Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw po ng Huwebes, muli nating makakasama ang mga opisyal ng pamahalaan upang magbigay-linaw sa mga pinakamaiinit na usapin sa ating bayan. Nandiyan din po ang puwersa ng PTV News at Radyo Pilipinas para mag-ulat ng pinakahuling pangyayari sa iba’t ibang dako ng bansa.

At sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio – umpisahan na po natin ang isang oras na talakayan at balitaan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Makakasama natin ngayong araw sa programa sina Chief of Presidential Protocol and Presidential Adviser on Foreign Affairs Undersecretary Robert Borje; DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola; at Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Kung mayroon naman po kayong katanungan, mag-comment lamang po sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.

Sa atin pong unang balita: Walang magiging pagbabago sa testing at quarantine protocols na ipatutupad sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers bilang pag-iingat po sa banta ng COVID-19 at sa variants nito. Giit ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang paghihigpit na ito ay hindi lamang para sa kaligtasan ng mga OFWs at ng kanilang pamilya kundi rin po ng iba pang mga mamamayan. Ang report ihahatid ni Mela Lesmoras:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maliban po sa COVID-19 vaccines, plano din ng gobyerno na bumili ng booster shot sa kumpanyang Moderna. Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., ang naturang booster shot ay maaaring gamitin sa mga naturukan ng iba pang brand ng COVID-19 vaccine. Samantala, pinaghahandaan din ng pamahalaan ang pagtatayo nang mas marami pang mega vaccination sites partikular dito sa NCR Plus. Ang report mula kay Daniel Manalastas:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa iba pang balita: Sa pagsulpot ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa, nanawagan si Senator Bong Go na huwag bahiran ng pulitika ang pagbabayanihan ng ating mga kababayan. Dagdag pa niya, likas na matulungin ang mga Pilipino at iisa lamang ang hangarin ng lahat at iyon ay maiahon ang kapwa mula sa krisis dulot ng COVID-19. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Sa isinagawang virtual forum on Labor Mobility and Human Rights nito lamang pong Martes, muli pong isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang pagbuwag sa kafala system ng ilang mga bansa sa Middle East. Upang himayin ang usaping iyan makakausap po natin sina Chief of Presidential Protocol and Presidential Adviser on Foreign Affairs, Undersecretary Robert Borje at DFA Undersecretary Sarah Arriola. Magandang araw po sa inyo.

Unahin ko po si Usec. Borje. Usec., ano po iyong ilan sa mahahalagang punto na nabanggit ni Pangulong Duterte sa idinaos na virtual forum on Labor Mobility and Human Rights nitong Martes?

USEC. BORJE: Napaka-importanteng mensahe po mula kay Pangulong Duterte ang pagtawag niya sa pagbuwag ng kafala system. It’s a traditional system that is done in the Middle East defining the relationship between the employer and the employee. And para kay Pangulong Duterte, klaro siya sa sinabi niya na ito ay an unjust system at kailangang buwagin dahil nalalagay sa peligro at panganib ang ating mga OFWs.

USEC. IGNACIO: Para po kay Usec. Arriola. Usec., may datos po ba kayo kung gaano karaming Filipino workers sa Middle East ang sakop ng kafala system at ilan po dito ang nakaranas ng matinding pang-aabuso mula sa kanilang mga employers dahil sa sistemang ito?

DFA USEC. ARRIOLA: Actually, Usec. Rocky, basta sinabi mo sa Middle East, aside sa mga global gulf corporation counsel lahat iyan talaga may kafala system. Iyong Bahrain po nauna sila mag-reform pero ngayon talagang patuloy talaga ang pagri-reform ng buong Middle East katulad for example din ng Qatar, tinanggal na nila lahat ng exit visas.

Pero ang pinakamaganda rito, sa Saudi Arabia, we have more than 800,000 Filipinos there, nagsimula na po iyong reform ng kafala since March 14, 2021. Pero ito lang po iyong karamihan na professional kasi most iyong mga nasa domestic po hindi pa pero papunta na rin po dito. Pero malaking bagay po ito kasi more than 800,000 pong mga Pilipino sa Saudi Arabia ang maaapektuhan, Usec.

USEC. IGNACIO: Usec., paano naman nakahadlang itong kafala system sa pagri-repatriate ng mga OFWs ngayong panahon ng pandemic at ano daw po iyong mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan tungkol dito?

