Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network, Inc. (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayong araw po ng Sabado, mga isyu na mahalagang malaman ng publiko ukol sa COVID-19 at ang inaprubahan na one time financial assistance ng Pangulo sa mga pensiyonado ang ating hihimayin at bibigyang linaw kasama po ang mga panauhin mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Sa ngalan po ni Secretary Martin Andanar, ako po si Usec. Rocky Ignacio, halina at makibahagi sa ating talakayan dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina SSS President and CEO Aurora Ignacio; Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo; at Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kung mayroon naman kayong katanungan mag-comment lamang po sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.

Sa ating unang balita: Muling nanawagan si Senator Bong Go sa PhilHealth na bayaran na ang natitirang utang sa mga ospital upang magkaroon sila ng sapat na pondo para gamutin ang mga COVID-19 patients. Nakikiusap din ang senador sa mga ospital na isumite naman ang mga hinihinging dokumento ng PhilHealth para mapabilis ang proseso ng kanilang claims. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Dahil po sa kakulangan sa supply ng bakuna sa buong mundo, pinag-aaralan na rin ng mga eksperto sa ibang bansa ang pagbibigay ng magkaibang bakuna sa isang indibidwal. At upang alamin ang developments sa paksang iyan, makakausap po natin si Dr. Lulu Bravo, ang Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination. Magandang araw po, Doc!

DR. BRAVO: Magandang araw naman, Usec. Rocky. Thank you for having me today.

USEC. IGNACIO: Ano po ba iyong posibleng maging initial response ng immune system ng isang tao na tumanggap ng magkaibang brand ng bakuna?

DR. BRAVO: Actually, it remains to be investigated. But there is no harm. In general, maraming mga nangyayaring ganiyan, even before, hindi lang dito sa maaaring mangyaring sa COVID.

Kasi kami, mga pediatrician doon sa mga bata nangyayari iyan, kapag nawala iyong isang brand, tinatanong na ng mga doktor, puwede po bang gamitan natin—for example, iyong pneumococcal vaccine di ba, may PCV10 at may PCV 13. Kung minsan nauubos or walang supply iyong PCV10 or iyong PCV13 and three doses ang kailangan noon, kaya kung minsan nagtatanong sila. Ngayon kung talagang wala, they could use it.

Pero ganito, walang kumpanya pa na gumagawa ng ganitong pag-aaral na imi-mix mo iyong bakuna nila sa iba, that is never done before. But now with the pandemic, sinabi mo kanina narinig ko, na mayroon ng mga kumpanya. Even Chinese companies di ba at saka even iyong ibang kumpanya nag-i-isip na talaga na kapag kulang iyong bakuna at wala kang ibang magamit for the second dose, posible talaga na maggawa ka ng ibang brand or ibang bakuna at titingnan mo ngayon kung talagang ganoon pa rin ang efficacy. Kasi ganito iyan, hindi naman makakasama kaya lang iyong efficacy magbabago.

USEC. IGNACIO: Ito nga po, pagdating nga doon sa sinasabi natin ng pagmi-mix and match ng mga bakuna, ano ba iyong mahalagang features ng COVID-19 vaccines brand na kinu-consider. Kasi gaano po iyong magiging kalaki iyong chance na nabanggit nga po ninyo kanina na mabawasan o madagdagan iyong effectiveness ng dalawang pinagsamang vaccines?

DR. BRAVO: Yes, may possibility talaga na mag-iiba kung ang ginamit mo ay ibang bakuna. Sabi nga natin, posibleng magdagdag ka ng efficacy or tumaas, posible rin na bumaba or posibleng the same, it remains to be seen. Pero hindi masama, hindi makakasama kung makapag-iba ka or mabago.

Ngayon, we usually think na kung magkamukha iyong bakuna, baka pareho sila ng efficacy, hindi masyadong magbabago. For example di ba doon sa Astra, it’s a protein sub-unit plus an adenovirus viral vector; ganoon ang kapareho ng J&J; ganoon ang kapareho ng Gamaleya.

Doon naman sa isang bakuna, kapag pinagsama mo, magkamukha sila, most likely, I would speculate and this is speculation, na halos pareho, kasi kung titingnan mo iyong dati nilang efficacy eh maaaring tumama doon sa kanilang ni-report na efficacy. Pero kung sakali at ang imi-mix mo naman ay naiibang klase ng vaccine like for example ito iyong Sinovac, Sinopharm na inactivated, whole cell at iyon naman ang gagamitin mo na second dose, iyan ang medyo magkalayo ang itsura bakuna di ba; so ito talagang iisipin mo ano nga kaya ang mangyayari.

And it really might be a little bit different or even a massive difference doon sa efficacy. So it remains to be seen kung ang posibleng gawin ng ating mga kumpanya na magsasagawa nitong ganitong pananaliksik.

USEC. IGNACIO: Pero Doc, papaano ninyo—halimbawa, itong isang bakuna na ginamit at bibigyan ng ibang brand ng bakuna. So papaano po natin mai-identify kung sakali pong magkaroon ng adverse effect, kung anong bakuna iyong posibleng naka-apekto sa isang individual?

