Press Briefing

Public Briefing #LagingHandaPH hosted by Presidential Communications Operations Office Undersecretary Rocky Ignacio

Event Public Briefing #LagingHandaPH
Location People’s Television Network (PTV), Quezon City

USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Ngayon po ay April 26, 2021, huling araw po ng Lunes ngayong buwan ng Abril, muli ninyo kaming samahan sa isang oras na balitaan at talakayan tungkol sa pinakamainit na issue sa bansa. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.

Anumang araw ngayong linggo po ay inaasahang iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging quarantine classification sa bansa para sa buwan ng Mayo. Ayon po kay Presidential Spokesperson Harry Roque, makakatiyak ang publiko na ibabase pa rin ito sa siyensya at datos. Aniya ang IATF na siyang nagbibigay ng rekomendasyon sa Pangulo ay magpupulong na rin hinggil sa estado ng healthcare system sa National Capital Region at mga karatig probinsya, gayun din sa buong bansa. Muli namang iginiit ni Secretary Roque na whole-of-government approach ang diskarte ng gobyerno at ang kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino ang palaging una sa prayoridad ng mga awtoridad.

Patuloy po ang pagbaba ng reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila matapos ang ilang linggong paghihigpit ng community quarantine batay sa pag-aaral ng OCTA Research Group. Gayun pa man, hindi inirirekomenda ng grupo ang agarang pagluluwag ng restrictions pagdating ng Mayo dahil kailangan pang mapaluwag ang mga ospital sa NCR Plus. Narito ang report ni Mark Fetalco:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Samantala, bago po matapos ang buwan ng Abril ay darating sa bansa ang karagdagang bakuna mula sa Sinovac Biotech ng China, gayun din po ang unang shipment ng mga bakuna mula naman sa Gamaleya Institute ng Russia. Magtutuluy-tuloy na rin umano ang pagdating nang mas marami pang mga bakuna sa bansa sa susunod na buwan. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Naging mainit na usapin ang community pantry noong isang linggo at isa sa mga personalidad na dawit dito ay ang Special Adviser ng National Task Force Against COVID-19 na si Dr. Teodoro Herbosa, makakasama natin siya ngayong umaga para po bigyang-linaw ang kaniyang mga pahayag. Magandang umaga po, Doc Ted.

DR. HERBOSA: Magandang umaga, Usec. Rocky at magandang umaga sa mga nanunood sa Laging Handa Briefing.

USEC. IGNACIO: Opo. Doc Ted naging kontrobersiyal po ‘yung inyong tweet tungkol doon sa pagkamatay po ng isang senior citizen habang nakapila po sa community pantry na inorganisa ng isang artista. Humingi na po kayo ng paumanhin tungkol dito pero may gusto po ba kayong sabihin pa para sa konteksto ng naging pahayag po ninyo?

DR. HERBOSA: Thank you, Usec. Rocky. Unang-una gusto ko sanang maghatid ng aking pakikiramay sa pamilya, kaibigan at mga kasama noong nasawi dahil diyan sa pila sa isang bayanihan at birthday party sa Quezon City.

Gusto ko sanang sabihin na ang konteksto ng aking sinabi ay hindi laban doon sa pagbayanihan ng mga tao at pagpapakain ng mga nagugutom. Ang konteksto ng sinabi ko ay bilang isang eksperto ng disaster medicine kasi puwede namang magbigay ng tulong pero huwag ilagay sa kapahamakan ang mga mamamayan.

So ang tinuturo namin diyan lagi is safety first. Naalala ninyo siguro Usec. Rocky last year ang una nating ginawa, bumili tayo ng mga PPE para sa ating mga health workers para protektahan sila at pinamigay natin ito sa iba’t ibang ospital. Nagpagawa rin tayo ng mga mask at binigay natin ito sa mamamayan so very important iyong principle ng safety first.

So kaya ang gusto kong sabihin, ibig sabihin noon wala dapat mamatay kung gumagawa tayo ng isang pagtutulong, iyong kawang-gawa, hindi dapat mamatay ang ating mga kababayan diyan. At importante na kung gagawa tayo niyan, pangalagaan natin ang kapakanan ng ating mga mahihirap at nagugutom at gusto lamang makakuha ng ayuda.

USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Rose Novenario sa inyo ng Hataw: Ano daw po ang dahilan ng inyong pagbibitiw bilang Executive Vice President sa University of the Philippines?

DR. HERBOSA: Alam mo ang ginawa nila, Usec. Rocky, noong pinost ko kasi iyong aking tweet, walong salita ‘no – sinabi ko namatay dahil dito sa ginawa nila at sinabi ko to. Mayroon akong mga naunang tweet na nagkakagulo na kasi may live coverage doon sa kaguluhan doon sa event at nakita nating nagdidikit-dikit na ang mga tao. Sabi ko mali ito, puwedeng may mamatay, puwedeng may mahawa.