DFA USEC. ARRIOLA: Actually, iyon talaga iyong naging pinakamalaking problema kasi kapag kafala kailangan mo ng exist visa. So, kailangan para makalabas ka ng bansa specially dati sa Saudi Arabia kailangan pumayag muna iyong employer mo. Pero dahil sa reform na ito, starting March 14 basta kung sinumang OFW na permanently gustong umalis na ng Saudi Arabia, hindi na niya kailangan ng permiso ng kaniyang employer, puwede na siyang bigyan ng automatic exit visa. So, ang magbibigay nito ang pamahalaan ng Saudi Arabia, so, mapapabilis ang ating repatriation.

Actually, sa Qatar wala na nito tapos kahit na rin sa Bahrain. Pero patuloy talaga siyang nakakatulong sa ating repatriation dahil halos lahat ng na-repatriate natin, 70% po galing sa Middle East, higit-kumulang 400,000 po – 70% iyan sa Middle East po. Mas naging mas mabilis iyon talaga kung wala talagang exit visa pero ngayon mas mapapabilis pa.

USEC. IGNACIO: Usec. Borje, simula po nang manawagan si Pangulong Duterte na buwagin ang kafala noong 2018 matapos iyong Demafelis case, nasaan po tayo sa kampanyang ito at ano po iyong mga bagong progress tungkol dito?

USEC. BORJE: Maraming salamat. Actually, even before 2018, 2016 pa lang the President was very clear kasi dati nga siyang mayor at alam niya personally iyong kinalalagyan at nangyayari sa ating mga overseas Filipino workers na naabuso doon, kung kaya it was already a focus of this Administration on what to do with it. 2018 was an opportunity to reiterate his very strong message regarding the abuses na nangyayari sa ating mga OFWs.

Lingid po sa kaalaman ng ating mga kababayan ay patuloy ang maigting na adbokasiya ni Pangulong Duterte laban sa kafala system. And it’s just also now na naririnig ito sa virtual forum. Pero ako po bilang kaniyang special envoy ay ilang beses nang pumunta sa Saudi Arabia at sa Bahrain para makipag-usap sa kanilang pamahalaan at actually sa Royal family including the King of Bahrain and the Prime Minister to stress the importance of the issue to the President. Para nga kay Pangulo, it’s a basic fundamental right na hindi puwedeng kalimutan or iwaksi lamang ng kahit anong pamahalaan.

And there has been movement, ang ating pamahalaan sa pamamagitan ng DFA, has been working very closely with Bahrain, Saudi Arabia, Qatar, and Oman at nakikita na ngayon ang paggalaw. Pero siyempre, ang gusto ng Pangulo ay matanggal ang buong sistema, mabuwag ito nang buong-buo dahil nga naaapektuhan talaga ang ating mga OFWs. Sa madaling salita, paigting nang paigting ang aksiyon ng Pangulo and it deserves noting that he is the only leader that has actually confronted the issue of the kafala systems straight on. Siya mismo ang nag-describe na ang kafala system ay unjust and unequal and ang nangyayari dito ay ang ating mga tao ay nagiging bingi, nagiging pipi at walang magawa sa kanilang kondisyon.

It’s a risky move for the President because it’s something that’s not really talked about in the open, it’s couched under different terms. Hindi sinasabi na kafala system ang problema pero para kay Pangulong Duterte, itong latest na virtual forum, he tackled it head on na ang kafala system ay talagang dapat mabuwag na and para sa kaniya, because of this relationship and constructive partnership with other countries and other leaders ay mabibigyan, hindi lamang ng isang maliit na puwang kung hindi malaking puwang para mabuksan ang pintuan para talagang ma-address ang problemang ito.

USEC. IGNACIO: For Usec. Arriola, Usec., bigyan-daan ko lang po iyong tanong ng ilang kasamahan natin sa media. Mula po kay Sam Medenilla: After pong mag-issue ng latest opposition si President Duterte for kafala system, may formal request na po kaya ang DFA sa mga Middle East countries to stop ang nasabing practice? If yes, what countries po kaya ang napadalhan ng mga nasabing request?