DR. BRAVO: Well tama ka diyan Usec. Rocky, doon magkakaroon ka ng confusion kung ang iyong bakuna ay wala pa halos one month, although ngayon ang sinasabi natin ng interval noong first and second dose, ang pinakamaigsi na ngayon is three weeks, ‘di ba.

So most likely ang iyong interval between the first and second dose na naiibang bakuna could be hopefully as long as 12 weeks siguro para sa ganoon makita muna natin ang magiging adverse event noong naunang bakuna bago tayo magbigay ng second bakuna.

As you know, the appearance, iyong paglabas ng adverse events, most likely comes in during the first month, 28 days after the vaccine is given. So iyon iyong tinatawag nating medyo i-credit mo na doon sa naunang bakuna and then after 30 days or one month, you know 28 days, posible mo na ngayon masabi na kung may ibibigay kang second dose, doon mo na iki-credit iyong makikita mo, kung may makikitang adverse event dito sa second dose. That’s the general principle.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon naman kay Secretary Carlito Galvez, pinaplano ng pamahalaan na bumili ng booster shot ng Moderna na compatible daw po sa ibang brand ng vaccines. So, may latest update na po ba kayo sa clinical trials ng Moderna sa kanilang booster shot at ano rin po iyong pinagkaiba nito sa usual brand ng COVID vaccines?

DR. BRAVO: Unfortunately, Usec., wala pa tayong nasa kamay natin na pag-aaral tungkol doon sa Moderna vaccine. Pero ang kamukha niya ay iyong sa Pfizer, they are both mRNA. So magkaibang-magkaiba iyan kaysa doon sa Astra at saka doon sa Sinovac. Kasi itong mRNA genetic code. Iyong ‘yung sinasabi natin na pinakamodernong paraan ng paggawa ng bakuna ‘di ba. These Pfizer and the Moderna use a genetic code noong protina na nakaka-produce ng antibodies.

So Sinovac whole cell iyon ‘di ba? Unlike doon sa AstraZeneca na iyong protein, spiked protein eh sinamahan ng adenovirus para lumakas iyong immune response. Itong sa mRNA we know it is just a genetic code na itutusok mo sa katawan upang maka-generate or maka-produce ng protein. Ipu-produce niya iyong protein na spiked protein at iyong ang makaka-produce noong tinatawag nating antibodies.

So parang two-step process ‘di ba? Iyong mRNA two-step process iyan para maka-generate ang ating katawan ng antibody. Ngayon magkaiba iyan, so pag-iibahin mo ngayon iyong tinatawag nating next brand, we use Moderna for someone who has had an Astra first dose, ano kaya ang mangyayari? Well, as we say, it may still have to be intensively studied. Titingnan pa natin, unfortunately wala pa tayong nakikitang datos tungkol diyan.

But I could really speculate again, speculation lang ito, na mukhang posible namang mangyari at may maaaring magandang resulta rin or outcome. Pero kung gagawin nila, mas maganda talaga na maipakita rin nila sa atin iyong mga antibodies na mapu-produce. Is it the same level as what a second dose of Astra will be or will it increase? Remains to be seen, Usec. Rocky!

USEC. IGNACIO: Opo. Pero tama ba Doc na itong parating na bakuna mula po sa Gamaleya ay may liquid and powder form? Paano po iyong administration nito sa pagbibigay nito sa ating mga kababayan?

DR. BRAVO: Well, I don’t have the exact details of the Gamaleya vaccine. What I know from the literature is that two doses ang Gamaleya, okay, and the first dose has a different form of viral vector than the second dose. Like the first dose is similar to the Astra vaccine, Adenovirus 26 ang ginamit nila, alam mo may mga label din iyan. And on the second dose of the Gamaleya, they use a different adenovirus – it’s called Adenovirus 5.

This is the way it was used. Magkaiba iyong first dose at iyong second dose. And I supposed this is how they really showed then maganda ang efficacy ng Gamaleya. I think it really simulates or halos kapareho noong sa Astra at saka noong sa J and J din ‘di ba, up to as much as 80/90 – 90+ percent for moderate to severe and prevention of hospitalization. So parang magkakapareho ang kanilang efficacy.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc, ayon po sa pag-aaral naman sa Britain, 21 days daw po matapos na ma-administer iyong bakunang AstraZeneca o iyong Pfizer, lumalabas na bumaba ang kanilang infection rate by 65%. Iyong mga nakaranas naman daw po ng symptoms bumaba ng 74% habang nasa 57% naman po sa asymptomatic. Naobserbahan na rin po ba natin itong mga ganitong epekto sa ilang mga nabakunahan ng AstraZeneca dito sa ating bansa?

DR. BRAVO: Alam mo, it’s still too early to say the effectiveness in the real world. But I can tell you something, Usec. Alam mo kasi I’m working in Pasay and I’m doing my vaccine trials there and you know of course, na Pasay was of those early on, sometime in the middle of March hindi ba, parang Pasay biglang bumulusok, ang dami-daming kaso. And thanks to the, well, the Mayor and the health officials there, they started talaga bombarding people – elderly, health frontliners with vaccine.