Pero noong may namatay, sa galit ko at sa sama ng loob ko bilang isang doktor na nag-specialize nga sa disaster medicine, ang isa sa pinag-aaralan namin ay mass gathering events and how to make mass gathering event safe. Noong nabalita na may nag-collapse siguro sa heat stroke, sa init ng panahon at noong dinala sa ospital ay dead on arrival, nagalit ako. Nagalit ako’t tinext ko iyong 8 words na iyon at minasama ng karamihan ng mga taong nagbasa noon. Ang basa nila ay kontra ako doon sa ginagawa nilang pantry.

Ngayon, ang masasabi ko, hindi ako kontra sa pantry. Ang kontra ako ay iyong pinabayaan nilang mamatay iyong ating mga kababayan doon. Pinabayaan nilang pumila sa init ng araw ni walang baso ng tubig, ni walang maiinom.

So, may mali tayong ginawa doon, kailangan mag-ayos tayo. Sa disaster medicine systems, ang thinking natin hindi dapat blame culture, hindi dapat tayo nagsisisihan. Importante na ayusin natin ang sistema at ako ay nagsa-suggest lang ng sistema pero nilagyan nila ng kulay na pulitika. At dahil ako po ay nagtatrabaho para sa pamahalaan at sa administrasyon na ito, nilagyan nila ng bahid ng pulitika iyong aking sinabi at nagalit ang mga tao. Minumura ako, ang daming hate messages, siguro libo iyong nabasa kong mga hate messages sa akin, ni hindi nila ako kilala at ano na ang nagawa ko.

At nalungkot ako, nag-file ako agad ng leave of absence bilang executive vice president ng UP. Mga kasamahan ko pa sa UP iyong tumutuligsa sa aking tweet nang hindi man lang ako tinawagan o tinanong bakit ko tinweet iyon. So, nabasa ko lahat iyon, nasaktan ako and sabi ko, ganito na ba ngayon sa UP na kapag ikaw ay nag-criticize ay ikaw ang bawal? Bawal na ba ako tumuligsa ng mali, ng criticism? Iyon ang itinuro sa amin sa UP – tumingin sa mali at sabihin at i-criticize. Ang sinabi ko lang po ay totoo – mayroon pong namatay doon sa inyong ginawa at mali iyon. Kailangan nating ayusin iyon at baguhin iyong pamamaraan.

Noong gabi tuluy-tuloy na iyon, nag-apologize ako akala ko titigil. Hindi po tumigil, lalo pang umigting. So, naisip ko mukhang may troll army. Kasi iyon pong tumutuligsa sa akin mga new accounts lang at saka mga anonymous accounts at ang sasakit po ng mga sinasabi nila. Talagang parang, sabi ko, parang napakasamang tao ko, demonyo ba ako? Talagang isinulat nila lahat doon. And sana pinag-usapan na lang natin anong dapat gawin, anong dapat matino. Well, naisip ko hindi tama ito eh, iyong kasamahan ko mismo sa UP ang nagsasabing mali ako, when in fact ang gusto lang ay makatulong sa ating bayan. Kaya nag-file ako ng aking resignation immediately as executive vice president ng aking minamahal na University of the Philippines.

Pero hindi pa rin po ako nawala sa University of the Philippines, iyong posisyon ko lang bilang pangalawang pinuno ng ating unibersidad. So, nag-resign lang ako doon pero ako po ay isang tenured na faculty at doktor ng emergency medicine na aking in-establish sa Philippine General Hospital at lahat po ng aking mga na-train ay tumutulong ngayon dito sa laban ng COVID. Ganoon din sa trauma, ako po ay isa sa mga nag-umpisa noong trauma division ng Philippine General Hospital. At patuloy akong natutuwa na lahat ng aking na-train dito sa emergency and disaster medicine ay ngayon mga frontliner.

USEC. IGNACIO: Doc, ngayong marami na nga po iyong nagsusulputang mga community pantry, ano iyong maaari ninyong i-suggest na dapat gawin sa pila para po masigurong ligtas ang lahat at nasusunod iyong minimum health standard, kasi nasa MECQ talaga pa rin tayo eh? In case lang po na magtuluy-tuloy itong ganitong quarantine classification o medyo lumuwag nang kaunti, ano po ang maipapayo ninyo sa publiko? Kasi po nandoon na po tayo sa punto na hindi po masama talagang tumulong. Ang concern po na katulad ng nabanggit ninyo ay medyo nakakakilabot po, Doc, kapag nakikita mo na halos nagdikit-dikit po iyong mga tao, Doc?

DR. HERBOSA: Tama, Usec. Rocky, maganda iyong ideya ng bayanihan. Ang bayanihan po ay truly Filipino. In fact, iyan ang nagbuhay sa atin sa maraming disaster – mapa-bagyo, pagputok ng bulkan, magkaroon ng earthquake, magkaroon ng pandemya – tayo po ay nagtutulungan at sa disaster medicine laging iyon ang nakikita namin.

Hindi naman iyong pamahalaan ang nauuna. Ang nauuna iyong kapitbahay mo na tutulong sa iyo, iyong kamag-anak mo na tutulong sa iyo. Pagkatapos medyo may delay, iyong lag ng services ng government. Kaya maganda ito na naumpisahan ito. Pinupuri ko nga ang nakapag-umpisa nitong ideya ng common pantry.

