay considered na kandidato na at hahabulin namin kayo.

Iyon pong mga may social media account – Naku! Usong-uso, kitang-kita iyong pa-raffle, kitang-kita may papremyo na ganito, kitang-kitang may ginagamit pang mga bata-bata kapag doon sa inyong mga programa. Eh, paki iwasan ninyo po iyan dahil kami po sa COMELEC ay naka-monitor.

At siyempre doon sa mga magkakalaban, maganda po mag-monitor-an kayo. Maganda po kayo mismo ang titingin/papansin doon sa mga kalaban ninyo sa posisyon. Kung sila ay nagba-violate, isumbong ninyo sa amin at iyan po ay aaksiyunan namin dahil tama po iyong sinabi ni Usec, kanina dahil maaaring iniiwasan na iyong pamimigay diretsahan ng pera.

Pero minsan naka-GCash na ngayon, naka-PayMaya at kung anu-ano pang pamamaraan ng pamimigay. Minsan nga nagbibigay pa ng card kesehodang miyembro ng ganitong samahan o ganitong klaseng organisasyon.

USEC. IGNACIO: Opo. Pero, Commissioner, paano daw puwedeng makapag-participate ang mga kababayan natin dito? Paano daw po iyong magiging proseso na dapat nilang gawin?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Tama po. Hindi lang po sa pamamagitan ng social media, alam ninyo po, iyan ang kagandahan ng bagong teknolohiya, napakabilis. Naku, eh kung ako ay mamili ng boto at ako ay gagawa ng kawalanghiyaan sa darating na eleksiyon, matatakot ako dahil pupuwedeng mapiktyuran, pupuwedeng ma-record lahat! Alam ninyo naman po that is how you empower the citizenry, hindi lang sa pamamagitan ng pagsulat kung hindi sa pamamagitan ng social media.

At dahil diyan, puwede po kaming mag-take cognizance na tinatawag doon sa mga complaints ninyo, sa mga nai-post ninyo sa social media. Nitong mga nakaraan may mga na-post po kami diyan sa mga social media. At huwag po kayong mag-alala, hindi po kami bingi at bulag sa mga ganiyang reyalidad.

Sabi ko nga po, nagsimula na kaming mag-endorse sa aming mga field personnel upang sila mismo ay mag-submit ng mga reports sa amin. Iyon naman pong talagang mga kababayan natin na may mga credible na ebidensiya at mabigat na ebidensiya patungkol sa vote-buying at iba pang violation, aba eh puwede ninyo po kaagad iyang isulat sa amin dito po sa aming COMELEC Law Department at iyan po ay kaagad nating aaksiyunan.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, may tanong po iyong ating mga kasamahan sa media. Mula po kay Tina Panganiban Perez ng GMA News: Please expound daw po on your earlier pronouncement that the COMELEC will recalibrate the gun ban and security application exemption guidelines. When will you publish the new resolution and when will it take effect? And also, how many have been issued exemptions so far?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Okay. Patungkol po muna, Usec., patungkol sa datos, iyan po ay aking ipinag-utos kaninang pagpasok na pagpasok ko sa opisina upang bigyan ako ng datos na kung ilan ang naisyuhan, ilan ang application, ilan iyong mga na-deny natin. Iyan po ay babalikan kong muli ang atin pong mga kapatid sa pamamahayag.

Pero at the same time, alam ninyo po, napansin po natin lalung-lalo na po ng ating kagalang-galang na Chairman, iyan pong ano medyo nagiging napakabagal nang pag-approve o pag-deny ng mga application. Pumipila ang tao pagkatapos eh medyo marami po ang nagrereklamo. Eh, napaka-credible po ng threat lalung-lalo na sa ilan nating mga kababayang mga negosyante.

At siyempre po, bakit ba naman natin pahihirapang kumuha ng exemption lalung-lalo na iyong mga nasa judiciary – judges, justices; iyon pong mga public servant natin katulad ng PAO, katulad ng mga COMELEC field personnel na mismo na kukuha man lang ng kanilang gun ban exemption o kaya ng security personnel na alam naman natin na talagang sila ay may threat?

Pagkatapos iyong mga ilang opisina ng pamahalaan na talagang iyong trabahong ginagawa nila ay mainit sa mga mata ng iba na mga masasama, eh bakit po natin pahihirapan? So, dapat po eh ipagkatiwala na lang natin iyong pag-monitor sa mismong head of agency. Kami po, magbibigay kami ng mga permit, pabibilisin natin iyan pero iyong pag-monitor doon sa kanilang ginagawa, sa mga violation, dapat po iyong mga head of agencies na lalo pa at co-equal branch of government natin.

Patungkol naman po sa mga negosyante, patungkol naman po halimbawa, security agencies, eh alam naman po natin nagnenegosyo lamang ang mga iyan. Napakahirap naman iyong kanilang mga security guards ay wala pong armas na ginagamit. Alangan naman pong batuta lamang ang gagamitin nila para ipanghabol sa mga masasama. Katulad po halimbawa nitong mga negosyante natin na talaga naman iyong iba laging may dalang cash. Iyong mga cashier ng mga kumpanya na laging may dala-dalang cash na pang-cash advance or whatever, iyan po ay padadaliin natin ang sistema.