DFA USEC. ARRIOLA: Well, actually Usec. Rocky, dahil sa Global Compact for Safe, Orderly and Regular Migration negotiations, nandoon na po sa provisions eh, na ang Objective 6, Section 22 (G) and (H) on labor mobility, fair and ethical recruitment, decent work and human rights, at saka non-confiscation of passports. Lahat po kasi iyan naaapektuhan ang kafala.

At ang kabutihan po niyan, lahat po ng Middle East countries nag-adopt ng GCM. Kailangan lang talaga bigyan natin ng kaunting panahon ang ating mga kapatid sa Middle East na mag-reform kasi hindi rin po ganoon kadali iyon. Although all the governments are willing, medyo may resistance po sa kanilang mga citizens and also sa business community kasi mayroon pong financial implications iyon.

Lalo na kung halimbawa, puwede ka ng lumipat ng employer katulad sa Saudi Arabia, after one year. So, ano talaga po, kailangan talaga ng suporta pero naipalaam na natin sa buong mundo ang ating opposition dito sa negotiations sa Global Compact at nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga bansa sa Middle East na nag-adopt ng Global Compact for Migration, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: For USEC. BORJE: Bagama’t nagkaroon po ng ilang provision o reporma sa labor system ng ilang bansa sa Middle East, paano po tayo nakikipagtulungan sa kanila para po tuluyang mawakasan itong kafala system at masiguro iyong karapatan ng ating mga OFWs?

USEC. BORJE: Salamat sa tanong. Actually there is a long standing partnership bilaterally between the Philippines and our partner countries in the Gulf Coast. Alam ni Usec. Sarah iyan and the Department of Foreign Affairs and the Department of Labor and Employment have been at the frontlines of engaging our different partners. Kung titingnan ninyo ang buong sistema matagal na ito na partnerships, pero mas napapaigting pa ngayon, bakit? Dahil at the leaders level na, liderato na ang may direct stake at may direct message on this.

Alam ko sa Bahrain, they have been very working very closely with the Philippines para ma-implement iyong kanilang reform, which is the flexi visa. Iyon iyong—it’s the path to regularization para sa ating mga kapatid na hindi regular doon, na walang papeles. We have been working with them very closely on the system, on how it’s going to be done and it’s the same noong nagkaroon na itong sistema na ito sa Bahrain. We pushed forward and we moved to other countries.

We had Saudi Arabia, which right now has the labor reform initiative. Pero sa likod po nito tahimik po, si Pangulong Duterte ay sumusulat sa kaniyang mga counterparts, sa mga leaders, they match at least the kings, pagkatapos nagpapadala ng mga special envoys. Kung may pagkakataon ay pinaparating ni Pangulong Duterte ang kaniyang saloobin at patuloy ito na nangyayari hanggang ngayon.

In fact, even as we speak, I think because of the forum on migration a lot of governments from the Middle East, from Gulf Coast countries are reaching out again to the Department of Foreign Affairs which hosted that meeting to find out ways to not only move it forward, but to move it forward a little bit faster and importante po ito. Ang pagbabago hindi naman mangyayari ng mabilisan. Dahil of course, iba’t ibang stake holders, pero pagbabago na lahat tayo ay laging umaabante at ito ay patuloy na nangyayari, hindi tayo nagri-retreat ay mahalaga at importante po talaga dito ang role ng ating pamahalaan at lalung-lalo na ng Presidente, when he needs to speak, he need to speak so with the strong and principled voice. Because for President nonnegotiable ang respect for the human rights of our Overseas Filipino Workers and all migrants in general po whatever their status is, so patuloy po kaming magtatrabaho on this.

USEC. IGNACIO: Usec. Borje may tanong lang po si Celerina Monte para sa inyo po: Since Japanese Prime Minister Suga cancelled his trip to Manila supposedly first week of May, will there be a teleconference summit between them; if so, when?

USEC. BORJE: Maraming salamat. The truth of the matter is may plano, pero siyempre nga po noong nagpaplano ang pamahalaan Pilipinas at Japan nasa background naman po namin ang challenges ng pandemya.

At ang sabi po ni Pangulo, based po sa ating press statement kahapon, kung kinakailangan na mabigyan ng panahon ang Prime Minister to attend to a very urgent domestic concerns, he was all out in the support. Kasi if the President where to be in the same situation, he would ask the same thing from his counterpart. And Japan and the Philippines have always been strong partners, strategic partners in fact kung kaya’t dahil sa agreement din na ang COVID-19 ay mataas sa ating agenda at kailangang pagtrabahuhan together and individually suportado po ni Pangulo ang desisyong iyon.