Ang problema po, iyong paglagay ng pantry sa isang kalye at pagpunta ng maraming tao ay kontra po sa laban natin sa pandemya kasi iyong pagdagsa ng daang tao doon ay magku-cause ng super spreader event, magkakahawaan po siya. At nakita ko sa mga TV news na mga senior citizens pa na ang sabi ng pamahalaan dapat nasa loob sila. At iyong narinig ko, iyong iba sa kanila hindi naman nag-coordinate sa lokal na pamahalaan.

So, ang importanteng suggestion ko: Number one, mag-coordinate itong mga philanthropist na gustong makatulong, makipag-coordinate sa local government. Last year po ang local government natin nagbigay ng mga ayuda, bahay-bahay. Dinala bahay-bahay para maglabas ka lang ng silya doon mayroong ipapatong na ayuda ang pamahalaan o local government sa inyo at puwede nating gawing ganoon kung gusto ninyo ang ganitong community na bayanihan. Puwede kang magpa-ikot ng isang sasakyan o kariton at kung gusto mong tumulong, maglagay ka ng bagay doon at kung gusto mong kumuha, kumuha ka nang kaunti doon para sa iyong pamilya at iikot natin ito sa buong bayan.

Huwag nating papuntahin ang maraming tao sa isang lugar kasi po hindi tayo mawawala dito sa pandemya. Tandaan ninyo, sa MECQ bawal pa rin po ang mass gathering event at nakalagay doon sa MECQ guidelines ng IATF 106-B Resolution, kailangan kung may humanitarian effort ay mag-coordinate sa local administration at local officials para malamang makasunod talaga sa mga minimum public health standards at hindi makadagdag sa hawaan ng ating virus.

USEC. IGNACIO: Doc, may tanong po sa inyo si Joseph Morong, ihabol ko na lang po. Ang tanong po ni Joseph Morong ng GMA News: Why do you think people come out to community pantries? Is this a symptom of a problem?

DR. HERBOSA: Kapag sinabi mong may libre kang ibibigay, ang Pilipino pupunta talaga doon lalo na kung gutom ‘no. And tama siya ano, we are in a disaster, it is a pandemic – ang needs far outweigh the resources available.

And I laud, I actually praise, pinupuri ko iyong mga nakaisip nitong bayanihan na ito sapagkat ito ay tunay na Pilipino. Ako po ay nagli-lecture sa iba’t-ibang parte ng mundo sa disaster medicine at hanga sila sa Pilipino dahil sa konsepto ng bayanihan.

Hindi ito nangyayari sa ibang bansa. Kung minsan nagkaka-looting pa sila, nakawan at abuso. Sa atin baligtad, kapag nagkaroon ng krisis o pandemya, nagtutulungan ang mga magkabarangay, magkapitbahay, magkaprobinsiya, magkakosa.

Ito ay dapat nating ituloy. Maganda pong ehemplo ito sa ating mga kabataan at mamamayan para tayo ay makaahon dito sa pandemyang ito at mawala iyong mga naghihirap at nagugutom na manggagaling sa tulong ng mga mayroong kaunti.

USEC. IGNACIO: Doc, sa ibang paksa naman po. Kumpara po noon na naglalaro sa 10,000 – 15,000 ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw, nito pong mga nakaraang araw ay nasa below 10,000 na lamang ito. So, masasabi po ba nating nag-ii-slowdown na iyong surge ng COVID-19 sa bansa?

DR. HERBOSA: Naku, Usec. Rocky, sana talagang nag-ii-slowdown ano! Ako, iyan din ang hangad ko, mag-slowdown ang ating transmission. Pero ang ginagawa namin, siyempre iyong datos hinihintay mo iyong tinatawag na seven day attack rate, iyong average ng isang linggo. Kasi kung minsan sa isang araw mataas, sa susunod na araw mababa, sa susunod na araw mataas ulit. So, iyong average ang importante na makita natin para ma-interpret natin iyong datos kung talagang bumababa na.

So, bigyan natin ng panahon iyong mga eksperto, iyong mga epidemiologist, na analisahin ang datos galing sa positive at mga na-test na mga kababayan natin. Kapag iyan po ay nakita na talagang tunay na pababa, sa tingin ko bilang isang ordinary doctor – nakikita ko naman iyong tinatawag na epidemic curve, para pong bumababa na siya kasi nagti-thirteen thousand, twelve thousand tayo noong mga nakaraang unang linggo.

So, parang may epekto na iyong ating ginawang ECQ at MECQ. And marami pa ring factor para mag-decide kung anong gagawin. Very difficult kasi puno pa rin po ang ating mga ospital kapag tinawagan mo ang mga ospital. Mahirap pa ring kumuha ng isang ICU bed, iyong tinatawag na critical care bed sa talagang naghihikahos o very serious na COVID case.

USEC. IGNACIO: Doc, pasensiya na may pahabol lang na tanong si Joseph Morong doon sa follow-up niyang question: Do you think there is something lacking in the government’s response to social aid?

DR.  HERBOSA: Siguro kasi hindi lahat umaabot sa dulo. Alam mo may social aid tayo, pero alam mo hindi naman tayo dapat tayo magsisihan.