At maganda ang naging resulta, I think, kasi hanggang ngayon nandoon ako eh at nakita namin na definitely ang dami talagang nagkaroon. Pati nga mga staff ko eh natakot, mayroon talaga kaming mga health frontliners na nagkaroon. But maganda iyong rollout nila ng bakuna and right now nakita mo naman, sino ngayon ang may pinakamataas? Hindi na Pasay ha. Noon talaga ang dami ng Pasay, tumaas pero nakikita namin ngayon bumababa na.

That is what we call effectiveness in the real world kasi although maaga pa, if you really work out and do your vaccination strategies, uunahin mo iyong mga health workers, susunod iyong mga elderly kasi sila iyong mga talagang madaling mahawaan at namamatay agad o madaling mamatay sabi nga natin. Now we are going to that and then iyong mga may underlying condition or iyong may mga comorbid ‘ika nga, iyon ang ating frontliners at priority ‘di ba.

And I can feel it but it is just observation. It does not have the actual datos pa natin. But what I can tell you is talagang bumaba na from the early on, iyong middle of March, talaga naman awang-awa ako sa aming mga frontliners doon, talagang takot na takot sila. Kasi talaga naman, Pasay was really up there. Ngayon medyo bumababa na ‘di ba, tingnan mo status [overlapping voices].

USEC. IGNACIO: Opo. Pero Doc, sa inyo pong monitoring, gaano po karami iyong nakaranas ng adverse event noong simulan ang vaccination rollout sa bansa at anong bakuna rin po iyong may pinakamaraming naitalang nagkaroon ng adverse event?

DR. BRAVO: Ah, thank you Usec, for that question. I think yesterday our FDA, Dr. Domingo, already announced officially kung ano iyong nakitang mga adverse events after more than a million doses given and more than a million of our countrymen have had at least two doses. Sabi nga nila 500,000 ang two doses ng Sinovac and another 500,000 for one dose of Astra.

And what we have seen so far is, ito the good news ‘di ba, the good news is wala tayong nakitang masamang epekto ng bakuna. Napakaganda ng ating surveillance. I can tell you honestly, ang ating mga eksperto and I’m proud to say I’m part of that, tinututukan talaga iyong adverse event at lahat ng aming mabalitaan – iyon nga lang hindi lahat ng mabalitaan mo ay tama, iyon ang masaklap doon ano – pero iyong talagang tiningnan namin, inimbestigahan namin, pinag-usapan namin, kumuha kami ng mga espesyalista para tumingin doon sa mga kaso na mga serious, particularly iyong mga serious, mga naospital, iyong mga namatay, okay. Ang nakita doon walang masamang naging epekto ang bakuna. Kasi alam mo totoo naman may namatay, I think ang report ni Dr. Domingo is 24 ang namatay after vaccination within the period of at least 1 month.

Pero alam mo ang karamihan ng namatay ay iyong may COVID and definitely this is because, number one, mayroong nabakunahan na mayroon ng nag-i-incubate na COVID. Number two, iyong mga hindi pa nag-i-epekto iyong bakuna. Kasi alam mo ang bakuna magiging effective lang, two weeks after the second dose right. Eh iyong Astra, wala pang second dose.

So sa Sinovac naman you need two doses and then two weeks after doon natin makikita ang effectiveness; so mayroon talagang nagka-COVID pa after or right after mabakunahan. At doon I think out of the 24, parang nine doon ang namatay ng may COVID.

And then mayroon tayong nakita na hindi naman related sa vaccine ang kanilang naging sakit, kagaya na mayroong nag-heart attack, mayroong nagkaroon ng vaccine aneurysm, mayroong nagkaroon ng stroke. Pero noong inimbestigahan natin ay hindi naman related talaga directly to the vaccine. Alam mo naman araw-araw mayroon ding namamatay sa heart at sa stroke. So kapag po pinagtabi-tabi mo iyong mga datos na iyon, wala tayong makikitang mataas na statistics na maaaring makita mo doon sa mga nabakunahan.

So iyan ang tinitingnan natin, kasi alam mo importante na iyong ating experts would be able to relay or masabi sa ating mga mamamayan na talagang itong bakuna kung mairi-relate natin at kapag may nakita tayong safety signal ika na, kapag may safety concern, mayroon tayong karapatan na itigil iyong pagbabakuna or sasabihin natin, ia-advise natin sa ating FDA at DOH. Kami is advisory, sasabihin namin ito po ang nakita namin. Hindi ba?

But at the moment, I can tell you honestly, so far, maganda po ang nagiging epekto ng bakuna.

USEC. IGNACIO: Doc, bigyang daan ko lang po iyong ilang tanong ng ating mga kasamahan sa media ano po.

Tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Ngayon daw pong pinayagan na ulit ng US FDA iyong paggamit ng bakuna ng Johnson & Johnson, ano po ang tingin ninyo na dapat gawin ng mga nagbabakuna sa atin para maiwasan iyong isyu ng blood clotting?