Ganoon pa man, kahit magbago ang plano, tandaan po natin ang pagtutulungan at kooperasyon ay nandidiyan, hindi po iyon nagbabago. So there are ways right now to move forward the agenda, but again we understand that the COVID situation is a bit very, very serious in Japan sa estimation. So sa tamang panahon at sa lalong madaling panahon ay magkakaroon po ng oportunidad na kung hindi man siya tele-summit ay magkakaroon ng phone call at the very least ang ating mga lider tungkol dito.

USEC IGNACIO: Para po kay USEC. ARRIOLA: Usec, ano naman po ang gagawing hakbang ng Pangulo sakali lang na hindi pumabor o matatagalan bago tuluyang alisin ang kafala system, posible bang magpatupad ng ban sa mga OFWs na nais magtungo sa Middle East kagaya po sa Saudi Arabia?

USEC. ARRIOLA: Una, Usec, Rocky, hindi natin masi-second guest ang nasa isip ng Pangulo at hindi rin po ang DFA iyong nagpapatupad ng ban. Pero kami po we are very positive eh, noong nasa forum na ako, sinabi na there is no turning back, dahil nagsimula na po talaga iyong reforms and kahit po iyong Saudi Arabia sinabi niya na nagsimula sa skilled ngayon saka ang semi-skilled at pinag-aaralan na nila para maisama iyong ating household service workers. So tuluy-tuloy lang po iyan at kailangan po tanggapin natin na ang Saudi Arabia pinakamalaki at pinakamayaman na bansa po sa Middle East and iyong leadership din niya talaga eh, makaka-impluwensiya po siya doon sa ibang mga bansa sa Middle East at we are very positive na tuluy-tuloy na po ito.

And I just want to take this opportunity to say this is the new civil rights movement, kasi this is freedom from slavery, this is a human rights issue at tanging si Pangulong Duterte lang po ang nagtaguyod nito at nag-push po talaga and this is part of the Duterte legacy. Kami talaga sa migration, tuwang-tuwa po kami dahil walang iba katulad po ng sinabi ni Usec. Borje na state leader, wala pong ibang Presidente or Prime Minister na sinabi po ito talaga at gumawa po ng stand.

So tuluy-tuloy na po ito, medyo minsan may ibang bansa mas mabagal iyong iba mas mabilis. Kaya there is no turning back and we are very, very thankful to the President if not for him, wala po tayo rito kung nasaan po tayo ngayon.

USEC IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Chief Presidential Protocol and Presidential Adviser on Foreign Affairs Undersecretary Robert Borje at DFA Undersecretary Sarah Arriola. Mabuhay po kayo!

USEC. BORJE: We will continue to be guided by the President’s instruction at kami po ay gagawin ang lahat para maprotektahan at mapangalagaan ang ating mga OFWs. Salamat po!

USEC IGNACIO: Samantala, 500,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ang nakatakdang dumating sa Pilipinas ngayong araw, ito na ang ikalimang beses na makakatanggap ng supply ang bansa ng CoronaVac. Ang unang isang milyong doses na dumating noong February 28 at March 24, ay donasyon ng China sa Pilipinas; habang ang sumunod na 1.5 million doses ay binili naman ng pamahalaan ngayong Abril. Isang milyong doses pa ng CoronaVac ang darating sa bansa kasama ang inaabangang ngayong araw.

Pagdating naman sa vaccine rollout sa kabuuang ay may mahigit 1.5 million doses na po ng bakuna ang naiturok sa bansa ayon po iyan sa NTF against COVID-19.

Gagawin ng araw-araw ng Department of Health ang tagging nito para po sa mga nakaka-recover sa COVID-19. Ito ay para mas maging accurate ang hawak na data ng kagawaran at mas makita ang hospital utilization rate partikular sa NCR Plus. Samantala, mas palalakasin pa ng pamahalaan ang testing strategy para maging mabilis din ang gagawing isolation. Narito ang report ni Mark Fetalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman po tayo kaugnay sa vaccination program at cash aid distribution ng kanilang lungsod. Makakausap po natin si Taguig City Mayor Lino Cayetano. Good morning po, Mayor.