Ang purpose po natin dito, ika-cut natin ang lahat ng administrative things na nakakabagal sa proseso, iyon po ang ayaw na ayaw natin. At the same time, Usec, eh plano po natin na i-decentralize ang lahat. Sa amin pong mga regional offices na kayo mag-a-apply kapag naipasa po namin ang resolution sa darating na Miyerkules. Diyan na po mag-a-apply sa ating mga regional offices upang hindi na luluwas ng Maynila, hindi na dito magpa-follow-up, ang haba-haba ng pila. Hindi po nakakatuwa iyong ganoon.

Kaya ipapangako po natin sa Miyerkules, una po iyan sa tatalakayin ng en banc, iyong tinatawag nating recalibration of the guidelines para sa gun ban exemption at saka sa security personnel.

USEC. IGNACIO: Opo. Commissioner, makibalita na rin po kami tungkol dito sa susunod na COMELEC-sponsored Presidential Debate. Kailan po ito nakatakdang ganapin at makukumpleto na po kaya iyong sampung presidentiables?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Linggo po ito gaganapin, sa April 3 at kami po ay nagpapasalamat sa initial na magandang reaksiyon at maganda rin po iyong nangyari.

Kaya lang po, Usec, ako po ay nagpatawag ng pagpupulong mamaya sa mga involved na mga tao patungkol sa presidential debate na iyan kasi kinakailangan tingnan namin kung mayroon ba tayong kinakailangang i-adjust. Iyong kalagayan ba ng ating mga kapatid sa pamamahayag eh sila ba ay nasa tamang mga lugar, at the same time lahat ba ng mga participants ay komportable sa naging initial guidelines natin? Pagkatapos ay iyong coverage po natin na maayos, ano pa iyong dapat na adjustment na gagawin natin?

Patungkol doon sa mga absent, hanggang kailan ba talaga ang ibibigay natin at mayroon na ba tayong natanggap na mga sulat man lang para sa hindi nila pagdalo o makakadalo ba talaga sila? So marami po, but at the same iyong isang malaking isyu ay iyong tungkol sa ano iyong pupuwede naming sanction pa na dagdag na maipataw sa mga hindi makakadalo sa debate na ito.

Muli, sinasabi po natin dahil nga ito ay voluntary hindi naman po obligatory, wala naman po kasing umiiral na batas, initially talaga hirap na hirap ang Commission on Elections, aaminin po natin, na makapagdagdag pa ng pupuwedeng ipataw na parusa kung mayroon man. Pero at the same time, ang ginawa po ng en banc noong Miyerkules, ni-refer po namin sa law department po namin iyan at saka sa education and information department (EID) for them to immediately submit this Wednesday kung ano pa ang iba pang sanction na puwede nating ipataw o ipatupad doon sa mga hindi makakadalo sa ating debate, lalo pa’t halimbawa ang pagdalo ay walang credible o tamang rason.

USEC. IGNACIO: Opo. Nasagot na ninyo po, tanong po dapat iyan ni Sam Medenilla ng Business Mirror pero nasagot ninyo na, Commissioner. Tanong naman po ni Maricel Halili ng TV5: Ano daw po ang desisyon ng Comelec about the call of Professor Walden to impose heavier sanctions against candidates who will not participate daw po sa debates? Ano daw po ang napag-usapan tungkol dito sa en banc?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Iyon nga po at iyan po ay pinag-usapan namin nang matindihan noong nakaraang Miyerkules at ni-refer namin sa law department namin at saka sa EID.

Alam ninyo po, sino po ba naman ang isang katulad ng Komisyon na gusto mong magpatupad talaga ng patakaran lalo pa’t para sumunod ang lahat lalo pa’t mga kandidato? Kaya lamang po sana maunawaan din ng mga kababayan po natin, ang Commission on Elections po ay kikilos lamang base sa kung ano iyong mga umiiral natin na batas.

We cannot legislate. Iyan po iyong isang kauna-unahang bilin ng ating Saligang Batas, na siyempre po ang patungkol sa pagho-hold ng isang presidential debate although iyan ay aming isinasagawa, ay voluntary sapagkat wala po tayong umiiral na batas na sinasabing, “‘Oy, lahat ng kandidato dapat haharap kayo sa presidential debate. Kapag hindi kayo humarap disqualified o kaya kulong ng isa o hanggang anim na taon.” Wala po kasing ganoon eh, hindi po kasi COMELEC ang pupuwedeng mag-define ng isang act bilang isang krimen.

Pero sa abot po ng aming makakaya, nagsasagawa po kami ng debate on a voluntary basis. Siyempre, ang pakiusap na lang po natin sa mga kababayan natin, ganoon man na hindi namin – at this point – malaman pa kung ano pa iyong dagdag na pupuwede naming iparusa o idagdag na sanction eh nasa sa inyo po iyan. Kung sa inyong palagay ay komportable kayo sa isang kandidato ninyo na hindi humaharap sa debate, nasa inyo po ang desisyon. Tayo po ay mga matured na mga mamamayan ng bansang ito na kung sa inyong palagay naman ay gusto ninyong nakikitang nakikipagbanggaan talaga ng talino at kagalingan ang inyong mga kandidato, aba eh abangan ninyo po iyong presidential debate, marami tayong matututunan at mas makikilala pa natin iyong ating mga kandidato at siyempre, eh malalaman natin ano ba ang kanilang plano at plataporma para sa bansang ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Maricel Halili pa rin ng TV5: Ano po iyong tingin daw ng COMELEC sa proposal na one-on-one debate? Mas praktikal ba ito kumpara daw po sa maraming attendees?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Alam ninyo po, napakaganda ng lahat ng panukalang ganiyan. Kaya lang po naman, hindi ba po kasi kapag nag-one-on-one, eh nakakahiya at unfair naman po doon sa ibang mga kandidato. Para po tayong nagdi-discriminate.