DR. BRAVO: Right. Alam mo iyong blood clotting, tinututukan natin iyan, tiningnan natin iyong mga tinatawag na scientific literature and journal kung ano talaga ang ibig sabihin ng nangyayari sa mga pasyente na my blood clot. And we have seen na kaya siguro itinuloy iyon ng J&J na after investigating nakita nila, na-realize na napakaliit ng tiyansa na mag-blood clot. In fact, it’s even less than one per million na babakunahan mo. Mas malaki ang benepisyo doon sa 999,999 di ba, out of a million malaki iyong magiging benepisyo ng bakuna, kaysa kung magkaroon ka ng one of that one million na blood clot at ikukumpara mo iyan doon sa let say nagkakaroon din ng blood clot, doon sa mga let’s say nagku-contraceptive. Eh gumagamit din tayo ng contraceptive especially for females and that can also cause ng blood clot.

And in fact, mas mataas nga ang tiyansa na magkaroon ka ng blood clot doon sa mga gumagamit ng contraceptive. I think it’s 1 out of 250,000. So, kung ikukumpara mo sa bakuna, eh napakaliit nung tiyansa na iyon.

Therefore, iyong benepisyong makukuha mo, huwag nating ipangamba na gamitin ulit iyan, kasi ganoon talaga ang bakuna eh. Number one principle, safety above all else, kailangan makita mo na walang safety signal iyan, hindi makamamatay ang bakuna.

And number two, iyong benepisyo na makukuha mo sa bakuna far outweighs, napakalaking benepisyo kung ikukumpara mo doon sa tiyansa o doon sa maliit na danger or risk na makikita mo habang pinag-aaralan iyong bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Iyan din po iyong naging tanong ni Rida Reyes sa inyo ng GMA News. Kasunod pong tanong naman ni Red Mendoza: Nanatiling mababa po ang mga kaso ng adverse reaction nga dito sa ating bansa, samantalang marami na rin po iyong nakukumbinsi na magpabakuna. Ito po ba daw ay senyales ng pagbabalik ng tiwala ng tao sa mga bakuna?

DR. BRAVO: Tama ka diyan, Usec. Ako talagang nananalangin everyday na mapaliwanagan ang ating mga kababayan at maliwanagan sila na talagang ang bakuna ang magiging susi natin para makalabas sa pandemya.

Just look at what’s happening in Israel now, manood ka lang doon sa—well mayroon tayong internet, tingnan ninyo, 80% na ang nabakunahan sa Israel. What has happened sa labas, puwede na silang magtanggap ng mask nila, marami na doon nagtatangal at nag-i-enjoy na sila ng outdoors, pero maingat pa rin sila sa indoors. Kapag nasa loob sila ng mga building, nagsusuot pa rin sila ng mask, ayaw pa rin nila noong maliit na tiyansa na mayroon pa ring mangilan-ngilan na hindi nabakunahan na maari pa ring magdala ng sakit.

Pero, you can see how enjoy na sila doon sa kanilang buhay, nakakatuwa nga kapag nakikita mo sila sa labas.

And then you can also see some parts of the US, iyong mataas na rin ang bakuna nila di ba. Sabi nga nila kapag tiningnan mo iyong Blue State, sabi nga nila iyong Blue State, doon medyo kampante sila. But this does not mean na kampante na rin tayo eh 1 to 2% pa lang yata ang nating nababakunahan. Di ba eh 1 million, eh 100 million ang population natin, so malayo pa tayo doon sa 70%.

Pero honestly, even sa UK, nag-u-umpisa ng bumagsak—ah hindi pala nag-umpisa, bumagsak na iyong kanilang incidents ng COVID-19.

So doon sa mga bansa na talagang makikita mo ang mataas na level ng bakuna, ang ganda na ng nangyayari and this is what we need. Kapag dumating ang bakuna po, magpabakuna na po tayo sapagkat iyan po ay dumaan naman sa ekspertong pag-i-imbestiga at talaga naman pong ititigil kung kailangan. Pero kung nakita na pong itutuloy, kagaya ng J&J, kagaya ng Astra, ganiyan po ang ginagawa sa pananaliksik. At hindi po natin pababayaan na ang ating mga mamamayan ay magkaroon ng harm, kasi importante po iyan, ang bakuna ay hindi dapat makasama iyan po ay upang makapagligtas ng buhay, kaya po iyan ginagamit ng ating mga eksperto, mga doktor. Over to you, Usec.

USEC. IGNACIO: Doc, ngayon po iyong unang araw ng World Immunization Week ano po, ano na lamang po iyong nais ninyong iwang mensahe sa ating mga kababayan para sa araw na ito?

DR. BRAVO: Thank you, Usec. Yes, the last week of April is always World Immunization Week. For so many years, the Philippines Foundation for Vaccination has been celebrating this with seminars, with vaccinations ha. We have been going to different places trying to raise the awareness.