TAGUIG CITY MAYOR CAYETANO: Magandang umaga, Usec. Kumusta po? Good morning. Magandang umaga po.

USEC. IGNACIO: Mabuti naman po. Mayor, extended hanggang May 15 ang pamamahagi po ng ECQ ayuda sa NCR Plus ano po. As of today, ilang porsiyento na po ang naipamahagi sa Taguig City?

TAGUIG CITY MAYOR CAYETANO: Ma’am, ngayon around 66% noong initial batch iyong aming napamahagi na. Iyong 66% ito ho iyong sa recipients dati ng SAP 1, SAP 2, iyong waitlisted at saka iyong 4Ps. So kasalukuyan ho tuluy-tuloy ang aming distribution, a total of around 800 million iyong ibinaba sa atin ng national government at muli kaming nagpapasalamat sa ating mahal na Pangulo. At sinisikap po natin na araw-araw, the funds are distributed safely at iyon ho ang ginagawa natin.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, balita po namin ay nag-u-offer na rin po ang inyong LGU ng home service para po sa mga residenteng nais mabakunahan pero hindi po kakayaning magpunta sa mga vaccination sites ano po. Pero kumusta po ito at paano po mag-avail nito, Mayor?

TAGUIG CITY MAYOR CAYETANO: Yes, Ma’am. Sinimulan namin iyong aming homecare vaccination program. Mapalad naman ho kami sa Lungsod ng Taguig na mayroon na ho kaming dating homecare program kung saan binibisita namin iyong mga bedridden natin na mga kababayan, so this is through our health centers. Ang Lungsod ng Taguig ay 28 barangays, mayroong 31 health centers – lahat ho ito may telemedicine at may mga barangay health workers na umiikot.

So ang kailangan lang ho nila gawin ay tawagan iyong health center, i-schedule ho natin at marami na sa mga kababayan natin noon pa man, naka-enroll na dito sa homecare. Kung hindi pa ho naka-enroll sa homecare, tumawag lang po kayo sa inyong health center ‘no, nasa I Love Taguig Facebook ang mga phone number ho nito at i-schedule ho natin iyong pagbakuna sa inyo kung hindi kayo makakalabas sa inyong bahay. Magkakaroon muna tayo ng assessment and evaluation.

Pero sa kabilang banda ho, iyong mga puwede hong makalabas ng kanilang bahay, ginawa ho natin na very accessible naman po ang ating mga vaccination centers around the city of Taguig.

USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, bakit daw po naisipan ng inyong LGU na buksan na rin iyong malls para po sa vaccination site at gaano po kalaki iyong maitutulong nito para mapabilis iyong vaccination rollout sa lungsod?

TAGUIG CITY MAYOR CAYETANO: Sa totoo po Ma’am, Usec., isa sa mga kailangan nating pasalamatan ay iyong private sector mismo, dahil iyong private sector na matagal na ho na partner ng Lungsod ng Taguig dito sa laban sa pandemya, ang isa sa mga unang nag-reach out sa atin. Hindi lang ho ang SM ‘no, at this point ang Vista Mall, ang Ayala, ang Arthaland, ang Megaworld – all of them already reached out to make our malls vaccination center.

At kasama na rin ito sa suggestion ni Secretary Charlie Galvez at ni Sec. Vince Dizon who visited us. And nakita ho nila kapag nasa mall ho, napakakomportable hindi lang ho ng ating mga health workers pero pati iyong ating mga kababayan ‘no, very accessible to them. So sa Lungsod ng Taguig we are activating around 4 to 5 malls that will be vaccination centers pero bukod doon mayroon pa rin tayong mga 20 to 30 community vaccination centers para ho ito naman iyong mas madaling puntahan, puwedeng lakarin, puwedeng isang sakay lang ng tricycle.

Sa pangkabuuan Usec., ang gusto lang naman natin madaling puntahan ang mga vaccination centers at very accessible. Iyong nakikita ninyo ho sa screen, iyan ho iyong isa pa naming ni-launch ‘no, iyong Vaccination Bus. So sa kasalukuyan we have 2 Vaccination Bus, iikot ho iyan sa mga iba’t ibang komunidad para ho mag-vaccinate din po.

USEC. IGNACIO: Opo. Dahil po sa kakulangan nga po sa vaccines ano po, sa tantiya ninyo anong buwan po masisimulang mabakunahan iyong nasa A4 list at may kumpletong listahan na rin po ba kayo nito, Mayor?