Ang lahat po ng mga kandidato ay may equal chance na mabigyan ng kanilang entablado at kanilang panahon, hindi po ba? Kami po ay Commission on Elections, we should be impartial, neutral, lalung–lalo na sa halalan. Kapag po nag-require tayo ng one-on-one lamang, parang pinili na natin ang iupo, ito yata iyong mananaig. Hindi po dapat ganoon!

Lahat po ay bibigyan ng tamang pagkakataon sapagkat sila ay kinonsider nating kandidato. Sila ay may mga supporter, sila ay may panukala para sa ating bayan and everybody deserves a chance to explain their sides on issues.

So, maganda po iyon, siguro po iyong mga ibang network ay puwedeng mag-hold ng mga one-on-one kahit po iyong hindi ninyo nabanggit na kandidato. Pero, definitely ang Commission on Elections ay hindi po gagawin iyan.

Definitely kung magde-debate tayo lahat ng gustong mag-participate ay welcome sa ating debate. Maaaring madami sila, tama po. Pero, ganoon po talaga iyan, mas madami ang pagpipilian ng ating mga kababayan.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Mula naman po kay Sam Medenilla, ng Business Mirror. Nag-submit na po kaya ang Smartmatic ng copy ng internal report nila on the alleged data breach nila as mentioned in a Senate probe? At ano daw po iyong next action ng Comelec once daw po makuha na nito itong nasabing report?

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Tama po kayo, USec., noong nakaraang linggo po ang kauna-unahang tinalakay ng en banc sa isang executive session subalit minabuti po ng ating chairman na ilabas iyan.

Iyong number one po, ire-refer po namin sa aming Executive Director na i-require po iyong aming search provider na magpaliwanag at magbigay sa amin ng kanilang internal investigation kung mayroon na. Kung wala ay titignan na lang po natin ang susunod na action ng Commission on Elections.

Pero, definitely po ay iyon ay technically parang sinasabi aba’y bigyan ninyo kami ng update sa inyong ginagawa kung mayroon man and at the same time ay hihintayin namin iyong sa NBI sapagkat ikukumpara namin iyong findings ng NBI at saka iyong report noong aming service provider.

Huwag po kayong mag-alala, dito po ginagarantiya po namin sa inyo na kung mangyari man na sinasabing data breach, kung iyan man ay may katotohanan siyempre po hindi kami papayag na malaman. May effect ba iyan sa amin? Number one, number two sino ba ang mga involved na tao? Baka naman hindi lamang sa kanila iyong may na-involve baka sa Comelec may na-involve?

Number three, ano ba talaga ang na-compromise na data kung mayroon man. May effect ba iyan sa ating pagho-hold ng halalan? May effect ba iyan sa ating sistema? Iyan po ay hindi kami papayag na hindi natin malalaman. Ilalahad po natin lahat iyan sa ating mga kababayan.

Maging sabi nga ni Chairman at ng pamunuan po ng komisyon na magiging transparent and accountable po tayo. Iyan po iyong patakaran ng Commission on Elections sa pangunguna po ni Chairman Saidamen Pangarungan po.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Commissioner, ang inyo pong panghuling mensahe para sa ating mga kababayan kaugnay pa rin sa nalalapit na election sa May. Go ahead po, Commissioner.

COMELEC COMMISSIONER GARCIA: Maraming salamat po, USec., at maraming salamat po sa pagkakataon. Alam ninyo, tayo pong mga mamamayan kapag nakikita ninyo ang mga kandidato ninyong hindi sumusunod sa batas, isipin ninyo kumakandidato pa lang, hindi na sumusunod sa batas, sa patakaran ng Comelec.

Kapag nanalo iyan maaaring iyong iba diyan sila pa ang gagawa ng batas, sila ang magpapatupad ng batas. Paano ninyo aasahan na maipapatupad ang batas ng mga violators. So, sa aking palagay lalo ninyong titignan, gagawa kayo ng record noong mga nagba-violate, iyong mga may … ng mga matitigas talaga ang ulo.

At doon naman po sa ating mga kandidato, sa atin pong mga partido pulitikal, kayo na po ang magpu-pulis ng inyong mga sariling mga tao. Alam ninyo naman po na bawal ang mamimigay ng ganito, alam ninyo naman po na hindi kayo puwede iyong ganito. Minsan po kasi hindi rin nabibigyan ng tamang gabay iyong ating mga taga-suporta at tamang gabay iyong ating team.

Dapat po kayo mismo ang nagbibigay sa kanila ng dapat na gagawin, katulad noong operation dikit. Eh kung saan makapagdikit, sa lahat ng poste makapagdikit, sa lahat ng waiting shed ay makapagdikit alam ninyo naman pong bawal na bawal iyan.

At the same time po sa ating mga kababayan, tayo po ay laging tututok lalung-lalo na sa mga sinasabi ng ating mga kandidato, sa mga pag-participate nila sa mga debate lalo na sa pagsunod nila sa atin pong mga patakaran dahil diyan po mabubuo ang inyong decision.

Ang decision ninyo po ay ang kinabukasan para sa inyong mga anak, para sa inyong mga apo, para po sa kinabukasan ng ating bansa. Makakaraos po tayo sa puntong ito, makakaraos po tayo at makapaghahalal tayo ng tunay na leader at tamang leader para sa ating bansa. Makapaghahalal tayo ng leader na siyang hinalal, pinili ng sambayanang Pilipino. Maraming salamat po.