Ang importante sa tanong ni Joseph Morong, eh ‘bakit ba tayo nagtutuligsa dito sa mga… to blame one another.’ Ang gusto ko sana, tama iyong konsepto ng ang komunidad ang magtulungan sa isa’t-isa. Kung may pagkukulang ang pamahalaan aaminin ko iyon, hindi naman kayang pakainin ng pamahalaan ang buong Pilipinas.

So tayo mismong mga citizens ang kailangang magtulungan at magbigay sa ating mga kababayan na nangangailangan. Ako nag-volunteer ako dito sa National Task Force, bilang sa ambag ko sa Pilipino para din mahinto na itong pandemya at makatulong tayo sa ating mga mamamayan.

So, alisin natin itong blame culture, natatakot ako, kasi napupunta tayo sa pulitika. At kapag tayo ay napunta sa pulitika sa time ng isang pandemic—mayroon pong halimbawa diyan, ‘andudoon iyong India. Nakita siguro ninyo siguro iyong mga balita at mga internet video ng mga ospital na punong-puno, kasi tinuloy po nila iyong kanilang political campaigning at siyempre nagkaroon ng division.

Ngayon po tayo kailangang magtulungan, hindi dapat tingnan ang political, ideology, religious differences natin, magsama-sama tayo, magbayanihan tayo at labanan natin together itong COVID-19.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po Red Mendoza ng Manila Times: Paano natin maiiwasan na umabot ulit sa isang milyong ang kaso ng COVID sa bansa dapat po ba nating higpitan ang pagdidisiplina sa ating mga kababayan na minsan po ay siya ring dahilan ng pagtaas ng kaso? Kasi Doc, inaasahan daw po na ngayong araw ay puwede umabot na ang datos natin ng isang milyon, Doc.

DR. HERBOSA: Fact iyan ‘no, aabot tayo ng isang milyon, pero tandaan ninyo mula last year iyan; those are cases accumulated from last year, so over almost a year na iyan.

Ang importante po ay I hindi iyong exact number, at mas importante po iyong trend, tayo ba ay nasa acceleration or deceleration ng number of cases.

Ang sabi mo nga Usec. Rocky, parang nagdi-decelerate na tayo at kahit na umabot tayo ng 1 million, ang importante ay nasa deceleration phase tayo or pakonti na nang pakonti ang kasong COVID-19.

At malaki ang importante na iyong tinatawag nating socio-cultural determinants ng healthcare na mag-behave tayo, maintindihan ng bawat Pilipino na talagang kung paano mahawa dito sa COVID-19 at kung paano maiwasan. Importante po iyong prevention, wala pong single magic bullet na puwedeng mag-solve ng ating problema.  Madami pong factors na kailangan nating ipasok at ilagay sa isang situation like this. This is what I term as a complex emergency – at puwede po ninyong i-Google po para malaman ninyo iyong definition ng complex emergency – at itong sitwasyon na ito kailangan ng solusyong political, solusyong sosyal, solusyong medikal, solusyon ng lahat ng ating bawat individual; so kailangan talaga bayanihan.

USEC. IGNACIO: Opo. Sunod pong tanong ni Red Mendoza: Sa tingin po ba ninyo, Doc. Ted, ang kakulangan ng disiplina an dahilan kung bakit 1 million ang posible ngang maging kaso ngayong pandemya?

DR. HERBOSA: Again, kapag sinagot ko ang tanong na iyan na ‘oo,’ sasabihin naman ng mga pulitiko na sinisisi ko ang taumbayan. Wala nga tayong dapat gawing sisihin, importante na maintindihan, ang understanding or tinatawag naming health literacy ang mas importante.

Paano ba nahahawa sa COVID? Nahahawa sa COVID kapag ikaw ay pumunta at ma-expose sa mga taong may COVID; kapag ikaw pumunta sa matataong lugar; kapag ikaw ay hindi nagsuot ng mask; kapag ikaw ay hindi nagsuot ng face shield; kapag hindi ka naghugas ng iyong kamay; kapag hindi ka nagpabakuna, malaki ang tiyansa mong magkaroon ng COVID.

Kapag ikaw naman ay mayroong mga sakit o may edad ka na, importante na—mas high risk ka, kasi iyon ang mga namamatay. Importante na maglagi sa bahay para ma-prevent iyan.

So alisin natin iyong blame culture, ito iyong masama ano, kasi election year ngayon. So nakikita ko na iyong umpisang pagtuligsa ng iba’t ibang political parties sa bawat isa at ito po ay makakasama sa laban natin sa pandemya.

USEC. IGNACIO: Tanong naman po ni Sweeden Velado ng PTV News: Para lang po sa kaalaman ng ating mga kababayan, ano po ba ang kaibahan ng unang dose at ikalawang dose ng bakuna at gaano po ba kahalaga na magpaturok pa ng second dose?

DR. HERBOSA: Okay. Ang unang dose ay magti-trigger ng tinatawag na immune response sa ating katawan. So tayo dalawang klaseng bakuna iyong nandidito, iyong Sinovac at iyong AstraZeneca, both of them mayroong tinatawag na antigens, iyong foreign body na nagku-cause ng aming immune response na mag-produce ng antibody.