TAGUIG CITY MAYOR CAYETANO: Ngayon po inaasahan ho namin iyong balita ninyo ho kanina na may darating na 500,000 na 2 batches. Inaasahan ho namin sa lalong madaling panahon makaka-move na tayo sa A4 bagama’t sa A2 at A3 ‘no, iyong seniors at may comorbidity, marami pa tayong trabahong kailangang gawin. Sa pananaw ho natin, in a matter of 2 to 3 weeks puwede ho natin ito gawin nang sabay.

Ang isa sa mga suggestion ng Lungsod ng Taguig ay habang binabakunahan natin iyong A2 at A3 sa ibang mga vaccination centers, puwede naman iyong ibang vaccination centers buksan natin para sa A4. Ang importante lang naman ho dito ay may naka-allot tayo para doon sa populasyon ng A2 at A3 pero sa sektor na ito, mayroon pa tayong konting vaccine hesitancy, bagama’t tuluy-tuloy ho iyong pagbabakuna sa Lungsod ng Taguig.

Siyempre ho kapag bumuhos na iyong bulto ng ating mga vaccines, iyong isang kailangan talaga natin i-address ay iyong malaking porsiyento pa rin ng ating mga kababayan na ayaw pa magpabakuna. Pero patuloy ang ating pag-apela sa ating mga kababayan that vaccination will be a key strategy in keeping us safe in this pandemic and to end the pandemic.

USEC. IGNACIO: Opo. Kahapon, Mayor, ay nakausap po namin o na-interview namin ang DICT at hinihikayat po nila iyong mga lokal na pamahalaan na mag-submit po ng master list ng mga pangalan para sa Vaccine Information Management System o VIMS. Napapabilis daw po kasi nito iyong profiling sa pagbabakuna kagaya ng nangyaring testing sa San Juan. Kayo po ba ay naka-comply na rito at kailan ninyo po balak gamitin ang VIMS?

TAGUIG CITY MAYOR CAYETANO: Opo, Ma’am. Bago pa man ‘no nag-reach out iyong DICT, since last year ang City of Taguig already migrated to a digital platform. So ngayon po, kasalukuyan, ang paraan para mag-enroll dito sa Taguig vaccination ay online, we have a Taguig TRACE app. This can be accessed through websites, it can be accessed through an application dito sa Google Play or sa App Store at mayroon din kaming mga barangay stations kung saan puwede doon pumunta iyong ating mga kababayan. Bukod dito, mayroon ho tayong door-to-door process. So we agree with the DICT, napabilis talaga iyong proseso namin. In fact as they begin their rollout, kami ho nasa mga 25,000 na iyong nababakunahan namin using the TRACE program and as always ‘no, we’re happy to share and exchange our information.

Pero Ma’am iyong apela namin kasi sa DOH at apela rin ito ng maraming mga mayor, iyong A4, gusto ho namin ay ang A1, A2, A3, A4 kapag binakunahan ho kasi natin iyan, mayroon naman hong dokumento na kaakibat. Kasi iyong magsa-submit ka muna ay nakakabagal sa proseso. Halimbawa ho sa A1, iyan iyong mga medical health frontliners natin saka mga emergency services. Hiningian ho kami ng numero so bumaba ho kami sa stakeholders natin, sa ating mga public at private health care workers, kumuha tayo ng numero. So sabihin natin that is 9,000 – pagkatapos natin mabakunahan iyong 9,000 biglang mayroon pa pala na mga doctors or mga nurse na lalapit sa atin na part ng A1 na resident pala natin or nagtatrabaho sa ating lungsod, wala na ho sila doon sa 9,000.

So ang apela naming mga mayors ay iyong A1, A2, A3, A4 basta ibigay sa amin iyong bakuna tapos noon kapag binakunahan namin, sina-submit naman namin automatic ang requirements doon sa bawat kategorya. So may kaunti pa kaming pag-uusapan ng DOH but that proposal has already been put forward by the Metro Manila Mayors in a dialogue with the Department of Health. Kasi ho kapag hiningi muna natin iyong impormasyon tapos noon may nagkulang, pagdating sa pagbabakuna baka maaantala po.