USEC. ROCKY IGNACIO: Maraming salamat din po sa pagpapaunlak sa amin Comelec Commissioner George Erwin Garcia. Samantala, pinasalamatan naman ni Senator Bong Go, ang mga nasa pribadong sector sa Mindanao sa pagsuporta sa development program ng Duterte Administration. Narito ang report.

[NEWS REPORT]

USEC. ROCKY IGNACIO: Mula sa nalalapit na pagpasok ng second quarter ng taon pinag-uusapan na po itong posibleng pagpapatanggal ng alert level system sa mga piling lugar sa bansa. Pero posible na kaya ito gayung medyo mababa pa rin po ang bilang ng mga nagpapa-booster o bakuna?

Kaugnay niyan makakasama po natin ang Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Sir Joey, good morning. Sir Joey, can you hear us? Opo. Naka-mute po yata kayo Sir Joey. Opo. Okay, babalikan po natin si Sir Joey Concepcion, aayusin lamang po namin ang linya ng komunikasyon sa kaniyang hanay.

Samantala, tiniyak ng Malacañang na patuloy na magsisikap po ang Administrasyong Duterte, para sa ibayong pagsugpo sa kagutuman at kahirapan sa bansa. Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Communication Secretary Martin Andanar, batid nilang sa pinaka-bagong survey ng Social Weather Station, lumalabas na 11.8% ng mga pamilyang Pilipino ang nakakaranas ng involuntary hunger sa huling bahagi ng 2021 at bagama’t marami pa rin ito mas mababa naman ito kumpara sa datos ng kaparehong panahon noong 2020.

Giit ng Malacañang, patunay ang survey na ito sa magandang serbisyo ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger na binuo ni Pangulong Duterte, noong taong 2020. Iba’t ibang proyekto anila ang isinagawa ng naturang task force na lubos na nakatulong sa ating mga kababayan.

Samantala, isang buwang libreng sakay sa MRT 3, nagsimula ngayong araw. Ang sitwasyon ngayon doon ay alamin natin mula kay Louisa Erispe. Louisa?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Louisa Erispe.

Samantala, halos dalawang linggo na lang ay Semana Santa na, at dahil marami na ring mga lalawigan sa bansa ang bahagyang nagluwag ng COVID-19 restrictions, inaasahan na po ang pagdami ng mga kababayan nating bibiyahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya. Alamin po natin ang paghahandang ginagawa ng Philippine Ports Authority tungkol dito. Makakausap po natin si PPA General Manager Jay Daniel Santiago. Good morning po.

PPA GENERAL MANAGER SANTIAGO: Good morning, Usec. Rocky. At good morning sa lahat ng nanunood at nakikinig sa atin ngayong araw na ito.

USEC. IGNACIO: Opo. Kumustahin po muna namin itong pagbabalik sa 100% passenger capacity ng Philippine Ports Authority simula po nang ibaba itong maraming lugar sa bansa sa Alert Level 1?

PPA GENERAL MANAGER SANTIAGO: Yes, Usec. Rocky, dahil po sa pagbaba ng Alert Level 1, pinayagan na pong mag-100% capacity po ang ating mga sasakyang pandagat, pati po ang ating mga pantalan ay 100% capacity na din po sa ating mga mananakay.

Bagama’t pinapayagan na po ang 100% capacity, nagbibigay-abiso po tayo sa ating mga kababayan, sa ating mga mananakay na siguraduhin pa rin po nila ang mga kaukulang requirements o dokumento na niri-require po ng kanilang mga destinasyon na LGU. Dahil po, iba-iba pa rin po diyan, mayroon pa ring nasa Alert Level 2 although, karamihan po ay nasa Alert Level 1, so ihanda po nila.

Generally, po sa eksperyensiya namin, ang hinahanap po ng mga LGU pati na din po sa pagsakay ay iyon pong vaccination card ano. So, ihanda lamang po nila iyong kanilang vaccination card na magbibigay po ng pruweba na sila po ay fully vaccinated at patuloy pa rin po, iyon pong pagmo-monitor natin sa mga health protocols po sa ating mga pantalan. Nandiyan pa rin po iyong ating pagri-require ng face mask at pati po iyong temperature check at pati na rin po iyong ating social distancing.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir, ngayong papalapit na nga itong Semana Santa, dumoble ba o dumami ang bilang ng mga pasahero dahil nasa Alert Level 1 na po tayo? Marami po bang mga pasahero naman na stranded sa labas ng mga pantalan ng PPA?

PPA GENERAL MANAGER SANTIAGO: Well, mas marami na po, Usec. Rocky ang mga mananakay po natin ngayon, bagama’t hindi pa rin po tayo umaabot doon po sa lebel ng pre-pandemic na mga pasahero po natin. But definitely po, dumarami na po iyong mga kababayan natin na bumibiyahe at sumasakay po sa ating mga sasakyang pandagat. Sa kabutihang-palad naman po, episyente pa rin po ang ating pantalan lalung-lalo na po dito sa Metro Manila, diyan po sa North Harbor. Wala naman po tayong nakikita na mga stranded na pasahero, dahil maganda po ang ating weather at tuluy-tuloy naman po at regular po ang biyahe ng ating mga sasakyang pandagat.

USEC. IGNACIO: Opo. Bukod dito sa mga health protocols pa rin na ipinatutupad ng PPA, paano naman po nasisiguro na ligtas pa rin sa COVID-19 itong mga pasaherong sumasakay sa barko?