Now given vaccines, you know, vaccines work. The theme for this year 2021 is that “Vaccines Makes Us Closer!” That is the theme for the World Immunization Week this year. And why does vaccine—why will a vaccine makes us closer, hindi ba maganda kung dream iyan na makabalik tayo sa pagkakaroon natin ng social life ulit, nakakapagsama-sama tayo ulit dahil tayo po ay bakunado na. Dahil po tayo ay sumusunod doon sa minimum public health standards of masking, hugas at iwas, hindi ba.

Ang ganda ng inyong slogan eh, madaling tandaan di ba: MASK, HUGAS at IWAS. Ang ganda niyan!

But bakuna should be the major key para po tayo talaga makapag-enjoy ng being closer together. That is what every year April, last week is all about makakapagsama-sama po tayo. Pero maganda rin siguro bago ako magpaalam or iyong naalala po ninyo na noong panahon ni Secretary Flavier ng DOH, tuwing Abril po there was four consecutive years na ang Abril po ginagamit pagbabakuna sa catch up para sa mga bata, milyun-milyon po ang binabakunahan noon, do you remember USec.? Ano ka ba noon, teenager ka na ba noon, noong 1990s when Secretary Flavier would give 5 to 8 million children aged 8 years pababa ng measles, DPT, polio, every month of April.

That was a marvelous accomplishment ni Senator Flavier that led us to eradicate polio, led us to disappear iyong measles di ba? And this is what we aim to do now. We really aim to establish that people become conscious of immunization, kung puwede po all throughout the year, pero iyong Abril po talagang naka-dedicate iyan para sa immunization. And we can really hope to bring us out of this pandemic with immunization. So thank you very much, USec.

USEC. IGNACIO: Doc, kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon. Dr. Lulu Bravo, ang Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination. Doc, salamat po.

DR. BRAVO: Thank you rin, Usec.

USEC. IGNACIO: Samantala, mga musikero na nawalan ng pagkakakitaan dahil sa pandemya hinatiran ng tulong ni Senator Bong Go. DSWD tuluy-tuloy rin ang pagtanggap sa mga kababayan nating nangangailangan ng ayuda. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, puntahan naman po natin ang iba pang ulat mula sa mga lalawigan. Makakasama natin si Aaron Bayato ng Philippine Broadcasting Service.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato mula sa Philippine Broadcasting Service.

Samantala, narito naman ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng DOH kahapon, April 23, 2021 pumalo na sa 979,740 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 8,719 na mga bagong kaso ang kagawaran. 159 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na po ito sa 16,529 na ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman po natin na naka-recover na sa sakit ay umabot na sa 860,412 matapos makapagtala ng 13,812 new recoveries kahapon. Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay nasa 102,799.

Tandaan, kung may nararamdaman kayong sintomas ng COVID-19, makipag-ugnayan sa inyong barangay health center o gumamit ng mga telemedicine hotlines para magpakonsulta. Kung kinakailangan naman po nang agarang atensiyong medikal, makipag-ugnayan lamang po sa One Hospital Command Center hotlines upang matulungan kayong makahanap ng pagamutan.

Bumubuti na nga ba ang COVID-19 situation ng bansa matapos po ang ilang linggong paghihigpit sa galaw ng tao? Alamin natin ang kasalukuyang sitwasyong pangkalusugan ng bansa, kasama po natin si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Usec., welcome back po.

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nitong mga nakaraang araw po ay libu-libo po ang reported recovery cases sa ilalim po ng Oplan Recovery. Bakit po biglang dami ito at paano po ang verification process dito ng DOH para masiguro po iyong accuracy ng data?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. We started off last Monday kung saan iyong dati nating weekly time-base tagging, ginawa na nating pang-araw-araw para mas maging kumpleto at saka mas naiintindihan ng ating mga kababayan itong mga nakaka-recover sa ating bansa. Sa pagdami ng kaso at alam po natin that the cases we have right now, almost 98% are mild and asymptomatic. So expectedly po tataas talaga ang recoveries natin after 14 days na binibilang po natin.

So ang ginagawa po nating proseso ay atin pong binabalikan ang lahat po ng mga datos noong ating mga individuals from the date of onset of their illness or symptoms or from the date that they were tested positive. At tinitingnan ho natin pagkatapos ng labing apat na araw o sampung araw kung ano ang estado nila.

We also have another layer where we send it to our local governments, to our regional office para ma-verify po ito at pagbalik sa atin itinatala na ho natin silang recovered. So nawawala na po dito iyong mga taong aktibo pa ang kaso at iyong mga taong namatay po dahil sa COVID-19. So that is how we make sure that this is accurate.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., nabanggit rin po ninyo na we are not testing enough individuals, so hinihikayat po ninyo ang ating mga LGUs na magsagawa ng house to house testing. Ibig sabihin po ba nito ay hindi gumana iyong targeted testing na at kailangan nating mag-shift sa mass testing na po?