So sa unang injection, magpu-produce ang katawan natin ng parang nilalagnat, nanghihina, pagkatapos magpu-produce tayo n antibodies,  laban sa coronavirus or iyong sakit na COVID-19. Ngayon ito puwedeng mag-wane na overtime sa four weeks, after four weeks sa Sinovac, kailangan bigyan ng tinatawag na booster dose.

Iyong pangalawang dose ay iti-trigger uli iyong, iyong immune system para mas humaba. So the second ay intended to be boost ng ating immune system para dumami pa iyong ating antibodies. Ganoon din iyong sa AstraZeneca after 12 weeks ay i-injection ka noong dalawang dose mo para ma-stimulate uli iyong pagdami ng mga bakuna and that provides a longer protection, mas tatagal ng almost… ang alam nila almost a year, nine months to a year ang proven efficacy nung protection. Ang pinag-uusapan ngayon ay dahil may variants baka kailangan tayo ng yearly booster nitong mga bakunang ito kung magkaroon siya ng tinatawag naming vaccine escape or hindi na epektibo iyong mga naunang bakuna sa mga bagong variant.

USEC. IGNACIO: Ang follow up question po ni Sweeden Velado: Kung ang isang tao po daw ay nabakunahan na ng una at pangalawang dose, kailan po tuluyang magti-take effect ito? Maaari na rin po ba siyang hindi magsuot ng face mask outdoors tulad po ng ginagawa ngayon sa Israel or dapat po ay may mga pag-iingat pa ring dapat gawin?

DR. HERBOSA: Ang datos kasi natin, dahil lahat nitong bakunang ito ay bago, hindi kagaya noong mga ibang bakuna na dekada ng napag-aralan. Karamihan noong ibang bakuna sa mga nakakahawang sakit ay na-prove nagku-cause ng decrease ng transmission. Ang mga bakunang bago or experimental vaccines na ito ay na-prove pa lang na mayroong pinu-provide na protection sa individual. So hindi pa na-prove na talagang magku-cause ng transmission.

Ang unang pruweba lang ay iyong nangyari sa Israel. Kasi sa Israel, nabakunahan nila ang  50% ng kanilang populasyon, eight million po ang mamamayan ng Israel—ay hindi lang 50%, I think nabakunahan na nila lahat ng mamamayan nila, lahat ng adult population nila above 18 years old ay nabakunahan na nila sa Israel. At inalis na nila iyong mga public health restrictions at malalaman kasi isa-submit nila iyong datos na iyan kung talagang nagkaroon na ng herd Immunity. Pero sa tanto nila parang mayroon na silang herd Immunity, kasi bumaba talaga iyong numero ng mga kaso.

Ngayon doon sa tanong kung magsusuot pa rin ng mask, ‘opo!’ Dahil po doon sa sinabi ko, ang suggestion eh, eh kahit nabakunahan na po tayo ay magsuot pa rin tayo ng face mask at face shield at mag-ingat pa rin tayo sa mga pamamaraan na puwedeng mahawa dito sa COVID-19. Iyong ibang nabakunahan nagkakasakit eh na tinatamaan, pero hopefully mild na lang ang kanilang magiging sakit dahil mayroon na silang bakuna at hindi na sila mamamatay. So iyong transmission malaking question mark pa, Usec. Rocky, so talagang tuluy-tuloy sang pagsuot natin ng mask at saka face shield.

USEC. IGNACIO: Opo. Mula naman kay Marvin Calas ng UNTV: Lumabas daw po sa isang pag-aaral sa Singapore na ang isang klase ng antiseptic throat spray na ginagamit rin sa sakit na malaria at  arthritis ay nakakatulong umano para mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 lalo na daw po sa mga high-risk area. Bilang health expert, ano po ang masasabi ninyo tungkol dito; posible rin po kaya itong mai-consider dawn a magamit rin dito sa Pilipinas?

DR. HERBOSA: Alam mo isa sa mga nangyari dito sa COVID-19 ay napakarami ng mga scientific articles na pinag-aaralan kung papaano masugpo ang COVID-19 at mayroon tayong mga spray, injection, tablets, mga lumang gamot na ginagamit uli dito, parang mga libo po, tens and thousands of articles are being published every day.  And ang problema sa siyensya po, matagal mag-prove ng isang efficacy na tinatawag. Sa umpisa parang maganda, later on may side effect pala, later on hindi naman pala effective.

So dahil ginagawa nila iyan, tingnan natin, hindi naman sarado ang isip ko sa mga bago. Pero alam mo matagal talaga ma-prove iyong mga sinasabi at kini-claim ng mga inventor. And kaming mga doctor naman, gagamitin lang namin sa practice namin iyan at sa guidelines namin kung talagang ang ebidensiya ay solid, robust at ginagamit na rin ng ibang mga international countries.

USEC. IGNACIO: Opo. Maraming salamat po sa inyong panahon at siyempre sa inyong mga naging paliwanag, Dr. Ted Herbosa. Salamat po. Mag-ingat po kayo, Doc.