PPA GENERAL MANAGER SANTIAGO: Again, Usec. Rocky, katulad po ng nasabi ko kanina, mino-monitor po natin na ang mga sumasakay po sa mga sasakyang pandagat po natin ay mga fully vaccinated. Hinahanap po diyan iyong kanilang mga vaccination card, para masigurado po na sila ay magiging ligtas, maski sila po ay ma-expose sa COVID-19 virus. At ang ginagawa naman po natin, palagi pong malinis ang ating mga kapaligiran po sa pantalan at tuluy-tuloy po ang ating disinfection. Mayroon po tayong mga marshals diyan na nagmo-monitor po ng social distancing, pati din po iyong pagsusuot po ng face mask. So, ang susi po diyan, Usec. Rocky is really iyon pong magmimentina po ng mga pasilidad natin na malinis po iyan palagi at iyan po ay nasa-sanitized.

USEC. IGNACIO: Opo. Sa ngayon po ba ay kumpleto na po ba itong Port Development Projects ng PPA nationwide? Paano po ito nakakatulong para po mas maginhawa iyong biyahe ng ating mga pasahero?

PPA GENERAL MANAGER SANTIAGO: Usec. Rocky, talaga pong hindi natin makukumpleto at ang pagdi-develop po ng ating mga pantalan, tuluy-tuloy po iyan. Wala pong katapusan iyan, maging iyan po ay sa pagri-repair, sa pagmimentina sa paggawa po ng mga bagong pantalan.

Ikinagagalak lang po naming ibalita na katulong po ang Department of Transportation, so far po since 2016, nakatapos na po ang PPA at ang DOTr ng 585 port projects malaki at maliit po iyan at mayroon pa po tayong hinahandang pasisinayaan at matatapos bago po matapos ang termino ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa June 30, na nasa 31 port projects pa po.

At beyond that, mayroon pa po tayong iinagurahan ‘no, pero iyan po ay sa bagong administrasyon na po. Marami pa po tayong matatapos diyan at kasama po niyan, iyon pong ating bagong malaking passenger terminal building sa Calapan, Oriental Mindoro at bago po matapos ang taon, inyo pong makikita ang pinakamalaking passenger terminal building sa buong Pilipinas diyan po sa Zamboanga City.

Tuluy-tuloy po ang pagtatrabaho ng mga kawani natin sa PPA, para po matapos ang proyekto at para po matupad ang ipinangako po ng ating Pangulo at ng ating Secretary Art Tugade ng Department of Transportation na mabigyan po nang kumbinyente at komportableng buhay po ang ating mga kababayang mananakay po sa ating mga sasakyang pandagat.

USEC. IGNACIO: GM, itong mga development projects na ito ng PPA, paano po ito makakatulong o nakatulong dito sa cargo shipments at siyempre sa ekonomiya ng bansa in general?

PPA GENERAL MANAGER SANTIAGO: Well, Usec. Rocky, ang ginagawa po natin ngayon, ini-improve po natin kung anong mga pasilidad natin lalung-lalo na po sa labas ng Metro Manila, para po iyong mga pantalan po natin ay patuloy na makatanggap po ng mga kargamento at maging episyente po ang kanilang operasyon.

Isang ehemplo po diyan, diyan po sa Zamboanga City, may bago na po tayong terminal operator diyan. At ayon po sa pag-uulat po sa atin at mino-monitor po natin iyan, nagbago na po sila ng sistema diyan, mas episyente na po, may mga dumating na pong mga bagong equipment po diyan. At inaasahan po nating mas bibilis at mas magiging maayos po ang operasyon diyan sa Zamboanga City Port at mas magiging episyente po.

Nandiyan din po iyong mga pagbabago pong mangyayari sa mga na-bid out po natin na mga pantalan. Diyan po sa Tagbilaran, mas mapapabuti po iyan. Diyan din po sa Tacloban, sa Ormoc, sa Iligan, sa Surigao, lahat po iyan, magbabago po iyan sa mga darating pong buwan dahil ii-improve po ang serbisyo diyan sa mga area na iyan, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: GM, sa ngayon kumusta itong vaccination status sa mga empleyado ng PPA? Mayroon pa rin ba kayong active cases pa rin sa inyong hanay?

PPA GENERAL MANAGER SANTIAGO: Well, Usec. Rocky, ang vaccination rate po natin sa buong PPA po, sa buong bansa, nasa mahigit 96% po tayo na mga empleyado kasama nap o diyan iyong regular employees, outsource personnel, pati po iyong ating mga security guards ano. Mayroon po tayong mangilan-ngilan na less than mga 4% po, na number one, dahil hindi po sila pinapayagan ng kanilang mga physician o kanilang mga doktor na magpabakuna, dahil po sa kanila pong iniindang mga kondisyon o sakit o may comorbidity po sila. Iyong iba naman po, mayroon pa rin po diyan tayong mga kasama na ayon po sa kanilang paniniwala, ayaw pong magpabakuna, hindi naman po natin sila mapipilit.

Pero mataas po ang rate nang ating vaccination sa mga kawani po ng PPA. At ikinagagalak ko rin pong ibalita, Usec. Rocky, sa loob po nang halos mahigit tatlong linggo na po, wala po tayong kahit na anong COVID infection case sa buong PPA po, sa buong Pilipinas. Wala po tayong nari-report na nagkaroon pa po nang insidente. Mahigit tatlong linggo na po, zero po tayo, kaya kami po ay nagpapasalamat.