USEC. IGNACIO: Opo, tama po. Mayor, mayroong nari-report ang isang LGU dahil dalawa o higit pa daw pong COVID positive iyong nananatili sa iisang kuwarto ng quarantine facility. Ang paliwanag diyan daw po ay dahil nagkukulang daw po sa pasilidad. So sa inyo po, paano ninyo po naiiwasan iyong mga ganitong sitwasyon sa Taguig?

TAGUIG CITY MAYOR CAYETANO: Well, dalawang bagay. So unang-una po, we’ve added quarantine facilities. So kung naalala ninyo ho the Joint Task Force visited the City of Taguig around September last year. Iyong maganda ho naming pasilidad, ang tawag namin iyong Lakeshore Hotel Quarantine Facility in-expand ho namin iyon kasi napuno na rin ho ‘no.

Ang Taguig ho hindi ho immune sa surge bagama’t nananatili kaming isa sa pinakamababang lungsod dito sa NCR, noong tumaas ho ang mga kaso sa NCR, talagang tumaas rin ho kami so napuno ho iyong mga dati pa naming nahanda. So the LGU has long prepared our quarantine facilities, maluwag ito, madami ito ngunit noong nagkaroon ng surge, napuno rin ito. So what we did is we contracted 2 more quarantine facilities and iyon medyo nakaluwag ho kami nang kaunti pero nasa 80 to 90 percent. So iyon ‘yung una ho ‘no, nagdagdag kami ng quarantine facilities.

Pangalawa ho sinisilip namin iyong matagal na rin ho naming napag-usapan ng DOH at binigyan naman kami ng pahintulot doon sa mga may kayang mag-home quarantine – mayroon ho kaming telemedicine at serbisyo para puwede ho silang sa bahay magpagaling pero sigurado ho tayong hindi nila mahahawaan iyong kanilang mga kasama sa bahay. May checklist naman ho tayo doon.

So sa mga kababayan natin na hindi kailangan mag-quarantine, titingnan ho namin kung sapat iyong kanilang bahay para ho sila ay ma-isolate at tutulungan namin iyong kanilang pamilya o kasama sa bahay para ho sila maalagaan. At mayroon tayong telemedicine service para may kausap silang doktor at may standby rin na ambulansiya kung sakaling kailangan nila nang mas nakatutok na care o kailangan dalhin sa ospital o sa isang clinic.

So two-fold po: Iyong home quarantine and then the expansion of our quarantine facilities.

USEC. IGNACIO: Mayor, base po sa sitwasyon sa mga hospital at cases sa inyong lungsod, sa tingin ninyo po ba ay dapat i-extend ang MECQ sa NCR Plus ngayong pagpasok ng Mayo?

TAGUIG CITY MAYOR CAYETANO: Well ‘pag tiningnan ho natin iyong hospitalization, problema pa rin po ito. So hospitalization, we’re still at a critical level. Pagdating naman ho sa mga pangangailangan ng mga kababayan ho natin ay marami na tayong mga kababayan na kailangan na bumalik sa trabaho, gusto na bumalik sa trabaho. So I think that’s the critical balance ‘no that the IATF will have to make.

Ako ho bilang mayor, naniniwala ho akong kung handa ho at sapat ang ating mga kama at ospital, kaya na natin magbukas. So hanggang—hindi ho natin mapu-prolong ‘no iyong quarantine classification natin nang napakahabang panahon dahil maraming kababayan na natin ang naghihirap. Although we are always careful to make sure that we do not go into a deeper surge.

So ako lang ho, iyong constant appeal namin sa DOH at sa IATF is really to check hospitalization. Kaming mga mayor ho as far as one month ago sinasabi na ho namin na ang hospitalization ang kailangang tutukan dahil ho ang mga LGU hospitals, iyan ho iyong unang pinupuntahan. Iyong mga tertiary hospitals, iyong mga malalaking ospital later on ho iyan pero usually iyong LGU hospital, iyan ho iyong first stop.

Ito ho iyong tinulungan ng ating mahal na Pangulo through the Malasakit Centers ‘no, a lot of these are local hospitals.

So kami ho, una naming nakikita iyong bugso at ‘pag nag-refer kami sa mga tertiary hospitals at hindi matanggap iyong ating mga kababayan, doon namin nararamdaman na napupuno na iyong ating mga ospital.