DR. HERBOSA: Maraming salamat, Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO: Sa inilabas namang bulletin ng Department of Health kahapon, nadagdagan ng 20,509 ang mga gumaling mula sa COVID-19 kaya nasa 903,665 na ang total recoveries sa bansa. 8,162 ang mga bagong nahawaan ng sakit o katumbas ng 997,523 na ang kabuuang kaso. Higit isandaan naman po ang naitalang dagdag na nasawi kaya umabot po ito sa 16,783 na ang bilang ng lahat ng mga namatay dahil po sa COVID-19. Dahil sa mataas na recovery, bumaba naman po sa 77,075 ang active cases sa buong bansa.

Isa po sa mga nag-inspire rin na magtayo ng community pantry sa kanilang lugar ay ang isang beinte singko anyos na estudyante mula po sa Naga, Camarines Sur. Kaya po kumustahin natin ang pagbabayanihan ng ating mga kabataang Bicolano. Makakausap po natin ang organizer ng Cararayan Community Pantry na si Marvin Klint del Valle. Marvin, good morning.

Wala kang audio, Marvin. Sige babalikan po natin si Marvin, medyo nawala po iyong ating audio para dito.

Samantala, libreng drive thru swab test para sa mga PUV drivers sa Davao City simula na ngayong araw. Ihahatid iyan ni Julius Pacot ng PTV-Davao.

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Julius Pacot.

Tuluy-tuloy naman po ang pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19 ng Caloocan City sa mga residente nitong kabilang sa A1 hanggang A3 priority list. Ngayong araw ay nagbakuna na ito ng second dose ng COVID-19 vaccine sa health workers at may comorbidity. Ang update niyan alamin natin mula kay Cleizl Pardilla. Cleizl…

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Salamat sa iyo, Cleizl Pardilla.

Aabot po sa apat na libong katutubong Aeta mula po sa Pampanga ang natulungan ng pamahalaan at ng tanggapan ni Senator Bong Go para makabangon mula sa dagok ng pandemya. Narito po ang report:

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO: Kasabay ng patuloy na maritime standoff sa pagitan ng Pilipinas at China ay ang usapin din ng umano’y overfishing sa West Philippine Sea kaya naman patuloy rin po ang mga hakbang na ginagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para po pangalagaan ang ating mga karagatan, kaugnay niyan ay makakausap po natin si BFAR National Director Undersecretary Eduardo Gongona. Magandang umaga po, Usec.!

BFAR DIR. GONGONA: Magandang umaga po, madam! Director Gongona lang po ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Magandang umaga po sa inyong mga tagapakinig. Good morning!

USEC. IGNACIO: My apologies po, Director. Nito pong weekend ay nagsagawa po kayo ng comprehensive maritime exercises kasama po ang Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea. So, kumusta po ang kinalabasan nito; hindi po ba kayo nagkaproblema doon sa mga Chinese vessels?

BFAR DIR. GONGONA: Sinusuportahan po namin ang efforts ng government specially doon sa West Philippine Sea kaya ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay sumasama po sa mga ginagawang activities po doon. Recently, nag-conduct po sila ng exercises kasama po iyong Bureau of Fisheries and Aquatic Resources monitoring control surveillance vessels po namin, lima po sila doon, and okay naman po iyong report sa amin ng Philippine Coast Guard.

And ang significant effort ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources pati ng ibang ahensiya na kasama po doon gaya ng Philippine Coast Guard and the Philippine National Police at iba pa ay para pangalagaan iyong ating mga fishermen doon, ang ating fishing vessels, ang environment at saka iyong pinaka-significant effort doon is to prevent illegal unreported unregulated fishing and of course iyong aming pagpapatupad ng Fisheries Laws po sa ating bansa.

Thank you very much and good morning po.

USEC. IGNACIO: Director, gaano po ba kalaki ang pinag-uusapan nating yamang-dagat sa loob ng Exclusive Economic Zone natin sa bahagi ng West Philippine Sea?

BFAR DIR. GONGONA: Ang estimated production ng buong West Philippine Sea sa taong 2020 ay tinatayang 324,312 metric tons at nakapag-ambag ito ng 7.36% sa produksiyon ng buong sektor ng pangisdaan po sa Pilipinas. At ang estimated po na production data na ito ay pinagsama-samang datos ng produksiyon ng marine captured fisheries, iyong galing sa dagat at ang parehong municipal at commercial fisher sectors ng mga rehiyon at probinsiyang nakaharap sa West Philippine Sea. At ang mga region po na nakaharap sa West Philippine Sea ay ang Region I, Region III, Region IV-B and part of National Capital Region kaya po ay mahalaga po sila dahil nag-aambag po sila ng kaukulang 7.36% ng buong produksiyon ng Pilipinas po sa pangisdaan.

USEC. IGNACIO: Director, mayroon po ba daw na ebidensiya ng di umano’y overfishing doon lalo na ngayong may nagaganap na maritime dispute sa lugar?

BFAR DIR. GONGONA: Sa ngayon po ay patuloy tayong nangangalap ng mga maraming impormasyon tungkol sa hangganan ng epekto ng fishing activities ng mga Chinese fishing vessel sa West Philippine Sea. Kasabay nito ay pinalakas natin ang ating pagpapatrolya kasama ang buong task force ng West Philippine Sea upang labanan kung mayroon mang overfishing na nagaganap po doon.