USEC. VERGEIRE: Gusto ko lang po klaruhin ano, hindi natin sinabi na we are not testing that is why, kaya po ganito ang ating mga datos at kailangan ng mag-shift ng mass testing; ang ibig po nating sabihin, gusto nating palawakin pa ang pagti-test natin. But this is not mass testing, ang gagawin po natin iyon pong pagbabahay-bahay is for us to identify immediately those individuals who are sick, para matanggal na po natin sila sa kanilang bahay kung sakali at mai-isolate natin sila.

So by doing this iyong pagti-test po natin is still targeted, pupunta tayo sa mga bahay kung sino po iyong dapat nating i-test because they have symptoms or they were exposed, iyon po ang iti-test natin, but this is not mass testing.

USEC. IGNACIO: Opo. Ayon po sa OCTA Research, Usec., bumaba na po ang ating reproduction rate. Across NCR Plus areas po ba ito at ito na po ba iyong sinasabi nating epekto ng dalawang linggong ECQ sa NCR Plus?

USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, kapag tiningnan natin itong tinatawag na transmission rate or R Naught, makikita natin that hindi lang po for this part two weeks, but also even previously nakikita natin bumababa. So, ibig sabihin po aside from the ECQ na ginawa natin, mukhang nagkakaroon ng epekto even iyong mga naumpisahan nating mga NCR Plus bubble and localized lockdowns. So ngayon nakakakita po tayo ng kaunting pagbaba sa average daily reported cases natin.

Last week po ang ating average was 10,858, seven day moving average iyan. Ngayong linggo po ang ating daily weekly average is 9,556. So it’s much lower now by 1,300. Pero gusto natin bantayan pa rin po itong nakikita natin at ayaw pa rin po nating maging complacent tayong lahat para magtuloy-tuloy na po ito sa pagbaba.

USEC. IGNACIO: Usec., may kaugnayan po itong ni Red Mendoza ng Manila Times, diyan sa parehas din po niyang tanong din in Rida Reyes. Suggestion daw po kasi ng OCTA Research na huwag muna pong magluwag ng quarantine restriction hangga’t hindi daw po bumababa ang reproduction number sa .09% kahit na hindi na dumidepende sa bilang na iyan ang Department of Health. So ano po ang palagay ninyo dito at pabor po ba tayo sa rekomendasyon ito?

USEC. VERGEIRE: Well, kahapon nga po ay nagkaroon tayo ng pagpupulong with our data analytics group kasama po ang mga eksperto. Nagpakita po sila ng mga scenarios and these are the forecast that they do, nagmu-model din po sila at ipinakita po diyan iyong mga possible scenarios kung tayo ay magtutuloy ng MECQ, kung tayo ay magsi-shift na sa GCQ at kung tayo ay magkakaroon nga ng tuloy-tuloy na pagluwag nitong mga sektor natin. At mayroon po silang mga naipakita na mga scenario na puwedeng mangyari kung tayo ay magpupunta sa ganiyang quarantine classification.

So ito pong sinasabi ng OCTA, kasama po iyan sa mga pinag-uusapan natin. Siyempre kapag health side po ang pinag-usapan, gusto natin mas mahigpit na restriction, pero kailangan din po nating tingnan iyong ibang sektor, kasi alam po natin na nag-i-impact din sa health ito pong mga ibang sektor na ito. Kaya pag-uusapan po muli iyan at sa Martes po ay didesisyunan ng IATF.

USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po mula kay Red Mendoza: Patuloy pa rin po ang paglobo ng kaso ng COVID sa buong mundo lalo na sa India at Japan. Ano po ang inyong payo sa ating mga kababayan para daw po maiwasan ang sinapit ng mga bansang ito?

USEC. VERGEIRE: Well, dalawa lang po ang pinakaimportante talaga sa atin and even all over the world. This is the compliance to minimum health protocols; pangalawa, magpabakuna.

So ito pong dalawang strategies na ito, would be really, really be effective for everybody, para po maputol natin ang transmission ng sakit and then sa gayun din maprotektahan tayo by being vaccinated.

So ito po ang ating hinihiling sa ating mga kababayan: Follow the protocols, kailangan lang po tayong magtulung-tulong so that we won’t that have that kind of situation as what the other countries are having.

USEC. IGNACIO: Usec., ramdam pa rin ng daw ng maraming ospital iyong kakulangan sa hospital beds. Sa NKTI po, iyong iba po ay napipilitang ng humihiga daw po sa lapag, sa labas ng ospital. So nakarating na po ba sa inyo ito at ano po ang naging tugon ninyo dito?

USEC. VERGEIRE: Yes po, Ma’am. Actually si Secretary Duque ay nakabisita na sa iba’t ibang ospital natin, nakausap na rin po niya iyong ating mga medical center chiefs and katulad po nga ng alam ng ating mga kababayan, we are expanding our beds. So nakapagdagdag na tayo ng mga ICU beds, pati po iyong mga isolation beds natin ay nakapagdagdag na rin tayo.

Ang nakapag-institutionalize na po ng sistema kung saan may mga hotlines na ang local government, dinagdagan na po nila ito para magkaroon po tayo ng triaging sa local government level pa lang and para hindi na didiretso sa ospital ang ating mga kababayan.