USEC. IGNACIO: Opo. Napakagandang balita po niyan. GM, mga paalala o mensahe na lang po sa mga nagbabalak bumiyahe sa nalalapit na Holy Week. Go ahead po, GM.

PPA GENERAL MANAGER SANTIAGO: Salamat po, Usec. Rocky.

Ang PPA po, kasama po ang Department of Transportation, mayroon po tayong annual na Oplan po diyan ‘no, ang Oplan Ligtas Biyahe ngayon pong Senama Santa. At ang atin pong mga kababayan, kami ay nakikiusap na planuhin po nilang maigi ang kanilang paglalakbay. Mag-book po sila nang maaga. Kung makakabiyahe po nang mas maaga, mas mabuti at nang hindi po magsiksikan sa ating mga sasakyang pandagat at sa ating mga pantalan. At sa kanila pong pagbibiyahe, sana po ay ihanda nila iyong mga kaukulang dokumento nila at ang mga kaukulang pangangailangan po sa pagbibiyahe. Iyon pong vaccination card, ihanda po palagi iyan dahil iyan po ay tatanungin sa entrada pa lamang po ng ating terminal pati po sa pagsakay. At ihanda rin po natin iyong ating mga face masks para po sa ating proteksiyon, ano. At pati po iyong paglilinis po ng ating mga kamay, nandiyan po iyong pagdadala rin po ng alcohol.

At, again, regular naman po iyan, maski bago magpandemya, huwag po tayong magdadala ng mga kargamento o mga gamit na ipinagbabawal. Nandiyan po iyong mga patalim o kung anuman pong mga bagay o aparato na maaari pong makasakit sa ating mga kasama sa pagbibiyahe.

Iyon lamang po, Usec. Rocky, at ipinapangako po namin na sa PPA naman po ay gagawin po nating kaaya-aya at maganda po ang kanilang magiging eksperyensya sa kanilang pagbibiyahe lalung-lalo na po ngayong darating na Semana Santa.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong pagbibigay sa amin ng impormasyon at panahon, PPA General Manager Jay Daniel Santiago. Salamat po, GM.

PPA GENERAL MANAGER SANTIAGO: Maraming salamat po, Usec. Rocky. At mag-ingat po tayong lahat palagi.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, balikan na po natin si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Sir Joey? Babalikan po natin si Sir Joey maya-maya lamang.

Samantala, libu-libong residente mula sa iba’t ibang bayan ng Batangas ang tumanggap ng ayuda mula sa pamahalaan sa pangunguna ng outreach team ni Senator Bong Go. Ito po ay bago pa man ang pag-aalburoto ng Bulkang Taal nitong weekend. Narito po ang detalye:

[VTR]

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Sir Joey, good morning po ulit. Sir Joey, can you hear us? Okay, babalikan po natin. Aayusin lang po namin. Sir Joey, naririnig ninyo na po kami? Sir Joey, good morning po.

SEC. JOEY CONCEPCION: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Sir Joey, ngayong wala naman pong naitatalang epekto—

SEC. JOEY CONCEPCION: Good morning, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Good morning din po, Secretary Concepcion. Bagama’t wala naman pong naitatalang mataas na kaso ngayon na may kaugnayan po dito sa mga political rallies na ginagamit nitong mga nakaraang linggo, sa palagay ninyo po ba ay handa na talaga itong Pilipinas sa mas mababa pa o pagtatanggal ng alert level by April, kahit po dito sa National Capital Region man lang, sa NCR?

Sir Joey, narinig ninyo po kami? Can you hear us, Sir Joey? Okay, mukhang hindi malinaw ang nagiging dating natin. Magbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.

[COMMERCIAL BREAK]

USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion. Good morning po ulit, Secretary.

SEC. JOEY CONCEPCION: Usec. Rocky, okay na yata.

USEC. IGNACIO: Opo, okay po. Secretary, ulitin ko na lang po iyong nauna naming tanong, ano. Ngayon pong wala naman pong naitatalang epekto sa COVID-19 cases ito pong mga political rallies na ginaganap nitong mga nakaraang linggo, sa palagay ninyo po ba ay handa na talaga iyong Pilipinas sa mas mababa pa o pagtatanggal ng alert level by April?

SEC. JOEY CONCEPCION: Well, ang tingin ko naman dito, Usec. Rocky, may problema rin tayo rito. Kasi dito sa booster shot natin, hindi katulad iyong primary doses, dito sa NCR ay halos 100%. Pero sa NCR, iyong boosters lang natin ay nasa 30%. Medyo mas … sa isang lugar, katulad ng Region V to Region XII, halos below 10%. So delikado pong buksan natin at tanggalin iyong alert level natin hanggang maayos ito. At iyon ang problema natin, hindi ngayon ang posibleng surge ‘no. Ang posibleng surge ay baka nasa second half tayo.

So, kasi diyan, kung hindi tataas iyong booster [unclear] ng citizens natin, baka may surge tayo sa second half dahil masyadong mababa itong [unclear] ng boosters. So kailangan iyong mga citizens natin, dapat kunin na ang boosters kasi ang iba riyan ay mag-i-expire na rin sa June, so two and a half months na lang tayo dito ‘no at parang wala pang clarity dito sa mga bagong bakuna na darating. At kung bibili naman ang government at hindi kukunin ng mga citizens natin, eh di sayang lang ang ginagastos natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Basahin ko na lang po iyong tanong ni Mela Lesmoras na may kaugnayan po diyan: So sa tingin po ninyo ay mukhang malabo pong maisakatuparan itong pagpapairal ng new normal sa buong Pilipinas by April?