USEC. IGNACIO: Director, sinabi po ng isang grupo ng mga scientists na posible nga daw pong mag-collapse ang buong fishing industry sa bansa kapag daw po nagpatuloy pa iyong illegal fishing ng mga Chinese vessels na ito. Ano po ang masasabi ninyo dito?

BFAR DIR. GONGONA: Nais nating bigyang-diin na malawak ang pangisdaan ng Pilipinas. Malawak po ang pangisdaan ng Pilipinas at marami tayong mayayamang lugar na pangisdaan bukod sa West Philippine Sea. Sa katunayan, isa sa mayayamang bahagi ng ating karagatan ang municipal waters na siyang pinaka-pangunahing lugar, pangitlugan at tirahan ng mga isda at iba pang lamang-dagat po.

At bukod diyan sa capture fisheries sub sector na may sakop ng marine municipal at commercial fishing sa iba pang mga bahagi ng bansa. Nariyan [garbled] sub sector na patuloy ang paglago ng produksiyon nitong mga nakaraang taon bunga na rin ng iba’t-bang programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Gayunpaman, totoong malaki ang kahalagahan ng West Philippine Sea bilang isang lugar pangisdaan para sa libu-libo nating mga mangingisdang Pilipino. Dapat lamang na atin itong pagyamanin at bigyang-proteksiyon sa anumang gawaing sumisira ng mga likas na yaman nito. Ang ano man pong pagkasira nito ay makakaapekto sa ibang bahagi ng ating karagatan at maging sa karagatan ng ibang bansa dahil sa dapat nating tandaan, ang ating karagatan o katubigan ay magkakaugnay.

Kaya naman patuloy sanang isinusulong natin ang ating kasarinlan sa West Philippine Sea at kinukondena natin ang lahat ng mga posibleng iligal na pangingisda doon. At kung may naapektuhan mang mangingisda dahil sa mga insidenteng ito, sinisiguro po namin sa inyo na ang pamahalaan ay patuloy na tumutugon sa sitwasyon, sa sitwasyon po ng kung mayroon mang naaapektuhan.

Thank you, madam.

USEC. IGNACIO: Director, may tanong lang, may follow-up po diyan si Celerina Monte ng Manila Shimbun sa inyo. Ito po ang tanong niya: With the presence po Chinese vessels including their fishing vessels in the West Philippine Sea, do you expect Filipino catch to dwindle daw po in that particular area; if so, how much?

BFAR DIR. GONGONA: Nasabi na po namin na sa buong pangisdaan ng Pilipinas, ang naiku-contribute ng West Philippines Sea is more than 7% ng buong catch ng Pilipinas pero mahalaga po siya kasi karamihan ng catch po sa kaniya ay pumupunta po iyan sa Metro Manila kaya kailangang pangalagaan po natin siya at kailangan lang na makuha natin iyong fair share na catch natin sa West Philippine Sea para naman sa ating food production, para sa ating fish sufficiency program and of course iyong food security natin.

May negatibong effect talaga ang illegal fishing kaya ito ay isang tinutugunan natin. Ang illegal, unreported, unregulated fishing ay pangunahing mandato po ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kaya sa West Philippine Sea kung mayroon mang illegal, unreported, unregulated fishing kami po ay kailangan nandoon, ang mga bark0 natin kasama na iyong ating mga ibang ahensiya na makakatulong po doon para lang ang illegal, unreported, unregulated fishing ay matugunan po natin doon at saka mapangalagaan po natin ang ating mga fisherman, mapangalagaan iyong mga fishing vessel, and of course iyong environment na pinagkukuhanan natin ng mga produktong yamang-dagat po sa West Philippine Sea.

At sa isyu na marami siya, sabihin natin na we are—kailangan talaga makuha natin iyong share natin na para sa—ma-catch natin iyong mga isda na dapat nating usually na naka-catch po natin because kailangan natin iyan sa food security natin, kailangan natin na magkaroon ng supply ng isda dito sa Pilipinas lalo na sa Metro Manila.

USEC. IGNACIO: Opo. Director, ang tanong po ni Celerina: Nagkaroon po ba ng epekto sa ating mga activity diyan or iyong ating mga nakukuha o naha-harvest diyan sa bahagi ng West Philippine Sea, iyong presence po ng Chinese or fishing vessels?

USEC. GONGONA: Threatened po tayo, kaso kung ako ang tatanungin, personally, kailangan lang talaga natin na i-let po natin ang  ating mga fisherman, encourage po natin siya na lumabas  at mangisda doon sa  West Philippine Sea, kasi  kailangan natin na makuha natin iyong dapat na mahuli natin na isda po doon. Marami din po iyon, more than 300,000 metric tons every year. And hinihikayat namin sila na huwag matatakot po doon kasi ang purpose po nating pumunta doon ay mangisda. Hindi tayo nagpupunta doon para sa anumang ibang bagay, kung hindi mangisda tayo, because that is our common fishing grounds, that is our traditional fishing ground.