So, sa ngayon po mayroon po tayong na-deploy na mga healthcare workers from Visayas and Mindanao, they were also able to expand beds in the different facilities na mayroon tayo sa ngayon. So sana po magtuloy-tuloy na lumuwag na ang ating mga ospital, dahil ito po talaga ang pinaka-critical sa atin ngayon dito sa sitwasyon natin ngayon and nandito po ang Department of Health at ang gobyerno para tulungan pa. So we are looking at expanding more beds these coming weeks.

USEC. IGNACIO: Opo. Gaano na raw po karami iyong sa mga itinatayong modular hospitals ang fully operational na at maging ang mga ito po ba ay fully occupied na rin?

USEC. VERGEIRE: Dito po sa NCMH, iyong National Center for Mental Hospital, di ba ho nagtayo tayo diyan ng additional beds for mild to moderate cases, 900 po iyong beds na iyan, operational na po tayo ‘no, so last week naging operational for just 200 beds. Pero ngayon, nag-expand na uli na up to 600 ay puwede ng operational dahil nadagdagan na natin ang healthcare workers; pagdating naman po dito sa Quezon Institute na para sa severe to critical, nagbukas na rin po ito pong ating unit na iyan at tumatanggap na rin tayo ng mga pasyente.

Iyon pong mga nauna na po na extension natin from Tala Hospital at saka dito sa Lung Center ay nakapagbukas na iyan mula pa ho noong Enero. Mayroon pa rin po tayong mga bubuksan at nag-i-expand ng units ang ating iba’t ibang government hospitals ngayon para mas maka-accommodate tayo.

USEC. IGNACIO: Usec., bukod sa underpaid, dahil daw po sa problema ng healthcare system sa bansa, kaya marami sa mga health workers daw po ang napipilitang maghanap ng ibang trabaho. Paano po ina-address ng DOH itong concerns ng ating mga healthcare workers sa gitna po ng matinding laban sa COVID-19?

USEC. VERGEIRE: Actually, Usec. Rocky nagkaroon nga si Secretary Duque with the Alliance of Health Workers last week para pag-usapan nila kung ano talaga iyong hinanaing ng ating mga healthcare workers. At napag-alaman doon, most of their request are coming from the benefits that they are supposed to receive. So agad-agad naman pong tumugon ang Department of Health, nagbaba po tayo kaagad pera para ma-supplement natin iyong pera ng ating mga ospital para maibigay na iyong kanilang mga benepisyo.

Pangalawa, nakipag-usap po si Secretary Duque kay Secretary Avisado ng Department of Budget ng Management para po doon sa mga hinanaing nila about their plantilla positions. So ito pong hiring is continuous, nagbibigay po tayo ng karagdagang benepisyo para po doon sa mga healthcare workers na sasama sa atin sa laban ngayong mayroon tayong COVID-19. Ang hopefully po dumami pa rin po iyong mga gustong sumama sa gobyerno para magtrabaho, para po tayo ay magkaroon ng enough healthcare workers for our facilities.

USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may nakahanda ba daw pong plano ang DOH kung patuloy po silang mababawasan lalo’t nasa kasagsagan pa rin po tayo ng surge sa COVID-19?

DOH USEC. VERGEIRE: Well, continuous po naman ang ating discussions ‘no especially with the Alliance for Healthcare Workers, gusto natin malaman kung ano iyong punto nila bakit po hindi po nagiging attractive iyong incentives na inaalok ng gobyerno para doon sa ating mga kababayan.

So ito po ay pina-iigting talaga ng gobyerno para maipakita and to emphasize na ang laki na po nang tinaas ng suweldo ng ating mga health care workers sa government compared to before, dinagdagan pa natin ng additional benefits especially that we have a public health emergency. And of course nakikipag-usap tayo sa private sector para makita rin po natin iyong differences between the government and the private at matugunan din natin iyong mga health care workers working in the private sector.

So ito po lahat and of course the long term plan is for us to produce more and nakikita po natin na iyong ating pakikipag-usap sa mga universities, medical schools ay kailangan pong ma-strengthen iyan para we can already allot a specific number of health care workers that will be produced by the country for every year.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po mula kay Raya Capulong ng ABS-CBN: Kailan po ang susunod na schedule na pagdating ng mga bakuna? Ilang doses ang inaasahang darating at anong bakuna po ito? Saan daw pong mga lugar partikular na idi-distribute ang mga ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Mayroon ho tayong parating na Gamaleya na Sputnik V vaccines. May kararating lang na Sinovac noong isang araw at may parating pa rin po tayo sa isang linggo na Sinovac vaccines pa rin. Ang distribution po, iyong allocation nagawa na po at bukas mag-uumpisa tayo mag-distribute. Mayroon ho tayong bias ngayon sa ating mga lugar na matataas po ang kaso dahil gusto ho natin maprotektahan maigi ang mga vulnerable sector dito sa mga lugar na ito. So ganito po ang ginagawa natin pero hindi kailangang mag-alala ng ating ibang regions kasi iyon pong allocations naman mayroon din po kayo. Iyon nga lang po, nauuna nang kaunti ito pong nasa NCR+ bubble.