SECRETARY JOEY CONCEPCION: Yes. Kasi iyong challenge natin na iyon ay iyong primary doses medyo walang problema diyan dito sa NCR, at sa ibang lugar tumataas.

Pero, malayo pa rin ang mga booster shots at alam naman natin nagwi-wane ang mga primary doses on the fifth, sixth month. I am all for Alert Level Zero, pero dapat mataas iyong percentage of boosting sa mga LGUs.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Nabanggit na po noon ni Secretary Galvez, na hihintayin daw po muna rin ng pamahalaan na tanggalin ng World Health Organization itong pandemic status ng COVID-19 bago daw po ikonsidera itong pagtatanggal ng alert level. So, ano daw po iyong masasabi ninyo dito?

SECRETARY JOEY CONCEPCION: Well, ako mas importante iyong level of boosting sa bansa natin, kailangan at least 70 to 80% bago natin tanggalin iyong emergency health status kasi nakikita natin sa ibang lugar ay may mga surges. Dito sa Pilipinas maganda naman ang kalagayan natin kasi maski dumadami ang taong lumalabas, may mga rallies pa tayo hindi naman tumataas iyong mga kaso [bagkus] ay bumaba pa rin dahil sa pagbabakuna natin sa mga citizens at may mga natural immunity dahil sa unang wave ng Omicron.

Pero, iyong posibleng threat for the second half kung mababa pa ang booster natin then posible na baka mamaya magkaroon tayo ng surge dahil iyong waning immunity, we will start to feel that by the second half kung hindi tataas iyong boosting level natin sa mga citizens natin.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Tanong po ni Mela Lesmoras pa rin ng PTV: By April 1, bubuksan na rin po ang Pilipinas para sa lahat ng fully vaccinated foreigners. Gaano naman daw po makakatulong ito sa ating ekonomiya?

SECRETARY JOEY CONCEPCION: Well, malaking bagay rin iyan, iyong tourism. Kasi dalawang taon na sarado iyan at halos iyong mga negosyante natin dito sa tourism medyo tinamaan at may mga utang iyan na dapat bayaran.

Nagsimula na rin kasi noong tinanggal natin ang quarantine, dumadami na ang mga nagta-travel dito, iyong mga Filipinos, mga domestic traveler na citizens natin tumataas, pumupunta na ngayon sila sa Boracay at iba pang lugar. Ngayon ang mga dayuhan, mga foreigners papasok na rin dito. Mas maganda iyan para talagang kumita na rin itong mga maliliit na negosyante natin na nasa tourism sector.

USEC. ROCKY IGNACIO: Tungkol po naman sa mungkahi ninyong i-redefine ang term na fully vaccinated na isama na ang mga may booster shots, ito po ba ay pinag-usapan na raw ng health experts natin? Ayon po kay Usec. Vergeire, napagkasunduan na hindi raw po ito appropriate sa ngayon? Ano po ang reaction po ninyo dito?

SECRETARY JOEY CONCEPCION: Well, iyon ay suggestion ko lang. Kasi sa tingin ko, sa pananaw ko na ang isang tao na may dalawang primary doses at walang booster, hindi kumpleto iyan. Sa Singapore iyon ang definition nila. Pero sa bansa natin, ang tingin ko kailangan i-focus natin ang energy dito sa mga booster shots.

Siyempre sa mga lugar na medyo mababa pa ang vaccination, dapat iyan ang nauuna at nahuhuli iyong booster. Pero, iyong mga lugar last year na talagang kumuha ng mga vaccination at talagang halos nasa 80, 90% na sila dapat sundan iyan ng booster shot, so that iyong sinasabi ni Secretary Galvez, iyong wall of immunity should be very strong. Kasi, kung humina iyong wall of immunity natin, then possible na magkaroon tayo ng surge in the second half at sana huwag mangyari iyan.

Kasi itong nangyayari sa Ukraine at Russia, kailangan pagtibayin ang mga MSMEs natin and kung magla-lockdown tayo kasi tinamaan tayo ng bagong surge sa second half, then masisira iyong momentum ng mga maliliit na negosyante. At saka itong problema natin sa pagtaas ng presyo ng langis, lahat iyan at mas lalong gagrabe iyong ekonomiya natin kung isama pa natin iyong mga potential lockdowns dahil dumating ang isang surge. So, iyan ang ina-appeal ko sa mga citizens natin na importante ay kunin talaga iyong at least the third shots which is the first booster.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Sir Joey, so puwede po ba nating sabihin na itong mababang booster ay ikinababahala po ng ating economic sector?

SECRETARY JOEY CONCEPCION: Oo, iyon ang isang problema. Iyong sa private sector, iyong binili kasi namin na mga bakuna walang problema sa mga [workers] namin, kasi talagang na-enforce namin at we gave them some incentives. So, talagang halos 100%.

Pero dito sa public sector, iyon ang medyo malaki ang concern natin kasi hindi puwedeng mag-lockdown tayo uli. Kasi, talagang baka mawala iyong momentum.

Ngayon gumaganda iyong negosyo, marami ngayong pumapasok na empleyado, maraming nagha-hire ngayon ng mga tao. So, iyong momentum niyan kailangan lumakas pa lalo kasi [dahil] dito sa mga problema sa ibang bansa katulad ng Ukraine at Russia.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Pero sa palagay ninyo, paano daw po mapapaigting ng pamahalaan itong pagbabakuna ng booster shot, at kaya po ba kayang magbigay ng dagdag pa na incentives para po sa mga may booster shot para daw po makumbinsi iyong ilan na magpaturok nito?