Kaya nga hinihikayat natin na ang ating mga mangingisda na pumunta po doon. At sa amin naman, sa gobyerno, kailangan ay sinusuportahan natin iyong ating mga mangingisda, we protect them, we protect the fisherman and fishing vessels and of course the environment. At saka ipinapatupad natin iyong ating mandato, kagaya ng sa amin mandato ng fisheries code na kailangan talagang ipatupad natin, lalo na iyong West Philippine Sea na lugar na nasa Pilipinas. And we have to do that.

USEC. IGNACIO: Follow up po ni Celerina: Do you intend po to file charges against these Chinese fishermen in our local courts?

USEC. GONGONA: Mayroon po tayong National Task Force for West Philippine Sea. Iniuugnay po namin ang lahat ng efforts po sa kanila at iyan sila po ang nangunguna po doon at kung mayroon mang mga issues na nakikita po nila doon, lalo na kung mayroong nag-i-encroach, they make recommendations para lang magkaroon tayo ng—you know, ang ginagawa po natin ngayon ay continuous protest ng mga presence kung napi-feel natin na we are on the disadvantage.

At ito ay sino-solve natin sa whole of nation approach, kaya nga nandiyan po iyong National Task Force – West Philippine Sea at member po kami doon at sinusuportahan po namin kung anuman ang dapat na aksiyon na dapat gawin po.   Ganoon po, kami ay in full support at kung kailangan ng asset ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para magpatrolya doon, talagang ano, sumasama po kami, sini-send po namin iyan and we have made this commitment para talagang mapangangalaan ang ating fishermen, ang mga fishing vessels and of course the environment.

USEC. IGNACIO: May tanong po si Joseph Morong ng GMA News: In your monitoring, ano po ang ginagawa ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea, ano po ang activities daw po nila doon?

USEC. GONGONA: According to the report of National Task Force – West Philippine Sea ay wala pong report na talagang ang ating mga fishermen ay minamaltrato po doon on the disadvantage at naghihintay pa rin po kami ng mga reports tungkol diyan and we just feel that our fisherman are threatened pero ang kailangan lang talaga ay hikayatin natin, encourage them na talagang dapat nandoon sila. Of course iyong other side kung kini-claim nila iyong area, they we will be putting up some activities there.

Pero kung ako ang tatanungin, kung ako iyong mangingisda hindi ako matatakot pumunta doon kasi iyong gobyerno, kailangan, basta maibigay lang ang confidence ng gobyerno na they are there to fish. So, kailangan iyong BFAR and Coast Guard and the others ay nandiyan din para pangalagaan sila, to protect the fisherman, protect the fishing vessels and of course protect the environment na nagpu-produce ng mga ganiyang yamang-dagat na kailangan natin sa food security.

May mga posibleng nagaganap na illegal fishing, ayon sa pahayag ng Task Force, kaya tayo ay nagpapakita ng presensiya doon, and of course all other issues ay kina-qualify pa rin. But iyong Philippine Coast Guard ang nangangalaga ng environment ay nandoon po basically para pangalagaan ang ating fishermen, ang ating mga fishing vessels and of course, iyong environment na nagpu-produce nitong yamang-dagat po na ito para sa ating food security.

USEC. IGNACIO:  Kami po ay nagpapasalamat sa inyong panahon, BFAR National Director Eduardo Gongona, mabuhay po kayo and salamat po sa inyong oras, Director?

USEC. GONGONA:  Salamat po, Madam. Anytime po and I hope na nagawan po namin ng solusyon. Masabi ko lang po, Madame na hinihikayat namin ang mga coastal communities na sumali po sa MMK, Malinis at Masaganang Karagatan.  Kasi ito ay itinataguyod nila ang pangalagaan ang ating municipal water na talagang Napakaimportante kasi nagpu-produce po siya ng mga isda diyan siya nagri-regenerate, diyan nag-i-spawn para iyong isda na iyan, pag adult na napupunta po sa West Philippine Sea.

Masabi ko lang na 92% ng produksiyon ng Galunggong ay galing sa Palawan. Ang Palawan is part of West Philippine Sea, kapag mayroong Galunggong at other small pelagic, iyan ang pagkain ng Pilipino, fish-eating Filipinos, pagkain din po iyan ng malalaking isda. Kaya ngayong panahon nga, open-fishing season diyan pati iyong malalaking isda, migratory fish like tuna marami po diyan ngayon, kasi may pagkain sila. Kaya nga dapat pangalagaan natin ang ating municipal water lalung-lalo na iyong sa West Philippine Sea. Thank you very much, good morning po.

USEC. IGNACIO: Okay, maraming salamat po sa inyong panahon, Director.

Samantala, puntahan naman natin ang mga balitang nakalap ng Philippine Broadcasting Service, kasama si John Mogol ng PBS-Radyo Pilipinas, John?

[NEWS REPORT]

USEC. IGNACIO:  Maraming salamat sa iyo, John Mogol ng PBS Radyo Pilipinas.

At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio mula sa PCOO. Hanggang bukas pong muli, dito sa Public Briefing #LagingHandaPH.

###

SOURCE: PCOO-NIB (News and Information Bureau-Data Processing Center)