USEC. IGNACIO: Okay. Tanong pa rin po ni Raya Capulong: May data na po ba kung ilan ang nabakunahan sa buong bansa? Ilan po ang dapat mabakunahan para po ma-achieve iyong herd immunity?

DOH USEC. VERGEIRE: Well lagi po nating sinasabi ito ‘no. So according to our experts, we need 70% to reach herd immunity. Pero katulad nga ng sabi natin, itong reaching 70% in herd immunity will depend on the supply of vaccines that will come into the country. So this is a long term goal for the Philippines. Ang atin pong goal ngayon is to reduce mortalities, reduce hospitalizations at ma-decongest natin ang ating mga ospital. So kaya ang ginagawa natin, binabakunahan muna po natin lahat ng vulnerable para mabawasan po iyong mga pagkakamatay, mabawasan iyong nagkaka-severe infections, mabawasan po din iyong mga nauospital.

USEC. IGNACIO: Opo. Bago daw po matapos ang April inaasahan darating na rin sa bansa ang Sputnik V ng Gamaleya. So, gaano po kasensitibo ito pagdating sa handling and distribution procedure kumpara sa CoronaVac at sa AstraZeneca?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes. The main difference, Usec. Rocky, would be the storage ‘no. So ang Gamaleya or Sputnik V, kailangan po niyang ma-store sa isang dark place at a temperature not exceeding -18 degrees. So ito pong ganitong klaseng storage ay hindi po natin makikita sa lahat ng ating mga lugar sa Pilipinas. Kaya pagdating po ng Sputnik V, mayroon lang po tayong mga assigned local governments that will receive because they have the capability to store this kind of vaccines.

So ito po ang difference niya, kasi iyong CoronaVac or iyong Sinovac at AstraZeneca, you can store them in the regular na mga storage facilities natin kasi 2 to 8 degrees lang po ang kailangan doon. Pero itong Sputnik V, mayroon pong specific handling and storage procedure kaya hindi po natin maibibigay sa lahat ng ating regions.

USEC. IGNACIO: Opo. May pahabol pong tanong si Red Mendoza ng Manila Times, pareho po sila ng tanong ni Raya Capulong ng ABS-CBN: Nabigyan na po ba ng additional na supply ng bakuna ang NCR pagkatapos manghingi ng dagdag na supply ang mga mayor? Sinasabi po nila na hindi pa po sila nabibigyan ng supply. Iyong ibang LGU kasi katulad ng Maynila, ayon sa Manila Health Department, isang linggo na raw po silang walang natatanggap na bakuna.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky. Inayos pa kasi iyong allocation nitong mga bakunang ito pero bibigyan na po sila. Lumabas na po iyong allocation list ng National Capital Region, na-inform na rin po ang ating Metro Manila Mayors. So in this coming days, maybe today or tomorrow, mabibigay na po sa kanila iyong kanilang mga bakuna.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Michael Delizo ng ABS-CBN News, ganito rin po ang tanong ni Rida Reyes ng GMA News: May komento po ba ang Department of Health sa sinabi ni NTF Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na death by community pantry ang pagkamatay ng isang senior citizen habang pumipila sa community pantry ni Angel Locsin sa Quezon City?

DOH USEC. VERGEIRE: Well ang kailangan po natin ngayon, Usec. Rocky ‘no, ipakita natin sa ating mga kababayan iyong importansiya ng minimum health standards at mga ibang protocol na ipinapatupad natin. So kailangan lang ho natin ulit-ulitin sa kanila na iyon pong ating pagma-mask at saka iyong pagdi-distancing ay kailangan natin ipatupad. And also we are on MECQ, so sana wala pong mga matatandang lumalabas muna para mapangalagaan. Napakalaki po ng role ng local governments natin ngayon sa mga community pantries para mai-organize po nila at hindi po ito maging source ng pagkakahawa-hawa ng mga tao.

And dito naman po sa sinabi ni Dr. Ted Herbosa, siguro sana po ay ano na lang tayo ‘no, let’s show the benefits of what the community pantry can do for our citizens but at the same time ensuring na tayong lahat po ay sumusunod sa protocol para po wala tayong mga pagkakahawa-hawa sa mga ganitong event.

USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong panahon, Undersecretary Maria Rosario Vergeire ng Department of Health. Stay safe po at mabuhay po kayo.

Samantala, upang makibalita kaugnay sa community pantry na itinayo ng Davao City Police Office, may ulat si Rodirey Salas ng PTV Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Rodirey Salas.

Samantala, hindi po muna natin makakasama sa programa si SSS President and CEO Aurora Ignacio dahil sa isang mahalagang pagpupulong.

At iyan po ang mga balitang aming nakalap. Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.

Huwag po tayong maging kampante, laging maging handa at alerto. Tandaan: mag-MASK, HUGAS, IWAS. Mag-ingat po tayong lahat sa COVID-19.

Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kitang muli tayo sa Lunes dito lamang sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###


News and Information Bureau-Data Processing Center