SECRETARY JOEY CONCEPCION: Well, ang balita ko ang gagawin nila ay lalapit sila sa mga tao dito sa mga barangay, sa mga palengke, sa mga talagang nakikita nilang mga lugar na mababa. So, they will go to the people and inoculate them there. So, iyon ang isang malaking bagay. Number two, yes, siyempre iyong incentives malaking bagay rin iyan, pero ang dami na ang nagastos ng national government natin. Sa tingin ko kung may incentive maganda.

Pero, iyong mga citizens natin dapat malaman nila na medyo delikado ang kalagayan natin, ng Pilipinas, kasi ang laki ng utang natin. So, iyong inutang natin dapat bayaran natin, pero kung magla-lockdown tayo kasi walang revenue ang government, mga taxes nila. Baka mahina ang tax revenue collection dahil mahina ang negosyo – diyan masisira ang Philippine economy.

Kaya, itong mga potential lockdown dahil sa waning immunity in the second half – sa tingin ko ang second half ang delikado eh – then mas lalo na we will leave people in a very difficult spot. So, that’s why this early I’m calling on our citizens that they should really take the booster.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Sir Joey, may tanong lang po iyong ating kasamahan sa inyo sa media, si Sam Medenilla po ng Business Mirror. Ito po ang tanong niya: May plano na po kaya ang private sector to start the procurement of fourth dose for their workers? If yes, ilan pong companies kaya ito at ano pong brand ang vaccine ang bibilhin?

SECRETARY JOEY CONCEPCION: Well, ngayon iyong fourth dose namin puwede pang gamitin kasi na-extend sa June. So, halos lahat ng mga empleyado natin ay kumuha na ng hanggang third dose. So tapos na lahat sila diyan, nangyari iyan mga January pa. So tamang-tama by May or June baka aabot pa ang mga vaccines namin for the fourth dose ‘no. Kung hindi, kung may balak iyong government na bumili [para] sa mga citizens natin baka puwede kaming gumawa ng allocations.

Pero kung wala then, mag-uusap kami at okay lang iyong private sector puwede naman naming i-suporta iyan at bumili ng mga bakuna para sa mga empleyado namin. Pero, sa amin walang problema, iyong kailangan natin na maalagaan ay iyong mga micro, small and medium enterprises. So, kailangan iplano ng government iyong [programa] kasi changeover ng administration.

Pero iyong isa pang bagay, kung hindi naman kukunin ng mga citizens natin iyong bakuna ay bakit bibili pa ang government para sa kanila? So, we have to change iyong mindset na iyan ‘no, dapat malaman nila na we are protecting the country itself which is protecting the country’s economy.

USEC. ROCKY IGNACIO: Opo. Iyong sunod pong tanong ni Sam Medenilla ng Business Mirror: Ano na po ang naging impact ng almost month-long implementation ng Alert Level 1 sa mga local businesses?

SECRETARY JOEY CONCEPCION: Well, talagang bumabangon na ang mga negosyante. Iyong mga renta nila dati may discount iyan na malaki ngayon pawala na ang discount kasi gumaganda na iyong [sitwasyon] ng mga negosyante.

At iyong mga micro at small entrepreneurs tumataas iyong kumpiyansa ng mga bangko kaya nagpapautang uli sa mga maliliit na negosyante. So maganda ang nangyayari kasi nakikita natin iyong halos tayo lang sa buong Asia ang nasa magandang lugar. Halos iyong health situation natin na maski may rally walang [infection]. So, mas lalong tumataas iyong kumpiyansa ng mga tao at maski ngayon marami pang sumusuot ng mga mask.

So, these coming months walang problema, sa tingin ko tuluy-tuloy ito. At sabi ng OCTA Research nakikita nila, mukhang wala namang papasok dito. Kasi, kung may rally tayo dapat tumaas iyong kaso pero hindi nangyayari iyan. So, that means iyong wall of immunity natin either due to the vaccination or iyong natural immunity ay mataas. Pero in time, kung hindi sila magbo-booster magwi-wane uli iyan and then we will be at a risk.

USEC. ROCKY IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon Presidential Adviser for Entrepreneurship, Secretary Joey Concepcion. Sir Joey, salamat po.

SECRETARY JOEY CONCEPCION: Salamat Usec. Rocky.

USEC. ROCKY IGNACIO: Dumako naman po tayo sa mga kaganapan sa Region XI. Mga dating rebelde, ipinakilala bilang peace champions. May report si Jay Lagang ng PTV-Davao:

[NEWS REPORT]

USEC. ROCKY IGNACIO: Malinis at patas na hatol ng Bayan 2022 sa Pilipinas. Iyan po ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang ikapitumpu’t pitong kaarawan. Ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Communication Secretary Martin Andanar, simple at tahimik lamang ang magiging selebrasyon ng Pangulo tulad ng nakasanayan ng kanilang pamilya.

Hiling ng Malacañang para sa Punong Ehekutibo: Sana’y patuloy siyang bigyan ng Diyos ng kalakasan para maipagpatuloy ang mahusay na paglilingkod para sa bayan.

Kasabay nito, nagpasalamat din ang Palasyo sa Pangulo dahil sa magandang pamumuno nito na nagresulta nang mas maayos na pamumuhay ng mga Pilipino.

Muli, ang amin pong pagbati: Happy 77th birthday President Rodrigo Roa Duterte.

Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po si Usec. Rocky Ignacio, hanggang bukas pong muli dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center