So I think as long as matutukan natin iyong hospitalization at sa huling ulat naman ni Secretary Charlie ay we’ve been building modular facilities to expand our capabilities. Sa palagay ko naman ho the IATF will guided doon sa desisyon nila sa pagbukas or sa pag-extend ng ating classification.

USEC. IGNACIO: Mayor, nagsulputan po ang community pantries sa iba’t ibang lungsod ano po. So kayo paano ninyo po minu-monitor, kung mayroon man po sa inyo, kung nasusunod pa rin iyong health protocols sa mga ganitong uri ng inisyatibo sa inyong lungsod, Mayor?

TAGUIG CITY MAYOR CAYETANO: Sa amin ho, sa lungsod ho ng Taguig masaya ho naming niyayakap ‘no lahat ng gustong tumulong. Pero kahit ho PNP iyan at ang PNP at ang AFP ay marami rin hong mga community either medical mission, relief mission sa Lungsod ng Taguig, all of them have to follow our health and safety protocols.

So bukas na bukas ho kami at niyayakap namin lahat ng gustong tumulong ngunit kailangan ho mag-abide sila by our safety and health protocols.

So ang ginagawa lang ho natin simple ho, ‘pag may nakita ho tayo lumalapit ho tayo, tinutulungan natin. If we can provide people to help iyong sa social distancing, mag-provide ng gamit, mag-provide ng PPEs. So what we try to do in the City of Taguig is really to engage everyone who wants to help and to empower them so that alam rin ho nila iyong rules dito sa Lungsod ng Taguig dahil medyo istrikto talaga tayo pagdating sa pag-implement ng ating safety protocols. At isa sa mga rason iyon kung bakit nananatili tayong isa sa may pinakamababang kaso dito sa NCR.

So we welcome it but at the same time ho let’s be conscious of our health protocols dahil kahit sino po, kahit gobyerno ang magbigay ho ng ayuda or relief sa ating lungsod, we want to make sure it’s safe and that we do not host any other infections or surges.

USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat sa inyong oras, Taguig City Mayor Lino Cayetano. Ingat po kayo, Mayor.

TAGUIG CITY MAYOR CAYETANO: Thank you, ma’am. Regards to the team. Maraming salamat po.

USEC. IGNACIO: Salamat po. Samantala, tuluy-tuloy po ang pagtulong ng tanggapan ni Senator Christopher ‘Bong’ go sa mga labis na naapektuhan ng pandemya sa Iligan City, Zamboanga City at sa Cagayan de Oro – hinatiran naman po ng tulong. Narito ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman natin ang iba pang ulat mula sa mga lalawigan. Makakasama natin si Czarinah Lusuegro ng Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Czarinah Lusuegro, mula sa Philippine Broadcasting Service.

Makibalita naman tayo sa Davao may report ang aming kasamang si Regine Lanuza, Regine?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Regine Lanuza.

Mula naman sa Cebu, may ulat ang aming kasamang si John Aroa, John?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa base sa report ng DOH kahapon, April 21, 2021. Umabot na sa 963,307 ang total number of confirmed cases, matapos makapagtala ng 9,227 na mga bagong kaso. 124 na katao ang mga bagong nasawi, kaya umabot na 16,265 ang total COVID-19 deaths.

Ang mga kababayan naman natin na naka-recover na sa sakit ay nasa 829,608 matapos po makapagtala ng 19,699 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay nasa 116,434.

Tandaan kung may nararamdaman kayong sintomas ng COVID-19 makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Center. Maaari rin po kayong tumawag sa hotline na 02-89426843 or dial 1555 para kumonsulta. Nandiyan din po ang One Hospital Command Center hotlines, upang tulungan kayo na ma-admit sa pagamutan kung kinakailangan.

Bago po tayo magpaalam, kami po ay nakikiramay sa aming Kalihim na si PCOO Secretary Martin Andanar, pumanaw na po ang kaniyang ama na si Wencelito Andanar ngayong araw sa edad na 73. Ayon po kay Secretary Andanar, liver cancer po ang naging sanhi ng pagpanaw ng kaniyang Ama. Muli taos-puso po kaming nakikiramay sa mga naulila.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Tandaan mag-mask, hugas, iwas. Sumunod din po tayo sa mga ipinatutupad na minimum health standards upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita muli tayo bukas dito lamang sa Public Briefing #LagingHanda PH.

##


News and Information Bureau-Data Processing Center